Isa ako sa maraming commuters ng Metro Manila at hindi na kakaiba sa ‘kin ang makipagsiksikan sa byahe during rush hour. Normal ang ganitong senaryo sa ‘kin sa mga buses – ordinary o air conditioned man. May pagkakataong nakakaupo naman ako pero kadalasan ay nakatayo na lang sa isle or minsan sa estribo pa nga lalo na ‘pag galing na ito sa maraming bus stop.
Martes sa may EDSA Ayala, lagpas alas-singko na ng hapon at himala na medyo maluwag ang bus at nakaupo ako. Naghintay pa ng kaunti at nagpuno ito hanggang sa ang natirang espasyo na lang ay ‘yong isle. Marami ang sumakay at ‘di alintana na tatayo na lang sila sa buong duration ng byahe. Sanayan na lang dahil ganito talaga sa halos lahat ng mga siyudad sa buong mundo.
Karamihan sa mga pasaherong nasa gitnang bahagi ng bus ay mga lalaki. Marami pa rin sa kanila na nais magbigay ng kanilang upuan sa mga babae na nakakatuwa namang masaksihan. Iba-iba ang itsura – may medyo pormal, may casual lang, at ‘yong iba halata ay mong sa construction site nagta-trabaho. Madalas akong mag-observe sa mga pasahero. Ginagawa ko ‘yan dahil sa traffic at nakakaalis ng inip. Gusto ko lang din tignan kung may mga kasabay ba ‘kong gwapo o maganda hahaha. Sa totoo lang, mas madalas akong makakita ng magagandang babae at ilan sa kanila ay regular ko nang nakakasabay sa byahe.
Pero iba ang araw na ‘yon. It was a long day for me sa office and naka-idlip na pala ako ng hindi ko namamalayan. Nagising lang ako nang masagi ng isang manong ‘yong kaliwang tenga ko. Nakaupo kasi ako sa isle seat, sa may pang-dalawahan upuan, kaya hindi maiiwasan na masagi ka or matapakan kung siksikan lalo na kapag biglang umandar ang sasakyan. Nakakawala naman talaga ng balanse.
Hindi na ‘ko naka-idlip ulit kaya tumingin na lang ako sa bintana para makita kung nasaan na ba kami. Nasa area pa rin pala ng Makati, sa may bandang Magallanes kaya mataga-tagal pa ang lalakbayin. Trapik man pero moving ng kaunti kahit papaano. Binaling ko na lang muna ang tingin ko sa mga kasabay kong commuters nang biglang mahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo na may tatlong upuan lang ang layo sa’kin. Titig na titig sya sa mukha ko na parang di niya pansin na tinitignan ko na siya. Umabot siguro ng limang segundo ‘yon bago niya nilipat ang tingin sa gawing dibdib ko. Out of curiosity ay tinignan ko ang sarili ko.
“Kaya naman pala nakatitig si kuya hihi,” pangiting sabi ko sa sarili ko.
Nakalitaw pala ang cleavage ko dahil malalim ang cut ng suot kong V-neckline na blouse. Bukod doon ay nahila pa ito pababa nang maidlip ako. So, dahil sa taglay kong kapilyahan ay hindi na ‘ko nag-abalang ayusin ito.
“Sige lang, mag-enjoy ka kuya,” bulong ko sa sarili.
Hindi naman ako gaanong maputi pero alam kong makinis ang balat ko. Sa parteng dibdib ay mas maputi ng bahagya dahil madalas na nakatago ang boobs ko na cup B size. Siguro kahit sinong lalaki na makakatanaw sa medyo malusog kong bumper ay hindi naman talaga maiiwasan na balik-balikan ng tingin. Ewan ko ba pero parang mas nag-enjoy ako bigla sa ginagawa ‘nong lalaki. Nakakatiyak ako na alam niya na alam kong tumitingin siya.
Hinayaan ko lang magpyesta ang mga mata ni Kuya. Ang katuwiran ko ay hanggang sa tingin lang naman at di makukuha. Panay ang ikot ng mga mata ng lalaki kapag magagawi ang paningin ko sa kinatatayuan niya. Nagkukunwari na may ibang tinitignan. Mga lalaki talaga hahaha.
Nasa paakyat na kami ng Magallanes Interchange nang lumapit ang kundoktor sa kanya dahil sa inabot niyang pera.
“Saan ‘tong bente?” tanong ng kundoktor sa lalaki habang lumipat-lipat ang mata n’ya mula dibdib at sa mukha ko.
“Malibay lang,” gulat na sagot ni kuya na sa Pasay pala bababa.
Mga 10-15 minutes pa ang layo nun kung hindi traffic at mas mauuna syang bumaba kaysa sa’kin kaya naisip kong hayaan na lang s’ya sa bisyo ng paninilip. Pumuwesto ako ng medyo paharap sa kanya para mukhaan ko si kuya. Sa gilid ng mata ko ay masasabi kong maamo ang mukha ng lalaki. Medyo may pagka-long hair sya na wavy na bagay naman sa shape ng mukha. Siguro nasa late 20s siya, maputi, mukha namang disente at nasa 5’8 ang tangkad nito. He was wearing a maroon-collared shirt, not too loose and not too tight. Gwapo ba s’ya? Let’s just say na swak ang itsura n’ya sa panlasa ko.
Masasabi ko na type ko ang features ng hitsura n’ya kaya ganito ang naging reaksyon ko. May kung ano akong nararamdaman na nagpa-excite sa akin. Hindi ko naman ide-deny na nagustuhan ko talaga ang pilit na pagsilip ng lalaki sa dibdib ko na naghatid sakin ng kiliti sa isip at katawan. Pakiramdam ko noon ay medyo namamasa na nga yata pagitan ng hita ko.
Hindi ko na namalayan na nasa may Evangelista na pala kami noong may mga bumabang pasahero. Medyo marami-rami ‘yon at nagbigay ito ng chance doon sa lalaki para makaupo sana or makahanap ng mas maluwag na pwesto. Pero mas pinili n’yang tumayo sa may tabi ko kahit may bakanteng upuan na. I looked at him and he did the same thing. Nagkatinginan ulit kami pero hindi ako nagpakita ng any facial reactions dahil mahirap na rin na isipin na nagbibigay ako ng signal.
Mas na-excite pa ako sa ginawa niyang pagtabi sa’kin. Aware ako na mas gusto nyang matitigan nang malapitan ang dibdib ko kung nakatayo nga sya sa tabi ko. Sigurado ako na sa posisyon na ito ay mas may masisilip siya. Ano nga ba ang taglay na sarap ng paninilip? ‘Yong bagay na hindi mo makitang mabuti at nagkakandahaba ang leeg para sipatin mabuti pero bitin. Kitang kita nga naman dahil nakaupo ako, so parang bird’s eye view ang dating. Matalim at diretso ang mata sa kaunting laman na sinisilip at ang trophy ay kung makikita niya ang nipple ko kapag umaalog ang sasakyan.
Medyo nakakaramdam ako ng init ng mga oras na ‘yon but I kept my composure dahil ayokong ipahalata ng tuluyan na nagugustuhan ko ang ginagawa n’yang pamboboso. Nakaka-boost din ng confidence ng isang babae ang mabigyan ng pansin at importansya lalo na sa physical aspect. Well, mahirap din yung kalagayan ko dahil nararamdaman kong may tingling sensation sa akin dahil na rin siguro sa nasisiyahan ako sa eksena sa bus with kuya hihihi.
“O Malibay! Malibay!” tawag ng kundoktor sa mga pasahero.
Maraming pasahero ang nagsibabaan pero hindi agad siya bumaba kahit pwedeng pwede na syang mauna. Hinatid ko ng tingin ang estrangherong ‘yon at lumingon pa s’ya sa huling pagkakataon. Sa huling saglit na iyon ay nagpakawala na ako ng isang matipid na ngiti na ikinagulat niya.
Yes, I did enjoy it. Ang sarap din na paminsan-minsang maglaro o makipagharutan ng pasimple sa iba’t ibang sitwasyon na na-e-encounter natin sa araw-araw. Kapag nakita ko ulit si kuya ay baka tawagin ko na siya at paupuin sa tabi ko hihihi.