Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 17 by: Van_TheMaster

Chapter 17

Nang makaalis na sa harapan ni Lance si Angela ay bumalik na siya sa kanyang upuan, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nawalan siya ng lakas para pigilan ang dalaga ng makita niya ang mga luha sa mga mata nito, mga luha ng kaligayahan na alam niyang hindi siya ang dahilan. Naalala niya na may hawak munting lata si Angela, tiyak niya sa sarili na ang pagluha ng dalaga ay may kinalaman doon. Huminga siya ng malalim at saka matimtimang nag-isip, naritong kasama niya ngayon ang dahilan sa biglang pagbabago ng kilos ni Angela. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo, at nagsimulang hanapin si Angela.

Mula sa garden ay hinanap ng mga mata ni Alice ang nag-iisang anak na si Angela. Kanina pa ito umalis ngunit hindi pa din nakakabalik. Tumingin siya sa direksyon ng asawang si Anton, masaya nitong kausap ang mga magulang ni Lance. Tumayo na si Alice na may kaunting pag-aalala upang simulang hanapin ang anak.

Kasabay ng matamis na awitin na nagmumula sa garden ay buong pag-ibig namang marahan na nagsasayaw si Dan at Angela habang magkayakap. Bagaman kapwa sila may suot na damit ay ramdam nila ang init ng katawan ng isa’t-isa. Masaya na si Angela dahil kapiling na niya ngayon si Dan, ang kanyang iniibig na binata. Hindi na mahalaga sa kanya kung saan ito nanggaling, ang mahalaga sa kanya ay narito ito ngayon at ang pangakong binitawan sa kanya ng kasintahan ay tinupad nito. Sapat na iyon sa kanya, ang maghangad pa ng labis sa kayang ibigay sa kanya ngayon ni Dan ay hindi niya hangad. Dahil alam ni Angela na darating din ang araw na magiging malaya din sila ni Dan. Malayang ipadama at ipakita ang kanilang pagibig sa isat’-isa na walang pag-aalinlangan at pangamba kaninuman.

“Dan…” ang buong pagsuyong tawag ni Angela sa pangalan ng binata.

“Hm..?” si Dan kay Angela ng maramdamang parang may nais itong sabihin o itanong sa kanya.

“Why didn’t you tell me na naghintay ka sa akin sa mall?” ang tanong na dalaga, pigil ang damdamin na huwag lumuha ng naalala ang pangyayari.

Hindi nagsalitan si Dan at nanatiling yakap lamang ang dalaga habang marahan silang nagsasayaw.

“Dan…” ang muling ulit ni Angela, nais niyang marinig mula sa labi ng binata ang dahilan na alam na naman niya.

“Dahil sa simula pa lang ay ayaw kong makaramdam ka ng lungkot Angela. Mas gusto kong isipin mo na pareho tayong hindi nakarating. Hindi ko alam ng panahong iyon kung bakit ayaw kitang masaktan. In-love na pala ako sayo noon, hindi ko lang alam.” ang matapat na paliwanag ni Dan.

“You didn’t know Dan, pero magdamag kong iniyakan ang hindi mo pagdating dahil yun ang sinabi mo sa akin.” ang sabi ni Angela na nasa tinig ang bahagyang lungkot.

“I’m sorry Angela. Hindi ko alam na nasaktan pala kita.” si Dan sabay hinagod ng uling ulit ang mahabang tuwid na buhok ng dalaga.

“No Dan, you made me more happy after na malaman ko ang totoo. Na you wait for me, that you didn’t break your promise last time, like you didn’t break it again tonight. Lagi kang tumutupad sa pangako mo sa akin.” si Angela na nawala na ang lungkot kung hindi napalitan ng masayang tinig at lalong humigpit ang pagkakayakap sa binata.

“Magtiwala ka lang sa akin Angela, tutuparin ko ang lahat ng pangakong binitawan ko sayo. Hindi man ngayon ay sa darating na panahon.” ang deklarasyon ni Dan. Sa sarili niya ay alam niyang darating din ang panahon na sila na lamang ni Angela ang magkasama. Ngunit kailangang harapin muna niya at ihanda sina Christine at Diane na alam niyang hindi magiging madali dahil sa labis din namang pag-ibig sa kanya ng dalawang dalaga. Sa isip ni Dan ay kung naghintay lamang siya kay Angela at hindi nagpadala sa pang-aakit at tuksong ihinain sa kanya ni Diane at pinigilan ang sarili sa matinding paghahangad kay Christine na akala niya ay bugso ng pag-ibig ay wala sana silang alalahanin ngayon ni Angela. Ngunit nasa buhay niya ang dalawang dalaga, nakapasok at parte na. Alam niyang mahirap at masalimuot ang kanyang dapat na gawin, ngunit kailangan niyang piliin si Angela pagdating ng araw bilang pagtupad sa pangako sa dalagang tunay naman niyang iniibig.

“I trust you Dan, and nakahanda akong maghintay. As long as kasama kita at akin ang pag-ibig mo ay kaya kong harapin at tiisin ang lahat.”

“Salamat Angela. Salamat sa pag-ibig mo.”

“No, I’m more thankful that you love me too. A-ang tagal kong naghintay Dan, sa simula pa lang ng nakita kita ay naghintay na ako sayo.”

“Narito na ako ngayon Angela, at magkasama na tayo. Hindi ako kailanman mawawala, hindi kita kailanman iiwan. Mananatili akong malapit sayo, na nagmamahal sayo Angela.”

At itinaas ni Angela ang kanyang mukha at hinanap ang mata ni Dan. Marahan namang ibinaba ni Dan ang kanyang labi sa labi ng dalaga. At sa minsan pang pagkakataon, ay buong pag-ibig nilang nilasap ang tamis ng kanilang halik na bugso ng kanilang tapat na pag-ibig sa isa’t-isa. At ng mawalay sa pagkakahinang ang kanilang mga labi ay muling inihilig ni Angela ang mukha sa dibdib ni Dan. Masarap niyang pinakikinggan ang malakas na pagtibok ng puso ng binata, na alam niyang siya ang dahilan. Dahil sa isiping ito ay hindi na nawala ang matamis na ngiti sa kanyang labi na nakalihim naman kay Dan.

Lumampas ang paghahanap ni Lance sa may malaking garden, nagtuloy siya sa madilim na parte malapit sa mga kahoy at matataas na halaman. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya si Angela na nasa malayo, dahil sa aninag ang suot nitong magandang light blue na gown dahil sa munting liwanag na nagmumula sa fountain. Lumakad siya ng mabilis hanggang sa halos ilang dipa na lang ang layo niya mula sa fountain. Ngunit gayun na lamang ang kanyang naramdamang paninibugho ng makitang nakayakap si Angela sa isang lalake na nakasuot lamang ng simpleng damit, at nakayakap din sa kanya ang lalake. Mabilis niyang itinago ang sarili sa likod ng puno at buong kapaitan na pinagmasdan ang dalawang magkayakap na nagsasayaw habang mahigpit na nakayakap sa isa’t-isa.

Nagpunta naman si Alice papasok sa kanilang bahay at nagtanong sa mga katulong kung nagawi ba doon si Angela. Pagkasabi ng mga ito na hindi nagpunta doon ang anak ay mabilis siyang lumakad palabas ng bahay. Mula sa terrace ay gumawi naman siya sa kabilang gilid ng bahay at nilandas ang daan doon. Habang naglalakad ay dito na niya napansin ang anak dahil sa suot nitong light blue na gown na aninag dahil sa munting liwanag na nagmumula sa fountain. Nawala ang kanyang kaba at mabilis siyang naglakad upang puntahan si Angela. Ngunit habang papalapit siya ay napansin niyang may kasama ang anak sa harap ng fountain at mahigpit na magkayakap ang dalawa. Lumapit pa siya ng ilang dipa at ikinubli ang sarili sa mga matataas na halaman. Kahit madilim ay sapat ang liwanag na nagmumula sa fountain upang makita ni Alice ang labis na pag-ibig sa nakapikit na anak habang nakayakap ng mahigpit sa lalakeng kasayaw nito ngayon. Na para bang ayaw ng mawalay ni Angela sa lalakeng kapiling nito at nakayakap din sa kanya.

Matagal ding magkayakap na marahang nagsasayaw sina Dan at Angela. Dinadama ang pag-ibig nila sa isa’t-isa na hindi maitatago ng malakas na pagpintig ng kanilang puso at kapwa mainit nilang katawan. Nang matapos ang matamis na awitin ay bahagya lamang naghiwalay ang kanilang mga katawan na nanatili pa ding magkayakap. Buong pagsuyo silang nakatingin sila sa mata sa isa’t-isa.

“I love you Angela.” si Dan.

“I love you Dan.” si Angela.

At dahan-dahang muling bumaba ang labi ni Dan sa labi Angela na muling pumikit at iniawang ng bahagya ang bibig upang mainit na muling tanggapin ang halik ng iniibig na binata. Muling naghinang ang kanilang mga labi habang nanatili silang magkayakap.

Dahil sa nasaksihan ay nakuyom ni Lance ang dalawang palad. Alam na niyang may iniibig na ibang lalake si Angela dahil naipagtapat na ito sa kanya ng dalaga. Alam na niya ngayon kung sino ang nagbigay sa dalaga ng simpleng bracelet na suot nito ngayon, ay siyang nagbigay ng mungting latang hawak kanina ng dalaga, at siya ding dahilan ng luha ng kaligayahan ni Angela. Ngunit kahit nasaksihan niya at nalaman ang mga katotohanan na ito sa kanyang harapan ay hindi pa din niya kayang ipaubaya si Angela sa ibang lalake. Siya ang karapat-dapat na lalake para sa dalaga at wala ng iba pa. Ito ang laman ng isipan ni Lance, hindi man sa ngayon ay nagtitiwala siyang mamahalin din siya ng dalaga. Minsan pang tiningnan ni Lance ng buong pait ang dalawang magkayakap ng mahigpit habang magkahinang ang mga labi. At saka siya lumakad palayo na nakabagsak ang balikat at nakayuko dahil sa matinding kabiguan at lungkot na ngayon ay nararamdaman niya.

Ang malakas na pagtibok sa puso ni Alice ay maingay na niyang naririnig dahil sa kanya ngayong nasasaksihan. Ang nag-iisang pinakamamahal na anak ay nakayakap at nakahinang ang labi sa isang lalake na hindi nila kilalang mag-asawa. Gusto niyang magalit sa anak dahil sa kapusukan nito, ngunit ng bumalik sa kanyang alaala ang lahat, ang simula ng pagbabago ng anak na laging masigla, ang minsang pagsasabi nito sa kaklaseng kakatagpuin, ang pagkakaroon ng masayang kulay sa bawat araw ng anak, ang simpleng bracelet ni Angela na laging suot ng dalaga. Umiibig ang kanyang anak sa binatang kasama nito ngayon, iyon ang tiyak ni Alice sa sarili. Nasa edad na si Angela para makaramdam ng ganiyon at karapatan iyon ng kanyang anak. Ang galit na sana ay mabubuhay sa kanyang puso ay nawala. Hindi niya kayang magalit sa anak dahil lamang sa pinili ng anak na maging masaya sa piling ng lalakeng mahal nito. Kita niya ang labis na pag-ibig at saya ng anak habang kapiling ang lalakeng kayakap nito ngayon. Saka niya kakausapin si Angela at ililihim muna niya ito kay Anton. Minsan pa niyang tiningnan ang dalawang nakatayo sa harap ng fountain at muli na siyang naglakad pabalik sa garden.

Pagkatapos ng matagal ding paghihinang ng kanilang labi ay muli silang tumingin sa mata ng isa’t-isa. Biglang napangiti si Dan ng kanyang maalala na hindi pa pala niya nababati ang dalaga.

“Angela, happy eighteenth birthday nga pala.” ang nakangiting sabi ng binata na bahagyang natawa.

Malambing namang napahagikhik si Angela at mahinang pinalo ang dibdib ng binata.

“Napaka-bad mo talaga sa akin Dan, hug and kisses muna tapos huli yung greeting.” ang parang nagtatampong sabi ng dalaga na matamis namang nakangiti.

“Ok, hahabaan ko yung pagbati ko para makabawi ako.”

“Sige Dan, let me hear it.” ang masayang sabi ng dalaga.

“Angela, happy eighteenth birthday. Thank you for being born in this world at nakilala kita. And thank you again for loving someone like me.” ang buong damdamin na sabi ni Dan.

Pagkarinig niyon ay hinila ni Angela ang batok ni Dan at saka muli itong hinagkan sa labi. Ngunit bago niya ihiwalay ang labi sa binata ay nilakasan niya ng bahagya ang pagpalo sa dibdib nito.

At sa matang may nangingilid na luha ay humawak sa magkabilang pisngi ng binata.

“Dan, please, don’t let me hear you say that again, kung hindi ay magagalit ako sayo. Because loving someone like you is the best feeling I ever had.” ang buong damdamin ding sabi ni Angela sa binata.

Muling nagtama ang kapwa nangungusap nilang mata na puno ng pag-ibig.

“I’m sorry Angela.” at saka niya pinahid ang mga luha sa mata ng dalaga.

Minsan pa niyang hinagkan ang dalaga, at saka muling niyakap habang hinahaplos ang mahaba nitong tuwid na buhok. Yumakap din sa kanya si Angela habang tahimik na humikbi.

*****

Nakaupo ngayong magkausap sina Christine at Brandon sa may balcony. Nais ng binata na makilala ng husto ang dalaga. Ngunit ramdam niya ang kawalang-gana sa kanya ng kausap. Hindi naman siya ang klase ng lalake na mahirap magustuhan. Gwapo siya at matangkad, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat, ang kanyang pagkakaroon ng mayamang pamilya. Iisa lang ang nasa isip niyang dahilan kung bakit ganito kalamig ang trato sa kanya ni Christine.

“Christine, may I ask you something personal.”

Saglit lang itong tinapunan ng tingin ng dalaga at muling ibanaling sa nilalarong wine glass ang paningin.

“Sure, go ahead. Let’s talk about something na makaka-disappoint sayo. Who knows? I may get lucky at magbago ang isip mo sa akin. I will be very happy kung titigilan mo na agad ako.” ang nakangiting sagot naman ni Christine sa binata.

Natigilan naman si Brandon, hindi niya expected na sa ganitong paraan siya kinakausap ni Christine. Na para bang walang halaga sa dalaga ang nais ng mga magulang nila at sa halip ay parang isang laro lang dito ang pagkikita nila ngayon na labis niyang pinanabikan.

Huminga ng malalim si Brandon bago muling nagtanong.

“Are you seeing somene Christine?” si Brandon na bahagyang kinakabahan.

“Yes, in fact, kanina lang ay magkasama kami sa loob ng hotel. We stay there for five long hours. So I’ll trust your imagination can handle the rest.” na sinabayan ni Christine ng matamis na ngiti habang nakatingin sa mata ng binata.

Hindi agad nakapagsalita si Brandon. Nakaramdam siya ng pait at lungkot. Hindi pa man siya nagsisimula sa dalaga ay bigo na agad siya. Dahil kahit parang sinabi iyon ni Christine sa nagbibirong boses ay ramdam niya ang katotohanan niyon. Tapat ang dalaga sa pagnanais nitong saktan siya ng maaga upang tumigil na siya agad.

Napansin naman ni Christine ang pananahimik ng binata.

“What’s the matter Brandon? Disappointed? Then give up on me already.” ang nakangiting sabi ni Christine na ngayon ay nakatingin na ulit sa wine glass na nasa lamesa. Hinawakan iyon at saka uminom ng kaunti.

Ayaw ipakita ni Brandon sa dalaga ang sugat na ginawa nito sa kanyang puso. Aminado ang binata na may mga karanasan na din siya dahil maraming babae ang naghahangad sa isang tulad niya. Ngunit nasaktan pa din siya sa ginawang pag-amin ni Christine. Dahil lalake siya at babae si Christine, there is a difference when it comes to pride para sa kanya. Pagkarinig ng mga sinabi ni Christine ay dapat ay kanina pa siya tumayo at iniwan ang dalaga. Ngunit hindi niya magawa, dahil sa tuwing tinitingnan niya ang mapungay na mata, ang mapulang labi, ang magandang mukha na binagayan ng mahaba at alon-alon na buhok ni Christine ay pinipigilan siya ng sariling damdamin. Love at first sight siya kay Christine, mahirap pala talaga ang ma-inlove, nakakasira ng logic at reason.

Diretsong tumingin si Brandon sa mata ni Christine.

“Sorry Christine, I am disappointed, true, I can give you that. Pero ang tumigil dahil sa may sexual experience ka na ay hindi ko kayang gawin. I think I like your honesty, and I am really starting to like you even more. Hindi na din ako virgin Christine, so no it’s big deal.” ang malumanay na sabi ng binata, itinatago ang pait at lungkot sa kanyang bawat salita.

Muli namang napasimangot si Christine na ikinatuwa naman ni Brandon. Kung iniisip ng dalaga na madali siyang susuko dahil may kasalukuyan itong karelasyon ay nagkakamali ito. Matutuloy ang planong kasal ng kanilang pamilya sa ayaw at sa gusto ni Christine. Masakit sa kanya na malamang may karanasan na din ang dalaga ngunit hindi na iyon mahalaga sa kanya ngayon. Ang maging huling lalake sa buhay ni Christine ang bagong dagdag na pangarap niya sa buhay.

“Christine, about the one you’re seeing right now? Do you really love him?” ang sunod na malungkot tanong ng binata.

Itinigil ni Christine ang ginagawang paglalaro sa glass wine na nasa harap. Tumitig sa mata ni Brandon at saka nagsalita ng buong katapatan.

“He is someone na I’m not ready yet to introduce to anyone, for personal reasons. So we keep our relationship secret for now. But I love him. I do love him. He means the world to me. Kapag dumating ang araw na kaya ko na. Then I will make our relationship known to everyone .” ang sabi ni Christine, wala na ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

Dahil sa sinseridad ng dalaga ay nakaramdam ng selos at inggit si Brandon sa kung sinoman ang lalakeng kapiling kanina ni Christine.

“Well Christine, I think I have a very good chance to change you mind.” ang seryosong sagot ng binata sa deklarasyon ni Christine.

“Paano mo nasabi?”

“Because if you really love him, you will not hide your relationship. There is something about him na hindi mo gusto o kayang tanggapin. So before that day comes na kaya mo na. I’ll make sure na you’re mine, and mine alone.” ang buong kumpyansang sabi ni Brandon.

Bagaman totoo na hindi nya pa kayang ilantad sa lahat lalo na sa kanyang mga magulang ang relationship nila ni Dan, ay darating din ang araw na mangyayari yun. At hindi ang isang tulad lang ni Brandon ang makakapaghiwalay o makakapag-alis ng pag-ibig niya kay Dan.

Isang mapaklang ngiti ang ibinigay ni Christine sa kausap.

“You can try Brandon. Pero wag kang masyadong umasa, so it will hurt you less.” sang sabi na lang ng dalaga sa malamig na tinig.

“No Christine, wala pa akong hinangad na hindi ko nakuha. Especially this time, because I want you to be the one who stay besides me for the rest of my life. I want to be your man Christine, your only man.” ang matapat na sabi ni Brandon, umiibig na siya sa dalagang sumugat ng maaga sa kanyang puso at naglalaro sa kanyang damdamin. Kaya niyang tiisin ang lahat, dahil sa tulong ng magulang ng dalaga at kanyang sariling abilidad ay naniniwala siyang mapapasakanya din si Christine.

Isinandal ni Christine ang likod sa upuan, ang nasa isip ay si Dan. Mahal niya ang binata sa kabila ng kanilang magkaibang mundo na ginagalawan. Ngunit sa sandaling pinili niya ang binata at lumantad na sila ay malaki ang posibilidad na mawawala sa kanya ang lahat ng kasaganaan na tinatamasa dahil sa galit ng kanyang mga magulang. Hindi ang mga magulang ang klase na papayag sa kanilang relasyon. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang binatang nasa harap. Ang isang tulad nito ang nais ng magulang para sa kanya. Alam ni Christine na mahihirapan siyang ipaglaban si Dan dahil sa kanyang nakagisnan na pamumuhay. Ngunit hindi naman niya kayang mawala sa kanya ang binata. Napangiti na lang naiiling si Christine, hindi pa ngayon ang panahon para magdesisyon siya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay kanya si Dan at wala siyang kaagaw sa pag-big ng binata.

Tiningnan niya ang binatang nasa harap na parang walang planong umuwi ng maaga. Huminga siya ng malalim.

“Brandon, tell me more about yourself?” ang nasabi na lang ni Christine sa kaharap.

Dahil sa tanong na ibinigay sa kany ni Christine ay nakaramdam ng munting saya si Brandon, dahil parang nagkakainteres na din ang dalaga sa kanya. Masigla siyang nagsabi ng mga tungkol sa kanyang buhay, mga paboritong bagay at puntahan at lahat ng tungkol sa kanya upang ma-impress ang dalaga.

Habang nagsasalita naman si Brandon ay wala sa mga sinasabi nito ang kanyang interes o atensyon. Nais lamang niyang lumipas ang oras na parang hindi tuod ang binata. Habang patuloy na nagsasalita si Brandon ay si Dan ang nasa kanyang isipan, mainit niyang inaalala ang limang oras na magkasama sila kanina, kung saan paulit-ulit nilang nilasap ang matinding sarap ng kanilang pagiging isa.

*****

Magkatabi na ngayong nakaupo sa harap ng fountain si Dan at Angela, hindi naman sila nag-uusap, nakamasid lang sa kumislap-kislap na tubig. Nakahilig ang dalaga sa kanyang balikat habang magkahawak sila ng kamay.

Saglit na natigilan si Angela. Naalala niyang hindi pa tapos ang debut party niya. Tumayo siya sa harap ni Dan at saka nagpaalam.

“Dan, stay here for a while, I need to go back to the garden, hindi pa tapos yung party.”

“Sige lang Angela, lakad ka na at baka may naghahanap na sayo.”

“I’ll send someone to bring you something.”

“Wag na Angela, ok lang ako.”

Umiling ang dalaga sa kanya.

“Dan, don’t be stubborn, alalahanin mo, it’s my birthday.”

Yumukod si Angela at hinalikan ang binata sa labi. At saka ito lumakad na palayo, pabalik sa malaking garden. Ihinatid na lang ng tingin ni Dan ang dalaga habang nilalandas nito ang ilang puno at matataas na halaman pabalik sa lugar kung saan naroon ang mga bisita nito.

Nang makita ni Alice ang anak ay mabilis siyang lumapit dito. At sa mahinang tinig ay kinausap ang dalaga.

“Iha, you must stay here. The party is not yet over.” ang madiin ngunit malumanay na sabi ni Alice sa anak.

“I’m sorry Mom, something came up.” ang nakayukong sabi na lang ng dalaga.

Hinaplos naman ni Alice ang mahabang buhok ng anak.

“I know Iha, alam kong nasa fountain ka kanina at may kasama.”

Natigilan si Angela, namula at nag-init ang pisngi, dahil malamang na nakita ng kanyang mommy ang lahat ng ngyari sa kanila ni Dan habang nasa tabi ng fountain.

“We’ll talk about that later, ok. For now, dito ka muna at asikasuhin ang mga guest natin. I’ll send Yaya Meding to him. Well keep it a secret to your Dad, you know naman your Dad Iha.” si Alice na medyo nag-aalala din dahil sa sitwasyon ng anak. Narito ngayon si Lance na tahimik na nakaupo lang na nakatingin sa kawalan. Samantalang ang anak ay kapilling naman ang lihim nitong kasintahan. Tiyak na malaking gulo ang mangyayari kapag nalaman ito ni Anton. Ayaw niyang masira ang gabi ng kaligayahan ni Angela. Ililihim muna niya ang natuklasan sa asawa.

“Thank you Mom.” ang naluluhang sabi ni Angela sa ina at hinagkan ang pisngi nito.

Naglakad na pabalik si Angela kay Lance at umupo sa tabi ng binata.

Napadako naman ang malungkot na mukha ni Lance sa dalagang muling nakaupo sa kanyang tabi. Kahit nakatagilid sa kanya si Angela ay kita niya sa kislap ng mata at matamis nitong ngiti ang labis na kasiyahang nararamdaman. Muli siyang nakaramdam ng lungkot, kung siya lamang sana ang dahilan niyon ay nagdiriwang sana ngayon ang kanyang puso sa halip na nagdurusa. Kailangang makilala niya ang binatang nasa puso ni Angela, upang ikumpara ang kanyang sarili at sukatin ang kakayahan nitong paligayahin ang dalaga. Ngunit hindi sa gabing ito, ayaw niyang alisin ang kaligayahan sa puso ng dalagang iniibig sa mismong gabi ng kaarawan nito.

Tinawag naman ni Alice si Yaya Meding at kinausap na ilihim kanino man ang gagawin na pag-aasikaso sa binatang kaibigan ni Angela na nasa may fountain.

Hindi pa nagtatagal si Dan sa nag-iisang nakaupo sa harap ng fountain na may dumating na matanda na may dalang sari-saring klase ng pagkain at ilang inumin na nakalagay sa isang magandang tray. Tumayo siya sa harap ng matanda at akma sanang kukunin ang tray na hawak nito ngunit inilayo sa kanya iyon ng matanda. Tiningnan siya nito sa mukha at saka ngumiti sa kanya.

“Anong pangalan mo anak?”

“Dan po Nay.”

“Maupo ka Dan at hayaan mong ako ang magsilbi sayo.” ang nakangiting sabi sa kanya ng matanda.

At saka marahang ibinaba ni Yaya Meding ang dalang tray. Inalis ang pagkakatakip ng bawat isang pagkain gayundin ang pagkakabalot ng mga kubyertos. Pagkatapos ihanda ni Yaya Meding ang lahat ay tumayo na ito at humarap kay Dan.

“Malapit ka bang kaibigan ni Angela?”

Marahan siyang tumango.

“Mabait ang alaga kong si Angela, at mahal ko ang bata na para kong tunay na anak. Sana ay maging mabuti ka sa kanya at hindi maging dahilan ng kanyang kalungkutan.” ang sabi ng matanda habang nakatingin sa kanyang mga mata. Alam ni Yaya Meding na espesyal ang binata sa dalaga sa kabila ng simple nitong ayos. Alam din niyang mahirap ang pagdadaanan ng dalawa at umaasa ang matanda na hindi magiging dahilan ang binatang nasa kanya ngayong harapan upang magbigay ng pagdurusa kay Angela balang araw.

Natigilan naman si Dan sa makahulugang sinabi sa kanya ng matanda.

Tumango siya dito.

“Makakaasa po kayo.” ang matapat na sagot naman ni Dan.

Tipid na ngumiti sa kanya ang matanda at saka ito bumalik na sa malaling bahay. Naiwan sa kanya ang magadang tray na puno ng ibat-ibang pagkain at inumin.

*****

Pagkatapos ng mahaba-haba ding pagsasalita ni Brandon ay nagpasya na itong magpaalam sa kanya na lihim naman niyang ikinatuwa. Makakapagpahingan na din siya sa wakas.

“Christine, I think we need to go. Nakikita kong kailangan mo ng magpahinga.” ang sabi ng binata dahil sa nakikitang tamlay ng dalaga habang kaharap siya.

“Thank you Brandon. Sorry, but I’m really tired.” si Christine na hindi itinago sa boses ang pagnanais na magpahinga.

Napilitan siyang ihatid ang binata sa salas papunta sa mga magulang nito. Magkakasama silang lumakad palabas hanggang sa sasakyan ng mga ito. Dito sila huling nagpaalamanan, naunang pumasok ang mga magulang ng binata at naiwan silang magkaharap habang nasa likod naman niya ang kanyang mga magulang.

“Goodbye Christine.” ang nakangiting paalam sa kanya ni Brandon.

Tumango lang siya dito.

Ngunit nagulat siya ng biglang inilapit ni Brandon ang labi sa kanyang pisngi. At saka siya banayad na hinalikan. Nakuyom niya ang mga palad at saka matalim na tumingin naman sa binata pagkatapos ng kapahangasan nito. Kung hindi lang niya inaalala ang kapakanan ng mga magulang ay baka sinampal na niya ito. Kung dati ay walang halaga sa kanya ang mga tulad nito ngayon ay hindi na. Ayaw niyang may ibang labi at kamay na madidikit sa kanyang katawan. Ito ay para lamang kay Dan, ang binatang labis niyang minamahal.

Nakangiti lang si Brandon sa dalagang galit na tumingin sa kanya. Inilapit nito ang labi sa tenga ng dalaga at saka mainit na bumulong.

“I’m not sorry Christine. Because, soon, I will do a lot more than just giving you a kiss in your cheek.” ang mainit na sabi ng binata.

“Over my dead body Brandon.” ang madiin namang sagot ni Christine, hindi itinago ang galit na nararamdaman.

Dahil dito ay inilayo na niya ang sarili kay Christine, tiningnan ang galit pa ding ekspresyon ng magandang dalaga. Bumaling sa mga magulang nito at nakangiting nagpaalam. Saglit siyang muling tiningnan at lumakad na ito sa papunta sa sasakyang kinalalagyan ng mga magulang. Hinawakan ang pinto ng sasakyan at saglit na nilingon ang dalaga. Nagpakawala ng isang malungkot na ngiti at saka ito tuluyan ng pumasok sa loob.

Nang nakaalis na ang sasakyan ng mga bisita ay lumapit sa kanya ang mga magulang at magkakasabay silang bumalik sa salas. Bago siya hinayaang makapagpahinga ng mga magulang ay saglit siyan kinausap ng mga ito na lihim naman niyang ikinasuya. Inis ang pakiramdam niya at talagang pagod na siya. Limang oras silang magkasama ni Dan at halos wala silang ibang ginawa kung hindi magtalik ng paulit-ulit. Gusto na talaga niyang magpahinga.

“So Iha, how’s Brandon? Do you like him?” ang nakangiting tanong sa kanya ng kanyang ina.

Nais sana niyang sabihin na hindi niya gusto ang binata at namumuhi siya dito dahil sa pagiging pangahas nito. Ang akala niya ay maginoo ang binata ngunit hindi pala. Ngunit kailangan niyang magsinungaling sa mga magulang upang bigyan kasiyahan ang mga ito at ng matapos na ng gabing ito sa kanya.

“He’s fine Ma.” ang maiksi na lang niyang sagot.

“That’s a promising Iha. Why not go out with him on some weekends. To know him better.” ang masayang sabi ng ina.

“I’ll see Ma. Can I go to bed now. Because I’m really really tired.” si Christine na nasa tinig at katawan ang hindi na itinagong pagod na nararamdaaman.

Napansin naman ito ng kanyang mga magulang at hinayaan na din siya.

“Go ahead Christine and rest. There’s something we need to discuss with you but that can wait.” ang huling tinuran naman ng kanyang ama.

Napilitan si Christine na tumango dito. Walang interes sa kung ano man ang nais sabihin sa kanya ng mga magulang. Naglakad papasok sa kanyang kwarto. Mabilis na nagshower, nagpatuyo ng buhok sa harap ng kanyang magarang tokador at saka ihiniga ang kanyang pagod na katawan sa kama.

Nais sana nilang mag-asawa na kausapin ng maaga si Christine para sabihin sa dalaga ang napagkasunduan nila ng mga magulang ni Brandon. Ang ikasal ang dalawa pagkatapos ni Christine sa kolehiyo. Dahil hindi naman kailangang magtrabaho ni Christine. Mabubuhay ito ng masagana at puno ng karangyaan kahit wala itong pagkakaabalahang trabaho. Mas mabuti sa anak ang ikasal ng maaga sa isang binata na galing sa marangyang pamilya na tulad ng sa kanila.

*****

Habang nasa loob ng sasakyan ay iniisip pa din ni Brandon ang ginawa niyang paghalik sa pisngi ni Christine. Ramdam pa din niya ang lambot nito. Ngunit ng maalala ang deklarasyo ng dalaga at ang matalim nitong tingin ay nanlumo siya. Dahil sa mga sugat na ibinigay ni Christine sa kanyang puso ay iyon ang pinili niyang paraan ng pagganti. Ngayon ay nakaramdam siya ng pagsisisi. Baka sa halip na mapabilis ang pagkuha niya sa puso ni Christine ay lalo siyang mahirapan ng husto.

Napansin naman ng kanyang ina ang kanyang malungkot na mukha.

“What’s wrong Brandon? Don’t you like her? You kissed her a while ago at nakita namin iyon. Pero kung ayaw mo kay Christine ay hindi ka namin ino-obliga ng Daddy mo. We can always cancel he plan para sa inyong kasal after na maka-graduate si Christine sa college.” ang nakangiting sabi sa kanya ng kanyang ina.

Binago niya ang ekspresyon sa kanyang mukha at pinilit na maging masaya. Sa isipin pa lang na hindi matutuloy ang plano nilang Christine after na makatapos ang dalaga sa pag-aaral ay nalulumbay na agad ang kanyang puso. Hindi siya papayag na hindi ito matutuloy.

“No Mom, we must proceed. I like her so much. Kung pwede nga lang madaliin natin ang kasal ay mas mabuti sa akin.” ang masayang sabi naman ni Brandon sa mga magulang.

Masayang nagkatinginan naman ang mga ito. Alam nilang may ilan na ding nobya ang binata ngunit ngayon lang ito nagkaganito sa isang babae.

“I think you’re deeply in-love son.” ang nakangiting sabi sa kanya ng ama.

“Yes Sir, I think I am.” ang sagot din ni Brando.

“Then wedding bells it is.” ang dugtong din ng nakangiti niyang ina.

Masaya pa silang nag-usap sa loob ng sasakyan habang pauwi sa kanilang tahanan. Sa mga sandaling iyon ay masaya ang pakiramdam ni Brandon sa kabila ng malamig na ipinakita sa kanya ni Christine. Sa sarili niya ay kanyang ipinangako na hindi siya papayag na hindi maihaharap sa altar si Christine upang maging kabiyak niya.

*****

Nang matapos na ang party ng dalaga ay nasa may gate si Angela kasama ang mga magulang. Masayang nagpapaalam sa bawat dumalo sa gabi ng kaarawan ng dalaga. Huling nagpaalam ang pamilya ni Lance, kausap ito ng kanyang mga magulang at inaya siya ng binata na saglit na nag-usap na hindi maririnig ng kanilang mga magulang.

“Angela, are you happy tonight?” ang malungkot at malamig na tanong ni Lance habang nakatingin sa kanyang iniibig na dalaga.

Napansin naman iyon ni Angela, at bigla siyang nag-alala ng bahagya.

“Lance, are you alright?” ang tanong ng dalaga sa kaharap.

Malungkot na ngumiti lang si Lance, nag-aalala sa kanya si Angela. Kung ang pag-aalala sanang ito ay may kasamang ukol na pag-ibig ay ikasisiya niya, ngunit alam niya ang totoo, dayain man niya ang sarili ay walang mabuting idudulot sa kanya.

“Are you happy?” ang ulit na tanong ni Lance.

Napilitang tumango at sumagot si Angela.

“Yes Lance, I am happy, very happy tonight.” ang nakangiting sagot niya sa tanong ng binata.

Habang nakatingin sa maamong mukha ni Angela at nakangiting mapulang labi ay muling bumangon ang labis na inggit sa binatang nagpapasasa sa mapulang labi na iyon.

Huminga siya ng malalim at sa malamig na tinig at muling nagsalita.

“Angela, one of these days ay makikipagkita ulit ako sayo. I’ll come to see you in your school.”

Bagaman nag-aalinlangan ay napilitan na din siyang tumango. School naman iyon, madaming tao at naroon si Dan sa sandaling kailangan niya ang binata. Nawala ang kanyang pag-aalala.

“Sure Lance.” ang tipid na lang na sgot ni Angela.

“Happy Birthday Angela. Goodbye.” akma sanag hahalikan ni Lance si Angela sa pisngi ngunit ng napansin niyang napapitlag ang dalaga ay hindi na niya ginawa. Malungkot siyang lumayo at lumakad palapit sa mga magulang.

*****

Kanina pa tulog ang mga kasama sa bahay ni Diane at nanatili pa din siyang nakaupo sa sofa. Sa tabi niya ay ang tupperware ng malamig ng pagkain na para sa kanyang Kuya Dan. Ngunit malapit ng maghatinggabi ay hindi pa din niya naririnig ang ingay ng gate. Nagsimula ng mag-aalala ang dalaga. Muli siyang lumabas ng bahay dala ang tupperware at kinakabahang patuloy na naghihintay sa labas ng kanilang bahay. Linggo naman bukas at walang klase, maaari siyang magpuyat kahihintay sa kanyang pinakamamahal na binata.

“Asan ka na Kuya Dan?” ang labis na pag-aalalang naitanong ni Diane.

*****

Dahil kasama pa ni Angela ang mga magulang sa salas ay hindi niya mapuntahan si Dan na kanina pa nag-iisa sa may fountain. Nag-aalala na din siya sa binata. Natigil siya sa pag-iisip ng magsalita sa kanya ang kanyang ama.

“Angela, we hope na nabigyan ka namin ng isang unforgettable na gabi ng Mommy mo.” ang nakangiting sabi sa kanya ng kanyang ama.

Niyakap niya ang ama at humalik sa pisngi nito.

“Thanks Dad. I”m so happy tonight. I love you.” ang masayang sabi ni Angela sa ama, bagama ang tunay na dahilan ng kanyang nag-uumapaw na saya ay pagdating ni Dan sa gabi ng kanyang kaarawan.

Kumalas ang kanyang ama sa kanya at nagpaalam na ito.

“Iha, I’m so tired at medyo masakit na din ang mata ko. I’ll go to be now.” ang paalam sa kanya ng ama.

“Ok Dad. Goodnight. Love you.” ang nakangiti na lang niyang nasabi. Lihim siyang natuwa dahil nagpahinga na ito.

“Goodnight Angela. Love you too.” ang huling sinabi ng ama, hinalikan muna nito sa pisngi ang kanyang ina at tuluyan na din itong umakyat.

Naiwan silang dalawa ng kanyang ina sa salas. Sinabihan ng kanyang mommy na magpahinga na ang lahat ng mga katulong na kasama nila at bukas na ituloy ang paglilinis.

“Let’s go to one of the guest room Iha, we need to talk , it will not take a while dahil alam kong may naghihintay pa sayo sa may fountain.” ang nakangiting sabi sa kanya ng kanyang ina. Nakangiti ito ngunit may lungkot ito sa mga mata.

Nang nasa loob na sila ng kanyang kwarto ay naupo silang magkaharap sa gilid ng kanyang kama. Nakatingin sa kanya ang kanyang ina habang hawak ang kanyang kamay.

“Do you really love him Angela? Morethan anyone in this world?” ang unang tanong ng kanyang ina.

Sa nakikitang pagmamahal ng kanyang ina sa kanya ay kailangan niyang sumagot ng buong katapatan, maging dahilan man ito ng lungkot sa mga mahal niyang ina.

“Y-yes Mom, I-I really love him morethan anyone in this world.” ang nangignig niyang sagot na sinabayan ng pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Napapikit naman si Alice at nangilid din luha sa sulok ng kanyang mga mata. Ayaw pa sana niyang dumating ang sandaling ito na may mamamahaling iba ang anak ng higit sa kanila ni Anton. Ngunit alam niya na ito ay nakatakdang mangyari. Niyakap niya ang anak at hinagod ang buhok nito.

“Marami kang hardhips at struggles na pagdadaanan Iha.Pero narito akong Mommy mo sa susuporta sayo sa lahat ng aking lakas. As long na happy ka Angela ay masaya din ako para sayo.” ang naluluhang sabi sa kanya ng kanyang mommy.

“Thanks Mom.” at niyakap niya ulit ang ina.

Kumalas na kanya ang kanyang ina at sa isang tapat na ngiti ay nagsalita sa kanya.

“Go now Angela. He’s waiting for you.”

Minsan pa niyang hinagkan ang kanyang ina at mabilis siyang lumabas ng bahay papunta sa fountain. Papunta kay Dan na naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Pinahid ni Alice ang luha sa kanyang mga mata. Sa isipan niya ay nagbago na siya ng pasya. Handa na siyang masira ang relasyon nila ng pamilya ni Lance huwag lamang lumuha sa pagdurusa ang nag-iisang anak. Hahawakan niya ang kamay ni Angela at hindi niya ito pababayaan at gagawin ang lahat upang maging maligaya ang pinakamamahal na anak. Maging ang mundo man ay laban sa kanila. Mas higit na mahalaga sa kanya ang kaligayahan ni Angela kaysa sasabihin ng mga taong nasa mundong ginagalawan nila.

Habang nilalandas ni Angela ang daan patungo sa fountain ay walang kamalay-malay ang naluluhang dalaga na may isa na siyang malakas na kakampi ngayon sa kanyang pag-ibig kay Dan. Na ang hindi niya inaakalang magbibigay sa kanya ng panibagong lakas para sa kanilang pag-ibigan ng binata ay ang siya palang nakahandang harapin ang mundo para sa kanyang kaligayahan.

Mula sa malayo ay tanaw na ni Dan si Angela na hindi pa din nakakapagpalit ng damit. Talagang napakaganda ni Angela sa suot nitong asul na gown na parang isang anghel na naglalakad habang nasa ilalim ng liwanag ng buwan. Nang makalapit sa may fountain ay siya na ang sumalubong sa dalaga. Niyakap nila ng mahigpit ang isat’-isa at pagkatapos ay muling pinaghinang ang kanilang mga labi. Matagal at punong-puno ng nag-uumapaw nilang pag-ibig.

“I’m sorry Dan, now lang ako nakabalik.” si Angela na nanatiling nakayakap sa binata.

“Ok lang Angela, ang mahalaga ay narito ka.” at muling hinagkan ni Dan ang labi ng dalaga.

Nagpapahinga na ang lahat ng kanilang mga katulong at patay na din ang halos lahat ng ilaw sa paligid.

Hinawakan ni Angela ang kamay ni Dan at nilandas nila ang pabalik sa kanilang bahay. Maingat silang pumasok sa loob at saka nagtungo sa harap ng kwarto ng dalaga.

Alam nilang kapwa sila kinakabahan, maghahating-gabi pa lang at narito sa iisang malaking bahay ang mga magulang ni Angela. Nais ni Angela magkaroon ng isang masarap at mainit na alaala sa gabi ng kanyang kaarawang ito, sa loob mismo ng kanyang sariling kwarto. Kaya kahit kinakabahan ay nilakasan niya ang kanyang loob upang madama ang init ng pag-ibig ni Dan sa kanya.

“Angela….” si Dan na sadyang kinakabahan dahil sa nais na mangyari ng dalaga.

Binuksan ni Angela ang pinto sa kanyang kwarto. Ipinasok ang kanilang mga katawan. Inalis ang suot na hills na sapatos. At saka muling isinara at ini-lock ang pinto. Inaya ang binata sa gitna ng kanyang malaking kwarto. Saglit na iniwan si Dan, lumapit sa kanyang lampshade at binuksan iyon. Pinatay ang ilaw at saka muling lumapit kay binata.

At ngayong ay muli naman silang magkaharap habang nangungusap ng pag-ibig ang kanilang mga mata.

“Dan, u-undress me…” ang buong pananabik na sabi ni Angela. Sa tinig pa din ng dalaga ang hindi maitagong kaba.

“Angela..” si Dan na hindi agad makapag-desisyon.

Inilapit ni Angela ang katawan na halos nakadikit na kay Dan at saka tumalikod. Nakuha naman ni Dan ang nais ng dalaga. Hindi na din niya kinaya ang kanyang pananabik. Hinawakan zipper sa likod ng gown ni Angela at saka iyon marahang ibinaba. Hinawakan ni Angela ang kanyang malambot na gown sa dibdib. Humarap kay Dan at saka binitawan ang kanyang pagkakahawak sa kanyang gown. Ngayon ay mga panloob na lamang ang suot ng dalaga. Inalis niya ang pagkahook ng suot niyang bra at inalis iyon sa katawan niya. Sinunod niyang ibinaba ang kanyang suot na panty at buong pananabik na tumingin kay Dan.

Kahit liwanag lang ng lampshade ang nasa kwarto ng dalaga ay sapat ang liwanag niyon upang muling mapagmasdan ni Dan ang napakagandang kahubaran ni Angela. Labis na nag-init ang kanyang katawan at siya naman ngayon ang naghubad ng lahat ng kanyang mga damit.

Kapwa balot ng matinding init at pananabik ang kanilang ngayon ay kapwa hubad na katawan. Mahigpit silang nagyakap at saka mainit na naghalikan. Ngayon ay nakapagitan sa kanilang mainit na katawan ang malaking pagkalalaki ni Dan na lalong nagpaapoy sa katawan ng dalaga.

Pagkatapos ng isang mainit na halikan ay inalalayan na ni Dan sa pahiga sa kama si Angela. At saka niya isinunod ang kanyang mainit ding katawan. Hinaplos niya ang buhok ng dalaga at saka isinunod ang pisngi nito.

“I love you Angela.” si Dan.

“I love you Dan.” si Angela.

At muling naghinang ang kanilang mga labi ng matagal. At saka pinagapang ni Dan ang kanyang kamay mula sa pisngi ng dalaga papunta sa mayamang dibdib ni Angela at saka iyon banayad na nilamas. Dahilan upang mapatid ang kanilang halikan dahil hindi napigilan ni Angela na magpakawala ng isang mabilis na masarap na pag-ungol.

“Ohh..”

Muling Hinagkan ni Dan si Angela at ilang sandali pa ay bumaba na ang kanyang labi sa leeg ng dalaga, hanggang sa makarating sa mayamang dibdib nito. Halinhinang niyang hinalikan at dinilaaan ang magkabilang nipple at saka niya banayad din na susupsupin. Hindi naman natigil ang mga mga mahihinang pagdaing at pag-ungol ni Angela na naging musika sa pandining ni Dan.

“Ahh… D-Dan… Ahh…

Matagal din niyang nilaro ng kanyang bibig at kamay ang magkabilang ang mayamang dibdib ng dalaga at hindi niya tinigilan ang mga iyon hanggat napupuno ng kanyang mga laway. Muli niyang ibinaba anga kanya bibig patungo sa kayamanan ng dalaga. Pinigilan siya ng dalaga ngunit nagpumilit siya.

“D-Dan… W-wag na dyan… I didn’t take a shower pa…” ang nahihiyang sabi ng dalaga.

Ngunit walang pakialam si Dan dahil ito ang pagkababae ng kanyang pinakamamahal na dalaga. Nang nasa tapat na ng kanyang mukha ang matambok na pagkababae ni Angela ay amoy pa niya ang pawis na nagmumula dito. Hinawi ng kanyang daliri ang makapal na bulbol na nakapalibot dito at saka iyon marahang nilaro ng kanyang daliri.

“Dan naman.. Please don’t tease me…”

Pagkarinig niyon ay saka niya ginawaran ng mainit na halik ang hiwa ng dalaga at saka niya hinagod ng paulit-ulit ang kanyang madulas na dila sa buong kahabaan ng hiwang ito, mula sa ibaba-paitaas.

Napahamak naman ng banayad si Angela sa ulo ni Dan at ngayon ay halos magliliyad sa harap habang pigil pa ding ang kanyang mga mahinang pagdaing at pag-ungol.

“Ahhh…. Dan…”

Mas matagal na nagpakasawa si Dan sa pagkababae ni Angela kaysa sa mayamang dibdib ng dalaga. Halos basang-basa na ang kanyang bibig ng mainit na nektas ni Angela na halos hindi maubos-ubos dahil sa masarap niyang pagkain sa pagkababae nito. Nang alam na niyang nakahanda na ang dalaga at labis na ang init at libog nito sa katawan ay muli niyang pinagapang ang kanyang halik pataas. Hanggang sa muling maghinang ang kanilang mga labi.

“Dan.. Give it to me na.. I want it…” si Angela habang sabik na nakatitig sa mata ni Dan.

Itinutok naman ni Dan ang kanyang malaking alaga sa basang lagusan ni Angela at ipinasok ang ulo nito.

“Ahhh… Dan.. Be gentle naman muna…”

Muli pa niyang ibinaon ng dahan-dahan ang kanyag pagkalalake hanggang sa tuluyan itong nilamon ng pagkababae ni Angela at ngayong ay magkalapat ng muli ang kanilang mga bulbol.

Muli silang naghalikan ng mainit at saka nagsimulang gumalaw ang balakang ni Dan upang bayuhin ng marahan ang pagkababae ng dalaga.

“Ohhh Dann… Thank you… Ahh… Ang sarap ng mga pa-birthday mo sa akin…” ang mahinang sabi ni Angela, sana tinig ang labis na sarap na nararamdaman.

“Lahat ng kaya kong ibigay na kaligayahan sayo Angela ay ibibigay ko sayo….”

At saka muling naghinang ang kanilang mga labi. Ngayon ay maingay na ang kanilang pag-iisa dahil sa patuloy na pagkatas ng nekas mula sa lagusan ni Angela.

(“plok” “plok” “plok” “plok”)

At nagpatuloy sila sa kanilang mainit at masarap na pagtatalik sa loob mismo ng kwarto ng dalaga habang naroon lang natutulog ang mga magulang ni Angela sa sariling kwarto ng mga iyon.

Hindi na halos naghiwalay ang kanilang mga mainit na labi at naging mabilis na din ang bawat pagbayo ni Dan sa pagkababae ni Angela na laong nagpasarap sa kanilang mga pakiramdam.

“Ahh… Angela… Ahh… Ah..” ang mahinang pagdaing ni Dan malapit sa tenga ng dalaga.

(“plak!””plak!””plak!””plak!”)

“Ohh… Ohh… Dan… Malapit na ako… Faster Dan.. Please do me faster … Ahhh…”

(“plak!””plak!””plak!””plak!”)

At lalo pang binilisan ni Dan ang kanyang ginagawang pagbayo at lalong humigpit ang yakap sa kanya ni Angela at kaunting sandali lang ay napaungol na ito ng masarap kahit na may pagpipigil.

“Ohhhnnmmpp…..”

(“plak!””plak!””plak!””plak!”)

Nagpatuloy naman si Dan sa kanyang ginagawa at mayamaya pagkatapos labasan pa ng ilang ulit si Angela ay siya naman ang nagpakawala ng pigil ding masarap na ungol kasabay ng pagdilig ng kanyang mainit na tamod sa sinapupunan ni Angela.

“Aggghhh….”

Marahan niyang ibinagsak ang katawan sa harap ng dalaga. Niyakap si Angela at saka muling hinalikan ang dalaga sa labi.

“Angela, sa loob mo ulit ko ipinutok. Hindi ko napigilan.” si Dan habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

Umiling naman si Angela habang nakangiti sa binata.

“I love it Dan. It feels so hot insde me. I really love that feeling. Mainit na masarap.” ang nakangiti p ding sabi ng dalaga, nasa mukha pa din nito ang matinding ligaya sa laman na katatapos lang maranasan.

Muli naman silang naghalikan.

“Angela, isa pa tayo…” ang nakangiting sabi ni Dan habang nakayakap sa dalaga.

Malambing naman na napa-giggle si Angela.

“As if makakatanggi pa ako, your so hard na ulit inside me. Let’s do it again and again, then fill me up. I really love that hot feeling that you gave me everytime kapag nakakatapos ka.” ang mainit na paanyaya naman ni Angela kay Dan.

At muling naghinang ang kanilang mga labi habang nakayakap sila sa isa’t-isa. At sa malalim na gabi hanggang sa bago magbukang liwayway ay paulit-ulit nilang pinagsaluhan ang init ng kanilang pag-ibig sa isa’t-isa. Na kapwa umuusal sa kanilang mga isipan na ang sandaling iyon ay hindi na sana matapos pa.

(Ipagpapatuloy…)

Writer’s Note:

“I have been struggling to continue this series, but since marami ang patuloy na naghihintay ay pilit kong gagawan ng update, as long as kaya ko pa. Just have patience about the update, dahil talagang nahihirapan akong mag-isip. My plan is to keep going until I run out of ideas, then I will end it, or hanggang sa ma-bored na kayo at magsabi sa akin na lagyan ko na ng maagang closure, or kapag kaunti na lang ang may interes.

Rest assured that the ending will be there, I’m not sure what kind of ending we will get, but it is still an ending nonetheless.”

Scroll to Top