Bastusin Mo Ako, Kuya! Part 9-10

ni sweetNslow

MATAAS NA ang araw nang makarating si Jen sa kanilang bahay. Dumirecho na to sa kanyang kuwarto matapos humalik sa inang nagluluto ng tanghalian. Pagod pa rin ang pakiramdam ng dalaga. Kahihiga pa lang ni Jen nang tumunog ang phone. Text message.

“Hope youre home safe and sound,” galing kay Mark. May icon pa ng kumikindat ng smiley.

“Im home….in bed now…really tired..” sagot niya sa text na sinamahan naman niya ng nakadilang icon. Hindi na nagtext pang muli ang lalaki. Inaantok na ang dalaga at gustong magpahinga kaya’t nung kinatok ng ina ang kuwarto para yayain siyang kumain ay nagdahilan na lamang ang dalaga na busog pa siya at gustiong magpahinga. Pinabayaan na lang siya ng ina. Masungit talaga anak niya pag pagod. Kakain din ito pag nagutom, pagkonsola ng matanda sa sarili.

Nagising na lang si Jen sa maingay na katok ng kanyang ina.

“Bumangon ka na, Jen…Andyan si Bong sa labas,” malakas nitong sabi.

“Babangon na ho,” medyo inis niyang sagot. Tumingin siya sa relo. Alas singko na pala. Ano naman kailangan nang lalaking to. Ex bf niya si Bong. May 2 months na rin silang nagbreak at kahit text pa ng text ito sa kanya, hindi na niya masyadong pinapansin. Guwapo kung sa guwapo si Bong…Maganda ang tindig nito sa height na 5’8″. ..Magaling pumorma…Daming may crush dito pati yung bestfriend niyang si Leslie crush ang ex niya. Nung una masaya si Jen. Feeling lucky at siya ang niligawan ng lalaki. Pero nung tumagal tagal na, nagsimulang tumubo ang unti unting pagkawala ng amor niya dito. Masyadong self centered at childish. Naka cancel ang mga dates nila o di kaya’y di siya masundo, or late naman, dahil sa hilig nito sa DOTA. Ni hindi mo maringgan kung ano ba ambisyon nito sa buhay or kung bahagi ba siya ng future nito. Either nasa tropa niya ito at naglalaro ng basketball or nakikipag inuman after. May talent kasi sa basketball ang kumag. Tuwang tuwa sa mga humahanga sa kanya. Kung anong bilis kumilos sa basketball at galing magpashoot ng lintek, ganun din kabilis kumantot. Akala mo laging last two minutes na ang laban. In short, madalas sa hindi, nabibitin si Jen sa kantutan nila na pasimple siyang pumupunta sa CR pag nakatulog ang lalaki para idaos pag nabibitin ang kalibugan niya. Pero sa kwentuhan nilang magtotropa, tsismis sa kanya ng kaibigan niyang babae, akala mo kung sinong eksperto…at pati ibang mga babaeng kinantot nito ay kinukuwento pa sa tropa niya. May kahanginan talaga. Ano nga ba nagustuhan niya dito? Guwapo kasi eh. Hmp. Yun bang feeling mo masarap dahil para kang nanalo sa kompetisyon dahil ikaw ang naging GF. Pero lumilipas din yung novelty ng feeling na yun. Napapalitan ng contempt. So minsan nahuli niyang may kasama to sa Fisher Mall nung magawi sila ni Leslie dun, boom! Tapos ang relasyon! Nakailang text ito sa kanya pero dinedma na nya lang. Nilibang na lang niya ang sarili sa pagababasa nung matagpuan nga niya yung site ng erotic fiction…kung saan nakilala niya si Mark na mahigit 20 years ang tanda sa kanya…and the rest is history na nga…masarap na kantutan history! Binura niya pilit ang alala ng nakalipas na gabi. Pinuntahan niya ang sala kung san nakaupo si Bong na agad ay gumuhit ang ngiti sa labi nung makita siya.

“Napadalaw ka yata?” sarkastikong tanong nito. “Saan may patay?,” dagdag pa ni Jen. May dalang naka box na rose ang lalaki at isang malaking bar ng Toblerone.

“Beh, naman…Bati na tayo please,” masuyong sabi nito. “Para sayo o,” at iniabot ng binata ang mga dala. Hindi ito tinanggap ni Jen. Ibinaba na lang ni Bong sa lamesita ang dala.

Hindi napigilan ng dalaga ang inis. “Beh mo yang mukha mo…” sagot na pabalang ni Jen. “Hello…Earth to Bong…2 months na tayong break no.” dagdag pa ng dalaga.

“Ikaw lang naman nakipag break eh,” masuyo pa ring pangangatwiran ng lalaki. “Hindi ko naman tinanggap ang break natin eh…so mag on pa rin tayo.”

“Ganun? ” sarkastiko pa rin ang dalaga. ” So kung sino sinong babae ang kinakalantare mo pero on pa rin tayo…as in tanga na lang ang peg ko?”

“Wala naman yun eh…parang fling fling lang….Di tulad mo…alam mo namang ikaw ang mahal ko eh,” pang aalo ng lalaki kay Jen.

“Neknek mo! Fling mo mukha mo!” lalo lang nag iinit ang ulo ni Jen sa katwriran ng lalaki.

“Jen naman o…Please bati na tayo?” pakikiusap ni Bong.

“Bong, pwede…tantanan mo na ako…wala ako sa mood…pagod ako at may pasok ako bukas,” dismissive na ang boses ng dalaga.

“Ok…alis na muna ako.” medylo pagsuko ng binata. “Sunduin kita sa work mo ha?” pamamaalam nito sa kanya.

“Ewan…bahala na!” ayaw na ni Jen humaba pa ang usapan.

Namaalam na ang lalaki sa kanyang ina at tuluyan nang umalis. Naghapunan naman si Jen. Nang makatapos ay nanood sandali ng tv bago tinungo ang shower. Ramdam pa ng dalaga ang pananakit ng kalaman niya dahil sa nangyari ng lumipas na magdamag. Refreshing ang dulot ng shower sa dalaga. Makalipas pa ay dumiretso na ito sa kuwarto niya matapos magpaalam sa ina. Tulad ng nakagawian, nagpanty na lang at sando ang dalaga at humiga na uli sa kama niya. Niyakap ng dalaga ang unan at inisip na ito ang bisig ni Mark. May ngiting sumungaw sa kanyang labi at ginhawang naramdaman ang kanyang katawan. Nakangiti ang labi ng dalagang nakatulog ng mahimbing ng magdamag na yun…

BREAKTIME na ni Jen nung makareceive siya ng text kay Mark. Hoping she’s having a good day daw. Na sinagot naman ng dalaga ng nakangiti at kumikindat na icon. Sinagot ng lalaki ito ng icon na dumidila at dalawang puso sa mata. Napangiti naman ang dalaga. Nasa canteen ang dalaga. Spaghetti and Mango juice as usual.

Jen: So ano ginagawa mo?

Mark: Preparing my things. Papunta ako sa Batangas. Mag aanak sa binyag. Hope to be back soon though.

Jen: Oh, well…ingat ka ok?

Mark: You too, Kiddo..I really miss you…and yours…

May kasamang icon na kumikindat ang lalaki. Napatawa naman si Jen sa kapilyuhan ng lalaki sa text. Hindi niya namalayang papalapit na BFF niyang si Leslie na nagtatakang tinitignan ang kaibigan niya.

“Oy bruh, tamang mental ka yata e ang aga aga pa.” sabay upo nito sa opposite chair kay Jen.

Nginitian lang ni Jen ang kaibigan. “Wala…masaya lang ako.” sagot nito kay Leslie.

Si Leslie…kaklase…kaibigan..taklesa…at dalagang mahilig magkwento ng kanyang mga sex adventures. Lapitin ng lalaki ang morena niyang kaibigan. Maganda ang front bumpers nito. Takaw tingin ika nga. Sa taas nitong 5’5″, shapely at longlegged ito na pag naglalakad napapasipol talaga ang mga lalaki lalo pa nga’t imbes na magalit ang Leslie, nginingitian pa nito ng malagkit ang mga humahanga sa kanya. Mahaba ang buhok nito na alon alon na binagayan ng hugis pusong mukha. Mabilog ang mata na sinamahan ng matangos na ilong at sensual na labi. Lalong nangingibaw ang ganda ng kaibigan pag ngumingiti ito dahil na rin sa dimples na lumalabas. In short, mala anghel ang pagmumukha na sinamahan ng nakakademonyong pangangatawan. Malibog ang kaibigan niyang ito. Aminado naman si Leslie. Ilang beses na itong nagkuwento sa kanya tungkol sa mga one night stands na nangyari dito. Meron pa nga daw na medyo may katandaang lalaki na dinala siya sa resthouse sa Batangas at talaga daw kinantot siya ng husto for 2 days. Naka viagra siguro, natatawang kuwento pa nito sa kanya. Masayahin si Leslie. Masarap kasama. Hindi plastik. Kaya nga siguro nawili siya sa company nito. Ang pinagkaibahan nga lang nila ni Leslie, lantad sa kanya ang kalibugan ng kaibigan samantalang siya ay yung tipong sa loob ang kulo. Aaminin niya, sa mga kuwento ni Leslie di niya rin napipigilang mag init…at mainggit. Siguro yun ang dahilan kung bakit naging ganun siya sa chat nila ni Mark na pinagsimulan ng lahat.

“Hmnnn…” pagmamasid ni Leslie kay Jen. “Sa mga ngiti mong yan eh malamang nadiligan ng suka ang uhaw na lumpia.” panunukso pa nito.

“Huy, wag kang maingay diyan,” nangingiti pa rin niyang saway sa kaibigan.

“Nagkabalikan na kayo ni Bong?” usisa pa uli nito.

“Nope…” matipid na sagot Jen.

Lumaki ang mga mabilog na mata ni Leslie. ” Girl, may iba kang Fafah?” nagulat nitong tanong.

Ngiti lang uli ang isinagot ni Jen sa kaibigan na lalo lang nagpa arouse sa kuryosidad nito.

“Sabi na eh…Pa shy shy type ka pa eh…malibog ka rin…hihihi.” humahagikhik na sabi nito. “Sino ha? kilala ko ba?” Dagdag na tanong pa uli nito.

Ayaw na sanang sagutin pa ni Jen ang kaibigan pero alam niyang hindi siya titigilan ni Leslie. Naisip niya rin na pagkakataon na ito para siya naman mang inggit sa kaibigan. Hindi yung siya na lang lagi ang nakikinig dito…at naiinggit…nag iilusyon. Well, its my time to get my vengeance at napangiti pa siya sa satisfaction na dala ng takbo ng kanyang pag iisip.

“Wag mong pagkakalat ha?” tanong muna nito sa kaibigan na mabilis namang tumango at nangalumbaba pa sa harapan niya na pataas taas pa ang mga kilay. At sinimulang ikwento ni Jen kay Leslie ang mga nangyari. Kung paano nagsimula dahil sa pagbabasa niya ng kuwento ni Mark …at ang finale…kung saan masarap na nagtapos.

“Whew…” napabuntonghinga si Leslie matapos ang kuwento ni Jen. ” Wow ha?” naiiling iling pa nitong sabi. “Swak na swak pala experience mo, Jen..” Pero sa isip ni Leslie ay parang may umuusbong na inggit sa kaibigan. Mainit ang kwento nito. Ngingiti ngiti lang naman sa kanya si Jen na medyo namula ang pisngi dulot ng alaalang hatid ng sariling kuwento.

“Anong site naman yun ha? ” tanong nito. “Baka makakatagpo din ako ng tulad ng Mark na yan.”

Sinabi naman ni Jen sa kaibigan ang site.

“Ano naman title nung binasa mo? Babasahin ko rin at naiintriga lang ako.” dagdag na tanong nito.

Sinagot naman ni Jen na walang halong paghihinala sa kaibigan. Hindi siya ang tipo na mapaghinala. Wala siyang kaalam alam sa pinaplano ni Leslie…Na dahil sa kuwento niya ay di lang intriga ang naramdaman nito. Nag init si Leslie. Naramdaman niya ang pamamasa ng kanyang pagkababae sa kuwentong inilahad ng kaibigan. At nabuo ang isang balak sa isipan ni Leslie. Maya maya pa’y sabay na silang umalis ng canteen upang umattend sa isang minor subject kung saan sila magkaklase sa kurso nilang HRM.

NAKATULOG maghapon si Mark pagkagaling sa probinsyza. Madaling araw na siyang nakauwi at naubos na ang maghapon sa pagpapalipas ng hangover na napala niya sa pakikipagtunggaan sa Batangas. Nag text siya kay Jen na nakabalik na siya pero grabe ang sakit ng ulo niya na sinagot naman ng dalaga na ipahinga muna niya at saka na lang sila uli magkita. Nagising na lang siya sa katok ng ina.

“Mark, bumangon ka na dyan oy,” sabi nito. “Andito mga pamangkin mo.” dagdag na sigaw ng nanay niya na kahit kelan hindi marunong magmodulate ng boses nito. Hindi na siya nagtatakang namatay ang kanyang tatay na mahina na ang pandinig bago pumanaw. Ikaw ba naman ang araw araw may machine gun na nakatapat sa tenga mo.

“Oho,” sagot niyang malakas din. “Lalabas na dyan.”

Nagsuot lang ng Tshirt at shorts si Mark at pumanaog na upang harapin ang mga pamangkin.

“Uncle!!!” sigaw ng tatlong pamangkin niya mula sa panganay niyang kapatid na matagal na ring sumunod sa kanyang ama. Si Mich, Kevin, at Anne. 25, 23 at 22. Puro di papatalo hitsura ng mga pamangkin niya, naisip isip ni Mark. Sabagay, guwapo ang kanyang kapatid at maganda ang napangasawa nito na ngayon ay nagtatrabaho na sa Italy. Hindi bababa sa 5’6 ang height ng dalawang babae at halos magkasingtangkad lang sila ni Kevin. Puro naka casual na porma ang mga pamangkin niya. Naka shorts lang lahat na binagayan ng mga runners na puro Nike. Sagana sa pamporma ang mga ito. Sunod ang layaw sa ina.

“Oh, aga nyong mambilahaw ha?” bati nito sa tatlong pamangkin. Isa isang humalik sa pisngi ang mga dalaga at yumakap naman si Kevin sa kanya.

“Uncle naman…5pm na kaya,” parang patampong sabi ni Mich.

“Uu nga naman uncle.” pag sang ayon ni Anne. “Tsaka ang hirap mo kayang matyempuhan no…lagi kang wala. Hmp” dagdag nito na umingos pa. Tatawa tawa lang si Kevin sa mga kapatid. Alam na niya ang estilo ng dalawa.

“Ok..ok..” sabi ni Mark. “Nakuha nyo na ang mga pasalubong nyo?” nagtanguan naman ang mga pamangkin. “O e ano pa ginagawa nyo dito?” tanong ni Mark.

“Harsh mo naman uncle…di mo namiss ang magaganda at guwapo mong pamangkin?” may ngiti sa mata ng panganay na pamangkin.

Napangiti na lang si Mark. Alam niya naglalambing ang mga ito sa kanya. “Ok…ano ang gusto nyo?”

Sabay sabay nag yehey ang tatlong pamangkin niya. Kain daw sila sa labas. Preferrably daw yung may acoustic bar para relaxed sabay punta daw sila sa disco.

“Disco?” tanong ni Mark. “Palagay nyo sa edad kong ito mahilig pa ko sa disco?”

“Wag ka naman killjoy, uncle…minsan ka lang namin makakasama eh.” papiksing sabi ni Anne.

“Alam nyo ba iisipin ng mga tao pag nakita akong kasama nyo sa disco?” tanong uli ni Mark.

“Ano?” sabay sabay uling tanong ng mga pamangkin nito.

“Na may kasama kayong D.O.M.” sagot uli ni Mark. Nagtawanan naman ang mga pamangkin niya. “Ganito na lang…” simula uli ni Mark. “Punta na lang tayo dun sa isang restoran sa mother ignacia… May acoustic dun at karaoke na rin…or pinagsasabay nila..may mga singers or banda of sort,” suhestyon nito sa mga pamangkin.

“Bahala ka na uncle,” sagot ni Kevin. ” Isa lang naman ang gusto ng mga to eh” sabay nguso sa mga kapatid. “Magmatakaw nang hindi magbabayad!” Muli’y naghalakhakan ang mga magtitiyo.

TAPOS na ang oras ng work ni Jen. Naglalakad na ito patungo sa direksyon ng parahan ng mga jeeps biglang may sumalubong sa kanya sa labas. Si Bong.

“Ano ginagawa mo dito?” inis niyang tanong sa lalaki.

“Sinusundo ka,” sagot naman ng lalaki.

“Sino naman may sabing sunduin mo ako?” asar pa rin niyang tanong.

“Jen, naman…hahatid lang naman kita eh.” may pakiusap na sa tinig nito.

“Hay, bahala ka na nga…” sabi ng dalaga dahil nagtitinginan na ang mga tao sa kanila. Ayaw niya ng eskandalo.

Nang sakay na sila ng taxi at binabaybay na nito ang kahabaan ng Quezon Ave, lumiko ito pakanan papuntang direksyon ng ABS CBN.

“O saan tayo pupunta?” may pangambang tanong ni Jen kay Bong.

“Kakain lang po…di pa ko naghahapunan eh…treat ko na rin,” sagot nito.

Hindi lang umimik si Jen. Naiiling siya. Hindi niya malaman kung bakit inis na inis siya kay Bong samantalang dati naman ay tuwang tuwa siya pag magkasama sila nito. Bumaba sila sa isang restoran na popular sa mga inihaw na putahe at mga seafoods as well. May trio performers sa maliit na stage na malapit lang sa mesang kanilang inupuan. Dalawang babae at gitaristang lalaki na sumasabay sa background music na dumadaloy sa speaker mula sa laptop na gamit ng mga ito. So parang karaoke rin.

NAGULAT SI Mark sa pagkakaupo nang matanaw ang magkaparehang naupo sa table na malapit sa make up stage ng restaurant na yun. Hindi siya maaaring magkamali. Si Jen yun…at may kasama…guwapo…malamang BF nito. Hindi maipaliwanag ni Mark pero parang may kumurot sa kanyang dibdib. Hindi siya napansin ng dalaga dahil nasa sulok sila ng kanyang mga pamangkin na kasalukuyan abala sa pagkain at pagbibiruan.

“Uncle? Bakit ka tulala diyan?” tanong ni Kevin. Nagtinginin din ang dalaga sa kanilang tiyuhin at pansamantalang tumigl sa pagkain.

“Ha? Wala…may naisip lang ako..” pagdadahilan ni Mark. Nagkibit balikat na lang ang tatlo at nagpatuloy sa pagkain at pagkukuwentuhan. Kumakain na rin si Jen at ang BF nito. Hindi maiwasang tignan ang mga ito ni Mark. Medyo may pait ng konti ang ngiting gumuhit sa labi ng lalaki. But then again…what right do i have to feel this way? Wala…aminin man niyang masakit ang nakikita niya, one night doesnt mean anything, right? Nagrarationalize na si Mark sa sarili. Silly me…at muli ang ngiti ng isang taong hindi masaya ang namayani. Iniwasan na lang niyang mapatingin sa gawing yun kung saan kasalukuyang kumakain si Jen at Bong.

NABALING ang atensyon ni Jen at Bong sa makeshift stage. Tumigil sandali ang trio at nagpasalamat sa mga customers at sa palakpak na tinanggap ng mga ito after their last song. Nagsalita ang gitarista sa mic.

“Anyway, rerequest muna kami sa aming regular customer na kantahan tayo,” sabi nito. ” Regular customer..pag andito siya sa pinas. hahaha,” natatawang sabi pa nito. “Narinig nyo na rin siguro siya kung madalas kayong magawi dito pag bakasyon niya.” Sandaling nag pause ang gitarista. “So Sir Mark, lika na dito sa stage. It’s jamming time.”

Parang pumitlag ang dibidb ni Jen ng marinig ang pangalang tinawag. May kakaibang kabang pumasok sa kanyang dibdib. Sinundan niya ng tingin ang direksyon tinitignan ng gitarista. Natulala siya. Si Mark nga ang nakikita niya o dinadaya lang siya ng kanyang mata. Naglalakad na ito patungo sa stage.

“Ok ka lang?” tanong ni Bong kay Jen.

“Ah, Y-yes…ok lang ako,” pagdadahilan ng dalaga kahit nininerbyos siya at di alam ang iisipin nung mga sandaling yun. Ramdam niya namumula siya. Napatungo na lang ito sa pagkain.

Dumaan pa si Mark malapit sa inuupuan ni Jen papuntang stage. Hinawakan nito ang iniabot na gitara ng gitarista at pinasalamatan ito. Umupo si Mark sa mataas na stool at inadjust ang microphone sa level ng kanyang bibig.

“Pasensya na po kayong lahat, ” panimula nito. “Mahilig lang talaga akong magkalat.”

Tawanan naman ang mga taong nakatingin lahat sa lalaking nasa stage. At nagsimulang kalabitin ni Mark ang gitara. Hindi niya napigilang mapatingin sa direksyon ni Jen. Nakatingin din ito sa kanya…ngunit unti unti nitong ibinaba ang medyo namumulang mukha at ibinalik ang atensyos sa pagkain na nilalaro laro lang ng kubyertos nito…

“ANG MUNDO KO AY GUMUHO,” panimula ni Mark sa unang linya ng kanta at muling tumingin kay Jen. Parang tumatagos naman ang boses ni Mark sa dibdib ng dalaga. Patuloy lang ang lalaki sa parang mas emosyonal niyang rendisyon ng kanta ni Gary Granada.

“Nang sinabi mo sa kin
Na ang pag asa ko’y malabo
Di mo pwedeng mahalin.”

Hindi alam ni Mark pero parang gustong gumaralgal ng boses niya. Pero the show must go on ika nga. Ilang mga customer ang napapalakpak sa lyrics ng kanta. O kaya ay polite lang, sa isip isip ni Mark, kaya pumapalakpak.

“At mayroon na kamo
Sayong nagmahahal.
anong magagawa ko
Kundi ang magdasal…”

Nakatungo na lang si Jen at di na tumitingin sa kanya. Sumisikip din ang dibdib ni Mark. Kahit siya ay nadadala ng kanyang kinakanta.

“Na pag ika’y may pagkukulang
Lagi niyang pupunuan.
Ang iyong pangangailangan
Lagi niyang tutugunan…

Bumubuwelo na si Mark papalapit sa chorus nang kanta. Mas nagiging emosyonal na siya. Yun tipong nasasaktan pero nagpapakalalaki…nagpapanggap…na hindi masakit ang katotohanang nasa harapan mismo ng sarili niyang mga mata.

“Sana ay mahal ka niya
At walang iba…
At siya nga palaaaaa….

Nakatingin na si Jen sa kanya. Tinatamaan na masyado ang dalaga sa kantang narininig. Ngumiti si Mark…Ibinuhos ang damdamin sa awitin.

“Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo,
Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo,
Balitaan mo ako pag hiwalay na kayo
ng boyfriend mo …oh woh…

Magkahalong palakpakan at tawanan ang pumailanlang. May waitress na sumigaw pa ng sir, hiwalay na kami ng BF ko! Tuwang tuwa ang mga pamangkin ni Mark. Click ang uncle nila sa pakwelang love song nito. Di napigilan ni Jen ang mapatawa sa kanta. Kuwela ang dating…pero alam niya…nararamdaman niya ang nararamdaman nito. Napansin naman ni Mark ang hindi napigilang pagtawa ni Jen. Binago nito ang huling bahagi ng inaawit.

“Pag hiwalay na kayo ng boyfriend mo
Pag hiwalay na kayo ng boyfriend mo#
kung pwede…akina…
ang number ng boyfriend mo….
mas bagay kami….hindi kayo…
kami ng boyfriend mo…oh woh…

At naghagalpakan na ang mga tao na hinaluan ng palakpak. Pigil na pigil ni Jen ang pagtawa. Kwela talaga ang mokong na ito. Ngunit napalitan ang kanyang tawa ng pagkabigla ng may magandang babae na pmunta sa stage at hinalikan sa pisngi si Mark.
Napangiti naman si Mark dahil sa kapilyahan ng pamangking si Mich. Naiiling niyang itinaboy ito pabalik sa lamesa nila.

“Ayos, sir…” sabi ng gitarista kay Mark.

Nag thank you si Mark sa gitarista at kinamayan ang gitaista. Sa kamay niya ay may nakatuping sanlibo. Tinanguan lang niya ang gitarista nung maramdaman ang nakaipit sa kanyang kamay at binulungan ng shhh bago tuluyang bumalik sa table ng mga pamangkin. Hindi na niya napansin ang nakasimangot na ekspresyon sa mukha ni Jen.

“Tapusin nyo na yan at ihahatid ko na kayo sa disco…uuwi na ko…” sabi ni Mark sa mga pamangkin. “Sakit pa ulo ko sa hangover kagabi.” pagpapaliwanag nito. Pumayag naman ang mga pamangkin niya. Alam nilang pagod pa ang kanilang uncle. Pagkabayad ng bill at pagkabigay ng tip sa waiter, sabay sabay nang tumayo ang grupo at tinungo ang direksyon palabas. Kinawayan na lang ni Mark ang trio sa stage na nagpasalamat naman sa kanya sa mic. Hindi na tinignan ni Mark ang table ni Jen. Ayaw naman niyang parang masyadong paawa epek. Di niya estilo yun. At umalis sila ng lugar na yun. Nakasunod ang mga mata ni Jen sa grupo…Inis…galit..Nagseselos!

Maya maya pa’y nagyaya na ring umuwi Jen. Umungot pa si Bong kung pwede daw silang mag short time na sinagot niya ng matigas na “Ano ka siniswerte!” at iniwanan nito ang lalaki at sumakay na mag isa sa taxing pumarada sa harapan nila. Wala nang nagawa si Bong nang tumakbo na ang taxi. Iiling iling itong naghintay ng sariling taxi.

Nagshower agad si Mark pagkadating sa bahay at dumiretso na sa kuwarto nito. Hindi maalis sa isip ang eksena kanina. Guwapo pala BF eh. Wala kang binatbat Mark, pang aasar ng isipan nito sa kanya. Kinuha ni Mark ang laptop niya at nag online sa site na pinagsusulatan niya. Naghahanap siya maaaring isulat upang ma divert ang utak niya sa kaiisip kay Jen.

NATAPOS ni Leslie ang binabasa. Siyet, sabi nito sa sarili. Magaling nga magsulat ang Mark na yun. Kahit siya ay di napigilan ang pag iinit na naramdaman habag binabasa niya ang kuwento nito. Lalo siyang naintriga. Ano kaya kung…? Hmnnn…Di naman siya BF ni Jen eh. Binibigyan niya ng hustisya ang binabalak. Well…bahala na! Pinadalhan niya ng message si Mark. Magkahalong nerbyos at excitement ang naramdaman ng dalaga ng i press niya ang send button.

Nakita naman ni Mark na may message siya sa inbox niya. Binuksan niya ito.

“Hi, Mark.” saad ng message.

Nagtaka ang lalaki. Paano nalaman nito ang pangalan niya eh alias lang naman ang gamit niya sa site na yun. Nagtype ang binata sa reply.

Mark: Sino ka? Paano mo nalaman pangalan ko?

Leslie: I’m Leslie…Kaibigan ni Jen…Naikwento ka niya sa kin.

Mark: Naikuwento?

Leslie: Yeah…naikuwento nang buong buo…walang labis walang kulang…hihihi.

Walang hatid na tuwa sa lalaki ang message na yun. Iba ang pumasok sa isipan niya. So ganun lang pala talaga sa kanya yun? Experience lang pala habol ni Jen sa kanya at ngayon? Ipapasa na siya sa iba? Absurd mang isipin, pumasok sa isipan ng lalaki na he’s being used para sa katuwaan ng magkaibigan. Napailing na lang si Mark. Sinagot uli si Leslie.

Mark: What do u want?

Leslie: Obvious naman what i want eh….Or baka hanggang kwento lang pala sinabi ni Jen?

Naghahamon ha. Sa isip isip ni Mark, Ok…so this is how they play their games now.

Mark: Where and when?

Leslie: Burger King Welcome Rotonda . I’ll be there in an hour.

Mark: Ok. Im calling your bluff.

Leslie: Who’s bluffing? baka naman takot ka lang? sabihin mo na.

Mark: Burger King. One hour. Bye.

Leslie: Bye.

Pagbaba ni Mark ay saktong paparada naman ang kapitbahay niyang taxi driver. May naisip ito. Kilala siya nito. Nakangiti pa ito ng lumapit siya dito. May naiisip na plano si Mark. Gusto mo ng excitement Leslie? Well, this will be a night you wont forget.

“Manong, Gusto mong kumita ng extra 2,000?” tanong niya dito na sinuklian naman ng matanda ng napakaluwang na ngiti.

ITUTULOY

Scroll to Top