My name is Claudette, isang 26-year-old Civil Engineer.
Anim na buwan na ang nakalipas mula nang iwan ko ang dati kong nakagawian at niyakap ang aking bagong image. Parang artista lang ang peg. Hayaan nyong ikwento ko kung ano ang pinag-ugatan nito.
Galing ako sa isang Sagrado-Katolikong pamilya at ipinadala sa mga exclusive Catholic school for girls mula elementary hanggang high school. Ang turo ng mga madre ay huwag magsuot ng maiksi at nagpapakita ng laman, huwag makikipagtalik bago ikasal, manapalataya sa Diyos at magsimba linggu-linggo. Matapos ang high school ay napagpasyahan kong kumuha ng Engineering sa isang kilalang unibersidad. Dahil dito, ako ay tinaguriang one of the boys kahit na babaeng-babae ang aking puso. Nagkaroon na rin ako ng ilang nobyo ngunit tanging si Paul lamang ang naging pinakaseryoso. Nagkakilala kami ni Paul sa trabaho at mahigit dalawang taon ring nagsteady ang aming relasyon. Dahil civil engineer nga ako, madalas na ang get up ko ay polo shirt, jeans, boots or sneakers at hardhat. Nakapisan pa ako sa aking mga magulang dahil ako na lamang ang walang asawa at may kani-kaniyang pamilya na ang dalawang kuya ko. Uwian rin ako sa Rizal araw-araw dahil sa QC lang naman ang aking trabaho. Good girl pa rin ako. Bago mag-alas otso ng gabi ay lagi na akong nasa bahay kung kaya’t tiwala sa akin ang aking mga magulang. Lagi rin akong bilad sa araw ng dahil sa aking propesyon kung kaya’t hindi ako nagmemake-up. Hindi rin ako gaano nag-aayos dahil nga nagpapapractical lang. Hindi ko naman akalain na may ginagawa palang kababalaghan sa aking likod ang aking nobyo.
Matapos ang isang company celebration ay nalasing si Paul at sinabi ng aming mga kasama na ihatid ko na lang sa kanila. Wala namang kaso sa akin. Iniabot sa akin ng mga staff ang mga gamit ni Paul kasama ang kanyang cellphone at inihatid ko sa kanilang bahay sa Maynila. Hindi ko alam kung anong klaseng kutob ang meron ako nang gabing iyon kaya’t binuksan ko ang kanyang messenger. Napansin kong may isa pang account. Nacurious ako at nilogin ang isa pang account. Hindi pa naman ako ma-Facebook na tao. 200 plus lang ata ang friends ko at halos wala akong naiupload sa timeline ko. Panay tag lang ng ibang tao. Hindi mo nga mahahalata na boyfriend ko si Paul kapag kinilatis mo ang aking timeline.
Laging gulat ko ng sumambulat sa akin ang isang conversation na punung-puno ng mga mahahalay na usapan at litrato ni Paul kasama ang isang pamilyar na muka. Anim lamang kaming babae sa opisina at hindi ako maaaring magkamali na ito ang aming HR Officer na si Precious. Puro sexting ang kanilang usapan sa chat. May mga litrato pa silang magkasama na halatang walang mga suot. Si Precious na HR, na dapat sumbungan ng mga work-related issues and concerns. Si Precious na kahit mahigit 100 ang lalaki sa construction firm at anim lamang kaming babae ay nagmamala-White Castle whiskey model sa aming mga company outing – bikining parang hindi na kasya, pula at parang luluwa ang kanyang mga suso. Walang kaso ito sa akin tuwing nakikita ko. Ika nga, to each his own. Kung feel niyang maging sexy eh di magpakita siya ng balat. Hindi ko pa naranasan magpakita sa mga tao sa opisina ng naka-bikini. Hindi rin ako nagpopost ng mga picture sa Facebook ng naka-bikini.
Hindi rin naman ako masyadong inosente. Katunayan, si Paul ang nakauna sa aking pagkabirhen. Sa dalawang taon naming magnobyo ay mga apat na pagkakataon na rin kaming nagtalik – dalawang anniversary namin at dalawang birthday niya. Hindi kami nagbbyahe ng magkasama out of town dahil ang katwiran ay baka kung ano ang masabi ng parents kong conservative. Hindi ko rin magawa ang ginagawa ng iba na nakakapag-Tback dahil kailangang palihim ko itong labhan sa aming tahanan dahil nga nakapisan ako sa aking mga magulang. In short, pati mga panty at bra ko ay ordinary lamang.
Agad kong isinara ang alternate account ni Paul sa fb messenger. Kailangan kong mag-isip mabuti at maging level headed sa aking susunod na gagawin. Tumutulo na ang aking luha pero pinigilan ko muna at hinayaan ko munang maibaba ko si Paul sa kanilang bahay.
“Tita, mauna na po ako. Hindi na po ako magtatagal. Uuwi pa po ako ng Rizal,” paalam ko sa kanyang Mama. Inakay ng mga tambay sa kanilang lugar si Paul mula sa aking kotse papasok ng kanilang bahay. Lasing na lasing ito at mukang walang maaalala kinabukasan.
Ako naman at lambot na lambot at pinagpasya na dumaan muna sa simbahan kahit gabi na para makapag-isip ng maayos. Hindi ako confrontational na tao. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng iskandalo. At mas lalong hindi ko aawayin si Precious. Ayokong bumaba sa kanyang level. Napapaisip rin ako na baka ako lang ang hindi nakakaalam ng kanilang relasyon sa opisina. Hindi kaya’t lahat ng mga nasa paligid ko at nananahimik na lamang? Para akong pinagsukluban ng langit at lupa. Akala ko ay forever na kami ni Paul. At akala ko kaya di niya ako gaanong ginagalaw ay dahil sa guilt na nararamdaman ko dahil sinusuway ko ang turo ng mga madre tungkol sa pakikipagtalik bago ang kasal. Tumutulo ang aking luha at ayoko naman tawagan ang bestfriend kong si Becca dahil bagong kasal ito at kasalukuyang naglilihi. Ayoko rin magkwento agad sa parents ko dahil gusto kong makapag-isip ng ako ang magdedesisyon para sa sarili ko. Naawa ako sa sarili ko. Ano ba ang kulang sa akin? Hindi ko ba maibigay ang sex sa kanya ng buong-buo? Anong meron kay Precious na wala sa akin bukod sa laging hapit na hapit ang suot nitong maiksing palda sa opisina? Wala rin syang bakat ng panty-lines kung kaya’t pinagpipistahan ng mga lalaki kung nakathong ba raw ito. Siya ang tipo ng tao na hinuhubaran ng mga lalaki sa kanilang pantasya.
Paulit-ulit kong sinabi sa aking sarili na hindi ako pangit at walang kulang sa akin. Bakit ko ba naiisip na laging mahuhuli sa buhay ang mga good girls? May ipon ako sa bangko na kayang bumili ng sarili kong maliit na bahay at magsimula ng bagong buhay. Kailangan ko itatak sa isip ko na hindi ko ito kawalan.
Nakarating ako sa bahay at nagmano sa aking mga magulang. Nagkulong ako sa kwarto saka inihagulgol ang sakit na nararadaman. Kailangan walang makahalata na wasak na wasak ang puso ko. At gagalaw ako ng walang makakapansin. Wala akong pakialam sa anumang ipaliwanag sa akin, kung one night stand man yun or magfuckbuddies lamang sila. Ayoko na. I’m done. Nahimasmasan ako at nawala ang pagmamahal ko kay Paul.
Kinabukasan ay sinimulan ko na ang aking plano. Una, inupdate ko ang resume ko. Ano bang gagawin ko sa isang kumpanya na lahat ay nanahimik habang niloloko ako ng nobyo ko? Pangalawa, magchechange career ako. Ipinasa ko ang aking resume sa mahigit na 50 job postings sa Jobstreet. Kahit sa BPO. Wala na akong pakialam kung iwan ko ang construction. For a change, matry yung opisinang aircon, yung nakapalda rin ako sa opisina, yung makakapagmake-up ako sa trabaho. Yung nakaheels ako. Pangatlo, puputulin ko lahat ng communications namin, pati ng mga dating kaopisina, common friends once na may mahanap akong malilipatang trabaho. Pang-apat, magbabasa ako ng mga libro na makakatulong upang mas matuto kong mahalin ang sarili ko. Panglima, susubukan kong bumukod mula sa mga magulang ko, depende sa kalalabasan ng una kong plano.
Sumunod na linggo ay pumasok ako sa opisina na nagpapanggap na wala akong nakita o nabasa. Sabay pa rin kami kumain ni Paul ng tanghalian tuwing wala ako sa field. Lumalabas pa rin kami ng Biyernes ng gabi at uuwi ako ng 8pm sa bahay. Pinagtagpi-tagpi ko ang mga pangyayari at napag-alaman na pagkahatid niya sa akin tuwing Biyernes ay saka sila magkikita ni Precious.
Matapos ang isang buwan ay may dumating nang job offer sa akin mula sa isang BPO sa Makati. Halos doble ng aking kasalukuyang sahod ang aking hiningi bilang Project Manager. At naibigay ito ng kumpanayang papasukan ko. Mukang nakatadhana ang trabaho para sa akin kahit na tanging construction lamang ang experience ko sa projects. Ito na ang pagkakataon kong bumukod. Pagkapirma sa job offer nag-ikot-ikot ako sa residential areas ng Makati at humanap ng malililpatang townhouse. Ayoko ng condo. Gusto ko, yung pagbaba ko ng kotse ay nariyan na ang pintuan ng bahay.
Naexcite akong bumukod ngunit di ko pa alam pano sasabihin sa mga magulang ko. Ikakatwiran ko ang layo ng Makati sa aming bahay. Sa wakas, matapos ang tatlong scouting ay may nahanap akong narematang townhouse. One bedroom lamang, maliit pero afford ko. Bagong gawa lamang ito at ako ang unang titira. Hindi na ito nahulugan ng unang bumili kung kaya’t di na nakalipat. Semi-furnished ito nang ma-inspection ko pero may mga gusto akong idagdag. Gusto ko ng bath tub at maglulublub ako sa bula matapos ang nakakapagod na araw.
Unti-unting naglalabasan ang mga inhibitions ko mula sa aking good girl image. Bubukod ako. Masusuot ko na ang mga gusto kong suutin. Pwede na rin akong magthong, maglingerie, magnighties ng see-through kapag gusto ko. Pwede na akong bumangon ng tanghali sa mga araw na walang trabaho. Pwede na akong hindi magbra sa bahay. Pwede na akong magshorts ng maiksi. Pwede na akong maghubo’t hubad kahit na sa sala or habang nagyoyoga. Wala nang sisita sa iksi ng aking palda. Magpapabrazilian wax ako para walang bulbol. Sisimulan ko na pati laser hair removal ng kili-kili.
Inilista ko ang aking plano. Una, magreresign ako sa trabaho at gagamitin ang mga natitirang leave para di na ako umabot dun ng isang buwang notice. Pangalawa, hindi ko ipapaalam ang resignation ko maliban sa aking immediate superior. Personal na dahilan ang magiging rason ko at hindi na nila yun pakikialaman. Binalot ko na lahat ng mga naging regalo sa akin ni Paul at ibabalik ko sa kanya sa aking last day. Sa last day ko rin ako makikipagbreak sa kanya. Mag-aapply na ako ng bagong linya ng telepono at ipapaputol ang luma nang di na ako matawagan. Kapag hinanap niya ako sa bahay at hindi sasabihin ng Mommy ko kung saan na ako nakatira. Idedeactivate ko ang aking Facebook nang walang makatrace kung saan ako nagpunta.
Masayang-masaya ako ng araw na iyon at dumaan na rin ako sa Glorietta upang mamili ng make-up, office wear, high heels, dresses at lingerie. Hindi ko na hahakutin ang mga panty ko mula sa bahay ng parents ko. Magtitira na lamang ako ng pitong pirasong gagamitin ko kapag may mens.
Kinagabihan ay kinausap ko na sila Mommy sa aking plano at sinabi ang mga pangyayari. Tiwala naman sila sa akin kung kaya’t di na nila ako inawat sa pagbukod. Never ko sila binigyan ng sakit ng ulo nung bata ako kaya’t di nila naisip kung ano ang maaari kong gawin sa pagbukod. Basta ang usapan, uuwi ako tuwing weekends at magsisimba pa rin kami bilang pamilya.
Naglista rin ako ng mga nais kong gawin para sa aking sarili habang single ako. Makapagtravel ng solo sa tatlong spots ng Palawan, sa Bohol, sa Siargao, sa Batanes. Local travel lang muna habang di pa ako regular sa trabaho. Walang mangyayari sa akin kung maaawa ako sa sarili ko. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako nagkulang at walang mali sa akin. Kawalan ito ni Paul. Isinama ko sa listahan ang makapagsuot ng bikini, magpaputi matapos ang ilang taon pagbabad sa init ng araw, makapagskinny dipping at makilala si Mr. Right. Ang sarap pagnilayan ng aking mga balak. Handa na ako magmove-on.
Araw ng aking resignation. Nakiusap ako sa aking boss na kaming dalawa lamang ang makaalam na nasa two weeks notice period na ako. Inamin ko rin ang dahilan kung bakit ako aalis dahil parang ama na ang turing ko sa aking boss. Naintindihan naman niya. Dalawang linggo muna niyang dineploy si Paul sa isa sa mga site. Napansin kong napapadalas ang paghahalfday ni Precious at kunwari ay lalakarin ang employee benefits sa SSS, Pag-ibig at Philhealth. Ang dalas din naman niyang magpost ng GGSS selfies niya sa Facebook at alam na alam kong kotse ni Paul ang lugar ng mga selfie. Wala nang kurot sa puso ko. Galit na lamang dahil sa panlilinlang ang aking nararamdaman.
Dumating ang aking last day. Hiniram ko ang susi ng kotse ni Paul at sinabing kukuha lang ako ng extrang gamit sa surveying pero ang totoo ay ilalagay ko ang kahon ng aking mga ibabalik na gamit sa kanya. Ibinalik ko kaagad ang susi matapos ko itong ilagay sa kotse at wala pa ring kamalay-malay si Paul sa aking mga balak. Pumatak ang alas-singko. Ilang linggo na rin mula nang unti-unti kong naiuwi ang mga gamit ko opisina para walang makahalata sa aking pag-alis. Inilulan ko na sa kotse ang aking gamit at niyaya si Paul sa Starbucks. Sabi ko ay ilibre niya ako ng Chocolate Chip Cream na paborito ko. Umupo kami sa isa sa mga couch at umakbay sa akin si Paul.
“Ano naman ang naisip mo at nagyaya ka dito?” ani Paul.
“May sasabihin ako sayo. Nagresign na nga pala ako dalawang linggo na ang nakaraan,” bungad ko
“Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit hindi ko alam? Saan ka naman pupunta?” pagtataka ni Paul.
“Paul, tapos na tayo. Wala nang kailangan ipaliwanag dahil alam ko na ang mga ginagawa mo sa aking likuran. Wala na rin akong kailangan sabihin sayo. Hindi ito padalos-dalos na desisyon. Pinagplanuhan ko ito mabuti habang nagpakakasaya ka sa babae mo. Gusto ko huwag mo akong hanapin. Pabayaan mo na muna ako.” Yun na lang ang mga huling salita na narinig niya mula sa akin. At yun na rin ang huli naming pagkikita. Hindi ko na rin balak kunin ang huli kong sahod mula sa kumpanya lalo na’t si Precious ang magpprocess ng last pay. Iniwan ko siya sa Starbucks at wala na akong pakialam kung ano ang reaction niya. Wala na ring tumulong luha mula sa aking mga mata. Manhid na ako. Isa na lamang estranghero si Paul sa aking paningin.
Pagsakay ko sa aking kotse ay dumiretso ako sa Globe para ipaputol ang postpaid line ko. Gumagana na ang bagong Smart postpaid ko. Ibinigay ko na rin ang bago kong number sa kumpanyang aking papasukan. Hindi na matatawagan ang luma kong number. Umuwi ako ng may ngiting tagumpay sa aking mga labi.
Dalawang linggo pa bago ako magsimula sa bagong kumpanya. Tanghali na ako gumising kinabukasan at inuna kong ideactivate ang aking Facebook pati ang email kung saan ito nakaregister. Bumyahe ako papunta sa aking lilipatan at siniguro na ready ang bahay. Hinintay ko ang delivery ng aking bagong kama, aircon, TV, iba pang furniture. Pinagmasdan ko ang aking bath tub. Naisip ko, ang susunod ko kayang nobyo ay makakasabay ko sa mabulang ligo? Kinabukasan ay pagpapakabit naman ng internet, cable at installation ng aircon ang aking inasikaso. Adulting 101 kumbaga. Ilang linggo ko na rin inunti-unti ang pagpupuno ng mga gamit sa aking kusina. Pinabendisyunan ko rin ang bahay sa pari ngunit di na ako nag-imbita ng ibang tao. Importante ay mabasbasan ito. Handa na akong lumipat sa aking bagong tahanan!
To be continued<