The year was 2014, 17th day of November. That was a beautiful and lovely morning but a bad news suddenly ruined the peacefulness of the sunrise. Nagsilabasan yung mga residente sa San Nicholas upang makiusyoso sa bahay ni Sir Delfin (not real name). Isa ako sa mga taong pumasok sa loob. Sa pinto pa lang naririnig ko na yung sigaw ni Ma’am Teresita (not real name). Nadatnan ko syang umiiyak habang kalong nya sa kanyang bisig si Sir Delfin.
Nasa kusina sila, nakahandusay sa sahig si Sir Delfin at talagang kinilabutan ako nung mapansin ko ang kutsilyong nakabaon sa kanyang dibdib, sa tapat ng kanyang puso. His blood was all over him. Maraming dugo ang nagmumula sa saksak pati dun sa leeg nya na parang ginilit. Puno na rin ng dugo si Ma’am Teresita dahil sa pagkakayakap nya sa kanyang asawa.
Yung iba nilang kaanak nag-iiyakan din, pati yung ibang kapitbahay. Napuno ng tao ang maliit nilang kusina. Mayroon na ring dumating na barangay tanod, naririnig ko pa yung iba na nagsasabing tumawag na daw ng pulis, hindi nga naman kasi biro o maliit na kaso lang itong nadatnan namin. Murder ito, at sa palagay ko sa ngayon wala pang katiyakan kung sino ang murderer.
Habang pinapatabi kami ni Manong tanod pati yung ibang miron upang lumuwang yung space sa bangkay, may narinig kaming malakas na sigaw ng babae na nagmumula dun sa dirty kitchen isang pinto ang pagitan. Nagulat kaming lahat sa lakas ng boses nya, parang fan na tumili nung biglang nakita ang idol nya.
Nagsitakbuhan yung iba, lalo na yung dalawang tanod na nauna. Nacurious din ako kaya nakitakbo na rin ako sa kanila. Nakidungaw ako sa balikat nitong mga tao sa harap ko. Una kong nakita ang isang babaeng nakayakap sa isang lalake. Kilala ko sila, sila yung mag-asawa sa kabilang bahay, pinsan ni Sir Delfin yung babae, at sa tingin ko sya yung sumigaw kanina.
Nakamukmok sya sa balikat ng asawa nya na para bang takot na takot at may ayaw syang makita. Pagtingin ko sa ibang tao, naduduwal na yung iba, may nasusuka din, at yung iba ayaw ding tumingin. Lumapit pa ako ng kaunti para makita ko kung ano ba yung bagay na ayaw nilang makita, at kung bakit sila nasusuka.
Nakita ko ang isang kawa (huge cooking fan) na nakalagay sa sahig, yun yung tinitignan nila, at the same time, ayaw makita ng iba. Nanlaki na lang mga mata ko nang makita ko kung ano ang laman ng kawa. Putol na kamay, putol na paa, leeg, binti, hita, at putol na braso ng tao. Dun ko naramdaman ang takot at nerbyos. Ngayon lang kasi ako nakakita ng putol-putol na katawan ng tao.
Parang bumaliktad ang sikmura ko nung halungkatin ng matapang na tanod ang laman ng kawa. Nakita ko kasi ang pulang-pulang laman na nilalabasan pa ng dugo. Biyak yung tummy nya, lumabas yung bituka nya at ibang laman-loob nya. Parang tocino o longganisa ang hitsura. Hinahalungkay nung mamang tanod na para bang may hinahanap sabay tanong na, “Nasaan yung ulo?”
Base sa mga nakikita kong pira-pirasong parte ng katawan, natitiyak kong katawan ito ng babae. Malaki kasi ang dibdib at mayroon itong vagina. Hindi ko lang matukoy kung kaninong katawan ito, marami kasing dugo at medyo lasog na ang laman.
I don’t know exactly what is happening but one thing for sure is we found two dead bodies inside this house. Nanginginig pa ako at parang ayaw ko na ring manood, but on the other hand, gusto kong malaman kung ano ang nangyari kaya hindi muna ako umalis.
A couple of lazy minutes later, heto na si Ma’am Teresita, rushing with her bare feet while teary eyed shouting, “Anak! Anak ko! Anak ko!” catching her breath.
Dumiretso sya dun sa kawa, na hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nandoon sa kawa ang pira-pirasong katawan nung sinasabi nyang anak nya. May balak ba yung murderer na iluto yung katawan ng tao? Cannibal? Carnivore?
Patuloy ang pagtangis ni Ma’am Teresita, “Anak ko! Anak ko! Bakit nila nagawa sa’yo ito?! Bakit ikaw pa?!” paulit-ulit nyang sinasabi. Malamang narecognized agad nya yung putol-putol na bangkay ng anak nya dahil sa anak nya nga ito. Kawawa naman sya, kase kaisa-isang anak nila ito. Nawala na ang asawa’t anak nya, which sadly means, mag-isa na lang sya sa buhay.
Alam ko kilala ko yung anak nya eh. Sya si Cindy (not real name), disi-otso anyos at nag-aaral sa Assumption University sa San Fernando. Kaisa-isang anak lang sya, at sa pagkakaalam ko spoiled brat sya. Sayang naman, maganda pa naman sya, artistahin sya. Mestisa, may mahabang blonded na buhok, sexy. She’s the point of attraction of every guy in the city. Sa isang iglap lang wala na sya, tapos ang saklap pa ng kamatayan nya. Ginawang chop-chop lady. Sobrang napakabata pa nya para mamatay.
Another few minutes passed, dumating na yung mga pulis. Ang unang ginawa nila pagkapasok nila sa loob ng bahay ay ang palabasin kaming mga usisero’t usisera. Ayaw pang lumabas nung iba, lalo na yung mga ibang kaanak nung mga biktima, pero wala din silang nagawa kase utos yun ng mga awtoridad. Maliwanag na brutal massacre ang nangyari kaya mas mabuting lumabas na kami, dahil wala naman kaming maitutulong at hindi kami kailangan sa imbestigasyon.
Nung malinis na ang crime scene sinimulan na ng mga pulis ang kanilang trabaho. May kasama pa silang iba na nakasuot ng uniform na may tatak na S.O.C.O sa likod, mga special team siguro sila.
Pinalabas nila kami hanggang sa gate, tapos nilagyan nila ng yellow ‘Do not cross’ tape yung buong paligid ng gate. Nangyari tuloy dun lang kami sa labas at padungaw-dungaw don sa loob. Itong mga katabi ko naman puro mga umiiyak. Mapababae o lalake, they’re mourning in total griefs and sorrow. Lalo na siguro yung naiwan sa loob na si Ma’am Teresita.
Another few minutes more, nakatayo parin ako sa tapat ng gate kasama pa rin yung iba. Hindi ko maiwan eh, naghihintay pa rin ako ng malinaw na kwento tungkol sa kung ano ang totoong nangyari dun sa mag-ama. Bakit kaya sila pinatay? Ano’ng naging motibo at bakit chinapchop pa nya ang katawan ni Cindy? Nilagay pa talaga sa kawa.
Tapos narinig na lang namin na sumigaw ng malakas si Ma’am Teresita. “Aaahhhhik Aaaannnnaaakkk kkkoo!” pasigaw na syang umiiyak. Naalarma ang mga katabi ko at gusto nilang pumasok, pero hinaharangan sila nung mga pulis at tanod. Maya-maya pinalabas na rin si Ma’am Teresita, hindi na rin siguro nya nakayanan ang emosyon nya.
Sinalubong sya nung iba nyang kaanak, yung hipag nya, bayaw at ibang mga pinsan. Pinaupo sya sa isang monoblock chair habang pinapaypay sya nung hipag nya. Tinanong agad sya ng, “Ate, ano’ng nangyari? Bakit ka biglang sumigaw?” huminga muna ng malalim si Ma’am Teresita bago sumagot ng, “S-si, si Cindy! Na-naki-ta yung u-ulo nya sa loob ng, ng ref.!” hindi pa rin sya tumitigil sa pag-iyak.
Ako naman nagulat sa narinig ko. Ano daw? Yung pugot na ulo ni Cindy natagpuan sa loob ng refrigirator? Naku, hindi ko ma-imagine, putol ang leeg, ulo, nakasilid sa chiller ng ref., pano kung nakamulat pa yung mga mata noh? Nakakatindig balahibo!
Habang kinikilabutan ako may isang lalake na biglang dumating. Nakasakay sya sa motorsiklo, nung pagkapatay ng makina bumaba agad sya after nyang matanggal yung helmet nya. Sa unang tingin parang kilala ko sya, sa second glance, naalala ko na kung sino sya. Sya yung boyfriend ni Cindy.
Umiyak agad sya nung makita nyang umiiyak si Ma’am Teresita, tapos napapalibutan pa ng mga pulis yung buong bahay. “Bakit ka nandito?” tanong agad ni Ma’am Teresita sa kanya nang makita nya ito. “Nabalitaan ko po kasi ang nangyari.” mabilis nyang tugon kasunod ng tanong na, “Nasaan po si Cindy?” habang padungaw-dungaw sa loob ng bahay.
Hindi sumagot si Ma’am Teresita, lalo lang itong humagulgol ng iyak. Nakaramdam ang binata, na sa masidhing pag-iyak ni Ma’am Teresita parang nasagot na rin nito ang tanong nya. Gusto nyang pumasok sa loob pero pinigilan sya nung mga tanod at pulis, hindi sya pinayagan kahit anong pilit pa ang ginawa nya.
Nagwawala sya at talagang inaaway pa yung mga tanod pati mga pulis, “Papasukin nyo ako! Gusto kong makita ang girlfriend ko!” paulit-ulit nyang sinasabi. Buti na lang at kinuha sya nung hipag ni Ma’am Teresita para awatin, “Pete, kumalma ka lang, hayaan mong gawin ng mga pulis ang trabaho nila. Wala na tayong magagawa sa ngayon kundi ang maghintay.”
Oo nga, Pete nga pala ang pangalan nung boyfriend ni Cindy. Bakit naman kaya sya kinakausap ngayon nung tita ni Cindy? Sa pagkakatanda ko kase ayaw kay Pete nung mga parents at kaanak ni Cindy, tutol na tutol sila sa relasyon ng dalawa kase bukod sa mga bata pa sila, eh nakakasira pa sa kanilang pag-aaral. Pero mabuti na lang at nakinig si Pete. Kumalma sya at hindi na nagpumilit pang pumasok. Pero kitang-kita ko sa kanya ang matinding kalungkutan at panlulumo. Malamang unti-unti na nyang nare-realize na patay na ang kanyang girlfriend.
“Totoong nakakalungkot kapag may namatay.” malaking boses at buong-buo ang narinig kong nagsalita. Paglingon ko sa gawing kaliwa ko, isang gwapong lalaki ang nakita ko. Medyo kinilig pa ako sa lakas ng appeal nya. Napakaamo ng kanyang mukha, napakapleasant at parang matalino sya sa over all looks nya.
“Oo nga.” maiksing sagot ko kasabay ng tanong na, “Ano kayang nangyari sa mag-ama?” mukhang hindi sya tagarito kase ngayon ko lang sya nakita. Sya lang ang nag-iisang nanonood na hindi umiiyak, ibig sabihin, sa mga oras na ito sya lang ang pwede kong makausap ng matino.
“Walang ibang nakakaalam sa lahat ng nangyayari ngayon, kundi ikaw…” ang sabi nya sa akin. Kumunot kilay ko, paano nya yon nasabi samantalang kagigising ko lang kanina? Kinabahan pa ako kase baka marinig sya nung ibang tao at baka isipin pa na ako yung murderer.
Nagkwentuhan kami habang pinapanood ang emosyonal na kaganapan. Sa tingin ko marami syang alam sa mga nangyari, sa hitsura kasi nya hindi naman siguro sya manloloko o gumagawa lang ng kwento. Nagtataka lang ako kase ngayon ko lang sya nakita dito sa lugar namin sa Arayat pero kilala nya ang lahat ng tao dito.
Sinimulan nya ang kwento kay Sir Delfin, 54 years old at early retired na government employee. Ikalawang asawa lang daw pala sya ni Ma’am Teresita na isa namang teacher sa San Nicholas Elementary School. Hindi daw nya tunay na anak si Cindy. Anak sya ni Ma’am Teresita dun sa una nyang asawa na pumanaw na 12 years ago.
Matandang binata pala si Sir Delfin nung magsama sila, tapos kinasal sila sa Civil. Alam ko na alam ko rin ang mga bagay na ito eh, sa pagkakatanda ko nga over protective pa itong si Sir Delfin kay Cindy kahit step daughter lang nya ito. Mahal nya kasi si Cindy at tinuturin na nyang parang tunay na anak, pati nga yung kalahati sa pensyon nya binibigay nya kay Cindy.
Hindi naman sila mayaman, hindi rin naman mahirap, nasa mid-class yung life status nila. Tama lang para matustusan ang lahat ng pangangailangan nila at pag-aaral ni Cindy, at konting luho sa social life. Pero nung malaman nung mag-asawa na may boyfriend na pala ang anak nila, tinigil na nila yung pagbibigay ng sobrang pera sa anak nila.
Nakahiligan kasi ni Cindy ang panggu-goodtime. Lagi silang lumalabas nung mga classmate/friends nya sa club, disco at kung ano pang hangouts gigs. Nasanay si Cindy sa ganung lifestyle, kaya nung kontrolin sya ng parents nya hindi naging ganun kadali. Nagrebelde lang si Cindy at naging pasaway ang outcome.
Okay naman sya sa school, matalino sya. Talagang nasosobrahan lang sya sa barkada. Lagi syang ginagabi ng uwi, dahilan nya gumagawa lang daw sila ng projects nung mga kaklase nya, pero kahit ano’ng pagdadahilan nya hindi ito tinatanggap ni Sir Delfin. Malamang hindi sya kumbinsido sa pagrarason ni Cindy. Binigyan pa nya ito ng curfew pero hindi rin naman sinusunod ni Cindy. Nangyayari tuloy lagi lang silang nag-aaway mag-ama.
Si Ma’am Teresita naman, though pinagsasabihan din nya si Cindy pero halata namang ini-spoiled nya. Minsan nga pinagtatanggol pa nya ito kay Sir Delfin kahit alam nyang mali na ang anak nya. Pinagsasabihan lang naman sya, hindi naman sya pinagbubuhatan ng kamay.
Nagtataka talaga ako kung paano nalaman ng lalaking ito ang buhay nina Cindy. Hindi kaya matagal na talaga nyang minamanmanan ang pamilya ni Sir Delfin? Ang dami pa nyang kinukwento, yung iba nga hindi ko na alam eh. Pati yung boyfriend ni Cindy kilala din nya, samantalang hindi naman ganun kadalas magpunta yung tao dito.
Pati nga yung kung paano sila nagkakilala alam nya. Magkaklase daw sila mula pa nung high school, pero dahil mga bata pa sila noon, hindi pa sila gaanong nagpapansinan. Pero itong si Pete daw crush na talaga si Cindy, hindi lang pinapahalata. Tapos pagtungtong nila ng college dun na daw sila nagligawan.
Si Pete pa nga daw ang partner ni Cindy nung debut nya. Akala ng parents nya simpleng magkaibigan lang sila, hindi nila alam na may namamagitan na palang relasyon sa dalawa. 1st year college pa lang sila sinagot na ni Cindy si Pete, nabuo yung palihim nilang relasyon. Ang totoo wala pa talaga silang balak na ipaalam ito sa parents nila, lalo na sa mga magulang ni Cindy, kase nga sobrang strict nila.
Kaya nung nalaman ni Sir Delfin na may boyfriend na si Cindy talagang nagalit ito. Madaldal kase yung pinsan ni Cindy na kaeskwela nya, nadulas yung dila kay Sir Delfin. Nagalit tuloy sa kanya si Cindy, kase lalo syang hinigpitan ng Ama nya. “Cindy, alam kong darating ang panahon na magkakagusto ka sa lalake, normal lang yon, pero sana naman hanggang crush lang muna, bata ka pa para pumasok sa relasyon, magfocus ka muna sa pag-aaral mo.” yan yung pangaral ni Sir Delfin na talagang tumatak kay Cindy, at nagpapainis din.
Ang katwiran naman ni Cindy na hindi nya masabi sa Ama nya ay hindi naman daw sila magkadugo, hindi naman daw sya yung tunay na Ama nya pero kung makaasta daig pa ang Mama nya. Ganun paman, hindi naman ito sinasabi ng direkta ni Cindy kay Sir Delfin, kinikimkim lang nya ito. Alam din kasi nya na maaring makasakit ito sa stepfather nya, alam nya kung gaano sya kamahal nito. Sayang lang at hindi ganung klaseng pagmamahal ng ama ang gusto ni Cindy.
Feeling kase nya nasasakal na sya. Feeling nya hinahawakan na sya sa leeg, ayaw nya yung buhay na nakaapak sa numero. Gusto nyang maging malaya, tama, she truly wanted to have a free life. Alam nya na ginagawa lang ni Sir Delfin yon bilang isang magulang, pero sa edad nya ayaw na nya ng guidance, ang gusto nya trust. Gusto nya na pagkatiwalaan sya sa kanyang decision-making.
Pagtataka pa rin ang nasa isip ko habang kakwentuhan ko ang lalaking ito. Pano pati ba naman emosyon at mithiin ni Cindy alam nya, pati ugali nila at nangyayari sa loob ng bahay nila alam din nya.
Gets ko yung sinabi nya, bale may alitan at bangayan sa pagitan nina Sir Delfin at Cindy, pero ano naman kaya ang ibig sabihin no’n? “Nagpatayan ang mag-ama, ganun ba?” tanong ko sa kanya. Panandalian syang nag-isip bago sumagot ng, “Hum. Pwede… Maaaring nagpatayan nga sila, pero hindi nila pinatay ang isa’t isa.”
Ang wirdo naman talaga! Nagpatayan sila pero hindi nila pinatay ang isa’t isa? Ah okay. Malamang na ang tinutukoy ng lalaking ito, nagpatayan sila sa sama ng loob, sinaktan nila ng nakakamatay na salita ang damdamin ng isa’t isa. At hindi sila literally nagpatayan. Ibig sabihin, may iba pang murderer na involved.
Silang tatlo lang naman sa loob ng bahay, ang mag-asawa at si Cindy, pinatay ang mag-ama, natira ang ina, pero imposible naman ata na si Ma’am Teresita ang murderer. Sabihin na nating oo, siguro nga magagawa nyang patayin ang ikalawang asawa nya, pero magagawa ba naman kaya nyang patayin ang sarili nyang anak, tapos chinapchop pa? I don’t think so…
Kung mahal nya si Sir Delfin, aba for sure mas mahal nya si Cindy. Oo naiinis sya sa pagiging pasaway ni Cindy, pero ni minsan hindi sya nagalit at nagtanim ng sama ng loob sa anak nya. Nung malaman nga nya na may boyfriend na si Cindy, pinagsabihan lang nya ito, pero after non mas madali nyang natanggap ang pakikipagrelasyon ni Cindy kesa kay Sir Delfin.
There’s this one time that she went to mall, nakita nya doon si Cindy kasama si Pete, nakaupo sila dun sa bench, tapos nakita ni Ma’am Teresita na hinalikan ni Pete sa lips si Cindy. Nainis sya sa nasaksihan nya, pero hindi nya kinompronta o pinahiya ang anak nya on the spot, isa pa smack kiss lang naman yon. Napagdaanan na rin kasi nya ang pagdadalaga kaya ang iniisip nya, that was just part of growing.
Sa kabilang banda, matigas naman talaga ang ulo ni Cindy. 18 pa lang sya nakikipaghalikan na talaga sya sa boyfriend nya, at mula nung naging sila ni Pete unti-unti na nyang napapabayaan ang pag-aaral nya. Yung allowance nya winawaldas lang nya sa pang-gugoodtime, lalo na nung matuto na syang uminom at manigarilyo, though trip lang nya pero dun nagsisimula ang lahat, sa simpleng try at trip.
Natuto na nga rin syang magsinungaling sa parents nya. Madalas syang humingi ng pera, panggawa daw ng projects, pambili ng materials, books, etc., pero ang totoo winawaldas lang nya sa barkada, pati kay Pete na parang naka-plan ang cellphone kung makahingi ng load.
Hindi lang yon. Mayroon na ring nangyari sa dalawa, yung bagay na ginagawa lang ng mag-asawa ginagawa na rin nila. Minsan nga nagi-skipping class pa sila eh, o di kaya hindi sila totally pumapasok, nandun lang sila sa boarding house nung kaibigan nila, nag-iinuman, tapos kapag nalasing makikigamit ng kwarto at dun na nila gagawin ang milagro.
Ang akala nina Sir Delfin at Ma’am Teresita nasa school si Cindy at nag-aaral ng matino, pero hindi nila alam na ayun si Cindy, hubong nakatihaya sa kama, nagpapabanat lang sa boyfriend. Natuto ng sumayaw ng tango, at kumerengkeng sa orgasm.
Dahil nasa edad sila ng kapusukan at aggresiveness, tinuloy-tuloy lang ni Cindy ang kanyang malinamnam na gawain. Aliw na aliw sya kapag tinitira sya ng boyfriend nya, gustong-gusto nya yung ganung feeling na nilalabasan habang hinihindot ng lalake, hinahalikan at niyayakap, while silently shouting sexual moans.
Naging adventurous din sina Pete at Cindy, hindi na lang sa loob ng boarding house sila nagsesex, minsan sa sinehan, sa cr ng resto, sa motel, o kung saan mang lugar na pwede nilang iraos ang tawag ng laman. They were on the stage of horniness and lustiness. Nakalimutan nila na mga estudyante pa lang sila.
Teka lang… Bakit pati private life ni Cindy alam ng lalaking ito? Nandun din ba sya nung mangyari ang lahat ng yon? Kaano-ano ba nya si Cindy at ganun na lang nya nasubaybayan ang buhay nito?
“Ano bang kinalaman non sa krimen ngayon?” tanong ko. Sumagot sya ng, “Yun ang puno’t dulo ng pangyayaring krimen kagabi, pinatay ang mag-ama ng matinding galit at poot.” kunot kilay nyang sabi na para bang naiirita. Heto na naman kami sa malalalim nyang salita.
Sabi nya sa akin mageenroll sana si Cindy last month, pero nagastos daw nya yung perang pang-tuition sana nya. Ayun nawaldas na naman sa barkada at dun sa boyfriend nya. Hindi tuloy sya nakaenroll this semister. Naging malaking problema yun para kay Cindy, hindi nya masabi kina Sir Delfin na hindi nga sya naka-enroll, at wala naman syang mahiraman ng pera, kahit yung mga barkada nya na lagi nyang nililibre hindi sya natulungan.
Yung mga barkada nyang kasalo nya sa kasiyahan, hindi nya nalapitan sa oras ng kagipitan. Yung mga barkada nyang lagi nyang pinagtatanggok sa mga magulang nya hindi pala nya maasahan. Eh mas lalo na yung boyfriend nyang si Pete wala din syang napala.
Unti-unting narerealized ni Cindy ang kanyang mga pagkakamali sa mga magulang nya. Lalo na nung malaman nyang buntis sya. Palagi kasi syang naduduwal at nasusuka, na para bang naglilihi. At nung sinubukan nyang mag-PT, dun nya naconfirm na nagdadalang-tao nga sya.
Nung sabihin nya kay Pete na buntis sya isa lang ang nasabi nito, “Bakit?” nagalit si Cindy, “Ano’ng bakit? Ginawa mo ito tapos itatanong mo ngayon kung bakit?” masamang-masama ang loob ni Cindy dahil sa pinapakita ni Pete, lalo na sa sinabi nyang, “Mga bata pa tayo, hindi pa natin kayang buhayin ang batang yan, mas makakabuti kung ipalaglag mo na lang ang bata.” na talagang kinatakot ni Cindy.
“Hindi!! Hindi ko papatayin ang bata! Kung ayaw mo syang buhayin, pwes ako na lang mag-isa ang magpapalaki sa kanya, at kahit minsan hindi mo sya makikita, dahil mula sa araw na ito, hindi mo na rin ako makikita, break na tayo Pete!”
Siryoso si Cindy sa mga salitang binitawan nya noong makipagkalas sya kay Pete. Handa nyang buhayin ang sanggol sa sinapupunan nya kahit hindi pa nya alam kung paano ito gagawin. Siryoso din sya na hiwalayan na si Pete, at desidido na ring magbago si Cindy.
Oo. Gusto na nyang magbago, gusto na nyang baguhin ang kanyang sarili. Gusto na nyang itapon ang lahat ng maling nagawa nya, at panatiliin sa kanya kung alin lang ang tama. Pero hindi nya alam kung paano ito sisimulan. Sadyang kay hirap ituwid ng pagkakamali kung ang tingin sa iyo ng iba ay isang malaking mali.
Naisipan nyang simulan ang lahat sa kanyang sarili. Naka-set na sa utak ni Cindy na babawasan na nya ang barkada, hindi na muna sya magpapaligaw at magpofocus na lang sya sa pag-aaral. Binigyan sya ng kakayahang umunawa ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Tumibay ang kanyang loob para harapin ang malaking pagsubok na alam nyang kanyang haharapin.
“Ang ibig mong sabihin, ang pasaway na si Cindy, tumino din?” tanong ko sa lalaking kausap ko. Ilang minuto narin naming pinag-uusapan ang kwento ni Cindy, pero hindi ako nakaramdam ng pangangalay kahit matagal na kaming nakatayo.
“Oo. Sa puso’t isipan nagbago si Cindy, at ang lahat ng kasalanan at pagkakamali nya hiningi nya lahat ng tawad ng buong puso sa Kataastaasan.” sagot nya habang magkatitigan kami ng mata sa mata. kinilabutan pa ako sa titig nya.
Umiwas ako sa nakakalusaw nyang tingin at itinuon dun sa lumabas na pulis. Sinabihan nya si Ma’am Teresita na, “Ma’am, pwede na po kayong tumawag ng funeralia.” parang lalo lang nya itong pinaiyak. Marami pa silang pinagusapan gaya ng autopsy pero hindi ko na pinakinggan. Muli kasi akong kinausap nitong katabi kong gwapo.
Sabi nya, kahapon daw balak na sanang ipagtapat ni Cindy kay Sir Delfin ang lahat. Ang hindi nya pagenroll, ang pagbubuntis nya at ang lahat ng panlolokong ginawa sa mga magulang nya. Pero naunahan sya ng makakating dila. Nakarating na kay Sir Delfin ang balitang buntis si Cindy at hindi na sya pumapasok sa school, bago pa nya ito magawang magtapat sa ama.
Natural lang na magalit si Sir Delfin, kaya paguwi ni Cindy kinagabihan sinermon agad nya ito. “Saan ba kami nagkulang ng Mama mo? Bakit mo nagawa sa amin ito?” bungad agad ni Sir Delfin. “Pa, hayaan nyo po muna akong magpaliwanag!” pero kahit anong sabihin ni Cindy hindi sya pinapakinggan ng kausap nya. Mabuti na lang at wala si Ma’am Teresita kundi magkakandalabo-labo na talaga sila.
Masamang-masama ang loob ni Sir Delfin, kung ano-ano na ang masasamang salita ang pinagsasabi nya kay Cindy. At dahil sa galit, sumagot-sagot na rin si Cindy na dati tahimik lang sa twing pinagsasabihan sya nito. Masyadong masakit kasi ang binitawang salita ng ama-amahin nya, na kung minsan nakakaarinig pa sya ng pagnumura.
Masama talaga ang loob ni Cindy pagkatapos nilang magusap ni Sir Delfin. Masama ang loob nya hindi sa Ama nya, kundi sa sarili nya. Nagsisisi sya kung bakit hinayaan nyang maging negative ang pagtingin sa kanya ng parents nya. Natuto syang umunawa, kumonsidera at magpasensya, kahit hindi nya kadugo si Sir Delfin.
Habang nakahigang umiiyak si Cindy sa kama sa loob ng kanyang kwarto, biglang may kumatok sa kanyang pinto. Nagpunas muna sya ng luha sa mata at inayos ang sarili bago binuksan ang pinto. Akala nya si Sir Delfin ang kumakatok pere pagbukas nya, ibang tao ang nakita nya. “Pete, ano’ng ginagawa mo dito, at pano ka nakapasok?” Napansin agad nya na iba ang aura ng ex-bf nya, pula ang mga mata nito at parang nakainom ng alak.
Imbes na sumagot ai Pete, mabilis nyang tinakpan ng kamay nya ang bibig ni Cindy, “Uhmmf! Pete! A-anong ginagawa mo? Bi-bitawan mo ako!!” pagpupumiglas ni Cindy.
“Nasaan ang anak ko ha?! Bakit mo sya pinagkakait sa akin?! Ibigay mo na sya sa akin!”
“Baliw ka na ba?! Naglilihi pa lang ako, nasa tiyan ko pa ang anak mo!!”
Biglang sinampal ni Pete si Cindy, “Ibigay mo sa akin ang anak ko! Huwag mo syang itago sa akin! Hayup ka papatayin kita!
Sinakal nya sa leeg si Cindy, hindi nya kaya ang lakas ni Pete, hindi sya makalaban dahil mahigpit ang pagkakasakal sa kanya, malapit na rin syang malagutan ng hininga. Hindi talaga sya binibitawan ni Pete, ni Pete na ngayon nasa impuwensya ng droga.
Mabuti na lang at dumating si Sir Delfin upang tulungan si Cindy, kundi mawawalan na talaga ito ng hininga. Sinikmura agad nya si Pete kasunod ng isang suntok sa mukha. Natumba si Pete at namilipit sa sakit. Hawak nya ang kanyang tiyan habang tumatakas sina Cindy matapos nitong maubo sa paghabol ng hininga.
Tumakbo ang mag-ama palabas ng kwarto na magkahawak ang kamay, pero pagdating naman nila sa kusina nagawa silang mahabol ni Pete. Nang makadampot ng kutsilyo si Pete agad nya itong isinaksak sa tagiliran ng matanda. Napaupo sa sahig si Sir Delfin habang si Cindy naman napatili nang makakita ng dugo.
Hindi pa nakuntento si Pete, sinaksak pa nya si Sir Delfin sa kabilang tagiliran, “Pakialamero kang matanda ka!”
Nang makita ito ni Cindy, nag-isip na sya ng paraan, nakita nya yung malaking paso sa tabi nya, binuhat nya ito at syang inihampas sa ulo ni Pete. Parang sumabog na granada ang paso nang tumama ito sa ulo ni Pete, natumba sya at panandaliang nahilo, hawak nya ang kanyang ulo na sumasakit.
Linapitan ni Cindy si Sir Delfin, “Papa, lakasan mo ang loob mo, dadalhin kita sa ospital.” sinubukan nya itong buhatin pero dahil babae sya ay hondi nya kaya. Sisigaw na sana si Cindy ng tulong pero bigla syang kinabig ni Sir Delfin, sabay sabing, “Cindy, noong ikasal kami ng Mama mo, totoo yung sinabi ko sa kanya, na mahal ko sya at mamahalin ko rin ang anak nya. Pasensya ka na kung lagi kitang hinihigpitan, pasensya ka na kung hindi ako sweet, pasensya ka na kung hindi ako yung tipo ng tatay na gusto mo. Kahit stepfather lang ang tingin mo sa akin mahal na mahal kita anak… Mahal na mahal ko kayo ni Teresita…”
Biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Cindy. Hindi nya alam kung bakit sobra syang nasaktan sa sinabi ng kanyang Ama. Marahil iniisip nya na sa mahabang panahon nilang magkasama puro away at sakitan lang ang naging bonding nila.
Nagulat na lang si Cindy nung bigla syang sabunutan ni Pete, na halos kakabangon lang. “Nasaan ang anak ko?” muling tanong nito. Napatingala si Cindy nang hatakin ni Pete ang buhok, kasabay ng pagsandal nya sa dibdib ni Pete. At sa pagtingala ni Cindy lumantad ang leeg nya na sya namang mabilis na ginilitan ni Pete gamit ang kutsilyong hawak nya sa kabilang kamay.
Nangisay na lang ang katawan ni Cindy nang mabiyak ang kanyang leeg nya at tumulo ang masaganang dugo. At ang huling katagang nasambit nya, “P-papa…”. Dilat ang mga mata nya nang mawalan sya ng hininga. Wala na syang malay, hanggang sa mawalan na sya ng buhay.
Nasaksihan ng dalawang mata ni Sir Delfin kung paano pinatay ni Pete ang anak nya. Naiiyak sya, gusto nyang sumigaw pero nahihirapan na rin syang magsalita. Gusto nyang tumayo at patayin si Pete pero nanlalambot na sya dahil nauubusan na sya ng dugo.
Nang mapansin sya ni Pete binaba nya sa sahig ang katawan ni Cindy at sya naman ang hinarap nito, “Buhay ka pa palang matanda ka!” Pumwesto sya sa likod ni Sir Delfin, at tulad ng ginawa nya kay Cindy, ginilitan din nya ito sa leeg. Unti-unting nabibiyak ang leeg ni Sir Delfin habang dinadaanan ito ng talim ng kutsilyo, kasabay ng pagsirit ng dugo. Nalagutan agad ng hininga si Sir Delfin, at para makasiguro si Pete, sinaksak pa nya sa dibdib ang matanda at hinayaan lang nyang nakabaon ang kutsilyo sa puso ni Sir Delfin.
Binalikan nya si Cindy na ngayon nakahandusay sa sahig. “Anak, nandito na si Papa, kukunin na kita.” ang sabi ni Pete sa hangin habang nakatingin sa tiyan ni Cindy. Naghanap muna sya ng bagay sa lababo na maaari nyang gamitin. Nakita nya ang isang matalas na itak, kinuha nya atsaka binalikan si Cindy.
“Anak, huwag kang mag-alala, nandito na si Papa.”
Hiniwa nya ang tiyan ni Cindy gamit ang matalim na itak. Mula sa ilalim ng dibdib pababa sa kanyang pusod. Bawat daanan na balat ng talim namumula sa dugo, ginigilit ang laman, bumabaon ang talim. “Anak, nasaan ka na ba? Nandito na si Papa.” Hinila-hila nya ang madugong bituka palabas ng tiyan ni Cindy. Naghahanap sya ng bata, hinahanap nya ang anak nya. Epekto ng droga na ginamit nya kanina.
Naiirita na si Pete, naiinis dahil halos nailabas na nya lahat ng laman loob ni Cindy pero hindi pa rin nya mahanap ang hinahanap. Sa galit nya dinampot nya uli ang itak at pumwesto sya sa may balikat ng nakahandusay na katawan ni Cindy. “Nasaan na ang anak ko?” mariin nyang tanong sabay taga sa leeg ni Cindy. Sa isang hataw napugot agad ang ulo, humiwalay agad sa leeg at gumulong pa sa sahig.
Dinampot ni Pete ang pugot na ulo, hinawakan nya sa buhok atsaka nya kinakausap, “Huwag mo ng itago sa akin ang anak ko! Ilabas mo na sya!!!” nagagalit nyang bigkas. Napansin ni Pete ang refrigerator, binuksan nya ito at inilagay doon ang ulo ni Cindy, “Ayaw mong magsalita ha! Sige, d’yan ka! Manigas ka d’yan!” sabay sara sa ref..
Binalikan nya ang katawan ni Cindy at pinagpatuloy ang paghahanap sa anak nyang hindi pa isinisilang sa mundo. Pilit nyang hinahanap sa katawan ni Cindy, sa loob ng katawan ni Cindy.
Hinila nya ang katawan ni Cindy palabas sa dirty kitchen, doon nya ito kinatay na parang kumatay lang ng baboy. Bawat makatay nya chinecheck nya kung nandoon ang hinahanap nyang anak. Una nyang tinabak ang hita ni Cindy tiningnan nya kung naroon ang hinahanap pero wala. Sinunod nya ang mga binti, pero bago yon naghanap muna sya ng mapaglalagyan.
Hinila nya ang unang nakita nya, isang malaking kawa. Doon nya nilagay ang bawat makatay nyang parte ng katawan ni Cindy. Mga braso, kamay, paa, lahat doon nya inilagay, at halos maubos na nya ang buong katawan ni Cindy pero hindi pa rin nya makita ang anak na imposibleng makita.
Matapos nyang gawin ang lahat ng ito, nung mapagod na sya biglang sumakit ang ulo nya. “Aaahhhh!” napasigaw sya at halos mamilipit na sa sakit ng ulo. At nang mahimasmasan sya parang nagising sya sa loob ng isang malagim na bangungot. Napaiyak na lang sya ng makita nya ang tinadtad na katawan ni Cindy. Nabitawan nya ang hawak nyang itak at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.
Nagugulat talaga ako at kinikilabutan sa usapan namin ng lalaking ito. Nagtataka talaga ako kung paano nya nalaman ang lahat ng bagay na ito, pero kumbinsidong-kumbinsido ako sa bawat sinasabi nya. Para bang may kapangyarihan syang mangumbinsi ng tao.
“Ibig mong sabihin si Pete ang murderer?” bigla ko na lang nasabi ng malakas. Kinabahan pa ako dahil baka narinig ako nung mga taong kasama at katabi lang namin, pero wala man lang lumingon sa akin. Napansin ko na kanina pa kami nakatayo dito pero ni isa walang pumapansin sa amin.
Tumango lang ang kausap ko sa tanong ko, kaya sinundan ko agad ng tanong na, “Kung si Pete ang murderer, bakit nandito sya ngayon?”
Hinarap nya ako bago aumagot ng, “Para linisin nya ang pangalan nya. Ang balak nya gagawa sya ng kwento para mapagtakpan ang krimeng ginawa nya. Pero malas lang nya dahil ngayon pa lang mabubuking na sya ni Teresita.” pagkasabing-pagkasabi nya nito biglang tinanong ni Ma’am Teresita si Pete ng, “Teka Pete, paano mo nga pala nalaman ang insidenteng ito?” At ang tanging nasagot ni Pete, “Ah… Eh… Kase…” hindi alam ang sasabihin.
“Teka, paano mo nalaman ang lahat ng ito? Bakit mo kilala ang lahat ng tagarito? Sino ka ba talaga?” siryosong tanong ko.
Hinarap nya ako at tiningnan ng mata sa mata, “Humf. Alam mo, bago mo itanong kung sino ako, bakit hindi mo muna itanong sa sarili mo kung sino ka?” tugon nya.
Panandalian akong nag-isip. Sino nga ba ako? Bakit hindi ko maalala kung sino ako? Alam ko tagarito ako sa Arayat, pero hindi ko naman matandaan kung saan yung bahay ko. Kilala ko ang mga tao dito, alam ko lahat ng pangalan nila pero hindi ko naman matandaan kung kaano-ano ko sila. Naguguluhan na ako!
Nagpatuloy sya sa pagsasalita, “Siguro sa ngayon maaaring may iilang bagay ka pang naaalala, pero pagdating mo sa langit, tuluyan ng mabubura ang lahat ng iyong alaala, wala ka ng matatandaan kahit ano sa naging buhay mo sa lupa.”
“Huh? Ano’ng ibig mong sabihin?”
Dumistansya sya sa akin, tapos may nakita akong biglang lumabas na bilog sa ibabaw ng ulo nya, kasabay ng paglabas ng malalaki at makinang na puting pakpak sa likod nya.
“Halika na Cindy, oras na ng pag-alis.” nakangiting sabi nya sa akin.
***TAPOS***