Categories
Pinay Sex Stories

Claudette Part 2: Bagong Yugto

Nakapagbakasyon ako sa Palawan mag-isa ang nakaya na ang aking apog ang madalas na pagsusuot ng bikini. Hindi ko na pinapansin na pagtingingan ng mga bangkero sapagkat alam kong araw-araw sila nakakakita ng mga babaeng turista. Nung una, basta bikini lang pero dahil nga change image na ako, sinubukan ko pati ang mga cheeky bikini or yung mga t-back bikini. Medyo nasasanay na rin akong hindi nagsusuot ng sarong. Nagsimula na akong matuwa sa aking katawan.

Napagtanto kong may kakaibang ligayang dulot sa akin ang paghuhubo’t hubad. Parang lahat ng pinagkatago-tago kong pantasya mula nang ako ay magdalaga at nailalabas ko na paunti-unti. Masarap pala ang bumukod. Masarap magsuot ng sexy lingerie kahit wala kang sex partner. Pumuti na rin ako sa ilang buwang hindi na sa construction nagtatrabaho. Sanay na rin ang muka ko sa kolorete. Linggo-linggo na rin akong pumupunta ng spa at nagpapamasahe. Nakakapagpasalon na rin ako ngayon di tulad dati. Regular na rin ang pagpapaBrazilian wax ko para walang bulbol. Ramdam ko nang mahal ko ang aking sarili.

Umuuwi ako sa aking townhouse ng walang uuwiang mga magulang pero liberating pala ang pakiramdam. Napipili ko na ang gusto kong hapunan, hindi na kailangang kainin kung ano ang nakahain. Kapag pagod ay ibabato ko na lamang ang aking sapatos at bag sa mga dapat kalagyan at magtatanggal ng damit pinang-opisina. Hindi na ako nagsusuot ng pambahay dahil dagdag labahin lamang. Ayos na ang panty at bra. Minsan nagnenetflix ako sa sala ng thong at bra lang ang suot. Tuwing oras ng laba at yun lang din ang suot ko. Feeling ko sexy ako dahil sa 37D kong boobs. May nabibili pang lingerie online na parang silk na pantakip lang ng nipple na bikini top – yung walang pad at may katernong g-string. Masarap pala yun sa katawan!

Pumapasok na rin ako sa opisina ng naka-tback, paldang mas mataas kaysa sa tuhod pero disenteng long sleeves at blouses pa rin. Minsan kapag feel kong magdress ay nagddress ako sa opisina.

Ipinangako ko sa sarili ko na kahit bumukod ako ay mamumuhay pa rin ako ng disente at hindi makikipagtalik sa hindi ko nobyo. Ayaw na ayaw ko ang mga “malabong usapan.” Ilang kaibigan ko na ang nakita kong umuwing luhaan dahil pinaasa matapos ikama.

Dahil hindi pa regular sa bagong trabaho ay tuwing weekends lang ako nakakapagbakasyon kaya’t may mga natapos na ako sa bucket list tulad ng magbiyahe mag-isa sa Palawan at Bohol. Ang hindi ko na lamang nagagawa ay ang magskinnydipping at makilala si Mr. Right. Bakit nga naman ako magsskinny dipping mag-isa diba? Tama na muna sa akin ang maging daring sa aking mga damit. Hindi pa rin ako gumagawa ng bagong Facebook at Instagram account. Iniipon ko lamang ang aking mga litrato at balang araw ay maiuupload ko rin ang mga biyahe ko. Ayokong magmistulang ipinakikita ko ang aking mga bikini pictures para lamang makakuha ng bagong boyfriend.

May mga nakikipagkilala rin naman sa akin sa aking mga biyahe. Pero tanging cellphone number ko lamang ang naibibigay ko. Wala naman ata tumatawag at hindi rin nila ako mahanap sa Facebook. Tahimik akong namumuhay habang patuloy kong pinapaalala sa aking sarili na maganda ako, matalino, sexy at darating rin ang tamang lalaki na magpapatibok ng puso ko. Life is good after Paul.

Nakakaipon pa rin ako kahit na bumukod ako ng bahay sa aking mga magulang. Nagpapalipas ako ng mga gabi ng nagbabasa ng mga pocket book na matagal ko nang di nagagawa noong nagtatrabaho pa ako sa construction.

Minsan ay sumasama ako sa mga lakad na yaya ng mga kaopisina ko, iinom ng onting cocktails pero hindi ko pa ramdam ang magic ng pakikipagdate. At aminin man sa hindi, dalawang taon na rin akong walang sex. Hindi naman ako nagmamadali.

Pilit akong tinetext ng bestfriend kong si Becca tungkol sa balita tungkol kay Paul pero wala na akong pakialam. Basta ako, maganda at sexy pa rin.

Isang hapon at nagkayayaan kami ng pinakabatang director sa opisina na lumabas matapos ang office hours. Siya si Patrick. Sa edad na 35, director na sa aming kumpanya si Patrick. Inassume kong wala itong girlfriend dahil nagyaya ito kumain sa isang masarap na casual dining restaurant sa Greenbelt. Sumama ako ng walang alinlangan. Di ko masabi kung date ito pero siya ang nag-offer magbayad ng bill. Gwapo siya kaya nagtataka ako bakit single pa siya sa edad na 35. Matangkad siya at 6 feet. Kamuka niya ang artistang si Mike Tan. Matipuno ang pangangatawan. Maputi pero hindi mukang bading. Swabe lang kumbaga. Masarap naman siya kausap.

Matapos kumain at sinabi kong sasaglit ako sa chapel ng Greenbelt at mauna na siya umuwi. Pero nag-insist siya na sasama ako. Nagdasal ako saglit at nagpasalamat sa aking “freedom” at kinaya ko ang aking heartbreak. Matapos kong makapagdasal ay parang kung saan-saan pa gustong maglakad-lakad ni Patrick. Masarap siyang kausap, may sense of humor. Impressive kasi nga ang bata niyang naging director. Mukang magaling siyang mambola.

Nalaman niyang mag-isa lang ako sa aking munting townhouse at walang maghihintay sa akin kung sakaling late ako umuwi.

“Wala naman pala naghihintay sayo, bakit di mo muna ako samahan? Boring ba akong kasama?” tanong ni Patrick.

“Hindi naman. Ngayon na nga lang ata ako nagstay ng ganito ka-late kasi makulit ka!” sagot ko.

“Why not exclusively date me? Be my girlfriend! I’ll take care of you. Try me!” preskong-presko nitong hirit sa akin.

Easy na kung easy pero natapos ang araw na naging kami na. Parang magic lang. Hindi pa namin naitatanong ang aming mga background pero naramdaman namin ang pagclick ng aming mga personalities. Hindi muna namin pinagsabi ang aming relasyon dahil napakaaga pa. At hindi rin ako sigurado kung may naviviolate na HR clause kung magjowa ako ng kaopisina. Hindi naman ako directly reporting sa kanya pero iba ang sigurado. Siya na mismo ang nagsabi na ichecheck niya kung bawal ang makipagrelasyon sa loob ng opisina.

Tuwing Biyernes ay sabay kaming lalabas at magdedate sa mga mall. Hindi ako nagdadala ng kotse tuwing Biyernes dahil coding ako. Nagpapahatid na lamang ako sa kanya sa bahay pero hindi ko siya inaaya na bumaba at tumuloy. May panahon para doon. Medyo nailang tuloy ako sa paglalakad-lakad sa bahay ko ng nakabra at panty lang. Feeling ko kailangan ko magbehave dahil may boyfriend na ako. Hindi ko pa masabing Mr. Right si Patrick. Pero iba ang excitement ng new love. Hindi ko rin alam kung gaano ka-sexually active ang bago kong boyfriend.

Isang Biyernes, habang nasa bar kasama si Patrick, natanong ko kung kailan ang huli niyang relasyon. Napag-alaman kong anim na buwan na rin silang break ng huli niyang girlfriend. Walong taon pala silang magjowa ng single mother na may 11 year old daughter. Nung una daw ay parang thrill. May anak, game sa kama (at nashock ako na naishare niya kaagad). Dati daw, ang mga Biyernes ng gabi niya ay hindi ganitong date kundi motmot day. Magigising sila ng madaling araw ng Sabado para umuwi sa kani-kanilang bahay. Niyaya daw siya nito magmove in pero ayaw niya, para na rin sa kapakanan ng bata. Ayaw niyang masanay ang bata na may umuuwi sa nanay niya na hindi niya daddy. Ayaw na ayaw raw ng mother ni Patrick sa ex niya. Sorry for the society’s harshness pero hindi maganda na partner ang may damage na. Lalo raw sila nagkalabuan nang umeeksena na ang ama ng bata ang nagbabantang ipitin ang sustento. Ayaw raw niya ng komplikadong buhay dahil hindi naman daw siya basta-bastang empleyado lang. He knows he came from a well-bred family, binate at may sinabi rin naman ang career. Agree naman ako. Pero ayun nga, napag-alaman kong sexually active ang aking bagong boyfriend. Hindi ko na tinanong kung pano niya itinawid ang anim na buwan ng walang sex. Hindi pa niya ako tinatanong about sexlife ko. Ayoko muna mailang. Ayoko rin na bigla niya akong yayain para lang makatikim ako.

Ramdam ko na rin na nagnanasa ako sa aking bagong boyfriend lalo na kapag kausap ko sya sa phone sa gabi ng ako ay nakalingerie lamang. Hindi muna ako nagpapavideocall. Voice call lang. Baka kung ano ang isipin niya kapag nakita niya kung ano ang mga suot ko sa bahay hehehe! Minsan nakakahirit siya ng mejo green jokes pero di ko masyado pinapansin. Sa isip-isip ko, humanda ka kapag ako ang nagyaya.

Sabi niya sa akin, sa aming unang monthsary ay magfifine dining kami sa Makati Shangri-la. Nag-agree ako at nagleave nang Biyernes na yun. Pinaghandaan kong bumili ng strap mini dress na backless na tanging tali lamang sa likod ang nagsasara sa damit. Kulay champagne ito at kahawig ng dress ni Anastasia Steele sa Fifty Shades of Grey. Sa isip-isip ko, pagkakataon ko na to para wakasan ang pagiging tigang. Wink! Mejo kita ang side boob dito pero wala akong pakialam. First time kong magsusuot ng ganito ka-daring na dress at baka atakihin sa puso ang mga magulang ko kapag nakita ako.

Dumating ang araw ng monthsary. Sabi ko kay Patrick ay sunduin ako sa aking bahay. Tanghali pa lang ay nagpaBrazilian wax na ako. 4:30 pm pa lang ay nagmake up na ako. Tinadtad ko ng lotion at pabango ang sarili ko. Sinuot ko na ang damit ko at feeling ko napakaganda ko habang suot ito. Nilugay ko ang aking buhok at inihanda ang aking clutch bag. Dahil nagsisimula na akong libugan ay hindi ako naglagay ng nipple tape. Bahala na. Bahala nang bumukol ang mga utong ko. First time kong makikipagdate ng walang bra. Ang sarap pala ng pakiramdam. Nakaka-wet hehehe. G-string na itim ang suot ako at nagustuhan ko ang effect sa aking dress. Sinubukan kong umupo sa sofa at nakikita pala ang straps ng g-string kapag mababa ang upuan. Pero dahil nalilibugan na ako, hindi na ako nagpalit ng panty. Hindi naman kita kapag nakatayo ako. Triangle na pantakip lamang ng hiwa ko ang aking g-string. Halos wala akong panty pero wala eh, nasa mood akong maging naughty.

Sa isip-isip ko, ang tagal kong nagtiis. Ang tagal kong nagpakagoodgirl. Paminsan-minsan naman ay mapagbigyan naman ang aking horny side, lalo na’t napakagwapo ng bago kong boyfriend. And to think, sexy ako tingnan kahit na tweetums ang muka ko. 37D kasi ang aking cup size at 25 lamang ang bewang ko. Muka lang mataba dahil malalaki ang boobs ko.

Nagdoorbell na si Patrick at sinilip ko sa peephole. Sinuot ko muna ang aking 5-inch gold stilettos bago ko siya pinagbuksan. May dala siyang one dozen ng peach roses at talaga namang kinilig ako. Hinalikan ko siya sa pisngi bilang pasasalamat at pinatuloy sandali sa aking bahay. Napanganga siya ng makita ang aking suot. Ayos pa rin naman ang aming combination kahit na nagjeans siya. Panggimik na long-sleeved polo ang suot niya at napakabango. Feeling ko naligo muna siya bago ako sunduin dahil ang linis-linis niya talaga tingnan. Iniwan ko ang bulaklak sa bahay at nagpaakay papuntang SUV niya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at inalalayan niya ako sa pag-akyat dahil mejo mataas ang sasakyan. Saka siya sumakay sa driver’s seat. Napakagentleman. Parang prinsesa kung ituring ako. I’m impressed.

Pag-upo ko sa kotse ay naramdaman kong napakaiksi pala ng aking mini-dress at halos takpan lang nito ang aking singit. Pero libog na ang umiiral kaya feel na feel ko ang aking pagpapakita ng hita. Pagsakay niya sinuutan niya rin ako ng seatbelt. Ang bango ng aking boyfriend! Nadaplisan nya ang aking dibdib pero hindi pa niya napansing wala akong bra or nipple tape. Hinalikan niya ako sa lips ng dampi lamang at sinabing “Happy one month, Hon!”

Pinaandar na niya at sasakyan at kalahating oras din ang biyahe papuntang Makati Shangrila. Traffic kasi kapag Biyernes ng gabi. Kahit pala anong effort kong pagtabihin ang aking mga tuhod ay may puwang talaga malapit sa aking pepe. Ramdam na ramdam ko ang hangin ng aircon sa aking singit dahil nga nagpanty lang ako para masabing tinakpan ko ang aking hiwa.

Pagdating sa aming dinner, nasa corner booth naman ang aming table kaya hindi ko problema ang masilipan habang kumakain. May reservation na siya ng aming degustation dinner. Wala nang oorderin dahil bayad na at pre-planned na ang menu. Ang sarap ng pagkain at tamang-tama lamang para sa date. Hindi ito pig-out tulad ng buffet. Dito niya ako natanong kung kailan ang huli kong relasyon at nakwento kong 6 na buwan na rin akong single bago naging kami. Hindi ko na masyadong dinetalye ang usapan at ayokong mapunta sa sex ang topic dahil hindi pa malalim ang gabi. 7:30pm pa lang ay tapos na kaming kumain. Yayayain daw sana niya akong sumayaw ng slow dance kaso napakaaga pa. Sa halip ay niyaya niya akong manood ng sine.

“Hindi ba ako giginawin dun? Nakabackless ako, Hon,” tanong ko kay Patrick.

“Eh di yayakapin kita habang nanonnood,” aniya.

Pumayag na ako. Pero sa mall kami manood. Inilipat namin ng parking ang kotse niya para hindi ako maglakad ng malayo. Nagretouch ako ng powder bago bumaba ng kotse. Pag-akyat naming papuntang sinehan ay pinagtitinginan ako dahil overdressed ako para sa lugar. Para akong aattend ng prom. Hindi ko rin alam kung dahil ba wala akong bra. Sweet na sweet kaming maghawak ang kamay na umakyat papuntang sinehan. Hindi ko na rin pinakialaman kung anong palabas. Basta sumama ako sa kanya.

Pagpasok sa sinehan ay kami lang pala ang tao. Indie film pala ito at sinadya pala ito ni Patrick para wala masyadong tao. Nasa pinakataas kami nakapwesto. Pinatay na ang mga ilaw at nagsimula na ang palabas. Para kaming college kids na naglaplapan at naglampungan for the first time. Kilig na kilig ako na parang ngayon lang nahalikan. Hindi kami nagsasalita habang naghahalikan pero halos kapusin kami ng hininga. Hinawakan rin niya ako sa likod dahil nagsisimula na akong lamigin pero parang may malisya na ang pagdami ng kamay niya. Naramdaman kong sinalat niya kahibla ang aking side boob sa kanyang pagkakaakbay. Tahimik kami pareho at mukang pinakikiramdaman ang bawat isa. Ayaw niya rin maging agresibo siguro at masabihan ng bastos. Niyakap niya ako nang mahigpit at sinadyang daplisan ang aking malaking dibdib. Nakuryente ako at lalong nalibugan. Muli ko siyang nilaplap pero dahan-dahan. Pinakikiramdaman ko kung ano ang kanyang gagawin. Maya-maya pa, bumaba ang kanyang halik sa aking leeg. Nakakakiliti. Nakakakilig. Kung pwede lang maghubad! Kaso ayoko. Ayoko ring buksan ang mga butones ng kanyang polo. Hindi ko gawaing manghubad ng lalaki sa sinehan. Mukang dinala niya ako sa sinehan para pakiramdaman kung ready na ako sa next level.

Hinalikan niya ang likod ng aking tenga at ibinulong, “Akala mo di ko napapansing inaakit mo ako!”

Pasimple ko siyang kinurot sa kanyang kamay at hinawakan sa leeg para muling halikan. Naging beast mode na siya at naging agresibo ang paghalik sa aking leeg. Naramdaman ko na ring inangat niya ang damit ko kaya’t ramdam ko sa aking kuyukot ang malamig na upuan ng sinehan. Libog na libog ako. Basang-basa ang kakaramput na telang tumatakip sa aking hiwa dahil sa pagnanasa. Hinigit niya ang tali ng aking g-string na parang ipinababatid na alam niya kung ano ang suot ko. Tinangka niya itong hubarin pero binulungan ko siya ng, “Huwag mong alisin yan, wala ka nang aalisin mamaya.” Ang totoo ay ayokong ipatanggal ang panty ko dahil nakakadagdag ang kahit anong silk sa libog ko. Ramdam na ramdam kong nakabukol na ang aking mga utong sa aking damit. Sinubukan niya ring kalasin ang tali ng aking damit pero tumanggi ako dahil mahirap itong ibalik kung mahubaran ako sa dilim. Inabot na lamang niya ang utong ko mula sa aking side boob at grabe ang naidulot nitong libog sa akin. Para akong kolehiyala na pumayag mahipuan sa loob ng sinehan.

“Tara sa bahay Hon,” sabi ko kay Patrick. Hindi na namin natapos ang palabas. Agad kaming lumabas papuntang kotse at humarurot pauwi. Kung hawak-kamay lamang kami bago pumasok sa sinehan ay sa balakang na nakahawak si Patrick nang kami ay lumabas. Hindi ko na napansin kung pinagtitingnan ako ng mga tao kung nakabakat ang nipples ko sa mini dress. Ang alam ko lang ay libog na libog ako.

Mejo nakabukaka na ako sa sasakyan nang pauwi kami dahil panay ang himas niya sa hita ko kada tigil namin sa traffic light. Hinila niya ang tali ng damit ko, dahilan upang mejo lumuwag ang pagkayakap ng damit sa katawan ko. Dumudulas na ang straps na parang lalo siyang inaakit pero hindi pa rin niya makita ang mga nipples ko. Kinakabahan ako na baka pagbaba namin ng kotse ay makita ng mga kapitbahay na halos nahuhubaran na ako.

Pagpasok namin sa aking parking slot ay agad siyang pumarada sa likod ng kotse ko. Hindi na ako nagpaakay pababa dahil gigil na gigil na rin ang aking katawan.

Pagbukas ko ng pintuan ay tumuwad ako para tanggalin ang aking stilettos. Hindi ko pa nagagawang alisin ang mga stilettos nang hinaplos niya ang aking kuyakot. Kitang-kita pala ang aking pwet sa aking pagtuwad. Kaya’t hinarap ko si Patrick at muling nakipaghalikan. Sinipa ko na lang gamit ang aking takong ang front door. Malalim ang paghalik ni Patrick at parang gutom na gutom sa laman. Naramdaman kong binuhat niya ako ng nakabukaka kaya’t nadampi sa kanyang bumubukol na pagkalalaki sa pantalon ang aking clit. Libog na libog na talaga ako. Ihiniga niya ako sa sofa at pinilit kalagin ang tali sa likuran ko, dahilan para tuluyang dumulas ang straps at kumawala ang aking mga naninigas na utong. Sinupsop niya ang isa habang nilapirot ang isa. Basang-basa na ang pepe ko. At dahil nakalimutan kong buksan ang aircon pagpasok namin at binuksan ko ang butones ng kanyang polo. Bumungad sa akin ang kanyang abs. Onti pa ay iisiping kong si Mike Tan talaga itong boyfriend ko. Kumawala muna ako at binuksan ang aircon. Pinagmasdan ko ang katawan ng aking bagong boyfriend. Nakakatakam. Parang estatwa. Parang hindi totoo.

“Wait lang hon, may surprise ako,” sabi ko habang naglalakad akong nakabuyangyang ang mga suso at nakasabit sa bewang ang damit kong hindi pa niya tuluyang nahuhubad.

Pumunta ako sa toilet para punuin ng tubig ang bath tub. Naghanda rin ako ng fragrance oil para mas romantic at pinatay ang ilaw. Pagbalik ko sa sala ay hubo’t hubad na si Patrick.

Agad niya akong sinunggaban at iniupo sa breakfast bar habang aggressibong inaalis ang aking damit. Hinagis na lamang niya ito sa sahig at sinira ang aking g-string. Buti na lang mura lang ang sinirang panty. Hubo’t hubad ako ngunit nakagold stilettos pa rin. Jusko ano ba to, para akong mananayaw sa beer house na walang saplot subalit napakataas ng takong!

Nilaplap niya ang aking pagkababae habang nilalapirot ang mga suso ko. Sarap na sarap ako at tarantang-taranta kung saan ako kakapit. Kiliting-kiliti ako sa loob at di ko napigilang labasan. Nanigas bigla ang aking katawan at napayakap sa mala-Adonis kong nobyo. Niyakap niya ako at isinadal sa kanyang katawan dahil kung hindi ay mahuhulog ako mula sa aking kinauupuan. Kinarga niya ako para makababa sa breakfast bar para dumaplis ang aking clit sa kanyang tayong-tayong tarugo. Ang sarap ng pagkakakiliti nito sa akin.

First time kong nag-uwi ng lalaki sa tanang buhay ko. Hanggang ngayon ay pangbeauty queen pa rin ang taas ng takong ko pero wala ako ni isang saplot. Niyaya ko nang pumunta sa bath tub si Patrick kahit na tigas na tigas ang kanyang titi. Niyakap ko siya ng mahigpit at niyaya na lumublob na sa mga bula. Pinatay ko na rin ang tubig. Umupo muna ako sa gilid para finally ay matanggal ko na ang aking stilettos. Tahimik si Patrick habang minamasdan ang aking katawan na kandila lamang ang ilaw.

“Nakapaganda mo, Hon” sambit niya.

Lumublob na rin ako sa mabulang tubig at pumatong paharap sa kanya para madaling yumakap. Muli kong nadaplisan ang kanyang kahabaan. Nakakakuryente ang kanyang titi. Pinatatagal ko pa bago tuluyang matikman ang boyfriend ko. Ineenjoy ko muna ang foreplay sa bathtub. Isa itong dream come true para sa akin. Ang makaligo sa bath tub kasama ng aking boyfriend bago makipagtalik. Ang bango ng ginamit kong shower gel. Rose scent din ginamit kong fragrance oil. Napakaperfect ng moment. Niyakap ko siya at sumandal ako sa matipuno niyang dibdib. Hinalikan niya ako sa noo.

“Masaya ka ba?” tanong ni Patrick.

“Masayang-masaya. Sana hindi matapos ang gabing to” tugon ko.

Medyo nabawasan ang init ang aming mga katawan dahil sa paliligo. Minasahe ko ang talampakan ni Patrick. Pinaupo niya ako sa kanyang kandungan at nilamas ang aking mga suso.

“I love you, Claudette,” pakilig niyang ibinulong.

Hindi na ako nakasagot dahil namumuo na naman ang pagnanasa sa aking katawan. Sinabunan naming ang isa’t isa. Pumwesto rin ako sa likod niya para masahihin ang kanyang noo at likod habang nakasandal sya sa aking pagkakabukaka. Kalahating oras din kami nagbabad sa bula, naglambingan, nagsabunan, nagyakapan at naghalikan ng dahan-dahan.

Maya-maya pa ay nagyaya na akong magbanlaw bago pa mangulubot ang aming mga balat. Pareho kong amoy rosas matapos ang paligo. Nagsalo kami sa iisang twalya at tinuyo ang katawan ng isa’t-isa. Naiwan ko na sa toilet ang aking stilettos. Nagkalat din ang aming mga damit sa sala. Kilig na kilig ako at para sa akin ay napakamagical ng gabing iyon. Kinarga niya akong parang bagong kasal mula sa banyo papunta kama at ihiniga. Pumatong na siya sa akin at naghanda na akong magpasakop sa aking boyfriend.

Pumaibabaw na siya at muli akong hinalikan sa leeg. Pinagapang niya ang kanyang dila sa aking mga suso habang hinihimas ang kabila. Hinalik-halikan niya ang aking tiyan pababa sa pusod hanggang marating ang aking hiwa. Tumigil siya sandali para halikan ang aking mga singit. Buti na lang nagpawax ako. Muli niyang dinilaan ang aking pagkababae habang sarap na sarap ako. Dahan-dahan. Mabagal pero lalong nakakapanglibog. Bumalik siya sa paghalik sa aking labi, nakipag-eskrima ng dila habang tinutukso ng kanyang titi ang aking hiwa. Baliw na baliw ako at hindi alam ang gagawin. Tanging ang Himalayan salt lamp ang ilaw sa kwarto habang kami’y nagtatalik. Hinaplos niya ang muka ko, itinabi ang ilang hibla ng buhok at tiningnan ng diretso sa mata. Habang nakatitig sa akin ay naramdaman kong ipinapasok na nya ang kanyang batuta sa aking hiwa. Napakasarap ng pakiramdam. Dahan-dahan at buong pagmamahal niyang ginawa ito. Ramdam ko ring muling napunit ang aking laman. Tila dinugo pa nga ata ako. Alam nyang matagal na akong tigang. Ang hapdi nung una kung kaya’t nilamas-lamas niya muna ang mga pisngi ng aking pwet. Ang laki-laki ng kanyang titi! Ang haba at naramdaman ko ang mga bahagi ng aking kaloob-looban na tinamaan ng napakalaking batuta. Hinalikan niya ako muli sa labi saka naglabas-masok sa aking butas. Lalo akong nabaliw. Napakakapit ako sa kama at hindi alam kung saan hahawak. Nagtalik at nagdiwang ang aming mga kaluluwang uhaw na uhaw sa isa’t isa.

Maya-maya pa ay binilisan niya ang pag-indayog. Nawalan na ako ng control at nagpaubaya. Napapasigaw ako sa sarap ng kanyang titi. Tarantang-taranta ang loob ng aking puke at hindi alam kung ano ang gagawin. Maya-maya pa ay napasigaw na si Patrick at naramdaman kong nailabas na niya ang napakaraming tamod sa akin puki. Hindi man lang ako tinanong kung safe ako. Pero dalawang linggo na akong nagpipills dahil alam kong darating ang araw na ito. Saglit kaming nagpahinga bago niya hinugot ang kanyang titi. Hindi muna ako kumibo at kapos pa ako sa hininga.

Pinadapa niya ako sinubukang pasukin mula sa likod. Napaiyak ako sa sakit. Hindi ko pa ito nagagawa noon at para akong pinunit na naman. Hindi siya nagsorry, bagkus pinagpatuloy ang pagkapakawala ng kanyang pagnanasa. Muli siyang nilabasan. Hinang-hina na ako sa dami ng aming pinaggagawa. Lantang gulay ako ng nakatulog ng nakayakap sa kanya.

Mataas na ang araw nang nagising ako kinabukasan. Tulog pa si Patrick. Nagsuot muna ako ng pulang thong at ang katerno nitong see through na pang-itaas na maiksing kamison.

Nagprito ako ng bacon at itlog, naghanda ng Waffles mula sa aking waffle maker at nagbrew ng coffee para bumango ang bahay. Pinulot ko na rin ang kalat namin kagabi. Habang kumukuha ako ng kape ay may yumakap mula sa aking likod.

“Good morning, Hon. I love you” bati ni Patrick.

Ang sarap pakinggan. Para kaming mga bagong kasal. Nakaboxers lamang si Patrick at muling nagyayaya makipagtalik subalit tumanggi muna ako. Kako, mag-agahan muna kami. Ipinaliwanag ko rin na kailangan kong umuwi sa parents ko kapag weekend to keep the good girl image. Ipinagsalin ko siya ng brewed coffee na parang loving wife. Bakit daw ako nagsuot ng ganun kung wala kaming gagawin.

“Kailan mo ba kasi ako ipapakilala sa Mommy at Daddy mo?” nagulat ako sa tanong niya.

“Hinintay kong ikaw ang magtanong. Baka kasi hindi ka naman seryoso sa akin tapos ipapakilala na kita,” sagot ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan niya ako.

“Bigyan mo ako ng isang buwan. Papatunayan ko sayong seryoso ako!” with conviction niyang sinabi.

“Sabihan mo lang ako at sasamahan kitang umuwi sa inyo,” dugtong niya.

Nag-agahan kami na parang bagong mag-asawa. Tinulungan nya rin akong magligpit sa kusina at maghugas ng pinagkainan at pinaglutuan. Nakalingerie pa rin ako habang nagliligpit at sabi ko ay sabay na kaming maligo. Aalis ako bago maglunch time. Sabay na kako kami.

Ibinato ko na rin ang aking mga labahin sa aking front load washing machine. Babalikan ko na lamang ito sa Linggo ng gabi.

Sabay kaming naligo at muling naghaplusan sa banyo. Hindi na sya nakatiis. Kinarga nya ako at idiniin sa dingding ng shower saka ipinasok muli ang kanyang titi sa aking hiwa. Hindi ako sanay ng nasa tubig. Pinatay ko muna ang shower saka siya niyayang bumalik sa kama. Itinaas niya ang aking mga binti sa kanyang balikat sa ipinasok ang kanyang titi sa aking hiwa. Muli kaming nagtalik hanggang sa hingalin. Nakaidlip na naman ako ng ilang minuto bago muli siyang niyaya sa shower. Solve na raw siya.

“Ulitin natin to, hon. Ang sarap-sarap mo,” ani Patrick.

Sabay na kaming umalis at isinara ko na ang aking bahay.

Leave a Reply