Ang Kuwentong Lingid Sa Alam Ng Nakararami Ikalawang Bahagi by: Heavyarms1986

Disclaimer:

Lahat ng tauhan o lugar na nabanggit sa istoryang ito ay likha lamang ng imahinasyon ng inyong abang lingkod. Anumang pagkakahawig sa mga tao (patay man o buhay) o lugar na umiiral sa tunay na buhay ay nagkataon lamang. Lubos po ninyong pang-unawa ay tinatanggap.

Kinaumagahan, napagkasunduan ng mag-asawa na maghiwalay na lamang. Noon di’y umalis ng halamanan ng Eden si Lilith. Sa kanyang pag-alis, naramdaman niya ang isang presensiya na sumusunod sa kanya bago pa man siya umalis ng halamanan. “Sino ka? Bakit mo ako sinusundan? Alam kong hindi ikaw ang Maylikha. Magpakita ka sa akin! “, sabi ni Lilith. Sa harapan niya’y unti-unting lumitaw ang isang kaanyuan ng isang nilalang na may pakpak. Walang damit pang-itaas ngunit may makisig na pangangatawan. At sa tantiya ni Lilith ay nasa husto na itong gulang tulad nila ng kanyang dating asawa. Mayroon itong bagay na hugis bilog na nasa ibabaw ng ulo nito. Makikitang may hawak itong tungkod na gawa sa isang matibay na metal sa kaliwa nitong kamay at espada na nakasabit sa baywang nito. “Isa kang… “, hindi na natuloy ng babae ang kanyang sasabihin pagkat agad na ginagap ng nilalang na ito ang kanyang kamay sabay sabi ng kanyang pangalan. “Samael ang aking pangalan”, sabi nito. Agad nitong hinalikan ang kamay ni Lilith na hawak niya. “Bakit nakikihalubilo ang isang nilalang na gaya niya sa akin?”, sabi ni Lilith sa kanyang isip. “Gusto kasi kita. At ngayong wala ka nang kaugnayan sa asawa mo, malaya ko nang magagawa ito”, sabi ni Samael na tila ba nababasa ang isip ng babae. Ang ginawa niya’y sinakop ng labi niya ang labi ni Lilith at hinagkan ito. Ilang sandali pa’y bumuka ang mga pakpak ng anghel at inilipad sila ni Lilith patungo sa isang kuweba di-kalayuan sa lugar na iyon.

Samantala sa kalangitan, makikita doon ang isang maningning na anghel na namumuno sa mga awitan doon sa langit. Kung ilarawan siya’y nakasisilaw sa bawat anghel na makakita sa kanya. Sinasabi ng mga kapwa niya anghel na isa siyang magandang lalaki. Siya’y tulad ng pinakamaliwanag na tala sa umaga. May madilaw at maalun-along buhok. Iniwan niya ang bulwagan at tinungo niya ang isa pang bulwagan. Doon, binunot niya ang kanyang kris (isang espada na ang isang kapat na bahagi ng talim sa dulo ay kahugis ng alon ng dagat). Mga ilang araw na rin siyang nagsasanay bagama’t hindi siya nilikha para maging mandirigma. “Nais kong maging higit pa sa pamumuno lamang ng mga anghel na nag-aawitan. Gusto kong mapasaakin ang trono ng Maylikha. Gusto kong sa akin naninikluhod di lamang ang mga anghel, kundi maging ang mga nilalang sa ibabaw ng planetang Lupa”, sabi ng anghel sa sarili. Ang hindi niya alam, may isa pang anghel sa malapit na nababasa ang kanyang iniisip. Agad itong lumayo at nagtago pagkakita sa isa pang anghel na papalapit sa bulwagan na iyon. Tok! Tok! Tok!. Katok na maririnig sa pintuan ng bulwagang kinaroroonan ng naunang anghel. “Sige pasok!”, anang tinig na mula sa loob. “Pinunong Lucifer, nakahanda na po ang lahat. Nakahikayat na po ako ng isang katlong bahagi ng lahat ng mga anghel na naglilingkod dito. Naghihintay na lamang sila ng inyong ipag-uutos”, sabi ng anghel. “Magaling! May iba bang anghel na hindi natin kaanib ang nakaalam ng ginawa mo? “, tanong nito sa kausap. “Wala po pinuno”, sabi naman nito. “Mainam dahil diyan, makakamit mo ang iyong gantimpala”, sabi sa kanya ni Lucifer at agad na sinaksak ito ng kanyang kris. Naglaho ang katawan ng anghel noon din. Bagama’t sila’y mga imortal, maglalaho ang kanilang katawan kapag sinaksak ng sandatang may basbas. Nababalot ng madilim na kapangyarihan ang kris ni Lucifer kaya napatay niya ang kapwa niya anghel. Pinuntahan niya ang kanyang mga tauhan matapos iligpit ang kanyang kalat. “Oras na! “, sabi niya sa mga ito. Nagsikalat ang isang katlong bahagi ng mga anghel sa lugar na iyon. Bawat madaanan ay kinukumbinsi nilang umanib sa kanila at pinapatay ang mga tumatanggi.

Sa ika-pitong langit, napagmasdan ng Maylikha na mag-isa at nalulungkot si Adan. Alam Niyang umalis na si Lilith sa halamanan. “Hindi tamang mag-isa ang tao. Kailangan niya ng makakasama”, sabi Niya. Kaya ang ginawa niya’y pinapasok Niya ang mga iba’t ibang uri ng hayop:maliit, malaki, maamo at mabangis. Si Adan ang nagbibigay ng pangalan sa mga ito. Ngunit wala ni isa man sa mga ito ang angkop na makasama ni Adan. Kaya paglatag ng dilim, pinatulog ng Maylikha ang tao, binuksan ang dibdib nito at hinugot ang isang piraso ng tadyang nito. Matapos gawin yon, pinaghilom niya ang laman sa tapat ng tadyang na kinuha Niya. At mula sa tadyang at alabok, hinugis Niya ang isang babae. Hiningahan Niya ito at ito ay nabuhay. Inilagay Niya ito sa bungad ng halamanan ng Eden. Ang babae ay tumuloy sa kwebang tahanan na tinutuluyan ni Adan at humiga sa tabi nito. Iniangat niya ang braso ng lalaki at sumiksik siya doon.

Mabalik tayo kina Lilith. Maririnig sa loob ng kuweba ang mga ungol at mga halinghing. Diyata’t nagniniig ang dalawang magkaibang nilalang sa loob ng kuweba. Makikitang nakahiga sa ibabaw ng higaan na gawa sa mga dahon at damo ang anghel na si Samael at nasa ibabaw naman niya ang babaeng katalik. “Ang sarap naman talaga kapag ikaw ang nasusunod sa gusto mo!”, sabi ni Lilith na dalawang beses nang pinamumuslitan ng katas sa pagniniig nila ng anghel. May paparating pang pangatlong bugso ng kasarapan sa babae. Ang anghel naman ay papalapit na din sa sukdulan. Maya-maya pa’y sabay silang umabot sa sukdulan.”Mahal ko, ako muna’y magpapaalam. Nararamdaman kong kailangan ang tulong ko doon sa kalangitan. Babalik ako para sa iyo, pangako iyan”, sabi ni Samael sa bago niyang asawa. “Mag-iingat ka”, sabi naman ni Lilith. Magkahawak-kamay silang lumabas ng kuweba. Bumukang muli ang mga pakpak ng anghel at siya’y lumipad. Gatuldok na lamang ang makikita ni Lilith sa pigura ng minamahal nang pumasok itong muli sa kuweba at matiyagang naghintay. “Hihi ano kaya ang magiging supling namin kung saka-sakali? “, tanong niya sa sarili.

May paparating na digmaang magaganap. May hindi inaasahang mangyayari sa mga banal na nilalang.

Itutuloy…

Scroll to Top