ni Balderic
6:00 am na nang umaga. Ginising ni Jeric ang grupo. May mga eyebags pa si Jeric na halatang kulang ang tulog. Unang nagising sina Danny at Dwayne, kasunod naman sina Andrew at ang mga girls. Tinignan nina Nikka at Erich ang cellphone nila subalit walang signal at 20% na lang ang battery life. Sumilip sandali sa glass window si Jeric. Medyo maliwanag na. Tahimik ang paligid. Walang pulis oh rescue team syang naririnig. Tanging mga ungol ng mga infected ang naririnig nya at nakikitang suray suray na naglalakad. Bumalik sya at humarap sa grupo.
“Okay ganito ang nakikita kong sitwasyon natin, dahil sa nangyari kagabi, sa tingin ko ay matatagalan pa bago may dumating na tulong para sa atin. Kanina pa ako naghihintay ng pulis oh rescue pero wala man lang akong naririnig. Wala ring signal ang mga telepono. Kaya sa ngayon, meron akong good news at bad news. Ano gusto nyo marinig muna?” Paliwanag ni Jeric.
“Okay kuya ang bad news muna.” Sagot ni Sheryl.
“Ang bad news ay kailangan nating lumabas dito para mag hanap ng supplies. Walang taong makakatulong sa atin. Kailangan natin ng pagkain at kung ano ano pa para mabuhay. May alam akong pharmacy malapit dito. Pwede nating lakarin yun dun.”
“Ha!? Naku kuya ayoko, nakakatakot! Baka makain tayo ng mga tao na yan sa labas! “ sagot naman ni Erich.
“Kailangan ko lang ng dalawang tao. Ang iba ay maiwan.”
“Sige, handa kami ni Dwayne sumama sayo kuya.” Sagot ni Danny.
“Hinde, maiwan na lang dito yang kasama mong si Dwayne. Itong isa na lang na kasama nyi kasi matangkad at mas malaki ang katawan.” Sabay turo kay Andrew. Napatingin sa kanya ang grupo.
“Um wait, teka lang. I’m sorry I don’t think I can handle going outside. It’s too dangerous at saka maliwanag na sa labas. Mabilis tayong makikita nila.” Sagot ni Andrew. Halatang natatakot.
“Brad, malaki katawan mo. Kung sakaling meron tayong makakabanggang tulad nila, alam kong makakatulong ka para mabilis nating madispatya ang mga infected na yan sa labas.” Medyo iritado ang boses ni Jeric.
“I’m sorry but I can’t.”
“Ang laki laki ng katawan mo, naduduwag ka? “ sagot ulit ni Jeric at medyo mataas na boses. Napa nganga si Andrew. Biglang pumagitna si Nikka at humarap kay Jeric.
“Sandali. Please, kamamatay pa lang ng kaibigan nya. I don’t think he is capable mentally. Baka kung mapano sya.” Pagtatanggol ni Nikka kay Andrew.
“Pero Nikka… “
“Wag ka ngang sumabat Danny. Hinde ikaw kausap ko! “ mabilis na sabat ni Nikka. Napa kamot nalag ng ulo si Dwayne sa inasal ng ex ng kabarkada nya.
“Okay sige, itong si Danny nalang. Maiwan na lang dito si Dwayne para may makapagtanggol sa inyo dahil hinde naman ata kaya makipaglaban ni Andrew.”
“Okay sige.” Sagot naman ni Danny. Nakipag fist bump muna ito kay Dwayne at humarap kay Nikka. Pero di sya tinitignan ng babae. Magsasalita na sana si Danny pero tumalikod ito at lumayo.
“Ano naman ang good news? “ tanong pa ni Erich.
“Meron parin tayong tubig at kuryente.”
Lumabas si Danny kasama si Jeric at mabigat ang loob. Hinde parin sya binibigyan ng pagkakataon ni Nikka na magkaayos oh magka usap man lang.
—-
By:Balderic
Pagkalabas nina Danny at Jeric, nakayuko silang mabilis na naglakad at nagtago sa isang sasakyang bumangga sa gilid. Sumilip si Jeric at inobserbahan ang lugar. Hinde ganun karami ang infected na pagala gala. Maingat na kumilos ang dalawa. Isang maling galaw ay posibleng ika peligro ng buhay nila.
Nadaanan nina Jeric at Danny ang kotse ni Andrew. Hinde naiwasang tignan ni Danny ito. Nakita nya ang bangkay ni Richard. Wala nang natirang balat at muscles sa ulo nya at bungo nalang na may natutuyong dugo. Halos wala naring natira sa leeg nya. Putol ang dalawang braso at warat ang tiyan. Napalunok ng laway si Danny. Ngayon palang nya naramdaman ang ganitong klaseng takot. Isang napakasakit na kamatayan ang kakahinantnan nila kung sakaling madakip sila ng mga infected. Napa pikit si Danny at mabilis na sumunod kay Jeric.
Nakarating na sila sa pharmacy ku saan pumunta si Flora nung gabi. Inobserbahan muna nila ang loob. Wala silang marinig na ingay. Dahan dahan silang pumasok. Maraming tinda ang nasa loob ng pharmacy. Medyo malaki ito at hinde lang gamot kundi mga pagkain at ilang supplies rin ang narito. Kumuha ng mga bags ang dalawa at nagsimula nang mag loot.
Kumuha ng mga gamot at pagkain si Jeric. Ibang supplies naman ang kinuha ni Danny. Punong puno ang bag nila. Tinignan ni Jeric ang paligid.
“Sa tingin ko magandang lugar ito para maka survive tayo. Maraming supplies at barricade lang ang kailangan para ma secure ang lugar.” Wika ni Jeric.
“Hinde na kuya, kailangan na rin naming maka uwi. Sigurado akong hinahanap na ang mga kaibigan ko ng mga pamilya nila.”
“Ganun ba. Bakit ikaw, asan mga magulang mo? “
“Nasa sorsogon tatay ko. Wala na akong nanay.”
“Okay sige, kailangan nating makakuha ng masasakyan kung aalis tayo dito.”
Palabas sila ng pharmacy ng makasalubong nila si Flora. Mapulang mapula ang bibig at mga kamay at may bahid ng dugo ang damit. Napa atras si Danny.
“Patayin mo bata! “ utos ni Jeric.
“Hinde ko kaya… hinde… “ natatakot si Danny at papalapit na ang infected.
“Tang ina… um! “ sinipa ni Jeric si Flora at kumuha ng isang steel bar na nasa paligid. Inapakan nya ang dibdib ni Flora at humanda na sya para paluin ang ulo nito.
“Kuya… “ napa tingin si Jeric kay Danny sandali.
“BAAASSHH!!! “ “UUURRGGHH!!! “ isang malakas na hampas sa ulo ang tinamo ni Flora at nabasag kaagad ang ulo neto. Tumalsik ang dugo ng dalaga sa pantalon ni Jeric.
“Gguuwaarrkk!!! “ napa suka si Danny sa nasaksihan. Basag ang ulo ni Flora at labas ang utak neto.
“Okay ka lang? “ tanong ni Jeric. Umiling si Danny. May napansin si Jeric na paparating na mga infected at mabilis na silang umalis.
—-
Nakarating sila sa botique at napakain nila ang grupo. Sinabihan narin ni Jeric ang plano nilang pag alis. May nakitang van si Jeric sa di kalayuan at kilala nya ang may ari neto. Nakuha kagad ni Jeric ang susi at sumakay sila.
“Umiwas tayo sa main road. Baka marami pa tayong makakasalubong dun specially sa Edsa.” Wika ni Danny.
“Magandang idea bata.” Sagot ni Jeric.
Habang nasa daan sila, marami silang nakitang nagkalat na mga bangkay, mga sasakyan at mga taong nagsisitakbuhan at nang loloots. Napapaluha sina Sheryl at Erich sa mga nasasaksihan nila. Hinde sila makapaniwalang maraming nadamay sa pangyayari. May nadaanan silang isang babae na pumapara sa kanila.
“Please! Pasakay po! Tulongan nyo po akooo!!! “ sigaw ng babae. Papara na si Jeric ng hawakan ni Andrew ang balikat nya.
“Wag kang huminto. May kagat sya.” Wika naman ni Andrew sabay turo sa bandang binti ng babae.
“Eh bakit kung may kagat sya? “
“May possibility na dito na iinfect ang tao sa kagat. Kung papasakyin natin sya baka pati tayo ma hawa rin. Ideretso mo lang.”
Umiling na lang si Jeric at nilampasan ang babae. Umiiyak ang babae habang nakiki usap sa kanila pero hinayaan na lamang nila.
“KRAAASSHHH!!!! “ “AAAAHH!!! “ Isang infected ang biglang bumangga sa gilid ng kotse. Napasigaw ang grupo. Basag ang front passenger window kung saan naka upo si Andrew. Mabilis na pinatakbo ni Jeric ang sasakyan. May dalawa pang infected na tumatakbo at hinahabol ang sasakyan. Napatingin ang grupo sa likod ng van. Mabilis ang mga ito at mapupula ang mga mata. Tila mababangis na hayop.
“God! Akala ko ba naglalakad lang sila!? Bakit may tumatakbo!? “ tanong ni Dwayne.
“Posibleng hinde lahat ng tao ay same ang reaction sa infection. May nakakatakbo at ang iba naman ay nakakapaglakad lang.” paliwanag naman ni Andrew.
“Oh my God! Yung babae tignan nyo! “ sigaw ni Nikka. Nakita nilang ang babaeng pumara ang pinagbalingan ng mga infected at mabilis itong sinunggaban. Hinde na ito nakapalag pa. Narinig pa nila itong sumisigaw pero hinde na nila makita ang babae dahil natakpan na ito ng maraming infected na sumunggab sa kanya.
“Shit! Fuck! Ano bang nangyayari sa mundo!? Katapusan na ba to!? “ sigaw naman ni Andrew.
—-
Nakakalayo na sila. Nasa Galleria area na ang van ng makasagap ng signal si Sheryl. Sinabihan nya ang grupo at kanya kanya silang nag check ng cellphone. Tinawagan ni Sheryl ang parents nya pero hinde ito macontact. Si Danny naman ay nakontak nya ang tatay nya sa Sorsogon at maayos naman ito. Si Erich naman ay nakausap nya nanay nyang nasa Quezon City General Hospital at maayos rin. Hinde makontak ang parents ni Dwayne. At kay Nikka rin ay hinde makontak.
“Kuya pwede bang ibaba nyo na lang ako malapit sa isang sakayan? Ako nalang pupunta sa QC Gen.” wika ni Erich.
“Delikado iha. Tsaka walang bumibyahe ngayon. Nakikita mo namang ang buong NCR ay ganito ang sitwasyon. Wala tayong aasahan kundi tayo tayo na lang.”
“Pero kailangan na naming umuwi.”
“Isa isahin natin ang pagdaan sa inyong mga bahay.”
“Okay sige. Pwede bang sa amin muna kasi kami pinaka malapit dito at hinde ko makontak parents ko.” Pakiusap ni Nikka. Pumayag naman ang grupo.
—-
Maraming daan ang hinde nila madaanan dahil sa dami ng barikada at mga nakaharang sa mga kalsada. Wala nang ibang paraan kundi ang mapadaan sila sa Edsa. Narating na nila ang Edsa pero mas maraming sasakyan ang nakaharang dito. Dumaan sila sa isang crossing malapit sa Cubao. Pagkadaan nila sa Edsa ay isang grupo ng infected ang nakita nila na hinahabol ang ilang mga survivors. Mabilis na pina andar ni Jeric ang sasakyan subalit napahinto sila ng may isang lalake ang humarang sa daan at tinutukan sya ng baril.
By: Balderic
“Bumaba ka dyan!? “ sigaw ng lalake. Kasama nito ang isang babae at dalawang bata. Isang pamilya ito.
“Shit, anong gagawin natin? “ tanong naman ni Erich.
Binuksan ni Jeric ang bintana nya at nilabas ulo nya.
“Malaki ang van pare! Pwede kayong sumabay sa amin. Sumakay na kayo.”
“Hinde! Akin na ang sasakyan na yan! Bumaba kayo dyan kundi papatayin ko kayo! “ banta naman ng lalake.
“Hon sumakay nalang tayo.” Paki usap ng asawa ng lalake pero di ito pinansin.
“Pare, sebilisado naman tayong tao. Pwede nating ayusin ito. Lahat tayo makakaligtas kung sasakay na lang kayo.” Wika pa ni Jeric.
“BLAM! “ “Wag nyo akong pilitin! Baba! “ pinaputok ng lalake ang baril at nagbanta ulit. Napilitang bumaba ang grupo. Nakataas ang mga kamay nila.
“Dyan kayo sa gilid. Dyan! “ pinapunta ng lalake sa gilid ng kalsada ang grupo. Lumapit naman ng bahagya si Jeric sa lalake.
“Hanggang dyan ka na lang! Wag kang lalapit! “
“Kalma lang pre. Kalma lang, hinde ako lalapit.”
“Grraaahhhh!!!! “ isang malakas na sigaw ng mga infected ang narinig nila. Nakita nila ang daan daang infected ang papalapit sa kanila at ang iba rito ay mabilis na tumatakbo. Napatingin dito ang lalake at ito ang naging tyempo ni Jeric para pumalag. Hinawakan nya ang baril at nakipag agawan sa lalake.
“Bilis! Pumasok na kayo! “ sigaw ni Jeric sa grupo. Sumakay naman kaagad sina Nikka at sa driver seat naman si Andrew. Pina andar nya ito kaagad.
“Jeric sakay na!!! “ sigaw ni Andrew.
“Mauna na kayo! “ sinipa ni Jeric ang lalake. Nabitawan ang baril at nakipag suntukan ang lalake sa kanya.
Samantala, pina andar naman ni Andrew ang sasakyan at mabilis itong pinatakbo. Hanggang sa…
“Aaaaaahhhh!!!!! “ “KABLAAGGG!!!! “ “OH MY GOOOD!!! “ Nabundol ni Andrew ang mag ina ng lalake. Nakahandusay sa daan ang babae at ang dalawa netong anak. Hinde ito gumagalaw ng makalampas ang van.
“Putang ina Andrew!!! Anong ginawa mooo!!! “ sigaw ni Danny kay Andrew. Napa hinto si Andrew at tinignan ang mga ina. Gumalaw ang mga ito pero mahina.
“Mga hayop kayoooo!!!! Mga hayop kayoooo!!! “ sigaw ng lalake. Lumapit ito sa mag ina nya. Iniwan nya si Jeric at tumakbo ito sa van.
Niyakap ng lalake ang mag ina nya. Sumisigaw ito at umiiyak. Nakasakay naman kaagad si Jeric.
“Hinde ko sinasadya… .hinde ko sinasadya… .oh God!!!! “ paghihinagpis ni Andrew. Naluluha ito at nanginginig. Hinatak ni Jeric si Andrew at nakipag palit ito ng upuan sa driver seat. Umupo sa likod si Andrew at umiiyak.
“I didn’t mean it! Nabigla ako… hinde ko sila napansin……”
“Sshhh…tama na Andrew… tama na….” niyakap ni Nikka si Andrew na umiiyak sa dibdib nya. Napatitig si Nikk kay Danny. Puno ng galit ang mga mata ng lalake. Sina Erich naman at Sheryl ay umiiyak rin habang napapa iling na lang si Dwayne. Pina andat ulit ni Jeric ang van. Sinilip nya sa side mirror ang lalake.
Naabutan ng ilang runners ang lalake. Sinakmal kaagad nito ng kagat ang lalake. Hinde na nakapanglaban ito. Sunod sunod na infected ang lumapit sa kanya at para itong mga gutom na hayop na nilapa ang leeg at ulo ng lalake.
“AAAAAAAARRRGGGGHHH!!!!! EEEEYAAAAAAAAAHHHHH!!!! “ Isang nakakagimbal na sigaw ang narinig ng grupo. Marami na ang nag gang up sa lalake. Maging ang asawa nito at dalawang anak ay nilapa na rin ng dumating na mga infected. Tila nag pyesta ang mga ito sa mga katawan ng pamilya. Wala nang nagawa sina Jeric kundi ang makitang kinain ng buhay ang pamilya. Iniwan na nila ito.
—-
Ilang oras ang nakalipas, nakarating na sila sa lugar ni Nikka. Tahimik ang lugar. Walang tao at infected sa paligid. Parang isang massive evacuation ang naganap. Tumigil sila sa kinaroroonan ng bahay ni Nikka. Subalit nanlaki ang mga mata ni Nikka ng makita itong natupok ng apoy. Tatlo pang bahay na kadikit ng bahay nila ay natupok rin. Lumabas ng van si Nikka.
“Diyos ko! Mamaaaaa!!!! Papaaaaaa!!!!!! “ humagulgol si Nikka. Napaluhod ito sa harap ng bahay nilang abo na lamang ang natira. Bumaba rin ng van si Andrew at Danny. Lumapit si Andrew at yumakap sa kanya si Nikka. Nalungkot naman si Danny sa pangyayari at nasasaktan rin sya dahil hinde sa kanya lumapit si Nikka. Yumuko na lamang ito at inalayan ng panalangin ang pamilya ni Nikka.