Ako’s Sayo, Ika’y Akin Part 1-2

ni Shymalandi

…At kahit ano’ng mangyari
Ang Pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin
At kahit ano pa
Ang sabihin nila’y ikaw pa rin
Ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na
Umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita
Makikiusap kay Bathala
Na ika’y hanapin
At sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo
At ika’y akin lamang…

Hindi ko na kayang tapusin ang kanta…
Puno na ng luha ang aking mga mata…
May narinig akong bumagsak…ano yun?

Nakatulog ba ako, naalimpungatan lang ba, bakit ang ingay ng paligid?
Ambulansya ba yun?
Nasan ako?
Bakit hindi ko maibukas ang mga mata ko?

“Myla! Myla! Gumising ka na please”

“Bes, hindi magandang biro ito. Tama na ang tulog-tulogan mong style. College days pa yan e, wala pa si Pia na gugulatin mo…bukas pa ang dating nya from California kaya gising na Bes!”

Since college, ang OA talaga nitong sina Wendy at Abbie.
Kaya laging may award na drama queens kasi bilis pumatak ng luha, hahaha.
Pero bakit nga ba hindi ako makagalaw?
Anong nangyayari?
Inaantok na naman ako…

Graduation Ball 1994, slow dancing sa the way you look tonight…

“Myla, ilang days na lang and I wil be leaving for Boston na.”

Matagal na natin alam yan Ruel. Excited ka nga since nalaman mong pumasa ka sa college entrance exam dun diba. Why so sentimental all of a sudden? Hindi bagay sa macho image mo bestfriend hahaha

“Bes naman! Syempre paano na lang ako kung wala ka? Alam mo naman sayo umiikot mundo ko.”

Ugok! Tantanan mo nga ako. Buti nga at matatahimik na mundo ko. Daig ko pa nanligaw sa kahati ng girls sa school sa sobrang babaero mo!

“Hindi sila kasing importante sayo. Ikaw ang most priced gem ko”

Tigilan mo ako Ruel Reinier Saldivar delos Reyes!

“Ganito na lang bes. Whatever happens sa atin naman susuportahan natin ang bawat isa diba? kahit magkalayo tayo? Babalitaan mo pa din ako sa buhay buhay mo? Susulatan mo ako ha, lagi! As in bawal mag-skip at lumagpas ang isang month na wala ako news from you. Pati ako susulat ng balita about me. Ok ba yun? Kahit na magka-gf/bf tayo…mag-asawa…magka-anak etc….tsaka ninong ako lahat magiging anak mo. Automatic ninang ka din lahat ng magiging anak ko.”

Uy Ruel, kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo. Punta ka lang Boston, parang last will na yan e. Sige, susulat ako. Pero ikaw mauna ha.

“Ganun? Bakit naman? Pamiss ka bes?”

Alam mo minsan ewan ko talaga kung matalino ka e. Malamang kasi hindi ko pa alam ang address mo?

“Hahaha, oo nga naman”

“Bes…”

Yes?

“Gayahin natin yung movie nila Aga and Ate Shawie. Yung napanuod natin last week sa bahay nyo”

Baduy mo bes! Lupit ng separation anxiety mo.

“Seryoso ako. Sige na. Simple lang naman yun and no pressure”

No pressure pa yun?

“You are still free to fall in love with other guys, kahit pakasal ka. Diba nga suportahan tayo”

Hahaha baduy mo talaga. Wala pa originality.

“Simple lang naman yun bes…kapag hindi pa tayo married when we reach 40, tayo na magpapakasal sa isa’t-isa. Game? Sige na, promise me na bes.”

Seyoso ka? As in hindi ka kinikilabutan sa mga sinasabi mo?

“Kaya lang naman ako nanliligaw ng madami girls kasi ayaw mo pa magpaligaw at magkaboyfriend hanggang di ka pa graduate ng college and working na. Alam mo namang ikaw ang true love ko since 4 years old tayo diba? Simula naging seatmate tayo sa day-care sa barangay center”

Hahahahaha sige na sige na! Halika na, wag na tayo ulit sumayaw at masakit na paa ko. Alam mo namang sneakers and rubber shoes ang best friend ng paa ko at hindi itong 3 inch high heels.

“Ganda mo nga kapag ganitong events. Buti na lang isip nila tibo ka kaya pwede kita bakuran. Masahihin ko binti mo mamaya paguwi natin”

Wag na. Lalaitin mo na naman amoy ng paa ko.

“Hahaha Baho kasi talaga nung minsan bes. Hindi naman lagi.”

Gago!

“Mrs. Sylvestre, stable naman na ang vital signs ni Myla. 24 hours na sya in coma so we will be monitoring her closely for the next 48 hours pa ulit. Hopefully gumising na sya para walang lasting side effect ang condition nya ngayon since malakas din ang impact ng body nya sa accident the other day.”

“Thank you Dr. Corpuz. Bakit naman kasi tumakas agad yang batang yan sa emergency room kahapon e hindi pa tapos ang mga tests nya after their accident ni Ruel sa C5. Sabi na kasing magstay na lang sila sa hotel that night at pagod na sila tyak sa Stag and Shower parties nila.”

“Wag po muna tayo masyado magworry, mukhang fighter naman si Myla at malaki ang improvement nya since yesterday. Paano po, balik na lang po ulit ako bukas. The nurses will be monitoring her every hour and should there be any slight decline sa vitals nya, nagbilin na ako sa kanila na on-call naman ako to check on your daughter. I’ll go check on Ruel na din sa recovery room, hopefully his vitals are stable na din and no complications from all the sugeries he went through”

I’m in coma?
Kaya I can’t open my eyes?
Or even move my hands and feet?
Ruel, my Ruel…how is he?
Please tell me more about my Ruel!!!

“Myla anak, I know you are hurt so much. Tomorrow is supposedly your wedding day. Ang pinkaaantay mong araw since you turned 40 and Ruel proposed to you. Alam ko naman na since bata pa kayo ay kayo na ang para sa isa’t isa. Sobrang mahal nyo bawat isa na you let each one be free to love others muna before nyo hanapin ang happiness nyo together. I’m praying for your health ija. Syempre gusto ni mommy na bumalik ka. Ruel is fighting his own battles din…ang mga anak ko…”

Mommy!
Please don’t cry.
I’ll be back mommy
I’ll be back mommy
I promise
And Ruel will be back too right?
He’ll be back for me, right mommy?

July 31, 2015, 00:01 am, US number calling…

Talaga naman! Mamaya pa ang birthday mo dyan Ruel. At hindi ka maka-antay na ako ang tumawag sayo to greet you? Tanda mo na bes! 40 ka na! mag-asawa ka na! Baka hindi mo na makita makagraduate ang anak mo ng college nyan kasu uugod-ugod ka na hahaha when was the last time you had a girlfriend nga, Fellowship days mo? OMG! that was more than 10 years ago! hahahaha Seriously, Happy Birhday Ruel! Abangan mo na lang gift ko. Simple lang yun ha, medyo tight ang budget lately e.

“Ang daldal mo talaga ano?”

Sensya na. Antok na ako e.

“Aga pa! As if namang hindi ko alam na 2am ang sleep time mo. Weekend pa kaya malamang TV series marathon ka na since after dinner.”

Dami mo alam e no?

“Basta about you bes, I make it my business to know. I’m your personal diary diba”

Oo na. Tapos na kita greet. Can I go back to watching my TV series now?

“Hahaha Spinster! Certified!”

May 3 weeks pa ako. Mas matanda ka sa akin remember?

“Of course. Kaya nga ako tumawag e. I remembered more than that pa.”

Yeah? Which is?

“Pwede ko na ba claim yung promise mo nung Grad Ball natin?”

Na?

“Marry me, Myla”

Namputsa Ruel! Tamaan ka ng kidlat dyan! Gulatan?

“Bes, bakit hindi ka nagka boyfriend ever? Sabi ni Tita Ann dami mo naman manliligaw even hanggang ngayon. Ako, alam ko bakit wala ako girlfriend for the past 10 years”

E sa hindi ko sila feel lahat, ano magagawa ko? Sige nga, bakit wala ka girlfriend the past 10 years?

“Kasi wala nakaka-exceed sa qualities mo. Ikaw ang aking standard e. I love you Myla. I loved you then and I still love you now. Be my girlfriend and marry me Myla.”

She may be the beauty or the beast
May be the famine or the feast
May turn each day into a Heaven or a Hell
She may be the mirror of my dreams
A smile reflected in a stream
She may not be what she may seem
Inside her shell

She, who always seems so happy in a crowd
Whose eyes can be so private and so proud
No one’s allowed to see them when they cry
She may be the love that cannot hope to last
May come to me from shadows in the past
That I remember ’till the day I die

She maybe the reason I survive
The why and wherefore I’m alive
The one I’ll care for through the rough in many years

Hmmm nice song, reminds me of Myla and Notting Hill
Fuck! I feel pain everywhere! Arrghhhhh
Ano na nangyari?
Last thing I remembered was switching lanes para iwasan yung kumag na nakamotor na lasing pa yata.
Shit! Where is Myla?
If I’m like this? How is she?
And what day is today?
Oh my goodness! What have I done?
Myla, ang tagal ko inantay ang wedding day natin…have I been to selfish to wait this long?
Is this my punishment?
Please! Please! Let Myle be ok and safe, ok lang ako with this pain basta let Myla be safe.

“Based on Ruel’s vital signs now and his record for the past 3 hours, he had stabilized. He might even be awake now but can move anything voluntarily including his eyes due to pain and numbness from the after effects of his surgeries all over his body. So far, he out of critical condition and we will just monitor his healing.”

“Salamat po dok. Salamat po ng marami. Akala namin kung ano na nangyari kasi naextend pa to 20 hours yung operation na sabi ay 16 hours lang.”

“May ibang damages pa po kasi nadiscover nung inooperahan na sya kaya naextend pa ang estimated time. Very capable naman po ang teams na nagoperate sa kanya. Kausapin nyo ho ang pasyante, nakakarinig po sya based sa responses nya the past hours. Ahmmm, please follow me po sa nurses station for some instructions pa.”

“Ay okay Doc.”

“Mrs. Delos Reyes, maganda man ang development ni Ruel, iiwas po muna natin sana sya sa stress hanggang mas magimprove pa sya. Dahil alam nating nakakarinig na sya, wag nyo po muna sana babanggitin ang condition ni Myla sa kanya. Although nagstabilize na ang vitals ni Myla ay in coma pa din and we will be closely monitoring her for 48 hrs pa.”

“Ganun po ba? Sige po, ibibilin ko sa lahat ng mga dadalaw kay Ruel ang mga instructions nyo.”

September 5, 2004, 09:48 pm, calling Myla…call rejected

September 5, 2004, 09:55 pm, calling Myla…call rejected

September 5, 2004, 10:06 pm, calling Myla…call rejected

1 chikka text received: September 5, 10:10 pm
Myla: Bes, call you later, in a meeting. Bad mood si Boss Marga.

September 6, 2004, 12:32 am, calling Myla…call rejected

September 6, 2004, 12:44 am, calling Myla…call rejected

1 chikka text received: September 6, 12:55 am
Myla: Bes, still in a meeting. Mukhang matagal pa maubos ang galit ni Boss Marga. Will call you agad after this.

1 message received: September 6, 1:20 pm
Ruel: Myla, if I sponsor your air fare, would you be willing to take a least a 2 week vacation leave and visit me here? Will that be possible? If yes, please tell me asap so I book you a round trip ticket.

“Ano meron? It’s past midnight na and gising pa sya? And an invite to go there all of a sudden? hmmm”, isip ni Myla habang nasa meeting at nabasa ang text message

1 chikka text received: September 6, 1:43 am
Myla: Ano meron bes? Ok ka lang? Should I be worried na? Wala ka naman suicidal tendencies diba? How’s Rachel? How was our proposal? May date na ba ng wedding? Yun ba ang reason?

1 message recieved: September 6, 2:01 pm
Ruel: Long story, I’ll tell you later. I’ll wait for your call bes…promise me you’d call me as soon as your meeting ends ha. Please bes

“Hala na! Heart broken ang Ruel. All signs in place….tsk tsk tsk…saklap naman nun, ganda pa man din nung ring na binili nya. Akala ko sila na nga magkakatuluyan. Patay kung nasa bar ito, baka ipakulong ng may-ari kapag magwala gaya ng dati kapag heart broken sya. Bes naman! Hirap na tuloy magfocus sa meeting”

6 months after…

Bes! Welcome to America! Namiss kita ng sobra! Payakap naman

“Araw-araw tayo magkausap mula nung nakipagbreak sayo si Rachel! Miss ka dyan! (sabay palo at tulak sa noo ng kaibigang payakap na sa kanya)

Ito naman! Syempre iba yung usap sa kasama kita flesh and blood after more than 10 years. Imagine bes…10 years! At mas maganda ka kaysa sa mga pictures mo na pinapadala. Sexy din! Hindi ka na mukhang tibo bes!

“Inaantok ako, mag mo ako inisin kundi may kalalagyan ka”

Ito naman. Ganda pala ng epekto sayo ng mga experience mo…lumaki balakang mo. Talaga bang walang love yung sa FUBU mo? Kasi dami mo manliligaw pero ang attention mo nandun kay Tonio na yun lang.

“Tandaan mong pwede ako umalis dito at sumakay ulit ng plane papunta sa uncle ko sa Chicago”

Tatahimik na po. I’ve planned your 3 months stay dito…lahat ng activities mo even pagvisit mo sa Chicago! Sama ako ha hehehe.

“Good. Fine. Kain na tayo gutom na ako.”

Antay ka na nila Mommy. May mala-fiestang handa sila for you knowing your capacity daw. Nga pala, abisuhan lang kita ha. Ever since they saw Tonio’s picture dun sa mga pinadala ni Tita na Christmas photos nyo ay lagi nila sinasabing miss mo na siguro ako kasi parang twin ko daw si Tonio. Wag mo na lang sila pansinin ha, alam mo naman pamilya natin feeling nila tayo talaga tinadhana.

“Oo na. Ilang beses mo na nakwento yan.”

Sa isip ko while driving Myla back to our house: Actually ako nagbigay sa kanila ng idea na kahawig ko si Tonio. Please bes…wake up. Stop playing with him and realize that we are going around circles sa ginagawa natin. Pero sige…antay ako ng ten years ulit…sana lang talaga single ka pa din when we’re 40.

2 weeks before Myla’s vacation ends…she woke up with a wrapped box outside her room.

To my Myla,
Super Advance Happy Birthday in 3 months! Hope all your wishes come true.
With love, Ruel.
P.S. Words are not enough to tell you how much you make me happy being here with me. I love you.

It was a red dress, with it’s kind of fabric, it would follow every curve of Myla’s body. There’s also a pair of high heels that matches the dress with a note inside saying… “Please wear this tonight. We have a reservation at 7pm so I’ll pick up around 6pm. See you!”

“Nang-aasar talaga itong si Ruel. Well…sige, salamat pa din. Dapat sosyalin ang place at pinakaimportante mag-enjoy ako lumafang.”

Pauwi from dinner…hawak ni Ruel ang kamay ni Myla para alalayan sya maglakad. He stopped sa harap ng pinto ng bahay nila and faced his friend, naunahan sya magsalita ni Myla.

“Thank you for the dress, the shoes and the worderful dinner bes. Once in a lifetime experience ko ito”

Bakit naman kailangan maging minsan lang? You deserve everything I gave you today…and more…

Hinalikan ni Ruel sa labi si Myla. Malambing lang. Ramdam mong binabagalan at umaasang sasagot sa halik nya ang matalik na kaibigan pero sa halip na rumisponde ay nanlaki ang mga mata nito sa gulat at napaatras ng isang hakbang para magkahiwalay ang kanilang labi. Yumuko ang kaibigan, kinuha ang laylayan ng kanyang damit, binuksan ang pinto at pumasok dirediretso sa kanyang kwarto at iniwan sa labas ni Ruel.

Pagkagising ni Ruel kinabukasan ay halos walang tao sa hapag-kainan. Naiwan lang ang bunso nyang kapatid na babae at asar syang kinausap nito.

Nasan ang lahat?

“Patay malisya? Anong ginawa mo kuya?”

Huh? Ano meron?

“Hinatid nila mommy and daddy si ate Myla sa airport”

Bakit daw? Need nya bumalik sa Chicago?

“Ok ka lang talaga?”

Bakit nga? Mukha bang alam ko ha Cathy? Ano ba ikinagagalit mo?

“Si ate Myla, uuwi na ng Pilipinas. Pinarebook nya daw kagabi yung ticket nya pagkauwi nyo. Di na daw nya kasi kaya mag-stay dito kasi tambak na ang work nya dahil ang haba na ng leave nya.”

Tulala si Ruel sa narinig. For the first time, walang news from Myla for 3 months at reply lang na thank you sa birthday greeting ni Ruel sa kanya. Mommy ni Myla lang naginform sa mommy ni Ruel na she arrived safely nung biglaan nya umuwi.

Myla, I’m so sorry.
I should have listened to Mommy and stayed in the hotel to rest.
I want to wait for our first night to sleep together again.
Ayaw ko na maging too forward like what I did when you first visited me sa US.

“Ruel anak, don’t cry. Be strong. Myla is just in the other room and she’s also fighting to recover. Ikaw ang mas masaktan anak, ikaw ang bugbog. So fight for your life more anak. We are all here cheering for you. An Myla will be happy to see you well again.” Umiiyak na sanasabi ng mommy ni Ruel habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ng anak.

Mommy, dont lie to me!
Please tell me how Myla is doing now!
But thank you…your words did say that Myla is alive and recoving.
Can I see her? Tell me I can see her soon!
I want to be with Myla!!!

August 20, 2015, 00:01 am, unknown number calling

“Hello?”

Happy 40th birthday Myla!

“Ruel?”

Yes! Expecting somebody else to all you sa timeslot ko?

“Baliw! Teka, teka, Philippine number? You’re here sa Pinas? Since when? Bakit hindi ka nagpasundo?”

Daldal mo talaga. Just open your door na please.

“WHAT?!!!”

Pagbukas ni Myla ng pintuan ng bahay nila, Ruel was down on one knee with a simple white gold ring with three 1carat peridots (Myla’s birthstone). He was also holding a big sunflower bigger than Myla’s face.

Amelia Ruth Mitra Sylvestre, happy birthday, I love you, I can’t live without you anymore, will you marry me?

“Yes, Ruel! I love you and I will marry you!”

Scroll to Top