Ang Diary Ni Grace: Part 1-2 by: robinhud

June 14, 2008

Dear Diary,

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga nangyari ngayong araw na to. Sabado ngayon, at ngayon sana ang birthday celebration ko kasi wala kaming klase. Ang inaasahan kong masayang araw kung saan darating ang ilang mga kaibigan ko dito sa apartment, hindi nangyari. Pero ayos lang din na sa labas kami kumain, at least nakapagvideoke kami sa arcade, kahit papano nakalimutan ko ang mga iniisip ko.

Maganda ang simula ng araw ko, nagising ako sa katok ni Mam Janet. Dinalan nya ako ng almusal katulad ng madalas nyang ginagawa pag araw ng Sabado.Sobra daw kasi yung naluto nyang ulam kagabi kaya ininit nya ngayong umaga. Dahil nga parehas kaming walang pasok, nagtagal pa sya ng kaunti dito sa bahay. Suot ang kanyang pantulog at dala ang iniinom na kape, nagkwentuhan pa kami tungkol sa buhay buhay.

Malapit na daw syang maregular sa university, at inaasahan nya na tataas ang sweldo nya ng halos walong libo kada buwan. Tuwang-tuwa nga si Mam kasi makakapagpadala sya ng mas malaking pera sa mga magulang nya sa Samar. Hanga ako sa kanya, madaming raket tulad ng tutorial, saka part time na ahente ng mga condo. Lahat ginagawa para matutustusan ang pangangailangan nya at ng kanyang pamilya. Kahapon nga nadinig ko syang may kausap sa telepono at sabi nya na magpapadala sya ng pera basta meron na sya. Siguro yun yung kapatid nyang college na nag-aaral sa Laguna.

Excited din syang kinwento na kapag malaki na ang sahod nya, bibili sya ng sarili nyang condo unit para daw hindi na sya nagrerent. Sa totoo lang naman kasi, mahirap din magrent, lalo kung mag-isa ka lang, katulad namin ni Mam Janet. Well, swerte naman ako kasi sagot ng parents ko ang renta ko habang nagrereview pa ako para sa board exam. Sabi pa ni Mam, kapag may trabaho na ako, aalukin nya ako ng condo para daw investment ko. Tinawanan ko lang, wala pa sa plano ko yon.

Kinwento din nya na nakabili sya ng second hand na computer monitor, na mas malaki kesa sa dati nyang ginagamit. Nakisuyo pa nga na ikabit ko daw sa CPU nya kaya pumunta ako sa unit nya.

Ngayon lang ako nakapasok sa unit nya kahit katabing-katabi lang ito ng unit ko. Pahaba din ang cut ng unit, at nasa pagpasok ng pinto ang maliit na sala. Tapos may maliit na mesa sa likod ng sofa na nakaharap sa TV. May lababo mga ilang hakbang mula sa sala na katapat ang pinto ng CR. Tapos pinto na ng kwarto ni Mam.

Pagpasok ng kwarto ay nasa kaliwa ang kama nya, nasa kanan naman computer table kung saan nakalagay ang monitor. Nakadikit ito sa dingding na naghahati sa unit namin. Halatang hindi masyadong naglilinis si Mam ng computer desk nya, dahil maalikabok ang mga kurdon. Sigurado din ako na kung naglilinis sya, makikita nya ang dalawang butas sa dingding na ginagamit ko para makita ang mga kalokohang ginagawa nya kasama ang kung sino-sinong lalake.

Umuwi ako kaagad matapos kong ikabit ang monitor ni Mam Janet. Gusto pa nga nyang magkwentuhan kami tungkol sa ex ko na si Tony, pero hindi ko na pinatulan. Ayoko din naman kasing makipagplastikan sa kanya tungkol sa topic na yon. Akala nya siguro, hindi ko alam na may nangyayari sa kanila ni Tony sa twing nagpapatutor sa kanya yung mokong kong ex. Pero di nya alam na nakikita ko sila sa mga butas ng dingding.

Hindi ko kasi talaga focus ang relationship ngayon, lalo na ilang buwan na lang, board exam na. Kaya OK lang din sa akin kung may nangyari sa kanila ni Tony, nakipagbreak na lang ako kesa komprontahin ko sila. Saka para sa akin, hindi naman talaga kasalanan ni Mam yung nangyari sa kanila ni Tony, tingin ko, its just sex for Mam Janet, tulad ng ilang mga lalaking naglalabas pasok sa bahay nya. Pero kasalanan ni Tony, may girlfriend sya tapos pumatol sya sa iba.

Alas kuwatro ang usapang dating ng mga barkada ko sa apartment, pot luck, tapos kanya-kanyang dala ng alak. Ala una pa lang naligo na ako, bibili sana ako ng pansit sa may kanto. Nagbibihis ako sa kwarto nang may marinig akong galabugan sa unit ni Mam Janet. Inisip ko, baka may lalake na namang kasama kaya sumilip ako sa butas.

Kaso badtrip, yung butas sa mas mataas na bahagi ng dingding, natakpan pala nung bagong monitor, kaya wala akong makita nung sumilip ako. Buti may isa pang butas, yung nasa baba na nasa may gilid ng CPU. Sumilip ako at nakita ko ang mga binti ng dalawang tao. Sigurado akong kay Mam Janet ang mga maliliit na binti na napapagitnaan ng binti ng isang taong nakapantalong maong. Kahit na binti lang ang nakikita ko, alam ko ang kanilang ginagawa. Malamang, nakatuwad si Mam at nakatukod sa computer desk habang binabatanan ng lalake sa likod nya. Pansin ko ang pag-alog ng desk, mukhang matindi ang laban. Wala ko sa mood magpainit kaya di ko na tinuloy ang panonood at nagbihis na para umalis.

Alas tres na halos ng makabilik ako sa bahay. Nakita ko si Mang Leo, yung may-ari ng apartment na kumakatok sa unit ni Mam Janet. Naniningil ulit, mukhang hindi na naman nakabayad si Mam on-time. Binati pa ako ni Mang Leo at tinanong kung nakita ko ba si Mam Janet dahil matagal na daw syang kumakatok at walang nagbubukas. Sabi ko sa kanya, hindi ko alam, baka umalis si Mam o baka tulog. Umalis naman agad si Mang Leo, at nagpasalamat pa sa akin dahil hindi na daw ako kailangang singilin, di daw katulad ni Mam. Nginitian ko na lang.

Derederecho ako sa kwarto matapos ilapag ang pansit sa mesa. Nahiga ako sa kama at nagpahinga ng kaunti. Naidlip yata ako ng ilang minuto at nagising sa ingay ng tumutunog na landline sa unit ni Mam Janet. Kahoy kasi ang pagitan ng mga unit ng apartment kaya dinig ang ingay ng kapitbahay. Mahaba ang pasensya ng tumatawag, mga tatlong minuto na ay patuloy pa din ang pagtunog ng telepono. Umalis siguro si Mam kaya walang sumasagot.

Mga ilang sandali pa ay nadinig ko ang ringtone ng kanyang cellphone. Hindi ako pwedeng magkamali, dahil madaming beses ko nang nadinig yon pag nagkkwentuhan kami. Matagal din nag-ring ang cellphone, siguro tulog si Mam, sa pagod sa ginawa nya kanina. Patuloy lang sa pagtunog ang cellphone kaya naisip kong sumilip sa butas para tingnan kung ano ang ginagawa ni Mam. Baka may nakapatong sa kanya kaya hindi sya makatayo. Kahit kasi mukhang mahinhin si Mam, alam ko naman ang natatagong kalandian sa kanya.

Inalis ko ang poster na tumatabing sa butas at idinikit ko ang aking mukha sa dingding. Itinapat ko ang mata ko sa butas at nakita ko ang hubad na katawan ni Mam Janet na nakadapa sa sahig. Nakaharap ang mukha nya sa direksyon ko, dilat ang kanyang mga mata, at may nakapulupot na extension cord sa kanyang leeg. Tumayo ang balahibo sa buong katawan ko at kusang bumilis ang aking paghinga. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako maaaring magkamali. Wala nang buhay ang katawan na nakita ko!

Hindi ko alam kung papano ko sasabihin, o kung kanino ko ipapaalam ang nakita ko. Ayokong may makaalam na may butas ang dingding. Tuliro ako at hindi alam ang gagawin. Kinuha ko ang yellow pages at hinanap ang telepono ng pinakamalapit na police station. Tumakbo ako palabas ng bahay at nagpunta sa pay phone na nasa kanto ng eskinita namin. Tumawag ako sa police station, hindi ako nagpakilala. Iniba ko ang boses ko at sinabing may patay sa unit ni Mam Janet.

Kinse minutos bago ang alas kuwatro ay dumating na ang mga pulis. Nakita kong inilabas sa unit ang bangkay ni Mam Janet na nakabalot ng puting kumot. Madaming tao sa apartment, kaya naisipan kong icancel na lang ang imbitasyon ko sa mga barkada ko at sa mall na lang kami magkita. Kinuha ko ang pansit at inabot ko kay Mang Leo na tulala sa mga nangyari.

Buti na lang, tapos na ang araw na to. Sana makatulog ako ng mahimbing.

March 25, 2008

Dear Diary,

Tahimik ang gabi na para bang nagluluksa sa unang pagkakataong nahiwalay ako sa aking mga magulang. Naririnig ko ang garalgal ng mga sasakyang madalang na dumadaan sa harap ng bago kong apartment. Nasasagap ng aking pandinig ang lagaslas ng maliit na estero na nasa likuran ng bahay na magsisilbing tahanan ko sa susunod na isang taon.

Hindi ako sanay na mahiwalay kina mommy at daddy, I am a daddy’s girl pa naman. Pero, ikinuha nila ako ng apartment na walking distance sa review center na papasukan ko sa April para sa board exam ko sa November. Gusto nilang masanay ako sa lugar at sa pamumuhay mag-isa kaya naisipan ng mga magulang ko na lumipat ako agad, kahit halos dalawang linggo pa bago magsimula ang review. Sabi naman nila, dadalawin nila ako lagi. Pumayag na din ako, kahit alam kong mahirap para sa akin ang mag-isa sa bahay. Inisip ko na lang na kailangan masanay din ako dahil hindi naman habangbuhay na dapat akong umasa kina mommy at daddy.

Maganda naman ang lokasyon ng apartment. Tabi ng maliit na kalsada at isang kanto lang ang layo sa main road. Pwede kong lakarin papunta sa review center at pwede din namang mag jeep or tricycle. Tahimik at wala masyadong bata na naglalaro sa labas kahit kaninang umaga. May mga malapit na karinderya at fast food na pwede kong bilan ng pagkain kung hindi ako sipaging magluto.

Si Mang Leo ang sumalubong sa akin. Siya ang may-ari ng apartment. Matanda na siya, tingin ko mga malapit na maging seior citizen. May katangkaran si Mang Leo ngunit payat at madami nang puting buhok. May kalakihan ang kanyang mga mata at matangos ang ilong kumpara sa karamihan ng mga kakilala ko. Manipis ang kanyang bigote at wala syang balbas. Malalim ang kanyang boses na may pagka-garalgal, dala siguro ng madalas nyang paninigarilyo.

Nakakwentuhan ko sya sandali, at kahit alam kong may kaya sya sa buhay, simple lang sya at walang yabang sa katawan. Base sa kwentuhan namin, galing sya sa probinsya at nakipagsapalaran sa dito sa Maynila. Bente anyos pa lang daw sya nung napilitan syang lumuwas dahil sa hirap ng buhay. Nakapagtrabaho daw sya sa isang sikat na department store habang tinatapos ang vocational course na electrician. Tapos nakasakay ng barko, sinwerte, nakapagpundar ng simpleng apartment na may limang pinto at ang pang-anim at pinakamalaking unit ay kanya.

Wala daw syang anak dahil hindi na sya nakapag-asawa. Siguro isinubsob ang sarili sa trabaho para makaahon sa hirap ng buhay. Mga pamangkin nya at pinsan ang kasama nya sa bahay dahil ayaw daw nyang mag-isa lalo’t matanda na sya. Pinaalala nya sa akin ang mga house rules, payment schedule at iba pang mga dapat tandaan para daw hindi kami magkaproblema sa apartment. Ibinigay din nya ang number nya para kung sakali daw na may emergency or may kailangan ako, tawagan ko lang daw sya.

Ngayon lang ako nakapunta dito dahil busy ako sa mga post graduation errands at pag-aasikaso ng mga kailangan para sa review. Maganda ang nakuha nilang unit. Si mommy ang nakahanap nito, tapos si daddy naman ang namili ng mga gamit tulad ng study table, sofa, at ang malambot na kamang hinihigaan ko ngayon. Maliit lang ang living room pag pasok ng bahay, hindi ako nagpalagay ng TV kaya study table ang makikita sa gawing kaliwa pagpasok ng pinto. Sa tapat ng study table ay isang maliit na sofa, at nasa likod ng sofa ang isang pang-dalawahang dining table. Nasa tapat naman ng mesa ang lababo, sa gawing kanan pagpasok ng bahay. Mga dalawang hakbang lang ay ang pinto ng CR sa kaliwa, at ang kaderechuhan ay pinto ng aking kwarto.

Maliit lang din ang kwarto sakto lang ang isang kama. Kahoy ang dingding at may nakadikit na wallpaper na kulay dilaw. Ayoko ng kulay, masakit sa mata lalo kapag bukas ang ilaw, kaya naubos ang araw ko kanina sa pagbakbak ng wallpaper. Napansin ko nga ang dalawang maliit na butas sa dingding ng kwarto.

Lumuhod ako sa kama at sumilip ako sa butas na nasa mas mataas na bahagi ng dinging at nakita ko ang kwarto ng kabilang unit. Tanaw na tanaw ko ang kama. Babae siguro ang nakatira dahil Hello Kitty ang bedsheet. Yumuko ako para makita kung ano ang meron sa butas na nasa mas mababang gawi ng dingding. Mula sa butas na ito ay kita ang gilid ng kama, at ang puting tiles ng sahig.

Hindi ako mahilig makialam sa ginagawa ng ibang tao. Pero kanina, pagtapos ng hapunan, may nadinig akong ingay na galing sa kabilang unit, parang nagpupokpok ng sahig. Sumilip ako sa butas at nanlamig ako sa king nakita.

Isang babae, na may balingkinitang katawan, mahabang buhok at maputing kutis ang nakatuwad sa kama. Sa tingin ko ay nasa late twentys sya. Wala syang suot na kahit ano kaya kitang kita ko ang pag-alog ng kanyang dibdib habang binabayo ng isang lalake. Nakaluhod ang lalake sa kama, walang damit at tanaw na tanaw ko ang mahaba nyang ari na naglalabas pasok sa hiwa ng babae. Tumatama ang bakal na paa ng kama sa tiles na syang gumagawa ng nakakairitang ingay.

Sa sobrang sarap ng sensasyon ay hindi napigilan ng babae na tumaas ang kanyang mukha. Nakita ko ang nakapikit nyang mga mata at ang pantay na pantay nyang kilay. Mapula din ang makinis nyang pisingi, at halatang may lipstick ang kanyang manipis na labi. Dahil nakaside view ay kita ko ang katungasan ng kanyang ilong.

Hindi nya malaman kung anong pihit ang gagawin sa sobrang sarap ng pagbayo sa kanya ng lalake na nakahawak sa kanyang bewang at mabilis na inilalabas pasok ang kanyang mataba at malaking sandata sa kaselanan ng babae. Malaki ang katawan ng lalake, halatang nag-gygym. Semi-kalbo pero malakas ang appeal. Mukang tall dark and handsome.

Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanila. Kahit may experience naman ako sa sex, ngayon lang ako nakakita ng actual na nagtatalik sa harap ko.

Kumalas ng pwesto ang dalawa at parang may ibinulong ang lalake sa babae. Agad namang lumuhod ang babae sa gilid ng kama at ang lalake ay tumayo sa tapat ng babae.

Yumuko ako para sumilip sa mas mababang butas at doon tumapat sa aking mga mata ang mukha ng babaeng may isinusubong malaking kargada ng lalake. Nakatayo lang at hindi gumagalaw ang lalake, ang babae lang ang nagttrabaho ng salitang pagdila sa ulo at pagsubo sa alaga ng katalik. Bumukaka pa ang babae para laruin ang kanyang hiwa. Nakita ko tuloy ang ahit na ahit nyang kaselanan na wala kahit isang buhok.

Dinilaan ng babae ang bayag ng kapareha at nakita ko kung papano nakuryente ang buong katawan ng lalake. Patuloy ang isang kamay ng babae sa paglalaro ng kanyang hiwa, habang ang isa ay waring tinatasahan ang ulo ng alaga ng katalik. Maya-maya pa ay isinubo nya ulit ito at pinaglaruan sa kanyang bibig. Napahawak ang lalake sa mukha ng babae at kusang nag atras abante ang kanyang pwetan. Napatingala ang lalaki at napapikit naman ang babae.

Hindi na siguro napigilan ng lalake ang sarap at naisigaw nya ang pangalan ng babae. Kaya ko nalaman na Janet ang pangalan babaeng bihasang-bihasang magpaligaya sa kapareha. Parang nagulat ang babae sa sigaw ng katalik kaya bigla itong napatayo at tinakpang ang bibig ng lalakeng kasalukuyang nakapikit at nakatingala.

Napansin kong tumulo ang tamod mula sa bibig ni Janet, kasabay ng mabilis nyang pagtayo. Para namang nabitin ang lalake kaya’t napasimangot na lang ito.

Nakaramdam ako ng init sa aking katawan kaya itinigil ko na ang pagsilip sa kanila. Dali-dali akong nagpunta sa CR para maligo dahil napansin kong pawis na pawis ang bawat bahagi ng aking katawan.

Mukhang magiging maganda ang stay ko dito sa bagong apartment.

Add a Comment

Your email address will not be published.