Birhen

a halip na ginagawa ko yung proyekto namin sa eskwelahan napabukas ako ng social media. Agad bumngad sa aking newsfeed na nagpalit nanaman sya ng profile picture. Paano kayang andami nyang candid shot? Hindi ko alam kung paano kinukuha yung mga ganitong litrato, gumagamit ba sila ng timer? O nagkukuhanan lang sila ng kanila kanilang litrato – silang mga babae? Hindi ko alam, wala akong alam tungkol sa mga babae. Pinindot ko yung puso, tapos dinownload ko na rin sa laptop ko; dagdag sa aking koleksyon.

Saulado ko na ang kanyang timeline simula nung gumawa sya ng facebook account nung 2014. Ang aking mga bankanteng oras ay madalas kong sinusunog para kilalanin sya sa pamamagitan ng internet. Pati lahat ng kanyang litrato, kinalkal ko rin, kahit yung taong naka-tag at nag-tag sa kanya sinilip ko para sa ano mang karadagdagang kaalaman na pwede kong mapulot tungkol sa kanya.

Grabe daming likes nito, ang dami ring naglagay ng puso. Sino-sino ba tong mga lalaking to na comment ng comment ng bola-bola? Alam ko ang habol nitong mga asong hibang! Mga papansin! Teka nga….

“Oy, ano yan!?”

Daglian kong pinundot yung homepage ng facebook “Ah, ano… Brainstorming” Aking palusot.

“Eh, Nag fa-facebook ka lang”

“Nagpapahinga lang naman yung tao. Pinusuan ko na yung bago mong profile picture, libre mo na akong tanghalian”

“Kung nag-comment ng ‘ang ganda ganda talaga ng friend ko’ ililibre kita!”

“Sige, Sige, teka lang” Sabi ko ng may kasamang pagmamadali.

“Tange, biro lang. Sa halip na papuso-puso at pa comment-comment ka dyan – ako dapat nililibre mo. Gentleman ka dapat! Sige ka, hindi ka magkaka gerfren nyan.”

“Inabot na nga ako ng gutom dito kakahintay sayo tapos ako pa manlilibre? Hustisya naman.”

“Naku, sorry, nasira kasi yung laptop ko,i dinaan ko pa sa pagawaan. Kawawa ka namang ang batang paslit ka, gutom na gutom, kain ka muna dun sa canteen. Akin na muna yang laptop, ako muna magre-research.”

“Sige, balik na lang ako dito.”

Tadhana na yata ang nagsadya para magkapareha kami sa proyekto sa isang subject. Pagkakataon para sa akin para mas mapalapit sa kanya, at mag bago ang kanyang tingin sa akin. Magkaklase kami’t magkasingtanda, pantay sa aking balikat ang kanyang buhok, ngunit parang batang kapatid ang turing nito sa akin. Siguro nga may pagka-isip bata ako, walang sineseryosong gawain at pa easy easy lang. Nasa ikatlong taon na rin ako sa kolehiyo at hindi pa rin ako nagkakaroon ng kasintahan kailanman, pero hindi naman siguro ibig sabihin nun na immature ako. Pwede namang sabihing may iba lang akong priyoridad sa buhay tulad ng pagpasok sa eskwelahan. Syempre pag pumapasok sa eskwelahan- may baon – pag may baon – may pang dota. Pasang-awa man ang mga marka ang importante ay pasado. Kaya namang lusutan ang mga aralin ng konting pagsisikap at interes.

Kumakain pa ako sa canteen ng bigla syang dumating bitbit ang aking laptop.

“Bakit umalis ka ng library? Walang wifi dito, hindi tayo makakapag research”

“Dun na lang tayo sa dorm namin, may wifi rin dun”

“Hindi ba bawal lalaki dun?”

“Ako bahala sayo”

“Bakit ayaw mo sa library?”

“Basta, kwe-kwento ko sayo mamaya”

“Sigurado kang ayos lang na dun tayo mag-gawa?”

“Okay lang, mabait ang roommate ko. Bili tayo ng alak para mapakilala kita ng maayos sa kanya. Teka, umiinom ka ba?”

“Konte”

“Okay na yung konte kesa hindi. Sagot ko na ang alak tutal pinaghintay kita kanina, at para hindi ka na rin makatanggi”

Bakante ang gusali at madali akong naipuslit ng aking kapareha sa kanyang kwarto. Pink ang kabuoang kulay ng pader, mayroong sariling banyo sa loob, isang cabinet na may dalawang pinto, two-story na kama .Ngayon pa lang ako naligaw sa kwarto ng isang babae at hindi ko maiwasang maamoy ang kabighabignahing halimuyak ng hangin sa dito loob. Kung may mabilis na PC lang dito sa loob, kahit dito na ako uudin! Paraiso kung iisipin ang isang kwarto na para sa DOTA at saka…..

Kapansin pansin ang malaking Hello Kitty na ang hula ko ay yakap nya tuwing natutulog. Ang malinis na pader ay mayroon ring mga sticker at poster ng sikat na mga koreno: na hindi ko makuha kung bakit kinalolokohan ng mga kababaihan. Naisip ko tuloy kung sinong mas isip bata sa amin?

“Pasensya na, may klase yata yung roommate ko ngayon, sa susunod papakilala na talaga kita”

Umupo ako sa sahig at saka kinuha sa loob ng packbag ang aking laptop pati ang emprerador lights na binili. Ito ang unang beses na makapasok ako sa kwarto ng isang dalaga at makulong mag-isa kasama ang kapareha. Sa wakas may tyansang mawala ang aking virginity, wala nang mas peperktong pagkakataon kumpara dito: nasa loob ako ng kwarto ng babaeng aking nagugustuhan, alak lang ang kasama namin at walang kahit ano mang sagabal. Ay langit ng kalibugan! Nanunukso ang maruming isip, tumutulo ang aking pawis kahit presko ang lamig ng kwarto.

Sinubukan kong pahintuin ang aking di-katanggap tanggap na pangangarap, nandito kami para sa aming proyekto. Hindi naman siguro palaging basta may alak, may balak. Itong chicks pa ba ang magka interes sa akin? Eh banayad lang ang aking itsura, wala akong espesyal na talento o karisma, at wala lalong pangporma at datung. Baka naman may alak lang kami para mas relaks, at chill. O Baka nga naman totoo na mas gumagana ang isip pag may impluwensya ng alak? Possible naman yun dahil maraming tao ang pagnalalasing – nag iingles, tapos yung mga high nagiging sobrang creative. Baka ganun rin maging epekto nito sa aming gagawing proyekro, yung tipong pati yung prof namin hahanga sa aming katalinuhan, at sya pang magmakaawa na tunuruan namin siya. Madali lang yan sir, alak, alak lang po.

Pumasok sya sa loob ng banyo at paglabas nito ay nakasuot na ito ng pang-bahay na damit. Puting kamiseta at saka pajama. Aba, ang sabi ng aking mata!

Dalisay kong diwata, matutulog ka na ba? Ay, kung ako ay pasisipingin ay kahit buong buhay akong humimbing sa kumot ng iyong kamiseta’t pajama.

Pinagpapawisan ako ng malamig, daig ko pa ang natatae. Kinagat ko ang aking labi ngunit sa sakit na hindi nito kailangang dumugo, dapat lang maitaboy ang malaswang damdamin sana ay – ako’y iwan na. Kinabahan ako lalo nung umupo sya sa aking harapan at inobserbahan ang aking ekspresyon.

“Mainit ba? “ Mukhang nabasa nyang may mali sa aking pakiramdam “Teka, lalakasan ko lang ang aircon”

“Salamat, sana hindi nakakahiya sayo” Nakatulong ang pakikipag-usap para mawala ang tensyon, kung alam ko lang sana ito nung una pa.

“Tange, ako nga dapat mahiya sayo dahil pinilit kita. Tara magsimula na tayo”

“Sige. Pasaksak ng charger lowbat na yung laptop eh”

“Saka na yan, iyon ang tinutukoy ko” Sabi niya ng nakaturo sa bote ng alak “Kukuha lang ako ng baso at magtitimpla ng juice, dyan ka muna ha” pakiusap nya sa akin habang papatayo at palabas ng pinto.

Naiwan akong nag-iisa sa kwarto, at sa katahimikan, nangungulit ang maruming demonyo sa aking kaliwa. Hipuan mo na pag nalasing tapos alam mo na pag hindi tumututol. Mahilig ka namang manuod ng Hentai kaya tiwala ako sayong kalibugan na alam mo ang gagawi. Ngunit sa kabila, kinukumbinsi ko ang sarili na huwag nang ambisyuning mangyari ang ginugusto, para hindi nakakadismaya kapag hindi iyon ang nangyari. At saka paano naman pag umabanse ako, tapos bumigwas? Hindi ko pa nararanasan ang masampal, kahit pa ang palad na iyon ay sadyang makinis at malambot, ay hindi ko kailanman nanaisin ang hapdi at bigat ng nainsultong kamay. Pagkatapos pa noo’y panlulumo kapag nabalitang manyakis, at saka na-basted. Anlaking kahihiyan sa sarili at pagkalalaki! Mas maigi pa ang magtali na lang ng lubid sa leeg pag nagkataon. Bigla akong natakot, konsensya yata, ang anghel sa aking kaanan.

Ilang saglit ay nagbalik sya na may dalang orange juice at saka dalawang baso, bukod sa kanyang pangako ay meron ring syang dalang sitsirya pangpulutan. Kanyang inilapag sa sahig ang mga dala, sinubukang buksan ang alak ngunit hindi sapat ang kanyang lakas upang gawin ito. Iniabot nya sa akin at nakisuyo, pinihit ko ang bote ng buong pwersa.

“Lakas!” biro nya sa akin “Sige ladies first, ako na mauuna” Nilagyan nya ng mataas na tagay ang kanyang baso, hindi ko alam ang rason, ngunit parang nagmamadali itong malasing agad-agad. Nilagok nya ang alak at saka uminom ng konting juice.Pagkatapos ay Iniabot nya sa akin ang inubos nyang tagay.

“Dahan dahan lang, malalasing ka kaagad nyan” ang sabi ko sa kanya habang naglalagay ng sariling tagay, hindi ko maiwasang lumipad ang aking isip sa basang labing kakadampi lang sa basong ito. Di ko natandaan; saan kayang parte ng baso iyon? Para ko na ring syang hinalikan at nalasahan ang mainit na laway ng magandang dalaga!

Ay malupit na buhay, bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa natitikman sa aking dila ang mapanuksong libangan ng mga kabataan? Ito na ang pagkakataon, hindi man direktang pagdikit, ito na ang pinakamalapit sa kanyang halik, dito sa baso parang natikman ko rin kahit papaano ang kanyang nakakahumaling na kamandag. Taas kamay na nagdiriwang ang aking pananaginip sa matamis na tagumpay!

“Gising-gising uy! Hindi ka pa natagay parang lasing ka na kaagad” may tagkang panggugulat.

Bumalik ako sa reyalidad, at sa konting saglit na palutang-lutang ang isip ay hindi namalayang napataas rin ang napalagay na tagay na kamuntik nang umawas.

“Wag mo akong daigin. Pag-nalasing ako basta na lang ako hihiga sa kama, ikaw mamomoroblema pa pauwi”

Maganda ang kanyang katwiran, dapat akong maghinay-hinay, 750ml lang itong alak na binili ngunit alam kong hindi kayang ubusin ito. Wala naman akong pangamba dahil alam kong kahit pa tumbasan ko ang taas ng kanyang iniinom, palaging unang nalalasing ang mga babae. Sa munting lason na lang muna ang atensyon; makaka-iskor kung makaka-iskor, isip ko sa sarili.

Tinitigan ko ang loob ng baso, ang mala-kulay kalawang na likidong laman nito. Kung yung aking mga pinsan ang kainuman ko malamang ay kinantyawan na ako sa tagal ng baso sa akin. “Tumagal ka na sa suso ng babae, wag lamang sa baso” sasabihin ng mga iyon. Hindi ko kailanman nagustuhan ang alak, sa sama ng lasa nito, bakit andaming bumibisyo nito ang maligaya? Buti pang mag DOTA. Hindi lang humuhusay ang kamay mo sa keyboard, tumatalino ka pa at gumagaling sa istratehiya. Tapos sa alak: maagang pagkamatay lang nakikita kong pwedeng maging magandang benepisyo nito. Yung mga professional DOTA player meron talagang career sa mga palaro, samantalang wala naman akong naririnig na professional lasinggero na merong career sa pagtungga ng alak tapos kumikita. Pero sabi naman ng minsan kong naka-tagayan, pakikisama lang daw, at saka pangpasarap rin ng kwentuhan. Siguro nga, baka hindi lang ako maka-relate.

Ano bang hinihintay ko? Mapait nga ang lasa ng alak ngunit matamis naman ang dumamping labi ng kainuman. Itinaas ko ang hawak na baso papunta sa aking bibig, at isa, dalawa, tatlong malalaking lagok na gumuhit sa lalamunan ang sumabay sa kasuka-sukang mapait na pag-ngiwi. Natawa sya sa aking itsura at iniabot sa akin ang isang baso ng orange juice.

Mabilis kaming nagpapalitan ng tagay, kinakabahan ako dahil sa masyadong tahimik, walang kaming mapag-usapang topic na parehas kaming interesado. Hindi ko pa rin alam kung anong nangyari dun sa library, kung bakit sya umalis dun, at kung bakit kami nandirito ngayon.

“Sabi mo kanina, ikwekwento mo sa akin kung bakit ka umalis dun sa library” Paalala ko sa kainuman habang nilalagyan ng alak ang basong tangan.

“Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Ang totoo gusto ko na talaga yung makalimutan kaya kinaladkad kita dito” Namumula ang kanyang mukha at may bahid ng pait, hindi ko tiyak kung dahil ito sa epekto ng alak o dahil sa kanyang ibabahagi.

Kwinento nya sa akin na nakita nya dun yung kanyang dating matagal na kasintahan, may akbay na babae, nagkukurutan ng tagiliran at malanding nagtatawanan sa loob ng library. Hindi nya maintindihan kung bakit parang naging boteng basag ang kanyang puso sa nasaksihan. Kung pwede lang takpan ang kanyang mga mata upang hindi makita ang pangyayaring yun, at kung pwede lang ibalik ang oras kung saan mas napag-isipan nya ang kanyang desisyon. Sa madaling istorya, natapos ang kanilang relasyon ng hindi makayanang maghintay ng lalaki na maging handa sya upang isuko nito ang kanyang virginity.

“Sabi nya sa akin, isip bata daw ako para tanggihang makipagtalik sa tagal ng kayang tiniis at hinintay. Hindi ko sya masisi dahil highschool pa lamang ay magkasintahan na kami, ilang beses ko rin syang tinanggihan at pinakusapang maghintay at makukuha nya rin ito. Sana pala’y binigay ko na lang kaagad ang kagustuhan nya, tutal sa kung may lalaki mang gusto kong makakuha ng aking pagkabirhen gusto ko sanang sya yun. Hindi pa lang talaga ako handa nung panahong yun. At ngayon naman, huli na ang lahat”

Mababaw man para sa akin ang kanyang pinagdadaanang pighati, pilit ko nilalagay ang sarili sa kanyang sapatos. Batid kong labis syang nasaktan sa kanyang naranasan kaya seryoso akong nakikinig sa kanyang istorya at pagluha. Emosyonal ang mga babae at marupok, bagay na kayang dayain ng mapaglarong binata. Alam kong meron dapat akong sabihin para gumaan man lang ang kanyang pakiramdam; sa tulong ng alak naglakas loob na ako.

“Dapat maging proud ka na virgin ka…. Ang matitinong lalaki – interesado yan sa mga babaeng kaledad ay Maria Calara. Ibigay mo yan kapag handa ka na, at dun mo ibigay sa lalaking tunay na magmamahal sayo….. yung kayang tiisin ang torture ng sakit sa puson… yung kayang maghintay, kahit hanggang pagkatapos nyong ikasal.

Pero… kung maibigay mo man ito sa maling lalaki, hindi dapat ito maging sagabal na makatagpo ka pa rin ng pag-ibig…. Yung ibang babae nga nadidisgrasya sa pagkadalaga pero nakakahanap pa rin ng responsableng lalaki na kaya silang mahalin ng buo at panindigan… Kung mahal ka talaga ng isang tao, matatanggap nito ang lahat, kasama ang iyong nakaraan… at ang virginity, jusko…. maliit na bagay lang yan”

Magkabaliktad nga ang lalaki at babae…. Ang babae kinukutya kapag maraming nang nakatikim sa kanya… Samantala sa aming mga lalaki, astig ka pag marami ka nang naikama…. Asan ang hustiya di ba? Naniniwala ako samga feminist, sa kanilang pinaglalaban – ang pantay na pagtrato!

Dapat kasi patas! Ibahagi ko lang din, kasi lalaki ako… Hindi mo siguro alam, pero paglalaki ang virgin… Sumpa! Ikaw ang kukutyain! Asan ang hustiya?! Asan ang pagkakapantay pantay?! Sana may nagtatanggol rin sa sitwasyon ng mga katulad ko… tutuksuhin ka ng iyong mga kaklase, kaibigan, mga kakilala, pati yung tatay ko at yung mas bata kong kapatid pinagtatawanan ako… Akala mo porn star sila dahil lang mayroon na silang naikama… mga sira ulo sila!… Hindi dapat ipagmalaki yun, dahil ang mga babae dapat ginagalang, nirerespeto… higit sa lahat minamaha, hindi lang sa gabi, hindi lang sa isang siping, kundi palagil!”

Nais kong pasalamatan ang alak dahil sa tapang na ipinahiram nito, ngunit nais ko ring sisihin ito dahil sa di namalayang pagdaldal ng husto. Nakakapangliit ang aminin na daig ako ng marami sa kapwa ko kalalakihan. Nag-tutubig tubig pa ang aking mga mata sa dala ng damdamin gawa ng mga sinabi, at nag-aalala ako sa kanyang magiging reaksyon sa mga narinig. Ngunit nakiliti ako ng siya ay matawa.

Tinabunan ng matamis na ngiti ang kanyang kaninang mapait na hikbi. Tinaas nya ang kanyang baso at sinabing “cheers”, at pinuri nya ang aking pagiging gentleman. Hindi ako isang maginoo, marumi ang aking isipan ngunit alam ko kung ano ang tama at mali, at mayroon akong kapangyarihan piliin ang mas nararapat. Lahat naman ng tao may kakayahang gumawa ng desisyon para sa sarili.

Hindi bumabagal ang palitan ng tagay kahit may napag-uusapan na kami. Hindi ko inaasahang mauubos na namin ang laman ng bote. Hindi ko na hinahangad na pagsamantalahan ang pagkakataon at ang pagkababae niya, marahil ay mas lumalim ang pagkakakilala at respeto ko sa kanya dahil sa emperador na pinagsaluhan. Masama na ang aking pakiramdam at gusto ko nang bumagsak, gusto ko na lang maubos yung alak para makapagpaalam na ako pauwi. Lasing na lasing na ako, at masama ang pakiramdam. Naglaho na ang interes para maka-homerun kasama ng kontrol sa diretsong paglalakad papunta-punta sa iihiang banyo.

“Kaya mo pa ba” Tanong nito sa akin

“Kaya ko pa!” sasagot ako bilang napaka siglang lasing at lalabas ng banyo ng nakataas ang kamao “Success!” Papalakpak at matatawa ang kainuman sa kanyang napapanuod.

“Joker mo na” ang sabi nya sa akin kaya pinilit ko nang itapon sa baso ang lahat ng alak na natitira papunta sa aking lalamunan.Lalong sumingkit ang aking mga mata, pero sa wakas ay tapos na! Iniisip ko na lang ang pag-uwi at pamamahinga, at ang hindi na muling pag-inom ng alak kailanman.

“Wag ka munang umuwi, pahulas ka muna dito” Alok nya.

“Nahihilo ako. Gusto ko nang matulog, kailangan ko nang umuwi” ang aking dahilan

“Umidlip ka muna dito… mag-aalas tres lang, kainitan pa para maglakad, baka matumba ka sa daan” Maganda muli ang kanyang katwiran kaya pinili kong umisod ng pagkaka-upo at sumandal sa pader. Pinikit ko ang aking mata. Lalong umiikot ang aking ulo, habang ang dilim ay kinukuha ako sa matinding kawalan.

Naglalakbay na ang aking diwa ng mayroon akong naramdaman. Bigla akong nagising ng mayroong kamay na dumakot sa pagitan ng aking mga hita. Nagulo bigla ang aking ulirat at agarang tinanggal ang nakapatong na kamay. Magkasing pula kaming dalawa, natutok sya sa aking mukha, at palapit ng palapit ito sa akin. Nasusuka ako, gusto ko sanang sabihin sa kanya iyon, ngunit naunahan niya ako sa kanyang sasabihin.

“Hey, do you wanna fuck?” bulong nya sa aking tenga.

Totoong ngang kapag lasing ka, kung ano-anong ingles na lang pinagsasabi mo. Malakas pa rin ang tama sa sakin ng alak at habang nakatitig ako sa kanya at pilit na iniintindi ang kanyang sinabi, biglang naging trumpo ang pagikot ng aking paningin. Agaran akong tumayo at dalasang pumasok sa loob ng banyo, kusang napaluhod sa sahig malapit sa inidoro, nasayangan ako bigla ng maisuka lahat sa inidoro ang mga kinain nung tanghalian. Naaawa ako sa aking sarili. Sa pag-gising, alam kong pagsisihan ko ito; ngunit sa kasalukuyan wala akong pakialam.

Nagising akong nakayakap sa inidoro, himalang maganda na ang aking pakiramdam. Paglabas, madilim na ang loob ng kwarto, may dalawang kababaihang humihimbing sa kanilang kama. Napakamot ako ng ulo pagtingin ko sa aking relo, alas onse-emedya na pala. Gamit ang cellphone bilang flashlight dinampot ko ang aking gamit at dahan dahang tinangkang lumabas ng kwarto, maingat upang hindi makagawa ng ingay ngunit hindi naiwasang nagising pa rin ang babaeng hindi ko kakilala.

“Mahuhuli ka pag sa harap dumaan” Sabi nito sa akin “Dun ka sa kusina, walang nagbabantay. Tumalon ka sa bakod at dun sa palikod ka dadaan. Ngunit mag-iingat ka dun”

“Bakit naman? Madami bang aso dun?” Tanong ko sa babae

“Hindi ko alam. Pero basta, nakakatakot dun.” Banta nito sa akin

“Mas natatakot akong mahuli dito. Maraming salamat.”

“Ingat ka, goodluck!”

Hindi ko alam kung anong eskinita ang aking hinantungan, nilakad ko ang makipot na daan at nilamlampaasn ang dikit dikit na barong barong. Ito yung squatter na nakikita ko sa rooftop building ng school, hindi ko inaasahan kailanman na tatahakin ko ang lugar na ito. Nakaka-nerbyos dahil kulang sa ilaw ang lugar, ganito yung napapanood ko sa telebisyon kung saan nira-raid ang mga bahay bahay dahil sa mga ilegal na gawain. Pugad ito ng panganib, kaya hanggat maari, dapat magmukhang hindi ako dayuhan. Inayos ko ang sarili ko’t nagsuot ng sombrero, may ilan akong nakakasalubong na nakaktakot na kalalakihan, hindi ako nagpapahalata ng takot, swerteng tahimik kong nalampasan ang mga ito.

Ngunit hindi lang mga masamang loob ang kinakatakutan ko, magaalas dose na at sa ganitong oras rin pinaglalaruan ang isip ko tungkol sa mga kababalaghan. Kumbinsido ako tuwing maliwanag – na wala mga aswang at kung ano mang mga lamang lupa, ngunit pag ganitong nasa kadiliman at nag-iisa – tinatakot ako ng sariling imahinasyon. Tuloy lang ang aking paglakad kahit lipol ang tapang, kaya malaking ginhawa sa pakiramdam ng matanaw ko ang dulo ng eskinita , at tumambad sa aking panigin ang kalye at poste ng ilaw.

Hindi na ako nangangambang baybayin ang pamilyar na lugar na alaga ng hilera ng mga poste ng meralco. Kampante na ako sa aking paghakbang patungo sa aking inuuwiang dormitoryo. Ngunit konting lakad lang malapit sa kantuhan ng may dalawang dalagang ang nakatambay, sumitsit ang mga ito sa akin ng ako ay mapadaan kaya napabaling ako sa mga ito.

“Pogi, babae?” tanong sa akin ng babae.

“Ano?” nalilito sa sinasabi nya

“500 lang one pop, kasama na kwarto. Pili ka sa amin, kung gusto mo dalawa kami 1000 lang. paliligayahin ka namin”

Napaisip ako. Mabuti na rin siguro ang may karanasan para alam ko na ang gagawin sa susunod.

“500 lang kaya ko.Pwede ba sya?” Turo ko sa isang babae na may kulay ang buhok at mas may itsura.

“Pwedeng pwede. Money down muna.” sabi nito habang mabilis na kumura.

Binigyan ko ng limang daan ang bugaw, at niyaya ako ng babaeng may kulay ang buhok na sundan sya. Naglakad ito at saka lumiko dun sa eskinita, kung saan ko lang kakalabas. Sa dinami-dami ng talahibang pwede kong pagbinyagan, papasukin ko nanaman ang lugar na iyon. Binuksan nya ang pinto ng isang barong-barong, na sa loob ay may nakalatag na kutson.

“May dala kang condom?” Tanong nya sa akin, sumagot ako ng pag-iling.

Umupo ako sa latag at hinihintay ang kanyang pagkilos. Nagkalkal ito sa kanyang bag, at ng maka dampot ng condom ay inihagis malapit sa akin. Tumabi siya sa akin, nalalanghap ko sa kanyang balat ang amoy ng condom kahit hindi pa yun nabubuksan. Tiningnan ako nito, walang ekspresyon ang mukha – na parang isa lang ito sa mga gabi, at isa lang ako sa mga nagbayad. Inalalayan ako ng kamay at inihiga ang aking hindi kasiguraduhan sa katawan. Tinanggal na ang aking mga pangbaba, pati ang salwal at brief, at saka hinimas ang aking alagang maagang tumugon.

“Ikaw nang bahala sa akin” sabi ko sa kanya

“Dagdag ka muna ng 300 para magsimula na tayo”

“Wala na akong pera miss, nabigyan ko na kayo ng limang daan ah. Wag nyo naman akong dayain.” dismayado ang babae ng marinig ang aking daing, at wala na akong ekstrang pera.

“Maghubad ka na rin, please” pagmamaka-awa ko, ngunit tuloy pa rin ang himas nya sa aking ari at napakasarap nito sa pakiramdam. Hinablot ko ang kanyang suso at nilamas-lamas ito, habang ginawa naman niyang taas-baba, taas-baba ang paghagod ng kanyang kamay. Hindi ko kinayang pigilan,at sa kahiya hiyang ilang segundo ay natapos ang aking ibinayad na pera. Napamura ako sa inis.

“Ang daya mo! Ibalik nyo pera ko!” mangiyak-ngiyak kong reklamo.

“Hindi ko kasalanang labsan ka kaagad ng nilalaro pa lamang kita.”

“Isa pa, lugi ako sa iyo.”

“Isang putok ang usapan, di ba? Dagdag ka ng 300 kung gusto mo pa.”

“Ayoko na. Sawang sawa na ako sa Handjob!”

Paglabas ko ng eskinita nadatnan kong muli ang babaeng nagbubugaw. Napakasama ng aking loob sa nangyari, at naramdaman kong nagoyo lang ako. “Pogi, Anong nangyari?” Marahil ay nagtataka ito dahil mabihis akong nakabalik. Sa hiya at iyamot, hindi ko ito pinansin at patuloy na naglakad hanggang sa makarating sa tinitirhan.

Humaba ang dilim sa pagpipilit na makatulog bunga sa napahabang pahinga sa pagkalasing sa banyo. Tumagal ang oras para munihin ang pakiramdam ng pagkatalo at pagkatanga sa mga bayaran, gusto kong isumpa – hindi na ako uulit, hindi na ako babalik sa lugar na iyon! At naisip ko rin ang nangyari sa kanyang kwarto. Sa totoo’y may pagka hinayang, ngunit maganda na rin sigurong hindi ko sya pinagsamantalahan sa panahon ng kanyang kahinaan; malinis ang aking konsensya at normal ko pa ring siyang mahaharap sa mga susunod naming pagtatagpo.

Kinabukasan muli kaming nakatakdang magkita sa library, nakaupo kaagad syang naghihintay sa akin sa loob.

“Goodmorning, ang aga mo ah!” puna ko sa kanya.

“Goodmorning!” Sabi nya pagbaling sa akin “Syempre, Nakakahiya na ako sayo eh. Pasensya ka na kahapon, nadramahan kita at napeligro ka pa sa pag-alis sa dorm… at sorry na lalo dun sa…. Alam mo na… kung natatandaan mo” bigla akong natawa sa kanyang sinabi, malinaw sa aking ala-ala kahit sa sobrang pagkalasing.

“Kalimutan mo na yun. Tara na?” Paanyaya ko sa kanya habang inihahanda ang aking gamit.

“Tara samahan mo ako kunin yung laptop ko”

“Yung proyekto yung tinutukoy ko eh…”

“Kukunin nga natin yung laptop para mapagtulungan nating magawa to”

“Madami talagang kailangang pagdadanan para lang makapag-umpisa?”

“I-lilibre kita ng tanghalian, pangbawi sayo” Parang gusto nya akong tunawin sa makislap niyang pagtingin at suhol.

Saktong namang kailangan kong magtipid dahil sa pekeng milagro ng kutson.

“Tara, baka magbago pa isip mo” Aking pagsang-ayon sabay balik ng laptop sa loob ng bag.

“Hindi mo ba ipapagawa laptop mo? Ang daming Virus nyan.”

“Wag mo akong paglolokohin. Walang Virus to!”

“Eh, andami naka-save na picture ko dyan!”

Nakita pala nya yung mga saved picture sa laptop ko nung hiniram nya ito kahapon.

“Wag kang manliit na parang bata dyan, halika na. Ang mga binata hindi tinatago ang paghanga nila sa kababaihan!” sabay hila nito sa aking kamay.

Buong paglalakad at buong byaheng magkahawak ang aming mga kamay, bago sa akin ang pakiramdam at napakasaya ng tibok ng aking dibdib. Dumukot sya sa kanyang Hello kitty na pitaka at siya ang nagbayad ng pamasahe para sa amin. Napatingin ako sa bintana ng sasakyan at nakitang dinadaanan namin ang eskinitang pinangyarihan ng naganap na hindi ko maibubunyag. Nais ko itong limutin ang karimarimarim na eksenang iyon. Marahil ay pwedeng namang ibaon ko iyon sa limot na parang hindi nangyari. Simula ngayon, ang eskinitang yun ang aking deepest darkest secret.

Ngunit hindi ko maiwasang maisip kung anong mararamdaman nya kapag nalaman nya ang tungkol dito. Ramdam kong maganda ang tingin nya sa akin ngayon, baka magbago pagnalaman nya yung kagabi.

Naprapraning ako…. Tumigin na ako sa mukha ng babaeng hawak ang aking kamay; naisip kong hindi magiging isyu ang kahit anong pangit sa nakaraan kung mahal ka talaga ng isang tao.Mahal ba talaga ako ng babeng ito? At mahal ko ba talaga siya? Walang kasiguraduhan. Mga bata pa kami, anong nalaalaman namin pagdating sa ganitong bagay? Tingnan na lang natin sa darating na panahon, nangyayari namang sumisibol ang tunay pag-ibig sa maagang pagsusuyuan. Kahit papaano, gumaan na ang aking pakiramdam, at napansin kong napapangiti ang sarili sa dungawan ng sasakyan. Kakalimutan ko muna ang ano mang planong maka-iskor, wala akong pakialam kung gagawin man namin yun o hindi, basta masaya ako at masaya rin sya: yun ang mahalaga.

Hindi naman kailangan ang kagaya ng eskinita para sa nanunuksong laman, at sariwang sariwa pa: hindi masaya ang magulangan, sayang pera’t aburido pa. Mahirap ang magkaroon ng partisipasyon sa mga hindi nararapat; nakakababa ng tingin sa sarili. Karapat-dapat pa ba ako sa kanya, sa pinakatangi-tanging nagtitiyaga sa akin ngayon? Paano kung pumatol tapos nagkaroon ako ng sakit? Paano na ang balang araw na maliligayahan kaming kilalanin ang maseselang parte ng aming katawan sa loob ng isang kwarto? Giba ang pangarap na iyon, dahil hindi ko gugustuhin ang manghawa ng iba, lalo na kung espesyal ang taong iyon.

Aking itinakda, pagdating sa kanya: walang pilitan, kung kailangang maghintay, pairalin ang imahinasyon at ang mga panuorin, ag si Mariang Palad na ang bahala sa lahat. Ayos lang, sanay ako dyan. Gusto ko ring bigyan ng partida ang aking sarili, na hindi pagsasamantalahan ang sino mang babaeng kainuman. Siguro naman ay pwede tayong maging disente’t matinong nilalang kahit na mayroong tayong mga lihim pagnanasa at malaswang pag-iisip. Di ba?

Scroll to Top