ANG PAYASO NI LOLA CHARING

ni bigberto

Taong 1960 si CHARITO at ARTEMIO ay magkaklase sa mataas na paaralang pampubliko sa karatig ng Maynila ,anak ng magsasaka si Charito at kilala ang kanilang angkan sa isa maunlad na may-ari ng malawak na palayan at ilang palaisdaan samantalang manggagawa lamang ang ama ni Artemio o temmy ng pamilya nina Charing(CHARITO).at nakatirik ang kanilang bahay sa malapit sa malaking bahay nina Charing ,May kapatid si charing na si aning o ANITA. na mas matanda kay charing..Kapwa mababait ang mga magulang nina charing kaya marahil umunlad at lalong lumawak ang kanilang mga lupain,samantalang galing naman sina Artemio sa malayong lugar sa kabisayaan tatlo silang magkakapatid at si temmy ang panganay sa dalawang sumunod na babae.

Si nene o Nenita at ellen o helinita. na mas bata ng dalawa at apat na taon kay temmy.si ellen ang bunso sa kanila.,pinayagang magtayo ang mga magulang ni temmy ng maliit na kubo sa lupain nina charing bilang tulong na rin sa masipag na mga magulang nito ,Sanay palibhasa sa trabahong bukid ang ama ni Temmy na si mang goyong at aling emang.Kapwa nasa ikaapat na baytang sina temmy at charing samantalang nasa mataas na paaralan naman si Aning.kumo katu-katulong sa bukit ang ama ni temmy at kusinera naman sa malaking bahay ang kanyang nanay ay parang alila rin ang turing sa kanila ni Charing lalong-lalo na kay temmy na may kaitiman at malalaki ang katawan sanay sa gawaing bukidtulad ng kanyang amang si mang goyong..

Malapit lamang ang kanilang paaralan sa kanilang lugar kaya nilalakad na lamang ito ng apat kasama ang mga batang kapatid ni temmy kasabay rin si Charing na gustong-gusto ring kasabay ang dalawang nakababatang kapatid ni Temmy dahil may tumatawag sa kanyang ate at si Temmy ang daga bitbit ng mga dala-dalahan ng tatlong babae..Hindi naman ito ikinahihiya ni Temmy maligaya syang paglingkuran kahit man lamang tagabitbit sya ni Charing ng mga gamit nito..kaya naman tampulan sya ng tukso sa paaralan na atsoy sya ni Charing.nginingitian lamang sila ni Temmy sanay na sya samga panunukso ng kanilang mga kaklase .Kung tawagin sya ni Charing ay negro kasi nga ay maitim sya at sanay sa trabahong bukid .

Dahil nga sa parang alila sya kung ituring ni Charing ay sya na rin ang ginagawang katatawanan ng kanyang mga kaklaseng babae pero ilag sa kanya ang mga kaklaseng lalaki kasi nga ay mas malaki sya at malakas kesa sa mga ito at katapat nya ay ang mga nasa magtatapos ng mga magaaral ng elementarya..Akala nga ng iba ay iyon din ang kanyang idad.May pagka-suplada itong si Charing at madaling mapikon kaya nong minsan ay nakatikim sya ng sampal sa isang mag-aaral na lalaki dahil pinagsupladahan daw nito ang nakababatang kapatid ,nakita ito ni Temmy na sinasaktan si Charing kaya sinugod nya ang batang lalaking mas matanda sa kanya hindi sanay sa suntukan kahit pa sabihing halos ay kasintaasan nya ito ay sanay palang makipagbabag ang batang lalaki at si Temmy ang palaging tinatamaan ng suntok at sipa pero kahit na natatalo sya at dumudugo na ang ilong at bibig ay sige pa rin ang sugodf nya sa nakaaway na mas matanda sa kanya..Kung hindi pa sila inawat ng janitor ng paaralan malamang ay nagulpi si Temmy ng husto.

Kapwa magulo at panay alikabok ang kanilang uniporme ng umuwi ang dalawa may maitim pang pasa si Temmy at dumudugo ang ilong at bibig.

CHARING ; ” Sugod ka ng sugod ehh hindi ka naman marunong manuntok yan tingnan mo puro putok yang labi at ilong mo mabuti pa maglinis ka muna ng katawan doon sa likod bahay baka makita ka pa ng nanay mo mapapapagalitan ka pa nyon.

Hindi na lamang sumagot si Temmy kasi naman ito na nga ang kanyang tinulungan siya pa ang sinisisi nito.at kasama nyang naglinis ng katawan si Charing pero panay pa rin ang paninisi nito sa kanya..Nakita ng tatay ni Charing ang paglilinis ng dalawa sa likod bahay naroon kasi ang de bombang poso nila na syang linisan ng mga gamit sa bukid.at nakita ni mang hector na dumudugo pa ang ilong ni Temmy.

MANG HECTOR ; ” Anong nangyari sa inyong dalawa bakit kayo pulos alikabok at ikaw temmy bakit may mga pasa ka at dumudugo ang iyong ilong at bibig” ano bang nangyari sa inyong mga bata kayo ha?”

CHARING ; ” Kasi po may naka-away ako at sinampal nong kapatid ng naka-away ko kaya sinugod nitong si Temmy yung nanampal sa akin hindi nya naman kaya hindi kasi marunong manuntok ehh pinapanangga nya ang kanyang mukha hihihihi.”

MANG HECTOR ; ” Nakukuha mo pang pagtawanan si temmy embis na magpasalamat ka nakita mo nang kahit papano ehh pinagtanggol ka nya maraming salamat tem hayaan mo tuturuan kita kung papano manuntok at umilag dati yata akong boksengiro noong kabataan ko pa hehehe para hindi ka na pagtawanan ng lukaret na ito.Sumabay na kayo sa aking magmeryenda at maraming salamat nga pala sa iyo temmy.”

Parang nabawasan ang sakit na nararamdaman ni temmy sa mga sinabi ni mang hector talaga ngang napakabait nito.Kumo si mang goyong ang palaging nasa bukid ay maraming panahon si mang hector na turuan ng boksing si Temmy na lalo namang ikinainis ni charing nakikita nyang tinuturuan ng tatay nya si temmy pag-gising sa umaga at bago matulog sa gabi.noong una ay tatlong beses lamang sa isang linggo pero ng kalaunan ay halos araw-araw na itong turuan ng kanyang tatay hector.,nahihiya pa noong una si temmy dahil amo rin nya kung ituring si mang hector kaya lahat ng ituro nito sa kanya ay kanyang sinusuno na lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulangna palaging abala sa kani-kanilang mga gawain. Si mang hector nanga ang sumama sa kanya ng sya ay magpatuli at laking pasasalamat ng amang si mang goyng sa kanyang among lalaking malamang ito ang nagpatuli sa kanyang anak.kumo walang anak na lalaki si mang hector at sadyang mabait at masunuring bata naman si temmy ay nakapalagayang loob ito ng husto ni mang hector.

Matuling lumipas ang mga araw at kapwa na nasa mataas na paaralan sina Charing at temmy sa dating pinapasukan noon ni Aning kaya sabay na rin kung ihatid sila ng drayber ng pamillya .lalong gumanda si Charing kahit may kaliitan ito kung ikukumpara kay Temmy na parang hinihipang lobo ang pagtaas at paglaki nito,gayun pa man ay alila pa rin sya kung ituring ni Charing sya pa rin ang tagabitbit ng mga gamit nito at madalas ay ginagawang katatawanan sa kanilang klase,Balewala lang itong lahat kay temmy sanay na sya sa ugali ni Charing.bugnutin at suplada.

Unang taon pa lamang nila ay muntik na namang mapa-away si Temmy dahil pinagsupladahan ni Charing ang mas matatanda sa kanilang mag-aaral na lalakidahil sinipulan sya ng mga ito kaya lang ay inawat sya ni Temmy at sya pa ang humingi ng despensa sa mga ito kaya pinagtawanan na lamang sila ng mas matatandang estudyante.

CHARING ; ‘ Kung hindi mo lang ako inawat talagang makakatikim ng mura sa akin ang mga bastos na yun ehh ikaw namang negro kah bakit ikaw pa ang nanghingi ng despensa sa mga bastos na yon nadala ka siguro ng bugbugin ka noon ano hihihi anlaki mong duwag.”

TEMMY ; ” Wala naman silang masamang ginawa sa yo ahh dapat nga pasalamat ka dahil may humahanga sa kagandahan mo hehehehe.”

CHARING ; ” Isa ka pa ryang nang-aasar ha dali bilisan mong lakad at malapit na tayo sa ating silid aralan.”

Sa isang sulok ng damdamin ni Charing ay natutuwa sya sa mga sinabi sa kanya ni Temmy na maganda raw sya .samakatwid ay nagagandahan sa kanya si Temmy ang negrong alila nya.”Doon din sa paaralang iyon nagsisipag-aral ang kanyang mga kaibigan sa elementarya kaya naman masaya silang palagi at si Temmy palagi ang tampulan ng kanilang mga biro ang hindi alam ni Charing ay isa sa mga kaklase nyaang nasasaktan kapag nilalait nya si Temmy si laura na buhat din sa isang mahirap na pamilya..Maganda rin ito at medyo morena o balat kayumanggi mahabang laging nakaponytail ang buhok.Nahahalata ito ni Temmy at matagal nya na ring hinahangaan ang kaklaseng iyon lamang ay wala syang lakas ng loob na sabihin ang kanyang saluubin pero mas matimbang pa rin ang paghanga nya na nauuwi sa batang pag-ibig kay Charing.Pero langit nya itong napakataas kung kanyang ituring samantalang si laura ay kapares nyang anak dalita.

ITUTULOY

Scroll to Top