Bahay Bahayan Complete Story by: aces14

“Bahay-bahayan”

by suicideking. kung may di nakakakilala sa kanya dito, bakit???

Mga Pangunahing Tauhan:

Badong– Isang Civil Engineer, dalawampu’t walong taong gulang, may asawa at nagtatrabaho sa gitnangsilangan.

Kaye– Asawa ni Badong, isang nurse, dalawampu’t limang taong gulang.

Mamerto– Pinsan at kababata ni Badong, isang I.T. consultant.

Patricia– Asawa ni Mamerto, isang nurse, dalawampu’t tatlong taong gulang.

CHAPTER 1

Part 1 Immigration

Itinuturing na “bagong bayani”, kinabukasan ng ating bayan, sa limpak-limpak na salaping aming ipinapadala kahit paano’y nakakatulong kami sa ekonomiya ng ating bansa. Malayo ma’y kailangang tiisin, labanan ang pagkalumbay, maitaguyod lamang ang aming kinabukasan. Dalawang buwan matapos kaming ikasal ni Kaye ay balde-baldeng luha ang umagos sa aming mga mata nang ako’y ihatid niya sa ating paliparan, halos sampung oras kong tiniis ang sakit lulan ng eroplano patungong gitnang silangan.

Aking naalala tatlong taon na ang nakakalipas, paglabas ko ng pintuan ng palipara’y hinanap ko ang aking pangalan. Gaya ng bilin ng ahensyang nagpadala sa akin dito, ito’y hawak ng isang taong galing sa kumpanya na aking papasukan. Ilang saglit akong nagpalinga-linga, inisa-isa ko ang mga nag-aabang sa labas, iba’t ibang lahi, hawak ang kapirasong papel at nakalimbag ang pangalan ng kanilang mga susunduin. Sa isang panig ng grupo ng mga tao’y napatitig ako, ito na, ito na ang aking sundo. Nakasulat sa puting papel ang pangalan ng kumpanya, at sa ibaba nito’y pangalan ko – “Baldomero Ongasis”.

Kaybilis ng panahon, mabilis ang pagtitiis. Gawa ng makabagong teknolohiya’y napaglalapit ang mga magkakalayo, hindi na kailangan pang maghintay ng sulat, isang tawag lang ay iyong makakausap kaagad. Isang pindot lamang ay makikita nang lahat, lalo na ang iyong mga mahal sa buhay. Subalit sa kabila ng lahat, hindi ko pa din maiwasang malumbay, sa mga hawak, sa mga yakap at halik, sa presensya ng aking asawa.

Mahirap gumawa ng paraan dito sa aking kinaroroonan, mahirap tugunan ang aking sekswal na pangangailangan. Sa bansang itinuturing na pinaka-konserbatibo’y magdadalawang isip kang gumawa ng kalokohan. Isa lang ang solusyon, magsumikap at mag-ipon. Ito ang aking ginawa sa mga nakalipas na taon, sinikap kong kuhanin ang aking asawa, baka madagit pa ng iba, upang mapunan na din ang aking mga pangangailangan.

“I hope makapag-adjust ka kaagad babes…” sabi ko sa aking asawa paglabas namin ng eroplano.

“oo naman babes, happy ako kasi magkasama na tayo ulit” sagot naman ng aking asawa.

Culture shock. Ito na yata ang isang sitwasyon na halos lahat ng tao ay pagdadaanan lalo na kung ika’y maninirahan sa ibang lugar. Ibang kultura, ibang salita, ibang lahi. Ganunpama’y sa kabila ng malakihang pagbabago, sa pananamit, pag-intindi ng mga salitang banyaga, unti-unting nakapag-adjust ang aking asawa.

Sa walong oras kong trabaho’y nasa bahay lamang siya, tuwing tanghali ako’y uuwi upang mananghalian at sa gabi nama’y malimit kaming lumabas at kumain ng hapunan sa iba’t ibang restaurant upang siya ay hindi naman din malumbay. Sa unang buwan ni Kaye sa aking piling ay talaga namang nagsilbing motel ang aming tahanan. Gabi gabi kami kung magtalik, dalawa, tatlong round ang aming average, nagsilbing pagpapatuloy ng aming pulot-gata ang unang buwan naming muling pagsasama.

Hindi lumaon ay nabawasan ang dalas ng aming pagtatalik, tuwing makalawa na sa halip na araw-araw. Ayos lang naman sa akin, kesa dati na taon ang aking binibilang. Tama lang din ito, upang mapanatili na din ang pigura ng aking maybahay. Wala pa kaming anak, ang kanyang katawa’y ganoon pa din mula nang una ko siyang makilala. Nagdesisyon kaming umantabay na muna sa pagkakaroon ng anak, bagay na aking sinang-ayunan sapagka’t ang aming plano’y mag-ipon na muna at kung papalari’y siya din mismo ay makahanap ng trabaho.

Kung dati-rati’y si misis ang aking ka-chat, ngayon ay halos hindi ko na nabibisita ang aking laptop. Para saan pa? Narito na siya at aking kapiling. Ginagamit na lamang ito kung may palabas akong gustong panuorin na aking nakaligtaan, gaya ng mga laban ni Pacquiao, mga telenobela sa kabilang istasyon, at minsa’y sumisilip sa aking facebook. Kung minsan nama’y matityempuhan ang ilang mga kaibigan, mga kamag-anak na naiwan sa Pinas.

“babes! babes!” sigaw ng aking asawa habang ako’y nasa kusina isang gabi matapos kaming kumain.

“oh?! bakit ano yun??” tugon ko naman.

“si kuya Mamerto, nag-message sa iyo” sagot naman ng aking asawa.

“ah ganun ba, bakit daw?” sagot ko naman habang pinupunasan ang basa kong kamay.

“eh may itatanong daw sa iyo babes, halika na nga dito at ikaw ang mag-reply” tugon ni misis.

Pagbalik ko’y nakatayo na si misis, hinihintay akong umupo sa silyang kanina’y siya ang nakaupo. Ako’y natuwa sa aking nakita, mga mensahe ng aking pinsang matagal ko na ding hindi nakita at nakasama. Siya si Mamerto, Mamerto Ongasis. Sa aming lahi’y kami lang yatang dalawa ang sanggang dikit, mula pagkabata’y kami na ang magkasama, sabay pa nga kaming tinuli kung aking babalikan ang dati. Nagkahiwalay lamang kami noong pagtuntong namin ng kolehiyo, magkaiba kami ng hilig pagdating sa kurso, maliban doo’y lahat ng bagay ay halos magkasunod kami ng gusto.

“insan! kumusta!” sabi ko sa mensaheng aking ipinadala.

“uy insan ikaw na ba yan? eto ok lang…may webcam ka ba?” reply naman niya.

Hindi na ako nagreply, kaagad kong pinindot ang video call ng facebook at kusa namang mag-oon ang webcam ng aking laptop. Maya-maya pa’y narinig ko na ang boses ni pinsan, kasunod nito ang medyo mabagal pang paglabas ng kanyang mukha sa video.

“oh kita mo na ba kami?” wika ko sa aking kausap.

“oo insan, hi Kaye! kumusta kayo dyan?” wika naman niya.

“maayos naman insan, ikaw? ano balita sa iyo dyan?” tanong ko naman.

Halos kalahating oras kaming nagdaldalan, hindi naman nabalewala ang aking asawa dahil kilala din naman niya ang aking pinsan. Nagkakilala sila noong kami’y hindi pa kasal, at syempre noong araw ng aming kasal kung saan isa siya sa mga abay.

“nga pala insan, sa Riyadh ka diba?” wika ni Mamerto bago matapos ang aming usapan.

“oo insan bakit? paano mo nalaman?” tanong ko kaagad.

“ah eh, naitanong ko kasi kay tita…actually dapat hindi ko ipapaalam sa iyo kaagad, pero natatakot kasi ako, iba na yung may back-up hehe” pahayag ni Mamerto.

“huh? ano ibig mong sabihin insan?” tanong ko muli.

“alam mo na, baguhan ako, saka kailangan na din paghandaan…” wika niyang muli.

“natanggap kasi ako insan, Riyadh din…gusto ko sana sa Jeddah dahil nandun si Patricia pero dyan ako pinalad…next month na ang alis ko dito insan” sabi ni Mamerto.

“wow talaga?! e madali nalang yan insan, tutulungan kita mag-ayos ng papel ni Patricia para malipat na din siya dito, dito kana din tumira sa amin para magkakasama na ulit tayo!” masaya kong wika.

“salamat insan, pero mukhang hindi pwede na sa iba ako titira, may company housing kasing nakalaan para sa mga emplyado…pwede naman tayong magkita kapag walang pasok..” balik ni Mamerto.

“oo ganun talaga insan sa una, kapag wala family mo e sa puder ka nila nakatira, pero kapag nalipat na dito si misis mo, pwede ka na lumipat ng bahay, kung mangyayari yun, magkakasama na tayo” paliwanag ko naman.

Wala namang problema kay Kaye ang naging desisyon ko, sa katunayan ay mas maganda pa nga para sa kanya at hindi na siya gaanong maiinip at mag-isa dito sa aming tinutuluyan. Sanay din ang aking asawa sa may ibang kasama sa bahay, galing siya sa isang malaking pamilya at hindi na iba sa kanya ang ganitong set-up.

Mula noon ay mas naging madalas pa ang aking pakikipag-chat sa aking pinsan na kung ituring ko na din ay kapatid sa lalim ng aming pinagsamahan. Bilang nauna dito sa ibang bansa ay tinulungan ko siyang maging panatag. Sinabihan ko siya kung ano ang bawal, kung saan magandang mamasyal, kung paano mabuhay dito sa gitnang silangan.

Hindi hadlang para sa aming mag-asawa ang mga bagay na aking nakagisnan, ganoon din sa kanya, parehas pa din ang aming samahan gaya noong kami’y mag-syota pa lamang. Bukas ang aming isipan, sa tatag ng aming relasyon ay talaga namang bihira kaming mag-away.

“babes sa isang araw na dadating si kuya Mamerto diba?” tanong sa akin ng aking maybahay isang gabi matapos kaming magtalik.

“oo babes bakit?” sagot ko naman.

“ah wala naman, sana lang malipat na dito si Patricia para may kasama na ako dito sa bahay” sabi ni Kaye.

Simula siguro noong mapunta dito ang aking asawa’y nagkaroon sila ni Patricia ng pagkakataong magkakilala at maging close sa isa’t isa kahit pa ito’y sa ere lamang at hindi sa personal. Lalo akong naging agresibo sa pagtulong sa aking pinsan, gusto ko siyang matulungan upang hindi na din niya maranasan ang pagkalumbay at malayo sa mahal sa buhay. Sa aking pagtulong ay naroon din ang pakay para sa aking asawa na magkaroon ng kasama, sa ganitong sitwasyon ay mababawasan na din siguro ang kanyang pagkainip sa bahay.

Ito ang simula ng aming buhay dito sa malayong ibayo, sa simula na akala ko’y tama. Hindi ko alam ngunit sa sarili ko ako din ay naguguluhan, pero ang alam ko’y isa lang itong pagsubok na dapat naming lagpasan, o di kaya nama’y sang-ayunan na lamang.

Part 2Family Visa

Matalino si Mamerto, mula elementarya hanggang mataas na paaralan ay kabilang siya sa mga nasa taas. Sa katunayan ay madalas ko din siyang kopyahan noon, komo magpinsan kami at magkaparehas ng apelyido, madalas na kami ay magkatabi sa upuan. Sa unang linggo niya dito sa Saudi ay nagpakitang gilas siya kaagad sa napasukang kumpanya, paraan na din niya ito upang ganahan ang amo niya na payagan siyang kuhanin ang asawa at sa labas tumira.

Hindi naman siya nabigo dahil gaya ng payo ko sa kanya, kulitin na niya kaagad ang kanyang amo upang mapabilis ang proseso. Sa loob ng isang linggo’y mas madalas pa nga yata kaming mag-usap nito kasya sa aking asawa. Nagkasundo kami na magkita-kita sa araw ng walang pasok, para na rin mailibot ko siya dahil sa ako ang mas may alam dito sa syudad.

Unang Biyernes noon, weekends dito sa bansa ng mga muslim, unang pagkikita namin ni Mamerto sa nakalipas na mga taon.

“basta sabihin mo sa taxi, sa ‘Batha’…tapos doon na tayo magkita, susunduin ka namin doon ni Kaye tapos lilibot tayo” wika ko sa aking pinsan.

Halos isang oras bago ko muling nakita ang aking kababata, ang aking kasangga, ang aking pinsan. Daig pa ang magsyota nang kami’y magtagpo, kulang nalang siguro’y halikan ko sa pisngi ang aking pinsan. Lahat ay masaya, bilang dayuhan ay iba talaga ang pakiramdam ng makakita ka ng kapwa mo pinoy pero mas lamang naman lalo na’t kadugo mo pa ang iyong makikita.

“insan! hehehe! kumusta??” masayang bati ko sa kanya.

“uy Badong insan! pumuti ka yata hehe! hi Kaye!” balik naman niya sa amin.

Kaagad kong pinasakay si Mamerto sa aming sasakyan, inilibot ko siya sa iba’t ibang bahagi ng Riyadh. Napag-usapan namin ang halos lahat, pero nabuo ang aming atensyon sa paglipat ni Patricia dito din sa aming lugar.

“alam mo naman insan, tao lang, natitigang din” biro pa ni Mamerto.

Sa puntong ito’y napangiti pa si misis ko, kung kanina’y parang nagseselos na sa amin ni Mamerto ngayon nama’y tila muling sumampang muli sa bangka at sumabay na sa agos ng aming usapang magpinsan. Hindi na kami mga bata, kapwa may mga karanasan na kami pagdating sa six, kaya hindi na siguro mahirap para pag-usapan ang ganitong mga bagay kahit pa kasama namin ang aking asawa. Alam ko din sa isipan ng aking maybahay ay ang kalibugan, pero syempre hindi naman siya ganoon ka-open o ka-bulgar sa pagsasalita.

“oo nga kuya Mamerto, isa yan sa dahilan kung bakit kinuha ako ni Badong dito hihihi!” hirit ng aking asawa.

“buti ka nga insan, hindi na malamig ang gabi mo hehehe” hirit muli ng aking pinsan.

Aminado akong bahagyang kumibot ang aking ari sa mga hirit nila lalo na ng aking asawa. Hindi ko alam, pero parang lalo akong nalilibugan tuwing maririnig ko ang tawa ni Kaye tuwing magkakabiruan tungkol sa six. Hindi ko din alam kung may kakaibang kalabit din ito sa kanyang isipan, ang pagkatigang ng aking pinsan.

Mula nang mabuksan ang usapan tungkol sa six o sa pagkalumbay ni Mamerto sa kanyang asawa ay tila nabaligtad na ang sitwasyon. Kung noong una’y ako ang bangka sa usapan, ngayon ako ay tsuper na lang nila. Mula hapunan hanggang sa ihatid na namin si pinsan sa kanilang tahanan ay sila nalang ni misis ang nagku-kwentuhan, sumisingit din naman ako paminsan-minsan pero saglit lang.

Ayaw ko pa sanang matapos ang araw, kung pwede nga lang sana e sa bahay na matulog si pinsan para naman masulit ang aming pagkikita. Pero hindi pwede dahil may curfew daw ang kanilang tinutuluyan. Habang binabaybay ko ang daan pauwi sa aming bahay ay nakatulog si Kaye, tuwing hihinto kami sa mga stoplight ay akin siyang pinagmamasdan. Napakaganda ng aking asawa, ito lagi ang sinasabi ko sa aking isipan tuwing siya ay aking tititigan. Kaya naunawaan ko kalaunan ang hinahanap ni pinsan, ang kasama sa gabing tulad nito.

Bago kami natulog ay muling nabuksan ang paksa tungkol sa nalalapit na paglipat sa amin ng mag-asawang Mamerto at Patricia, sa ibabaw ng kama magkayakap kami ni Kaye habang himas-himas pa niya ang aking isang hita.

“babes, matagal ba maayos yung papeles nila?” tanong ni Kaye sa akin.

“mabilis lang yan babes, yung sa iyo diba mabilis lang, saka nasa Jeddah lang naman si Patricia kaya mas mabilis lang yan” sagot ko naman.

“ah ganun ba, e dapat pala ayusin na natin itong bahay para pag dating nila e wala na tayong iintindihin pa” suhestyon naman ni misis.

Hindi ko na tinanong pa kung bakit tila mas excited pa yata kasya sa akin si Kaye, hindi ko na binigyan pa ng kahulugan ang pagku-kwentuhan nila kanina lamang. Pero isang bagay ang tumatak sa aking isipan nang kami’y nagsimula nang mag-siping. Habang si Kaye ay subo ang aking burat, tuwing titigil siya ay sasabayan niya ng kwento. Hindi ito bago para sa amin, lagi namang ganito tuwing ako’y kanyang tsutsupain. Pero sa pagkakataong ito, may kasali nang ibang tao sa kanyang kwento.

“babes bakit hindi pa kaya nagkaka-baby sila kuya Mamerto? siguro tulad natid ine-enjoy din nila ang pagiging couple noh?” ani misis.

Tumango lamang ako sa mga tanong ni misis, hindi na ako makapagsalita pa dahil sa sarap ng kanyang bunganga. Noong makalawa pa kami huling nagtalik, sa aking pagkaka-tanda’y hindi naman ganito kasarap ang pagtsupa niya sa akin. Pati itlog ko yata e nadampian na ng kanyang laway, sabik na sabik, sagad yata ang libog ng aking asawa.

“babes gusto ko ako sa ibabaw…” hiling pa ni misis.

Malugod ko namang pinaunlakan ang kanyang kahilingan, sumibol din ang aking libog nang aking makita ang kanyang puki na tila nangingintab. Dati ang aming gawi ay matapos niya akong tsupain, ako naman ang bababa sa kanya upang siya ay painitin, subalit tila hindi na kailangan iyon, basa na si Kaye at gusto nang pasukin.

Naka tatlong round kami noong gabing iyon, tatlong round na umaatikabong kantutan. Ang aking naramdaman noon ay parang aming unang pagtatalik, kapwa sabik na sabik. Hindi na namin nagawa pang magdamit, nakatulog kami at nagising na walang saplot maliban sa kumot. Iisa pa nga sana ako noong umagang iyon subalit kailangan ko nang pumasok, kailangan ko nang magtrabaho.

Ilang araw at linggo pa ang lumipas, habang naghihintay ang aking pinsan sa pagdating ng kanyang maybahay sa aming lugar ay walang mintis ang aming pagkikita, tuwing Biyernes. Kahit pa parehas palagi ang aming routine, walang dull moments ika nga. Sa tingin ko din maganda ito para sa aking asawa, mas magiging panatag ang kanyang loob sa aming bagong makakasama.

“next week na dadating si Patricia insan, pwede na din daw akong lumipat ng bahay…” wika ni Mamerto habang kami ay nagmi-miryenda.

“wow congrats kuya Mamerto, hihihi…you know…hahaha!” masayang biro ng aking asawa.

Tanggap ko na ang pagiging close nila, wala naman sigurong masama. Parehas din siguro ang aking mararamdaman kung sakaling tunay na kapatid ko ang kanyang pakikisamahan.

“hehe oo nga, sago-sago na ito! hahaha!” biro pa ng aking pinsan.

Siguro kung ibang tao ang aming kasama ay medyo bastos talaga, medyo below the belt lalo na’t babae ang kasama. Pero dahil nga sa pagiging malapit namin sa isa’t isa ay hindi na ito mahalaga pa. Isa pang factor sa pagiging bukas ni misis sa mga ganitong usapin ay dahil na din sa kanyang trabaho dati sa Pinas, company nurse siya at halos araw-araw makakita ng katawan ng lalake. Siya yung tumitingin ng mga empleyado, kung may luslos ba sila, sa madaling sabi’y doon mismo sa itlog tumitingin. Minsan ko na ding natanong sa kanya ito, kung nalilibugan ba siya sa mga nakikita niya. Ang lagi niyang sagot dito ay hindi, trabaho daw iyon at walang malisya.

“eh kelan mo ba balak maglipat insan? para naman matulungan ka namin…” sabi ko pa sa kanya.

“naku wag na insan, may sasakyan naman sa kumpanya namin at mga pahinanteng ibang lahi, nasabihan ko na sila na lilipat ako at sila na din ang tutulong sa akin” sambit naman ni Mamerto.

“oo nga babes, i-save mo nalang yung leave mo..nasa bahay lang naman ako palagi kaya kahit anong araw e pwedeng maglipat si kuya Mamerto” sabat naman ng aking asawa.

Tama naman si Kaye, sayang din kung aabsent ako ng isang araw.

Dalawang araw bago dumating sa Riyadh si Patricia ay naglipat na si Mamerto. Hindi naman marami ang kanyang gamit kaya’t saglit lang itong nakapaglipat. Alas-singko y medya noon ng hapon ay dumating ako, sa pintuan pa lamang ay narinig ko na ang tawanan. Akala ko’y naroon na si Patricia pero pagpasok ko’y sila lamang dalawa, si misis at ang aking pinsan sa sala.

“oh insan, halika miryenda tayo…ang sarap pala magluto ni Kaye, no wonder tumaba ka dito hehe” bungad sa akin ni Mamerto.

“oh tapos na kayo?” sagot ko naman.

Hindi ko alam na iba ang iisipin ng aking asawa sa tanong ko sa kanila. Wala din sa aking loob na ito ang sabihin ko, ang gusto ko lang talagang itanong ay tungkol sa paglilipat nila.

“huh? anong tapos na?” sagot ni misis.

“ah I mean, tapos na ba kayo maglipat at mag-ayos ng gamit ni insan?” pagtatama ko ng aking sinabi.

“ahhh…akala ko naman ano hihihi! oo babes, tapos na, eto at naghanda na din ako ng makakain tapos kwentuhan lang…ang dami ko nalaman tungkol sa iyo babes! hihihi” pahayag ni Kaye na abot tenga ang tawa.

Naalala ko noon, high school kami ni Mamerto nang magsimula kaming manukat ng mga kababaihan. Sinusukat namin ang kanilang mga kagandahan, maging ang aming mga naging kasintahan ay aming pinag-uusapan tuwing kami nalang ang magkasama. Nagpapalitan kami ng listahan, mas malaki ba ang suso ng GF mo, mas maputi ba ang kili-kili ni ano, mas malaway ba kung humalik si ganito. Pero ito ay noong bata pa kami, mapaglaro at hindi pa seryoso.

Sa aking pag-upo ay napansin ko kaagad ang suot ng aking asawa, maayos naman ang pang-itaas subalit sa shorts niya ako ay kontra. Tag-lamig na noon sa Saudi, ang klima dito’y extremes kung ituring, pag summer ay sobrang init, pag winter nama’y rarayumahin ka sa lamig.

“hindi ka ba giniginaw babes?” tanong ko kay Kaye patungkol sa kanyang suot na halos ngumiti na ang pisngi ng kanyang langit.

Sigurado akong nakita na ito ni Mamerto, lalo pa’t magkaharap sila sa sala. May tiwala naman ako sa aking pinsan, gaya noong kami ay mga bagong sibol pa lamang, basta’t may marka na akin, walang sinuman ang pwedeng manghimasok o makialam, ganun din naman sa kanya. Hindi sa pagmamayabang, kahit sino sigurong lalake ay tiyak na malilibugan sa aking asawa lalo pa kung masisilayan ang mala-porselanang kutis niya.

“okay lang babes, kaya pa naman hihi!” sagot na lang ni Kaye, tila hindi niya naintindihan ang aking pahayag.

“kakainggit talaga, pero ilang araw nalang, may babes na din akong kasama hehe” singit naman ng aking pinsan.

“babes din ang tawagan nyo?” tanong ni Kaye kay Mamerto.

“oo, bakit kayo lang ba pwedeng gumamit noon? hehe” sagot ni pinsan.

Muli, ako’y nawala sa usapan. Minarapat ko nalang na pumasok na muna sa aming silid upang magbihis. Habang hinuhubad ko ang aking damit ay dinig pa din ang kanilang malalakas na tawanan, hindi ko alam kung dapat na ba akong magselos o pabayaan ko na lamang. Ilang minuto pa’y lumabas na din ako, ganoon pa din ang scenario. Tumabi ako sa aking asawa, inakbayan ko siya at humalik na din sa pisngi niyang malambot.

“kakainggit naman…” pahaging na sambit ng aking pinsan.

“hihihi, don’t worry kuya, tiis na lang at makakatikim kana din hihi!” sagot naman ng aking asawa.

Ilang minuto pa bago lumisan ang aking asawa upang magtungo na sa kusina ay ganoon pa din ang tema, siguro kung hindi ko pa siya awatin ay tiyak na kami ay gagabihin para kumain ng hapunan.

“insan, swerte mo kay Kaye. magaling magluto…si Patricia ko e walang alam sa kusina, puro sa kwarto ang alam hehe” wika ni Mamerto nang maiwan kami sa sala.

Ayoko sanang patulan ang usaping kalibugan ni Mamerto, pero para saan pa at kapwa naman namin alam ang sikreto ng isa’t isa. Tutal e na-miss ko din ito kahit paano, mag-syota pa lang kami noon ni Kaye ay halos nabuo na siguro sa isipan ni Mamerto ang hubog ng kanyang katawan. Tuwing magkikita kami noon ng aking pinsan ay hindi maiwasan ang kumpetensya, kung sino bang GF ang mas maganda. Pero matapos akong ikasal ay nawala na iyon, akin na ang asawa ko e.

“ok na yun insan, at least magaling sa kama hehe…” sagot ko nalang.

“oo naman insan, kahit hindi na kami kumain e solb naman na sa sarap” pabiro pa nitong sabi.

“…kelan ba plano nyo magka-baby?” pahabol niyang tanong.

“ah wala siguro, kapag may ipon na e pwede na siguro…” sagot ko.

“oo nga, enjoy mo nalang muna, alam mo naman mga sixy asawa natin baka biglang ma-losyang e…” tugon niya.

“guys kain na…!” sigaw ni Kaye.

“oh insan, kainin mo na daw si Kaye hehe” biro pa ni Mamerto sa akin.

“hehe ulol…mamaya talagang kakainin ko yan haha!” sagot ko naman.

“yabang…kapag dumating na si Patricia pagpasensyahan mo na kung magiging maingay kami ha hehe” balik naman niya.

Part 3Residence Permit

Sa progresong aking tinamasa, siguro para sa isang tipikal na asawa’y sapat na. Marangyang trabaho at sweldo, maayos na pamumuhay, tahimik na bahay, at isama pa natin ang magandang asawa na ni minsa’y hindi ako binigo sa aking mga sixual desires. Hindi ko masasabing ito’y itinakda o talagang nakaguhit na sa aking tadhana, tadhanang tayo rin ang nagma-maniobra.

Naging maayos naman ang buhay namin dito sa Saudi Arabia, mas sumaya pa nga dahil kahit paano’y nabawasan pang lalo ang aming pagka-homesick, sa presensya ng aking pinsan na mula pa noong una’y akin nang nakilala. Subalit sa kabila nito’y sadyang paglalaruan ka ng tukso, ang akala kong magandang buhay ay hindi ko masasabing madaragdagan pa ng kulay o di kaya’y mababahiran ng mantsa panghabang-buhay.

Sa unang buwan naming magkakasama ng mag-asawang Mamerto at Patricia, wala akong nakitang masyadong pagbabago. Maliban na lamang sa asawa kong lalong naging mabagsik sa ibabaw ng aming kama. Noong una, akala ko ay normal lamang, ang aming sinimulang apoy ay patuloy na nag-aalab. Subalit habang nagtatagal ay tila ang aking pang-gatong sa apoy na iyon, sa halip na kahoy lamang na tuyo ay parang binuhusan pa ng gasolina upang ito’y labis na magliyab at uminit pa.

Ako’y napaso. Napaso sa init ng apoy na dulot ng aking mahal na asawa. Isang gabi sa gitna ng aming pagtatalik ay biglang nagtanong ang aking asawa. Gaya ng aming nakagisnan, natural na sa aming dalawa ang magkwentuhan habang nagpapasarap ng aming katawan. Subalit ang madalas o may diin na pagbanggit ng isang pangalan ang labis kong ipinagtaka.

“babes….uhhhhh…ohhhh…” ungol ng aking asawa.

“yes babes?” sagot ko naman habang siya ay kumakabayo sa aking ibabaw.

Tumitig sa akin si Kaye, dumapa pa siya ng kaunti upang ang dalawa niyang suso’y lumapat sa aking dibdib. Ramdam ko ang kanyang paghinga sa aking ibabaw, pati na din ang pag-ipit ng kanyang puki sa kahabaan ng aking sandata.

“ooohhh…ohhhh…uhhhh…ohhh…” papalakas na ungol ng aking asawa.

Labis akong natuwa noon, bihirang mapatid ang kanyang lalamunan sa pag-sigaw ng ganoon. Sa aking isipan ay lubos siyang nasasarapan, damang-dama namin ang bawat hagod ng aming katawan.

“hihi! babes malakas ba boses ko? hihi!” tanong ni Kaye.

“medyo babes hehe” sagot ko naman.

“nandyan na ba si kuya Mamerto? hihi baka marinig tayo?” patuloy niya.

Bakit kailangang si pinsan pa ang hanapin niya? I mean, pwede namang “nandyan na ba yung mag-asawa?” ang kanyang sambitin. Lalo nabuo ang aking duda nang labasan siya, halos isang iglap lamang matapos sambitin ang pangalang ng aking pinsan ay sumirit na ang kanyang dagta. Gumiling si Kaye, gumiling sa aking ibabaw. Nilamas pa niya ang sariling suso at sa aki’y ipakita. Gustuhin ko mang namnamin ang sarap ng bawat sandali’y hindi ko magawa, sapagka’t sa isang sulok ng aking isipa’y nagdududa pa.

“di ko alam…parang nandyan na yata…” sagot ko nalang.

Madalas tuwing siya ay nilalabasan, magpapahinga ito at panandaliang hihiga o papatong sa aking katawan upang muling kumuha ng lakas. Ngunit noong tagpong iyon ay nagtuloy-tuloy ang aking asawa, matapos manginig ay muli siyang umindayog.

“sarap babes…uhhhhh…oohhhh…” muli, malakas niyang mga ungol.

Sinabayan ko nalang ang libog ni misis, minarapat ko itong gawin upang hindi masira ang mood sa pagitan ng aming pagtatalik.

Dahil doon, ako na mismo sa aking sarili ang nagpasya upang alamin kung ano ba talaga. Ano ba talaga ang nangyari at tila ang aking asawa’y nag-iba. Ayos lang naman sana, pabor pa nga sa akin ang taglay niyang kalibugan. Pero ang aking pagkahalata sa tuwing magbabanggit siya ng ibang pangalan, partikular kay pinsan, at lalo siyang gaganahan, ang siyang nag-udyok sa akin para magmasid. Hindi ko nagawang tanungin siya ng diretso, takot ako, baka mamaya sabihin niyang “oo, nalilibugan ako sa pinsan mo”.

Isang araw ay umuwi ako ng maaga, sinubukan ko ang tadhana. Alam kong walang pasok noon si Mamerto, at siyempre ang aking asawa’y nasa bahay lamang. Inihanda ko na ang aking sarili kung anuman ang aking madaratnan, kung anuman ang aking maaaring masasaksihan. Sa pintuan pa lamang ako na ay kinakabahan, dahan-dahan kong ipinasok ang susi saka ito binuksan. Lalo tumalon ang aking puso sa kaba nang makarinig ako ng ungol, ungol ng babae na tiyak akong galing sa sarap.

Sa ganoong oras, alam kong si Kaye ay natutulog. Nilawakan ko ang aking pandinig, ako’y hinatak ng aking pandinig sa kabilang panig. Doon sa silid nila Mamerto, sa kabilang dulo mula sa sarili naming kwarto. Hindi ko na muna sinilip ang aking asawa sa aming silid, doon na ako dumiretso kung saan ang ungol ay naririnig ko.

“uhmmm..uhmmpppp…uhhhhh…” mahinang tinig na aking narinig.

“tang ina, kinakantot ni insan ang asawa ko!” pagalit kong wika sa aking sarili.

Inilapat ko pa ang aking isang tenga sa pintuan ng silid nila, sa pagitan ng kahoy na pinto ay lalong naging detalyado ang bawat ungol. Dinig na dinig ko pa ngayon maski ang hingal ng aking asawa, pigil ito at mahina pero sa bawat kadyot siguro ni Mamerto ay paminsan-minsang lumalakas ito.

Kukuha ba ako ng kutsilyo sa kusina? Papasukin ko na ba? Sisigawan ko ba sila o ako’y aalis na lamang at iiyak? Gumulo ang takbo ng aking isip nang mga sandaling iyon, sari-sari ang aking naisip. Kung sila’y aking papatayin, tiyak na ako’y ganun din. Wala ako sa Pinas, ang batas dito’y marahas, kung buhay ang iyong kinuha’y iyon din ang iyong ibabalik.

“puta. puta. putang ina!” sumisigaw kong boses ng kunsensya.

Mabilis akong umalis, bumalik sa aming silid. Sa pagkakataong iyon ay hindi na ako nag-ingat pa, sadya ko talagang ipinadinig ang aking mga yapak upang malaman nilang may ibang tao na. Ako’y papasok sa kwarto at doon maghihintay, hihintayin kong pumasok ang aking asawa at bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag pa.

Papatak na sana ang aking luha, hahagulgol na sana ako na parang bata. Ang likidong papatak na sana’y parang ihi na napigil dahil sa gulat. Si Kaye, si Kaye Ongasis na aking asawa’y naroon at nakahimbing. Sa lamig ng panaho’y nakayakap siya sa malambot na unan, payapa at ang laway ay tumutulo pa yata.

“ano? ano toh??” wika kong muli sa aking sarili.

Agad akong lumapit sa aking maybahay, umupo ako sa gilid ng aming kama at bahagya ko siyang hinaplos. Narinig ko ang kanyang paghinga na lumalim, senyales na siya ay naalimpungatan at handa nang gumising.

“babes?” gulat ni Kaye.

“hi babes…” sagot ko at kasabay ang isang matamis na halik.

Marahil nagulat si Kaye, noon lang kasi ako umuwi ng maaga. Kaagad naman akong nakaisip ng palusot, sinabi kong galing ako sa site at tinamad na lang kaya ako’y umuwi na.

“ah ganun ba, nag-miryenda kana ba? teka ipaghahanda kita ng makakain” wika ng aking asawa.

“ah wag na babes, busog pa ako…teka at iihi lang ako” sagot ko naman.

Hindi lang siguro tinik ang nahugot, kundi isang malaking bato na bumaon sa aking puso. Narito ang aking asawa, buo at walang duda. Napamura pa ako habang papalabas muli ng aming silid upang umihi, “shit. that was close” wika ko sa aking sarili. Me and my crazy mind and stupid imagination, ganito ko maipapahiwatig ang aking utak noon.

Sa pagtulak ko ng pintuan ng banyo ay napahinto ako, sarado ito at alam kong may tao. Matapos ang tunog ng binuhusang inidoro’y bumukas ang pintuan nito. Si Patricia, ang asawa ng aking matalik na pinsan ang aking nakita.

“ay! hi kuya…” bati niya.

“hi…” sambit ko nalang.

Nagbigay ako ng espasyo sa babaeng lumabas, papasok na sana ako upang umihi pero hindi ko natiis na magtanong sa kanya.

“ahm, Patricia…si insan nandyan na ba?” tanong ko na kunyari’y walang alam, pero pakay ko talaga ay magmanman.

“ay lumabas kuya, may binili lang” sagot naman niya.

“ah ok…” balik ko sa kanya.

Habang umiihi, ako’y napaisip. Ilang minuto pa lang ang lumipas mula kanina nang ako’y makadinig ng mga ungol. Wala si Mamerto, naroon si Patricia at kagagaling lamang sa banyo. Ito ang simula ng aking interes sa asawa ng pinsan ko.

“pucha, bakit umuungol si Patricia kanina kung wala si insan??” tanong ko sa aking isipan.

“nagsasarili kaya siya?” patuloy ko pa.

Si Patricia. Asawa ni insan. Pagmamay-ari ni Mamerto. Una ko siyang nakilala ay noong unang uwi ko sa Pinas, ikakasal sila noon. Simpleng babae, syempre maganda dahil alam kong hindi naman pipili ng panget ang pinsan ko. Pero dahil sa alam ko’y mas maganda ang aking asawa, wala sa hinagap na pagnasahan ko pa ang babaeng ito. Pero ang isiping nagsasarili ang asawa ni Mamerto ay nakaka-intriga talaga. May asawa naman siya, kung kinakati ay isang kalabit lamang ang katapat.

Itinutok ko ang aking titi sa butas ng inidoro, nagmuni-muni at inantabayanan ang paglabas ng aking ihi. Sa pagsagitsit ng likidong galing sa aking katawan ako’y napapikit, sa pagdidilim ng aking paningi’y di ko inaasahang imahe ni Patricia ang aking makikita.

“May kamukha siya, shit sino nga ba…teka..teka..” sabi ko pa sa aking isipan.

“ayun! si Mercedes! si Maria Mercedes!” sabay ngiti ko pa habang pinapagpag ko ang aking ari matapos umihi.

Sa unang tingin sa asawa ni pinsan ay hindi mo agad magugunita, ngunit kung siya ay iyong makakasama na at araw-araw mong makikita, kasabay pa ang panunuod ng mga telenobela, tama, kahawig nga niya si Jessy Mendiola.

Sa aking pag-ihi’y biglang kabig ang makulit na isip, nang bumalik na ako sa aming silid ni misis ay kaagad kong inapuhap ang akingiPad. Check ng facebook gaya ng aking karaniwang ginagawa tuwing umuuwi galing sa trabaho. Habang ang aking asawa’y nakahilata pa din, ako nama’y kunyaring nagpapahinga hawak ang isang uri ng makabagong teknolohiya. Kaagad kong nakita ang profile ni Mamerto, ang pangunahing larawan ay silang dalawa ni Patricia na kuha yata noong naglibot sila sa Olaya.

“shit kamukha nga…” wika ko sa aking sarili.

Tinitigan ko ang mga labi ni Patricia sa kanilang litrato, kuhang-kuha nito ang mga ngiti ng aking idolo sa telebisyon. Hindi ko alam datapwa’t ito ay biglaan, si manoy ko na kaninang tahimik ngayon ay tila pumipintig.

“babes ano gusto mo ulam mamaya?” biglaang wika ng aking asawa.

Bigla kong inalis sa pahina nila Mamerto angiPad, parang may takot na biglaan sa aking puso at isipan nang biglang magtanong ang aking asawa. Kung tutuusin ay normal lang na magmasid sa facebook, subalit hindi pa man ay may “guilt” na sa aking isipan.

“ah, kahit ano babes, ano ba meron sa ref babes?” sagot ko nalang.

Tumayo ang aking asawa, lumabas at nagpaalam na tutungo sa kusina upang alamin kung ano ang pwedeng ihain mamayang hapunan. Muli, aking sinilayan ang mga larawan ni Patricia pero hindi rin ako nagtagal. Nagawa kong pigilan ang aking sarili sa paghanga sa iba, lalo na ang kalibugan ko na hindi tama. Sumunod ako sa kusina upang tulungan sana ang aking asawa.

“babes? mag take-out nalang kaya ta-…” wika ko bago pumasok sa kusina.

Nagulat ako nang sabay lumingon ang dalawang babae na naroon.

“oh Patricia, nariyan ka pala.” bati ko nalang.

Nginitian lang ako ng aking hipag-sa-pinsan, naalala kong muli ang larawan kanina, isang anghel na bumaba sa lupa, isang anghel na kung umungol ay wagas at talaga namang nakakalibog.
“gusto mo lumabas nalang tayo? Patricia okay ba sa inyo ni kuya Mamerto?” suhestyon ng aking asawa.

“ah, oh sige, teka ite-text ko para umuwi na…ang tagal e bumili lang naman dyan sa bakala (tindahan)” sagot ng asawa ni Mamerto.

Sa galak siguro ni misis, gawa na din ng pagka-inip, daglian siyang bumalik sa aming silid at nagpaalam na magpapalit na ng damit. Saglit kaming naiwan ni Patricia sa kusina, bago ako sumunod sa aking asawa’y nagkaroon muli kami ng tsansang magkatitigan. Muli ko siyang nginitian, ganun din naman ang kanyang ibinalik. Hindi ko alam kung sa sarili ko lang o ako lamang ang nag-iisip pero halata ko kasi sa kanyang mga mata ang “hiya”, siguro’y alam niyang narinig ko siya kanina, o di kaya nama’y tigang talaga ang asawa ni Mamerto.

“tara bihis na…” wika ko bago ako tuluyang lumisan.

“sige kuya..” mahina niyang wika.

Pagpasok ko’y naabutan kong nakahubad ang aking asawa, suot ang panty lamang at walang bra habang nakayuko at namimili ng isusuot na damit para sa aming lakad. Magkahalong pagnanasa at libog ang agaran kong nadama, lumapit ako’t biglang pinupog ng halik si Kaye. Nagulat siya pero hindi na tumutol, gumanti ng halik ang aking magandang asawa. Ang mga sumunod na pangyayari’y kapwa nasa ibabaw na kami ng aming kama, nakapasok ang aking titi sa naglalawa niyang puki.

Sinubukan kong pumikit, nakita ko sa talukap ng aking mga mata ang imahe ni Patricia, lalo akong ginanahan at nalibugan. Bukod sa likas na ganda ng aking asawa ay lalo pang nag-ibayo ang tawag ng aking laman.

Hindi namin namamalayan ilang minuto na pala ang aming nagugugol sa ibabaw ng kama. Bihira kaming mag “quickie” ni kumander, habang naghihintay kami ng orgasmo ay sabay pa kaming nagulat sa katok mula sa aming pintuan.

“bilis na babes! hihihi!” wika pa ni misis.

Mabilisan, makaraos lang. Agad kaming nagbihis at ako nama’y tumungo sa pintuan upang alamin kung ano ang kailangan ng kumakatok sa pintuan.

“ay kuya, sorry naistorbo ko yata kayo…sabi kasi ni Mamerto sa baba nalang daw siya, hintayin nalang daw tayo sa car..” bungad ni Patricia.

“ah oh sige…” sagot ko nalang.

Muli, nakita ko sa mga mata ni Patricia ang pagiging tuso. Alam kong alam niya na may ginagawa kami ni Kaye base sa kanyang mga tingin at pananalita. Hihiritan ko pa sana na hintayin na lang kami at “tatapusin” ko pa ang aking ginagawa, pero minarapat kong huwag na, huwag na muna. Ayokong madaliin ang lahat, ayokong mapaso. Ayokong mapaso sa apoy na hindi ko pa alam kung saan galing ang panggatong.

Part 4Dual Citizenship

Hindi ako nagpadalus-dalos upang mapagbigyan lamang ang init ng aking laman na hindi ko inasahang madarama ko sa katauhan ng asawa ni pinsan. Mula noong narinig ko ang ungol ni Patricia ay madalas ko na siyang naiisip, nagkaroon ako ng interes sa babaeng nakatali sa matalik kong pinsang si Mamerto. Naging malimit ang pagku-krus ng aming landas dito din sa loob mismo ng aming inuupahang bahay, at kadalasan dito’y mga matatamis na ngiti ang aking natatanggap mula sa kanya. Hindi ako nagpa-pogi, hindi ako nagpapansin, unti-unting naging bukas ang aming diwa sa mga biruan at kadalasan kong idinadahilan ay ang mga paksang naririnig ko tuwing sila ni Kaye ang magkausap o nagku-kwentuhan.

Humanap at nakahanap ako ng pagkakataon, pagkakataon na ilang linggo ko ding masusing pinlano. Nalipat ng oras ang trabaho ni Mamerto, pang-gabi ito kaya’t madalas na hindi sila nagkikita ng matagal ng kanyang asawang si Patricia. Siguro nag-aabot sila minsan sa aming tarangkahan pero tiyak ako na dumalang ang pagdidilig dito ni insan.

“tara kain tayo Pat…” paanyaya ng aking asawa isang gabi.

“ay thank you, sige busog pa ako e..” sagot ni Patricia.

“naku halika na, tikman mo luto ni Badong” pagpupumilit pa ng aking asawa.

Lumapit si Patricia, sinuri ang aming pinagsasaluhang pagkain ni Kaye na aking asawa. Muli kong nakita nang malapitan ang matamis niyang ngiti bago siya nagsalita ulit.

“masarap ba yang talong mo kuya Badong?” mala-inosenteng tanong ni Patricia patungkol sa nakahaing tortang talong na aking niluto.

Bago pa man ako nakasagot ay halos masamid ang aking maybahay saka ito tumawa ng malakas. Kinuha ang baso ng tubig at ang pisngi niya ay namula pa bago nagsalita.

“hihihi! anu ka ba Patricia, syempre masarap yang talong ni Badong noh! hehehe!” pabirong sabat ng aking asawa.

Mga ilang segundo din bago napagtanto ni Patricia na ang sinabi pala ng aking maybahay ay may ibang nilalaman. May kahalong biro ito kung saan hindi niya unang naunawaan.

“ay! hihihi!” sambit na lamang ng asawa ni pinsan.

“halika na kasi, kuha kana ng plato mo at kainin mo na itong talong ng asawa ko! hihihi!” sundot pa na biro ni Kaye.

Nakita ko sa mukha ni Patricia ang bahagyang pamumula, siguradong may tama sa kanya ang biro ng aking asawa. Siguro nga marahil ay matagal nang hindi nakakakain ng “talong” itong si Patricia, nahiya din siya dahil baka hindi sanay sa mga ganoong biro pero alam kong wagas din ang kalibugan nito nang minsang marinig ko ang kwentuhan nilang dalawa ni Kaye na hindi nila alam na naroon ako.

Makalipas ang ilang minuto at ilang mga kwentuhan ay naunang nagpaalam ang aking asawa.

“babes, ikaw na bahala dito ha, nagtext sila mommy mag-skype daw kami..Pat una na ako” wika ni Kaye sa amin.

Saglit kaming natahimik nang pumasok na si Kaye sa aming silid upang makipag-chat sa aking byenan. Alam kong ito na ang pagkakataon ko upang makipaglaro ng apoy sa asawa ng aking pinsan. Sinubukan kong ulitin ang mga biro na kay misis na din nanggaling, titignan ko kung sasakay ba si Patricia o di kaya’y mababadtrip at lilisan na din.

“oh masarap ba?” tanong ko sa kanya.

“alin kuya?” sagot naman niya.

“itong talong ko..hehe” sabay banat ng biro kanina.

“ah oo kuya, ang sarap ng TALONG mo” balik naman niya na alam kong siya ay nasa bangka pa din at hindi pa bumababa.

“sabihin mo lang, kung gusto mo pa ulit e ipagluluto kita…baka hindi ka naipagluluto ni insan e” pahabol ko naman.

Hindi kaagad nakasagot si Patricia, siguro’y direktang tumama ang aking mga patutsada sa kanya. Siguro ay tama ako at hindi na nga nararasyunan ni Mamerto ang kanyang asawa. Tiyak ako sa aking mga tirada, hindi ito bastos na biro kung malinis ang iyong puso, dalawa ang nilalaman.

“hihi! oo nga e, sige minsan ipagluto mo ulit ako ng TALONG ha?” pagpapatuloy ni Patricia.

“hindi ba’t marunong ka din magluto?” pagsubok kong muli sa kanyang kalinangan.

“oo naman kuya, sige ipagluto mo ako ng talong mo tapos ipapatikim ko din sa iyo yung luto ko” sagot niya na seryoso.

Iniligpit ko ang aming pinagkainan, hindi ko sinagot kaagad ang mga sinabi ni Patricia. Minarapat kong mag-isip muna kung ako ba’y aabante na sa kweba o mananatili muna sa labas upang magmasid kung ano ang maaaring laman sa loob ng mga sinabi niya.

“ako na maghuhugas kuya…” wika ni Patricia.

“ah hindi ako na, sige na baka may gagawin ka pa” sagot ko naman.

“nakakahiya naman, ako na nga nakikain e…” patuloy niya.

“okay lang noh, sige na” pagsuway ko naman.

Hindi ko sinasadya, ngunit nang siya ay papalayo na at pabalik na sa kanilang silid ay nasagi ko pala ang malambot na suso ni Patricia. Habang hawak ko kasi ang mga plato ay inaagaw niya ito upang siya na daw ang maghugas, doo’y naisip ko na ang aking braso’y nakalapat na pala sa isa niyang suso. Hindi ko alam kung napatigil si Patricia sa pakikipagtalo dahil sa pagpupumilit kong ako na ang maghuhugas, o di kaya’y dahil sa alam din niya na ang kanyang bundok ay aking nabundol.

Bago siya lumabas ng kusina ay tiniyak kong ayos lang ang lahat, baka kako iniisip niyang na-tsansingan ko siya.

“Patricia ano pala lulutuin mo?” tanong ko sa kanya.

Lumingon siya, marahan, may halong landi ang kanyang mga matang seryosong nakatitig sa akin. Napatigil ako sa pagpiga ng plastic na bote ng dishwashing liquid, napahinto at sa kanya din ay tumitig.

“TILAPIA.” sagot ni Patricia.

Umugong sa aking isipan ang salitang binitiwan ng asawa ni Mamerto. Bawat pantig ay may halong landi ayon sa kanyang pagkakabigkas, hindi ako nagkakamali, tama ang aking narinig. Sang-ayon din ang aking imahinasyon na si Patricia nga ay sumasabay na sa alon. Matapos iyon ay kaagad na din siyang tumalikod, pa-sixing naglakad palayo sa aking kinaroroonan, marahil alam niya na ang aking mga mata’y susunod sa bawat kumpas ng kanyang puwitan.

Halos umabot sa tenga ko ang aking mga ngiti, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sarili. Ang tanging laman ng isipan ko noon ay ang kanyang mapuputing ngipin nang kanyang banggitin ang “tilapia” na siya ring kanyang raw lulutuin.

Maaga pa para matulog, maaga pa para kami ni misis ay magparaos. Gusto ko nang ilabas noon ang init sa aking puson subalit hindi pa napapanahon. Nakahiga ako sa aming kama at iniisip ang nangyari kanina habang si Kaye naman ay abala pa din sa pakikipag-skype sa kanyang ina. Lalabas ba ako at pupuntahan si Patricia? Magpaparamdam na ba ako o dito nalang muna kay Kaye na hihintayin kong matapos para naman ako’y makaraos?

Kinalabit ko si Kaye, sinubukan ko na siyang yayain at sinenyasan na tapusin na ang kanyang ginagawa. Subalit tila ako’y maghihintay pa talaga, hindi na yata kaya ng aking sandata. Lumabas ako upang magbanyo, ihahanda ang aking tarugo para sa isa na namang laban nito. Eksakto, muli kaming nagkita ni Patricia. Sa pasilyo ay nakasalubong ko siya hawak ang tuwalya, halatang papasok upang maghilamos siguro gaya ng ginagawa ng aking asawa.

“ay sige una kana” sambit ko kaagad nang siya ay aking makita.

“e matagal ako kuya, mauna kana” kasama ang ngiti sa kanyang mukha.

“sige okay lang..” sagot ko ulit.

“ikaw sige ka baka naiihi kana e..matagal ako sa loob” paliwanag pa niya.

“eh ano ba kasi gagawin mo at matagal ka? maghuhugas ng ano?” pabiro ko pang sabi.

“hihi! sira! oo maghuhugas ako ng TILAPIA! hahaha! para malinis syempre!” sagot naman nito.

Kahit buwan pa lang kaming magkakasama sa iisang bubong ay tila panatag na talaga ang loob sa akin nitong si Patricia. Kahit pa ilang araw palang ang lumilipas mula nang magpakita ng ngiti ay tila matagal ko na siyang kakilala. At higit sa lahat, kahit na ilang oras palang ang lumipas mula nang kami’y magbiruan, narito na’t parang kami na ang magkapalagayan.

“sige linisin mo mabuti ha, para kapag kinain ko bukas e mas masarap” patuloy kong biro sa asawa ni Mamerto.

“hihihi! bakit bukas pa?” matapang nitong sagot.

“eh diba kaka-dinner palang natin?” sabay bawi ko ng paksang pinag-uusapan.

“ay? anu ba? hahaha! ikaw kuya ha, hindi ko na alam anong topic natin” paglilinaw niya.

Nauna akong lumapit sa pintuan ng banyo, binuksan ko ito at sumenyas na pumasok na siya. Sa isang metrong lapad ng daanan ay muling nagkalapit ang aming mga katawan, sa harapan ko siya mismo dumaan, mas malapit, kulang nalang ay talagang magdikit.

“kahit anong topic, basta may tilapia mo ay talong ko na kasali, game ako” pabulong ko na sagot.

“sige bukas, papakainin kita ng luto ko” sagot niya na may halong landi.

“saan? paano?” tanong ko.

“gumawa ka ng paraan.” sabay sarado ng pintuan.

Shet. Eto na yata. Nakuha ko na ang kiliti ni Patricia. Nanatili ako ilang hakbang mula sa may pintuan. Inisip ko kung paano at saan. Mahirap gumawa ng kababalaghan mula dito sa aming kinaroroonan. Mas lalo sa labas kung saan ang hindi mag-asawa’y bawal magsama sa lansangan.

Kinabukasan bago ako pumasok ay si Patricia pa din ang laman ng aking isipan. Hindi mawala ang malambing niyang tinig sa aking isipan, lalo na ang kanyang mga biro na alam kong may nilalaman.

“oh wala ka pasok?” bati ko sa asawa ni Mamerto.

“ah wala kuya, magluluto kasi ako” sagot nito.

“ang aga naman…yan ba yung tilapia?” maaga kong banat.

Ngumiti si Patricia, sa aming mga mata’y nagkaunawaan na kami ng aming mga gustong mangyari.

“si insan dumating na ba?” tanong ko sa kanya.

“ah wala pa, OT daw” sagot niya na tila nag-aabang.

Tumingin ako sa pintuan ng aming silid, sarado na ito at sigurado akong natutulog nang muli ang aking asawa dahil sa puyat namin kagabi. Matagal kaming nakatayo sa sala, kapwa naghihintay kami sa gagawin ng isa’t isa.

“ano papasok kana ba?” tila may hamon niyang tanong sa akin.

“uhm, depende…” sagot kong mataimtim.

“depende saan?” malambing niyang tugon.

“eh baka magluto ka na e, baka pwedeng tumikim” matapang kong wika.

Magkaharap kami, tumingin siya sa aking likuran upang tiyaking sarado ang aming pintuan. Kagat-labi siyang tumalikod at marahang pumasok sa kanilang silid. Akala ko’y wala na, akala ko’y biro lamang talaga. Sa kanyang pagtalikod ako’y nawalan ng pag-asa, ngunit pagsapit niya sa pintuan ay muli siyang lumingon sa akin.

“tara.” sabi ni Patricia.

Wala nang sabi-sabi’y kusang umangat ang aking isang paa, naglakad ako papalapit sa kanya. Ako’y nabingi at tila ang nag-iisip na lamang ay ang aking titi. Sa isang iglap ay parehas na kaming naroon sa kanilang silid, nakatayo sa gilid ng kanilang kama.

“nabitin ako sa talong mo kagabi” sambit pa ni Patricia na may kaunting ngiti.

Naglapit ang aming mga labi, kusang nagdikit kasabay ang marahang pagpikit. Malambot ang labi ni Patricia, kasing lambot ng sa aking asawa. Dahan-dahan kong ninamnam ang mabango niyang hininga, kasabay nito ang pagsampay ng kanyang mga braso sa aking batok.

“teka, baka dumating si insan?” tanong ko pa sa kanya.

“mamaya pa yun, ayaw mo ba?” tanong naman niya.

Gustuhin ko mang pagtagalin ay hindi maaari, mahirap na baka abutan pa kami. Marahan akong gumawi doon sa kanilang kama hanggang sa si Patricia ay napaupo dito. Kusa siyang bumukaka, habang nakaupo sa kama’y itinaas niya ang dalawang paa. Isang paanyaya na kahit sino siguro’y hindi na makatatanggi pa. Sa di kalayuan ay inaninag ko na ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Sa suot na puting shorts ay halatang bakat ang kanyang hiwa.

“mukhang masarap yang tilapia mo ah” biro ko pa.

Sa muling pag-ngiti ni Patricia ay nagsilbi na itong hudyat para siya ay magpaubaya. Kapwa nadala na kami ng aming libog, ganunpama’y naroon pa din ang pag-iingat namin.

“sa atin lang ito ha?” bilin pa niya.

Hinawakan ko ang kanyang bewang, bahagya niya namang ibinabang muli ang kanyang mga hita upang bigyang daan ang paghubo ko sa kanyang salawal. Ako’y lalong nagalak nang makita kong shorts lamang pala talaga ang suot niya, walang panty kaya naman ito’y kanina pa nakabakat. Sa isang hagod ay nahubo ko na ang pang-ibaba niyang saplot, tumambad sa akin ang maputing singit ni Patricia, sa gitna noon ay ang kanyang “tilapia”.

Napahiga siya nang isubsob ko ang aking mukha sa kanyang pwerta, ang mga daliri niya’y naglaro sa aking buhok habang siya ay aking bino-brotsa. Malinis ang paligid ng puki ng asawa ni Mamerto, hindi nalalayo sa mga napapanuod kong porno. Dinilaan ko ang kiki ni Patricia, sa bawat hagod ng aking dila ay ang naiipit niyang mga ungol. Sa pagitan ng aking paghimod ay idinadaan ko din ang aking dila sa kanyang mga mala-porselanang hita.

“ipasok mo na kuya, kaunti lang oras natin…” habilin muli niya.

Umahon ako mula sa kanyang lawa, habang hinuhubad ko ang aking pantalo’y nakatitig ako sa kanyang hiyas na mamasa-masa pa. Kayganda ng tanawin, hindi ko alam pero kahit pa meron si misis ng kahit anong meron si Patricia ay tila talagang kakaiba, iba ang pakiramdam ng kakantot ng iba.

“shit..teka…” sabi pa niya.

Bago niya ako pinayagang makapasok ay inutusan muna niya akong pumunta sa kanyang mukha. Hawak ni Patricia ang aking titi at sumenyas sa aking itutok ko muna sa kanyang mukha. Isinubo ni Patricia ang titi ko, nilawayan niya ito at ilang ulit lamang na tsinupa.

“sige na pasok na kuya…hihi” wikang muli ni Patricia.

Sa madaling sandali na pagkakababad ng aking titi sa bibig ni Patricia ay medyo nabitin pa ako, sanay ako sa mahabang oras ng blowjob ngunit sa panahong iyon ito’y hindi perpekto. Muli akong pumwesto sa pagitan ng bilugan niyang mga hita, itinutok ko na doon ang aking titi, doon sa kanyang bukana. Napatunayan kong tigang nga ang asawa ni pinsan, antimano kasi’y ulo pa lamang ng aking titi ang nakakapasok sa kanyang puki ay tila ito parang isang may buhay na hinigop papasok ang aking sandata.

“uhhh..uhhh…” mahinang ungol ni Patricia.

Sinabayan ko ang mga malalaswang panaghoy, habang ako’y bumabayo sa ibabaw ni Patricia. Nagtitigan kami, siya ay nakahiga habang ako’y nakatayo sa gilid ng kama at labas-masok sa kanyang bukana.

“ano masarap ba?” tanong pa nito.

“oo! uuhhh..shit ang sikip mo pa Pat…” wika ko naman.

Itinaas ko ang dalawa niyang hita sa aking balikat, pasok na pasok ang aking titi sa kanyang puki. Dinig na dinig ko ang bawat kaplog at ang pagtama ng aking itlog sa ibaba ng kanyang puki. Hindi ko na nakuha pang makipagpalit ng posisyon, sa ilang sandali pa’y nilabasan na din ako.

“sa labas, sa labas kuya…” bilin pa niya.

Nakita ko sa mga mata ni Patricia ang saya, habang pinapanuod niya ang paglabas ng aking tamod patungo sa kanyang tiyan. Mabilisan, ngunit sulit. Mabilis kaming nagpunas at nagbihis. Walang kibuan, hindi ko alam kung siya ba ay nagsisisi sa naganap.

“sige na late kana…” sabi sa akin ni Patricia.

“ang sarap…salamat ha” tugon ko naman.

Isang ngiti ang kanyang binitiwan, akin naman itong naunawaan na isang uri din ng pasasalamat. Hindi ko na siya nahalikan, ayokong lumagpas sa anumang kanyang ibinigay. Tutal ang usapan lang ay talong at tilapia, siguro sa susunod kung papalarin ay buo na ang aming agahan.

Part 5Expatriate

Hindi kaagad nasundan ang aming “lutu-lutuan” ni Patricia, bagama’t ito ay patikim lamang, natitiyak ako na kapwa kami nabusog at nasarapan. Sa karampot na pagkakatao’y natugunan namin ang hinahanap ng aming panlasa. Sa puntong iyon ay aking napatunayan ang kadalasang sinasabi ng mga kalalakihan, “hindi pwedeng adobo araw-araw”. Wala sa hinagap ng aking pananaw sa buhay ang tumikim ng luto ng iba, paborito ko ang aking ulam, ang aking asawa. Kaya nga sinabing paborito ay hindi ka magsasawa, kahit pa kumain ka ng iba ay siguradong babalik ka.

Masarap. Mabango. Makatas. Ganito ko mailalarawan ang puke ng asawa ng aking pinsan. Kung ano ang kutis niya na nakikita kapag may damit siya ay ganoon din ang nasa loob ng kanyang kasuotan. Hindi malayo ang anyo ng kanyang pisngi sa kutis doon sa kanyang singit. Ang mapula niyang labi ay kaparehas din ng bukana ng kanyang kiki.

Madalas kong paganahin ang aking imahinasyon, ang aking alaala tuwing ako’y nag-iisa. Ang ilang minuto naming pagtatalik ni Patricia ay nakalimbag na sa aking mga pahina, ang bawat ungol niya noong ako’y bumo-brotsa ay nakatala na sa aking isipan. Sa kabila nito’y hindi ako nagpadalus-dalos, hindi ko yata kayang masira ang aming pagsasama ni Mamerto, lalo na ang aming sumpaan ni Kaye.

Ganunpaman, isa na din siguro sa kahinaan ng mga kalalakihan ang mag “move-on”. Maihahalintulad ko ito sa isang produktong pagkain sa isang mall, kung saan merong free taste. Titikman mo ito ng libre, nanamnamin mo at aalamin kung ito ba’y aayon sa iyong panlasa. Daglian, karampot ang nilalaman. Pagkatapos nito kung sakaling sasang-ayon ka ay mapapaisip ka’t babalikan, bibilhin ang produkto upang muling matikman at iuwi sa iyong bahay.

Masasabi kong ako’y lamang, dahil narito lamang ang ibang ulam sa aming kusina, dito mismo sa loob ng aming bahay.

“hi.” bati ko sa babaeng naghatid sa akin ng ibang sarap at ligaya.

“hi kuya..” sagot ni Patricia.

Ilang araw din ang lumipas mula noong kami ay nagpalitan ng laway, ilang araw mula noong natikman ko ang luto ni Patricia. Ilang araw na tila kayhaba, kaytagal, nakakainip at parang hindi abot ng aking kamay. Hindi ko masabing ako ay kanyang iniiwasan dahil nga sa namagitan sa aming pagniniig, dahil parehas naman kaming may trabaho at madalas wala sa bahay. Kasama na din dito ang hirap sa paghagilap ng pagkakataon, siguro naswertehan ko lang noon na dayoff nya at ang asawa ko’y puyat.

“kumusta?” patuloy ko.

“ok lang naman, ikaw?” balik niya.

“ok din…si Mamerto nandyan ba?” tanong ko ulit sa kanya.

Nagpatuloy si Patricia sa paghihiwa ng kamatis, naroon kami sa kusina noon kung saan nagsimula din ang biruan na nauwi sa masarap na kantutan. Hindi kaagad nasagot ni Patricia ang aking tanong, malamang alam niya ang kasunod nito kaya’t minarapat na umiwas. Parang alak ang aking iniinom na tubig sa baso, matagal ko itong naubos kakahintay sa posibleng maganap noong gabing iyon.

“Patri-…” nabitin kong wika.

“shhh…” mahinang tinig ng asawa ni pinsan.

“baka marinig ka ng asawa mo…” patuloy niya.

“bakit? wala naman tayong ginagawa diba?” dahilan ko naman.

Gusto ko sanang magkaroon kami ng maayos na kwentuhan. Kwentuhan na walang pinaghuhugutan, yun bang walang alinlangan at parang walang nangyari sa amin na anuman. Hindi ko siya masisisi, totoo naman talagang may nangyari. Kahit sino sigurong tao ay hindi magagawang magpanggap, kahit pa malayo ang usapan sa six ay tiyak na babalik at babalik ang aming mga ginawa kahit pa pagtakpan.

“ano ginagawa ni Kaye?” tanong ni Patricia.

“nagre-review, may exam siya bukas at interview sa pinasukan niyang trabaho” paliwanag ko.

“ah busy pala…” tugon niya.

“kumain na kayo?” dugtong ni Patricia.

“ng ano?” may halong biro na sagot ko.

Muli kong napangiti si Patricia. Doo’y nasiguro kong hindi nabura ang naganap sa amin, sigurado akong hinahanap na din niya ang aking sandata.

“hihi…ayan kana naman ha…” wika ni Patricia.

“ha? ano ba sinabi ko? hehe…” palusot ko.

“wushuuu…kunyari ka pa…” sagot niya.

“hehehe…oo na…na-miss ko e..masarap kasi” pahaging ko pa.

Nahalata kong medyo nag-iba ang aura ni Patricia, alam niya na gusto kong humirit muli sa alindog niya. Nawala ang atensyon ng asawa ni Mamerto sa kanyang paghihiwa, tila hindi mapakali ng diretsa ko nang binanggit ang dati naming ginawa.

“nambola ka pa…” sagot niya ulit at itinabi na ang hawak na kampit.

“totoo naman e, masarap. ang sarap mo” sabi kong muli.

Tumaas ang kilay ni Patricia, sa paningin ko’y lalo siyang gumanda. Lalo na’t tumitig siya sa akin na parang may hinihiling.

“uhm, mas masarap ba kesa kay Kaye?” prangka niyang tanong.

Hindi ko nasagot kaagad ang tanong niya, aking tinimpla at inisip kung paano ko sasagutin ang kanyang hinaing. Baka magkamali ako ng tanong e madismaya lang siya at maudlot pa ang aking balak. Ayoko din namang maging di patas, totoo namang masarap din si misis. Ito yata yung mga bagay na hindi mo pwedeng ikumpara, mga bagay na may kanya-kanyang katangian at antas.

“mahirap sagutin yan. kapag ba ikaw tinanong ko kung sino mas masarap sa amin ni Mamerto e masasagot mo?” tugon ko.

“oo. oo mas masarap ka kuya Badong” matapang niya na sagot.

Medyo napahiya ako. Bilib ako sa dila ni Patricia, walang takot. Pero sa halip na ako ang madiin sa sitwasyon ay nakakita ako ng pagkakataon.

“ganun ba..edi na-miss mo din ito?” wika ko sabay nguso sa aking harapan.

“oo naman hihi” malandi niyang tinig.

“tara?” sabi ko.

“saan?” sagot niya.

“tara, six tayo ulit Patricia” deretsahan kong sagot sa kanya.

Sugal kung sugal, hindi ko alam pero parang yung titi ko ang may utak at nag-uutos sa akin na yayaing muli ang asawa ng aking pinsan. Malaking porsyento namang papayag si Patricia, ang problema nga lang e gaya dati, saan namin gagawin?

“aba, ako walang problema. wala pinsan mo nasa trabaho. I have a lot of time to spare…eh ikaw?” hamon ni Patricia.

“uhm, payag ka? ang hirap naman…tsk…” sagot ko.

“oo payag ako, pero ayoko nang nagmamadali. kung gaya lang ng dati e huwag na lang, kaya ko namang magsarili para lang matugunan itong libog ko” paliwanag ni Patricia.

Kasabay noon ay tumayo siya sa kinauupuan, iniwan ang inihahandang sangkap at saka lumisan. Dumiretso si Patricia sa kanilang silid, bago isinarado ang pinto ay muling tumitig sa akin. Nang-aakit, nakakalibog.

“think about it” huling salita ni Patricia bago ang pintua’y tuluyang naisara.

“shit. shit. kailangan ko ng paraan!” sigaw ng aking isipan.

Sa mga salitaan pa lang namin ni Patricia ay aminado akong tinigasan na. Agad akong nag-isip ng paraan, kailangan ko siyang muling matikman. Kung tutuusin ay madali namang tugunan ang aking kalibugan, nasa kwarto lang si misis at isang kalabit ko lamang ay mailalabas ko na ang init ng aking katawan. PERO, kagabi lang e adobo na ang aking ulam, wala naman sigurong kaso kung ibang putahe naman ang aking pakikialaman.

“babes, tumawag si Empoy, yung pinsan ni Bogs…birthday pala niya ngayon nagyayaya e..tara punta tayo?” sabi ko kay Kaye nang ako’y pumasok na din sa aming silid.

“ha? eh diba kakakain lang natin ng hapunan?” sagot ng aking misis.

Medyo kinabahan ako sa sinagot ni Kaye, sa aking gawa-gawang paraan ay maaari din siyang pumayag at sumama sa party na hindi naman totoo. Pero, umiral siguro ang “bahala na”, buti na lamang at ako’y pinagbigyan ng tadhana.

“eh nakakahiya kasi, kanina pa ako kinukulit…busy ka pa ba?” tugon ko.

“eh kailangan kong mag-review babes, para matanggap na ko at makapag-work na din…ikaw na lang pumunta babes, okay lang ako dito” sagot ng aking asawa.

“are you sure? o sige, mabilis lang naman ako. magpapakita lang ako doon at ayoko ding gabihin” sagot ko nalang.

Mabilis akong nagbihis, nagmadali ako na kunyari’y para hindi gabihin bagkus ay para makapunta na ako sa kabilang silid kung saan naroon ang malibog na babaeng kailangan ang aking pagsisid.

Marahan akong kumatok, habang nakatingin sa kabilang dulo ng aming bahay upang magmasid na rin kung sakali mang lumabas si misis. Habang gamit ang isang daliri sa pagkatok ay pinapakinggan ko din kung si Patricia ba’y umuungol na at nagsarili.

“Pat…Patricia…” mahina kong tinig.

Ilang saglit pa’y nakarinig ako ng yabag, paa na galing mula sa ibabaw ng kama. Papalapit sa pintua’y lalong bumilis ang aking paghinga, pati ang puso ko ay puno na din ng kaba.

“oh kuya…” bati ni Patricia.

“pwede ba ako pumasok?” sagot ko sa kanya.

“saan? hihi!” pabiro pa niyang tugon.

Kagyat ay inihakbang ko ang aking mga paa, patungo sa kanilang kwarto. Agad kong naamoy ang kanyang halimuyak, sa kulob niyang silid ito’y mabango at sa aking pang-amoy ay payak.

“oh may lakad ka yata? si Kaye nasaan?” tanong niya sa akin.

“nandun sa kwarto namin…wala akong lakad, dito talaga ako pupunta…” sagot ko sa kanya.

“ah…hihihi…alam ko na..ikaw talaga..ang galing ng diskarte, maka-tikim lang! hahaha!” masaya niyang sabi.

Wala nang paliguy-ligoy pa’t bigla ko nang sinunggaban ang asawa ng aking pinsan. Sayang ang oras, gusto kong makarami, bihira kasi ang ganitong pagkakataon na sadyang nakaw na mga sandali. Sa paglapit ng aking mga labi sa mukha ni Patricia ay itinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa aking dibdib.

“oh baka naman quickie lang ito e huwag na lang” wika ni Patricia.

“no no, hindi. paliligayahin kita hanggang kaya mo” pagmamayabang ko naman.

Matapos ng aming salitaan ay muli kong inilapit ang aking bibig sa kanya, malugod naman niyang sinalubong ito ng mabango niyang hininga. Napapikit si Patricia, nakaabang sa ligayang hatid ko sa kanya. Tumayo kaagad ang aking alaga, halatang sabik na sabik si manoy sa kalibugang hatid ng asawa ni pinsan.

“uhmp…uhmm…ump…” mahihinang ungol naming dalawa.

“teka..teka kuya Badong…” muli ay naghiwalay ang aming mga labi.

Pinatay ni Patricia ang ilaw, binalot ng kadiliman ang buong silid hanggang sa isang maliit na liwanag ang suminag mula sa kanilang lampara sa tabi ng kama. Nabilib pa ako sa kanyang sumunod na ginawa, kumuha ng maduduming damit at inilapat sa pagitan ng sahig at pintuan.

“ayoko ng istorbo” wika niya.

Kinuha ang cellphone at may tinawagan pa si Patricia.

“Kaye, baka may ipapabili ka, nandito ako ngayon sa Panda…” wika ni Patricia sa telepono.

“…ah o sige, bye” sabay baba ng cellphone sa maliit na lamesa.

“o game na, wag masyado maingay ha, like I’ve said, ayoko ng istorbo” muling bilin ni Patricia.

Napangiti nalang ako sa mga hakbang ni Patricia, sa sarili niya siguro’y ayaw talaga niyang mabitin o mahuli ng aking asawa. Sa sumunod na pagkakatao’y kapwa nasa ibabaw ng kami ng kanilang kama, halikang walang humpay, ako nama’y abala din sa paglamas sa dalawa niyang suso. Sa kaunting liwanag ay dominante pa rin ang likas na kaputian ng kanyang balat, kahit pa wala gaanong sinag ay aninag pa din ang utong niyang mala-rosas.

Sumubsob ako doon, sinimsim ko ang natural na halimuyak ng kanyang katawan. Halinhinan kong sinupsop ang magkabila niyang utong, sinabayan niya ito ng mahihinang ungol.

“kuya Badong, pwede ba isubo yang talong mo?” hiling ni Patricia.

“oo naman, sa iyo ito ngayon, take your time” sagot ko naman.

Ako’y kanyang pinahiga, pumwesto siya doon sa pagitan ng aking mga hita. Hinawakan niya ng malambot niyang palad ang aking titi, hinimas ang kahabaan nito maging ang aking itlog ay kanyang nilaro pa. Pipikit sana ako para mas maramdaman ko ang sarap na dulot niya, pero mas pinili ko ang dumilat upang saksihan kung paano sumubo ang maamong mukha ng asawa ni pinsan.

Kung noong una’y mabilisan lang ang kanyang pagtsupa, nilawayan lamang niya dati upang maging basa, ngayon nama’y pinakita talaga niyang siya ay bihasa. Halos mabilaukan siya tuwing isasagad sa kanyang lalamunan ang aking sandata, kasabay pa nito ang laway niyang naglalawa na bumabalot sa aking alaga.

“pakain din ng tilapia mo Pat…” hiling ko naman makalipas ang ilang sandali ng ligaya.

“eh, hindi pa ako nakapag-ahit kuya Badong…” dahilan niya.

“ok lang yan, gustong matikman ulit yang masarap mong puki” sagot ko naman.

Ngumiti lamang sa akin si Patricia, halatang nagustuhan niya ang aking mga pambobola. Hinayaan niyang ako mismo ang maghubo ng kanyang shorts, gaya ng dati, shorts lang at wala nang panty pa. Inilabas ko ang aking dila, iniumang ko ito sa kanyang bukana. Mula ibaba ng kanyang hiwa ay hinagod ko ito pataas, doon sa kanyang tinggil ako din ay nang-gigil.

“ooohh…uhhhhh…ooohhh…kuya…uhmmmm” ungol ni Patricia.

Habang ako’y abala sa kanyang hiyas ay pilit ko ding inabot ang kanyang suso, nilamas ko itong muli at ang mga utong din ay nilaro. Madaling nabasa ang puki ni Patricia, sa tingin ko’y nilabasan na din siya. Kaya naman ako na din ay nagpasya, nagpaalam akong ipapasok ko na.

“sige…sige na kuya, pasukin mo na ang puki ko…” utos niya sa akin.

Tinanong ko pa kung safe siya, noong una’y nadismaya ako dahil hindi daw, pero biglang bawi at ako’y natuwa – “sa labas mo iputok mamaya, dito sa bibig ko at tsutsupain uli kita” masaya niyang balita.

Naka apat na rounds kami, apat na beses akong nilabasan at siya ata ay lima. Sa kabuua’y dalawang beses niyang sinalo ng bibig ang aking tamod, bagay na si misis sa akin ay hindi niya nagagawa.

Aking napag-alaman ayon na din sa kanyang kwento habang kami ay nagpapahinga, kaya pala ganoon na lamang ang kanyang pangungulila sa six ay dahil na din kay pinsan. Malaki daw ang titi ni pinsan, nasasaktan siya tuwing sila’y nagtatalik. Kung nagtatalik man sila at may araw na siya ay basang-basa, madali naman daw labasan si Mamerto kaya’t hindi rin niya naaabot ang rurok ng kaligayahan.

Mula noon ay naging regular na ang amin pagtatalik, tuwing may pagkakataon nga lang at hindi naman madalas. Nagawa naming paligayahin ang isa’t isa, napunan ko ang kanyang pangangailangan, siya naman ay ang pagkukulang ni misis ang kanyang ginampanan.

Walang nakaalam maliban sa amin at ang aming bahay na inuupahan, kung dati’y isang beses lamang sa isang linggo kaming magtalik at magtikiman, simula noong nagkaroon na ng trabaho ang aking asawa’y dumalas na din ito.

Sa kwarto, sa sala, sa banyo at maging sa kusina ay nagawa na namin ang bawal na gawain. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito, hindi ko alam kung ito ba’y panandalian lamang o tatagal hangga’t kami’y nabubuhay. Tama nga sila, hindi pwedeng adobo araw-araw, kaya ngayon ako nama’y dalawa na ang aking paboritong ulam -ang aking asawa at ang asawa ni pinsan, dito sa aming bahay-bahayan.

Part 6Pasaporte

Wala na sigurong lulungkot pa sa iwanan ng iyong asawa, iniwan ako hindi dahil sa pag-ibig, ako’y iniwan dahil sa kahirapan. Kapwa kami may trabaho nang siya ay lumisan, subalit alam naman ng karamihan na bilang isang nurse sa ating bayan ay hindi sapat sa nagtataasang presyo ng bayan. Nagpasya ang aking asawa na mangibang-bansa, doon kung saan mas malaki ang tsansang magkaroon at mapaghandaan namin ang magandang kinabukasan. Dalawang buwan buhat nang kami’y ikasal ay halos ilang araw akong umiiyak at nalulumbay, tumulak siya patungong gitnang-silangan.

Tatlong taon ang lumipas, tatlong taon akong nagtiis. Sa kabila naman nito’y naghihintay ang liwanag, ang ginhawa at walang hanggang ligaya. Sa masusing pagpa-plano’y naisakatuparan naming mag-asawa ang muling pagsasama, tunay ngang wala nang mas sasaya pa nang sandaling makita ko ang aking pangalan sa pasaporte’y nakalimbag – “Kristine Kaye de Jesus Ongasis”.

Bago ko nilisan ang bayang sinilangan ako ay napaisip, bagama’t umuuwi si Badong minsan sa isang taon, sa loob ng tatlong taon pala’y marami kaming nasayang na pagkakataon. Kahit pa araw-araw kaming nagkakausap sa telepono habang siya ay nasa malayo, kahit pa malimit kaming mag-chat ay naroon pa din ang pangungulila sa pisikal na init ng katawan. Ang mga yakap niya at halik lalo na ang mga maiinit naming pagtatalik.

Marami ang nagsasabi na kapag ang asawa’y nasa malayo, kadalasan ay may matutukso. Aminado akong kahit na kasal na kami ni Badong ay marami pa ding sumisipol sa tabi-tabi, mga nagpaparamdam at nagtatangka sa aking kahinaan. Subalit sa kabila noo’y naging tapat ako sa kanya, tigang man sa romansa ay wala pa rin tatamis pa sa tunay mong asawa.

“I hope makapag-adjust ka kaagad babes…” sabi ng aking asawa paglabas namin ng eroplano.

“oo naman babes, happy ako kasi magkasama na tayo ulit” sagot ko naman sa kanya.

Culture shock. Ito na yata ang isang sitwasyon na halos lahat ng tao ay pagdadaanan lalo na kung ika’y maninirahan sa ibang lugar. Ibang kultura, ibang salita, ibang lahi. Ganunpama’y sa kabila ng malakihang pagbabago, sa pananamit, pag-intindi ng mga salitang banyaga, unti-unting akong nakapag-adjust.

Gaya sa Pilipinas, parehas ang oras ng trabaho dito ng aking mister. Ako bilang dependent niya at walang trabaho’y nananatili lamang sa bahay na aming inuupahan. Ganunpaman, upang hindi ako ma-homesick ay halos gabi-gabi kaming lumabas, kumakain, naglilibot. Syempre pa, hindi mawawala ang aming mga pagtatalik, sa unang buwan ko yata dito sa Saudi ay nagsilbing motel ang aming tahanan. Aming pinunan ang mga butas na noo’y hindi nalagyan.

Ayoko din namang malaspag kaagad, siguro nahalata din ito ni Badong. Nabawasan din kahit paano ang init ng aming mga katawan, kung dati ay araw-araw ngayon ay tuwing makalawa na lang. Pabor din naman ito para sa amin, sa aking katawan at ang bagay na baka magsawa ang aking mister. Wala pa sa plano namin ang magkaroon ng anak, ang plano kasi namin ay mag-ipon na muna at siguruhin ang aming kinabukasan bilang isang pamilya.

Naalala ko dati noong ako’y nasa Pilipinas pa, tuwing uuwi ako ng bahay ay sa computer kaagad ang aking punta. Pagbukas pa lamang nito ay siya ang aking hahanapin upang makausap, pero tila iba na ngayon. Naroon pa din ang teknolohiya, pero sa halip na si Badong pa din ang aking ka-chat ay iba na, mga kamag-anak at kaibigang aking naiwan.

“babes! babes!” sigaw ko sa aking asawa habang siya nasa kusina isang gabi matapos kaming kumain.

“oh?! bakit ano yun??” tugon niya naman.

“si kuya Mamerto, nag-message sa iyo” paliwanag ko sa kanya.

“ah ganun ba, bakit daw?” sagot naman ng mister ko habang pinupunasan ang basa niyang kamay.

“eh may itatanong daw sa iyo babes, halika na nga dito at ikaw ang mag-reply” utos ko sa kanya.

Pinaupo ko si Badong sa silya, humarap siya sa laptop at nakita ko sa kanyang mga mata ang tuwa. Si kuya Mamerto ang kanyang ka-chat, ang pinsan niya na palagi niyang nababanggit at ito daw ang kanyang pinaka-close na pinsan. Mula siguro pagkabata nila’y sanggang-dikit na ang turing sa isa’t isa, sabay pa nga daw silang tinuli minsan niyang naibahagi. Nagkahiwalay lang sila noong pagtapak nila ng kolehiyo, engineering ang kurso ni mister at information technology naman kay kuya Mamerto.

Halos magkabuhol-buhol ang daliri ng aking asawa sa pagta-type sa chat, hanggang sa kapwa na nila buksan ang webcam upang mas mabilis ang usapan.

“oh kita mo na ba kami?” wika ni Badong sa kausap.

“oo insan, hi Kaye! kumusta kayo dyan?” wika naman ni kuya Mamerto.

“maayos naman insan, ikaw? ano balita sa iyo dyan?” balik ng aking asawa.

Halos kalahating oras silang nagdaldalan, hindi naman ako nabalewala dahil kilala ko din naman si kuya Mamerto na pinsan ng aking asawa. Nagkakilala kami noong kami’y mag-syota pa lamang ni Badong at hindi pa kasal, at syempre noong araw ng aming kasal kung saan isa siya sa mga abay.

“nga pala insan, sa Riyadh ka diba?” wika ni kuya Mamerto bago sila magpaalam sa isa’t isa.

“oo insan bakit? paano mo nalaman?” tanong naman ng aking asawa.

“ah eh, naitanong ko kasi kay tita…actually dapat hindi ko ipapaalam sa iyo kaagad, pero natatakot kasi ako, iba na yung may back-up hehe” pahayag ni kuya Mamerto.

“huh? ano ibig mong sabihin insan?” balik ng aking mister.

“alam mo na, baguhan ako, saka kailangan na din paghandaan…” wika niyang muli.

“natanggap kasi ako insan, Riyadh din…gusto ko sana sa Jeddah dahil nandun si Patricia pero dyan ako pinalad…next month na ang alis ko dito insan” paliwanag ni kuya Mamerto.

“wow talaga?! e madali nalang yan insan, tutulungan kita mag-ayos ng papel ni Patricia para malipat na din siya dito, dito kana din tumira sa amin para magkakasama na ulit tayo!” masayang wika ng aking asawa.

Humaba pa ng mga ilang minuto ang kanilang pag-uusap, kitang-kita ko sa mga mata ng aking asawa at maging sa kanyang pananalita ang galak at pagtatangkang muli silang magkasama ng kanyang matalik na pinsan.

“oo ganun talaga insan sa una, kapag wala family mo e sa puder ka nila nakatira, pero kapag nalipat na dito si misis mo, pwede ka na lumipat ng bahay, kung mangyayari yun, magkakasama na tayo” paliwanag pa ni Badong.

Wala namang problema sa akin ang mga naging desisyon ng aking asawa, sa katunayan ay mas maganda pa nga para sa akin dahil kung magkatao’y hindi na ako gaanong maiinip at mag-iisa dito sa aming tinutuluyan. Sanay din naman ako sa may ibang kasama sa bahay, sa katunayan ay galing ako sa isang malaking pamilya at hindi na iba sa akin ang ganitong set-up.

Mula noon bago pa man magtungo dito si kuya Mamerto ay naging madalas ang pagcha-chat nila ng aking asawa, minsan pa nga’y nagagalit ako dahil nawawalan ako ng oras para sa aking pakikipag-usap din sa mga pamilyang naiwan. Ganunpaman ay hindi ko na ito binigyan pa ng ibang kahulugan at ang tanging nasa aking isipan ay ang mas masayang tahanan kapag may kasama na kami dito sa bahay.

May ilang pagkakataon ding ako ang nakakasagot kay kuya Mamerto, ito ang naging susi upang kami’y maging malapit din sa isa’t isa. Hindi naman ito masama dahil kailangan naman talaga na suriing mabuti kung sino ang iyong makakasama.

“babes sa isang araw na dadating si kuya Mamerto diba?” tanong ko sa aking asawa isang gabi matapos kaming magtalik.

“oo babes bakit?” sagot ng aking mister.

“ah wala naman, sana lang malipat na dito si Patricia para may kasama na ako dito sa bahay” paliwanag ko pa.

Nagkaroon din naman ako ng tsansa upang maka-chat si Patricia, ang asawa ni kuya Mamerto. Mas maigi na din ito dahil tiyak akong siya ang aking magiging kasangga at kadaupang palad dito sa malungkot na bahay. Alam ko din, ayon na rin sa mga kwentuhan namin, na nararanasan ngayon ni Patricia ang pangungulila sa malayo niyang asawa. Kung excited si Badong, ganun din ako para kay Patricia.

Sa kabila nito ay ang malaking pagbabago, dito ang simula kung saan susubukin ng tadhana ang aking buong pagkatao. Kilala ko ang aking sarili ngunit sa mga karanasan ko minsan na din akong naguluhan. Alam kong mali, alam kong pangit, subalit ako’y tao lang at natutukso din, kailangan ko bang sawayin? o di kaya nama’y sumabay na lang sa agos ng aking mas makulay na buhay.

Part 7Boarding Pass

Ilang araw na ang lumipas mula nang dumating na dito sa Riyadh si kuya Mamerto, alam kong hindi ganoon kabilis ang proseso upang sumunod na din si Patricia at magkaroon na ako ng kasama. Ganunpaman, ayon na din sa mga kwento ni Badong at maging tuwing magch-chat kami ng kanyang pinsan, sinabi niyang mukhang mas mapapabilis pa nga ang pag-aayos ng mga papeles nila upang tuluyan nang magkasama.

Medyo nabawasan man ang oras naming mag-asawa’y ayos lamang, alam ko namang tinutulungan lang niya ang pinsan niya at sa aking parte nama’y may pakinabang din gaya ng aking nabanggit. Hindi ko alam pero maski ako’y nasabik, ito ay nang magkasundo ang magpinsan na magkita sa nalalapit na weekends. Ililibot daw ni Badong ang pinsan na bagong salta, syempre kasama ako sa mga lakad nila. Unang Biyernes noon, karaniwang walang pasok dito sa bansa ng mga muslim.

“basta sabihin mo sa taxi, sa ‘Batha’…tapos doon na tayo magkita, susunduin ka namin doon ni Kaye tapos lilibot tayo” wika ni Badong sa kanyang pinsan.

Isang oras din yata kaming nanatili sa aming sasakyan bago namin nakita si kuya Mamerto. Napatawa na lang ako sa naging reaksyon ng aking asawa dahil higit pa yata sa reaksyon niya ang kanyang ipinakita kumpara noong unang uwi niya at sinalubong ko siya. Hindi mo naman maitatanggi na normal lang naman talaga sa mga pinoy dito sa Saudi ang ganoon, kung may makikitang kalahi lalo pa ngayon na kadugo mo ang katagpo.

“insan! hehehe! kumusta??” masayang bati ng aking asawa.

“uy Badong insan! pumuti ka yata hehe! hi Kaye!” balik naman niya sa amin.

Dagliang sumakay si kuya Mamerto sa aming sasakyan, kaagad pinaandar ng aking mister ang kotse upang magtungo na sa iba’t ibang lugar. Masaya ang lahat, walang humpay na kwentuhan. Hindi ako nawala sa usapan gaya ng dati, ako pa nga ang nagsimulang magtanong tungkol sa paglipat ni Patricia sa aming lugar.

“alam mo naman insan, tao lang, natitigang din” biro pa ni kuya Mamerto.

Sa puntong iyon ay napangiti pa ako, kung kanina ay puro sila ang nagbibiruan, hindi ko alam ngunit tila ako’y ginanahan. Ako na yata ang bumabangka sa mga usapan, kahit pa six ang usapan ay normal na lamang para sa amin na nasa sapat nang edad. Alam ng aking asawa ang aking kakayanan, ang pagiging aktibo namin sa kantutan. Ganunpama’y hindi ko hinayaang maging bukas akong tuluyan, kahit pa sa sarili ko’y parang kinikiliti lalo na doon sa ibaba sa tuwing babanat sila ng birong kalibugan.

“oo nga kuya Mamerto, isa yan sa dahilan kung bakit kinuha ako ni Badong dito hihihi!” hirit ko pa sa kanila.

“buti ka nga insan, hindi na malamig ang gabi mo hehehe” hirit muli ng aking pinsan.

Aminado akong gusto ko nang hipuin ako ng aking asawa doon din, hindi ko alam pero parang may kakaibang dating ang kanyang pinsan. Pinipigilan ko din kahit paano ang aking sarili, ayokong mahalata ni Badong na umaangat ang aking kalibugan tuwing ako at si kuya Mamerto’y magtatawanan.

Nagpatuloy pa ang aming mga masasayang kwentuhan hanggang matapos ang aming hapunan, hindi ko alam kung batid ito ng aking asawa pero talagang tila ako ang mas masaya kesa sa kanya. Sa tuwing babanggitin ni kuya Mamerto ang kanyang pagkatigang, hindi man sa akin diretsang sinasabi ay parang ako ang pinapatamaan.

Naging maiksi ang buong araw, kung pwede nga lang sana e anyayahan pa ang pinsan ng aking asawa na sa bahay na matulog, gusto kong masulit ang aming paghaharutan. Matapos namin maihatid si kuya Mamerto sa kanilang accomodation, pakiramdam ko ang mga lungkot ko’y naibsan. Ganunpaman, hindi pa din maalis sa aking isipan ang problema ni kuya Mamerto, ang kanyang pagkatigang. Swerte talaga si Badong ko, kalabitin niya sana ako mamaya para mailabas ang init ng katawan ko.

Bago kami natulog ay muling nabuksan ang paksa tungkol sa nalalapit na paglipat sa amin ng mag-asawang Mamerto at Patricia, sa ibabaw ng kama magkayakap kami ni Badong habang hinihimas-himas ko pa ang kanyang isang hita.

“babes, matagal ba maayos yung papeles nila?” tanong ko sa aking mister.

“mabilis lang yan babes, yung sa iyo diba mabilis lang, saka nasa Jeddah lang naman si Patricia kaya mas mabilis lang yan” sagot naman niya.

“ah ganun ba, e dapat pala ayusin na natin itong bahay para pag dating nila e wala na tayong iintindihin pa” suhestyon ko naman.

Buti na lang hindi nakahalata si Badong sa pagiging excited ko sa paglipat ng mag-asawa, oo sabik ako pero ang alam niya ay dahil ako’y may makakasama na lalo na kay Patricia na hindi naman nalalayo ang edad sa akin. Pero hindi ko talaga maiwasan ang presensya ng kanyang pinsan. Sa umpisa pa nga lang ng aming mainit na pagtatalik na mag-asawa’y bumabalik-balik sa aking isip ang imahe ni kuya Mamerto. Hindi ko maiwasang banggitin ang pangalan niya tuwing ako’y hihinto sa pagsubo ng burat ng aking asawa.

“babes bakit hindi pa kaya nagkaka-baby sila kuya Mamerto? siguro tulad natid ine-enjoy din nila ang pagiging couple noh?” wika ko sa aking mister.

Hindi pa man nakakasagot si Badong sa aking tanong ay muli kong isinubo ang kanyang alaga, hindi ko naman kailangan ng sagot, ang sa aking isipan noo’y mabanggit ko lamang si kuya Mamerto. Labis akong ginanahan sa pagsubo sa ari ni Badong na aking asawa, alam kong nagustuhan niya iyon dahil doon ko na din ibinuhos ang aking maling pagnanasa para sa kanyang pinsan.

“babes gusto ko ako sa ibabaw…” hiling ko pa sa aking asawa.

Hindi ko na pinayagang kainin pa ako ni Badong na lagi naming ginagawa, tila gusto ko nang ako ay pasukin niya. Umibabaw na ako kaagad sa kanyang pundya, hinawakan ko ang mahaba niyang kargada at itinutok na sa basa kong bukana. Sa pagpasok ng ulo ng kanyang titi ako pa ay napa-igik, sinabayan ko ito ng ungol at bahagyang pagpikit.

Naka tatlong round kami noong gabing iyon, tatlong round na umaatikabong kantutan. Hindi nalalayo ang gabing iyon noong una kaming magtalik, noong mag-syota pa lamang kami na kapwa sabik na sabik. Hindi na namin nagawa pang magdamit, nakatulog kami at nagising na walang saplot maliban sa kumot. Gusto ko pa sana ng isa pa kinabukasan, subalit kailangan nang pumasok ng aking asawa kaya’t nauwi na lang sa pagsasarili ang aking pagnanasa.

Ilang araw at linggo ang lumipas, habang naghihintay ang pinsan ng aking asawa sa pagdating ng kanyang maybahay sa aming lugar ay walang mintis ang aming pagkikita, tuwing Biyernes. Hindi ko alam kung nahahalata ni Badong pero parang mas naging mas close pa kami ng kanyang pinsan kesa sa kanila. Sa tingin ko naman e ayos lang iyon, wala namang masama sa masayang usapan, hanggang imahinasyon lang naman.

“next week na dadating si Patricia insan, pwede na din daw akong lumipat ng bahay…” wika ni kuya Mamerto habang kami ay nagmi-miryenda.

“wow congrats kuya Mamerto, hihihi…you know…hahaha!” masayang biro ko naman na may halong ano.

“hehe oo nga, sago-sago na ito! hahaha!” biro pa ng pinsan ni Badong.

Akala ko’y lipas na, akala ko naka get-over na ako sa mga patutsada ng pinsan ng aking asawa. Pero pakiramdam ko para akong naihi nang mga sandaling bumanat na ng biro si kuya Mamerto. “sago-sago”, ito ang tumatak sa aking isipan. Ganito din kasi ang nabanggit sa akin ni Badong noong una siyang umuwi sa Pilipinas upang magbakasyon. Naalala ko pa dahil talaga namang wagas ang libog ni mister sa isang taon naming hindi nagtalik. Ganito din kaya si kuya Mamerto?

Siguro kung ibang tao ang aming kasama ay medyo bastos talaga, medyo below the belt lalo na’t ako’y babae na kanilang kasama. Pero dahil nga sa pagiging malapit na namin sa isa’t isa ay hindi na ito mahalaga pa. Alam ko namang hindi ito binibigyan ng ibang kahulugan ng aking asawa, kilala niya ako mula pa noong una. Alam niya ang aking trabaho at alam niyang sanay na ako sa mga ganoong usapan. Nurse ako at naikukwento ko pa nga din sa kanya ang iba’t ibang hugis ng titi na aking nakikita. Alam niyang walang malisya kapag ang usapan ay tungkol sa mga ganoong bagay.

“eh kelan mo ba balak maglipat insan? para naman matulungan ka namin…” singit naman ng aking asawa.

“naku wag na insan, may sasakyan naman sa kumpanya namin at mga pahinanteng ibang lahi, nasabihan ko na sila na lilipat ako at sila na din ang tutulong sa akin” sambit naman ni Mamerto.

“oo nga babes, i-save mo nalang yung leave mo..nasa bahay lang naman ako palagi kaya kahit anong araw e pwedeng maglipat si kuya Mamerto” sabat ko naman sa kanilang usapan.

Dalawang araw bago dumating sa Riyadh si Patricia ay naglipat na si kuya Mamerto. Hindi naman marami ang kanyang gamit kaya’t saglit lang itong nakapaglipat. Isang oras bago dumating mula sa trabaho ang aking asawa’y muli kaming nagkaroon ng pagkakataong magkwentuhan, at syempre, kaunting biruan. Hindi ko maiwasan, hindi ko din alam kung angkop ba ang tanungin siya ng mga ganoong personal na katanungan. Ang alam ko lamang sa aking sarili ay nakakatuwa, lalo pang gumaan ang aking loob sa pinsan ng aking asawa.

“oh insan, halika miryenda tayo…ang sarap pala magluto ni Kaye, no wonder tumaba ka dito hehe” biglang wika ni kuya Mamerto sa aking asawa sa kanyang pagbukas ng pintuan.

“oh tapos na kayo?” sagot naman ni Badong.

Hindi ko alam kung nagdududa na ba ang aking asawa, sa mga tanong niya ay tila talagang may patama. Alam ko sa aking sarili ay wala naman talagang masama, kaya’t gaya ng dati ay malinis kong sinagot ang kanyang tanong.

“huh? anong tapos na?” sagot ko sa aking asawa.

“ah I mean, tapos na ba kayo maglipat at mag-ayos ng gamit ni insan?” paliwanag naman ng aking asawa.

“ahhh…akala ko naman ano hihihi! oo babes, tapos na, eto at naghanda na din ako ng makakain tapos kwentuhan lang…ang dami ko nalaman tungkol sa iyo babes! hihihi” pahayag ko sa kanya na parang wala lang.

Alam kong alam ng aking mister na ako’y tapat sa kanya, pero ang sitwasyon ko’y nagtatalo sa pagitan ng pagiging malandi at nang pagiging mapaglaro lamang sa salita at isip. Nahagip din kasi ng aming kwentuhan kanina ang pagiging “babaero” ni kuya Mamerto at pinsan niya, ayos lang sa akin, wala pa naman ako noon, pero sa bawat buka ng kanyang bibig ay sadya talaga akong nahumaling.

Kung babaero sila noon, siguro hindi rin ako patatalo lalo na ngayon. Noon ay “manang” kung ako’y ituring, pero sa pagiging bukas na ng aking isip ay alam ko nang gamitin ang aking sarili. Nagsuot ako noong ng maiksing shorts kahit pa ang klima ay malamig, gusto ko lang malaman kung may lalaki pang kakagat sa aking pain. Sanay na dito si Badong, pero siguro may selos na din siyang nadama o di kaya nama’y sadyang pag-protekta.

“hindi ka ba giniginaw babes?” tanong ni Badong sa akin patungkol sa suot kong shorts na maiksi.

May dahilan naman ang mister ko sa pagsuway, tiyak ko kasing kanina pa ito pinagpipyestahan ng kanyang pinsan. Doo’y lalong tumaas ang aking tingin sa sarili, hindi pa pala lipas ang aking alindog sa mga lalaki. Kahit na alam kong tapat ang magpinsan sa isa’t isa’y lalaki din siya, na makakita lamang ng laman ay alam kong titigasan.

“okay lang babes, kaya pa naman hihi!” sagot na lang kay Badong.

“kakainggit talaga, pero ilang araw nalang, may babes na din akong kasama hehe” singit naman ni kuya Mamerto sa aming usapang mag-asawa.

“babes din ang tawagan nyo?” tanong ko kay kuya Mamerto.

“oo, bakit kayo lang ba pwedeng gumamit noon? hehe” sagot naman niya sa akin.

Ang sarap pala ng pakiramdam kapag ibang lalake ang tumawag sa iyo ng “babes” na nakasanayan naming tawagan ni Badong, para bang ako’y muling kinuryente, tila nabasa na naman ang aking lagusan. Muling umangat ang aming biruan, tawanan at hagikgikan lalo na nang dumiretso na muna si Badong sa aming silid upang siguro’y magbihis. Matapos naman ang ilang saglit, muling bumalik ang aking asawa. Ako’y medyo nabigla, tumabi siya sa akin kasabay ang pag-akbay at halik sa aking pisnging marikit.

“kakainggit naman…” pahaging na sambit ng kanyang pinsan.

“hihihi, don’t worry kuya, tiis na lang at makakatikim kana din hihi!” sagot ko naman sa kanya.

Alam kong may selos na sa parte ng aking asawa, bagay na siya rin namang aking ikinasiya. Iba talaga ang pakiramdam na ika’y may asawang nagseselos, iba rin ang pakiramdam ko lalo na’t ito ay galing sa kanyang pinsan. Kung hindi pa siguro ako inutusang magluto na ni Badong ay hindi pa ako lilisan, talaga naman kasing ako’y nasisiyahan sa aming mga usapan, magkahalong tuwa at pagnanasa.

“insan, swerte mo kay Kaye. magaling magluto…si Patricia ko e walang alam sa kusina, puro sa kwarto ang alam hehe” narinig kong wika ni kuya Mamerto kay Badong nang iwan ko na sila sa may sala.

Sinadya kong hindi gumawa ng labis na ingay, sa ganoong paraan ay marinig ko man lang ang usapang lalake sa pagitan ng magpinsan. Alam ko namang ako ang kanilang pinag-uusapan, naalala ko noon nang kami’y mag-syota pa lamang, kinukumpara pa kami ni Patricia, mula sa kagandahan at maging sa talento sa kama.

“ok na yun insan, at least magaling sa kama hehe…” sagot ng aking asawa tungkol sa hindi pagluluto ni Patricia sa kusina.

“oo naman insan, kahit hindi na kami kumain e solb naman na sa sarap” pabiro pang sagot ni kuya Mamerto.

Sa aking mga narinig sa isip ko’y naglaro ang sari-sari, hindi ko maiwasang buoin sa aking imahinasyon kung paanong magtalik sina Patricia at kuya Mamerto. Ewan ko kung kasalanan, pero hindi rin nakalagpas sa aking mapaglarong isipan kung gaano kalaki ang titi ni kuya Mamerto.

“oo nga, enjoy mo nalang muna, alam mo naman mga sixy asawa natin baka biglang ma-losyang e…” muli kong narinig na wika ng pinsan ng aking asawa.

Minarapat kong tapusin na ang aking gawain, marami pa silang napagusapan, usapang lalaki na sadyang nakapagpataas ng aking libog sa katawan. Lalo pang nabuo sa aking isipan ang imahe ng kanyang pinsan, wala naman sigurong masama sa pagnanasa, inisip ko nalang na parehas ang aking nararamdaman tuwing pagnanasahan ni Badong ang ilang artista sa telebisyon.

“guys kain na…!” sigaw ko sa dalawa, ayoko pa sanang putulin ang kanilang kwentuhan gayung maging ako ay nasisiyahan.

“oh insan, kainin mo na daw si Kaye hehe” biro pa ni kuya Mamerto.

“hehe ulol…mamaya talagang kakainin ko yan haha!” balik naman ng aking asawa.

“yabang…kapag dumating na si Patricia pagpasensyahan mo na kung magiging maingay kami ha hehe” bawi naman ng kanyang pinsan.

Mula noo’y lalong nag-alab ang aking puson para sa kanyang matipunong pinsan, inisip kong sa biruan pa lang ay nalilibugan na ako, paano pa kaya kung masaksihan kong talaga kung paano siya umararo.

Part 8Stewardess

Hindi ko masasabing ako’y isang malinis, gaya ng ibang kababaihan ako ay naglaro din. Halikan, lamasan, pagpasok ng daliri sa aking ari, pagsubo ko ng iba’t ibang titi. Noon bago ko pa nakilala si Badong ay ganito ako, ganunpama’y naipagmalaki ko sa kanya ang sa panahon ngayo’y wala na – ang pagiging birhen sa mapapangasawa. Wala na akong masasabi pa sa mister ko, mapa-pinansyal man at sa trabaho, at syempre sa ibabaw ng kama halos lahat ay sapat na. Pero sino nga ba tayo para tuldukan ang ating hinaharap na mga tagpo, pagsubok ba ito o sadyang nakasulat na sa aking tadhana.

Lalong naging masaya ang aming tahanan, halata ko ito sa mga mata ng aking asawa dahil sa muli nilang pagsasama ng kanyang pinsang kasangga. Hindi ko akalaing darating sa punto na ang saya na dulot ng kanilang presensya ay mahahaluan pa ng iba.

Sa unang buwan naming magkakasama ng mag-asawang Mamerto at Patricia, wala akong nakitang pagbabago maliban sa natural na saya. Nawala na sa pagitan namin ng pinsan ng aking asawa ang mga biruang sekswal, alam ko din namang dumistansya, at isa pa’y para sa akin ito ay biro lamang kahit na alam kong ako ay naaapektuhan. Sa madali’t sabi’y naka move on na ako doon, alam din siguro ni kuya Mamerto na hindi tama ang mga usaping iyon lalo pa’t nariyan na ang kanyang asawa. Hindi ko rin naman lubusang naisarado ang aking isipan, tila naging apoy pa nga ang mga biruan namin ni kuya Mamerto tuwing ito’y aking naaalala, tuwing nagtatalik kami ng aking mister ay talaga namang lalo ko pang pinaghuhusay ang aking talento sa kama.

Nagkamali ako, alam kong mali subalit nagpasalamat na din sa aking mister at hindi niya ito ginawan ng ibang kahulugan. Sa isang gabi kasi sa gitna ng aming pagtatalik ay bigla kong nasambit ang pangalan ng kanyang pinsan. Hindi ko alam pero parang mas mabilis kong maabot ang orgasmo tuwing mababanggit ang pangalan ni kuya Mamerto.

“babes….uhhhhh…ohhhh…” ungol ko pa habang kami’y nagtatalik ni Badong.

“yes babes?” sagot naman ng aking mister habang ako’y umiindayog sa kanyang ibabaw.

Tinitigan ko si Badong, malanding pagtingin. Dumapa ako sa kanyang matipunong dibdib upang hagurin ito ng aking mga suso. Pipigilan ko sana pero huli na, gusto kong makaraos kaya’t akin na itong ibinala.

“ooohhh…ohhhh…uhhhh…ohhh…” papalakas kong ungol bago ako labasan.

Nabigla pa nga si Badong sa aking naging reaksyon, natuwa din siya dahil alam niya na ako’y makakaraos na. Ang hindi niya alam ay ibang lalaki ang nasa aking isipan, katawang pisikal nga niya ang nakasugpong sa aking katawan, subalit ang aking diwa ay sa iba nagnanasa.

“hihi! babes malakas ba boses ko? hihi!” tanong ko sa aking asawa.

“medyo babes hehe” sagot naman ni Badong.

Ilang saglit pa bago sumirit ang aking dagta, binitawan ko na ang mga kataga.

“nandyan na ba si kuya Mamerto? hihi baka marinig tayo?” patuloy ko pa.

Hindi naman siguro halata, nagtanong ako gamit ang pangalan ni kuya Mamerto. Nagtanong na parang inosente lang ngunit sa kabila nito’y gusto ko talagang banggitin na parang siya talaga ang aking kasiping. Sa eksaktong tiyempo, tuluyang pumusitsit ang aking katas, sinabayan ko ito ng giling sa kanyang ibabaw. Nilamas ko ang aking mga suso at sa kanya’y ipinakita ito. Kaysarap, kay linamnam, mas nakakalibog pala na habang ka-six ko ang aking asawa’y nag-iisip din ako ng iba.

“di ko alam…parang nandyan na yata…” sagot ng aking asawa matapos akong labasan.

Karaniwan sa aming mga pagtatalik ni Badong, tuwing ako o siya ay makakaraos ay meron kaming “break”. Pahinga kung saan kapwa kami hahabol ng aming hininga at bubuong muli ng libog. Ngunit maging ako sa aking sarili ay nagtaka, dahil noong pagkakataong iyon ang aking katawan ay parang makina. Matapos ang ilang agos ng aking dagta, sinamantala ko ang katigasan ng kanyang sandata. Muli kong iginalaw ang aking balakang, kinontrol ko pa ang aking puki upang ang kanyang titi ay ipitin.

“sarap babes…uhhhhh…oohhhh…” muli, malakas kong mga ungol.

Mas lalo akong ginanahan dahil nabuong muli sa aking imahinasyon na ang lalake sa aking ilalim ay ang pinsan ni Badong. Inisip ko na ang mahabang titi na nakapasok ay ang matigas na sandata ni kuya Mamerto. Hindi naman siguro ito masama wika ko sa aking isip, hindi naman talaga ako kinakantot ng aking bayaw na pinsan. Ginagamit ko lang ang kanyang imahe upang lalong mag-alab ang aking katawan. Minsan nga e naisip kong parang mas maganda kung talagang magiging bukas ang aming mga isipan, yun bang tatanungin ako ni Badong kung ano ang aking pantasya, sabay sasagutin ko siya na “nalilibugan ako kay kuya Mamerto”.

Isang araw, hindi ko naman talaga ito pinlano. Nasanay kasi ako na walang suot na bra sa loob ng bahay, lalo na noong wala pa kaming kasamang iba. Hindi ko ito nakaligtaan kahit pa nandito na sila kuya Mamerto dahil alam ko namang kapag umaga’y wala sila dito. Pupunta sana ako sa aming palikuran nang biglang bumukas ang pintuan nito. Nagulat ako, si kuya Mamerto bumulaga sa akin. Hindi ko naisip na magtakip ng aking dibdib at tiyak na bakat ang aking mga utong dahil sa lamig. Nagunita ko lamang ito nang nahuli kong nakatitig dito ang pinsan ng aking asawa.

Nagkatitigan kami, biglaan at hindi ko alam ang aking gagawin. Nalipat lamang ang kanyang tingin nang unti-unti kong itaas ang aking mga bisig upang kublihan ang aking mga suso. Alam kong nahiya siya, pero kasalanan ko din naman at ako’y naging pabaya. Ganunpaman, parang nagustuhan ko din, parang nagustuhan ko na ako’y kanyang sinisilipan.

“ay kuya nandyan kana pala…” sambit ko nalang upang ang aura ay maiba.

“ah oo, actually paalis na ako, may bibilhin lang ako sa labas” sagot ni kuya Mamerto.

Matapos ang maikling usapan ay bigla siyang nakiraan, udyok na siya ay talagang lalabas na ng aming bahay. Bigla akong napaisip, gusto ko sanang samantalahin ang kanyang kahinaan.

“kuya, pwede pabili ng load?” wika ko.

“ah o sige, pero mamaya pa ako babalik” sagot niya sa akin.

“eh eto kuhanin mo number ko para i-send mo nalang yung code…thanks!” patuloy ko naman.

Iniabot ni kuya Mamerto ang kanyang cellphone upang ipalagay doon ang aking numero na kanyang kokontakin. Gaya ng dati’y hinaluan din niya ng kaunting biro ang pagkakataong iyon.

“ayan…textmate na tayo ha hehe” biro pa niya.

“hihi! oo naman kuya, gusto ko magrereply ka ha!” sakay ko naman sa biro niya.

Habang kami ay nag-uusap bago siya umalis ay hindi ko namalayang naibaba ko na naman palang muli ang aking mga kamay. Kanina pa pala muling nagpipiyesta ang pinsan ni Badong, dito sa aking dibdib na tirik na tirik. Muli, tumirada siya nang biro na hindi naman ako nabastos, bagkus ay parang kumiliti pa nga sa aking kiki.

“oh isara mo na din itong pinto ha, baka mamaya may iba pang makakita dyan…hehe” biro ni kuya Mamerto.

Napayuko ako at tinunton ang kanyang itinuturo, hindi siguro sa lamig kundi sa libog kaya’t ang aking utong ay tayung tayo. Napangiti nalang ako sa pinsan ng aking asawa, bagay na hindi naman siguro niya mamasamain pa.

Hindi ko naman din pinalagpas pa ang pagkakataon, ilang minuto ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Akin itong sinamantala, sinubukan kong sulitin ang init ng apoy hangga’t hindi pa ito napapawi.

“ok na kuya, salamat!” reply ko sa kanya.

“oh nagbihis kana ba? hehe” sagot naman niya sa mensahe.

“hihi! ikaw talaga! hindi na, wala naman nang ibang tao!” sagot ko ulit.

“eh pag umuwi ako?” mabilis niyang sagot.

“edi umuwi ka! hihi!” biro ko naman.

Madaragdagan pa sana ang mga talata, maglalaro na sana ako sa aking sarili habang ka-text ang pinsan ng aking asawa. Subalit hindi yata talaga akma, sa narinig kong yabag papalapit sa pintuan ng aming silid ay bigla akong nagulat. Kaagad kong binura ang mga mensahe ni kuya Mamerto, isinantabi ang aking telepono saka nagkunyaring tulog bago pa may pumasok.

Lumapit sa akin ang taong pumasok sa aming silid, sigurado akong si Badong iyon kaya’t minarapat kong magkunwaring nagising na lang upang siya ay salubungin.

“babes?” pagulat ko pang sabi na nagkukunwari.

“hi babes…” sagot ng aking asawa kasabay ang matamis na halik.

Nagulat din naman ako talaga, hindi karaniwan ang uwi niya. Nakakaramdam kaya siya? Alam ba niyang ka-text ko si kuya Mamerto kanina? Nakahinga na lang ako ng maluwag nang sabihin niyang umuwi lang siya dahil galing siya sa construction site at tinamad nalang.

“ah ganun ba, nag-miryenda kana ba? teka ipaghahanda kita ng makakain” wika ko sa aking asawa.

“ah wag na babes, busog pa ako…teka at iihi lang ako” sagot naman niya.

Para akong nakaiwas sa isang kabang bigas na nakapatong sa aking dibdib, akala ko’y nakahalata na siya sa mga aking pinag-gagagawa. Agad kong kinuha ang aking cellphone, iti-next ko kaagad si kuya Mamerto upang siya ay abisuhan. Alam kong mauunawaan niya na huwag na munang magtext sapagka’t narito na ang kanyang pinsan.

Napaisip tuloy ako, buti nalang at hindi ako tuluyang nadala sa aking kalibugan. Kung nagkataon pala’y mahuhuli pa kami sa akto ng aking mister na pagod sa trabaho. Mahirap na, ayokong masira ang aking pamilya. Pilit ko mang iwaksi ang nangyari kanina, tila ito’y bumabalik sa aking isipan. Naalala ko kasi ang mga titig ni kuya Mamerto, malamang siguro’y tinigasan siya sa akin kanina nang bumakat ang aking mga utong. Malamang iniisip din niya ngayon kung ano ang hubog ng aking suso, sana ay ganoon, sana ay nasiyahan din siya sa aking hindi sinasadyang pagpapakita.

Habang inaantabayanan ko ang aking asawa mula sa CR ay muli akong napaisip. Hindi ko namamalayang hawak ko na pala ang pisngi ng aking bukana habang si kuya Mamerto ay patuloy kong naiisip. Pilit kasing ibinabalik ng aking imahinasyon ang kanyang mukha, lalo na ang mukha niya kanina.

“may kamukha siya e…sino na nga ba…” bulong ko sa aking sarili.

“si…ah si Enchong! hihihi! kahawig nga niya si Enchong Dee!” nagsusumigaw kong boses sa isip.

Ano ba ito, kusa yatang sumasabay ang pagsabaw ng aking hiyas. Totoo na ito, kahit wala ang aking asawa’y ako ay ginaganahan. Muli akong napapikit, pakiramdam ko’y nakapatong sa akin si Enchong, sa bawat hagod ko sa aking kepyas ay parang bayo sa akin ni kuya Mamerto.

Mas gwapo pa din ang aking asawa, lagi itong pinapaalala ng aking isipan bilang asawa niya. Pero kapag binubuo ko ang imahe ni kuya Mamerto sa aking isipan ay para akong kinukuryenteng mahina sa aking mga kalamnan. Sa unang tingin parang tipikal na lalake lang naman si kuya Mamerto, pero habang tumatagal ay kahawig siya talaga ng artista na aking hinahangaan.

Bago pa muling pumasok muli sa aming silid si Badong ay nakuha ko pang mag-browse sa facebook gamit ang aking cellphone, kaagad kong tinungo ang pahina ni kuya Mamerto. Nakita ko kaagad ang larawan nila ni Patricia, parang selfie yata nila doon sa isang libutan sa may Olaya.

Tinitigan ko ito, muli akong nakaramdam ng kiliti. Naisip kong swerte din pala si Patricia, swerte sa asawang makisig. Sa larawan pa lamang ay hinuhubaran ko na, paano pa kaya kung totoo kong makikita, totoong makita ko ang kargada ng pinsan ni Badong.

Hindi ako natinag, ilang larawan pa niya ang aking binuksan. Kahit pa pumasok na sa aming silid ang aking asawa ay patuloy pa din ako sa pagtingin sa kanya. Hindi naman halata dahil cellphone lang naman ang aking gamit, normal ko namang ginagawa ito at sa aking asawa’y hindi alintana. Makalipas ang ilang minuto pa, nagdesisyon na akong huminto na. Siguro hahanap nalang ako ng tsansa para mapunan ang bagay na aking hinahanap.

“babes ano gusto mo ulam mamaya?” tanong ko kay mister habang abala din ito sa pag-gamit ngiPad.

“ah, kahit ano babes, ano ba meron sa ref babes?” sagot naman niya sa akin.

Tumayo ako sa aming kama upang magtungo na sa kusina, pasimple ko pang tinakpan ang aking pundya dahil baka ito’y basa na. Sa aking paglabas ay naabutan ko doon si Patricia, nagkaroon kami ng normal na kwentuhan. Hindi ko alam kung paano bubuksan ang usapin tungkol sa aming personal na buhay, lalo na pagdating sa aming ginagawa sa aming mga asawa tuwing magtatalik. Gusto ko sanang alamin mula sa kanya kung magaling ba si kuya Mamerto at hindi niya mahalatang may interes na ako sa kanyang asawa.

Naroon na ako, patungo na sa malalim na “girl talk”. Pero naudlot ito nang biglang ementra si Badong.

“babes? mag take-out nalang kaya ta-…” wika ni Badong bago pumasok sa kusina.

Sabay pa kaming lumingon ni Patricia, naalala ko na parehas nga pala kami ng tawagan sa aming mga asawa. Naisip ko tuloy na kapag si kuya Mamerto ang tumawag kay Patricia ay ako din ang lilingon.

“oh Patricia, nariyan ka pala.” bati naman ng aking asawa.

“gusto mo lumabas nalang tayo? Patricia okay ba sa inyo ni kuya Mamerto?” suhestyon ko nalang.

“ah, oh sige, teka ite-text ko para umuwi na…ang tagal e bumili lang naman dyan sa bakala (tindahan)” sagot ng asawa ni kuya Mamerto.

Sa pagsang-ayon ng aking mga kasama’y mabilis akong nagbalik sa aming kwarto, hindi ako mapakali at daglian ang akong nagpalit ng damit. Iniwan ko si Badong at Patricia sa kusina, ang sa aking isip noo’y makitang muli si kuya Mamerto na siya ring aking tinext upang ibalita ang aming plano. Hindi ko alam ngunit parang sumasang-ayon talaga ang tadhana, siguro ay nakatakda talaga ang aming pagkikita.

Sa sobrang taranta ay halos mailabas ko nang lahat ang aking mga damit, naabutan ako ni Badong na naka bra’t panty habang namimili. Alam siguro ng aking asawa ang aking nadarama, alam niyang may libog na namumuo sa aking puson kaya’t kaagad niya akong pinupog ng halik. Nagulat ako kahit na si kuya Mamerto ang aking nasa isip, sinuklian ko nalang ng halik si Badong at hindi na nagtimpi. Mabilis ang pangyayari, nahimasmasan na lamang ako at nasa ibabaw na kami ng aming kama, kumakadyot na sa pagitan ng aking mga hita ang aking mahal na asawa.

Sa hugot at baon ng titi ni Badong sa aking naglalawang puki ako ay napapapikit, lalong bumalong ang aking katas nang muling magpakita ang imahe ni kuya Mamerto sa aking imahinasyon. Inisip ko din noon na ang malaking titi na nakapasok sa aking puki’y kay kuya Mamerto, nakadalawang orgasmo yata ako dahil doon.

Hindi namin namamalayan na ilang minuto na pala ang aming nagugugol sa ibabaw ng kama. Bihira kaming mag “quickie” ni Badong, habang naghihintay kami ng aming susunod orgasmo ay sabay pa kaming nagulat sa katok mula sa aming pintuan.

“bilis na babes! hihihi!” wika ko pa sa aking asawa.

Agad kaming nagbihis ni Badong, noon ko lang naranasan yung “adrenaline” na may kakatok habang kami ay nagtatalik. Kaagad tumungo si Badong sa pintuan upang alamin kung sino ang kumakatok, bahagya pa nga akong nagalak baka si kuya Mamerto iyon.

“ay kuya, sorry naistorbo ko yata kayo…sabi kasi ni Mamerto sa baba nalang daw siya, hintayin nalang daw tayo sa car..” bungad ni Patricia.

“ah oh sige…” sagot ko naman ng aking asawa.

Siguro medyo bitin pa ang aking mister sa aming biglaang pagtatalik, nakita ko kasi sa kanyang mukha ang labis pang libog. Minarapat nalang naming ipagpaliban ang nabitin naming laban.

Part 9Touch Down

Naging maingat ako sa aking mga hakbang, ayokong maging pabaya sa bawat bagay na may kinalaman sa tawag ng laman. Sa kabila nang pagiging tapat ko para sa aking mister ay hindi ko inaasahang mabubuo ang pagnanasa sa pinsan niya. Mula noong makita ni kuya Mamerto ang bakat kong utong ay nagkaroon na ako ng hudyat upang tuluyang akitin siya. Alam kong meron din siyang pagnanasa, hindi sa ako’y nagmamayabang ay alam ko sa aking nakita sa kanyang mga mata ang interes din niya sa aking katawan. Lalong naging madalas ang aming pagkikita sa loob din mismo ng aming bahay, kung dati ay lagi kaming nasa aming mga silid, naging madalas ang aming paglabas at halatang napapasulyap si kuya Mamerto sa aking dibdib. Napadalas din naman ang pagkakaroon namin ng “girl talk” ni Patricia, natumbok ko din sa wakas ang usapin tungkol sa pagtatalik. Hindi naman siya nagdamot, naikwento niya sa akin kung paano mag perform si kuya sa kama. Hindi man niya sinabing direkta ang eksaktong haba ng kargada ng kanyang asawa, sa aking isip ay buong-buo ito ayon sa mga kwento niya.

Hindi ako tumigil, hindi naman ako lantarang nagpapansin. Hinayaan ko ang agos ng tadhana at doon ako ay sasabay na rin. Hindi ko masasabing pinagplanuhan, ngunit nang malaman kong nailipat pala ang schedule si kuya Mamerto ako ay nasabik. Slowly but surely, dapat pag-aralan kong mabuti maski ang galaw ni Patricia upang ako’y makasalisi.

“tara kain tayo Pat…” paanyaya ko sa asawa ni kuya Mamerto isang gabi.

“ay thank you, sige busog pa ako e..” sagot ni Patricia.

“naku halika na, tikman mo luto ni Badong” pagpupumilit ko pa sa kanya.

Lumapit si Patricia, sinuri ang aming pinagsasaluhang pagkain namin ni Badong na aking asawa. Ako’y labis na nabigla sa sumunod na sinabi ni Patricia, hindi ko alam kung ito ba’y walang malisya o sadya lang na medyo malikot din ang kanyang pag-iisip.

“masarap ba yang talong mo kuya Badong?” mala-inosenteng tanong ni Patricia patungkol sa nakahaing tortang talong na aking niluto.

Dahil dito, sinabayan ko naman ng biro ang asawa ni kuya Mamerto. Sa ganitong paraan siguro’y magugunita ko kung paano ba hinubog ng pinsan ni Badong ang kanyang asawa. Parehas din kaya silang palabiro o di kaya nama’y hindi talaga niya binahiran ang kanyang salita at ako lang talaga ang nag-iisip ng ganito.

“hihihi! anu ka ba Patricia, syempre masarap yang talong ni Badong noh! hehehe!” pabirong sagot ko sa kanya.

Sinadya ko iyon, sinadya kong buksan ang isipan ni Patricia nang sa ganon ay magkaroon din siya ng pagkakataong maihalintulad ang “talong” ni kuya Mamerto. Ngunit siguro’y hindi siya sadyang malibog tulad ko, medyo nahiya pa nga si mister ko nang aking sambitin ang berdeng biro.

“ay! hihihi!” sambit na lamang ng asawa ni kuya Mamerto.

“halika na kasi, kuha kana ng plato mo at kainin mo na itong talong ng asawa ko! hihihi!” sundot ko pa na biro.

Ganunpaman, kahit anong pagkukubli ni Patricia sa pagka-Maria Clara niya ay halata namang tinamaan din siya. Medyo namula kasi ang kanyang pisngi at sigurado akong nasa isip na din niya ang titi mismo ng kanyang asawa. Nahiya na lang siguro ang asawa ni kuya Mamerto dahil naroon ang aking mister. Hindi naman kami bigo sa paanyaya kay Patricia, sumali na din siya sa aming mag-asawa sa isang simpleng hapunan.

Patapos na ang hapunan at bigla akong naka-tanggap ng isang mensahe, nabigla ako dahil galing ito kay kuya Mamerto. Nagtatanong kung sino ang nasa bahay at ano ang ginagawa namin. Nagtaka ako, pwede naman niya kasing i-text ang asawa niya mismo. Sa sandaling pag-iisip ay pumasok na naman ang mapaglaro kong imahinasyon, malamang gusto lang akong makausap ni kuya Mamerto kaya nagpalusot na lamang ako.

“babes, ikaw na bahala dito ha, nagtext sila mommy mag-skype daw kami..Pat una na ako” palusot ko sa dalawang kasama ko.

Binuksan ko ang laptop namin, gaya ng aking pagpapanggap ay binuksan ko naman talaga ang skype at nakipag-video chat ako sa aking nanay. Pero sa kabila nito’y hawak ko pa din ang aking cellphone, sinimulan ko nang mag-reply sa text ni kuya Mamerto.

“hi kuya, ok naman kami dito, kakatapos lang namin kumain kasabay din namin si Patricia” reply ko sa pinsan ni Badong.

“ah ganun ba, si Pat ok lang ba dyan?” tanong naman niya.

“ok naman siya, bakit sa akin mo tinatanong?” masungit ko kunong sagot.

“ay sorry hehe, o sige ‘kumusta kana’?” bawi ni kuya.

“hihi! e bakit mo naman ako kinukumusta?” balik ko na parang may landi pa.

“wala lang, naalala ko lang kasi yung kanina hehe!” sagot ni kuya Mamerto ulit.

Hindi ako kaagad naka-reply, napaisip ako ng maigi. Eto na yun e, eto na yung moment na parehas na ang takbo ng aming pag-iisip. Alam ko na ang tinutukoy niyang “kanina” ay ang pagbakat ng aking utong na nakita niya. Hindi ko alam kung ako’y magpapakipot pa, ayoko din namang lumabas na mukhang malandi at easy girl ang dating. Pero sa kabila nito’y tila ang kepyas ko na yata ang nagsasalita at nag-uudyok sa akin.

“hahaha! ikaw ha! hindi mo makalimutan yun! sorry nasanay lang kasi akong ganun hayaan mo kung hindi ka kumportable e palagi na akong magsusuot ng bra!” sagot ko sa mensahe ni kuya.

“naku wag na, anu ka ba sanay na ako dyan noh…hehe” sagot niya muli.

“sanay? e bakit panay ang titig mo?” tanong ko sa kanya.

“hehe napatingin lang…” reply niya.

Lumingon ako sa aking likuran, ako’y nakiramdam kung papasok na ba ang aking asawa mula sa may hapagkainan. Sa loob ko’y tila may silakbo, gustong pumulandit ng aking dagta doon pa lamang sa mga mensahe niya. Nakaka-kilig at syempre nakaka-libog din, ganito pala ang pakiramdam nang muling ma-flirt ka ng isang lalake na hindi mo asawa.

“so nasiyahan ka naman sa nakita mo?” matapang kong tanong sa kanya.

“medyo hehe…hindi ko naman naaninag kasi may damit ka haha” hirit muli niya.

“ay…hihi! gusto pa lantaran?? hehe” sagot ko ulit.

“pwede naman…hehe joke!” reply ko sa pinsan ng aking asawa.

Ilang segundo matapos kong i-send ang huling mensahe ko’y napaisip ako. “shet, ano ba itong na-send ko nakakahiya!” wika ko sa aking isipan. Medyo kinabahan ako sa magiging reply ni kuya Mamerto, baka sabihin niya e malibog ako (e totoo naman), ilang saglit pa’y muling tumunog ang aking telepono.

“joke? e diba ang joke e half-meant true? so isa lang ipapakita mo? hehe” sagot ni kuya Mamerto.

“sira! hihihi! ako lang ba? lugi yata kung ako lang ang magpapakita noh!” pabiro ko pang sagot.

Muli akong lumingon sa pintuan ng aming silid, sarado pa ito ngunit parang nararamdaman kong papasok na ang aking asawa. Naisip ko dapat na sigurong tigilan ko na ang kalandian ko. Kaagad kong pinutol ang aming usapan, nag-send muli ako ng message na naglalaman nang babala na ako’y may gagawin pa at baka hindi na ako makareply. Ngunit bago ko pa maitabi ang aking cellphone ay muli itong tumunog.

“pwedeng tumawag sa iyo?” mensahe ni kuya Mamerto.

“wag na nandito na si Badong!” reply ko kaagad.

“eh hindi mo pa sinasagot tanong ko, isa lang ba papakita mo?” mabilis na palitan namin ng mensahe.

“oo na, sige na, kahit dalawa pa! sige na kuya may gagawin pa ko wag kana magte-text! bye!” biglaan kong sagot.

Wow. Nakuha ako sa gulpi-de-gulat. Babawiin ko sana ang aking mga sinabi ngunit tiyak na kukulitin niya ako at baka abutan pa ako ng aking asawa na nilalandi ang pinsan niya. Kaagad ko nalang na binura ang palitan namin ng mensahe, ayokong mabuking nang hindi ko pa pinapakinabangan ang mga ito. Ay bahala na, ito ang salitang namutawi sa aking isipan. Wala naman sigurong mawawala kung makita nga niya ang dalawa kong suso.

Habang nagba-browse akong muli sa harap ng laptop ay muling lumabas ang imahe ni kuya Badong sa aking isipan. Na-imagine ko paano kaya kung ipakita ko nga ang suso ko sa kanya, hahawakan kaya niya ito? lalamasin kaya niya o kaagad ilalapat ang mga labi at susopsupin pa? Nakakapang-init ng katawan habang ako’y nangangarap ng gising, lalo na kapag naiisip kong ipapakita din niya sa akin ang kanyang sandata na tiyak kong malaki.

Gusto ko sanang yayain na si Badong na mag-niig, pero baka mahalata niya at magtakang bakit ke-aga e nagyayaya na akong makipagtalik. Minarapat ko nalang na hintayin na si Badong na mismo ang magyaya sa akin, lalo na nang makita ko siya na nakahilata na sa aming kama at parang pagod pa.

Ilang minuto pa’y kinalabit ako ni Badong, habang ako’y nagkukunyaring may ka-chat pa sa facebook. Alam ko na ang kalabit na iyon ay ang kalabit ng pagnanasa, pero hindi ko sinasadyang tumanggi na muna dahil pakiramdam ko noong gabing iyon na ang aking pagkababae’y para lang sa kanyang pinsan na kanina pa ako pinainit. Hindi ko naman siya nakitaan ng pagtatampo, tumayo siya at nagpaalam na magbabanyo.
Muli kong hinawakan ang aking telepono, sinamantala ko ang pagkakataon na wala at nasa banyo ang aking asawa. Panatag ako dahil alam kong matagal din maglinis ng katawan ang aking asawa, lalo na kapag siya ay nangangalabit na siguradong lilinisin kahit anong sulok ng kanyang sandata.

“hello?” mahinang tinig ko.

“oh kala ko ba busy kana?” sagot ni kuya Mamerto.

“eh kasi, pwede pa bang bawiin yung sinabi ko kanina?” tanong ko kay kuya.

“ay ang daya naman…o sige ikaw bahala, in case magbago isip mo eh alam mo na hehehe” sagot ni kuya Mamerto na ang boses ay parang nakaka-akit talaga.

“hihi! naisip ko kasi lugi ako, ikaw nakita mo na yung bakat e ako wala pa kahit ano!” sagot ko pa.

“walang problema, sige gusto mo bakat o kahit lantad pa haha!” pabirong sagot naman ng pinsan ng aking asawa.

Sa maikli pa lang na panahong kami ay magkakasama sa iisang bubong ay tila kilalang-kilala ko na si kuya Mamerto. Pakiramdam ko’y parang si Badong lang ang aking kausap noong kami’y nasa murang edad pa. Sariwa ang kalibugan at bahagyang salita lamang ay sadyang nakakapag-init na ng laman. Oras pa lang yata ang binilang at eto na’t mula sa biruan ay mga pangakong nabuo na masunod lang ang hinahanap ng aking katawan.

“suuus…baka naman hindi sulit yan hehe! baka maliit lang!” biro ko pa sa pinsan ng aking asawa.

“aba? hinahamon mo yata ako talaga ano? gusto mo umuwi na ako ngayon para makita mo na hinahanap mo?” hamon sa akin ni kuya Mamerto.

“hihihi! ikaw talaga hindi kana mabiro! huwag ngayon may tao dito sa bahay natin, bukas nalang kapag wala na akong kasama hahahaha!” tila nadala na ako sa sitwasyong aking pinasukan.

Bahagyang naging seryoso ang tinig ni kuya Mamerto, sa kabilang linya ay dinig ko ang bawat paghinga nito. Siguro siya ay tuluyan nang apektado, kaunti nalang at papasok na talaga ang tukso.

“sige bukas Kaye, kunyari mag-oovertime ako pero sa iyo ako tutuloy…” mahinang tinig ni kuya Mamerto.

“ikaw bahala…” sagot ko na lamang.

Gusto ko sana noon din ay umuwi siya, sagad na ang init ng aking sinapupunan at sa tingin ko’y kailangan na talagang punuan. Hindi naman pwede na ako’y lumabas at hintayin siya, eto na yung antas kung saan masusi nang pagpaplanuhan. Basta gusto ko, basta kailangang matikman ko ang pinsan ng asawa ko, ito ang tanging laman ng aking isipan noong gabing iyon.

Lumipas ang magdamag at wala akong natikmang ibang nilalang, gaya ng dati doon ako sa asawa ko naglabas ng init. Ganunpaman, kahit ilang ulit akong labasan kay Badong ay si kuya Mamerto pa rin ang laman ng aking isipan. Ginamit ko iyon, ginamit ko ang mga natatandaan kong palitan namin ng mensahe kagabi upang kahit paano’y matugunan ang aking pangangailangan. Kinabukasan pag-alis na pag-alis ng aking asawa’y cellphone ko kaagad ang aking kinuha.

“gud am kuya, uwian na!” text ko kaagad sa pinsan ng aking asawa.

Akala ko limot na niya, ilang minuto akong naghintay sa kanyang maaanghang na reply.

“hi, oo nga uwian na, medyo pagod na hehe” sagot ni kuya Mamerto.

“ay pagod na wala pa man? hihi!” reply ko kaagad.

Hindi alintana sa akin ang puyat namin kagabi ni Badong, sa bawat letra siguro ng kanyang mga mensahe’y napawi ang pagod ko.

“aba e depende yan Kaye, kumusta dyan sa bahay?” sagot ni kuya Mamerto.

“depende san kuya? mag-oovetime ka diba?” wika ko sa text.

Muling tumagal ang pagitan ng aking mensahe sa kanyang reply, akala ko sa buong magdamag lumipas na ang napag-usapan namin kagabi. Papunta na ako noon sa “okay lang”, pero bago ko ilapag muli ang aking telepono’y sakto namang siya ay muling nag-reply.

“oo sana e, mag-OT ako…pero depende yun” sagot niya.

“depende nga saan??” reply kong muli na tila desperada na ang dating.

“depende kung ipapakita mo yan hehe…” sagot niya.

“hahaha! ikaw talaga! halika uwi kana bilis! hahaha!” hamon ko sa pinsan ng aking asawa.

Ang huling mensahe niyang ipinadala’y “sige”, hindi ko alam kung ito ba’y pagsang-ayon o di kaya nama’y “saka nalang”. Lumabas ako, siniguro kong umalis na nga ang aking asawa. Isa-isa kong sinuyod ang mga lugar sa aming bahay, sa banyo, kusina, sala, at maging ang kwarto nila ay wala akong nakitang tao. Hindi ko alam kung pumasok ba si Patricia na kanyang asawa dahil hindi ko naman alam kung day-off ba siya. Nang matiyak kong ako na lang mag-isa ay bumalik na ako sa aming silid at doon naghintay ng mga hindi inaasahang bagay.

“dito na ko” muling mensahe ni kuya Mamerto sa akin.

Sa halip na magpakipot pa sana’y kusang umangat ang aking katawan mula sa kama, kaagad kong tinungo ang aming pintuan upang siya ay antabayanan. Narinig ko ang mahinang yabag sa di kalayuan, ako’y kinabahan kasabay na din ang excitement sa aking isipan.

“ikaw lang ba?” bulong ni kuya Mamerto na tila naniniguro.

Tumango ako at nginitian na din siya bilang pagbati, binuksan ko pa ng bahagya ang pintuan upang siya ay abisuhang pumasok na at kami ay magsama. Dahan-dahan siyang lumapit, halos mahulog yata ang aking puso sa sahig. Sa kabila nito’y muli din akong nakaramdam ng pagkabasa sa aking ibaba.

“ano? hehe…” wika niyang mala-manyakis ang dating sa akin.

“hindi ka ba hahanapin ni Patricia?” paniniguro ko pa.

“hindi yan, alam niya nasa opisina pa ko…ayaw mo ba?” sagot ni kuya.

Kusang naglapit ang aming mga katawan, una ang mukha, doon sa mga labi. Naglapat ang aming mga dila, marahan at masarap. Kakaiba ang feeling, iba ito kumpara sa aking asawa. Ramdam ko ang pagkahayok ni kuya Mamerto, sa bawat pagsinghap naming dalawa habang naghahalikan ay sinasabayan ng kiliti sa aking tinggil na alam kong kanina pa basa.

“patingin Kaye…” wika ni kuya matapos kaming maghabol pa ng hininga.

Sunud-sunuran ako, alipin ng libog at ligaya. Hinubad ko sa kanyang harapan din mismo ang suot kong pantulog. Wala akong suot na bra, pag-angat ng damit ko’y kasabay ang pag-yugyog ng dalawa kong suso. Alam kong naninigas ang aking utong, hindi dahil sa lamig kundi dahil sa libog. Hindi ako nahiya, alam kong isa ito sa dapat ipagmalaki, ang utong na munti at kulay nitong pink.

“oh eto..hihi! tingin lang ha?” biro ko pa sa pinsan ng aking asawa.

Bigla niya itong hinawakan, hindi na ako kumontra pa dahil gusto ko din naman ang kanyang ginawa. Hindi ako nabastos, sa kanyang paglamas na maraha’y nakaramdam pa ako ng respeto. Napakagat pa sa labi si kuya Mamerto habang nagpapakasasa siya sa aking mga bundok, alam kong gusto na niya itong isubo, naghihintay din ako pero nakaisip ako ng isa pang laro.

“ako din patingin” mahina kong utos.

Nilubayan muna ni kuya Mamerto ang aking mga suso, nakatitig pa din siya doon habang naghuhubo ng sariling pantalon. Biniro pa nga niya ako nang unang hubarin ang damit at pinakita ang susong lalaki nito, sabi ko “ay ang daya!” tapos ay sinabayan na niya ng nakakaakit na mga ngiti.

“ikaw din patingin niyan mamaya ha?” turo niya sa aking puson.

“oo sige…ikaw muna…” malandi kong tugon.

Ako’y nagulat, mas malaki pala ang sandata niya di tulad ng aking inaasahan. Napalunok pa ako at bahagyang nagdalawang-isip kung itutuloy pa, baka kasi ako’y mabilaukan o di kaya nama’y mamaga ang aking puday.

“gusto mong hawakan?” tanong ni kuya Mamerto.

Tumango ako, parang isang bata na noon lang nakakita ng laruan. Kikibot-kibot pa ang katawan nito nang aking hawakan, lalong nangintab ang ulo ng kanyang titi nang simulan kong hagurin ang kahabaan nito. Eto na, eto na ang hinihintay ko, wala nang urungan at bahala na sibatman.

“patikim kuya okay lang?” tanong ko pa sa kanya.

Pinaupo niya ako sa kama naming mag-asawa, sa gilid nito ay sumunod siya at itinutok ang kanyang sandata sa aking mukha. Kusang bumuka ang aking bibig, sinalo ko ng aking dila ang ilalim ng ulo ng kanyang titi. Ang ganda, ang sarap ng titi ni kuya Mamerto, sinupsop ko ito na parang wala nang bukas. Habang ginagawa kong lolipop ang tarugo niya ay naririnig kong umuungol na si kuya, lalo akong ginanahan dahil alam kong siya ay nasasarapan.

Ang sumunod ay hindi na niya ako inutusan, kusa kong hinubo na din ang aking pang-ibaba. Ako’y nangiti nang siya ay namangha sa pagkakakita niya sa aking kiki, halos tumulo na siguro ang laway ni kuya Mamerto kung hindi ko pa siya pigilan.

“kainin ko din yan Kaye” hiling niya sa akin.

Gusto ko sanang pasukin na niya ako, feeling ko ay puputok na ang namumuo kong dagta. Itinulak niya ako hanggang sa ako’y mapahiga, pagtingin ko ay naroon na siya sa pagitan ng aking makinis na hita. Ibang klase ang kiliti, kakaiba sa ginagawa ni Badong sa akin. Hindi ko masabing kulang ang sa asawa ko, pero iba pala kapag ibang tao ang bumobrotsa sa iyo.

“pasukin mo na ako kuya…” hiling ko pa sa kanya.

Pumwesto si kuya Mamerto sa aking ibabaw, hinawakan ko pa ang dibdib niyang matipuno upang lalo akong mag-alab. Hinawakan niya ang titi niya at itinutok na sa aking bukana, magkahalong kaba at libog ang naramdaman ko noon hanggang sa maramdaman ko na ang ulo ng kanyang sandata. Tila alam niya kung paano ako alagaan, marahang pagpasok ng kanyang titi sa aking puki ang kanyang ginawa. Isinagad nya muna ang kabuuan nito bago makakuha ng tunay na ritmo. Hindi ako nakaramdam ng hapdi kahit pa alam kong mas malaki kasya sa aking asawa ang kanyang titi, marahil sa sobrang basa na ng aking kiki ay mabilis niya itong napasok na may ngiti.

“uhhh..uhhh…” mahinang ungol ko pa.

Nagpalitan kami ng mga munting ungol, damang-dama ko na ngayon ang katabaan ng kanyang manoy. Labas-masok ito, sinabayan pa ni kuya ang pagbayo niya ng pagsubsob sa aking dibdib. Hindi ko na napigil, alam kong ako’y nilabasan na nang hindi ko sinabi sa kanya. Ramdam kong lalong dumulas ang aming mga ari sanhi nang aking dagta.

“ang sarap mo pala Kaye…uhhhh” bulong pa sa akin ni kuya.

“ikaw din kuya Mamer…toooo…ang taba ng titi moooo” sagot ko naman.

Hiniling kong ako ang umibabaw, sinunod naman niya ako at hinugot ang titi mula sa aking puki. Sinilip ko ang aking kiki, namumula ito sa pagod, nang titigan ko naman ang titi ni kuya Mamerto ay matigas na matigas pa ito. Balot ng aking dagta ay hinawakan ko ito, itinutok ko sa aking butas saka ko inupuan hanggang kaibuturan.

“shit…uhhhh..lalabasan na naman ako kuya…uhhh” ungol ko pa.

“ako din Kaye..lapit nahhhh” sagot naman niya.

“ilabas mo kuya, wag mo iputok sa loob…” utos ko sa kanya.

Ilang segundo lamang matapos kong maabot ang orgasmo’y tinapik niya ako upang umangat na, biglang bumulwak ang kanyang tamod at kusa ko itong hinawakan at sinalsal. Naramdaman ko sa aking kamay ang init ng kanyang katas, pumipintig-pintig pa ang kanyang tarugo habang ginagawa ko ito.

“hihi! ang dami kuya Mamerto!” biro ko pa sa pinsan ng aking asawa.

“ang sarap mo Kaye…” wika naman niya sa akin.

Kaagad na akong nagbihis, hindi ko na siya hinintay. Iniwasan kong magtabi pa kami sa ibabaw ng aming kama at magmuni-muni. Ayoko nang magtagal pa, tutal nakamit ko na ang aking nais, siguro kapag ako’y handa na ibibigay ko na sa kanya ang lahat-lahat, maging ang labasan siya sa aking kailaliman.

Part 10Arrival

Mula noong ako’y mahindot ni kuya Mamerto, siya na palagi ang laman ng aking isipan at tawag ng aking sariling laman. Hindi naman na ito kaagad nasundan sapagka’t hindi ko din naman nalimutan na ako’y mayroong asawa. May “guilt” din syempre, subalit ito’y aking nararamdaman lamang tuwing may kakaiba akong hinahanap tuwing kami’y nagtatalik ng aking asawa. Wala namang pagsisisi, kung aking susuriin kasi ay parang may isang puwang sa aking sarili ang napunan ng pinsan ng aking asawa. Malandi na kung malandi, para sa akin ay six lang naman talaga at hindi na hihigit pa roon ang aming turingan sa isa’t isa.

Hindi ko maiwasang ikumpara ang dalawa, mas mahaba ang kay Badong, pero ang kay kuya Mamerto nama’y mataba ang sandata niya. Parang kuhang-kuha ng pinsan ng aking asawa ang kiliti ko sa maikling panahon naming pagsasama, ewan ko ba pero sa mga salita pa lamang niya ay kumakatas na ang ari ko.

Itinuring kong parte na ng aking buhay si kuya Badong, ang minsan naming pagtatalik ay wala na sigurong makakahalili pa. Madalas lalo na kapag ako’y mag-isa, nararamdaman ko pa ang pag-buka ng aking puki noong pinapasok ako ni kuya Mamerto. Gusto kong umulit, gusto kong matikman siya ulit. Hindi ko alam kung ganoon din siya, hindi ko alam kung tinikman lang niya ako at tapus na. Siguro kung ito’y mauulit man, ayoko nang ako ang gumawa ng hakbang, o di kaya nama’y dapat maging maingat, may asawa pa rin ako at kasal na dapat pangalagaan.

Kung tutuusin ay kayang-kaya kong gawin, babae ako, wala pa akong nakikitang lalake na tumanggi sa alok ng isang babae lalo pa’t patungkol sa six. Merong selos din, selos kay Patricia na kanyang asawa. Naiinggit ako dahil siguro mas lamang siya sa akin, katabi niya palagi si kuya Mamerto, kahit anong oras ay pwede niyang hawakan ang ipinagmamalaki nito. Ganunpaman hindi rin ako dehado, magkasama kami sa iisang bahay at alam kong madaling maisakatuparan ang lahat ng aking mga balak.

Pinalipas ko ang ilang araw, kailangan ko ding magmukhang “disente” sa kanyang paningin at hindi tipong kaladkarin. Ganun din naman si kuya Mamerto, mula noong nakantot niya ako’y hindi na siya nagtext ulit. Inisip ko tuloy na baka hindi niya ito nagustuhan o kaya nama’y nakunsensya siya sa mali naming ginawa. Ngunit ito’y nabaligtad, hindi ko inaasahang muli siyang magpaparamdam. Isang gabi habang ako’y nagre-review para sa susunod na araw ng interview, nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.

“hi..” mensahe ni kuya Mamerto.

Hindi ko sana sasagutin, busy ako noon subalit tila may diwa talaga ang aking ibaba. Sabi ko nga, makita ko lang ang mga mensahe niya ay para na akong kinikilig.

“hi kuya..” maikli kong reply sa kanya.

“kumusta kana?” sagot muli ng pinsan ng aking asawa.

“ok lang, medyo busy sa review…ikaw kuya?” sagot ko ulit.

“ayos naman din, si pinsan nandyan ba?” balik niya.

Hindi kaagad ako nakasagot, medyo nag-alinlangan ako sa aking sasabihin sa kanya. Bukod sa ako’y abala, nariyan lang naman talaga sa kusina ang aking mister. Subalit naisip ko din na ito na yata yun, ito na yung siya na mismo ang magyayaya. Lumingon ako sa aming pintuan, nakiramdam muli baka biglang pumasok ang aking asawa. Sa aking pandinig ay wala pa siya kaya’t nagdesisyon akong muli na siyang replayan.

“nandito e..bakit ba?” reply ko sa mensahe niya.

“ah ganun ba, wala lang, nagbabakasakali lang…” sagot muli niya.

Doo’y aminado akong muli akong tinamaan, naramdaman ko na naman ang “kiliti” na nagmumula sa aking mga singit. Naalala ko tuloy, sa text message nagsimula ang aming pagtatalik.

“baka sakaling ano?” tanong ko pa.

“alam mo na, hehe…baka sakaling pwedeng umekstra..” biro pa niya.

Ayoko nang magpaka-hipokrita pa, gusto ko din e, gusto ko ding makantot ako ni kuya Mamerto. Gustuhin ko mang magpigil o magpa-hard-to-get ay hindi ko magawang magpanggap. Ang katawan ko na mismo kasi ang nagre-react sa bawat mensahe at pambobolang nagaganap. Alam kong sa simula ay simpleng kumustahan lang ito, pero alam ko ding may dahilan kung bakit kami ganito.

“hihi! ikaw talaga kuya, tigang lang? hehe! eh paano?” sagot ko din sa mensahe niya.

“tulad dati, sa iyo ako tutuloy…” kaagad niyang sagot sa akin.

“eh nandito nga si Badong..” wika ko sa aking mensahe.

“wala ba siyang lakad? hehe…gusto na kita ulit matikman…” muli, mensaheng nagpabulwak sa aking sinapupunan.

“wala yata e..next time nalang..hihi!” sagot ko na parang wala na talagang pag-asa.

“sayang naman, ngayon palang tinitigasan na ako dito oh hehe!” biro pa niya.

Gusto ko sanang lumabas at tanungin na si Badong kung may lakad ba siya, pero masyado itong halata at baka magduda pa. Nagpatuloy kami sa pagpapalitan ng text messages, nag-isip na din ng posibleng paraan upang mapagbigyan na ang tawag ng aming kalamnan.

“gaano katigas? hihi!” malandi kong sagot.

“mas matigas pa noong una mong nakita…hehe…” reply ni kuya Mamerto.

“shit gusto ko yan hihi! wrong timing ka naman magyaya kuya hehe!” sagot ko.

“na-miss mo ba titi ko?” tanong niya.

Napamura na ako sa aking isipan, nawala na ako sa atensyon sa pag-aaral para sa kinabukasan kong interview. Ang laman na lang ng aking utak noon ay ang titi ni kuya Mamerto, nabuo na sa aking imahinasyon ang mataba niyang sandata, ang ulo nitong nangingintab sa tigas at ang kahabaang may ugat-ugat pa.

“OO GUSTO KONG TSUPAIN YANG TITI MO” pasigaw kong text sa pinsan ni Badong.

“hehehe! papa tsupa ko lang ito kung papayag kang magpaputok ako sa loob mo” sagot ni kuya Mamerto.

Humaba pa ang aming usapan, or rather, six-text. Konting himas na lang siguro ako’y lalabasan na dahil sa mga malalaswang mensahe namin sa isa’t isa. Hindi ko ito naranasan kay Badong, kahit pala walang pisikal na contact ay pwedeng-pwede kang ganahan.

“shet kuya sayang talaga kasi safe pa naman ako, pwede mong ilabas lahat yang tamod mo sa puki ko!” sagot ko sa kanya.

“masarap ba titi ko Kaye? mas masarap ba kesa kay Badong?” tanong niya sa akin.

Naantala ang aking pagka-kilig dahil sa binitawan niyang tanong. Ako’y napa-isip kung paano ito masasagot. Alam kong dapat sabihin sa kanya na mas masarap siya dahil siya ang aking kausap, pero sa kabila nito’y tila nakukunsensya ako dahil syempre iba pa din ang sa aking asawa. Dapat yatang hindi ko sagutin, magkaiba nga ang pisikal nilang itsura, pero parehas itong masarap sa iba’t ibang aspeto ng pagpapaligaya.

“ang hirap naman ng tanong mo kuya, ikaw nga sige, sino mas masarap sa amin ni Patricia??” tanong ko din sa kanya.

“ikaw. mas masarap ka Kaye kesa sa asawa ko!” diretsahan niyang sagot.

Napahiya yata ako, nabilib din kahit paano, walang alinlangan ang sagot ni kuya Mamerto. Hindi ko alam kung bola lang ito dahil ako ang kausap niya at ako ang hangad niyang makantot. Ganunpama’y nakadagdag ito sa aking pagkatao, maganda din naman si Patricia pero sa moment na yun ay mas mahaba ang hair ko.

“weh..bolero! hahaha! so gusto mo na akong i-six ulit?” paglalambing ko sa aking tugon.

“oo! gusto ko nang ipasok itong titi ko sa basa mong puki!” reply naman niya.

“tara?” tugon ko naman.

“saan?” sagot niya.

“tara umuwi kana six na tayo kuya, bahala na, basta umuwi kana hindutin mo na ako please?” hiling ko na may pagmamaka-awa.

Pilit ko mang itago ang aking libog para sa pinsan ng aking asawa ay hindi ko talaga magawa. Katawan ko na ang nagwiwika, wala nang silbi ang isipan sapagka’t sagad na ang aking kalibugan.

“sure ka? sa akin okay lang kasi ang alam ni Pat e nasa work ako, e ikaw paano gagawin mo?” tanong ni kuya Mamerto.

“shit pano ba kuya? masakit na puson ko dito hahaha!” reply ko naman.

Gusto ko sana kung sakali mang matuloy e yung hindi nagmamadali, ayoko ng quickie, gusto ko yung pagsasawaan ko ang titi ni kuya Mamerto, gusto ko yung magkukwentuhan pa kami pagkatapos ng pagtatalik. Siguro kakaisip ay hindi ko na nasagot muli ang huling message ni kuya Mamerto, sabi niya i-text ko nalang daw siya kung ready na ako.

“shit.shit. ayoko kay Badong, gusto ko si kuya Mamerto ang makatikim sa akin ngayon!” sigaw ko pa sa aking sarili.

Ako’y nanatiling nakaupo sa harap ng mesa, tila nawawalan na ako ng pag-asa. Kakaibang init ang ibinigay sa akin ni kuya Mamerto, gusto ko nang tumayo at paalisin ang aking asawa para kami ay makaraos na ng pinsan niya. Pwede naman ang ibang paraan, si Badong ang kakantot pero ang iisipin ko’y si kuya Mamerto. Pero ayoko na nun, gusto ko na e ang pisikal na katawan ng kanyang pinsan. Nagulat na lang ako, habang ako’y nangangarap ng gising ay pumasok ang aking asawa. Buti nalang hindi niya napansin na ang isa kong kamay ay naka-ipit sa aking singit.

“babes, tumawag si Empoy, yung pinsan ni Bogs…birthday pala niya ngayon nagyayaya e..tara punta tayo?” wika ng aking asawa na tila isang magandang balita.

“ha? eh diba kakakain lang natin ng hapunan?” sagot ko kaagad.

Medyo kinabahan ako, hindi ko kasi alam kung ako’y kanyang pipilitin. Kilala ko naman si Badong, hindi siya yung tipong makulit. Sinamantala ko iyon upang ang sitwasyon sa akin ay pumabor.

“eh nakakahiya kasi, kanina pa ako kinukulit…busy ka pa ba?” tanong muli niya.

“eh kailangan kong mag-review babes, para matanggap na ko at makapag-work na din…ikaw na lang pumunta babes, okay lang ako dito” sagot ko naman.

“are you sure? o sige, mabilis lang naman ako. magpapakita lang ako doon at ayoko ding gabihin” paliwanag niya sa akin.

Sa isip ko’y “sige kahit bukas ka pa umuwi ayos lang”, sa likod ng aking isipa’y pumapalakpak sa tuwa. Nagkunyari ulit akong busy sa pagre-review, hindi na ako nagsalita pa baka maantala.

Humalik pa sa akin si Badong bago siya ay lumisan, pagkaraan ng ilang segundo lamang ay kinuha ko na agad ang aking telepono at si kuya Mamerto’y akin nang tinawagan.

“kuya..kuya Mamerto halika na umuwi kana bilis!” wika ko sa pinsan ng aking asawa.

Labis akong natuwa sapagka’t kanina pa pala siya nasa kalye at pauwi na, may nagbulong daw sa kanya na ligtas na. Hindi ko alam kung ito’y bola, ang importante’y hindi na ako maghihintay pa.

“Kaye dito nako sa labas ng kwarto nyo” text ni kuya Mamerto.

“hi kuya…o napaaga ka yata hihi!” masayang bati ko naman sa kanya pagbukas ng aming pintuan.

“pwede ba ako pumasok?” tanong pa niya.

“halika, pasukin mo na ako hihihi!” biro ko pa.

Marahang pumasok sa aming silid ang pinsan ni Badong, sa pagdaan niya’y naamoy ko pa ang halimuyak ng isang lalake, bagay na muling nagpasilakbo ng aking puke.

“san mo pinapunta si insan?” tanong ni kuya Mamerto.

“swerte natin, may lakad daw, biglang nagtext yung kaibigan niya” paliwanag ko naman.

“ah…hehe tignan mo nga naman, talagang umaayon ang tadhana sa atin haha!” masayang wika niya.

Matapos iyon ay biglan na niya akong hinalikan, naiintindihan ko ang dahilan ng pagmamadali, maski ako’y gusto kong sulitin ang mga nakaw na sandali. Gumanti ako sa paghalik, ibinuka ko ang aking mga labi at kusang lumabas ang aming mga dila.

“teka, baka naman biglang bumalik si Badong ha…” paalala pa niya.

“sus, wag mo na munang isipin yun!” sagot ko pa sa kanya.

Muling nagsugpong ang aming mga labi, walang bisyo ang aking asawa pero ang amoy ng sigarilyo ni kuya Mamerto sa kanyang hininga ay nagsilbi pang pampagana. Napapikit ako nang sinimulan niyang pagapangin ang mga kamay niya, doon sa aking mga dede na sinabayan ko naman ng pagkapa sa matigas na ari niya.

“uhmp…uhmm…ump…” mahihinang ungol naming dalawa.

Sa kalagitnaan ng aming “foreplay” ay kapwa kami nagulat, tumunog ang aking cellphone na aking iniwan. Kinabahan ako, baka ito’y si Badong at kailangan ako. Ngunit pagsilip ko’y lalo akong kinabahan, pangalan ni Patricia na kanyang asawa ang tumatawag sa akin.

“he-hello? Pat?” sagot ko.

“Kaye, baka may ipapabili ka, nandito ako ngayon sa Panda…” wika ni Patricia sa telepono.

“ay wala naman, thank you nalang…” sagot ko sa asawa ng aking katalik.

“hihihi! akala ko kung ano na…o umalis din pala asawa mo e, so tayo lang ang nandito hihi!” sabi ko kay kuya Mamerto.

Akala ko’y maaantala pa ang aming pag-aanib, sadya sigurong nakiki-ayon ang tadhana gaya ng aming inaakala. Ang mga sumunod ay kapwa nasa ibabaw na kami ng aming malambot na kama, halikan, lamasan. Habang abala na si kuya Mamerto sa aking mga suso ay ganun naman din ako sa kanyang tarugo. Sinusupsop niya ang dalawa kong utong, ako nama’y sinasalsal ang matigas niyang titi. Sa kanina pang napigil na pagnanasa’y hindi ko na maiwasang labasan kaagad, kaya naman humiling na ako sa lalakeng aking katuwang.

“kuya Mamerto, tsupain na kita…” hiling ko sa kanya.

“sige sige, isubo mo itong titi ko, sa iyo yan ngayon hehe” sagot naman ng pinsan ni Badong.

Nahiga si kuya Mamerto sa aming kama, habang nakatihaya ako’y pumwesto sa kanyang ibaba. Hinawakan ko ang matabang titi ng asawa ni Patricia, sinalsal ko muna iyon bago ko inalay sa aking mga labi. Matigas na ito kaagad, binalot ko ng aking laway ang katawan ng kanyang ari, sinupsop ang ulo saka ipasok na ng buo sa aking mainit na bibig.
Siguro noong una naming magtalik ay hindi ko nagawa, ang pagtsupa ko sa kanya ngayon ay sadyang kakaiba. Labis ang kasabikan ko kaya naman pinagbuti ko ang paglalaro sa kanyang alaga, muli kong nakita ang kanyang nakapikit na mga mata, damang-dama ang ligayang hatid ko sa kanya.

“ako naman Kaye, kainin ko yang kiki mo…” hiling sa akin ni kuya Mamerto.

Nag-alinlangan pa nga ako noon, nakaligtaan ko kasing mag-ahit na araw-araw ko namang ginagawa. Pero nanaig pa din ang libog, hinubo ko kaagad ang aking pang-ibaba at inilatag sa kanya ang aking hiyas na basang-basa.

“ang sarap naman ng puke mo Kaye…ang tamis ng katas mo hehe!” pambobola pa ni kuya sa akin.

Isinaklay ko pa ang aking dalawang hita sa mga balikat niya, halos ipitin ko na ang ulo ni kuya Mamerto habang kinakain niya ang aking kweba. Malikot ang dila ng asawa ni Patricia, masaya ako’t ginawa din niya sa akin ang sana ay sa asawa lang niya. Nilabasan din ako ulit, natitiyak kong nalasahan pa niya ang katas ng langit.

“ooohh…uhhhhh…ooohhh…kuya…uhmmmm” ungol ko pa.

Ginabayan ko ang mga kamay niya habang patuloy ang kanyang pagkain sa akin, inilapat ko ang kanyang mga palad sa naninigas kong utong saka ito’y ipinalamas na din. Hindi ko na matiis, gusto ko pa sanang magtagal siya sa pagkain ng aking kiki, hiniling ko nang tumigil na siya upang ako nama’y pasukin. Kaagad naman siyang umangat, kita ko pa nga ang aking dagta sa kanyang mga nguso. Pumwesto siya sa pagitan ng aking hita, ang sarap talaga ng pakiramdam habang nakikita ko siyang hinihimas niya ang sariling titi, inihahanda sa pagpasok sa aking puki.

“halika na kuya, pasok mo na yan” sambit ko pa.

Muli niya akong tinanong kung safe ba talaga ako noong gabing iyon, oo ang aking sagot pero sa bandang huli ay humiling ako ng umento.

“kuya safe naman ako, pwede mo iputok sa loob…pero gusto ko sana dito sa bibig ko, gusto kong kainin yang titi mo pag nilabasan kana” paliwanag ko.

Sa tatlong round namin ng kantutan ni kuya ay naka lima yata ako. Ang unang putok niya ay dito sa bibig ko, ang nalalabi nama’y sa loob na ng aking puki. Bihira kong magawa sa aking mister ang lunukin ang tamod niya, sa iba ko pa nakita at nalasap ang tunay na sarap ng ganoong paraan ng pagpapakasasa.

Gaya ng aking inaasahan, hindi ito tipikal na “hit and run”. Nagkaroon kami ng ilang sandaling kwentuhan sa pagitan ng aming kantutan. Inamin niyang hindi ganoon kadalas ang pagtatalik nila ni Patricia, isang dahilan daw ay palaging nasasaktan ang kanyang asawa. Siguro dahil sa taba ng kanyang titi, at kakulangan ng dagta ni Patricia kaya ganoon nalang ang hapdi. Talaga namang mahapdi, pero kung basang-basa na ay banayad na ang lahat at puro na lamang kiliti.

Simula noong gabing iyon ay naging mas madalas pa ang aming pagtatalik, tuwing may pagkakataon kami ay hindi na namin ito pinapalagpas pa. Kapwa siguro nakita namin sa isa’t isa ang kulang na pangangailangan, ang mga bagay na sa ami’y sadyang nakapag-papaligaya.

Hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling lihim ang aming kamunduhan, tanging saksi ang aming tahanang inuupahan. Sa pagkakaroon ko ng trabaho lalo pang dumalang ang pagtatalik namin ng aking asawang si Badong, ganunpaman, ang pinsan niya mismo ang tumutugon dito.

Tuwing kami lamang ang laman ng aming bahay ay idinaraos namin ito, maliban sa silid namin mismo, maging sa sala, sa banyo, pati sa kusina o kung saan man kami abutan ng init ng aming katawa’y naisasagawa namin ito. Ang alam ko’y panandalian lamang ito, hindi si kuya Mamerto ang aking asawa, hindi siya ang tunay na kasama ko sa buhay. Kung gayun man, siguro dapat kong samantalahin ang sarap ng bawat sandali, baka mamaya ay wala na. Dapat sulitin ang mga nakaw na halik, ang mga masasarap na orgasmo, saan pa kundi dito na din mismo sa aming bahay-bahayan.

Wakas

Add a Comment

Your email address will not be published.