Francine

ni Fiction-Factory

“Malaki ang naitutulong ni Robert sa pamilya ko. Dinadalhan niya ng mga regalo ang mga anak ko at binibigyan niya ako ng kaunting pang-gastos.
Ayoko sanang tumanggap pero mapilit siya.
Alam kong mali at alam ko ring darating ang araw na hihingi siya ng kapalit.
Hanggang sa nalaman ito ng asawa ko.
Pinagpapangalundakan niya sa akin na hindi naman daw magbibigay ng ganoon si Robert kung wala siyang ‘napapala’ sa akin.
Tutal pinaghihinalaan din lang ako ng asawa ko, aba’y tototohanin ko na…”

-Francine

(This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in the story to an actual living or non-living is definitely coincidental. Vulgarity of such words were used for further collaboration. Please do not continue reading if you are below 18 years of age.)

Laganap ang mga isyu tungkol sa pangangaliwa ng asawa, na nauuwi kadalasan sa hiwalayan at kung minsa’y sakitan o patayan, at ang nagdurusa sa bandang huli ay ang mga anak na walang kamuwang-muwang na nadadamay sa pagkakamali ng mga magulang.

Lumalaking walang ama o ina, hindi nakapiling ang isa sa magulang dahil sa nawasak na tahanan, nawasak na pamilya na kahit kailan ay hindi na maibabalik, na kahit pag-ibig ay hindi sapat upang burahin ang pilat ng kasalanan.

Kawawang pamilya, na noong una’y masayang binubuo, at sa kahinaan ng katawa’y miserableng sinira at sinayang lamang.

Itago niyo na lang ako sa pangalang Francine, thirty-six years old. Sinuwerte ako sa dalawa kong anak, isang ten years old na gwapo at eight years old na maganda.

Ngunit minalas naman ako sa asawa, kay Eddie na walang maayos na trabaho. Pa-extra-extra sa construction at kung ano-anong raket ang pinapasok pero kulang na kulang pa rin ang dalang pera.

Hindi kami kasal, at sa mahigit sampung taon naming pagsasama ay puro hirap lang ang inabot ko pati mga anak ko. Ni hindi nag-aaral ang mga ito. Naaawa ako. Gusto ko kahit sila man lang ay makaranas ng ginhawa.

Mahal ko naman si Eddie pero sadyang hindi sapat ang pagmamahal para punuin ang kumakalam na sikmura.

Nagpaka-PRAKTIKAL ako tulad ng nakikita ko sa ibang babae, sana noong una pa lang ay ganito na ang ginawa ko, pero dahil nabulag ako ng pag-ibig ay ganito ang inabot ko.

Oo nabulag ako ng pag-ibig, sa kabila ng pagiging ambisyosa ko ay kung bakit kay Eddie pa ako sumama, gayong andami kong mayayaman na manliligaw.

Isa na do’n si Robert, na alam kong hanggang ngayon, kahit may asawa’t-anak na ako, alam kong may pagtingin pa rin siya sa akin, at tulad ng sabi niya, yun din daw ang dahilan kaya hindi pa rin siya nag-aasawa.

Malaki ang naitutulong ni Robert sa pamilya ko.
Katunayan, siya ang nagpapasok sa construction sa asawa ko, siya kasi ang foreman.

Paminsan-minsa’y dumadalaw si Robert sa bahay kahit wala si mister. Dinadalhan niya ng mga regalo ang mga anak ko at binibigyan niya ako ng kaunting pang-gastos.

Ayoko sanang tumanggap pero mapilit siya. Mahal daw niya ako at concern lang daw siya sa akin at sa mga anak ko.

Alam kong mali, pero hinayaan ko nalang. Sayang din naman ang mga naibibigay niya.
Alam ko ring darating ang araw na hihingi siya ng kapalit, hindi naman ako tanga para hindi malaman yon.

Isang araw nagalit sa akin si Eddie nang malaman niya ang tungkol kay Robert. Pilit niyang tinatanong kung may ‘nangyari’ na sa amin, kaya ko tuloy siya nasampal.
Sabi ko huwag niyang masamain ang magandang pakikitungo sa amin ni Robert.

Pero dahil sa ‘ego’ hindi na sumama ang asawa ko sa trabaho kay Robert.
Bigla siyang nagbago, naging mainitin ang ulo, ewan ko ba kung bakit pati mga anak ko natitiis niya.
Pinaparatangan pa rin niya ako na may ‘nangyari’ na nga daw sa amin ni Robert gayong wala naman talaga.
Pinagpapangalundakan niya sa akin na hindi naman daw magbibigay ng ganoon si Robert kung wala siyang ‘napapala’ sa akin.

Naglalasing gabi-gabi hanggang matutunan niya na akong saktan. Pisikal at nang-iiwan ng pasa hindi lang sa balat, higit sa puso ko.

Kasama ang mga anak ko, iniwan namin si Eddie, at dahil wala kaming mapuntahan ay nakituloy muna kami sa isang taong alam kong sasaluhin ako. Si Robert.

Sa madaling salita, tumira kami sa sariling bahay ni Robert kung saan siya lang mag-isa ang nakatira.
Naipundar daw niya ang bahay sa pamamagitan ko bilang inspirasyon niya.

Mahirap talaga pag may utang na loob ka sa isang tao, dahil sa unang gabi pa lang namin sa bahay ni Robert ay may ‘nangyari’ na agad sa amin.
Tutal pinaghihinalaan din lang ako ni Eddie, aba’y tototohanin ko na!

Matapos kumain, pinatulog ko na ang mga bata, at dahil nakikitira kami ay hinugasan ko muna ang mga pinag-kainan.

Ang mali ko, nagpalit na agad ako ng damit-pantulog, at kung bakit maiksing shorts pa ang nasuot ko at malinaw pa.

Walang-wala naman sa isip ko, ang alam ko naghuhugas lang ako ng plato sa kusina, nang maramdaman ko nalang ang mga kamay mula sa likod ko na sumapo at lumamas agad sa mga suso ko.

“Ahyy! Rob-robert…”
pagkagulat ko, nabitawan ko pa ang plato.

“Shhh…”

Alam ko na yun syempre! Alam kong darating ang araw na ‘to. Naniningil na siya. Nalibugan ata sa suot ko potek!

Tuloy lang ang paglamas niya sa mga suso ko, tapos hinahalik-halikan niya na ang balikat ko.

“Teka… Baka magising ang mga bata…”
kinikilabutan pa ako tuwing dadampi ang bigote niya sa balikat ko.

“O sige. Dun na lang tayo sa kwarto ko.”
bulong niya sa akin at gigil na gigil.

Alam niyang hindi ako makakatanggi dahil sa laki ng utang na loob ko sa kanya, sabagay handa ko naman siyang pagbigyan dahil narin gusto ko na siya.

Dinala niya ako sa kwarto niya.
Magkatinginan lang kami habang magkasabay na naghuhubad.

“France, mahal kita.”
sambit pa niya.

“Alam ko.”
naisagot ko nalang.

Nang hubo’t-hubad na kami, humiga agad ako sa malambot niyang kama. Kinakaba-kaba at nabablanko ang isipan. Hindi ako makapag-isip ng maayos at tuluyan na akong nawala sa sarili ko nang romansahin niya ako.

Lahat ng singit ko dinilaan niya pati butas ng puwet ko na nagpanginig sa akin ng husto, at buong balat ko nilawayan niya.
Sa tingin ko nga binaboy niya ako eh! Sa tindi ng ginawa niya sa akin na umabot hanggang madaling araw.

Baon na baon ang titi niya at pilit pa rin niyang isinasagad.
Nakahiga lang ako’t nakatihaya sa kanya.

“Hhaahh Rob, nakikiliti ako… Ooohhh”

Nilalaro-laro niya ng dila niya ang mga suso ko, kinakagat-kagat pa niya ang mga utong ko.

“Ouch… Rob, wag kang mangagat, masakit…”

Nanginginig na ko, ewan ko ba kung bakit pilit kong ginugulo ang buhok niya, hinihimas-himas ko ang ulo niya habang patuloy niya akong sinususo.

Ang sarap! Nakakalimot talaga ako.
Labas-masok pa rin ang titi niya sa puwerta ko, damang-dama ko ang init ng katawan niya.

“Ooohhh hhmmm…mmmm…”

Muli niyang inabot ang mga labi ko. Mainit ang hininga niya habang magkahalikan kami. Pilit pa niyang hinuhuli ang dila ko, at kapag nakuha ay sinisipsip-sipsip niya.

“Mmm…mmmm….”

Nilamas niya ang mga suso ko, pinanggigilan niya ang mga utong kong pilit na hinihila ng mga daliri niya.

“Ouch! Rob, masakit!”

Kulang na lang mabunot na ang mga utong ko, wala siyang pakialam masaktan man ako.

Sa sobrang libog ko pakirandam ko maiihi ako, alam kong basang-basa na ang keps ko hanggang sa maramdaman ko na, na malapit na akong labasan.

“Rob, bilisan mo pa! Aaaaahh Aaahhh”

Napapaliyad na ako, para akong aatakehin sa puso, hindi ko na mapigilan! Sumambulat na ang katas ko.

Binend niya ang mga paa ko, bukang-buka ako at natanaw ko ang titi niya mula sa pagitan namin. Ang malaki niyang titi na labas-pasok sa pwerta ko.

“Aaahhhh Aaaaahhh Aaaahhh”

Pinagpapawisan na ako, gayundin si Robert, pero wala parin siyang tigil. Mukhang nauna akong pumalaot at nakaraos.

Nakuha pa niya akong ipagulong sa kama at patuwarin. Sumampa siya sa likod ko na parang aso at muli niyang ipinasok ang matigas at malaki niyang titi sa biyak ko.

“Haaaahh Hhaaaahh Ahhh”

Nasasaktan ang puson ko, masakit, swak na swak ang titi niya at naisasagad niya ng husto, at ang mga bayag niya ay humahampas-hampas pa sa kuntil ko, sa labi ng hiwa ko.

Mahapdi na ang puki ko, parang nagbabagang apoy pero hindi parin siya nilabasan, at nang labasan na siya ipinutok pa talaga niya sa loob ko.

Idinaan ko na lang sa iyak pero hindi ko pinakita sa kanya.

Dumaan ang mga araw na parang mag-asawa kami ni Robert. Pagkagaling sa trabaho ginagalaw niya ako na para talagang mag-asawa.

Ang gago ko talaga! Pero sa isang banda ay ayos na rin ‘to dahil pinag-aral niya ang mga anak ko at hindi niya kami pinabayaan.

Dumaan pa ang mga araw at mga buwan na parang nagli-live-in na talaga kami ni Robert. Pero syempre hindi maikakaila ng mga anak ko ang paghahanap sa tunay nilang Ama.

Sabay kaming naligo ni Robert isang umaga. Laking gulat ko paglabas ko ng banyo, nakita ko si Eddie, yakap-yakap ang dalawa kong anak sa kusina.

At laking gulat ni Eddie nang makita niyang lumabas si Robert kasunod ko sa banyo.

Napaiyak si Eddie, napaiyak din ako, pero hindi siya gumawa ng eskandalo, bagkus ay niyakap pa niya ako at humingi ng tawad.

Ang buong akala ko magiging komplikado na ang lahat sa buhay ko. Laking gulat ko nalang nang magdesisyon ang dalawa sa napagkasunduan nilang titira sa iisang bubong kasama ko at ng mga anak ko.

Oo, naging dalawa ang asawa ko at pareho kong kapiling sa iisang bahay ng walang gulo o away na nangyayari.

Hindi ko alam kung maswerte ako sa pagkakaroon ng dalawang asawa o malas ako dahil pakirandam ko isa akong masamang babae.

Sinakyan ko na lang ang tadhana at sinayawan ang tugtog ng kapalaran.
Tungkol naman sa pagtatalik, wala silang pakialamanan at pinagbibigyan ang isa’t-isa.

MWF, kay Robert ako, TTHS kay Eddie naman ako.
Ampotah! Anong klaseng buhay to?!
Ni sa panaginip ay hindi ko inakalang mangyayari ang lahat ng ito!
Buti na lang at may sunday pa akong pahinga, sabi ko pa bilang ‘natitirang’ respeto sa bawat isa wag nila akong pagsabayin.

Noong una talagang mahirap, nalilito-lito pa ako minsan kung sino sa dalawa kong asawa ang sisipingan ko ngayong gabi.
Pero alam kong umiiyak ang una kong asawang si Eddie sa tuwing magtatalik kami ni Robert.

Sino ba naman ang hindi maiiyak sa isiping ginagalaw ng iba ang asawa mo, na dalawa kayong nagmamay-ari sa katawan niya.

Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit hindi ako ginagalaw ni Eddie, kahit hibla ng balahibo ko hindi niya hinihipo, kahit pa tinatabihan ko na siya, dinidikitan sa tuwing sakanya ako.
Ayoko naman siyang tanungin, hindi ko alam, hindi ko siya maintindihan.

Isang gabing hindi naikandado ni Robert ang kwarto.
Hubo’t-hubad, nakapatong sa akin si Robert, nakabaon ang titi niya sa puwerta ko, tapos wala pa kaming kumot.

Sa kalagitnaan ng aming pag-iisang ari, biglang bumukas ang pinto.
Pumasok si Eddie, dire-diretso na parang walang nakikita. Ako naman ay nagulat sa kanya pero itong si Robert ay parang wala ring nakitang pumasok at tuloy-tuloy lang sa pagbira sa akin.

Napatingin ako sakanya, bigla ko na lang na-miss ang mga haplos niya, yakap, ang lambing niya at ang malaki niyang burat.

Libog na libog ako, para akong lasing na sarap na sarap sa kakaisip na kinakantot ako habang may ibang taong nakakakita sa amin. Asawa ko pa talaga.

May kinuha lang pala si Eddie sa cabinet at matapos ay umalis din, pero bago pa siya nakalabas ng pinto ay tinawag ko ang pangalan niya.

“Edd!”

Napahinto siya at lumingon sa amin.

“Pwede bang pagsabayin niyo ko ngayong gabi?”
sabay bulong sa katalik kong si Robert, gawa ng pagnanasa kong muling makasiping si Eddie.

Napatda sila pareho na parang nag-iisip at pareho silang nakatingin sa akin.

“Pasensiya na, may gagawin pa kasi ako.”
pagdadahilan ni Eddie.

“Ayos lang sa akin Pare.”
pagsalo naman ni Robert.

Sa hitsura ni Eddie parang nagdadalawang isip pa siya pero di rin nagtagal ay lumapit siya sa amin.

Sa paglapit niya, mabilis ang kilos ko.
Nag-iba kami ng puwesto. Hinugot ni Robert ang titi niya, bumangon ako at kinabig ko si Eddie. Natataranta, ako na mismo ang naghubad sa kanya, at nang mabulgar ang malambot pa niyang burat ay agad ko itong linamon.

Nasa likod ko si Robert, habang nakatuwad ako’t tsinutsupa si Eddie ay pinasok niya ako na parang aso.
Lalong tumaas ang kalibugan ko, ngayon ko lang naranasan ang mapagsabay ng dalawang lalaki, na dati-rati’y nababasa ko lang sa FSS.

Nangangawit na ang panga ko pero mukhang ayaw tumigas ng titi ni Eddie, hindi tulad ng titi ni Robert na damang-dama ko ang paglabas-pasok sa puwerta ko.

“Ano’ng problema Edd? Ayaw mo ba nito?!”
naitanong ko.

Hindi man lang sumagot. Napailing na lang ako. Sinubukan kong muling patigasin ang burat niya gamit naman ang palad ko. Sinalsal ko siya habang ang dulo ng aking dila nilalaro ang guhit sa ulo ng titi niya.

Pero wala pa rin talagang erection. Ni hindi man lang rumeresponde ang burat niya. Para akong kumakana ng patay na titi.

Paglingon ko kay Eddie, umiiyak siya.
Ewan ko ba kung bakit bigla na lang tumaas ang prisyon ko. Uminit ang dugo ko sa kanya. Nagtatalik kami tapos iiyak siya?
Potek!

“Ano ba Edd?! Ang arte-arte mo naman eh!”

Sinigawan ko siya sa sobrang inis ko. Itinaboy ko siya sa harapan ko, at hindi man lang siya nagdalawang-isip na umalis, dinampot ang mga damit atsaka kami iniwan ni Robert.

“Bukas na lang kita poproblemahin…”
sa isip ko at tinuloy na lang namin ni Robert ang naudlot naming pagtatalik-ari.

Ang problema, kinabukasan wala na si Eddie, bitbit ang lahat ng gamit niya ay iniwan niya na kami. Marahil hindi na rin siya nakatiis sa miserableng buhay na ito!
Siya rin naman ang dahilan kung bakit kami humantong sa ganito, kung naging mabuti lang sana siyang Asawa at Ama, hindi na sana siya nasaktan ng ganito.

Pero tama nga bang ako ang maghatol ng parusa sa kanya?
Nagsimula na akong mag-sisi sa mga desisyon ko. Mas mahal ko pa rin si Eddie kaysa kay Robert.
Bakit nga ba hindi ko kinayang magtiis?
Siguro dahil hindi ko narinig ang mga katagang;

“For richer or for poorer, in sickness and in health”

(Deym! This is one of my favorites!)

Lumipas ang panahon, lumalaki na ang mga bata, at ngayo’y hinahanap na ang kanilang Ama.

“Bakit ka pa kasi nakikipaghalikan kay tito Robert, Ma?! Nagselos tuloy si Papa at umalis!”

Kahit ilang taon ng wala si Eddie hindi pa rin matanggap ng mga anak ko ang paglisan niya.
Kaya bago pa tuluyang sumama ang loob nila sa akin ay hinanap ko si Eddie.

At ‘di nagtagal natagpuan ko siya.
Nakatira sa isang magandang bahay, hindi malaki, hindi rin maliit pero maayos na maayos kumpara sa dati naming bahay na pinagtagpi-tagpi lang.

Pagbukas ng pinto, siya kaagad ang nakita ko. Mukhang napakaayos na talaga ng buhay niya.
Sa pagkasabik ko, bigla ko nalang siyang nayakap.

“Ano’ng ginagawa mo dito?!”
tanong niya ng may halong pagtataka.

“Patawarin mo ako Eddie…”
tugon ko.

“Teka! Teka! Alam ba ng asawa mo na pumunta ka dito?”
muli niyang tanong kasabay ng masakit na pagtulak niya sa akin.

“Hiniwalayan ko na siya, dahil ikaw ang pinili ko, ikaw ang mahal ko Eddie…”
sambit ko at napaiyak na ako.

“Porke ba maayos na ang buhay ko kaya babalik ka na sa akin ngayon? Porke ba may maganda na akong trabaho at marami ng pera kaya nandito ka, bumabalik?! Ha Francine?! Sorry, huli na para magsisi! Kaya umalis ka na! Umalis ka na ngayon din! Ngayon na!”

Napakasakit! Ayos lang sa akin kahit husgahan niya ang pagkatao ko, hindi ko siya masisisi do’n!
Pero ang ipagtabuyan niya ako ng ganito…masakit…masakit para sa akin.

Ang mga sumunod niyang sinabi ang nagpamulat sa akin na hindi niya na talaga ako tatanggapin magpakailanman.

“Umalis ka na, at huwag ka ng babalik! Baka madatnan ka pa ng Asawa ko.”

Salamat na lang sa mga anak ko kahit papaano’y pinayagan kami ni Eddie at ng asawa niya na tumira kami sa kanila, pero hindi na talaga ako sinipingan ni Eddie, ni hindi niya na ako itinurin na asawa.

Ako naman, asawa pa rin ang tingin ko sa kanya at sa palagay ko umikot na ang mesa, siya na ngayon ang nagmamaniobra sa akin.
Ang dating masaklap at kasakitan na pinaranas ko sakanya, ngayo’y pinaparanas sa akin ng kapalaran.
Ampotah!

***WAKAS***

Scroll to Top