Ang Pinuno Singko by: elmergomopas

Ang Mandirigma

“Sino Si Claire?”

“Ha? Claire? Sinong Claire, kape?”, maangmaangan niya, dibersiyon sa paksa.

“Sus, girlfriend mo o asawa mo? Loko ka din eh noh, ang sa akin lang naman, JOY po ang alam ko na pangalan ko, JJOOYYY, J- O – Y. Kakantutin mo ako, tapos puro ka Claire mahal, Claire, ahhhhhh Claiiiiiiiirrreee”, me kasama pang emosyon na lahad nito kasabay ng matalim na tingin sa kanya.

“Tsk, tsk. Loko loko ka ha”, di lang talaga kita type naku ewan ko na lng,”

Gusto matawa ni Edwin, ngunit ayaw niyang lalong ma offend ang dalaga.
Diyata’t si Claire nga ang naging laman ng isip kanina habang binabarurot si Joy, sa kagustuhan niyang lalo lang sanang kilitiin ang imahinasyon upang marating na agad ang rurok.

“Ganun na ba talaga kalakas ang tama ko sa iyo Sungit? Nawawala na ako sa ulirat, hahahaha”, tawa na lang niya sa sarili.

“Kasalanan mo to Sungit”.

“Sige na kape na tayo maliwanag na baka may makakita pa sa amin dito. Black lang ha,” si Joy.

“Akala ko pa naman may next rounds pa. Sabi mo kaya kanina, mamaya mo na ako pagsawaan Sir, kantutin mo na ako Sir please, please, please”, ganti niyang asar sa dalaga.

“Mukha mo, me Claire ka naman na pala. Doon ka na ke Claire mo, nakasiklop ang kamay na turan ni Joy.

“Hahaha. Painit muna ako tubig, saglit lang mahal ha”.

———————————–

“Tara na, saan sila”, pagkatapos makapagkape ay yakag na ni Joy.

Naalala ng tinyente ang binigay ni Ireneo na number nito, at tumipa sa kanyang cellphone.

“Ringgg, Ringgg, Ringgg, Ringgg, Ringgg, Ringgg, Ringgg”

“Tangina Bry sagutin mo na antok na antok na ako”.

“Hello Sir”.

“Oh Bry tama na, bunutin mo na, saan kayo?”, ang tinyente makaraang tanggapin ang tawag.

“Hahaha, dito lang sa tabi ng kitchen Sir,nandito iyong sasakyan ko Sir, tugon ng kausap sa kabilang linya.

“Si Rina?”

“Kasama ko Sir.”

Pinutol ni Edwin ang tawag, at niyaya na si Joy.

“Tara na mahal??”

Inirapan siya nito. “Mahal mo mukha mo.”

Pagkatapos makipagpalitan ng cell phone number kay Joy ay ihinatid na pababa ni Ireneo ang mga bisita.

Naiintindihan naman ng mga ito na hindi na siya makakasama pa at kailangan niya ng kaunting tulog.

“Sakit ng ulo ko”, daing ng tinyente. Bumalik ang pinuno sa higaan, at tumipa ulit sa cellphone.

“ALARM”
“06:30H”

Dala nga ng pinaghalong alak na nainom, hapo, at puyat, ay tuluyan na itong nakatulog.

——————————————————

Ang Nakaraan
Isang taon na ang Lumipas

“Ilabas niyo si Santos, ilabas niyo si Santos, demonyo ka Santos, hindi NPA iyong kapatid namin, ni wala ngang baril, pero pinatay mo. Magsasaka siya. Magsasaka siyaaaaahhh. Demonyo kaahhhhh, lumabas ka diyan”, malakas at nanggagalaiting sigaw na maririnig sa ibayo ng bakal na gate ng batalyon.

Isang grupo ng magsasaka mula sa mga liblib na parte ng bayan, kasama ang ilang personalidad ng
DZLT-AM “Radyo Rapido” ,ang lokal na media ang humangos sa kampo, matapos kumalat ang engkwentrong naganap sa pagitan ng armadong komunista at ng tropa ni tinyente Santos sa liblib na bahagi ng Catanauan Quezon.

Murder. Hindi lehitimong engkwentro. Ito ang matunog at mainit na paksa ngayon sa buong probinsiya, kung saan walang awa niyang pinatay diumano ang isang magsasaka. Isang inosenteng magsasaka na binibisita lamang ang mga pananim noong magtagpo at magkaputukan ang mga kawal at armado, at hindi kasapi ng mga rebeldeng komunista.

“Papasukin ninyo kami. Nakikita mo namang taga media kami, heto ang ID namin, kailangan naming makausap ang Commander ninyo at si Santos, parehas tayong may mandato at sinumpaang tungkulin, alam niyo yan”.

“Berdugo, lumabas ka diyan hayop ka, duwag ka. Ilan na ba ang pinatay mong walang kalaban laban hayop ka? Lumabas ka Berdugo, lumabas ka Santos”, ang patuloy na sigaw sa labas.

Alerto lamang ang guwardiya sa gate. Sanay na ito sa ganitong tanawin. Ang kanilang area ay matagal nang pinamumugaran ng makakaliwang grupo. Alam niyang pati ang media ay sumisimpatiya sa ideolohiya ng CPP NPA NDF.

Sa mga sandaling iyon ay masisinsinang kinakausap ng Battalion Commander ang tinyente.

“Anto, bakit kasi may nakakita? Prinipressure ako ngayon ng province”.

“Pinapakasuhan ka ni Gov”.

“Naiintindihan ko Sir, at alam ko na wala tayong panama sa kanila, ang tanging kasalanan ko lamang sir, hindi ko siniguradong walang tao. Nagkumpiyansa ako sir. Pero Sir hindi inosente iyon, alam ng buong tropa, NPA iyon Sir.

“Anto alam ko iyon, may nakakita lang nung kinatay mo siyang nakaluhod, nagmamakawa, ngayon sinasakyan pa ng taga kabila. Mainit ka Anto, di lang kay Gov, pati iyong mga kupal sa Division, nagtatanong, pinaparelieve ka na dito sa batalyon.

Handa kong harapin kung anuman ang kahihinatnan nung ginawa ko Sir. Pero hinding hindi ko pinagsisisihan, at pagsisisihan Iyon Sir. Gagawin at gagwin ko pa rin iyon kung tawagin ng tungkulin, Sir, maubos lang yang mga salot na yan.

Binalot ng katahimikan ang tanggapan.

“Tangina ka talaga Anto”, ang koronel. Lalo itong humanga sa prinsipyo at paninindigan ng batang tinyente.

“Promotable ka di ba? Hindi ba’t nainterview ka na”?

“Yes Sir.

“Palamig ka muna Anto”.

“Kopya Sir, haharapin ko iyong kaso Sir.”

“Edwin, mainit lang ang sitwasyon, mainit ka sa province, at sa media.

“Noon ka pa gustong gusto makuha ng SPARU alam mo iyan”, dagdag ng koronel..

“Lalo na ngayon”. Para din sa kaligtasan at kapakanan mo kailangan mo munang magpalamig.

Hindi man niya tiyak subalit halos alam na ng Tinyente ang patutunguhan ng pag uusap na iyon.

“Naiintindihan ko sir” at nagsimulang malaglag ang balikat ng batang tinyente.

“Si CG tumatawag, tuloy natin mamaya balik ka na muna ng quarters mo”.

“Yes Sir”.

——————————————————–

Sa kanyang kwarto, halos sunod sunod ang sindi niya ng sigarilyo.

“Babay field na ba? Ang bilis naman”, malungkot, at tahimik na sambit ng batang tinyente.

“Bakit humantong sa ganito?”, muling tanong ng tinyente sa sarili, at ang gunita ni Edwin ay saglit na nagbalik tanaw.

Dalawang taon na ang nakalipas, mula noong magreport siya sa kanyang batalyon.
Noon pa’y kinakitaan na siya ng angking dedikasyon at galing sa sa pagganap sa sinumpaang tungkulin.

Nakilala siya sa kanyang teknikal at taktikal na kakayahan, lalo na sa disiplina sa pagsunod sa lahat ng panuntunan ng operasyon, upang mapangalagaan ang buhay niya at ng tropa.

Higit sa lahat ay ang kanyang paninindigan kontra komunista. Salot sa lipunan, ito ang tindig niya sa mga rebeldeng NPA at sa mga sumisimpatiya sa kilusan.

Ang una niyang misyon.

“I clear mo ang Barangay Dalag Anto”, talamak na doon ang gawaing pampropaganda ng kabila”.

“Bisitahin mo si Kapitan”, mayroong isang pastor na tagabayan na pumasok sa Barangay noong nakaraang buwan, may report na hindi na ito nakikita doon, ang sabi ng pamilya’y hindi na rin makontak, iba ang kutob ko dito”, ang Battalion S3, sabay abot nito ng tuping mapa ke Edwin.

“Tanong?”

Samahang Yunit Pampropaganda lang ba iyong last na sightings Sir?
“Walang Guerilla Platoon Sir?”

” Nagsisimula nang maging pula ang Barangay na iyan, alam mo na ang ibig kong sabihin”.

“Yes Sir”.

“Puntahan mo na iyong tropa mo, ikaw na ang bahala sa briefing, check mo na din ung supplies. Insert ka 2300H”.

“Ingat, huwag pakaang kaang, ayaw kong masali ka sa “Lessons Learned” Anto”, dagdag ng S3.

“Copy Sir, permission to leave Sir.”

Bago puntahan ang tropa, masusi muna niyang pinag aralan ang mapa.

“Rolling terrain, may high grounds pero di naman ganun katataas”.

“Wala pang previous encounters, at masa ang Barangay”.

Kaagad na nakaisip nang taktika ang tinyente, at pinuntahan ang naghihintay nang tropa.

2300H.
Alas onse ng gabi, isang sumisipol na 6 by 6 Cummins Truck ang lumabas sa kampo.
Isang Section Plus, o Platoon Minus ang dala ni Lt Edwin Santos. Siyam sa bawat squad, disiotso lahat, pang disinuebe ang radio operator, pang bente ang Platoon Sergeant, bente uno ang M60 GPMG Gunner, at siya ang pang bente dos.

Pasado alas tres na nang madaling araw nang marating nila ang puntiryang Barangay. Madilim ang baryong wala pang suplay ng kuryente.

“Alamid, Echo 1, Radio Check”.
“Alamid to Echo 1, Lima Charlie, over”.

“Alamid, pwesto ka na, iwas sa bahayan, para iwas sa tao at sa aso.”

“Roger Sir”.

“Okey, hit the high ground”.

Ang plano, kasama ang kulang kulang kalahati ng tropa ay magpapaumaga siya sa Barangay, sadyaing magpakita sa mga tao, at pupuntahan si Kapitan pagsapit ng liwanag, habang ang sobra kalahati ay itatago niya o ilulubog. Wawalo na lamang sila.

“Mga kasama magpahinga tayo”, pero wala ng maglalabas ng duyan, wala ding magtatanggal ng combat boots”.

At ang lahat, maliban sa naatasang bantay, ay sumandig na sa kanya kanyang jungle packs upang umidlip.

Mabilis ang oras.

Alas Sais na nang umaga. Ang tropa’y gising na rin, may nagpapainit na ng tubig, at ang iba’y naghahanda na ng almusal.

“Sergeant, alas Siyete puntahan mo na si Kapitan”, utos ng tinyente sa squad leader.

“Makihalubilo kayo sa paligid, ipaalam na nandito tayo, ang iba”y pwedng makipaglaro ng bola”, dagdag ng tinyente.

Pilit mang nakihalubilo ay tila wala namang kaamor amor sa mga sundalo ang mga taga Barangay, ito ang maaasahan sa isang masa na barrio katulad ng Dalag, masa ng komunista. Kulang na lamang ay ipagtabuyan sila ng mga tao.Wala ring may gustong makipaglaro ng basketball sa mga sundalo, kaya’t nagpasya na lamang na pumirme sa dating pwesto, habang hinihintay ang mga kasamahang kanina pa lumakad upang hagilapin ang Punong Barangay.

“Sir wala si Kapitan”, ang ulat sa kanya pagkatapos ng halos kalahating umaga na pag hihintay.

” Inaasahan ko na yan. Sigurado kayong nakita kayo ng mga tao ha?”

“Oo Sir,pinagtitinginan talaga kami ng mga tao”.

Ngumisi ang pinuno… “Putangina ka Kapitan”. Darating din ang araw mo.

“Radio”, utos ng tinyente.

“Alamid, Echo 1”.

“Echo 1, Alamid go Sir.”

“Akyat na kami diyan”.

“Squad leader, hit the high ground”.

“TPB” tayo.

Umakyat na ang grupo, ilang saglit ay nakatagpo na din nila ang pinaunang kalahati ng tropa.

Alas Dos ng hapon.

“Pwede ng magduyan Sir?”, ang PSG. (Platoon Sergeant)

Saglit itong tiningnan ni Edwin, kapagdaka’y tumango ang opisyal.

Strategic ang puwesto, kita ang Barangay, kita ang bahayan.

Alas Kuwatro ng hapon.

Nakapaghapunan na ang tropa, maaga silang kumain sa utos ng pinuno.

Plastado na ang lahat at nasa kanya kanya ng duyan.

Ang tinyente’y kasalukuyang sinisipat sa binocular ang Barangay sa baba, hanggang sa may kakaibang mapansin ang pinuno.

“Alas kuwatro pa lang tahimik na ah, saan na iyong ng mga naglalaro ng basketball kanina?”

Kapansin pansin din ang mga tindahang maaga pa’y nagsisipagsaraduhan na.

Kinutuban ang tinyente, at agad tinawag at pinulong ang tropa.

“Okay makinig. Kinagat nila ang patibong, mukhang ano mang oras ay bibisitahin tayo. Platoon Sergeant, walang bababa, maliwanag ba?” ang pinuno.

“First Squad, pagkagat ng dilim lilipat kayo sa bandang unahan, L TYPE with reference sa position namin”.

“May tatlong “musang” at “dalawang tatlong sibat” dito sa tropa tama ba?

“Yes Sir”.
“Ikaw?”

“Ranger Sir”.

“Ok snappy, latagan ang buong paligid, EWD at tripwire. Imaximize mo ang dala nating granada”.

“Ang 60 GPMG, sa gitna. Irecover mo na kaagad iyong mga link baka makalimutan pang i consolidate ng gunner”.

“I disseminate nang mabuti ang password sa tropa, kung kinakailangan, praktisin, para saulado. Kung dudumi, huwag nang lumayo, kaya nga may mga pala tayong issue”.

“Kung magtetext, sa loob ng malong o poncho, ang maninigarilyo, ipasok sa hand grip ng M16, dahil maliban sa Friendly Fire, ayaw kong Sniper Fire ang unang casualty ko”.

“Target Reference Points Sir”, manghihingi ang batalyon, muli’y ang PSG.

Muling sinipat ng batang tinyente ang paligid.

“Bigay mo tong location natin, wala naman ng ibang high ground dito. Ma over run man tayo, pero kasama sila damay damay na”.

Saka Sergeant, gusto kong may aiming sticks, para sa Sector of Fire, musang ka, alam mo na iyon”.

“Ok Sir Copy”.

Dito’y nagsimula niyang makuha ang bilib at respeto ng tropa.

Kung ibang opisyal, malamang sa hindi, sa mismong Barangay ito pupuwesto, sa bahayan. Lalo na iyong mga opisyal na walang pakialam sa SOP’s, at Operational Security, hindi na iniisip ang kaligtasan ng tropa, bahala ng delikado, basta komportable. Pero hindi si Edwin. Hindi ganun ang tinyente.

Pagkagat ng dilim at gaya ng napag usapan ay dahan dahan ngang lumipat ng posisyon ang unang hanay.
Pagod man at inaantok sa nagdaang araw ay alerto ang tropa. Walang nagtanggal ng uniporme, walang naghubad ng combat boots.

Alas siyete pa lang ng gabi subalit napakatahimik na ng paligid, pati ang Barangay sa ibaba ay mistulang maagang nagpahinga.

Walang ibang ingay na maririnig kundi ang pagaspas ng mga kogon at iba pang damo, at ang langitngit ng karatig na punong kawayan dahil sa katamtamang bayo ng hangin sa gabing iyon.

“Alamid Echo 1, SITREP.”

“Normal Situation Sir, LP established walang indication Sir”.

“Copy, dito yan sila dadaan malamang sa gilid ko Alamid, makinig ka lang sa commnd……”

“BBBOOOOOOMMMMMM”. Napakalabas na sabog ng granada, at agad dumapa ang tinyente. Ang mga nilatag na Early Warning Device sa kanilang bandang gilid ay nagsikalansingan na din.

“Hold your fire. Walang klarong target.”

“RAAAAAADDIIIIO!!!! Request ILLUMINATION ROUNDS”.

“60 STAND BY”.

Sunod sunod na order ni Edwin,

Nahihintakutan man ang tinyente dahil ito ang una niyang karanasan sa labanan, ay pinanatili niyang kalamado ang sarili. Napaghandaan niya ang lahat, kalkulado niya ang lahat.

Samantalang kung ibang opisyal, sa unang engkwentro, ay halos hindi alam ang gagawin, at halos hindi makapag command.

Tama ang naging basa niya sa sitwasyon, nasa bandang kaliwa ang sumabog na booby trap.

“Bbbaag bbbaag bbbagg”. “Bbbaaag bbbaggg bbbagggg bbbbaggg”, ta taaaatatttt, ta taaatttttt, ta tattatttttt, tatatatatatttt”, ang magkakasunod na putok ng M14 at M16 mula sa kalabang pilit dumidikit sa kanilang posisyon.

“PUUUTTTANGINNNNA RRRRRRADIO, RADIIOOOOOOO!!!”, sigaw na ni Edwin.

Sa pag aakalang tinamaan ang radioman, ang tinyente na ang tumakbo at lumapit dito.

Ang radioman ay mistulang natulala pala sa bilis ng mga pangyayari kaya hindi nasunod ang unang utos ng tinyente.

Agad na inagaw ni Edwin ang handset.

“CASPER this is ECHO 1 inaatake kami request ILLUMINATION FIRES at my location, LEFT 100 over.”

Dinig sa kabilang linya, ang Tactical Command Post ang mga putok kaya’t agad nitong nirelay sa naka stand by na ARTILLERY ang request ng tinyente.

Saglit lamang ay dumating ang pailaw.

“WWWWWSSSHHHHHHHHHHHHHHHHHHH”, tila ba humihiwa sa hangin na tunog ng bala ng kanyon, at maya’t maya’y nagliwanag na ang buong paligid. Parang umagang liwanag kung saan unti unting nakita ni Edwin ang saktong dami at saktong posisyon ng kalaban. Kung hindi siya nagkakamali lagpas bente ang armadong gumagapang palapit na sa kanilang posisyon. Ito ang hinihintay niyang hudyat.

“PUTANG INA NIYO MGA ANIMAL NA SALOT !!!”
“KAMI NAMMMMAAANNNN…”
“OPEN FIREEEEEEE”, buong lakas na sigaw ng pinuno.

“Bbag bbag bbag bbag bbag bbbag bbbag, bbbag bbbag bbbag bbbag bbbag bbbag bbbagg bbbaag bagbgaggagagg,
bag bbag bbag bbag bbag bbbag bbbag, bbbag bbbag bbbag bbbag bbbag bbbag bbbagg bbbaag bagbgaggagagg, ang tuloy tuloy at walang stoppage na salvo ng 60 General Purpose Machine Gun ng tropa.

“Bra ta ta tat tatttt bratattataaattt. Tata tattttt, tatttattttatt”.
“Puuugg, wagaammm, puuuggg, wagaaammmm”, ang salitang putok naman ng M16 at sabog ng M203 Grenade Launcher ng mga ito.

“Bang… bang… bang”, paisa isa namang putok ni Edwin kung saan paisa isa ring natutumba ang mga rebeldeng kanyang inaasinta.

Nagitla ang mga rebelde sa hindi inaasahang kakayahan at preparasyon ng mga sundalo at nagsimulang umatras ang mga ito.

“May 60 sila may 60 sila. Atras. Atrasssssssss”.

“Atras na mga kasama napakadami nila, napakadami nila mauubos tayo”.

“Akala ko ba walo lamang sila at walang 60 machinegun atras atras atras, takang tanong at patuloy na sigaw ng mga armado”.

Napaghandaan sila ng tropa, at maling ang impormasyon nilang wawalo lamang ang mga ito.

Dinig ni Edwin ang mga hiyaw na iyon, at napangisi lamang ang tinyente.

Tagumpay ang plano ng pinuno.

“Cease Fire. Cease Fire”, ang panghuling command ni Edwin.

“Radio isa pang illumination round Drop 50”.

Muling nagliwanag ang paligid kung saan kita ng mga sundalo ang mga rebeldeng papalayo bitbit ang mga kasamahang sugatan.

“Platoon Sergeant ACE Report”

“Negative Casualty Sir.” ito ang gustong madinig ng tinyente, sapagkat para sa kaniya, walang saysay ang isang magaling na plano at hindi matagumpay ang isang operasyon kung may malalagas na kahit isa sa kanilang hanay.

“Sir”, pukaw ng isang tropa sa kanyang atensiyon.

“May wounded dito Sir”.

Nakaakbay dito ang isang kadreng duguan, may tama sakaliwang binti at tiyan.

Muestra ang naging tugon ng tinyente, at ibinagsak ng tropa sa lupa ang sugatang kadre.

“Tulong Sir, ayaw kong mamatay”, simulang makaawa ng kadre.

Hungkag na tingin ang naging tugon ni Edwin.

Matagal nitong tiningnan nang matalim ang komunista.

“Pantay pantay na distribusyon ng yaman ng pamahalaan, walang mahirap, walang mayaman, yan ang itinanim sa utak ninyo hindi ba?”

“Ang mga mayayaman ay patuloy na yayaman, at ang mga hikahos ay patuloy na malulugmok sa kahirapan”, ang tinyente.

Magbabalik loob na ako Sir, tulungaaan niy..” “Baaanng”.

Hindi na natapos pa ng rebelde ang pagsusumamo. Isang bala sa ulo, mula sa baril ng tinyente ang agad tumapos sa buhay nito.

“Walang puwag sa lipunan ang mga salot na tulad niyo”, tiim ang bagang na bulalas ng pinuno.

Scroll to Top