ni sweetNslow
I THINK i woke up on the wrong side of the bed, konklusyon ni Jen nang bumangon ito mula sa kama. Hindi naging maganda ang tulog ng dalaga. Kagabi pa siya nag iisip…naiinis sa sarili… Kung ano ano ang pumapasok sa isipan ng dalaga kagabi. Lintek na Mokong yun! Player pala talaga. Tinikman lang talaga ako at lumipad na agad sa ibang kandungan ang buwisit! Pero ano ba ang pinagsisintir ko? May relasyon ba kami? Napatapik sa noo ang babae. Naku Jen, ano ba nangyayari sayo? Lintek na Mokong na yun. May lahing mangkukulam yata. Sari sari na ang pumapasok sa isipan ng dalaga. Napatingin siya sa Cellphone niya. I text ko kaya? Tanong na naman nito sa sarili. Ugh. Parang trying hard naman ang dating ko. Iiling iling na lang ang dalaga. Tinungo nito ang banyo upang maghanda na sa pagsisimula ng araw niya.
Naka bathrobe lang si Jen nang lumabas at dumiretso na uli sa sariling kuwarto upang magbihis. Sa harap ng salamin, pinagmasdan niya ang sarili. Alam niya maganda siya. Hindi naman siya basta papatalo kung kani kanino lang…kahit pa sa GF ng Mokong na yun! Mas matangkad lang yun. Hmp! Kaya nga naimbento ang high heels di ba? Muling tinignan ni Jen ang repleksyon sa salamin. Unti unti nitong kinalas ang robe at hinayaang malaglag sa sahig. Napakagat labi ang dalaga nang mapagmasdan ang sariling kabuuan. May init na naramdaman ang dalaga. Hinaplos niya ng marahan ang tayong tayong mga dibdib…inaalala ang mga haplos na naramdaman mula sa kamay ni Mark nang gabing yun…Napalunok ang dalaga. Pumikit…Muling bumalik ang alaala ng gabing pinag ulayawan nila ng lalaki…At huminga ito ng malalim…tumigil ang dalaga. Bwiset ka, Mokong…bwisit ka talaga! Bakit ba nakilala pa kita. Tuluyan nang itinigil ni Jen ang ginagawa at nagbihis. Male late siya sa school dahil sa lintek na Mangkukulam na yun!
HAPON na nang makita ni Jen ang kaibigan. Mukhang puyat si Leslie sa tingin ni Jen. If i’m not mistaken, umiral na naman ang kalibugan nito last night. Bumilog naman ang mata ni Leslie nang makita si Jen sa usual na upuan nito sa canteen ng university. Bumili muna ito ng sandwich at diet coke bago tuluyang naupo sa opposite side ng table kung saan nakaupo si Jen. Ngingiti ngiti itong nagsimulang kumain pero di umiimik. Nakatingin lang kay Jen. Hindi napigil ni Jen ang mag usisa.
“At ano na naman ang nangyari ha, Les?” tanong nito.
“Hmnnn…wala…” sagot ni Leslie.
“Wala? E ayan at halatang kulang ka naman sa tulog?” obserbasyon ni Leslie sa kaibigan.
Nag aalangan si Leslie. Hindi niya alam kung kailangan niya pang sabihin sa kaibigan ang mga nangyari. May kutob siyang magagalit ito sa kanya. Pero paano pag nakausap uli ni Jen si Mark? Paano pag nagkabukuhan? Lalong magagalit si Jen sa kanya. Sa lahat ng mga kaibigan niya, kay Jen lang siya talagang palagay ang loob. Yung alam niyang di siya huhusgahan kahit ano pa ang mga kalokohang ginagawa niya. Napabuntonghinga si Leslie na agad namang napansin ni Jen.
“Sabihin mo na kasi at nang maiba iba naman ang araw na to,” pang uudyok pa ni Jen sa kaibigan.
“Eh…eh…I think hindi maganda dating ng kuwento ko sayo eh” alanganing sagot ni Leslie.
“Sus, ito naman.” pabalewalang sagot ni Jen. “Parang di ako sanay sa mag kuwento mo, aber?”
“Ok…pero kung magagalit ka…konti lang ha? Ganito lang.” ulit ni Leslie at nagmuwestra ang hinlalaki at hintuturo nito naka buka ng mahigit isang pulgada.
“Puro ka talaga kalokohan, hihihi” natatawa na si Jen sa kalokohan ng kaibigan. Wala siyang maisipang dahilan para magalit siya sa ikukuwento nito.
Mali ang sapantaha ni Jen. Nagsimulang magkwento si Leslie. Paudlot udlot nung una. Pero nung makitang walang reaksyon si Jen, dumire direcho ang kuwento. Very animated sa pagkukwento si Leslie. Bawat detalye kasali. Kung paano nagsimula sa inggit niya sa kuwento ni Jen. Kung paano siya gumawa ng paraan. May pmuwestra muwestra ito habang inaalala ang nakalipas na magdamag. Nung makatapos ito nang kwento, nun niya lang napansin ang pamumula ng mukha ni Jen…Ang tinitimping galit…parang umuusok ang ilong sa tingin ni Leslie. Walang imik itong nakatitig sa kanya. Timping timpi.
“J-Jen? di ka galit di ba?” medyo nininerbyos si Leslie sa hitsura ng kaibigan.
Hindi pa rin umiimik si Jen. Tikom ang bibig nito at halos magpang abot ang kilay sa pagkakakunot ng noo.
“Jen…kung galit ka…pwede ganito lang?” muwestra uli ni Leslie ng hintuturo at hinlalaki at ang invisible na sukat na na nilika sa pagitan ng dalawang daliri.
Biglang tinakpan ni Leslie ang kanyang mga mukha dahil sa pagtayo ni Leslie. Ngunit di siya sinunggaban nito. Bagkus ay tumalikod ang dalaga at walang imik na iniwan si Leslie sa kinauupuan nito. Malungkot na sumimangot na lang si Leslie. Naiiling siya. Ngayon lang pumasok sa kukote ng dalaga ang katotohanan tungkol sa kaibigan — may nararamdaman si Jen para kay Mark! Shit! At napatapik sa ulo ang dalaga sa kalandian niyang nagawa. Nakaramdam ng sobrang guilt si Leslie. Masakit ang ginawa niya. OMG! Ano nga sabi ni Manong? Sabi ni Mark pinagpasahan namin siya? Sa unang pagkakataon, gusto ng dalagang bumuka sandali ang lupa at lamunin siya at saka na uli siya iluwa pag medyo ayos na ang mga turnilyo niya sa utak.
Hayup ka, Mokong! Ito ang naiisip ni Jen habang naglalakad. May nararamdaman siyang hapdi sa sulok ng mga mata. Hindi ka pa nakuntento sakin hayup ka. May GF ka pa, tapos pati si Leslie kinarir mo! Manyakis! Naiiyak na ang dalaga. Masakit. Nagsisikip ang dibdib niya. Tumakbo siya patungo sa CR ng mga babae. Pumasok ang dalaga sa isang cubicle at inilabas lahat ng sama ng loob. Sagana ang luhang pumatak sa dalaga. Mas nasaktan siya ngayon kesa nung kay Bong. Hindi niya inakalang ganun si Mokong. Kahit sandali lang silang nagkakilala, mas palagay ang kalooban niya dito. Pumasok sa imahinasyon ng dalaga ang pilyong ngiti nito…ang pagpapatawa…ang cute ng hayup! Minumura na ng husto ni Jen ang lalaki sa isipan niya. Tangna mo, Mokong…Player! Manyakis. Hindi pa nakuntento ang dalaga. kinuha nito ang cellphone. Hinanap ang name ni Mark sa phone at nang makita ay nagtype ng message dito. All caps, three words at tatlong exclamation points each word: HAYUP KA!!! MANYAKIS!!! PLAYER!!!
Walang pangingimi at punong puno ng panggigil na pinindot ng dalaga ang SEND…
ITUTULOY