Dakilang Hokage (1) by: aero.cock78

Araw araw ay nakagawian na ni mang Ren ang dumaan sa harapan ng tindahan ni aling sonia tuwing umaga para mag pahinga at maka pag kape.. May isang upuan na mahaba sa tabi ng tindahan na inuupuan ng mga tumatambay na kumakain o nag kakape sa tindahan ni aling sonia.. Isa si mang Ren sa mga matatawag na regular costumer ni aling sonia dahil araw araw nga ito ma dumadaan sa kanyang tindahan para mag kape sa umaga.. Kumain ng tanghalian at kumain ng hapunan sa gabi…

Sa di kalayuan ay doon na din tinatabi ni mang Ren sa maliit na tindahan ni aling sonia ang kanyang kariton na sya na ding pinakabahay nya at tulugan..

Kahabag habag ang kalagayan ni mang Ren.. Dahil matatawag sya na taung grasa.. Walang bahay, walang pamilya.. Ngunit di naman sya subrang dungis na masasabi at matino ang kanyang pag iisip.. Talagang mahirap lang talaga sya..

Habang iginarahi ni mang Ren ang kariton nya sa unahan ay naupo si mang Ren sa upuan kung saan na pinaka paburitong lugar ni mang Ren na upuan ay sya naman ay pinag mamasdan ni aling sonia..

“tsk.. tsk.. Itong si mang Ren na ito kung bibihisan to eh magandang lalaki to eh.. Bukod sa maputi eh gwapo.. Talagang kapos palad lang talaga at inabandona ng kanyang pamilya.. Kawawang matanda..”.. Ang bulong ni aling sonia sa kanyang sarili habang nag lalagay ng 3in1 na kape sa tasa na kanyang ibibigay kay mang Ren..

Ito ang palaging nakagawian na ni aling sonia na mag timpla ng kape ni mang Ren sa tuwing paparada ito sa kanyang tindahan…

“magandang umaga po mang Ren ..” ito na po yung kape nyo.. “ang dami po ng na kolekta nyung dyaryo ah at mga bakal.. Big time nanaman kayo nyan mang Ren hahaha”.. Ang naka ngiting turan ni aling sonia habang inaabot ang tasa ng kape kay mang Ren ..

“magandang umaga.. salamat sonia..slurrrppp..hmmmm..ang sarap ng kape sa umaga..” ang nakangiting tugon din ni mang Ren kay aling sonia habang humihigop ng mainit na kape…

“oo naka tsamba ng mga dyaryo at bakal sa kabilang warehouse.. Nag linis sila tamang tama na nilabas lahat ng basura nila kaya yun saktong sakto.. Hahaha..”.. Ang tuwang tuwa na turan din ni mang Ren …

“o sya dyan na muna kayo mang Ren at busy na mamaya konti madami nang customer haha”.. Ang paalam ni aling sonia kay mang Ren ..

“o sige sonia, ito yung bayad nga pala sa kape ko”.. Ang turan ni mang Ren sabay abot kay aling sonia ng 15 pisos na bayad nya sa kanyang kape..

“salamat mang naldo saglit lang at susuklian kita..” ang tugon ni aling sonia sabay nya dalidaling balik sa kanyang tindahan para kumuha ng sukli..

Habang kukuha sya ng sukli ay agad namang dumating para bumili ang estudyanteng si neo..

“aling sonia.. Milo nga po at isang order ng pansit..” ang turan ni neo habang kumakalikot ng cell phone nya at sabay nya tabi sa kinauupuan ni mang Ren ..

Napalingon si neo kay mang Ren na kasalukuyang humihigop ng kape..

“magandang umaga po mang Ren ..”.. Ang aga nyo po ngayun ah.. Ang nakangiting turan ni neo sa matanda..

“haha.. Ikaw talagang bata ka.. Palagi naman akong maaga ah.. Palagi ka kasing naka tingin sa cell phone mo kaya di mo ako napapansin..” ang nakatawang turan ni mang Ren kay neo..

“hahaha.. Ganun po ba?.. Sorry po.. Busy po kasi ako sa nobya ko eh”.. Ang pabulong ni neo kay mang Ren habang inilapit pa talaga ang kanyang bibig sa tinga ni mang Ren para I bulong ang kanyang sasabihin…

“oyy wag ka munang mag nobya neo.. Mas maganda na walang nobya at tapusin mo muna ang pag aaral..” ang turan ni mang Ren kay neo sabay pitik nito sa tainga ni neo na nakatawa…

“ehhh…sayo lang yan mang Ren kasi wala kang nobya.. Kaya inggit ka lang.. Hahaha”.. Ang pairap ngunit nakatawa na turan ni neo…

Si neo ay 19 yrs old na.. 3rd year college ito at kumukuha ng business administration , maputi at may ka gawapuhan.. Mabait at magalang halatang may kaya ang pamilya ngunit di mahahalata na may kaya sa buhay dahil di sosyal at pihikan makihalubilo sa kapwa.. regular na costumer din ni aling sonia..sa tuwing papasok ito sa skwela ay dumadaan ito kina aling sonia para bumili ng milo at pansit.. Ito palagi ang kinakain nya tuwing umaga habang uupo sa upuan na gustong gusto nya ding pwesto.. Malapit sa paboritong pwesto ni mang Ren ..

Kilala na ni neo si mang Ren at aling sonia.. Ganun din naman si neo ay malapit din kina mang Ren at aling sonia..

Di man nila kilala ang isat isa kung ano man ang kanilang pinanggalingan ngunit dahil sa araw araw nilang nakikita ang isat isa ay para na din silang mag kakaibigan at pamilya…

“neo.. Wala akung panukli sayo kulang pa ako ng 3 pesos..” ang sigaw ni aling sonia kay neo..

“mamaya ko nalang babalikan aling sonia..” ang tugon ni neo habang nakatutuk pa din ang mata sa cellphone at may binubutingting dito..

“sonia.. Yung sukli ko pala na tres pesos wag mo na ibigay sa akin.. Bigay ko nalang kay neo.. Ang sabi ni mang Ren na nakangiti na naka tingin kay neo..

” wag na po mang Ren .. “ang nahihiyang turan ni neo..

” nahihiya ka pa tigilan mo nga yang kaka cellphone mo at kakanobya mo na di ka pa nakatapos kasi balang araw pag sisisihan mo yan bata ka.. “.. Ang turan ni mang Ren na naging seryuso na ang mukha na nakatingin kay neo…

“Bakit naman pong masamang mag nobya.. Napaka kill joy nyo naman po mang Ren .. Bitter talaga kayo..” ang naka irap na turan ni neo kay mang Ren …

“o ito neo ang milo at pansit mo.. Kumain kana at para maka pasok kana ng skwela..”.. Ang turan ni aling sonia habang nilalapag ang isang tasa ng milo at isang pinggan na pansit sa lamisa…

“salamat po aling sonia..” ang turan ni neo na nakangiti..

“neo alam mo bang kung bakit nasabi ko na kilangan mag tapos ka muna bago ka mag nobya”.. Ito pakinggan mo may ikukuwento ako sayo”.. Ang turan ni mang Ren habang nakatingin sa kumain na si neo…

“sige po mang Ren at makikinig ako sa kwento nyo..” ang tugon ni neo sabay nya subo ng pansit ngunit nakikinig sa mga kwento ni mang Ren …

“buhay ito ng isang kaibigan ko .. Isasalaysay ko sa iyo para makapulot ka ng aral sa kanyang pinagdaanan..” ang turan ni mang Ren kay neo..

Nakikinig lang si neo habang kumakain…

Dito nag umpisa ang kwento ni mang Ren …

————————-

Si Darren ay anak mayaman.. Matikas ang pangangatawan at matangkad… Dahil sa laki sa karangyaan sa buhay ay lahat ng suot nito ay magara.. Bukod sa magarang kagamitan ay may kagwapuhan ito na lalong ikinauulol ng mga babae na kasing edad nya.. Dahil sa angking kagwapuhan at kasabay ng karangyaan sa buhay ay ito ang naging dahilan ng kanyang pagkariwara at sa pag sisisis sa buong buhay nya..

“papa.. Mag kukulehiyo na ako ngayung pasokan..kilangan ko po ng condo na matutuluyan para po maka pag concentrate po ako sa aking pag aaral..

” tumigil ka Dar at di ko papayagang manirahan ka na ikaw lang mag isa dahil alam ko na ang abilidad mong bata ka.. Puro barkada lang ang aatupagin mo.. Kaya nakapag desisyon na ako na doon ka sa iyong auntie isabel tutuloy.. May boarding house sya doon at sigurado ako na mababantayan ka nya doon dahil terror ang kapatid ko nayun at mahigpit.. Itinimri ko na ang bisyo mung bata ka.. Kaya wag ka nang mangarap na mag condo pag nag aral ka sa syudad.. “ang turan ng papa ni Darren na si Gabriel.

Masama man ang loob ay walang nagawa si Darren kundi sundin ang kagustuhan ng ama..

Walang kaimik imik na pumasok si Darren sa kanyang kwarto at naupo sa kanyang kama..

Masamang masama ang kanyang loob sa tinuran ng kanyang ama sa kanya.. Gusto nyang magwala sa mga oras na yun..

Iniisip nya palang ang kanyang pag tira sa kanyang tiyahin na parang leon ay parang ayaw na nyang mag aral.. Sigurado syang magiging parang priso sya sa bilibid dahil sa higpit ng kanyang tiyahin na iyon… Ayaw na ayaw nya sa kanyang tiyahin na yun dahil yun ang tiyahin nya na di nya malalagayan.. Dahil sa taglay na pagkamahigpit ng kanyang tiyahin ay kahit manliligaw ay inayawan na ito.. Matandang dalaga ang kanyang tiyahin na si Isabel…

“hayy nako kung minamalas ka nga naman oh..”.. Ang padabog na turan ni Darren .. Sabay nya kuha ng telepono at tawag sa kanyang barkada

“oh Dar .. Napatawag ka?”.. Ang turan ng kanyang barkada at kaibigang si Vincent sa kabilang linya..

“bad trip ako kay papa vince.. Mag inuman tayo mamaya kilangan kung mag aliw aliw..”.. Ang turan ni Darren sa kanyang kaibigan…

“oo ba.. Kilan tayo mag kikita?..tanung ni Vince..

” ngayun na”.. Ang tugon ni Dar ..

“o sya sige fine for me..” bye”.. Ang turan ni vince sabay baba ng telepono..

Pag katapos mag ayos ni Darren ay agad na nag tungo ito sa kwarto ng kanyang ama ngunit wala na ito doon..

Nasalubong nya ang kanilang katulong na si aling fe at kanya itong tinanung…

“ate fe.. Saan po si papa?.. Ang tanung nito..

” ay umalis na po ang papa nyo.. Pupunta daw ng opisina at nag mamadali may meeting daw ata.. Ang turan ni aling fe na kanilang katulong..

“si mama?” Ang tanung ulit ni Dar …

“maagang umalis din at may pasyente daw emergency yata kaya nag mamadali..” ang sagot ulit ni aling fe..

“ahh.. Sya sige.. Aalis din po ako ate ha? Ang turan ni Dar at nag mamadaling umalis sa harapan ni aling fe at mababakas sa kanyang mukha ang tuwa..

” ahh sir Dar .. “.. Ang pahabol na tawag ni aling fe sa kanya..

” ahh ano po yun ate? “.. Ang nakakunot noo na tanung ni Dar habang natigilan sya saglit at Napalingun sa kinaroroonan ni aling fe..

“nag bilin nga pala si papa mo na wag mo daw gagamitin ang sasakyan mo.. Kung aalis ka daw eh mag taxi ka daw at wag ka daw mag pa gabi..yan po ang bilin nya sa akin sir”.. Ang turan ni aling fe..

“fuck..”.. Ang bulong na pag mamaktol ni Dar sa kanyang sarili..

Di na sumagot si Dar sa itinuran ni aling fe at dritso na syang lumabas ng gate at nag para ng taxi…

“putang inang matanda yan.. Kahit na sasakyan ko ayaw ipagamit sa akin..” bakit sa akin napaka higpit ni papa.. Bakit kay kuya jevon napakabait nya?.. Mas mahal nya si kuya kumpara sa akin.. Ang bulong nya sa kanyang sarili habang nakasimangot at parang sasabog ang dibdib sa sobrang galit..

Dumaan sa kanyang isipan ang palaging sinasabi sa kanya ng kanyang ama..

“sundin mo si kuya jevon mo.. Maaasahan mo sa pag hawak ng negosyo.. Nag tapos sa pag aaral at matalino.. Walang bisyo kaya ngayun katuwang ko sa pag aasikaso ng negosyo natin.. Pero ikaw wala ka talagang inisip kondi ang barkada.. Inum at sigarilyo..”.. Ang parang multo na palaging bumabalik balik sa isipan ni Darren ..

” dito na po tayo sir”.. Ang turan ng taxi driver habang naka tingin ito sa kanya sa rear mirror nito..

Matapos nyang bayaran ang taxi ay nag lakad na sya papunta kung saan sila magkikita ni Vince ..

Itutuloy…

Scroll to Top