Tagalog (non adult)

Bahay-bahayan

Ilang minuto na si Anton sa labas ng inuupahang bahay ng Kuya niya. Pangatlong istik na ng yosi ang hawak niya. Hithit-buga. Kakatok ba siya? Taragis na buhay ‘to, bulong niya sa sarili. Hithit-buga. Mabigat kasi sa loob niyang humingi ng tulong dito dahil sermon lang ang aabutin niya. At ipapamukha na naman sa kanya …

Bahay-bahayan Read More »

Angelita

ni Maccheb Sa kabila ng maunlad at sibilisadong pamumuhay sa lungsod, hindi pa rin nito maikukubli ang katotohanang may mga naiwan pa ring natutulog sa mga kalye. Sila ang mukha ng kahirapan. Ang katotohanang kahit pilit itago ng lipunan ay hindi kaylanman mapagtatakpan ang tunay na kalagayan. Salat sila hindi lamang sa kayamanan kung hindi …

Angelita Read More »

The Case of Hannah Jane Lorilla part 4

Chapter 14: “Psychological Warfare” “What are you doing here????” nagugulat na tanong ni Hannah kay Jesse. “You bring me here, remember?” “No, I don’t remember!” sigaw ni Hannah habang hawak ng mga kamay ang buhok na tila nababaliw. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nanginginig na ang katawan niya, hindi niya malaman kung sa sobrang takot …

The Case of Hannah Jane Lorilla part 4 Read More »

M.U.

ni Beckdelecruz M.U. – Mutual Understanding, Magulong Usapan, Malanding Ugnayan. Pero may understanding, usapan o ugnayan nga ba o ikaw lang ang mag isang umaasa? Masalimuot na sitwasyon. Nangyari ito sa akin noon hindi ko din alam paano ako nakalabas ng buo. College. Bahay – eskwelahan lang ako noon wala masyadong kilala sa mga kapitbahay. …

M.U. Read More »

Minsan may Isang Puta

ni Mike Portes Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako raw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. ‘Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Tara, makinig ka muna sa kuwento ko, yosi muna tayo. Alam mo, maraming lumapit sa akin. …

Minsan may Isang Puta Read More »

Ang Pag-Ibig ni Rizal

ni Alberto Segismundo Cruz Silahis, Abril 22, 1 — Ang lalong matatamis na alaalang pinitas sa sanga ng walang-kamatayang pakikipagsapalaran ng ating bayani sa larangan ng pag-ibig, ang atin ngayong matutunghayan. — Si Rizal, katulad din ng lahat ay may puso at sa pitak ng pusong iya’y minsan ding namugad ang pag-ibig. I. Kung may …

Ang Pag-Ibig ni Rizal Read More »

Katalagahan

ni Vic Macapagal Kagabi ay hindi ako sumama sa mga kaibigan ko. Naipangako ko kay Kuya na sa kanya ko ipagkakaloob ang isang buong linggo. Itong linggong ito. Kahit na nga ba sa loob ng nakaraang mga buwan ay siya na ang naging gunitain ng buo…ng pamilya. Alam ko, magiging masaya na naman sa bahay. …

Katalagahan Read More »

Dahil sa Madyong

ni Vic Macapagal Malaking problema ang idinulot sa akin ng aming bagong kalapit-pinto. Simula nang lumipat sila ay hindi na natahimik ang aking tenga’t kaluluwa. Sa umaga, sa tanghali, at sa gabi ay walang tigil ang ingay na mandin ay nagsasangag ng graba at buhangin. Ang haluang ito ng pitsa ay isa lamang sa hindi …

Dahil sa Madyong Read More »

Nagmamadali Ang Maynila

ni Serafin Guinigundo ” GINTO. GINTO… Baka po kayo may ginto riyan?” “Mga mama.. mga ale… ginto…?” ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa. ” Baka po kayo may ginto?” ang muling sigaw ng babae. ” Kung may ginto ako …

Nagmamadali Ang Maynila Read More »

Impeng Negro

ni Rogelio Sikat “BAKA MAKIKIPAG – AWAY ka na naman, Impen.” Tinig iyon ng kanyang ina. Nangangaral na naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa kamay. “Hindi ho,” paungol niyang tugon. “Hindi ho…,” ginagad siya ng ina. “Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo’y lagi ka …

Impeng Negro Read More »

Tata Selo

ni Rogelio Sikat Ang panitikan ay salamin ng buhay. Ito’y isang representasyon ng mga karanasan sa buhay ng tao sa tulong ng mga salita. Sa kuwentong ito, alamin kung anong mga pangyayari sa mga tao sa lipunan ang malinaw na pinapaksa ng may akda. Matagumpay ba itong nailahad ng may akda? Anong paraan ang ginamit …

Tata Selo Read More »

Ang Sukatan ng Ligaya

ni Liwayway Arceo NAGMAMADALI si Aling Isyang sa pagbibihis. Nangangamba siyang pumasok si Medy sa silid at Makita siyang nagbibihis. Natitiyak niyang hindi siya papayagan nito na makaalis. May tatlong araw nang nagtatangka siyang makauwi sa nayon ngunit lagi siyang pinangungunahan ng anak. “Ang Inang. . . nagbibihis na naman! Parang inip na inip dito …

Ang Sukatan ng Ligaya Read More »

Scroll to Top