Matapos kami ma introduce ay back to work na kami. We felt awkward to each other at nag iiwasan kami but we needed to be professional to each other. More than a week adjustment hanggang sa pinatawag niya ako sa opisina niya.
Alyssa: o Mr Yao. I thought you’re going to manage your family business?
Me: supposed to be po Maam but unfortunately I hit some rough patches.
Alyssa: tell me more.
Me: in short na lugi po ang negosyong pinasok ko. I lost my parents trust.
Alyssa: Just the way I lost my trust in you. Lalo na nung nagpapakasasa ka sa kandungan ng ibanh babae! Then tell me why should I retain you? I hope that you could give me a good reason and not bullshit alibis. Dun ka naman magaling diba?
Alam kong pinepersonal na niya ako pero wala akong karapatang magalit. I need that job and I need to redeem myself.
Me: I admit that I became so agressive and been such a risk taker. Nadapa po ako Maam kaya sinusubukan kong bumangon.
Alyssa: What makes you think that I will trust you? Eh negosyo mo nga pinalugi mo. Yung investment ko ngang pagmamahal sa iyo binalewala mo. Di ko man lang nakuha yung principal kahit wala nang tubo. Abonado pa nga ako sa iyo eh. Nakuha ko sa iyo mga barya at latak lang!
Me: Maam with due respect I rose from the rank. Nagsimula ako bilang utusan until I reached this position. I worked hard to reach wherever I am today Maam. I know I made a lot of mistakes in my life kaya pilit akong bumabangon sa mga pagkakamali ko. Alam ko din na nasaktan kita at pinagbabayaran ko na ang kasalanang yon ngayon. You are my boss. If you’re not comfortable working with me Maam I can tender my resignation tomorrow morning Maam.
Alyssa: Ok. It’s your call.
Umalis na ako sa opisina niya and I went back to work. Inayos ko mga pending ko para maging swabe ang transition.
Kinabukasan I tendered my resignation but she refused to accept it.
Alyssa: Bakit Mr Nicholas Yao??? Ayaw mong paglaruan kita????? Di pa nga ako nagsisimulang maglaro sa iyo eh. Just the way na pinaglaruan mo ang feelings ko. Paglalaruan din kita ngayon. Tulad nang di mo pagsipot sa mga monthsary natin. Maging yung dalawang anniv nga natin pinagpalit mo sa DOTA!I cannot accept your resignation. Paglalaruan muna kita Mr. Yao. At mas lalong sasaktan pa kita. Ipararamdam ko ang sakit na binigay mo sa akin!
She tore my resignation letter and demamded me to go back to work. Nagpatuloy ako sa aking trabaho at di maiiwasang pag initan niya ako. Palagi niya akong tinatambakan ng trabaho at pinapag overtime niya ako. Minsan ay inuutusan pa niya akong bumili ng pagkain lalo na’t pag dumadalaw ang fianc niyang si Brent. He stands around 6’1″ and tisoy siya at mala Jake Cuenca ang kanyang dating na super angas. He’s the only son of shipping magnate Alfonso Polistico. She would humiliate me infront of my co-workers and she would demand too much from me.
Minsan pinabaklas niya ang apat na gulong ng Pajero niya sa akin at pinabalik niya ito. I was on my business attire since may client meeting ako. I was about to take off my suit but she insisted na baklasin at ikabit ko ang apat na gulong ng sasakyan niya while wearing my suit. Alam kong tuwang tuwa si Alyssa na panoorin ako sa CCTV. Minsan ay inuutusan niya pa akong linisin ang Land Cruiser ni Brent na tadtad ng dumi at putik at bibigyan ako ng piso. Sobrang nakaka insulto pero tinitiis ko. Ewan ko nga ba kung bakit. Either ginagawa ko ito to redeem my self or may nararamdaman pa ako kay Alyssa.
Kakaiba ang trip ni Alyssa sa akin. Minsan ako pa uutusan niya para linisin ang banyo niya in short ginawa niya akong chimoy. Pinakisamahan ko na lang siya at alam ko namang lalambot din ang puso niya. With our 2 years of being together alam ko ang weakness niya pero wala akong planong gamitin ito ng basta basta. Tanya was her weakness. Naging super close kasi sila nung mag BF/GF pa kami ni Alyssa. Ayokong gamitin si Tanya for my personal gain. I just did my job well and deadma na lang ako pag nakikita kong naglalambingan sila Alyssa at Brent. Parang pinupunit ang puso ko ng pinong pino everytime I see them hug or kiss each other on the lips.
It was a lazy saturday morning at nakita ako ni Tanya doing some paperworks.
Tanya: Ahia sabado ngayon ah. Dapat nagpapahinga ka.
Me: Pinapa rush kasi ng boss ko. Alam mo naman perfectionist yun.
Tanya: Sino ba yang boss mo Ahia?
Me: Si Ms Alyssa Policarpio.
Tanya: OMG! Boss mo si Ate Alyssa????
Me: Yes.
Tanya: uyyyyyy…. mukhang mas madalas na kayong magbabanggaan ah. Panigurado may feelings pa kayo sa isa’t isa. Sabi nga nila. First love never dies. Uyyyyy….
Me: Naku Tanya di na ako umaasa. Ikakasal na siya.
Tanya: Seryoso????
Nalungkot si Tanya nang mga oras na iyon pero biglang mabuhayan muli.
Tanya: May chance pa Ahia. Remember di pa siya pumipirma sa marrisge contract.
Malambing niyang pagkanchaw sa akin.
May feelings pa kaya ako kay Alyssa? Or may feelings pa pa si Alyssa para sa akin tulad ng kanchaw ni Tanya?
Itutuloy……