ni Shymalandi
…At kahit ano’ng mangyari
Ang Pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin
At kahit ano pa
Ang sabihin nila’y ikaw pa rin
Ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na
Umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita
Makikiusap kay Bathala
Na ika’y hanapin
At sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo
At ika’y akin lamang…
Hindi ko na kayang tapusin ang kanta…
Puno na ng luha ang aking mga mata…
May narinig akong bumagsak…ano yun?
Nakatulog ba ako, naalimpungatan lang ba, bakit ang ingay ng paligid?
Ambulansya ba yun?
Nasan ako?
Bakit hindi ko maibukas ang mga mata ko?
“Myla! Myla! Gumising ka na please”
“Bes, hindi magandang biro ito. Tama na ang tulog-tulogan mong style. College days pa yan e, wala pa si Pia na gugulatin mo…bukas pa ang dating nya from California kaya gising na Bes!”
Since college, ang OA talaga nitong sina Wendy at Abbie.
Kaya laging may award na drama queens kasi bilis pumatak ng luha, hahaha.
Pero bakit nga ba hindi ako makagalaw?
Anong nangyayari?
Inaantok na naman ako…
Graduation Ball 1994, slow dancing sa the way you look tonight…
“Myla, ilang days na lang and I wil be leaving for Boston na.”
Matagal na natin alam yan Ruel. Excited ka nga since nalaman mong pumasa ka sa college entrance exam dun diba. Why so sentimental all of a sudden? Hindi bagay sa macho image mo bestfriend hahaha
“Bes naman! Syempre paano na lang ako kung wala ka? Alam mo naman sayo umiikot mundo ko.”
Ugok! Tantanan mo nga ako. Buti nga at matatahimik na mundo ko. Daig ko pa nanligaw sa kahati ng girls sa school sa sobrang babaero mo!
“Hindi sila kasing importante sayo. Ikaw ang most priced gem ko”
Tigilan mo ako Ruel Reinier Saldivar delos Reyes!
“Ganito na lang bes. Whatever happens sa atin naman susuportahan natin ang bawat isa diba? kahit magkalayo tayo? Babalitaan mo pa din ako sa buhay buhay mo? Susulatan mo ako ha, lagi! As in bawal mag-skip at lumagpas ang isang month na wala ako news from you. Pati ako susulat ng balita about me. Ok ba yun? Kahit na magka-gf/bf tayo…mag-asawa…magka-anak etc….tsaka ninong ako lahat magiging anak mo. Automatic ninang ka din lahat ng magiging anak ko.”
Uy Ruel, kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo. Punta ka lang Boston, parang last will na yan e. Sige, susulat ako. Pero ikaw mauna ha.
“Ganun? Bakit naman? Pamiss ka bes?”
Alam mo minsan ewan ko talaga kung matalino ka e. Malamang kasi hindi ko pa alam ang address mo?
“Hahaha, oo nga naman”
“Bes…”
Yes?
“Gayahin natin yung movie nila Aga and Ate Shawie. Yung napanuod natin last week sa bahay nyo”
Baduy mo bes! Lupit ng separation anxiety mo.
“Seryoso ako. Sige na. Simple lang naman yun and no pressure”
No pressure pa yun?
“You are still free to fall in love with other guys, kahit pakasal ka. Diba nga suportahan tayo”
Hahaha baduy mo talaga. Wala pa originality.
“Simple lang naman yun bes…kapag hindi pa tayo married when we reach 40, tayo na magpapakasal sa isa’t-isa. Game? Sige na, promise me na bes.”
Seyoso ka? As in hindi ka kinikilabutan sa mga sinasabi mo?
“Kaya lang naman ako nanliligaw ng madami girls kasi ayaw mo pa magpaligaw at magkaboyfriend hanggang di ka pa graduate ng college and working na. Alam mo namang ikaw ang true love ko since 4 years old tayo diba? Simula naging seatmate tayo sa day-care sa barangay center”
Hahahahaha sige na sige na! Halika na, wag na tayo ulit sumayaw at masakit na paa ko. Alam mo namang sneakers and rubber shoes ang best friend ng paa ko at hindi itong 3 inch high heels.
“Ganda mo nga kapag ganitong events. Buti na lang isip nila tibo ka kaya pwede kita bakuran. Masahihin ko binti mo mamaya paguwi natin”
Wag na. Lalaitin mo na naman amoy ng paa ko.
“Hahaha Baho kasi talaga nung minsan bes. Hindi naman lagi.”
Gago!
“Mrs. Sylvestre, stable naman na ang vital signs ni Myla. 24 hours na sya in coma so we will be monitoring her closely for the next 48 hours pa ulit. Hopefully gumising na sya para walang lasting side effect ang condition nya ngayon since malakas din ang impact ng body nya sa accident the other day.”
“Thank you Dr. Corpuz. Bakit naman kasi tumakas agad yang batang yan sa emergency room kahapon e hindi pa tapos ang mga tests nya after their accident ni Ruel sa C5. Sabi na kasing magstay na lang sila sa hotel that night at pagod na sila tyak sa Stag and Shower parties nila.”
“Wag po muna tayo masyado magworry, mukhang fighter naman si Myla at malaki ang improvement nya since yesterday. Paano po, balik na lang po ulit ako bukas. The nurses will be monitoring her every hour and should there be any slight decline sa vitals nya, nagbilin na ako sa kanila na on-call naman ako to check on your daughter. I’ll go check on Ruel na din sa recovery room, hopefully his vitals are stable na din and no complications from all the sugeries he went through”
I’m in coma?
Kaya I can’t open my eyes?
Or even move my hands and feet?
Ruel, my Ruel…how is he?
Please tell me more about my Ruel!!!
“Myla anak, I know you are hurt so much. Tomorrow is supposedly your wedding day. Ang pinkaaantay mong araw since you turned 40 and Ruel proposed to you. Alam ko naman na since bata pa kayo ay kayo na ang para sa isa’t isa. Sobrang mahal nyo bawat isa na you let each one be free to love others muna before nyo hanapin ang happiness nyo together. I’m praying for your health ija. Syempre gusto ni mommy na bumalik ka. Ruel is fighting his own battles din…ang mga anak ko…”
Mommy!
Please don’t cry.
I’ll be back mommy
I’ll be back mommy
I promise
And Ruel will be back too right?
He’ll be back for me, right mommy?
July 31, 2015, 00:01 am, US number calling…
Talaga naman! Mamaya pa ang birthday mo dyan Ruel. At hindi ka maka-antay na ako ang tumawag sayo to greet you? Tanda mo na bes! 40 ka na! mag-asawa ka na! Baka hindi mo na makita makagraduate ang anak mo ng college nyan kasu uugod-ugod ka na hahaha when was the last time you had a girlfriend nga, Fellowship days mo? OMG! that was more than 10 years ago! hahahaha Seriously, Happy Birhday Ruel! Abangan mo na lang gift ko. Simple lang yun ha, medyo tight ang budget lately e.
“Ang daldal mo talaga ano?”
Sensya na. Antok na ako e.
“Aga pa! As if namang hindi ko alam na 2am ang sleep time mo. Weekend pa kaya malamang TV series marathon ka na since after dinner.”
Dami mo alam e no?
“Basta about you bes, I make it my business to know. I’m your personal diary diba”
Oo na. Tapos na kita greet. Can I go back to watching my TV series now?
“Hahaha Spinster! Certified!”
May 3 weeks pa ako. Mas matanda ka sa akin remember?
“Of course. Kaya nga ako tumawag e. I remembered more than that pa.”
Yeah? Which is?
“Pwede ko na ba claim yung promise mo nung Grad Ball natin?”
Na?
“Marry me, Myla”
Namputsa Ruel! Tamaan ka ng kidlat dyan! Gulatan?
“Bes, bakit hindi ka nagka boyfriend ever? Sabi ni Tita Ann dami mo naman manliligaw even hanggang ngayon. Ako, alam ko bakit wala ako girlfriend for the past 10 years”
E sa hindi ko sila feel lahat, ano magagawa ko? Sige nga, bakit wala ka girlfriend the past 10 years?
“Kasi wala nakaka-exceed sa qualities mo. Ikaw ang aking standard e. I love you Myla. I loved you then and I still love you now. Be my girlfriend and marry me Myla.”