by supertoyantz
Call Center
( supertoyantz / amazingFINGERS )
Prologue
Ako si Tom, di ko tunay na pangalan. 28 years old at kasalukuyang nasa BPO Industry or in a more famous word, “call center”.
Halos limang taon na rin ang lumipas mula nang magsimula ako sa trabahong ito. Hindi ito ang pangarap kong gawin sa buhay. Pangarap kong maging Engineer pero dahil sa kapos kami sa pera, kung saan saan ako napadpad na trabaho.
Mahirap lamang kami at ako ang panganay sa aming magkakapatid. Dahil sa kahirapan, nag desisyon akong tumigil na muna at bigyang daan ang mga sumunod sa akin. Bilang tipikal na panganay, pangarap kong mapagtapos ang mga kapatid ko ngunit naging mailap ang swerte sa akin.
Lima kaming magkakapatid.
Tatay ko ay isang construction worker habang nagtatahi naman ng basahan ang nanay ko.
Madalas ako ang nagiging assistant ni erpats para kahit papano, nakakatulong ako sa bahay. Kahalati ng sweldo ko, binibigay ko kay ermats habang kalahati, inipon ko at binili ng second hand na computer.
Nakikabit din ako ng Internet sa tyahin ko. 300 per month ang bayad ko kaya sobrang sulit na.
Mahirap pero masaya ang buhay namin.
May mga tropa naman ako pero mas gusto kong naglalagi sa harap ng computer. Dota, movies at kung anu ano pang online games ang madalas kong ginagawang pang pa antok.
Pero madalas, ginagawa kong background sound ang movie ngunit ang totoo, nanunuod ako ng porn.
Lately, nalibang ako sa mga babasahin. Yung tipong erotika. Ewan ko, pero mas malakas ang tama ng kalibugan sa sistema ko kapag binabasa ko lang. Marahil ay malaya akong gumawa ng sariling imahe sa aking utak.
Mas okay din ito sa porn dahil walang sounds. Libre kang magbasa na kahit may dumaan sa likod mo ng di mo namamalayan, iisipin lang nilang isang article o website ang pinag lalaanan mo atensyon.
Huwag lang nila kong mahuling nagjajakol.
. . .
Ako yung tipo ng lalaking di pansinin. Payat na kulang isang bulate na lang ang di pumipirma sabi nga nila. Kinapos din ako ng confidence sa katawan kaya naman lagi lang ako sa bahay pag uwi sa trabaho. Dahil din sa trabaho namin sa construction ni erpats, madalas nakabilad kami sa initan sanhi ng pag itim ng balat ko. Di ko naman alintana yon pero kapag may nakakasabay akong maganda sa MRT o Bus, ako na ang kusang lumalayo dahil pwede mo kong pagkamalang manyak.
Ganyan kababa ang self esteem ko sa katawan. Pero nagbago ang lahat ng magtrabaho ako bilang isang call center agent.
. . .
May isa akong madalas kalaro sa dota. Sa Ranked Gaming Client ko sya nakilala. Kung nagdodota ka, alam mo kung ano yan. Kung hindi naman, para itong Olympics kung saan nagsasama sama ang mga online players na naglalaro ng parehong game. Dota ang pinakasikat na laro dito. Pakisearch na lang kung interesado ka.
Going back, nagsimula ang lahat sa udyok ng isang tropa sa dota.
Halos gabi gabi kaming maglaro higit dalawa hanggang tatlong game. Tulad nya, breadwinner din ito ng pamilya at ginagawang pang patulog ang paglalaro. Ang kaibahan lang namin ay may anak na sya.
Taga Makati ang ugok at never pa kaming nagkita pero di ito naging hadlang sa pagiging mag kaibigan namin.
. . .
Araw ng sabado at day off namin ni erpats ang linggo. Malaya akong nakakapag puyat.
Nasa isang laro kami nang mapansin kong lagi syang AFK o idle. Madalas nakatunganga lang sa isang tabi. Medyo badtrip ako dahil unti unti na kaming natatalo pero itong si tanga, sige pa rin sa kaka AFK.
Di nga nagtagal, natalo kami. Sa badtrip ko, sinara ko ang game at nanuod na lang ng movie.
Makalipas ang halos dalawang oras, napagdesisyunan kong mag last game sana.
Malapit nang magstart ang laro ng makita kong nag message sya sa akin.
. . .
Tropa: HOY! Wag kang magstart, hintayin mo ko bibili lang ako!”
Poker face lang ako.
Ako: Yoko, tang ina mo puro ka porn.
Tropa: GAGO, HAHAHA, tumawag kasi yung kaibigan ko. Nagtatanong ng raket. Sakto, may bago ako. Encoding pare. Madali lang tapos medyo malaki kita. Hawak mo pa oras mo. Tutal may computer ka rin naman. Saglit lang ha, bibili lang akong yosi.
Poker face pa rin ako pero unti unti na kong nagkaka interes. Tinigilan ko ang paglalaro at nag download ng movie habang hinihintay si gago.
Saglit lang naman syang nawala. Marahil ay may malapit na tindahan sa kanila.
Tropa: Anong email mo pare? Send ko sayo.
Ako: Baka networking yan ah. Tang ina mo wala kong pera.
Tropa: Ungas ka talaga. Encoding nga e. Tatanggap ka ng encoding sa email tapos itataype mo sa format na gusto nila. Tapos isesend mo.
Ako: Pano bayaran nyan? Baka modus yan?
Tropa: Kingina mo talaga eh. Ako na nga nag rerecruit sayo. Pwede mo namang subukan. Pag di mo trip, eh di kalas. Walang samaan ng loob.
Napakibit balikat ako kahit wala namang nakakakita sakin.
Hesitant pa rin ako at bilang doble ingat, mabilis akong gumawa ng bagong email pero di ko agad binigay sa mokong.
Tropa: HOY ano na! Nagjajakol ka na naman?
Ako: Tangnang to, gagaya mo ko sayo? Paliwanag mo muna.
Tropa: Bibigyan ka nga nila ng file tapos ireretype mo sa isang format. Teka asan na nga email mo? Papakita ko sayo itsura.
Ako: Puro ka madali, eh magkano kita dyan?
Tropa: $2 kada matatapos mo. Pwede mong gawing full time to. Akina email mo, pag aralan mo. Ako, sa isang araw nakakalima ako, pero di ko pa sagad yon ah. Mga apat na oras lang isang araw kung tapusin ko yan. Mas mabilis ka namang magtype sakin sigurado.
Natawa ko ng mahina. Kala ko bigatin. Tatlong libo ang sinasahod ko sa construction kada dalawang linggo. Ano ang magagawa ng $2 para ipagpalit ko ang trabaho ko.
Nahiya naman akong tumanggi kaya naman sinend ko na lang ang email ko.
Ako: mynameistoyantz gmail.com
Tropa: Sent na. Pag isipan mo mabuti. Sige pare out na ko. Di na muna ko magpuyat.
Ako: Oh alas dose pa lang. Linggo oh, himala.
Tukso ko.
Tropa: Papasyal ko lang si baby bukas saka kanina pa ko kinukulit ni misis e. Kantutin ko nga to pare para matahimik. HAHAHA, magjakol ka na lang dyan!
Natawa ako at naglaro na lang mag isa.
. . . .
Tumuloy ako sa paglalaro.
Alas tres ng madaling na makaramdam ako ng antok.
Akmang papatayin ko na sana ang computer ng maalala ko ang sinend ni bugok.
Out of curiousity, binuksan ko ang bago kong gawang email at pinasadahan ang sinend nya.
Tama nga ang unggoy, madali lang sana kung hindi lang mababa ang bayad.
Nag logout na ako sa email. Pipindutin ko na sana ang shutdown button ng mapatingin ako sa google icon.
Sinearch ko kung magkano ang palitan ng dollar. 54 pesos kada isang dolyar. Kung $2 ang kita nya, ibig sabihin, meron syang 108 pesos kada isang matatapos. Nakakalima sya sa isang araw pero di pa daw ito sagad. Tumataginting na 504 pesos sa apat na oras?
Napalunok ako at mabilis na kinompute ang sarili kong sahod.
Kung tatlong libo ang kita ko sa dalawang linggo at anim na araw akong pumapasok. Ibig sabihin, 250 pesos ako sa isang araw?
Ako: PUTANG INA.
Walong oras akong nagtatrabaho sa isang araw. Idagdag pa ang araw araw na commute at baon.
Ngayon ko lang nakita sa ibang anggulo ang sarili kong sweldo.
Matagal akong natulala.
Hindi ako tanga para sabihin mahal ko ang ginagawa ko.
Ang totoo, lagi akong pinagtatawanan dahil sa payat ko, napili ko pang mag construction.
Hindi ko rin maaaring palampasin ang sakit ng katawan sa kada umuuwi ako ng bahay.
Hindi sa minamaliit ko ang mga nasa construction pero hindi ito ang trabahong para sa mga tulad kong payat.
Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa, agad kong hinanap ang requirements ng sinasabi nyang trabaho.
Nagliwanag ang mga mata ko ng makita kong high school graduate ay sapat na basta mabilis kang mag type.
Agad akong gumawa ng resume at kinabisa ang address ng agency nila.
Natulog ako nang may pag asa.
Sa wakas, mukhang may trabaho na para sa akin.