Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 22 – Questions That Requires An Answer by Van_TheMaster

Chapter 22

Nang matapos magluto si Ella ng hapunan ay lumabas siya ng kwarto nilang magkapatid. Lumapit sa katabing kwarto at tiningnan ang kapatid ang at ang kaibigan nito na patuloy pa din sa pag-aayos. Kumatok siya ng marahan sa nakabukas na pinto upang kunin ang atensyon ng dalawa.

(“tok” “tok” “tok”)

Napalingon naman si Dan at Mika sa dalagang nasa harap ngayon ng nakabukas na pintuan.

“Dan, si Ate Ella, panganay kong kapatid.” ang nakangiting pakilala ni Mika sa kanyang Ate.

“Hello po sa inyo.” ang masayang bati naman ni Dan sa kaharap.

“Bakit may “po” sa akin? Eh twenty pa lang ako. Ilang taon ka na Dan?”

“Nineteen po.” ang nakangiting sagot ni Dan.

“Bakit may “po” pa din, eh iisang taon ang tanda ko sayo. Mika ha, konti na lang at malapit ko ng hindi kausapin itong bago nating kapitbahay.” ang natatawang naiinis na sabi naman ni Ella, mas palabiro ito kumpara sa mas kimi na si Mika.

“Ok, Ella na lang.” si Dan.

Ngumiti naman si Ella.

“Yan, ganyan dapat para kasalo ka namin sa hapunan.” ang nakangiting paanyaya ni Ella kay Dan.

“Wag na Ella, Mika. May mga dala naman akong mga mabilisan. Salamat na lang.

Napasimangot naman si Mika. Hinawakan ang braso ni Dan na kapwa saglit na ikinabigla ni Dan at Ella.

“Dan, wag ka ng mahiya. Masarap magluto si Ate kaya sumabay ka na sa amin.” si Mika na inaya na ang binata papunta sa kabilang kwarto at hindi pa din binitawan ang malambing ng pagkahawak sa braso ni Dan.

Halata ni Ella ang pagkaasiwa ni Dan dahil sa ginawa ng kapatid niyang si Mika. Alam niyang hindi iyon nais ng binata. Hindi naman niya masabihan ang kapatid sa pag-aalalang makaramdam ito ng pagkapahiya sa harap ni Dan. Dahil sa mga ikinikilos ni Mika ay alam niyang nahulog na ng tuluyan ang loob ng kapatid sa kaibigan. Kahit ngayon pa lang niya nakilala si Dan ay ramdam ni Ella na mabait ang binata. Sana nga lang ay masuklian nito ng tapat din na pag-ibig ang nakikita niya kay Mika.

“Maupo na kayo. Kumain na muna tayo, saka nyo na ituloy yung ginagawa ninyo mamaya.”

“Salamat Ella, Mika, nakakahiya man, magkukusa na din ako.” ang nakangiting sabi na lang ni Dan dahil madali ding makapalagyan ng loob ang kapatid ni Mika.

Nawala naman ang pagkailang ni Dan ng bumitaw na din si Mika sa braso niya. Habang kumakain ay masaya silang nag-uusap ng kung ano-ano lang. At ng matapos ay si Dan na ang nagpilit na maghugas na hinayaan naman ng magkapatid.

Saglit pa silang nagkwentuhan bago nagpaalam si Ella na iidlip pa muna. Pang ten pa naman siya ngayong gabi, may dalawang oras pa siyang maaaring magpahinga. Bumalik naman sa kabilang kwarto si Dan at Mika at ipinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Ayaw na sana ni Dan na pabalikin si Mika ngunit hindi din naman niya kayang awatin ang dalaga.

*****

Kanina pa naiinip si Alyssa na umuwi na ang bisita niyang si Raymond. Magulo ang kanyang isipan at wala siyang balak na makipag-usap ng maayos. Nag-aalala siya sa mga ngyayari sa likod ngayon, ayaw nyang si Mika lamang ang naroong mag-isa sa loob ng kwarto ni Dan. Nabawasan ang kanyang pagkasuya ng nagpaalam na si Raymond.

“Alis na ako Alyssa, sa susunod na lang ulit.” ang nakangiting paalam ni Raymond.

“Sige Raymond, ingat ka at malalim na ang gabi.” ang kiming sagot na lang ni Alyssa.

Lumakad na palabas ng kanilang mungting gate si Raymond, saglit na nilingon si Alyssa at saka marahan na kumaway. Isang tipid na ngiti lang ang ibinalik ng dalaga. Nais sanang puntahan ni Alyssa si Dan ngunit wala naman siyang dahilan na maibibigay sa binata. Pumasok na lamang siya sa kanyang kwarto at padapang nahiga. Nakaramdam siya ng inis at kaba ng muling pumasok sa kanyang isipan na magkatabi lamang ang kwarto ni Dan at Mika. “Mika, magkaroon ka sana ng delikadesa, huwag mong landiin si Dan.” ang himutok ni Alyssa habang nakabaon ang kanyang mukha sa kanyang unan na pinanggigilan.

*****

Tuluyan ng lumalim ang gabi ng makatapos na maglinis at mag-ayos sina Dan at Mika sa kwarto ng binata. Kapwa sila nakaupo ngayon sa gilid ng kama ni Dan na nagbibigay ng ibang pakiramdam kay Mika. Hindi man nakikita ni Dan ay marahang hinahaplos ng dalaga ang kamang kanyang kinauupuan. At ang nasa isip ni Mika ay ang pagnanasang maihiga din siya dito ni Dan.

Muling nabaling ang atensyon ni Mika kay Dan ng magsalita ito.

“Salamat Mika, dapat nagpapahinga ka na ngayon. Napagod ka pa tuloy.”

“Dan ha, parang iba ako sayo. Nakakapagtampo.” si Mika na kunwang nalungkot.

Tumayo naman si Dan at humarap kay Mika.

“Maaga pa naman Mika, gusto mo ng meryenda? Nang makabawi naman ako sayo.” ang paanyaya ni Dan.

“Huwag na Dan, nakabawi ka na, matagal na.” na sinabayan ni Mika ng matamis na ngiti.

Saglit namang nag-isip si Dan ng kahulugan ng sinabi ni Mika.

“Nakalimutan mo na ba Dan? Yung tatlong menthol candy na binigay mo sa akin ng asar ako sa mga kasama natin. Ok na sa akin yun.” si Mika na makahulugang tumingin kay Dan.

Mula naman sa labas malapit sa gilid ng pinto ay nakikinig lang si Ella sa dalawang nag-uusap. Nakakaramdam siya ng awa sa kapatid, dahil ramdam niya ang labis na pagkagusto nito sa binata na parang hindi naman pansin o sadyang hindi pinapansin ng kasama nitong kaibigan.

Napadako sila sa may pinto ng kumatok at magsalita si Ella.

(“tok” “tok” “tok”)

“Mika, Dan, pasok na ako.” ang paalam ni Ella sa dalawa, tumingin sa kapatid at saka pagkatapos ay kay Dan.

“Ingat ka Ate.” ang nasabi na lang ni Mika sa paalam ng kapatid.

“Ingat Ella, salamat sa hapunan.”

Tumango lang si Ella at ngumiti sa dalawa, at saka ito tuluyan ng lumakad papunta sa abangan ng sasakyan. Habang naglalakad ay kinakabahan siya. Si Mika lang at Dan ang magkasama ngayong gabi, at sa mga kilos ni Mika ay parang nakahanda itong gawin ang lahat para sa binatang kasama nito ngayon.

Naiwan si Dan at Mika na kapwa binalot ng katahimikan.

Napilitan ng magpaalam si Mika ng wala na siyang makuhang sasabihin sa binata. Tumayo siya at lumapit kay Dan, at saka hinawakan ito muli sa braso.

“Balik muna ako sa kwarto namin, ligo lang muna ako at nanlalagkit na ang pakiramdam ko.” si Mika na nakatingin sa mata ni Dan na parang nang-aakit habang nakahawak pa din sa braso ni Dan. Dahil kung nanaisin ni Dan ngayon na sabayan siya sa paliligo ay pauunlakan niya ito.

“Sige Mika, salamat talaga.” si Dan na pilit na pinalalamig ang kanyang katawan dahil sa parang pang-aakit sa kanya ni Mika.

Nakaramdam naman ng pagkadismaya si Mika, at saka malungkot itong lumabas ng kwarto ni Dan. Hindi niya alam kung paano niya magagawang maging sila na hindi niya kailangang maging agresibo ng husto. Babae pa din siya, at nakakababa ng husto kung halos ipagtutulukan at ihahain na niya ang sarili sa binata.

Hindi naman manhid si Dan sa mga ikinikilos ni Mika, dahil ramdam niya ang pagtingin sa kanya ng dalaga na lalo niyang nakumpirma ngayong araw sa buong maghapon hanggang gabi na magkasama silang dalawa. Ngunit hindi na niya kaya pang magbitaw ng huwad na pangako at magpaasa lang sa puso ng dalaga na alam naman niyang mabibigo lang din sa kanya. Ang dalang pasanin ng kanyang puso dahil kay Christine ay lubhang mabigat na, wala na siyang puwang para sa mga panibagong kasinungalingan na tulad ng huwad na mga pangako niya sa batang puso ni Diane. Mas nanaisin na lang niyang masaktan ng maaga si Mika kaysa umasa ang dalaga ng pag-ibig sa kanya. Dahil ang tanging pangalan na nasa loob ng kanyang puso ay kay Angela, ang dalagang tunay at tapat niyang iniibig. Mahalaga din naman sa kanya si Christine, masakit din sa loob niya kung magkakahiwalay sila na alam niyang nakatakda ding mangyari sa malaon na panahon. Ngunit nakahanda na din ang kanyang kalooban sa pagdating sa araw na iyon hindi man sa ngayon, ngunit ang kahandaan ni Christine ang hindi niya alam na labis din naman niyang ipinag-aalala.

Pagkatapos maligo din ni Dan ay gumawi muna siya sa labas ng kwarto upang magpatuyo ng buhok sa labas. Umupo siya sa mahabang upuan na yari sa kahoy at sumandal sa pader sa tapat ng kanyang kwarto.

Pagkatapos namang maligo ni Mika ay lumapit na siya sa pinto upang isara iyon. Ngunit natigilan siya ng makitang nakaupo sa labas si Dan na nakatingin lang sa kawalan. Nagtatalo ang kanyang puso at damdamin, lalapitan ba niya ang binata upang muling pababain ang sarili o magpapahinga na lamang sa loob ng kanyang kwarto.

Naramdaman ni Dan na may umupo sa kanyang tabi at ang nakangiting si Mika ang nakita niya doon ng lumingon siya.

Nagpalitan sila ng tipid na ngiti.

“Hindi ka din makatulog?” ang tanong ni Mika.

Nilingon ni Dan si Mika.

“Nagpapatuyo lang ako ng buhok Mika, magpapahinga na din ako mamaya.” saka muling ibalik ni Dan ang paningin sa kanyang harapan.

“Ikaw?” tanong naman ni Dan na muling tumingin kay Mika.

“Ganun din.” na sinabyan ng dalaga ng malambing na bahagyang mahinang pagtawa.

Muling namayani saglit ang katahimikan sa kanila.

“Dan.”

“Hm?”

Huminga muna ng malalim si Mika at sa kinakabahang dibdib ay kumuha ng lakas ng loob upang magtanong.

“Yung larawan na nasa wallet mo, nobya mo ba?” si Mika na ngayon ay nakatingin sa mukha ni Dan.

Tumango lang si Dan ng hindi tumingin kay Mika. Ayaw na niyang magsinungaling upang magpaasa at magbigay ng pagdurusa sa puso ni Mika. Bagaman si Angela ang tunay niyang kasintahan ay walang pagkakaiba kung si Christine ang inaakala ni Mika. Dahil wala namang magbabago sa kanyang pasya, mabuti ng masaktan na niya si Mika ngayon para maaga itong makalimot.

Inaasahan na ni Mika ang sagot na iyon ngunit labis pa din ang kalungkutan na bumalot sa kanyang puso.

“Asan siya Dan? Nakita ko na ba siya? Para kasing nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan kung saan.” ang malungkot na sabi na lang ni Mika, ang siglang nasa kaniya maghapon ay nawala na.

Tumingala naman si Dan sa madilim na kalangitan upang hanapin ang buwan ng kanyang mga mata.

“Nasa malayo Mika.” ang malungkot na sabi na lang ni Dan. Dahil katotohanan namang ang layo ni Christine sa kanya ay ang magkaibang mundo nila na ginagalawan. Ngunit alam niyang kailangan niyang hayaan si Christine sa mundo ng dalaga dahil sa pag-ibig niya kay Angela. Alam ni Dan na halos magkatulad din ng sitwasyon si Angela at Christine, ang pagkakaiba nga lang ay nakahanda si Angela na bumaba sa lupa para sa kanya, na hindi naman kayang gawin ni Christine. Sa isip ni Dan ay mabuti na din ang ganoon, para hindi masyadong masakit kay Christine sa sandaling dumating ang panahon na kailangan na niyang piliin si Angela at ipagtapat kay Christine ang katotohanan.

Napansin naman ni Mika ang ginawa ni Dan, kung malayo ang dalagang iniibig nito ay may pag-asa pa din siya. Idagdag pang habang magkasama sila ngayong araw ay parang nawala na ang lungkot ni Dan na ilang araw din nilang napapansin.

“Dan, ok ka na ba? Ibig kong sabihin, ilang araw ka ng malungkot. Pero nawala na ngayong araw at parang bumalik ka na sa dati.” si Mika na hindi maitago ang pag-aalala sa kanyang tinig.

Dito na nilingon ni Dan si Mika at saka nagbigay kay Mika ng isang tapat na ngiti. Alang-alang sa huling pangako niya kay Diane.

“Salamat Mika sa pag-aalala mo. Pero ok na talaga ako, mayroon lang akong pinagdaanan ng mga nakalipas na araw. Pero ok na talaga ako.”

Ngumiti na lang si Mika at saka lalong lumapit ng pagkakaupo sa tabi ni Dan na halos magkadikit na ang kanilang mga braso. Naramdaman naman iyon ni Dan, ngunit hindi siya kumilos upang hindi mapahiya si Mika. Marahang ihinilig ni Mika ang kanyang ulo sa balikat ni Dan.

Dito na nag-aala si Dan, ayaw niya ng ganito, ayaw niyang masaktan at umasa sa kanya si Mika.

“Mika…?”

“Bakit Dan? Dahil ba sa may magagalit sayo? Dahil ba sa bawal at mali?” si Mika na halata sa boses ang lungkot na nadarama.

Itinaas ni Mika ang kanyang mukha at tumingin sa maamong mukha ni Dan. Sa maamong mukha ng mabait na binata na alam niyang iniibig na niya ngayon. Tumingin din naman si Dan sa mga malungkot na mata ni Mika na nangingislap na. Nagbabadya ng parating na pagluha ng magandang dalaga na alam niyang hindi niya kayang pigilan pa.

“Dan, mahal na kita.” si Mika habang malungkot na nakatingin sa mata ni Dan.

Saglit na natigilan si Dan, nalumbay din naman ang kanyang pakiramdam dahil sa matapat na pag-amin ni Mika ng nararamdaman nito para sa kanya.

“Mika, salamat sa pag-ibig mo. Ngunit hindi kita masusuklian ng nais mo. I’m sorry Mika.” ang malungkot na sabi na lang ni Dan.

Tuluyan ng bumagsak ang luha ni Mika dahil sa kanyang narinig na katapatan ni Dan. Na kung ibang lalake lamang ito ay malamang na nagsinungaling na sa kanya upang makuha at paglaruan lamang siya.

Maingat at banayad na pinalis ni Dan ang mga luha ni Mika gamit ang kanyang daliri at pagkatapos ay hinaplos ang ulo nito na parang nagpapatahan ng isang bata. Wala naman siyang ibang magagawa upang patigilan ang pagdaloy ng luha sa pisngi ng dalaga kung hindi ang mga ito, ang higit pa dito ay kasalanan na naman.

Ang hirap pala ng ganito ang nasa isip ni Mika, narito ngayong katabi niya ang iniibig niyang si Dan ngunit wala siyang magawa dahil ang puso nito ay pag-aari na ng iba.

Ngunit ayaw pa ding sumuko ni Mika. Iba si Dan sa lahat ng nakilala niyang lalake, lalo na sa una niyang nobyo na hindi siya pinahalagahan. Iba ang nararamdaman niyang pag-ibig ngayon sa binata, puro at dalisay, puno ng katapatan at nag-uumapaw na kaligayahan na may kasamang pait ng katotohanan.

“D-Dan…” si Mika na nakatingin pa din sa binata habang nagpapahid ng luha sa kanyang mga mata.

Nakatingin lang naman si Dan sa humihikbing si Mika, naghihintay ng susunod na sasabihin nito.

“Payag naman ako, na maging pangalawa, kahit walang pangako, at alam kong iiwan mo din ako. Ang mahalaga sa akin ay maramdaman ang pag-ibig mo na minsan lang dumating sa buhay ko. Na masabi ko sa aking sarili na minsan ka ding naging akin ay masaya na ako.” si Mika na buong pag-ibig na nakatingin sa mata ni Dan, na umaasa na dahil sa kanyang pagpapasyang ito ay maging kanya din naman si Dan, kahit na walang katiyakan ang kanyang bukas sa piling ng binata.

Ramdam ni Dan ang katapatan sa pahayag ni Mika. Nais ng kanyang katawan ang mga sinabi nito, dahil maaari na niyang gawin ang nais ng kanyang katawan kay Mika ng walang kapalit na pangako at hindi niya kailangang magsinungaling pa. Ngunit hindi pa din iyon kaya ng kanyang puso. Masyado na siyang nagiging mapaghangad ng hindi dapat. Kaya kahit mainit na ang kanyang pakiramdam ay pilit niyang pinaglabanan ang pagnanasa ng kanyang laman.

“Mika, maganda ka at halos nasa edad ka pa lang na nagsisimula sa pagkilala sa tunay na pag-ibig. Huwag kang maghanap ng pag-ibig sa isang tulad ko na alam mong luluha ka lang sa huli. Ayaw kong maging dahilan ng panibagong pait na iyong mararanasan.” ang matapat na pahayag ni Dan habang nakatingin sa mga malungkot pa ding mata ni Mika.

Biglang niyakap ni Mika si Dan at umiyak sa dibdib ng binata.

“Dan, tanggapin mo naman ako. Wala na nga akong hiniling na kahit na ano. Basta tayo lang kahit alam kong unfair sa akin.” si Mika na nakayakap pa din kay Dan, ang maging sila ni Dan na minsan lang dumating sa kanyang buhay ay kaligayahan na niya. Ganito pala ang tunay na pag-ibig ang nasa isip ni Mika, handa kang masaktan at magdusa maging kapiling lang ang taong mahal mo na iiwanan ka din naman sa huli.

Wala siyang naisagot na pagsang-ayon kay Mika hanggang sa naghiwalay sila kanina. Dahil ang bawat niyang paliwanag ay walang kabuluhan sa nais na mangyari na ipinipilit ni Mika na maging relasyon nilang dalawa. Maaari naman niyang tanggapin ang alok ni Mika na walang kapalit na pag-ibig, ngunit sadyang matindi ngayong tumututol ang kanyang puso.

Sa kama naman ni Mika habang siya ay nakahiga ay malungkot na umaasang tanggapin na ni Dan ang kanyang pakiusap na relasyon. Alam niyang hindi akma at siya lang talo sa huli , dahil malaya niyang ibibigay ang kanyang sarili at puso sa binata ng walang inaasahang kapalit. Alam niyang labis na niyang pinababa ang sarili na ngayon lamang niya ginawa. Ngunit mahal at iniibig niya si Dan, ang maging parte si Dan ng kanyang buhay kahit saglit lang ay babaunin na niyang kayamanan at masayang alaala sa kanyang buhay. Isa na lang ang nasa isip ni Mika na maaari niyang gawin. Mabilis siyang bumangon sa kanyang kama pagkatapos makabuo ng isang walang balikan na pasya.

Nakahanda ng matulog si Dan ng may kumatok sa kanyang pinto. Tumingin siya sa orasan, pasado alas-onse na ng gabi. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Mika na nakatapis lang ng twalya sa katawan.

“Dan…” si Mika na nakatingin sa mata ng binata.

“Mika….” ang kinakabahang nasabi na lang ni Dan.

“Wala na akong maiisip Dan na para tanggapin mo ako. Ito na lang ang natitirang paraan na kaya kong gawin.”

Kaya ng hinawakan ni Mika ang twalya na nakabalot sa kanyang katawan upang akmang alisin ay mabilis siyang hinila ni Dan papasok sa loob. Naiwan ang twalyang nakabalabal kay Mika sa harap ng pinto sa labas. Ngayon ay nakayakap na ang hubad na katawan ni Mika kay Dan at ramdam niya ang mainit at malambot na katawan ng dalaga na nagpapainit na din sa kanya.

“Mika…” si Dan, na mainit na ngayon ang pakiramdam, lalake lamang siya na nadadarang din at natutukso.

“T-Tanggapin mo na ako Dan, please.” si Mika habang nakayakap pa din sa binata nasa tinig ang isang pakiusap.

Nagtaas ng tingin si Mika at gamit ang isang kamay ay kinabig palapit sa kanyang labi ang labi ni Dan. At sa kauna-unahang pagkakataon ay naglapat ang kanilang mga labi na kapwa mainit na din ng sandaling iyon. Tuluyan ng nilamon ng apoy ang katawan ni Dan at ngayon ay nakayakap na din siya sa hubad na katawan ni Mika.

Pagkatapos ng mainit na pagkahinang ng kanilang labi ay inilayo niya ang katawan ni Mika sa kanya. Nais niyang mapagmasdan ang buong kahubaran ni Mika na alam niyang napakaraming lalake ang nagnanasa. Mula sa magandang mukha at makinis na kutis, sa malulusog na dibdib at mahubog nitong katawan. Nag-iwas naman ng tingin si Mika dahil ito ang unang beses na tiningnan siya ni Dan habang nakabilad ang lahat sa kanya.

“Dann…” si Mika na parang paos dahil sa mainit na tensyon na kanyang nararamdaman.

Hinawakan ni Dan ang mukha ni Mika at ipinaling paharap sa kanya. At muling nagtama ang kanilang mga mata.

“Mika, kung tatanggapin kita. Wala akong maipapangako sayo maliban sa kaligayahan habang magkasama tayong dalawa sa kwartong ito. May mahal akong iba, ikaw lang ang masasaktan sa huli. At darating ang pagkakataon na kailangan mong ipikit ang iyong mata sa katotohanan kahit nasasaktan ka na. Nakahanda ka pa din ba?” ang buong sinseridad na tanong ni Dan kay Mika, hinahanap sa mata ng dalaga ang katiyakan ng gagawin nitong pagpapaubaya.

Tumango si Mika, walang pag-aalinlangan sa kanyang ginawang pasya.

“Ang madama ang init ng katawan mo kahit hindi mo ako iniibig ay tanggap ko. Masaya na ako sa ganito, mahal kita Dan, wala naman akong magagawa dahil ginusto ko ito.” si Mika na hindi naitago ang luha sa sulok ng kanyang mga mata.

Pinalis yun ni Dan at saka muling niyakap si Mika.

“Patawad din Mika, alam kong mali na tinanggap kita ngunit lalaki lang ako.”

Umiling naman si Mika.

“Masaya ako Dan, kasama kita ngayon, yun lang ang mahalaga sa akin.”

At muling naghinang ang kanilang mga labi ng matagal at mainit. At saka inalalayan ni Dan si Mika pahiga sa kanyang kama. Ngayon ay nakabilad sa kanyang harapan ang alindog ni Mika, ang maganda nitong mukha, malusog na dibdib at ang pagkababae nito na nagtatago sa makapal na bulbol ng dalaga.

Siya naman ngayon ang naghubad ng kanyang damit ng mabilis hanggang sa makita lahat ni Mika ang kanyang kahubaran.

Labis namang nag-init ang pakiramdam ni Mika ng makita ang matipunong katawan ng binatang iniibig. Lalo na ng masilayan niya ang pagkalalake nito na higit na mas malaki sa dati niyang nobyo.

Lumapit si Dan sa kama at maingat na tumabi kay Mika. Hinaplos niya ang pisngi ni Mika at saka ito muling hinalikan sa labi ng mainit at saka tumitig sa mga mata ng dalaga.

“May karanasan ka na ba Mika?”

Nahihiya namang tumango si Mika.

“Paang-ilan ako sayo?”

“I-Ikaw ang pangalawa.”

Muling hinalikan ni Dan si Mika at saka niya pinagapang ang kanyang kamay sa isang malusog na dibdib ni Mika. Nagkusa namang ikinulong ni Mika ang nakakapasong pagkalalake ni Dan sa kanyang palad. Ramdam niya ang kalakihan nito kumpara sa huling pagkakalaki na kanyang nahawakan.

Ramdam naman ni Dan ang malambot at mainit na paghawak ni Mika sa kanyang pagkalalake. Habang magkahinang ang kanilang mga labi ay nagsimula ang banayad na paglamas ni Dan sa mayamang dibdibd ni Mika, napakalambot ng mga ito katulad ng kay Christine.

“Ang sarap lamasin ng mga suso mo Mika.” si Dan habang patuloy ang kanyang kamay sa banayad na paglamas.

“Ohh… S-sige lang dan, gawin mo lahat ng gusto mo.” Si Mika na lalong umiinit ang pakiramdam dahil sa ginagawa ni Dan.

Habang mimasahe ni Dan ang kanyang mayamang dibdib ay nagsimulang itaas-baba ni Mika ang kanyang kamay sa buong kahabaan ng pagkalalake ni Dan. Alam ni Mika na nagbibigay ito ng sarap sa binata, may karanasan na din naman siya, wala na siyang dapat ikahiya, ang mahalaga ay kapwa sila masiyahan ni Dan sa kanilang ginagawa.

Nagsimula ng lumabas ang mga dagta sa bilugang ulo ng malaking pagkalalake ni Dan ng magsimula si Mika na salsalin siya.

“Ahh, Mika… tuloy mo lang… Ang sarap…”

Nasiyahan naman si Mika sa narinig na papuring tinanggap kay Dan, lalo niyang pinagbuti ang ginagawa habang magkahinang pa din ang kanilang labi at nilalamas ni Dan ng salitan ang mayaman niyang dibdib.

Patuloy sila sa kanilang ginagawang pagpapasarap ng bumaba na ang halik ni Dan papunta sa magkabilang malaking dibdib ni Mika. Gumapang ang kanyang halik mula sa labi ni Mika pagapang sa leeg ng dalaga hangang sa punong dibdib bago marating ang pakay, ang tuktok ng malusog na dibdib ni Mika. Agad niyang kinulong ng kanyang bibig ang isang buong nipple ni Mika at saka iyon dinilaan at sinupsop pagkatapos.

“Ahh… Dan…” napasinghap naman si Mika dahil sa ginawang paglalaro ni Dan sa kanyang nipple.

Halos walang tigil ang ang masarap na pag-ungol ni Mika ng magsimulang dilaan at supsupin ni Dan ang magkabila niyang nipple. Habang nilalaro ang isa niyang dibdib ay nialalamas naman ang kabila.

“Ohhh… D-Dan… M-masarap.. P-Painitin mo pa ako…” ang pakiusap ni Mika na ngayon ay halos nakakapaso na din sa init ang kanyang balat.

“Ang sarap panggigilan ng mga suso mo Mika, ang lambot at ang laki.”sa isip ni Dan ay halos magsinglaki na ang dibdib ni Mika at ni Christine, mas lamang nga lamang si Christine dahil sa mas mataas siya kay Mika kaya mas bumagay kay Christine ang malusog nitong dibdib.

Napangiti naman si Mika habang nasasarapan. Natutuwa siya habang pinagmamasdan si Dan sa ginagawa nitong paglalaro sa kanyang mayamang dibdib.

“Ohh… Dan.. D-diba sabi ko naman sayo.. Gawin mo lahat ng gusto mo..”

Dahil sa sinabi ni Mika ay bahagyang diniinan ni Dan ang paglamas sa malulusog ni Mika. Nais niyang damahin ng husto sa kanyang palad ang buong kalambutan ng mayamang dibdib ng dalaga na pantasya lamang ng mga lalaking nagnanasa kay Mika.

“Dan… Ah. D-Dann…” ang nasabi na lang Mika dahil sa medyo marahas na paglamutak ni Dan sa mayaman niyang dibdib. Ngunit ayaw niyang pigilan ang binata. Kung ano ang lahat ng nais ni Dan ay ibibigay at gagawin niya.

“Ititigil ko na ba Mika ang pangigigil ko?” si Dan habang mariing pa ding nakapisil sa dalawang dibdib ni Mika dahil parang napansin niya ang pagbabago ng ekspresyon ng dalaga. Alam niyang naging marahas siya sa malusog na dibdib ni Mika, hindi kasi niya napigil ang sarili, sobrang nakakagigil ang malalaking suso ni Mika.

Umiling naman si Mika. Bagaman nakakaramdam siya ng bahagyang sakit ay marasap pa din naman lalo na at ang binatang iniibig ang pumipiga sa kanyang mayamang dibdib.

“Panggigilan mo hanggang gusto mo Dan, sayo na ang katawan ko. Malaya kang gawin sa akin ang lahat ng gusto mo.”

Lalo namang nag-init si Dan dahil sa narinig ngunit itinigil na niya ang paglamutak sa magkabilang dibdib ni Mika. Bumalik na sa banayad ang ginawa niyang paglamas na lalong nagpasarap sa pakiramdam ng dalaga…

“Ahhhh…. Dann… Ganyan lang sana.. “ ang pag-amin ni Mika.

At ng tuluyang magawa ang lahat ng nais sa ngayon ay namumula ng mga dibdib ng dalaga ay muling bumaba ang kanyang halik patungo sa pagkababae ni Mika. itinaas niya ang magkabilang hita ni Mika at saka ibinuka iyon ng maluwang. Gamit ang mga daliri sa isang kamay ay hinawi niya ang malagong buhok na nakapalibot sa hiwa ni Mika. At saka niya sinimulang halikan ang kayamanan ni Mika.

“Ahh… “ ang ungol ni Mika ng unang beses na masayaran ng labi ni Dan ang hiwa ng kanyang pagkababae.

Pagkatapos ng gawaran ng unang halik ang hiwa ni Mika ay ihinagod naman ni Dan ang kanyang dila sa buong kahabaan ng hiwa ng dalaga. Sa unang hagod pa lang ng kanyang dila ay nalasahan na agad niya ang mainit na nektar ni Mika dahil sa labis na pagkabasa ng pagkababae nito.

“Ang sarap ng puke mo Mika, hindi nakakasawang kainin?” si Dan na bahagyang itinigil ang ginagawa upang muling pagmasdan ang nakabuyayang na pagkababae ni Mika.

“Ohhh… Ohh… T-tuloy mo lang D-Dan… Wag kang t-tumigil…. Ahhh… Sayo na yan Dan.. Ahh..” ang nasasarapang si Mika ng maramdaman ang pagkawala ng bibig ni Dan sa kanyang pagkababae.

Dahil sa nakitang pagkasabik kay Mika ay muling kinain ni Dan ang pagkababae ni Mika ng buong sarap.

“Ahhh… Dan… Ang sarap mong kumain… Ohhh…” si Mika na ngayon ay kapit na kapit sa pagkakahawak sa kumot sa ilalim ng kanyang katawan. Halos magliliyad si Mika sa sarap habang kinakain siya ni Dan lalo na kapag kinakagat at dinidilaan ni Dan ang kanyang munting tinggel.

Halos tatlong buwan na din ang lumipas ng makatikim si Mika ng romansa kaya ang init ng kanyang katawan ngayon ay sadyang napakatindi.

Lasang-lasa ni Dan ang bawat mainit na nektar na tumatagas palabas sa lagusan ni Mika habang patuloy ang kanyang ginagawang pangsungkal sa pagkababae ng dalaga. Nang labis na ang pagkabasa nito at nag-aapoy na ang katawan ni Mika ay muli niyang iniakyat ang kanyang katawan at pumatong sa malambot na katawan ni Mika. Iniyakap niya ang isang kamay kay Mika habang iginiya papunta sa bungad ng lagusan ng dalaga ang kanyang malaking alaga.

Tumitig siya sa magandang mukha ni Mika na alam niyang nananabik ding tulad niya sa kanilang unang pag-iisa.

“Mika… “

“Dan…”

At saka dahan-dahan na ibinaon ni Dan ng kaunti ang kanyang pagkalalaki.

“Ahh..” napasinghap si Mika dahil sa laki ng biglang pumasok na ulo sa kanyang basang lagusan.

“D-Dan.. Dahan-dahan lang.. Ang laki ng sayo… H-huwag mo akong biglain please.” ang pagsamo ni Mika dahil talagang malaki ang kay Dan.

Hinalikan naman ni Dan ng banayad ang pisngi ni Mika.

“Sa ulo lang kita binigla Mika, mula dito ay dahan-dahan na tayo.”

Tumango naman si Mika habang nakapikit. Nais niyang damahin ng buong sarap at buong pag-ibig ang gagawing pagbaon ng malaking pagkalalaki ni Dan sa kanyang pagkababae. Ito ang kanilang una kaya espesyal ito kay Mika kahit may karanasan na din siya. Malaki ang pagkakaiba ng pag-ibig niya sa dating nobyo at kay Dan. Ang unang nobyo ay ang siyang nanligaw sa kanya at parang nadala lang siya ng kapusukan at pambubuyo nito. Ngunit kay Dan ay iba, ito ay bugso at tulak ng pag-ibig na ngayon lamang niya naramdaman sa isang lalake.

“Ahhh… Ahhh..” ang magkakasunod na ungol ni Mika ng maramdaman niya ang dahan-dahang pagbaon ng pagkalalake ni Dan sa kanya.

Nakailang paghugot at pagbaon din si Dan hanggang sa tuluyan ng sumagad ang kanyang pagkalalaki sa lagusan ni Mika. Ngayon ay magkalapat na ang kanilang mga bulbol habang magkayakap silang dalawa.

“I love you Dan.” ang buong pusong sabi ni Mika habang nakatingin sa mga mata ni Dan

Nakatitig din si Dan sa magandang mukha ni Mika. Ngunit ng ibubuka na niya ang kanyan bibig upang magsalita ay maagap na inilagay ni Mika ang isang daliri sa labi niya, at saka umiling si Mika ng dalawang ulit.

“Hindi mo kailangang sumagot Dan.” isang matamis na ngiti ang lumabas sa labi ni Mika at saka nito inalis ang kanyang daliri at kinabig si Dan upang ang mainit na halik ni Dan ang maging sagot sa kanyang tapat pagsasabi ng pag-ibig sa binata.

At habang patuloy sila sa kanilang mainit na halikan ay nagsimula na ding bumayo si Dan. Ngayon ay mahigpit silang nakayakap sa isa’t-isa habang nilalasap ang sarap ng una nilang pagtatalik. Walang kasawaan sa init ng katawan ng isa’t-isa. Dahil sa labis na init at libog na lumukob na sa kanilang katawan ay mas lalong naging masarap ang bawat salpukan ng kanilang mga kasarian, at ang tunog ng bawat paglamon ng pagkababae ni Mika ay maririnig na sa loob ng kwarto.

(“plok” “plok” “plok” “plok”)

Habang ninanamnam ni Mika ang paglabas-pasok ni Dan sa kanya ay tumitig siya ng malagkit sa maamong mukha ng lalaking katalik niya ngayon.

“Masarap ba ako Dan?” si Mika habang nakatingin sa mga mata ni Dan.

Tumango naman si Dan habang patuloy sa kanyang ginagawang pagbayo sa pagkababae ni Mika.

(“plok” “plok” “plok” “plok”)

“Ahh… S-sagutin mo ako Dan, m-masarap ba ako?” nasa mata ni Mika ang pakiusap, nais na marinig sa binatang iniibig ang mga salitang nais niyang marinig.

“Ahh… Ah.. Ang sarap mo Mika. Napakasarap…. “ ang tapat na sabi ni Dan.

Ngumiti si Mika kay Dan at saka lumabas ang butil ng luha ng kaligayahan sa sulok ng kanyang mga mata.

“Ohh.. Huwag mo akong kakalimutan Dan, m-masaya na ako kahit maalala mo lang ako paminsan-minsan.” ang buong pag-ibig na sabi ni Mika , tapat ang kanyang salita sa binata dahil alam niyang hanggang dito lang ang kanyang kaligayahan.

Hinalikan naman ni Dan si Mika ng mainit at masarap niyang pinaligaya ang katawan ng dalaga. Sa ganitong paraan man lang ay masuklian niya ang pag-ibig na ibinigay sa kanya ni Mika ng walang hininging kapalit sa kanya o pananagutan sa kanya. Kaya lalo niyang binilisan ang ginawa niyang pagbayo kay Mika habang magkahinang ang kanilang mga labi.

( “plak!””plak!””plak!””plak!”)

“Ohh Dan.. Ang sarap… Ahh… “

Hindi nagtagal ay lalong naging maging mabilis ang kanilang mga pagkilos at mas naging maingay ang kanilang mga daing at pag-ungol kasabay ng tunog na nagmumula sa bawat mabibilis na pag-iisa ng kanilang mga kasarian.

(“PLAK!””PLAK!””PLAK!””PLAK!”)

Naramdaman nila kapwa ang nalalapit nilang pagdating sa sukdulan na kanila pa nila labis na pinanabikan.

“Ah.. Ah… Malapit na ako Mika….”

“Ohh… Ako Din Dan… H-uwag kang tumigil…B-bilisan mo pa…”

(“PLAK!””PLAK!””PLAK!””PLAK!”)

At nauna ng magpakawala ng masarap na ungol si Mika habang mahigpit na nakayakap kay Dan. Kaysarap ng pakiramdam ni Mika ng nakarating siya sa kanyang glorya ng orgasmo sa piling ng binatang iniibig.

“Ohhhhhnnmmmpp…..”

“Ahh.. Ah.. Masarap ba Mika?” si Dan habang nakatingin sa mukha ni Mika na ngayon ay nas ilalim na ng matinding init at libog.

Hindi pa din tumitigil si Dan kaya patuloy sa pagbaha ang kanyang mainit na nektar dahil sa sunod-sunod na orgasmo ni Mika.

“Ohhh Dan… Masarap.. Ang galing mo… Nakakabaliw kang magpaligaya ng babae”

(“PLAK!””PLAK!””PLAK!””PLAK!”)

Ngayon ay si Dan ang nalalapit na sa kanyang pagsabog at ramdam ni Mika ang lalong paglaki ng pagkalalake ni Dan.

“Ahh… Ahh.. Saan Mika? Saan mo gusto?” si Dan habang nakatingin sa nakapikit na si Mika.

“Ikaw ang magpasya Dan, kung san mo gusto. Wala kang pananagutan sa akin kahit na anong mangyari.”

Ilang sandali pa at napaungol ng masarap si Dan kasabay ng pagragasa ng mainit niyang tamod sa sinapupunan ni Mika.

“Aggghhh”

Ramdam ni Mika ang mainit na likidong ipinunla sa kanya ni Dan. Labis ang kaligayahan na kanyang nadama, at sana ay napuruhan siya ni Dan, hindi man maging kanya ang binatang iniibig ay may iiwan naman ito sa kanya na magiging kapiling niya sa kanyang buhay. Niyakap niya ang binata ng mahigpit na yumakap din sa kanya.

“Salamat Dan… Ang sarap.. Ang init…”

Tiningnan ni Dan ang pawisang mukha ni Mika. Banayad niya itong hinalikan sa labi. Saglit lang nagpahinga si Dan sa ibabaw ng pawisang katawan ni Mika. At saka niya muling tiningnan ang magandang mukha ni Mika.

“Makakaisa pa ba ako Mika?” ang nakangiting tanong ni Dan kay Mika.

“Kahit ilan Dan, basta huwag mo lang akong sisisihin kapag na-late ka sa school bukas?” ang nakangiting sagot naman ni Mika na may halong panunukso.

At minsan pa nilang inulit ang kanilang masarap na pagtatalik ng buong init at saka magkayakap na natulog sa kama ni Dan gamit ang iisang kumot na nakatakip sa kanilang kahubaran.

*****

Madaling araw na ng lumabas si Mika sa kwarto ni Dan. Isang mainit na halik ng pamamaalam ang kanilang ginawa bago sila naghiwalay. Nakatulog pa si Dan ng may isang ilang oras, kahit puyat ay maagang ginising niya ang sarili. Kailangan niyang pumasok ng maaga ngayong araw, marami siyang dapat na gawin. Kailangan din niyang makausap si Angela na alam niyang nag-aalala din sa kanya sa nakalipas na mga araw, at si Christine na alam niyang may sasabihin din sa kanya dahil sa ngyari sa loob ng bar habang kasama nito si Brandon. Marami pa din siyang kailangan na gawin at tapusin sa research nila ni Angela. Kaya kailangan niyang maglaan ng isang oras ngayong umaga sa loob ng library upang matuwa naman ang dalaga sa kanya at mapabilis ang ginagawa nilang project na matapos.

Hindi alam ni Angela na maaga siyang papasok ngayon dahil sa halos hindi sila nakapagusap ng mabuti dahil sa pinagdaanan ni Dan ng mga nakalipas na araw. Ngunit tapos na anga mga araw na iyon na hindi na niya dapat balikan pa alang-alang sa pangakong nais ni Diane.

Habang nag-aayos ng mga gamit sa eskwela ay nahulog mula sa isang notebook sa kanyang bag na madalang niyang gamitin ang dalawang kulay pink na love letters na galing kina Dave at Carlo.

Napabuntunghininga na lang si Dan.

“Dagdag problema ko pa ang mga ito ngayon.” ang nasabi na lang ni Dan pagkatapos pulutin ang mga sulat na ngayon ay hawak ng kanyang kamay.

Pagdating sa loob ng library ay mabilis siyang nagsimula, ganito naman siya dati na kailangang manatili ngayon. Walang mabuting maidudulot sa kanila ni Angela ang kanyang kalungkutan dahil sa paglisan ni Diane. Alam niyang magiging maligaya din si Diane, dahil hindi naman ito mahirap mahalin.

*****

Kanina pag naghihintay sa harap ng kanilang gate si Alyssa kay Dan. Ngunit ng mapansin na mahuhuli na siya kapag hindi pa siya umalis ay nasusuyang lumakad ang dalaga patungo sa abangan ng sasakyan.

Naglalakad na siya papasok sa school ng mapansin niya ang isang magarang sasakyan na tumigil sa tapat ng gate, at mula sa loob ay lumabas si Angela. Nakangiti siyang lumapit dito na bahagyang nakaramdang ng pagkailang. Iba pa din ang mundong ginagalawan ni Angela kumpara sa kanya.

“Angela..” ang nakangiting si Alyssa ng nakalapit na sa dalaga.

Ngumiti naman si Angela sa bagong niyang kaibigan.

“Sabay na tayo.” ang sunod ni Alyssa.

Sa ilang araw nilang pagkakakilalala at pag-uusap ay naging palagay na ang loob nila sa isa’t-isa. Para ng matagal silang magkaibigan kung magturingan.

At nagsimula na silang maglakad. Dala pa ni Angela ang ilang libro na hiniram niya sa library. Marami namang libro sa kanilang bahay ngunit may ilan pa din na wala sila.

“Alyssa, gusto mo bang dumaan sa library? I need to return these books.” ang yakag ni Angela sa katabi sabay pakita ng mga librong yakap niya ngayon sa kanyang dibdib na may kasamang matamis na ngiti sa labi.

Napangiti naman si Alyssa, gandang-ganda talaga siya kay Angela.

“Maaga pa naman, sige, punta tayo. Hindi pa din naman finalized yung mga reports ko eh. Makapag-add pa ng ilang details.”

Nang nakarating na sila library ay naiwan si Angela sa librarian at nagtuloy naman si Alyssa sa loob. Natuwa naman si Alyssa ng makita si Dan na tahimik na nagsusulat habang may mga nakabukas na libro sa harapan ng binata. Walang pakialam sa mundo at nasa ginagawa lamang ang buong atensyon. Kumuha si Alyssa ng isang libro at umupo sa lamesang nasa kabilang side ng kay Dan ngunit nasa bandang unahan. Binuksan niya ang libro sa kanyang harapan at saka itinukod ang kaliwang kamay sa lamesa upang ipatong ang mukha niya doon habang nakatingin kay Dan. Ang kanang kamay naman ni Alyssa ay nakapatong sa librong kinuha niya. Masaya niyang pinagmasdan si Dan na nakalimutan na niya na may dapat siyang gawin.

Pagkatapos ni Angela na makipag-usap sa librarian ay lumakad na siya papasok sa loob upang ibalik ang mga libro sa tamang lagayan ng mga ito. Habang naglalakad ay napansin niya si Alyssa at natuwa siyang napangiti dahil parang isang nagmamasid ng magandang tanawin ang kaibigan. Ngunit nawala ang kanyang ngiti sa labi ng dumako ang mata niya sa kung sino ang tinitingnan ni Alyssa, ang kanyang lihim na kasintahan at pinakaiibig na si Dan.

Hindi niya alam kung sino ang unang kakausapin at kung ano ang kanyang gagawin. Nagpasya siyang lumakad ng hindi ginagambala ang dalawa upang ibalik ang mga librong nahiram niya. Saka niya binalikan si Alyssa at sa mahinang boses ay niyakag na niya ang kaibigan palabas ng library.

“Alyssa, let’s go na.” si Angela na bahagyang tinapik sa kamay si Alyssa.

Natauhan naman si Alyssa at mabilis na tumayo, ibinalik ang libro sa lagayan at sumabay na sa paglalakad ni Angela. Habang palabas ay nilingon pa ni Alyssa si Dan na labis na nagbigay kay Angela ng kaba. Hindi niya gusto ang kanyang nakikita sa kaibigan. Ngunit wala naman itong alam sa kanyang lihim na relasyon sa binata.

“Alyssa…”

Nilingon naman ni Alyssa ang katabi.

“Kilala mo ba yung nasa kabilang lamesa?” ang tanong ni Angela habang kinakabahan.

Tumango naman si Alyssa na may kasamang ngiti.

“Napansin mo pala ako. Nakakahiya naman, ang aga-aga ay nagde-day-dreaming ako sa loob ng library.” ang bahagyang nahihiya ngunit nakangiting sabi na lang ng dalaga kay Angela.

“Saan kayo nagkakilala?” si Angela na hindi na nawala ang kaba sa dibdib.

“Boarder namin, sa likod lang ng bahay namin siya nakatira, kahapon lang lumipat.”

Si Alyssa naman ang lumingon kay Angela.

“Kakilala mo ba si Dan Angela?” ang malambing na tanong ni Alyssa sa kanya.

Tumango naman si Angela, at nakaramdam ng pagkaasiwa ng lumabas sa labi ni Alyssa ang pangalan ni Dan.

“Classmate ko siya Alyssa.” si Angela na parang nabawasan ang sigla samantalang masaya naman si Alyssa.

“Talaga, what a coincidence.” ang masayang sabi ni Alyssa.

Hindi naman mahirap maunawaan na may pagtingin ang bagong kaibigan kay Dan. Kung paano niya ito pipigilan upang hindi na umasa at masaktan ang hindi alam ni Angela.

Naghiwalay silang malungkot ang pakiramdam ni Angela. Kailan lang nagsimula ang mabuti nilang pagkakilala ni Alyssa ay may nakabalakid na agad sa kanila, at iyon ay ang espesyal na pagtingin na ibinibigay ni Alyssa kay Dan.

*****

Pagkatapos ni Dan sa library ay mabilis na siyang lumabas upang magtungo sa kanilang unang klase. Malayo pa lang ay tanaw na niyang nakatayo si Christine malapit sa pintuan ng classroom. Habang lumalapit si Dan ay kapwa nakatingin sila sa mata ng bawat isa. Nang malapit na si Dan sa may pinto ay lumakad na din si Christine papasok ngunit nagsalita ng mahina na siya lamang ang makakarinig.

“Rooftop, during break.” ang mahinang sabi ni Christine.

Inaasahan na ito ni Dan ngunit hindi niya tiyak sa sarili kung ano ang mga sasabihin kay Christine kapag magkaharap na ulit silang dalawa at nagkasarilinan.

Pumasok na siya sa loob ng classroom at hinanap ng kanyang mata si Angela. Saglit na nagtama ang kanilang mata ngunit isang malungkot na tipid na ngiti ang nakita ni Dan sa dalaga. Hindi katulad ng dati na kahit hindi sila nagbabatian ay sapat na ang isang matamis na ngiti mula sa dalaga para sa kanilang masayang pagkikita tuwing umaga.

Tahimik ang loob ng klase habang nagle-lecture ang kanilang proffesor.

Maraming laman ang isipan ni Dan. Bakit parang malungkot si Angela, nakaapekto ba sa dalaga ang ilang araw niyang pananamlay? Ano ang pag-uusapan nila mamaya ni Christine, kasama kaya si Brandon sa usapan nila mamaya? Maging ang kanilang bagong relasyon ngayon ni Mika na tinanggap na niya.

Naglalaro naman sa isipan ni Angela kung paano sasabihin kay Dan ang tungkol kay Alyssa. Nag-aalala siya lalo na at nakatira si Dan malapit lang sa kaibigan. Ayaw nyang mag-isip na matutukso pa si Dan, nariyan na si Christine, isang kaagaw sa panahon at atensyon ng kasintahan. Kung dadagdag pa si Alyssa ay hindi na niya alam ang gagawin niya. Kailangang mag-usap silang dalawa. Nais niyang isama siya ni Dan sa bago nitong tirahan. Matagal na din siyang nasasabik sa muli nilang pag-iisa. Nais niyang gawin nila iyon sa bagong tinitirhan ni Dan. Siya ang kasintahan na iniibig ni Dan, karapatan niya iyon. At pagkatapos ay saka niya sasabihin kay Alyssa ang lihim nilang relasyon ni Dan. Mabuti nang malaman ito ni Alyssa ng maaga habang hindi pa masyadong masakit.

Habang nakatingin naman si Christine sa likod ni Dan ay kanyang iniisip ang mga sasabihin sa binata. Hindi niya alam ang nasa isip at nararamdaman ngayon ni Dan. Kung galit ito ay dapat niyang malaman. Matagal na din ng huli silang nagkasamang dalawa, kailangang mapalitan ang hindi magandang alaala na ibinigay niya kay Dan sa bar. Napangiti siya habang nilalaro ang hawak na panulat sa kanyang labi. Kailangang magkasarilinan na ulit silang dalawa, isa sa mga darating na araw ay kailangang mag-motel ulit sila ni Dan na alam niyang kapwa din naman nila pinanabikan. Sabik na Sabik na din naman talaga si Christine na muling madama ang init ng katawan ni Dan. Dahil dito ay hindi na nawala ang ngiti ng pananabik sa labi ni Christine habang nakatingin sa binata.

*****

Isang fitted na bestida ang suot ngayon ni Arcelle habang nasa harap ng salamin. Labis siyang nagpaganda at saka tumayo para pumasok sa trabaho. Nakahanda na siyang maglaro ng apoy. Sisimulan na niya ngayong araw ang pang-aakit kay Dan na alam niyang wala sa posisyong tumanggi sa kanya.

Umalis na naman ang kanyang asawa ng maaga at wala na namang katiyakan kung kailan ito babalik. Isang beses lang silang nagtalik at hindi pa siya nakaraos. Labis ang kanyang pagkabitin at kailangan niya si Dan.

“Ihanda mo ang sarili mo sa akin Dan. Magkakaubusan tayo ng katas.” ang buong pananabik na nasabi ni Arcelle sa sarili, na muling tiningnan ang mapang-akit niyang repleksyon sa salamin.

(Ipagpapatuloy…)

Writer’s Note:

“I have been struggling to continue this series, but since marami ang patuloy na naghihintay ay pilit kong gagawan ng update, as long as kaya ko pa. Just have patience about the update, dahil talagang nahihirapan akong mag-isip. My plan is to keep going until I run out of ideas, then I will end it, or hanggang sa ma-bored na kayo at magsabi sa akin na lagyan ko na ng closure, or kapag kaunti na lang ang may interes.

Rest assured that the ending will be there, I’m not sure what kind of ending we will get, but it is still an ending nonetheless.”

Scroll to Top