Ang Mga Tukso Sa Buhay Ni Dan – Chapter 36 – Crossroad by: Van_TheMaster

Nang wala na si Arcelle sa kanyang paningin ay nagtungo na si Dan sa loob ng bar. Nang nasa loob na siya ng bar ay sa kanya nadako ang paningin ng ibang staff, at ang ilan ay napansin niyang mahinang nag-uusap. Alam niyang siya ang malamang na pinag-uusapan ng mga ito at mga nag-iisip kung ano ang ngyari sa labas, o maging sa loob. Ngayon naisip ni Dan kung gaano kadelikado ang ginagawa nila ni Arcelle. Mainit na ang mga mata sa kanya ng ilang kasama, mas malaking gulo at eskandalo kapag may nakaalam pa ng tungkol sa bawal nilang relasyon ng kanilang manager. Sinabi ni Arcelle na ang pagtatalik nila kanina ang huli na ngunit iba ang pakiramdam ni Dan. Iba ang pananabik at pagkauhaw na nakikita niya kay Arcelle, masidhi at punong-puno ng pagnanasa. Sa natitirang mga araw niya sa pinapasukang bar ay talagang dapat na siyang magpigil at umiwas sa muli nilang pag-iisa, alang-alang sa kapakanan nilang dalawa, lalo na kay Arcelle dahil may asawa itong kinakasama.

Bago magsimula sa kanyang trabaho ay nilapitan muna ni Dan si Mika. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya at naalala niyang hindi niya nabati o pinansin ang dalaga ng pumasok siya kanina. Ngumiti siya kay Mika ng ganap na siyang nakalapit sa dalagang nasa harap ng kaha. Pagkatapos naman asikasuhin ni Mika ang bill na dala ni Rex para sa isang customer ay nakangiti din itong humarap sa kanya. Hindi na nila pinansin ang pagkainis sa mukha ni Rex na dahil sa ginawa nilang palitan ng ngiti. Inantay muna nilang tuluyan itong makalayo bago sila nag-usap.

“Pasensya ka na Mika, di na kita nabati.”

“Nalungkot talaga ako kanina, ang tamis pa naman ng ngiti ko sayo. Tapos hindi mo naman ako pinansin.” ang sabi ng nagtatampong si Mika na inalis ang ngiti sa kanyang labi.

“May ngyari kasi sa labas kanina tapos kinausap pa ako ni Mam sa opisina. Pasensya ka na talaga Mika.”

“Naiintindihan ko naman Dan. Pero ikaw, okay ka lang ba?” si Mika na hindi maitago ang pag-aalala habang nakatingin sa gilid ng labi ng binata. Nais sanang haplusin iyon ni Mika ngunit hindi niya ginawa. Alam niyang may mga matang sa kanila ni Dan ngayon nakatingin.

“Okay lang ako Mika, wag ka ng mag-aalala.” ang nakangiting sagot na lang ni Dan, nais niyang alisin ang pag-aalala ni Mika at matapos na din ang pagtatanong ng dalaga.

“Dan, anong ngyari sa labas kanina?”

Napailing lang si Dan, ayaw na sana niyang pahabain pa ang usapan nila ngunit hindi pansin ni Mika ang nais niyang mangyari.

“Isang hindi pagkakaunawaan lang ang ngyari. Pero naayos na din naman ng lumabas si Mam.”

“Paano nagsimula?”

Dito na huminga ng malalim si Dan na ipinakita niyang sadya kay Mika.

“Mika… Ayaw ko na sanang pag-usapan.” ang madiin na sabi ni Dan, nais iparamdam sa dalaga ang nais niyang matapos na ang pag-uusap nila tungkol sa ngyari sa labas.

“S-Sorry Dan… Minsan talaga makulit ako, lalo na…, kapag nag-aalala ako.” ang natigilang sabi na lang ni Mika. Kita ang lungkot sa mukha ng dalaga dahil sa pagkasuya ng binata. Napilitan syang magbaba ng paningin upang itago ang pangingilid ng luha. Nag-aalala lang naman siya para kay Dan ay parang siya pa ang masama. Saglit na pumihit si Mika, kumuha ng tissue sa ilalim ng counter at mabilis na tinuyo ang butil ng luha na nasa gilid ng kanyang mga mata.

Dahil sa nakita ay nagbago ng tono si Dan at sinuyo na ang dalaga.

“Mika… Hindi ako nagagalit sayo.” may lambing na ang boses ni Dan.

Nag-angat naman ng paningin ang dalaga.

“Diba sinabi ko na, okay lang ako at tapos na ang ngyari. Kaya wag ka ng mag-alala.” ang nakangiting sabi ni Dan, may halong paglalambing na sa tinig niya.

Muli namang ngumiti si Mika, ramdam niya ang lambing at pagsuyo ni Dan sa kanya. Ngunit napailing na lang si Dan ng nagtanong ulit ito.

“Pinagalitan ka ba ng husto ni Mam? Ang tagal mo kasi sa loob, kanina pa kaya ako naghihintay.”

Napilitan na lang ulit sumagot si Dan, ayaw naman niyang magalit sa dalagang alam niyang nag-aalala sa kanya.

“Nagalit si Mam, matagal akong pinagsabihan sa loob ng opisina at kailangan daw gumawa siya ng report. Pero tapos na din yun Mika, wag na nating pag-usapan.” ang sagot ni Dan, hindi alam kung masusuya o matutuwa sa kakulitan ni Mika.

Lihim namang nagpasalamat si Dan dahil natigil na ang kanilang pag-uusap ni Mika ng lumapit si Alex sa kanila. May dalang dalawang tray si Alex at ibinigay kay Dan ang isa, at saka ito tumingin kay Mika.

“Mika, hiramin ko muna si Dan ha. Ilalayo ko muna sayo at iba na naman ang tingin sa inyong dalawa ng mga kasama natin. Naiinis talaga sila kapag nakikitang magkalapit kayo ni Dan.” ang nagbibirong sabi ni Alex.

“Hay naku Alex, hayaan mo nga silang mainis. W-Wala naman kaming relasyon ni Dan, magkaibigan lang kami.” ang sabi ng nasusuyang si Mika ngunit halata ang kanyang pagkailang.

Alam naman ni Alex ang totoo kahit hindi aminin ng dalawa. Sapat na ang mga nakita niya para maniwalang may relasyon ang dalawa. Kaya nanatiling palaisipan sa kanya kung bakit nais ilihim ni Dan at Mika ang relasyon ng mga ito. Alam niyang may dahilan ngunit hindi naman niya mabigyan ng sarili niyang paliwanag o kahulugan. Alam niyang binata naman si Dan at dalaga naman si Mika, may ibang dahilan na mabigat upang maglihim ang mga kaibigan sa relasyon ng dalawa. Huwag lang sanang ang dahilang iyon ay maging pagluha ni Mika, dahil kapag nasaktan si Mika, malilintikan talaga si Dan sa kanya.

“Mika, doon muna kami ni Alex. Mamaya na lang ulit.” ang nakangiting paaalam na ni Dan.

“Narinig mo Mika ha, hindi pa kami nakakalayo ay nami-miss ka kaagad ni Dan.” ang sabi naman ni Alex na natutuwa sa dalawa.

Masaya naman ang pakiramdam ni Mika, hindi man nila tahasang mailantad sa lahat ay may relasyon naman talaga sila ni Dan.

“Lakad na nga kayong dalawa. Parang kayo nga ang magnobyo. Palagi kayong magkasama eh.” ang nagbibirong sabi na lang ni Mika. Magaan na ang kanyang pakiramdam dahil sa pagbabalik normal ng kanilang sitwasyon na parang walang ngyari kanina.

Nakangiti namang inakbayan ni Alex si Dan.

“Dan…”

Napalingon naman si Dan kay Alex.

“Wag mo kang kakalimutan yung paalala ko sayo tungkol kay Mika ha.” na sinabayan ni Alex ng isang makahulugang ngiti.

Bahagyang tumango naman si Dan at saka sumagot.

“Huwag kang mag-alala Alex. Hindi ko nakakalimutan.” na sinabayan ni Dan ng isang tipid na ngiti.

Natigilan naman si Mika dahil sa narinig.

“Alex, Dan, ano yan ha? May hindi kayo sinasabi sa akin.”

Natigil na ang pag-uusisa ni Mika ng may dumating na itong customer. Lumakad na din naman palayo ang dalawa. Sa isip ni Mika ay mamaya na niya tatanungin si Dan tungkol doon.

Habang sabay silang naglilinis ng dalawang lamesa ay palaisipan pa din kay Alex kung ano ang pinagmulan ng pag-aaway ni Lance at ng kaibigan, gayundin kung bakit nakalihim ang relasyon ni Dan at Mika. Ayaw sana niyang magtanong ngunit talagang masidhi ang kanyang pagnanais na malaman ang totoo. Na kay Dan naman ang pagpapasya kung nais nitong magsabi ng totoo o hindi.

“Dan…” ang mahinang pagtawag ni Alex.

Tumingin naman saglit si Dan kay Alex.

“Mamaya sa breaktime, usap tayo sa labas. Wag na sa locker room, maraming tenga sa paligid natin.”

Sumang-ayon na lang si Dan, alam naman niyang mangyayari ang pag-uusap na ito. Mas mabuti ding sa labas na sila mag-usap, walang katiyakan kung may nakikinig sa kanila kapag sa loob silang dalawa nag-usap.

“Sige Alex, sa labas na lang tayo mamaya.” ang sagot ni Dan saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Hindi din naman siya makakaiwas sa kaibigan. Ang magagawa na lang niya ay ang itago ang buong katotohanan. Ayaw niya sanang mapag-usapan ang ngyari kanina sa labas. Dahil kung malalaman ni Alex at Mika ang dahilan ay alam ni Dan kapwa hindi maganda ang magiging pakiramdam ng mga ito. Kay Mika na kahit tanggap ang sitwasyon ay alam niyang tapat na nagmamahal sa kanya. Kay Alex na alam niyang tapat na nagmamahal kay Mika, at tiyak na magagalit ito kapag nalamang mayroon siyang kasintahan. Lalo na kapag nalaman ni Alex kung anong klase ng relasyon ang mayroon sa kanila ni Mika.

Nauna ng lumabas si Alex ng sumapit ang oras ng kanilang pahinga. Pagkatapos kumuha ng dalawang bote ng softdrinks at tinapay ay gumawi na si Dan palabas ng bar, pero saglit na ngumiti muna kay Mika at sumenyas ng direksyon sa labas, nakakaunawa namang tumango sa kanya ang dalaga. Binati ni Dan ang nakabantay na gwardiya na napailing na lang sa kanya. Nagtuloy na siya sa kinarorooan ni Alex na nakaupo sa may gutter malapit sa pader ng bar. Iniabot niya kay Alex ang isang bote ng softdrink at tinapay at saka siya umupo sa tabi nito.

Sabay na silang kumaing dalawa. Nakailang lagok na si Alex bago ito nagsimulang magtanong ng mga nais malaman.

“Dan, tungkol dun sa ngyari sa inyo ni Sir Lance. Pwede ka bang magkwento kung anong ngyari talaga? Yun ay kung nais mong magsabi? Dahil alam mong mabait sa atin yung dalawa at galante. Kaya talagang nagtataka ako sa ngyari sa inyo. Dahil alam kong hindi ikaw ang klase na magsisimula ng gulo lalo na sa mga katulad nila. At ang tingin ko ay hindi din si Sir Lance ang klase na makikipag-away sa mga tulad lang natin.”

Huminga naman ng malalim si Dan ng naalala ang ginawa ni Lance sa kanyang kasintahan na si Angela.

“May ginawa siya sa aking hindi maganda Alex. Na kahit alam kong sa isang tulad ko ay dapat na nagpigil ako. Ngunit sadyang hindi kaya ng damdamin ko na palampasin ang nangyari, masyadong masakit Alex ang ginawa niya sa akin.” ang madiin na sabi ni Dan, nasa boses pa din ni binata ang galit na nadarama sa tuwing naaalala ang dinanas ni Angela.

“Alam kong marami ka pang gustong malaman tungkol sa ngyari sa aming dalawa. Ang masasabi ko lang sayo Alex, ay kung sayo niya ginawa yung ginawa niya sa akin, malamang na ganun din ang gagawin mo, o baka higit pa.”

Natigilan nama si Alex, hindi inaakalang ganun kabigat ang ginawa ni Lance sa kaibigan. Ngunit naniniwala siya sa sinabi ni Dan. Bagamant hindi niya maisip kung anong ginagawang hindi maganda ni Lance kay Dan para magalit ng husto ang kaibigan at hindi nito isinaalang-alang ang sariling kalagayan. Mayaman si Lance at kung nanaisin nito ay makakaganti ito sa kahit na anong paraan. Dahil ang mga katulad nila ni Dan ay ang mga klase ng tao na madaling tapakan.

“Hindi ka ba natatakot Dan? Paano kapag binalikan ka ni Sir Lance? Kita ko ang sinapit niya sayo pero parang balewalang pinalampas lang niya.”

Itnigil ni Dan ang pag-inom at saka tumingin kay Alex.

“Tulad mo Alex ay pangkaraniwang tao lang ako, at alam ko ang kalagayan ko sa buhay. Alam ko ding maaaring hindi pa tapos ang ngyari sa pagitan naming dalawa. Ngunit dahil sa wala naman akong magagawa na, haharapin ko na lang kung ano man ang balak niyang gawin. Pero magkaganun pa man, hindi ako nagsisisi sa ginawa ko Alex.” ang seryosong sabi ni Dan kahit ang kanyang dibdib ay puno din naman ng mga iba’t-ibang alalahanin.

Hindi na din naman nag-ungkat pa si Alex, sapat ng malaman niya na may mabigat na ginawang hindi maganda si Lance sa kaibigan. Lalo’t sinabi din ni Dan na wala itong pinagsisisihan sa ginawa nito kay Lance. Nalulungkot siya sa ngyari lalo’t baka hindi na bumalik ang dalawa sa bar at mabawasan ang mga galante nilang customer. Ngunit mas higit ang pagpapahalaga niya sa mga kaibigan kaysa sa salaping papel na ibinibigay sa kanya nina Lance at Brandon. Kapag may ngyari kay Dan, malulungkot si Mika, sapat na ulit na dahilan iyon sa kanya upang makialam siya.

“Huwag kang mag-aalala Dan, kapag kailangan mo ng tulong tungkol kay Sir Lance. Alam mong nakahanda ako palagi, magsabi ka lang.”

“Salamat Alex.”

Tumitig si Alex ng seryoso kay Dan.

“Dan, hindi ako nagbibiro. Kapag alam mong kailangan mo na ng tulong. Magsabi ka.”

Tumango naman si Dan. Nakaramdam siya ng gaan ng pakiramdam, nagpapasalamat siyang kaibigan talaga niya si Alex.

Pagkatapos ubusin ang laman ng bote ng softdrink ay muling nagtanong si Alex.

“Dan… Tungkol kay Mika…”

Muling tumingin si Dan kay Alex.

“Alam kong may relasyon kayong dalawa kahit hindi ninyo aminin. Huwag mo sanang mamasamain na parang nakikiaalam ako sa inyong dalawa. Ngunit nagtataka lang ako kung bakit kailangan ninyo pang maglihim.”

Mabigat ang pakiramdam ni Dan, hindi alam kung paano ipapaliwanag kay Alex ang sitwasyon nila ni Mika. Kahit anong paliwanag niya malamang sa totoo nilang sitwasyon at relasyon ni Mika ay lalabas na ginagamit lang niyang parausan ang dalaga. Inubos muna ni Dan ang laman ng boteng hawak bago siya tumugon sa kaibigan.

“Alex… Hindi ko na itatago sayo dahil ramdam mo na din naman at kaibigan ka namin. Totoo, may relasyon kami ni Mika. Ngunit may personal kaming dahilan kung bakit kailangan naming maglihim. Pasensya ka na Alex, pero hanggang dito na lang ang maaari kong sabihin sayo.”

Si Alex naman ang huminga ng malalim at saka tumingin sa mata ni Dan.

“Dan…”

“Maibibigay mo ba sa akin ang iyong salita na hindi mo sasaktan ang damdamin ni Mika.”

“Makakaasa ka Alex, sisikapin kong ibigay ang pangarap ni Mika.” ang sabi na lang ni Dan, inilihis ang kanyang sagot sa kaibigan. Dahil alam niyang darating ang nalalapit na araw na masasaktan si Mika. Ngunit hati ang damdamin ni Dan sa pagbibigay ng pangarap ng dalaga na mabuntis niya ito. Alam ni Dan na magiging masaya si Mika kung mabubuntis niya ang dalaga ngunit alam din ni Dan na labis na maghihirap si Mika sa pagiging dalagang ina.Umaasa na lang si Dan na kahit na anong mangayri sana ay naroon si Alex para kay Mika sa sandaling iwan na niya ito ng walang paalam.

Ngumiti naman si Alex, na alam niyang magiging maligaya si Mika sa piling ni Dan.

“Bukas nga pala Dan, maaga kang pumasok. Sumabay ka na kay Mika ng three. Marami pa tayong aayusin at ihahanda. Alam mo naman kung gaano ka-strikto si Mam Arcelle, lalo’t espesyal na pagdiriwang yung pupuntahan natin at unang beses mo ito.”

“Okay Alex, sabay na ako ng pasok bukas kay Mika.”

“Isa na lang Dan, huli na talaga to.” ang nag-aalangang si Alex.

Ngumiti naman si Dan dahil sa nakikitang magkahalong pananabik at pag-aalala sa mukha ng kaibigan.

“Sige Alex, tuloy mo lang..”

Lumunok muna si Alex.

“Magkalapit lang ba kayo ng bahay…, ni Mika?”

“Gusto mo ba talagang malaman Alex?” ang nanunuksong ganting-tanong naman ni Dan.

Dahil sa sinabing sagot ni Dan ay parang ayaw ng malaman ni Alex ang totoo. Umiling na lang si Alex kaya hindi na itinuloy ni Dan ang kanyang sasabihin sana. Pagkatapos ng ilang sandali pang katahimikan ay tumayo na si Alex.

“Balik na tayo Dan, marami pa tayong gagawin.”

Tumayo na din si Dan at sabay na silang naglakad pabalik. Ngunit bago sila makalapit sa pwesto ng gwardiya ay bumulong si Dan sa tenga ni Alex na nagpainit sa pakiramdam ng kaibigan.

“Magkatabi lang ang kwarto namin ni Mika.”

Natigil sa paglalakad si Alex. At nauna na si Dan na minsan lang siyang nilingon na nakangiti. Napakamot na lang sa ulo si Alex, naisip niyang mabuting hindi na lang sana siya nagtanong, muling naglaro sa kanyang imahinasyon ang magandang mukha ni Mika at mahubog nitong katawan, lalo na ang mga malulusog na dibdib ng dalaga. Pagod naman ang kamay niya mamaya, at saka napailing na lang ang natatawa sa sariling si Alex.

Pagakatapos magpaalam kay Alex ay magkasabay ng umuwi sina Dan at Mika. Hinabol na lang sila ng tanaw ng nakangiting si Alex, “napakaswerte talaga ni Dan” ang sinabi na lang sa sarili ng binata.

Habang naglalakad silang dalawa ay muling bumalik sa isipan ni Dan ang lahat ng mga ngyari sa buong araw. Ang pag-uusap at pag-aalala ni Christine para kay Angela, gayundin ang alam niyang kalungkutan ni Christine sa tuwing nasa piling siya ni Angela. Ang mabuting pagkakilala nila ng ina ni Angela, at ang alam niyang banta sa kanilang pag-ibig ng kasintahan, ang ama ng dalaga na matindi ang pagtutol sa kanya. Ang naganap din kanina sa pagitan nila Lance ay nasa isip pa din ni Dan, hindi niya tiyak ang laman ng isipan ni Lance. Maging ang kaibigan niyang si Alex ay alam din niyang nagnanais na malaman ang buong katotohanan na hindi niya masabi. Hindi niya kayang sabihin kay Alex ang totoo dahil tiyak na magagalit ito sa kanya.

Katulad ng nakasanayan ni Mika ay nakakakapit na naman ang kanyang kamay sa bisig ni Dan habang naglalakad sila. Nagkausap na din sila ni Dan kanina ng ilang beses habang nasa loob sila ng bar. Ngunit dahil sa hindi nagsabi si Dan kung bakit ito nahuli ng pasok at kung ano ang buong ngyari sa labas ng bar ay hindi na din nagtanong pa si Mika. Palihim na sinulyupan ni Mika si Dan na tahimik lang na naglalakad na nakadikit sa kanya. Datirati ay nagbibiro ito sa kanya ngunit parang ngayon ay maraming laman ang isipan ng binata. Napansin naman ni Dan na sa kanya nakatingin si Mika at alam niyang nagtataka ito ang nag-iisip dahil sa pananahimik niya. Ngumiti si Dan kay Mika na napilitan ding ngumiti din naman sa kanya.

“Okay lang ako Mika, wag ka ng mag-aalala sa akin.” ang nakangiting sabi ni Dan.

“Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mong magsabi. Pero kung may maitutulong ako, alam mong nandito lang ako para sayo.” ang malambing namang tugon ni Mika.

Dahil sa nakikita kay Mika ay nasisiyahan din naman si Dan, alam niyang mahal siya ni Mika at tapat ang pag-aalala nito sa kanya.

“Hayaan mo Mika, magsasabi ako sayo kapag kailangan ko na tulong mo.”

“Dapat lang Dan ha, dahil hindi ka na iba sa akin… M-Mahal kita eh…” ang parang nahihiyang sabi ni Mika.

Saglit lang natigilan si Dan kahit ang pahayag na iyon ni Mika ay matagal na niyang nalalaman

“Mahalaga ka din naman sa akin Mika, parte ka na ng buhay ko.” ang sabi ni Dan na nakatingin kay Mika, totoo naman ang sinabi niya. Isang mahalagang parte na si Mika ng kanyang buhay na hindi niya makakalimutan.

Dahil sa narinig ay nag-umapaw ang saya sa puso ni Mika. Parte na din siya ng buhay ni Dan at mahalaga na din siya binata. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakapit sa bisig ni Dan.

“Dan…”

“Ano yun Mika?”

“Yung sinabi sayo kanina ni Alex, yung paalala niya sayo. Pwede ko bang malaman?”

Saglit na tiningnan muna ulit ni Dan si Mika, ngumiti sa dalaga at saka sinabi ang nais nitong malaman.

“Sabi sa akin ni Alex, wag ko daw sasaktan ang damdamin mo. Kasi, kapag ginawa ko daw yun, siya ang gaganti para sayo.” ang nagbibrong sabi ni Dan, nais niyang haluan ng biro ang banta ni Alex upang hindi na mag-isip pa ng iba si Mika.

Nakaramdam naman ng magkahalong tuwa at lungkot si Mika. Kahit hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ni Alex ay patuloy pa din ito sa pagpapahalaga sa kanya. Sa isip ni Mika ay sana ay dumating ang araw na makilala ni Alex ang babaeng magbibigay ng pagmamahal na para sa kaibigan.

“Ibig sabihin Dan, hindi mo ako sasaktan kasi lagot ka kay Alex.” ang malambing na sabi ni Mika.

Muling tiningnan ni Dan si Mika. Nais sana niyang sagutin ng biro ang malambing nitong sinabi ngunit ayaw naman niyang paasahin ang dalaga lalo’t nalalapit na ang kanyang pag-alis.

“Mika… Yung pangarap mo lang sisikapin kong ibigay sayo.”

Tumango naman si Mika, na nagpakawala ng isang tipid na ngiti. Sapat na naman iyon sa kanya.

Pagdating nila sa kwarto nina Mika ay asikasong-asikaso siya ng dalaga na parang asawa. Nakaupo lang si dan habang nakangiting nakatingin kay Mika. Si Mika naman ay totoong masaya sa kanyang ginagawang pagsisilbi kay Dan. Kahit alam niyang walang pag-ibig sa kanya si Dan at ang kanilang pagsasama ay may hangganan ay hindi na mahalaga sa kanya. Kay Mika pa din si Dan sa bawat sandaling magkasama silang dalawa, kahit ang relasyon nilang dalawa ay sa kama lang talaga.

Dahil sa dami ng ngyari sa buong araw ay ayaw sana ni Dan na magtabi muna sila ni Milka ngayong gabi. Pagod na din naman siya at ang kanyang mga alalahanin ay naglalaro pa din sa kanyang isipan. Ngunit dahil sa ginagawang paglalambing ni Mika at pag-aasikaso sa kanya ay parang hindi naman kaya ni Dan na pahindian ang tanging kaligayahan na kaya niyang ibigay sa dalaga, iyon ay ang pagtatabi nilang dalawa upang maibigay niya ang pangarap ni Mika.

Pagkatapos kunin at dalhin sa lababo ang kanilang mga ginamit ay nagsimula na si Mika na magligpit. Tumayo naman si Dan at lumapit sa likod ni Mika.

“Mika, una na ako sa kwarto. Sumunod ka na lang.” ang sabi ni Dan kay Mika at saka ginawaran ng banayad na halik ang pisngi ng dalaga.

Nakangiti namang pumaling si Mika.

“Maliligo muna ba ako?” ang naglalambing na ulit ngayong si Mika.

“Sige, maligo ka muna Mika, pero wag mo ng basain ang buhok mo.” ang pagsang-ayon na lang ni Dan sa nais ng dalaga. Mas gusto din naman niya ang sinabi ni Mika, dahil sadyang kaysarap lawayan at painitin ang malambot na katawan ni Mika lalo na kapag ito ay bagong paligo.

“Okay.” ang sabi naman ng natutuwang si Mika.

“Labas na ako.”

“Dan…” si Mika na bahagyang iniawang ang kanyang labi.

Naunawaan naman ni Dan ang nais ng dalaga. Mula sa likuran ay niyakap niya si Mika at saka niya hinalikan ang naghihintay na labi ng dalaga. Nang matapos ang ilang segundo ding pagkakahinang ng kanilang labi ay kumalas na si Dan kay Mika at nagtungo na sa kanyang kawarto. Naiwan namang masayang nakangiti si Mika, masarap na naman ang tulog niya ngayong gabi.

Nang matapos ng magligpit si Mika ay saka siya mabilis na naligo ng hindi na binasa ang kanyang buhok. Pagkatapos magpalit ng bagong malinis na mga saplot ay nagtungo na siya sa kwarto ni Dan. Naabutan niyang tinutuyo ni Dan ang matipuno nitong katawan na katatapos lang din maligo ng hindi din binasa ang buhok. Maagap na lumapit si Mika sa binata pagkatapos nitong isara ang pinto. Iniaabot naman ni Dan ang twalya kay Mika at saka iyon isinampay ng maayos ng dalaga.

Naglalambing na yumakap ng mahigpit si Mika kay Dan, pilit na ipinapadama sa binata ang kanyang mainit na katawan. Itinaas ni Dan ang mukha ni Mika,saglit itong tiningnan sa mata at saka niya pinaghinang ang kanilang labi. Nang maghiwalay ay saka niya isa-isang hinubad ang mga saplot ni Mika. Nagsimula si Dan sa damit ni Mika, nang mahubad ay muli niyang hinalikan ang labi ng dalaga. Inalis naman niya suot nitong bra, at ng makalaya na ang malulusog na dibdib ni Mika ay banayad naman niya itong halinhinang nilamas habang nilalawayan niya ang mga ito ng husto. Hindi nakaligtas sa mga pagsusupop at ilang banayad na pagkagat ang dalawang nipple ni Mika kay Dan.

Walang nagawa si Mika kung hindi ang mapaungol na lamang dahil sa masarap na sensayong nararamdaman.

“Ahhh… D-Dann….”

Ngayon ay lumuhod na si Dan sa harap ni Mika, ibinabang magkasabay ang short at panty ng dalaga. Nang muli niyang nasilayan ang namamasa ng pagkababae ni Mika ay mabilis niya itong hinalikan ng ulit at saka hinagod ng dila ang buong hiwa ng lagusan ni Mika. Napakapit naman si Mika sa ulo ni Dan habang unti-unti siyang tinatakasan ng lakas sa kanyang tuhod.

“Ahh.. D-Dann… S-Sa kamaa na tayooo..” ang pakiusap ng nasasarapang si Mika.

Ramdam naman ni Dan ang ngyayari kay Mika. Tumayo na siya, hinagkan muli ang labi ni Mika saka niya inalalayan itong mahiga sa kama. Bago sumampa sa kama ay si Dan namang ang naghubad ng kanyang short at ng suot niyang panloob. Si Mika naman ay buong pananabik na nakatingin sa naghuhumindig na malaking alaga ni Dan na may dagta na sa ulo.

Tumabi na si Dan kay Mika at muling hinalikan ang dalaga habang nilalamas ang malulusog nitong dibdib. Nagkusa din namang hinawakan ni Mika ang mainit na pagkalalake ni Dan at nagsimulang itaas-baba ang kanyang kamay doon. Habang magkahinang ang kanilang labi ay dumako naman ang kamay ni Dan mula sa dibdib ni Mika papunta sa pagkababae ng dalaga. Gamit ang kanyang mga daliri ay nilaro ang basang-basa ng lagusan ni Mika.

“Ahh.. Ahhn..”

May ilang saglit din sila sa ganoong ginagawa bago muling bumaba ang mga halik ni Dan. Muli niyang nilawayan at pinaglaruan ang magkabilang dibdib ni Mika. Pagkatapos ay pinagapang niya ang kanyang halik pababa sa pagkababae ng dalaga. Ibinuka niya ng maayos ang mga hita ni Mika at saka niya pinagsawa ang sarili sa pagkain sa matambok kayamanan ng dalaga. Nais niyang pasarapin ng husto ang katawan ni Mika, wala namang katiyakan kung maipagkakaloob ba niya ang pangarap na Mika na mabuntis niya ito. Ngunit maaalala naman ni Mika ang bawat masasarap at maiinit na sandali na pinagsaluhan nilang dalawa.

Isang masarap na ungol ang pinakawaln ni Mika ng marating niya ang kanyang unang orgasmo dahil sa paglalarong ginawa ng bibig, dila at mga daliri ni Dan sa kanyang pagkababae.

“Ohhhmmnnpp….”

Pagkatapos iparanas kay Mika ang masarap na romansa ay mainit na pinagmasdan ni Dan ang kahubaran ng magandang dalaga. Nakakaakit din namang pagmasdan si Mika lalo’t kahit katatapos pa lang nitong labasan ay mapanuksong nakangiti na ulit sa kanya ang dalaga. Ipinatong niya ang kanyang katawan kay Mika. Hinalikan sa labi ang dalaga saka niya itinutok ang kanyang alaga sa basa nitong lagusan. At saka dahan-dahan niya itong ibinaon sa pagkababae ni Mika. At muling naghinang ang kanilang ang labi habang nakayakap sila sa isa’t-isa.

Hindi nagtagal ay nagsimula ng gumalaw ang balakang ni Dan at lalong naging masarap ang kanilang pakiramdam. Halos puro ungol at daing na lang ni Mika ang maririnig sa loob ng kwarto ni Dan. Pagkatapos ng matagal ding pagbayo ay naging mabibilis na lalo ang kanilang bawat salpukan. Tanda ng nalalapit nilang pagsapit sa sukdulan ng kaligayahan.

(“plak!””plak!””plak!””plak!”)

At ilang sandali lang ay halos sabay na din silang nakaraos at muli namang narating ang nakababaliw na sarap ng glorya ng orgasmo.

“Ohhhmmppp…”

“Agghhh…”

Ibinagsak ni Dan ang kanyang katawan sa ibabaw ni Mika. Abot ang kanilang paghingal na dalawa, lalo na kay Dan sadyang pagod na talaga. Marahang hinugot ni Dan ang kanyang lumambot ng pagkalalake kay Mika at humiga sa tabi ng dalaga. Yumakap naman si Mika kay Dan at ihinilig ang kanyang ulo malapit sa balikat ng binata. Nilingon ni Dan sa Mika at inabot ang labi ng dalaga. Minsan pang naghinang ang kanilang labi ng matagal. At pagkatapos ay ipinaunan ni Dan ang kanyang braso kay Mika.

Hindi din naman naglaon ay nakatulog na si Dan ngunit gising pa din si Mika. Tahimik lang na nakatingin si Mika sa natutulog na binata. Mula sa kanyang pagkakayakap sa dibdib ni Dan ay lumipat ang kamay ni Mika sa maamong mukha ni Dan. Habang hinahaplos ni Mika ang mukha ng binata ay nangarap siyang sana ay dumating ang araw na tuluyan ng maging kanya si Dan. Alam niyang may nagmamay-ari na ng puso ni Dan at siya ay para isang kaparehang parausan lamang ng binata. Ngunit kahit tanggap niya ang kanyang sitwasyon ay naroon pa din naman ang munting pag-asa na baka sakaling mabaling sa kanya ang pagtingin ni Dan. Matagal pang pinagmasdan ni Mika si Dan bago siya nagpasyang matulog na din. Magkakasabay silang papasok bukas ni Dan para maghanda sa pupuntahang pagtitipon. Kailangan na din naman niyang magpahinga. May matamis na ngiti sa labi si Mika ng siya ay tuluyan ng nahimbing na nakatulog sa tabi ni Dan.

*****

Dahil sa maagang nakatulog ng nagdaang gabi ay maaga din ang paggising ni Angela. Alas sais pa lang umaga. Ngayong muli na naman siyang nag-iisa at wala sa tabi niya si Dan ay nakaramdam na naman siya ng lungkot at pananabik. Napakahirap talaga kay Angela ang malayo sa binatang iniibig niya. Ibinangon niya ang sarili mula sa kama. Nagtungo sa banyo at saka naligo at pagkatapos ay inayos ang sarili. Lumabas siya ng kanyang kwarto at naglakad patungo sa labas ng bahay. Habang nilalandas ni Angela ang daan papunta sa may fountain ay laman ng kanyang isipan ang kanyang ama na may masidhing pagtutol sa kanilang relasyon ni Dan. Kung nagawang saktan ng kanyang ama ang kanyang ina dahil sa pagtatanggol sa kanila ni Dan ay tiyak na wala siyang sasabihin sa kanyang ama na pakikinggan nito. Hindi maiintindihan ng kanyang ama ang labis niyang pag-ibig kay Dan, ito ang laman ng isipan ni Angela habang kanyang iniikutan ang fountain na nasa kanya ngayong harapan.

Nang magsimula siyang basain ang kanyang kamay habang naglalakad na paikot ay napangiti ang dalaga. Naalala ang sandaling nagsayaw sila ni Dan sa harap ng fountain na ito habang nakayakap sa isa’t-isa. At namalayan na lang ni Angela na muli na namang nangilid ang luha sa sulok ng kanyang mga mata dahil sa labis niyang pananabik sa kanyang kasintahan. Pinalis niya ang mga butil ng luha sa kanyang mata ng nakangiti, hindi na naman magtatagal ay magkakasama na ulit silang dalawa. Ilang araw na lang ang kanyang ipagtitiis.

*****

Malapit ng mag-alas syete ng umaga ng makauwi si Ella mula sa kanyang pinapasukang factory. Pagpasok niya sa makitid na daanan ay nagtataka siyang nakasara pa din ang pinto sa kanilang kwarto ni Mika. Hinawakan ni Ella ang seradura ng pinto ngunit naka-lock ito. May tig-isa naman silang susing magkapatid, ngunit ngayon lang ngyari na tinanghali ng gising si Mika. Pagkapasok ng susi ay binuksan na niya ang pinto, at ang labis na kaba ay namahay sa kanyang didbib. Wala sa loob ng kanilang kwarto ang bunsong kapatid na si Mika. Lumingon siya sa katabing kwarto at ang kaba sa kanyang dibdib ay lalong lumago.

Maliwanag na sa loob ng kwarto ni Dan ng magmulat ng mata si Mika. Bigla siyang nakaramdam ng kaba, tumingin sa orasan na nasa dinding, pasado alas syete na ng umaga. Ibinaling ang paningin sa alarm clock na nasa malapit sa kama, alas tres pa din ang nakalagay, nawalan na malamang ng karga ang bateryang hindi niya pinalitan. Maingat siyang umalis sa kama, ngunit nagising pa din ang natutulog na si Dan. Nagmulat ng mata si Dan at tumingin sa orasan na nasa dingding. Saka siya tumingin kay Mika na nag-aalala ding katulad niya.

“Dan, andyan na si Ate.” ang nag-aalalang si Mika.

Bumangon na din si Dan sa kama at niyakap ang kahubaran ng dalaga.

“A-Anong gagawin natin Dan. Di ko alam ang sasabihin ko kay Ate.” si Mika na yumakap din kay Dan. Labis siyang nag-aalala dahil ayaw niyang magkaroon ng problema si Dan ng dahil sa kanya.

Inilayo ni Dan si Mika sa kanya.

“Magbihis muna tayo Mika.”

Tumango naman ang dalaga at halos magkasabay na silang umalis sa ibabaw ng kama. Nagsimulang magbihis at saka muling lumapit sa isa’t-isa.

“D-Dan, alis na ako.” si Mika na talagang hindi maitago ang kaba.

“Gusto mo bang samahan kita palabas?”

Umiling naman si Mika, ayaw niyang madamay pa si Dan sa pag-uusap nilang magkapatid. Niyakap ni Mika si Dan na para bang kumukuha ng lakas ng loob sa binata. Hinaplos naman ni Dan ang ulo ng dalaga. Ilang sandali din ay kumalas na si Mika at gumawi na siya sa pinto. Minsan pang lumingon kay Dan at saka nito binuksan ang nakasarang pinto. Halos lumundag ang puso ni Mika ng mabungaran ang kapatid na si Ella sa harap ng pinto ng kwarto ni Dan.

“A-Ate…”

Saglit na tiningnan ni Ella ang kapatid at saka ibinaling ang paningin kay Dan. Ngyari na ang kinatatakutan niya, may relasyon na ang kapatid at si Dan. Ngayon ay nakakaramdam siya ng galit sa binata at awa sa kapatid. Hindi na hinayaang makalabas ni Ella ang kapatid. Siya na ang kusang pumasok sa loob ng kwarto ni Dan. Nang nasa loob na si Ella ay saka niya isinara ang pinto. Mahigpit na hinawakan ang kamay ni Mika at hinilang palapit kay Dan.

Nang makalapit na silang magkapatid sa harap ni Dan ay saka pa lang binitawan ni Ella si Mika. Ngayon ay galit na nakatingin si Ella kay Dan.

“Anong ibig sabihin nito Dan?” ang madiin na tanong ni Ella sa binata, halata ang galit sa tinig ng dalaga.

Hindi naman kumibo si Dan, wala siyang makuhang paliwanag sa kapatid ni Mika dahil alam nito na may kasintahan siya. Hinawakan naman ni Mika ang bisig ni Ella at inaya na itong bumalik sa kanilang kwarto. Ayaw niyang makita si Dan sa nakakahiyang sitwasyong siya ang may gawa.

“Ate, sa kwarto na tayo na mag-usap. Please naman Ate, nakakahiya kay Dan.” ang muling pakiusap ni Mika, nakakaramdam siya ng hiya at kaba para sa binata na wala namang kasalanan talaga.

Pagalit na hiniklas ni Ella ang kanyang bisig mula sa pagkakahawak ni Mika at saka ibinaling ang paningin sa kapatid.

“Nakakahiya? Bakit ako mahihiya?” ang nang-uuyam na sabi ni Ella kay Mika.

Ibinalik ni Ella ang paningin kay Dan.

“Dan, may plano ka bang seryosohin ang kapatid ko? O paglalaruaan mo lang? May girlfriend ka na Dan, hindi ka pa ba nakuntento? Dahil ba sa alam mong patay na patay sayo itong kapatid ko ay ikinama mo din?” ang mga pang-uuyam na tanong ni Ella kay Dan., galit talaga ang dalaga.

Nakatingin lang si Dan kay Ella. Hindi niya kayang ipaliwanang dito ang relasyon nila ni Mika.

“Akala ko mabuti kang tao. Akala ko mabait ka. Katulad ka din pala ng iba, manggagamit din. Anong tingin mo sa kapatid ko? Sarili mong parausan?” ang galit na mga tinuran ni Ella.

“Ano? Bakit hindi ka makasagot? Hindi ba may nobya ka na, ang lakas ng loob mong dalhin dito sa kwartong ito tapos dito mo din pala ginagamit ang kapatid ko.” ang muling galit na tanong ni Ella, pigil ang sarili na humiyaw alang-alang sa kapatid.

Napaluha naman si Mika at muling kumapit sa bisig ng kapatid. Labis siyang nasasaktan sa kanyang naririnig. Naaawa at nahihiya siya kay Dan dahil parang ito ang may kasalanan gayung siya ang kusang ihinain ang hubad na katawan sa binata. Idagdag pang nalaman niya ang katotohanan na naihiga na din ni Dan ang kasintahan nito sa kamang kanilang pinagsasaluhan ni Dan. Ang kasintahan nitong tunay na nagmamay-ari ng puso ni Dan na pangarap lamang kay Mika.

“Ate naman, tama na. Ako ang may kasalanan, pinilit ko lang si Dan. Alam kong may girlfriend na siya Ate. Please Ate, sa kwarto na lang tayo mag-usap, doon na lang ako magpapaliwanag.” ang pakiusap ng naluluhang si Mika.

Dahil sa narinig ay nagalit na din si Ella sa kapatid.

“Anong sinabi mo Mika? Alam mong may girlfriend na siya tapos pumayag ka pa din. Hindi ka ba nag-iisip Mika? Yang ganda mong yan, para kang mauubusan ng lalake.” ang galit na sabi ni Ella sa kapatid.

Dahil sa narinig ay hindi na kinaya ni Mika ang sariling damdamin.

“Oo Ate, pumayag akong ikama ni Dan dahil mahal ko siya. Wala akong pakialam kahit may nobya na siya at parausan lang ako. Kailangan ko pa bang aminin sayo na napakatanga ko pagdating sa pag-ibig.” ang umiiyak na sabi ni Mika.

Natigilan naman si Ella. Lalong nakaramdam ng matinding awa sa kapatid.

“Mika…”

Hinawakan ni Mika ang kamay ng kapatid at tumingin sa mga mata nito.

“A-Ate, maaari bang wag mo na lang akong tingnan sa katangahan ko. Masaya na ako sa sitwasyon ko, tanggap ko naman Ate. Kaya please lang, wag mo na akong pagbawalan.” ang umiiyak pa ding si Mika, nais ipakita sa kapatid ang katapatan ng kanyang pagmamahal kay Dan sa kabila ng sitwasyon ng binata.

Wala namang nagawa si Ella kung hindi yakapin na lang si Mika, labis ang pagkahabag niya sa kapatid. Bakit ganito kalupit ang tadhana kay Mika? Na para bang wala ng karapatang lumigaya ang nag-iisa niyang kapatid. Habang nakayakap siya sa kanyang lumuluhang kapatid ay tumingin siya kay Dan na malungkot na nakatingin lang sa kanilang magkapatid.

Nang matapos ang pag-iyak ni Mika ay inilayo na ni Ella sa kanya ang kapatid.

“Mika, mauna ka na sa kwarto. Mag-uusap muna kami.”

Nakaramdam naman ng muling pag-aala si Mika.

“A-Ate…”

“Sige na Mika, mauna ka na. Kailangan naming mag-usap ng Ate mo ng sarilinan.” ang sabi ni Dan na sumang-ayon sa nais ni Ella.

Nang magtama ang paningin nila ni Mika ay tipid na ngumiti si Dan sa dalaga. Napilitan namang malungkot na ngumiti din si Mika. Saglit niyang tiningnan ang kapatid na tumango sa kanya at lumabas na din si Mika sa kwarto ni Dan. Isang huling sulyap pa ang ibinigay ni Mika kay Dan at sa kanyang kapatid bago niya isinara ang pinto at tumuloy sa loob ng kwarto nilang magkapatid.

Nang silang dalawa na lang ang nasa loob ng kwarto ay saka pinakawalan ni Ella ang emosyon na hindi ipinakita kay Mika. Mabilis siyang humakbang ng isa palapit kay Dan, tumingin sa mga mata nito at buong lakas na sinampal ang mukha ng binata.

(“PAK!”)

Muling ibanaling ni Dan ang paningin kay Ella.

“I’m sorry Ella.”

“I’m sorry? Alam mo bang pinagdaan ng kapatid ko sa hayop niyang unang nobyo na ginamit lang din siya. Tapos ngayon, ikaw naman. Hindi ka ba naaawa sa kapatid ko? Maaari ka namang tumanggi Dan kung ayaw mo talaga? Pero anong ginawa mo sa kapatid ko? Ginagawa mo lang parausan, ganun ba kababa ang pagtingin mo kay Mika?” ang galit na patuloy ni Ella.

Huminga ng malalim si Dan, saka niya sinabi kay Ella ang kanyang nalalapit na pag-alis.

“Ella, ilang araw na lang ako dito, paalis na din ako papunta sa malayong lugar. Matatapos na din ang relasyon namin ng kapatid mo. Hindi ito alam ni Mika, sayo ko lang sinabi upang matapos na ang pag-aalala mo sa relasyon naming dalawa.”

Si Ella naman ang natigilan, hindi makakuha ng sasabihin sa ginawang pagtatapat ni Dan.

“Sa pag-alis ko Ella ay maiiwan kong mag-isa si Mika, ikaw na ang bahala sa kanya. Alam kong malulungkot siya, lalo’t wala akong balak na magpaalam sa kapatid mo. Alam mong mas lalong mahirap sa kanya kung magpapaalam pa ako. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya, at sayo na din. Sana ay mapatawad ninyo ako balang araw Ella.” ang tapat na pakiusap ni Dan sa dalaga.

“B-Bakit ka aalis Dan? Dahil ba sa mga sinabi ko?” ang nakukunsensyang si Ella, nakaramdam siya ngayon ng pagkalito. Ng dahil sa kanya ay aalis si Dan at tiyak na muli namang malulungkot ang kapatid.

Umiling naman si Dan.

“Aalis ako dahil kailangan kong umalis Ella. Walang kinalaman si Mika sa desisyon ko maging ang ngyaring pag-uusap natin ngayon.”

Kahit may galit pa din siya kay Dan ay nabawasan naman ang bigat sa dibdib ni Ella.

“Kung tapat ka sa sinabi mong aalis ka. Nagpapasalamat pa din ako dahil ikaw na ang kusang lalayo. Alam kong malulungkot ang kapatid ko, ngunit magkakaroon siya ng pagkakataon na magsimula ulit.”

Malungkot na ngumiti naman si Dan kay Ella.

“Dasal ko din ang kaligayahan ni Mika, na sana ay sa susunod niyang pag-ibig ay hindi na katulad ng sa akin na lumuha lang siya.”

Ramdam naman ni Ella ang katapatan sa sinabi ni Dan.

“Salamat Dan, and I’m sorry… sa ginawa ko sayo, g-galit ako eh.” ang nag-aalinlangang si Ella, ngayong nabawasan na ang galit at nalamang aalis na si Dan ay nakaramdam siya ng pagkapahiya dahil sa kanyang ginawa.

“Okay lang Ella, naiintindihan naman kita. Nag-aalala ka lang para sa kapakanan ng kapatid mo.” ang nakangiting sabi ni Dan na nakatingin sa mata ni Ella.

Nakaramdam naman ng pagkailang si Ella, hindi kinaya ang tingin sa kanya ni Dan.

“A-Alis na ako D-Dan…” at mabilis na tumalikod si Ella at lumabas na ng kwarto ni Dan.

Nang wala na si Ella sa loob ng kanyang kwarto ay naupo si Dan sa gilid ng kanyang kama. Ilang araw na lang ay iiwan na niya ang kwartong ito kasama ng mga mainit nilang alaala ni Mika. Sa isiping ilang araw na lang at hindi na niyang muling maririnig ang paglalambing ni Mika at hindi na din niya muli pang mararamdaman ang init ng pagmamahal ng dalaga ay nakaramdam din naman si Dan ng lumbay sa kanyang puso. Isang parte na din si Mika ng kanyang buhay na hindi niya makakalimutan, katulad ni Diane, at ng pinakauna niyang nobya.

Muling nahiga si Dan sa kanyang kama kahit wala naman siyang balak na muling matulog. Sa kanyang puso’t isipan ay umusal siyang makatagpo sana ang mga babaeng nagmahal sa kanya ng mga lalakeng tunay na karapat-dapat sa mga ito. Na sana ay maging masaya at maligaya din ang mga ito piling ng lalakeng magmamahal sa kanila ng tapat.

*****

Dahil sa malalim na ang gabi ng nakatulog si Alice ay tanghali na ng siya ay nagising. Kailangan na niyang magtungo sa kusina upang maghanda ng kanilang agahan. May mga katulong naman sila ngunit nais ni Alice na siya ang nagluluto ng kanilang mga pagkain. Ngunit bago bumangon si Alice ay naramdaman niya bisig ni Anton na nakayakap sa kanya. Nilingon niya ang natutulog na asawa, alam niyang masakit ang ulo nito paggising dahil sa ginawang pag-inom ng alak ng nakaraang gabi. Hindi niya maiaalis sa sarili na magdamdam pa din kay Anton. Ngunit mahal niya si Anton, ang natatanging lalaking umibig sa kanya ng tapat sa kabila ng mapait at marami niyang karanasan. Saglit niyang hinaplos ang buhok nito at saka niya hinawakan ang bisig nitong nakayakap sa kanya. Inalis iyon sa pagkakadagan sa kanya at saka niya inayos ang kanyang sarili. Nagpalit ng damit at saka lumabas ng kanilang kwarto.

Napangiti si Alice ng mabungarang nasa kusina na at naghihintay si Angela sa kanya. Lumapit sa kanya ang anak humalik sa kanyang pisngi.

“Are you okay Mom?” ang nag-aalalang si Angela, naalala ang ngyari kahapon

“I’m fine Iha, there’s nothing to worry about. Just don’t ask your Dad about sa ngyari kahapon. Lalo na ang tungkol kay Dan, let’s both have patience na lang Iha.” ang nakangiting si Alice habang hinahaplos ang buhok ng anak.

Tumango naman si Angela sa ina kahit sa katotohanan ay nalulungkot siya. Dahil sinaktan ng kanyang ama ang kanyang ina ng dahil sa kanila ni Dan. At ilang araw na lang ay walang paalam niyang iiwan ang kanyang mga mahal na magulang na nagpalaki sa kanya. Dahil sa isiping ito ay muling niyakap ni Angela ang kanyang ina ng mahigpit.

“I love you Mom. You are the best Mom in the world.” ang masuyong sabi ni Angela habang nakayakap sa kanyang ina. Ayaw niyang lumuha, hindi pa ngayon, dapat niyang pigilan ang sarili upang hindi makahalata ang ina sa kanilang balak na pag-alis.

Nagtataka namang napayakap din si Alice sa anak.

“I love you too Iha.”

“Mom…”

“Angela.. I know you Iha, alam kong may gusto kang sabihin akin.”

Umiling naman ang dalaga, natatakot siyang kapag sinabi ang balak sa ina ay pigilan siya nito. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa ina at masayang lumapit sa lamesa. Naaalala niya ang nais niyang gawin ngayong umaga kasama ang kanyang ina.

“Mom… I want to help you sa pag prepare po ng breakfast natin.” ang nakangiting si Angela, sa kanyang isipan ay naroon ang masidhing paghahangad na matuto ng pag-aasikaso sa pamilya. Kapag magkasama na silang dalawa ni Dan ay nais niyang pagsilbihan ng mabuti ang binata bilang isang ulirang maybahay. Mag-asawa na silang dalawa sa sandaling nasa iisang tahanan na sila nakatira. Kahit kasama nila si Christine, siya ang mas lalabas na asawa ni Dan. Lamang pa din siya kay Christine, at parang isang batang nagpasilay si Angela ng makahulugang ngiti.

“Angela, I also know that smile too, there is a hidden meaning behind it for sure.” ang nakangiti namang si Alice, alam niyang nagnanais ng matuto si Angela ng mga gawain ng isang babae sa isang pamilya. Napailing na lang si Alice, labis talagang mahal ng kanyang anak si Dan.

Napa-giggle naman ang dalaga.

“Mom, I think nasa age na po ako para matuto ng mga ginagawa ninyo.”

“Talaga bang yun ang dahilan Angela kaya ka maagang nasa kitchen ngayon? Or is it because of Dan? So that he will appreciate and love you more kapag nalaman niyang marunong ka sa kusina.” ang nagbibirong sabi ni Alice.

Nakaramdam naman ng pagkapahiya si Angela, huling-huli ng ina ang nasa isipan niya.

“You don’t have to tease me about it naman Mom, ganyan din ginagawa sa akin ni Dan palagi.” ang nagkunwang nagtatampong dalaga.

Natuwa naman si Alice dahil sa sinabi ng anak, sa ilang buwan ng pagiging magkarelasyon ng dalawa ay parang kilalang-kilala na ni Dan ang anak.

“Come here na Angela. Let Mom give you a hug again before we start.” ang masayang sabi ni Alice.

Sumunod naman si Angela at yumakap din sa ina.

“Angela, remember, it’s also our responsibilities to take care of our family. Hindi mabuting ang lahat ay iaasa sa iba. If tayo mismo ang gagawa, mas maa-appreciate ng mga loveones natin ang ating pagmamahal sa kanila.”

“I know Mom, I like it so much po everytime na kayo ang naghahanda ng meal natin. Kaya po I decided na it’s about time na matuto na din po ako.”

“Iha, you have to put your heart on learning this, okay? Hindi ito madali lalo’t hindi ka sanay, you have to be extra careful on everything. You don’t want him to get worried kapag nakita niyang may band-aid yung daliri mo.” ang nagbibirong sabi ni Alice, nais ipaaalala sa anak na hindi biro ang pag-aaral ng gawain sa kusina.

“Yes Mom, I promise, I’ll be very very careful at hindi ko po ito gagawing biro at susukuan. I really must learn how to do this Mom.” ang determinadong pahayag ni Angela, sa iilang araw na natitira ay nais niyang matuto mula sa ina at makasama ito ng masaya bago dumating ang sandali na maghihiwalay na sila. Ayaw niyang malungkot kaya nagpilit syang ngumiti.

“Let’s start na Mom.” ang masayang si Angela na kumalas na pagkakayakap niya sa ina.

“Okay Iha, prepare yourself, it won’t be that easy.”

At masayang nagsalo sa paghahanda ng agahan ang mag-ina sa kusina. Sa isip ni Angela ay kasama niyang babaunin ang mga masasayang alaalang ito sa kanyang paglisan. Sa isip naman ni Alice ay natutuwa siya at namulat na si Angela sa dapat na gawin ng isang mabuting maybahay.

Tanghali na din ng magising si Anton at agad na lumingon sa dakong higaan ni Alice. Ngunit nakaramdam siya ng pag-aalala at lungkot ng hindi masumpungan doon ang mahal na asawa. Bumangon siya sa kama na masakit ang kanyang ulo dahil sa ginawang pag-inom ng nakaraang gabi. Pinilit niya ang sarili na maligo, nag-ayos sa sarili at saka lumabas ng kanilang kwarto upang hanapin si Alice. Nasa salas pa lang siya ay masaya na niyang naririnig ang pag-uusap ng mag-ina. Napangiti si Anton dahil sa ginagawang pag-aaral ni Angela ng gawain ng ina. Ngunit naglaho ang ngiti sa kanyang labi ng maaala si Dan na siya na namang dahilan ng pagbabago ng anak. Muli namang bumigat ang kanyang dibdib, alam niyang mas higit na para kay Dan ang ginagawa ng anak kaysa para sa kanila ni Alice. Ayaw man niyang tanggapin ay nakakaramdam siya ng paninibugho na para bang may kaagaw na siya sa pagmamahal ng anak at ng asawa. Alam naman niyang darating ang araw na ito. Ngunit hindi pa ngayon ang gusto niyang panahon at dapat ay ang lalakeng gusto niya para kay Angela ang kasama ng anak. Hindi ang isang tulad lang ni Dan. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang mawala na sa buhay nila si Dan. Kailangang magkusang lumayo ang binata at iwan silang payapa, upang muling manumbalik ang maayos nilang pagsasamahan ng asawa at anak.

*****

Mabigat pa din ang pakiramdam ni Crhistine ng bumangon siya ng umagang iyon. Pasado alas dyis na ay ayaw pa din niyang umalis sa kanyang pagkakahiga sa malambot niyang kama. Napatingin siya sa pinto ng makarinig siya ng mga mahinang pagkatok.

(“tok” “tok” “tok”)

“Mam Christine…” ang pagtawag ng isa sa kanilang katulong.

“What?” ang iritadong sagot naman ng dalaga.

“D-Dumating na po yung damit ninyo.” ang kinakabahang sabi naman ng katulong.

Napilitang tumayo ang dalaga at nagdadabog na lumapit at binuksan ang pinto. Nakita niyang hawak nito ang isang malaking karton na may disenyo at may nakataling laso. Ito ang damit na pinili ng kanyang ina para sa kanya. Mabilis niya iyong kinuha at saka pabalabag na isinara ang pinto. Hindi naman siya nasusuya sa kanilang katulong kung hindi sa kanyang sitwasyon na hindi niya matakasan. Ipinatong niya ang malaking carton sa ibabaw ng kanyang kama. Inalis ang pagkakatali ng laso sa karton at saka inalis ang takip nito. Kinuha niya ang kulay puting gown na nahahaluan ng medyo asul na kulay na may napakagandang disenyo.

Nakaramdam siya ng tuwa sa kanyang hawak na damit. Dahil medyo hapit ang baywang nito at strapless ang design na lalong magpapalitaw sa mahubog niyang katawan at malusog na dibdib. Nakangiti siyang nag-iisip, kung paano muling paglalaruan ang damdamin ni Brandon.

“Takamin mo ng husto ang sarili mo Brandon. At least, mabubusog ang mga mata mo sa katawang hindi mo mahahawakan.” ang sabi ng nakangiting si Christine.

Ngunit ang ngiti sa labi ng dalaga ay nawala ng maalala niya si Dan. Lagi na lang si Brandon ang kasama niya kapag nakasuot siya ng magarang damit at nakaayos ng maganda.

“I’m sorry Dan, but next time. Promise, magpapaganda ako ng sobra para sayo. Then we make love at paliligayahin kita ng husto.” ang pangako ni Christine kay Dan na sinabi niya sa sarili.

*****

Sa nakalipas na umaga hanggang sa ang tanghali ay walang ginawa si Anton kung hindi ang magbabad sa kanyang sariling bar. Muli siyang kumuha ng isang bote ng mamahaling alak ngunit natigil ang kanyang pagbubukas ng makitang palapit sa kanya ang asawa na may dalang tray ng pagkain. Inilapag ni Alice ang dalang tray sa lamesa. Saglit na tumingin kay Anton at saka tumalikod. Natigil lang sa paglalakad si Alice ng marinig niya ang masuyong pagtawag sa kanya ni Anton.

“Alice…”

Nilingon ni Alice ang asawa na may hawak na namang isang bote ng hindi pa nabubuksang alak. Nilapitan ni Alice si Anton, hinawakan ang boteng nasa kamay ng asawa.

“Stop drinking Anton at kumain ka na.” si Alice habang nakatingin sa asawang nakatingin din sa kanya. Nag-aalala din naman siya sa asawa, dangan nga lang ay masama pa din talaga ang loob niya kay Anton.

“Alice, please tell me na hindi ka na galit sa akin. Na napatawad mo na ako. You know me better than that.” ang pakiusap ni Anton na labis na din namang nalulungkot at nananabik sa asawa. Hindi siya sanay ng ganito, ang magkalayo sila ng loob ng asawa.

“Bitawan mo na ito Anton, you have to stop drinking na. Kanina ka pang umaga, it’s not good for you. You have to eat something at ng hindi puro alak ang laman ng katawan mo.” si Alice na pilit na kinukuha sa asawa ang hawak nitong bote. Halata ang pag-aalala sa tinig niya.

“Only if you’ll stay here with me.” si Anton na nakatingin sa asawa. Alam niyang nagdadamdam pa din sa kanya si Alice ngunit nais niyang makasama ulit ang asawa.

Napilitang umupo si Alice sa harap ni Anton kaya binitawan na din ng asawa ang bote at inilapit iyon ni Alice sa kanyang sarili. Nang magsimula ng kumain si Anton ay tumagilid ng upo si Alice, ayaw niyang harapin ang asawa. Hindi naman pinansin ni Anton ang ginawa ng asawa. Ang mahalaga ay kasama pa din niya sa bahay ang asawa at anak kahit alam niyang kapwa masama ang loob ng dalawa sa kanya. Para sa kanila naman ang kanyang ginawa, ito ang pagbibigay katwiran ni Anton sa sarili.

Nang matapos kumain ay lumapit si Alice sa asawa upang ayusin ang pinagkainan nito. Ngunit bago pa siya makapagsimula ay tumayo si Anton at yumakap sa kanya.

“I’m sorry Alice. Na nasaktan kita sa sarili kong kamay, na nasaktan kita sa mga sinabi ko. I love you Alice, please patawarin mo na ako.” si Anton habang nakayakap sa asawa. Nais na niyang matapos na ang kanyang pananabik sa asawa na alam din naman niyang labis at tapat na nagmamahal sa kanya.

Napaluha naman si Alice, mahal niya naman talaga ang asawa, ang nag-iisang lalakeng minahal niya. Mahirap din naman sa kanya ang tiisin ang asawa na alam niyang nasa kalungkutan na parang nag-iisa.

“S-So, hindi mo na ako ibabalik sa p-pinanggalingan ko Anton?” ang sabi ni Alice habang hinayaan niya ang sariling luha na maglandas sa kanyang pisngi.

Muling nakaramdam ng sumbat ng kunsensya si Anton dahil sa sinabi ng asawa at ng maramdaman ang muli nitong pagluha. Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ni Alice at buong pagsuyong tumingin sa mga mata nito at saka pinalis ang mga luha sa mata ng asawa.

“Alice, alam mong kahit kailan ay hindi ko yun gagawin sayo. I’ll kill myself first bago mangyari yun.” ang madamdaming sabi ni Anton, sa sarili niya ay ramdam niya ang sakit na ibinigay niya sa pinakaiibig na si Alice. Kailanman ay hindi mangyayari ang nasabi niya sa asawa, labis niyang mahal si Alice, ang natatanging babaeng inibig niya.

“Promise me Anton, na never mo ng uulitin yung ginawa mo. Dahil masakit talaga sa akin.” si Alice na yumakap na kay Anton.

Yumakap din si Anton kay Alice. Sa isip niya ay nangako siya sa sariling hindi na muli niyang pagbubuhatan ng kamay si Alice at hindi na muling ipapaalala sa asawa ang mapait nitong nakalipas.

“I promise Alice, never again.”

“Dahil alam mo Anton… Kapag pinaalis mo ako sa pamamahay na ito ay kaya kong magsimula kahit nasa hirap na ulit ako.” ang malungkot na sabi ni Alice habang patuloy na humihikbi, dahil bagaman naranasan niya ang maginhawang pamumuhay sa piling ni Anton ay sa hirap naman siya nagmula.

“But if I to have start a new life, at bibigyan ako ng pagkakataon na pumili, ang buhay na alam kong naroon ka at kasama ko ay ang pangarap ko Anton. Ang mahalin at pagsilbihan kayo ni Angela ang ay ang tanging kaligayahan ko.” ang buong pusong sabi ni Alice, nais iparamdam kay Anton ang kanyang pag-ibig sa asawa na nanatiling buo at matatag sa nakalipas na maraming taon ng kanilang pagsasama.

Nakuyom ni Anton ang mga kamay habang lalong hinigpitan ang kanyang pagkakayakap sa asawa. Napaluha siya sa matinding galit sa kanyang sarili. Bakit niya nagawang bigyan ng ganitong alalahanin at lungkot ang pinakamamahal niyang si Alice.

*****

Pagsapit ng tanghali ay dinalhan siya ni Mika ng pagkain. Hindi na muli pang lumabas ng kanyang kwarto si Mika. Dalawang mainit na muling pagtatalik ang kanilang ginawa ng hapon na iyon na bago sila nag-ayos ng kanilang sarili para pumasok sa trabaho, matindi ang ginawang panunukso at pananabik sa kanya ni Mika na hindi niya na nagawang tanggihan. Ngayon ay alas-dos y media na ng hapon. Nakabihis na siya at handa ng pumasok. Napalingon siya sa nakabukas na pinto ng mahinang kumatok doon si Mika. Tulad niya ay nakahanda na din ang dalaga. Simple lang ang ayos nila ni Mika dahil mayroon silang mga uniforms na talagang para sa okasyong pupuntahan na mamaya pa nila isusuot.

“Pasok na tayo, lampas two-thirty na.” ang nakangiting paalala ni Mika sa kanya.

“Sino kayang may kasalanan kapag na-late tayo?” ang nagbibirong tanong ni Dan sa dalaga.

Dahil sa narinig ay pumasok na si Mika sa loob ng kwarto ni Dan at iniyakap ang kanyang kamay sa likod ng binata habang nakatingin sa mukha ni Dan.

“Bakit Dan? Hindi mo ba nagustuhan yung mga ginawa natin kanina?” ang mainit na tanong ni Mika.

Napangiti naman si Dan. Niyakap din si Mika at saka hinalikan sa labi ang dalaga.

“Masarap Mika, mamayang gabi ulit.” ang nakangiting sabi ni Dan.

“Talagang mamaya ulit Dan, alam na ni Ate ang relasyon natin. Hindi na natin kailangang magtago.”

“Hindi ba nagalit sayo ang Ate Ella mo?”

Saglit na nag-isip si Mika, nagtataka din naman siyang madaling pumayag ang kapatid sa hindi patas nilang relasyon ni Dan. Ngunit mas nangingibabaw sa kanya ang saya dahil tanggap na ng kapatid niya ang sitwasyon nila ni Dan.

“Niyakap lang niya ako kanina, tapos sinabi niyang gawin ko daw ang magpapasaya sa akin.”

Nauunawaan naman ni Dan kung bakit ganun ang ginawa ni Ella, dahil batid ng kapatid ni Mika ang nalalapit niyang pag-alis.

“Mika… Pahalik muna ako bago tayo lumabas.”

Napangiti naman ng matamis ang dalaga at iniyakap ang kanyang dalawang kamay sa batok ni Dan. At saka naghinang ang kanilang labi ng matagal. Ang kay Dan ay ang paghahangad na mabigyan ng matatamis na alaala ang dalaga na alam niyang nagmamahal sa kanya. Ang kay Mika ay ang pag-asa na magtatagal pa ang kanilang relasyon at hindi muna sila maghihiwalay ni Dan.

“Lika na Mika, marami pa tayong gagawin.”

Nakangiti namang tumango si Mika. Nagbitaw na sila at lumabas na ng kwarto ni Dan. Nang nasa labas na silang dalawa ay nakatingin lang si Ella sa kanila.

“Alis na kami Ate.” ang kiming paalam ni Mika sa kapatid, nakapag-usap na din naman sila kanina, at pumayag na din ang Ate Ella niya sa kanyang relasyon kay Dan. Nagtataka man siya sa madaling pagpapayag ng kanyang kapatid ay natuwa pa din siya. Dahil kahit alam ng kapatid na siya ang talo sa huli ay pinagbigyan pa din nito ang kaligayahan niya.

“Ingat kayo.” ang sabi ni Ella na nakatingin kay Dan.

Saglit lang na nagtama ang paningin nila ni Dan at pumasok na din si Ella sa loob. Huling panggabi niya mamayang gabi. Kailangan na din niyang magpahinga ulit. Nakahiga na siya ay laman pa din ng kanyang isipan ang sitwasyon ng kapatid. Hindi niya alam kung bakit, ngunit ngayong alam niyang lalayo na si Dan ay nakaramdam siya ng lungkot.

*****

Nang nakarating na sina Dan at Mika sa bar ay agad silang sinalubong ni Alex na kanina pa naghihintay sa kanila malapit sa may counter.

“Tagal nyo ah. Parang may ginawa pa kayo, lam nyo na…” ang nakangiting sabi ni Alex.

Namula naman ng bahagya si Mika na napansin ni Alex. Para na ding inamin ni Mika ang birong sinabi niya.

“Alex ha, sige ka, aawayin talaga kita.” ang nagkuwang galit na si Mika.

“Ikaw talaga Alex, alam mong pikon itong si Mika eh. Kapag umiyak yan, ikaw ang may kasalanan.” ang ganting biro na lang ni Dan.

“Nagbibiro lang ako Mika, ikaw naman, parang di ka pa sanay sa akin.” ang nakatawang si Alex, alam naman niyang hindi totoong galit ang dalaga dahil masaya si Mika kahit namumula ng bahagya ang maganda nitong mukha.

“Tara na sa office. Kakausapin muna daw tayo ni Mam bago tayo magsimula.” ang yakag ni Alex sa dalawa.

Magkakasunod silang naglakad at nagtungo sa opisina ni Arcelle. Nang nasa loob na sila ay minsan pa silang pinaalalahanan ni Arcelle ng mga dapat gawin at dapat tandaan. Pagkatapos ay isa-isang inabot sa kanila ni Arcelle ang kanilang special uniforms na para talaga sa mga ganoong ocaasion.

“Alex, the party will start at seven, dapat andun na kayo ng five para maghanda. Just talk to the guy na sinabi ko sayo. Siya ang bahalang mag-assist sa lahat ng kailangan nyo.”

“Yes Mam.” si Alex.

“Alex will do the refilling, Mika, Dan, serving naman kayong dalawa, since pareho kayong may itsura. You both know the do’s and dont’s, maging magalang at maingat.”

“Yes Mam.” ang magkasabay na sagot naman ni Dan at Mika.

“Four-thirty ang alis ninyo dito, may one and half hour pa kayo para mag prepare. Alex, be sure na ready ang lahat ng dala ninyo. Alam kong na-check mo na lahat, it doesn’t hurt to do one last re-checking bago ninyo ipasok sa service ninyo. Mika, support ka muna sa counter habang naghihintay kayo ng oras ng alis ninyo. Isuot ninyo ang uniform ninyo ng four, be prepared, based sa dami ng order nilang drinks, it will be a long night para sa inyong tatlo. Remember, hindi lang pangalan ninyo ang dala ninyo kung hindi mas higit ang name ng bar na nakasulat din sa suot ninyong uniform, excellent customer service is always a must.”

“Any questions?”

“Mam, pwede po ba kaming mag rotation sa pag serve?” si Alex na ang nasa isip ay si Mika, dahil higit na madali ang mag-refill kaysa ang umikot na may dalang tray.

Saglit na pinagmasdan ni Arcelle ang mukha ni Alex, nakaramdam naman ng pagkailang si Alex, nais niya sanang magkamot ng ulo ngunit hindi niya magawa. Si Dan at Mika ay kapwa naman mga pinipigilan ang sarili na mangiti o matawa.

“Okay Alex, but do it only for a short time, para mabigyang pahinga lang sina Dan at Mika.”

“Thank you po Mam.”

“No other questions? Is everything clear?” ang huling tanong ni Arcelle.

“Yes Mam.” ang halos magkakasabay nilang sagot.

Minsan pa silang tiningnan ni Arcelle ngunit kay Dan nagtagal ang kanyang mata. Hindi naman nakatiis si Dan dahil sa pagtitig sa kanya ng makahulugan ni Arcelle.

“Mam, labas na po kami. Tutulungan ko pa po si Alex sa re-checking, si Mika naman po ay sa counter pa.” ang paalala ni Dan kay Arcelle.

Tumango naman si Arcelle.

“Okay, Alex, Mika, mauna na kayo. Dan, maiwan ka muna, may sasabihin pa ako sayo.”

At gaya ng dati ay nauna ng lumabas ang dalawa at naiwan na naman si Dan na nakatayo sa harap ni Arcelle. Nang nakalabas na sina Mika at Alex ay tumayo si Arcelle at nagpunta sa harap ni Dan, isinandal ang baywang sa kanyang lamesa habang nakatingin sa mukha ng binata. Kanina pa siya nanabik na magkasarilinan silang dalawa ni Dan. Iba talaga ang pagkauhaw niya kay Dan, kahit anong pagpipigil niya sa sarili ay hindi niya magawa. Kinakabahan man ay alam ni Dan na hindi maglalakas ng loob si Arcelle na gumawa sila ng mahalay sa sandaling iyon lalo’t naroon lang sa labas ng opisina ni Arcelle ang ilang empleyado ng bar.

Habang nakatingin sa maamong mukha ni Dan ay saglit na tiningnan ni Arcelle ang labas ng kanyang opisina mula sa salamin ng pinto. Sa kanilang kinatatayuan ngayon ni Dan ay hindi sila kita ng mga nasa labas. Muli niyang ibanaling ang paningin sa binata at humawak sa damit nito.

“Dan.. Kiss me muna bago ka lumabas…” ang buong paglalambing na sabi ni Arcelle.

“Arcelle…, may mga tao sa labas…” ang kinakabahan namang sagot ni Dan, hindi siya makakuha ng lakas para alisin ang kamay ni Arcelle na ngayon ay nakahawak sa kanyang damit.

“Dan… Hahalikan mo ba ako o hindi?” ang madiin na tanong ni Arcelle.

Dahil sa narinig ay inilapit ni Dan ang kanyang mukha kay Arcelle at matagal na pinaghinang ang kanilang labi. Wala na din naman siyang pagpipilian sa ngayon at halik lang naman ang maaaring hingin sa kanya ni Arcelle. Nang matapos ay hinawakan niya ang kamay ni Arcelle at marahan iyong inalis sa pagkakahawak sa kanyang damit.

“Arcelle, kailangan ko ng lumabas, naghihintay si Alex.” ang paalala ni Dan.

Ngumiti naman si Arcelle dahil nagawa na niya ang gusto. Hanggat naririto si Dan sa loob ng bar ay magagawa niya ang lahat ng nais niya sa binata. Tumayo na si Arcelle at idinikit ang mayamang dibdib sa katawan ni Dan at saka mainit na bumulong sa tenga ng binata.

“Sa susunod Dan, hindi na tayo dito sa bar, kung hindi sa isang lugar na matutulog tayong magkatabi.”

At saka namungay ang mata ni Arcelle na nakatingin kay Dan. Inilayo na ang kanyang katawan mula sa binata at bumalik na sa kanyang pagkakaupo. Si Dan naman ay hindi din agad nakakilos dahil sa narinig.

“Dan…” ang malambing na pagtawag ni Arcelle na nakangiti sa binata, nais ipaalala na dapat na itong lumabas

Huminga ng malalim si Dan, tumingin kay Arcelle, bahagyang yumukod dito at saka siya lumabas na ng opisina. Itinigil naman ni Arcelle ang kanyang ginagawa at iginawi ang paningin sa pinto. Sa kanyang labi ay naroon ang isang malanding ngiti, naglalaro sa kanyang isipan ang muli na naman nilang pagtatampisaw ni Dan sa kasalanan na labis niyang pinananabikan. Alam niyang ilang araw lang ay muli na namang luluwas sa probinsya si Arman para sa bago nitong project. Maraming gabi ang kanyang magiging pagkakataon para makapiling si Dan at magawa ang nais na matulog na katabi ng binata.

*****

Tahimik na kumakain ng hapunan si Angela kasabay ng kanyang mga magulang. Natutuwa si Angela sa nakikitang pag-aasikaso ng ina sa kanyang ama. Ngunit naroon pa din sa kanyang damdamin ang takot at pag-aalala para sa kanilang relasyon ni Dan. Pansin naman ni Anton ang pagkailang sa kanya ng anak. Alam niyang tulad ni Alice ay nagdadamdam din ito sa kanya. Nagpapasalamat siyang ngayon ay parang nakabalik na ulit sila ni Alice sa dati ngunit hindi pa din nila napag-uusapang mabuti ang tungkol sa kasintahan ng anak.

“Angela…” ang masuyong pagsambit ni Anton sa pangalan ng anak.

Itinigil naman ni Angela ang ginagawang pagkain at tumingin sa kanyang ama.

“Kailangan naming dumalo ng Mommy sa isang special occasion tonight. We want you to be there with us, pero hindi ka naman pipilitin kung ayaw mong sumama.” ang sunod na sabi ni Anton, puno ng paglalambing ang kanyang boses. Nais na ibalik ang masaya nilang pagsasamahan na lumamig dahil sa kasintahan ng anak.

Nang una ay nais ni Angela na pagbigyan ang mga magulang. Ngunit dahil sa ngyari sa kanya habang kasama si Lance ay ayaw muna niyang makihalubilo sa mga tao. Idagdag pang malaki ang pagdaramdam niya sa ama dahil sa ginawa nito kay Dan.

“I’m not ready to go out Dad, dito na lang po ako sa house.”

“Anton, hayaan na natin si Angela. She needs time at mas prefer ko ding nasa bahay na lang muna siya.” ang sabi naman ni Alice na nakahawak sa kamay ng anak habang nakatingin sa asawa.

Wala na din namang nagawa si Anton, ang kanyang tunay na dahilan sa pagnanais na isama ang anak ay upang magsimula itong mamulat na makipag-usap sa mga dalagang kauri ng anak. Ang kanyang ikalawang dahilan ay dahil sa pagkasira ng relasyon nina Angela at Lance, ay nais niyang maipakilala ang nag-iisang anak sa ibang binatang anak ng kanyang mga kaibigan at business partners. Ang mga iyon ang mga karapat-dapat sa anak at hindi ang isang tulad lamang ni Dan. Ngunit marami pa namang pagkakaton na darating, ang kailangan muna niyang unahin ay ang paghiwalayin ang dalawa.

“Angela, since your Mom is also against it, na sumama ka sa amin. Dito ka na lang sa house, but, you have to sleep early at alam namin kulang ka pa din sa pahinga.”

Tumango naman si Angela.

“Thanks Dad, I’ll do that po. After kong magbasa ay mag-sleep na po ako ng maaga.” ang kiming sabi na lang ni Angela at saka ipinagpatuloy ng dalaga ang pagkain.

Ramdam pa din ni Anton ang medyo malamig na pakikitungo sa kanya ng anak. Napatingin na lang siya sa asawa na hinawakan ang kanyang kamay at umiling sa kanya. Hindi pa ngayon ang panahon , alam niyang mas lalong lalayo ang loob sa kanya ng anak kapag gumawa na siya ng hakbang. At maaaring gayundin si Alice, ngunit siya ang ama at ang kapakanan lamang ng kanyang pamilya ang iniiisip niya. Ngumiti siya kay Alice na ngumiti din sa kanya. Alam nyang kapwa muling magdamdam sa kanya ang dalawang pinakamahalagang babae sa kanyang buhay ngunit nakahanda na siya. Lilipas din naman ang panahon ay malalaman din ng kanyang asawa at anak na ang kapakanan lamang ng kanilang pamilya ang iniiisip niya.

*****

Maingat na nag-aayos ng mga baso at alak sina Alex at Dan sa isang magandang table na para sa kanila. Ito ang kanilang parte sa gaganaping okasyon, ang patuloy na magdulot ng ibat-ibat uri ng alak sa mga bisitang magsisidating sa marangyang lugar na ito na pagdadausan ng isang espesyal na okasyon. Ngayon ay nakasuot na ng kulay na itim na polo sina Dan at Alex na may disenyo at pangalan ng kanilang bar sa may parteng dibdib, itim na pantalon na slacks naman ang katerno nito at itim ding makintab na sapatos. Silang dalawa lang na magkaibigan ang nag-aayos sa may lamesa dahil nagpaalam si Mika na may gagawin muna saglit. Nang malapit na silang matapos sa kanilang ginagawa ay nakarinig sila ng isang pagtikhim sa kanilang likuran. Halos magkasabay silang napalingon at nakita nila si Mika na bahagyang naglagay ng pulbos at lipstick. Hindi din nakapuyod ngayon si Mika na pangkaraniwan nitong gingawa kapag nasa bar ang dalaga. Ngayon ay labis ang paghangang nararamdaman ni Alex sa minamahal na dalaga. Lalong tumingkad ang ganda ni Mika dahil sa makeup nito sa mukha at sa parang itim na bestidang uniform ng dalaga. Si Dan naman ay napangiti dahil sa mas magandang itsura ni Mika. Sa kanyang damdamin ay naroon ang masidhing pananabik sa muli na naman nilang pagtatabi mamaya.

“Dan, Alex, okay lang ba yung itsura ko?” ang malambing na tanong ni Mika sa dalawa ngunit kay Dan nakatingin at nakangiti. Nasa likod ng dalaga ang dalawa nitong kamay kaya’t lalong yumabong tingnan ang malulusog na dibdib ni Mika.

Napalunok naman si Alex , hindi mapigil ang sarili na magnasa sa dalagang kaibigan na alam niyang si Dan ang nagpapakasawa.

“Kailangan pa ba naming sagutin yan Mika eh sa harap ka na ng salamin nanggaling.” ang nagbibirong sagot ni Alex, pilit na kinakalma ang sarili at itinatago ang sariling damdamin sa likod ng kanyang pagbibiro.

“Iba ang ganda mo ngayon gabi Mika.” ang matapat na sabi naman ni Dan.

Matamis namang ngumiti si Mika, sulit ang pag-aayos na ginawa niya dahil kita niya sa mukha at mata ni Dan ang pananabik nito sa kanya. Dahil sa napansin sa dalawa ay saglit na napayuko na lang si Alex, at saka siya nagpaalam sa dalawa na kunwaring may kukunin.

“Dan, Mika, maiwan ko muna kayo. May kukunin lang ako saglit sa kusina, parang kukulangin tayo ng wine glass.” ang paalam ni Alex sa dalawa.

“Samahan na kita Alex.” si Dan.

“Kaya ko na yun Dan, samahan mo na lang muna dyan si Mika.” ang nakangiting si Alex.

Tumalikod na si Alex at mabilis na lumakad palayo, mahigit kalahating oras pa naman bago magsimula ang pagdiriwang at ilang bisita pa lang ang naroon. Nais niyang bigyan ng pagkakataon ang dalawang kaibigan na magkasarilinan muna. At dahil na din sa katotohanang labis ang lungkot na kanyang nararamdaman, mahal niya si Mika ngunit hanggang tingin na lamang sa dalaga ang kaya niyang gawin. Nagtungo siya sa madilim na bahagi ng hardin, naglabas ng isang sigarilyo at dito nag-ubos ng oras. Malayo kay Mika, sa dalagang minamahal niya.

*****

Nakangiti naman si Christine sa harap ng salamin, ngayon ay kasama niya ang dalawang babaeng nag-ayos sa kanya. Napakaganda niya ngayong gabi, hindi niya hahayaang masira ang gabing ito dahil kay Brandon. Nakahanda na naman siya, kung anuman ang binabalak ng binata ay gawin nito. Dahil daliri lang niya ang makukuha ni Brandon ngayon gabi ngunit hindi ang kanyang puso at katawan na nakalaan lamang kay Dan.

Napatingin si Christine sa pinto ng makarinig siya ng mahinang pagkatok. At saka pumasok ang kanyang ina na nakangiti sa kanya.

“Look at you Iha, you look very beautiful and so stunning tonight. I wonder how many heads will turn because of you Christine.” ang masayang papuri ng kanyang ina.

Ngumiti lang si Christine sa kanyang ina, alam naman niyang kay Brandon siya ibibigay ng mga magulang ngayong gabi kapag naroon na sila.

“Are you ready to go Christine? Kanina pa kami naghihintay ng Papa mo sa salas.” ang paalala ng kanyang ina.

Alam naman ni Christine na naghihintay sa kanya ang mga magulang kaya sadyang tinagalan niya ang pagpapaayos sa dalawang babaeng kasama niya ngayon. Mabigat pa din ang loob niya dahil sa pagpapasyang ginawa ng mga ito ng hindi hiningi ang pagsang-ayon niya.

“I’m done here Ma. Let’s go, the party is on and I know that someone is eagerly waiting to see me there.” ang sagot ni Christine sa ina at saka siya makahulugang ngumiti.

Natigilan naman ang kanyang ina. Ngunit napilitan na din itong ngumiti. Magkasunod na silang lumabas ng kwarto at nagtungo sa salas na kinaroroonan ng kanyang ama.

Nang malapit na siya sa kanyang ama ay pinaalalahanan siya nito.

“You look very pretty tonight Iha. For our sake Christine, I do hope that you also behave well.” ang madiin na sabi ng kanyang ama.

“Yes Pa.” ang maiksing sagot ng dalaga. Nais niyang mag-rebelde at masuya ngunit hindi niya magawa. Hindi pa niya kayang tumayo sa sarili niyang mga paa. Kailangan pa niya ang mga magulang para manatiling nasa langit ang kanyang mga paa.

Habang tumatakbo ang kanilang sasakyan ay sa labas nakatingin si Christine. Nawala na ang ngiti sa kanyang labi, ngunit laman ng kanyang isipan si Dan. Kahit pa anong balakid ang dumating sa kanya, basta kanya pa din si Dan, ay buo ang pag-asa niya na magiging masaya din siya sa hinaharap na sila lamang dalawa ang magkasama.

*****

Mula sa bintana ng kanyang kwarto ay ihinatid ng tanaw ni Angela ang mga magulang na sakay ng isa sa kanilang magarang sasakyan. Nang wala na ang sasakyang naglulan sa kanyang mga magulang ay nagtungo na siya sa kama. Umupo doon habang nakasandal ang kanyang likod sa ulunan ng kama. Kumuha siya ng isang libro at saka nagsimulang magbasa. Ngunit wala naman sa hawak na libro ang kanyang isipan kung hindi nasa kanyang kasintahan. Muling uminit ang kanyang pakiramdam, ilang araw na lang ay lalayo na sila, wala namang katiyakan kung kasama nila si Christine. Ngunit kung magkagayun man ay hindi na din mahalaga. Dahil siya ang mas matimbang at mas may higit na karapatan sa binatang minamahal. Isinara niya ang librong hawak ang ipinikit ang kanyang mga mata. Inalala ang masasayang sandali na magkasama silang dalawa.

“Dan.. I miss you na agad talaga.” ang buong pananabik na sabi ni Angela.

*****

Dahil sa hindi pa din bumabalik si Alex ay nagpasya na si Dan na sundan ang kaibigan. Malapit ng mag-alas syete ng gabi, dapat ay narito na ngayon si Alex.

“Mika, dito ka lang muna, sundan ko lang si Alex, baka nakalimot na sa oras.” ang nakangiting paalam ni Dan sa dalaga.

“Ingat ka Dan ha, bilisan mo, balikan mo ako kaagad dito.” ang nag-aalalang sabi ni Mika.

“Babalik ako kaagad, okay? Dito ka lang Mika ha, basta wag kang aalis.” ang paalala ni Dan kay Mika.

Tumango naman si Mika.

Nagsimula ng landasin ni Dan ang daan patungo sa hardin na napansin niyang tinahak ni Alex ng mapatigil siya sa paglalakad. Dahil ngayon ay palapit sa kanyang naglalakad ang dalawang taong hindi niya inaasahan na makita ngayong gabi. Gumilid siya ng daan upang hayaan na makalampas ang mga ito sa kanya. Ngunit ng nasa tapat na niya ang dalawa ay tumigil ang mga ito at humarap sa kanya.

“Musta Dan?” ang nakangiting bati sa kanya ni Brandon.

Sa likuran naman ni Brandon ay naroon si Lance na nakatingin lang sa kanya. Medyo halata pa din ang ilang sugat sa mukha ng binata. Ang isang payapang gabi na hinihiling ni Dan kung saan umaasa siyang makakalikom ng kaunting halaga para sa nakatakda nilang paglisan ay parang hindi mapapagbibigyan. Sa halip ay isang huling hagupit ng unos ang nakatakda niyang harapin na susubok sa kanyang sariling paninindigan at pagkatao.

(Ipagpapatuloy…)

Scroll to Top