Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 35 – Reckless Abandon [Updated] by: Van_TheMaster

Chapter 35

Pagkatapos ng isang mainit at matagal na paghihinang ng kanilang labi habang nakayakap sila sa isa’t-isa, ay nagpaalam na si Dan kay Angela. Kailangan na niyang umalis at pumasok sa trabaho, may sapat na pagkakataon pa naman siya. Kailangan niyang sulitin ang lahat ng maaaring pagkunan ng salapi dahil sa nalalapit nilang pag-alis ni Angela. Sa Lunes na niya kakausapin si Christine upang makapaghanda din naman ang isang dalaga.

Nakaplano na ang lahat sa isipan ni Dan, at naghahangad na ang mabuting kapalaran ay umayon sana sa kanila. Sa sandaling ito ay natutunan ni Dan, na minsan sa buhay ng tao ay dumarating ang pagpapasya, na kailangan mong pumili ng mali upang maging masaya.

Bahagya niyang inilayo sa kanyang katawan si Angela at hinawakan ang magkabila nitong pisngi habang buong pag-ibig na nakatingin sa nangingislap nitong mata.

“Angela, kailangan ko ng umalis, magkita na lang tayo sa Lunes. Huwag kang mag-alala, hindi magtatagal ay makakapiling mo na ulit ako. Makakaalis din tayo sa lugar na ito Angela, malapit na.” si Dan na hindi inalis ang tingin sa mata ni Angela.

“I trust you Dan, maghihintay ako.” ang naluluha namang sagot ni Angela, kinakabahan man ay masaya siya. Hindi na magtatagal ay magkakasama na silang dalawa.

Kumalas na si Dan mula sa pagkakayakap sa kanya ni Angela kahit ayaw pa ng kanyang katawan. Kaunting panahon na lamang naman at lalayo na silang dalawa. Ngunit nag-aalala siya kung paano tatangapin ni Angela ang tungkol sa gagawin niyang pagsama din kay Christine. Umasa na lang si Dan na sana ay maunawaan ni Angela ang sitwasyon at pumayag na kasama nila si Christine, dahil alam din naman ni Angela ang gagawin ni Christine kapag nalaman ng dalaga na umalis sila ni Angela at iniwan itong mag-isa.

“Dito ka na lang Angela, magpahinga ka na at wag ka ng mabahala pa. Gusto kong nasa maaayos kang kalagayan sa sandaling lumayo na tayo. Alam mong tiyak na hahanapin tayo ng mga magulang mo kaya sa malayong lugar tayo pupunta. Sa lugar na hindi nila mahahanap tayo magsisimula.” ang sabi ni Dan na muling hinaplos ang buhok ng lumuluhang dalaga. Alam naman ni Dan na masakit din kay Angela ang gagawin nitong palihim na pag-alis sa bahay ng mga magulang upang makasama siya.

“D-Dan, my chest hurts, nasasaktan ako now. It pains me so much na iiwan ko na ang parents ko pero gusto kong kasama na kita. “ ang matapat na pag-amin ng dalaga, patuloy sa pagpahid ng mga luhang ayaw mapatid mula sa kanyang mga mata.

Dahil sa nakikita ay muling niyakap ni Dan ang kasintahan at patuloy na hinaplos ang mahaba nitong tuwid na buhok.

“Huwag kang mag-alala Angela, babalik din tayo dito. Kapag lumipas na ang panahon ay baka sakaling matanggap na din tayo ng Daddy mo.” ang sabi ni Dan upang pakalmahin ang kasintahan.

“Promise me Dan ha, na babalik tayo ulit, it doesn’t matter naman kung kailan. Because I really love my parents too. But I love you more kaya magtitiis muna ako.” ang pakiusap ng dalaga na nakayakap ngayon kay Dan habang nakatingin sa mata ng binata.

“Promise Angela, ibabalik din kita dito kapag sa tingin ko ay dumating na ang tamang panahon. Maaaring aabutin iyon ng mga taon Angela, matagal na panahon ang kailangan natin. Kaya kung may pag-aalinlangan ka at parang ayaw mo ng ituloy ang pag-alis natin ay sabihin mo sa akin ngayon.” ang paniniyak ni Dan sa kahandaan ng kasintahan sa kanilang gagawing paglisan.

Malungkot namang ngumiti si Angela kay Dan.

“No, umalis na lang tayo, I love my parents Dan. B-But I’m more scared sa kung anong gagawin ni Daddy sayo upang maghiwalay tayo. If I lose you Dan, then wala ng meaning ang life ko. Kaya umalis na lang tayo, I-I’m ready naman sa life na ibibigay mo sa akin.” ang matapat na sagot ni Angela, dahil kahit masakit sa kanyang dibdib na iwan ang mga magulang ay mas masakit sa kanya kung may mangyayari sa pinakamamahal niyang kasintahan at kung sapilitan silang paghihiwalayin ng kanyang ama.

“Thank you Angela. Sa pagpili mong sumama sa akin sa kabila ng mga haharapin nating pagsubok at suliranin.”

Umiling naman si Angela.

“No, I thank you Dan, because you still love me sa kabila ng mga hardships na dadanasin mo dahil sa akin. That’s why as long as I’m with you, kaya kong tiisin ang lahat. I will support you in anyway na kaya ko Dan.” ang sabi ng nakangiting si Angela kahit puro luha pa din ang kanyang mga mata.

At muling naghinang ang kanilang labi bilang pamamaalam sa isa’t-isa, naroon ang hindi maitagong lungkot at ang pag-ibig nila sa isa’t-isa. Ngunit kapwa sila nakahanda ng dalawa sa anumang panananlatang ibibigay pa ng unos sa kanila.

Kumalas na si Dan kay Angela at minsan pang hinaplos ang buhok ng dalaga.

“Magpakatatag ka Angela, nasa simula pa lang tayo. Mas mabibigat pa ang dadanasin natin sa hinaharap. Ngunit magkasama tayong dalawa, yun ang mas mahalaga sa akin.”

Tumango naman ang humihikbing dalaga.

“I will be strong and ready Dan, para sayo at sa future nating dalawa, nakahanda akong tiisin ang lahat ng hirap sa piling mo.” ang nakangiting sabi ni Angela kahit banaag sa mukha ng dalaga ang hindi maitagong lungkot at pag-aalala.

Minsan pa silang nagyakap na parang ayaw ng maghiwalay pa. Isang huling banayad na halik sa labi ang ibinigay ni Dan sa kasintahan bago siya tuluyang lumabas sa kwarto ni Angela.

*****

Pagkatapos makita ang gumuhit na sugat sa mukha ni Dan ay mabilis na lumabas si Alice sa kwarto ng anak. May galit sa kanyang dibdib at kailangang harapin niya ang asawa. Hindi niya matanggap na pagkatapos ng maglakas-loob ng binata na alamin ang kalagayan ni Angela ay sa ganitong paraan susuklian ni Anton ang katapatan ng pag-ibig ni Dan kay Angela. Nasa loob na si Alice loob ng munting bar ng asawa at naglakad siyang diretso ang tingin sa mga mata ni Anton. Ngunit natigilan siya ng makita ang makapal na sobre na nasa sahig. Pinulot niya iyon at mahigpit na hinawakan sa kanyang mga kamay. Alam niyang iyon ang itinumbas ni Anton sa pag-ibig ni Dan kay Angela.

Nasa bungad pa lang ng pinto papasok sa munting bar na kinaroroonan ni Anton ay nakita na agad niya ang galit na mukha ng asawang si Alice. Nakaramdam siya ng bigat sa dibdib. Napakatagal na ng huling sandaling nag-away silang mag-asawa na iniiwasan niya palaging mangyari. Mahal niya si Alice katulad ng pagmamahal niya kay Angela. Ngunit bilang isang ama na naghahangad ng magandang bukas para sa anak ay tama lamang ang kanyang naging pasya. Wala siyang ginawang masama at mali, iniingatan lamang niya ang sarili niyang pamilya. Ito ang pinaniniwalaan ni Anton na laman ng kanyang isipan habang patuloy na umiinom ng alak.

Inantay ni Anton na makalapit ng husto ang asawa na hawak ang makapal na sobre bago siya nagsalita.

“Are you sure you want to do this? Nang dahil lang sa isang lalakeng hindi mo kilala ay mag-aaway tayong dalawa?” ang malamig na tanong ni Anton sa asawang galit na nakatingin sa kanya.

Napansin naman ni Alice ang nabasag na baso sa sahig at dito na nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Sa isip niya ay naglalaro ang mapait na sinapit ni Dan sa harap ng asawa. Patuloy na lumapit pa ng husto si Alice kay Anton na hindi inalis ang tingin sa mga mata nito. Ngayon ay nasa gilid na siya ng lamesa at ipinatong ang sobre malapit kay Anton.

“So, this kind of cruelty is your way of showing love to our only child.” ang malungkot na bungad ni Alice.

“This is not cruelty Alice at alam mo yan.” ang malamig na sagot ni Anton.

“Kailangan mo pa bang gawin ito? Ang saktang ang damdamin nilang dalawa na walang masamang ginawa kung hindi ang umibig sa isa’t-isa.” ang patuloy ni Alice.

Napangisi naman si Anton, uminom saglit ng alak at saka siya sumagot.

“Love? Nakakatiyak ba tayong si Angela lang ang minahal niya at hindi kasama ang magandang kapalaran ng anak natin?” nasa tinig ni Anton ang pang-uuyam, hindi para kay Alice kung hindi para kay Dan.

Saglit na tumigil si Alice, huminga ng malalim at saka nagpatuloy. Alam na niya noon pa ang magiging pagtutol ni Anton sa relasyon ng anak kay Dan ngunit hindi niya lubos maisip na sa ganitong pangyayari aabot ang lahat.

“You breaks her heart Anton, kung nakita mo lang sana kung paano mo sinaktan ang damdamin ng anak mo dahil sa treatment na ginawa mo sa nobyo niya.”
ang malungkot na sabi ni Alice, at tuluyan ng nalaglag ang luha ni Alice ng maalala ang pagluha ng anak habang nakayakap kay Dan.

Nais sanang yakapin ni Anton ang asawa at palisin ang luha nito sa mga mata na ayaw niyang nakikita. Ngunit pinili niyang mas maging matatag, siya ang nasa tama at wala siyang pagkakamaling ginawa.

“That man doesn’t deserves your tears Alice. To think na lumuluha ka ngayon dahil sa kanya ay nakakainsulto sa akin Alice.” ang malamig na patuloy ni Anton.

“It’s not an insult to you Anton. Because I know he loves Angela so much Anton, at ang mga luha ko ay kulang pang kapalit sa alam kong sinapit niya sayo.”
ang malungkot na patuloy ni Alice, umaasang mapaglulubag ang kalooban ng asawa.

Lalong bumigat ang dibdib ni Anton, hindi lang ang puso ng anak ang nakuha ni Dan kung hindi maging ang kalooban ng asawa.

“Open your eyes to the truth Alice! Gagamitin lang niya sa sarili niyang interes at kapakanan ang anak natin para sa madali niyang pag-angat sa buhay.” si Anton na medyo tumaas ng ang boses, hindi na niya nais ang kanyang nakikita at naririnig.

Natigilan naman si Alice hindi dahil sa nakitang galit ng asawa kung hindi dahil sa panghuhusgang ginawa nito sa kasintahan ng anak. Bumigat ang kanyang dibdib, dahil iba ang kanyang nararamdaman na ayaw niyang sabihin kay Anton.

“Paano mo nalaman Anton? Dios ka bang nakakabasa ng puso ng tao? Nang dahil ba sa kahirapan ni Dan ay isa na agad siyang manggagamit. They truly love each other Anton. Can’t you see that?” ang sumbat na mga tanong Alice sa asawa. Alam niyang sa kabila ng mga ginawa ni Anton ay naroon pa din ang puso nito para sa kanya at kay Angela.

Napahigpit ang kapit ni Anton sa basong nasa kanyang kamay. Ayaw man ay napilitang galit na tumingin sa asawa upang matapos na ang pag-uusap nilang dalawa.

“Alice, wag mong kampihan ang lalakeng iyon! Pati ba naman ikaw ay nabulag ng maamo niyang mukha. I’m doing this because of Angela, to protect her future! To protect our family!” may galit na sa tinig ni Anton at malakas na ang kanyang boses.

Ngunit hindi natinag si Alice, alang-alang sa anak, ipaglalaban niya ang kaligayahan ni Angela.

“Are you really doing this to protect the future of Angela and to protect our family? O dahil sa ayaw mo lamang mapunta sa isang katulad ni Dan ang lahat ng nasa sayo sa sandaling magpakasal sila ni Angela? Are you not ashamed of yourself Anton? Alalahanin mo sana, bago ka nalagay sa sa kinatatayuan mong pedestal ay isa kang tao Anton. Sana ay nagpakatao ka muna na siyang dapat mong dapat sanang ginawa.” ang huling sumbat ni Alice sa asawa.

Dahil sa impluwensya ng alak at mga narinig ay hindi na nakapagtimpi si Anton, tumayo siya at hinawakan sa bisig ang asawa. At saka ubod lakas na sinampal ang mukha ni Alice.

(“PAK!”)

“Huwag mo ang akong pangaralan Alice. Pinulot lang kita sa putikan. Maaari kitang ibalik dun kung gusto mo.” ang galit na sabi ni Anton habang galit na nakatingin sa ng asawa.

Muling ibinaling ni Alice ang paningin sa asawa at saka siya mapait na ngumiti. Ang luha ay hindi na nawala sa mga mata ni Alice.

“I’m sorry Anton. Nakalimutan ko kung saan ako nanggaling, isa nga lang pala akong bayarang kolehiyala bago mo ako nakilala.” ang hiniklas ni Alice ang bisig mula sa pagkakahawak ni Anton.

Natigilan naman si Anton, nakaramdam ng pait dahil sa sinabi at ginawa sa pinakamamahal niyang asawa. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang niya napagbuhatan ng kamay ang asawa. At ngayon lang din, pagkalipas ng maraming taon ng masaya nilang pagsasama ay ipinaalala niya sa asawa ang mapait nitong nakaraan. Labis na nagsisi ang kanyang kalooban ng dahil sa galit na nararamdamam ay saglit niyang naiwaglit ang sarili sa katinuan.

“Kung nais mo akong ibalik sa pinanggalingan ko Anton ay gawin mo. I am just wondering Anton, kung talaga bang tunay mo akong minahal sa nakalipas na mga taon ng pagsasama nating dalawa.” at saka muling sumilay ang isang mapait na ngiti sa labi ni Alice at ang labis na lungkot ay nasa kaanyang mukha.

Nagbago namang ang ekspresyon sa mukha ni Anton.

“Alice…” ang masuyong pagtawag ni Anton sa pangalan ng asawa at nagtangkang muling hawakan ni Anton ang asawa ngunit umiwas na ito sa kanya.

Isang malungkot na tingin ang huling ibinigay ni Alice sa asawa at mabilis siyang lumakad na palabas sa bar. Naiwan si Anton na gulong-gulo ang isipan, labis na nagalit sa binatang kasintahan ni Angela. Malakas na sinuntok ang lamesang nasa harapan at hindi ininda ang sakit na ngayon ay nasa kanyang kamay.

“Damn you Dan! Nang dahil sayo ay nadamay pati ang asawa ko.” ang galit na sabi ni Anton.

*****

Nakalabas na si Dan sa bahay nina Angela ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ng kasintahan.

“Dan…”

Tumigil siya sa paglalakad at pumihit paharap sa humahangos na dalaga. Nakangiting iniabot sa kanya ni Angela ang dalawang larawan ng tuluyan na itong nakalapit na sa harap niya.

“Take this with you.” ang masayang sabi ng dalaga.

Nakangiting kinuha naman ni Dan mula kay Angela ang dalawang larawan na nasa kamay nito. Isang larawan na kuha ni Angela na suot ang maganda nitong gown sa nakaraang debut ng dalaga, at isang larawan ng si Angela ay nag-aaral pa sa mataas na paaralan. Malinaw niyang nakikita ang dalawang larawan dahil sa munting poste ng ilaw na nagbibigay ng liwanag sa kanila.

“Salamat Angela, iingatan ko talaga ang mga ito at gagawin ko yung sinabi mo.” ang masayang sabi ni Dan habang nakatingin sa dalawang larawan.

“Dan, remember, may sinabi na ako sayo, you have to do it the way I want it ha. Para palagi mo akong naaalala, lalo na kapag mag-sleep ka na.” ang naglalambing na si Angela.

Binuksan ni Dan ang kanyang bag na nakasabit sa kanyang balikat. Kinuha ang kanyang kwadernong cattleya, at sa nasa huling bahagi na kulay asul na booklet ay inilagay ang dalawang larawan ni Angela. Ibinalik sa loob ng bag ang kanyang kwaderno at saka yumakap kay Angela na yumakap din sa kanya.

“Dan, treasure those photos of mine more compare sa picture ni Christine.” ang sabi ni Angela ng maalala ang larawan ni Christine na iniingatan din naman ni Dan. Nabawasan ang lambing sa boses ni Angela at nahaluan ng pagtatampo.

“Iingatan kong mabuti Angela, at babaunin ko sa pag-alis natin.” ang nakangiting si Dan at saka hinigpitan ang pagkakayakap kay Angela upang mawala ang nararamdamang pagtatampo sa dalaga.

Dahil sa pag-alala kay Christine ay nakaramdam ng pagkabahala si Angela.

“Dan..”

“Hm..”

“How about Christine? Remember what she said last time kapag iniwan mo siya.” ang nag-aalalang si Angela.

Ayaw pa sanang sabihin ni Dan ang balak na isama si Christine sa kanilang pag-alis ngunit wala ng magagawa pa si Dan. Dahil ang tanong ay naibigay na sa kanya ng kasintahan at kailangan niyang maging matapat.

“Kaya mo ba Angela na dalhin ang bigat ng gagawin ni Christine kapalit ng paglisan nating dalawa. Dahil nangako ako sa kanya at hindi pa siya handa Angela.” ang pagsusumamo ay nasa tinig ni Dan. Nais niyang isama si Christine, ngunit nais niyang gawin iyon ng biglaan upang hindi na makatanggi si Angela na tatlo silang magkakasama. Ngunit dahil sa tanong ng kasintahan ay wala na siyang pagpipilian kung hindi sabihin na ngayon kay Angela ang totoo.

Umiling naman si Angela, naaala ang paghihirap ng kalooban ng Christine maging ang mabigat nitong banta. Ayaw man niya ay kailangan nilang isama si Christine. Hindi sila magiging maligaya ni Dan kapag may nangyari kay Christine ng dahil sa kanila.

“Explain the situation to Christine, at kung willing pa din siya. I-Isama natin siya Dan.” ang malungkot na sabi na lang ni Angela. Tanggap na niyang may kahati pa din siya kay Dan sa kabila ng kanilang gagawing paglayo, ngunit ang mahalaga ay magkasama pa din silang dalawa. Hindi na mahalaga kung naroon man si Christine.

“Thank you Angela, hindi ko rin kayang may mangyari sa kanya dahil sa akin. Tandaan mo na lang na ikaw ang mas mahal ko.” ang masuyong sabi na lang ni Dan, alam niyang nagiging makasarili siya ngunit higit na itong mabuti kasya may lumuha at masaktan na isa sa kanilang tatlo.

Nakaramdam naman ng saya sa puso si Angela, siya pa din naman ang mas matimbang at mas mahal ni Dan.

“Dan ha, basta mas madalas na ako ang katabi mo sa pagtulog, or else, magagalit ako sayo. I already give in na isama natin siya.” ang muling naglalambing na si Angela.

Napilitan ng pumayag si Dan ngunit sa kanyang isipan ay tiyak na hindi papayag si Christine. Saka na niya bibigyan ng solusyon ang napakasarap niyang suliranin sa kama kapag nakaalis na silang tatlo.

“Okay Angela, mas madalas na ikaw ang katabi ko.” ang nakangiting sabi na lang ni Dan.

Saglit silang nagkatitigan. Nakailang halik na din si Dan sa labi ni Angela mula pa kanina at nasa labas na sila ngayon. Nag-aalangan na siya kahit sa katotohanan ay muli’t-muling niyang nais na halikan ang malambot at mapulang labi ng kasintahan ng walang kasawaan.

Napansin naman ni Angela ang alinlangan sa mukha ni Dan at isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.

“Dan, I’m going to get angry talaga kapag hindi mo ako hinalikan after mong ma-recieved ang mga pictures ko.” ang patuloy sa paglalambing na sabi ni Angela habang nakatingin sa mata ni Dan. Muling nasasabik sa halik ng kasintahan na tulad ni Dan ay wala din siyang kasawaan.

Ngumiti naman si Dan, at habang magkayakap silang dalawa ay muli na namang naghinang ang kanilang labi ng mainit at matagal. Saglit na nawala sa kanilang isipan ang mga alalahanin at pangamba nila. Kung hindi ang walang-hanggang pag-ibig nila sa isa’t-isa ang namayani sa kanilang puso at isipan ng mga sandaling iyon. Ang pagmamahalan ng dalawa ay malinaw na nakikita dahil sa liwanag na nag-iilaw sa kanila. At mula sa kalayuan malapit sa mga ilang nakaparadang sasakyan ay masaya si Mang Lando para kay Dan at Angela. Dahil kanyang nasasaksihan ang paglapit ng langit sa lupa na para bang magkapantay ang dalawa. Mula naman sa bahagyang nakabukas na pinto sa salas ay tahimik lang na nakatingin si Yaya Meding sa dalawa. Sa kanyang puso ay naroon ang takot para sa pag-iibigan ng dalawa. Dahil ang langit at lupa ay tunay na magkaiba.

Ihinatid pa ni Angela si Dan hanggang sa kanilang gate at masayang bumalik sa loob ng bahay ang dalaga. Labis ang saya na kanyang nararamdaman habang naglalakad. Ngunit ang kaligayahan ng dalaga ay mabilis na naputol ng nasa loob na siya ng kanilang bahay. Dahil nakasalubong niya ang ina na hawak ang namumula nitong pisngi. Maagap niyang nilapitan ang ina at tumigil sa tapat nito.

“M-Mom…” ang nag-aalang nasabi na lang ni Angela.

“I’m fine Angela. Come, let’s go back upstairs. Nais kong magpahinga ka muna Iha.” ang nakangiting sabi na lang ni Alice.

“B-But Mom..”

“Angela, don’t be stubborn, you have rest to regain your strength. I’ll tell Dan na ayaw mong makinig sa akin.” ang paglalambing ni Alice sa anak sa kabila ng sakit sa pisngi at pait sa dibdib na nararamdaman.

Wala na din namang nagawa si Angela kung hindi ang sumunod sa ina. Kaya pinilit niyang mahiga habang nag-uusap sila ng kanyang ina.

“I’m sorry Mom, ng dahil sa amin ay nag-away kayo ni Dad.” ang malungkot na sabi ni Angela na may pangingilid ng luha. Dahil ngayon lamang niya nakitang sinaktan ng kanyang ama ang kanyang ina.

“It’s not your fault Iha, hindi din kasalanan ni Dan. It’s just that your father is not ready yet, we have to give him some time Iha.” ang nakangiting sabi ni Alice. Naniniwala pa din siyang darating ang araw na matatanggap ni Anton ang relasyon ng anak at ng kasintahan nito.

Tumango naman si Angela at nakatingin lang mata ni Alice.

“Angela, just remember, no matter wat happens. Lagi mong pakinggan ang sinasabi ng iyong puso at wag mong pagtataksilan ang iyong nararamdaman. Because once you do that, you’ll never be truly happy. Laging naroon ang guilt at ang regrets. At ayaw kong makaramdam ka ng ganoon, ang nais ko ay maging masaya ka sa buong buhay mo Iha sa piling ng lalakeng mahal mo.” ang masuyong sabi ni Alice sa anak. Nais niyang ipaalala sa anak na huwag itong sumuko sa kabila ng lahat.

Bumangon naman si Angela mula sa kanyang pagkakahiga at yumakap sa ina.

“Thanks Mom. I’ll do that and I promise to you Mom, I’ll never betray my own heart.” ang naluluhang sabi naman ni Angela habang nakayakap sa kanyang ina.

Hinaplos-haplos naman ni Alice ang likod ng anak. Habang humiling siyang sana ay maging matatag ang pagmamahalan ni Dan at Angela at malampasan nila ang nararamdaman niyang ibibigay na pagsubok ni Anton sa dalawa.

*****

Pagkatapos ng matagal din nilang pananatili sa loob ng resto-bar ay nagpasya ng umalis ang magkaibigang si Brandon at Lance. Hindi naman marami ang kanilang naiinom sa tuwing nasa lugar na iyon. Dahil mas nais nilang mag-usap lamang ng kung ano-anong bagay kapag magkasama sila ng kaibigan. Sinenyasan ni Brandon si Alex na dalhin ang kanilang bill dahil hindi niya makita ang waiter na nagsilbi sa kanila kanina. Hindi naman nagtagal ay dala na ni Alex ang bill at ibinigay iyon kay Brandon. Naglagay si Brandon doon ng sobrang halaga at sinabihan si Alex na bigyan din ng parte ang naunang nag serve sa kanila. Tumango naman si Alex at nagpasalamat, ngunit hindi pa siya nakakatalikod ng magtanong si Brandon.

“Parang wala si Dan? Absent ba Alex?” ang kaswal na tanong ni Brandon.

“Wala pa po Sir, baka po hindi papasok. May kailangan po ba kayo sa kanya?” ang magalang na ganting tanong ni Brandon.

Umiling naman si Brandon, wala naman siya talagang nais na itanong kay Dan. Bigla lang pumasok sa isipan niya si Dan dahil sa tuksong naglaro sa kanyang alaala ang paglalarong ginawa sa kanya ni Christine.

“Nothing. Forget it Alex.” ang nasabi na lang ni Brandon.

Magalang na yumukod si Alex sa dalawa at nagpunta na ito sa counter upang dalhin kay Mika ang bill kasama ng bayad ng mga ito. Magkasunod na lumabas ang dalawang magkaibigan at lumapit sa kani-kanilang sasakyan.

Pagkababa ni Dan ng sasakyan ay mabilis siyang naglakad patungo sa resto-bar. Kahit latag na ang gabi ay malinaw niyang nakilala sina Lance at Brandon dahil sa mailaw na disenyo ng labas ng resto-bar. Muling bumalik sa kanyang ala-ala ang isinalaysay sa kanya ng Mommy ni Angela. Ang mapait na dinanas ng kanyang kasintahan sa kamay ni Lance. Ang inaakala niyang mabuting pagkatao ni Lance ay mali pala. Nag-init ang kanyang pakiramdam at napuno ng galit ang kanyang dibdib. Nakakuyom ang kanyang kamao ng lumapit kay Lance. Alam niyang dapat siyang magkaroon ng malinaw na pag-iisip upang hindi mapasok sa isang malaking gulo. Ngunit kanyang iniwan ang mga alalahanin na tulad ng maaaring pagkawala ng trabaho at ang pagdating ng asunto. Ang laman ng kanyang isipan ng sandaling iyon ay iisa lamang. Ang masidhing pagnanais na iganti si Angela dahil sa muntik ng pagkasira ng dangal ng kasintahan sa kamay ni Lance.

Natigilan naman sa pagpasok sa kanilang sasakyang ang dalawa ng mapansin ang paglapit ni Dan na tumigil sa tapat ni Lance. Nakakunot ang noo ni Lance, mabigat kanyang pakiramdam at wala siyang balak na magsayang ng oras sa mga katulad lang ni Dan. Ngunit lalong nakaramdam ng pagkainis si Lance dahil sa matiim na pagkatitig sa kanya ni Dan.

“Look here, I’m not really in a mood right now. So kung may kailangan ka ay sabihin mo na agad at wag mong sayangin ang oras ko.” ang madiin na sabi ni Lance.

Napaismid lang si Dan sa sinabi ni Lance na lalong nagpagalit sa nararamdaman nito. Si Brandon naman bagaman nagtataka ay tahimik lang na nakikinig at nakatingin sa dalawa.

“Masarap ba Lance?” ang unang tanong ni Dan.

“Masarap ang alin? Be clear sa mga sinasabi mo working student at hindi na ako talaga natutuwa.” ang inis na sabi ni Lance.

“Masarap bang saktan at pagsamantalahan ang isang babaeng mahina at walang kalaban-laban? Na labis na nagtiwala sayo upang gawan mo lang ng kasamaan, at bigyan ng takot at mapait na karanasan.” ang madiin na tanong at sabi ni Dan, pigil ang damdamin habang galit na nakatingin sa mata ni Lance.

Dahil sa narinig ay kapwa natigilan ang magkaibigan. Kapwa nagtataka kung paanong ang isang tulad ni Dan ay nalaman ang tungkol sa pangyayaring iyon.

“How do you know that? Sinong gago ang nagsabi sayo?” ang galit na magkasunod na tanong ni Lance kay Dan. Labis siyang naguguluhan kung paano nakarating kay Dan ang pangyayaring iilang tao lamang ang nakakaalam.

“Narito ako Lance, ako ang harapin mo. Hindi yung mangdadahas ka ng babaeng hindi ka gusto.” ang madiin na muling sabi ni Dan.

Dahil sa mga narinig ay lalong nag-alab sa galit ang damdamin ni Lance. Dahil naaalala ang ginawa niya kay Angela na pilit niyang inaalis sa kanyang isipan.

“What the hell are you talking about? Bakit ikaw ang haharapin ko? Sino ka ba sa buhay ni…” hindi na naituloy na ni Lance ang sasabihin. Unti-unting maayos na rumehistro sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Dan. At bumalik sa kanyang alaala ang ikalawang beses nilang pagkikitang dalawa, sa loob ng pamantasan habang kasama niya si Angela.

Ngayon ay matiim din na nakatingin si Lance kay Dan. Ayaw tanggapin ng kanyang puso at isipan ang katotohanang malapit ng sumampal sa kanyang mukha.

“Ikaw ba ang secret boyfriend ni Angela? Ikaw na isang waiter lang?” ang mainit na tanong ni Lance habang nakatingin sa mata ni Dan.

Dahil sa narinig na tanong ni Lance ay naliwanagan si Brandon sa mga tanong at sinabi ni Dan ngunit ayaw pa niyang tanggapin ang realidad na iyon.

“Bakit Lance? Masakit at mahirap bang tanggapin, na sa kabila ng mga katangian mo ay ako ang nagmamay-ari sa puso ng dalagang mananatiling pangarap na lamang sayo.” ang madiin na sabi din ni Dan, nais na sugatan ng malaki ang puso ni Lance na nagbigay ng mapait na karanasan sa kanyang kasintahan.

At tuluyan ng naging mabigat ang damdamin ng dalawang magkaibigan. Ngunit mas higit kay Lance dahil iniibig niya si Angela, kapwa hindi makapaniwala ang magkaibigan na ang binatang nasa kanila ngayong harapan ang nobyo ni Angela. Ngunit ang mga sinabi ni Dan ay sapat ng batayan upang ito ay maging katotohanan. Dahil sa lalake lamang ay nakaramdam ng inggit si Brandon kay Dan sa isiping ito ang lalakeng nagmamay-ari sa magandang dalaga na may napakaamong mukha. Lalo na ang isipin na nakuha na ni Dan ang babaeng pangarap ni Lance. Si Lance naman ay napuno din ng galit sa dibdib dahil sa nalaman. Hindi niya kayang tanggapin na siya, na mas higit ang katangian sa lahat ng aspeto kung ikukumpara kay Dan ay nabigo sa puso ni Angela dahil lamang kay Dan. At masakit mang alalahanin ay muling bumalik sa kanyang isipan ang ginawang pag-amin ni Angela na ang katawan ng dalaga ay naibigay na nito sa binatang nasa kanya ngayong harapan.

Dahil dito ay si Lance ang hindi nakapagpigil dahil sa kanyang nasaktang pride bilang lalake. Mabilis niyang sinugod si Dan at inundayan ito ng mga bara-barang suntok na naiwasan naman ni Dan. At ng si Dan naman ang nakakuha ng pagkakataon ay ilang mabibilis na pagbigwas din ang kanyang ibinigay kay Lance. Isa ang dumaplis ngunit dalawa ang tumama. Nais sanang makialam ni Brandon ngunit pinabayaan na lang ang dalawa. Sa isip niya ay mabuting mailabas ng dalawa ang kinikimkim nilang galit sa isa’t-isa. Maaari naman niyang tulungan si Lance ngunit ayaw ng kanyang pagkatao. Laban ito ni Lance na kailangan nitong harapin ng nag-iisa.

Ngayon ay nagpambuno na ang dalawa at ilang ulit na ding nagpalitan ng suntok sa isa’t-isa. May munting putok sa gilid ng labi ni Dan ngunit mas lalong namula ang mukha ni Lance. Nang nakakuha ng tyempo ay isang malakas na sipa ang naibigay ni Dan kay Lance na ikinatumba nito. Mabilis siyang umibabaw sa tyan ni Lance at buong lakas at buong galit na inilabas ang poot na nasa kanyang dibdib. Sa bawat kanyang suntok ay nasa kanyang isipan ang nagmamakaawa niyang kasintahan na labis ang takot na nararamdaman.

“Ano Lance? Masarap ba? Ha! Anong pakiramdam ngayon?” ang galit na sigaw ni Dan, dahil sa matinding poot na kanyang nararamdaman. Hindi na alintana ang mga maaaring maging suliranin dahil sa kanyang ginawa.

Dahil sa nakikitang kalagayan ni Lance na halos wala ng magawa kung hindi salagin at tanggapin ang bawat mararahas na pagbigwas ni Dan ay mabilis na lumapit si Brandon upang awatin na si Dan. Pilit niyang inilayo ang binata sa katawan ng kaibigan na halos nakalugmok na. Hindi naman nagtagal ay lumabas ang guwardiya dahil sa naririnig na parang may nag-aaway. Nang makilala ang mga espesyal an customer at si Dan ay mabilis itong lumapit upang makiaawat din sa dalawa. May poot pa din sa kaooban si Dan ngunit kumalma na siya at kusang dumistansya sa nakalugmok na si Lance na ngayon ay nagpipilit na ibangon ang sarili. Tinulungan naman ni Lance ang kaibigan at inalalayan itong tumayo. Ngayon ay nakita ni Brandon na lalong dumami ang sugat si mukha ni Lance at mas lalong namula ag mukha ng kaibigan. Nag radyo naman ang gwardiya sa isang kasama nito sa loob upang ipaalam ang pangyayari sa opisina ni Arcelle.

Natigil si Arcelle sa kanyang pag-iisip ng makarinig siya ng mabibilis na mga katok sa pinto. Iginawi niya doon ang paningin at sinenyasan ang gwardiya na pumasok sa loob. Sinabi ng gwardiya ang nangyari sa labas at mabilis na tumayo si Arcelle upang puntahan si Dan. Ang binatang kanina pa laman ng kanyang isipan. Mabilis ang lakad ni Arcelle habang nauuna ang gwardiya. Nang makita ni Arcelle si Alex ay sinabihan niya itong sumunod sa kanya dahil wala ang supervisor ng sandaling iyon.

Mainit pa ding nakatingin sa isa’t-isa sina Dan at Lance. Nabawasan ang bigat sa dibdib ni Dan dahil sa nakita niyang itsura at ayos ni Lance. Naiganti niya kahit papano ang minamahal na kasintahan. Si Lance naman ay patuloy na nagpupuyos ang kalooban dahil sa pagkadaig sa naganap na labanan kahit na mas mataas siya kay Dan. Ngunit ang mas higit na ikinagagalit ng kanyang damdamin ay ang hindi pa din matanggap na katotohanan na ang isang tulad lang ni Dan, ang siyang nagpapapasa sa lahat ng na kay Angela. Magmula sa maganda at maamo nitong mukha, sa mapupulang labi, sa mayaman nitong dibdib at mahubog na katawan ay pag-aari lahat ni Dan.

Ngayon ay nasa labas na si Arcelle at nakalapit na sa kanila. Ang gwardiya ay nasa pagitan nina Dan at Lance na ngayon ay magkalayo na. Nilapitan naman ni Alex si Dan at hindi makapaniwalang nakipagbuno ito sa isa sa kanilang galanteng customer. Si Brandon naman ay nasa tabi ni Lance at pilit na pinapakalma ang kaibigan, ngunit ramdam niya ang pait na nasa dibdib nito. Hindi madaling tanggapin ang nalaman nitong katotohanan, dahil ganun din naman ang kanyang naramdaman.

Unang nilapitan ni Arcelle sina Lance at Brandon at inalam ang kalagayan ng mga ito.

“Sirs, are you both okay? May kailangan ba kayong assistance na maipo-provide namin?” ang magkasunod na tanong ni Arcelle sa dalawa ngunit kay Lance ito nakatingin dahil sa sugatan at labis na namumula nitong mukha. Dahil sa nakita ay nakaramdam ng kaba si Arcelle para kay Dan, paano na lang kapag nagnais ang mga ito na tumawag pa ng pulis.

Nanatiling tahimik si Lance ngunit umiling ng tumingin sa kanya si Brandon.

“We’re fine Mam, we can handle ourselves, hindi na namin kailangan ng anuman.” ang kaswal na sagot ni Brandon. Dahil ang mga ilang sugat at pamumula ng mukha ni Lance ay hindi naman lahat galing kay Dan, at parang ayaw din ni Lance na palakihin ang gulo. Ang ginawang iyon ni Lance ay nauunawaan naman ni Brandon dahil lalake din naman siya.

Nabawasan ang pag-aalala ni Arcelle dahil sa narinig at saka siya nagpatuloy.

“Now, can you please explain to me Sirs kung anong nangyari dito?” ang sunod na tanong ni Arcelle, compose na ang kanyang sarili dahil nabawasan ang alalahanin niya.

Huminga ng malalim si Lance at saglit na nag-isip ng malalim saka siya sumagot.

“It’s just a misunderstanding between me and him. There is nothing more for me to explain, wag na nating palakahin ito.” ang malamig na paliwanag ni Lance habang nakatingin pa din kay Dan. Kung nais niyang sundin ang silakbo ng damdamin ay ang hangad talaga niya ay bigyan ng malaking problema si Dan. Ang ipatanggal ito sa trabaho at magsampa ng kaso. Ngunit ng naaalala niya ang ginawa niya kay Angela na naging ugat ng pangyayaring ito ay nagbago siya ng pasya. Ayaw niyang lalong pababain ang kanyang sarili at pagkalalake ng dahil kay Dan. Idagdag pang tiyak na panibagong pagkamuhi ang aabutin niya kay Angela kapag nalaman ng dalaga ang ginawa niya.

Bagaman hindi kumbinsido sa sinabi ni Lance ay nakaramdam pa din ng gaan sa dibdib si Arcelle. Walang asunto o anumang nais ang dalawa kung hindi ang matapos agad ang sigalot na namagitan kay Dan at Lance.

Natapos ang lahat sa saglit na paalamanan at paghingi ng paumanhin ni Arcelle sa dalawang magkaibigan. Minsan pang tiningnan ni Lance si Dan na nakatingin pa din sa kanya. Pagkaalis ng mga sasakyan nina Lance at Brandon ay sinabihan ni Arcelle ang gwardiya ng wag kalimutang i-log ang insidente at wag ding ipagsasabi ang ngyari. Pagkatapos ay pinalapit ni Arcelle si Alex sa kanya upang malayo ito kay Dan. Ayaw niyang marinig ni Dan ang sasabihin niya kay Alex.

“Alex, hindi birong problema ang nangyari. Kailangan kong gawan ito ng report kung bakit ang isang staff ay nagkaroon ng serious incident sa dalawang special patrons ng bar. Si Dan lang ang kailangan kong kausapin sa office.”

Tumango naman si Alex na ngayon ay nag-aalala na baka matanggal sa trabaho si Dan.

“Yes Mam.”

“Remind everyone na wag akong abalahin at wag mo ding ipapagsabi ang tungkol sa ngyari dito. Naiintindihan mo Alex?” ang madiin na paalala ni Arcelle kay Alex.

“Yes Mam, nauunawaan ko po.”

“Go ahead, mauna ka na sa loob.” ang utos ni Arcelle sa kaharap na staff.

Saglit pang tiningnan ni Alex si Dan na nakatingin lang sa kanila at saka ito nagtuloy na sa loob ng bar. Nang wala na si Alex ay saka nilapitan ni Arcelle si Dan. Pinagmasdan ang maamong mukha ng binata na may bahagyang dugo sa gilid ng labi nito. Si Dan naman ay nakatingin lang din kay Arcelle, hindi niya alam ang kahihinatnan ng kanyang ginawa.

“Come Dan, sa office ko tayo mag-usap.” ang malumanay na sabi ni Arcelle.

Nauna na siyang naglakad at tahimik namang sumunod si Dan. Diretso ang tingin ni Dan habang naglalakad, ni hindi napansin ang ngiti ni Mika sa kanya mula sa counter ng dalaga.

Pagkatapos makalampas ni Dan sa kanya ng hindi man lang siya tiningnan ay nakaramdam ng labis na lungkot si Mika. Alam niyang may ibang dahilan kung bakit ganito ngayon si Dan. Idagdag pang halos napansin ng lahat ng staff na magkasunod na lumabas ang kanilang manager at isang gwardiya na nasa loob. May nangyari sa labas na hindi nila alam ngunit may nalalaman si Alex dahil kasama itong lumabas ng kanilang manager. Kailangang makausap niya si Alex upang malaman ang ngyari.

Binuksan ni Arcelle ang pinto ng kanyang opisina ngunit hindi siya pumasok sa loob. Kaya nauna ng pumasok si Dan at saka isinara ni Arcelle ang pinto at nanatili siyang nasa labas. Gumawi siya sa kinaroroonan ng medicine kit at kinuha iyon. Saka siya nagtungo sa loob ng kanyang opisina. Pagkapasok sa loob ay naabutan niyang tahimik na nakaupo sa sofa ang binata na parang nag-iisip ng malalim.

Saglit siyang tumingin muna sa labas at saka isinara ang blinds ng salamin at ini-lock ang pinto. Tumabi siya ng upo sa binata, binuksan ang medicine kit na dala at saka banayad na hinawakan ang mukha ni Dan paharap sa kanya.

Bahagya namang nagulat si Dan ng maramdaman ang paglapat ng kamay ni Arcelle sa kanyang mukha. Ngayon ay magkaharap na silang dalawa at nakaramdam ng pagkailang si Dan.

“M-Mam Arcelle…”

“Don’t move..”

At kinuha ni Arcelle ang isang piraso ng bulak at nilagyan iyon ng kaunting alcohol. At saka banayad na idinampi sa gilid ng labi ni Dan. Napangiwi naman ang binata dahil sa hapdi na kanyang naramdaman.

“Ah.. M-Masakit…”

“Anong inaasahan mo? Masarap?” ang nagbibirong tanong ni Arcelle.

Natigilan naman si Dan, malambing ngayon sa kanya si Arcelle at lalong nagbigay iyon sa kanya ng kaba. Ang inaasahan niya ay papagalitan siya nito at mag-uusisa kung ano ang ngyari sa labas.

Napansin naman ni Arcelle ang nag-aalalang tingin sa kanya ni Dan.

“Don’t wory, wala akong balak na tanungin ka kung ayaw mong magsabi. Just stay here, with me, okay?” si Arcelle na nakatingin ngayon ng malagkit sa mata ni Dan. Inalis na niya ang medicine kit na nasa sofa at hinawakan ang kamay ni Dan at pinisil iyon.

Dahil sa ginawa ni Arcelle ay lalong nakaradam ng pagkailang si Dan, pagkailang na may kasamang pag-iinit ng kanyang pakiramdam na nais niyang pigilan upang hindi na muling matupok ng apoy ang kanyang katawan.

“Dan.. I miss you..” ang nanabik na sabi ni Arcelle habang mainit na nakatingin sa mata ni Dan, nanatiling hawak ang kamay ng binata.

Hindi naman makasagot si Dan, sa dami ng ngyari ngayong araw sa kanya ay hindi na dapat siya makaramdam ng init ng laman. Ngunit narito siya ngayon na kasama ni Arcelle at binubuhay ang init sa kanyang katawan.

“Hindi mo ba ako nami-miss Dan?” ang nang-aakit na tanong ni Arcelle habang inaalis ang mga butones ng suot nitong blazer.

“M-Mam…”

“Arcelle ang itawag mo sa akin…” ang malambing na pakiusap ni Arcelle at tuluyan na nitong nahubad ang suot nitong blazer.

Lalong nag-init ang pakirmadam ni Dan dahil naka-kamison at skirt na lang ngayon sa kanyang harapan si Arcelle. Ayaw na niyang magkasala pa at muli namang maging dahilan ng pagtataksil ni Arcelle sa asawa nito.

Akma sana siyang tatayo ngunit maagap na ihiniga siya ni Arcelle sa sofa. Ngayon ay nakatukod ang magkabilang bisig ni Arcelle malapit sa balikat at ulo ni Dan.

“Arcelle…” ang mainit na sambit ni Dan sa babaeng nasa ibabaw niya ngayon. Kahit ayaw ni Dan ay mas nanaig ang init kaysa sa kanyang isipan.

Dahil sa narinig ay lalong nag-alab ang pakiramdam ni Arcelle. Kaysarap talagang pakinggan kapag lumalabas sa labi ni Dan ang kanyang pangalan.

“Dan.. Isa na lang.. Huli na talaga.. Pagbigyan mo ulit ang pananabik ko sayo…” ang pakiusap ni Arcelle, ang labis na pagkauhaw sa binata ay kitang-kita sa magandang mukha nito.

“Arcelle… Hindi ka ba natatakot na ako ang makabuntis sayo?”
ang nag-aalalang paaala ni Dan kay Arcelle.

“May asawa ako Dan, walang katiyakan kung ikaw ang ama kung sakaling mabubuntis ako. Kahit na anong mangyari, wala kang dapat na ipag-aalala. Ikaw man ang ama o hindi, may asawa akong aako ng responsibilidad.” ang wala na sariling katwiran ni Arcelle dahil sa matinding pagnanasa, init at libog na kanyang nararamdaman. Hindi siya papayag na lalabas sila ni Dan sa opisina niya ng hindi niya muling nararamdaman ang init ng kanilang pagiging iisang laman.

Ngayon ay nakaramdam ng pagkalito si Dan, nais na niyang matigil ito upang huwag ng masundan ang minsan nilang pagkakamali. Iniangat niya ang kanyang likod ngunit itinukod ni Arcelle ang dalawang kamay sa dibdib ni Dan. Nang muling lumapat ang likod ni Dan sa sofa ay mabilis na hinubad ni Arcelle ang suot nitong kamison at saka isinunod ang kanyang bra. Ngayon ay muling nalantad sa harapan ni Dan ang malusog na dibdib ni Arcelle na lalong nagpa-init sa kanyang katawan.

Muling itinukod ni Arcelle ang magkabilang kamay sa gilid ng ulonan na ni Dan, at ngayon ay nakalapat na ang kanyang malusog na dibdib sa katawan ng binata na alam niyang nag-init na din.

“Arcelle… Wala akong bukas na maipapangako sayo…” ang sabi ni Dan, ang katinuan ay unti-unti ng tumatakas sa kanya.

“Tanggap ko Dan… Pawiin mo lang ang uhaw at pananabik ko sayo…” ang matapat na sabi ni Arcelle. Hindi naman niya kailangan ang pag-ibig ini Dan. Ang kailangan lang niya ang katawan ng binata. Dahil mahal niya ang asawa niyang si Arman sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng makasalanang katawan.

At muling naghinang ang kanilang labi ng mainit at matagal. Pilit ng pinapawi ang pagkauhaw nila sa isa’t-isa, ngunit mas higit kay Arcelle dahil sa kanyang matinding pagnanasa kay Dan. Sa isip ni Dan ay hahayaan na niyang muli silang lumusong sa apoy ng kataksilan ni Arcelle. Ito na naman ang huli dahil sa nalalapit na mga araw ay lilisanin na din naman niya ang lugar na ito upang lumayong kasama ang dalawang dalagang iniibig niya. Ito na ang huling pagbibigay niya ng kaligayahan kay Arcelle.

Mabilis na hinubad ni Dan ang kanyang damit na naging dahilan upang mapatid ang paghihinang ng kanilang labi. Mainit namang nakatingin si Arcelle sa pagmamadali ni Dan. Isinunod ni Dan ang butones ng kanyang pantalon at inilabas ang kanyang galit na galit na malaking alaga na lalong nagpauhaw kay Arcelle. Inilayo ni Dan si Arcelle sa kanya at umupo ng maayos si Dan.

“Alam mo na Arcelle ang gusto kong gawin mo diba?” ang tanong ni Dan habang nakatingin kay Arcelle.

Nakangiti namang lumuhod si Arcelle at saka malanding tumingin kay Dan.

“I know, dahil ako ang dahilan kung bakit galit na galit na siya ngayon.”

At nagsimulang dilaan ni Arcelle ang ulo ng pagkalalake ni Dan. Pilit na ikinakalat ang mga dagta na patuloy na lumalabas dito upang pakintabin ng husto ang pagkalalake ng binata. Napaungol na lang ng masarap si Dan habang hawak ang buhok ni Arcelle. Lalong naging masarap ang pakiramdam ni Dan ng nagsimula na si Arcelle na isubo ang pagkalalake ng binata.

“Ahh… Ahhh.. Arcelle.. ang sarap…”

Lalo namang ginanahan si Arcelle sa kanyang ginagawa at ngayon ay sinabayan na niya ng pagsipsip ang kanyang ginagawang pagsubo.

(“sluurp””sluurp””sluurp”)

Labis ang sarap na nararamdaman ni Dan at nais sana niyang muling ipalunok kay Arcelle ang kanyang tamod ngunit kailangan nilang magmadali. Pinatigil na niya si Arcelle sa ginagawa nito at mabilis niyang itinayo. Hinalikan ng mainit ang labi ni Arcelle habang nakayakap ang isa niyang kamay sa likod nito at nilalamas naman ng isa niyang kamay ang malusog nitong dibdib.

Pagkatapos magawa ng gusto sa labi at dibdib ni Arcelle ay mabilis na lumuhod si Dan sa harapan ni Arcelle. Hinubad ang skirt ni Arcelle at saka mabilis ding hinila pababa ang basa ng panty ni Arcelle. Dahil sa muling nasilayan ang itinatagong kayamanan ni Arcelle ay hindi niya napigil ang sarili. Muli siyang tumayo at si Arcelle naman ang kanyang pinaupo sa sofa. Itinaas ang magkabilang hita nito at saka iyong ibinuka ng maluwang. Pagkatapos ay saka niya kinain ng buong sarap ang pagkababae ni Arcelle.

“Ohhh… Dannn..”

Ang mga impit na daing ni Arcelle ay tuluyan ng tumakas sa kanyang labi. Matagal ding pinasarap ni Dan ang sarili at si Arcelle dahil sa kanyang patuloy na pagkain sa pagkababae nito. Nang magsawa na siya doon ay inayos na niya ng pagkakahiga ni Arcelle sa sofa. Ipinatong ang kanyang katawan at saka itinutok ang kanyang pagkalalake sa basang lagusan ni Arcelle.

“Arcelle.. Tandaan mo, ikaw ang may dahilan nito..” ang muling paalala ni Dan.

Tumango naman si Arcelle.

“Ibaon mo na Dan.. Please…” ang pakiusap ng nanabik na si Arcelle.

At dahan-dahang bumaon ang kanyang malaking pagkalalake sa buong katambukan ng pagkababae ni Arcelle. At kasabay ng tuluyang pagsagad niyon sa kanyang lagusan at paghalik ng ulo ng pagkalalake ni Dan sa pintuan ng kanyang bahay bata ay nangilid ang luha sa mata ni Arcelle. Napakasarap ng kanyang pakiramdam ngunit may pait naman sa kanyang puso. Ang sarap palang magtaksil ngunit may kasama itong pait dahil sa mahal niya ang asawa niyang si Arman.

Pagkatapos maisagad ang kanyang pagkalalake ay niyakap ni Dan si Arcelle. Tumingin sa maganda nitong mukha, nakita niya ang butil ng luha sa nakapikit nitong mata.

“Arcelle… Nagsisisi ka ba?”

Nagmulat ng mata si Arcelle at ngumiti kay Dan.

“Paligayahin mo na ako Dan… Muli mong iparanas sa akin ang sarap na hindi ko pagsisisihan.”

Dahil sa narinig ay nagsimula ng bumayo si Dan habang magkahinang ang kanilang labi. Buong sarap nilang nilasap ang kanilang muling pagtatampisaw sa kasalanan.

Sa loob naman ng apartment ay kanina pa naiinip si Arman. Tatlumpung minuto ng huli si Arcelle at nakaluto na din siya. Nasasabik na siyang muling makapiling ang asawa. Simula ng magkaayos sila ay mas lalo niyang naramdaman ang pagmamahal niya kay Arcelle. At ipinangako niya sa sarli na hindi niya ito muli pang sasaktan. Ang kanilang bagong simula ay pupunuin niya ng mga masasayang alaala at pagmamahalan nilang dalawa.

Maingay na at mabilis ang bawat pagbayo ni Dan sa pagkababae ni Arcelle. Kapwa sila lunod na sa matinding sarap ng kanilang muling pagtatalik.

(“plak!””plak!””plak!”)

“Ohh… D-Dan… B-Bilisan mo pa… M-Malapit na ako…”

Dahil sa nalalapit nang orgasmo ni Arcelle ay lalong humigpit ang pagkayakap niya kay Dan. Alam niyang hindi siya bibiguin ni Dan at kanyang ihinanda ang sarili sa kanyang muli na namang paglalakbay sa ilang langit sa laman. At lalo pang binilisan ni Dan ang kanyang ginagawang pagbayo at ilang sandali lang ay naramdaman niya ang pagbaon ng mga kuko ni Arcelle sa kanyang likuran kasabay ng isang masarap na pag-ungol na sinundan pa mga ilang ulit na pagdaing.

“Ohhnnmmp…”

“Ohh… Ohh…”

Ilang ulit narating na ni Arcelle ang langit na kanyang inaasam habang patuloy pa din si Dan sa masasarap na pagbayo. Halos mamuti na ang mata ni Arcelle at malapit na siyang mabaliw dahil sa matinding sarap na umaalipin ngayon sa kanyang katawan. Hindi din naman nagtagal ay si Dan naman ang nagpakawala ng kanyang masarap na pagdaing.

“Aaagghh…”

At kasabay nito ang muli na naman niyang pagpupunla ng mainit niyang tamod sa sinapupunan ni Arcelle. Ito na ang huling mangyayari ito ang sinabi ni Dan sa kanyang sarili. Pagkatapos nilang umalis nina Angela at Christine ay hindi na siya muling makikipagkita pa kay Arcelle.

“Nasarapan ka ba ng husto Arcelle? Napaligaya ba kita ng sapat upang hindi ka makaramdam ng pagsisisi?” ang banayad na tanong ni Dan habang hinahaplos ang mukha ni Arcelle.

Tumango naman si Arcelle at saka muli na namang lumuha habang nakatingin sa maamong mukha ni Dan. Siya naman ngayon ang humaplos sa mukha ng binata.

“Masarap Dan, isang walang pagisising kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon.” ang mapait na pag-amin ni Arcelle. Tanggap ang katotohanan na mas naliligayahan ang kanyang katawan kapag si Dan ang kanyang kaulayaw sa pagtatalik. Alam niyang bawal at mali ang kanyang ginagawang pagtukso at pagpapaubaya ng kanyang katawan kay Dan. Ngunit ito na talaga ang huli ang ipinangako niya sa kanyang sarili.

Muling naghinang ang kanilang labi ng matagal habang nanatili silang nakayakap sa isa’t-isa. Pagkatapos ay saka hinugot na ni Dan ang kanyang bahagyang lumambot na alaga sa lagusan ni Arcelle na sinabayan ng pagtagas ng mainit na likido na tumulo sa sofa. Kumuha si Dan ng tissue mula sa lamesa at nilinis ang kanyang pagkalalake at saka mabilis na nagbihis ng damit at inayos ang sarili. Nanlalambot pa din dahil sa pagod at sarap si Arcelle ngunit nagpumilit na din siyang tumayo habang inaalalayan siya ni Dan. Nang ganap na siyang nakatayo ay naramdaman niya ang mainit na pagguhit ng likido sa kanyang magkabilang hita. Iniaabot ni Dan ang tissue kay Arcelle upang linisin naman nito ang sarili. Nagsimula naman si Dan na isa-isang pulutin ang damit na nagkalat sa sahig at iniaabot iyon kay Arcelle. Mabilis na nagbihis si Arcelle at saka inayos ng mabuti ang sarili. Tinuyo ang ilang pawis sa kanyang mukha at leeg at saka lumapit kay Dan.

“Dan.. Salamat..” ang saka kinabig ni Arcelle ang batok ni Dan upang muling paghinangin ang kanilang labi.

Nang matapos ay minsan pang yumakap sa kanya si Arcelle ng mahigpit. Pagkatapos ay kumalas na si Arcelle sa kanya, kinuha ang gamit nito at mabilis lumabas at naiwan siyang mag-isa sa loob ng opisina. Ngayong natapos na ang init ay muli namang nakaramdam ng guilt si Dan sa kanyang sarili. Dahil hindi niya napigilan ang sarili sa tuksong ihinain sa kanya ni Arcelle.

Hinabol niya ng tanaw ang papalayong si Arcelle at ng wala na ito sa kanyang paningin ay saka siya lumabas ng opisina. Nagtungo na siya sa bar upang magtrabaho. Sa isip ni Day ay umasa siyang hindi sana niya mabuntis si Arcelle, dahil iyon ay karapatan ng asawa ni Arcelle at hindi sa kanya.

*****

Habang nagmamaneho ng sasakyan ay mabigat ang loob ni Arcelle. Masarap ang kanyang pakiramdam ngunit mapait ang nasa kanyang dibdib. Muli siyang nagtaksil sa asawa at lumusong sa apoy ng kasalanan. Nang nasa harap na siya ng kanilang apartment ay kinalma niya ang sarili at muli siyang nag-ayos. Pumasok na siya sa loob at sinalubong ng nag-aalalang si Arman.

“Hon, bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay sayo.”

Yumakap naman si Arcelle sa asawa at saka humalik sa pisngi nito.

“I’m sorry Hon, may ngyari kasing insidente sa bar kaya hindi agad ako nakauwi.” ang dahilan na lang ni Arcelle.

Ngumiti na lang si Arman sa asawa, nauunawaan naman niya ito. Ang mahalaga ay narito na ngayon ang asawa sa piling niya.

“Kumain ka na ba?”

Nakangiti namang umiling si Arcelle.

“No. Dahil alam kong nagluto ka kaya nagtiis talaga akong hindi kumain.” ang buong paglalambing na sabi naman ni Arcelle.

Habang nakayakap ay hinalikan ni Arman ang labi ng asawa na mainit naman nitong tinugon. At pagkatapos ay mainit na bumulong si Arman kay Arcelle.

“Hon.. Ano kaya kung mamaya na tayo kumain.. Ikaw muna ang kakainin ko.” ang buong pagnanasang sabi ni Arman.

Nais sana ni Arcelle na pagbigyan si Arman ngunit baka mahalata ng asawa ang ginawang pagpupunla sa kanya ni Dan.

Nagpilit siyang ngumiti sa asawa ngunit tumanggi sa mainit nitong paanyaya.

“Hon.. Kumain na muna tayo, mamaya na lang kapag nakapagpahinga na ako. I’m sorry Hon, medyo pagod lang talaga ako.”

Nakakaunawa namang pumayag si Arman, dahil kita naman niya na parang pagod ang asawa. Pagkatapos ay sabay na silang kumain habang asikasong-asikaso ni Arman ang asawa. Nang matapos ay si Arman na din ang nagkusang mag-ayos at magligpit na lihim namang ipinagpasalamat ni Arcelle. Sinamantala ang pagkakataon at mabilis na pumasok sa banyo upang maligo at linising mabuti ang katawang nilawayan at pinasarap ni Dan. At saka niya nilinis ding mabuti ang kanyang pagkababae, lalo na ang loob nito. Muli siyang nakaramdam ng bigat sa dibdib ng patuloy na lumalabas mula sa loob ng kanyang lagusan ang naipunlang tamod sa kanya ni Dan.

Kahit pagod ay pinilit niya ang sariling dalawang beses na pagbigyan ang pananabik ng asawa. Kanina pa nakaidlip si Arman ay gising pa din ang diwa ni Arcelle. Labis na ang pagod na kanyang nararamdaman ngunit ang antok ay mailap sa kanya. Laman pa din ng kanyang isipan si Dan, ang sabi niya sa sarili ay huli na ang pagtataksil niya kanina. Ngunit bakit hindi mawala sa kanyang isipan si Dan. Pumihit siya paharap sa asawa at iniyakap ang isang kamay dito. Saglit na pinagmasdan ang payapa nitong pagtulog. Inilapit ang labi sa pisngi ng asawa at banayad na humalik doon.

“I’m sorry Arman… May nauna na naman sayo… “ ang malungkot na mahinang sinabi ni Arcelle sa natutulog na si Arman.

Dahil sa init ng laman at masidhing pagnanasa ay muling iniwan ni Arcelle ang tama at muli siyang nagtaksil sa mahal niyang asawa. Sana lang ay tuluyan ng matapos ang paghahangad ng kanyang katawan kay Dan, ito ang tapat na hiling ni Arcelle na laman ngayon ng kanyang isipan.

*****

Kanina pa himbing na natutulog si Angela ay nakabantay pa din si Alice sa anak. Marami din silang napag-usapan ng anak, masaya nitong sinabi ang simula ng kanilang pagmamahalan ni Dan, hanggang sa makaidlip si Angela ay si Dan pa din ang nasa kanyang isipan. Nakangiti namang tumayo na si Alice at lumapit sa ulunan ng anak. Banayad na hinaplos-haplos ni Alice ang buhok ng anak. Maingat na inayos ang kumot at saka humalik sa pisngi nito. Binuksan ang lamp shade sa tabi ng kama at saka nagtungo malapit sa pinto. Minsan pang tiningnan ang natutulog na anak at saka pinatay ang ilaw sa kwarto ni Angela.

Tahimik siyang pumasok sa kanilang kwarto ni Anton. Mabuti na lamang at wala pa din ang kanyang asawa, ayaw muna niyang makausap ito. Mabilis siyang naligo at nagpatuyo ng buhok. Nagpalit ng damit na pantulog, binuksan ang lamp shade at saka pinatay ang ilaw sa loob ng kwarto, at pagkatapos ay saka siya tuluyang humiga sa kama nilang mag-asawa. Nakapaling siyang nahiga, nakatalikod sa lugar ng asawa.

Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagbukas ng pinto sa kanilang kwarto. Hindi na siya nag-abalang tingnan man ang asawa na ngayon ay naramdaman niyang naupo sa gilid ng kama.

Pagpasok pa lang ng kanilang kwarto ay mabigat pa din ang pakiramdam ni Anton. Lalo na ng makita ang nakatalikod na si Alice na nakahiga sa kanilang kama. Pagkasara ng pinto ay marahan siyang naupo sa gilid ng kama. Nilingon ang nakatalikod na si Alice.

“Alice…” ang buong pagsuyong sabi ni Anton.

Ngunit hindi kumibo si Alice.

“I’m sorry. I didn’t mean to hurt you. Nadala lang ako ng nainom ko at ng mga nararamdaman ko.” ang masuyong pakiusap ni Anton at habang humihingi ng tawad sa asawa.

Nanatiling tahimik lang si Alice, ngunit napansin ni Anton ang mahihinang pag-alog ng balikat nito kasabay ng mga tahimik na paghikbi. Nakuyom niya ang kanyang kamay na ginamit sa pagsampal sa asawa. Alam niyang tahimik na lumuluha si Alice at labis iyong nagbigay ng pait sa kanyang dibdib. Dahil ipinangako niya kay Alice na hindi niya ito kailanman sasaktan o pagbubuhatan man ng kamay. Ngunit ang pangakong iyon ay nabali pagkalipas ng dalawampung taon nilang pagsasama.

Naaala pa niya ang sandali ng kanilang unang pagkikita at pag-iibigan. At ang labis na pag-aalala sa magandang mukha ni Alice ng ito ay dalaga pa ng sinabi niyang nais niyang magpakasal sila. Dahil mapait ang nakalipas ni Alice na kanyang tinanggap dahil sa labis na pag-ibig sa asawa. Ngayon ay sa mismong labi pa niya lumabas ang patalim na humiwa sa puso ng asawa ng ipaalala dito ang nakalipas na pilit na ibinabaon sa limot ni Alice.

Pagkatapos ayusin ang sarili ay maingat na humiga si Anton sa tabi ni Alice. Iniyakap ang kamay sa nakatalikod na humihikbing si Alice habang nakadikit ang kanyang mukha sa buhok ng asawa. Wala siyang makuhang salita upang paglubagin ang loob nito. Sa ganitong paraan man lang ay maiparamdam niya kay Alice ang kanyang pagmamahal na hindi nagbago kailanman.

(Ipagpapatuloy…)

Scroll to Top