Tagalog (non adult)

Botocan Maze Runner

Pasado alas-onse ng gabi. Binabasag ng kalabog ng gulong ng karitong pangkalakal ni Tasyo ang katahimikan sa mga kalye at eskinita ng Barangay Botocan, Lungsod Quezon. Sarado na ang mga bahay at tindahan. Ang kadiliman ay pinag-iibayo ng kawalan ng buwan at mga bituing tatanglaw mula sa langit. Makakapal kasi ang mga ulap sa himpapawid. …

Botocan Maze Runner Read More »

Birhen

a halip na ginagawa ko yung proyekto namin sa eskwelahan napabukas ako ng social media. Agad bumngad sa aking newsfeed na nagpalit nanaman sya ng profile picture. Paano kayang andami nyang candid shot? Hindi ko alam kung paano kinukuha yung mga ganitong litrato, gumagamit ba sila ng timer? O nagkukuhanan lang sila ng kanila kanilang …

Birhen Read More »

Barangay 160

alang taong dumadaan sa eskinita sa gabi. Walang maingay na mga batang naglalaro ng piko at bangsak. Tahimik lang at malamig ang simoy ng Enero. ‘Yan ang nagbighani kay Rolan sa ganitong oras ng gabi. Hindi niya napansin na halos tatlong oras na rin siyang tutok sa pagbabasa ng mga hiniram niyang mga reviewer sa …

Barangay 160 Read More »

Bagong Buhay

Bahagyang nanikip ang dibdib ni Renzo habang nagmamadaling tinatahak ang eskinita papalayo sa pier at papunta sa bahay nila. Ngayon na lang siya napatakbo nang ganito ulit; gumuguhit sa baga niya ang bawat hinga. Lalo lang siyang pinahihirapan ng samot-saring nakahambalang na bagay sa masikip nang daanan. Sa kaliwa, isang babaeng nagtatapon ng masabong pinagbanlawan …

Bagong Buhay Read More »

Si Kapitan Haragan

Isang araw sa barangay ng Santo Cristo, may narinig na nakabibinging sigaw: si Kapitan! Si Kapitan! Ayan na naman! Tuwing may sumisigaw ng ngalan na ito, lahat ng tao ay natatakot at nababalisa. Mula kasi nang pumanaw ang butihing maybahay ni Kapitan Harold na si Concensia, naging mabagsik itong kapitan. Lahat ng makita ay titingnan …

Si Kapitan Haragan Read More »

Ang Kapilya sa Eskinita

Dalawang bagay lamang ang parating nasa isip ni Cesar, edad labingwalo. Una: kailangang makadiskarte bago umuwi. Ikalawa: hindi maaaring hindi makadiskarte. Ang hindi nakadidiskarte, mahina ang ulo at mahina ang dibdib. Kulang ka sa lakas ng loob kaya nagugutom. Ang mga batas ng lansangan ay simple lamang: mahalin ang mga kapatid na parang pamilya, walang …

Ang Kapilya sa Eskinita Read More »

Ang Aswang sa Eskinita

Habang nililinis ko at inaalis ang putik sa pudpod kong mga tsinelas, kakaibang mga tinginan at malalakas na bulong-bulungan ang ibinigay sa akin ng mga Aleng nagkukumpulan sa tapat ng tindahan ni Aling Josie. Katulad ng mga nakalipas na araw, usap-usapan na naman ang hindi magandang nangyari sa aking pamilya. “Dios ko, kawawa naman ang …

Ang Aswang sa Eskinita Read More »

8th Street

“MADAM CHAR, puwede n’yo po bang hulaan kung magkaka-lablayp na ako?” bungad ng isang lalaki na sa tantiya ko’y nasa mid-20’s ang edad. “Hindi pa,” mabilis kong sagot na ikinatigal naman niya. “Ah! Ang kong ibig sabihin…maupo ka.” Pagkaupo niya ay inilahad ko ang aking palad. “Akin na ang kamay mo.” Pumikit ako habang hinahaplos …

8th Street Read More »

Kanlungan

NANATILI akong tahimik sa mga oras na ang tangi ko lang gustong gawin ay sumigaw ng malakas – na iparinig sa lahat ang aking tinig. Ngunit, pinili ko na lamang itikom ang aking bibig upang ikulong ang mga salitang gustong-gustong kumawala. Dahil alam ko, kahit gaano ko kahina ibulong o kalakas ipagsigawan ang mga ito …

Kanlungan Read More »

Kalye Mapaghimala

“Isa na lang! Isa na lang! Lalarga na! Pogi, sakay na!” sigaw ng isang barker kay Nath. Kanina pa kasi siya palakad-lakad malapit sa sakayan ng dyip papuntang kalye Mapaghimala. Hindi siya sigurado kung tutuloy ba siyang pumunta doon o hindi. Nakakapagdalawang isip kasi ang reputasyon ng mga taong nakatira sa lugar na iyon. Reporter …

Kalye Mapaghimala Read More »

Halaman

“Pagod na ako. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.” Nakabibingi ang mga katagang ito na ngayon ay nagsasalimbayan at paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan at tila ba ibinubulong ng tahimik na kapaligiran. Sa akin ba nanggaling ang mga katagang iyon? Hindi ko na maalala. Hindi ko matandaan kung sa akin ba …

Halaman Read More »

Anghel sa Lupa

Pakalat-kalat sa daan. Nanlilimos ng awa ngunit kanilang hinahamak. Pinandidirihan. Ipinagtatabuyan. Pinagtatawanan. Kaawa-awang pagmasdan ang dalagitang niyayapos ang humahapding tiyan. Magulo ang kaniyang buhok. Ang puting bestida nito ay maduming-madumi na’t punit-punit. Dahil tila walang nahahabag sa kalagayan ni Mara, naghanap na lang siya ng tira-tirang pagkain sa basurahan. Pinalad naman si Mara na makakuha …

Anghel sa Lupa Read More »

Ang Hiling ni Almira

“Papa, magkakatotoo po ba ang hiling ko kapag nag-wish ako sa wishing well?” tanong ng isang batang babae na nasa edad lima o anim na taong gulang sa kanyang ama. Nakita ko kung paanong umaktong nag-isip ang ama bago kinarga ang anak na babae at itinayo sa gilid ng balon. “Bakit hindi mo subukan, anak? …

Ang Hiling ni Almira Read More »

Scroll to Top