Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 19 by: Van_TheMaster

Chapter 19

Mula sa malayo ay nakalukot ang mukha ni Dave ng makita ang makisig na kasabay ni Angela sa pagkain. Dahil alam niyang sa tindig at ayos ng binata ay maykaya din ito, baka mas higit pa sa kaniya. Si Carlo at James naman ay kinakalma lang si Dave, wala din naman silang magagawa. Hanggang ngayon ay civil pa din si Christine kay Carlo. Matagal ng nais ni Carlo na pasyalan si Christine sa bahay ng dalaga ngunit alam niyang hindi siya nito haharapin. Napatingin siya kay Dan na katabi ni Christine at labis na namang nainis. Dahil alam niyang walang relasyon ang dalawa dahil hindi si Christine ang klase na papatol sa isang tulad ni Dan. Ngunit bakit parang hindi ilang si Christine kay Dan ang nalilito niyang tanong sa sarili.

“Dave, ano kaya kung si Dan ang gamitin natin para makalapit kayo ulit kina Christine at Angela.” ang mungkahi ni James sa naghihimutok na si Dave.

“Paano tayo matutulungan nun? Kakilala lang niya yung dalawa, hindi naman niya ka-close.” ang nagtatakang sabi ni Dave na may kasamang inis.

“Dave, at ease sila kay Dan kasi madaling paglaruan at utuin, pobre yung tao, madali nilang kaawaan. Alalahanin mo, next month, may night program sa campus. Kung hindi mo naisayaw si Angela sa bahay nila, dito sa school, magagawa mo na. Ako naman, kay Christine. We need to use all of our means and resources Dave para makuha natin sila. Hahayaan mo bang mapunta sa iba si Angela?” ang pangungumbinsi naman ni Carlo sa kaibigan.

Tumango-tango lang si Dave.

“Ok, gawin natin yan. The best ka talaga kayong mag-isip.” ang nakatawa namang sabi ni Dave na sumang-ayon na din sa dalawa.

Natigil ang kanilang pag-uusap ng marinig nila ang isang malakas na paglagpak ng tray at napagawi ang kanilang tingin sa kinaroonan nina Angela at ng kasama nito. Nagkatawanan sila ng mahina ng nakitang nabasa ang pantalon ng lalake na ngayon ay nakatayo na naiinis sa nakaluhod na si Dan.

“Ayos Dan, good job!” ang masayang sabi ni Dave.

Ngayon ay magkaharap na sina Dan at Lance at sa malapit sa kanila ay ang nakatayo ding si Angela. Nasa mukha ng dalaga ng pagkalito dahil paano na nagkakilala si Dan at si Lance.

Sa kabilang lamesa naman ay ganun din sina Christine, curious din si Christine kung paano nakilala ni Dan ang binatang kasama ngayon ni Angela.

Habang hawak ni Dan ang tray ay saglit siyang yumukod sa harap ni Lance.

“Sorry Sir, nagmamadali kasi ako kaya hindi ko napansin na sumabit yung bag ko sa table nyo. Pasensya na talaga Sir.” si Dan sa mababang tinig, bagaman nakikiusap siya kay Lance ay hindi naman iyon purong totoo, dahil ang nais niya ay maalis ang masamang pakiramdan ni Angela na kanyang nakukutuban.

Tiningnan naman ng mabuti ni Lance si Dan, napansin niyang ang pananamit nito, halatang nakakaraos lang. Naalala din niya ang pagiging magalang nito sa kanila ni Brandon habang nasa loob ng bar. Nawala na ang kanyang inis. Nakakahiya namang ipakita pa sa mga tao dito lalo na kay Angela ang isang eksena na munting bagay lang naman talaga. Hindi din naman siya ang klase ng tao na mapanghamak sa kapwa. Nagkataon lang na kasama niya si Angela kaya saglit na nawala ang pagiging mahinahon niya. Ayaw niyang napapahiya lalo na kapag nasa harap ni Angela.

Ngumiti siya kay Dan at saka tinapik ang balikat nito.

“I’m fine, go ahead, ingat na lang sa susunod.” ang sabi na lang ni Lance kay Dan.

“Pasensya na talaga Sir, nabasa ko pa yung suot nyo.” hinging paumanhin ulit ni Dan, ngunit ito ay totoo na sa loob ng binata, dahil naramdaman niyang hindi naman magaspang ang ugali ng kausap.

“Ok lang, don’t worry about it. It’s just a small splash.”

“Sige Sir, pasensya na ulit.” at saglit na tiningnan muna ni Dan si Angela bago siya lumakad na palayo.

Sa isip ni Angela ay nais niyang malaman kung paano nagkakilala si Lance at ang kanyang kasintahan. Ngunit hindi naman niya maaaring tanungin si Lance dahil baka maghinala ito at magduda kung bakit siya may interes na malaman. Si Dan na lang ang kakausapin niya kapag nakakuha siya ng pagkakataon.

“Angela, I think I have to go now. Malapit na ding matapos yung break nyo at I don’t want to be a nuisance to you.” ang paalam na ni Lance habang pinupunasan ng panyong dala ang nabasang parte ng kanyang suot na pantalon.

“Ok Lance, see you na lang. Take care.” ang kiming sagot na lang ni Angela sa paalam ng binata.

Tumingin si Lance sa mata ng dalaga at saka muling nagsalita tungkol sa sadya talaga ng binata.

“Angela, I can feel na hindi mo siya kaya pang ipakilala sa akin. It means na you’re not even sure about your feelings about him or mayroon pang ibang dahilan. But soon, makikilala ko din siya Angela, whether you like it or not, magkikita din kami. I have to approve of him first para sayo.”ang mahina ngunit madiin na sabi Lance, nasa tinig nito ang pagtutol sa kasintahan ni Angela.

Dahil sa sinabing iyon ni Lance ay nakaramdam naman ng matinding pagkasuya ang dalaga sa binata. Kung kanina ay nag-aalangan siya ay nawala na iyon, dahil sa mga sinabi ni Lance na para bang ito ang may karapatang magpasya kung sino ang dapat niyang mahalin. Kung hindi lamang niya inaalala ang sitwasyon at kapakanan ni Dan ay baka dito na niya ipinakilala si Dan sa harap nito bilang kanyang kasintahan. Para malaman na ng lahat na sila na ni Dan, at ang katotohanan na iyon ay hindi niya ikakahiya kailanman.

Tiningnan niya ng malalim si Lance, wala ang takot at pag-aalala sa kanyang maamong mukha.

“You’re not the one to decide my happiness Lance.” ang malamig ngunit mahina ding sabi ni Angela sa binata.

“Angela…” si Lance naman ang natigilan.

“Lance, you should go now. Malapit na ding matapos ang break.” ang sunod na sabi ni Angela, halatang ayaw na nitong kausap ang binata.

Dahil sa malamig na boses ni Angela ay nakaramdam ng kakaiba si Lance sa dalaga. Parang hindi na ito ang dalagang madaling umiyak at lagi na lang nagpaparaya. Naalala din niyang ganito kalamig ang boses ng dalaga ng mag-usisa siya tungkol sa suot nitong bracelet. Ngayon niya naramdaman ang bigat ng kanyang kalaban sa puso ni Angela. Dahil parang nahulog na ng husto ang loob ni Angela sa mapalad na binata na kasama nito ng gabi ng kaarawan ng dalaga.

“Thanks for the time Angela.” ang nasabi na lang ng binata sa dalaga na walang ngiti na ibinigay sa kanya.

Naglakad na siya palabas ng school nang mapansin niya ang makapal na ulap sa kalangitan. At kasabay ng pagpasok niya sa loob ng kanyang sariling sasakyan ay ang pagbuhos ng malakas na ulan na para bang nakikiayon sa kanyang pait na nararamdaman. Isinandal niya ang katawan sa upuan at saka nag-isip ng malalim. Kailangang magmadali na siya, kung hindi ay tuluyan ng malalayo ang loob sa kanya ng minamahal niyang si Angela. Hinawakan niya ang manibela ng sasakyan at saka idinikit ang ulo doon. Madami namang babae ang naghahangad sa kanya, ngunit bakit pilit niyang tinatanggap ang bawat sugat na ibinibigay sa kanya ni Angela. Bakit hindi niya kayang tanggapin sa sarili niya na hindi siya ang lalaking iniibig ni Angela.

“Life nga naman minsan, nakaka-badtrip na lang talaga.” ang naiinis na sabi na lang niya sa sarili.

Binuhay ang makina ng kanyang sasakyan at mabilis na umalis sa pamantasan ng dalaga.

*****

Twenty minutes pa bago magsimula ang susunod na klase ay bumuhos ang isang malakas na ulan. Pagkatapos ayusin ang sarili sa magkaibang banyo ay nagsimula sina Angela at Christine na hanapin si Dan. Kapwa na nagnanais na malaman kung paano na nagkakilala ang dalawang binata, at mas higit pa doon, ay ang makasama saglit si Dan ng sarilinan.

Mabilis na naglakad si Angela papunta sa ibang lugar at hinanap doon si Dan, ngunit wala doon ang binata. Naka ilang hallway pa siya at talagang hindi niya ito makita. Nagpasya siyang magpunta na sa library kahit galing na sila doon kaninang umaga.

Nagtuloy naman si Christine sa may taas ng rooftop kahit naulan. Binuksan ang pinto doon na naging dahilan ng paglalaro ng hangin sa alon alon niyang buhok. Malaya niyang pinagmasdan ang bawat pagpatak ng ulan at saka iginawi ang paningin sa kabilang side ng shade na nasa rooftop. Isinara niya ang pinto at saka nagsimulang maglakad.

“In all places to watch the rain, bakit dito?” ang nakangiting sabi ni Christine kay Dan at tumabi sa binata na nakasandal sa pader. Sapat ang shade ng kinasasandalan nila para hindi sila mabasa.

“Hm? Hindi ko alam, pero ng mapansin kong babagsak ang ulan, dito ako nagpunta.” si Dan na sa ulan nakatingin.

Napangiti lang si Christine habang pinagmamasdan si Dan na nakatingin sa pagpatak ng ulan.

“Dan, aren’t you going to ask me kung bakit ako nandito?” ang malambing na tanong ng dalaga.

Lumingon si Dan kay Christine, saka hinaplos ang pisngi nito ng isa niyang daliri.

“Hinahanap mo ako.” si Dan na sa mata ni Christine nakatingin. Nahihirapan na din siya talaga, mahal niya si Angela, ngunit kapag laging ganito si Christine ay sadyang napakahirap sa kanya na saktan ang dalaga.

Ngumiti din si Christine sa binata at nakatitig din ngayon sa mata nito.

“I think I deserve a reward for finding you here?” nasa kislap ng mata ni Christine ang pag-ibig at pananabik.

Wala ng magagawa pa si Dan, di niya kayang pigilan ang kanyang sarili. Niyakap niya si Christine ng banayad at saka mainit na hinagkan ang labi ng dalaga. Kusa na din namang yumakap si Christine sa kanya at gumanti ng halik sa iniibig na si Dan. Sa binatang kanyang minamahal na hindi niya papayagang maagaw sa kanya ng iba.

Nang matapos ang kanilang mainit na paghihinang ng mga labi ay kapwa sila nagpakawala ngiti at saka muling sumandal sa pader.

“Yung kasama ni Angela kanina sa table, the one you called “Sir”. Saan mo siya nakilala?” ang tanong ni Christine out of pure curiosity.

“Pasenya na Christine kung hindi ko nasabi sayo. Pero may bago na akong pinapasukan na trabaho, isang kilalang resto-bar. Regular customer siya at doon kami unang nagkita.” ang paliwanag na lang ni Dan.

Tumango-tango lang si Christine, pure coincidence lang ang ngyari sa pagitan ng dalawa.

Humakbang si Dan ng isang beses palayo sa shade at saka ibinuka ang palad sa ulan at binasa ang sariling kamay.

Nakatingin lang si Christine sa parang malungkot na likod ng binata.

“Dan, do you like rain so much?”

Tumango lang si Dan ng marahan.

“Then why do you look so sad while watching it?”

Naalala ni Dan ang kanilang kahirapan sa buhay, sa kanyang kawalan ng kakayahan na tulungan ang kanyang namayapang ina. Na habang nakaratay ang ina sa higaan nito ay kung saan-saan siyang lugar nagpunta para humingi ng tulong. At sa kanyang mata na puno ng luha ng panahong iyon ng kanyang kabataan ay wala ni isa man ang tumulong sa kanila. Tanging ang pagpatak ng ulan ng araw na iyon sa kanyang mukha ang nagtago ng kanyang luha ng pagdadalamhati.

Malungkot na tumingin si Dan sa dalaga at saka siya sumagot.

“Dahil matutulungan ka ng ulan na itago ang lungkot na iyong nararamdaman na ayaw mong ipakita sa iba.”

Ramdam ni Christine ang lungkot sa boses ng binata. Hindi na niya nagawang magtanong pa. Lumapit siya dito at niyakap ito ng mahigpit. Hinaplos naman ni Dan ang mahabang alon-alon na buhok ni Christine na nilalaro ng hangin. Inilagay niya ang kanyang mukha sa balikat ng dalaga at saka nagpakawala ng ilang butil ng luha sa sulok ng kanyang mata para sa alaala ng kanyang mahal na ina. Hinagod naman ni Christine ang likod ng binata. Hindi na niya nais pang usisain ang pagluha nito. Alam niyang malungkot ang binata, hindi na niya kailangan pang magtanong pa upang ungkatin lamang ang mapait na dahilan ng luha na ngayon ay bumasa sa kanyang balikat.

Mula naman si library ay nagpagsya ng magpunta si Angela sa classroom ng susunod na subject, wala din naman si Dan dito at malapit ng mag time. Habang naglalakad ay napansin niya ang isang estudyante na mabilis na tumayo mula sa table sa kanyang unahan. Dahil sa pagmamadali ay hindi na napansin ng dalaga na nahulog ang ID nito. Pinulot iyon ni Angela at saka mabilis na lumapit sa dalaga na nasa harap ng librarian. Pagkatapos na mag-usap ng dalawa ay saka niya ibinalik sa estudyante ang nahulog nitong ID.

“Miss, you dropped you ID habang paalis ka sa table mo kanina.” si Angela na nakangiti habang hawak ang ID ng kaharap.

Nahihiya namang kinuha iyon ng dalaga at saka kiming ngumiti kay Angela.

“Thank you, napaka-clumsy ko talaga kapag nagmamadali ako.”

“No, it’s, ok. Sa lahat naman ay ngyayari yun minsan.”

At nagkangitian silang dalawa. Sabay na din silang lumabas ng library at magkasamang naglakad sa hallway.

“I’m Angela.” ang pakilala ni Angela sa katabi na nilingon ito na nakangiti.

“Alyssa.” ang kiming sagot naman ni Alyssa na tipid ding ngumiti sa katabi na parang nahihiya.

“Third year?” tanong ni Angela ng mapansin ang ilang libro na hawak ni Alyssa.

“Yes, ikaw?” si Alyssa na parang lalong natuwa sa pag-asang nasa iisang taon sila ni Angela.

“Same.” si Angela.

At muli silang nagkangitian na dalawa na para bang nakatagpo ng bagong kaibigan sa katauhan ng isa’t-isa. Naglakad pa sila ng magkasama hanggang sa napilitang maghiwalay dahil sa magkaiba nilang classroom.

“See you later Alyssa.” ang paalam ni Angela.

“Ikaw din Angela.” si Alyssa.

Ngumiti ulit sila at saka lumakad na sa magkaibang direksyon.

Nasa loob na si Dan ng makapasok sa classroom si Angela. Mamaya na lang niya kakausapin ito.

Nakaupo na sa classroom si Alyssa ay nakangiti pa din siya dahil sa bagong kakilala. Sa ayos ni Angela na kahit simple ay alam niyang branded lahat ang damit ng dalaga dahil paminsan-minsan din naman siyang nakakabili ng mga tulad noon. Maamo ang mukha at malambing din si Angela. Sa isang tulad niya na bahagya lang nakakaangat ay nakaka-proud ang magkaroon ng isang kaibigan na tulad ni Angela. Pero when it comes to looks and body, ay hindi naman siya magpapahuli. Nakangiti pa din siya habang nag-iisip na sana ay maging malapit na magkaibigan sila ni Angela.

*****

Kasalukuyang nagpapalit si Mika ng damit bago mag start ang shift niya, maaga siya ng oras kahit pang three to eleven pa ang dalaga. Nakiusap kasi ang kaibigan na maagang uuwi ngayong hapon dahil sa isang hindi maiiwasang okasyon. Nasa loob siya ng locker room na para sa iilang babae na nagtatrabaho sa resto-bar. Mula sa locker room nila ay malapit lang din ang locker room ng mga lalake. Nakaramdam siya ng inis ng marinig na pinag-uusapan sila ni Dan ng hindi maganda ng ilang lalaking staff na nagpapahinga doon.

“Mukhang mabait si Mika dun sa bago ah. Pansin nyo?” sabi ng isa.

“Yung bago? Eh mukha namang uhugin.” ang nakalokong dagdag naman ng isa.

“Si Mika naman, pagkakakita ng may itsura , kahit uhugin, akala mo mauubusan.” ang nakatawa namang sabi ng nauna.

“Tagal ko ng nagpaparamdam kay Mika, ni ngiti hindi ako makakuha. Tapos dun sa bago, halos akala mo ay gusto na agad maghubad ng panty.” ang ikatlo.

At sabay-sabay na nagkatawanan ang mga iyon. Nagpupuyos naman sa inis si Mika. Malakas na isinara pinto ng kanyang locker at saka padabog na isinara ang pinto. Nawala namang ang ingay sa kabilang locker room.

Habang naglalakad papunta sa kaha si Mika para palitan ang staff na naroon ay hindi na nawala ang inis ng dalaga. Aminado siyang nakaramdam siya ng paghanga kay Dan, ngunit hindi naman nangangahulugan iyon para lantaran siyang gumawa ng paraan na magkalapit sila ng binata. Tatlong buwan na din ng nag break sila ng kanyang dating nobyo. Masakit pa din sa kanya ang ngyari dahil iyon ang una niyang pakikipagrelasyon at naibigay na din niya ng ilang ulit ang sarili dahil sa tawag ng pag-ibig. Tapos ay ipinagpalit siya sa ibang babae na higit siyang mas maganda ngunit may sariling kotse naman ang isa. Parang mas higit na mahalaga sa dating nobyo ang mga materyal na bagay ng higit sa pag-iibigan nila.

Habang nasa kaha na si Mika ay magkakasunod na lumabas sa pinto ang tatlong lalaki mula sa locker room ng mga ito. Nakayuko ang mga ito na parang ayaw ipakita ang mukha sa kanya.

****

Pagkatapos ng huling subject ay naunang lumabas si Angela at nanatili siya malapit sa may pinto. Nang lumampas sa kanya sina Christine ay tipid siyang ngumiti sa mga ito. Nang nasa tapat niya si dan ay hinawakan niya ng bahagya ang laylayan ng damit ng binata para tingnan siya nito. Tipid na ngumiti sa kanya si Dan, at parang malungkot ito. Naiwan silang magkatabi sa hallway hanggang sa sila na lang dalawa ang tao. Saka sila sabay na naglakad palabas, marahan ang kanilang mga hakbang at kapwa hindi nagmamadali. Para bang nais nilang tumagal pa kahit papano ang bawat sandali na magkasama silang dalawa. Hindi sila magkahawak kamay ngunit magkadikit naman ang kanilang mga daliri habang naglalakad. Sapat na iyon sa kanila, ang munting init na nagmumula sa kanilang mga balat ay sapat na para maramdaman nila ang kanilang kapwa pananabik sa isa’t-isa.

“Dan, ok ka lang ba? You look sa sad kasi.” ang nag-aalalang tanong ng dalaga ng nangangahalati na sila ng nilalakad.

Ngumiti naman si Dan sa dalaga.

“Ok lang ako Angela, salamat.” si Dan na nakangiti na ngayon kay Angela.

“Dan, si Lance, how do you know him? Yung kasama ko kanina sa canteen.” nasa tinig at kilos ni Angela na parang nahihiya ang dalaga.

“Lance pala ang pangalan ng kasabay ng girlfriend kong kumain kanina.” ang nagbibirong sabi na lang ni Dan.

Hindi naman ngumiti si Angela.

“Dan ha, I’m getting annoyed na.” si Angela na sa seryosong pananalita.

“Diba nasabi ko na sayo na naghahanap ako ng bagong mapapasukan.” nagpaliwanag na din si Dan.

Tumango naman si Angela.

“Yung resto-bar na pinapasukan ko ngayon ay madalas na puntahan ni Lance at ng kaibigan niya. Yun, ilang araw na din ng naging customers namin sila.” ang paliwanag na lang niya.

Natahimik lang si Angela, malinaw na sa kanya ngayon ang pagkakilala ng dalawa.

“Angela?”

“Hm?”

“Sino si Lance sayo?” si Dan sa mababang tinig, walang bahid ng pagdududa sa kanya, nais lang niyang malaman kung sino ang binata sa buhay ni Angela.

“Close sa family ko ang family niya. He likes me but I don’t feel anything for him.”

Dito na tumigil sa paglalakad si Angela at tumingin lang sa kanya. Sa sandaling ito ay wala na siyang pakialam may makarinig man sa sasabihin niya o wala.

“I love you Dan. Don’t feel insecure or inferior sa iba, ikaw lang ang mahal ko.” si Angela na nakatingin sa kanyang mata.

Tumingin din sa mata ng dalaga si Dan, ngumiti at saka pinitik ng banayad ang noo ng dalaga. Saka nagsimulang lumakad na ulit. Nakangiti namang hinaplos ni Angela ang parte ng noo na banayad na nilapatan ng daliri ni Dan. Hinabol niya sa paglalakad ang binata.

“Diba dapat you’re supposed to kiss me sa moment na yun at dahil na din sa nag “I love you” ako sayo at wala namang tao.” ang parang nagtatampong sabi ng dalaga ngunit matamis namang nakangiti.

“Nagawa na natin yun kanina sa library, matagal.” ang nakangiting sagot naman ni Dan na parang nanunukso.

Bahagyang namula naman si Angela at saka ito masayang napa-giggle ng maalala ang ginawa nila sa library kaninang umaga.

“Ulitin ulit natin bukas.” ang malambing na sabi na lang ng dalaga sa nakangiting binata na tumango naman sa kanya.

Ihinatid na niya si Angela palapit sa sasakyan ng dalaga. Magalang siyang bumati kay Mang Lando at saka nagpaalam kay Angela.

“Ingat.” si Dan.

“Ikaw din Dan. Take care and see you tomorow.” si Angela.

Minsan pa silang nagpalitan ng matamis na ngiti habang nakatingin sa mata ng isa’t-isa. At sa mahinang tinig na halos hindi maririnig ay sabay na nagsalita.

“I love you Dan.” si Angela.

“I love you Angela.” si Dan.

*****

Lumipas ang mga araw at ganun pa din ang takbo ng buhay ni Dan. Bahay, eskwela at trabaho, ngunit naroon na din sina Angela, Christine at Diane. Pilit siyang naglalaan ng mga sandaling panahon para sa tatlong dalagang lihim niyang karelasyon. Hindi man palagi niya nadarama ang init ng katawan ng mga ito ay ramdam naman niya ang pagibig sa kanya ng tatlong dalaga.

Ngunit talagang sa buhay ng tao ay mga kontrabida, dahil habang naglalakad siya palabas sa school ay hinarang na naman siya ng trio goons na sina Carlo, Dave at James.

“Dan wait. Abalahin ka namin saglit.” si Carlo sa medyo matigas na boses.

“Sige Carlo, ano yun?” tanong niya ng masimulan na ito ng maaga. Ramdam niyang hindi niya gusto ang patutunguhan ng usapan na ito.

Biglang bumaba ng kaunti ang boses nito.

“You know Dan, napapansin namin na hindi ilang sayo sina Christine at Angela. Kaya kung maaari sana ay tulungan mo kami ni Dave na makalapit din sa kanila, like you.” paliwanag ni Carlo.

Napabuntung-hininga naman si Dan bago sumagot.

“Sige, sa paanong paraan ko kayo matutulungan.” si Dan ng makaalis na siya agad.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mga ito at naging… alam nyo na.. katulad ng huli…

Sabay na may kinuha mula sa kani-kanilang bulsa ang magkaibigang Carlo at Dave at iniabot sa kanya.

Tinapik siya sa balikat ng dalawa.

“Ikaw na bahala sa mga yan Dan, add some sweeteners ha.” si Carlo.

“Dan, we’re counting on you.” si Dave.

Si Dave naman ngayon ang kumuha ng isang perang papel mula sa wallet nito at mapilit na ibinigay kay Dan. Malayo na ang mga ito ay nakatayo pa din si Dan, nakatingin sa dalawang love letter na hawak niya ngayon. “Ginawa pa akong tulay” ang nasabi na lang ni Dan sa sarili. Maaari naman siyang tumanggi sa mga ito. Ngunit para makaiwas sa pagdududa ay napipilitan na lang siyang sumang-ayon. Lumabas na si Dan ng campus ng may makita siyang isang mag-inang Aetas na nagtitinda ng alkansya na yari sa kawayan na may magandang pinta.

“Isa lang.” ang sabi niya sa bata.

Binigyan siya ng isa at inabot naman niya ang perang papel na galing kay Dave at hindi na kinuha ang kanyang sukli. Lumakad na siya palayo, may regalo siya kay Diane mamaya pag-uwi niya sa bahay.

*****

Pagdating ni Dan sa pinapasukan ay magaan ang loob niyang pumasok. Dahil sa nakalipas na dalawang linggo ay mabuti ang pakikitungo sa kanya ng kanilang manager gayundin ni Alex at ni Mika. Madalas siyang kinakatulong ng manager sa iba nitong gawin. Si Alex naman ay malapit sa kanya at naging buddy-buddy na silang dalawa. Si Mika naman ay mabait din sa kanya.

“Gandang hapon Mika.” ang bati niya sa dalaga na nasa kaha na parang matamlay.

“Hi Dan.” si Mika na tipid na ngumiti.

Nilapitan ni Dan ang dalaga.

“May problema ba Mika?” si Dan dahil sa pananamlay ng kaharap.

“Ok lang naman Dan, nakakaasar lang yung ibang staff dito. Kung ano-ano mga sinasabi sa ating dalawa.” si Mika na halata sa mukha ang pagkasuya.

Inilabas niya ang ilang piraso ng menthol candy mula sa bulsa at inilapag iyon sa harap ni Mika.

“Pampalamig, hayaan muna sila. Ramdam ko din naman. Sa buhay talaga natin ay hindi tayo makakaiwas sa mga tulad nila. Wag na lang natin pansinin.” ang sabi na lang niya sa kaharap.

Kumuha naman si Mika ng isa at nagbalat, inilagay sa bibig at saka ngumiti sa binata.

“Salamat dito.” at saka ibinulsa ni Mika ang dalawa pang natira.

Ngumiti lang si Dan sa dalaga.

“Locker room na ako, mamaya na lang ulit Mika.” ang paalam na niya.

“Sige Dan. Maya na lang ulit.” ang nakangiting sagot na lang ng dalaga.

Bago siya makarating sa pinto papasok sa loob ng daan papunta sa may locker room ay ramdam niya ang malamig na tingin at palihim na usapan ng ibang staff na lalake. Hindi naman dati ganito, nagsimula lang ng naging malapit sila ni Mika. Wala naman silang pinag-uusapan ni Mika na kakaiba, mga ilang bagay at kwento lang na pampalipas oras.

Naabutan niya si Alex na nasa locker room na nagpapahinga. Napangiti siya, ang mahalaga ay mayroon pa din namang mabuti sa kanya.

“Dan, alam kong nahahalata mo na din, yung ibang staff dito, dahil sa sobrang pagnanasa kay Mika. Yun, mga naiinis sayo, bakit daw lapit ka ng lapit kay Mika, eh bago ka pa lang. Pabayaan mo na lang sila Dan, nagsisimula ka pa lang at alam kong mabuti sayo ang trabaho dito. Wag mo na lang pansinin.” si Alex na nakangiti sa kanya, pagkatapos ay muli itong uminom ng softdrinks na nasa kamay.

Ngumiti din naman siya kay Alex.

“Ganun na nga lang, wala din naman akong magagawa. Magkaibigan lang naman kami ni Mika, parang tayo lang din.”

“Kaya nga Dan.. Hayaan mo silang mamatay sa inggit.” na sinabayan ni Alex ng mahinang pagtawa.

Nagpalit na siya ng damit at saka lumabas na sa locker room. Pagbalik niya sa loob ng bar ay nakita niyang naghihintay si Mam Arcelle.

“Dan, sa store room tayo.” at ibinigay sa kanya ng manager ang isa sa dalawang cardboard binder na hawak nito.

Nagtuloy sila sa loob ng store room at saka nagsimulang inventory. Every week ang update nila ng stock at siya palagi ang kasama ng kanilang manager. Katwiran nito ay nag-resign na ang huling dating kasama ni Mam Arcelle. Magkatabi silang nagche-check ng magsimula ang kanyang manager na magtanong sa kanya.

“Maganda yung school na pinapasukan mo, mahal ang tuition fee. Scholar ka?”

“Yes Mam, pero sa akin po ang lahat ng other expenses.”

“Course?”

“Engineering po Mam.”

Tumango lang ito at nagpatuloy na ulit sila. Hindi alam ni Arcelle kung bakit kailangan niyang tanungin ang binata. Nabahala na din siya, dahil sa nakalipas na dalawang linggo ay masaya siyang kausap ang binata. Dahilan kaya lagi niya itong isinasama kapag may gagawin siya. Bagaman madalas na wala ang kanyang asawa dahil sa ibat-ibang projects nito bilang project manager na nagde-develop ng mga subdivsion sa malalayong lugar ay hindi dahilan iyon para magkaganito siya.

Nasa parteng ibaba ng kahoy na shelf ang kanilang tinitingnan ngayon kaya kapwa sila nakababa at nakaluhod ang isang tuhod. Napalingon siya sa binata na abala sa ginagawa nito. Iba talaga ang pakiramdam niya kapag nakatitig siya sa maamong mukha ni Dan, idagdag pang parang ang sarap nitong kausap at mabait.

“Dan, may girlfriend ka na?” kinabahan naman si Arcelle, out of line na yung huling tanong niya ngunit nasabi na niya.

Dito na natigilan si Dan, nakaluhod ang tuhod nila pareho ngunit magkalapit lang sila ni Mam Arcelle. Saglit siyang nag-isip habang nakatingin sa kanyang manager.

Marahan siyang tumango.

“Meron po Mam.” si Dan at saka muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Naisip ni Arcelle na kailangan na niyang itigil ang kaniyang ginagawa dahil baka lumalim pa ito ay siya din ang mahihirapan. Mabilis siyang tumayo ngunit sumabit ang kanyang slacks sa gilid ng shelf ng magsimula sana siyang maglakad at na-stuck ito doon. Nang pilitin niyang hilahin ay hindi niya maalis dahil sa mabigat ang mga nakalagay, ngunit naging dahilan iyon upang manlaglag ng kaunti ang ilang dumi mula sa karton sa itaas ng shelf papunta sa kanyang buhok at balikat.

“Dan…” ang mahinang pagtawag ni Arcelle.

Lumapit naman si Dan at siya na ang nag-alis ng slacks nito na na-stuck sa gilid ng shelf. Nakatingin lang si Arcelle kay Dan. Lalo siyang nag-alala ngayon. Si Dan naman ang tumingin kay Arcelle, napansin niya ang dumi sa ulo at balikat nito. Binitawan niya ang cardboard at ballpen na hawak at saka siya tumayo. Walang malisya niyang inalis sa buhok ng kanilang manager ang ilang parang dumi na nasa buhok nito at balikat.

Nakatingala ng kaunti si Arcelle habang nakatingin ng malapit sa mukha ni Dan. Nang matapos si Dan sa ginagawa sa buhok at balikat ni Arcelle ay saka niya naiisip na parang mali ang kanyang ginawa. Mabilis siyang lumayo at saka humingi ng paumanhin.

“Sorry po Mam.” si Dan na nag-aalala.

“Halika na Dan, tapos na tayo dito.” ang sabi na lang ni Arcelle kahit hindi pa naman sila tapos. Mainit ang pakiramdam niya at gusto na niyang lumabas.

Nagtataka naman si Dan ngunit sumunod pa din siya sa utos ng manager. Nauna na siyang lumakad sa pinto. Ngunit ng hahawakan niya ang doorknob ng pinto ay tinawag siya ni Arcelle.

“Dan…”

Lumingon naman siya.

“Mam…”

At mabilis siyang hinalikan ni Arcelle sa labi habang hawak nito ang batok niya. Inilayo niya ang sarili pagkatapos.

“Mam Arcelle…”

“Dan, mention this to anybody at mawawalan ka ng trabaho.” si Arcelle, sa tinig ng pagbabanta.

Tumango naman siya.

Muli siyang kinabig ni Arcelle at hinalikan ulit siya. Sa isip ni Arcelle ay kiss lang naman, hindi nya lang napigil ang sarili at isang araw lang naman.

Nang maghiwalay sila ay kapwa ramdam nila ang init ng bawal na halik na iyon. Mainit silang nakatingin lang sa isa’t-isa. Ngunit nagpigil na sarili si Arcelle, mas bata sa kanya ng walong taon ang binatang nagpapainit sa kanyang pakiramdam. Dito siya saglit na bumalik sa katinuan.

Lumapit sa pinto ng store room at saka muling nagbilin kay Dan.

“Dan, yung sinabi ko…”

“Yes po Mam….”

Lumabas na sila ng store room at mainit pa din ang pakiramdam ni Dan.

Mainit pa din naman ang pakiramdam ni Arcelle, lalo na at two weeks ng nasa province ang asawa dahil sa project nito. Huminga siya ng malalim. Gusto niyang magsisi sa kanyang ginawa. Ngunit nalasahan na niya ang labi ni Dan at nagustuhan niya iyon , mainit pa din ang kanyang katawan at basa na siya doon.

“Shit Arcelle, may asawa ka na, gusto mo bang magtaksil pa, nakahalik ka na, matuto kang makutento.” ang galit na sabi niya sa sarili.

(Ipagpapatuloy…)

Writer’s Note:

“I have been struggling to continue this series, but since marami ang patuloy na naghihintay ay pilit kong gagawan ng update, as long as kaya ko pa. Just have patience about the update, dahil talagang nahihirapan akong mag-isip. My plan is to keep going until I run out of ideas, then I will end it, or hanggang sa ma-bored na kayo at magsabi sa akin na lagyan ko na ng closure, or kapag kaunti na lang ang may interes.

Rest assured that the ending will be there, I’m not sure what kind of ending we will get, but it is still an ending nonetheless.”

Scroll to Top