ni intoxicatedd
Nakatitig lang ako sa kisame, hindi ako dinadalaw ng antok palibhasa’y naglalayag ang aking isipan. Buong gabi ko din binantayan si Nanay, magtatatlong araw na kasi ang kaniyang lagnat at ubo. Nag-iisip ako kung sino pa kaya ang pwede naming utangan. Halos lahat na yata ng kamag-anak namin ay nagsitaguan na.
Matanda na si Nanay, nasa 67 taong gulang na. Matagal ng namayapa si Tatay, grade 4 pa lang ako noong naaksidente siya, buhat noo’y si Nanay na ang nagtaguyod sa amin. Bunso ako sa apat na magkakapatid, yung dalawa kong ate ay nasipag-asawa at may sarili ng pamilya, kami na lang ni kuya Roy ang natira sa bahay at nag-aalaga kay Nanay.
*tok* *tok*
“Grace, gising ka na ba?” Mahinang tanong ni kuya Roy.
Hindi ako umimik, nanatili pa rin akong nakatitig sa kisame. Maya-maya pa ay na rinig ko ang mga hakbang ni kuya na papalayo mula sa kwarto ko. Sinipat ko ang orasan – 5:45 ng umaga.
Napagpasiyahan kong hintayin na lang mag ala-6 saka ako babangon para magsaing. Hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang araw na ito. Ako’y 21 anyos pa lamang ngunit wala akong stable na trabaho dahil hindi pa man ako nakakadalawang linggo ay kailangan ko ng mag cash advance upang mabayaran ang mga taong pinagkaka-utangan namin. Isa sila sa mga dahilan kung bakit nawawalan na ako ng gana sa buhay ko. Malaman lang na may trabaho ako ay di na kami tatantanan, mga walang konsiderasyon.
Nakasimangot akong pumunta sa kusina, naabutan ko si kuya na umiinom ng kape. Mukhang malalim ang iniisip kaya medyo nagulat pa siya nung binuksan ko ang gripo.
“Gising ka na pala” sabi niya. Hindi pa rin ako umimiik.
“Bantayan mo muna si Nanay ngayon ha, maypupuntahan lang akong kaibigan. Mamayang gabi pa ang balik ko” bilin niya. Buntong hininga lang ang sagot ko sa sinabi niya.
Habang nagsasaing ako ng kanin ay napapansin kong balisa si kuya. Ano na naman kayang kagaguhan ang nagawa nito.
“Ano na namang ginawa mo kuya?”
“Si-sinangla ko yung bahay” pabulong na sinabi nito.
“Ano?! Kuya naman! Paano…” hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil alam kong ganoon kami ka gipit para magawa ni kuya yun.
“Huwag mo na lang sabihin kay Nanay, kaya nga ako pupunta mamaya sa kaibigan ko para humingi ng trabaho nabalitaan ko kasi mag talyer siya baka kailangan niya ng tao dun” sabi niya.
Muli akong nanahimik, kahit may sasabihin pa ako ay wala rin namang silbi, paalis na ako ng kusina ng muling magsalita si kuya….
“Siya nga pala Grace, Kay Mr. Santiago ko sinangla yung bahay natin at….”
Hinintay ko ang karugtong ng sasabihin ni kuya pero mukhang hinihintay niya rin akong magtanong sa kaniya.
“Tapos?” Tanong ko.
“Naghahanap siya ng kasambahay, nabanggit ko na sa ngayon wala kang trabaho.”
“Kasambahay?!” Pagalit kong tanong.
“Wag ka ng magalit Grace, nagdadalawang isip kasi si Mr. Santiago nung inoffer ko ang bahay natin, kaya naisip ko mas papanatag ang loob niya kapag may kolateral siya”
Nagulat ako sa sinabi ni kuya!
“Kuya anong pinagsasabi mo!!!” Halos pasigaw ko ng sabi. Mabilis na nakalapit si kuya sa akin.
“Wag kang maingay Grace. Ano ka ba, walang malisya yung sinabi ko. Ang ibig ko lang sabihin ay mas papanatag ang loob ni Mr. Santiago kong doon ka magtatrabaho. At least hindi siya mag iisip na hindi tayo makakabayad sa kaniya” pagpapaliwanag sa akin ni kuya.
Nag-aalinlangan pa rin ako. Sa totoo lang ayokong pumayag sa plano ni kuya. Pero naisip ko din na aabutin ako ng isa o dalawang linggo kung maghahanap ako ng ibang trabaho kaya kahit ayoko man ay pumayag na rin ako.
“Magbihis ka na at kailangan nasa bahay ka na ni Mr. Santiago ng alas 8:30 ng umaga” sabi ni kuya.
“Akala ko ba may pupuntahan ka?” Tanong ko.
“Mamaya na ako aalis pagka-uwi mo” sagot niya.
Pagkatapos ng sinabi niya ay umalis na ako sa kusina at nag tungo sa banyo para maligo. Bigla akong kinabahan, isa si Mr. Santiago sa pinakamayan sa lugar namin. Tatlong taon na siyang byudo, nasa 40’s pa ang ginoo. Matangkad, may hitsura, naka salamin, mayaman, strikto at masungit ang mukha. May mga ilan na nagsasabi na mabait naman daw ito pero ewan ko ba.
Tapos na akong maligo at nakapagbihis na rin. Nasabi na ni kuya kay Nanay na pupunta ako sa bahay ni Mr. Santiago upang mag-apply bilang isang kasambahay.
“Anak, okay ka lang ba? Kung ayaw mo naman ang trabaho doon ay wala namang problema sa amin yun ng kuya mo” pag-aalaa ni Nanay.
Nagkatinginan kami ni kuya.
Kung alam mo lang Nay.
“Okay lang po ako. Susubukan ko lang naman po, medyo mahirap na rin po kasing maghanap ng trabaho sa panahon ngayon Nay. Mataas naman daw ho ang sahod sabi ni kuya” sabi ko.
“Pasensya na talaga kayo mga anak at hindi na talaga kaya ng katawan ko magtrabaho” sabi ni Nanay.
Bago pa man ako maiyak sa hitusra ng Nanay ko ay dali-dali akong nagpaalam sa kanila at lumabas na ng bahay. Pumara agad ako ng tricycle bago pa magbago ang aking isipan.
Nasa tapat na ako ng bahay ni Mr. Santiago, di naman masyadong malayo ang bahay nila mula sa amin kaya sakto lang ang pagdating ko. Pinindot ko ang doorbell sa gilid ng gate nila, maya-maya pa ay may nagsalita mula sa intercom.
“Sino ho sila” guard yata ang nagtanong
“Grace del Monte po, mag-aap..”
Naputol ang aking sasabihin ng biglang may dumating na itim na sasakyan. Bumukas ang napakaling gate ng bahay upang papasukin ito. Tinted man ang sasakyan ay nararamdaman kong nakatingin sa akin ang nagmamaneho neto ng biglang huminto ito sa aking tabi. Bumaba ang salamin sa driver seat at lumitaw ang napakagwapong lalake.
“Are you Miss Grace del Monte?” Tanong nito.
Halos nabingi ako sa ganda ng boses ng lalake, nakatitig lang ako sa kaniya. Sinubukan kong magsalita pero walang lumalabas na boses sa aking bibig.
“Miss? Are you okay?” Tanong ng lalake na may halong…. concern?
“Uhmm.. a-ano po yu-yun sir?” Pa-utal kong tanong.
“Sabi ko ikaw ba si Grace, kapatid ni Roy del Monte?” Nag-iba ang pananalita niya, napalitan ito ng pagka-inis.
“Opo sir!” Dali-dali kong sagot.
“Wait for that door to open then see me inside the house” sabi niya sabay turo sa pinto.
Hindi pa man ako nakasagot ay sinarado na niya ang bintana ng sasakyan at pumasok na sa loob.
Napakunot ako ng noo. Hindi naman siguro. Omg! Siya kaya si…. Huwag naman po sana!!
Nanginginig ang tuhod ko habang naghihintay sa sala. Pinapasok ako ng isang katulong sa loob, medyo may kaidaran na ang babae sa tingin ko ay siya ang mayor doma dito. Hindi lang isa kundi pangatlong beses ko na siyang nahuhuli na nakatingin sa akin.
“You can leave now Aling Dora” sabi nung lalaking nagmamaneho kanina.
Yumuko si Aling Dora at umalis na rin. Nanatiling nakatayo ang lalake habang ako naman ay naka-upo. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Tatayo ba ako? Titingin sa kaniya? Panginoon na nasa langit, ma-iihi na po ako sa sobrang nerbyos.
“So are you willing to take the job?” Nagulat pa ako ng muling magsalita ito. Pag lingon ko ay naka-upo na pala siya paharap sa akin.
“U-uhmm.. Sa-sabi h-ho ka-kasi ni k-uya…” pabulong kong sabi
“You better talk louder young lady, busy ako sa araw na ito. Please don’t waste my time. Again, are you willing to take the job?” Hindi ko alam kung anong meron sa boses niya pero natatakot talaga ako.
“Yes sir!” Mabilis kong sagot.
“Very good” sabi nito, hindi man ako tumitingin sa kaniya ngunit nararamdaman kong nakangiti siya habang sinasabi iyon. Ngiting tila nang-iinis.
“So as you know you’ll be staying here from Monday until Saturday, you can have your day off pag Sunday. Your salary will be 8,000 pesos per month. You can ask Aling Dora for the uniform and she will also teach the rules here in the house. So that’s for today Miss Grace. Have a good day” mahaba at mabilis niyang explanation. Pagkatapos ay tumayo na ito at humakbang papalayo.
“Teka lang!” Patayo kong sabi. Gulat siyang napalingon sa akin.
Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita.
“Uhm. I mean, teka lang PO sir… Stay in po ako dito sa bahay niyo? Sir, pwede po bang umuwi ako araw-araw? Yung nanay ko po kasi hindi ko po pwedeng iwan sa bahay.” Hindi ko alam kung saan ako naka-hugot ng lakas ng loob pero nasabi ko iyon ng dere-diretso.
Mahaba-habang katahimikan muna bago muling nagsalita ang ginoo. Narinig ko itong nagbuntong hininga pagkatapos ay naglakad ito patungo sa kinatatayuan ko. Napako ang tingin ko sa mga mata niya, hindi ko mabasa ang expresyon ng mga ito. Nilamon na siguro ako ng sistema dahil hindi ko namalayan ay magkaharap na pala kami sa isa’t-isa.
“No can do baby doll, it’s either that way or no job for you, Grace.” bulong nito sa akin.
Tumayo yata lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa niya. Bago pa man siya nakatalikod ay nahuli ko ang mga ngiti nito. Habang ako ay parang napako na sa aking kinatatayuan.
“I take your silence as a Yes, Grace”..
Nanay ko po! Ano ba itong napasukan ko..
Naka-uwi na ako galing sa bahay ng bago kong amo – kina Mr. Santiago. Hanggang ngayon ay kumakabog pa din ang dibdib ko sa nangyari kanina. Wala akong ideya sa takbo ng utak ng lalake yun pero isa lang ang sigurado ako. Hindi magiging madali ang buhay ko sa bahay na iyon.
“Anak okay ka lang ba?” Sabi ni Nanay sabay abot sa akin ng isang tasang tsaa.
“Okay lang naman ako Nay, iniisip ko lang po kayo. Isang beses lang po sa isang linggo ako makakauwi dito sa bahay.”
“Anak okay lang ako. Tsaka andiyan naman ang kuya Roy mo. Huwag ka na masyadong mag-isip ha.”
Ngiti lang ang tanging tugon ko sa sinabi sa akin ni Nanay. Sa totoo lang kampante naman ako na iwan siya kay kuya, loloko-loko lang yun pero alam kong babantayan niya ng mabuti ito.
Pagkatapos kong uminom ng tsaa ay hinugasan ko ang tasa at umakyat na sa aking kwarto. Naihanda ko na ang aking mga gamit dahil bukas na bukas din ay magsisimula na ako sa aking bagong trabaho. Ang sabi ni Aling Dora ay umuwi na daw kasi noong nakaraang linggo ang isang katulong sa probinsiya nito kaya mas mabuti raw na magsimula ako agad.
Nakahiga na ako sa aking kama at pinikit ko na ang aking mga mata. Biglang lumitaw sa aking isipan ang napakagwapong mukha ng aking amo. Hindi ko namalayan ay nakangiti na pala ako at unti-unti ako ay nakatulog.
Nagising ako sa aking alarm clock, sinipat ko ang aking orasan – 5:00 am. Tinupi at inayos ko ang aking higaan bago bumaba sa kusina upang mag saing at magluto ng ulam. Pagpasok ko sa kusina ay naka-upo na si kuya Roy doon at umiinom na ng kape.
“Magpapacheck-up kami ni Nanay ngayon.” Bungad nito sa akin.
“Oh sige kuya. Balitaan mo na lamang ako sa kondisiyon ni Nanay kuya at kung may ireresetang gamot sa kaniya ay bilhin mo na rin” bilin ko sa kaniya.
“Oo, ako na ang bahala huwag kang mag-aalala.”
Saktong 6:30 ng matapos kong ayusin ang aking sarili at handa ng umalis ng bahay. Pag daan ko sa sala ay nakita ko si Nanay na naka-upo at parang hinihintay ako. Alam kong malungkot siya dahil ito ang unang beses na hindi ako sa bahay matutulog araw-araw.
“Nakahanda na ba ang mga gamit mo anak?” Tanong ni Nanay
“Opo nay, handa na po. Aalis na rin po ako kailangan ko po kasing maging maaga bilin sa akin ng mayor doma ni Mr. Santiago”
“Sige anak at baka ma late ka na. Basta pag ayaw mo na doon ay umuwi ka na dito sa bahay ha” sabi ni Nanay habang nakayakap sa akin.
“Opo nay.”
Nasa labas na ako ng bahay ng amo ko at pagka-pindot ko ng door bell ay agad na bumukas ang pinto. Pumasok ako at bumungad sa akin si Aling Dora. Binati ko ang matanda ngunit hindi ito umimik, hindi na rin ako nagsalita.
Hindi kami sa main door pumasok, doon kami dumaan kung saan naka park ang sasakyan na itim ni Mr. Santiago. Pag pasok namin sa maliit na pinto ay diretso na pala iyon sa maids quarter.
“Ito ang iyong magiging kwarto” sabi ni Aling Dora pagkabukas niya ng pinto.
Malaki ang kwartong iyon kompara sa kwarto ko, may liguan at toilet na rin ito sa loob. Kulay puti ang bed sheet at pillow case, may kabinet, may isang lamesa at isang upuan sa sulok. Nilagay ko ang dala-dala kong bag sa gilid ng aking kama. Habang si Aling Dora naman ay may kinukuha sa loob ng kabinet.
“Ito ang magiging uniporme mo, magbihis ka na at hihintayin kita sa labas.” Pagkatapos ay lumabas na nga ito.
Nagulat ako sa aking nakita, ang suot kasi na uniporme ni Aling Dora ay yung parang scrub uniform na baby blue ang kulay habang yung ibinigay niya sa akin ay kulay itim na damit na above the knee ang cut, may kwelyo at apron na kulay puti, sa tabi nito ay isang manipis na stocking na kulay itim at sa gilid ng kabinet ay nakita ko ang isang maitim na sapatos. Nag-aalinlangan man ay sinuot ko pa rin ang mga ito buti na lang at sakto lang sa akin ang damit at sapatos. Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas ako agad ng kwarto ko. Pinagmasdan ako ni Aling Dora mula ulo hanggang paa.
“Itali mo yang buhok mo” sabay talikod sa akin at nagsimulang maglakad.
“O-opo” sabi ko habang dali-dali kong tinali ang aking buhok at sumunod sa kaniya.
Sa kusina ako dinala ni Aling Dora.
“Marunong ka bang magsaing?”
“Opo”
“Ang gusto ni Sir Miguel ay yung hindi masyadong lata yung kanina pagka-luto”
Ahhh, Miguel pala ang pangalan ni Mr. Santiago…. Miguel Santiago
“Nakikinig ka ba?” Pang-iinterupt ni Aling Dora sa akin.
“O-opo Aling Dora”
“Huwag mo ring kalimutan na orange juice ang iniinom ni Sir Miguel pag umaga at gatas sa gabi”
“Opo”
“Oh dalhin mo na yang isang basong juice at kanina pa yan inaantay ni Sir” utos ng matanda sa akin.
“Ah. Opo!” Kinuha ko ito at naglakad na patungo sa dining room.
Malayo pa lang ako ay nakita ko na agad si Mr. Santiago na nagbabasa ng newspaper, naka roba pa ito at walang salamin. Kung sa malayo ay napakaamo ng mukha nito. Ngunit ng ito ay nag-angat ng tingin at nagkasalubong ang aming mga mata ay biglang nagbago ang expresyon ng mukha niya, I look away kasi nate-tense ako baka mahulog ko pa yung baso na hawak ko.
“Good Morning Grace” bati nito sa akin.
“Good M-morning Mr. Santiago” ganti kong bati habang nilapag ko ang baso sa tabi ng tubig niya.
“Call me Miguel” sabi nito.
Napatingin ako sa kaniya and he is looking at me too! Nakakaloka! Umiwas ako ng tingin at tumayo ng maayos.
“Uhmm. *ehem* a-ano po uhm *ehem*” halos hindi ko alam ang sasabihin.
“I mean you can call me Sir Miguel” sabi nito tapos uminom ng juice.
Halos puputok na ang mukha ko sa sobrang pula. Nang-aasar ba tong lalaking to?
“Go to Aling Dora and tell her na pinapapunta kita sa office ko sa itaas. I’ll wait for you up stairs.” Utos nito sa akin
“Ye-yes Mr.- Si-sir Miguel” sagot ko habang nakayuko.
Agad akong bumalik sa kusina at sinabi sa matanda ang utos ni sir. Tumango ito at sinabi kung saan banda ang opisina ni sir. Huminga muna ako ng malalim bago nagtungo sa hagdan.
Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Naka-upo si sir Miguel sa kaniyang office chair, suot na niya ang kaniyang salamin pero naka roba pa rin ang ginoo. Lumapit siya sa akin at inanyayahan akong umupo sa mahaba at kulay puti niyang sofa. Pagka-upo ko ay nagulat pa ako dahil parang kinain ng sofa ang pwet ko sa sobrang lambot nito. Habang nag-aayos ako ng sarili ay pinagmamasdan ako ni sir Miguel.
“So is it true na kaya sinangla ng kuya mo ang bahay ninyo ay dahil baon na kayo sa utang?” Panimula nito.
“Opo sir” nakayuko kong sagot.
“Ano sa tingin niyo ang ibabayad ninyo sa akin? Balita ko nagpapart time job lang ang kuya mo”.
“Uhm may kita naman po si kuya sir Miguel kahit papaano, pagsasamahin na lang po namin ang kita niya sa sweldo ko dito” sagot ko.
“You must be kidding right?” May halong pagkamangha niyang sabi. Napatingin ako sa kaniya.
“Ibabayad mo sa akin ang sarili kong pera? Is that what your saying Miss del Monte” seryoso nitong tanong.
Hindi ako agad nakasagot. Napayuko ako ulit dahil sa sinabi ng ginoo. May point nga naman siya, eh para saan pa ang pagtatrabaho ko dito.
“Kung ganoon po ay maghahanap na lang po ako ng ibang trabaho. Pasensya na po sa abala” mahina kong sabi pero alam kong narining niya ako.
“No, I won’t allow that. You’ll be staying here. Sign this” sabay abot nito sa akin.
“That would be your contract, nakasulat diyan sa papel na susundin mo lahat ng pinag-uutos ko with no but’s. Nakasulat din diyan lahat ng iyong pag suway ay may kapalit na parusa” pagpapaliwanag niya.
Nanginginig ang buo kong katawan. Dinig na dinig ko ang pagtibok ng aking puso.
Diyos ko! Ano ba tong napasukan ko. Totoo nga ang sinabi ni kuya na ako ay isang kolateral. Alam kaya ni kuya to?
Naghahalo sa galit, inis at pagngangamba ang aking nararamdaman. Sa sobrang kabog ng aking dibdib ay halos mapunit na ang papel sa higpit ng pagkakahawak ko.
“Pe-pero…. a-aa…” walang salita na lumalabas sa aking bibig.
“I haven’t sign the papers yet about doon sa bahay niyo. Um-oo na ako sa kuya mo but the decision is yours Grace, if you don’t sign that contract then the deal between me and your brother is off” sabi nito.
Gusto kong tumakbo pa uwi sa bahay. Gusto kong umalis sa kwartong ito. Ngunit nakita ko ang histura ng aking Nanay, paano na lamang ito?……. Huminga ako ng malalim at pinirmahan ang kontrata. Bahala na!
“Good girl” sabi nito habang kinuha ang papel mula sa aking kamay.
Dala ng panghihina at panlalambot ay di ko na namalayang tumabi na pala sa akin si Sir Miguel. Nagulat na lamang ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking tuhod, hinimas-himas niya iyon pataas sa aking hita. Hindi ako makagalaw o makasigaw! Napasinghap ako ng dumampi ang mga labi niya sa aking leeg!
“Now, I guess you know exactly kung ano ang laman ng kontratang pinirmahan mo.” Bulong neto sa aking tenga.
Nanlaki ang aking mga mata. Oo may isang parte sa isipan ko na nag-eexpect na may pisikalan ang hinihinging kapalit ni Mr. Santiago pero hindi ko alam na ganito pala iyon!
Itutuloy……