Diana 7 by: keycee

Continuation…

Hinatid ni Paul sa bahay si Diana. Hindi sila nag-usap the whole trip until dumating na sila sa gate ng apartment.

“Dito ka pala nakatira.” sabi ni Paul. “Eh di ngayon puwede na kitang dalawin dahil alam ko na kung saan ka nakatira?” Tumingin sa kanya si Diana.

“Paul, what happened was a mistake. It shouldn’t have happened.” “No Diana.” bawi ni Paul. “What happened was the greatest thing that ever happened in my life. I love you.” “But I don’t love you.” sagot ni Diana.

“I don’t believe it.” sabi ni Paul. “If it is, what are you doing in our building? Why are you in our floor?” “I made a mistake.” sabi ni Diana.

“It is a mistake that I’ve paid dearly. Because of this mistake I’ve lost my virginity.” “If you did not feel the same way I did, you wouldn’t take the time to see me.

” “Paul…” “Diana, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. What happened tonight is a very beautiful thing.

Why are you so upset?” “Paul, I told you I’m seeing someone di ba?” sabi ni Diana na nangingilid ulit ang luha. “What we did, what I did, I betrayed his trust.

” Tumahimik sandali si Paul pagkatapos ay tumingin kay Diana. “Do you love him?” Hindi sumagot ang dalaga at binaling ang mata sa isang tabi.

Hinaplos ni Paul ang mukha ng dalaga it binaling ito paharap sa kanya pagkatapos ay tinanong ulit.

“Do you love him?” “Yes.” sagot ni Diana pagkatapos ay isinukbit ang shoulder bag niya at lumabas ng sasakyan.

Sinundan ni Paul ng tingin si Diana pagpasok nito ng gate hanggang sa makapasok na ito sa loob ng apartment.

-0-

9th floor. Valerio Architects Office. 10 am the next day. “Mr. Maghunos can I see you in my office?”

Nasa harap ni Paul ang vice president nilang si Mr. Jorge Magyabong. Matagal ng architect itong si Jorge.

Naabutan niya ang may-ari ng kumpanya na si Mr. Ramon Miguel Valerio nung ito ay very active pa.

Isang mahusay na architect itong si Jorge na dahil sa galing ay na-promote hanggang maging vice president ng kumpanya. Ang problema lang dito kay Jorge ay mayabang ito at mapagmata.

Lahat ng mga bagong arkitekto ng kumpanya ay nalasap ang masakit na hagupit ng dila nito. Mapagmura at mapanlait. Yan ang unang deskripsiyon nila kay Jorge.

“Sit down Mr. Maghunos.” sabi ni Jorge kay Paul. Nung makaupo na ay tiningnan nitong mabuti muna ang binata bago nagsalita.

“I’ve been an architect for more than twenty years.” sabi ni Jorge. “I’ve seen people like you come and go. I’ve seen some succeed while most go down like rotten apples.

” “I know a rotten apple when I see one Mr. Maghunos.” sabi nito habang nakaturo ang daliri kay Paul. “Rotten apples, employees, eats company resources and because of that they should be disciplined or… terminated.”

“Did I do something wrong sir?” tanong ni Paul. “I was informed about this so called activity of yours.” sabi ni Jorge.

“What were your doing down at Starbucks at 8 pm , flowers in one hand waiting there like a fool when you should be in the office finalizing the new drafts?” “Sir,” nagpipigil si Paul. “my time is 9 am to 7 pm .

As far as I’m concerned I complied with the schedule the company gave me. At the same time, the drafts have already been finalized and awaiting your signature… sir.

Whatever I do beyond 7pm is none of your concern sir.” “You pompous ass!” nagtaas na ng boses si Jorge.

“How dare you put that tone on me!” “I’m only saying what is right sir.” sagot ni Paul. “For one, I didn’t violate company rules.” “Oh yes you did.” sagot ni Jorge.

“You insulted me, with that tone of voice, you insulted the vice president of the company! And for that I’m going to cut you off.” “What?!” galit na si Paul.

“You’re telling me because I stood up for my rights that you are terminating me?” “No one speaks louder inside this office but me! Do you understand?

” “Well since you’re terminating me you’re no longer my boss!” “Damn right you are!” angil ni Jorge pagkatapos ay pinindot ang buzzer.

Pumasok ang secretary ni Jorge. “Get this man out of the building! Now!” “You are going to regret this.” sabi ni Paul. “I’m looking forward to seeing your sad face again.” Natawa si Jorge.

“But not as sad as someone who just lost his job. Get him out of here.” Dumating ang dalawang guwardiya at hinila si Paul palabas ng opisina ni Jorge.

Gulat lahat ng mga tao sa opisina sa hindi inaasahang pangyayari. Gustong magwala sa galit ni Paul pero pinigilan siya ng dalawang guwardiya. “Sir, huwag na po.

Huwag na kayong manggulo.” sabi ng isang guwardiya na matagal nang kakilala ni Paul. “Sige na sir, kunin na ninyo ang mga gamit ninyo parang walang gulo.” sabi din ng isa.

Inayos ni Paul ang sarili at tahimik na pumunta sa table niya. Habang kinukuha niya ang mga gamit ay narinig niya ang boses ni Beth sa kabilang cubicle.

“Ganyan ang nangyayari sa mga mayayabang.” sabi nito. Pumunta si Paul sa cubicle ni Beth kung saan nakita niya ito na kampanteng nakaupo. “So Beth.” sabi ni Paul.

“I see you had your hand on this?” “I told you I’ll get you didn’t I.” sabi ni Beth. “Burn in hell Paul.” Hindi na kayang pigilan ni Paul ang naghahalong emosyon sa loob niya kaya’t minabuti na lang niyang umalis ng opisina.

Sa parking lot ay doon niya binuhos ang sama ng loob. Pagkatapos ay pinaandar na niya ang sasakyan palabas ng building. Pagdaan niya sa kanto ay napansin niyang wala na dito ang sasakyan ni Diana.

Umiling si Paul dahil kinuha ni Diana ang sasakyan nito ng hindi man lang siya dinalaw sa opisina.

-0-

“Diana, puwede ba tayong mag-usap?” “Sure tita.” sabi ni Diana na kararating lang galing sa pagkuha ng sasakyan niya sa tapat ng building nina Paul.

“Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sa iyo.” sabi ni Luisa. “Pero bago ang lahat, kumusta ba kayo ni Raymond?” Umikot ang mata ni Diana.

“Tita di ba iniiwasan ko nga si Raymond? Saka matagal nang hindi dumadalaw yun.” Hinawakan ni Luisa ang kamay ni Diana. Hindi ito mapakali.

Hindi niya alam kung paano sasabihin ang sa kanilang dalawa ni Raymond. Nanlaki naman ang mata ni Diana at parang nabasa ang kilos ng tiyahin.

“Tita, sinaktan ka ba niya? I mean, nagpumilit bang pumasok ang lalaking yun at —-” “Hindi ganun Diana.” sabad ni Luisa. “Hindi ganun ang nangyari. Kasi… ahh.. um.. Si Raymond kasi..um.

” “Slow down tita.” sabi ni Diana. “Ano ang gusto mong sabihin sa akin.” Tumingin si Luisa na hiyang hiya sa pamangkin.

“Niyayaya akong magpakasal ni Raymond.” Nakabukas ang bibig ni Diana pero walang lumabas ng boses dito. “Naging kami kasi Diana.” patuloy ni Luisa.

“Ako na ang niligawan niya, tapos eh…” “Kayo?” nakangiti si Diana at may halong pananabik ang tinig nito. “You and Raymond?” Tumango si Luisa.

Pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit ni Diana. “Wow tita, after all these years! Kumusta ang feeling?” Napangiti si Luisa.

Umikot ang mata nito na parang nag-iisip at pagkatapos ay tumitig sa mga mata ng pamangkin. “You like it huh?” biro ni Diana. “You like it very much ano?” “Hindi ka ba nagagalit sa akin?” tanong ni Luisa.

“No, bakit ako magagalit?” sagot ni Diana. “Do you know why I don’t like Raymond? It’s not because hindi maganda ang ugali niya. No, ang bait bait nga niya.

Kaya lang I just can’t imagine myself with an older man.” “Bata pa naman si Raymond ah?” “He’s 36 tita.” sagot ni Diana. “Bata lang tingnan si Raymond dahil trim pa rin siya.”

“Thirty-six years old na siya?” napatili sa gulat si Luisa. “Isang taon lang pala ang tanda ko sa kanya?” “Tumpak tita.” bigkas ni Diana.

“Kaya it’s no wonder na ma-attract siya sa iyo.” “Luko-luko yun!” sabi ni Luisa. “Wala siyang binabanggit sa akin!” “So kelan ninyo balak magpakasal?” “Gusto lang namin na ipaalam sa iyo.

Sa ngayon paplanuhin pa lang namin kung kelan.” “Mahal mo ba siya?” Natigilan sandali si Luisa. Pagkatapos ay ngumiti ito sa pamangkin. “Oo. Mahal ko na siya.” “Eh siya? Talaga bang mahal ka rin niya.

” “Siya ang nagyaya sa akin na pakasal. Sabi ko sa kanya kahit mabuo—” “Mabuo?” tili ni Diana. “Tita magkaka-baby ka na ba at last?

In fairness ang bilis pala nitong si Raymond ha?” “Hindi pa sigurado.” saway ni Luisa. “Pero nasa delikadong araw ako kaya malaki ang posibilidad na mabuntis ako.

” “Talaga? Bilangin nga natin, hindi ba sabay naman ang period natin kaya—” biglang natigilan si Diana. Na-realize niya na sabay pala ang menstrual period nila.

Kapag may regla ang tita niya, may regla din siya. Kung fertile ang tita niya, ibig sabihin… “Oh, bakit natigilan ka?” tanong ni Luisa. Napatingin si Diana kay Luisa.

To be cont…

Scroll to Top