Chapter 34
Nanatiling nakapako ang paningin ni Dan sa ama ni Angela. Ang kaba sa dibdib ni Dan ay katotohanang malago ng sandaling iyon. Dahil hawak niya ang kamay ng natutulog na si Angela sa harap mismo ng ama ng dalaga. Napansin ni Dan ang hindi nito magandang tingin sa kanyang pagkakahawak sa kamay ni Angela, at alam niyang nakita din nito ang matagal na pagkakalapat niyon sa kanyang labi. Ngunit hindi binitawan ni Dan ang kamay ng natutulog na kasintahan. Dahil ipinangako niya kay Angela na hahawakan niya ang kamay nito hanggang sa muling paggising ng dalaga.
Nais sanang magalit ni Anton dahil sa kanyang nakikita ngayon sa kanyang harapan. Dahil ang kamay ng nag-iisang anak na si Angela ay hawak ng isang lalakeng hindi niya kilala. Kita pa niya ang bakas ng luha sa mata ng binata na walang halaga sa kanya. Ngunit pinipigilan pa din niya ang sarili alang-alang sa anak at sa sinabi ni Alice sa kanya. Hindi ngayon ang sandali para mag-usap silang dalawa ng masinsinan ng binatang nasa harapan niya. Pinagmasdan niyang mabuti ang itsura nito, maamo ang mukha nito at maganda ang pangangatawan. Sapat na ba ang mga ito upang umibig ng husto ang anak sa binatang ito? Gayung higit ang mga katangian ni Lance na siyang mas karapat-dapat sana para sa anak niyang si Angela. Ngunit ng dahil sa binatang ito ay gumuho ang kanyang magandang plano para sana sa kinabukasan ni Lance at Angela na magkasama. Inalis ni Anton ang paningin sa binata at lumakad palapit sa natutulog na anak. Ngayon ay himbing na si Angela sa tabi ng binatang iniibig nito. Ayaw man aminin ni Anton ay nakaramdam siya ng pait sa dibdib, dahil sa katotohanang ang binatang narito ngayon ang mas higit na kailangan ng anak kaysa sa kanilang mag-asawa. Yumukod si Anton at masuyo nitong hinaplos ang buhok ng anak at saka hinalikan ito sa noo. Pagkatapos ay tumingin ng matiim sa binata na nakatingin pa din sa kanya.
“Natutulog na si Angela, bitawan mo na ang kamay ng anak ko at mag-usap tayo sa labas.” medyo mahina ang pagkakasabi ni Anton ngunit madiin. Ni hindi nag-abala na tanungin muna ang pangalan ng binatang kaharap.
Ramdam ni Dan ang malamig na pakikitungo sa kanya ng ama ni Angela, malaking kaibhan sa ina ng dalaga. Naalala niya ang sabi ni Angela na matatanggap ng ina ni Angela ang kanilang relasyon ngunit maaring hindi ng kanyang ama. Ngayon ay nalaman na niya ang katotohanan na noon pa nasa isip ni Angela. Bagaman nag-aalangan ay nagpakilala pa din si Dan.
“Ako po si Dan.. Ka-“ ang maikising nasabi na lang ni Dan.
“Sa labas na tayo mag-usap, huwag dito sa kwarto ng anak ko.” ang maagap na sansala ni Anton sa pagpapakilala sana ni Dan. Sapat na sa kanyang marinig ang pangalan nito, ang iba pang sasabihin nito ay hindi na mahalaga.
“Maaari po bang sa paggising na lang ni Angela? Ang nais ko lang po ay tuparin ang pangakong binitawan ko sa anak ninyo bago siya mahimbing na natulog. Dahil sa sinabi po niyang manatili ako sa tabi niya at wag ko pong bibitawan ang kanyang kamay habang natutulog siya.” ang magalang at mahinang sagot ni Dan.
Nakaramdam ng pagkainis si Anton, bakit kailangan pang magising ng anak bago sila mag-usap na dalawa. Ngunit pilit nyang kinalma ang sarili, mahimbing ang tulog ni Angela at payapa na ito ngayon. Ayaw niyang magising ang anak ng dahil sa hindi nila magandang sitwasyon.
“Hindi naman malalaman ni Angela na binitawan mo ang kamay niya kung sakaling mag-usap tayo ngayon sa labas. You are giving too much importance to such nonsense.” ang naiinis na sabi ni Anton.
“Paumanhin po sa inyo ngunit mahalaga po sa akin ang bagay na ito, dahil may lakip po itong pangako na ibinigay ko sa anak ninyo. Na nagtitiwala siyang tutuparin ko sa abot ng aking makakaya hanggang sa muling pagmulat ng kanyang mata.” ang sabi ni Dan habang nakatingin sa mukha ni Anton.
Lalo namang nakaramdam ng pagkainis si Anton, at mainit na tumingin sa kasintahan ng anak. Ayaw niya ang ganitong pakiramdam, hindi niya kayang tanggapin na ang binatang nasa harapan ay mas may higit ng karapatan kaysa sa kanya na siyang ama ni Angela.
“Are you testing my patience Dan? Sinusubukan mo ba ang limitasyon ko? Nakakalimot ka bang nasa loob ka ng pamamahay ko?” ang mahina ngunit madiin na mga tanong ni Anton.
Umiling naman si Dan, pilit niyang kinakalma ang sarili sa harap ng ama ni Angela.
“Hindi ko po intensyon na gawin sa inyo yun. “ ang malumanay na paliwanag ni Dan, nais na niyang muling lumuha sa harap ng ama ni Angela ngunit pilit niyang pinigilan ang sarili. Naaawa na siya sa kanyang sitwasyon, muli na naman niyang naranasan ang ituring na parang basahan na walang anumang halaga.
Hindi naman mapakali si Alice sa salas ng iniwan na siya ng asawa. Hindi niya alam kung ano ang magiging pag-uusap ng dalawa. Ngunit ang kailangan ngayon ni Angela na pahinga ay nakamtan nito sa tulong ng kasintahan nitong si Dan. Napilitang tumayo si Alice at sumunod sa asawa papunta sa kwarto ng anak. Hindi dapat doon pakawalan ni Anton kung ano man ang nararamdaman nito ngayon. Kailangan niyang tulungan si Dan alang-alang sa kaligayahan ng nag-iisang anak.
Sa loob ng kwarto ni Angela ay tahimik na nakatitig sa isa’t-isa sina Dan at Anton. Kapwa nagnanais na ang isa ay maunang sumuko at magparaya. Nais ni Anton na bitawan ng kusa ni Dan ang kamay ni Angela at sumunod ito sa kanya sa labas. Nais namang tuparin ni Dan ang mga sinabi ni Angela bago tuluyang nahimbing ang kasintahan . Naputol ang kanilang paningin sa isa’t-isa at kapwa sila napatingin sa marahang pagbukas ng pinto. Ngayon ay papalapit na si Alice sa asawa ngunit kay Dan ito nakatingin. Hinawakan ni Alice ang bisig ni Anton at saka ibinaling dito ang atensyon.
“Anton, I know that you have a lot of questions for him. Ngunit makakapaghintay ang mga iyan mamaya kapag gising na si Angela.” ang mahina at malumanay na sabi ni Alice sa asawa. Nais na pakalmahin ang wala sa lugar na asawa, hindi man niya batid ang mga napag-usapan na ng dalawa ay alam niyang hindi si Dan ang klase na magsasabi ng hindi maganda sa asawa. May ibang dahilan si Anton kung bakit ganito ito ngayon. Isang dahilan na nalalaman din naman niya. Ngunit ang dahilan na iyon ay hindi na mahalaga sa kanya at kay Angela. Tanggap niya si Dan para sa anak, basta maging maligaya lang si Angela ay malaking kasapatan at kasiyahan na din sa kanya.
Tumingin si Anton kay Alice at saka ibinaling ang paningin sa nakaluhod pa ding binata.
“Why? Kailangan pa ba niya ang tulong ni Angela upang ipakilala ang kanyang pagkatao? He and I can both go outside right now and talk about some matters na para lamang sa aming dalawa. And you can stay here Alice to take care of our daughter. It doesn’t matter kung sino ang nasa tabi ni Angela pag gising niya.” ang mahina ngunit may pang-uuyam na tanong ni Anton kay Dan.
Nakaramdam ng pag-iinit ng katawan si Dan, ramdam niya ang pader na inilagay ng ama ni Angela sa pagitan nilang dalawa.
“Gaya po ng nasabi ko na, nais ko lang pong gawin ang sinabi ni Angela. Ngunit kayo po ang kanyang ama, ang magagawa ko na lang po ay ang makiusap na pagbigyan ninyo ang hiling ni Angela. Ang desisyon po ay nasa inyong mga kamay, at hindi ko po nais na alisan kayo ng karapatan sa sarili ninyong anak.” ang mahinang sagot na lang ni Dan, nais niyang tuparin ang pangakong binitawan niya kay Angela ngunit wala naman siyang magagawa kung ipipilit ng ama ng dalaga ang gusto nitong mangyari.
Nakaramdam naman ng pagkasuya si Alice dahil sa malamig na pakikitungo ni Anton kay Dan. Na siyang dahilan ngayon ng payapang pagtulog ng anak.
“Anton, it doesn’t matter to us. But it does to Angela, you’re daughter begged for him, she wants him to hold her hand while she is sleeping. And she wants to see him again when she wakes up. Mahirap bang pagbiyan ang pakiusap ni Angela, alam mo ang mapait dinanas ng anak mo kahapon. Kailangan niya ngayon si Dan at hindi tayong mag-asawa. Mas mahalaga pa ba sayo ang nararamdaman mo kaysa sa kapakanan at kahilingan ng nag-iisa nating anak.” mahina ang pagkakasalita ni Alice, ngunit may halong diin at pagtitimpi.
Alam naman ni Anton na may punto ang asawa, kahapon pa halos walang pahinga at balisa si Angela. Kailangan niyang supilin muna ang nararamdaman at ang pagnanais na makausap ng masinsinan ang binatang bumihag sa puso ng anak.
“We are not finish yet. Mag-uusap pa tayo mamaya tungkol sa anak ko.” ang malamig pa ding sabi ni Anton na nakatingin sa binata.
“Kapag gising na po si Angela, umasa po kayong kakausapin na po kayo.” ang mahina ding naisagot na lang ni Dan.
Dahil sa nakikitang tensyon sa pagitan ng asawa at ng kasintahan ng anak ay napilitan na si Alice na yakagin ang asawa na magpahinga na muna at mag-ayos ng sarili.
“Come Anton, you need to rest for a while and changes your clothes first, hayaan na muna natin sila. Angela is soundly sleeping right now. May pagkakataon kayo mamaya when your daughter wakes up.” ang pakiusap ni Alice sa asawa.
Saglit na tiningnan ni Anton ang natutulog na anak. Huminga ng malalim at saka muling tumingin kay Dan. Ngayon niya namasdan ang simple nitong pananamit. Isang taong hindi nila kauri ang nagpaibig at nakakuha sa kanyang pinakaiingatang nag-iisang anak. Dahil dito ay lalong nakaramdam ng pagtutol si Anton. Hindi siya nagpakahirap ng husto upang manatiling mayabong ang mga pag-aaring naiwan sa kanya ng mga magulang upang ibigay lamang sa isang katulad ng binatang nasa kanya ngayong harapan.
“See me when when my daughter wakes up. Bring your balls with you at wag kang magtago sa likod ng anak ko.” ang huling madiing sinabi na lang ni Anton kay Dan.
Marahan namang tumango si Dan, ang lungkot at nasa mukha ng binata. Mapait siyang ngumiti sa mga magulang ni Angela. Ito ang kapalit ng kanyang kapangahasan na umibig sa dalagang hindi niya kauri. Sa isang nasa pedestal at nasa langit ang mga paa, ang isang katulad niya ay walang karapatan ni ang mangarap man sa isang tulad ni Angela. Ngunit mahal niya ang kasintahan, at mahal din siya nito, kung ang langit sana ay makikinig sa kanyang daing ng sandaling iyon. Nais niyang hayaan silang lumigaya ni Angela sa piling ng isa’t-isa. Ngunit ang tadhana ang siyang nagpapasya kung sino ang ipapanganak na maykaya at kung sino naman ang mga paa ay nasa lupa. Kailangan niyang labanan ng buong lakas ang kapalaran upang makatawid sa magkaibang mundo nila ng dalaga. Kung hindi niya magagawa ang nais niyang iyon ay masaya pa din siya, dahil nakahanda si Angela na tumawid at bumaba sa lupang kinatatayuan niya.
Dahil sa mga sinabi ni Anton ay labis na nalumbay ang puso ni Alice, at pilit na pinigilan ang kanyang pagluha dahil sa matinding pagkahabag kay Dan na walang naging kasalanan kung hindi mahalin ang kanyang anak na si Angela. Sa sarili ay umusal na huwag sanang dumating ang araw na kailangan niyang mamili sa dalawa. Ang kaligayahan ng anak o ang pagsasama nilang mag-asawa. Dahil mahal niya ang asawa niyang si Anton, ngunit mahalaga din sa kanya ang kaligayahan ni Angela sa piling ng binatang iniibig nito.
Inaya ng maglakad ni Alice ang asawa at bago makalabas ang mga ito ay minsan pa siyang nilingon ni Alice. Isang tipid na ngiti ang ibinigay sa kanya ng mommy ni Angela na nagbigay ng gaan sa kanyang dibdib. Nabawasan ng kaunti ang kanyang alalahanin pagdating sa daddy ng dalaga. Ngunit alam niyang hindi siya makakaiwas sa pag-uusap nila mamaya ng ama ni Angela. Ngayon pa lang ay nakikita na niya sa kanyang isipan ang matinding pagtutol nito sa kanya. Ngunit nakahanda na naman siya dahil ang tagpong ito ay malalon na niyang nakikita. Tiningnan niya ang maganda at maamong mukha ni Angela, kinakabahan man ay napangiti pa din siya. Kung sakaling sapilitan silang paghihiwalaying dalawa ay isasama niya palayo si Angela, at isasama din niya si Christine, na alam niyang sasama din sa kanya. Bahala na kung anong buhay ang naghihintay sa kanila. Basta kasama niya ang dalawang dalagang minamahal ay kumpleto na ang buhay niya, magsusumikap na lang siya ng husto para sa kanilang tatlo.
****
Matamlay na umuwi si Christine sa kanilang tahanan. Nag-aalala siya para kay Angela ngunit naroon ang nakatagong pangamba. Dahil makilala ni Dan ang mga magulang ni Angela at tiyak na malalaman na ng mga ito ang relasyon ng dalawa. Alam niyang ang isang katulad ni Dan ay hindi madaling tanggapin ng mga magulang ni Angela. Ganun din naman ang sitwasyon niya. Ngunit may takot pa ding namamahay sa kanyang dibdib. Paano kung tanggapin ng isa mga ito si Dan para kay Angela? Anong mangyayari sa kanya? Humigpit ang hawak niya sa kanyang kamay, hindi pa din siya papayag. Walang sinumang makakapaghiwalay sa kanya kay Dan, mamamatay muna siya, ito ang buong determinasyong nasa isip ni Christine at saka pinalis ang namalibis na luha na hindi niya napansin na kanina pa pala gumuhit sa kanyang pisngi.
Pagpasok niya sa bahay ay nais na sana niyang mabilis na magtungo sa kanyang kwarto. Ngunit napatigil siya sa gitna ng hagdan ng tumawag sa kanyang pansin ang mga naririnig mula sa kanyang ina. Hindi naman siya nakikita ng ina kaya tahimik siyang nakinig sa mga sinasabi nito.
“Yes, of course, everyting is planned and ready. You’ll be surprise tommorow night when you see it happening right in front of your eyes. We are all happyabout it, yes, especially her. She loves the idea, wag kang mag-aalala at matutuloy ito. No. Believe me, I already told her about it and she is really excited. We know naman na they are both perfect for each other.” ang masayang sabi ng kanyang ina sa kausap nito sa kabilang linya ng telepono.
Nakaramdam siya ng kaba, kinukutuban siya, naalala ang sinabi ni Brandon kagabi, na they are destined to be together. Parang iyon ang tinutukoy ng ina, ayaw niyang mag-isip muna, wala namang katiyakan kung tama ang hinala niya.
Nagtuloy na siya sa kanyang kwarto. Hinubad ang lahat ng saplot niya at nagtungo sa banyo upang mabilis na maligo. Pagkatapos tuyuin ang kanyang buhok ay ibinagsak ang hubad pa ding katawan sa malambot niyang higaan. Inaala ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila Dan sa mismong ibabaw ng kamang kanya ngayong kinalalagyan. Pilit niyang pinasaya ang sarili, inalala ang pagkasabik sa kanya ni Dan. Mainit siyang napangiti , na kay Angela ngayon si Dan, ngunit naroon naman ang mga magulang ng kaibigan. Walang mangyayari sa mga ito, sa susunod na Lunes na ulit sila magkikita ni Dan. Sa araw na iyon niya sasabihin sa binata kung kailan ulit siya nito matitikman. Mainit ang kanyang pakiramdam at nagsisimula na naman siyang mangarap ng kasama si Dan. Hinawakan niya ang kanyang pagkababae at basa na naman siya. Naiiling na lang si Christine habang mainit na nakangiti, “lagot ka sa akin Dan, ubos na naman sa akin yang tamod mo, I’m going to swallow it all again at hindi ako magtitira kay Angela”, ang buong init na sinabi ni Christine na sinabayan ng malambing niyang paghagikhik.
*****
Pasado alas-syete na ng gabi ay wala pa din si Dan sa bar, nag-aalala na si Mika na hindi maitago sa mukha ng dalaga. Panay ang tingin nito sa entrance ng bar at hindi mapakali. Napansin naman ito ni Alex kaya napilitan siyang lapitan ang kaibigan.
“Mika, wag kang ma-tense. Baka magkamali ka sa ginagawa mo ay maging dahilan pa para hindi ka makasama bukas? Alalahanin mo Mika, strikto si Mam Arcelle sa pagdating sa mga pagkakamali.” ang paalala ni Alex na ngayon ay nasa counter na at malapit na kay Mika.
“W-Wala pa kasi siya eh, dapat kanina pa siya nandito?” ang nag-aalalang si Mika.
Dahil sa nakikita ay muling nakaramdam ng inggit si Alex kay Dan, ang magandang dalagang suntok sa buwan niyang pangarap ay alam niyang pag-aari na ni Dan.
“Huwag kang mag-aalala Mika, parating na din yun. Eleven ka pa naman diba, ilang oras ka pa dito. Sa trabaho muna ang atensyon Mika.Sige ka, baka hindi ka makasama bukas kapag nagkamali ka.” ang pagpapakalma at paalala ni Alex kay Mika.
Natigilan naman si Mika, dahil tama naman si Alex. Hindi siya dapat magkamali sa kanyang ginagawa. Darating si Dan at kailangan niyang ibuhos ang atensyon sa trabaho habang naghihintay dito. Walang mabuting maidudulot sa kanya ang kabang namamahay sa kanyang dibdib. Nilingon niya si Alex at isang tipid na ngiti ang ibinigay niya dito.
“Hays, paano na lang kung wala ka dito Alex. Thanks ha.” ang sabi ni Mika.
Masayang mapait ang kanyang pakiramdam kahit nakangiti sa kanya ang dalaga. Dahil dito ay hindi napigil ni Alex ang sarili. Alam niyang walang patutunguhan ang kanyang sasabihin ngunit wala na din namang mawawala sa kanya.
“Mika…”
“Ano yun Alex?”
“Ano.. K-Kapag nawala ba ako dito… H-Hahanapin mo din ako?” ang seryosong tanong ni Alex habang nakatingin kay Mika.
Nakaramdam naman ng pagkailang si Mika, kaibigan niya si Alex at alam niyang may gusto ito sa kanya. Ngunit ayaw naman niyang sumagot ng masasaktan ang damdamin ng binata. Napilitan na lang siyang magbiro. Mahinang hinampas ang braso ni Alex at saka nagsalita.
“Saan ka naman pupunta Alex? Ikaw talaga, kung anong mga sinasabi mo?” ang nakangiting sabi na lang ni Mika, na nagnanais na mawala na ang tensyon na nasa kanila ni Alex. Ayaw ng pakiramdam niya iyon dahil kaibigan niya si Alex. Masakit din naman sa kanya na nakikitang nasasaktan ang binata dahil sa kanya.
Ngumiti na lang din si Alex, ayaw ng bigyan pa ng alalahanin si Mika. Alam naman niya ang kung sino ang nasa puso ng dalaga.
“Nagbibiro lang ako Mika, saan naman ako pupunta. Ang sarap na ng buhay ko dito. Kapag kailangan mo ako, dito mo alang makikita, naglilinis ng lamesa o nagma-mop ng sahig. Igala mo lang ang paningin mo at kahit saan ay naroon ako.” ang natatawang ng si Alex, pilit na itinatago ang lungkot na nararamdaman. Hindi niya masabi na ang tanging dahilan ng kanyang saya sa tuwing napasok siya sa trabaho ay ang magandang dalagang nasa kanya ngayong harapan. Si Mika ang inspirasyon at pag-ibig ni Alex, kahit na alam niyang karelasyon ito at kaulayaw ni Dan sa bawat gabing magkasama ang dalawa. Hindi din naman niya kayang pigilan ang sariling damdamin na hindi mahalin si Mika, sawi man siya sa pag-ibig ay hindi naman bawal na patuloy niyang mahalin at pahalagahan si Mika.
“Lumakad ka na nga dun Alex, at maglinis ka na. May mga naiwan ng table oh.” ang pagtataboy ng nakangiti pa ding si Mika. Hindi naman niya nais talagang paalisin si Alex ng maaga mula sa counter. Nakakaramdan lang talaga siya ng pagkailang dahil sa sinabi nito sa kanya. Hindi naman ito ang unang beses na nagparamdam sa kanya si Alex, ngunit matagal ng natigil ito simula ng magkalapit sila ni Dan.
“Siya, dyan ka muna Mika, yung paalala ko ha, tutok sa kaha at wag sa pinto.” ang nakangiting paalam na ni Alex.
“Ikaw ka talaga Alex, oo na po, lakad ka na nga.”ang sabi na lang ng nakangiting si Mika.
Lumakad na si Alex palayo at muling ibinaling ni Mika ang atensyon sa kanyang ginagawa, medyo nabawasan na ang kanyang pag-aalala. Ngunit hindi pa din niya maialis ang kanyang paningin sa pasukan ng tao sa bar. Naghihintay pa din siya sa pagdating ni Dan na hindi niya alam kung ngayon ay nasaan.
Isang oras pa bago umuwi si Arcelle ngunit wala nasa trabaho ang kanyang isipan. Nag-iisip ng mabuti sa kung ano bang talagang nais niyang gawin sa relasyon nila ni Dan. Nasa apartment na nila ngayon ang asawa niyang si Arman, nakapagluto na ito malamang at naghihintay sa kanyang pagdating. Ngunit siya naman ay naritong nakaupo lang at ibang lalake ang nasa kanyang isipan. Si Dan ang laman ng isipan niya ngayon, hindi niya maialis sa kanya ang mag-init sa pag-alala sa minsan nilang mapanganib na pagtatalik sa loob ng store room maging ang minsang niyang pagpapaligaya sa malaking alaga ng binata. Hindi siya safe ng may mangyari sa kanila ni Dan ganun din ng asawa niyang si Arman. Huminga siya ng malalim at muling tuksong naglaro sa kanyang isipan ang maamong mukha ni Dan at ang malaki at matigas nitong alaga na minsang dumilig sa uhaw niyang pagkababae. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa tapat ng kanyang sinapupunan. Hindi din naman niya natitiyak kung sino sa dalawa ang ama kung sakaling mabuntis siya ngayon.
Nanatili siya sa kanyang pagkakaupo habang nakasandal ang kanyang ulo sa upuan habang mainit ang kanyang pakiramdam.
“Dan.. Isa na lang, huling beses na talaga. Kailangang pagbigyan mo ulit ako.” ang mainit na nasabi ni Arcelle sa kanyang pag-iisa sa loob ng kanyang opisina. Labis siyang nasasabik kay Dan, ang pagkauhaw na akala niya ay napatid na ay lalong sumidhi dahil ngayon ay pilit na hinahanap ng kanyang katawan ang masarap nitong pagpupunla. Naawa na siya sa kanyang sarili, ayaw na ng kanyang puso at isipan ngunit gustong-gusto naman ng kanyang katawan. Gusto niyang maiyak dahil sa wala siyang magawa upang sawayin ang sarili. Uhaw at sabik na ang kanyang katawan… at ang hinahanap nito ay hindi ang mahal niyang asawang si Arman, kung hindi ang masarap na romansa at pagkalalake ni Dan.
*****
Pagkatapos kumain ni Christine ng hapuna kasabay ng kanyang mga magulang ay sinabihan siya ng mga ito na manatili muna saglit. Nakaramdam ang dalaga ng kaba lalo’t nakukutuban na niya kung ano ang pag-uusapan nila. Pagkatapos silang pagsilbihan ng maiinom ay saka nagsimula ang kanyang ina.
“Christine, how are you feeling these days?” ang nakangiting tanong sa kanya ng ina.
“I’m fine Ma, nothing change naman. Friends at school lang naman ako palagi.” ang walang ganang sagot naman ni Christine.
“Iha, how’s the thing between you and Brandon? He likes you so much and you know it. Your father and I likes him too. Umaasa kami ng papa mo na hindi na masyadong mahihirapan si Brandon ng panunuyo sayo Christine.”
Dito na lalong sumama ang timpla ng dalaga ngunit ayaw naman niyang layasan ang mga magulang na madalang din naman niyang makausap. Para bang sa mga magulang ay part siya ng isang business deal at wala siyang karapatang magpasya kung sino ang gusto niyang makasama sa buhay niya.
“We’re still at getting to know each other stage Ma, nagsisimula pa lang kaming makilala ang isa’t-isa. Ayaw kong i-rush, since we are talking about my future na kasama siya. So, just let me do it at my own pace na lang.” ang kaswal na sagot ni Christine, pilit na itinatago ang inis na nadarama.
Pagkatapos magsalita ng ina ay ang kanya ama naman ang nakipag-usap sa kanya.
“Christine, you are not a child anymore, you already knows how’s our world works. Brandon is already too good a match for you. Bakit kailangan mo pang patagalin? You can start a relationship with him even now while finishing your education. Hindi naman mahalaga ang matatapos mo dahil magpapakasal din naman kayo pagkatapos mong maka-graduate.” ang direktang sabi ng kanyang ama.
Nakaramdam ng panlalamig si Christine, dahil may kasalan ng humalo sa kanilang usapan. Hindi naman ito ang unang beses na nagkaroon siya ng potential marriage partner dahil sa ibat-ibang business deals ng kanyang ama. Pero ang mga lalakeng nakilala niya noon ay pawang hanggang pakikipagkilala at ilang beses na date lang. Ngunit ngayon ay iba na dahil may kasalan ng kasama sa usapan.
“Pa, I’m still at eighteen, hindi ba maaaring mag-focus na lang muna ako sa studies ko. Please don’t give me any pressure about my future na gusto nyo.” ang pakiusap ng dalaga, kahit alam niyang wala din naman siyang magagawa sa kung anong naisin ng mga magulang sa kanya.
“Iha, we are doing this for your future, it’s not like it’s a bad thing for you. Ang sinasabi lang namin, start a relationship with Brandon before he gets tired of waiting and his feeling gets cold. Pwede ka namang mag-aral habang may relationship kayo. Just think of it, mas makikilala nyong mabuti ang isa’t-isa kung may relationship na kayong dalawa.” ang pangungumbinsi ng kanyang ina.
Sa isip ni Christine ay wala naman siyang pakialam kung tamarin at manlamig sa kanya si Brandon, matutuwa pa siya. Mababawasan ang mga gumugulo sa relasyon nila ni Dan. Malaking alalahanin na niya ang kahati niyang kaibigan na si Angela, ayaw na niyang magkaroon ng isang Brandon na makikigulo pa.
“Ma, Pa, gaya ng sinabi nyo, I’m not a child anymore. Kaya ko nang mag decision para sa sarili ko. Brandon can wait naman, if he really loves and cares for me at all, maghihintay siya kung kailan ako ready na magkaroon kami ng relationship.” ang may diin ng sabi ni Christine, nais ipaalam sa mga magulang ang kanyang pagtutol.
“Christine, you will listen to us because we know better. Tapos na ang pakiusapan , kung hindi lang din naman kami ng mommy mo ang masusunod ay mabuti pang mabuhay ka na ng mag-isa.” ang sabi ng kanyang ama na talagang hindi maitago ang inis sa anak dahil sa maaaring pagkasira ng business relationship nito sa mga magulang ni Brandon.
Tumayo na ang kanyang ama at nauna na itong lumakad na pataas. Naiwan ang kanyang momy at hinawakan ang kanyang kamay. Hindi naman napigilan ni Christine ang luhang bumagsak mula sa kanyang mga mata at napayuko na lang siya. Hanggat naririto siya sa bahay na ito ay wala siyang kalayaang magpasya at lumigaya ayon sa nais niya.
“Iha, it’s for your own good. All of us will get what we want. Your father will strengthen his business and I will be so happy for you. And you will have a bright and wonderful future sa piling ni Brandon. That’s perfect for each of us.” ang malumanay na paliwanag ng kanyang ina.
Nagtaas siya ng panigin at tumitig sa mata ng kanyang ina.
“But it’s not what I want, I don’t love him Ma, wala akong nararamdaman para sa kanya. T-there is someone…. someone who I want to be with for the rest of my life.” ang matapat na pag-amin ni Christine sa ina.
Dahil sa narinig ay hinaplos ng kanyang ina ang kanyang alon-alon na buhok.
“Christine, love is just an illusion. It doesn’t matter at all, mas mahalaga ang kinabukasan kung saan ay nasa maayos kang kalagayan at pinagsisilbihan. Look ut us, everything is being served to us, this is the life that I want you to have.” ang paliwanag ng kanyang ina.
“Then Ma, how about Pa? Hindi mo ba siya minahal? Ipinagpalit mo ba ang love of your life dahil sa isa itong illusion? Well, I’m not like you Ma. You follow what you desire most and that’s what you got. A hollow but a fortunate life sa piling ng lalakeng hindi mo inibig kainlanman. But I will be different from you, I swear I will be happy sa piling ng nag-iisang lalakeng mahal ko.” at pinalis ni Christine ang luha sa kanyang mata at mabilis na tumayo. Ngumiti ng mapait sa kanyang ina at tumalikod na palayo, papunta sa kanyang kwarto.
Naiwan ang kanyang ina na nakatitig sa kawalan. Naalala ang panahong siya ay tapat an umibig sa isang lalakeng hindi niya kauri ng antas sa buhay. Na kanya itong iniwan para sa mas marangyang buhay sa piling ng lalakeng hindi niya mahal. Gumuhit ang luha ang sa kanyang pisngi at uminit ang kanyang pakiramdam. Ipinaalala ng kanyang puso ang pag-ibig na kanyang tinalikuran kapalit ng magandang buhay na tinatamasa niya ngayon. Sa isip niya ay naroon ang isang tanong na kung saan ka siya naging mas masaya? Sa piling na lalakeng iniibig niya o sa piling ng kanyang asawa na nagbigay ng kasaganaan na pinapangarap lang ng iba.
Sa loob naman ng kwarto ni Christine niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-iyak. Ngayon ay malaki na ang hinala niya kung ano ang mangyayari sa kanya bukas sa gabi ng pagdiriwang na pupuntahan. Umaasa pa din siya na mali ang kanyang iniisip ngunit parang pag-asa niyang iyon ay halos parang usok na lamang. Dahil kung hindi siya makakaiwas doon ay labis niya iyong ipagdadamdam. Pilit niyang kinalma ang sarili at tinuyo ang luha sa kanyang mga mata. Kahit malungkot at mabigat ang kanyang pakiramdam ay napangiti pa din siya ng maalala ang pangako sa kanya ni Dan, na hindi siya nito iiwan kailanman. Kung magkakagpitan man pagdating ng araw, itatakas siya ni Dan at magpapakalayo sila. Basta kasama niya si Dan, sapat na iyon sa kanya.
“Let’s see Brandon, kung sino sa ating dalawa ang magdurusa at masasaktan. You can put a ring in my finger but you’ll never have me. Maglaway ka at patuloy na magnasa sa katawang hindi mo kailanman matitikman. You can go to hell for all I care. Iisang lalake lang ang may karapatang magpakasawa ng husto sa aking katawan.” ang galit na sabi ni Christine.
Hindi pa niya kayang suwayin ngayon ang mga magulang. Ngunit sa sandaling kaya niya ay lalayasan niya ang bahay na ito at mamumuhay siyang kapiling si Dan. Ang kanyang hiling lamang sa sandaling iyon na sana ay sila na lang talagang dalawa ang magkasama.
*****
Magkasunod na pumarada ang kanilang mga sasakyan. At halos sabay ding lumabas mula roon ang magkaibigang sina Brandon at Lance. Kapwa malungkot ang kanilang mukha at mapait silang ngumiti sa isa’t-isa. Napansin naman ni Brandon ang ilang hindi pa naghihilom na sugat at parang pasa sa mukha ni Lance ngunit hindi na siya nagtanong pa. May ideya na naman siya kung saan at kung iyon nagmula. Magkasunod na pumasok sila sa loob ng bar at nagtungo sa kanilang paboritong lugar. Maagap silang pinagsilbihan at nagsimulang mag-usap habang naghihintay sa kanilang mga kailangan sa lamesa. Hindi naman sila maraming uminom ng kaibigan kapag nasa loob ng bar. Mas mahaba pa ang oras nila sa kwentuhan ng kung ano-ano lang kaysa sa dami ng nainom nila.
Tumingin si Lance sa mukha ni Brandon na parang nahihiya at pagkatapos ay yumuko. Pinagdikit ang dalawang kamay at ipinatong iyon sa lamesa. Saka muling malungkot na tumingin sa kabigan.
“I’m sorry Brandon… Naging napaka-stupid ko kahapon. Until now I still rsent myself for doing that to her.” nasa tinig pa din Lance ang sakit na nararamdaman ng binata sa kanyang dibdib. Magsisi man siya ay huli na, alam niyang lalong lumayo ang loob sa kanya ni Angela. At ang mas higit na nakakalungkot pa ay ang paglayo din ng loob sa kanya ng mga magulang ng dalaga.
“Well, at least alam mong isang pagkakamali ang ginawa mo kahapon. You’re still kind of lucky you know, yan lang ang inabot mo.” ang sabi ni Brandon, nasa tinig nito ang awa at lungkot sa sinapit ng kaibigan.
Napailing naman si Lance dahil sa pag-alala sa kanyang ginawang kasalanan. Kung hindi sana siya nagpadala sa simbuyo ng kanyang damdamin ay wala siyang malaking suliranin ngayon.
“I think it is safe to assumed na your situation gets worse.” si Brandon na naiiling na lang sa kaibigan, nagkamali ito ngunit hindi naman niya marapat na sisihin ng paulit-ulit si Lance.
“It’s morethan that Brandon… I’m not welcome there anymore. Nagalit pa sa akin ang mga parents ko dahil nagpunta sa bahay kanina ang daddy ni Angela. Mabuti na lang andun ang mommy ko, I don’t know what might happen to me kung walang pumigil sa daddy ko.” ang malungkot na sabi ni Lance.
Natigil sila sa pag-uusap ng dumating na ang kanilang mga inumin at bahagyang muling ipinaling palayo ni Lance ang kanyang mukha. Nang wala na ang nagsilbi ay saka sila nagpatuloy pagkatapos uminom ng kaunti.
“Lance…”
“Yes..”
“Wanna share?”
“Ang alin?”
“Kung bakit mo ginawa yun? I know you for a long time Lance, you’re really not that stupid. Sa tingin ko may nag triggered sayo kung bakit mo ginawa yun sa kanya. Sa girl of your dreams, na lagi mong ipinagmamalaki sa akin. Well, to be fair, maganda talaga si Angela, she looks like an angel Lance. But still, you are wrong. There is no excuse. You are wrong. Period.”
Malungkot namang napailing si Lance ng maalala ang maganda at maamong mukha ni Angela. Napabuntunghininga na lang si Lance at saka siya sumagot sa tanong ng kaibigan ng buong pait at lungkot.
“M-May secret boyfriend si Angela. Shit Brandon! M-May nakauna na kay Angela, she admit it to me Brandon. I-I love her so much and then.. ibinigay niya ang sarili niya sa iba. Ang sakit Brandon, even now it still hurts.” ang napasubsob na lang na si Lance si Lamesa habang umiiyak.
Napatingin sa kanila ang ilang waiter at nagsenyas si Brandon na wag silang intindihin.
Nagulat si Brandon dahil sa narinig at nakaramdam ng inggit sa kung sino man ang lalakeng nakakuha kay Angela. Katulad ng inggit na kanyang nadama ng malaman na may nakakuha na din sa mahal niyang si Christine. Ramdam niya ang pait ng kaibigan, dahil ganun din naman ang kanyang pakiramdam. Alam niyang may ibang lalakeng nagpapakasawa sa napakagandang mukha ni Christine at napakahubog nitong katawan. Habang umiiyak si Lance ay nakuyom ni Brandon ang kanyang kamay. Magkatulad sila ng kapalaran ng kaibigan, ang mga babaeng kanilang minamahal ay ibang lalake ang nagtatamasa. Ngunit sa isip ni Brandon ay hindi na din magtatagal ay magiging kanya na din si Christine. Bukas malalaman ng dalaga na nakatadhana talaga sila para sa isa’t-isa. Kailangang matapos na din ang pagnanasa niya kay Christine, sabik na sabik na siyang maramdaman ang mainit na katawan ng dalagang minamahal.
Pagkatapos mailabas ang pait sa kanyang dibdib ay kinalma na ni Lance ang sarili. Tumingin kay Brandon at mapait na ngumiti.
“Now I finally admit how stupid I am for doing that to her. Ang laki ng kapalit na kabayaran sa ginawa ko Brandon. Hindi ko alam kung paano ako makaka-move on from this. I still lover so mch.”
Inilapit ni Brandon ang inumin kay Lance, kinuha naman iyon ni Lance at buong pait na ininom.
“So, sa tingin mo, magpapatuloy ka pa ba? Or do you want to give her up? Maraming babae Lance na nagkakagusto sayo. Bakit hindi mo subukan sa iba.”
Tumingin naman si Lance sa mata ni Brandon.
“Kung ikaw ang nasa kalagayan ko Brandon, kaya mo bang gawin yan kay Christine?” ang tanong ni Lance, banaag pa din sa mga mata ng binata ang katatapos lang na pagluha.
Si Brandon naman ang natigilan, may punto ang kaibigan.
“No, I can’t give her up. Not until I saw her with man in front of an altar, only then I will finally give up.” ang malungkot namang sagot ni Brandon.
“Then you answer your own question. Hindi pa din ako susuko Brandon, dalaga pa din si Angela. Galit sila sa akin ngayon but time heals everything. I’ve still got my chances and who knows what might happen in the future.”
Muling sinalinan ni Brandon ng alak ang baso nila ni Lance. Itinaas ang sa kanya habang nakatingin kay Lance.
“To the future then” ang malungkot na sabi ni Brandon.
Nagtaas din ng baso si Lance at saka sila sabay na uminom.
“So, bukas ng gabi, hindi ka makakapunta?” ang tanong ni Brandon.
Napailing na lang si Lanace, gustuhin man niya ay ayaw niya munang magpakita sa mga magulang ni Angela, lalong-lalo na sa dalaga, bagaman walang katityakan kung makakadalo ito dahil sa ginawa niya.
“No Brandon, I really want to go, but I don’t want to ruin the evenings of some people so I’ll just stay home. May alak din naman sa bahay, dun ko na lang lulunurin ang sarili ko.” na sinabayan ni Lance ng mapaklang pagtawa.
“I feel sorry for you Lance, sayang, nais ko sanang andun ka bukas ng gabi. I want to introduce her to you, my fiance, Christine.” ang nakangiting sabi ni Brandon.
Nagulat naman si Lance, dahil ang alam niya ay hindi mabuti ang relasyon ng dalawa. Napilitan siyang ngumiti para sa kaibigan.
“Congrats Brandon. I can’t believe you finally got her.” ang bati ni Lance.
Malungkot namang napailing si Brandon na ipinagtaka ni Lance.
“Why the sad face? Diba dapat masaya ka?” ang nagtatakang si Lance.
Huminga ng malalim si Brandon. Naalala ang huli nilang pag-uusap ni Christine, at ang muli nitong pag-amin na may ibang lalakeng iniibig ang dalaga.
“She still doesn’t accept me Lance. Pero itinuloy ko pa din ang plano ng pamilya namin. I’m hoping na because of this ay magkalapit din kami, at ma-realize nyang kami ang dapat na para sa isa’t-isa.”
Malungkot silang napangiti sa kanilang mga sarili. Sinong mag-aakala na sa kanilang mataas na uri sa lipunang ginagalawan, magandang tindig at gwapong mukha ay kapwa sila nanatiling bigo sa kanilang pinapangarap na pag-ibig.
*****
Malapit ng mag-alas otso ng gabi ng magmulat ng mata si Angela. Ramdam niya sa kanyang kamay ang mainit na pagkakahawak ni Dan. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa sila napangiti sa isa’t-isa. Magaan na ang pakiramdam ni Angela, kasama niya si Dan habang nasa tahanan sila ng kanyang mga magulang.
Tumayo naman si Dan mula sa kanyang pagkakaluhod at umupo sa kama ng dalaga. Hinaplos niya ang mukha ni Angela at hinawakan naman ni Angela ang kamay ni Dan na ngayon ay nasa kanyabg pisngi.
“Musta na ang pakiramdam mo?” ang masuyong tanong ni Dan sa nakahigang kasintahan.
“I’m fine na ngayon, narito ka na Dan at nasa tabi kita now.” ang nakangiting sagot naman ng dalaga.
Nagpilit na ibinangon ni Angela ang katawan habang inaalalayan naman siya ni Dan. Niyakap niya ng buong higpit ang kasintahan habang hinahagod naman ni Dan ang kanyang likuran. Napakasarap ng pakiramdam ni Angela ng mga sandaling iyon. Wala siyang alalahanin na anuman at kasama niya si Dan.
“Did you miss me already? Kasi nagpunta ka agad sa house namin, one day pa lang naman akong absent.” ang naglalambing na tanong ni Angela habang nakatingin kay Dan.
Hinaplos naman ni Dan ang buhok ni Angela habang nakatingin din sa maganda at maamo nitong mukha.
“Na-miss talaga kita Angela, dahil nasanay akong nakikita ka palagi tuwing napasok ako sa school.” ang masuyong sabi ni Dan.
“I miss you too Dan. I miss you everyday. Kahit nagkita na tayo ay nami-miss na kaagad kita pag nasa bahay na ako.” ang buong pagsuyong pag-amin naman ng dalaga. Labis ang kanyang pananabik kay Dan sa araw-araw na nagdadaan.
Saglit na pinagmasdan ni Dan ang maganda at maamong mukha ni Angela. Lumipat ang kamay niya sa pisngi ng dalaga.
“Nag-aalala ako sayo, hindi ka pumasok at si Lance ang kasama mo kahapon. I’m sorry Angela, kung hindi kita hinayaang sumama sa kanya. Hindi sana nangyari sayo yun.” ang malungkot na sabi ni Dan, muling namuo ang luha sa kanyang mata dahil sa pag-alala sa sinapit na karanasan ni Angela habang kasama nito si Lance. Naglaro sa kanyang isipan ang nasira nitong damit at pagmamakaawa ng dalaga na sinabi sa kanya ng ina ni Angela.
Hinawakan naman ni Angela ang mukha ni Dan at saka nagpasilay ng isang ngiti habang pinapalis ang luha sa gilid ng mata ng kasintahan.
“It’s not your fault Dan, kaya wag ka ng mag-isip na ikaw ang may kasalanan. Si Lance ang may kasalanan at hindi ikaw.” ang sabi ni Angela na nagsimula na ding maluha dahil sa pag-alala sa kahapon at dahil sa nakikitang paghihirap ng kalooban ni Dan.
Niyakap ni Angela si Dan at ikunulong ang kanyang sarili sa katawan ng binata. Niyakap din naman siya ni Dan. Mahal na mahal talaga niya si Dan. Isang uri ng pagmamahal na hindi niya inakalang mararanasan niya sa buhay niyang ito, at labis siyang nagpapasalamat dahil naranasan niya ito sa piling ni Dan.
“Sanay ay naroon ako ng kailangan mo ako Angela. Wala akong kaalam-alam nasa ganun kang sitwasyon. I’m sorry Angela.” ang sabi ni Dan na ngayon ay mahigpit na nakayakap pa din sa kasintahan.
“Naroon ka Dan, hindi mo lang alam pero kasama kita that time. You never left, you’re always with me kahit saan ako magpunta. Dahil nasa puso kita Dan, at hindi ka mawawala doon kailanaman. That time Dan, hindi mo lang alam, handa na akong mawala basta wag lang akong madungisan. I want you to remember na naging sayo lang ako.” ang naluluhang sabi ni Angela. Sana ay wala ng hangganan ang pag-iibigin nilang ito at manatili silang magkasama hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay. Ito ang laman ng puso at isipan ni Angela.
Iniangat ni Dan ang mukha ni Angela, kapwa may luha pa sa kanilang mata. Buong pagsuyo niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga at saka mainit na hinalikan ang labi ni Angela. Kapwa sila nakapikit at magkahinang ang kanilang labi habang nanatiling nakayakap sila isa’t-isa.
“I love you Dan. Sayo lang ako magpakailanman.” si Angela na nakatingin sa mata ni Dan.
“I love you Angela…” ang sabi naman ni Dan, hindi nasabi ang huling sinabi ni Angela dahil naalala niya si Christine.
“Dan.. Where is the last part?” ang nagbibirong paglalambing ni Angela kahit may luha pa sa kanyang mata, alam naman niya kung bakit hindi naituloy ni Dan ang sasabihin, dahil sa kaibigan niyang si Christine.
“Itatago ko muna Angela, kapag dumating ang panahon na nakalaan para makalaya ang mga salitang iyon ay saka ko ibibigay sayo.” tapat si Dan sa kanyang sinabi, ngunit sa kanyang puso ay humiling na abutin pa sana ng napakatagal na panahon bago mangyari iyon. At kung papayagan siya ng tadhana na maging sakim sa pag-ibig ay humiling siyang huwag na sanang dumating ang araw na iyon, upang walang buhay na mawawala ng dahil sa pag-ibig.
“Maghihintay ako Dan, kahit gaano katagal. Because I love you so much.”
“Salamat Angela, I love you so much too.”
At minsan pang naghinang ang kanilang mga labi ng matagal. Pagkatapos ay naghawak sila ng kamay habang nakatukod ang kanilang noo sa isa’t-isa.
Napilitan silang naghiwalay ng makarinig sila ng mahinang pagkatok. Lalayo sana si Dan ng bahagya mula kay Angela ngunit hinawakan ng kasintahan ng mahigpit ang kanyang isang kamay. Kaya nanatili siyang katabi ng dalagang nakaupo na ngayon sa kama.
(“tok” “tok” “tok”)
Marahang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang mommy na kasama si Rosa na may dalang tray na may lamang inumin at pagkain. Napangiti si Alice ng makita ang anak na ngayon ay gising na at nakangiti din sa kanya. Napansin niya ang pagkahawak kamay ng dalawa ngunit pinabayaan na lang niya. Kaligayahan iyon ni Angela na dapat ipaubaya niya. Lumapit si Alice sa anak at hinaplos ang buhok nito.
“Are you feeling good now Angela?” ang nakangiting tanong ng kanyang ina.
“Yes Mom. Im fine na po.” ang masayang sabi naman ni Angela.
“I bring something for Dan. Hindi ko alam na gising ka na pala. Gusto mo bang magpaluto ako ng gusto mo?”
Tumingin naman si Angela kay Dan.
“Dan, sabay na tayo, let’s share this meal na lang.” ang malambing na paanyaya ni Angela kay Dan.
Tumango naman si Alice kay Dan at sinenyasan ang katulong na ilapag sa kama ang dala at magtungo na ito sa malapit sa may pinto. Napilitan ng maghiwalay ang kanilang kamay at kumain muna sila ng sabay habang masayang nakatingin lang si Alice sa dalawa. Dahil halos si Angela ang nag-aasikaso sa binata, kita niya ang pagkailang ni Dan ngunit wala ding magawa ang binata at hinayaan na lang ang kanyang anak sa nais nitong gawin.
Nang matapos ay sinabihan ni Alice si Rosa na kunin ang lagayan ng pagkain.
“Do you like it Dan? Ako ang nagprepare nun?” ang nakangiting tanong ni Alice sa binata.
Nasiyahan naman si Dan, ang malamig na pakikitungo sa kanya ng ama ni Angela ay kabaligtaran naman ng mainit na pagtanggap sa kanya ng ina nito.
“Masarap po Mam.” ang naiilang na sabi ni Dan.
“I’m happy to hear that.” ang masayang sabi naman ni Alice.
Natutuwa naman si Angela sa pagiging malapit ni Dan at ng kanyang ina. Muling hinawakan ang kamay ni Dan at ngumiti sa binata.
“See Dan, diba sabi ko sayo my Mom will accept us.” ang parang proud na sabi ni Angela.
Ngumiti na lang si Dan, wala siyang masabi kay Angela dahil kahit siya ay hindi makapaniwalang napakadali para sa ina ni Angela ng tanggapin siya. Ngunit nawala ang ngiti sa kanyang labi ng maalala ang ama ng dalaga. Pinisil niya ang kamay ni Angela at kinakabahang tumingin sa mata ng dalaga.
“A-Angela, kailangan ko munang kausapin ang daddy mo. Nais niya akong makausap at sinabi kong mag-uusap kami sa sandaling magising ka na.” naroon pa din ang kaba sa dibdib ni Dan.
Naramdaman naman ni Angela ang pag-aalala ni Dan. Dahil ganun din naman ang pag-aala niya. Nais niya itong samahan sa gagawin nitong pakikipag-usap sa kanyang ama.
“D-Dan… I’ll come with you. H-Huwag kang mag-aalala, sasamahan kita.” ang sabi ni Angela na lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Dan.
Ngumiti lang si Dan kay Angela. Hindi niya kailangan ng kasama sa pagharap sa ama nito kahit kinakabahan siya. Ngayon pa lang ay nararamdaman na niyang hindi magiging mabuti ang kanilang pag-uusap ngunit kailangan niyang harapin ang ama ng dalaga.
“Angela, kami lang ang dapat na mag-usap na dalawa. Dito ka lang at magpahinga. Pagkatapos naming mag-usap, babalik ulit ako dito para makita ka.”
Tumayo na si Dan at inilapit ang sarili sa kasintahan. Marahang hinaplos ang buhok nito at saka nagpaalam.
“Puntahan ko muna ang daddy mo Angela.”
Nag-aalala namang napatingin si Angela sa ina.
“M-Mom, can I go with him?” ang kinakabahang si Angela.
“Huwaag kang mag-alala Angela. You’re father is a reasonable man, he will not do something so rash and irresponsible.” si Alice na hinawakan sa balikat ang anak.
Tumingin si alice kay Dan.
“Dan, whatever my husband tells you, you have to be strong. He will intimidate you and show you how little or insignficant you are. At kung bakit hindi ka dapat kay Angela. Pero may tiwala ako sayo Dan, remember what you told me earlier.” ang pagbibigay lakas ng loob ni Alice sa binata, ipinaalala ang pangako nitong hindi kailanman sasaktan ang puso ng anak.
Tumango naman si Dan.
“Makakaasa po kayo.”
Muling ibinaling ni Dan ang paningin kay Angela. Yumukod sa dalaga at banayad itong hinagkan sa pisngi.
“Angela, alis muna ako, pero babalikan kita.”
“Promise me Dan na babalik ka ha.” hindi pa din maitago ni Angela ang kanyang pag-aalala.
Pinisil niya ang kamay ni Angela at isang ngiti ang ibinigay niya sa kasintahan at lumapit na siya sa may pinto. Tumingin si Alice sa nakaabang na katulong at saka nag-utos dito.
“Rosa, ihatid mo na siya sa bar.”
“Yes Mam.”
Minsan pang nilingon ni Dan ang magkatabing mag-ina. Pilit na ngumiti sa mga ito at saka siya tuluyan ng lumabas ng kwarto ng dalaga at marahang isinara ang pinto. Mabigat ang mga hakbang ni Dan, may pakiramdam siyang hindi mauuwi sa maganda ang pag-uusap nila ng ama ni Angela. Ihinatid siya sa bar ng katulong hanggang sa malapit sa ama ng dalaga. Tumingin si Anton sa dalawa at sinabihan si Rosa na iwan na silang dalawa ni Dan. Nang sila na lang dalawa ay saka nagsimula si Anton na sabihin ang nais nitong mangyari.
Nakaupo si Anton habang umiinom, nakatingin lang sa mata ni Dan. Ni hindi nagnais na paupuin man lang ang kasintahan ng anak.
“Do you drink?”
Umiling naman si Dan. Hindi naman talaga siya umiinom ng alak o naninigarilyo.
“Good. Because you won’t get any.” ang nakangising sabi ni Anton.
Nanatiling nakatayo si Dan sa harap ng umiinom na si Anton, hindi na lang pinansin o binigyan ng halaga ang huli nitong sinabi sa kanya. Nang maubos ang laman ng baso ay muling matiim na tumingin si Anton kay Dan.
“Let’s get to the point. Since alam kong nakuha mo na ang anak ko. Hindi ibig sabihin nun ay tanggap na kita para kay Angela.” ang madiin at mainit na sabi ni Anton, nais iparamdam kay Dan ang kanyang matinding pagtutol sa binata.
Inaasahan na naman iyon ni Dan ngunit nakaramdam pa din siya ng pait sa kanyang dibdib.
“Mahal ko po si Angela, kung ang nais ninyo ay iwan ko ang anak nyo ay hindi ko po magagawa.” ang matapat na sabi ni Dan habang nakatingin sa mata ni Anton.
Napangisi ulit si Anton, muling nagsalin ng alak sa baso at uminom ng kaunti.
“Mahal mo ba talaga si Angela o ang mamanahin niya ang mahal mo?” ang nang-uuyam na tanong ni Anton.
Napahigpit ang kapit ni Dan sa sakbitan ng bag na nakasabit sa kanyang balikat. Pilit na inaalala si Angela at ang mabait nitong ina.
“Mahal ko po si Angela, kung ang kanyang buhay ay katulad din po ng sa akin ay ganun pa din po ang mararamdaman ko.”
Huminga ng malalim si Anton. Kinuha mula sa katabing upuan ang isang makapal na sobre na nakaselyado. Ipinatong iyon sa lamesa, tumingin kay Dan at saka muling nagtanong.
“Alam mo ba kung magkano ang laman nito?”
Hindi sumagot si Dan, hindi naman iyon mahalaga sa kanya.
“Sapat ang halagang ito upang makatapos ka ng maalwan sa kolehiyo? And once you accept this, I’ll give you another one. Nakuha mo na si Angela, sana ay sapat na iyon sayo. Sa dahilan pa lang na iyon ay maaari na kitang gawan ng hindi maganda. But for the sake of my daughter, I’ll give you a chance to walks away quitely.”
Saglit na natigilan si Dan at saka mapait na ngumiti sa harap ni Anton. Naaala ang minsanng sinabi sa kanya ni Angela, “Dan, you’re my life and happiness, always remember that”.
“Mahal nyo po ba ang anak ninyo?” ang malumanay na tanong ni Dan.
Nagalit naman si Anton.
“Punyeta! You have no rights to ask me such question! Mahal ko ang nag-iisa kong anak kaya ko ito ginagawa. Because she is destined to be with someone who is far better from the likes of you. Sa mga katulad mong oportunista, huwag mong subukan ang pasenya ko Dan. Hindi mo ako kilala! Don’t expect na dahil sa anak ko ay hindi kita kayang gawan ng hindi maganda.” halata sa boses ni Anton ang galit na nadarama.
Huminga ng malalim si Dan, at hindi inalis ang paningin kay Anton.
“Kapag iniwan ko po si Angela, para ko na ding kinuha ang buhay niya. “
“My daughter is not that weak. Nabuhay siya ng mahabang panahon na kami ang kasama, kaya niyang magsimula ulit kahit wala ka!”
“Kung ang isang tulad ko po ay walang karapatan kay Angela. Ang mga katulad po ba ni Lance ang mga higit na karapat-dapat sa anak ninyo?”
Lalong nagalit si Anton dahil sa narinig. Nakaramdam siya ng pait sa dibdib dahil sa kunsensyang ibinigay sa kanya ni Dan. Ibinato ni Anton ang baso sa harap ni Dan at ang isang bubog na mula doon ay gumuhit sa mukha ni Dan. Kinuha ang makapal na sobre at inilagay iyon sa dibdib ni Dan habang nanlilisik ang matang nakatingin sa binata.
“You take this now and give me your word na lalayuan mo ang anak ko. Or ako ang gagawa ng paraan para hindi na kayo muling magkita pa. This is you last chance! Maging matalino ka sa sagot mo.” ang madiin at galit na sabi ni Anton.
Isang mapait na ngiti na lang ibinigay ni Dan sa kaharap.
“Mahal ko po si Angela, kaya gawin po ninyo ang nais ninyong gawin. Ang akin lang pong dasal ay huwag po sanang dumating ang araw na aalalahanin ninyo ang isang pagkakamali na labis ninyong pagsisisihan sa huli.” kasabay nito ay ang hinayaan ni Dan na muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Alam niyang nasa panganib na siya, ngunit mahal niya si Angela. Lalayo na lamang siya ngunit isasama niya si Angela.
Tinalikuran na niya si Anton at lumakad na palayo. Nakuyom naman ni Anton ang hawak nitong sobre at saka iyon buong lakas na ibinato sa likod ni Dan.
“You’ll regret this moment! I swear to you. Ikaw ang magsisisi at magmamakaawa sa akin sa huli!” ang pasigaw na sabi ni Anton.
Nang maramdaman ni Dan ang malakas na pagtama ng makapal na sobre sa kanyang likuran ay saglit lang siyang tumigil, at saka muling nagpatuloy sa paglalakad. Magaan na ang kanyang hakbang, alam niyang may balak na hindi maganda ang ama ni Angela ngunit hindi na iyon mahalaga. Papunta na siya sa kwarto ni Angela at magkikita na ulit sila.
Sa kwarto naman ni Angela ay kasama niya ang ina, kinakabahan siyang naghihintay sa pagbabalik ni Dan. Kaya ng bumukas ang pinto at pumasok si Dan ay labis na natuwa si Angela at patakbong lumapit at yumakap sa binata.
“Dan…” ang buong pagsuyong pagsambit ni Angela sa pangalan ng kasintahan.
Inilayo ang kanyang katawan upang mamasdan ang maamong mukha ni Dan. At muling nagmalibis ang luha sa kanyang mata ng makita ng gumuhit na hiwa sa mukha ng kasintahan. Dahil sa nakita ay nakaramdam ng matinding galit si Alice. Nagpupuyos ang dibdib na lumabas ito ng kwarto upang harapin ang asawa.
“D-Dan… I’m so sorry.. Dan..” si Angela habang inilapit ang kamay sa guhit na naroon at nagkulay pula ang isang daliri ng dalaga.
Napaiyak na lang si Angela, hindi niya inaasahang sa ganitong paraan tatratuhin ng kanyang ama ang nag-iisang lalakeng iniibig niya. Muli niyang niyakap ang kasintahan.
“Anong gagawin natin Dan? You need to make a decision now. Lumayo na lang tayo.” ang patuloy sa pagluha na si Angela.
Inilayo ni Dan ang katawan ni Angela sa kanya. Muling naalala ang batang puso ni Diane, naulit ang nakalipas ngunit sila na ni Angela ngayon ang nakataya.
“Nakahanda ka ba Angela, sa mahirap na buhay sa piling ako? Wala ng magsisilbi sayo at malaki ang magbabago sa buhay mo. Walang katiyakan kung makakain tayo ng maayos o maibibigay ko ang lahat ng nais at mga pangangailangan mo.” si Dan habang nakatingin sa mata ni Angela.
Tumango naman ang lumuluhang dalaga.
“I will go with you Dan, kahit saan, never akong magko-complain sa situation natin. Basta magkasama tayong dalawa…. N-Nasa langit na ako Dan.” at muling yumakap si Angela sa binata.
“I love you Angela.” si Dan.
“I love you Dan.” si Angela.
“Maghihiwalay tayong dalawa ngayong gabi Angela, ngunit sa susunod na magkita tayong dalawa ay hindi na tayo muli pang magkakalayo.” ang puno ng determinasyon na sabi ni Dan.
“Promise me Dan.” ang naluluha sa kaligayahang si Angela. Matutupad na din sa wakas ang matagal na niyang pangarap. Ang makapiling si Dan na sila lamang dalawa ang magkasama, sa malayong lugar na malaya silang dalawa.
“I promise Angela.”
Hinanap ni Angela ang mukha ni Dan at banayad na hinaplos ang labi ng binata.
“Seal it with a kiss.”
Minsan pang tumingin sila ng buong pag-ibig sa mata ng isa’t-isa. At muling naghinang ang kanilang labi na sinabayan ng pagpatak ng luha sa kanilang mga mata. Hawak nila sa kanilang puso ang pangakong magkakasama na silang dalawa. Nawa ang langit sana ay makinig sa kanilang mga hiling, upang hindi na sana sila muling lumuha pa at nakamtan na nila ang pangarap nilang dalawa. Ang maging masaya sa piling ng isa’t-isa sa malayong lugar na makakapagsimula ulit silang dalawa na magkasama.
(Ipagpapatuloy…)