Aya

Natigilan ako. Lagi nya yung sinasabi sa akin, ako, isang beses ko pa lang syang sinabihan na mahal ko sya.

Tumayo ako. “Maliligo rin ako, nakakahiyang tumabi sa iyo eh,” sabi ko na lang. Mataas nga ata ang pride ko, hindi ko masabi ang mga simpleng salita. Lumabas na lang ako at naligo.

Pagbalik ko ay tulog na sya at pinabayaan ko na lang. Alas singko na ng umaga kaya nagluto na ako ng almusal saka tumabi na rin uli sa kanya.

Nagising ako nang may humalik sa pisngi ko.

“Magandang umaga. Bangon na mahal,” napangiti ako nang marinig ang boses ni Aya-ko. “Kain na tayo.”

“Morning,” sagot ko sa kanya.

Alas-otso na, nasulyapan ko sa wall clock sa itaas ng pintuan. Bumangon ako at inakbayan sya saka hinalikan sya sa pisngi.

“Masakit pa?” Tanong ko.

“Masakit,” sagot nya.

“Hayaan mo, mamaya aalisin natin ang sakit nyan,” nakangiti ng sabi ko.

“Hmmm, talaga lang huh,” sabi nya. “Hihintayin ko yan.” Nakangiti sya.

Bumaba ang kamay ko at hinaplos sya sa bandang baywang, pababa sa balakang. Suot pa rin nya ang malaking T-shirt na malambot ang tela, naka shorts na sya ng maikli at nakasuot na ng bra, pero nang maalala ko ang kabuuan nya ay lalo akong tinigasan. Binilisan ko ang paghagod sa likod nya, pababa sa pwetan.

“Maghilamos ka na,” narinig kong sabi nya.

Natatawa akong nagpunta sa banyo. Grabe ang epekto sa akin ni Aya-ko. Gusto ko na naman. Nagtagal ako sa banyo. Pinakalma ko muna si junior bago ako lumabas. Gusto kong makakain ng maayos para may laban ako sa kanya. Maghapon kami ngayon at ako ang masusunod.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko si Aya-ko sa palengke at grocery na rin. Bumili kami ng stocks para hindi na sya labas nang labas kapag wala ako. Saka kung nasa bahay lang kami ay makakaisip lang ako ng kung anu ano, alam kong nasasaktan pa sya.

Sabagay, kahit naman ngayong naglalakad kami ni Aya-ko sa grocery store, kung anu ano ang naiisip ko sa kanya habang dala ko ang basket at nasa unahan ko sya.

Nakapantalon sya at baby tee. Kitang kita ang shape ng katawan nya. Nakapusod ang kulot nyang buhok. Litaw ang medyo mahaba nyang leeg, tapos ang tangkad pa.

Kainis naman. Bakit ba lagi kong iniisip yung katawan nya na nakita ko kanina gagabi? Ang bastos na ng laman ng utak ko. Ipinilig ko ang ulo ko at nilinis ang madumi kong isip. Hays!!!

“Maghalu-halo tayo mamaya ha,” sabi nya na humawak sa kamay ko na walang dala.

Ang init ng kamay nya. Tapos lumapat pa sa braso ko ang b1 nya. Tsk! Nagsimula na naman akong mag-imagine. Ano ba yan? Ano bang ginagawa sa akin ng babaeng ito?

“Uwi na agad tayo,” sabi ko.

“Huh? Bakit?” Takang tanong nya. “Hindi pwedeng magsnack muna?”

“Sige na nga,” sagot ko. Oo nga, baka topakin pag gutom.

“Ay, salamat!” Sabi nya na hinalikan pa ako aa pisngi. “Halu halo ha. Dun sa tabi ng bakery,” paalala nya.

“Minemorize mo kung saan ha,” sabi ko na natatawa. Alam ko kung saan yun, masarap nga ang halo-halo dun.

“Oo, masarap eh,” nakangiting sagot nya. “Parang ikaw.”

Napatigil ako at luminga linga para tingnan kung may nakarinig sa kanya. Grabe talagang babae ito. Hays!

Pagkatapos namin maggrocery ay kumain kami sa sinasabi nyang kainan. Umorder kami ng pansit at halo-halo. Marami syang kinain, magana.

“Antok ako,” Sabi nya habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle. Hindi kami nagmotor dahil bumili rin kami ng bigas at mga gulay sa palengke.

Napatunayan kong malakas nga syang kumain, bumili pa ng kwek kwek at fish ball. Tapos bumili pa ng egg pie sa nadaanang bakery.

“Baka hindi ka na magrice mamaya ha,” Hindi nakatiis na sabi ko.

“Para yan lang. Kaya kong ubusin yan, kulang pa nga yan sa akin eh,” mayabang nyang sabi.

“Sabi mo eh. Oo na lang,” sabi ko.

Pagdating namin sa bahay ay inayos nya ang mga pinamili namin, habang kinakain nya fishbal at kwek kwek nya. Sarap na sarap sya kaya nacurious ako. Kumuha ako ng fishbal at isinawsaw sa sauce.

“Haahhh, Ang anghang!” Sigaw ko. Sabay takbo sa lababo at uminom ako.

“Pabebe ka naman eh. Hindi naman masyado,” nang-iinis na sabi nya.

“Maanghang kaya,” sabi ko . Panay ang mumog ko. Grabe sya, kaya pa nya yun?

“Uminom ka ng mainit na tubig,” sabi nya.

“Eh di lalong iinit ang bibig ko,” hindi naniniwalang sagot ko.

“Haist! Bahala ka, tinuturuan ka nga eh,” irap nya.

Nang matapos syang ilagay sa dapat paglagyan ang mga binili namin ay nagsimula na syang magluto ng ulam, ako naman ay nagsaing na sa rice cooker.

Chop suey ang lulutuin nya.

“Akala ko inaantok ka,” Sabi ko habang pinapanood sya.

“Mamaya na after lunch,” sabi nya.

“Paano nga pala yung work mo?” Tanong ko.

“Nagresign na ako,” sagot nya. Tinitigan ko sya, seryoso kasi at hindi tumingin sa akin. Baka nagjojoke na naman.

“Weh,” sabi ko na nakatingin pa rin sa kanya.

“Oo nga, matagal kasi yung one month vacation, ayaw akong payagan kaya nagresign na lang ako,” paliwanag nya.

“Akala ko ba napromote ka?” Tanong ko.

“Oo nga, pero hayaan mo na yun,” sabi nya na parang balewala.

“Sayang yun. Buti hindi nagalit mama mo,” sabi ko, nakunsensya tuloy ako. Ang alam ko, supervisor sya dati sa isang private company, naging manager.

“Ay, kaya nga nya ako pinayagan pumunta dito dahil sa sobrang tuwa. Matagal na akong pinareresign nun eh,” pagkukwento nya.

“Bakit naman?” Nakakapagtaka lang kasi na magresign pagkatapos mapromote.

“Eh kasi… Ano…” Nag-iisip pa sya na tumingin sa akin.

Nakatingin din ako sa kanya at naghihintay ng sagot.

“Makulit ang boss ko. Lagi kami nagtatalo. Sakit sa ulo. Nai-stress ako,” sagot nya. “Nagagalit si mama kasi ang payat ko na raw.”

“Ah, okay,” sagot ko na lang. “Madali ka naman ata makakahanap ng work uli.”

Hindi na sya sumagot.

Napansin ko na may butil butil na pawis sya sa noo at leeg. Sarap tingnan at imaginin. Nagsimula na namang maglikot ang isip ko. Kailan ba pinapawisan ang babae?

Pag nagwowork-out?

Pag nasa initan.

Pag sumasayaw.

“Sumasayaw ka ba Aya?” Biglang tanong ko.

“Konti lang.” Sagot nya. “Bakit?”

“Wala, tanong lang,” sagot ko.

“Sa ibabaw mo, kaya kong sumayaw, puro giling nga lang.” Ni hindi man lang sya tumingin sa akin at seryoso sya sa pagkakasabi. “Gusto mo try natin?”

Tsk! Lakas talaga ng saltik nya. Grabe.

Hays! Naimagine ko tuloy ang sinabi nya.

Sarap nun!

Kesa mainitan at pagpawisan ng wala sa oras, ipinasya kong tingnan na lang ang motor ko. Pinabayaan ko na lang si Aya na magluto. Wala naman akong makitang problema para kutingtingin sa motor kaya nagfb na lang ko. Nakipagkwentuhan sa gc.

Wala pa palang nakakaalam na nagkita na kami ni Aya. Hindi ko naman alam kung gusto nyang ipaalam kaya nanahimik na rin lang ako. Nagtataka sila kung bakit dalawang araw nang hindi pumupunta sa gc si Aya. Naninibago daw sila na wala nang bumabati sa madaling araw. Napangiti na lang ako.

“Kain na tayo,” aya ni Aya maya maya.

Bumangon ako sa sofa at sumunod na sa kanya.

Magana pa rin syang kumain.

“Ang lakas mong kumain ano? Buti hindi ka tumataba,” sabi ko. Saka ko naisip na baka maoffend sya.

Tumawa sya. “Isang part lang naman ang tumataba sa akin.”

Napatigil ako sa pagkain. “Oo nga. Ang laki oh,” sabi ko at tumingin sa dibdib nya. “Dyan napupunta lahat,”

“At least may lumalaki,” sabi nya.

“Oo nga,” sabi ko na lang, tumahimik na lang ako, kung anu ano na naman ang iniisip ko eh.

Napansin ko na halos puro gulay lang ang kinakain nya. Kaunti lang na kanin. Busog na siguro.

Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Sya ay nagwalis.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, nangangarap ako na sana magtagal kami. Magkasama sa isang bahay.

Pagkatapos nyang magwalis ay nakita kong pumasok sya sa banyo, may dalang towel kaya malamang maliligo sya…na naman.

Isipin ko na lang ang hubad nyang katawan ay nag-iiba na naman pakiramdam ko.

“Pasabay,” sabi ko.

“Ayoko,” sagot nya.

“Akala ko ba ako ang masusunod.”

“Wag muna ngayon. Kakakain lang natin,” sagot nya.

Wala akong nagawa. Tama nga naman sya. Hindi ko mapipigil ang sarili ko kung makita syang hubad sa harapan ko. Nakangiting humiga ako sa sofa. Hihintayin ko na lang syang matapos.

Nagising ako sa lakas ng ulan. Napabalikwas tuloy ako at agad tumayo. Isinara ko ang bintana sa sala, malakas ang hangin. Pagpasok ko sa kuwarto ay nakita kong mahimbing na natutulog si Aya Papaya, nakabalot ng kumot at ulo lang ang nakalitaw. Ang cute. Kaso naiinis ako sa kanya, hindi man lang ako ginising. Hays.

Sabagay, okay lang. Nakapagrecharge ako.

Nagpasya akong maghalfbath muna. Pinawisan ako nung nagpunta kami sa palengke kanina.

Pagkatapos ko ay nagsuot lang ako ng shorts saka tumabi kay Aya sa kama. Gusto ko na naman sanang halikan kaso baka masampal na naman ako.

2:30 pa lang naman, pumikit muna ako at nag-imagine.

Malakas pa rin ang ulan pagdilat ko. Nakaidlip pala ako. Wala na si Aya sa tabi ko, wala sya sa kwarto. Sarap pa matulog.

Maya maya ay pumasok si Aya, may dalang gatas at sandwich, “Gising ka na pala. Kain tayo.” Alok nya. “Teka, ipagtitimpla kita ng kape.”

“Hindi ka nagkakape?” Tanong ko pagbalik nya. Magkaharap kami sa table sa tabi ng bintana.

“Hindi eh,” sagot nya.

“Pero masarap kang magtimpla,” sabi ko. Black na naman ang kapeng tinimpla nya para sa akin.

“Tsamba lang,” sagot nya.

Dalawang slices lang ang kinain nyang tinapay. Ako marami, masarap ang egg sandwich na ginawa nya.

Ano kayang hindi masarap sa babaeng ito? Tiningnan ko sya, nakashirt lang sya at shorts. Sexy. Naisip ko.

Mabilis syang kumain, ako naman, ninamnam ko ang pagkain.

“Anong masarap gawin ngayon? Lakas ng ulan,” tanong ko sa kanya pagkatapos naming kumain.

“Matulog,” sagot nya na naghikab.

“Kagigising lang kaya natin,” sabi ko. Kainis naman itong babaeng ito. Parang walang balak tuparin yung usapan.

“Oo nga, teka magliligpit muna ako,” sabi nya na lumabas bitbit ang mga ginamit namin.

Madaya, sinundan ko sya. Naghuhugas na sya nung tasa at isang plato.

Niyakap ko sya sa baywang mula sa likuran nya at hinalikan sa batok. Ang bango.

“Amir naman eh,” nananaway sya pero malambing ang boses.

“Ang daya mo.kasi sa mga delaying tactics mo eh,” bulong ko sa kanya. Itinaas ko ang shirt nya at tinanggal ang hook ng bra nya.

Tapos na syang maghugas at humarap na sa akin. “Anong delaying tactics huh?” Nakangiting tanong nya.

“Ang hilig mong mangseduce, pinapasakit mo lagi ang puson ko, dapat palabasin natin to,” sabi ko sa kanya saka idinikit sa harapan nya ang nagagalit ko nang alaga.

“Hmmm, matigas na naman si junior,” nakangiti pa ang bruha.

“Kasalanan mo yan,” sabi ko saka siniil sya ng halik sa labi habang idinidiin sa kanya si junior.

Hindi nagbitiw ang mga labi namin kahit nang igiya ko sya papunta sa sofa. Ayoko syang pakawalan, baka may maisip na naman syang kung anu ano na makakapagpabitin sa gagawin namin.

Pero bumitaw sya, “Dito tayo?” tanong nya.

“Dito tayo, di ba sasayaw ka? Gigilingan mo ako?” Nanunudyong sabi ko na may ngiti sa labi.

Umupo ako sa mahabang upuan. Itinuro ko ang kandungan ko habang nakatitig sa kanya. Atubili pa sya, parang iniisip kung uupo o hindi.

“Hindi mo pala kaya eh,” nanghahamong sabi ko. Iniinis ko sya dahil naiinis na rin ako… At galit na si junior.

Tumingin sya sa akin.

“Puro ka lang salita,” sabi ko pa.

Tinitigan nya ako, yung tingin nyang parang mangangain ng tao. Napalunok ako. Ang tagal nyang nag-isip. Hanggang sa magbago ang tingin nya. Lumamlam ang mga mata nya walang sabi sabing naghubad ng shirt sa harapan ko. Dahil natanggal ko na ang hook ng bra nya ay sumama na yun sa paghuhubad nya. Sunud sunod ang paglunok ko.

Shit, ang gandang tanawin, sa tingin pa lang, masarap na ang dalawa nyang papaya.

“Nakakainis ka,” sabi nya saka pabukaka syang umupo sa kandungan ko. Nagtititigan pa rin kami, dahil wala naman akong pang-itaas ay umabot sa dibdib ko ang b1 at b2 nya, sarap sa pakiramdam. Napabuntung hininga ako.

Hindi ko na kayang tiisin pa. Siniil ko uli sya ng halik sa labi, halik na kasing-init ng katawan nya.

Niyakap ko sya ng mahigpit kaya lapat na lapat sa katawan ko ang katawan nya. Bumaba agad sa leeg at dibdib nya ang labi at mga kamay ko. Napansin ko ang maliliit na chikinini sa leeg at dibdib nya. Dahil yun sa nangyari kagabi. Hays, ang sarap naman kasi.

Hinila ko ang ibabang bahagi ng katawan nya at idinikit ko nang todo sa galit na galit ko nang si junior. Shit, lalo akong tinitigasan sa mga ungol nyang masarap pakinggan.

Hindi na ako nakatiis, pinababa ko ang kamay ko sa makinis na puson nya, pababa pa at ipinasok sa shorts nya.

“Basang basa ka na,” bulong ko sa kanya nang maabot ko yun.

“Kasalanan mo!” Sabi nya na sumimangot.

Natawa na lang ako. “Ako na naman,” sabay halik uli sa labi nya. Malakas syang umuungol habang nilalaro ko ang maliit na kuntil nya. Maya maya ay ipinasok ko na ang isang daliri ko.

“Umm, Amir!” Anas nya habang sinasabunutan ako.

Pinagbutihan ko ang pagsipsip at pagmasahe sa b1 at b2 nya, habang ang isa kong kamay ay nasa loob pa rin ng shorts nya. Alam kong libog na libog na sya, iba na ang mga ungol nya at nagsimula na ring maghanap ang mga kamay nya. Namalayan kong nasa labas na rin pala ng shorts ko si junior at hinihimas nya.

“Shit, amir! Bilisan mo pah,” pabulong na sabi nya na hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Aaaahhhh ang sarap!”

Binilisan ko naman ang paglabas pasok ng daliri ko sa lagusan nya hanggang sa nakita kong nanginig sya at may lumabas sa kanya at nabasa ang daliri at kamay ko habang si Aya ay habol ang paghinga.

Dinilaan ko ang daliri kong ipinasok ko sa kanya kanina. “Yuck, anong lasa nyan?”

“Gusto mong tikman?” Nakangiti kong sabi. Inirapan nya ako.

“Gusto ko yung sa yo,” sabi nya at hinalikan ako sa labi.

Nakapikit ako nang ipagpatuloy nya ang halik sa leeg ko, at dibdib. Pati ang dalawa kong nipples ay sinipsip nya, cute syang sumipsip, parang nahihiya. Natatawa ako, pinagpapraktisan ako ni Aya Papaya. At gusto ko yun.

Umalis sya sa pagkakaupo sa akin, hinubad nya ang shorts nya sa harapan ko pa rin. Tumambad ang maputi nyang singit at ang magandang hiyas na malinis at walang buhok. Lalong nagalit si junior.

Lumuhod nya sa harapan ko nagsimulang tanggalin ang shorts ko, habang nakatitig sa mata ko.

“Gilingan mo na agad ako Aya,” sabi ko.

Sumunod naman sya at umupo uli sa kandungan ko. Hinawakan agad nya si junior at pumuwesto sa ibabaw nito. Ikiniskis muna nya ang katawan ni junior sa basang basa nyang pussy bago itinutok sa butas.

“Ano yun?” Tanong ko.

“Napanood ko yan, para dumulas,” nakangiting sagot nya.

Nakakagigil, “Dami mong alam,” sabi ko saka hinalikan uli sya sa labi.

Itinuloy naman nya ang pagtutok at dahan dahang pagpapasok kay junior sa masikip pa nyang lagusan.

“Uuhhhmmm,” ungol nya habang bumababa sya at bumabaon si junior. Itinigil ko ang halikan namin dahil gusto kong marinig ang ungol nya. Yumakap sya sa batok ko, magkalapat ang mga pisngi namin.

“Sikip mo Aya,” bulong ko sa tapat ng tenga nya. “Sarap mo.”

“Oooohhhh, oooohhhh,” ungol nya sa tapat ng tenga ko habang gumigiling sya. “Amir, ang sarap mo!” Bulong nya, nakakalibog, sobra. Inilayo nya ang katawan nya sa akin, lumiyad sya kaya isinubo ko ang nipple nya habang nilalamas si b1, lalong lumakas ang ungol nya at lalong naging mas malikot sa ibabaw ko. “Oooohhh, ohh, ang sarraaaap, amir.”

“Sige pa Aya, ang galing mo,” sabi ko kasabay ang pag-ungol. Inalalayan ko ang balakang nya para mas maibaon pa nang husto ang alaga ko sa loob nya. Maya maya ay bumilis ang pagbaba taas nya sa ibabaw ko.

“Sabay tayo Aya, sabihin mo pag malapit ka na,” sabi ko sa kanya.

“Uhummm,” sagot nya, at lalo pang binilisan ang pagkilos. “Ah, ah, oh ,oh, ah,” ungol namin na sumasabay sa bawat paggalaw nya.

“Fuck Aya, ang sikip mo,” hindi mapigilan na sabi ko.

“Malapit na ako,” sabi nya na mas mabilis na ang kilos. “Oh, ang sarap!”

Sa isang huling ulos ay inalalayan ko ang balakang nya, kasabay ng pagsasama ng mga katas na lumabas sa amin. “Aaahhhh….” halos sabay na ungol namin.

Humihingal na yumakap at sumandig sya sa akin. Niyakap ko sya at hinagod sa likod nya.

Tama, sumasayaw si Aya. Puro giling nga lang. At napakasarap nun.

Hindi ko na hinayaang makapagreact si Aya, inihiga ko sya sa malambot na sofa, dumagan ako sa kanya at hinalikan agad sya labi. “Relax ka lang dyan, Aya-ko. Ako naman ang bahala,” sabi ko.

Ngumiti sya. Dahan dahan kong ipinasok ang matigas pa ring si junior sa kanya. Madulas na kaya dire diretso lang ako. Narinig ko ang mahinang pag-ungol nya.

Sinimulan ko nang gumalaw sa ibabaw nya, habang panay ang haplos sa katawan nya.

Ungol lang nang ungol si Aya habang kumakalmot, humahagod sa likod ko.

Maya maya ay bumangon ako at pinaluhod sya sa upuan patalikod sa akin.

“Ahhh,” ungol namin ni Aya nang ipasok ko ang alaga ko sa kanya. At nagsimula akong gumalaw.

“Shit! Sarap nga Amir!” Sabi ni Aya na lumingon pa sa akin. Niyuko ko sya at dinampian ng halik sa labi.

Itinuloy ko ang sagad sagarang pagbaon sa kanya. Hawak ko sya sa balakang habang binabaon ang alaga ko “Shit, Amir, sige paaaa! Oooohhh!” Malakas na ungol niya.

Napakaingay ni Aya, buti na lang malakas pa rin ang ulan, hindi sya maririnig sa kabila.

Inisa isa ko ang bawat pagbaon, na sinasabayan ni Aya ng pag-ungol. Masarap pakinggan at sobra akong nalilibugan. Hinagip ko ang b1 nya at nilamas, nakakagigil sya. Lalong lumakas ang ungol nya.

“Aaahhhh, uuunghh, uuunghhh, Ang sarap Amir,” sabi ni Aya habang pabilis na nang pabilis ang galaw ko.

“”Ang sikip mo Aya. Nakakagigil ka!” Anas ko naman sa gitna ng pag-ungol.

“Aaahhh, ayan na naman, Amir!”

Binilisan ko na ang pagbayo. “Shit! Sige pa! Bilisan mo! Aahh, ahh, ahhh, ahhh,ahh!!!” Ungol ni Aya.

“Aaaahhhhh,” sabay na ungol namin ni Aya kasabay ng muling pagragasa ng mga katas namin.

Itinuloy ko lang ang paglabas pasok sa kanya. Napakadulas dahil sa pinagsama naming likido na nasa loob nya. Ungol na naman si Aya papaya.

“Hmmmm, diretso pa ba tayo?” Tanong nya?

“Ayaw mo na?” Tanong ko.

“Ugh, bahala ka kung kaya mo pa.” Sagot nya. Palaban Ang girlfriend ko ah. Ginanahan ako lalo.

“Gusto mo, higa ka na lang,” sabi ko.

“Sige,” sagot nya.

Binunot ko muna si junior at humiga uli sya sa sofa. Dahan dahan na ang ginawa kong pagbayo sa kanya. Malamang matagal bago ito matapos dahil pang-ilan na namin ito. Sa bawat pagpasok at paglabas ko, sa bawat pagbaon ng alaga ko, ginagantihan ni Aya-ko ng malambing at masuyong pag-ungol. Hanggang makarating uli kami sa kasukdulan. Hays, Ang sarap nya paligayahin.

“Ang ingay mo,” biro ko kay Aya habang magkatabi kami sa sofa. Hubad pa kami at pagod kaya dito na muna kami humiga. Hindi ko maintindihan kung paano kami nagkasya dito eh makipot ito at pareho kaming malalaking tao.

“Kasalanan mo,” sabi nya.

Natawa ako at napakamot sa ulo (sa itaas). “Lagi na lang ako ang may kasalanan.”

“Alangan ako eh ikaw nga yung nagpapaingay sa akin,” inirapan nya ako.

“Hindi talaga ako mananalo sa yo,” sabi ko na lang. “Sarap mo kasi paingayin,” saka hinalikan sya sa labi.

“Shit ka Amir, BI ka,” sabi nya pagkatapos nung halik, seryoso sya at nagulat ako.

“Anong na namang kasalanan?” Tanong ko.

“Kasi naman, maisip lang kita ang init na, lalo na pag lumapat kahit isang part ng katawan mo sa akin, wet na agad ako,” mukha ngang galit sya.

Napapangiti naman ako. “Totoo ba yan?”

“Ewan ko sa yo. Maliligo na ako, gabi na, gutom na ako,” sabi nya saka bumangon at isinuot ang shorts at T-shirt nya.

Wala pa kaming ilaw sa kaya medyo madilim. Hindi ko mahanap ang shorts ko. “May pagkain naman na tayo eh,” sabi ko. “Sabay tayong maligo.”

Hindi sya sumagot pumasok saglit sa kuwarto at paglabas may dala ng towel.

“Dali na! Shower scene tayo,” sabi ko pa.

Tiningnan nya ako ng masama. “Sabi ko na nga ba BI ka,” sabi nya.

Napakamot ako sa ulo.

“Oo na nga, bilisan mo, baka nagbago ang isip ko,” sabi nya bago pumasok sa banyo.

Napatakbo naman akong sumunod sa kanya kahit hubad pa ako, baka nga magbago ang isip eh. Hahaha

At alam nyo na kung anong nangyari sa banyo, matagal bago pa kami makakain ng hapunan. Isa lang ang masasabi ko, make love till I drop ang nangyari sa amin, kasi si Aya, pagkatapos naming kumain ay nakipagchikahan pa sa GC hanggang alas onse ng gabi. Ako lang ang bumagsak.

Kinabukasan, kahit puyat ay maaga pa rin syang gumising at nagluto ng almusal. At dahil ako naman ang masusunod, literal na sinunod sunod ko si Aya papaya. Game na game naman sya. Halos lahat na ng parte ng apartment ay ginawan na namin ng scene, at gustung gusto naman nya… Syempre ako rin.

“Amir may tanong ako,” walang anu ano ay tanong nya habang nakahiga kami. Drained na drained na ako, habang si Aya ay parang hindi napagod.

“Ano?” Tanong ko. Ano na naman kaya yun?

“Gaano kaquick ang quickie?” Tanong nya. “Saka bakit yun ang tawag?”

Hays, sabi ko na nga ba eh

“Di ko alam, mga 15 minutes?” Sagot ko.

“Huh? Ganun katagal? Paano natawag na quickie yun?” Tanong nya. Ang kulit talaga. Kung kaya ko pa nga lang eh, papatikimin ko ito ng quickie.

“Di ko alam sa kanila,” sabi ko at pumikit na.

“Damot. Sa iba na lang ako magtatanong,” sabi nya saka tumalikod sa akin.

Talaga naman…”Oo na nga, eto na!” Pagsuko ko. Niyakap ko sya. “Mabilis na mabilis lang yun, nangyayari ang quickie pag sobrang libog mo na. Wala nang kung anu ano pa, shoot agad, dribble, at dahil nga libog ka na, mabilis lang matapos,” paliwanag ko.

“Hmmm, exciting yun. Yung tipong nagmamadali ka tapos isisingit lang di ba?” Tanong nya.

“Uhuh,” ako sabay halik sa buhok nya.

“Sige na, tulog ka na. May pasok ka pa bukas,” sabi nya.

“Tulog ka na rin. Hindi ka ba napapagod?” Tanong ko.

“Oo, matutulog na ako,” sagot nya.

Maayos ang naging samahan namin. Aaminin kong bukod sa sex life ko na hindi tigang sa mga panahong andito si Aya, gumaan din ang lahat sa akin dahil may gumagawa ng gawaing bahay, hindi na ako nalilate sa pagpasok sa trabaho, at hindi na malungkot dahil may naghihintay at nakakausap ako pag-uwi ko.

Minsang umuwi ako, matagal magbukas si Aya ng pinto kaya nang sumunod na mga gabi ay binubuksan ko na lang gamit ang susi ko. Minsan naaabutan ko syang natutulog kahit 8:30 pa lang. Minsan naman nasa banyo sya at ang tagal tagal lumabas. Maliban dun, maayos naman na ang lahat. Masasabi kong masaya ako at gusto ko syang makasama.

“Pakasal tayo,” sabi ko kay Aya. Magkayakap kami at katatapos lang naming maglove making.

Napatingin sya sa akin. “Hindi mo gugustuhing maging asawa ako Amir,” sabi nya.

“Bakit naman? Nagkakasundo tayo. Gagawa tayo ng 12 na anak.” Dinaan ko sa biro. Ayaw nyang magpakasal sa akin.

“May sasabihin ako,” sabi nya.

“Ano?”

Huminga sya ng malalim at tinitigan ako. Matagal bago sya magsalita pero naghintay ako. Parang naluluha sya. “Hindi ako pwedeng magbuntis,” sa wakas ay sabi nya.

Hindi agad ako nakasagot. Gusto ko sanang itanong kung bakit pero wag na lang. Sasabihin naman nya yun kung gusto nya.

Leave a Comment