Categories
Kwentong Kalibugan

Aguinaldo

Nagsimula sa katuparan ng pantasya na ipagamit ang mahal na asawa sa kanyang kaibigan… Humantong sa masalimuot na mga pangyayaring puno ng pagtataksil… kasinungalingan… poot.

————————-

Enero ng taong ito, nasa Batangas si Dennis para sa ika-40 araw ng pagpanaw ni Greg. Ilang araw na din mula ng unang anibersaryo ng pagkawala ng asawa nitong si Elsa at ng bunso nilang anak.

Nakakalungkot na isang taon makalipas ang biglaang pagkawala ng kanilang kumare at ng iniluwal nitong sanggol, heto at si Greg naman ngayon ang kanilang ipinagluluksa.

Nagdadalamhati ang mga naulila. At dahil sa pagkamatay ni Kaloy sa kamay ng mga pulis ay wala nang mananagot sa pagkawala ni Greg.

Kung siya lang ang masusunod ay mas gusto sana ni Dennis na siya mismo ang tumapos kay Kaloy. Nang maiganti nya ang kahayupang ginawa nito kay Pam, ang pagtatangka nito sa kanyang buhay, pagpatay nito kay Greg, maging ang masamang balak nito kay Diane.

Napahipo si Dennis sa harap ng kanyang kaliwang balikat. Kinapa ang pilat mula sa sugat na kagagaling pa lamang. Ang tama ng balang kumitil sa buhay ng kumpare dahil sa pagsagip nito sa kanya.

Naroon pa rin ang kirot sa dibdib. Masakit ang mapagtaksilan, masakit din ang mawalan ng mahal sa buhay. At tanging si Dennis na lamang ang habambuhay na uusigin ng kanyang kunsensya sa maagang pagpanaw ng matalik na kaibigan.

“Ninong… ok ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Pam.

Kanina pa niya napapansin na hindi mawala ang kunot sa noo ng kanyang ninong habang nakahipo ito sa balikat at nakamasid sa lapida ng kanyang papa. Salubong ang kilay at balisa. Malamlam ang mga mata nitong tanging nakasungaw sa suot na face mask. Tuwing kakausapin ay blangko ito at tila may ibang iniisip.

“Haa? Ahh… O-oo.”

“May problema ba?… Si ninang? Kaya ba hindi sila sumama ni JR?”

Napalingon si Dennis kay Pam at isang malalim na buntong-hininga lamang ang naitugon niya sa inaanak.

Kagabi, pagpasok ni Dennis sa kanilang silid ay mahimbing na ang tulog ni Diane. Si JR ay tulog na din sa kwarto nito. May tinapos pa kasi siyang palabas kaya’t nahuli na siyang pumanik.

Ibinukod na nila ng silid ang anak dahil mula nang umuwi ang mag-ina sa kanilang bahay, iwasan man nilang mag-asawa na magtalo ay nadadalas pa din ang mga diskusyon nila tungkol sa nakaraan. At iniiwasan nilang makita at madinig iyon ni JR.

Matapos makapaligo ay nahiga na din si Dennis, pinatay ang ilaw mula sa lamp shade sa gilid ng kama, at maingat na pumailalim din sa kumot na nakatabon sa kanyang asawa.

Nakatagilid ng higa si Diane at nakapaling palayo. Mula nang sumabog ang mga rebelasyon tungkol sa kani-kanilang pagtataksil ay tila nanlamig na sila sa isa’t isa at hindi na natutulog ng magkayakap di gaya ng dati. Ay iyon ay isang bagay na na-miss na ni Dennis gawin.

Malamig ang simoy ng hanging amihan sa labas tuwing unang buwan ng taon. Iyon din marahil ang rason kaya’t tila mas malamig ang buga ng aircon sa loob ng kanilang silid.

Makapal man ang kumot na nakatabon sa kanya ay parang naghahanap ang kanyang balat ng ginhawa mula sa init ng katawan ng kanyang asawa.

Umusod siya papalapit kay Diane. Idinantay ang kanang braso sa bewang nito, at niyakap ito mula sa likod. Nadama niya ang munting kislot ni Diane na tila naalimpungatan nang maramdaman ang bigat ng kanyang brasong yumakap sa katawan nito.

“Hon… gising ka pa?” bulong niya sa asawa na nanatiling nakatalikod lang at waring tulog pa din.

Lingid sa kanya ay may munting ngiti na gumuhit sa labi ni Diane habang nakapikit pa din ito. Matagal na din niyang hindi naramdaman ang makulong sa mga bisig ng mister. At ang yakap nito ngayo’y tila pumapawi sa lamig na nanunuot sa kanyang katawan.

Wala naman talagang ibang balak si Dennis, gusto lamang sana niyang matulog ng kayakap ang misis. Ngunit sa pagkakaduldol ng kanyang balakang sa pwetan ni Diane ay may unti-unting nabubuhay sa kanyang harapan.

Naramdaman iyon Diane. Sa nipis ng sedang shorts na suot ay dama nya ang paninigas ng ari ni Dennis na nakasiksik sa pagitan ng kanyang mga hita, sa ilalim ng pwet.

“Hon usod ka dun… nasisikipan ako…” ilang na sita niya dito.

Pakunwa’y bahagya pa nitong itinulak palayo ang balakang ni Dennis at nagmuwestrang mahiga ito ng maayos sa pwesto nito. Ngunit sa halip na sumunod ay mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa kanya.

“Payakap lang… na-miss na kitang yakapin ng ganito.”

Wala nang nagawa si Diane kundi ipikit na lang ng madiin ang kanyang mga mata sa paglalayong bumalik sa pagtulog. May dulot mang kilig sa damdamin ang ikinikilos ngayon ng mister, ayaw na niyang isiping may higit pang mangyayari sa kanilang mag-asawa dahil sa tuwina ay hindi naman iyon natutuloy.

Mahirap maging intimate kung palagi na lang ay naaalala mo ang mga kasalanan na iyong nagawa. Mahirap magpaubaya kapag naiisip mo ang mga kataksilan ng iyong kabiyak.

Ilang beses nang nauudlot ang kanilang pagniniig dahil dito, ngunit hindi na iyon hahayaan pa ulit ni Dennis na mangyari.

Mula sa pagkakayakap niya sa bewang ni Diane ay dahan-dahang pumailalim ang kanyang kamay sa laylayan ng katernong pang-itaas na suot nito. Napakakinis ng tela niyon na dumudulas sa malambot na balat ng kanyang misis.

Napasinghap si Diane nang maramdaman ang paggalaw ng kamay ni Dennis na humihimas ngayon pataas sa kanyang tiyan. Ang mga dulo ng daliri nito’y sumasagi na sa ilalim ng puno ng kanyang suso.

“Hooon… tama na ‘yan please. Matulog na tayo…”

“Shhh… hindi ako makakatulog nito Hon… ang bango-bango mo eh…” bulong ni Dennis habang sinasamyo ang buhok ni Diane at patuloy ang paghimas sa mainit nitong katawan.

Dumako ang mga labi ni Dennis sa tainga ng asawa, inipit-ipit iyon ng mga labi at pinasayaran ng basang dulo ng kanyang dila. Patuloy na bumaba ang kanyang mga halik sa gilid ng leeg habang ang isang kamay ay nakasapo na sa suso nito.

Unti-unti mang tinatablan ng libog ay hindi magawa ni Diane na lubusang magpaubaya. Naiisip niyang maaalala ni Dennis ang mga namagitan sa kanila noon ni Greg. Nangangamba siya na sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalik ay baka pandirihan siya nito.

Nasasarapan man sa ginagawa ng asawa ay panay ang kanyang pagpupumiglas. Pilit niyang kinakalas ang braso ni Dennis na nakayapos sa kanya, at inilalayo ang pwitan na natutusok ng matigas na bukol nito.

Sa bawat pagkislot ni Diane ay mas hinihigpitan pa ni Dennis ang pagyapos niya dito. Habang nagpupumiglas ay lalo lamang napapakaskas ang balakang nito sa kanya at gayon na lang ang pagwawala ng kanyang tarugo na ikinadyot-kadyot pa niya sa pwetan ng asawa.

“Ughh tang ina… miss na miss na kita kantutin Hon!”

Bigla nitong ipinihit si Diane patihaya. Itinaas niya ang laylayan ng suot nito hanggang sa dibdib, at agad na pinuntiryang susuhin ang utong nito. Napakagat na lang sa labi si Diane sa tindi ng kiliti na kanyang naramdaman.

Mula sa isang suso ay lumipat ang mga labi niya sa kabila habang pumupwesto siya sa ibabaw ni Diane. Marahas nitong ibinuka ang mapuputing hita ng asawa, pumagitna doon saka idinuldol ang tigas na tigas niyang burat sa ibabaw ng katambukan nito.

“Ahhh shit Hon… ang saraaap…”

Napangisi si Dennis sa sarap ng ungol ni Diane na tila musika sa kanyang pandinig. Huling-huli niya pa rin ang kiliti nito at alam niyang bibigay ang asawa kapag nasuso niya ang mumunting mga korona sa dibdib nito.

Umaarko ang likod ni Diane at napapasabunot pa ito sa kanyang buhok sa tuwing kinakagat-kagat niya ang mga utong saka susupsupin. Kanina lang ay nanunuot ang lamig sa kanilang mga katawan ngunit ngayon ay kapwa naglalagablab ang kanilang pagnanasa.

“Na-miss mo din ‘to, di ba Hon? Uhhmm…” at ipinagpatuloy nito ang pagpapak sa mga suso ni Diane habang gumagapang paibaba ang kamay patungo sa hiyas ng asawa.

Kung kanina ay tumututol, unti-unti nang bumibigay si Diane bunsod ng naipong libog. Kay tagal na din mula nang huli siyang naangkin ni Dennis, at ramdam niya ang mainit na likido ng pagkasabik na gumuguhit mula sa loob at nagpapalawa ngayon sa kanyang pagkababae.

Di man tumugon ay kita naman ni Dennis sa kilos ni Diane ang pagkadarang na din nito. Kanina’y humuhulagpos pa ito mula sa kanyang pagkakayakap, ngayon ay lumalaban na ang balakang nito at sinasalubong ang ginagawa niyang pagkaskas ng kanyang naninigas na burat sa tapat ng puke nito.

“Shit Hon, basang-basa ka ka’gad ah!” bulalas ni Dennis nang makapa niya ang panty nito.

Mula sa mga suso ay bumaybay pataas ang kanyang mga labi. Sinapo niya ng isang kamay ang ilalim ng batok ng asawa, saka marahas na hinimod ng halik ang mala-sutlang leeg nito.

Sa pagpasok ng kanyang kamay sa loob ng panty ni Diane ay nangingig pa ang kamay ni Dennis na akala mo’y unang beses pa lamang mahihipo ang hiyas ng asawa. Halos magkandaliyad naman ang misis nang salatin niya ng daliri ang naglalaway nitong hiwa pataas sa may tinggil.

“Fuck Hon… sarap nyaan… ohhhh” usal ni Diane habang tila nilalamukos ang mukha sa tindi ng sensasyong nararamdaman sa pagkakasagi niya sa tinggil nito.

Napakapit ang isang braso si Diane sa balikat ni Dennis. Mabilis namang bumaba ang isang kamay niya upang pawalan ang tigas na tigas na burat ng mister mula sa boxers nito at sabik na sinalsal iyon.

Patuloy na hinagod ni Dennis ang naglalawang hiwa at kinanti-kinti rin ang namimintog na kuntil. Para siyang sinisilaban habang inaaninag ang reaksyon ng mukha ni Diane na halatang sarap na sarap.

Padiin ng padiin ang mga halik niya sa leeg nito, lalo na nang mapamura pa si Diane nang bigla niyang ipasok ang dalawa nyang daliri sa nasasabik nitong lagusan at marahas na ilabas-masok iyon.

“Ahh tang ina mo Hon! Kantutin mo na ‘ko please!” pagsusumamo nito.

Sa nadinig ay bahagyang umahon si Dennis upang hawiin pagilid ang pundya ng panty ni Diane sa ilalim ng maluwag na shorts. Iginiya patutok ang kanyang mainit na burat at inihagod iyon sa naglalawang hiwa ng asawa.

Panay naman ang paling ng ulo ni Diane nang maramdaman ang pagdampi ng kahindigan ni Dennis sa kanyang pagkababae. Lalo na nang ihagod-hagod iyon sa kanyang hiwa at iduldol sa bungad ng nasasabik niyang lagusan.

“Please Hon… pasok mo naaa…” pakiusap nito nang namumungay ang mga mata.

Kahit na may masasamang alaalang nagbabalik sa mga oras na iyon ay pilit iyong iwinaksi lahat ni Dennis. Nakatuon lamang siya sa pagpapaligaya sa kanyang asawa. Matagal na panahon na din mula nang huli niya itong maangkin at sisiguraduhin niyang hindi malilimutan ni Diane ang kanilang muling pagniniig.

Bilang pasabik ay ibinabad lang ni Dennis ang dulo ng titi niya sa entrada ng lagusan nito. Kahit nakapulupot na ang mga hita ni Diane at hinahapit nito ang kanyang balakang ay hindi muna niya iyon ibinaon.

Maging siya man ay libog na libog na din ngunit hinayaan niyang kainin ng pagkasabik si Diane. Habang kumakadyot-kadyot pa din sa bungad ay yumukod siya upang halikan ito sa labi.

“Mmm… Ang sarap mo halikan Hon… ang lambot ng lips mo… Uhmm…” bulong ni Dennis habang masuyong hinahagkan ang mga labi ng asawa.

Ngunit sa halip na gumanti ng halik ay natigilan si Diane sa nadinig.

“Ganyan din ba ang sinasabi mo kay Pam… kapag hinahalikan mo sya, ha?”

Hindi na napigilan ni Diane na maibulalas ang kanina pa bumabagabag sa kanyang dibdib. Di kasi maiwasang maisip na marahil ay doon mismo sa kanilang kama may nangyayari noon sa pagitan ng mag-ninong.

Tinatablan man ng libog ay naroon pa rin ang kirot na dala-dala nito sa kanyang dibdib dahil sa kanyang mga nalaman tungkol kila Dennis at Pam.

Natigilan din si Dennis at ilang saglit na pinagmasdan ang asawa sa kanyang ilalim. Sa bahagyang liwanag mula sa labas na tumatagos sa kurtina ng kanilang silid at tumatama sa mukha ni Diane, ay maaaninag sa dilim ang mga mata nitong nilulukuban ng poot at panunumbat.

“Eh ikaw, ganito ka rin ba bayuhin ni Greg, ha?!”

Bigla nitong itinarak ng sagad ang kanyang burat sa kaibuturan ni Diane at kinantot ito ng marahas. Kahit basang-basa ang kanyang loob ay napapangiwi si Diane sa lakas ng mga bayong sunod-sunod na pinawalan ng mister.

Napakapit si Dennis sa headboard upang lalong idiin ang mga ulos. Yumayanig at halos mapausod ang kanilang higaan sa lakas ng mga kadyot na pinawawalan. Bawat paghindot nito sa asawa ay tila nanunumbat sa ginawa din nitong pagtataksil.

“Ughh… Ano ba! Tama na Dennis, nasasaktan ako!” awat ni Diane dahil nadidikdik na ang ulo nito sa headboard ng kama.

Puros daing si Diane at nalulukot ang mukha sa mararahas na kadyot na kanyang tinatanggap. Kahit halos mayupi na ang katawan nito sa ilalim ni Dennis ay sige pa rin ang mister sa walang habas nitong paghindot sa kanya.

Tila bingi si Dennis sa apela ng asawa. Idinaan ang bugso ng damdamin sa madidiing mga ulos. Tiim-bagang at panay lamang ang ilag ng mukha habang kinakabog ng mga braso ni Diane ang kanyang dibdib. Kahit alam niyang nasasaktan na ito sa bawat pagkadyot niya ay sige pa rin ito.

“Di ba ganito ka magpaiyot kay Greg? Gusto mong nagpapakasta ng husto sa kumpare ko di ba?” sumbat nito habang patuloy sa pag-ulos.

“Tang ina mo Dennis! Di ba ginusto mo naman ‘yon?! Baka nakakalimutan mong IKAW ANG MAY GUSTONG MAGPAIYOT AKO KAY GREG! Huhuhu”

“At inenjoy mo naman!! NAGPAKASARAP KA NG HUSTO KAHIT MONTIK NANG MAMATAY ANG ANAK KO!!!”

Sa kanyang naibulalas ay isang malakas na sampal ang sumalubong kay Dennis. Kapwa sila parang binuhusan ng malamig na tubig at humihingal sa tindi ng emosyon. Agad napawi ang init na kanina’y naglalagablab sa kanilang mga mata, na ngayo’y napalitan ng sama ng loob, paninisi, at pagkakunsensya.

Natigilan si Dennis sa pag-ulos at agad siyang itinulak ng malakas ni Diane. Mabilis itong bumangon mula sa kama at humahagulgol itong tumalilis palabas ng kwarto.

Napailing na lang si Dennis sa pagkadismaya sa sarili. Hindi siya nakapagtimpi. Mali. Hindi na niya dapat nasabi pa ang mga salitang kanyang nabitawan. Lalo lamang niyong palalalimin ang mga sugat na pinipilit nilang maghilom.

Naiuwi nga niya ang kanyang mag-ina, sama-sama nga sila sumalubong ng Bagong Taon, ngunit mukhang hindi na talaga sila babalik pa sa dati. Palagi na lang kasing nauungkat ang nakaraan. Palaging may tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Ni hindi nga nila ipinagdiwang ang kanilang anniversary dahil tiyak na babalik na naman ang mga masasamang nangyari kaugnay ng petsang iyon at pagsisimulan lamang ulit ng pagtatalo. Gaya ng nangyari ngayon.

Napasapo na lang ang mga kamay ni Dennis sa kanyang mukha sa pagkakasalampak nito sa kama. Hindi na malaman ng padre kung paano pang aayusin muli ang kanilang pamilya.

“Sorry ninong ha? Hanggang ngayon nagkakaproblema pa din kayo ni ninang dahil sa’kin.” mahinang sambit ng dalaga.

Tila natauhan at nahiya naman si Dennis na siya pa itong inaalo ni Pam sa halip na damayan nya ito sa pagkawala ng ama.

“No ‘wag mo isipin yan Pam. Nagkausap na kayo ng ninang mo di ba… between sa aming dalawa lang ‘to. Wag mo na isipin… maaayos din ‘to.” tugon niya habang hinahagod ang likod ni Pam.

Napalingon sya sa inaanak. Natatabunan man ng mask ay hindi maikubli ang kagandahan nito kahit sa simple nitong suot. Mapapansin ang paglapat ng tela ng puting blusa sa mayaman nitong dibdib, maging ang paghapit ng pantalong maong sa makurba nitong balakang.

Ngunit wala nang bahid ng pagnanasa ang tingin niya dito. Dahil matagal nang nagbalik sa pagiging anak ang pagtingin niya kay Pam kasabay ng kanyang lubos na pagsisisi sa mga namagitan sa kanilang mag-ninong noon at sa sinapit nito sa kamay ni Kaloy.

“Ano na pala ang plano mo Pam?” usisa niya dito.

“Mag-eenroll ako ninong… Gusto ko bumalik sa pag-aaral. Mukhang magkaka-vaccine na din tayo dito sa Pinas. Sana pati mga estudyante mabakunahan din para makabalik na kami sa face-to-face classes.”

Tumango-tango si Dennis sa nadinig, at kahit natatabunan ng mask ay bakas sa mukha nito ang saya at pagsang-ayon sa nadinig na balak ni Pam.

“Tatapusin ko ang course ko kasi alam kong yun ang gusto nila Mama at Papa. Aayusin ko ulit ang buhay ko ninong… para sa’ming magkapatid.” tugon nito habang nakayuko sa lapida ng mga magulang na napapalamutian ng mga bulaklak.

“I’m sure matutuwa sila mama at papa mo. Basta kung ano man ang kailangan niyo ni Kyle, magsabi lang kayo sa’kin ha.”

Ipinagpatuloy na nila ang pakikinig sa maigsing sermon ng pari. Iilan lamang silang nagtipon sa sementeryo dahil na din sa restrictions at health protocols bunsod ng pandemya. Tanging malalapit na kapamilya at si Dennis lamang ang nakadalo.

Matapos ang misa ay binasbasan na ng pari ang puntod ng mga yumao.

“Maraming salamat po Father Billy… Ay siya, doon na la-ang po sa bahay magtuloy… May kaunti po tayong pagsasaluhan doon.” ani ng panganay na ate ni Greg na nagsilbi nang guardian ng magkapatid na Pam at Kyle.

“Ate, sa akin na lang siguro sumabay sila Father papunta sa inyo, nag-iisa lang naman ako.” prisinta ni Dennis.

“Ah sige tayo na. Sasaglit la-ang ako sa inyo at may sasadyain pa kami ng sakristan sa kapilya sa kabilang bayan ih.”

Gabi na nang makabalik si Dennis ng Maynila. At ganoon na lang ang kanyang sama ng loob at panlulumo sa nadatnan.

Patay ang lahat ng ilaw sa kabahayan. Wala ang kanyang mag-ina. Maging ang mga gamit ng mga ito ay wala na din. Muli na naman siyang nilisan ng mga ito.

Doon na naubusan ng pasensya si Dennis. Idinaan sa pagwawala at pagbabasag ng gamit ang matinding sama ng loob kay Diane na hinaluan din ng pagsisisi. Dahil ano man ang kanyang gawin para maayos ang kanilang pamilya, mukhang hindi na talaga ito posible.

Wala na. Suko na siya. Hindi naman na mabubura pa ang mga nangyari. Palaging sasagi sa isip nila ang mga kasalanang nagawa ng bawat isa. Palagi silang uusigin ng kanilang kunsensiya. At di lang ang pagsasama nila ni Diane ang naaapektuhan, kundi lalo na ang musmos nilang anak.

Nakatira man sa iisang bubong ay di maitatangging sira na talaga ang kanilang pagsasama. Kailangan nang tanggapin na siguro nga ay mas mabuting maghiwalay na lang sila.

Sa paglipas ng mga araw ay pinilit na lamang ni Dennis tanggapin na hindi na sila maaaring magsama pa ni Diane. Ibinigay niya ang espasyong kailangan nito, at nang kapwa na sila mahimasmasan ay saka nila pinag-usapan ng mahinahon ang kanilang magiging set-up.

“Sige Dennis gano’n na lang. Tuwing Saturday night pwede mo siya sunduin para dun matulog sa’yo, pero Sunday afternoon ihatid mo na siya.” sambit ni Diane nang halos hindi makatingin sa dating kabiyak.

Tahimik lamang na nakayuko si Dennis sa dining table ng bahay nila Diane, iniiwas din ang tingin sa dating asawa.

“Oh siya sige na, gagayak na ‘ko at may lakad pa kasi ‘ko…”

Akmang tatayo na sana si Diane nang biglang hawakan ni Dennis ang isang kamay nito upang pigilan.

“Diane… I’m really very sorry… Sa lahat.”

Parang kinurot ang dibdib ni Diane sa sinambit ni Dennis. Kitang-kita sa mga mata nito ang lungkot. Bakas sa mukha nito ang sinseridad. Ngunit ano’ng magagawa niya kung sadyang hindi na nila kayang ibalik pa ang dati.

“I’m sorry din Dennis… but maybe this is what’s best for us… for JR.” malungkot nitong tugon at saka kumalas sa pagkakakapit ni Dennis at tuluyan nang pumanik sa kanyang silid.

Bukod sa arrangement nila para sa anak ay napagkasunduan din na kapwa na nila binibigyan ng kalayaan ang isa’t isa na makipag-ugnayan sa iba. Masyadong malalim ang sugat na idinulot ng mga nangyari at marahil ay sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig sila tuluyang hihilom.

Si Diane ang magfa-file ng Annulment at makikipag-cooperate si Dennis sa proseso. Ngunit papel na lamang naman iyon. Dahil ngayon pa lang ay malinaw na sa kanilang pareho… na tapos na sila.

————————-

Dahil sa kalunos-lunos na kundisyon ng health care system ng bansa dulot ng pandemya ay muling tinawag ng tungkulin si Diane.

Bandang Abril, mahigit isang taon na ang pandemya nang muling ibalik ang NCR sa ECQ. Hindi na kasi bababa sa 10,000 new cases ang naiuulat bawat araw.

Sa mga pribadong sasakyan na kinakabitan ng oxygen ang mga pasyente. Ang iba naman ay inaabot ng ilang araw na paghihintay sa tents bago ma-admit dahil lampas na sa kapasidad ang mga ospital. Padami ng padami ang mga nagkakasakit at namamatay.

Kabilang si Diane sa mga A1 category ng medical frontliners na unang nabigyan ng bakuna. Kahit maganda ang itinatakbo ng kanyang online baking business ay isinantabi muna niya iyon upang muling gampanan ang tungkulin bilang nurse sa bagong ospital na pinagtatrabahuhan.

Doon niya nakilala si Eric.

Iisang departamento lang ang assignment nila ng doktor kaya naman agad silang naging magkaibigan. Magkasama sa mahahabang shifts at magkatuwang sa pangangalaga sa mga pasyenteng na-a-admit sa kanilang ward kaya naman madaling nagkapalagayan ng loob.

Kahit limang taon ang tanda nito sa kanya ay binata pa ito. May anak ding lalaki na halos kasing edad ni JR na nasa poder ng dati nitong nobya.

“Hello Diane?… On the way na ako sa hospital. Be there in 10 minutes or so, ready ka na?”

“Ah oo Doc, abangan na lang kita sa may gate.”

“Ok. See you in a bit.”

Nakagawian na ni Eric na isabay si Diane papasok at pauwi kung tugma din naman ang shift nila. Along the way naman kasi ang bahay nila Diane mula sa inuuwian ng doktor.

Sa dalas ng pagsasama nila ay hindi na nakapagtatakang magkapalagayan ng loob ang dalawa. Hindi na lingid kay Eric ang estado ni Diane, at kahit nasa korte pa ang annulment ng kasal nito ay di na siya nangiming ipahayag ang intesyon nito na manligaw.

Bagay na hindi naman tinutulan ni Diane. Kahit alam niya sa kanyang sarili na mahal pa din niya si Dennis, sadyang hindi umubra ang pagsisikap nila noon na magbalikan. At siguro nga ay panahon na para ikonsidera niyang buksan na ang sarili sa panibagong pag-ibig.

Si Dennis, sa kabilang banda, ay tila wala nang balak pang humanap ng bagong mamahalin. Nasasanay na rin naman siyang mamuhay ng mag-isa kaya’t sa negosyo na lang niya ibinuhos ang kanyang atensyon.

May mga dumadating na babae ngunit puro panandalian lang. Masaya na siya na minsang nakakasama ang kanyang junior at namamasdan si Diane kahit sa malayo.

“Thanks Doc, ingat ka pauwi ha.” paalam ni Diane sa manliligaw habang isinasara ang gate.

“Sige Diane, pahinga ka ng mabuti… Good night…” sagot ng doktor habang nakasilip sa bukas na passenger window ng sasakyan nito.

Dis oras na ng gabi nang makauwi si Diane mula sa 15 hours na duty. Dahil sa kakapusan sa medical personnel ay extended lagi ang kanilang shift at minsan kada dalawang lingo na lang sila kung makapag-day off.

Pagkatapos mag-spray mabuti ng alkohol sa sarili sa labas ng pintuan ay dali-dali itong dumeretso sa banyo upang makapaligo. Maghahating gabi na halos nang siya’y matapos. At habang nagpapatuyo siya ng buhok sa tuwalya ay bigla siyang natigilan sa naalala. Birthday nga pala ni Dennis.

Mag-isa si Dennis ng mga oras na iyon sa bahay. Walang handa, ni hindi siya nag-abalang magluto o bumili ng kahit anong putahe. Tanging alak at sigarilyo ang nakahain sa kanyang harapan.

Muli siyang nagbuhos sa baso at tinungga iyon, kasunod ng paghitit sa stick na hawak. Pilit niyang iwinawaksi sa isip ang mga nangyari noong nakaraang taon sa Batangas. Kaarawan kasi niya mismo nang matuklasan nya ang tungkol sa relasyon ng kanyang asawa at kumpare.

Ngunit tapos na ‘yon. Madami nang nangyari. At sa ngayon, may isang bagay lang sana siyang hinihintay.

Maghapon siyang nag-abang at umasang dadalawin siya ng kanyang mag-ina. Na susurpresahin at dadalhan siya ng mga iniluto nito. O kahit tawagan man lang sana para batiin.

Ngunit gumabi na at alam niyang mukhang wala na siyang aasahan. Tanging ang alaga nilang aso ang kasama niya habang nag-iinom sa may kumidor.

“Please Diane… Di mo man lang ba ‘ko naalala?… Kahit isang message lang…” sambit nito habang nakasulyap sa screen ng kanyang telepono at nagpapatay ng sigarilyo sa platitong puno ng upos.

Matagal na panahon nang tumigil si Dennis sa paninigarilyo, mula pa nang maging magkasintahan sila ni Diane. Napabili na lang siya ulit kanina sa convenience store kasama ng mga bote ng alak.

Alumpihit si Diane habang nakatitig sa hawak na telepono. Nakabungad na sa Contacts ang pangalan ni Dennis ngunit nagdadalawang-isip pa din kung dapat pa ba niya itong batiin.

“Happiest birthday sa’kin Hunter! Cheers!!”

Nakangising nagtaas ng baso sa direksyon ng alaga at saka tinungga ang laman niyon. Hanggang sumapit ang hating gabi, sa pagpapalit ng petsa, ay di natanggap ni Dennis ang inaasam na pagbati. Mukhang tuluyan na nga siyang nalimot ng dating kabiyak.

————————-

Lumipas ang mga araw. Sa pagpapalit ng mga buwan ay tila hindi na ata magbabago ang nararamdamang pangungulila ni Dennis sa kanyang mag-ina. Ngunit puno man ng panghihinayang at pagsisisi sa nasirang pamilya ay pinilit na lamang niyang maging manhid at ipagpatuloy ang buhay.

Gabi ng huling Lunes sa buwan ng Hulyo, kauuwi lang ni Dennis mula sa maghapong paglagi sa kanyang auto shop. Nagpapaka-abala na lamang siya sa negosyo upang hindi na gaanong indahin ang mga nararamdaman.

Pagkapaligo ay ipinagsalin nito ng dogfood sa bowl ang alaga at inilapag iyon sa may salas na agad naman nitong nilapitan. Binitbit ni Dennis ang tinake out na pagkain at sa harapan na ng TV naghapunan habang nanonood ng balita.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkamit ng gintong medalya ang Pilipinas sa Olympics na ginanap sa Tokyo. Bukod sa weightlifting ay maganda din ang standing ng bansa sa boxing kaya’t inaasahan na makakapag-uwi pa ang ating mga atleta ng karagdagang mga medalya.

Abala si Dennis sa pagsubo nang mag-ring ang kanyang telepono.

“Oh Luis! Potah, buhay ka pa?! ” biro nito sa kausap habang inilalapag ang kanyang bento box sa side table.

“Hello Boss! Tapos na quarantine ko… pasok na sana ‘ko bukas hehehe”

“Ano sawa ka nang kausapin ang sarili mo dyan noh?”

“Oo Boss, mababaliw na ‘ko dito” sakay naman nito sa biro ng amo.

“Eh may clearance ka na ba sa doktor? Baka mamaya pati kami mahawa sa sayad mo, este, ng COVID mo pala hahaha… Nagpa-exit laboratory ka na?”

Nang may mag-positibong tauhan ay agad na nagpa-test si Dennis maging ang lahat ng kanyang mga empleyado. Isinara din muna niya pasumandali ang kanyang mga puwesto para i-disinfect mabuti.

Bakunado naman na silang lahat ngunit mainam na ding maging sigurado para maiwasang makapanghawa pa ng iba. Mapalad naman na lahat sila ay nag-negatibo ang resulta ng test.

“Oo Boss, goods na goods na’ko. Ewan ko nga ba kung paano ako tinablan ng COVID eh bakunado naman ako, lagi pang puno ng gin at kabayo ang katawan ko hehe”

“Ayaaan… kahit may liquor ban kasi, sige ng toma.” sermon ni Dennis sa tauhan.

“Mamam is life Boss hehehe… Nagtaka na lang ako nung nawalan ako ng pang-amoy. Sinundot ko pa ng daliri ‘tong pwet ko pero tangina, wala talaga kong maamoy! Antakot ko eh.”

“Eh sana tinikman mo na rin! Para malaman mo kung may panlasa ka!” sagot ni Dennis na halos masamid sa katatawa sa katarantaduhan ni Luis.

“Boss naman eh…” tanging nasabi na lang nito habang tumatawa.

Kahit puro kalokohan ang matandang tauhan ay ipinagpapasalamat na rin ni Dennis na wala naman itong inindang malalang sintomas at tinapos lang ang mandatory quarantine period sa isang lokal na isolation facility. Matagal na itong nagtatrabaho sa kanya at may binubuhay na pamilya sa probinsya kaya’t batid niyang kailangan na nitong pumasok at maghanapbuhay.

“Sige, sige. Dalhin mo na lang medical certificate at lab test mo pagpasok mo bukas. Ipaasikaso sa sekretarya at baka sakaling may makuha ka pang ayuda sa SSS.”

“Areglado Boss, salamat!”

Pagkatapos ng tawag ay ipinagpatuloy ni Dennis ang paghahapunan. Maya-maya naman ay may natanggap siyang mensahe at dali-dali itong gumayak.

Kahit pagod sa maghapong pagiging abala sa negosyo ay mas minabuti niyang umalis upang paunlakan ang isang paanyaya. Kaysa naman manatili siya sa bahay at lalo niyang maramdaman ang pag-iisa.

Hindi kasi niya nahiram si JR nang nagdaang weekend. Isinama ito ng mga lolo’t lola sa resthouse ng kanilang kaanak sa Tagaytay at hindi pa sila nakakabalik.

OTW na ko

Ah ok. Ingat ka ha, see you 😉

Habang naka-pula pa ang ilaw sa isang intersection ay nag-message si Dennis sa bibisitahin. Habang naghihintay matapos ang timer ay panay ang swipe niya sa screen ng kanyang telepono.

Pinapasadahan niya ang mga larawan ng dalaga suot ang makukulay nitong wigs at costumes. Sa mapang-akit nitong mga pose, tabo ang mga Like at Comment mula sa mga humahanga nitong tagasubaybay.

Masarap isiping pinapantasya ng marami si Kate pero naikama na niya ang dalaga. At muli na naman niya itong matitikman mamaya.

Hindi na nakapag-reply si Dennis sa huling message nito dahil nag-green na ang stoplight at tumuloy na sya sa pagmamaneho. Kulang isang oras pa siguro ang kanyang tatakbuhin papunta sa inuupahan ni Kate sa may bandang South.

Magiging pangalawang ‘transaksyon’ na nila iyon. Nakilala niya ang dalaga sa isa sa mga event na napuntahan niya bago pa mag-pandemya. Kasama kasi ang pagka-car show model sa mga raket nito at mayroon si Dennis na mga kliyenteng nagpapa-setup ng sasakyan na hilig ang sumali sa mga ganoong event.

Nasa early 20’s lang si Kate. Hindi na tinapos ang pag-aaral at mas piniling pagkakitaan na lang ang kanyang kagandahan at alindog. Bukod sa car show modelling ay gamer/cosplayer din ito kaya naman libo-libo ang followers niya sa social media.

Dahil na rin marahil sa kawalan ng gig dulot ng pandemya kaya’t bukod sa vlogging at pag-stream ay umabot na si Kate sa nauusong pagkakaroon ng anonymous private account kung saan ito nagbebenta ng nude content online.

At kapag may pangangailangan, maging ang puri ay iniaalok na rin sa ilang piling customer matustusan lang ng dalaga ang lifestyle na nakasanayan nito.

“Hi Papa! Halika pasok ka…”

Dahil sa trapik ay mag-a-alas nuebe na nakarating si Dennis sa condo kung saan umuupa si Kate kasama ang pinsan nito. Gano’n na lang ang gulat niya nang sa kanyang pag-doorbell ay may baklang nagbukas ng pinto.

Sa pagkalito ay napaatras pa siya, kunot-noong napatingin muli sa numero sa pinto at napaisip kung tama bang unit ang kanyang napuntahan.

“Halika Dennis, tuloy!” pahiyaw na anyaya ng pamilyar na boses mula sa loob ng unit. At mula sa siwang sa pinto kung saan nakatayo ang bading ay natanaw niya nga sa loob ng unit si Kate.

Atubili siyang tumuloy at naiilang na tinanguan ang beki na siya na ring nagsara ng pinto.

Sa loob ay nadatnan niya ang mga bote ng alak at mga sitsirya na nakakalat sa may lamesita sa salas. May babaeng nakasalampak sa sahig at nahihiyang kumaway lamang sa kanya upang bumati.

“Ang tagal mo naman, kanina ka pa namin hinihintay eh… Alisin mo na yang mask mo, sure akong walang mga COVID yan, rabies lang meron hahaha” wika ni Kate mula sa pagkakaupo nito sa harapan ng computer.

Alumpihit na sumunod si Dennis at isinilid ang mask sa bulsa ng kanyang cotton shorts habang nauupo siya sa dulo ng sofa.

“Don’t worry Papa Dennis, I don’t bite hihi” pabirong hirit ng bading na sumalampak din sa sahig at tumabi sa isa pang babae.

“Ah Dennis, si Mitch nga pala… pinsan ko.”

Simpleng kumaway si Dennis sa babaeng ipinapakilala ni Kate na napilitan namang ngumiti bago tinungga ang laman ng baso nito saka idinantay ang kanyang braso at ulo sa lamesita.

“Siya naman si Helga, kababayan din namin. Mabait yan, wag ka nga lang makakatulog kasi lumelemon yan… Lumelemon ng bayag hahaha”

“Gaga! Dalagang Pilipina kaya akiiiz! Alam mo namang pormal-pormalan ang peg ko lalo pag nasa munisipyo.”

“Ingay mo beks. Buhusan mo na nga lang ‘tong baso ko…” sabat ni Mitch habang nakasapo sa ulo ang isang brasong nakapatong sa lamesita at iniaabot ang kanyang baso sa kaibigan.

Nalilito pa din si Dennis. Ang inaasahan niya kasi ay dadatnan niyang nag-iisa si Kate sa bahay gaya noong una, kaya’t ganoon na lang ang kanyang gulat at pagkadismaya na may mga kasama pala ito.

“Kate… jowa?” nakangising tanong ni Helga sabay nguso kay Dennis habang nagsasalin ng alak sa baso ni Mitch.

Pilyang tawa lang ang isinagot ni Kate. Tumayo siya mula sa gaming chair na nasa may PC set-up sa isang sulok ng sala. Pinatay nito ang LED ring light na ginagamit niya sa streaming, saka pumunta sa kusina upang kumuha ng baso para kay Dennis at mag-refill ng yelo sa bucket.

Nakapulumpon sa ibabaw ng ulo nito ang caramel blonde na buhok na may mga ilang hiblang nakalaylay sa gilid at naka-frame sa haponesang features ng kanyang mukha.

Kapansin-pansin ang makinis nitong mga hita dahil tanging itim na boyleg panties lamang ang suot nito na bahagyang natatabunan ng laylayan ng oversized na puting t-shirt.

Halatang wala din itong suot na bra. Hindi kita ang cleavage nito sa neckline ngunit maaaninagan mo ang hubog ng tayong-tayong mga suso maging ang kulay rosas na mga utong nito sa nipis ng tela ng suot na pang-itaas.

Tila wala itong pakialam at nakakapag-stream kahit sa ganoong ayos, at tiyak namang piyesta ang mga mata ng kanyang mga parokyano.

“Sorry, biglaan kasi eh.” bulong ni Kate nang pa-indian sit itong tumabi kay Dennis sa sofa.

Idinaan na lang ni Kate sa pagtatype sa kanyang telepono ang paliwanag kay Dennis. Nang matapos tumipa ay saka iyon iniabot sa bisita.

Wala pala dapat si Mitch sa bahay nang mga oras na iyon dahil may lakad ito kasama ang nobyo at sa isang araw pa sana nakatakdang makabalik. Ngunit nagkaroon ata ang mga ito ng pagtatalo at maging siya ay nagulat sa biglaan nitong pag-uwi, nag-aya ng inuman, at nagtawag pa ng kaibigan.

“Di na kita nasabihan, on the way ka na kasi eh. Samahan mo na lang kaming mag-inom… Resched na lang yung deal natin.” muli nitong bulong na pasimpleng tinanguan na lang ni Dennis.

At ganoon na nga ang nangyari. Wala nang nagawa si Dennis kundi maki-jamming sa tatlo. Naroon na rin naman siya at umuulan pa sa labas kaya’t nakakatamad bumiyahe ulit agad pauwi. Wala rin naman siyang kasama o gagawin sa bahay.

Nagpa-order siya ng pizza at sumama na lang sa kanilang inuman. Bilang pinakamatandang naroon, pakiramdam nya tuloy ay chaperone o tiyuhin siya ng mga ito.

Lumipas ang ilang oras na pagtagay. Kahit na-cancel na ang sa kanila ni Kate, hindi niya pa rin maiwasang tablan sa alindog ng dalaga.

Sa pagkakaupo nito sa kanyang tabi ay langhap niya ang bango nito. May mga pagkakataon pang napapadikit sa kanyang braso ang gilid ng suso nito at tatapik sa kanyang hita sa tuwing humahagalpak ng tawa dahil may tama na ng alak.

Hindi tiyak ni Dennis kung aksidente lamang o sadyang tinutukso siya ng dalaga. Kahit ano pa man, ang alam lang niya’y talab na talab iyon dahil ilang beses niyang kinailangang umayos ng upo upang ikubli ang bumabakat niyang alaga.

Si Diane pa din ang mahal niya, ngunit lalake lamang siya at sa mga oras na iyon ay si Kate ang gumigising sa kanyang dugo. At wala naman sigurong masama dahil malinaw naman ang kanilang napagkasunduan ni Diane.

Enjoy din naman si Dennis sa company ng tatlo, kahit kadalasan ay hugot ang pinag-uusapan. Nagulat siya na kahit halatang mas bata si Mitch kay Kate, kahit inosente at may pagka-konserbatibo ang aura nito ay malakas pala itong uminom. Marahil dahil sa may pinagdadaanan, naisip ni Dennis.

Ang kakulitan naman ni Helga ang kadalasang pinagmumulan ng tawanan sa kanilang inuman. Dahil nalaman niyang mga taga-Batangas din pala ang tatlo kaya’t madaling nakapalagayan ng loob ni Dennis aang mga ito.

“Uy friend, ok ka la-ang ba? Uuwi na ‘ko… Wag mo na masyado pinuproblema yung jowa mo. Heh! Dami-daming lalake!” tapik ni Helga sa balikat ni Mitch na nakalugmok na sa lamesita.

“Ba’t di ka na lang dito matulog beks? Bukas ka na umuwi.” mungkahi ni Kate habang nakapikit at naka-unan sa hita ni Dennis ang ulo sa pagkakahiga nito sa sofa.

“Nako hindi pwede, kailangan kong umuwi kila T’yang, andon mga gamit ko. Saka uuwi pa ako ng Batangas bukas ng umaga, may ipinaasikaso lang sa’kin kanina dito si Mayor eh.”

Inaya nito si Mitch na sumama na lang sa kanya at umuwi na muna ng Batangas para doon magpalipas ng sama ng loob. Nabuhayan naman si Dennis na masosolo niya pa din si Kate. Kahit kasi nakainom ay kanina pa hindi mapalagay ang kanyang alaga dahil sa mapanuksong alindog ng dalaga.

“Ayoko… matutulog na ‘ko… ingat ka bakla… ingat ka sa mga lalake na yan!!” muling himutok nito.

Susuray-suray na namaybay si Mitch sa mga kagamitan upang makapasok sa kwarto nila ni Kate. Tanaw ni Dennis nang padapa itong humandusay sa kama nito at tuluyan nang nakatulog.

“Kate, nasa baba na yung ride ko ghorl… Uwi na ‘ko ha… ikaw na bahala dya-an sa pinsan mo. Ay, nice meeting you pala Papa Dennis hihi” paalam nito habang nagsusuot ng face mask at shield.

Ngiti na lang ang isinagot niya dito. Tumatawag na ang driver kaya’t nagmamadali na si Helgang umalis at siya na ding nag-lock ng pinto sa kanyang paglabas.

Pinagmasdan ni Dennis si Kate habang nakahiga ito sa sofa. Kitang-kita ang panty nito at mapuputing legs dahil sa pagkakalilis ng maluwag nitong t-shirt. Kay sarap pagmasdan ng maamo nitong mukha habang natutulog sa kanyang kandungan.

Sa pagkakapatong ng ulo ni Kate sa kanyang hita ay kanina pa nasasaling ang kanyang gising na gising na alagang umaasa pa ring may bakbakang magaganap.

Malayo ang kanyang binyahe para sa inaasam na panandaliang ligaya. Hindi siya pwedeng mabitin. Kailangang gawan iyon ng paraan.

Mula sa pagkakapatong niyon sa kanyang hita, maingat niyang inalalayan ang ulo ni Kate upang ilapag sa sofa habang dahan-dahan siyang umaahon. Saka siya dumukwang upang kargahin ang dalaga at dinala ito papasok ng silid.

Kung tutuusin ay pupwedeng doon na niya solohin si Kate sa salas tutal ay nasa kwarto naman na ang pinsan nito. Ngunit may ibang binabalak si Dennis.

Walang kahirap-hirap nyang nabuhat ang balingkinitang katawan ni Kate papasok ng silid. Madilim sa loob ngunit dahil bukas ang ilaw sa sala ay pumapasok ang liwanag sa pinto kaya’t maaninag po pa din ang paligid.

Mula sa pintuan ay nasa bandang kaliwa ang dalawang single beds na napapagitnaan ng lamesita. Nasa may dulo katabi ng dingding ang pwesto ng kama ni Mitch. Nakatihaya na ito sa pagkakahiga at nakalaylay ang isang braso sa edge ng kama.

Nasa bungad naman ang kama ni Kate, malapit sa closet na kahilera ng pinto. Tumuloy na si Dennis sa loob at maingat na ibinaba si Kate pahiga sa kama. Pagkalapat ng katawan ni Kate sa higaan ay siya namang pagtagilid nito paharap sa kama ng kanyang pinsan.

Saglit na sumulyap si Dennis kay Mitch, saka din siya maingat na sumampa sa kama ni Kate. Umusod siya at patagilid ding pumwesto sa likuran nito dahil sa limitadong espasyo ng higaan at para din mayapos ang katawan ng dalaga.

“Ate Kate?…”

Tila naalimpungatan si Mitch at pupungas-pungas na umahon ang ulo nito at lumingon sa pwesto ng kanyang pinsan.

Instinct naman na biglang binawi ni Dennis ang kanyang braso at ikinubli ang mukha sa likuran ni Kate nang madinig ang boses ni Mitch. Mabuti na lamang at agad din naman itong nahiga at bumalik sa pagtulog.

Biglang kinabog ang dibdib ni Dennis sa kaba. Ngunit ang kaba ding iyon ang siyang lalong nagpaigting sa libog na kanyang nararamdaman. Maisip pa lamang ang kanyang binabalak ay parang lalong nagwawala ang titi niya sa loob ng kanyang shorts.

Dumukwang siya upang silipin ang mukha ni Kate na tulog pa din at bahagya pang nakabuka ang mga labi. Muli siyang yumapos sa dalaga at inumpisahang himasin ang katawan nito.

Sa patagilid na pagkakahiga ng dalaga ay para siyang humihimas ng gitara. Mula sa gilid ng isang suso nito, pababa sa balingkinitang baywang, paahon sa makurbang balakang, hanggang sa mahaba nitong legs. Sa bawat hagod ay ninanamnam ng kanyang palad ang makinis nitong balat.

Napakislot si Kate nang maramdaman ang paggapang ng malaking kamay ni Dennis sa kanyang katawan. Kahit kalahati ang diwa, saglit siyang nagmulat upang silipin ang natutulog na pinsan saka muling pumikit nang makitang nakapaling ang ulo nito palayo.

Pansin ni Dennis ang paglalim ng paghinga ni Kate. Nakakapa niya rin ang mga balahibo sa braso nito na nagtayuan sa paggapang ng kanyang haplos. Alam niyang na-e-excite din ito sa mga susunod niyang gagawin.

“Dito kita kakantutin Kate…” bulong niya sa tainga ng dalaga saka idinuldol ang tigas na tigas niyang burat sa pwetan nito.

Tila naman may biglang kumislot sa loob ng pagkababae ni Kate sa nadinig. Ngunit hindi ito kumibo at itinuloy lang ang pagtutulug-tulugan. Hinayaan lang muna niya si Dennis sa ginagawa nito at ninamnam ang kiliting dulot ng bawat haplos.

Ipinailalim na ni Dennis ang kanyang kamay sa loob ng damit ni Kate at sinimulang himasin ang suso nito. Kay sarap damhin ng dede ni Kate. Kahit kasi may mga karanasan na ito ay buong-buo at firm na firm pa rin ang pakiramdam niyon sa kamay ni Dennis. Tumutusok pa sa kanyang palad ang maliliit nitong utong na nanigas na sa pagkakasaling ng kanyang mga daliri.

Tikom ang mga labi ni Kate. Pilit iniiwasang lumikha ng kahit anong ingay kahit sarap na sarap siya sa ginagawa ni Dennis. Lalo pa siyang nataranta nang salitang pisil-pisilin nito ang kanyang mga utong. Magkahalong kiliti at kirot ang naramdaman na lalong nagpalawa sa kanyang hiyas na kanina pa namamasa.

Napakapit si Kate sa braso ni Dennis at pilit iyong hinihila upang awatin. Palingon-lingon si Kate sa kama ni Mitch. Kinakabahang baka mapaungol dahil sa sarap ng pagromansa ni Dennis sa kanya at madinig iyon ng kanyang pinsan.

Nagmuwestra siya kay Dennis na doon na lang nila sa labas ipagpatuloy. Ngunit kahit anong awat ni Kate sa kamay ni Dennis ay tuloy lang ito sa paglalaro sa kanyang mga suso.

Kiliting-kiliti man ay hindi mapakali si Kate dahil sa presensya ni Mitch sa silid. Bukod sa vlogging, cosplaying at occasional na pagsali sa car shows ay walang kaalam-alam ang nakababatang pinsan sa pribado niyang mga gawain at palihim na raket.

Di mawala ang kaba niya sa tuwing sinusulyapan ang pinsan. Ikagugulat nito tiyak kung malamang nagpapahindot siya doon lang sa kabilang kama, at sa lalaki pang may edad na at may asawa.

Ngunit may takot man, tumututol man ang kanyang isip ay hindi niya tuluyang mapahinto si Dennis dahil umaayon ang kanyang katawan sa sarap na dulot ng kapangahasan nito.

Bumaba na ang kamay ni Dennis patungo sa ibabaw ng puday ni Kate. Dama niyang basa na ngayon ang tela ng panty nito. Kanina pa kasi habang nag-iinuman ay sinisimplihan na niya ito ng panlalandi at tiyansing tuwing hindi nakatingin ang dalawa nilang kasama.

“Basa ka na ah…” bulong niya sa tenga ng dalaga saka tuluyang ipinasok ang kamay sa loob ng panty.

Napakagat-labi si Kate nang maramdaman ang kamay ni Dennis na humihimas sa pisngi ng kanyang kepyas at sumisiksik sa pagitan ng mga hita niyang nakatikom.

Lalo pa siyang nataranta nang isiksik nito ang gitnang daliri paguhit sa kanyang basang hiwa. Damang-dama niya ang taba ng daliri ni Dennis na taas-babang humahagod sa kanyang laman. At napaigtad siya nang paikot na kanti-kantiin ni Dennis ang kanyang tinggil.

Di na mapakali si Kate at panay ang kislot dahil sa paglilikot ni Dennis sa kanyang hiyas. Pilit na pinipigilan ang impit na mga ungol na kumawala sa kanyang bibig. Kaya mula sa pagkakatagilid ay pumihit ang ulo nito patalikod saka biglang sinunggaban ng mainit na halik ang mga labi ni Dennis.

Agad naglaplapan ng malalim ang dalawa. Kapwa ginugupon ng pagnanasang hinaluan ng kaba. Damang-dama ni Dennis ang namuong libog kay Kate na lumalaban na ng eskrimahan ng dila habang nakakapit ang isang kamay nito sa kanyang batok. Lasa ang alak sa palitan ng kanilang mga laway.

Kahit umaalon ang dibdib ay pigil na pigil ang paghinga ni Kate. Tuloy ang pakikipaglingkisan ng dila niya sa dila ni Dennis na ginagalugad ang kanyang bibig. Mas mainam nang makipag-lock siya ng bibig dito dahil pakiramdam ni Kate, ano mang oras ay may ungol na kakawala sa kanyang mga labi na maaaring madinig ni Mitch.

Lalong nag-init si Dennis sa reaksyon ni Kate, halatang nadarang na din ito sa libog. Sa pagkakapihit ng katawan ng dalaga paharap sa kanya ay mabilis niyang inangat ang damit nito at sabik na sabik niyang sinuso ang isang utong habang patuloy na kinakalabit ang namimintog nitong tinggil.

Sa kadiliman ay parang nagliliwanag ang kaputian ng mga suso ni Kate. Kay sarap simsimin ng kinis at bango ng dibdib nito habang inuulaol ni Dennis ang tigas na tigas nitong utong.

Halos tumirik naman ang mata ni Kate nang maramdaman ang kanyang nipple sa loob ng bibig ni Dennis. Pinaiikutan iyon ng dulo ng dila, lalaru-laruin saka susupsupin. Ramdam din niya maging ang mumunting tubo ng bigote nito na kumakaskas sa kanyang balat.

Kahit hilo sa tama ng alak ay pilit niyang inaninag ang mukha ni Dennis sa dilim habang subo nito ang kanyang utong. Tila naramdaman nito ang kanyang pagyuko kaya’t tumingin din ito sa kanya habang sumususo.

Sa pagtatama ng kanilang mga mata ay kinagat-kagat pa ni Dennis ang namimintog na koronang nilalaro nito sa loob ng bibig. Napakagat-labi na lang si Kate habang pinanonood ito, minamasdan ang lalaking papasa nang maging tatay niya ang edad habang sinususo nito ang kanyang dibdib.

Sa pagkakapilipit ng katawan ni Kate ay tuloy lang si Dennis sa pagkadyot sa pwitan ng dalaga habang sinusupsop niya ang utong nito na parang munting bala sa tigas. Panaka-naka’y sinisilip niya si Mitch upang tignan kung magigising ito.

Naramdaman na lang niya nang abutin ni Kate ang kanyang tarugo at hinimas-himas iyon. Hinaltak nito pababa ang garter ng kanyang shorts sabay na ang brief saka sabik na sinagod ng kamay ang kanyang kahabaan.

Habang sinususo ni Dennis si Kate ay muli niyang tinanaw ang mukha nito. Namumungay ang mga mata ng dalaga na halatang dinaig na ng libog. At mukhang payag na ito na doon mismo magpatira.

“Gusto mo na nyan?” bulong niya sa tainga ni Kate.

Atubili man ay napatango na lang si Kate habang iginigiling na din pakaskas ang pwet nito sa pumipintig na titi ni Dennis.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng sandali. Sumasakit na ang kanyang puson dahil kanina pa din siya libog na libog na muling maiyot si Kate. Nagmamadaling hinaltak ni Dennis pababa hanggang sa hita ang panty nito, hinimas ang makinis nitong pwet saka itinutok ang kanyang burat sa bungad ng naglalawang lagusan.

Kumakabog ang dibdib niya habang nakasulyap sa natutulog na pinsan ni Kate. Dampi pa lang ng mainit at naglalaway na hiwa ng dalaga sa dulo ng kanyang burat ay para na siyang mauulol sa libog.

Humawak siya sa balakang ni Kate upang makabwelo. Isang madiing ulos at tuloy-tuloy na bumulusok ang kanyang galit na galit na uten sa kaibuturan nito.

Napasapo na lang ang kamay ni Kate sa kanyang bibig upang pigilang mapaungol nang maramdaman ang hagod ng matigas na tarugo ni Dennis sa kanyang kalamnan. Ang angking katabaan niyon ay parang bumabanat sa dingding ng kanyang lagusan.

Inumpisahan na ni Dennis umindayog. Habang naka-spooning sila ay ninanamnam niya ang init at sikip ng lagusan ni Kate sa bawat ulos. Iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag kumakantot ng dalaga.

Muli siyang sumulyap kay Mitch. May pag-iingat man kasi ang kanyang galaw ay hindi maiwasang lumangitngit ang kama.

Mukhang tulog pa rin naman ito sa kanyang pagkakatihaya. Ngunit sa bahagyang liwanag na pumapasok sa silid mula sa ilaw sa salas ay naaninag ni Dennis na namamakat ang mga utong ni Mitch sa suot nitong tank top.

Lalong nalibugan si Dennis na isiping baka gising talaga si Mitch at alam na kinakantot niya ang pinsan nito.

Mabilis siyang umahon at paluhod na pumwesto sa likuran ng balakang ni Kate habang nanatili itong nakatagilid. Kinapitan niya ito sa balakang, saka muling pinasok ng sagad. Sa ganitong posisyon ay tanaw na tanaw niya lalo si Mitch habang kinakasta niya ang pinsan nito.

Sarap na sarap si Dennis na parang dinodogstyle si Kate ng patagilid habang nakatitig naman siya sa inosenteng mukha ni Mitch. Ilang mababagal na hagod muna ang kanyang gagawin saka niya raratratin naman ng ulos ang namamagang puke ng dalaga.

Hanggang sa bigla silang matigilan nang kumislot si Mitch at pumaling patagilid paharap sa kanilang direksyon.

“Shit Dennis!…” pabulong na sita ni Kate sa lalaki.

Saglit na napahinto si Dennis sa pagkadyot habang nakamasid kay Mitch. Sa tingin niyang mukhang tulog pa rin naman ito kaya’t muli niyang inumpisahang igalaw ang balakang ng marahan habang nakamatyag sa mukha nito.

Ganoon na lang ang kaba ni Kate sa bawat pagkislot ng pinsan. Dahil kasi basang-basa siya ay lumilikha ng tunog ang salpukan nila ni Dennis. Gayon din ang kalapak ng paghampas ng balakang nito sa kanyang pwet.

Alalang-alala si Kate na baka nadidinig iyon ni Mitch. Hindi niya alam na sinasadya mismo ni Dennis na palakasin ang tunog ng kanilang kantutan upang madinig iyon ng kanyang pinsan. Masarap kasi kay Dennis isiping habang pinasasarap niya si Kate ay may isa pang babaeng nalilibugan sa kanyang ginagawa.

Mula sa pagkakatagilid ay itinihaya ni Dennis si Kate pahiga. Wala nang nagawa ang dalaga nang iangat ni Dennis ang isa niyang binti upang hubarin sa isang butas ang kanyang panty. Pwersahan nitong ibinuka ang kanyang mga hita at pumwesto sa pagitan niyon.

Walang ano-ano’y inumpisahang sisirin ni Dennis ang kanyang puke. Napasinghap na lamang si Kate nang maramdaman ang gigil na paghimod ng dila at nguso ng lalaki sa kanyang hiyas.

Sa pangambang gising si Kate at napapanood sila nito ay tinangka pa niyang tabunan si Dennis ng kumot habang tuloy ito sa pagkain sa kanyang puke. Ngunit hinaltak lamang ni Dennis ang tumabong kumot at inihagis iyon sa sahig.

“Fuckk!” sambit na lamang ni Kate sa kanyang sarili.

Andoon siya at bukang-buka ang mga hita habang may lalaking nakasubsob sa kanyang hiyas. Pilit niyang isinasara ang mga hita dahil sa pangambang baka magising si Mitch at maaktuhan sila, ngunit wala naman siyang magawa laban sa lakas ng pagkakakapit doon ni Dennis.

Nagtatalo ang kanyang kalooban. Naglalaban ang kiliting dulot ng ekspertong pagsisid ni Dennis sa kanyang kepyas at ang pagkaasiwa sa tuwing nililingon niya ang pinsang ilang dipa lang ang layo mula sa kanila.

Nakakakabang, nakakalibog. Ngunit kung may isang lamang, iyon ay ang matinding pagnanasa.

Kitang-kita iyon sa tuloy-tuloy na pangangatas mula sa loob ni Kate. Nangingintab sa katas di lamang ang pwerta nito, kundi maging ang magkabilang singit hanggang sa guhit ng puwet. Sarap na sarap naman si Dennis na hinihimod ang nektar na umaagos mula sa sariwang bulaklak ng dalaga.

Habang nakatukod ang mga kamay sa magkabilang hita ay patuloy sa paglaplap ni Dennis sa makinis na pisngi ng mabangong puke. Sinusungkit pa ng dila ang manipis na tahong na nakatago sa loob habang kinakanti ng ilong niya ang tinggil nito.

Sa bawat paghigop sa katas ay lalo pa iyong pinatutunog ni Dennis. Tunog na kapwa nagdudulot ng kaba sa kanila ni Kate ngunit siya ring nagpapataas lalo sa kanilang libog.

Tinanaw niya ang dalaga na nakapikit at panay ang paling ng ulo habang tuloy lang siya sa pagbrotsa dito. Hindi mapakali ang balakang at napapaangat ang pwet habang kinakain niya ang naglilibog nitong puke.

Nagdedeliryo na sa sarap si Kate sa paghimod ni Dennis. Tirik ang mga mata sa bawat galaw ng dila nito na sinabayan na ngayon ng paglabas-masok ng daliri sa kanyang pwerta.

Iba talaga ang romansa ng lalaking mas may edad. Alam na alam nito kung paano siya pasasarapin. At lalo na siyang nataranta nang supsupin nitong parang candy ang kanyang tinggil.

“Ughh!”

Di na napigilan ni Kate ang impit na ungol, at napakagat na lang ito sa kanyang kamay. Mahina man ay di iyon nakaligtas sa pandinig ni Dennis na napangisi at lalo pang pinanggigilan ang pagsupsop sa mani ni Kate at dinalawa na ang daliring ikinakantot sa butas nito.

Tuliro na ang dalaga. Dinig na sa silid ang mabilis at malalim na paghinga nito. Kung kanina ay umaawat pa siya kay Dennis, ngayon ay si Kate pa mismo ang nagduduldol sa ulo ng lalake sa kanyang puke.

Muling tumihaya si Mitch ngunit nakapikit pa din ito. Pero kapansing-pansing panay ang kislot nito sa higaan. Lalong tumibay ang hinala ni Dennis na gising nga ito.

Alam niyang malapit nang labasan si Kate. Umahon na siya at pumwesto padapa sa pagitan ng mga hita nito saka muling itinutok ang kanyang burat sa lagusan.

Agad naman siyang sinalubong ng halik ng dalaga. Nalasahan ni Kate ang sariling katas mula sa mga labi ni Dennis. Halos makagat pa niya iyon nang muli nitong itarak ng sagad ang burat nito sa loob ng kanyang kweba.

Tumukod ang dalawang braso ni Dennis sa kama at inumpisahang kantutin ulit si Kate. Pinagmasdan kung paano malukot ang magandang mukha nito habang inuundayan niya ito ng kadyot.

Di lang siya sarap na sarap sa alindog ng dalaga ngunit nakakalaki rin ng ego bilang lalake na maraming Adan ang nagpapantasya dito. Mga tagahangang hanggang salsal lang sa kagandahan ni Kate, habang ayun siya’t nagpapakasasa sa katawan nito.

“Sarap mo iyutin Kate, tang ina ka!”

Bahagyang napalakas ang bulong na iyon ni Dennis ngunit hindi na iyon ininda ng dalaga. Sarap na sarap na kasi ito habang minamasdan si Dennis na umiindayog sa kanyang ibabaw. At wala siyang pakialam kahit may asawa ito.

Tila lalong nakadagdag sa kanyang libog na para na niyang tito ang lalaking gumagamit sa kanya, bukod sa gwapo at matipuno si Dennis sa kabila ng edad nito. Hindi kasi siya basta pumapatol dahil lang may pera. Namimili din ito ng tipo niyang lalake.

“Lakasan mo pa Dennis, malapit na ko!” natatarantang bulong ni Kate.

Sa puntong iyon ay tila wala nang pakialam si Kate kung gising man si Mitch at kung nadidinig sila nito. Nakatuon siya sa naipong libog na nagbabadya nang sumabog. Napakapit pa siya sa magkabilang pwet ni Dennis upang lalong itong idiin sa kanyang puke.

Yumukod si Dennis at sinabayan na ng pagsuso ang paghindot kay Kate. Salitan nitong gigil na sinupsop ang mga utong ng dalaga habang nilalamas ang mga suso nito.

Lawang-lawa si Kate at nanlalagkit na ang harapan ni Dennis. Habang nginangatngat ng supsop ang mga utong ay binarurot na niya ng bayo ang dalaga. Tiyak niyang dinig na dinig ni Mitch ang salpukan nila ng pinsan nito.

Lalo pa niyang pinagdiinan ang kadyot upang pasayarin ang kanyang burat sa tinggil ni Kate. Napakapit ito sa kanyang balikat. Nagkikikintod na ang balakang at nanikip lalo ang lagusan.

Ilang sandali pa’y nilabasan na ito. Todo liyad ang katawan kasabay ng pag-unat ng mga hita. Nakakamanghang panoorin ang mukha nito habang niraragasa ng orgasmo at nanginginig ang katawan sa kanyang ilalim. Nakaka-boost ng pagkalalake na maihatid sa glorya ang ganoong kaganda at kasariwang babae.

Ramdam niya ang pagkibot-kibot ng laman ni Kate at ang pagbalot ng mainit nitong katas sa kanyang burat na lalong nagpatindi sa kanyang libog. Kanina pa siya nagpipigil at ramdam niyang malapit na din siyang labasan.

Nagmamadali siyang umahon at mabilis ipinihit si Kate patuwad na parang manika lang. Nanghihina at lupaypay pa kasi ito sa orgsmong hindi pa halos humuhupa.

Hinagod ni Dennis ang batuta niya taas-baba sa basang hiwa ni Kate hanggang sa tumbong na nagpaigtad dito. Saka niya iyon muling isinagad sa puke ng dalaga at muli itong inundayan ng kadyot.

Napasinghap si Kate at muling napakagat-labi habang binibira. Sa ganoong posisyon kasi ay mas malalim ang naaabot ni Dennis sa kanyang loob. Napalingon pa siya dito sa pagbundol ng titi ni Dennis sa kanyang matres.

Tuloy si Dennis sa pag-indayog, nagpipigil at pilit sinusulit ang bawat sandaling naiiyot niya si Kate. Minamasdan niya sa salaming sliding door ng closet ang pagyanig ng katawan nito sa kanyang mga ulos.

Inabot niya ang suso ni Kate sa ilalim ng t-shirt at nilamas iyon. Ang isang kamay naman ay di magkamayaw sa paghimas sa hita nito at paglamutak sa pwet.

Sa bawat bayo ay umaalon ang blondie na buhok na hinawi ng dalaga sa isang gilid. Ang alindog sa ilalim ng matitingkad na costume, ayun at pinagpapasasaan ni Dennis ng lubusan. Ang babaeng pinapantasya ng marami, ayun at hinihindot niya na parang hayop.

Palapit siya ng palapit sa rurok. Kapit na kapit ang mga kamay ni Dennis sa bewang ng dalaga. Sinisipat pa ang paglabas-masok ng burat niyang nangingintab sa makremang katas ni Kate na nakabalot dito.

Sa lakas ng pagbayo niya ay halos malimutan na niyang may kasama sila sa silid. Nang sa muli niyang paglingon sa salamin ay nagitla siya sa naaninag niya sa repleksyon. Gising nga si Mitch at nakamasid ito sa kanila ni Kate.

Kita niyang nakapikit si Kate at napapanganga sa kanyang mga ulos. Habang si Mitch ay nakatagilid na sa kama patungo sa kanilang direksyon, may akap na unan bilang pantabon ngunit kita niyang nakamulat ang mga mata.

Lalo siyang ginanahan at pinag-igi ang pagkantot. Parang nanlaki lalo ang kanyang tite nang malamang pinanonood ni Mitch ang paghindot niya sa pinsan nito.

Bahagya niyang ipinihit si Kate upang umanggulo ng kaunti palingon sa salamin. Iyon ay upang makita ng husto ni Mitch kung paano niya barurutin ang pinsan nito.

Sa bawat hugot ay halos dulo lang ang kanyang iniiwan. Ipinapakita ang kahabaan ng kanyang sandatang balot ng katas ni Kate saka iyon itatarak ng sagad.

Pabilis ng pabilis ang kanyang mga ulos. Matinding libog ang epekto ng panonood ni Mitch kaya’t ilang sandali pa’y ramdam na niya ang pagbigat ng kanyang bayag at ang napipinto niyang pagsabog.

Para na siyang hinahabol. Kumakalapak ang malakas na paghampas ng kanyang balakang sa pwetan at hita ni Kate. Ilang saglit pa ay tuluyan nang sumirit sa kaibuturan ng dalaga ang napakarami niyang tamod na naipon.

Matagal-tagal na ding nabakante sa sex si Dennis. Kaya’t di malirip ang sarap na nadama habang bumubuga sa kaibuturan ng lagusan ni Kate. Patuloy sa marahang pagkadyot upang masaid hanggang sa huling patak ang pagnanasang naipon.

Dama ni Kate ang pagsirit ng tamod ni Dennis sa kanyang kaibuturan. Pakiramdam niya ay punong-puno ng punla ang kanyang puke sa dami ng inilabas nito na umagos palabas at tumulo sa kanyang hita. Wala naman siyang alinlangan dahil mula ng pasukin ang ganoong linya ay minabuti na niyang magpills upang makasigurado.

Hindi agad binubot ni Dennis ang kanyang burat upang sulitin ang mga sandaling nakababad ang kanyang batuta sa loob ng lagusan ni Kate.

Abot-abot ang kanyang hingal at napaatras paupo sa kama nang kusa nang mabunot ang kanyang sandata. Si Kate naman ay napahandusay padapa sa kama dahil sa pagod.

Agad nang inayos ni Dennis ang sarili. Napalingon siya kay Mitch na nakatagilid na paharap sa dingding ang pagkakahiga. Marahil dahil tapos na ang palabas, sa isip-isip ni Dennis.

Umahon na siya mula sa kama saka dumukwang at bulungan si Kate.

“Sarap mo talaga…” wika niya, saka humalik sa pisngi nito.

Ngumiti at hinaplos lamang siya ni Kate sa pisngi habang nanatili itong nakapikit.

Dahil sa nainom at sa sarap ng orgasmong ipinalasap ni Dennis ay para nang inihehele sa pagtulog si Kate ng mga sandaling iyon. Inayos ni Dennis ang damit ng dalaga saka ito kinumutan.

Pagkalabas sa sala ay dinampot niya ang kanyang telepono sa lamesita at nag-online transfer ng halagang dati na nilang napagkasunduan. Sa kaledad ng dalaga, para kay Dennis ay sulit na sulit naman ang 5-digit na kabayaran.

Agad na rin siyang umalis. Iyon lamang naman talaga ‘yon. Panandaliang ligaya. Libog lang. Paraos.

Matapos humupa ang init ay muli na namang babalik ang mga damdaming pilit na niyang binubura at kinakalimutan. Muli siyang kakainin ng pangungulila sa babaeng tunay na minamahal.

Kung noong kabataan niya, ang goal ay makarami. Sa punto ng buhay nya ngayon, kahit ilang babae pa ang kanyang maikama, kahit gaano pa kaganda o kasariwa, lahat ‘yon ay hindi na mahalaga. Nagbabago ang mga prayoridad ng tao sa buhay.

Mabuti at kaya niyang dalhin ang sarili kahit na nakainom. Nagawa pa din niyang magmaneho kahit pa walang tigil ang buhos ng ulan. Ngunit hindi niya namalayan na sa halip na sa kanilang bahay siya dumeretso ay papunta sa bahay nila Diane niya naikabig ang manibela.

Hanggang sa dumating siya sa kalyeng tumutumbok sa bahay ng mga Lucero. Andoon lang siya at nakaparada ng patay ang headlights. Nakamasid sa bahay kung saan naroon ang kanyang mag-ina habang patuloy ang buhos ng ulan.

Hawak ang kanyang telepono, hindi niya malaman kung tatawagan ba niya si Diane o magdo-doorbell na lang sa bahay. Tanaw niya sa garahe ang kotse ni Diane. Malamang ay tulog na ito ngunit kailangan niya itong makita. Gusto niya itong makausap.

Marahil ang espiritu ng alak ang siyang nagtulak na naman sa kanya na makita ito at pakiusapan na muli nilang buuin ang kanilang pamilya. Ngunit kung tawagan man niya si Diane, baka hindi rin naman siya nito kausapin. Bahala na, sa isip-isip niya.

Kasalukuyan nang nag-riring ang kabilang linya nang matigilan si Dennis at agad ding kinancel ang tawag dahil sa nakita.

Isang puting SUV ang dumating at pumarada sa tapat ng bahay. Bumaba ang lalaking driver bitbit ang payong at pumunta sa kabilang side. Binuksan nito ang passenger door. Matapos ay inalalayang bumaba, inakbayan at pinayungan papunta sa gate… ang kanyang asawa.

“Hala Doc, nabasa na balikat mo oh!…” puna ni Diane sa kasama matapos niyang mabuksan ang gate.

“Ok lang yan… para ‘yan lang eh. Sige pasok ka na Diane, tuloy na ‘ko ha… Good night…”

Gano’n na lang ang gulat ni Diane nang biglang yumukod si Eric upang halikan siya sa labi na agad naman niyang naiwasan kaya’t sa pisngi lamang niya iyon tumama.

“Ahhh… S-Sige Doc, salamat sa paghatid. Ingat ka sa daan ha, pasok na ‘ko.” ilang na paalam ni Diane.

Tila naman sinasaksak ang dibdib ni Dennis dahil sa kanyang nasaksihan. Natatabunan man ng bitbit na payong ay kitang-kita niya ang pagyuko ng lalaki upang halikan ang kanyang asawa.

Napakasakit makitang may ibang lalaki nang naghahatid dito. Na kaya naman pala tila hindi na siya nag-e-exist kay Diane ay dahil may bago na itong karelasyon. At ang masakit pa, ay ang makita niya pa mismo ang paghahalikan ng dalawa.

Masakit malamang naka-move on na si Diane samantalang ayun siya at patuloy pa ding umaasa. Sa sama ng loob ay agad na pinaandar ni Dennis ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon palayo.

Napalingon si Diane sa sasakyang mabilis na nag-overtake sa nakaparadang oto ni Eric. Tila pamilyar iyon ngunit hindi niya naplakahan dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

Chineck niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang scrub suit. At doon lang niya nakita ang missed call mula sa dating asawa.

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa ‘ting dalawa

Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas ng hindi na masaktan
Kung hindi ikaw ay sino pa ba
Ang luluha sa umaga para sa’ting dalawa

Bumibitaw dahil di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba ang sinisigaw

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka

Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw

Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka

Kung di rin tayo sa huli
(Kaya bang umibig ng iba)
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka
Kung di rin tayo sa huli
(Papayagan ba ng puso ko)
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka

“Aawatin ba ang puso kong… ibigin ka…”

Garalgal ang boses ni Dennis habang sinasabayan ang patapos na linya ng kanta. Tila sumasabay pa sa malakas na buhos ng ulan ang kantang narinig. Lalong pinapaigting ang kirot na nararamdaman sa kanyang dibdib. Kapag talaga may dinadala ang tao ay mas lalong tumitimo ang mga linya ng mga awitin.

Pinatay ni Dennis ang radyo. Palarong pinipihit ang suot na wedding ring habang nakatuon ang mga braso sa manibela. Blangkong nakatingin sa daan habang pumapaling ang mga wiper sa kanyang windshield. Ngunit hindi niyon mapapawi ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.

————————-

Pumasok na ang Ber months. Muli na namang pumailanlang ang mga kanta nila Jose Mari Chan at Mariah Carey sa radyo maging sa mga mall. Kahit may pandemya ay nangunguna talaga ang mga Pinoy sa selebrasyon ng Kapaskuhan.

Dahil sa pag-usbong ng Delta variant ay muling sumipa ang mga kaso ng COVID sa nagdaang mga buwan. Nagkaroon ulit ng mga paghihigpit. Ang dating mga community quarantine ay napalitan na ng Alert Level System.

Ngunit dahil sa mas pinaigting na tracing, testing, at vaccination drives ay unti-unti din namang na-control ang sitwasyon hanggang sa bumaba na ang mga kaso. Isang magandang senyales para sa nalalapit na Kapaskuhan at sa muling pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya.

Nalalapit na ang deadline ng filing for candidacy ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. May mauugong na mga pangalan kahit na maaari pang magkaroon ng substitution hanggang sa ika-15 ng Nobyembre.

Unang Sabado ng Oktubre. Sumaglit sa mall si Dennis bago sunduin si JR. Nakasanayan na kasi niyang dalhan paminsan-minsan ng pasalubong ang mga biyenan na nananatiling mabait sa kanya sa kabila ng paghihiwalay nila ng kanilang anak.

Ganoon na lang ang gulat at tuwa niya nang habang paakyat siya ng escalator ay maaninagan niya sa bandang itaas si Diane. Habang unti-unting tumataas ang mga hakbang papunta sa susunod na palapag ay lumilinga at tumitingala pa ito upang pagmasdan ang mga pamaskong palamuti na nakasabit sa paligid.

“Escuse lang po… Sorry, makikiraan… Excuse me…”

Agad na nagmadali si Dennis na humakbang paakyat upang abutan niya ito. Panay ang kaway ng paghingi ng paumanhin sa mga nakatayo sa escalator na kanyang sinisingitan at nilalampasan. Ngunit sa kanyang pagkadismaya ay nalingat siya at nawala na si Diane sa kanyang paningin.

Panay ang linga ni Dennis nang makaakyat sa susunod na palapag. Palinga-linga at pilit tinatanaw ang mga taong naglalakad sa pasilyo ng mall maging ang mga naroon sa loob ng mga boutique. Ngunit hindi na niya nakita pa si Diane.

“Dennis?… Dennis, ikaw nga! How are you!”

Agad napalingon si Dennis nang may babaeng tumapik sa kanyang balikat. At nagulat pa nang bigla siyang yakapin nito.

Ilang segundo pang naiwang nakatitig si Dennis sa babae at hindi makapag-react gayong ang babaeng hinahabol niya kanina ay naroon na sa kanyang harapan.

“Huy ano ka ba. Si Hazel ‘to!” natatawa nitong sambit.

Mabilis na kinalas ng babae ang pagkakasabit ng mask nito sa isang tainga upang ipakita kay Dennis ang kanyang mukha, saka iyon muling isinukbit pabalik at inayos ang suot na face shield.

Mula sa pagkalito ay agad namang nagliwanag ang mukha ni Dennis nang makilala na ang kanyang kaharap.

“Hazel!! Kamusta ka! Nakabakasyon ka pala…” at muli siyang dumukwang upang makipag-beso dito.

Wala siyang kamalay-malay na ang babaeng sinusundan kanina ay hindi pala si Diane kundi ang kanyang hipag.

“Nako, finally. Summer last year pa sana ang bakasyon ko, nausod na ng nausod. Kaya eto, ngayon lang nakauwi. Kamusta ka na, parang pumayat ka ah.”

“Oo nga eh, wala na kasing nag-aalaga.”

Kapwa sila natigilan sa naisagot ni Dennis. Maging siya ay nagulat din sa kanyang nasabi. Kaya upang mawala ang pagka-awkward ay dinaan na lamang niya sa biro.

“Pandemic challenge kasi ‘yan. Alam mo na, sit-up push-up din habang naka-quarantine. Ikaw walang nagbago ah… gumanda ka pa lalo!”

“Haha thank you. Syempre naman noh!”

Magkasama na silang naglibot ng mall at sinamahan ni Dennis ang hipag mamili. May kakatagpuin pala dapat kaibigan si Hazel ngunit last minute itong nag-cancel. Mainam na rin ang nangyari dahil mas nagkaroon ng oras ang magbayaw na magkamustahan.

Hindi na nakapagtatakang mapagkamalan niya itong si Diane dahil malaki talaga ang pagkakahawig ng dalawa lalo kung naka-mask. Bahagya lamang mas matangkad si Hazel sa nakababatang kapatid. Ngunit maging mga mannerisms nila at pagsasalita ay may pagkakapareho.

Matagal na rin mula nang huli niyang makita sa personal ang ate ni Diane. Dalawang taon ang tanda nito sa kapatid, dalaga pa ngunit may kinakasama na sa Singapore kung saan ito nagtatrabaho bilang hotel manager.

“Kailan pala ang balik mo ng SG?” tanong ni Dennis habang hinihintay nila ang pagkaing itinake out.

“Sa 16 na ang flight ko pabalik. Lumalakas na kasi ulit ang tourism and hospitality industry di ba kaya hindi ako makapag-leave ng matagal. Pero ok na din at least nakauwi naman para madalaw naman sila Mama. Saka anlaki na ng pamangkin ko eh!”

Kahit na may mga restaurant na nag-o-offer ng al fresco dining ay hindi pa rin sila kampante na magtanggal ng face mask in public kaya’t nagdesisyon silang sa sasakyan na lang ni Dennis kumain. Doon nila itinuloy ang masayang kamustahan at kwentuhan.

“So ayun na nga… yung boss ko, as in takot na takot talaga siya sa injection. Three people had to restrain him. Eh ang kaso hindi pa nga naitutusok, sumisigaw na siya sa takot!”

Tawang-tawa si Hazel na nakahilig sa direksyon ni Dennis upang ipakita ang video ng boss sa kanyang phone na kuha nang binakunahan ito. Parang natutulala naman si Dennis na minamasdan si Hazel sa kanyang tabi.

Kay tagal na mula nang huli niyang maisakay si Diane sa passenger seat ng kanyang oto. At ngayong naroon nakaupo si Hazel, sa pagsasalita at pagtawa nito, ay hindi niya maiwasang maalala at mamiss si Diane.

Walang kaabog-abog ay bigla na lang itong dumukwang upang halikan ang hipag.

“Oh Dennis, ano’ng ginagawa mo?!” gulat na sambit nito at agad na napatukod sa mga balikat ni Dennis at umatras upang umiwas.

“Ughh shit! Sorry Hazel! Tangina nablangko ako… Parang nakita ko si Diane… Shit sorry talaga!”

Hiyang-hiya si Dennis sa nangyari at abot-abot ang paghingi nito ng paumanhin kay Hazel. Sadyang hindi niya napigilang maalala ang nakababata nitong kapatid. Mabuti na lamang at naunawaan naman ni Hazel ang bayaw.

“Alam mo Dennis… umaasa pa din kami nila Mama at Papa na in time, magkakaayos pa din kayo ng kapatid ko. Kahit para man lang kay JR.”

“Malabo na siguro. Umuusad na annulment namin eh. Pag na-grant na yun, hindi na natin alam what happens next.”

Malungkot na marinig mismo ni Hazel iyon mula kay Dennis. Tila sinukuan na rin nito na buuin pa ang kanilang pamilya. Ngunit wala naman silang magagawa kung talagang nakapagpasya na ang dalawa.

Upang mapawi ang pagka-awkward sa pagitan nila ni Dennis ay iniba na lang ni Hazel ang usapan.

“Ay siya nga pala, malapit na birthday ni DJ ah. Malamang magluluto si Mama… punta ka ba?”

“Nako hindi na Hazel. Panggulo lang ako haha Baka i-message ko na lang siguro siya.”

Tumango na lang ang ate ni Diane. Lingid man sa kaalaman nila ang eksaktong kadahilanan ng paghihiwalay ng mag-asawa ay nalulungkot siya sa kinahinatnan ng pagsasama ng mga ito. Ngunit nauunawana niya ang desisyon ng dalawa.

Dahil susunduin na din naman ni Dennis si JR ay sabay na silang umuwi sa bahay nila Hazel. Papalapit na sila sa bahay nang matanaw nilang nagwawalis sa bakuran si Diane. Nagbukas si Hazel ng bintana at kinawayan ang kapatid.

“Ahh… Hazel… Pasensya ka na ulit dun sa kanina ha… hindi ko talaga sinasadya.” nahihiyang pagpapaumanhin ulit ni Dennis sa hipag.

“Ano ka ba, wala yun. Mag-girlfriend ka na kasi ulit! Eh kung hindi rin naman kayo magbabalikang dalawa. Si Diane nga, may bago nang–“

“JR! Halika na, baba ka na… your dad’s here…” tawag ni Diane sa anak habang papalapit ito upang buksan ang gate.

Natigilan si Hazel sa sasabihin at nagmamadaling tinipon na ang mga pinamili.

“May bagong ano Hazel?” pahabol na tanong ni Dennis sa hipag habang bumababa ito ng sasakyan.

“Ahh wala, nevermind… Sige salamat Dennis sa ride ha, saka dito sa food… paborito pa naman ‘to ni Papa.”

“Ok pakikamusta na lang sa kanila ha. Antayin ko na lang si JR dito.”

Sa nadinig ay lalong tumindi ang pangamba ni Dennis. Na mukhang tama nga ang kanyang hinala na may bago na si Diane. Bagay na alam naman niyang tiyak na darating, ngunit napakasakit pala talaga kapag nangyari na.

Pagpasok ni Hazel ng bakuran ay pasita nitong binulungan ang kapatid nang masalubong nya ito.

“Hoy! May bisita ka, labasin mo kaya! Arti-arti nito… pakipot!” natatawang kantyaw nito sa kapatid.

“Hahaha Tse!”

Nilabas naman ni Diane si Dennis habang hinihintay ang pagbaba ni JR. Gaya ng dati, civil lang kung pakiharapan niya ito.

“Nagkita pala kayo ni ate sa mall.” casual na bati nya dito habang nakasilip sa passenger window.

“Ah oo, nakakatuwa nga natyempuhan ko sya. Hindi ko nga lang sya nakilala agad kanina.”

“Hmm baka gusto mong tumuloy muna?” paanyaya ni Diane na halatang parang napilitan lang.

“Hindi na, salamat. Next time na lang.”

Kahit ilang beses na niya gustong tanungin si Diane tungkol sa lalaking nakita niyang naghatid dito noon, hindi nya ito magawa. Pakiramdam niya kasi ay wala na siyang karapatang manghimasok o mag-usisa pa sa personal na buhay nito. Ngunit tila nasagot naman na ni Hazel ang kanyang katanungan.

“Daddy!!” excited na bati ni JR at patakbo itong lumabas ng gate bitbit ang kanyang backpack.

“Oh behave ka JR, big boy ka na. Sige Dennis, ingat kayo ha.” paalam ni Diane matapos maisakay ang anak sa likod.

Tumango na lang si Dennis nang may tipid na ngiti sa dating asawa, at saka pinaandar na ang sasakyan.

Sa tuwing minamasdan ni Diane na palayo ang sasakyan ni Dennis, naroon pa rin ang kirot ng pagsisisi at panghihinayang sa masayang pamilya na nasira dahil sa mga pagkakamaling hindi na nila kailanman mabubura at mababago.

————————-

Disyembre. Hindi pa man campaign season ay ramdam na ramdam na ang paparating na eleksiyon. Kaliwa’t kanan ang mga motorcade sa buong bansa. Padami na din ng padami ang mga nagsulputang billboard ng mga kandidato maging mga political ads sa TV at online.

Kahit may pandemya pa rin ay tila unti-unti nang bumabalik ang pamumuhay ng tao sa dati.

Patuloy na bumababa ang mga nairereport na kaso ng COVID at mas nakakahinga na ngayon ang mga ospital. Kasalukuyang nagbabakuna na din ng mga teenager kasabay ng pagbibigay ng booster shots sa mga naunang nabakunahan.

Nakakapag-face-to-face classes na sa ilang mga lugar. Pwede na din lumabas at mamasyal ang mga bata maging ang mga seniors kaya naman ganoon na lang karami ang mga tao sa mga malls at pamilihan. Kasunod na din noon syempre ang pagbabalik ng mabigat na traffic.

Sumisigla ang komersyo at unti-unti nang bumabangon ang ekonomiyang pinadapa ng pandemya. Kaya naman kahit nakapasok na ang Omicron variant sa bansa ay sinisikap itong agapan ng pamahalaan.

Kung titignan ay para ngang wala nang pandemya. Paroo’t parito ang mga taong abala sa paghahanda sa nalalapit na Kapaskuhan. Ang pinagkaiba lang ngayon ay nakamask na palagi ang mga tao ngunit hindi naman na obligadong magsuot pa ng face shield.

Di tulad sa Pasko ng nakaraang taon na nasa bahay lang ang lahat, ngayon ay balik na ulit ang Simbang Gabi at pinapayagan na ulit ang mga pagtitipon at selebrasyon. Wala nang curfew kaya balik na din sa caroling ang mga kabataan sa lansangan.

Yun nga lamang ay kung kailan papalapit na ang Pasko ay hinagupit naman ng malakas na bagyo ang ilang bahagi ng bansa.

“Diane oh… inom ka muna.” awat ni Eric sabay abot ng bote ng tubig dito.

“Thanks Doc. Anong oras na ba?”

“Almost 12 na. Lunch na tayo?”

“Sige tapusin na lang natin ‘tong ilang packs then magpa-sub naman tayo.”

Abala sila Eric at Diane sa pagtulong sa mga nag-re-repack ng relief goods sa donation drive ng kanilang ospital para sa mga biktima ng bagyong Odette. Nagkataong parehas off nila ang araw na iyon kaya inilaan nila ang buong umaga upang mag-volunteer.

Kinagabihan naman ay Christmas party ng mga empleyado ng ospital. Ginawa lamang simple ang selebrasyon upang mai-donate ang ibang budget para sa mga nasalanta ng bagyo.

Gaya ng dati, sabay na pumunta sa venue sila Diane at Eric. May ilan silang mga kasamahan na nakisabay din at dinaanan ng doktor.

“Doc ano na ba talaga ang real score sa inyo nitong si Diane ha?” tanong ng isang katrabahong nakaupo sa likuran.

“Oo nga, ano ba! May jowa reveal na ba mamaya sa party? Magpa-sneak peak naman kayo sa’min para una kami sa balita!”

“Hay nako, sanaol talaga mainit ang pasko!” ani naman ng isa pa.

Napalingon si Eric kay Diane na nakangising napapailing na lang habang nakadungaw sa labas ng bintana dahil sa panunukso ng mga katrabaho.

“Kayo talaga, mga Marites kayo. Wag kayong ganyan, baka lalo akong hindi sagutin ni Diane niyan eh.”

Napalingon si Diane kay Eric, naiilang na ngumiti at tumingin na lang ulit sa labas.

Masaya ang lahat sa party, halatang namiss ng mga empleyado ang ganoong selebrasyon. Aliw na aliw ang lahat sa mga palaro, presentations, at pa-raffle. Inuman dito, picture-ran doon. Puno ng tawanan at kantyawan.

Habang abala ang lahat ay sinamantala naman iyon ni Eric upang masolo si Diane sa isang tabi. Kanina pa sya nabibighani sa babaeng nililigawan. Lutang na lutang kasi ang kagandahan nito sa suot na sleeveless na pulang V-neck na bestida.

“Ang saya noh Doc. Nakakamiss din yung ganito.” sambit ni Diane habang nakatingin sa mga nagpe-perform sa entablado.

Napalingon sya sa doktor dahil tila may sinabi ito na hindi nya nadinig.

“Ha? Ano yun Doc? Sorry ang ingay kasi eh.”

Mas lumapit pa siya kay Eric upang madinig ang sinasabi nito.

“Sabi ko… doc ka ng doc, eh pwede namang… babe.”

Natawa na lang si Diane sa sinabi ni Eric. Sa mga nakalipas na mga buwan ay hindi naman kasi niya masyadong sineseryeso ang panliligaw nito. Masaya na siya na magkaroon ng bagong kaibigan na kanyang nakakasama sa araw-araw.

Panay ang tawa nito nang bigla na lang yumukod si Eric upang siya ay halikan. Naramdaman ni Diane ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang mga labi, ngunit mabilis din siyang umiwas.

Tila napahiya naman si Eric sa ginawa niyang pag-ilag at agad itong napaatras sabay lingon sa paligid. Mabuti na lamang at abalang-abala ang lahat kaya’t wala namang nakapansin sa kanila.

“Haaay…” buntong-hininga ni Diane saka nito kinawit ng kanyang braso ang braso ni Eric upang hilahin ito pabalik sa kanyang tabi.

“Doc… Ok fine… Eric… I like you, ramdam mo naman siguro ‘yan di ba. Pero hindi ko pa kasi alam kung handa na ba akong pumasok sa panibagong relasyon. Alam mo naman ang sitwasyon ko.”

Hinawakan ni Eric ang kamay ni Diane na nakakapit sa kanyang bisig. Ipinihit niya ang nililigawan at iniharap ito sa kanya.

“Diane… give it a chance. Gumugulong naman na ang annulment niyo. Pretty soon, you’ll be free.”

Wala namang maisagot si Diane sa manliligaw kundi puro buntong-hininga lamang.

“I will treat JR like my own… I’m sure magkakasundo sila ng anak ko. Please Diane… You deserve a second chance at love… You deserve to be happy.”

Nanatiling tahimik lamang si Diane. Bakas sa mga mata nito ang ilang at pagkalito. Hindi mahanap ang tamang mga salitang dapat niyang bigkasin.

“Hmm sige, hindi naman kita minamadali eh. Take your time pero…”

“Pero ano?” nagtatakang tanong ni Diane.

“Pero pwede pa din akong dumalaw sa bahay nyo sa Pasko ha? Hoy, mama mo ang nag-invite sa akin kaya wala kang magagawa!”

“Hahaha sira ka talaga Doc.”

“Tsk, Eric na nga lang sabi eh!”

Hindi man makapagbigay agad ng sagot si Diane, umaasa si Eric na kalaunan ay tatanggapin din nito ang inaalay niyang pagmamahal. Nakahanda siyang hintayin ang panahong bibigyan na ni Diane ng second chance ang sarili upang magmahal ulit.

Sumapit ang bisperas ng Pasko. Papunta kila Diane ay may nadaanan si Dennis na simbahang buhay na buhay at handa na sa pagdagsa ng mga taong dadalo sa Misa de Gallo. Nabahiran ng kalungkutan ang okasyon dahil muling sumagi sa kanyang isip ang pagkawala ni Greg noong isang taon sa unang araw ng Simbang Gabi.

Ngunit ganoon talaga, kailangang ipagpatuoy ang buhay kahit may mga mahal tayo na lumilisan. Ang tanging magagawa na lamang niya ay gabayan ang dalawang anak na naulila ng kanyang kumpare.

Tumuloy na siya sa bahay nila Diane at napansing nakaparada sa labas ang isang pamilyar na sasakyan. At noong gabing iyon nagkakilala sila Dennis at Eric sa unang pagkakataon. Naroon man ang pagkailang, sinikap naman ng dalawang lalaki na maging sibil sa isa’t isa.

“Boyfriend ho niya?” pasimpleng bulong ni Dennis sa papa ni Diane nang tabihan nya ito sa may dining table.

Sa wakas ay nagkaroon na din siya ng lakas ng loob na usisain ang estado ni Diane at ng lalaki.

“Nako hinde. Manliligaw pa lang. Sa’yo pa din kami boto.”

Kahit abala si Diane sa pag-eestima sa bisita nito sa may salas ay napangiti si Dennis sa isinagot ng kanyang biyenan. Manliligaw lang pala.

May kurot man sa kanyang dibdib na tila nag-move on na ito dahil sa pagpapaligaw na nito sa iba, kahit papaano ay pakonsuwelong malaman na hindi pa rin naman niya ito sinasagot. Na wala pa ding nagmamay-ari sa kanyang asawa.

Naunang magpaalam si Eric dahil du-duty pa ito sa ospital nang gabing iyon. Mula sa sala ay tumanaw na lang ito sa mga tao sa may dining para magpaalam. At kahit mahirap ay pinilit pa din ni Dennis na pakiharapan ng maayos ang manliligaw ng kanyang asawa.

“Bye JR… enjoy your new toy ha… Dennis, nice meeting you pre…”

Hindi na kumibo at nag-angat na lang ng kamay si Dennis sa pamamaalam ng doktor.

“Merry Christmas po sa inyo… and Merry Christmas sa’yo… Diane.” pabulong na paalam nito at akmang hahalik sa pisngi ng nililigawan.

“Ahh… halika na… hatid na kita sa labas…” iwas naman ni Diane at inihatid na niya ang manliligaw palabas ng kanilang gate.

Pagkaalis ng bisita ay lumipat ang dating mag-biyenan sa sala upang doon ipagpatuloy ang kanilang kwentuhan. Dumeretso naman si Diane sa kusina upang tumulong sa pagluluto.

“JR oh… open mo na ‘tong gift ni daddy… wag na ‘yang nilalaro mo, pangit naman ‘yan.” patungkol nito sa doctor playset na bigay ni Eric.

Iniabot niya ang malaking kahon sa anak at sabik na pinunit ni JR ang palarang nakabalot sa kahon.

“Cool!! Daddy, open!”

Nang makita ang lamang remote control car ay agad na tumayo ang paslit at iniwan na ang laruang bigay ng doktor. Tuwang-tuwang napatakbo sa kanyang daddy upang magpatulong kung paano iyon paganahin.

Parang naantig naman si Diane habang minamasdan ang mag-ama. Batid niyang magkaroon man siya ng ibang makakasama at makakatuwang sa buhay ay walang kahit sinong papalit o makakapantay kay Dennis bilang father figure sa kanyang anak.

Wala pang isang oras ang nakalipas ay tumayo na din si Dennis at nagpaalam.

“Pa, tuloy na din ako. Idinaan ko lang talaga yung mga regalo.”

“Ang aga pa, uuwi ka na?” pagtataka ng mama ni Diane

“Didiretso kasi ‘ko ng Batangas, Ma. Baka kaya naman sigurong umabot ako do’n ng alas dose. Maluwag na ang daan ng ganitong oras saka may Skyway naman na.”

“Ah gano’on ba. Oh teka lang, ipagbabalot kita. Padalhan ko din mga ate mo…”

Maya-maya’y lumapit sa salas si Diane mula sa kusina habang nagpupunas ng mga basang kamay sa kitchen towel.

“Hmm… Ba’t hindi ka na lang dito mag-Noche Buena… Tapos bukas ka na lang umuwi ng Batangas… Kung gusto mo lang ha.” nakangiting paanyaya ni Diane sa ex-husband nito.

Nagkatinginan ang mama at papa ni Diane na masayang-masaya sa pag-anyaya ng kanilang anak kay Dennis. Noon pa kasi nila gustong imbitahin ito sa tuwing may okasyon ngunit lagi silang pinipigilan ng anak.

Kailangan na daw nilang masanay na wala si Dennis sa kanilang buhay. Kaya naman ganoon na lang ang kanilang galak na si Diane na mismo ang umaya kay Dennis na manatili.

Malugod naman itong nagpaunlak. Hindi katulad noong nakaraang taon na nag-iisa lamang siya, napakasaya niya na kahit nagkahiwalay na nga sila ni Diane ay muli niyang nakapiling ang kanyang mag-ina sa Noche Buena.

Kinaumagahan ay may ningning sa mga ni Dennis habang nagmamaneho ito pauwi ng Batangas. Gaano man kalalim ang mga sugat ay unti-unti din iyong hinihilom ng panahon.

Ngunit maghilom man ay hindi na maibabalik pa sa dati dahil naroon na ang pilat. Ngunit sapat na kay Dennis na kahit papano ay pinapakitunguhan na siyang muli ni Diane. At umaasa siyang muling bubuti ang samahan nila ng dating asawa… kahit bilang magkaibigan na lamang.

Ang makapiling ang pamilya at mga mahal sa buhay ngayong Kapaskuhan ang pinakapagandang… Aguinaldo.