ni Fiction-Factory
After all these years, finally nagkaroon din ako ng pagkakataong humingi ng tawad sa kanya. Sa twing magkakaharap kasi kami nawawalan talaga ako ng lakas ng loob na mag-apologize sa mga nagawa ko sa past.
Pero hindi ko alam kung bakit parang nahihirapan pa rin akong mag-let go… Siguro dahil ngayon ko pa lang narerealized ang lahat ng pagkakamali ko, at ngayon ko lang pinanghihinayangan ang lahat ng sinayang ko.
I’ve cheated her…
And I realized, fuck! only in the end, na masakit pala yung ginawa ko sa kanya, at alam kong hindi lang sya ang niloko ko at sinaktan, alam ko pati anak namin, at kung may higit na nagdusa at nahihirapan, alam ko yun yung kaisa-isa naming anak.
At the end, ako pa rin yung talo. Iniwan ako ng mag-ina ko, nung una ayoko pang ibigay yung anak ko, katunayan humarap pa kami sa korte, pero talo pa rin talaga ako dahil sya ang pinili ng anak ko.
Masakit para sa akin yon… Yung magising ka sa umaga na wala sa tabi mo ang asawa’t anak mo. Yung harapin mo mag-isa ang mga bagay na nakasanayan mo ng gawin kasama ang pamilya mo.
Wala naman akong nagawa kundi tanggapin na lang ang lahat. Sinabi ko na lang sa sarili ko na ito na lang ang magiging kabayaran sa lahat ng nagawa kong kasalanan.
Kung bakit kasi nagmatigas pa ako noon eh! Kung nagpakumbaba na lang sana ako noon at humingi na lang sana agad ng tawad. Tingin ko kasi sa asawa ko noon mukhang desidido na talaga sya na hiwalayan ako. Ang naging katuwiran ko tuloy ay kung ayaw na nya, ayaw ko na rin. Which I think is the worst mistake I ever made.
Inuna ko pride and ego ko bilang isang lalake.
Hindi lang yon, it seems that my wife made her final tough decision. Hindi ko alam kung paano sya nakakuha ng restraining order sa korte, but the point is kumuha sya at pinagbawalan akong lapitan o makita man lang sila ng anak ko.
So from that point, I decided na magpakalayu-layo na lang at magpalamig sa ibang bansa. Doon ko narealized na mali ang lahat ng ginawa kong desisyon.
Habang namumuhay ako na mag-isa itinuon ko na lang ang oras ko sa trabaho. Nagsikap ako at nagpakayaman. Hinarap ko lahat ng hirap at nangako ako sa sarili ko na one day babalikan ko ang mag-ina ko at aayusin ko na yung problema between me and my ex-wife.
Ganunman minomonitor ko pa rin sila thru social medias. Gumraduate ng elementary yung anak ko pero wala ako sa tabi nya. Pero hindi naman ako nagkulang financially, pinapadalhan ko ang anak ko lingid sa kaalaman ng asawa ko, ayaw kasi nyang tumanggap. Andaming messages ng anak ko for me na nagsasabing sana magpakita na ako sa kanya.
(This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this story to an actual living or non-living is definitely coincidental. Please do not continue reading if you are below 18 years of age.)
There is this some difficult times that we have to face a certain situation wherein we have to make a choice that we don’t want to make, ’cause the choices are equally unsatisfactory.
I’ve been through in many different instances, but this one might be the worst predicament ever came into my life. It’s like i’m dying every single day of my life. Fighting for something I’ve already given up.
“Okay Johna, i’m on my way…”
Kausap ko sa phone ang anak ko while driving. Gustong-gusto ko syang tinatawag sa name nya, naalala ko kasi ang asawa ko. Johna, means JOhnny Half aNAlene. Sya ang trademark ng pag-iibigan namin ng asawa ko.
Sa wakas makikita ko na rin ang mag-ina ko, after so many years ng pamamalagi ko sa abroad. Siguradong dalaga na ngayon si Johna. Mabuti na lang at hindi pinagkait sa akin ni Analene kahit phone calls o skype sa anak ko.
Alam ko mahal pa rin ako ni Ana, hindi nya ako siniraan sa anak namin. Siguro talagang nasaktan ko lang sya noon. Actually sya mismo yung tumawag sa akin para makipag-meet ngayon. Napauwi tuloy ako sa bansa ng wala sa oras, sobrang excited.
Pagdating ko sa meeting place namin nagpagwapo muna ako sa rear mirror ng kotse ko. Gusto ko presentable akong haharap sa mag-ina ko. Tingin ko kase maayos na maayos ang buhay nila base sa FB Posts nila.
Nakapagtapos din kase si Ana at nasa magandang kumpanya sya ngayon. Hindi talaga nya pinabayaan anak namin pati sarili nya.
Pagpasok ko sa resto ginala ko paningin ko sa buong paligid. Nakita ko agad ang mag-ina ko na magkatabing nakaupo sa isang squared table, at nang makita ako ni Johna napatayo sya at sinalubong ako.
“Dad! I miss you!”
Nagulat pa ako nang bigla nya akong yakapin ng mahigpit. Dalaga na talaga sya, kamukhang-kamukha nya Mama nya, angelic face at may magandang pangangatawan. Parang sya yung babaeng niligawan ko noong high school.
“Anak, miss din kita…”
Gusto kong maluha pero pinipigilan ko… Lalo na nung magkatinginan kami ng asawa ko habang yakap ko si Johna. She’s still the most beautiful woman i’ve ever seen. Iniisip ko tuloy kung paano ko ba nagawang tumingin pa sa ibang babae noon.
“Let’s go Dad.” hinablot ni Johna kamay ko at lumapit na sa table ni Ana. Mangiyak-iyak at nakikita ko sa aura nya ang sobrang kasiyahan. Sa tagal ba naman naming hindi nagkita.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang matapat na ako sa asawa ko. She really took my breath away.
“Have a seat please.” sabi lang nya.
Hindi ako sanay sa pinapakita nyang formality. Usually kase halik sa cheek ang greetings ko sa kanya.
Umupo na lang ako sa tapat nya, si Johna naman sa gawing kaliwa ko. Sa pag-upo ko napansin ko na apat yung platong nakataob sa ibabaw ng mesa.
“Ahm… May hinihintay pa ba tayo?” mahinang tanong ko.
Nagkatinginan kami ni Ana, “Yes! In fact, he’s here!” sagot nya.
Napalingon ako kung saan nakatingin si Ana. Bigla akong nakadama ng kaba nang makita ko ang isang gwapong lalake na kapapasok lang at papalapit sa amin.
“Did I keep you waiting?”
Nakadama ako ng kirot sa puso ko nang halikan ng lalaking ito sa pisngi si Ana. Nanikip ata dibdib ko sa halik na yon na kinatuwa pa ng asawa ko.
“No Rick, sakto lang dating mo…”
Nafoforecast ko na ang nangyayari… Sa nakikita ko isa lang ang ibig sabihin nito, may bago ng Boyfriend ang asawa ko, at sa tagpong ito isa lang ang naiisip kong dahilan, anullment.
“Ah Rick, I’d like you to meet John, and John, this is Rick, boyfriend ko.”
Ah! Damn it kills me! Medyo sumama lang loob ko dahil sinorpresa ako ni Ana at hindi sinabi sa akin na ipapakilala pala nya sa akin ang boyfriend nya. Feeling ko tuloy nagmumukha akong tanga.
“Finally we meet.” he extends his hand to me.
I was totally in a flash of shock, sa loob-loob ko gusto kong sapakin sa mukha ang lalaking ito, pero kapag ginawa ko yon alam kong masasaktan ko si Ana. Nagpakalalaki na lang ako at nakipag-shake hands sa kanya.
Matapos nito si Johna naman ang nilapitan nya at tulad sa asawa ko, humalik din ito sa pisngi ng anak ko.
“Hi Tito Rick.” so alam din ni Johna…
Bakit ako hindi ko alam? At bakit wala silang FB posts tungkol kay Rick?
Ang sakit lang!
Ang sakit sakit!
May ibang lalake na ang gumagawa ng papel ko sa mag-ina ko…
“Ahm Ana, can I talk to you?” singit ko.
“What? Go on…”
“…Alone?”
Lumabas kami ni Ana sa resto at doon kami nag-usap. Dun sa lugar na hindi kami naririnig nung dalawa at nakikita.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na may boyfriend ka na?” tanong ko agad kay Ana.
“What for? Just to remind you John, wala ka ng pakialam sa personal life ko kaya hindi ko kailangang magreport sayo.” sinusupladahan nya ako.
“Ano ka ba naman Ana! Bilang respeto man lang! And why did’nt you tell me na ipapakilala mo lang pala ako sa boyfriend mo ngayon?”
“How dare you talk about respect! Bakit, noon bang nangaliwa ka nirespeto mo ako? Pwede ba John, huwag ka ng mag-inarte. Tapos na tayo! Pirmahan mo na lang yung anullment papers and please just perish and get out of my life!” sabi ko na nga ba tungkol ito sa anullment eh!
Pinipigilan ko ang luha ko at pinipilit na huwag umiyak, kahit pa sobrang sakit ng mga salitang binitawan nya sa akin.
Tatalikuran na sana nya ako pero hinablot ko ang braso nya, “Pero bakit kailangang sa harapan pa ni Johna?”
Muli nya akong hinarap, natakot pa ako sa panlilisik ng mga mata nya, “Mas mabuti ng alam ni Johna, don’t you worry matalinong bata ang anak ko, naintindihan nya yung ginawa mo noon, at alam kong maiintindihan nya ang gagawin ko ngayon.”
“Nandun na tayo, hindi mo ba naisip na masasaktan sya?”
“Ha Ha” napatawa sya, yung nakakainsultong tawa, “Sana naisip mo yan noon, kung nasasaktan man si Johna, yun ay dahil sayo!”
Lalong humigpit pagkakahawak ko sa braso nya, “Ano ba John, let me go! Nasasaktan ako!”
Bumitaw ako…
“John, please… Let me go.”
Binitawan ko na yung braso nya pero sinabi pa rin nya yon, siguro iba na tinutumbok nya, pero this time hindi na ako bibitaw sa kanya, ayoko na syang bitawan pero pano ko naman gagawin yon kung ayaw na nyang pahawak? Saang parte ng puso nya ako kakapit?
Pumasok na sya sa loob ng resto. Hindi ko alam kung susundan ko pa sya, nanginginig talaga mga tuhod ko, and to think na wala na akong mukhang maihaharap sa anak ko. O, I just failed to win back her mother’s heart…
This is the time of my life that I felt so downhearted, full of regrets while the blame was on me. Ngayon ko talaga nararamdaman ang tunay na panghihinayang at pagsisisi.
Hindi ko maitago ang lungkot na nararamdaman ko nang mabuo na ang desisyon kong harapin sila. Nanginginig, kinikilabutan, nasasaktan, thinking that tonight i’m going to lose my wife and daughter.
“And so… Umorder muna tayo.” sabi nitong katabi kong si Rick.
Tatawag na sana sya ng waiter pero pinigalan ko sya, “Please, let’s get down to the real thing… Alam kong prepared na kayo at yung mga kakailanganing documents, signatory ko lang naman kailangan nyo sa akin diba? So i’m giving it right away…”
“Dad, kumain muna tayo, mamaya na yan…” sabi sa akin ni Johna habang hawak kamay ko. Hindi nya kinabigla ang usapan namin, tanda na noon pa man alam na nya ito.
Kinakausap nya ako pero ang buong atensyon ko na kay Ana. Nakakatitig ako sa mga mata nya, inaabangan ko ang magiging reaksyon nya sa sinabi ko, pero blanko ang mukha nya.
Ang masaklap pa, inilabas na agad nya yung mga papeles at inilatag sa harapan ko, “Ni minsan hindi ako nagdemand sayo ng sustento para sa anak mo,” sambit ni Ana, “Kahit sinkong duling wala akong hiningi sayo, I did’nt question your responsibility to your daughter. Now all i’m asking is for you to sign these documets.”
“Mama naman eh! Mamaya na yan! Pakainin mo muna kami ni Daddy.” naiirita na si Johna.
“Okay lang Johna, next time na lang tayo mag-dinner. Medyo nagmamadali din ako eh.” sabi ko na lang sa kanya, tapos muli kong hinarap si Ana.
“Don’t worry Ana, wala kayong magiging problema sa akin.” sabi ko nalang, but deep inside i’m fucking dying…
Inabot sa akin ni Ana yung sign pen, kitang-kita ko sa mga mata nya ang sinseridad, napakasiryoso nya. I’ve killed her once, and this man beside me had brought her to life. How awfully sweet.
I tried to try to smile so the hurt won’t show, but the pain inside of me is something that I know I can’t hid to myself.
Hindi na ako nagbasa, basta ko na lang pinirmahan ang mga papeles sa harapan ko.
“Dad, are you okay?” biglang naitanong sa akin ni Johna, hindi ko pala agad napansin na napapatulala na pala ako at may luha na palang tumulo sa pisngi ko.
“Ah, sorry… May naalala lang ako.” pagdadahilan ko na lang.
After all of this miserable event nauna na ako sa kanila. Hindi na ako kumain kahit anong pilit pa sa akin ni Johna. Hindi ko na kasi makayanan ang bigat ng nararamdaman ko, gusto ko ng ilabas ang sama ng loob ko.
“Uhm, I better get going. Baka hinihintay na ako nung ka-meeting ko.” kuno.
“Pero Dad…”
“Johna, bawi na lang ako next time, I promise.”
Hindi ko na sya binigyan ng pagkakataong makasagot pa upang pigilan ako, tumayo na agad ako, naglakad palabas ng resto, diretso lang at hindi ko na sila nilingon pa. Masamang-masama ang loob ko, at hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang sakit na naramdaman ko.
Pagpasok ko sa loob ng kotse ko sobrang nanginginig ang mga kamay ko sa manibela, parang gusto kong manapak, parang gusto kong sapakin ang sarili ko.
Hinahampas-hampas ko ang manibela upang maibsan ang sama ng loob ko, sama ng loob para sa sarili ko…
“Aaaahhhhgggg!!!”
Noong hawak ko sya pinabayaan ko lang sya, ngayon hawak na sya ng iba, anong karapatan kong magreklamo? Anong karapatan kong masaktan?
“Tanga ka John! Tanga ka!” ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.
It’s been said that when life taught you a lesson, you should learn from it, but what if it’s too late? Too late to put things back in place where they should be.
Halos hindi ko na maintindihan kung ano na nga ba ang nangyayari sa buhay ko. Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? At kung bakit ko hinayaang magkaganito ako. Sirang-sira na ang buhay ko, at wala na akong nakikitang paraan kung paano ko pa ito aayusin.
Ang ganda pa naman nung plano ko… Kung kailan handa na akong magbago at handa ko ng ipaglaban ang mag-ina ko doon ko pa narating ang hangganan…
Kinabukasan dinalaw ako ni Johna sa bahay. Kina Mama kasi ako nag-stay, sa lola nya, at nalaman ko na madalas pala syang bumisita rito, pero si Ana daw, mula noon hanggang ngayon ay hindi pa uli nakita ni Mama. Okay lang, hindi ko naman sya masisisi, at least hindi nya pinagbawalan si Johna sa Lola nito.
“Dad, maniningil na ako ng pautang, akin ka muna buong araw ha?” nakangiting sabi nya sa akin.
Ginawa ko, niyaya ko silang mag-outing. Nag-beach kami kasama ang Lolo’t lola nya pati yung kapatid ko at dalawang pamankin.
“Ayos Dad, sama din natin si Mama.” sabi nya atsaka tinawagan ang Mama nya.
Nasabik ako sa narinig ko pero tulad ng inaasahan ko, hindi pumayag si Ana. Sabi ni Johna hindi daw sya makakapunta dahil pinapasok sya sa trabaho kahit holiday. Alam ko naman nagdadahilan lang yon.
Kami na lang ang pumunta sa Subic. Kahit papaano masaya pa rin naman. Tunay na miss na miss ko na ang anak ko, kung hindi lang sya dalaga siguro hindi matatanggal ang yakap ko sa kanya ngayon.
Ang dami kong gustong itanong kay Johna tungkol sa personal nyang buhay, gusto kong itanong ang pananaw nya tungkol sa nangyayari sa amin ng Mama nya, gusto kong kumustahin ang feelings nya pero naiilang naman ako. Para bang pinanghihinaan ako ng loob na mag-open sa kanya.
“Masaya ka ba anak?” tanong ko sa kanya habang nag-iihaw kami sa cottage.
“Oo naman po. Pero mas masaya sana kung kasama natin si Mama.”
“Ah. Oo nga… Ano, okay naman ba yung Boyfriend nya?” bigla ko nalang natanong.
“Si Tito Rick po? Ahm… Okay naman po. Mabait naman sya Dad.”
TITO Rick daw… Mukhang okay naman sila, mukhang maayos naman pakikitungo nya sa mag-ina ko. Siguro hindi ko nalang itutuloy yung balak ko na kunin ang anak ko, hahayaan ko na lang sya sa piling nila, sa tingin ko mas makakabuti yon para kay Johna.
“Ikaw Dad? Kumusta ka naman po?” tanong nya habang binabaliktad yung liempo sa grill.
Ako naman natigilan. Gusto kong sabihin sa kanya na ayos lang ako pero hindi ko alam kung saang parte ng buhay ko huhugutin yon.
Hindi pa man ako nakakasagot muli na naman syang nagsalita, “Bakit ka kasi umalis Dad? Bakit mo kami iniwan at bakit hindi mo ipinaglaban si Mama?”
“Masyado ka pang bata noon anak… Umalis ako dahil alam kong yon ang mas makakabuti sa amin ng Mama mo.” hindi ko alam kung paano ko sya sasagutin.
Hindi ko masabi sa kanya na ako ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay ng Mama nya dahil baka sumama ang tingin nya sa akin.
Hindi ko rin masabi na nagsampa ng restriction order ang Mama nya dahil baka sa kanya naman ito sumama ang tingin.
“Alam mo Dad, walang gabi na hindi po umiyak si Mama… Kung nagkasala ka noon, bakit hindi ka na lang po humungi sa kanya ng tawad? Alam ko naman patatawarin ka nun eh, alam ko Dad mahal na mahal ka ni Mama.” tingin ko may alam na sya…
“Oo nga anak eh… Yun ang isang bagay na pinagsisihan ko ng husto. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakahingi ng tawad sa Mama mo… Pero mukhang huli na para doon.”
“Bakit naman po? Dahil po ba may boyfriend na sya ngayon? Dad, malay mo magbago ang lahat kapag humingi ka ng tawad, habang hindi pa sila kinakasal. Hindi pa po huli ang lahat for the both of you.”
Napatingin ako sa kausap ko, “Bakit anak, umaasa ka parin ba na magkakabalikan kami ng Mama mo?”
“Hindi lang po umaasa, yun din po ang lagi kong pinapanalangin, na sana mabuo na ulit yung pamilya natin. But I understand na hindi ko ho kayo mapipilit sa kung anong gusto ko, wala sa akin ang desisyon dahil anak nyo lang po ako.”
Hindi ko alam kung bakit parang nasaktan ako sa narinig ko sa anak ko. Marahil nadama ko yung kalungkutan nya. Hinarap ko si Johna at niyakap ko sya ng mahigpit. My heart is suddenly crying out loud.
Bakit ganon? Bakit kaydali para sa mga magulang na maghiwalay na lang kapag nagkalabuan na? Nagkulang ba sa pagmamahal o nasobrahan sa galit at poot?
It is easy to give up than to fight for love. Being frighten with your fears, and getting weak because of pain. Feeling ko tuloy napaka-selfish ko… I’ve ruined the life of my child just to find my own happiness.
Naiisip ko kung gaano kahirap ang magiging buhay ni Johna. Ang mga magulang nya hiwalay, parehong mahal nya pero hindi nya alam kung kanino sya sasama. Walang tulak-kabigin. Bakit ba laging nasa huli ang pagsisisi? Bakit ba sa huli dumarating yung realisation, kung kailan totally damaged na?
Kinagabihan habang masaya silang nagjajaming sa cottage, naglakad-lakad ako sa may dalampasigan, gusto ko sanang mapag-isa muna to unwindly clear my mind.
Sa hindi inaasahang insidente nagkabunggo kami ng isang magandang babae, nawawala kasi ako sa sarili ko kaya hindi ko sya napansin.
“Ouch! The hell with you! Bakit hindi mo tinitingnan nilalakaran mo?!” sinigawan agad nya ako, nasagi ko lang naman balikat nya.
Kung ano-ano pinagsasabi nya pero nang magtagpo mga mata namin parang nakikilala ko sya.
“Leila Sison?!” patanong kong sambit nang maalala ko pangalan nya.
Natigilan sya at napatitig sa akin na parang minumukhaan ako, “Johnny Gonzales?”
“Ha Ha Oo, ako nga!” tugon ko.
Bigla nya akong sinampal sa balikat ko, “Langya ka! Ikaw lang pala yan! Ang sakit ah!”
“Sorry naman noh, hindi kasi kita napansin.”
Ex ko sya, ex-classmate nung high school. Kasa-kasama namin noon sa barkada at close friend to my wife. Pero nung gumraduate kami nagkawatak-watak na kami at ngayon lang ulit kami nagkita.
“Kumusta ka na? Balita ko si Analene daw nakatuluyan mo, tignan mo nga naman noh? Kulang na lang magsuntukan kayo noon eh! Tapos sa huli kayo pala nakatadhana.”
Ang ganda naman pala ng love story namin eh, opposite attraction, pero mukhang hindi alam ni Leila na sa hiwalayan nagtapos ang kwento namin.
“Oo, sya nga napangasawa ko, pero…” habang nagkukwentuhan kami naglalakad-lakad kami.
“Pero ano?”
“Wala na kami. Anulled na kami eh…” puno ng kalungkutan ang sagot ko.
“Huh?!” natural magugulat, “I’m sorry… Pero okay lang yan. Some things are meant to be broken, ika nga. May anak ba kayo?”
“Oo. Kasama ko sya ngayon. Ayun sya oh.” sabay turo sa kinaroroonan ni Johna.
“Aba malaki na pala, kamukhang-kamukha sya ni Ana.”
Sinusulyapan ko si Leila habang patuloy kaming naglalakad, pansin ko ang kagandahan nya. Alam ko magsing-edad lang kami na 36 pero tulad ni Ana parang nasa late 20’s lang sila.
Something came up in my mind with my glances turned to stares. Tulad ng sabi ni Ana, tapos na kami… Paano kaya kung buksan ko ang puso ko para sa ibang babae? Does that means i’m giving up on her?
“Ikaw Leila, ilan na anak mo?” isang tanong na gusto kong gawing sign kung dapat ko na ba talagang buksan ang puso ko sa iba. Kung sakaling may chance na single and free din si Leila, why not? Why not her?
“Ah, Isa lang din, halos kaedad lang sya ng anak mo…”
And it only means na pamilyado na rin sya, and it shows the sign na hindi ko bubuksan ang puso ko sa iba, that I have to fight for what I have for my wife. Medyo naguguluhan na ako…
Hindi rin nagtagal nagpaalam na si Leila na aalis na, baka daw kase hinahanap na sya. Pero bago kami naghiwalay sa baybay sinabi nya sa akin na may inorganized daw silang School Batch Reunion. Papadalhan daw nila kami ng invitation. Wala daw gagastusin kase sponsored daw nung mga mayayaman naming kaklase.
“Nga pala, balita ko sa States ka daw nagtatrabaho?” tanong nya.
“Ah. Oo. Ikaw, saan ka ba?”
“Doon din kaya ako. US Citizen na ako. Kung hindi nga lang sa reunion natin hindi naman ako magbabakasyon dito eh. Ikaw? American citizen ka na rin ba?”
“Ah. Hindi. Proud Pinoy ako eh. Isa pa ayoko naman tumanda doon, nandito kasi mahal ko eh.”
Pagbalik ko sa cottage namin nadatnan ko sila na nagliligpit na ng gamit. Hindi na rin kami nagtagal sa Subic at bumyahe na kami pauwi, matapos naming magligpit. Sa loob ng sasakyan katabi ko si Johna while driving.
“Dad, sino yung babaeng kasama mo kanina?”
“Ah yun ba? Classmate namin sya ni Mama mo nung High School.”
“Ahh… Infairness maganda po sya Dad ha! Pero mas maganda pa rin si Mama.”
“Ha Ha Tama ka anak, syempre wala ng gaganda pa sa Mama mo next to you. Ha Ha”
“Pero Dad, nililigawan mo ba sya?” tingin ko serious sya.
“Huh? Hindi. May pamilya na yon anak.”
“Ganun po ba… Pero kung sakali po ba gusto nyong manligaw ng iba? I mean, bata pa po kayo Dad…”
“Hindi na siguro. Kung sakaling hindi ko maagaw ang Mama mo sa Rick na yon, gusto ko sana ituon ko nalang buong oras ko sayo anak.”
Pansin ko na nagningning ang mga mata nya na para bang naaantig ang damdamin nya. Dama ko ang hirap ng sitwasyong idinulot ko. Alam ko gusto nyang magkabalikan kami ng Mama nya pero mukhang tama nga ata si Leila, some things are meant to be broken, and no matter how I tried and give my very best to fix it, it would’nt change the fact that it was already damaged and ruined.
“Ihahatid ka na namin anak.”
Liliko na sana ako sa kanto kung saan kami dati magkakasamang nakatira pero pinigilan ako ni Johna, “Diretso lang po Dad.”
“Ah hindi, ihahatid ka na namin.” I insisted.
“Opo. Kaya lang Dad, hindi na po kami dun nakatira ngayon, lumipat na po kami.” malungkot na sabi nya, at nang sulyapan ko sina Mama at Papa sa rear mirror, tahimik lang sila at malungkot din.
“Saan kayo lumipat? Kina Rick ba?” ayokong isipin, ayokong masaktan.
“Hindi po. Nagpatayo po kami ng bagong bahay…”
“Huh? Don’t tell me anak na binenta ng Mama mo yung pinatayo naming dream house?”
“Hindi po Dad…”
Whew! Buti naman… Kami kasi ni Ana ang nag-design sa bahay na yon. Share din kami sa gastos at tumulong pa kami sa pag-gawa. Naalala ko pa kung gaano kami kasaya noong matapos na yung bahay at pina-bless namin. That was one of my treasured precious moments…
“Eh bakit pa kayo lumipat? Ede walang nakatira ngayon doon?”
Ang naiisip ko kaya sila lumipat, siguro ayaw ng makakita pa ni Ana ng ano mang bagay na magpapaalala pa sa akin. Nagiging emosyonal na naman ako sa naging kasalanan ko.
“Ang totoo po nyan Dad…” natigilan sya na para bang hindi nya matuloy-tuloy ang sinasabi.
“Ano? Pinarentahan nyo yung bahay?” hula ko.
Umiling-iling sya, “Hindi po… Dad, pinagiba na po ni Mama yung bahay.”
Napaapak ako sa preno ng hindi sinasadya, sumadsad tuloy ang gulong at napahinto kami, “What?! Pinagiba nya yung bahay?!” tapos hinarap ko sina Mama sa likod, “Totoo po ba yon Ma?”
Sumama ang loob ko nang tumango si Mama. Parang masisiraan ako ng bait sa sobrang sakit na naramdaman ko.
“Bakit hindi nyo po sya pinigilan?” pasigaw kong tanong pero sa tingin ko hindi na yon mahalaga pa.
Dream house namin yun eh! Kahit pa nasaktan ko sya noon, bakit kailangan pa nyang ipagiba yon? Hindi ba sya nanghinayang sa nagastos namin sa pagpapatayo non?
Pagdating namin sa bagong bahay nila mas lalo akong nasaktan dahil hindi hamak na mas maganda pa yung dati naming bahay. Paano nya nagawang ipagpalit yung maganda naming dream house sa ganito kasimple at kapayak na bahay?
Obviously, talagang tinanggal na ako ni Ana sa kanyang buhay. Wala na akong puwang sa mundo nya, ibang-iba na ang ginagalawan nya, at nakakalungkot isiping wala na ako don…
“Pasok po muna kayo Dad…” anyaya sa amin ni Johna pagbaba nya ng sasakyan.
“Hindi na siguro anak… Pasensya ka na kanina, nagulat lang ako kaya medyo napasigaw.”
“Okay lang po… Dad, I love you, ingat po kayo.”
Ang sarap damhin ng mga huling kataga ni Johna. Sana dumating pa yung araw na muli kong marinig ang mga katagang yon sa kanyang Ina, sa aking dating asawa.
Parang napakahaba ng gabi para sa akin dahil sa kakaisip ng mga bagay-bagay, at mula noon naging mabagal na ang takbo ng buhay ko. Nakaka-stress, nakakawalang-gana. Damn it! I’m still in love with my ex-wife.
Minsan gusto ko ng maniwala sa sinasabi nilang WALANG FOREVER…
The next day, ako naman pumasyal kina Johna. Mas maaga pa ako sa sikat ng araw para mavalidate yung reason ko na ihahatid ko lang si Johna sa school. Well, may balak naman talaga akong ihatid sya, pero ang totoong dahilan ng ipinagparito ko ay upang tingnan ang loob ng bahay nila, at upang makita ko si Ana.
Tinawagan ko na si Johna beforehand at sya ang nagbukas ng gate for me, “Dad, ang aga nyo naman po, sabi ko 7:30 pa pasok ko eh.”
“Akala ko kase traffic eh, alam mo naman dito sa atin…”
“Ha Ha Ano ka ba Dad, hindi pa naman rush hour eh, anyway, pakihintay na lang po ako, maliligo lang po.”
Pinaupo nya ako sa sofa sa living room. Nakatapat ako sa isang wide screen tv set. Infairness kahit may kaliitan bahay nila kumpleto naman ito sa gamit. Fully furnished. Mas mabuti na rin siguro na dito sila, kesa dun sa bahay nung Rick na yon!
Nang iwan na akong mag-isa ni Johna hindi lang ako basta naupo lang, naglakad-lakad ako habang minamasdan ang buong paligid. Napahinto ako sa tapat ng mga photo frames na naka-display. Puro happy moments nilang mag-ina.
Medyo nasaktan lang ako kase ni isa sa mga larawang ito wala ako. Silang dalawa lang talaga. Pero okay na rin kase wala din naman yung Rick sa mga ito.
Sunod kong napansin yung dalawang magkatabing pinto. Yung sa kaliwa yun yung pinasukan ni Johna kanina, which only means na yung katabing pinto eh sa kwarto ng Mama nya.
Nakakainis kase feeling ko ibang tao ako, gusto kong tingnan yung mga kwarto nila pero hindi ko basta-basta mapapasok. Haish…
Pinagmamasdan ko yung pinto ng kwarto ni Ana nang bigla na lang itong bumukas. Natural nagulat ako at napatindig sa kinatatayuan ko.
At napalunok ako nang makita ko si Ana na syang nagbukas nito. Nakatapis lang sya ng puting towel. Nakabuhol dun sa dibdib nya at hanggang hita lang nya yung towel.
Nakadama ako ng kaba nang mapatitig ako sa mapuputi at malalaman nyang hita. Makinis talaga si Ana, at naamoy ko ang bango nya, katatapos lang ata maligo.
“O, bakit ka nandito?” pagtataka nya.
“Ah, yun ba?” natataranta pa ako, “Ahm, m-may usapan kasi kami ni Johna na ihahatid ko sya sa school today.”
“Ah. Okay.”
Lalo kong naamoy ang samyo nya nang daanan nya ako. Hindi matanggal paningin ko sa kanya. Pumasok sya sa kwarto ni Johna, at sa paglabas nya may bitbit syang hair dryer. Gusto ko pa sana syang makausap kaso dumiretso na sya papasok sa kwarto nya.
“Nag-breakfast ka na ba? May food d’yan sa dining if ever magutom ka.” sabi nya sa akin bago nya sinara yung pinto. Hindi ko alam kung concern sya sa akin o kung pakitang tao lang.
Muli akong napaupo sa sofa habang sariwa pa sa isip ko ang nakatapis lang na katawan ni Ana. Bigla kong namiss ang katawan nya. Nakita ko na ng hubad noon ang buong katawan ni Ana, natikman ko na rin at napagsawaan, pero mukhang nananabik ako ngayon sa kanya. Siguro dahil sa tagal naming hindi pagkikita.
Naalala ko yung mga gabing pinagsaluhan namin, lalo na yung honeymoon namin na unang beses naming magsiping. Tingin ko sa sex lang ako nagsawa pero hindi sa katawan ng asawa ko.
Napapikit ako at napasandal sa sofa. Iniimagine ko si Ana. Ang malalambot nyang mapupulang labi na dati pwede kong halikan ano mang oras. Ang sariwa at sexy nyang katawan na dati pwede kong hawakan ano mang oras ko gustuhain. Mahihigpit na yakap at masasarap naming sandali…
All of a sudden I find myself crying in sorrow, I just felt it inside of me. Those lips of her that I cannot kiss anymore, her rose scent sweet blonded hair that I cannot smell, her soft skin and wonderful body that I cannot touch any longer.
Ngayon ko lang natanto na nasa akin na pala yung pinakamagandang babae sa buong mundo noon, kaso pagmamay-ari na sya ng iba ngayon!
“Ang tanga ko talaga!!!”
I’M REALLY REALLY DAMN SO STUPID!!!
“O Dad, are you okay?” tanong ni Johna nang makita nyang nakamukmok ako sa mga palad ko. Nasa harapan ko na pala sya.
“Ah. Oo, medyo sumakit lang ulo ko. So, ready ka na? Let’s go.”
“Maaga pa po, kain muna tayo Dad.”
Ayoko na sanang magtagal pa sa bahay nila pero totoong makulit si Johna. Sinamahan ko na lang syang kumain.
Hotdog, egg, bacon, bread, tapa, fried rice. Hindi kaya nagsasayang lang sila ng pagkain nito? Dalawa lang sila pero andaming hapag. But on the other hand tanda lang ito na busog sa aruga ang anak ko kay Ana. I smiled.
Habang kumakain kami nakatitig ako sa pinto ng kwarto ni Ana. Inaabangan ang paglabas nya, umaasa na sasaluhan nya kami ng anak nya sa mesa, pero natapos na kami’t lahat-lahat, hanggang makaalis na kami, hindi talaga lumabas ng kwarto si Ana.
Hinatid ko si Johna hanggang sa classroom nya, na-meet ko rin yung teacher nya at yung mga friends nya. Kitang-kita ko sa kanya na masayang-masaya sya sa tuwing kasama nya ako. At sobrang proud nya sa akin sa kabila ng malaking kasalanang nagawa ko sa Mama nya. In fact, kung titingnan mo sya para bang walang nangyari sa amin ng Mama nya, I mean, chill lang sya at mukhang hindi kinunsidera ang hiwalayan namin ng Mama nya.
Sa ikalawang hindi inaasahang pagkakataon nagkita na naman uli kami ni Leila paglabas ko sa gate ng school. Kaka-park lang ng Vios nya sa tabi ng Civic ko. Akala ko kung sino, nabigla na lang ako pagbaba nya ng car.
“O, it’s you again John.” nakangiti sya sa akin.
“Leila. Musta? Ano’ng ginagawa mo dito?” usisa ko.
“Iko-confirm ko lang kay Ma’am Lucy yung tungkol sa reunion. Nag-oorganize kami remember?”
Dito nga rin pala sa school na ito kami nag-aral noon. Ibang-iba na rin kasi yung hitsura ng school kaya hindi ko agad naalala.
“Ah. Oo nga pala. Tuloy pala yon?”
“Syempre naman! Wait.” may kinuha sya sa shoulder bag nya, “Here.” isang card na binigay nya sa akin, “Invitation yan sa reunion, huwag kang mawawala ha?”
“Okay. I’ll be there no matter what. Thanks Leila ha?”
Sasakay na sana ako sa kotse ko pero pinigilan ako ni Leila, “Wait John, bakit hindi mo kaya ako samahan kay Ma’am Lucy?” sabi nya.
Panandalian akong nag-isip. Tutal wala naman din akong gagawin sa bahay kaya sinamahan ko na lang si Leila, para na rin kahit konting oras at effort man lang may mai-contribute ako sa inoorganize nyang reunion.
Tuwang-tuwa si Leila nang makita namin si Ma’am Lucy sa office nya, ako naman medyo naiilang dahil isa ako sa mga pasaway nyang estudyante noon. Lalo ngayong sya na ang Principal sa school na ito.
“Mr. Gonzales and Ms. Sison, huwag nyong sabihing kayo ang nagkatuluyan?” aba matanda na pero naalala pa nya kami ni Leila.
“Naku Ma’am hindi po. Nagkita lang po kami sa labas.” si Leila ang sumagot, “Ibibigay ko lang po yung hard copy nung e-mail ko sa inyong program procedure ng gaganaping reunion.” patuloy nya.
“Okay. So kumusta naman kayo? I’m sure successful ka na ngayon Ms. Sison, and I doubt to Mr. Gonzales…”
“Ma’am naman! Architect kaya ako sa USA.” pagmamayabang ko sa kanya.
“Really? Ang iskul bukol na tulad mo Architect? Sa abroad pa?” may nakakapagtaka ba don?
“Eh ikaw Ms. Sison?” si Leila naman hinarap nya.
“Heto Ma’am, naturingang successful sa buhay, pero salat naman sa pag-ibig. Ha Ha.”
Napatingin ako kay Leila sa narinig ko sa kanya. Sabi nya sa akin kagabi sa Subic may anak na sya… Teka… Ang tanga ko talaga! May anak din pala ako pero walang asawa. Bakit nga ba hindi ko natanong noon kung may asawa sya?
“What do you mean? Sa ganda mong yan single ka pa rin hanggang ngayon?” si Ma’am Lucy.
“Naku hindi po. May anak na po ako, pero 10 years na po akong biyuda…”
Nakatitig pa rin ako kay Leila. Naalala ko kasi yung sign na hiningi ko kagabi nung kausap ko sya. Siguro nga oras na para mag-move on na ako kay Ana, at buksan ang puso ko para sa pag-ibig ng iba…
Pagkatapos mag-usap ng dalawa nagpaalam na rin kami kaagad ni Leila. Nagtataka lang ako sa kanya kase para bang gusto talaga nya akong makasama pa. Paano ba naman niyaya pa nya akong mag-coffee.
Hindi naman ako makahindi kasi sino ba naman ako para tanggihan ang isang magandang babaeng tulad ni Leila. Kahit mag-assume walang bahid ng dahilan. Malamang gusto lang nya akong ilibre dahil sinamahan ko sya.
“Ang kulit ni Ma’am Lucy noh? Kakatuwa.” sabi sa akin ni Leila nang maupo na kami sa loob ng coffee shop.
“Oo nga. Kaso gurang na sya ngayon hindi tulad nung dati, sexy. Ha Ha”
“Ha Ha Grabe ka! Ang sama mo! Eh sa akin, what do you think of me now? Sexy pa rin ba?”
“Lalo kang gumanda at sumexy Leila. Naku, sayang lang ang ganda mo kung stock mo lang yan sa bahay nyo.”
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil nakakapang-akit ang mga mata nya.
“Kaya nga eh! Wala na atang may gustong magkamali sa akin. Ha Ha” tapos tinaasan nya ako ng kilay, “Pero kung sakaling may gustong manligaw, open naman na ang puso ko for new love…”
Nagpapahiwatig ba sya? Humm…
Masarap kasama si Leila at nakakaaliw kausap. Sa twing kasama ko sya nakakalimutan ko lahat ng problema ko sa buhay. Sa tingin ko parang sya na ata ang kasagutan para sa wasak kong puso.
Maganda sya, mabait, halos lahat na ata ng magagandang katangian nasa kanya na. Pero kung liligawan ko sya ngayon, hindi naman kaya unfair sa kanya yon? Kasi si Ana mahal ko pa rin, at hindi ganoon kadaling burahin ang pag-ibig ko sa kanya. Siguro may tamang panahon talaga para sa mga bagay-bagay.
Medyo humaba ang oras na magkasama kami ni Leila. Ang dami naming napag-usapan, pero yung mga huling sinabi nya ang tumatak sa akin ng husto.
“John, let go. Move on ka na! Gumising ka na sa katotohanang wala na sya. Alam kong mahirap pero kailangan mong tanggapin at harapin ito. Huwag mo ng ipilit pa ang nararamdaman mo at ipagsiksikan pa ang sarili mo sa kanya. Hindi mo ba nakikita? Hindi ka na nya mahal, meron na syang iba. At kung patuloy mo pa rin syang mamahalin, sasaktan mo lang sarili mo. Move on John, just move on…” litanya nya.
Hindi ko alam kung paano napunta doon ang usapan pero may punto naman sya sa sinabi nya. Ngunit sabihin na nating tama sya, as a lover I know I’ve got to move on, but the hardest part of it is me being a father. Paano si Johna? I really hate this part of my life.
“Wow, hindi ko napansin ang oras, lunch time na pala. So John, may alam akong resto somewhere, ano tara? siguradong magugustuhan mo don.” anyaya sa akin ni Leila. Mukhang may balak ata sya na kapiling ako maghapon ah.
But this time tumanggi na ako, “Naku sorry Leila, may promise kasi ako kay Johna na magla-lunch kami ngayon.” kahit wala naman akong pangako.
Totoong gusto ko pang makasama si Leila pero mas gusto kong makasama ngayon ang anak ko. Marami na akong atraso sa kanya and I think this is the right time para bumawi, bago man lang ako bumalik ng States.
Buti na lang very understanding si Leila. Hindi man lang sya na-offend at mas kinatuwa pa nya na naglalaan daw ako ng oras para sa anak ko. Ambait talaga nya.
Gumaan kahit papano ang pakiramdam ko sa pinakitang kabaitan sa akin ni Leila. Magiliw akong pumunta sa school upang sunduin si Johna. Dadalhin ko sya dun sa Jollibee. Simple pero alam kong pangarap ng bawat bata ang kumain dun at ma-meet si Jollibee. Kasi naman nung bata pa si Johna hindi ko man lang sya nadala dun… Bigla akong naawa sa sarili ko…
Ang malaking ngiti sa aking mga labi biglang napalitan ng lungkot nang makita ko si Johna na palabas sa gate ng school, kasama si Ana at si Rick.
Buti na lang nakapagtago na ako sa pader bago pa nila ako mapansin. Tingin ko naunahan ako nung dalawa kay Johna. Sumakay silang tatlo sa isang kotseng natitiyak kong hindi pagmamay-ari ni Ana, ibig sabihin sumakay ang mag-ina ko sa kotse ni Rick.
Calling Johna…
“Hello Dad.”
“O Johna, pwede ba tayong kumain sa labas?”
“Sure Dad! Tamang-tama kasama ko sina Mama ngayon. Sabay ka na sa ami-.” hindi ko na sya pinatapos, binaba ko na agad.
Tumawag ako para kumpirmahin lang kung kakain ba sila o may ibang pupuntahan. Wala naman akong balak sumama sa kanila, ede parang hinukay ko na rin ang sarili kong libingan.
I sneakingly followed them. Gusto kong malaman kung saan sila kakain, para alam ko kung saan ko dapat hindi dalhin si Johna kapag kami na ang magkasama.
Pinagmamasdan ko sila hanggang sa pagpasok nila sa resto, at dahil glass wall ang resto natatanaw ko sila mula dito sa bintana ng kotse ko.
Magkatabi si Ana at Rick sa tapat ni Johna. Kitang-kita ko ang matatamis na ngiti sa labi ni Ana at ni Johna. Halatang enjoy sila sa company ni Rick.
Habang ako… Unti-unting namamatay…
Ako dapat ang nandoon eh! Hindi kung sinong lalaki lang! Ako dapat ang katawanan ng mag-ina ko… Ka-bonding. Ako lang!
AKO LANG!!!
Pagkatapos akong patayin ng sakit na nararamdaman ko umuwi na lang ako. Wala ng dahilan para manatili, wala na akong papel sa buhay ng mag-ina ko.
Feeling ko ako lang ang broken…
Johna’s calling…
“Hello anak.”
“O Dad, ba’t po kayo nag-hang kanina?”
“Sorry, naubusan lang ng load.”
“Ganun po ba. So ano Dad, papunta ka na ba? Nandito–”
“Ah anak, hindi ako makakapunta, bigla kasing sumama pakirandam ko. Next time na lang tayo mag-lunch.” pagdadahilan ko na lang.
Naghanap ako ng lugar na maaari kong ilabas ang lahat ng emosyon ko. Isang bar na maaari kong kalimutan ang lahat ng problema ko kahit panandalian lang.
Tinapos ko ang araw na nagpakalango ako sa alak! Nilunod ko ang sarili ko sa pait ng inumin ko na singpait ng buhay ko.
Ayoko ng mag-isip, ayoko ng mag-isip! Dahil sa twing ginagawa ko yon nasasaktan lang ko, at sa twing nasasaktan ako namamatay ako. Minsan iniisip ko na tuldukan na lang ang lahat ng heartaches ko, na pigilan ang pagpintig ng puso ko na walang ibang tinitibok kundi si Ana.
Hanggang sumapit na ang gabi na halos hindi ko na alam ang ginagawa ko. Dumami na yung tao sa bar. Hindi ko na nga lang sila makita ng maayos dahil sa impluwensya ng alak na namamalagi sa buong katawan ko.
Tulad nitong taong papalapit ngayon sa akin. Naaaninag ko na lang sya kase hilong-hilo na talaga ako. Mahaba ang buhok nya malamang babae.
“John, lasing ka na ata, umuwi ka na, tama na yan.” sabi nya sa akin.
“O, ikaw pala, nagkita na naman tayo, Lei– Ulk” nasisinok na rin ako, “Upo ka m-muna! Samah-han mo muna ako.”
“Hindi. Lasing ka na. Ayokong kausap ang lasing. Umuwi ka na. Ipapasundo kita sa anak mo.”
“Huwag kang ganyan Leila… Hindi ako lasing, tipsy lang, alam mo ba yon? Tipsy. Ha Ha Ha”
Hinawakan ko kamay nya at pilit ko syang pinapaupo sa tabi ko, pero nagpupumiglas sya, “Ano ba John?! Nasasaktan ako, let me go!”
Naalala ko bigla si Ana sa narinig ko, Ganun din ang sinabi nya sa akin noon. Let me go… THAT FUCKING LET ME GO!
Bigla na lang akong napaluha at napaiyak, “Ano ka ba Leila! Nandito ako para makalimot, bakit pinaalala mo?!”
“Ano bang nangyayari sayo John? Umayos ka nga! Tinawagan ko na anak mo, anytime darating na sya kaya umayos ka na d’yan!”
“Ang sakit Leila… Alam mo yung handa ka ng harapin ang lahat sa babaeng mahal mo pero bigla ka na lang nyang tinalikuran. Alam mo yung may sapat kang dahilan para ipaglaban sya pero hindi mo alam kung pano sisimulan ang laban, at kung may pinaglalaban ka pa ba…” nilabas ko na kay Leila ang pagiging talunan ko.
“Ano bang pinagsasasabi mo d’yan ha?”
Tuloy-tuloy lang ako sa pananalita, “Kasalanan ko ito eh! Ginago ko sya noon, sinaktan at winasak! Oo winasak ko sya! I wrecked her, I killed her, and now she’s my ghost that haunts me inside and out! Gumaganti na sya! Lahat ng sakit na dinulot ko sa kanya noon, lahat ng yon pinaparanas nya sa akin ngayon… Pero… Mahal na mahal ko pa rin sya…” lasing na lasing na talaga ako.
Nagsasalita pa ako ng dumating si Johna, “Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko si Ana, at hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin ko hindi matanggal-tanggal ang pag-ibig ko sa kanya…” mga huling salitang nasambit ko bago ako nakatulog at bumagsak ang ulo sa mesa.
Do you believe in Second Chance? Ikalawang Pagkakataon o Ikalawang Pag-asa? Parehas lang ba yon? Kapag may pagkakataon ka, may pag-asa ka diba? At kung may pag-asa ka, may pagkakataon din ba?
Punong-puno ako ng pag-asa sa sarili ko pero tangna wala naman akong pagkakataon sa kanya. Sa ikalawang pagkakataon muli akong umaasa. A chance to hope.
Sakit ng ulo ko shet! Nahihilo-hilo pa ako. Hangover ang unang pumasok sa utak ko, at nang mabuhay na ang diwa ko dun ko lang narealized na nagising ako sa kama na ngayon ko lang nahigaan, sa isang kwarto na ngayon ko lang nakita.
Pilit kong inaalala yung nangyari kagabi, at si Leila ang unang sumagi, “Hindi kaya kwarto ito ni Leila?” imposible, posible din pero naalala ko rin si Johna. Tama, pinasundo ako ni Leila sa kanya.
Bakit ba wala akong maalala sa nangyari kagabi? Parang panaginip na bigla nalang nabura sa utak ko.
Nagmasid-masid ako sa paligid. Nakita ko ang isang malaking photoframe ng pamilya ko na nakasabit sa dingding. Tingin ko kwarto ito ng anak ko. Nakaka-touch naman at may family photo kami sa kanya, kaso medyo bata pa sya dito. Naalala ko pa that this photo was taken long years ago sa Enchanted Kingdom. Those happy memories.
“Goodmorning Dad! Gising ka na pala.” magiliw na bati sa akin ni Johna.
“Anak bakit nandito ako?” bumangon ako. Masakit pa rin ang ulo.
“Nalimot mo na Dad? Sabagay sobrang lasing mo na kagabi.” umupo sya sa tabi ko.
“Ano bang nangyari kagabi?” usisa ko.
Tumingin sya sa akin ng diretso, “Hindi nyo po ba talaga naaalala?”
Umiling-iling lang ako.
“Uminom po kayo dun sa Restobar ni Tito Rick. Bakit naman po kayo naglasing ng ganon? Buti dun nyo naisipang uminom, kung sa iba yon baka hindi ko po kayo nasundo.”
So kay Rick pala yung bar. Hinding-hindi na ako pupunta don kahit kailan!
“Ganun ba Anak. Pasensya ka na nahirapan ka pa dahil sa akin.”
“Okay lang po. Dad, pinoproblema mo po ba yung sa inyo ni Mama kaya ka naglasing?”
“Naku! Hindi. Ikaw talaga! Ha Ha” sumagot agad ako kahit kinagulat ko ng husto ang tumpak nyang tanong.
“Sya nga pala anak, anong nangyari kay Leila kagabi? Tinulungan ka ba nyang iuwi ako?”
“Leila? Yung sinasabi nyo pong classmate nyo nun ni Mama? Wala naman po sya doon kagabi. Hindi ko po sya nakita. Siguro nag-date po kayo Dad noh?” napayuko sya.
“Ah. Hindi anak. Nakita ko lang sya don. Naaalala ko nandun pa sya nung dumating ka eh. Sya pa nga tumawag sayo diba?” taka ko.
“Wala sya Dad, tsaka si Mama po tumawag sa akin kagabi…”
“Huh? Mama mo?” si Ana ba talaga yon? Ang alam ko si Leila yung nakita ko’t nakausap eh. Nyeta naman oh!
“Eh yung mga sinabi mo kagabi Dad naalala mo pa ba?” nakangiti sya ng ubod tamis, “Pagdating ko kasi may malinaw akong narinig na sinabi mo eh.”
Shit! Ano kaya pinaggagagawa at pinagsasasabi ko kagabi? Pilit kong binubuhay ang alaala ko.
“Ano ba yung sinabi ko Anak?”
Hindi pa nagawang sumagot ni Johna bigla na lang pumasok si Ana sa kwarto, “O, kumain na kayo baka lumamig yung food, at baka ma-late ka sa school Johna ah!” sabi nya.
Nang makita ko si Ana, bigla na lang bumalik sa akin ang buong detalye ng lahat ng nangyari kagabi. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. Kung si Ana nga yung nakausap kong babae kagabi at hindi si Leila, shet! I’m fucking dead!
“O Mama, aalis ka na? Maaga pa ah.” kung hindi pa sinabi ni Johna hindi ko napansin na bihis na bihis na si Ana for work.
“Oo eh. Nagtext sa akin si Rick, may urgent daw sa office.” atsaka na nya kami tinalikuran.
“Okay Ma, ingat ka po.” sinundan sya ni Johna upang ihatid sa labas.
Grabe naman… Hindi man lang ako tiningnan ni Ana, kahit sulyap man lang. Kahit, ‘Hoy gago aalis na ako’ man lang.
Kumikirot pa rin ang ulo ko, sumasabay sa kirot ng puso ko. Nang balikan ako ni Johna sabay na kaming pumunta sa dining, kung saan nakahapag na naman ang maraming pagkain.
“Uy crab and corn soup. Tamang-tama.” sumigla ako nang makita ko ang paborito ko twing may hang-over.
“Gusto mo ba yan Dad?”
“Favorite ko kaya ito. Naalala ko noon lagi akong pinagluluto ng ganito ng Mama pag may hangover ako.”
“Naks! Kita mo Dad, hindi pa nalilimutan ni Mama yon. Pinagluto ka pa rin nya hanggang ngayon.” antamis ng ngiti ng anak ko.
Mas matamis ang ngiti ko.
“Ano Dad, naalala mo na ba yung sinabi mo kagabi bago ka nakatulog?”
Ngayon talagang tandang-tanda ko na!
“Mahal na mahal ko si Ana…” nakakatuwa, hindi ko lubos maisip na masasabi ko yon sa harap mismo ni Ana.
“Alam nyo po bang napangiti mo si Mama?”
Parang naaninag ko yung mukha ni Ana sa imagination ko na may matamis na ngiti. But I guess for now it was just a blank smile, has no meaning and feelings.
Ang araw na ito ang pinakamasayang breakfast namin ng anak ko. Dahil kasi sa ngiti ni Ana na yon napag-usapan tuloy namin ang lumipas namin ni Ana. Kung paano kami pinagtagpo ng tadhana, kung paano ko sya niligawan hanggang sa kung paano kami kinasal noon.
Lahat ng masasaya at matatamis na alaala kinwento ko kay Johna, pati buong puso syang nakinig sa love story namin ng kanyang Ina. Kinikilig at natutuwa kaparang ng kasiyahang nararamdaman ko.
Pagkatapos naming kumain hinatid ko na si Johna sa school. Nagcommute lang kami hanggang sa bar kung saan naiwan yung kotse ko kagabi, tapos dumiretso na kami sa school nya.
Niyakap ko muna sya bago kami naghiwalay. Masayang-masaya ako dahil may anak akong tulad nya. And I realized that i’m not lucky, i’m blessed.
Afterwards umuwi ako sa bahay para maligo. Pakanta-kanta pa ako sa banyo. Napakaaliwas ng pakiramdam. At lahat ng ito ay dahil sa nakuha kong ngiti kagabi sa asawa ko.
Iniisip ko kase na tama si Johna. Mukhang hindi pa nga huli ang lahat para sa amin ni Ana, hanggat hindi pa sya kasal kay Rick may chance pa akong maagaw sya.
Pagkatapos kong maligo at magbihis iniisip ko kung ano na ang gagawin ko sa araw na ito, saan naman kaya ako maglilibot?
Biglang nag-beep cellphone ko. Pagtingin ko, si Leila ang nagtext. Hum. Nakakahalata na ako kay Leila, hindi kaya may gusto sya sa akin? Niyayaya na naman kase nya akong mag-lunch at tulungan ko daw syang puntahan yung resto na magki-cater sa reunion.
At dahil wala naman akong gagawin nag-confirm ako sa kanya na sasamahan ko sya, bigyan nya lang ako ng 10 minutes to get there. Kaso after a while, pagsakay ko ng kotse ko may narecieved na naman akong text message.
Si Ana…
*”Are you free? Mag-lunch tayo. Same place, same time. I wanna talk to you.”* sabi lang nya.
Same place? Same time? Aba hindi pa talaga nya nalilimutan yung dati naming tagpuan. Tungkol saan naman kaya ang sasabihin nya? Yung nangyari ba kagabi?
Hindi na ako nag-isip pa at sumagot agad ako ng, *”Ok. I’ll be there.”*
Huli ko na narealized na naka-oo na pala ako kay Leila, pero wala na akong pakialam don, buhay ko na ang nakasalalay dito. Nagdahilan na lang ako kay Leila na sya namang naunawaan nya.
Sa sobrang excited ko ang aga kong nakarating sa nasabing tagpuan. Sa resto kung saan kami lagi nagde-date ni Ana. Sa makasaysayang resto ng aming pagmamahalan.
Suot ko ang pinakamagarbo at maganda kong set of clothes, gayak ko ang pinakamaayos at pinakagwapong hitsura, pinakamabangong perfume. Baka sakaling ma-inlove uli sa akin si Ana…
Habang nakaupo akong naghihintay sa loob ng resto bumabalik sa akin ang lahat ng alaala naming dalawa. Pinagmamasdan ko ang buong paligid. Marami ng nagbago pero para sa akin dito pa rin ang may pinakamasarap na nakain ko. Kase kasama ko mahal ko.
Pagdating ni Ana chineck ko agad kung kasama nya si Rick, natuwa naman ako kase hindi ko nakita ang mokong na yon. I think this one is only between me and my ex-wife.
Tumayo ako at pinanghugot ko sya ng silyang uupuan nya, like the old times, the way we used to be. Hindi man lang nagpasalamat.
Pag-upo ko nagsalita agad sya, “John, I wanna make it clear and fast…”
“O, teka lang! Kala ko ba magla-lunch tayo? Umorder muna tayo.”
Huminga sya ng malalim, “Okay.”
Pagdating nung waiter na tinawag ko tinuro ko agad ang gusto ko sa menu list, “I want this. I want this, and… I WANT HER…” Oops! Nagkatinginan pa kami ng waiter, at nagkatinginan din kami ni Ana, “I mean, I want this for her…”
After we silently eat, yes, sobrang tahimik na nakaka-out-of-place na, nagsimula ng magsalita si Ana. I feel so excited as much as I feel so anxious. Hindi ko alam kung ano sasabihin nya pero umaasa ako na ikatutuwa ko ito.
“Didiretsahin na kita John… About what just happened that night when you were drown-dead-drunk…” ang hitsura nya mukhang malungkot at naiirita, “H-hindi ko gusto yung nakita ko at narinig ko sayo…” patuloy nya.
“What do you mean?” taka ko at the same time kaba ko.
“Please don’t act like a child! I know you know exactly what I mean…”
“Hindi ka pa rin nagbabago, malalim ka pa ring magsalita, akala ko ba didiretsahin mo ako? Ano bang ayaw mo sa nakita at narinig mo sa akin?”
“Your’re years long goned John, dapat naka-move on ka na sa akin! Ang buong akala ko nga nakalimutan mo na kami ng anak mo eh! Kung hindi pa nga kita tinawagan hindi ka naman uuwi sa bansa at magpaparamdam sa amin ng anak mo diba? Pero sa nakita ko that night, mukhang hindi mo pa nao-overcome ang mga bagay-bagay sa atin.”
Nalungkot ako sa narinig ko at napaisip ng malalim. It only means na naka-move on na talaga sya sa aming dalawa.
“Alam mo Ana, hindi ako nagparamdam kase akala ko yun ang gusto mo… Naniwala ako na mahal na mahal mo pa rin ako sa kabila ng mga nagawa ko sayo. Nagtiwala ako na sa pagbalik ko, may babalikan pa ako. Ni katiting Ana hindi ko naisip na mag-move on at kalimutan na lang ang lahat. Simply because I love you, and that I could’nt erase you in my heart. I would’nt!”
Nakita kong namamasa ang mga mata nya, pero hindi ko naman mabasa sa kanya ang ibig sabihin nun.
“Yan na ata ang pinaka-pathetic na salitang narinig ko. Minsan may mga bagay ka na sinasabi sa akin na nakakalito. You’re hot and cold eversince! Sometimes sweet, oftenly bitter. You see, I and my daughter lives in a stable and better life, sana huwag mo na lang kaming guluhin. Naka-move on na ako John, so please…”
“Ana, sometimes, although you live your life, it does’nt mean you’re alive, and let me tell you this, you did’nt move on, you’ve just chosen to stop moving… I know this is not what you really want, Ana. I know you still have feelings for me. Siguro naman may second chance pa for us.”
“Mukhang hindi yata tayo nagkakaintindihan John, I guess I ought to tell you this, I love Rick… And maybe you were right, let’s give our selves a second chance to live in seperate ways…”
Napatindig ako, “Ana, please don’t do this to me…”
“I’m not doing anything to you! YOU EARNED THIS! And you deserves all of this! Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin, ikaw ang dahilan kung bakit nawasak ang buhay namin ni Johna!” naluluha na sya…
“Si-siguro nga ako ang nagbigay ng dahilan kung bakit tayo nagkalabuan, pero ikaw pa rin ang unang bumitaw kaya tayo naghiwalay! Nanghina ako noon, dapat nagpakatatag ka! Oo ako nga ang may kasalanan, pero bakit ka nagpadala sa pagkakasala ko? Bakit mo tinuldukan kaagad? Bakit hindi ka lumaban kahit man lang para kay Johna?!”
“Huh! So ako pa ngayon ang mali? Ako pa ngayon ang dapat sisihin sa nangyari? Ang kapal ng mukha mo! Ano, gusto mo magbulag-bulagan ako, magbingi-bingihan? Mambababae ka kung kelan mo gusto? Tapos gusto mo patawarin lang kita ng ganun-ganun lang? John, yung humihingi lang ang binibigyan. Ikaw, kahit SORRY wala man lang akong narinig sayo!”
Biglang nag-walk out si Ana at iniwan ako sa loob ng resto. Hindi ko na sya nagawang pigilan kase natigilan ako at natameme… Naguilty kasi ako dun sa huling sinabi nya. Pilit kong inaalala kung nakapag-sorry nga ba ako sa kanya noon o hindi…
Alam kong umiiyak si Ana nung iwan nya ako. Alam kong nasaktan din sya sa mga salitang binitawan nya sa akin. Alam ko kailangan lang nyang sabihin ang mga bagay na yon para tigilan ko na sya, pero alam kong hindi yon ang tunay nyang nararamdaman.
Mabigat para sa akin ang naging usapan namin ni Ana. Parang sinabi na rin nya na tumigil na akong huminga. Tingin ko labis na talaga akong umaasa sa isang bagay na hindi ko na makukuha. Tama sya, I’m deserving to all of this…
Aalis na sana ako pero pagtayo ko naman sa kinauupuan ko bigla din akong napaupo ulit. Nanlalambot kasi ako, parang nawalan ako ng lakas. Bumagsak ang pwet ko sa upuan na gumawa ng malakas na ingay, na umagaw sa atensyon ng mga tao sa paligid.
Sinubukan kong tumayo ulit, but this time, may umalalay sa aking waiter, “Sir, okay lang po ba kayo?” naitong pa nya habang hawak ang magkabilang braso ko.
“I’m fine! Just let me go, okay?” makomando kong tugon.
Nagawa kong tumayo pero nung bitawan ako nung Waiter bigla naman akong natumba at napaluhod sa sahig. Nahampas ko ang ibabaw ng mesa nung subukan kong humawak upang balansehin ang aking sarili.
Nagsipagkalaksingan ang mga plato, baso at ilang mga kasangkapang nakapatong sa ibabaw ng mesa. Lalo tuloy akong pinagtinginan ng mga tao.
“Oh my Gad, John, is that you?” isang boses babae ang narinig kong nagsalita sa may likod ko.
Paglingon ko, si Leila ang una kong nakita.
“Are you okay?” sunod nyang tanong sa akin habang inaalalayan ako pabalik sa upuan.
Parang nahimasmasan ako nang makita ko sya, “O-okay lang. Medyo nahilo lang ako…” sabi ko na lang.
Nagkausap kami ni Leila matapos magligpit nung waiter sa pinagkainan namin ni Ana kanina. Pareho na kaming nakaupo ni Leila at magkaharap sa isa’t-isa. Medyo bumuti na rin ang pakirandam ko, ewan ko ba kung ano yung dumating sa akin na yon.
“Kumain ka na ba?” paunang tanong ko.
“Oo.” simpleng sagot nya.
“Ano nga palang ginagawa mo dito?” muli kong tanong.
“Ah. Dito kasi yung magke-cater dun sa reunion. Diba nga nagpapasama pa ako sayo kanina, kaso sabi mo may important meeting ka, dito lang din pala. Nasaan na ka-meeting mo?”
“Kase…ahm… Actually nagkita lang kami ni Ana dito.”
“Huh?” palingon-lingon sya, “So where is she?”
“Umalis na…” malungkot kong sagot.
Tumaas yung isang kilay nya, “Hmm… Siguro nag-away kayo noh? Tell me what happened.”
Inayos nya ang pagkakaupo nya at nagtuon sya ng atensyon sa akin, na para bang handa na syang makinig ng masinsinan.
“Ah. Wala naman kaming masyadong napag-usapan. Nagkumustahan lang kami.” parang ayaw ko munang pagusapan.
Nagulat ako nung bigla syang sumagot na, “Ah, okay.” na dapat sana kinukulit ako dahil ayoko magkwento. Siguro nga wala naman talaga syang interest sa akin. Ako lang talaga itong assuming.
“John, whenever you need someone to talk to, or to anything, i’m just here, you know i’m always here.” pagkasabi nya nun tumayo sya atsaka nagpatuloy, “Maiwan na kita John. Kakausapin ko lang yung Chef, for the food i’m requesting sa reunion.”
Gulong-gulo pa rin ang isip ko nung iwan ako ni Leila. Hindi ko alam kung paano ko iipunin ang senses ko nung maalala ko ulit ang naging usapan namin ni Ana. The mere fact that we’re anulled, the fact that she don’t love me anymore.
I spend the rest of my vacation with my daughter Johna. Pinilit kong tumawa at maging masaya sa twing kasama ko sya. Hindi ko pinahalata sa kanya na ngayon talagang tapos na kami ng Mama nya. Absolutely official.
Araw-araw kong kasama si Johna. Hatid-sundo ko sya sa school at palagi kaming kumakain sa labas. Pero may mga times na umiiwas din ako sa kanya, at yun yung mga oras na kasama nya ang Mama nya at yung Rick na yun.
Hindi na rin magtatagal babalik na ako sa States. Nag-extend lang ako upang maabutan yung kumpormiso ko kay Leila na aattend dun sa batch reunion. After nun aalis na agad ako. I failed to win the battle for love but I did’nt lose at all. Mahal ako ni Johna, yun na lang ang mahalaga sa akin ngayon.
Naisipan kong maglaan ng isang araw para sa nakababata kong kapatid na si Andrew. Pagkatapos kong ihatid sa school si Johna dumiretso ako sa bahay nila. Kinumusta ko yung dalawa kong pamankin at yung asawa nya. Buti pa sya may maayos na pamilya.
Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kapatid ko. Kahit simple lang ang pamumuhay nila, masaya pa rin sila at parang wala man lang problema.
Nagpabili sya ng alak at pulutan. Niyaya nya akong uminom kahit alas nueve pa lang ng umaga. Okay lang, ito lang naman ang bonding naming magkapatid.
“Kumusta naman sa abroad Kuya? Ang ganda siguro don noh?” tanong nya sa akin habang nilalagyan nya ng cube ice ang baso ko.
“Hum. Okay lang. Ikaw eh, matagal na kitang kinukuha don pero ayaw mo.”
“Hindi siguro para sa akin ang abroad Kuya. Mas masaya ako dito, hindi man kami ganun kayaman, at least magkakasama kami ng pamilya ko.”
At least kasama ang pamilya…
Noong una, tingin ko sa kapatid ko wala syang pangarap sa buhay dahil sa dahilan nyang yan. Akala ko wala syang balak umasenso kase nasa kanya na ang lahat ng pagkakataon pero ayaw nya… Pero ngayon mukhang nauunawaan ko na.
“Marami din naman opportunities dito sa bansa, hindi nga lang singlaki ng kinikita mo sa abroad, pero gusto ko na kase yung trabaho ko sa office.” dagdag pa nya.
“Oo nga. Buti ka pa maayos na buhay mo, ako, heto, masasabing umasenso pero putcha, parang wala namang direksyon ang buhay ko.”
“Ano ka ba Kuya, huwag mong sabihin yan. Dahil ba kay Ate Ana? Sa gwapo mong yan siguradong makakahanap ka pa ng iba.”
“Ah, tama ka, kailangan ko na nga sigurong maghanap ng iba…” basta ko na lang naisagot.
Naging seryoso sya matapos nyang lumagok ng alak, “Kuya, hindi naman sa ano ha, pero tingin ko dapat mong malaman ito.”
Kumunot kilay ko, “Alin?” mabilis kong tanong.
“Kase si Ate Ana, binawi nya lahat ng mga bagay na binigay nya noon sa mga anak ko. Damit, laruan, yung bike, relo, bag, pati lahat ng maliliit na bagay lang na bigay nya, lahat kinuha nya ulit.”
“Huh?! Ano?!” nagulat ako at napamura pa ako sa isipan ko, “Totoo ba yang sinasabi mo?”
“Oo Kuya. Pati nga yung motorsiklo na regalo nyo sa akin noon kinuha din nya eh.”
“Yung Kawasaki Rouser?” kaya pala hindi ko na ito nakikita ngayon, “Bakit naman daw?!” inis kong tanong.
“Ah, e-ewan ko…” tugon nya, matapos nyang yumuko.
Sa palagay ko alam ko na kung bakit. Dahil siguro sa paghihiwalay namin noon. Hindi lang siguro masabi sa akin ng kapatid ko. Ganun ba talaga kalaki ang galit nya sa akin? Bakit kailangan pa nyang gawin yon? Mga materyal na bagay lang naman yon.
“Pero Kuya, nabalitaan ko na sinunog lang ni Ate Ana ang lahat ng yon, tapos yung bike at motor ko chinop-chop nya…”
“Eh bakit mo ba kase binigay? Tsaka bakit ‘di mo ako tinawagan?”
“Eh syempre Kuya ano ba naman magagawa ko eh galing sa kanya yon? Isa pa sabi ni Mama huwag ko na lang daw ipaalam sayo noon dahil baka mag-alala ka pa, lalo na nasa malayo ka.”
Nakakainis. Pati tuloy yung bahay na pinagiba nya naalala ko. Medyo nakakasama din ng loob dahil hindi sinabi nila Mama sa akin ang mga bagay na ito. Karapatan kong malaman yon dahil kahit papaano pagmamay-ari ko rin yung mga yon, lalo na yung bahay.
Pero sa kabilang banda naman, ano pang silbi kung magalit man ako? Wala na. Nangyari na, kahit magalit pa ako wala na ring saysay dahil hindi naman nito mababalik kung ano man yung mga nawala na.
Siguro wala na ring saysay kung iiyakan ko pa si Ana at patuloy na malulungkot, kase hindi na rin nito mababalik pa ang pagkawala sa akin ng asawa ko. Mahirap ipaglaban ang taong mahal mo, at hindi rin ganoon kadaling bumitaw. I think I better set my heart and mind in the art of moving on.
Mas mabuti na sigurong mag-move on para minsanan lang ang sakit, kesa mag-hold on pero paulit-ulit ang sakit.
Hindi na rin ako nagtagal pa kina Andrew, umalis na ako kahit hindi pa namin nauubos yung iniinom naming alak. Sabi ko sa kanya papalitan ko na lang yung motor na binawi sa kanya ni Ana, at kahit tumanggi pa sya, yun pa rin talaga ang gagawin ko pagbalik ko sa States. Padadalhan ko na lang sya ng pambili.
Hanggang sa dumating na ang araw ng Batch Reunion. Maaga akong umalis ng bahay kase medyo malayo yung venue, kailangan ko pang bumyahe ng dalawang oras. Akala ko naman dun lang sa dating school namin gaganapin, pero dun pala sa function hall ng isang sikat na hotel sa Maynila.
Kaswal lang ang suot ko for the night celebration. I’d like to stay low and humble, sabagay hindi rin naman ako bigtime. Sa biyahe pa lang inaalala ko na isa-isa yung mga mukha at pangalan nung mga dati kong kaklase, medyo nakalimutan ko na kase yung iba.
Pagdating ko sa tamang lugar, na muntik ko pang kinaligaw, si Leila ang unang nakita ko, “O Johnny Gonzales, kanina pa kita hinihintay.” salubong nya sa akin.
Dumating ako mga alas syete pa lang ng gabi, wala pang gaanong tao at wala pa rin akong nakikita sa mga ka-section namin ni Leila noon.
“Pasensya na, traffic eh! Saka ako pa lang naman ata dumating sa grupo natin eh!”
“Oo nga. But, they’re on their way, tinext ko na sila kanina.”
Kita ko ang kasiyahan sa kislap ng mga mata ni Leila, at ang mga mata nyang iyon ang mas lalong nagpapaganda sa kanya sa suot nyang golden necklace at earings na tinernuhan nya ng isang dazzling evening dress na may sparkling beads.
Inalalayan ako ni Leila sa isang long table kung saan may dalawang babaeng nakaupo. Medyo namumukhaan ko sila, na nakikita ko noon sa ibang section.
“Good evening Sir.” sabi nung isa, “Name please.” sabi naman nung isa na mukhang suplada.
“Yes! Good evening. I’m Johnny Gonzales.” pagkasabi ko sa pangalan ko binuksan nung isa yung hawak nyang folder at mukhang tinitingnan nya doon ang pangalan ko. Ah, siguro yun yung list of attendees.
Habang abala sila sa paghahanap sa pangalan ko, bigla kong naalala si Ana. Siguro dahil sa patong-patong na problemang iniisip ko, ngayon ko lang naisip na kaklase ko din pala si Ana noon. Which only means na posibleng pupunta din sya ngayong gabi.
Muli kong hinarap si Leila na nakatayo sa tabi ko, “Sya nga pala, classmate din natin si Ana diba?” tanong ko sa kanya.
Tumaas yung isa nyang kilay, “Of course, lagi pa nga kayong nagaaway noon diba? Don’t tell me, of all the people, sya pa itong nakalimutan mo?”
“Hindi naman. So, invited sya dito?”
“Syempre naman noh! At nag-confirm sya sa akin.”
Bigla akong kinabahan sa narinig ko, kasabay ng pag-aabot sa akin nung isang babae sa isang maliit na papel na naka-laminate. Stab daw para dun sa buffet. Hindi ko nga alam kung tatanggapin ko o kung ngayon aatras na ako. Parang ayoko kasing makita si Ana, and to think na baka kasama nya si Johna, and the worst scenario, na baka kasama din nya yung Rick na yon.
“Hindi ba sinabi ko pa sayo non na sabihin mo kay Ana ang tungkol sa reunion na ito?” bumalik ako sa sarili ko nang muling magsalita si Leila.
“G-ganun ba… Sorry, nakalimutan ko ata.”
Nahalata ata nya na bigla akong nalungkot kaya niyaya na nya akong pumasok, “So, let’s get inside?” sabi nya.
Parang nawala ako sa sarili ko. Parang akong isang bata na may kinakatakutang multo, isang multo na ano mang oras maaaring magpakita.
“Okay.” maiksing tugon ko. Pero sa loob-loob ko parang gusto ko nang umalis at kung pwede lang dumiretso na ako sa Amerika.
Pagpasok namin sa loob, napahanga pa ako sa ganda ng set-up. May isang maliit na entablado sa gitna na napapalibutan ng mga round tables and chairs na merong mantel sa teal motif.
Pinaupo ako ni Leila sa isa sa mga tables, “Maiwan muna kita dito, aasikasuhin ko lang yung ibang guest.” paalam nya sa akin.
Pag-alis ni Leila ay sya namang pagdating ng isang waiter na may dalang round tray na may goblet of cold iced tea. Binigyan nya ako ng isa, well, nilagay lang nya sa ibabaw ng table, sa tabi ng nakataob na plate and several spoon and pork, bread and steak knife, tea stirrer and etc..
Pinagmamasdan ko ang buong paligid, pati na yung mga tao dun sa stage na abala sa pag-aayos dun sa mga cables, lights and sound system. Nakita ko rin doon si Ma’am Lucy, at nung matanaw nya ako, nginitian pa nya ako habang nagwi-wave ang kamay.
Parang lahat na tao sa apat na sulok ng hall na ito masaya, bukod tangi sa akin na hindi maipinta ang mukha sa lungkot at pinipilit lang ngumiti. May nararamdaman talaga akong kaba. Ginawa ko tinawag ko yung waiter at humingi agad ako ng alak, malas lang kase wine lang available, humingi na lang ako ng cabernet sauvignon.
Unti-unti ng dumarami yung mga tao, yung iba hindi ko na nakikilala pero namumukhaan ko sila, hindi ko nga lang matandaan section nila dati. And finally, may nakita na ako sa mga ex-classmates ko, sila yung mga nerds at genuises noon. Simpleng ‘hi’ lang tuloy nangyari sa amin, hindi ko kase sila ganun ka-close noon.
Sunod-sunod na yung pagdating ng mga bisita, sunod-sunod na wine glass na rin ang aking tinungga. Habang papalalim ang gabi mas lalo akong kinakabahan.
Napalingon ako sa may main door, bigla kasing may naghiyawan doon eh. Napangiti ako nang makita ko kung sino yung grupo ng magugulo na papasok. Yung mga friends ko, sina Matthew, Mark, Mary, Luke at Thomas. Hanggang ngayon talaga maiingay pa rin sila.
Tatayo na sana ako para salubungin sila, pero bigla naman akong napaupo ulit nang makita ko yung sunod na pumasok…
Si Analene…
Parang nanlambot ako. It feels like my mind suddenly flown away, as my heart stops beating. At ngayon hinihiling ko na sana hindi nila ako makita. At ngayon palingon-lingon na ako at naghahanap ng fire exit. And now I started getting paranoid.
As expected, kasama nga nya si Rick, at sya lang talaga ang sinama nya. Sabagay mas okay na rin yon, ayoko din namang isama si Johna dahil hindi naman ito lakad-pamikya. Mas lalo ngayon na ganito ang sitwasyon. Buti wala sya, hindi nya makikita ang kahihiyan ng Daddy nya.
Medyo malayo sila ng konti sa akin at mukhang hindi pa nila ako napapansin. Naririnig ko yung usapan nila, puro papuri kay Ana. Kesyo ang ganda daw nya, ang sexy, at parang hindi daw sya tumatanda sa ganda ng kutis nya.
Totoo nga namang maganda si Ana, mula noon hanggang ngayon, and this evening of beauty and fashion, nag-stand out talaga sya. She is the most beautiful woman tonight. Tangina lang kase hindi ako yung escort nya.
“I’d like you all to meet my fiance, Rick.”
Parang nadurog ang puso ko nung marinig kong ipakilala ni Ana ang bago nyang boyfriend. Hindi na ito kinagulat ng iba, nag-smile lang sila at nakipagkamay pa kay Rick, malamang updated sila sa buhay ni Ana. Pero si Mark, na minsang nakakachat ko, nagulat.
“O, akala ko may asawa ka na Ana? Diba kayo ni John?” ako naman ang ginulat nya.
Natahimik si Ana at hindi nakasagot, na sya namang naramdaman ni Leila kaya sya ang sumalo sa tanong, “Ano ka ba naman Mark? Hina naman ng radar mo.” then tinapos nya ang usapan, “Anyway, let’s get going.” at nagpatuloy na sila sa paglalakad papasok.
Dang it! I badly need to get my self out of here! Ayoko silang makaharap! Bakit ba ako nalagay sa ganitong sitwasyon? Kasalanan ito ni Leila eh! Err..
Nakatulala ako nung makarating na sila sa table na kinalulugalan ko.
“Uy pare, nandyan kana!”
“Johnny, is that you?”
“Pre kumusta? Ang taba mo ah!”
Sandamakmak na kumustahan, kamayan at tawanan nung magsiupo na sila sa tabi ko. Ako naman nginingitian ko lang sila. Wala kasing ibang laman ang isip ko kundi si Ana.
Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Analene. Nandun kasi sila sa kabilang table nakaupo, kasama nung ibang ex-classmate naming babae, at syempre katabi nya si Rick.
Nagkatitigan kami ng mga ilang segundo. Tangna how will I deal with this mothafucking situation? Magha-hi ba ako? Kakawayan ko ba sya? Ngingitian ko ba sya? Bullshit!
Buti na lang at bigla syang kinausap ni Rick, kaya naman naputol yung titigan namin nung lingunin nya kausap nya.
Whew!
Bakit ba ako nakipagtitigan sa kanya? At bakit kaya hindi sya agad umiwas ng tingin?
“But before we start the program, let’s have supper first. Alam ko gutom na kayong lahat.”
Dinner time. Naiinis ako! Ba’t kaya ‘di pa nila simulan yung program nang matapos na!
Nag-roll call ng table number yung hostess for the line up of the buffet. Panlimang natawag yung table namin. Nagsitayuan lahat ng kasama ko upang pumila na, bukod tangi sa akin. Niyayaya nila ako pero sabi ko mauna na sila. Parang nawalan kase ako ng gana, siguro dahil sa kakainom ko ng wine.
Sumunod na natawag yung table sa kabila, table nina Analene. Nagsitayuan din sila para makipila dun sa buffet. Pero tulad sakin, nagpaiwan din si Analene.
Nandun lang sya sa table, tahimik na nakaupo habang nagse-cellphone. Ako naman hindi mapakali, lingon ako ng lingon, at ang tanging nasa isip ko sa mga oras na ito ay ang lapitan si Ana.
Medyo mahaba yung pila sa buffet kaya natagalan sila. Hindi ko na tuloy napigil ang sarili ko na lapitan si Ana. Lakas-loob akong tumayo at humakbang palapit sa kanya.
Habang naglalakad ako napalingon sya sa akin, at nung mapansin nyang papalapit ako bigla syang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya sa mga sandaling ito, pero sabi ko sa sarili ko na kapag hindi umalis ang babaeng ito sa kinauupuan nya, may feelings pa sya sa akin, at may chance pa ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang naisip ko, pero napangiti ako dahil hindi umalis si Ana hanggang makalapit ako sa kanya.
“O, ba’t hindi ka pa kumuha ng food?” yan ang una kong naisip na itanong. Salamat sa tama ng wine at nagkaroon ako ng lakas ng loob.
“I lost my foodstab.” maiksing tugon nya, at hindi nya ako hinarap.
“Here.” sabi ko sabay abot ko sa kanya ng foodstab ko, “You can use mine.”
“No, thanks. Hihingi na lang ulit ako do’n mamaya.”
Napahiya ako. Feeling ko talaga napahiya ako. Hindi nya tinanggap ang offer ko, sabagay as if namang tatanggap pa sya ng bagay na galing sa akin.
“Buti hindi mo sinama si Johna?” sunod kong tanong na matagal ko pang pinag-isipan.
“Wala. May sarili syang lakad.” at buti na lang sumasagot pa sya.
“Ah okay. Saan naman sya pumunta?”
Napatingin sya sa akin. Matalim ang tingin na ipinukol nya sa akin, “John, will you please, for once in your life, give me peace?” pagsusungit nya. Upset na naman sya.
“Ha? Bakit, ginugulo ba kita? Nagtatanong lang naman ako tungkol sa anak ko ah.”
“Then why, the hell, don’t you call her and ask her yourself?”
Nakakainis talaga ang babaeng ito! Ang sungit! She does’nt change a bit! Noon pa man ganito na ‘to eh! Laging masungit, parang laging may regla! Kaya siguro nagawa kong mambabae noon dahil na rin sa attitude nyang ito.
Umalis na ako bago pa kami mag-away. Habang nakokontrol ko pa sarili ko, baka magkasagutan pa kami’t magsigawan pa dito.
Pero pagtalikod ko naman sa kanya bigla nya akong kinausap, “Umalis sya kasama nung boyfriend nya, may date ata sila…”
Shocks!
Nagulat ako. Nagulat talaga ako.
Nagulat ako hindi dahil sa kinausap nya ako, kundi sa narinig kong sinabi nya. Si Johna, may boyfriend? Kailan pa? At bakit hindi nya pinaalam sa akin?
Muli kong hinarap si Ana, “Boyfriend?! I didn’t know that she’s dating someone.”
“Tshh! Don’t tell me she didn’t tell you about him?”
Fuck! Natahimik ako at biglang sumama ang loob ko, nanikip pa talaga dibdib ko.
“Ah, I almost forgot! Wala ka nga palang alam tungkol sa buhay ng anak mo. Sabagay wala ka naman palang pakialam sa kanya, kase sarili mo lang iniisip mo!” patuloy nya na ang dating sa akin parang pinukpok nya ako ng bote sa ulo.
At napuno na ako. Parang umakyat ang kumukulo kong dugo sa ulo.
Lumapit ako sa kinauupuan nya at tinutukan ko ang mukha nya, “Don’t talk like you think you know everything about her. Don’t talk like you fucking know everything about me!” napataas na boses ko, nag-init na talaga ako.
“Oh really? Then don’t act like you’re still part of our life! You have no idea on what we’ve been through!” nagsimula na syang sumigaw, at sumigaw sya mukha ko.
“And you either have no idea what i’ve been through!”
Nagsigawan kami, mukha sa mukha, halos maghalikan na kami sa sobrang lapit ng mga labi namin sa isa’t-isa. Nagsigawan kami at parehong walang pakialam kahit pa pinagtitinginan na kami ng lahat ng tao.
“You just deserve this! You deserves all of this!” biglang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
“I just want you back! All because I love you! Do you know that! I’m still in love with you! And I fucking hate that I love you this much!” at dito na tumulo ang luha ko.
Hindi ko na mapigil ang mga salitang lumalabas sa bibig ko na nagmumula sa puso ko. Patuloy ang aming sigawan, mata sa mata, at konting-konti na lang talaga maglalapat na ang aming mga labi.
“No John! Fucking NO!!! You just love women! All you ever want is sex! You didn’t love me for who I am, you didn’t love me whole! You just love me because i’m a woman!”
“Ana, please don’t say that!!”
Nagsisigawan pa kami nung maramdaman kong may humawak sa magkabila kong braso. Hindi ko ito pinansin, patuloy lang ako sa pagsigaw sa mukha ni Ana, “Don’t say that! You don’t know how I feel!”
Dumating na rin si Rick upang awatin si Ana. Pumagitna sya sa aming dalawa, hinarangan nya si Ana sa akin, at hinarap nya ako.
“John, please let go! Stop it okay?!”
Ginawa ko hinila ko braso ko, pinilit kong makawala mula sa pagkakahawak sa akin. At nung makawala ako, mabilis kong sinapak sa mukha si Rick. Ewan ko kung bakit biglang nagdilim ang paningin ko.
Nagkagulo na ang lahat. Hindi ko na alam kung ilang lalake na ang humawak sa akin. Pilit nila akong binubuhat at kinakaladkad palabas, kase gusto ko pang suntukin si Rick, gusto ko pa syang bugbugin, pero nagawa nila akong ilayo sa kanya.
Ang tanging nakita ko na lang ay si Leila. Hinaharangan nya si Rick, “Calm down please! Lasing lang sya okay?”, “Break a leg Rick!” pinagtatanggol nya ako.
At si Analene…walang tigil sa kakaiyak…
Tangna! Just what have I done?!
Pagdating sa labas ng hall nagpabitaw na ako sa kanila. Sabi ko ayos na ako.
“Are you sure, you’re okay?” si Matthew.
“Ayos lang pare… I’m sorry okay?!”
Nagpaiwan na ako sa labas. Sinabihan ko sila na pumasok na sa loob at tingnan yung sitwasyon doon. Sabi ko uuwi na ako, magyoyosi lang ako kako.
Nung makaalis na sila nagpahangin muna ako. Nakatayo ako sa tabi ng puno ng akasya. Dumukot ng yosi at lighter sa bulsa. Nanginginig pa mga kamay ko habang sinisindi ang sigarilyong nakasalpak sa bibig ko.
Si Johna ang nasa isip ko. Masama pa rin ang loob ko dahil hindi ko alam na may boyfriend na pala sya. Ako na sarili nyang ama, hindi sinabihan…
Bumuga ako ng usok habang nakatingin sa malayo, kasabay ng pagbagsak ng luha sa aking mga mata.
Tangna! Mula nung dumating ako dito sa Pinas, si Johna na ang lagi kong kasama at kausap araw-araw, pero si Analene naman ang laging laman ng isip ko sa twing magkasama kami ni Johna.
Oo kinumusta ko yung lagay ni Johna, pero wala akong maalala na kinumusta ko kung ano na ba ang nangyayari sa buhay nya. Laging buhay lang ni Ana ang inaalam ko.
Hindi nya sinabing may boyfriend sya, kase hindi ko naman sya tinatanong.
Siguro hinihintay lang nya na kausapin ko sya bilang father and daughter…
“Are you okay John?”
Nagulat ako sa boses na narinig ko mula sa likod ko. Pinunasan ko muna luha ko bago ko sya hinarap.
Si Leila…
Parang may kakaiba sa kanya nang makita ko sya. Malungkot ang aura nya at bakas sa mukha nya ang pagtataka at mga katanungan.
“I’m fine.” sarcastic kong sagot.
“Kaaalis lang nila. Tara, pasok ka na, nag-start na yung program.” anyaya nya.
“Ah, hindi na. Aalis na rin ako, uubusin ko lang ‘to” pinakita ko yosi ko, “I’m sorry Leila if I ruined your party.”
“Don’t mention it. Okay lang yun. Ikaw yung inaalala ko ngayon.”
“Leila… Sorry talaga ha?”
“John,” hinarap nya ako, “Ahm John, pwede ba…” parang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi, “John, pwede bang ako na lang mahalin mo?”
Nanlaki mga mata ko sa narinig ko. Is she coffessing her feelings? And, Does she have feelings for me?
“Ha Ha Ha” napatawa ako, “What are you babbling? Sabi ko okay na ako, so, you don’t have to draw your corny joke.”
“Ha Ha Ha Akala mo siguro John gusto kita noh? Ang hindi mo alam totoo…”
“Ano ka ba Leila?! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!”
“John, i’m deadly serious…”
Napatigil ako sa pagtawa kase naging seryoso ang mukha nya.
“Hindi mo lang alam John, since high school gusto na kita, kaso anino lang ako ni Ana noon, at mukhang, hanggang ngayon… I’m just a shadow who discreetly envy her a lot. Lagi kase kayong magkasama noon, kahit madalas kayong mag-away, at the end of the day super sweet nyo pa rin sa isa’t isa.”
A revelation. A confession. And I don’t know what to say. I’m totally speechless. Naalala ko tuloy yung mga bagay na ginagawa ni Leila para sa akin noon. So lahat pala ng yon may deep meaning.
“Nung mabalitaan kong ikakasal na kayo ni Analene, doon na ako nagdesisyong mag-move on sayo at magmahal ng iba.”
“O, naka-move on ka na pala, bakit mo sa akin sinasabi ngayon na ikaw na lang mahalin ko?” yan lang alam kong itugon.
“Kase ngayong gabi nakita ko kung gaano ka kawagas magmahal. Biglang nagbalik yung pagtingin ko sayo… Kaya ako na lang mahalin mo John, and I promise to you na mamahalin din kita ng wagas.”
Long pause ang sumunod habang magkatitigan kami ni Leila. Pilit kong binubuo sa isip ko yung mga bagay na sinasabi nya sa akin.
“You see Leila, i’m trying so hard to rebuild the relationship between me and my ex-wife. Simply because I love her so much. It took years before I realised that I truly love her. Hindi mo basta pwedeng sabihin lang sa akin na mahalin kita ngayon, unfair sayo yon, kase magsisinungaling lang ako kung sasabihin kong oo, gayung may mahal pa rin akong iba.”
“I understand, and my love for you is willing to wait. Sabihin mo lang sa akin na hintayin kita, kahit matagal, i’m willing to wait. John…”
Alam kong walang kahahantungan ang pag-uusap namin ni Leila kaya minabuti ko na umalis na lang. Sinabi ko na lang na hindi yun ganun kadali, na kung mahihintay sya baka maghintay lang sya sa wala, and I don’t want her to wait in vain again.
Imbes na umuwi, dumiretso ako sa bahay ni Analene. Once and for all, gusto ko ng tapusin ito ngayong gabi. Maganda man ang kahihinatnan o hindi, gusto ko nang malaman if I can really win this battle or not.
Pagdating ko sa bahay nila tahimik ang lugar. Patay ang mga ilaw sa loob ng bahay bukod sa ilaw dun sa labas ng front door. Maghahating gabi na kaya naisip ko na baka tulog na silang mag-ina.
But it’s now or never. Kailangan ko na syang makausap ngayon dahil kapag ipinagpabukas ko pa ito wala na akong mukhang maiharap pa sa kanya.
“Ana! Ana!” sumigaw ako sa labas ng gate nila upang tawagin sya.
“Ana, please let me talk to you!”
Inaalog-alog ko na itong gate upang makagawa ng ingay pero wala pa ring sumasagot. Pero kahit ilang minuto na akong parang tangang nagtatawag dito hindi pa rin ako tumigil.
“Ana! Ana! Please talk to me! Alam kong gising ka pa!”
Alam kong nasa loob sya, naka-park na kase yung kotse nya, at alam kong gising pa sya, ayaw lang nya akong pagbuksan.
“Dad?”
Biglang sumulpot si Johna sa likod ko, “Johna, where’s your M–” paglingon ko tatanong ko sana si Ana sa kanya pero natigilan ako nung makita ko syang may kasamang lalake.
Dis-oras na ng gabi pero nasa labas pa sya? Tapos may kasama pang lalake? Medyo nabanas ako as a father.
“Good evening po…” bati sa akin nung lalake, sabay extend ng kamay nya sa akin.
Hindi ko sya kinamayan, bagkus tinanong ko sya, “Who are you?”
Si Johna ang sumagot, “Ah, sya nga pala si Albert, Dad, a friend of mine.”
“A friend? Just who do you think you’re fooling, Johna?”
“Yes Dad, he’s my boyfriend. And, i’m sorry…”
Nabigla ako sa naisagot nya. Ineexpect ko kasi na aawayin nya ako sa pagdadahilan, pero dineretsa nya ako at humingi pa agad ng sorry.
“Johna, napakabata mo pa para mag-boyfriend.”
“Dad, tanong ko lang, may tamang oras ba para sa lahat ng bagay? Kaya ba sobrang tagal mong balikan kami ni Mama dahil naghihintay ka ng tamang oras? Well, you’re way too late, Dad. I know i’m not in the right shoe para mangatwiran sayo, but to tell you Dad, I know what i’m doing! What about you Dad, do you know what you’re doing?!”
Napabugtong hininga na lang ako. Binaliktad nya kasi ako eh, dinala nya sa akin ang usapan, at sa tingin ko wala akong magandang maisasagot doon. Kase alam ko na kahit ano pang paliwanag ang gawin ko hindi nya pa rin ako maiintindihan.
“Dad, unfair ka eh!” muli syang nagsalita, “All this time, puro si Mama na lang iniisip mo, puro si Mama na lang iniintindi mo, puro si Mama na lang bukang bibig mo, habang ako, ikaw lang ang tanging laman ng puso’t isip ko!” bigla syang naluha.
“J-johna–” magsasalita pa sana ako pero bigla nya akong tinalikuran. Dinaanan nya lang ako at dumiretso sya dun sa gate.
Pero bago sya pumasok may sinabi pa sya sa akin, “Ganun paman Dad, masaya pa rin ako tonight, finally, you’re able to see me. I just wish that someday you’ll also able to see the bright side of me. I’m your daughter Dad, and I love you.” atsaka nya ako nginitian.
Sa sobrang gulat ko hindi ko na napansin na nagpaalam na pala sa akin yung boyfriend nya. Narinig ko syang nagsalita pero hindi ko naintindihan mga sinabi nya. Natameme kasi ako sa mga words ni Johna. Hindi ko alam na may ganito pala syang hinanakit sa akin.
Ngayon randam na randam ko na ang pagkakaroon ko ng broken family…
“A-ana?”
Nakita ko si Analene na palabas ng bahay nila.
“John, mas mabuti pa umuwi ka na.” kinausap nya ako pero hindi sya lumabas ng gate. Pumapagitan sa amin ang bakal na pinto nito.
“Hindi ko na itatanong kung bakit umiiyak si Johna, for now, just let her be with herself.” patuloy nya.
Kung magsalita sya parang walang nangyari sa aming away kanina. Kalmado lang sya at maayos magsalita.
“Ana, sorry nga pala kanina–”
“Sshhs… Don’t mention it, okay na yun. Just go John.”
Naiinis ako kase pilit nya akong pinapaalis, pero ngayong kaharap ko na sya, gusto ko nang tapusin ito, ngayong gabi.
Lumuhod ako sa tapat nya kasabay ng pagtulo ng luha ko. Lumuhod ako at nakipagtinginan sa kanya sa pagitan ng mga grills ng gate.
“Ana… I’m sorry…” lumuhod ako upang humingi ng tawad sa kanya, “I’m sorry sa lahat ng nagawa ko sa iyo.” sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ako nakahingi ng tawad sa kanya.
Nagulat ako nung buksan nya ang gate, lumapit sya sa akin, “Halika, tumayo ka…” saka nya ako inalalayang makatayo.
“Yan lang naman hinihintay ko sa iyo John eh. Ang humingi ka ng tawad at panindigan mo ang kasalanan mo bilang isang lalake. Kung nagkasala ka, aminin mo, hindi yung magmamatigas ka pa na para bang ako pa yung nagkamali.”
“Sorry Ana…” Niyakap ko sya ng mahigpit, “Sorry kung ngayon ko lang narealized ang lahat ng kasalanan ko, at sorry kung ngayon lang ako nakahingi ng tawad sayo.”
“John, naisip ko na nagiging unfair na ako sayo, andami mo ng ginawang effort para suyuin ako pero binabalewala ko. Siguro nga hindi tama na pahirapan pa kita ng ganyan.” kumalas sya sa yakap at tumingin sya sa aking mga mata, “Kaya John, pinapatawad na kita…” nginitian pa nya ako.
Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib nung maramdaman ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. Parang nakalas na yung kadenang nakatanikala sa puso ko sa loob ng mahabang panahon. I feel so free and I feel so alive.
“Salamat Ana…” sobrang saya ko talaga, “Pero, paano si Ricky? Hihiwalayan mo na ba sya?” sunod kong tanong sa pag-asang magiging okay na ang lahat sa pagitan namin.
“Huh?” napakunot kilay sya, “Hihiwalayan? Of course not!”
Sa narinig ko bigla akong kinabahan. Tangna, mali pa ata ang akala ko.
“Ha? Eh paano tayo? Diba pinatawad mo na ako?”
“Yes I’ve forgiven you, but that doesn’t mean we’ll be back together again. Like what i’ve told you, move on John and find another love.”
Hindi ko alam kung matatawa ako o masasaktan. Natahimik ako sa narinig kong sinabi nya. Akala ko pa naman magkakabalikan na kami, pinatawad lang pala nya ako.
Pero bakit parang iba ang nararamdaman ko?
Bakit parang pakiramdam ko mahal pa rin ako ni Analene?
Muli ko syang niyakap at mabilis ko syang hinalikan sa labi.
“John, anong ginagawa mo?!” pagpupumiglas nya.
Pero mas lalo ko syang kinulong sa aking bisig at pinagpatuloy ang paghalik sa kanyang malalambot na labi.
“Uhhmmmffff…”
Hindi sya makaiwas, wala syang magawa kundi saluhin ang bawat halik ko sa kanya.
Hanggang sa maramdaman ko na unti-unti na syang bumibigay. Hindi na sya pumapalag bagkus gumaganti na ng halik. Untill we find ourselves kissing each other’s lips with tounge.
Untill we find ourselves naked into her room…
Until we find ourselves fucking into her bed…
“Aahh Ahhh Uhh!”
Hindi ko rin alam kung paano yun nangyari, but that doesn’t matter at all, what matters for me is that i’m finally touching her again. Caressing her breast and slowly wandering her naked body. I wonder what makes her convinced, but she gave me passes to fully access her entire soul.
“Aaaaaahhhhhhhh Aaaaaahhhhhhhh”
Love is juicier the second time around. Sarap na sarap ako sa katawan ni Ana. Aliw na aliw ako sa ikalawang pagkakataon na nakatalik ko sya. And i’m gonna make it worth for her.
Muli kong naranasan ang pumatong sa hubad na katawan ni Ana, yung maligayang karanasan na yon nung honeymoon. Nothing beats the first time.
Matapos kong magbihis nasa akin pa rin yung intense. Nalalasap ko pa yung pussy nya na kinain ko kanina, ewan ko lang kung ganun din ang pakirandam nitong babaeng katabi ko na nagsusuot pa lang ng panty.
“Ang totoo nyan John,” nagsalita sya habang nagbibihis, “Ang totoo nyan John, ikakasal na kami ni Rick sa susunod na buwan.” patuloy nya.
Natahimik ako. Gusto kong ipaintindi sa sarili ko ang mga narinig ko. Ikakasal na sya, talaga atang malabo ng maging kami.
“Ana, wala na ba talagang chance para sa ating dalawa?”
“Ha Ha Ha” napahalakhak sya, “Nakakatuwa John… Akalain mong wala na akong pinagkaiba sa iyo ngayon.”
“Huh?” hindi yun ang sagot nq gusto kong marinig sa kanya. Malayo yun sa tanong ko pero ano naman kaya ibig nyang sabihin?
“You cheated me, and now I cheated my fiance. Hindi ba nakakatawa yon? Hindi pa man kami kasal, niloko ko na agad sya. Labas tuloy parang mas malala pa ako sayo.”
Tumatawa sya, pero hindi ko alam kung natatawa talaga o kunwari lang.
“Nag-sex na ba kayo?” ewan ko kung ba’t ko natanong perogusto kong malaman.
“Ha? Ano ba naman klaseng tanong yan? Well, we kiss a lot, but we never did it.”
“Yun naman pala eh! Magkaiba tayo, ako noon, nambabae ako dahil sa sex, pero ikaw, dahil sa pag-ibig.” nagtabi kami ng upo sa gilid ng kama nya, “Ana, just tell me you love me, come with me, let’s start all over again.”
“John, napag-usapan na natin yan diba?”
“So ano pala’ng ibig sabihin nito ha Ana?” yung sex namin tinutukoy ko.
“Sabihin nalang nating, farewell sex ito John.”
“Farewell sex? Merun bang ganon Ana?”
Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin bigla kaming may narinig na sigaw mula sa labas, pareho pa kaming nagulat ni Ana.
“Johna! Johna!” may boses lalaking tumatawag sa anak ko.
“Sino naman kayo yun? Aba halos madaling araw na tinatawag pa anak ko.” sumilip sa bintana si Ana upang tingnan kung sino yung aumisigaw sa labas.
“Ah, si Albert. Teka John pagbubuksan ko lang.”
Nung sumilip ako sa bintana, nakita ko yung boyfriend ni Johna na nakahawak sa grills ng gate habang padungaw-dungaw, “Johna! Johna!”
Sa nakikita ko parang emergency. Hindi kase sya mapakali at sigaw sya ng sigaw. Medyo kinabahan ako kaya lumabas na rin ako para samahan si Ana na pagbuksan si Albert.
“O, bakit? Ano’ng nangyari sa’yo?” tanong ni Ana kay Albert habang binubuksan yung gate.
“Tita, si Johna po?” hinihingal na tanong ni Albert.
“Naku natutulog na yon, tignan mo naman kung anong oras na!”
Sumingit ako, “Bakit, ano bang nangyari?”
“Kasi po tumawag sya sa akin kanina, sa mga salita nya parang nagpapaalam sya.”
“Huh? Nagpapaalam? Saan daw ba sya pupunta?” taka ko.
“Hindi po! Nagpapaalam sya, parang deathnote!”
Biglang nanginig mga tuhod ko sa narinig ko. Ito namang si Ana biglang tumakbo papasok ng bahay nila. Nagsitakbuhan tuloy kaming tatlo at tarantang-taranta na pumunta sa silid ni Johna.
“Johna, Johna!” kinakatok ni Ana yung pinto ng silid pero walang sumasagot.
“Johna, open the door!” kinakalabog na nya ang pinto pero hindi pa rin sumasagot si Johna.
“Ana, teka!”
Ginawa ko pinatabi ko si Ana atsaka ko sinipa ang pinto upang pwersahang buksan. At sa ikatlong sipa ko matagumpay ko itong nawasak.
“Johna, nasa’n ka?”
Hindi namin sya nakita sa loob ng kwarto nya.
“Saan naman kaya nagpunta ang batang yon?”
Bigla akong natigilan sa kinatatayuan ko nang matapat ako sa family photo namin na naka-frame sa dingding ng silid ni Johna. Ito yung nakita ko noon nung nalasing ako at nagising na lang sa silid na ito.
“Ana, look at this.”
Tulad ko nagulat din si Ana sa nakita namin. May nakasaksak na kutsilyo sa mukha ko dun sa pic, tapos may nakasulat na ‘I hate you Dad. I hate you Mom.’ gamit ay lipstick.
“Oh my gad! Johna!” pinagpatuloy ni Ana ang paghahanap, nasasadlak sya sa luha. Ako naman naiwang tulala na nakatayo habang tinititigan ang mukha sa larawan ni Johna.
Nakita namin si Johna na nakahandusay sa sahig ng banyo na walang buhay… She commited suicide…
********
After all these years, finally nagkaroon din ako ng pagkakataong humingi ng tawad sa kanya. Sa twing magkakaharap kasi kami nawawalan talaga ako ng lakas ng loob na mag-apologize sa mga nagawa ko sa past.
Ang kawawa kong anak. Hindi na siguro nya nakayanan ang lahat ng pagdurusa kaya nagpakamatay na lang. Dahil wala syang control over the situation naisip na lang nya na wakasan ang sariling buhay.
Hindi ko matanggap na humihingi ako ng tawad ngayon sa tapat ng kabaong nya. Hindi ko matanggap na sa mismong burol lang nya, ko naisipang humingi ng tawad.
Noon, nahirapan kaming maghiwalay ni Analene dahil sa anak namin, at yun lang ang putanginang nasa kukote ko noon. Sa paghihiwalay ng magulang, nahihirapan sila dahil sa kanilang anak, pinoproblema kung kanino mapupunta ang responsibilidad.
Tangina bakit ngayon ko lang naisip na ang higit na nahihirapan ay ang anak ko. Bakit ngayon ko lang nakita ang importansya nya?
“Sorry Johna… Sorry… Sorry kung yun lang ang kaya kong gawin para sayo, ang humingi lang ng… SORRY…”
Pagkatapos ng libing, umalis na kaagad ako ng bansa. Bumalik na ako sa Amerika kasama si Leila. Hindi na ako nagpaalam pa sa kung sino man, basta lang ako umalis ng walang nakakaalam. Dahil kung nagdesisyon na talaga si Analene na pakasalan yung Rick na yon, sa tingin ko, wala na akong pakialam…
Wala na akong pakialam, hindi ko alam kung bakit sa isang iglap lang naging ganito ako. Parang nawalan ako ng buhay. Labis akong nasaktan sa pagkamatay ng anak ko.
AFTER ONE YEAR
Death anniversary ni Johna. Umuwi ako ng Pinas para dalawin ang puntod nya. Gabi ako pumunta, alam ko kase na dadalawin sya sa umaga ng mga kaanak ko, ang mga lolo’t lola nya. Ayoko kasi munang makita ang sino man sa kanila. Nahihiya kasi ako.
May dala akong flowers, ito yung favorite ni Johna, atsaka tatlong vigil candles, sign of love.
Pagdating ko may nadatnan akong babae na nakaupo sa tabi ng puntod ng anak ko. Hindi ko sya agad nakilala hanggang sa malapitan ko. Kase naman blonde yung hair nya, dati black, tapos kulot na sya ngayon at mahaba, dati straight na maikli.
Si Analene ang tinutukoy ko…at hanggang ngayon, ganun pa rin ang amoy nya. Mabango…
Nadatnan ko sya na nakatulala at may tumutulong luha sa pisngi nya, pero nung mapansin nya ang paglapit ko mabilis nyang pinunasan, at mabilis na inayos ang sarili.
Truthfully, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko nung magtagpo ang aming mga mata. Mabuti na lang nauna syang nagsalita.
“Ohw, it’s you. Come here, come closer…”
Umupo ako sa tabi nya habang nilalapag sa tabi ng lapida itong bitbit kong flowers and candles.
“Naalala ko nung seventh birthday ni Johna, hinahanap ka nya noon. Iyak sya ng iyak, ayaw nyang tanggapin yung sinasabi ko sa kanya na may important meeting ka.” naiyak na naman sya.
Naalala ko yon. Actually, hindi related sa trabaho yung important meeting na yon, dahil yun yung time na unang beses kong nakatalik ang babae ko. Pinagpalit ko ang birthday ng anak ko para lang sa pagkakataong makatalik yung officemate ko.
“Tapos nung sumunod na birthday nya ako naman ang wala. Sa twing birthday nya kung hindi ikaw ang wala, ako naman ang wala.” patuloy ni Ana, “Wala akong maalala na naging masaya si Johna twing birthday nya, lagi syang malungkot, lalo na nung maghiwalay tayo.” dagdag pa nya.
Sa mga sandaling ito gusto kong yakapin si Ana. Habang tinitingnan ko sya doble ang sakit na nararamdaman ko. Naalala siguro nya yung mga bagay na yon kase ngayon, kung kailan death anniversary, dun pa kami parehong nakarating. Nakakalungkot kase si Johna naman ngayon ang wala.
“I have to go.” sunod nyang sabi, sabay tayo.
Iiwan na sana nya ako pero pagtalikod nya bigla akong nagsalita, “Kumain ka na ba? Let’s have dinner.”
Muli nya akong hinarap. Tumayo ako at sinalubong ko sya ng yakap. Hindi ko na rin kase mapigilan ang sarili ko, gusto kong i-comfort ang ex-wife ko kahit sa simpleng yakap lang. Gusto kong iparandam sa kanya na kahit wala na kami, kahit may kanya-kanya na kaming buhay ay palagi pa rin akong nandito sa twing kakailanganin nya ako.
Pumunta kami dun sa dati naming tagpuan. Yung favorite place namin noon, at yung lugar kung saan nya ako sinaktan ng husto.
“It’s been a year. Kumusta ka na?” tanong nya sa akin habang kumakain kami. Magkaharap kaming nakaupo sa isang round table na may isang fresh sunflower centerpiece.
“I’m good. Kita mo naman tumataba.” pagbibiro ko.
“Ha Ha Okay lang yun, at least gwapo ka pa rin naman.” sabay kindat sa akin. Hindi ko mapigil ang ngiti na bumakas sa aking mukha sa napaka-flirt nyang kindat.
Ang ganda talaga nya sa ngiti nya. Ano bang sikreto nito at para bang napipigilan nya ang pagtanda?
“Eh kayo ni Rick kumusta na?” sunod kong tanong, “Buti hindi mo sya kasama?”
“Ah.” Napatigil sya sa pagkain, at nilalaro-laro nya yung kubyertos nya, pinapaikot-ikot sa plato, dun sa veggie salad nya, “Wala na akong balita sa kanya.” sa mahinang tono.
“Huh? Hiwalay na agad kayo?” pagkakaintindi ko.
“Haha Hindi noh!” marikit ang pagkakabigkas.
Sus! Kala ko pa naman! Heto na naman ako sa pagiging assuming ko.
“Hindi natuloy yung kasal namin John…”
Bigla akong napangiti sa narinig ko. Gulat na gulat ako, at hindi ko alam kung malulungkot at para sa kanya o matutuwa ako para sa sarili ko.
“Woah. Bakit naman?”
“I ranaway.”
“Bakit nga?”
“Ano ka ba!” umilag pa ako, akala ko kase hahampasin nya ako ng tinidor, “Chismoso ka talaga eh!” pa-cute nyang sambit.
Muli kaming natahimik at naging parehong abala sa pag-kain. Sa puso ko labis ang galak. Hindi ko alam kung bakit tinakbuhan nya yung kasal nya, basta ang natitiyak ko single na naman sya ngayon.
“Eh ikaw kumusta na kayo ni Leila.” sunod nyang tanong.
“Ayun okay naman. Ang bait nga nya sa akin eh.” makatotohanan kong sagot.
Nakita ko na nanlumo sya at nalungkot sa sagot ko. Hindi ko maintindihan pero kakaiba talaga feeling ko ngayon eh. Parang ang saya ng buong universe. Iniisip ko kase na baka nalungkot sya kase akala nya taken na talaga ako.
“Pero hanggang ngayon, we’re still friends. Never naging kami.” nakangisi kong sabi.
Sa wakas bumalik na yung ngiti sa mga labi nya. Nagkatinginan kami, mata sa mata, yung titig na nakakatunaw, titigan na tumagal ng mga ilang minuto. Ang mga mata namin parang nangungusap, napakameaningful.
Yung tipong naghihintayan kami kung sino ang unang iiwas ng tingin, o baka naman wala ng balak umiwas. Matamis, nakakapang-akit, samahan pa ng pagkagat-kagat nya ng kanyang labi.
“So, what’s your plans?” tanong ko habang nakatitig pa rin sa kanyang mga mata.
Tinatanong ko kung ano ang plano nya sa buhay nya ngayon, pero iba ang sagot nya na talagang kinabigla ko.
“I’m planning to go to your room, make myself naked in front of you, and what’s next is up to you.” wala akong pake kung nagbibiro lang sya o talagang inaamin nya yon.
Basta tumayo ako at nilapitan ko sya, “Then, let’s kiss!” sabay halik sa mga labi nya…
At ang halik na yon, ang naging authorization ko to once again enter her room. Aba may bago na naman syang bahay, and guess what, kamukhang-kamukha nito yung dream house namin…
Bakit mayroong broken families?
Siguro dahil may mga nangyayari sa buhay natin na hindi natin kayang pigilan, siguro dahil mga tao lang tayo at wala tayong kapangyarihang kontrolin ang mga sitwasyon.
Malamang nagkulang sa pangunawa, nagkulang sa tiwala, nagkulang sa katapatan, o sa madaling salita, nagkulang sa pagmamahal.
Kaya dapat sigurado ka sa sarili mo na mahal mo nga ang taong pakakasalan mo, at natitiyak mong mahal ka rin ng taong ito. Kase pagharap nyo sa Altar, wala ng bawian ng pangako.
Nabiyayaan ulit kami ng anak ni Ana, at binigyan namin ng pangalang, Jonalene, means, JOhn half Johna half Analene.
*TAPOS*