ANG PAMILYA SAMANIEGO
©2020 littlekitty
Paunawa: Ito ay isang malikhaing kathang-isip lamang.
.
.
Chapter 1. Discharge (Part 1)
ISANG TANGHALI, naglalakad ang bagong nurse intern na si Nica pabalik ng medical wing nang mapadaan ito sa harap ng isang cottage na nagkataong nakabukas ang pintuan. Napa-doubletake siya sa nasilayang hubad na likod ng isang lalaking nag-aayos ng mga gamit, dahilan para matigilan siya sa kanyang paglalakad. Tumabi siya sa kalapit na poste na nasa lima o anim na metro ang layo sa pintuan at pasimpleng tinanaw ang kakisigan ng binata habang abala ito sa pag-iimpake.
Wala itong suot na pang-itaas kaya malayang napagdiskitahan ng mga mata ng batang nurse ang batak nitong katawan. Matangkad ang lalaki at may kaputian. Mukhang malinis ito at walang bahid ng anumang tinta sa katawan na karaniwan sa ibang pasyente. Seryoso din ang hitsura.
Nang mapansin ni Nica ang numero sa cottage ay naisip niyang pamilyar iyon sa kanya. Binuklat niya ang hawak na binder ng mga for discharge sa linggong iyon at hinanap mula doon ang file na nagkocorrespond sa assigned cottage ng pasyente. Wala sa sariling nabasa ni Nica ang ibabang labi nang makita ang file ng isang 30-anyos na Sebastian Samaniego.
Alcohol and drug addiction ang nakalagay na dahilan ng boluntaryong pagpasok ng lalaki sa isolated rehab facility na may kalayuan sa sibilisasyon. Sumailalim ito sa 90 day recovery program at noong nakaraang linggo pa natapos at nakiusap lamang na mag-extend pa ng isang linggo sa compound. Marahil para dahan-dahang iadjust ang sarili sa paglabas, naisip ni Nica. Isa pa ay may dumaan na bagyo noong nakaraang mga araw, bagaman mahina lang. Ngayong bumuti na ang panahon, malamang ay tuluyan na nga itong aalis.
Bahagyang napangiti si Nica sa larawan ng lalaki na nakaattach sa file. Gwapo ito kahit seryoso ang mukha. Single pa ang nakasaad na civil status. Hindi gaanong nakakaguilty-ng halayin sa isipan. Tiyak na maiinggit ang kaibigan sa kanyang ichichika. Mahina siyang natawa sa naisip.
Napasinghap siya nang sa pag-angat ng ulo ay nagtama ang kanilang mga tingin. Sandali niya itong pinagmasdan ng mabuti bago tumango ng may ngiti at naglakad paalis, lihim na kinikilig. Alam niyang makikita niya ito muli pag dumaan ito sa medical wing para sa huling check up.
Samantala, natapos na ni Sebastian ang pag-aayos ng mga gamit. Makalipas ang ilang buwan ay makakalabas na rin siya ng pasilidad. Bagaman malayang umalis o lumabas-labas, mas pinili niyang manatili sa loob ng compound sa duration ng kanyang treatment para makaiwas na din sa anumang maaaring maging tukso sa labas. Nanatili siya sa isa sa mga residential cottages doon na nakalaan para sa mga pasyente at naging cooperative sa lahat ng pinagawa at iminungkahi ng mga doktor at therapist sa kanya.
Matagal nang nagpapakalango ang binata sa alak. Halos walang araw na hindi ito naglalasing. Bagaman hayskul pa ito nang magsimulang uminom-inom ay nagsimula ang kanyang alcohol abuse noong hiwalayan siya ng kababatang naging kasintahan niya na si Nathalie. At ang tuluyang ikinagunaw ng mundo ni Sebastian, na naging dahilan ng kanyang pagpapabaya sa sarili kabilang na ang pagdudroga, ay ang pagpapakilala ng kanyang Kuya Marco kay Nathalie sa buong pamilya nila bilang misis nito.
Hindi matanggap ni Sebastian na nagpakasal ang kanyang kuya at ex, samantalang wala pang isang taon ang nakakalipas mula noong iwan siya ng huli. Pahamak ang naidulot ng adiksyon sa binata dahil maraming beses na magigising nalang siya sa kung saang lugar. Minsan ay kung anu ano nang gulo ang nasangkutan niya. Magigising na lamang siyang nasa kustodiya ng pulis o barangay. Muntikan na rin niyang malagay ang sariling buhay sa panganib dahil sa kawalan niya ng pag-iingat o katinuan habang nagmamaneho.
Sa halip na ayusin ang sarili ay mas lalo lamang siyang napariwara ng ilang taon dahil mismong pamilya niya ay tila walang malasakit sa kanya. Maliban na lamang sa kanyang ina at si Nathalie. Nakiusap ang mga ito na tulungan niya ang sarili para makabangon muli. Nang marinig niya ito mula kay Nathalie ay labis na pang-iinsulto ang natamo nito mula sa kanya gawa na rin ng pagsabog ng kanyang damdamin. Galit niyang kinuwistyon ang pag-aalala nito gayong siya naman ang pinakadahilan ng lahat. Ngunit ina niya na ang nagmakaawa sa kanya na magparehab kung kaya’t hindi na rin siya nagmatigas pa.
Sa mahigit tatlong buwang pagpaparehab niya, ni minsan ay hindi nawala sa kanyang isipan si Nathalie. Oo, matindi ang galit niya rito at pati na rin sa kanyang Kuya Marco na naging ahas na sa kanyang paningin. Pero hinding-hindi maipagkakaila ni Sebastian na sa kabila ng lahat ay si Nathalie pa rin ang sinisigaw ng kanyang puso, ang hinahanap-hanap ng kanyang isip. At gabi gabi sa kanyang pagtulog ay kusang pinipinta ng memorya ang magandang imahe ng babaeng minamahal. Kahit kasal na ito, kahit maybahay na ito ng kanyang kapatid, wala siyang pakialam. Sa kanyang isipan, malaya niyang naibabalik ang lahat sa dati at pinauulit-ulit ang panahon kung kailan masaya pa sila at nangangarap na magsama’t balang araw bumuo ng sarili nilang pamilya.
Napansin ni Nica ang pagkunot ng noo ng pasyente. Bahagyang gumalaw ang ulo nito at napaungol pa ng mahina pero nanatili pa ring tulog. Nagpatuloy sa pagmasid ang batang nars sa lalaking kasalukuyang nakahiga sa kama habang siya ay tahimik na nakatayo sa isang tabi. Kalahating oras na ang nakakalipas mula noong umalis ang doktor matapos tignan ang pasyente. Tapos na ang check up nito at nakatulog dahil sa therapy at sa epekto na din ng gamot na ipinainom dito.
Malakas ang kabog sa dibdib ni Nica dahil naaakit siya sa napakalakas na dating ng pasyente. Ito ang parehong lalaking nasilip niya sa cottage kanina. Mas gwapo pala talaga ito sa malapitan. Ang lalo nagpa-eratiko sa tibok ng kanyang puso ay ang umbok ng ari nitong hindi na nagawa pang itago ng suot na hospital gown. Sa laki noon ay kusang nahiklat pataas ang laylayan kaya lalong nalantad ang mga hita nito. Tila ba kakapusin si Nica ng paghinga sa temptasyong iangat pa lalo ang manipis na tela nang makita ang tunay na pakay — ang sawang natutulog sa pagitan. Ngunit kahit na tulog pa ay katakot-takot na iyon. Dahil sa dadalawa lamang sila sa munting silid na iyon at nararadaman na niya ang unti-unting pamamasa ng kanyang hiyas ay nanunuyo ang lalamunan siyang lumapit sa binatang payapang nakapikit. Tanging kurtina ang nagtatakip sa kanila at sa pintuan na hindi na niya nagawa pang ilock.
Naroon yung thrill na may biglang pumasok at makahuli sa kanya. Ngunit wala na siyang pakialam.
Unti-unting lumalalim ang paghinga ni Nica sa antisipasyon. Batid niyang mayroon lang mangyayari kung sisimulan niya ito.
Itutuloy…
.
.
Kitty’s note:
After 24 hours na po yung kasunod. I’ll stick to ~1000 words per entry para marami akong posts hehe
This is one of my many neglected story concepts from before. Sinusubukan ko lang isulat ulit (WIP pa). It’s not easy for me since mabilis talaga akong mawalan ng momentum, pero sinisikap ko pa rin kasi I love what I do <3
I hope my Tagalog’s okay. Just trying since someone suggested. Anyway, sana masubaybayan niyo po ito. Salamat.