Bastusin Mo Ako, Kuya! Part 14

ni sweetNslow

NAGMULAT ng mata si Leslie. Nakatigil ang taxi. Nag iisa na siya sa likuran. Wala sa tabi niya si Mark. Wala din sa unahan ng taxi. Dahan dahang bumangon ang dalaga at nakita niyang nakatingin sa rear view mirror si Manong sa kanya. Nakangiti ito. Lintek na matanda ito. Nilaspag ng husto ang puwet ko, sa isip isip niya. Di niya masyadong pinansin ang driver at bagkus ay sinanay ang sarili sa paligid kung saan nakaparada ang taxi. Shakey’s? Hmnnn…Yellow Cab sa kabila. Tumingin si Leslie at nakumpirma nya ang hinala kung nasaan sila. Kita niya ang rotonda na palatandaang nasa Tomas Morato nakaparada ang taxi. Nagliliwanag na. Nadadagdagan na ang mga sasakyan at tao sa lansangan. Napahawak si Leslie sa kaselanan. Siyet, wala pa rin siyang panty. Binuksan nito ang shoulder bag pero wala na rin dun ang panty. Kinuha siguro ni Mark sa isip isip niya. Isinuot na ng dalaga ang blazer. Nakatingin lang si Manong sa kanya.

“Manong, nasaan ho si Mark?” medyo painis niyang tanong dito.

“Ayan na o,” sagot ng driver na nakanguso sa unahan ng taxi at nakita nga ni Leslie si Mark na naglalakad palapit sa taxi. May bitbit itong tatlong malalaking boxes ng pizza. Binuksan nito ang likurang pinto nang makitang gising na ang dalaga at iniaabot ang dala sabay upo sa tabi ni Leslie.

“Tig iisa tayo nina Manong…” kaswal na sabi nito. “Siguradong gutom kayo..lalo ka na” baling niyo kay Leslie.

Kinalas nito ang pagkakatali ng tatlong boxes at inilagay sa unahang upuan ang isang box para kay manong. Kinuha nito ang isang box at naiwan kay Leslie ang huli.

“Kumain muna kayo pag uwi nyo bago kayo matulog…nang masarap ang tulog nyo” dagdag pa nito.

Nakanguso lang si Leslie. Hindi niya alam ang sasabihin. May command presence si Mark. Yun tipong pag nagdesisyon parang ang hirap kontrahin. Umusad ang taxi at binaybay ang Timog Avenue.

“Saan ka ba umuuwi Leslie?” tanong ni Mark.

“Sampaloc…sa may Trabajo,” parang wala lang na sagot nito.

“Manong, ibaba mo na ko pagdating natin sa Fisher Mall…ikaw na maghatid kay Leslie,” utos ni Mark sa driver.”

“Yes, sir…: sagot naman ni Manong na tinignan muli ang dalaga sa rearview mirror. Nakasimangot to.
Pagtapat nga sa Fisher Mall ay umibis na si Mark at binitbit ang isang box ng Pizza. Walang lingon likod itong naglakad sa bangketa pagkatapos isara ang pintuan ng taxi na agad namang umusad upang baybayin ang kahabaan ng Quezon Avenue. Suplado talaga, sa isip isip ni Leslie na lalong napasimangot habang tinitignan ang lalaking papalayo. Napansin naman agad ito ni Manong.

“Pagod at puyat lang yun…”sabi nito ng hindi tumitingin sa dalaga. “Pero mabait yun sa pagkakilala ko”.

“Mabait? ” iritableng sagot ni Leslie. “Mabait ba yung kung saan niya ako dinala at kung sino sinong nakadale sa kin?” Inis talaga ang dalaga.

Huminga ng malalim si Manong. Minsan talaga masakit ang katotohanan kung iisipin mo pero may mga taong katulad ni Leslie na nakakalimot kung ano talaga ang naging simula.

“Wag kang magagalit ha, Ineng…” pasimula nito. ” Pero bago pa kayo nagkita, nagkwento na ng bahagya sa kin si Mark…Kumbaga naghamon ka ng adventure…Sa totoo lang nagdadalawang isip yung tao. Pero mukhang nasaktan dahil pakiramdam niya eh pinagpapasahan nyo siya nung kaibigan mo…So ayun…Pagbigyan daw ang adventure na gusto mo.”

Hindi umiimik si Leslie. Marahan ang mga salita ng matanda pero hindi maikakaila ang katotohanan ng sinasabi nito.

“Kung babalikan mo ang mga pangyayari, lahat ng pagkakataon ay binigay ni Mark sa yo para umatras,” patuloy pa nito. ” Pero pursigido ka…at sa tingin ko naman…sa prangkahang salita dahil di ako mahilig ng paligoy ligoy pa masyado…nagustuhan mo naman ang mga pangyayari…at ako na rin ang magsasabing sarap na sarap ka sa mga nangyari.” diin pa nito.

Biglang bumalik ang alala ng magdamag sa isipan ni Leslie. Medyo namula ang pisngi ng dalaga sa mga eksenang tumakbo sa isipan niya…at napalunok ito. Yeah, sa isip isip nito…Napakasarap nga. Napabuntonghinga na lang ito at di na umimik. Di na rin nagsalita ang matandang driver hanggang makarating na ang taxi sa kahabaan ng Espana. Pumara ang dalaga sa kanto ng Vicente Cruz. Binitbit na nito ang pizza.

“Ineng,” pahabol ng matanda.

“Po?” takang tanong ni Leslie dito.

“Nasa phone mo ang number ko ha…pag kailangan mo ng taxi service…or any kind of service…text mo lang ako, ” sabi nitong nakangiti sa dalaga.

Napailing na lang si Leslie at tumalikod na upang lakarin ang direksyon papunta sa kanyang tirahan. Lokong Manong, nakadale na nga eh…gusto pa umulit. At muli’y nabuhay ang mga eksenang naranasan ng dalaga sa kanyang imahinasyon…Sabagay…At napangiti ito habang sa daan ay dumarami na ang mga taong naglalakad patungo sa iba’t ibang destinasyon sa pagpapatuloy ng pag ikot ng buhay sa dakong yun ng Sampaloc…

HINDI pa rin pumipikit si Mark sa pagkakahiga sa kama. Nakakaramdam siya ng pagkamuhi sa sarili dahil sa nangyari. Hindi maintindihan ni Mark kung bakit siya nagpadala sa galit na naramdaman ng kontakin siya ni Leslie sa chat. Galit at insulto dahil pinagpasahan siya ng dalawang dalaga? Naks, feeling mo hearthtrob ka,Mark? Iniinsulto na nito ang sarili. Pero ano nga ang nagtulak sayo? Paulit ulit na tanong ng isipan ng lalaki sa sarili. Selos? Pride? Nasaktan? If so, ano ang karapatan mong masaktan? Or for that matter, ang magselos? Malinaw naman ang premise bago nangyari ang lahat sa kanila ni Jen. Wala siyang maala-alang pinag usapan na involved ang emosyon. It was an illusion after all…na binigyang realidad ng kapwa nila kuryosidad. Does it matter na sa tingin niya ay may koneksyon siya emotionally na naramdaman kay Jen? Or mali siya ng inaakala? It was a game after all, right? Shit, ang tanda ko na para magkaganito pa na parang teenager na ngayon lang nakaramdam ng ganito. Mark, for all your supposedly smart brains, you have to admit that youre pathetically stupid at times! Puro sermon na ang isipan ng lalaki sa sarili. Aminado siyang natotorture siya. Then reality sets in. Wala naman siyang magagawa. May BF na si Jen. Wala siyang binatbat sa tindig at porma pa lang nito. Eksperimento lang siya sa buhay ni Jen…an adventure. No more…No less. Ipinasa nga siya di ba?
Tumayo si Mark . Kinuha ang mp3 nito at naglagay ng earphones. Gustong alisin sa isipan si Jen…Diversion…Nice tactic…

“Girl, I miss you
And feel you wanting me over the telephone
But im still here alone
And thoug it seems so close to a perfect
I might have the longest night i’ve ever known…”

Napabuntonghinga na lang si Mark. Naapektuhan lalo ng kantang naririnig sa mp3. Bakit pa kita nakilala, Jen? Tanong muli ng isipan nito.

“I wish that i was making love to you tonight
I’ve never seen so many stars or moon as bright
And baby youre whats missing,
Could make it all just right
and i wish that i was making love to you…tonight.”

“Shit!” matigas na sabi ng binata sabay lumipad sa ere ang mp3 nito kakabit ang mga earphones.

“I hate you, Jen..” mahinang bulong nito…at ang pagdating ng realisasyon na nagmula sa kanyang dibdib at kusang hinanap ang daan palabas ng kanyang bibig…”I love you, Jen…” At pasubsob na dumapa ang lalaki sa kama upang lunurin ng tulog ang daluyong na nabuhay sa dibdib nito.

ITUTULOY

Scroll to Top