Bastusin Mo Ako, Kuya! Part 16

ni sweetNslow

” GOTTA write a classic.
Gotta write it in an attic
Babe I’m addict now
I’m an addict for your love.”

Nakakabit ang speakers sa mp3 ni Mark. Sa kanang kamay nito ay may hawak na wine glass. Pero imbes na wine ay Fundador ang laman nito. Nakatingin ang lalaki sa harap ng blankong wordpad sa screen ng laptop niya. Gusto niyang magsulat…alisin ang mga bagay na gumugulo sa isipan niya at tumakas na lang sa daigdig ng kanyang ilusyon…ang kanyang kanlungan kapag hindi niya nagugustuhan ang realidad ng sitwasyon.

“I was a stray boy
And you were my best toy
Found it easy to annoy you
But you were different from the rest.”

Banayad ang mapait at may subtle na sweet after taste na brandy. May hatid na pampakalma sa dibdib ng lalaki. Pinaiiral nito ang pragmatismo ng sariling pananaw sa buhay…Pero ayaw magpaawat ng imahe ni Jen sa isipan niya. Ayaw magpaawat ng kanyang ilusyon. Ikinukulong siya sa sariling kulungang alam niyang siya mismo ang lumikha…

“And i loved you all the wrong way
Now listen to my say
If it changed to another way,
Would a difference make it?
Would it be a classic?
Gotta send it right away…”

Nawala ang isipan ng lalaki sa pagninilay nilay nito. Tumunog ang cellphone niya. Nang tignan niya kung kanino nagmula ang text message, lumundag ang dibdib ng lalaki. Napalitan ang lungkot ng saya…Nagtext si Jen! …upang daglian lang bumalik sa mas malungkot pang realisasyon nang mabasa ang message na galing kay Jen. Napagtagni tagni niya agad ang nangyari. Nagkwento na si Leslie kay Jen. Nanlulumong napaupo ang lalaki sa kama. May ilan sandali din siyang nag iisip. Gusto niyang mangatwiran kay Jen pero tingin niya di rin makikinig ang dalaga. Muling tumunog ang CP ni Mark.

Jen: Ano? Wala kang masabi? Lupit mo rin eh. Ako…tapos GF mo…tapos si Leslie? Feelingero!

Nailing lalo si Mark. Sagad ang galit ng dalaga. May katwiran ito. Muling binasa ang text ng dalaga…napakunot ang noo ng lalaki…GF? Di napigilan ni Mark ang magreply.

Mark: Anong GF?

Sa kabilang dako, taka naman si Jen sa sagot ng lalaki. Lintek na Mokong to. Magmamaang maangan pa. Player talaga. Gigil na nag text ang dalagang muli.

Jen: kakaila ka pa! Ano palagay mo sa kin? Bulag? Kasama mo kagabi di ba? Hinalikan ka pa sa stage ng malandi mong GF.

Umakyat ang inis sa ulo ni Mark. Ayaw na sana niyang patulan pa ang panggagalaiti ng dalaga pero kailangang itama ang maling hinala nito.

Mark: Hindi malandi si Mich, Jen…malambing lang sa akin ang PAMANGKIN ko.

Natigilan si Jen sa nabasa. Napangiwi at nasundan ng pagpikit. Biglang naguilty ang dalaga sa pinagsasabi. Hindi siya maka text back. Nawala ang initiative ng atake niya kay Mark. Nag shift siya sa defensive position.

Jen: Basta…manyakis ka pa rin…bakit pati si Leslie ha?

Napipikon na ang lalaki. Atake pa rin ng atake ito. Teka nga.

Mark: E di ba kasama mo ang BF mo that night? So ano ang kinagagalit mo, Jen?

Mabilis ang sagot ng dalaga. Dumepensa na.

Jen: Ex ko yun…pinagbigyan ko lang dahil inabangan ako sa work nung lumabas ako. Ayoko ng eskandalo kaya sumama na ako sa dinner treat niya daw.

Mark: O e di ayos na pala kayo uli.

Jen: Anong ayos ang pinagsasasabi mo? Iniwanan ko siyang mag isa dun dahil sa inis ko sayo! Teka bakit ako pa ang parang may kasalanan ha?

Hindi na nag aksaya ng pahahon si Mark. Ibinigay na ang nakatagong pang atake.

Mark: Jen, sabihin mo nga sa kin kung paano ako nakontak ni Leslie? Hindi ba ang lumalabas e parang ipinasa mo ako sa kanya? Tapos nakita ko pa kayo ng ex mo…ikaw ang tumayo sa paa ko…ano ang iisipin mo? of course mali ako, now that i think about it, pero nung kontakin ako ni Leslie, ano sa palagay mo ang nararamdaman ko at nagtulak sa kin ha?

Hindi agad makasagot ang dalaga sa text ni Mark. Hindi completely baseless ang katwiran ng lalaki. May bahagi siya kung bakit nangyari ang pangyayari. Gustuhin man niyang sisihin si Leslie, di niya rin magawa. Likas na sa kaibigan niya ang maging adbenturera. So kung iisipin talaga, sa kanya nga nagsimula ang lahat. Tama rin si Mark na isiping pinagpasahan siya, pag amin ng isipan ng dalaga. Pero hindi humuhupa ang galit ng dalaga. Basta! Mali pa rin ang Mokong na yun! at muling nagtext ang dalaga.

Jen: Basta mali kang Mokong ka. I hate you!

Hindi na nakapagpigil si Mark. Pinindot nito ang call button. Paulit ulit nagriring ang phone ng dalaga ngunit walang sumasagot. Di nagtagal at narelay ang tawag ng lalaki sa voicemail nito. Pinili ni Mark ang mag iwan ng voice message. May emosyon ang tinig na pinakawalan ng lalaki na may ilang minuto rin ang itinagal. Nang makatapos ay pinindot nito and end. Binitiwan ang CP. Naghintay ng ilang sandali kung may text na darating. Wala…Tahimik na ang CP niya. Nilagok ng lalaki ang natitirang brandy sa wine glass at dumiretso sa shower room. Nanatiling tahimik ang CP nito.

Hindi mapakali si Jen sa pagkakahiga nito sa kama. Di na nagtext si Mark matapos ang voicemail nito. Alam ng dalagang galit pa rin siya sa lalaki. Muli nitong pinakinggang ang voicemail:

“Dont hate me, Jen…be mad at me. I know you should. But hate is such a strong word. Ok…kasalanan ko na ang lahat. Kung gusto mo pati pagpatay kay Rizal at Bonifacio aakuin ko na. But please dont stay mad at me…Let’s talk please. I seldom beg…but im begging now…there is always a time for forgiving and forgetting. If you choose to forget me, i will respect that…but give me the chance to plead my case and be forgiven…give me a chance to see you one last time…then i’ll walk away and promises not to bother you anymore…I’ll be at the same place where you saw me last night…I’ll wait until 11pm…if you dont show up, then i guess i know your answer…and if it so happens, then hopefully time will gradually ease up the pain i caused…and melt the hatred youre feeling now…”

Napabuntonghinga si Jen. Ramdam na ramdam niya ang bigat ng kalooban ni Mark sa message nito. Pero may isang bahagi ng kanyang pagkatao ang ayaw sumuko. May isang bahagi na nagsasabing patuloy siyang magalit sa lalaki…kahit pa nga nagsisikip ang dibdib niya sa narinig na pakiusap nito. Hindi alam ni Jen kung bakit niya tinotorture ang sarili. Muli’y pinakinggan niya ang mensahe ni Mark…

CUTE ang waitress na kaharap ni Mark. Matamis ang ngiti nito na lalong nagpaganda sa may pagka chinita nitong hitsura. Pero walang epekto kay Mark ang ngiting yun na sinuklian niya lang ng matamlay na pagngiti rin. Iniabot na ni Mark ang maliit na leather folder sa waitress. Nakaipit na dito ang bayad sa kanyang bill at pati ang tip niya. Tinungga ni Mark ang pangatlong bote ng beer at tumayo na. Pasado alas onse… Hindi na niya uubusin pa ang natitirang dalawa sa bucket. Ni hindi halos nagalaw ni Mark ang pulutang inorder. Nagsimula nang tunguhin ni Mark ang exit ng acoustic bar and restaurant. Tanaw niya sa open exit/entrance ng lugar ang pagpatak ng mala ambong ulan. Sa stage, parang nananadya naman ang solo performer at ang gitara nito.

“I never meant to cause you any sorrow.
I never meant to cause you any pain. ”

Nasa bukana na si Mark ng entrance. Tumingala ito na parang sinusuri ang langit. Walang maaninag na bituin. Mas madilim ang gabi.

“I only wanted to one time to see you laughing.
I only want to see you laughing in the Purple Rain”

Huminga nang malalim si Mark. Mabigat man ang kalooban niya. Wala na siyang magagawa. At least, I tried, pang aalo nito sa sarili.

“Purple rain, Purple rain…
“Purple rain, Puple rain…
Purple rain, purple rain…
I only want to see you bathing in the purple rain…”

Nagsimulang mag fade ang kanta sa pandinig ni Mark. Isinuksok nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. Gusto niyang maglakad kahit medyo lumalakas na ambon …Magandang kumbinasyon…madilim na gabi…pumapatak na ulan…at siya! Very appropriate. Nagsimulang maglakad ang lalaki. Dalawang kanto lang ang layo bago niya marating ang Quezon Avenue. Masakit…mabigat sa dibdib…pero wala na siyang magagawa…

“Gusto mo talagang magkasakit, Mokong ka?” narinig na lang ni Mark ang pamilyar na tinig mula sa likod at ang biglang pagkakaroon ng proteksyong payong sa ulo niya.

Hindi nagpapapaniwalang masyado sa anghel si Mark. Ngunit nang mga sandaling yun, kung tatanungin mo ang lalaki, lubos na siyang naniniwalang may anghel nga. Wala sa langit…Nasa lupa…At umiiyak na kaharap niya!

ITUTULOY

Scroll to Top