Harapin Ang Liwanag! Chapter XIX to XXI

Chapter XIX: The Great Pretender!

“Uh….” bigla nalang nasabi ng taong nasa basement “kamahalan? Me problema ho ba?” tanong ng tauhan niya na tumayo ito at naglakad sa harap ng mesa niya “tila.. hindi ko na ata nararamdaman ang dilim ni Julian” sabi nito. “Po?” takang tanong ng tauhan niya “ipatawag si Enrico” utos ng amo niya “masusunod kamahalan” sagot ng tauhan niya na agad itong umalis at lumabas ng silid. “Ano ang nangyari sa’yo Julian? Bakit bigla ka nalang nawala? Hmmm…” alalang sabi nito “bakit parang nag-aaalala ka sa kanya?” tinig ng babae sa likuran niya “hindi naman, mas gusto ko kasing nararamdaman ko siya kesa nawawala nalang siya bigla” sabi ng lalake sa kanya.

“Yun ba talaga ang dahilan?” tanong ng babae sa kanya na nilingon niya ito at tiningnan niya ng masama “hahaha.. kalma lang, gusto ko lang malaman kung kasapi pa ba kita ngayon na bumalik na muli siya” sabi ng babae sa kanya. “Huwag kang mag-alala kasapi mo pa ako ngayon pero, sa oras na me gagawin ka sa likuran ko” biglang hinugot niya ang espada niya at tinuon niya ito sa babae “ako mismo ang puputol sa ulo mo!” banta niya. “Hahahaha.. alam nating hindi mo kayang gawin yan sa akin” sabi ng babae na naglakad itong lumapit sa kanya at hinawakan siya nito sa balikat “dahil ako ang dahilan kaya nabubuhay ka ngayon” sabi ni Olivia sa kanya.

“Hayaan muna nating magpahinga si Julian, Isabella” sabi ni manang Zoraida sa akin “sige po” sagot ko sa kanya na hinayaan lang naming natulog sa kwarto si Julian, pumunta ako sa kabilang silid kung saan natutulog si Elizabeth. “Ako na ang bahala sa kanya” sabi ko kay manang “sige, maghahanda ako ng gamot para sa kanya” sabi niya “salamat po, manang Zoraida” sabi ko sa kanya “walang anuman ito, sige asikasuhin mo muna ang kapatid mo” sabi niya na pumasok na ako sa loob ng kwarto. “Issa… Issa..” tawag niya sa akin habang nakapikit ang mga mata niya “nandito ako sis, huwag kang mag-aalala ligtas ka dito” sabi ko sa kanya.

“Na.. nasaan ako?” tanong niya “nasa bahay ka ng mga kaibigan ko” sagot ko sa kanya “ate.. huhu.. ate..” naiiyak niyang sabi “nandito ako, hinding-hindi na tayo maghihiwalay” sabi ko sa kanya. Hinimas ko ang ulo niya na pinikit niya muli ang mga mata niya kaya humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. “Ano ang ginawa ni papa sa’yo, Elli?” tanong ko sa kanya na nanginginig ito sa sinabi kong “papa” “ssshhhh… nandito si ate.. nandito ang ate.. walang masamang mangyayari sa’yo habang kasama mo ako” pasiguro ko sa kanya. Samantala sa labas “ano ang gagawin natin kay Boyet?” tanong ni Zoraida kay Dante “tatanungin natin siya kung ano ang alam niya sa taong yun” sagot ni Dante na nilapitan nila si Boyet na ngayon ay natutulog sa upoan niya.

“Boyet! Boyet! Gumising ka!” sabi ni Dante sa kanya na nagulat pa ito nung nakita niya ang dalawa “ba.. bakit? Ano ang kailangan niyo sa akin?” tanong ni Boyet sa kanila “tungkol sa gusaling binabantayan mo, ano pa ba ang alam mo?” tanong ni Dante sa kanya. “Ako na ang bahala sa kanya, Dante” sabi ko sa kanila nung lumabas ako ng kwarto ni Elizabeth “Isabella” tawag ni manang sa akin “natulog na ulit ang kapatid ko, Boyet mag-usap tayo” sabi ko sa kanya na tumayo ako sa harapan niya “walang mangyayari sa’yo dahil kailangan ka namin at isa pa alagad parin ako ng batas kaya makakasiguro kang ligtas ka dito” sabi ko sa kanya.

“Kalagan niyo ako at nagugutom ako” sabi niya sa amin “sige, kakalagan ka namin at pakakainin ka namin pero ikwento mo lahat sa amin ang nalalaman mo” sabi ko sa kanya “o.. opo Tenyente” sagot niya sa akin. Pagkatapos kalagan at kumain “noong una nung hinire ako ng papa mo trabaho ko lang talaga ang magronda sa taas” panimula niya “nung una yun lang talaga ang trabaho ko pero nung me nasaksihan akong pangyayari sa building na yun kinuha na niya akong magbantay sa basement” kwento niya. “Ano pa?” tanong ko “akala ko mamamatay na ako sa gabing yun dahil yung basement na pinasukan namin puno ito ng mga..” kwento niya “mga ano?” tanong ni Dante “puno ito ng mga aparatus.. yung ginagamit sa laboratoryo” kwento niya.

“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni manang sa kanya “kita niyo tumayo na ang balahibo ko” sabi niya sa amin “ano ba kasi ang nakita mo, Boyet?” tanong ko sa kanya “mga..tao” sabi niya na nagulat kaming lahat. “Tao?” takang tanong ni Melinda “oo, mga tao ang laman nito at tila ginagamot ang mga sugat nila” kwento ni Boyet “anong klasing mga tao?” tanong ni Dante “mga katulad ko ba?” dagdag niya. “Mga bampira ba sila?” tanong ni manang “mga aswang?” tanong ko na umiling si Boyet “hindi.. hindi Lobo, hindi Bampira at lalong hindi Aswang” sagot ni Boyet “ano pala?” tanong ko na biglang lumabas sa kwarto si Julian at nagising na pala ito na napatingin kami sa kanya “KATULAD NIYA!” sigaw ni Boyet na nagulat kaming lahat.

“Ma…mga Bailan?” napaatras sa gulat si Dante at tila hindi makapaniwala sa narinig niya “Dante.” tawag ni manang sa kanya “paano mo naman nasabi na katulad ni Julian ang nakita mo?” tanong ko sa kanya. “Hindi ako nagkakamali, yung tattoo niya sa kanang balikat katulad dun sa tattoong nakita ko sa mga taong nasa loob ng salamin na yun” paliwanag ni Boyet. “Ano itong nariring ko tungkol sa mga Bailan?” tanong ni Julian “imposible ito, naubos ang lahat ng Bailan nung inatake sila ng mga sundalong Kastila” sabi ni Dante “ano ang tungkol sa Bailan?” tanong muli ni Julian na kinwelyuhan niya si Boyet “ANO ANG SINASABI MO TUNGKOL SA MGA BAILAN?!” galit na tanong ni Julian sa kanya.

“Julian, kumalma ka!” sabi ni manang sa kanya “hindi ako nagkakamali, ang araw na nakalagay sa kanang braso nila ang kaparehong araw na nasa braso mo” sabi ni Boyet sa kanya “haahh..haahhh..im…. imposible ito..” sabi ni Julian na bigla siyang napaatras palayo kay Boyet. “Ano ba ang meron sa mga Bailan?” tanong ni Boyet sa amin “sila ang pinakamagaling na mandirigma noon” sabi ni Dante “alam ko, dahil nandun ako noon nung sumabak sila sa gyera laban sa mga aswang” dagdag niya. “Paano nangyari ito? Halos mag dadalawang daang taon na ang nakakalipas” sabi ni Julian. “Heneral, delikado ito kung hawak nila ang mga Bailan” sabi ni Melinda sa kanya “alam ko, ito siguro ang malaking pinaplano nila” sabi ni Dante.

“Ano ang gagawin natin? Kung mga Bailan ang makakalaban natin tiyak ang kamatayan natin” sabi ni Melinda “hindi pa ba nakauwi si Solomon?” tanong ni Dante sa kanya “tatawagan ko sila sa telepono” sabi ni Melinda. “Dante” tawag ni manang sa kanya “hindi ko na alam ang gagawin ko kung totoo ang sinasabi ng taong ito, Zoraida” sabi ni Dante sa kanya “ang magagawa natin ay pasukin natin ang basement ng building at tingnan natin kung totoo ba ang sinasabi niya” sabi ko sa kanila. “Delikado ito at lubhang mapanganib ang ideyang yan” sabi ni Dante sa akin “talagang masama ang pinaplano niyo dahil me mga halimaw na nagbabantay sa mismong elevator pababa ng basement” sabi ni Boyet sa amin.

“Bakit hindi namin nakita ito nung pinasok ni Julian ang isipan ni Elizabeth?” tanong ko “dahil siguro hindi pa nakita ng kapatid mo ang mga ito” sabi ni Boyet sa akin “nakita mo sila?” tanong ni Julian. “Oo, kaya nga natatakot ako nung makita ko ang kapatid mo” sabi niya “bakit? Ano ang meron sa kapatid ko?” tanong ko sa kanya “isa siya sa apat na tagabantay ng sino mang nakatira sa basement na yun” sabi ni Boyet. “Sino-sino ba sila?” tanong ni Dante “ang papa mo si Don Enrico, yung kapatid mo si Elizabeth, me isa pang tao sa loob na mas malakas at dalubhasa sa pakikipaglaban at yung pang apat… hindi ko na alam dahil ni minsan hindi ko ito nakita” kwento ni Boyet sa amin.

“Paano mo nalaman ito?” tanong ni Melinda na tumingin sa amin si Boyet at tumingin siya sa akin “dahil sa kapatid niya” sagot niya “si Elizabeth ang nagbigay sa akin ng impormasyong ito” dagdag niya. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Elizabeth “ayaw na niyang sumali sa takbo ng kulto nila pagkatapos niyang makita ang maraming taong nakalagay sa loob ng kwadradong salamin” kwento ni Boyet. “Siya ang nagsuggest sa papa mo na gamitin ako at si Nelson dahil sa ganitong paraan mailabas ko ang impormasyong ito, impormasyong hindi ko alam kung saan ko ibibigay” naluluhang sabi niya na tinakpan niya ang mukha niya. “Ito siguro ang sinabi ni Elli sa akin na parte ako sa planong ito” sabi ko “mabait nga talaga ang kapatid mo, Isabella” sabi ni manang sa akin na napangiti ako.

“Kailangan nating pasukin ang basement na yun” sabi ni Julian sa amin na nakatingin kaming lahat sa kanya “bakit?” tanong niya “paano nangyaring naging mortal ka muli, Julian?” tanong ni manang Zoraida sa kanya. “Hindi ko alam kung paano, pero nung nandun ako sa Isla ganito din ang nangyari sa akin” kwento niya “anong Isla?” tanong ko “ang dating Isla ng mga Bailan” sagot niya sa amin “teka, hindi ba lumubog na yun noon?” tanong ni Dante sa kanya. “Oo, pero me mahiwagang bumabalot sa Islang yun dahil nakatira doon ang lahat ng espada ng mga dating pinuno ng Kuro” kwento niya. “Kaya pala wala na sa’yo ang espada ni Lorenzo?” tanong ni Dante “oo, at me nakausap akong matanda pero hindi ko na naitanong ang pangalan niya” kwento niya.

Sinundot ni manang si Julian “hindi ako makapaniwala na mortal kana ngayon, Julian” sabi ni manang sa kanya “Julian!” tawag ng isang tao sa me pintuan na napalingon kaming lahat “Solomon!” tawag ni Melinda na agad siyang lumapit sa kanya. “Mahal ko” sabi ni Solomon “ina” sabi ng apat niyang kasama “Heneral, nandito pala kayo” sabi ni Solomon nung lumapit ito sa amin at sabay nilang niyuko ang mga ulo nila. “Patawad kung hindi ka namin naabisuhan Solomon” sabi ni Dante sa kanya “walang anuman yun Heneral” sagot niya na napatingin siya kay Julian “ha.. hahaha.. ikaw ba talaga ito, kaibigan?” tanong niya kay Julian na napabugnot si Julian “kilala mo ako Solomon” sagot ni Julian sa kanya na lumapit sa kanya si Solomon at niyakap siya nito ng mahigpit.

“Sa wakas, nagbalik kana sa dati!” sabi ni Solomon sa kanya “Solomon.. nahihirapan akong huminga..” sabi ni Julian sa kanya na agad siyang bumitaw “natutuwa lang akong makita kang ganito muli, kaibigan” sabi ni Solomon sa kanya. “Huwag kayong matuwa, dahil pansamantala lang ito” sabi ni Julian sa amin “pansamantala?” tanong ni Solomon “nararamdaman kong natutulog lang sa loob ko ang mga kaluluwa nila” sabi ni Julian sa amin. “Nararamdaman mo sila?” tanong ko “oo, wala kayong nakitang lumabas na kaluluwa sa katawan ko, hindi ba?” tanong niya na umiling kami “nasa loob ko parin sila, ang hindi ko lang alam kung bakit naging mortal muli ako” sabi niya sa amin.

“Ano man yan, natutuwa parin akong makita muli kitang ganito” nakangiting sabi ni Solomon “Heneral, bakit nga pala kayo naparito?” tanong ni Ramir sa kanya “inatake kami ng mga aswang kaya kami napunta dito at pasensya kana Solomon kung dito kami nagtago” sabi ni Dante sa kanila. “Kalimutan mo na yun Heneral, natutuwa pa nga akong narito kayo” sagot niya “mabuti kung ganun” sabi ni Dante sa kanya “kumusta ang lakad niyo kagabi?” tanong ni Melinda sa kanila “ina, me namataan nanaman kaming mga aswang malapit sa subdivision natin” balita ni Raul. “Meron din kaming napansin sa isang gusali dito sa siyudad” balita ni Ramir.

Napansin kong nakatitig lang kay Julian ang isa sa anak ni Solomon kaya lumapit ako kay Julian at hinawakan siya sa balikat na napalingon siya sa akin “me kailangan ka, Isabella?” tanong niya sa akin. “Wala” sagot ko sa kanya na nginitian ko lang siya at tumingin dun sa dalagang nakatinigin sa kanya na tingin ko naiintindihan niya ata kaya umalis ito at pumunta ng kusina. “Ano ang pangalan ng gusaling pinuntahan niyo?” tanong ko sa kanila “Rosales Industry” sagot ni Ramir na nagkatinginan kami sa sinabi nila “bakit?” tanong ni Solomon “kailangan nating pasukin ang gusaling yun” sabi ni Dante. “Bakit? Ano ba ang meron sa gusaling yun?” takang tanong ni Solomon “kung totoo man ang sinabi ni Boyet, ang mga Bailan” sabi ni Dante na kinagulat ni Solomon.

Habang nag-uusap sila sa sala pumasok muna ako sa kwarto kung nasaan nakahiga si Elizabeth kasama ko si Julian “sis, nagugutom ka ba?” tanong ko sa kanya na binuka niya ang mata niya at nagulat ito nung nakita niya si Julian. “Huwag kang mag-aalala hindi ka niya sasaktan” sabi ko dahil umatras ito at sumandal sa headboard ng kama “sis, sis huwag kang matakot sa kanya” sabi ko sa kanya dahil kita ko sa mga mata niya ang takot niya kay Julian. “Si.. sigurado ka?” tanong ng kapatid ko sa akin “oo, sis me itatanong ako sa’yo” sabi ko sa kanya na nakatingin parin siya kay Julian “sis” tawag ko sa kanya na lumingon siya “me gusto akong malaman sa’yo” sabi ko sa kanya na tumango lang siya.

Umupo ako ng maayos habang nakatayo lang malapit sa pintuan si Julian “sis…. tungkol sa kompanya..” panimula ko “… ano ba ang… nasa likod nito?” tanong ko sa kanya na tumigin siya sa akin at kay Julian at tumingin muli siya sa akin. “..Dilim..” sagot niya na napapikit nalang ako “sino ang nasa likod nito?” tanong ni Julian sa kanya “… hindi ko alam kung sino dahil.. dalawa sila.. dalawa silang nakakausap namin ni papa” sagot ng kapaitd ko. “Namumukhaan mo ba sila?” tanong ko “hindi, nagtatago lang sila sa dilim sa tuwing pinapababa nila ako sa basement” sagot niya “alam mo ba ang pangalan nila?” tanong ni Julian.

“..Nabanggit minsan ni papa ang pangalan nung babae… Oli… Olivia…” sagot niya “hmmm…” nalang si Julian “sigurado ka bang Olivia ang narinig mo?” tanong ko sa kanya “oo, hindi ako nagkakamali” sabi niya sa akin. “Maniwala ka sa akin ate, hindi ko kasalanan ang atakihin kayo” sabi niya sa akin “natatandaan mo ang nangyari kahapon?” tanong ko sa kanya “oo, patawarin mo din ako sa ginawa ko kay Ben” naiiyak niyang sabi sa akin. “Wala yun, kalimutan mo na yun Elli” sabi ko na nagyakapan kaming dalawa “ano ang meron sa basement na yun?” tanong ni Julian sa kanya na bumitaw sa pagkayakap sa akin ang kapatid ko at sabing “…mga tao.. mga taong dapat nilagay na sa limot” sagot niya.

“Totoo pala ang sinabi ni Boyet” sabi ni Julian sa akin “si Boyet, nasaan si Boyet?” tanong niya sa akin “nasa labas siya, huwag kang mag-alala ligtas siya” sabi ko “hindi…ate.. hindi tayo ligtas!” nagpapanic na sabi ng kapatid ko. “Ano ang ibig mong sabihin?” gulat kong tanong ko sa kanya “SI BOYET ANG PANG APAT NA TAGA BANTAY NG BASEMENT!” sigaw ng kapatid ko na bigla nalang pumasok sa pader sina Solomon at Dante at bumagsak sila sa gilid ng kama. “HALIMAW!” narinig naming sigaw mula sa labas kaya agad akong tumayo kasama si Julian at nakita namin si Boyet na naging aswang ito.

“PUNYETA KA BOYET!” sigaw ko sa kanya “HAHAHA PARA SA KAMAHALAN!” natatawang sabi niya na sinuntok niya ang mga anak ni Solomon at natapon sila at tumama sa pader “BOYET!” sigaw ni manang Zoraida.”HAHAHA AKIN KA TANDA!” sigaw niya na bigla nalang me lumabas na itim na kadena sa sahig at bumalot ito kay Boyet “hindi ko alam kung hanggang kelan ko siya mapipigilan” sabi ni manang sa amin kaya agad umatake ang mga Lobo kay Boyet na naputol niya ang kadenang nakabalot sa kanya at na suntok niya ang mga umataking Lobo “HAHAHAHA!” tumawa si Boyet dahil parang wala lang sa kanya ang mga ito.

“LUMAYO KA ISABELLA!” sigaw ni Dante sa akin dahil nakatoon na ang atensyon ni Boyet sa akin ng biglang me patalim na sumaksak sa leeg niya na agad niya itong tinaggal at sumirit ang dugo niya sa sahig. “Punyeta ka!” galit na sabi niya kay Julian na binato muli siya ng patalim na tumama sa dibdib niya “tingin mo nasasaktan ako sa mga atake mo? Nagkakamali ka bata!” sabi ni Boyet sa kanya na umabante si Boyet papunta kay Julian. “JULIAN!” sigaw ni Solomon na binato niya ang espada niya na sinalo ito ni Julian at umabante din siya “AKIN KA!!!” sigaw ni Boyet na biglang nag slide sa sahig si Julian at dumaan siya sa pagitan ng mga paa ni Boyet sabay hawak niya sa hita na napalipad siya sa ere at doon tinaas ang espada niya at sinaksak si Boyet sa batok na tumagos ito sa lalamunan niya.

“GAH..AAHHHH..GAAGGGGHHH…” parang nagmomog si Boyet dahil sa dugong bumara sa lalamunan niya na hindi pa nakuntento si Julian me patalim pa siyang hinugot sa likuran niya at sinaksak niya sa ulo si Boyet dahilan kaya ito bumagsak sa sahig at namatay. Napatigil kaming lahat nung napatay ni Julian si Boyet na parang normal lang para kay Julian ang ginawa niyang pagpatay kay Boyet dahil pagkatapos niyang patayin ito lumapit siya sa akin at tinanong ako kung ok lang ba ako. “Nakalimutan ko… ” sabi ni Solomon “ang ano ama?” tanong ni Ramir “nakalimutan kong isa palang Bailan si Julian” sagot niya “kung ganito lumaban ang mga Bailan, isipin mo ang maraming katulad niya ang aataki sa atin” sabi ni Raul.

Tinulongan akong tumayo ni Julian at pumasok kami sa kwarto na nakita namin sa gilid ng kama si Elizabeth at takot na takot ito “sis, ok na wala ng..” tinulak niya ako palayo at kita kong takot na takot siya kay Julian. “Ba… Bailan… Bailan…” takot na sabi ng kapatid ko na napatingin ako kay Julian “bakit takot ka sa kanya? Elli… sabihin mo sa akin.. bakit takot ka sa kanya?” pamimiliti kong tanong sa kapatid ko na pumasok narin silang lahat sa kwarto. “Ba…..huhu… siya… sila…. sila ang dahilan… ang dahilan…” sabi ng kapatid ko “ang ano? Elli.. ano?” tanong ko sa kanya “…ang… magiging dahilan para maubos ang mga taong mortal sa sanlibutan huhuhu..” naiiyak na sabi ng kapatid ko.

Nagkatinginan silang lahat “paano maging dahilan ang mga Bailan matagal na silang patay at si Julian nalang ang natitirang Bailan sa mundong ito” sabi ni Dante sa kanya “hindi, nagkakamali kayo” sagot ng kapatid ko. “Ipaliwanag mo sa amin, Elizabeth” sabi ni manang Zoraida sa kanya “..huhu…me.. tinatagong maraming buto ang Reyna ng mga aswang.. at nabanggit niya na ang mga butong yun ang magiging susi sa pagbabalik niya sa kapangyarihan” kwento niya sa amin. “Kaninong mga buto ang hawak niya?” tanong ni Solomon sa kanya “.. Bailan..” sagot ni Elizabeth na nagulat kaming lahat. “Ibig sabihin nito totoo nga talaga ang sinabi ni Boyet sa amin” sabi ni manang Zoraida “hindi lang yun, dalawang daang taon noon me isang tao siyang binuhay at ito ang naging kanang kamay niya na kasama niya ngayon sa basement ng building namin” kwento ni Elizabeth.

“Dyos ko… ” narinig kong sabi ni Melinda na humawak ito sa braso ni Solomon “Heneral, yun yung taong nakalaban natin noon” sabi ni Solomon kay Dante “hmm.. baka nga” sagot ni Dante na lumapit siya kay Elizabeth. “Kailangan namin ang tulong mo para mapasok namin ang basement ng kompanya niyo” sabi ni Dante sa kanya na tumingin sa akin ang kapatid ko “Elli, kailangan natin silang mapigilan” sabi ko sa kanya na tumango ang kapatid ko. “Hindi madaling pumasok sa loob, kung tingin mo walang nagbabantay pero nasa anino lang sila nakatago” sabi ng kapatid ko “ngayon na kasapi kana namin, pwede mo kaming tulongan pumasok sa loob” sabi ni Dante sa kanya.

“Hindi ganun kadali, mararamdaman nilang hindi na ako aswang” sabi ng kapatid ko na tumingin kaming lahat kay Julian “bakit? Kung iniisip niyong maibabalik ko ang pagiging aswang niya nagkakamali kayo, pati ako nagugulohan kung bakit naging mortal muli ako sa kanya pa kaya” sabi ni Julian sa amin. “Elizabeth, me alam ka ba sa sinasabi nilang plano?” tanong ni manang Zoraida sa kanya “plano?” nagtaka ang kapatid ko na napatingin ito sa akin “oo, ginamit ni Julian ang kapangyarihan niya para makapasok sa isipan mo kaya nalaman namin ito” sabi ko sa kanya. “Sabihin mo sa amin Elizabeth kung ano ang pinaplano nila” sabi ni Dante sa kanya.

“Hindi ko alam ang detalye kasi hindi ako sinasama ni papa sa tuwing nagmemeeting sila tungkol nito.. pero… ” sabi ng kapatid ko “pero ano?” tanong ko “ang alam ko lang tinatawag nila itong eclipse ” sabi niya. “eclipse ?” takang tanong ko “teka. me paparating na lunar eclipse sa susunod na linggo” sabi ni Mariz “huwag mong sabihin, sa gabing yun nila gagawin ang plano nila?” tanong ni Dante. “Bakit eclipse ?” tanong ko sa kapatid ko “me taglay kasing kapangyarihan ito para sa aming nasa dilim, Isabella” paliwang ni manang Zoraida sa akin “hindi maganda sa aming mga Lobo yan dahil nawawalan kami ng lakas” sabi ni Solomon.

“Iba sa aming mga mangkukulam dahil nakakadagdag ang dilim sa kapangyarihan namin” sabi ni manang “lalo na sa mga aswang” sabi ni Elizabeth na bigla akong kinilabutan. “Ngayong alam na natin kung kelan ito mangyayari ang tanong kung ano ang mangyari?” tanong ni Dante “me mga tao silang binuhay na nakalagay sa kwadradong salamin na me tubig” sabi ni Elizabeth “ang mga Bailan?” tanong ni Julian. “Hindi ko alam pero ang narinig ko dati itong kalaban ng mga aswang na naubos noon nung umatake ang magkasamang aswang at sundalong kastila, nahirapan pa daw silang patayin ang mga ito dahil sa kakayahan nilang lumaban, lalong-lalo na ang mag-asawang namuno sa kanila noon” kwento ni Elizabeth na napaluhod si Julian

“Julian, ano ang nangyari sayo?” tanong ni manang Zoraida sa kanya “Solomon, Dante, mga kasama… hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa inyo” sabi ni Julian sa amin “ang ano, Julian?” tanong ni Solomon sa kanya. Tumingin sa akin si Julian at sabing “kompirmado ang sinabi ni Boyet, mga Bailan nga ang nasa basement ng gusali nina Isabella” sabi niya sa amin na napaisip kaming lahat. “Ama, alam kong kinwento mo na sa amin ang tungkol sa mga Bailan at sa kakayahan nila, sa pinakita ni Julian kanina tingin ko hindi lang isang Tribu ang kailanganin natin” sabi ni Ramir sa kanya. “Alam ko anak, alam ko” sagot ni Solomon na lumapit siya kay Dante “Heneral, oras na siguro para ipunin ang mga tauhan natin, kung totoong ngang mga Bailan ang makakalaban natin” sabi niya kay Dante.

“Aaminin ko sa inyo, nangatog ang tuhod ko nung marinig ko galing sa Boyet na yun na mga Bailan ang nakatago sa basement na yun” sabi ni Dante “pero mas lalong tumayo ang balahibo ko kung ang buong Kuro ang makakalaban natin” sabi ni Dante na napahimas ito sa braso niya. “Ganun ba talaga ka lakas ang mga Bailan?” tanong ni Mariz “naktia mo si Julian kanina hindi ba?” tanong ni Raul “oo, bakit?” tanong niya “hindi nag ensayo si Julian sa mga Bailan at ganun na siya kagaling kung lumaban mas magaling pa ang purong sundalong Bailan sa kanya” sabi ni Raul sa kanya. “Kailangan nating bumalik sa gubat” sabi ni Dante “para pagplanohan ang parating na digmaan” dagdag niya. “Maiiwan kami dito Heneral para magbantay” sabi ni Solomon “sige” sagot ni Dante.

“Isasama natin si Elizabeth” sabi ko na sumang-ayon naman si manang Zoraida “mabuti na yan para hindi na siya muli mahulog sa dilim” sabi niya “mga anak, sumama na kayo sa kanila” sabi ni Solomon sa mga anak niya. “Pero ama, gusto naming…” sabi ni Raul “huwag na kayong kumontra sundin niyo nalang ang inuutos ko” sabi ni Solomon sa mga anak niya “mahal, mag-ingat ka dito” sabi ni Melinda sa kanya. “Huwag kang mag-alala, sa oras na me gulo alam ko na ang gagawin ko” sabi ni Solomon kay Melinda na nagyakapan silang dalawa at tinulongan kong itayo si Elizabeth. “Jasmine” sabi ni Dante na tinaas ni Jasmine ang mga kamay niya at bumukas ang portal sa harapan namin “mauna na kayo” sabi ko sa kanila.

“Paano ka?” tanong ni Julian “ate sumabay kana” sabi ng kapatid ko sa akin “me kukunin lang ako sa apartment ko” sabi ko sa kanila “Jasmine pwede bang samahan mo ako?” tanong ko sa kanya. “Walang problema Issa” sabi niya “ano ba ang kukunin mo sa apartment mo?” tanong ni Julian sa akin na napangiti ako “basta lang” sagot ko sa kanya na pumasok na sila sa loob ng portal at naiwan kaming tatlo ni Solomon at Jasmine sa bahay. “Mag madali kayo habang naka taas pa ang araw” sabi ni Solomon sa amin na naghahanda narin ito “salamat Solomon” sabi ko sa kanya “hindi, ako dapat ang magpasalamat sayo, Isabella” sabi niya sa akin “bakit?” tanong ko.

“Kung hindi dahil sa’yo, matagal na sigurong nawala si Julian” sabi niya na napangiti ako dahil kapangalan at kamukha ko ang naging kasintahan ni Julian noon. “Mag ingat ka Solomon” sabi ko sa kanya “huwag niyo na akong alalahanin, magmadali kayo” sabi niya sa amin na nagbukas ng portal si Jasmine papunta sa apartment ko at pumasok na kami sa loob at lumabas kami sa sala. “Ano ba ang ginagawa natin dito?” tanong ni Jasmine sa akin na sumunod siya sa kwarto ko “tulongan mo ako” sabi ko sa kanya na inangat namin ang kama ko at nung naalis na namin ito sa bedframe nanlaki ang mata niya nung makita ni Jasmine ang nakatagong mga armas sa ilalim nito.

“Ang dami nito” sabi niya sa akin “hehehe stash ko ito” sabi ko sa kanya na kinuha ko ang duffle bag sa kabinet at pinasok ang mga baril na magkasya sa bag at mga bala nito. “Me isang lugar pa tayong dadaanan kung maari?” tanong ko sa kanya “walang problema, Issa” sagot niya na nagbukas siya ng portal at lumabas kami at nakatyo sa harap ng malaking pintuan “Issa, hindi ako pwede dyan” sabi ni Jasmine sa akin “pasensya na, ako na ang bahala dito” sabi ko sa kanya na bigla nalang nawala sa paningin ko si Jasmine kaya pumasok na ako sa loob. Naglakad ako sa gitna ng isle at nakita ko ang taong pakay ko “Father Henry!” tawag ko sa kanya na napalingon ito sa akin “oh, Issa ikaw pala” nagmano ako sa kanya “ano ang maipaglilingkod ko sa’yo?” tanong niya sa akin.

“Father, konting favor lang po” sabi ko na binaba ko ang duffle bag sa upoan at binuksan ko ito na nanlaki nalang ang mga mata niya nung makita ang laman nito “Dyos ko, me gyera ka bang pupuntahan?” tanong niya sa akin na natawa lang ako. Pinabasbasan ko sa kanya ang mga gamit ko pati narin ang mga bala nito at pagkatapos humingi ako ng isang bote ng aqua bendita just incase lang. “Issa, anak kung ano man ang pinaplano mo please huwag mo na ituloy” sabi ni Father Henry sa akin. “Alam ko po ang ginagawa ko Father and babala lang po me parating na lunar eclipse advise ko po sa inyo na manatili kayo sa loob ng kombento niyo” sabi ko sa kanya na napasign of the cross siya. Pagkalabas ko ng simbahan biglang sumulpot muli si Jasmine at tinaas na niya ang kamay niya sakto lang na makita kami ni Father Henry na pumasok sa portal at hinimatay ito.

Samantala, “hindi ko na nararamdaman si Boyet” sabi ni Olivia sa kanang kamay niya “hmm… ” lang ito at tumayo sa kinauupoan niya at napangiti ito “bakit?” tanong ni Olivia sa kanya “hindi mo ba napapansin?” tanong ng tauhan niya. “Grrr… wala na si Boyet… at hindi ko narin nararamdaman ang kapangyarihan ni Elizabeth! Ano ba ang nangyayari sa kanila?” tanong ni Olivia “hehehe..” natawa nalang ang tauhan niya. “Hindi nakakatawa ang sitwasyong ito” galit na sabi ni Olivia sa kanya “Julian… ” sabi nung kanang kamay niya “kahit kelan buwisit talaga ang taong yun” galit na sabi ni Olivia na tinawag niya ang isa pa niyang tauhan at inutusan itong ipatawag si Don Enrico.

Napangiti lang ang kanang kamay ni Olivia habang galit na galit naman ang Reyna sa pangyayaring ito “tingnan natin kung matatawa ka pa ba” sabi ng Reyna na binuksan nito ang itim na kurtina sa likuran nila at nagbago ang expression sa mukha ng kanang kamay niya. “Kay gandang tanawin, hindi ba?” sabi ni Olivia sa mga nakahelerang naka kwadradong salamin sa harapan nila na laman nito ang mga tauhan ng kanang kamay niya. “Malapit mo na silang makapiling muli…” sabi ni Olivia na biglang bumukas ang mga mata nila at nakita ng tauhan niya ang mga pulang mata nitong nakatingin sa kanya “….pi…nu….no….” bigkas ng isa na nasa harapan niya. “Pagbabayaran mo ito, Olivia” sabi ng tauhan niya “hindi man ako ang kikitil sa buhay mo, alam kong ang ligasiya ko ang sisingil sayo” sabi ng kanang kamay niya. “HAHAHAHA! Tingnan lang natin kung sino ang mauuna sa amin” sabi ni Olivia sa kanya.

Nakarating na kami sa gubat ni Haring Narra at nakita namin si manang at Haring Narra “mabuti naman at nakarating na kayo” sabi ni manang sa amin na nakita nito ang dala kong bag. “Ano ba ang laman niyan?” tanong ni manang sa akin na natawa lang si Jasmine “nay, mga laruan niya” sabi nito na natawa lang din ako “manang, ang kapatid ko po?” tanong ko sa kanya “nasa silid, inaasikaso ng mga taong puno” sabi niya. “Nasaan ang mga taong Lobo?” tanong ko “bumalik na sila sa Tribu nila para maghanda sa darating na digmaan” sabi ni manang “ganun ho ba? Si Julian?” tanong ko “me dinalaw lang sandali” sabi ni Haring Narra “aw, patawad po Haring Narra kung hindi po ako nagbigay respeto sa inyo” sabi ko sa kanya “walang anuman yun, Isabella” nakangiting sabi niya sa akin.

Nagpaalam muna ako sa kanila para puntahan ko si Elizabeth at nakita ko itong nakahiga sa maputing kama na napapaligiran ito ng mga tauhan ni Haring Narra “sis!” tawag niya sa akin na agad itong bumangon. “Ilayo mo ako sa kanila” natatakot nitong sabi sa akin “sis, ok lang hindi ka nila sasaktan” sabi ko sa kanya “ginagamot lang namin ang mga pasa at sugat niya” sabi ng isang taga gamot “pasensya na kayo” sabi ko sa kanila na ngumiti lang sila sa akin. “Sis, nasaan ba tayo?” tanong ni Elizabeth sa akin “nasa kaharian tayo ng mga taong puno sis” sabi ko sa kanya “kami na ang bahala sa kanya Isabella, kailangan naming gamutin ang sugat niya sa ulo” sabi nung taga gamot “sis, mahiga kana ulit” sabi ko sa kanya.

“Hayaan mo na silang gamutin siya, Isabella” narinig kong sabi ni Haring Narra sa me pintuan na niyuko ng mga tauhan niya ang mga ulo nila “halika na Elizabeth” sabi nung isang manggamot na sumunod sa kanya ang kapatid ko at pinahiga nila muli ito sa kama. “Hihilumin namin ang mga sugat niya pero aasahan ka naming ikaw ang maghihilom sa puso niya” sabi ni Haring Narra sa akin na napangiti ako “gagawin ko po ang lahat, kamahalan” sagot ko sa kanya na napangiti siya sa akin. Bumalik na kami kina manang Zoraida at Jasmine na nakita kong nilabas na nila ang ibang armas ko “HOY!” sigaw ko sa kanila na nagulat pa sila at nabitawan ni Jasmine ang M16 at bumagsak ito sa sahig at buti nalang hindi ko pa ito nilagyan ng magazine.

Natawa lang sa amin si Haring Narra pati narin ang mga tauhan niya “ano ang ginagawa niyo?” tanong ko sa kanila na binalik ko sa loob ng bag ang mga gamit ko “Isabella, ang dami namang armas nato” sabi ni manang sa akin. “Manang, gyera po ang pupuntahan natin hindi party” sabi ko “hahaha” natawa lang si Jasmine “hindi mo kailangan magdala ng maraming gamit, Isabella” sabi ni Haring Narra sa akin. “Alam ko po mahal na Hari pero pagdating sa pamilya ko gagawin ko po ang lahat para mailigtas ko sila” sabi ko sa kanya “ang papa mo” sabi niya “kahit na naging masama siya sa aming magkapatid, ama parin namin siya” sabi ko sa kanya. “Magkapatid nga kayo” sabi ni manang sa akin na napangiti ako.

Samantala, naglalakad si Julian sa dating lugar ng mga Bailan at tumayo siya malapit sa itim na lupa kung saan sinunog ang mga magulang niya, lumuhod si Julian at nilagay niya ang palad niya sa lupa at pinkit ang mga mata niya. Umihip ang hangin at nararamdaman niya ang sinag ng araw ng biglang me sumundot sa noo niya kaya napadilat siya at nakita niya ang mukha ng matanda na nakangiting nakatingin sa kanya. “HAH!” nagulat si Julian kaya napatumba siya at napaupo sa lupa “bwahahahaha” tumawa ang matanda at tumayo ito at tumingin sa paligid “aaahhh… sa wakas nakapunta narin ako dito” sabi ng matanda. “Ah.. uhm…a.. ano ang ginagawa niyo dito?” takang tanong ni Julian sa kanya na ngumiti sa kanya ang matanda.

“Tahanan natin ito, hindi ba?” tanong ng matanda sa kanya “ah…” hindi nakasagot si Julian at tumayo nalang siya “akala ko ba hanggang sa Isla ka lang?” tanong ni Julian sa kanya “hmm?” lang ang matanda. “Sabi ko..” “narinig ko ang sinabi mo” pagputol ng matanda sa kanya “isa akong Bailan kung nakakalimutan mo na yun? Kung nasaan ang Kuro nandun rin ako” sabi ng matanda sa kanya. “Ganun ho ba?” tanong ni Julian na bigla nalang siyang hinagisan ng stick ng matanda at mabuti nalang nasalo niya ito kundi tumama ito sa mukha niya. “Ano ang gagawin ko nito?” tanong niya “nakikita kong isa kana muling Bailan” sabi ng matanda “pansamantala lang ito” sagot niya “pwes, hindi natin sasayangin ang pagkakataong ito” sabi ng matanda sa kanya na hinubad nito ang nakabalot na tela sa katawan niya.

“Te.. teka.. se.. seryoso kayo?” gulat na tanong ni Julian sa kanya “bata, hindi nagbibiro ang Bailan pagdating sa labanan, kaya…. (ngumiti ang matanda sa kanya sabay sabing) HUMANDA KA!” sabi nito at umatake siya. Naglaban sila ni Julian na hindi niya mahabol ang bilis ng galaw at hampas ng matanda sa kanya “ARAY! ARAY! ARAY!” panay sigaw sa sakit si Julian sa tuwing tinatamaan siya ng stick ng matanda. “GRAAAHHHH” sumigaw si Julian at umatake siya ng biglang umilag sa kaliwa ang matanda at bigla itong yumuko at tinutok ang dulo ng stick niya sa leeg ni Julian “hahaha.. panalo ako” pang iinis ng matanda sa kanya. Tinulak palayo ni Julian ang stick ng matanda na gayun din itong lumayo sa kanya “ang problema mo kasi bata palagi kang nag-iisip” sabi ng matanda sa kanya.

“Tumahimik ka!” galit na sabi ni Julian na umiling lang ang matanda “hindi mo malalampasan ang antas ni Lorenzo o maabot man lang kung ganyan ka mag-isip” sabi ng matanda sa kanya. “Sabi ng tumahimik ka!” galit na sabi ni Julian na umabante siya at tumalon sa ere sabay bato ng stick niya sa matanda na hinampas niya ito para hindi siya matamaan. Tumalon din siya at sinalubong si Julian sa ere sabay tadyak niya sa binata na tinamaan niya ito sa dibdib dahilan kaya malakas ang pagbagsak ni Julian sa lupa. “Hmmm..” lang ang matanda nung tiningnan niya si Julian na gumugulong sa lupa habang hinihimas ang dibdib niya.

“Gaya ng sinabi ko…” naputol nalang ang matanda nung umikot si Julian para bigyan ng leg sweep ang matanda na walang effort itong tumalon at dumapo sa dibdib ni Julian na napasigaw ang binata sa sakit. “Gaya ng sinabi ko, hinding-hindi mo maaabot ang antas ng galing ni Lorenzo kung ganyan ka lumaban” sabi muli ng matanda kay Julian na ngayon ay pilit inaalis ang matanda sa ibabaw niya. Tumalon ang matanda at hinayaan niyang nakahiga si Julian sa lupa na dahan-dahan narin itong tumayo “Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan niyo, totoo ngang masama kung ang mga Bailan ang makakaharap niyo” sabi ng matanda kay Julian.

“Matatalo namin sila, makikita mo!” sabi ni Julian sa matanda na napabugnot nalang ito at sabing “hindi mo nga ako matamaan” sabi ng matanda sa kanya na napatingin sa lupa si Julian sa hiya. “Tandaan mo bata, isa lang ako at sa edad kong ito hindi mo pa ako matalo-talo o matamaan ano pa kaya ang mga binatang Bailan” sabi ng matanda na tumingin sa kanya si Julian “na nasa mismong primo nila, tandaan mo ito, hindi aswang ang dapat mong pagkakaabalahan, kundi ang mga Bailan” babala ng matanda sa kanya. “Mapapatay ko silang lahat” sabi ni Julian sa kanya na umiling lang ang matanda “alam mo ba kung ano ang kahinaan ng isang Bailan?” tanong ng matanda sa kanya na hindi nakasagot si Julian.

“Kamatayan!” sabi ng matanda “alam mo din ba kung bakit pinagbabawal sa ating mga Bailan ang maging imortal?” tanong ng matanda “dahil inaalis nito ang kahinaan natin, kung hindi tayo mamatay me posibilidad itong mawawala sa balanse ang takbo ng kalikasan” paliwanag ng matanda sa kanya. “Bakit parang ang taas ata ng tingin mo sa lahi natin?” tanong ni Julian sa kanya na ngayon ay nakatayo na “dahil, iniluwal tayo sa mundong ito para magbalanse sa takbo ng kalikasan, tingin mo ba kung bakit tinanggap ni Lorenzo ang kamatayan kesa mabuhay kasama ka?” tanong ng matanda sa kanya. “Bakit?” tanong ni Julian “dahil kailangan niyang mamatay para mabuhay ka” paliwanag ng matanda sa kanya na napatingin si Julina sa itim na lupa.

“Ama” sabi ni Julian na nalungkot ang matanda “hmm…” lang ang matanda at tumingin din siya sa itim na lupa na malapit lang sa kinatatayuan nila “ano ang gagawin ko ngayon?” tanong ni Julian sa matanda. “Isa lang” sagot ng matanda “ano?” tanong niya “dumaan ka sa ritwal ng Kuro” sabi ng matanda sa kanya “paano?” tanong niya “sumama ka sa akin sa Isla, doon ituturo ko sa’yo ang lahat ng dapat mong malaman” sabi ng matanda sa kanya na napalingon si Julian sa direksyon ng kaharian ni Haring Narra. “Alam ko ang iniisip mo, para din ito sa kanya” sabi ng matanda na alam ni Julian kung sino ang tinutukoy niya. “Isabella…” sabi ni Julian, tumalikod ang matanda at biglang me bumukas na portal patungo sa Isla ng Kuro “tayo na” yaya ng matanda sa kanya na tumingin muna si Julian sa malayo bago siya sumunod sa matanda at sumara na ito.

“Mahal na Reyna, nandito na po si Enrico” balita ng tauhan niya “ano ang maipaglilingkod ko sa’yo, kamahalan?” tanong ni Enrico “nalalapit na ang gabi ng eclipse Enrico, kailangan ko makuha ang Aklat ng Dilim bago pa dumating ang gabing yun” sabi ni Olivia. “Pero kamahalan hindi natin alam kung nasaan ito” sabi ni Enrico “alam ko kung nasaan, nasa kaharian ni Narra” sabi ni Olivia na napaisip si Enrico. “Ano po ang gusto niyong gawin ko?” tanong niya sa Reyna “sa sitwasyong ito alam ko na kung sino ang ipapadala ko” sabi ni Olivia na lumingon siya sa kanan niya “ako?” tanong ng tauhan niya na humarap si Olivia sa kanya “alam mo na ang gagawin mo” sabi ni Olivia sa kanya.

“Paano kung hindi ako susunod?” sabi ng tauhan niya na patuloy lang sa paglakad si Olivia patungo sa limang quadradong salamin na me lamang tao at me pinindot siya kaya nagdrain ang tubig nito at bumuba ang salamin. “Wala kang magagawa, nakabakas sa dibdib mo ang ensinya ko” sabi ni Olivia sa kanya na tiningnan lang siya ng masama ng kanang kamay niya “sapat na siguro ang lima” sabi ni Olivia na tumalon pababa ang limang tao sa sahig at yumuko ito sa harapan niya. “Ano ang iuutos mo sa amin, mahal na Reyna?” tanong nung isa na nasa harap niya “kunin niyo ang Aklat ng Dilim at ibigay niyo ito sa akin” utos ni Olivia sa kanila.

“Masusunod, kamahalan!” sabay sagot nilang lima na lumingon sila sa kanang kamay ni Olivia “masusunod, kamahalan” sabi nito at umalis na silang anim. “Mahal na Reyna, tama ho ba ang desisyon mong ipadala sila? Hindi sa me pagduda ako sa kakayahan nila pero anim lang?” tanong ni Enrico sa kanila “Enrico, Enrico, Enrico wala ka talagang tiwala sa akin” sabi ni Olivia sa kanya na umupo muli ito sa upoan niya. “Hindi naman sa wala akong tiwala sa inyo pero alam nating maraming mga taong Lobo at Taong Puno ngayon ang nagbabantay sa aklat” sabi ni Enrico “magtiwala ka Enrico, tingnan mo bukas bitbit na nila ang Aklat ng DIlim” nakangiting sabi ni Olivia.

Hinanda ko na ang mga armas ko at sinimulan ko naring lagyan ng mga bala ang mga magazines at inayos ko din ito sa loob ng duffle bag para madali ko itong mailabas kung kinakailangan. “Naghahanda kana talaga ha, Isabella?” tanong ni manang Zoraida sa akin “oo manang, gusto ko pong makatulong kahit paano” sabi ko sa kanya napansin kong tumitingin siya sa paligid “bakit manang?” tanong ko. “Hindi pa ba bumalik sa Julian?” tanong niya sa akin “hindi ko alam, hindi ko nga alam kung saan siya nagpunta” sagot ko sa kanya “wala na si Julian” sabi bigla ni Haring Narra “ANO?!” sabay naming sabi ni manang.

“Paano nawala si Julian?” tanong ni manang sa kanya “binalita lang sa akin ng mga puno na me parang nakalaban daw si Julian sa lugar ng mga Bailan at ang sumunod ay bigla nalang itong nawala” sagot ni Haring Narra. Kumuha ako ng 45 sa bag at nilagay ko ito sa holster ko “manang pakibantay lang nito ha?” sabi ko sa kanya “teka, saan ka pupunta?” tanong niya sa akin “pupunta ako ng Kuro!” sabi ko sa kanya habang nagmamadali akong lumabas ng palasyo. “Isabella!” tawag sa akin ni Dante nung makita niya ako “Dante” sabi ko “Heneral!” sabi ng tauhan niya “Victor, bumalik ka sa pwesto mo” utos ni Dante sa kanya.

“Pasensya kana sa tauhan ko” sabi ni Dante sa akin “wala yun” sagot ko “saan ka ba pupunta at tila nagmamadali ka ata?” tanong niya “pupunta ako ng Kuro, balita ni Haring Narra nawawala daw si Julian” sabi ko na nagulat siya. “VICTOR!” tawag agad niya sa tauhan niiya “opo, Heneral?” “ibalita sa mga tauhan natin na nawawala si Julian, ipakalat sila para maghanap!” utos ni Dante “masusunod Heneral” sagot niya na agad itong umalis. “Samahan na kita” sabi ni Dante sa akin na naging Lobo siya “sumakay kana sa likod ko para mabilis tayong makarating” sabi niya na agad akong sumakay at umalis na kami.

Habang nasa daan sumabay sa tabi ni Dante at tatlong Lobo “Heneral, saan ang punta niyo?” tanong nito “Ramir, pupunta kami ng Kuro, balita ni Haring Narra nawawala si Julian” balita niya “sasabay na kami ni Raul at ni Mariz” sabi niya. Sumunod sila sa amin papunta sa Kuro at maya-maya lang ay nakarating na kami dun na agad akong tumalon at tumakbo papunta sa lugar kung saan alam kong nakatambay si Julian. “Wala siya dito” balita ko sa kanila na naging tao na sila “baka naman naglalakad-lakad lang siya” sabi ni Raul “me bakas na me naglaban dito” sabi ni Ramir nung nakita niya ang mga hugis ng paa sa lupa.

“Isa lang ang naaamoy ko dito, kay Julian lang” sabi ni Mariz “hmm… ano ba ang sabi ni Haring Narra?” tanong ni Dante “binalita daw ng tauhan niya na nawawala nalang daw bigla si Julian” sabi ko. Habang nagmamasid kami sa lugar biglang me gumalaw na puno at lumapit ito sa amin “patawad kung ginulat ko kayo” sabi ng puno sa amin na napamangha ako dahil nagsasalita ito “walang anuman yun” sabi ni Dante sa kanya. “Naririnig ko kasi ang pangalan ni Julian” sabi nito “oo, alam mo ba kung saan siya nagpunta?” tanong ko sa kanya “hindi ko alam kung saan, pero kanina dito me kausap siya” sabi sa amin ng puno.

“Hindi mo ba nakita kung saan nagpunta si Julian?” tanong ko sa kanya “hindi ko alam, pasensya na” sagot nito sa akin “no, ok lang” sagot ko sa kanya na nginitian ko siya na ngumiti din ito sa akin. “Wala ka bang ibang nakita na kasama niya dito o umaaligid man lang?” tanong ni Dante sa kanya “wala Heneral” sagot ng puno “pero, me narinig ako at sana mapatawad ako ni Julian sa hindi ko sadyang marinig ito” sabi ng puno. “Wala kay Julian yun, sabihin mo sa amin kung ano ang narinig mo” sabi ko sa kanya “me binanggit siya tungkol sa ama niyang si Lorenzo at sa mga Bailan” kwento sa amin ng puno.

“Bailan? Ano pa ang narinig mo?” tanong ni Ramir sa kanya “kuya!” tawag ni Raul sa kanya “ano yun?” tanong niya “bakas ng paa at amoy ni Julian ito” sabi ni Raul sa kanya na lumapit kami dun. Sinundan namin ang yapak ni Julian at nakita namin ang huling paa niya at wala na itong kasunod, nagkatinginan kaming lahat “bumalik na kaya ang kapangyarihan niya?” tanong ni Mariz sa amin “imposible” sabi ni Dante na tumingala kaming lahat “dilat na dilat ang araw, imposibleng naging bampira muli siya” dagdag niya. “Kung naging bampira ulit siya dapat me sunog na..” hindi nalang tinuloy ni Raul nung tumingin siya sa akin.

“Hindi, hindi naging bampira muli si Julian” sabi ko sa kanila na napatingin sila sa akin, bumalik ako sa puno na tumingin ito sa akin at nginitian ako “mahal na puno, hindi ba nabanggit niyo kanina ang tungkol sa Bailan?” tanong ko sa kanya. “Ah.. oo” sagot niya “pwes, alam ko na kung nasaan si Julian ngayon” sabi ko sa kanila “nasaan, Isabella?” tanong ni Dante sa akin “me nabanggit sa akin si Julian dati tungkol sa isang matanda na nakausap niya sa isang Isla” sabi ko na tumingala ako sa punong nakausap namin “salamat mahal na puno” sabi ko sa kanya “ah.. walang anuman magandang binibini” nakangiting sabi nito sa akin at bumalik na ito sa pwesto niya.

Nakita naming binaon niya ang ugat niya sa lupa at lumingon ito sa amin “nakatanggap ako ng utos sa mahal na Hari na pinababalik na kayo ng palasyo” sabi niya sa amin “maraming salamat!” sabi namin sa kanya. Naging Lobo na muli sila at sumakay na ulit ako kay Dante at bumalik kami sa palasyo ni Haring Narra, pagdating namin sinalubong kami nina Haring Narra at manang Zoraida “binalita sa akin ng isa sa mga puno ang nasaksihan niya, alam ko na Isabella” sabi ni Haring Narra sa akin. Nalungkot ako dahil hindi man lang nagpaalam sa akin si Julian “huwag mo na isipin yun Isabella, alam kong me malaking dahilan si Julian para gawin niya ito” sabi sa akin ni Dante na napangiti ako.

“Dante” tawag ni Ingkong Romolo “Ingkong!” sabi ni Dante na niyuko nilang apat ang ulo nila na kinaway lang ni Ingkong Romolo ang kamay niya “ano na ang balita?’ tanong niya. “Hindi maganda Ingkong” sabi ni Dante na binalita niya lahat kay Ingkong Romolo ang nangyari sa amin sa Quezon City at tungkol sa kapatid ko din. “Hmm… kumusta na ang kapatid mo, Isabella?” tanong ni Ingkong “mabuti na siya ngayon, nagpapahinga siya at inaasikaso ng mga tauhan ni Haring Narra” sagot ko “mabuti naman kung ganun, teka, nasaan ang batang yun?” tanong niya. “Si Julian?” tanong ni manang Zoraida “oo” sagot niya.

Bumulong si Dante sa kanya na tumango lang siya at napakamot sa baba niya “mga Bailan ha” sabi niya na napansin kong napaisip silang lahat “patawad Haring Narra” sabi ng tauhan niya. “Me natanggap kaming balita na me anim na taong papalapit sa palasyo” balita ng tauhan niya. “Kami ang bahala sa kanila” sabi ni Ingkong Romolo “magkaalyado tayo, Haring Romolo kaya tutulongan namin kayo” sabi ni Haring Narra “hmp! Anim na tao lang” sabi ni Ingkong Romolo na pagkatapos magpaalam umalis na agad sila kasama ang mga tauhan niya. Napatingin si Haring Narra sa itaas na parang me pumasok sa isipan niya “ROMOLO!” biglang tawag ni Haring Narra sa kanya na hindi na siya narinig nito dahil mabilis itong umalis sa kaharian niya.

“Ano ang nangyari sa’yo Narra?” tanong ni manang sa kanya “nanganganib silang lahat” sabi niya na agad siyang lumabas at tinawag ang mga tauhan niya “masusunod kamahalan” sagot ng mga tauhan niya at nagsialisan na ito. “Narra! Ano ba ang nangyayari?” tanong ni manang na pati kami nagulohan sa kanya “sa taas tayo” sabi niya na sumunod kami sa kanya sa tore at tumingin kami sa direksyon ng mga Lobo. “Sabihin mo sa amin kung ano ang nangyari?” tanong ni manang sa kanya na kita naming me tinitingnan ito sa malayo “ayun!” sabay turo niya na nakita namin ang maraming Lobo na nagmamadaling bumalik sa kaharian niya.

Agad tumalon si Haring Narra mula sa tore na sinalo siya ng malaking puno at binaba siya nito sa lupa “mahal na Hari, haahhh..haahhh..” hinihingal ang Lobong humarap sa kanya “nasaan si Romolo?” tanong agad ni Haring Narra. Nagmamadali kaming bumaba nina manang at Jasmine at tumayo sa likod ni Haring Narra, nakita namin ang maraming sugatan na Lobo at me isa na doon mismo sa harapan namin binawian ng buhay. “Ma.. malakas ang kalaban namin” sabi ng isang Lobo na me narinig kaming alolong ng isang Lobo sa malayo “ROMOLO!” sigaw ni Haring Narra na mabilis itong tumakbo papunta sa kanya.

“NARRA!” sigaw ni manang Zoraida na agad kaming sumunod sa kanya “NARRA!” tawag ni manang sa kanya na hindi ito nakinig at nadaanan namin ang maraming patay na Lobo at yung iba ay sugatan na gumagapang pabalik sa palasyo. Nakita naming nagpalit ng damit si Haring Narra at naging espada ang mahabang kahoy na hawak niya at inatake niya ang isang tao na nadaanan niya “Isabella!” tawag sa akin ni manang na hinugot ko agad ang baril ko at naghanda. Nakita namin si Dante na tinutulongan niyang itayo si Ingkong Romolo habang nakalaban naman ni Haring Narra ang isang nakaitim na tao. “Isabella!” tawag sa akin ni Dante na agad kong binaril ang mga nakaitim na tao na parang wala lang sa kanila nung ginamit nila ang espada nila para hindi matamaan sa bala ko.

Bigla silang umatras at hinayaan nilang lumaban ang isa pang nakaitim kay Haring Narra na nag espadahan silang dalawa at nung nag-abot ang espada nila bigla siyang naitulak nito kaya napaatras si Haring Narra sa amin. Lumapit sa nakalaban ni Haring Narra ang lima at tumayo ito sa likuran niya “ano ang kailangan niyo?” tanong ni Haring Narra sa kanila “ang Aklat ng DIlim!” sabi nung nasa harap “hmp! Hinding-hindi niyo makukuha ang Aklat ng Dilim” sabi ni Haring Narra sa kanila “hahaha..” bigla itong tumawa at humakbang ng dalawang beses palapit kay Haring Narra na nagulat ang Hari sa ginawa niya.

Umatake si Haring Narra at naglaban muli silang dalawa na natamaan siya sa balikat at sa kanang kamay niya kaya napaatras si Haring Narra at nakatayo lang ang kalaban niya na parang wala lang ito. “Magaling ka” sabi ni Haring Narra sa kanya “hmm…” lang ang sinagot ng kalaban niya at lumingon ito sa limang nakaitim sa likuran niya na niyuko nila ang ulo nila at mabilis itong tumakbo papunta sa palasyo ni Haring Narra. “Kami ang bahala sa kanila” sabi ni Dante na naging Lobo muli sila ni Ingkong Romolo at hinabol nila ang lima habang naiwan naman kaming tatlo ni Haring Narra at manang Zoraida para sugpoin ang lider nila.

Nakita naming nakatingin ito sa mga tauhan niya bago ito lumingon sa amin at tinaas ang espada niya at nagulat kami nung binitawan niya ito at bumagsak ito sa lupa “ano ang binabalak mo?” tanong ni Haring Narra sa kanya. Pumorma lang ito na parang magboboxing at naghihintay ito kay Haring Narra “Narra” tawag ni manang sa kanya na bigla nalang natahimik at hindi na umimik si Haring Narra “kamahalan?” tawag ko sa kanya na nakita ko ang mukha niya na parang nakakita siya ng multo. Nakanganga ang bibig niya at nanlaki ang mga mata niya “Narra, ano ba ang nangyayari sa’yo?” tanong ni manang sa kanya.

Biglang binitawan ni Haring Narra ang espada niya at humakbang ito palapit sa naghihintay naming kalaban at ginaya ni Haring Narra ang porma ng kalaban niya at nung malapit na siya bigla silang nagsuntokan. Nagboxing silang dalawa at parang kilala nila ang isa’t-isa dahil kita naming alam nila ang bawat techinique nilang dalawa, nakatingin lang kami ni manang at hinayaan namin silang maglaban. Natamaan si Haring Narra sa mukha na sunod-sunod naman ang combination na tumatama sa katawan niya kaya napaatras si Haring Narra palayo sa kanya na agad naman umabante ang kalaban niya na dumepensa si Haring Narra para hindi siya matamaan sa suntok nito.

Pinahiran ni Haring Narra ang dugong dumaloy sa gilid ng bibig niya at ngumiti siya “hindi ko alam kung paano, pero… natutuwa akong nakalaban kita” sabi ni Haring Narra sa kalaban niya. Pumorma muli si Haring Narra at umatake ulit ang kalaban niya na pilit niya itong tamaan pero hindi lumalanding ang mga suntok niya sa bilis ng galaw ng kalaban niya. Kaya nung natamaan muli si Haring Narra sa sunod-sunod na suntok ng kalaban niya umatras siya sa amin at napasandal kay manag Zoraida. “Narra..” sabi ni manang “maayos lang ako, Zoraida” sabi niya kay manang na nakatayo lang ang kalaban ni Haring Narra at tumingin sa kanila.

“Hmmm… bagay nga talaga kayo” sabi nito sa kanila “a..ano ang sabi niya?” tanong ni manang “Zoraida, wala ka bang naalala sa kanya?” tanong ni Haring Narra sa kanya “ha?” tanong ni manang. “Hindi mo ba nakikita kung sino siya?” tanong ni Haring Narra sa kanya na tiningnan ng mabuti ni manang ang taong nasa harapan namin at napansin kong biglang nagbago ang expression ng mukha niya na tila me naalala ito. “Dyos ko… ” sabi bigla ni manang “hindi ba tama ako?” tanong ni Haring Narra sa kanya “ano ba ang pinagsasabi niyo?” tanong ko sa kanila na lumingon sa akin ang taong nakaitim at tumigin ito sa kanila na bigla nalang nitong inalis ang takip sa mukha niya at nakita namin ang mukha niya “si.. sino ka?” tanong ko “Isabella… ipinakikilala ko sa’yo… ang ama ni Julian…si Lorenzo” nanghihinang pakilala ni manang.

Chapter XX: The First!

Tahimik lang kaming apat habang nakatayo kami sa gitna ng gubat, naririinig namin sa malayo ang ingay ng mga taong naglalaban “Lorenzo” naunang nagsalita si manang na lumingon ito sa kanya. “Ba… bakit ka nagbalik?” tanong ni manang sa kanya “binuhay muli ako ni Olivia, Zora. Hindi ko gusto ang mabuhay muli lalong-lalo na gagamitin niya ang buong Bailan sa dilim” sagot ni Lorenzo. “Kaibigan, pwede ka namang umayaw sa inuutos niya hindi ba?” tanong ni Haring Narra sa kanya na hinila ni Lorenzo ang damit niya sa me leeg at ipinakita niya sa amin ang dibdib niya. “Ito ang marka ni Olivia, pag-iisip lang ang hawak namin pero hindi ang galaw ng aming mga katawan” paliwanag ni Lorenzo “pag-inuutos niya susundin namin kahit labag ito sa kalooban namin wala kaming magagawa dahil sa markang nakalagay sa dibdib namin” dagdag niya.

“Kilala niyo ako, ayaw ko ng gulo o kumitil ng buhay ng walang dahilan, kaya, maaari sundin niyo nalang ang hinihiling ko” sabi ni Lorenzo sa kanila na nagkatinginan si manang at si Haring Narra. “Hindi maari Lorenzo, kung makuha ni Olivia ang Aklat ng Dilim hindi lang buhay namin ang malalagay sa peligro pati narin ang buong sambayanan ng mortal” paliwanag ni Haring Narra “tingin mo ba hindi ko alam ito? Wala akong magagawa dahil kontrolado ako ni Olivia” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Narra, hindi tayo makakapagrason sa kanya dahil hindi niya hawak ang katawan niya” sabi ni manang kay Haring Narra na lumingon sila sa akin.

“Isabella, tumabi ka huwag kang sumali dito” sabi ni Haring Narra sa akin na tumayo sa tabi niya si manang Zoraida at hinubad nito ang mahabang damit niya at nagulat ako nung makita ko ang pang-ilalim na suot niya. “Manang suot-suot mo yan?” tanong ko sa kanya dahil parang naka pangdigma na siya “oo, sinuot ko na ito noon pa nung nagkita kami muli ni Julian” sabi ni manang sa akin “Julian!” narinig namin galing kay Lorenzo. “Nasaan nga pala ang anak ko?” tanong niya sa amin “nawawala si Julian, hindi namin alam kung nasaan siya” sagot ni Haring Narra na lumingon si Lorenzo sa direksyon ng dating Kuro at pinikit niya ang mata niya “hmmm… ganun pala” sabi niya.

“Anong, ganun pala?” takang tanong ni manang sa kanya “hindi na importante, tila ayaw niyong isuko ang aklat ng walang laban” sabi ni Lorenzo sa kanila “gaya ng sinabi ko kanina Lorenzo, malalagay sa peligro ang lahat kung isusuko namin ito” sabi ni Haring Narra sa kanya. Nakahanda na si manang Zoraida at biglang nagkaroon ng armour ang katawan ni Haring Narra “Zora, naalala mo pa ba nung mga bata pa tayo?” tanong ni Haring Narra sa kanya “oo” sagot ni manang “kung ganun, alam mo narin ang dapat nating position” sabi ni Haring Narra “oo” sagot ni manang. “Hindi naman dapat tayo umabot sa ganito, ayaw kong kalabanin kayo” sabi ni Lorenzo sa kanila.

“Naiintindihan namin Lorenzo, pero sa ganitong paraan lang namin mapipigilan ang plano ni Olivia” sabi ni Haring Narra na sumang-ayon si manang Zoraida “Isabella, lumayo kana dito” utos sa akin ni manang. “Teka, pwede ko kayong tulongan” sabi ko “ISABELLA!” sigaw niya “ha… si.. sige po..” sabi ko na tumakbo ako palayo at nagtago sa isang puno at iniwan silang tatlo “hmm.. kung ito ang gusto niyo” sabi ni Lorenzo na dinampot niya ang espada niya sa lupa na agad namang umabante si Haring Narra dala ang espada niya habang yumuko si manang at binaba ang mga kamay niya sa lupa. Nung nakita ni Lorenzo ito agad siyang tumalon at bigla nalang me lumabas na itim na kadena sa kinatatayuan niya kanina at hinabol siya nito “NARRA!” sigaw ni manang “OO!” sagot ni Haring Narra.

Sinaksak ni Haring Narra ang espada niya sa lupa at pinagdikit niya ang mga palad niya at biglang me malaking puno na lumabas mula sa lupa at humarang ito sa tumatalong si Lorenzo. Napalingon nalang ito nung napasandal siya sa puno dahilan kaya inabot siya ng mga kadena ni manang Zoraida at ginapos siya nito sa puno. “NARRA HINDI PA SAPAT YAN!” sigaw ni manang Zoraida “ALAM KO!” sagot ni Haring Narra na pinagdikit pa niya lalo ang mga kamay niya at lumabas mula sa lupa ang mga makakapal at naglalakihang mga puno na pinalibutan nito si Lorenzo. Kinulong nila si Lorenzo sa loob ng maraming puno at pinalibutan din ito ni manang Zoraida nang naglalakihang kadena na kasing laki ng kotse ang bakal nito at hinigpitan pa niya ito lalo.

Nakita kong parang naghihintay silang dalawa sa susunod na mangyayari “tapos na ba?” tanong ko sa kanila na nakatayo lang silang dalawa sa harapan sa nakakadenang mga puno “Isabella, manatili ka lang dyan” sabi ni manang sa akin. “Narra, tingin mo ba?” tanong ni manang “kilala mo si Lorenzo, Zora. Ginawa na natin sa kanya ito noon at nakahanap parin siya ng paraan para makatakas” sabi ni Haring Narra. “Pero mas makapangyarihan ito sa ginawa natin noon” sabi ni manang “alam ko Zora, manatili kang alerto iba na ngaoyn si Lorenzo” sabi ni Haring Narra na napalingon ako sa likuran ko nung marinig ko ang sigawan at alolong ng mga Lobo sa malayo.

“Manang, Haring Narra!” tawag ko sa kanila “alam namin Isabella, hindi kami pwedeng….” natahimik nalang si manang nung marinig naming nag-ingay ang mga puno at gumalaw ang kadenang binalot ni manang sa malalaking puno. “Humanda ka Zora” sabi ni Haring Narra na biglang gumalaw ang mga puno at dahan-dahan itong umikot sa harapan nila “Lorenzo…” bigkas ni manang Zoraida nung bumilis ng bumilis ang pag-ikot ng mga puno. Biglang lumuwang ang pagkabalot ng kadena sa mga puno at bigla nalang itong bumagsak sa lupa at napatalon sina manang at Haring Narra nung nahati ang malalaking puno na binalot ng Hari at natumba ito at naiwan sa gitna si Lorenzo na nakatayo lang ito at nakangiti sa kanila.

“Hindi ba ginawa niyo na ito noon sa akin?” tanong niya sa dalawa “wala ba kayong bago man lang?” nakangiting tanong ni Lorenzo na tiningnan niya ang espada niya “hmmm ayaw ko sa espadang ito” sabi niya na binitawan niya ito at nahulog ito sa lupa. Napansin kong nagulat si Haring Narra “ZORAIDA, HUMANDA KA!” sigaw niya kay manang na biglang nalang umabante si Lorenzo at hahampasin na sana siya ni Haring Narra ng mahawakan nito ang kamay niyang me hawak na espada at tinaas ito ni Lorenzo sabay tadyak niya sa tyan ng Hari. Napaatras si Haring Narra at nabitawan nito ang espada niya na binato naman ito ni Lorenzo sa isang puno at nasaksak ito.

Pumorma si Lorenzo kagaya kanina nung nagsuntokan sila ni Haring Narra na ganun din ang ginawa ng Hari at naglaban sila “NARRA!” sigaw ni manang na umabante din ito at sumali sa dalawa. Sinalo ni Lorenzo ang kamao ni Haring Narra na sumuntok naman siya gamit ang isa pa niyang kamay na nasalo din ito ni Lorenzo at saktong tumalon sa gilid nila si manang at tinadyakan niya si Lorenzo na umilag ito. Binitawan ni Lorenzo ang mga kamay ni Haring Narra at inilagan niya ang mga suntok at tadyak ni manang Zoraida na tumalon palayo si Lorenzo sa kanila at hinabol siya ng dalawa at nung naabutan na nila ito sabay nilang inatake si Lorenzo.

Pareho ang galaw ng dalawa habang mabilis namang inilagan at nadepensahan ni Lorenzo ang sarili niya na nung nasuntok nila sa dibdib si Lorenzo napaatras ito at pumorma agad silang dalawa at naghanda. Napangiti si Lorenzo sa teamwork nila ni manang at Haring Narra “kahit matagal ng panahon ang lumipas hindi parin talaga kayo nagbago” sabi ni Lorenzo sa kanila na kita kong hinihingal na silang dalawa. Umatras sila manang at Haring Narra para bigyan distansya ang sarili nila kay Lorenzo “Zora, maghanda ka” sabi ni Haring Narra sa kanya “alam ko” sagot ni manang na dinikit nilang dalawa ang mga likod nila at naghanda kay Lorenzo.

“Ako naman” sabi ni Lorenzo na dahan-dahan lang itong naglakad papunta sa dalawa na agad namang pinagdikit nilang dalawa ang mga palad nila at naglabasan ang maraming kadena at puno sa paligid ni Lorenzo. “Hmp!” lang si Lorenzo na tinaas lang niya ang kamay niya at lumapit sa kanya ang binitawan niyang espada niya kanina at pinaghahampas niya ang mga kadena at punong humarang sa kanya. Kalmado lang siyang naglakad palapit sa kanila na ngayon ay umaatras narin sina manang at Haring Narra habang tuloy parin sila sa pag-atake kay Lorenzo “hindi makakatulong sa inyo ito” sabi ni Lorenzo sa kanila na nag-iba ng stratehiya si manang at biglang binuka nito ang palad niya at tinutok ito kay Lorenzo sabay sigaw “TORTA NEGRU LANT (Black Torch Chain)” na mabilis inilagan ni Lorenzo.

“Bago ito!” sabi ni Lorenzo na hindi niya napansin si Haring Narra sa gilid niya at natamaan siya nito sa mukha nung sinuntok siya at napagulong siya sa lupa at napasandal sa puno na ginapos naman siya nito gamit ang ugat. “HAHAHAHA” natatawa lang si Lorenzo na biglang napaluhod sa lupa si manang dahil sa pagod “Zoraida!” tawag ni Haring Narra “maayos lang ako, Narra” sagot ni manang na tinulongan niya itong tumayo at hinarap nila si Lorenzo. “Itigil mo na ito Lorenzo” sabi ni manang sa kanya “bakit? hindi ba kayo natutuwa at nasisiyahan sa labanan natin?” nakangiting tanong ni Lorenzo sa kanila na biglang binuhat ni Haring Narra si manang at tumalon siya paatras palayo kay Lorenzo.

Biglang lumiwanag ang katawan ni Lorenzo at naging abo ang ugat na bumalot sa katawan niya at lumutang siya at tumayo “gaya ng sinabi ko, ako naman!” sabi ni Lorenzo sa kanila. Parang kidlat kung kumilos si Lorenzo nung sumulpot siya sa harapan nilang dalawa at sabay silang napatapon ni manang at si Haring Narra nung sabay silang sinuntok ni Lorenzo. Napabalanse nila ang katawan nila kaya napatayo sila agad at hinugot nila ang mga espada nila. “Hindi makakatulong sa inyo yan” sabi ni Lorenzo na lumipad ang espada niya sa kamay niya at umabante siya sa dalawa at nag espadahan silang tatlo. Sa sobrang lakas at bilis ni Lorenzo hindi nila nadepensahan ng mabuti ang sarili nila “Zora… LUMAYO KANA!” sigaw ni Haring Narra sa kanya nung nasalo ng espada niya ang espada ni Lorenzo.

“HINDI!” sigaw ni manang na balak niyang saksakin si Lorenzo pero tumalon lang ito sa ibabaw nila at nung dumapo ito sa likuran nila nahampas sila nito at na sugatan silang dalawa sa likod. Nakita kong delikado na ang buhay nila kaya lumabas agad ako sa likod ng puno at hinugot ang baril ko “HUWAG ISABELLA!” sigaw ni manang. “TUTULONGAN KO KAYO!” sigaw ko na hindi ko napansin nasa harapan ko na si Lorenzo at tinadyakan niya ako sa tiyan kaya napatumba ako at nanlumo sa sakit ng tadyak niya. Nakita kong me lumabas na kadena sa palad ni manang papunta kay Lorenzo na agad naman niyang inilagan at nung nahawakan niya ito hinila niya si manang palapit sa kanya sabay tadyak niya sa mukha ni manang Zoraida dahilan kaya nawalan ito ng malay.

“ZORAIDA!” sigaw ni Haring Narra na umatake siya pero nailagan ni Lorenzo ang espada niya at nahawakan pa siya nito sa leeg at inangat siya ni Lorenzo at binagsak sa lupa. Gumulong si Haring Narra palayo at nung tatayo na sana siya parang kidlat si Lorenzo’ng umatake kay Haring Narra na napalipad siya papunta sa isang puno at bumagsak sa lupa “HARING NARRA!” tawag ko sa kanya dahil nakita kong sumuka ito ng dugo. Dinampot ni Lorenzo ang espada ni Haring Narra at nilapitan niya ito na ngayon ay nahihirapang tumayo dahil sa lakas ng pagtadyak ni Lorenzo sa dibdib niya. Pinilit ko ding bumangon pero sa tuwing gagalaw ako parang me maraming karayum ang tumutusok sa tiyan ko kaya napasigaw ako sa sakit “MANANG ZORAIDA! MANANG ZORAIDA GUMISING KAYO!” sigaw ko sa kanya na ngayon ay nakadapa sa lupa at wala ng malay.

Nakatayo na sa gilid ni Haring Narra si Lorenzo “patawad kaibigan” narinig kong sabi niya “HUWAAAAGGG!” sigaw ko na pinilit kong tinuon ang baril ko sa kanya at nung binaril ko siya bigla niya itong inilagan at binato sa akin ang isang patalim na tumama sa balikat ko. “AAAAHHHHHH!!!” napasigaw ako sa sakit at nabitawan ko ang baril ko “Isa.. Isabella!!!” tawag sa akin ni Haring Narra na ngayon ay nanghihina narin “Narra” sabi ni Lorenzo sa kanya na tinaas na niya ang espada ni Narra para patayin siya. “Patawarin mo ako” sabi ni Lorenzo na binagsak niya ang espada para saksakin sa dibdib si Haring Narra ng biglang me espadang sumalo nito.

Isang binata ang pumigil kay Lorenzo na sa gulat niya napatalon siya palayo sa kanila at pumorma agad siya para sa bagong dating na kalaban “si…sino ka?” nanghihinang tanong ni Haring Narra na hindi siya nito sinagot. Hinawakan lang niya sa balikat si Haring Narra at biglang nagbago ang paghinga niya na parang nawala ang bara sa dibdib niya “ha…” lang si Haring Narra at tumayo na yung binata na tumulong sa kanya at naglakad ito papunta kay manang. Hinawakan niya sa ulo si manang at maya-maya lang ay nagising na ito at napatingin sa paligid “si.. sino…” lang ang nabigkas ni manang, tiningnan siya ni Lorenzo habang naglakad ang binata palapit sa akin at hinawakan niya ako sa balikat at nawala ang sakit sa tiyan ko at inalis ang patalim na nakasasak sa akin at nakahinga na ako ng maayos at hindi na ako nasaktan nung bumangon ako.

Tumayo siya at humarap kay Lorenzo, tinaas ni Lorenzo ang espada ni Narra sa me ulo niya na parang aatake siya ng biglang tumalon ang binata papunta sa kanya at naglaban silang dalawa. Mabilis ang galaw nilang dalawa, tumayo ako at tinulongan ko si manang Zoraida at nung naitayo ko na siya pumunta kami kay Haring Narra at tinulongan din namin siyang tumayo. “Kilala mo ba siya, Narra?” tanong ni manang sa kanya “hindi.. ngayon ko lang siya nakita” sagot niya. Nakita naming napaatras si Lorenzo at tila nakahanap na siya ng katapat niya “sino ka?” tanong ni Lorenzo sa kanya na ngumiti lang ito at hindi ito sumagot.

Umabante si Lorenzo pati din ang binata na binato siya ng patalim ni Lorenzo at ganun din ang ginawa ng binata na nag-abot ang mga patalim nila at bumagsak ito sa lupa bago sila nag-abot sa gitna at nag-espadahan silang dalawa. Kapareho ng kapareho ang galaw nilang dalawa na para bang iisa lang ang nagturo sa kanila at tingin ko ako lang ang nakapansin nito “manang, Haring Narra wala na ho bang ibang nabubuhay na Bailan maliban kay Julian?” tanong ko sa kanila na nagulat sila sa tanong ko “wala na, bakit?” tanong ni manang “hindi niyo ba napapansin?” tanong ko na napatingin silang dalawa kay Lorenzo at sa binatang kalaban nito.

“Nakita ko ang sinasabi mo, Isabella” sabi ni Haring Narra sa akin pati din si manang Zoraida dahil kapareho nga talaga sila ni Lorenzo, pagnagkaroon sila ng distansya bumabato sila ng patalim at pagnag-abot ang mga espada nila pareho din ang tayo at ang porma nilang dalawa. Naitulak nung binata si Lorenzo at pareho silang nakiramdaman kung ano ang susunod na gagawin “parang, kakambal ni Lorenzo ang binatang ito” sabi ni manang na bigla itong lumingon sa amin at nginitian kami. “Nakita niyo yun?” tanong ko sa kanila na napatango silang dalawa, maya-maya lang ay bumalik na ang limang tauhan ni Lorenzo bitbit na nila ang Aklat ng Dilim “Lorenzo, nakuha na namin ang pakay natin” sabi ng isang tauhan niya “magaling, sige gawin niyo na” utos ni Lorenzo sa kanila na me kinuha ang isang tauhan niya at tinutok ito sa ere at kinalabit niya.

“Flare gun!” sabi ko na parang me tinatawag pansin sila at maya-maya lang ay me narinig kaming ingay ng helicopter na papalapit sa lokasyon namin “manang!” tawag ko sa kanya “Narra!” “alam ko!” sagot ng Hari. “Huwag niyo hayaang maitakas nila ang Aklat ng Dilim” sigaw ni Ingkong Romolo sa amin kaya umabante kami papunta sa kanila ng biglang tumalon silang anim paakyat sa mga puno na parang ginawa nila itong stepping stone papunta sa nag-aabang na helicopter sa taas. Dinikit nila manang at Haring Narra ang mga palad nila at naglabasan ang maraming kadena at gumalaw ang mga puno na mabilis nakailag ang mga Bailan at pinaghahampas nila ng mga espada nila ang kadena ni manang.

“Paano sila nagkaroon ng…” nagulohan si manang Zoriada “ang papa” sagot ko na mabilis umakyat sina Ingkong Romolo at ibang lobo para habolin sila Lorenzo pero huli na sila nung nakasakay na sila sa helicopter at bago sila umalis binugahan ng apoy ni Lorenzo si Ingkong Romolo kaya napatigil ito at umilag at mabilis lumipad palayo ang sinasakyan nila. “GRAAAAAAHHHHHHH!” sigaw ni Ingkong Romolo nung nakalayo na sila “paano nagkaroon ng kapangyarihan bumuga ng apoy si Lorenzo?” tanong ni Haring Narra “hindi ko alam” sagot ni manang. Napatingin lang kami at hindi makapaniwala sa nangyari kanina na doon lang siguro bumigay ang mga tuhod ko nung hindi ko na mapigilang mangatog ito at pinagpawisan ako, ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng takot. Lumapit sa amin ang binatang tumulong sa amin kanina “maayos lang ba kayo?” tanong niya sa amin “oo, maraming salamat ginoo” sagot ni Haring Narra.

“Pwede bang malaman kung ano ang pangalan mo?” tanong ni manang sa kanya na ngumiti ito “Una” sagot niya na bigla nalang itong naging abo at lumipad ito sa ere at nawala na ito. Nagulat kaming lahat “mahiwaga ang taong yun” sabi ni Haring Narra “pero kung sino man siya malaki ang pasalamat natin sa kanya” sabi ko na sumang-ayon sa akin ang dalawa. “Kamahalan” tawag ng mga tauhan ni Haring Narra “maayos lang ako, kumusta ang kaharian?” tanong niya na nalungkot ang mga tauhan niya “bweno bumalk na tayo at gusto kong unahin niyo ang mga sugatan” utos niya sa mga tauhan niya. “Narra!” tawag ni Ingkong Romolo “sa palasyo na tayo, hindi maganda ang araw na ito sa atin” sabi ni Haring Narra na bumalik na kaming lahat sa palasyo niya at nakita namin ang maraming patay na taong puno at mga lobo.

Samantala sa Isla, nagsisimula naring mag ensayo si Julian habang nakatingin lang sa kanya ang matanda “hmm… itaas mo ang ulo mo huwag mong ibaba” utos sa kanya ng matanda na sinunod niya ito. Napatingin sa itaas ang matanda nung napansin niya ang abong lumipad sa ibabaw nila ni Julian at naging espada ito nung dumapo ito sa pinakamataas na tuktok ng Isla “hmmm… hindi mo din pala matiis na hindi tumulong ano, Una?” tanong ng matanda sa sarili niya na napangiti ito. “Ano ho ang sabi niyo?” tanong ni Julian sa kanya “ah..wala itaas mo ang ulo mo at huwag mong ibaba ang balikat mo, kaya mahina ang mga atake mo dahil dyan” sabi ng matanda sa kanya na inayos ni Julian ang porma niya at sinunod ang utos ng matanda.

Nung nakapasok na kami sa palasyo agad akong umakyat sa taas para hanapin ang kapatid ko “ELIZABETH! ELIZABETH!” tawag ko nung pumasok ako sa kwarto niya “ate! Nandito ako” tawag sa akin ni Elli na nagtatago ito sa likod ng kama. “Wala bang nangyari sa’yo?” tanong ko sa kanya “walang nangyari sa kanya Isabella, itinago namin siya nung tumunog ang alarma ng palasyo” sabi nung isang nagbantay sa kanya. “Maraming salamat sa inyo!” sabi ko sa kanila na nginitian lang nila ako “maiiwan namin muna kayo dahil tutulong lang kami sa mga sugatan sa labas” sabi nila “sige, ako na ang bahala dito” sabi ko na niyuko nila ang mga ulo nila at lumabas na sila.

“Ano ba ang nangyayari sa labas ate?” tanong ng kapatid ko “sis, inatake ang palasyo at nakuha nila ang Aklat ng Dilim” balita ko sa kanya “oh no!” sabi nito na napatakip siya sa bibig niya. “Sis, ano ba talaga ang balak nila papa sa librong yun?” tanong ko sa kanya “kelan ba ang a kwatro?” tanong niya nag-isip ako dahil pati ako di ko na alam ang araw ngayon. “Limang araw simula ngayon” sagot ni Jasmine na nakatayo sa me pintoan “Jasmine” tawag ko sa kanya na pumasok ito at lumapit sa amin “bakit, ano ang meron sa a kwatro?” tanong niya sa kapatid ko. “Gabi ng eclipse yan” sabi niya “tama pala ako” sabi ni Jasmine “ano ang mangyayari sa gabing yan, sis?” tanong ko.

“Hindi ako detelyado sa plano pero ang alam ko lang me dapat silang buhayin sa gabing yun at kung hindi nila ito magagawa maghihintay nanaman sila ng dalawang daang taon bago nila ito maulit” kwento niya sa amin. “Me bubuhayin? Sino?” tanong ko “hindi ko alam kung sino, sis” sagot ng kapatid ko “kung ganun, dapat pigilan natin sila” sabi ni Haring Narra na nakatayo sa labas ng kwarto “mahal na Hari” sabi naming tatlo. “Patawad kung nakinig ako sa pag-uuusap niyo” sabi niya sa amin na pumasok narin ito sa kwarto kasunod niya si manang Zoraida na pareho silang me mga bandahe sa mukha at mga braso nila. “Inay, dapat nagpahinga kayo” sabi ni Jasmine sa kanya “wala ito anak, me mas importante pa tayong gagawin kesa magpahinga” sagot ni manang sa kanya.

“Haring Narra!” narinig namin si Ingkong Romolo sa labas “nandito ako sa loob, Romolo” tawag niya na dumungaw si Ingkong sa me pinto at pumasok ito “kailangan nating pagplanohan ang pagbawi natin sa Aklat ng Dilim” sabi niya. “Alam ko at sa nakikita kong posibilidad na mahirapan tayong bawiin ito oras na siguro para hingin natin ang tulong niya” sabi ni Haring Narra “siya? HAH! nakalimutan mo na siguro ang sinabi niya noong huling natin siyang nakausap” sabi ni Ingkong Romolo. “Sino ho ba ang tinutukoy nila, manang?” tanong ko sa kanya “ang mga engkanto” sagot ni manang na tumingin ito kay Jasmine.

“Alam kong aayawan niya tayo, kilala mo si Helius, Narra” sabi ni Ingkong Romolo “wala siyang magagawa kundi tulongan tayo dahil parte siya ng mundong ito” sagot ni Haring Narra “sinabi na niyang ayaw niya tayong tulongan pagkatapos ang nangyari noon” sabi ni Ingkong Romolo. “Siguro, noon nasabi niya yun dahil nagluluksa siya sa pagpanaw ng anak niya, pero kung ipagbigay alam natin sa kanya ang natitirang kamag-anak niya” sabi ni Haring Narra na tumingin sila kay Jasmine. “Hindi!” sabi bigla ni manang Zoraida “hindi ko gagamitin si Jasmine para tulongan nila tayo” dagdag ni manang Zoraida. “Zora, ito lang ang paraan para pakinggan nila tayo” sabi ni Haring Narra.

“Binilin siya sa akin ng mga magulang niya bago sila namatay kaya responsibilidad ko si Jasmine” sabi ni manang sa kanila “Zoraida hindi ito ang tamang oras para..” pinutol ni manag si Ingkong Romolo “walang oras o panahon Romolo basta hindi ko ibibigay si Jasmine kay Helius” sabi ni manang sa kanya. “Hindi naman natin ibibigay si Jasmine kay Helius, Zoraida” sabi ni Haring Narra “kahit na, ayaw kong magkaroon siya ng ugnayan sa engkantong yun!” sabi ni manang sa kanila na natahimik nalang silang dalawa. “Alam ko ang buong kwento sa likod nito Zora, alam kong matagal narin ang panahong lumipas siguro naiintindihan na ito ni Helius” sabi ni Haring Narra.

“Kung naiintindihan na niya ito, bakit nasa mundo parin ng mga mortal si Jasmine? Sabihin mo sa akin Narra” sabi ni manang sa kanya “nay” sabi ni Jasmine na humawak siya sa balikat ni manang Zoraida. “Inalagaan ko ng mabuti ang batang ito” sabi ni manang sa kanila “nay, ok lang po nasa ganitong sitwasyon na tayo alam kong makakatulong sila sa atin, siya sa atin” sabi ni Jasmine sa kanya. “Pero anak, ayaw kong..” “alam ko nay, kailangan natin sila” sabi ni Jasmine sa kanya na nagyakapan silang dalawa “ate, alam ko ang buong gusali kahit papaano tutulong din ako” sabi ng kapatid ko sa akin. “Kung ganun, kikilos na tayo bago pa nila magawa ang ritwal na binabalak nila” sabi ni Haring Narra.

Nakabalik na sina Lorenzo at mga tauhan niya at pinresenta na nila kay Olivia ang Aklat ng Dilim “magaling, magaling Lorenzo” sabi ni Olivia nung kinuha niya ang Aklat ng Dilim sa kanya at natutuwa itong niyakap ang aklat. “Ngayong nakuha mo na ang aklat pwede mo na kaming palayain, Olivia” sabi ni Lorenzo sa kanya “palayain? HAHAHAHAHA” natawa lang ang Reyna ng mga aswang na nagkatinginan ang mga Bailan. “Bakit ko kayo palalayain kung nagagawa niyo ang hindi nagagawa ng mga tauhan ko, hindi Lorenzo kayo ang magiging tulay sa pagbalik ko sa kapangyarihan” sabi ni Olivia sa kanya.

“Ibig sabihin nito magiging alipin mo kami habang kami ay nabubuhay?” tanong ni Lorenzo na tumalikod ang Reyna “oo, hahaha” natatawang sagot nito na biglang hinugot ng mga Bailan ang espada nila at inatake si Olivia. “HALIMAW!” sigaw nila na bigla nalang silang napahinto nung humarap sa kanila si Olivia at tinaas ang kamay nito “nakakalimutan niyo na ata na kontrolado ko kayo” sabi nito sa kanila. Biglang umilaw ang marka sa dibdib nila at lahat sila napatumba sa sahig at nakaramdam ng pagkapaso dahil nagbabaga ito “AAAAHHHH!!!” nagsigawan silang lahat habang gumugulong sa sahig. “WAG NA WAG NIYONG UULITIN ITO!” sigaw ni Olivia sa kanila na iniwan na sila nito at doon lang nawala ang nakakapasong sensasyon na naramdaman nila.

Unang tumayo si Lorenzo na hinihingal ito at tumayo narin ang mga tauhan niya “Lorenzo…. haahh.. kailangan nating… makatakas sa kamay niya..” sabi ng tauhan niya “alam ko… wag..wag kayong mag-alala… makakahanap din tayo ng paraan…” sabi ni Lorenzo sa kanila. “Julian… anak… sana matulongan mo kami” sabi niya sa isipan niya na naglakad na sila at sumunod kay Olivia sa pinakababang parte ng building at doon nakita nila ang nakalinya ng mga Bailan na ginising ni Olivia. “Amang bathala, tulongan niyo po kami” sabi ng isang tauhan niya nung nakita niya ang mga Bailan na nakasuot na itong pandigma.

“Ano ang plano natin?” tanong ko sa kanila na nagtitipon kami sa malaking dining hall ni Haring Narra “nagpadala na ako ng sulat sa mga kasamahan naming mga Lobo sa iba’t-ibang lugar” balita sa amin ni Ingkong Romolo. “Darating na sila bukas ng tanghali” balita ni Dante sa amin na nakabalot ang isang braso nito habang naka bandahe naman ang ulo niya “matindi talaga ang mga Bailan na yun” sabi niya. “Kaya kailangan natin ng tulong ng buong angkan ng mga Lobo” sabi ni Ingkong Romolo “nagpdala narin ako ng sulat kay Haring Helius para ihingi ang tulong nila” sabi ni Haring Narra “Narra” tawag siya ni manang “alam ko Zora, hindi ko nilagay ang pangalan niya” sagot ni Haring Narra sa kanya.

“Elizabeth, ikwento mo na sa kanila ang nalalaman mo” sabi ko sa kapatid ko na nakaupo ito sa tabi ko at tumayo na siya kaya naupo na ang lahat at nakinig sa kanya. “Limang araw simula ngayon ay me malaking magaganap sa gusali namin” pasimula ni Elizabeth “dahil sa gabing yan mangyayari ang full lunar eclpise na pinakahihintay ni Olivia” dagdag niya. “Ano ba ang binabalak nila?” tanong ni Haring Narra “di ko alam kung ano pero ang narinig ko lang galing sa papa ay me bubuhayin silang Reyna” sagot ng kapatid ko “teka, sinong Reyna?” takang tanong ni Ingkong Romolo “ang nauna daw sa kanila” sagot ng kapatid ko na napatigil silang lahat nung sinabi niya ito.

“Teka… ibig sabihin nito si..” putol ni Dante na tumayo si Haring Narra at tinawag ang isang tauhan niya na me inutos siya nito at mabilis itong umalis “imposible ang iniisip nila” sabi ni Ingkong Romolo “sino ho ba ang tinutukoy niyo?” tanong ko sa kanila. “Si Hilda” sagot ni manang Zoraida na bumalik na yung tauhan ni Haring Narra at me binigay ito sa kanya “si Hilda ay ang unang Reyna ng mga aswang” paliwanag ni Haring Narra na me nilagay siya sa gitna ng mesa at biglang lumiwanag ito at me imaheng lumabas mula nito. “Isa siya sa pinakaunang nilalang na nabuhay dito sa mundo” sabi ni Haring Narra “si Inang Gaia ng Kalikasan, si Reyna Liwayway ng mga Engkanto, si Reyna Lucille ng mga Bampira, si Reyna Luna ng Lobo at si Hilda ng mga Aswang” sabi ni Haring Narra.

“Silang lima ang unang nilalang sa mga angkan namin at sa kanila nagsimula ang lahat ng ito, kung balak buhayin ni Olivia si Hilda hindi lang pala ang bansang ito ang nanganganib, kundi buong mundo” sabi ni Haring Narra. “Noon paman hindi na nila gusto ang takbo ng iniisip ni Hilda kaya sa tuwing nagtitipon sila hindi nila sinasali si Hilda” sabi ni Ingkong Romolo “kaya siguro ito ang dahilan kaya siya nagrebelde” sabi ng kapatid ko. “Hindi, balak kasing mamuno ni Hilda noon, ang totoo niyan silang lima ay magkakapatid” sabi ni Haring Narra na kinagulat naming dalawa ng kapatid ko. “Kung magkakapatid sila, ibig sabihin nito meron pang mas mataas sa kanila?” tanong ko “oo, at yun ang kinatatayoan nating lahat” sabi ni Haring Narra.

“Ang mundo ang nagluwal sa kanilang lima, binigyan sila ng tig-iisang bahagi dito sa mundo pero gusto ni Hilda ang mamuno sa lahat” kwento ni Ingkong Romolo “muntikan ng mamuno ni Hilda noon buti nalang nagbuo ng hukbong ang apat na magkakapatid laban sa kanya at napigilan nila ito” kwento sa amin ni Haring Narra. “Nilagay nila sa dilim si Hilda at sa dilim na ito nagsimulang mabuhay ang mga aswang na binayayaan niya ng kapangyarihan niya dito sa mundo” dagdag niya. “Sa araw ding yun nabuo ang angkan ng mga Lobo pati narin ang ibang mga lahi” sabi ni Ingkong Romolo “masaya na sana ang lahat pero sa katigasan ng ulo niyo, binuhay niyo uli ang gyerang yun” sabi bigla ni Haring Helius na naglalakad ito palapit sa mesa. “Helius.. dumating kana pala” gulat na sabi ni Haring Narra.

“Oo, at narinig ko ang lahat ng pinag-uusapan niyo. Hindi ba sabi ko sa inyo noon na kalimutan niyo na ang mga aswang kagaya ng paglimot ng mga ninuno natin” sabi ni Haring Helius. “Hindi maari Helius, iba na ang mundo ngayon” sabi ni Ingkong Romolo “oo, alam ko na iba na ang mundo, me mga makabagong teknolohiya na, pero di ba nag-umpisa ito nung panahon pa natin?” tanong ni Haring Helius sa kanila. “Alam namin na nag-umpisa ito sa panahon natin kaya kailangan natin itong ayosin at ituwid” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya na parang me naamoy si Haring Helius at sabing “naiintindihan ko noon na dinala ni Lucia ang mortal sa pagpupulong pero sa mismong palasyo mo Narra?” sabi niya na lumingon siya sa amin ni Elizabeth.

“Eh ano ngayon kung nandito kami, ha?” tumayo ako at tiningnan ko siya na kita kong nagulat ito nung tumingin ito sa akin “… sino ang babaeng ito..” tanong ni Haring Helius “Isa siyang mortal, siya si Isabella at ang kapatid niyang si Elizabeth” pakilala sa amin ni Haring Narra. “Ano ang problema mo sa kanila, Helius?” tanong ni Ingkong Romolo sa kanya “wala… me naalala lang ako” sabi niya na tinawag nito ang tauhan niya at me binulong siya nito at tumango ang tauhan niya sabay alis nito. “Bakit Helius?” tanong ni manang Zoraida sa kanya “ang mangkukulam ni Lucia, nandito ka din pala” sabi ni Haring Helius na napatingin siya kay Jasmine na agad naman nagtago ang dalaga sa likod ni manang.

“Alam ko ang lahat” sabi ni Haring Helius sa kanila “wag kana magtago sa likod niya Jasmine” sabi niya “wala kang karapatan sa kanya, Helius” sabi ni manang sa kanya “meron Zoraida, dahil ako ang lolo niya” sagot ni Haring Helius. “NGAYON AANGKININ MO SIYA?! MATAPOS MONG IPAGTABUYAN ANG INA NIYANG SI MARIA?!” sigaw ni manang sa kanya “Zora, huminahon ka” sabi ni Haring Narra sa kanya. “Hindi, hindi niyo kasi naiintindihan ang pinagdaanan ng batang ito” sabi ni manang sa kanya “Zoraida, nagpapasalamat ako na kinupkop mo ang apo ko pero..” “pero ano? ano ha?! kukunin mo siya sa akin?” tanong ni manang sa kanya “wala kang karapatan sa kanya” sabi ni Haring Helius.

“Dahil sa akin binilin ni Maria si Jasmine, kaya wag na wag mong sasabihin sa akin na wala akong karapatan dahil me mas karapatan pa ako kesa sayo!” sabi ni manang sa kanya. “Nagkamali ako noon, hindi ako dapat humosga nung nagmahal ng mortal ang anak ko” sabi ni Haring Helius “huli kana, hindi na matatanggap ng anak mo ang pagsisisi mo dahil wala na siya” sabi ni manang sa kanya. “Alam ko, kaya babawi ako sa anak niya” sabi ni Haring Helius na lumapit si Haring Narra kay manang at hinawakan siya nito sa balikat “Zora, hayaan mong si Jasmine ang magdesisyon sa puntong ito” sabi ni Haring Narra sa kanya.

“Jasmine, ikaw lang ang makakapagdesisyon sa kinabukasan mo” sabi ni Haring Narra sa kanya “anak..” tawag ni manang sa kanya “nay, ok lang po ako” sagot ni Jasmine sa kanya na lumabas siya sa likod ni manang at humarap kay Haring Helius. “Alam niyo bang namatay ang nanay ko dahil sinalakay kami ng mga aswang” sabi ni Jasmine sa Hari ng mga Engkanto “alam ko, ikinalulungkot ko ang nangyari kung…” “wag” sabi ni Jasmine sa kanya “wag kayong magsalita na naiintindihan niyo ang lahat” sabi ni Jasmine sa kanya. “Apo, patawarin mo ako” sabi ni Haring Helius “hindi kayo dapat humingi ng tawad sa akin, sa nanay at tatay ko po dahil sa kanila kayo nagkasala” sabi ni Jasmine sa kanya.

“Alam mong wala na sila” sabi ni Haring Helius sa kanya “kaya po, wala na sila” sabi ni Jasmine sa kanya na kita kong titig na titig si Jasmine sa kanya “apo ko, patawarin mo ako sa ginawa ko sa nanay at tatay mo” sabi ni Haring Helius sa kanya. “Kung gusto niyo po talagang patawarin ko kayo, gawin niyo nalang po ang nararapat” sabi ni Jasmine sa kanya na napatingin si Haring Helius sa dalawang Hari na napangiti sa kanya. “Kung yun ang kagustohan mo apo” sabi ni Haring Helius na naglakad ito papunta sa terrace at tumayo ito sa gilid “sapat na ba ito, apo?” tanong niya na pumunta kaming lahat sa terrace at nakita namin ang maraming engkanto na nakapila sa labas ng palasyo.

Napatingin silang lahat sa amin at bigla niyuko nilang lahat ang ulo nila at pagkatapos tinaas nila ang mga sandata nila at sabay sigaw na “MABUHAY ANG PRINSESA NG MGA ENGKANTO!”. Napatingin si Jasmine sa lolo niya “umpisa ito” sabi ni Jasmine na napangiti si Haring Helius “haayy.. sa ganitong paraan lang pala mapapayag si Helius noon pa sana natin ginawa ito” sabi ni Ingkong Romolo na siniko siya ni manang Zoraida. Bumalik kami sa loob at ginuhit namin ni Elizabeth ang area ng gusali namin at mga posibilidad na pwede naming daanan “me apat na kanto pala ito na pwede nating magami” sabi ni Ingkong Romolo.

“Oo, ang mga kantong ito ay pwedeng maging entrance at exit ng gusaling yun dahil merong mga gates ang mga ito sa apat na kanto” paliwanag ko sa kanila. “Tatlong hukbong meron tayo, ang mga Lobo sa kanan, ang Engkanto ang sa kaliwa at pwede kami sa pangatlong kanto” sabi ni Haring Narra. “Hmmm.. maganda sana kung me pang apat tayo para magbantay sa ika apat na kanto” sabi ni Haring Helius na lumingon sila kay manang Zoraida. “Bakit?” tanong niya “Zora, wala ka na bang balita sa iba pang mga bampira dito sa bansa?” tanong ni Haring Narra sa kanya na nag-isip si manang Zoraida ng sandali “merong tumiwalag na grupo noon sa palasyo, ang grupo ni Benson” sabi ni manang.

“Me balita ka pa ba sa kanya?” tanong ni Ingkong Romolo “wala, noong gabing umalis sila sa palasyo ay yung gabing nagkaroon sila ng hidwaan ni Lorenzo” sabi ni manang sa kanila. “Bakit ano ang nangyari?” tanong ko “di nagustohan ni Benson ang pagdala ni Lorenzo sa mga bampira, para daw kasing naging nakakatawa para sa kanya na ang dating mabangis na angkan ay naging mahina na ito at maunawain” paliwanag niya. “Hindi ba niya alam na si Lucia mismo ang nag-utos nun?” tanong ni Haring Narra “hindi ko lang alam, ang pagkakaalam ko naglaban sila ni Lorenzo noon at muntik pa siyang mapatay ni Lorenzo sa ginawa niyang pagrebelde” kwento sa amin ni manang.

“Hmmm.. naiisip niyo ba ang naiisip ko?” tanong ni Haring Helius sa amin “hahaha” natawa nalang si Ingkong Romolo sa kanya “ikaw talaga Helius pagdating sa ganitong bagay mabilis ka talaga” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya. “Me paraan na tayo para lumapit sa atin at sumapi sa atin si Benson” sabi ni Haring Helius “dahil kay Lorenzo?” tanong ni manang “tumpak!” sabay sabi ni Haring Helius at Ingkong Romolo. “Kailangan nalang natin hanapin sila kung nasaan sila ngayon” sabi ni Haring Narra “sa palasyo, baka me mahanap akong paraan para ma kontak ko siya” sabi ni manang Zoraida “sige, samahan na kita manang” sabi ko sa kanya “sasama din ako sis” sabi ng kapatid ko. “Sige dahil me kukunin din ako doon” sabi ni manang Zoraida.

Nadaanan namin ang maraming sundalo ng Engkanto at ng mga Lobo na binigyan pa kami ng daan nung sumakay kami ng kabayo papunta sa palasyo ni Reyna Lucia “sasamahan kayo ng mga tauhan ko, Zoraida” sabi ni Ingkong Romolo sa amin. “Salamat Romolo” sabi ni manang na nagpaalam na kami sa kanila at umalis na kami na nasa gilid lang namin ang mga Lobo nung nasa daan na kami. “Manang, malayo ba dito ang palasyo?” tanong ko sa kanya nung nasa daan na kami “medjo, pero me mabilis kaming daanan para makarating agad tayo sa palasyo ni Reyna Lucia” sabi niya sa amin na lumiko kami papunta sa makapal na gubat na kusa itong bumukas sa amin at pumasok kami sa loob.

Makalipas ang ilang sandali nakita na namin ang dulo ng gubat at pagkalabas namin nakita namin ang malaking palasyo ni Reyna Lucia at ang kagandahan ng lugar dahil malapit lang ito sa dagat. “Ate!” tawag sa akin ng kapatid ko at tinuro ang palubog na araw “ang ganda sis!” sabi ko sa kanya na kita kong napangiti ang kapatid ko at nakatingin lang doon. Pumasok kami sa nakabukas na gate ng kaharian at huminto kami sa harapan ng malaking pintoan ng palasyo. “Magbabantay kami dito sa labas, Zoraida” sabi nung isang Lobo “sige, mabilis lang din kami sa loob” sabi ni manang sa kanya na agad umalis ang anim na Lobo para magbantay sa paligid at pumasok na kaming tatlo sa loob.

“Manang saan ho ba nakatira si Julian dito?” tanong ko sa kanya “nasa likod ng palasyo, doon siya pinatira ng Reyna” sagot niya “bakit hindi dito sa loob?” tanong ng kapatid ko. “Haayyy.. sumama kayo sa akin” sabi ni manang sa amin na sumunod kami sa kanya sa pangatlong palapag at huminto kami sa isang pinto sa pinakadulo ng hallway. “Dito dati natutulog si Julian” sabi ni manang na binuksan niya ang pinto at nakita namin ang makarang kama at me lumang aparador sa loob at maraming lumang laroan sa tukador nito. “Wow, ang ganda ng kwartong ito” sabi ni Elizabeth “dito dati natutulog si Julian pero inilipat siya ni Reyna Lucia sa kubong yan” turo ni manang sa me bintana.

“Ang liit niyan kumpara dito” sabi ni Elizabeth “siya lang kasi mag-isa dyan at me dahilan ang Reyna kaya niya ito ginawa” sabi ni manang “ano ang dahilan?” tanong ko “si Morietta” sagot ni manang na natawa lang ito. “Yung, magandang bampira na sumusunod lagi kay Julian?” tanong ko “oo, me gusto kay Julian yun eh at nabanggit pa niya sa amin noon na tinadhana daw silang dalawa at nagpaalam na siya kay Lorenzo” kwento ni manang. “Hehehe muntik palang pikutin nung Morietta si Julian?” natatawang tanong ng kapatid ko “oo, naabutan kasi isang beses ni Reyna Lucia si Morietta na dumaan sa bintana at muntik ng sunggaban si Julian habang natutulog ito” kwento niya.

“Eh, dun sa kubong tinirhan niya?” tanong ng kapatid ko “nilagyan yan ng ritwal ni Reyna Lucia na siya lang si Julian at si Guillermo ang pwedeng pumasok sa loob” kwento ni manang na natawa nalang kaming dalawa ng kapatid ko. “Bakit hindi niya nilagyan ang kwartong ito?” tanong ko “hindi pwede, kasi kung lalagyan niya ang kwartong ito kakalat kasi yun sa buong palasyon dahil konektado ito” paliwanag ni manang. “Hali kayo, doon tayo sa dati kong silid” yaya sa amin ni manang na sumunod lang kami sa kanya “ang laki talaga ng palasyong ito” sabi ng kapatid ko na tumayo bigla ang balahibo ko nung makita ko ang malaking painting sa pader ng hallway.

“Manang, sino ho ba siya?” tanong ko “siya si Haring Voltaire ang lolo ni Reyna Lucia” pakilala niya “kahit matanda me dating pa din” sabi ng kapatid ko na kinurot ko siya sa tagiliran na tumawa lang ito. “Magmadali tayo malapit ng lulubog ang araw” sabi sa amin ni manang kaya nagmamadali kaming pumunta sa kwarto niya “ano ho ba ang hinahanap mo manang?” tanong ng kapatid ko “maliit na libro na kulay itim” sabi ni manang. Tinulongan namin siyang hanapin ito at maya-maya lang ay nahanap ito ng kapatid ko “manang!” tawag niya na inabot niya ang maliit na libro at agad itong binuksan ni manang at me hinanap ito.

“Heto!” sabi niya na lumapit kami sa kanya at tiningnan namin ito at nung binasa namin ito wala kaming naiintindihan “tara” yaya sa amin ni manang na sumunod lang kami sa kanya at bumaba kami sa ground floor at pumasok sa isang silid. Me salamin ito sa loob at tumayo sa harap si manang at binasa ang nakasulat sa maliit na libro “sis, ang gara ng damit oh” turo ng kapatid ko sa damit na nakabitay lang sa aparado. Maya-maya lang ay biglang lumiwanag ang salamin at biglang me nakita kaming tao na nakatayo sa loob nito “Zoraida” tawag nito sa kanya “Benson, kay tagal ng panahon hindi tayo nagkita” sabi ni manang sa kanya.

“Hahaha.. matagal na nga, Zoraida ano ang kailangan mo sa akin?” tanong niya “alam mong me gulong nangyayari ngayon, hindi ba?” tanong ni manang sa kanya na biglang tumingin sa amin si Benson. “Tila me mga dalaga ka atang kasama dyan, Zoraida” sabi ni Benson “mga kaibigan ko” sagot ni manang “kaibigan o regalo mo yan sa akin?” nakangiting sabi ni Benson na biglang sinundot ni manang ang salamin at nakita nalang namin na napahawak sa noo si Benson. “Manang… hindi ka naman ma biro, alam mo naman na sinusunod parin namin ang utos ng Reyna” sabi ni Benson “mabuti kung ganun” sagot ni manang.

“Tungkol sa tinutukoy mo, pasensya na Zoraida nananahimik na kami, ayaw na naming sumali pa sa gulo” sabi ni Benson “kayo lang ang alam kong natitirang angkan ng bampira na maaaring tumulong sa amin” sabi ni manang. “Patawarin mo ako Zoraida, pero simula nung nawala na ang Reyna pinutol na namin ang koneksyon namin sa ibang mga lahi” sabi ni Benson “kahit man lang sa ngalan ni Reyna Lucia ikaw ang tatayo sa angkan ng mga bampira” kumbinsi ni manang. “Patawad talaga Zoraida, teka, nasaan ba ang batang Bailan yung anak ni Lorenzo? Hindi ba siya ang binigyan ng kapangyarihan ni Reyna Lucia? Bakit hindi siya ang tumayong representante ng mga bampira?” tanong ni Benson.

“Sa ngayon, hindi namin alam kung nasaan si Julian at tungkol sa kapangyarihan” putol ni manang “nawala?” tanong ni Benson “..oo” sagot ni manang na akala namin tatawa ito pero “natural lang yan Zoraida” sabi bigla ni Benson na kinagulat naming tatlo. “Ano.. ano ang natural lang, Benson?” tanong ni manang sa kanya “ginamit niya ang kapangyarihan ni Luthero no?” tanong ni Benson “o..oo… teka bakit mo alam?” takang tanong ni manang. “Matagal ko din silang nakasama Zoraida kaya alam ko, yung kapangyarihan ni Luthero na nag-aalis ng masamang espiritu sa katawan ng sinuman ay bumabalik din ito sa kanya” paliwanag ni Benson.

“Ano ang ibig mong sabihin na bumabalik ito sa kanya?” tanong ni manang “kung baga mag back-fire ito kay Luthero, ginawa na niya ito noon sa isang bata doon sa barrio malapit sa kaharian ni Reyna Lucia, akala nga namin nawala na ang pagiging bampira ni Luthero pero pansamanatala lang pala ito” kwento ni Benson. “Ibig sabihin nito babalik ang kapangyarihan ni Julian?” tanong ko agad “oo, pero kailangan niya ng jump start!” sagot ni Benson “anong, jump start?” tanong ko “hahahaha pasensya na, nakuha ko ang mga lengwaheng ito sa pagtira namin ng matagal kasama ang mga mortal” natatawang sabi ni Benson.

“Ganito yan, si Luthero ay hindi ipinanganak na bampira, nakagat lang siya noon kaya naging bampira siya” paliwanag ni Benson “ang nagpabalik lang sa kanya sa pagiging bampira ay ang mismong sugat niya noon sa leeg” tuloy niya. “Hindi bampira si Julian nung ipinanganak siya, hindi rin siya nakagat, naging bampira lang siya dahil sa mga kaluluwa ng mga bampirang pumasok sa kanya” sabi ni manang sa kanya. “Hmm.. hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dyan Zoraida, basta ang maipapayo ko lang ay hanapin niya ang connection niya sa kanila, yun lang ang masasabi ko” sabi ni Benson sa kanya.

“Patawad Zoraida, nananahimik na ang pamilya ko kung me darating mang dilim sa bansa o sa mundo mas gugustohin kong kasama ang pamilya ko kesa malayo sa kanila” sabi ni Benson kay manang na kita kong nalungkot nalang siya. “Salamat sa payo mo Benson, nga pala binuhay muli nila ang mga Bailan” sabi ni manang na nakita naming napatayo nalang bigla ang ulo ni Benson at natulala ito ng sandali. “Zoraida, payong kaibigan, huwag kang sumali sa gulong ito alam kong kilala mo si Lorenzo pero kung binuhay muli sila gamit ang kapangyarihan ng aswang, walang sino man kahit sino sa mga ibang lahi ang makakapagpigil sa kanila” sabi ni Benson sa kanya.

“Bakit mo nasabi yan?” tanong ni manang “dahil ako mismo nasaksihan ko ang nangyari sa kanila noon bago sila naubos” sabi ni Benson na kinagulat ni manang “a… alam mo?” tanong niya “oo, nagmasid ako dahil nung nalaman kong bumalik na muli sa Kuro si Lorenzo pupuntahan ko sana siya para makipag-ayos” kwento ni Benson. “Pero nung malapit na ako at ng mga kasamahan ko sa Kuro me bigla nalang kaming narinig na putok ng mga kanyon at ingay ng mga espada” kwento niya. “Sa malayo kami pumwesto at nakita namin ang hindi ko mabilang na aswang ang sumalakay sa Kuro at hindi kapanipaniwala ang ginawa ng mga Bailan sa kanila dahil sa dami ng aswang na umatake nabibilang nalang namin ang hindi umabot sa isang daan ang umalis kasama ang mga sundalong kastila nunng natapos na sila” kwento ni Benson sa amin.

“Ganun ka galing ang mga Bailan?” tanong ng kapatid ko “oo, kaya payo ko sa inyo kung aswang lang hindi ako magbibigay ng babala sa inyo pero kung Bailan, huwag na kayong tumuloy” sabi ni Benson sa amin na makikita sa mata niya ang takot. “Naalala ko pa noon nung naglaban kami ni Lorenzo sa palasyo ni Reyna Lucia, kilala ako sa pagiging matapang at magaling pagdating sa labanan” kwento ni Benson “pero doon ko lang naramdaman ang takot nung muntikan na akong mapatay ni Lorenzo, maamo ang mukha ng taong yun pero kung titigan mo siya sa mata makikita mo ang bangis na kaluluwa niya” kwento ni Benson. “Kaya Zoraida, habang me oras ka pa lumayo kana huwag kana sumali pa sa gyerang ito” sabi ni Benson.

“Maraming salamat sa payo mo Benson pero hindi ko hahayaang gagamitin ng mga aswang ang kaibigan ko lalong-lalo na ang angkan niya” sabi ni manang sa kanya na ngumiti lang si Benson. “Iparating mo sa kanila ang paumanhin ko, Zoraida” sabi ni Benson kay manang na niyuko niya ang ulo niya kay manang at sa amin at maya-maya lang ay nawala na si Benson sa salamin. “Haayyy… Lorenzo” sabi ni manang na nilapitan namin siya at hinawakan namin siya sa balikat “makakahanap din tayo ng paraan manang” sabi ko sa kanya “sana nga Isabella, Elizabeth” sabi ni manang sa amin. Lumabas na kami ng silid at naglakad na kami palabas ng palasyo ng biglang me naalala si manang kaya dinala niya kami sa taas sa silid mismo ni Reyna Lucia.

“Ano ang gagawin natin dito?” tanong ni Elizabeth sa kanya “dyan lang kayo me hahanapin lang ako dito” sabi ni manang sa amin na nakatayo lang kami sa gitna ng kwarto at tumingin sa paligid. “Ang gara nung damit ate” sabi ni Elizabeth nung nakita niya ang damit na nakabitin sa gilid ng aparador “ah damit yan ni Reyna Lucia, sinuot niya noon yan nung kokoronahan na sana ang papa niya” kwento ni manang sa amin. “Nahanap ko na” sabi ni manang na lumapit ito sa amin at binigyan kami ng tig-iisang kwentas “ano ito manang?” tanong ko sa kanya “amulet yan” sabi ni manang na tiningnan ko ito ng mabuti at me naka engraved na pyramid at sa gitna nito me mata at sa likod naman me nakasulat.

“Deflectorul intu-ne-ca-te” basa ng kapatid ko “deflectorul intunecate, ibig sabihin niyan panangga sa dilim” paliwanag ni manang sa amin “kay Reyna Lucia ba ito?” tanong ko “oo, yang hawak ni Elizabeth kay Lorenzo yan at yang sa’yo kay Julian” kwento niya. “Sa mag-ama ito?” gulat na tanong ng kapatid ko “oo, noong nandito pa sila sumasama kasi sila sa pagroronda sa border ng kaharian kaya sinsuot nila yan sa tuwing lumalabas sila” kwento ni manang sa amin. Biglang me narinig kami sa labas at bumukas ang pinto at dumungaw ang isang Lobo “Zoraida, patawad kung na istorbo ko kayo” sabi nito “walang anuman yun Lizaro” sagot ni manang “pasensya na pero kailangan na nating bumalik” sabi nito.

“Sandali nalang me kukunin lang kami” sabi ni manang sa kanya “sige, hihintayin namin kayo sa labas” sabi ni Lizaro “salamat” sabi ni manang at umalis na si Lizaro at iniwan kami sa loob “me kukunin pa tayo?” tanong ng kapatid ko. “Oo, hindi ko kayo hahayaang pumunta sa gyera na walang gamit” sabi ni manang sa amin na sumunod kami sa kanya pbaba sa armory nila at nakita namin ang maraming armas na naiwan ng mga bampira. “Ang dami nito” sabi ko na napamangha ako sa mga gamit nila “ate, kasya sa akin ito” sabi ni Elizabeth na sinuot nito ang armor at tama nga siya kasya nga sa kanya ito. “Isabella, halika” yaya sa akin ni manang an sumunod ako sa kanya “ito ang isuot mo” sabi niya sa akin na binuksan niya ang isang aparador at nakita ko ang itim na armor sa loob nito.

“Kaninong armor ito, manang?” tanong ko sa kanya na kinuha niya ito at binigay sa akin “isuot mo” sabi niya na hinubad ko ang jacket ko at sinuot ang armor na bigay ni manang na napatingin sa akin ang kapatid ko at napangiti ito. “Bagay sa’yo ate” sabi niya “talaga?” tanong ko na wala akong makitang salamin sa paligid “manang, kaninong armor ba ito?” tanong ko sa kanya “regalo dapat yan kay Lala ang nanay ni Julian” sabi ni manang sa akin. “Talaga ho?” gulat na tanong ko “oo, ibibigay dapat namin yan sa araw ng kapanganakamn ni Julian, offering namin sa nanay niya para magamit ni Lala para maprotektahan niya si Julian ng maayos” kwento ni manang.

“Wala bang gamit gaya nito ang mga Bailan?” tanong ng kapatid ko “wala, mga baliw kasi yun” natatawang sabi ni manang “bakit baliw?” takang tanong ko “mas gugustohin pa nilang maghubad kesa mag suot ng ano mang proteksyon sa katawan” natatawang kwento ni manang. “Hubo’t-hubad?” natatawang tanong ng kapatid ko “hahaha isang beses ko lang naman siya nakitang hubad nung maliit pa kami ni Lorenzo” nakita naming parang nagblush si manang. “Manang Zoraida!” tawag ko sa kanya na natawa nalang kaming tatlo at narinig namin na umingay ang pinto kaya napatingin kami dun “Zoraida, palubog na ang araw” paalala sa amin “pasensya na, sige nakuha na namin ang kailangan namin” sabi ni manang sa kanya at lumabas na kami ng palasyo at sumakay sa mga kabayo namin.

“Magmadali tayo, nagpadala ng babala si Haring Narra na me namataan silang mga taong umaaligid sa gubat niya” balita sa amin ni Lizaro kaya pala ito parang balisa at gusto na niya kaming bumalik. “Pasensya na kung natagalan kami” sabi ni manang sa kanya at umalis na kami ng palasyo, habang nasa daan di ko maiwasang tingnan ang sarili ko habang suot ang armor na dapat sa nanay ni Julian. “Ate, tingnan mo naman ang daan baka mabangga ka” nakangiting sabi ni Elizabeth sa akin na nahiya ako at napangiti narin “wag kayong magkulitan at magmadali tayo, lulubog na ang araw marami pa tayong gagawin pagdating natin sa palasyo ni Narra” sabi sa amin ni manang “opo” sabay naming sabi ng kapatid ko at binilisan namin ang pagtakbo ng mga kabayo namin.

Habang sa Isla nagpapahinga na si Julian pagkatapos ang buong araw ng pag-eensayo niya na binigyan siya ng pagkain ng matanda “matagal-tagal narin akong di nakakain” sabi ni Julian sa kanya “kumain ka kahit hindi na pamilyar sa’yo ang panlasa” sabi ng matanda sa kanya. Sumubo ng pagkain si Julian at nginuya niya ito na parang bata itong nilasahan ang pagkaing binigay ng matanda sa kanya. “Hindi ho ba kayo kakain?” tanong niya sa matanda “hindi, isa nalang akong espiritu” sagot ng matanda sa kanya “teka, saan galing ang pagkain na ito kung..” takang tanong ni Julian “wag kana magtanong, basta kumain ka nalang para bumalik na ang lakas mo para bukas” sabi ng matanda sa kanya kaya tinuloy nalang niya ang pagkain niya.

“Kanina, narinig ko kayong binanggit ang panagalan ni Una” sabi ni Julian sa kanya na napatingin sa kanya ang matanda “sino ho ba talaga si Una?” tanong ni Julian na inayos ng matanda ang kahoy at lumiwanag lalo ang apoy sa pagitan nilang dalawa. “Una… siya ang unang naging pinuno ng Kuro, hindi lang yun siya ang pinakaunang Bailan” kwento ng matanda na napatigil sa pagsubo si Julian “unang Bailan?” tanong niya. “Oo, walang nakakaalam kung saan siya nanggaling basta nalang siya sumulpot sa gubat ng limang magkakapatid na espiritu” kwento ng matanda “limang magkakapatid?” tanong ni Julian.

“Oo, me limang magkakapatid na nakatira sa isang gubat, mga espiritu ng gubat na namumuno sa buong kagubatan noon” panimula ng matanda “si Gaia ng Kalikasan siya ang inatasang mamuno sa mga puno, halaman at mga pananim sa buong kapuloan, sa kanya nanggaling ang mga Taong Puno”. “Si Liwayway, ang espiritu ng dimensyon na inatasang humawak sa mga portal at ibang daanan na pwede kang maglakbay ng mabilis kahit gaano pa ito kalayo, sa kanya nanggaling ang mga Engkanto”. “Si Luna, ang espiritu ng buwan at hayop na siya ang inatasang magbigay liwanag sa gabi, sa kanya nanggaling ang mga Taong Lobo”. “Si Hilda, ang espritu ng dilim na nagbibigay balanse sa liwanag ni Luna at sa amang araw, sa kanya nanggaling ang mga Aswang” kwento ng matanda kay Julian.

“Sino naman po yung panglima?” tanong ni Julian “si Lucille, ang pinakabata sa kanila” sagot ng matanda “espiritu ho siya ng ano?” tanong ni Julian “hindi siya binigyan ng ano mang responsibilidad dahil nabalanse na ng apat niyang kapatid” kwento ng matanda. “Ibig sabihin parang pabigat nalang siya?” tanong ni Julian na tumawa ang matanda “hahahaha, hindi pa kasi niya alam kung ano talaga ang rason bakit siya niluwal sa mundong ito” kwento ng matanda. “Mahal siya ng mga kapatid niya at bunso din kasi kaya di nila ito binigyan ng ano mang responsibilidad at hayaan lang siyang magliwaliw at gawin ang gusto niya basta naaayun ito sa patakaran nila” kwento ng matanda.

“Silang lima lang noon sa gubat ni walang mortal o ano mang mga ibang lahi ang sumali sa kanila” kwento ng matanda “teka kung sila lang lima noon paano nabuhay ang mga ibang lahi?” tanong ni Julian. “Nangyari kasing nagkaroon sila ng hidwaan dahil narin kay Hilda na nakaramdam ng pagseselos sa nakababata nilang kapatid na si Lucille” kwento ng matanda. “Nagselos siya kay Lucille dahil wala itong responsibilidad?” tanong ni Julian “hindi, nagseselos siya sa relasyon ng kapatid niya sa isang mortal” kwento ng matanda “teka, sino namang napakamalas na mortal na ito ang pinagseselosan niya?” natatawang tanong ni Julian “si Una!” sagot ng matanda na napatigil nalang si Julian sa pagkain niya at natahimik ito.

“Aaahhh.. hehehe… si.. Una?” nahihiyang tanong ni Julian “oo, gaya ng sinabi ko, walang sino man sa ating mga Bailan ang nakakaalam kung saan naggaling si Una basta lang ito sumulpot sa gubat isang araw at doon niya nakilala si Lucille” kwento ng matanda. “Nung una hindi sila magkasundo dahil magkaiba nga silang dalawa pero kalaunan nung nakilala na nila ang isa’t-isa naging malapit na sila at naging sila na” kwento ng matanda. “Binaliwala lang ito ng mga kapatid ni Lucille pero lingid sa kaalaman nila lihim palang nagkakagusto si Hilda kay Una, noon kinaibigan siya ni Hilda at naging malapit ito kay Una pero ang atensyon niya na kay Lucille lang kaya ikinagalit ito ni Hilda” kwento ng matanda.

“Dahil sa selos ni Hilda hindi niya na kontrola ang kapangyarihan niya at bigla nalang nagmanifesto ang selos niya at doon lumabas ang itim na nilalang” kwento ng matanda na nagulat si Julian sa kinwento niya. “Dahil wala na sa isip ni Hilda ang lohikal at rasyonal hinayaan niya ang kapangyarihan niyang magwala at ang dating isa dumami na ito, sa takot ng mga kapatid niya binalak nilang kausapin si Hilda pero hindi na nila ito maabot” kwento ng matanda. “Dumami ang itim na nilalang na tinawag niyang Aswang at ginamit niya ito para atakihin sina Una at Lucille na ngayon ay masayang naglalakad sa gubat” kwento niya. “Dahil pala sa selos kaya nabuhay ang mga Aswang” sabi ni Julian na tumango naman ang matanda.

“Nalaman ni Gaia ang balak ni Hilda kaya wala siyang nagawa kundi buhayin ang mga punong nasa paligid nina Una at Lucille para bantayan sila at pigilan ang mga Aswang na pinadala ni Hilda” kwento ng matanda. “Naging alerto din si Luna nung nalaman niyang inaatake ng mga aswang ang mga hayop na nasa pangalaga niya at nakita niya kung paano ito patayin ng mga Aswang kaya tinawag niya ang limang asong kasama niya palagi, binigyan niya ito ng mga kapangyarihan para lumaban sa mga aswang at yung limang yun ang naging mga Taong Lobo” kwento ng matanda. “Wow, tapos ano pa po?” tanong ni Julian “si Liwayway naging alerto din ito at sa hiling narin ng dalawa niyang kapatid wala siyang nagawa kundi sumunod sa kanila pero hindi niya kayang pumunta sa dalawang lugar ng sabay kaya gamit ang kapangyarihan niya nagbuhay siya ng isang nilalang at binigyan din niya ito ng kakayahang magbukas ng portal” kwento ng matanda.

“Nag-abot ang apat na magkakapatid kasama si Una at pinigilan nila ang mga aswang na pinadala ni Hilda” kwento ng matanda “teka, parang me kulang ata” sabi ni Julian “ang mga Bampira?” tanong ng matanda “oo” sagot ni Julian. “Darating ako dyan” sabi ng matanda “marami pang pinadala si Hilda para salakayin si Una at si Lucille at dahil narin sa pagiging mortal ni Una siya ang mas lubhang nasugatan at unang natumba sa kanila” kwento ng matanda. “Akala ko ba ang unang Bailan ang pinakamagaling na mandirigma sa kasaysayan natin?” tanong ni Julian “oo, pero walang kakayahan si Una na tumagal di kagaya sa magkakapatid at sa mga nilalang na binuhay nila” sagot ng matanda.

“Nung nakita ni Lucille ang sinapit ng mahal niyang si Una agad niya itong tinulongan at binuhat si Una palipad sa ibabaw at dumapo sila sa pinakamataas na tuktok ng puno” kwento ng matanda. “Tapos ano pa po ang nangyari?” tanong ni Julian na tumigil na ito sa pagkain “dahil sa matinding sugat na dinanas ni Una sa kamay ng mga aswang walang ibang naisip si Lucille para iligtas si Una” kwento ng matanda. “Ano po?” tanong ni Julian “saktong palubog na yung araw, nanghihina na si Una at naririnig ni Lucille ang dahan-dahang humihina ang tibok ng puso ni Una kaya wala na siyang ibang maisip na paraan kundi gawin ang pinagbabawal sa kanya ng mga kapatid niya” kwento ng matanda. “Ang ano?” tanong ni Julian “ang ipasa ang kalahati ng kapangyarihan niya kay Una” sabi ng matanda “teka.. hindi.. ibig mong sabihin.. nagmula tayo sa….” “oo, si Una…. ang unang bampira ng kasaysayan” kwento ng matanda.

Chapter XXI: Soul Connection!

Napanganga si Julian at hindi makapaniwala sa narinig niya “u…unang bampira.. si…Una?!” gulat na tanong niya na natawa lang ang matanda sa kanya “hahaha nakakatawa ang mukha mo bata!” natatawang sabi ng matanda. “Na.. nakuha niyo pang tumawa na ang ninuno natin ay unang bampira?” sabi ni Julian sa kanya na tumigil sa kakatawa ang matanda at ngumiti ito “kalma lang bata, hindi pa ako tapos magkwento” sabi ng matanda sa kanya. “Nung naibigay na ni Lucille ang kalahating kapangyarihan niya kay Una bigla nalang lumiwanag ang katawan niya at lumakas muli siya” kwento ng matanda “tapos?” tanong ni Julian “doon sabay bumaba ang dalawa at sumali sa laban” kwento ng matanda.

“Pa konte nalang ang mga aswang nung sumulpot si Hilda at galit itong nakipaglaban sa kanila na hindi alam ng magkakapatid kung ano ang gagawin nila” kwento ng matanda “pero si Una, siya ang humarap kay Hilda gamit ang kapangyarihang binigay ni Lucille”. “Hindi nag-aksaya ng oras si Una at inatake agad niya si Hilda na galit itong nakipag-away sa kanya, isa lang ang pumapasok sa isipan ni Una ang protektahan ang babaeng mahal niya” kwento ng matanda na napangiti si Julian. “Nakita ni Lucille na hindi sapat ang kapangyarihan ni Una kaya sumali siya at silang dalawa ang humarap kay Hilda” kwento ng matanda. “Hindii gumawa ng paraan ang tatlo niyang kapatid para pigilan si Hilda?” tanong ni Julian.

“Dahil sa pagmamahal nila kay Hilda kaya hindi sila nakagalaw para pigilan ito na hindi hahantong sa iniiwasan nilang mangyari” sagot ng matanda “pero iba si Lucille, determinado siyang pigilan ang kapatid niya at sa tulong ni Una nasugpo nila ang balak ni Hilda” kwento ng matanda. “Napatay nila si Hilda?” tanong ni Julian na tumango ang matanda “pero bago pa man namatay si Hilda nag iwan ito ng sumpa sa dalawa na hinding-hindi magkakaroon ng katahimikan ang relasyon nila habang magkasama silang dalawa” kwento ng matanda. “Ang sumpang ito ang naging dahilan kaya naghiwalay sina Una at si Lucille at sa pangyayaring dinulot ng relasyon nilang dalawa nagpasyahan ng tatlong magkakapatid na ipaghiwalay silang dalawa” kwento ng matanda.

“Naghiwalay silang dalawa” sabi ni Julian “oo, pero nakiusap ang dalawa na huwag silang paghiwalayin pero wala silang nagawa dahil ito na ang naging pasya ng tatlo, gamit ang kapangyarihan ni Gaia binawi niya ang kapangyarihang binigay ni Lucille kay Una pero dahil narin siguro sa kagustohan ni Lucille tinirhan niya ng konte si Una”. “Bumalik sa pagiging mortal si Una?” tanong ni Julian “oo, pero hindi na siya isang ordinaryong mortal, ayaw ni Lucille na lumayo si Una kaya ang ginawa ng tatlong magkakapatid itinulak nila ang lupang kinatatayuan ng bahay ni Una at kasama siyang inilayo kay Lucille” kwento ng matanda.

“Ang galing ng kapangyarihan nila” sabi ni Julian na napangiti ang matanda “alam mo ba kung nasaan napunta ang lupang yun?” tanong ng matanda “saan?” tanong ni Julian na tumingin sa paligid ang matanda kaya napanganga si Julian “ang Islang ito?!” gulat na tanong ni Julian. Tumayo ang matanda at niyaya si Julian na sumama sa kanya kaya sumunod siya sa matanda papasok sa gubat at dinala siya nito sa gitna mismo ng Isla at pinakita sa kanya ang kubong tinirhan noon ni Una. “Dito tumira ng matagal na panahon si Una, siya lang ang mag-isa noon at dahil narin sa sumpang binigay ng tatlong magkakapatid sa kanya hindi siya makakaalis sa Islang ito” kwento ng matanda na pumasok sila sa loob ng kubo at nakita ni Julian ang mga gamit dati ni Una.

“Kung siya lang mag-isa dito, paano… paano tayo nagsimula?” tanong ni Julian “kagaya ng ginawa ng mga magkakapatid nakagawa din ng mga nilalang si Una at yun ang mga Bailan, alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng Bailan?” tanong ng matanda. “Hindi” sagot ni Julian “isinumpang nilalang” sagot ng matanda “kwento sa akin ni Hen. Guillermo na sabi ng ama kong si Lorenzo na ang ibig sabihin ng Bailan ay mandirigman mula sa araw” sabi ni Julian. “Tama din siya, pero yun talaga ang ibig sabihin nito dahil ang tatlong magkakaptid ang nagbigay nito kay Una, Bailan” kwento ng matanda na tumingin ito sa paligid na tila me naalala siya.

“Ano ang nangyari dun kay Lucille?” tanong ni Julian “sa kanya napunta ang responsibilidad dati ni Hilda na tinanggap niya itong kaparusahan sa nagawa niya, dahil sa lungkot niya isang gabi habang naglalakad ito sa tabing dagat nakita niya ang buhangin at sinimulan niya itong hugisin na parang tao” kwento ng matanda. “Naalala niya si Una at ang masayang pagsasmama nila noon nakaisip siya ng paraan para maibsan ang lungkot niya kaya binuhay niya ang mga ito na binahagian niya ito ng kapangyarihan niya… at doon nabuhay ang mga Bampira” kwento ng matanda kay Julian na napamangha ito sa nakaraan. “Kaya pala sa tuwing namamatay sila bigla nalang silang naging abo” sabi ni Julian “oo, bumabalik sila sa dati nilang anyo” sagot ng matanda.

“Nung binawi ni Gaia ang kapangyarihan na binigay ni Lucille kay Una ang nakuha lang niya ang dilim dahil pinigilan siya ni Lucille na bawiin itong lahat kay Una” kwento ng matanda “ang natirang kapangyarihan na yun ay siyang ipinasa ni Una sa ating mga Bailan”. “Ganun ho ba?” tanong ni Julian na tumango ang matanda “sumama ka sa akin” yaya ng matanda sa kanya na naglakad muli sila at dinala siya nito malapit sa isang kweba “sa tagal ng pag-iisa ni Una dito isinulat niya lahat ang naging buhay niya dito sa Isla” kwento ng matanda na niyaya niyang pumasok sa loob si Julian. Biglang sumindi ang apoy sa paligid nila nung pagkapasok nila sa loob at napamangha si Julian sa mga nakasulat at nakadrawing sa pader ng kweba “tama, dito natutunan ni Una kung paano gumamit ng kapangyarihan niya at ang mga nakasulat at nakatatak sa pader ng kwebang ito ang mga natutunan niya” kwento ng matanda.

“Yung sinabi nilang bulalakaw mula sa kalawakan?” tanong ni Julian “hehehe.. ang totoo niyan bata wala talagang bulalakaw” kumpisal ng matanda “ho?” gulat na sabi ni Julian na natawa muli ang matanda sa reaction niya. “Eh saan nanggaling ang sinasabi nilang bakal ng bulalakaw na ginagawa nilang espada?” tanong ni Julian na naglakad ang matanda sa dulo ng kweba at lumiwag ito nung tumayo siya malapit sa pader at tinuro ang nakasulat dito. Lumapit sa kanya si Julian at tiningnan niya ito “lahat ng espadang nakikita mo sa labas hindi yan galing sa bulalakaw” sabi ng matanda “yan ay galing mismo sa buto ni Una” kwento ng matanda na napanganga lang si Julian sa gulat nung marining niya ito.

“Bu.. buto ni Una? Ganun ka tibay ang buto niya?” gulat na tanong ni Julian “hehehe.. gaya ng sinabi ko walang nakakaalam kung saan naggaling si Una, pero ang kutob ko noon si Una ay isang bulalakaw na nagmula sa kalawakan na naging katawang tao” sabi ng matanda sa kanya. “Paano niyo nasabi ito?” tanong ni Julian na tinulak ng matanda ang isang bato at nakita nila ang isang bulalakaw na nahulog mula sa kalawakan at nakadrawing dito ang isang taong lumabas mula sa hukay nito. “Nung nakita ko ito inisip ko si Una ang bulalakaw na yun” sabi ng matanda “teka, sino yang nasa likod niya?” tanong ni Julian na tila natahimik ang matanda “anino niya ba yan?” tanong ni Julian “hindi ko alam” sagot ng matanda na pareho silang natahimik ng sandali at tiningnan ng mabuti ang nakadrawing sa pader.

“Me alam kayo no?” tanong ni Julian sa kanya na ngumiti lang ang matanda at sabing “hindi na importante yun” sabi ng matanda sa kanya “kaya pala malapit ang mga Bailan at Bampira sa isa’t-isa” sabi ni Julian. “Oo, dahil nabuhay tayo sa lungkot nila kaya merong hinding maipaliwanag na tuwa ang mararamdaman sa tuwing magkikita o magkakasama ang Bailan at ang Bampira” kwento ng matanda na lumingon ito kay Julian. “Alam kong nararamdaman mo yun” sabay turo ng matanda sa dibdib ni Julian “kaya pala sobrang maalaga sila sa akin nung nabubuhay pa sila” sabi ni Julian “tama, hindi lang dahil sa ama mo yun, dahil narin sa nakaraan natin sa ninuno nila” paliwanag ng matanda sa kanya.

“Gusto kong manatili ka sa kwebang ito at pag-aralan mo ng mabuti ang mga nakasulat dito” sabi ng matanda sa kanya. “O.. opo” sagot ni Julian “me tatlong araw pa tayo bago dumating ang eclipse, tamang-tama ito para matutunan mo ang lahat ng ito” sabi ng matanda sa kanya. “Si.. sino pa ho ba ang nakapunta sa kwebang ito?” tanong ni Julian “dalawang Bailan lang ang nakapasok at nag-aral sa kwebang ito, isa ka dun, bata” sabi ng matanda sa kanya. “Teka…” hindi na natapos ni Julian ang sasabihin niya dahil nasa labas na ang matanda at biglang me malaking bato ang tumakip sa bunganga ng kweba at naiwang mag-isa sa loob si Julian. “Kung ako ang isa dun… ibig sabihin nito… ” napanganga nalang si Julian at naalala ang sinabi ng matanda “..hindi… pag-aaralan ko ito ng maayos, hintayin mo ako Isabella” sabi niya sa sarili niya at sinimulan na niyang basahin ang nakasulat sa pader ng kweba.

Naghahanda na kami sa plano naming pagsalakay sa kuta ng mga aswang “sigurado ba kayo sa gusaling ito?” tanong ni Haring Helius sa amin ni Elizabeth “oo, lumaki kami sa building na yan kaya alam namin ang pasikot-sikot nito” sagot ng kapatid ko. “Yung mga daan?” tanong ni Ingkong Romolo “gaya ng sinabi ko me apat itong kanto na pwede nating madaanan papunta sa gusali namin pero hindi ko alam kung ano ang meron sa mga gusaling nakapalibot nito” sagot ko. “Hmmm.. ang kalaban lang natin ang surpresang ibibigay nila sa atin” sabi ni Haring Narra “wala ba tayong pwedeng ipadala doon para magmasid at makakuha ng impormasyon sa lugar at sa paligid nito?” tanong ni Haring Helius.

“Meron, si Solomon” sagot ni Dante “oonga pala, si Solomon” sabi ni Ingkong Romolo “ang Lobong tumiwalag sa tribu mo, Romolo?” tanong ni Haring Helius “hindi siya tumiwalag sa amin Helius, me permiso sa akin ang pagpunta at pagtira niya sa Maynila” sagot ni Inkong Romolo. “Hihintayin natin ang balita galing sa kanya, alam kong me magandang balita siyang maibibigay sa atin” sabi ni Dante na bigla nalang me pumasok sa loob ng silid at niyuko nito ang ulo “ano yun?” tanong ni Ingkong Romolo sa kanya. “Kamahalan, dumating po yung pinadala nating tauhan para sundoin si Solomon” balita nito “magaling, makakakuha na tayo ng magandang balita nito” sabi ni Dante.

“Pasensya na po Heneral pero hindi po nila kasama si Solomon” sagot nung tauhan niya “ANO?!” sigaw ni Dante na agad kaming lumabas at nakita namin ang mga tauhan nilang sugatan “ano ang nangyari?” tanong agad ni Ingkong sa kanila. “Patawad po Ingkong, sinalakay kami ng mga aswang at ang masama dito, nahuli nila si Solomon” balita ng tauhan niya na sinuntok ni Dante ang pader “mga walang hiyang aswang na yun!” galit nitong sabi. “Ingkong, Heneral nandito na ba ang asawa ko?” tanong ni Melinda sa kanila na di sila makatingin sa kanya “nasaan ang ama namin?” tanong ni Ramir “ikinalulungkot kong ibalita sa inyo na nahuli ng mga aswang si Solomon” balita ni Ingkong sa kanila.

“HA?! ang.. ang ama ko! Ingkong kailangan nating kumilos agad!” sabi ni Ramir sa kanya “oo, kailangan nating iligtas ang ama namin” sabi naman ni Raul “huminahon muna kayo..” sabi ni Haring Narra. “Huminahon? Kailangan nating kumilos ngayon din, sumalakay na tayo bakit kailangan pa nating maghintay ng dalawang araw?” tanong ni Mariz sa kanila na balisa na din ito at parang nagpapanic sa balitang natanggap nila. “Hindi tayo dapat magpadalosdalos, kumalma kayo at pag-isipan natin ito ng maayos” sabi ni Haring Narra sa kanila “nasasabi niyo yan dahil wala kayo sa pwesto namin, ama namin ang dinukot..” “MARIZ!” sigaw ni Melinda sa kanya kaya napatigil nalang sila at natahimik.

“Naiintindihan ko ang nararamdaman niyo pero tama sila hindi tayo dapat magpadalosdalos” sabi ni Melinda sa kanila “inay, paano nalang si tatay?” tanong ni Ramir “me nagawa na kaming plano ang kailangan lang ay konting pasensya ninyo” sabi ni Haring Narra sa kanila. “Isa pa, inaasahan nilang sasalakay tayo ngayon dahil sa pagbawi nila sa Aklat ng Dilim” sabi ni Ingkong Romolo “hayaan natin silang mag-isip ng ganun hanggang bukas” dagdag niya. “Taktika ito na naisip namin” sabi ni Haring Helius “psychological warfare ang tawag nito” sabi ko sa kanila “iisipin ng kalaban natin na aatake agad tayo pero hahayaan muna natin ng ilang araw para maging kampante sila at isipin nilang natatakot tayo sa kanila” paliwanag ko.

“Huwag kayong mag-alala, ililigtas natin ang ama niyo kaya hayaan niyo kaming gawin ang plano namin bago tayo kumilos” sabi ni Haring Narra sa kanila na kumalma na sila at yumakap nalang si Mariz sa nanay niya. “Sis” tawag sa akin ni Elizabeth kaya nag excuse muna ako at lumapit sa kapatid ko “bakit sis?” tanong ko “kukulongin ang gamit natin” sabi niya sa akin “alam ko, inisip kong dumaan ng presinto bago tayo pumunta sa building natin” sabi ko sa kanya. “Me alam akong lugar na pwede nating kunan ng gamit” sabi ng kapatid “saan?” tanong ko na napangiti ito “malapit lang, alam mo yung dating bahay natin dito?” tanong niya “oo, bakit?” tanong ko na napangiti ulit siya na agad kong naalala na me nakatago palang mga armas si papa dito sa Pangasinan.

Dating arms dealer si papa, isang illegal na negosyo na pinasok niya noon bago pumasok sa real estate at pharmaceutical business niya ngayon. Alam namin ito dahil siya mismo ang nagtuturo sa amin kung paano humawak ng baril ang totoo niyan champion kami ng kapatid ko sa duo competition sa gun range sa Maynila. “Gunslinger sisters” ang titulong binigay nila sa amin dahil sa ilang beses kaming naging kampyon sa kompetisyon noon, sa sobrang hilig ko sa baril kaya ako pumasok bilang pulis habang yung kapatid ko naman ay naging sunod-sunoran ni papa sa negosyo niya. “Nandito pa ba ang bahay na yun? Akala ko ba wala na ito nung tumigil si papa sa pagdeal ng mga armas?” tanong ko sa kapatid ko “sis, nandito pa yun wala nga lang sa dokyumento sa properties ni papa pero alam ko nandito pa ang bahay na yun” sabi ng kapatid ko.

“Sige puntahan natin pero kailangan natin ng tulong nila para magbuhat” sabi ko “hindi na kailangan sis” sabi ng kapatid ko “bakit?” tanong ko “sa tagal mo na kasing nawala sa kompanya wala ka ng alam” sabi ng kapatid ko. “Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya “alam mo bang hindi lang baril meron ang bahay na yun” sabi niya sa akin “huh? Ano pa?” tanong ko “me mga sasakyan din dun” sabi ng kapatid ko. “Kung yung dating van ang tinutukoy mo sis, huwag kana umasa dun kasi hihiga yun pag isinakay natin ang mga armas dun” sabi ko sa kanya na natawa ang kapatid ko “makikita mo pagdating natin dun” sabi niya sa akin.

“Bukas na kayo umalis, delikado ang paligid pag wala ang araw lalo na ngayon na nabubuhay na muli ang mga aswang” sabi ni Haring Narra sa amin “walang problema yun Haring Narra” sabi ko sa kanya. “Hinanda ko na ang matutulogan mo Isabella” sabi ni Haring Narra sa akin “sis, gusto ko tabi tayo” sabi ng kapatid ko “sige, matagal narin tayong hindi nagsama sa iisang kama” sabi ko sa kanya na napangiti siya. “Si Sampaguita at Gumamela na ang bahala sa inyo” sabi ni Haring Narra na lumapit sila sa amin “sumunod lang po kayo sa amin” sabi nila sa amin “sige na Isabella, Elizabeth magpahinga na kayo” sabi sa amin ni manang Zoraida. “Sige po manang, excuse po sa inyo” sabi ko sa kanila na niyuko nila ang mga ulo nila sa amin ng kapatid ko at sumunod na kami sa tauhan ni Haring Narra paakayat sa silid na hinanda sa amin.

Malaki ang kwartong hinanda sa amin ni Haring Narra na tingin ko parang nasa hotel kami ng kapatid ko “ate, malaki pa ito sa kwartong tinulogan ko ah?” sabi ng kapatid ko na napangiti lang ang dalawa sa amin. “Kung gusto niyong maligo me hinanda kami para sa inyong dalawa” sabi ni Sampaguita sa amin na sumunod kami sa kanila papunta sa banyo at nakita namin na parang sala ng apartment ko ang laki ng banyo nila. “Seryoso kayo?!” gulat kong tanong sa kanila at napanganga lang ang kapatid ko nung makita ang dalawang malalaking bathtub na kasya ang dalawang tao dito “nakahanda na ang lahat ng kakailanganin niyo, lahat pong ito ay galing sa kalikasan at ang tubig na yan ay galing sa batis ng kaharian” sabi ni Gumamela sa amin. “Batis ng kaharian niyo?” tanong na kapatid ko “oo, maghihilom ang lahat ng sugat niyo at babalik ang lakas niyo paglumubog kayo sa tubig na yan” sagot ni Sampaguita.

“Iiwan na namin kayo para makapaghanda, tawagin niyo nalang kami kung me iba pa kayong kailangan” sabi ni Sampaguita sa amin “magdadala ng pagkain sa inyo si Rosas pagkatapos niyong maligo” sabi ni Gumamela sa amin. “Maraming salamat sa inyo” sabi ko sa kanila “thank you so much!” sabi ng kapatid ko na nginitian lang kami ng dalawa at lumabas na sila “sis, para tayong nasa spa niyo” sabi ng kapatid ko na mabilis itong naghubad ng damit at nauna itong lumubog sa bathtub. “Aaahhhh… ” narinig ko galing sa kanya na natawa lang ako sa kapatid ko, naghubad narin ako ng damit na napapangiwi ako dahil sa mga sugat na tinamo ko kanina. “Ok ka lang ba sis?” tanong ni Elli sa akin “ok lang ako, enjoy ka lang dyan” sabi ko sa kanya “hmmm.” lang ang sinagot sa akin.

Nung nahubad ko na ang mga damit ko dahan-dahan akong pumasok sa bathtub at pagkalubog ko sa tubig para gumaan bigla ang katawan ko at nararamdaman kong nawawala na yung kirot sa sugat ko at pinkit ko ang mga mata ko. “Hmmmm..” nalang ako “sabi ko sa’yo eh” sabi ng kapatid ko na binuka ko ang isang mata ko at tumingin ako kay Elli na pareho na kami ngayon na nakahiga lang sa bathtub at ineenjoy ang oras na ito. Tahimik lang kaming nakahiga sa bathtub siguro mga sampung minuto ang lumipas nung “sis, ano ang gagawin natin kay papa?” biglang tanong ng kapatid ko na napabuka ako sa mata ko at napaisip sa sinabi niya. “Hindi ko alam sis” sagot ko sa kanya na narinig kong umingay ang tubig sa tub niya kaya napalingon ako sa kanya “ayaw kong isipin ang posibleng mangyari kung makaharap na natin siya” sabi ni Elli sa akin.

“Let’s just hope na maglelean sa good side ang isipan niya sis” sabi ko sa kanya “kasi paghindi” dagdag ko na nakita kong nag lean sa gilid ng bathtub ang kapatid ko at kita ko ang lungkot sa mukha niya. “I’m sorry Elizabeth, if things goes bad to worst ikaw ang pipiliin ko” sabi ko sa kanya na tumingin siya sa akin at nginitian ako “thank you ate Issa” sabi niya na inabot ko ang kamay niya at hinawakan ko ito. “Si mama pala, paano natin ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyong ito?” tanong niya sa akin “sis, tell me honestly” sabi ko sa kanya “what?” tanong niya “me iba pa ka pa bang nalalaman?” tanong ko sa kanya. Bumalik siya sa paghiga sa bathtub niya at tumingala sa kisame “to be honest sis, wala akong maalala kung kelan ako ginawang aswang, patches lang ang memory meron ako” sagot niya sa akin.

“Tell me kung me maalala ka” sabi ko sa kanya “I will ate” sagot niya na nginitian ko siya na ngumiti din ito sa akin, me kumatok sa pintoan at pumasok na magandang babae at nagpakilala ito sa amin “magandang gabi po sa inyo, ako si Rosas me dala akong pagkain para sa inyo” sabi niya sa amin. Umahon na kami at sinuot ang damit na hinanda sa amin at pagkalabas namin ng banyo nakita namin ang nakahandang pagkain sa mesa “salad?” tanong ng kapatid ko na narinig kong natawa ng mahina si Rosas. “Sis, nasa palasyo tayo ng Haring ng gubat ano ba ineexpect mo?” natatawang tanong ko sa kanya. Sa aming dalawa si Elli ang malakas kumain ng karne, naalala ko noon nung nag out of town kaming pamilya at puro karne lang ang kinain nito, syempre luto at hindi hilaw kaya naiintindihan ko kung bakit ganun ang reaction niya nung nakita niya ang mga gulay at prutas sa mesa.

“Wala bang.. you know.. hehehe” natatawa nalang ako sa kapatid ko at nahiya ako kay Rosas “tama na ito Rosas, pakiabot nalang ang pasasalamat namin kay Haring Narra” sabi ko sa kanya na niyuko nito ang ulo niya at umalis na ito. “Sis naman eh, I want my meat!” reklamo nito sa akin “maggulay ka naman paminsan-minsan Elli, masama sa katawan kung puro karne nalang ang kinakain mo” sabi ko sa kanya. “Hmp! sige na nga!” pagmamaktol nito na umupo ito sa kabilang side ng mesa at nakabugnot habang kumakain ng gulay “hehehe alam mo kung nandito pa yung phone ko kukunan talaga kita ng litrato” natatawang sabi ko sa kanya na binato ako nito ng kamatis.

Samantala sa Quezon City nagkakagulo ang mga tao malapit sa gusali ng Rosales Corp Bldg dahil sa itim na ulap na bumabalot sa ibabaw ng gusaling ito, nagtataka sila dahil kanina wala ito pero ngayon di mo na makita ang pinakaibabaw ng gusaling ito. Tumawag ng mga pulis ang mga tao para ipaimbistiga sa kanila ang nangyayari sa gusaling ito dahil nangamba sila baka kasi lason ang ulap na nakapalibot sa tuktok ng gusali. “Lumayo kayo, hayaan niyo kaming gawin ang trabaho namin” sabi ni Sgt. Alan Romero sa mga taong gustong lumapit sa gusali “Sarhento” tinawag siya ng Hepe niya “opo Hepe?” tanong niya “wala ka bang balita kay Rosales?” tanong niya. “Wala sir, ilang araw nang hindi pumapasok sa presinto” sagot ni Sgt. Romero.

“Ano ba ang huling balitra mo sa kanya?” tanong ng Hepe “yung huling pumunta lang siya sa presinto yung pinatawag mo siya” sagot nito “ano ba ang nangyayari sa babaeng yun, nga pala ano na ang update mo kay Boyet? Me bagong balita na ba?” tanong ng Hepe. “Wala sir eh, tiningnan ko nga ng mabuti ang CCTV natin bigla nalang nawala si Boyet sa selda niya” balita ni Sgt. Romero sa kanya “tsk! Ulo ko ang nakasalalay dito dahil sa kasong nakabinbin laban kay Boyet” sabi ng Hepe niya. “Sir! Ayaw pong pumayag ng mga gwardya na pumasok tayo sa gusali” balita ng isa sa pulis niya “punyeta! sinabi mo ba kung sino tayo?” tanong ng Hepe nila “opo sir, ayaw talaga utos daw ng may-ari” sagot ng pulis niya.

“Sir, kina Lt. Rosales ang building na ito” sabi ni Sgt. Romero “gaaahhhh… sasakit lalo ang ulo ko nito” inis na sabi ng Hepe nila “sir, lumabas yung abogado nila” balita ng tauhan niya “haayy.. sige kausapin natin, kayo wag niyong hahayaang makalapit ang mga tao sa gusali” utos ng Hepe nila “Romero, tara kausapin natin” sabi ng Hepe nila na sumunod sa kanya si Romero at nilapitan nila ang abogado ni Don Enrico. “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo, Captain Reyes?” tanong nung abogado “me nagreklamo kasi sa presinto tungkol sa itim na ulap sa ibabaw ng building niyo..” “wala silang dapat ikatakot dahil natural lang ito” bara ng abogado sa kanya na nagkatinginan lang si Sgt. Romero at Capt. Reyes.

“Paano naging natural? Kung natural lang ito bakit sa gusali niyo lang nakapalibot yung itim na ulap?” tanong ni Romero “ah… dahil yan sa faulty wiring ng aircondition namin kaya wag niyo ng pag-aksayahan pa ng oras dahil inaasikaso na ito ng mga maintenance crew namin” sagot ng abogado. “Kung me faulty wiring dapat naming tingnan ito para narin sa safety ng mga empleyado at umuupa sa gusaling ito, pasensya na kung nakaabala kami pero trabaho naming siguradohin ang kaligtasan ng mga tao dito” paliwanag ni Capt. Reyes. “Wala talaga kayong dapat ikabahala dahil ligtas ang mga tao dito at makikita mong wala namang nagpapanic sa loob” sabi ng abogado na tumingin sila sa likod nito at kita nilang normal naman ang mga kinikilos ng mga tao sa loob.

“Pasensya na trabaho lang talaga naman ito, nagpatawag na ako ng fire department para iinspect ang buong gusali” sabi ni Capt. Reyes na biglang tumunog ang telepono ng abogado at sinagot niya agad ito. “Yes sir, opo sir, nandito pa po sila sir, opo sir, masusunod po sir” sabi ng abogado sa kausap niya at matapos ibaba ang phone niya “sige Hepe, sumama kayo sa akin” sabi ng abogado sa kanila “Sgt. Romero hintayin mo Fire Marshall tapos sumunod kayo sa taas, isasama ko si Valentine at si Ramos” utos ng Hepe niya “sige po Hepe” sagot ni Sgt. Romero at sumunod na yung tatlo papasok sa gusali habang bumalik sa mobile car si Sgt. Romero para hintayin ang pagdating ng Fire Marshall na pinatawag ng Hepe nila.

Makalipas ang ilang minuto dumating na yung dalawang fire truck ng QCFD at agad itong nilapitan ni Sgt. Romero para samahan ang Fire Marshall paakyat sa gusali “bigyan mo ako ng limang minuto kakausapin ko lang muna ang mga tauhan ko” sabi ng Fire Marshall. Makalipas ang ilang minuto naglakad na sila papunta sa gusali ng biglang lumabas si Capt. Reyes kasama ang mga dalawang pulis niya “sir, nandito na yung Fire Marshall.. ” “hindi na kailangan Romero, na check na namin ang lugar maayos lang ito” sagot bigla ng Hepe nila “sir, sigurado ho ba kayo? ichecheck namin para masiguro natin ito” sabi nung Fire Marshall “hindi na kailangan Roy, sinuyod na namin at naayos na nila ang problema sa wiring ng aircondition nila” sagot ni Capt. Reyes.

“Sabi ko sa inyo wala kayong dapat ikabahala” sabi ng abogado “pasensya na kung naabala namin kayo, pakiabot nalang kay Don Enrico ang paumanhin namin” sabi ni Capt Reyes na kinamayan pa niya ang abogado. “Sir” tawag ni Sgt Romero sa kanya “Sarhento ibalita sa mga tauhan natin na bumalik na sila sa presinto at Roy di na namin kayo kailangan dito, pwede na kayong bumalik sa station niyo” utos ni Capt. Reyes. “Hmm.. si.. sige kung maayos na ang lahat” sabi ng Fire Marshall na napakamot ulo nalang itong umalis at pumunta sa mga tauhan niya at matapos magligpit umalis na sila. Umalis narin ang mga pulis matapos nilang pinaalis ang mga taong nakatambay sa kabilang kalye ng gusali “sir, sigurado ho ba kayo sa sinasabi niyo?” tanong ni Sgt. Romero sa kanya “bakit Alan? Me mali na sa desisyon ko?” tanong ng Hepe sa kanya.

“Wala sir!” sagot ni Sgt. Romero “sige, bumalik kana sa trabaho mo” utos ng Hepe niya na nagulat si Sgt. Romero dahil kasama pa niya ang dalawang pulis na dinala niya sa loob at sumakay sila sa iisang mobile patrol nila. “Nakapagtataka” sabi ni Sgt. Romero sa isipan niya, naglakad na siya papunta sa kotse niya nung marinig niyang me tumatawag sa kanya at paglingon niya ang reporter pala ng isang TV Station. “Alan!” tawag nung magandang reporter sa kanya “Mae, ikaw pala” sabi ni Sgt Romero na nginitian pa niya ito “ano ang balita?” tanong ni Mae sa kanya “wala, false alarm lang” sabi ni Sgt. Romero. “Eh ano yung ulap na yan sa itaas ng building?” tanong ni Mae “sabi nila faulty wiring lang daw ng airconditioning nila kaya me itim na ulap sa taas” kwento ni Sgt. Romero.

“Ganun ba?” tanong ni Mae na mabilis itong nagsulat sa notepad niya “wala ka na bang ibang masabi tungkol dito?” tanong ni Mae sa kanya “wala, ininspect na ito ng Hepe namin na si Capt. Reyes ang building, report niya maayos daw ang lahat” kwento ni Sgt. Romero. “Nakita ko yung Fire Marshall kanina, ininspect din ba niya ang lugar?” tanong ni Mae “hindi, si Hepe lang ang pumasok sa loob at nung papasok na sana kami bigla nalang silang lumabas at pinapabalik na kami sa presinto” kwento ni Sgt. Romero na tumingin ito sa relo niya. “Huling tanong nalang Sgt Romero…” “pasensya kana Mae kailangan ko ng umalis, yun lang ang masasabi ko for now” pagputol ni Sgt. Romero na di na ito nagpapigil at sumakay na ito sa kotse niya at umalis.

Kinabukasan nagising ako na mag-isa nalang sa kwarto at sa sobrang himbing ng tulog ko di ko namalayan nauna na palang bumangon ang kapatid ko, usually kasi ako yung nauuna sa aming dalawa at tulog na tulog pa si Elli pagkagising ko. Bumangon ako at sinuot yung mahabang damit na binigay sa amin at pumasok ako ng banyo, pagkalabas ko nakita ko ang damit ko na malinis na ito at nakafold ito nakalagay sa ibabaw ng mesa. Nagbihis ako at napansin kong tinahi pala nila ang mga nabutas sa damit at pantalon ko kaya napangiti akong lumabas ng kwarto at bumaba “good morning maang Zoraida, Jasmine” bati ko sa kanila “good morning din sa’yo Isabella” bati ni manang sa akin pati din ni Jasmine.

“Manang, nakita niyo ho ba ang kapatid ko?” tanong ko sa kanya “nakita kong lumabas kanina, di ko alam kung saan pupunta yun” sabi ni Jasmine sa akin “tsk! sige manang, Jasmine hanapin ko lang siya” sabi ko. “SI Elizabeth ba ang hinahanap mo, Isabella?” tanong ni Dante sa akin “ah Dante, magandang umaga sa’yo” bati ko sa kanya “magandang umaga din” bati din niya “oo, hinahanap ko ang kapatid ko” sabi ko sa kanya. “Haayy.. nasa labas kasama ang mga tauhan ko” sabi nito sa akin “bakit napa haay ka?” tanong ko sa kanya “sumama kasi sa mga tauhan kong humanting ng makakain kaninang madaling araw, ngayon ko lang nalaman” sabi ni Dante sa akin.

“Sumama si Elli sa kanila?!” gulat kong tanong sa kanya “oo, wag kang mag-alala ligtas naman siya, nasa labas siya ngayon kung gusto mong puntahan” sabi ni Dante sa akin na agad akong nagpaalam sa kanila at nagmamadali akong lumabas ng palasyo. Nadaanan ko ang kampo ng mga taong Lobo at ng mga Engkanto “magandang umaga, Isabella” bati sa akin ng isang Lobo “magandang umaga din, nakita mo ba ang kapatid ko?” tanong ko sa kanya na tinuro nito ang direksyon ng isang kampo kung saan maraming taong nagtitipon. “Salamat” sabi ko sa kanya at agad akong pumunta dun na naririnig ko ang hiyawan at sigawan nila na nakatuwaan sila at nag-eenjoy sa pagtitipon nila.

“Mawalang galang na po” sabi ko sa mga nakaharang sa akin “oh, mga kasama bigyan daan si Isabella” sabi nung isang Engkanto na binigyan nila ako ng daan at niyuko ko ang ulo ko sa kanila tanda ng respeto ko. Naririnig ko ang ingay ng espada sa gitna at pagdating ko doon nagulat nalang ako dahil si Elli nakikipag laban sa isang babaeng Engkanto “ate! gising kana pala!” sabi nito sa akin nung naitulak siya papalayo ng kalaban niya. Tumigil din naman ang kalaban niya at niyuko ang ulo niya kaya ganun din ako sa kanya “maraming salamat sa ensayo” sabi ng kapatid ko sa babaeng Engkantada “walang anuman, Elizabeth” nakangiting sabi niya na narinig naming nadismaya ang mga taong Lobo at mga Engkanto at nagsialisan na din sila.

“What are you doing?” tanong ko agad sa kapatid ko “nag-eensayo bakit?” sagot niya “akala ko kung nasaan kana eh” sabi ko sa kanya “hahaha kasi ikaw ang unang nagigising sa atin? ate para kang mantika kung matulog kanina” natatawang sabi nito sa akin. “Elli, sumama ka ba sa mga taong Lobo kanina?” tanong ko sa kanya “oo, ang ganda pala talaga ng lugar ate” sabi ni Elli sa akin na naglalakad na kami pabalik sa palasyo ni Haring Narra. “Teka ano ba ang ginawa niyo?” tanong ko sa kanya “hehehe sumama ako sa kanila nung narinig kong maghahunting sila ng Usa” sagot niya “hay naku Elli!” sabi ko na natawa lang ito “I told you, I need my meat!” sabi nito sa akin na napailing nalang ako.

Pagdating namin sa palasyo sinalubong kami ni Ingkong Romolo kasama si Dante “magandang umaga Ingkong” bati namin ng kapatid ko “magandang umaga naman, anong oras kayo aalis?” tanong niya sa amin. “Hayaan mo muna silang mag almusal Romolo” sabi ni Haring Narra sa kanya na niyuko naming lahat ang ulo namin maliban kay Ingkong Romolo “walang anuman sa akin yan, nakahanda na kasi ang mga tauhan kong samahan sila kaya ako nagtanong” sabi ni Ingkong Romolo. “Sa susunod na oras po, Ingkong” sagot ko sa kanya “mabuti, sasamahan kayo ng sampu sa tauhan ko para narin makatulong sa pagbuhat ng mga armas na kukunin niyo” sabi niya sa akin “maganda yun ate para narin di tayo mahirapang magkarga ng mga gamit” sabi ni Elizabeth na napangiti si Ingkong.

“Paano niyo nga pala madadala ang mga gamit dito kung wala kayong sasakyan?” tanong ni manang sa amin “walang problema yun manang, me sasakyan naman sa bahay yun ang gagamitin namin” paliwanag ni Elizabeth. “Kung ganun wala na palang problema” sabi ni Haring Narra “ah meron po, konte lang” sabi ko sa kanila “ano yun?” tanong ni Ingkong “sis” tawag ko sa kapatid ko na napatingin silang lahat sa kanya. “Eh hehehe… ang problema po kasi dun.. nasa basement po kasi nakalagay ang mga armas” sabi ng kapatid ko “kung nasa basement ito walang problema madali lang naman itong kunin hindi ba?” tanong ni manang.

“Yun nga ang problema manang” sabi ng kapatid ko “dahil nasa basement ito ngayon ng Alaminos Police Department” dagdag ng kapatid ko na natahimik nalang si manang at napailing ang iba sa narinig nila. “Dating arms dealer ang papa namin at wala siyang ibang pagtagoan ng mga armas na nakuha niya sa mga kakilala niya kundi lang sa basement ng dating bahay namin dito” paliwanag ng kapatid ko sa kanila. “Yung Alaminos Police na ngayon ang kasalukuyang umuukopa sa bahay namin nun pero under parin yun sa amin di lang nilagay ng papa sa property list niya” paliwanag ng kapatid ko. “Problema nga yan” sabi ni Ingkong Romolo “ano ang problema?” tanong ni Haring Helius na me hawak itong tasa “yung mga armas na nabanggit kasi nila nasa ilalim pala ng lugar ng mga pulis” kwento ni Ingkong sa kanya.

“Yun lang ba ang pinoproblema niyo?” tanong ni Haring Helius sa amin “parang hindi mo ata ako narinig Helius” sabi ni Ingkong sa kanya “narinig kita Romolo, ang tanong ko kung bakit problema yun?” sabi ni Haring Helius at tumingin ito sa akin. Napaisip ako bigla “teka, hindi ako pwede dun” sabi ko sa kanya “ano ang ibig mong sabihin, Isabella?” tanong ni manang “naisip ko kasing pulis din si Isabella pwede siyang kumausap sa kanila at makapasok sa loob” sabi ni Haring Helius. “Kailangan ko ng order galing sa superior ko bago ako makapunta dun, pagwala kasing order di nila ako papayagang pumasok sa loob baka hanggang front desk lang ako” paliwanag ko sa kanila.

“Ah paumanhin sa inyo” sabi ng isang Engkanto sa amin “oh, Kap. Hernan ano ang kailangan mo?” tanong ni Haring Helius “kamahalan, mga kaibigan tama po ang sinasabi ni Haring Helius hindi po ito problema” sabi niya sa amin. “Haayy… bingi ba itong tauhan mo, Helius?” tanong ni Ingkong sa kanya na lihim namang natawa si Haring Narra “pasensya na po Ingkong Romolo, hayaan niyo po akong magpaliwanag” sabi ni Hernan sa amin na binigyan siya ng pagkakataon ni Ingkong. “Pwede kamig magbukas ng portal para makapasok tayo sa basement na tinutukoy nila” paliwanag ni Kap. Hernan “hehehe matalino ang mga tauhan ko Romolo, nag-iisip ito di kagaya sa mga barumbado mong mga Lobo” sabi ni Haring Helius na tiningnan siya ng masama ni Ingkong Romolo.

“Hindi po ganun kadali yun” sabi ng kapatid ko “bakit?” tanong ni Kap. Hernan “oo, pwede kayong magbukas ng portal papunta sa basement pero ang problema dun sinara ni papa ang basement bago kami umalis sa bahay na yun” paliwanag ng kapatid ko. “Sinara?” tanong ni Haring Narra “yung basement po na tinutukoy ko inabunohan po yun ni papa ng lupa ginawa niya yun para walang makakita o makaalam sa mga armas na yun” paliwanag ng kapatid ko. “Kung sinabi mo lang sana ito sa amin nung umpisa” sabi ni manang “pasensya na po sa inyo” sabi ko sa kanila “walang problema Isabella, sasamahan parin namin kayo para kunin ang mga armas na yun” sabi ni Dante sa amin.

“Paano ang mga pulis?” tanong ni manang sa amin “me alam akong paraan” sabi ko sa kanila na napangiti ang kapatid ko “kung ganun, Dante ihanda mo ang mga tauhan natin” utos ni Ingkong sa kanya. “Haring Helius, kung papayagan niyo po ako” sabi ni Kap. Hernan sa Hari niya “dalhin mo ang tatlong tauhan mo, wag kayong magpahalata sa mga mortal” sagot ni Haring Helius sabay alis nito na napangiti si Kap. Hernan. “Aalis tayo isang oras mula ngayon, maghahanda muna tayo para sa gagawin natin” sabi ko sa kanila “sige, kakausapin ko na din ang mga tauhan ko” sabi ni Dante “ako din” sabi ni Kep. Hernan “kung ganun, maghahanda narin tayo ng almusal para me lakas kayo sa pagbyahe niyo” sabi n Haring Narra.

Matapos kumain nagpaalam na kami at sumakay kami sa likod ng mga Lobo paalabas ng gubat at nung malapit na kami sa syudad ng Alaminos naglakad nalang kami at tila mataas na yung araw dahil mainit na kasi. “Di maganda ito” sabi ni Dante “bakit?” tanong ko sa kanya sabay turo niya sa mga Engkanto na nakita kong lumitaw ang kaputian nila dahil sa sikat ng araw “hindi nga maganda ito” sabi ko “pasensya na kayo” niyuko nila ang mga ulo nila. “Madali lang yan” sabi ng kapatid ko na bigla itong yumuko at kumuha ng lupa at pinahid ito sa braso at mukha ni Kap. Hernan “a.. ano ito?” takang tanong niya “yan” sabi ng kapatid ko. Tiningnan ni Kap Hernan ang sarili niya na natuwa ito “kayong dalawa gayahin niyo ako” utos niya sa dalawang tauhan niya na agad silang kumilos at naglagay ng dumi sa braso at mukha nila.

“Hahahaha mukhang mortal na kayo” natatawang sabi ni Dante na natawa din ang limang tauhan niya “tayo na” yaya ko sa kanila na di na masyadong halata ang tatlong Engkanto na iniignore nalang sila sa mga taong nakakasalubong namin. Nasa kabilang kalye lang kami nung dumating kami sa presinto ng Alaminos PD “ano ang plano?” tanong ni Dante “dito lang kayo, Kap. Hernan pwedeng samahan mo ako sa loob?” tanong ng kapatid ko “opo, binibini” sagot nito “dyan lang kayo, hintayin niyo ang utos ko” bilin nito sa mga tauhan niya “ate, Dante kami lang muna ang papasok sa loob, titingnan ko kung saan nakalibing ang container van” sabi ng kapatid ko “sige, hihintayin namin kayo dito” sabi ko sa kanya na umalis na sila at pumasok sa loob ng presinto.

Naghintay lang kami sa labas habang hinihintay namin ang pagbalik ng kapatid ko “tingin mo ba makukuha natin ang mga armas na ito?” tanong sa akin ni Dante “oo, naalala ko noon nung maliit pa kami ng kapatid ko bumababa kami sa basement para panoorin si papa na mag load ng mga bala sa mga magazines” kwento ko sa kanya. “Heneral” tawag ng isang tauhan niya “bakit?” tanong niya “me gulong nangyayari sa Maynila” balita nito “ha? paano mo nalaman?” tanong ko sa kanya “sumunod kayo sa akin” yaya nito kaya sumunod kami sa kanya. Pumunta kami sa isang tindahan malapit lang sa presinto at tinuro niya ang tv “me balita tungkol sa gusali niyo, Isabella” sabi niya na nanood kami at nakinig sa balita.

“Ale, kelan ho ba nangyari ito?” tanong ko dun sa tindera “ah kahapon pa yan, nakapagtataka lang kasi dahil me maitim na ulap ang biglang sumulpot sa gusaling yan” balita niya “Isabella, masamang pangitain ito” sabi sa akin ni Dante. “Heneral, Isabella bumalik na sila” balita sa amin ng tauhan ni Kap. Hernan kaya sinalubong namin sila “sis, ano ang balita?” tanong ko sa kanya “nandun pa yung container van ate, pinakita sa akin ni Kap. Hernan” balita niya “nagbukas ako ng maliit na portal at sinilip namin ang loob” sabi ni Kap. Hernan “wag kayong mag-alala di kami nakita ng mga tao sa loob ng presinto” sabi ng kapatid ko. “Me masamang nangyayari ngayon sa Quezon City sis, kailangan nating magmadali dito” sabi ko sa kanya “bakit ano ang nangyari?” tanong niya kaya pinaliwanag ko sa kanya ang nasagap naming balita.

“Kung ganun dapat ngayon kumilos na tayo” sabi ni Elli sa akin na napatingin ako kay Dante “tama siya, Isabella. Kailangan nating kumilos ngayon din para makabalik tayo sa gubat” sabi niya sa akin. “Kapitan Hernan” tawag ko sa kanya “ano yun, Isabella?” tanong niya “kaya niyo bang gumawa ng malaking portal?” tanong ko sa kanya na nagkatinginan silang tatlo ng kasamahan niya “oo, kaya namin, kaya nga sila ang dinala ko dahil sa misyon na ito” paliwanag niya sa amin. “Mabuti, sis, alam mo na ang lay-out ng gusali hindi ba?” tanong ko sa kanya “oo, alam din ito ni Kap. Hernan” sabi niya “magaling, Dante” “ano yun Isabella?” tanong niya “kailangan nating palabasin ang mga pulis sa presinto” sabi ko sa kanya “wag kang mag-alala, alam ko na ang gagawin namin” sabi niya sabay lingon niya sa limang tauhan niya.

Makalipas ang kalahating oras nakapwesto na silang lahat “sis, maghanda kayo” sabi ko sa kanila na nakapwesto na sila malapit sa presinto habang yung mga Lobo naman ay nasa kabilang side ng kalye kung saan me maliit na tindahan na nagbebenta ng iba’t-ibang klaseng maiinom. Tinaas ko ang kamay ko na tumango lang si Dante at kinawayan ko din sila Elli at tumangon din sila kaya nung binigay ko ang signal kay Dante agad itong sumigaw at nagkukunwaring mali ang binigay sa kanya ng tindera. “Magaling na artista itong si Dante” natatawang sabi ko na nakita kong lumabas na yung mga pulis na kumilos narin ang mga tauhan ni Dante na nanggulo din sila sa kabilang tindahan kaya nakita kong bumalik ang isang pulis sa loob ng presinto at lumabas ang maraming pulis para awatin sila Dante.

Kumaway ako sa kapatid ko na agad silang pumasok sa loob at tumakbo narin ako patawid papunta sa presinto at tumayo ako sa me pintoan para magbantay sa mga pulis na ngayon ay sobrang busy sa pag-awat sa limang taong Lobo. Napansin kong me lumiwanag sa loob kaya sumilip ako doon at nakita ko sila malapit sa isang selda kung saan pinatulog nila ang mga nakakulong sa loob para di sila makita sa gagawin nila. Nagbukas ng portal si Kap. Hernan at nawala sila ng kapatid ko at nakita kong magkaharap ang dalawang Engkanto na umatras sila pareho na parang sinusukat nila ang container van sa ilalim ng lupa. “Isabella, handa na kami” balita ng isang Engkanto sa akin kaya sinipolan ko sina Dante na agad naman nilang tinulak ang mga pulis at tumakbo palayo sa kanila.

Hinabol sila ng mga pulis kaya mabilis akong pumasok sa loob ng presinto at sinara ang pinto nito “magmadali ka Isabella” tawag sa akin ng tauhan ni Kap. Hernan “ano ang gagawin ko?” tanong ko sa kanila. “Tumayo ka sa gitna namin” sabi nung isa kaya tumayo ako pagitan nila na bigla nalang instretch ang mga braso nila sa gilid nila at biglang lumiwanag ang buong paligid “huminga ka ng malalim” sabi nung nasa kaliwa ko na agad akong humingi ng malalim at pinikit ang mata ko ng bigla nalang akong nahulog kaya napasigaw ako sa gulat.

“AAAHHHHHHH….” at maya-maya ay bigla nalang akong bumagsak sa isang metal at nung binuka ko ang mata ko tumambad sa akin ang maraming puno at nakita kong nasa gubat na pala kami malapit sa palasyo ni Haring Narra. Nasa ibabaw na ako ng container van at kita kong nakatayo sa gilid ang maraming taong Lobo at mga Engkanto at mga taong Puno “tutulongan kana namin Isabella” sabi nung isang puno na sumakay ako sa sanga niya at binaba ako sa lupa. Bumukas ang pintoan ng container van at lumabas ang kapatid ko at si Kap. Hernan “at ito mga kaibigan ang gagamitin natin laban sa kanila” sabi ng kapatid ko na binuksan nila ang dalawang pinto at nakita namin ang napakaraming armas sa loob at isang antigong kanyon sa dulo nito.

“Magaling!” sabi ni Ingkong Romolo na nakita naming natutuwa itong nakatingin sa mga armas sa loob “sina Dante?” tanong niya “susunod na sila” sagot ni Kap. Hernan “ang dami nito” sabi ni manang Zoraida. Pumasok ako sa loob at kinuha ko ang semi-automatic M16 rifle at nilagyan ko ito ng magazine “manang, kung tutuldokan natin ang buhay ng mga aswang, kakakailanganin talaga ng natin ang lahat ng ito” sabi ko sa kanya na nagsigawan ang buong sundalo nila. Nilabas na namin ang mga armas sa loob ng container van at sakto ding dumating sina Dante at mga tauhan niya “Heneral!” tawag ng isang tauhan niya “magaling, saktong-sakto ang plano mo Isabella” sabi ni Dante sa akin “salamat, galing ng acting niyo kanina” sabi ko sa kanya “hahaha salamat!” sabi niya “pupunta lang ako kay Ingkong” sabi niya “sige, aasikasohin din muna namin ito” sabi ko sa kanya.

Pinatawag kami ng kapatid ko kaya pumasok kami sa loob ng palasyo at nakita namin ang mga pinuno at mga Heneral nila at si manang Zoraida “ano po yun, Haring Narra?” tanong ko sa kanya. “Isabella, binalita sa amin ni Hen. Dante ang tungkol sa napanood niyong balita sa tv” sabi ni manang Zoraida sa akin “oo, manang pasensya na po kung hindi ko nasabi sa inyo” paumanhin ko sa kanila “walang yun, ang pinag-aalala namin ang tungkol sa itim na ulap na nakapalibot sa gusali niyo” sabi ni Haring Narra sa akin. “Sis?” tanong ko sa kapatid ko “hindi ordinaryong ulap yun, yun ang ginagamit namin noon sa tuwing me gagawin kaming misyon para makaalis ng gusali na di kami makita ng mga tao” paliwanag ng kapatid ko.

“Ibig sabihin nito me nagaganap na misyon nung lumabas ang mga itim na ulap na yun?” tanong ni Haring Helius sa kapatid ko “parang ganun na po” sagot niya. “Hen. Dante ibigay alam sa lahat ng mga tauhan natin na maghanda, baka sasalakay sila dito” sabi ni Ingkong Romolo na agad umalis si Dante kasama ang Heneral nina Haring Narra at Helius. “Dapat maghanda tayo sa anumang gagawin nla, nalalapit na ang eklipse kaya siguro kumikilos narin sila” sabi ni Haring Helius “dito lang kayo sa loob ng palasyo, hindi makakatulong kung nasa labas kayong dalawa habang me nagaganap na pagkikilos ang mga aswang” sabi sa amin ni manang Zoraida.

“Paano yung mga armas?” tanong ni Elizabeth “walang mangyayari sa mga armas niyo, ipapasok namin ito sa loob at dito niyo ito aayosin” pangako sa ami ni haring Narra “kamahalan!” tawag ng isang tauhan ni Haring Helius. “Ano yun?” tanong niya “me namataang sampung aswang sa lugar ng mga mortal” balita ng tauhan niya “kami ang bahala nito” sabi ni Haring Helius “sasamahan namin kayo” sabi ni Ingkong Romolo. “Hindi na Romolo, kakailanganin kayo dito sa palasyo, mas mabilis kung kami ang pupunta” sabi ni Haring Helius sa kanya “mag-ingat kayo Helius” sabi ni Haring Narra sa kanya “wag kayong mag-alala, me portal kaming magagamit kaya kung ano man makakaalis agad kami pabalik dito” sabi ni Haring Helius at nagpaalam na ito at umalis kasama ang tauhan niya.

“Teka, hindi kaya ito tungkol sa ginawa natin kanina?” tanong ng kapatid ko “hindi ko alam sis” sagot ko sa kanya “Haring Narra me paraan ho bang makapanood tayo ng balita?” tanong ko sa kanya na nakatingin lang ito sa akin. “Ako ang bahal Isabella” sagot ni manang Zoraida na me kinuha ito sa bag niya at nilagay niya ito sa mesa “ano yan manang?” tanong ng kapatid ko “tingnan niyo lang” sabi niya sa amin na biglang umilaw ang maliit na bolang nilagay niya sa mesa at nag project ito ng pictures at nakita namin ang maraming tao na nakapaligid sa presinto ng Alaminos PD. Tinuon ni manang ang bola niya sa isang parte ng presinto kung saan me malaking hukay ito sa gitna at nagulat nalang ako dahil yun ang parteng tinayoan ko kanina.

Napatingin ako sa kapatid ko na pati din ito nagulat sa nakita niya “ang laki pala” sabi ng kapatid ko na natawa lang si Ingkong Romolo “ngayon ko lang nakita na me kakayahan pala silang gumawa nito” natatawang sabi ni Ingkong sa amin. “Romolo..” sabi ni Haring Narra na tumigil na sa pagtawa si Ingkong Romolo “pasensya na di ko lang kasi mapigilan ang sarili ko” sabi niya na nakita kong nakangiti parin ito sa nakita niya. “Manang pwede ho bang sa gusali namin niyo ituon yung bola niyo?” tanong ko sa kanya “teka” sabi ni manang na nilagay niya sa ibabaw ng bola ang kamay niya at lumipat ang imahe sa gusali namin na ngayon ay nababalutan ng itim na ulap ang ibabaw nito.

“Yan ang nakita namin sa tv kanina” sabi ko sa kanila “oonga, sobrang itim niyan” sabi ni Haring Narra “ilang araw nalang ba bago mag eklipse?” tanong ni Ingkong Romolo “apat na araw nalang” sagot ko. “Sa ika tatlong gabi sasalakay tayo” sabi ni Ingkong sa amin “bakit sa ikatatlong gabi?” tanong ng kapatid ko “hindi natin hihintayin mangyari ang eklipse, kung me paraan tayong mapigilan ito ang ikatatlong gabi ang magandang oras para umatake tayo” paliwanag ni Ingkong Romolo sa amin. “Kung ganun ipapahanda ko sa mga tauhan ko ang dadalhin natin” sabi ni Haring Narra “kami na ang bahala sa mga armas” sabi ko sa kanila. “Sige, kumilos na tayo dahil marami pa tayong dapat gawin” sabi ni Ingkong sa amin “maghahanda narin ako” sabi ni manang sa amin.

Samantala sa Isla inalis ng matanda ang nakaharang na bato sa bunganga ng kweba at pagpasok niya sa loob nakita niyang nakadapa sa lupa si Julian at narinig siguro nito ang yapak ng matanda dahil tinaas niya ang ulo niya. Hindi na siya nakapagsalita dahil bigla nalang bumagsak ang ulo niya sa lupa at nawalan na ito ng malay “haayy.. ” nalang ang matanda at nilapitan niya si Julian at binuhat niya ito at nilagay sa balikat niya. Dinala niya si Julian sa kubo ni Una at ginamot niya ang mga pasa at sugat sa katawan niya at nung natapos na siya nakita niya itong mahimbing itong natutulog kaya iniwan niya nalang ito at hinayaang magpahinga si Julian.

Gumawa ng bonfire ang matanda malapit lang sa kubo at naupo ito habang inaayos ang mga kahoy para hindi mamatay ang apoy nito “matindi ang dinaanan niya sa loob ng kweba” sabi ng matanda na lumingon ito sa pinto ng kubo at nakita niyang nakatayo lang si Una habang nakatingin kay Julian. “..Alam ko…” sagot ni Una na pumasok ito sa loob at umupo sa tabi ni Julian na tumayo din ang matanda at dumungaw ito sa bintana “hindi naghihilom ang mga sugat niya” sabi ng matanda sa kanya. “Alam ko at hindi ito dahil nasa Isla siya” sagot ni Una “dahil ba sa nawala ang kapangyarihan ng mga Bampira?” tanong ng matanda.

Lumingon si Una sa kanya at binalik ang tingin niya kay Julian “hindi, hindi nawala ang kapangyarihan ng mga Bampira, nawala lang ang koneksyon niya sa kanila” sagot ni Una na inalis niya ang buhok na nakatabon sa mata ni Julian. “Paano ito? Hindi ko siya pwedeng ipasok sa kweba bukas sa mga sugat niyang yan, hindi siya tatagal ng kalahating araw doon” sabi ng matanda “maghihilom ang sugat niya pero dahan-dahan, hindi nila hahayaang manghina si Julian, hindi ito hahayaan ni Lucia” sagot ni Una. Tumayo siya at lumabas ng kubo at tumayo sa me pintoan nito “ibalik mo siya bukas ng umaga, marami pa siyang dapat matotonan” sabi ni Una sa matanda na bigla nalang siyang naging abo at lumutang pabalik sa pwesto niya “hmm.. ikaw ang masusunod… mahal na pinuno” sagot ng matanda habang nakatingin ito kay Julian.

Maghahapon na nung matapos kong ayusin ang mga armas at lagyan ng mga bala ang mga magazines, naramdaman kong sumasakit yung balikat ko pati narin ang mga daliri ko sa kakalagay ng bala sa magazines. Umakyat ako sa kwarto na di na ako nakapagpaalam sa kanila at naghubad ng damit at pumasok sa banyo “aaahhh…” nalang ako nung lumubog ako sa tubig ng bathtub at pinikit ang mga mata ko. “Ang sarap ng tubig” nasabi ko nung maramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko at nawawala na yung sakit sa balikat at sa mga daliri ko, nilubog ko ang sarili ko sa ilalim ng tubig para mabasa ang buhok ko at nung umahon ako sinandal ko ang likod ko sa dulo ng tub at nagrelax na ako.

“Nasaan ka ba Julian?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa kisame ng banyo at nagmuni-muni ako ng biglang bumigat ang mga mata ko at di ko napansin nakatulog na pala ako at bigla nalang lumutang ang katawan ko sa tubig. Sobrang gaan ng pakiramdam ko na parang akong lumilipad sa alapaap sa sobrang relax at gaan ng pakiramdam ko sa mga oras n ito “Isabellaaahhh…” narinig kong parang me tumatawag sa akin “si… sino yan?” mahinang tanong ko “Isabellaahhh…” tawag uli sa akin na napalingon ako sa kanan ko wlaa akong nakitang tao “Isabellaaahhh..” tawag uli sa akin na lumingon ako sa kaliwa at nakita ko.. nakita ko si… “Juliaaann….” tawag ko sa kanya na nginitian niya ako at inabot ang kamay ko at lumipad kaming dalawa.

Ang sarap ng pakiramdam na kasama ko si Julian, hawak niya ang kamay ko at pareho kaming malayang lumilipad sa ulap “na miss kita Julian..” sabi ko sa kanya na hinila niya ako palapit sa kanya at bumilis ang paglipad namin “na miss din kita, Isabella” sagot niya na napangiti ako sa sinabi niya. Dumapo kami sa isang malawak na lugar kung saan napapalibutan kami ng maraming bulaklak me batis sa gilid nito at naririnig namin ang mga huni ng ibon. “Ang ganda ng lugar” sabi ko sa kanya na hinayaan lang niya akong maglakad-lakad at umiikot ako na parang natutuwa akong nakapunta ako sa lugar na ito. Lumapit sa akin si Julian at hinawakan niya ang kamay ko na kinatuwa ko naman “gusto kong manatili tayo dito habang buhay” sabi ko sa kanya “oo, mahal ko dito na tayo titira, ito na ang magiging paraiso natin” sabi niya sa akin na bigla akong tumakbo at hinabol niya ako.

Tumalon ako sa batis at narinig kong sumunod sa akin si Julian at doon ko lang napansin na pareho pala kaming hubo’t-hubad “ah sarap ng tubig” sabi ko sa kanya na lumangoy ito palapit sa akin at agad ko siyang niyakap sa leeg na niyakap naman niya ang katawan ko. “Mahal na mahal kita, Isabella” bulong ni Julian sa akin “mahal na mahal din kita, Julian” sagot ko sa kanya na pinikit ko nalang ang mata ko nung maramdaman ko ang labi niyang humalik sa leeg ko. “Ooh.. Juliaaannn…” ungol ko nung naramdaman kong dinidilaan niya ang leeg ko paakyat sa baba ko at nag-abot ang mga labi namin at naghalikan kaming dalawa.

Pinulupot ko ang mga binti ko sa bewang niya na naramdaman kong dumudumbol ang ulo ng agala niya sa hiwa ko “oohh.. Juliaannn…” ungol ko uli nung bumayo siya ng mahina na naramdaman ko ng hiniwan ng ulo ng titi niya ang labi ng pekpek ko. Binuka ko ang mga mata ko at kita ko ang pagmamahal sa mga mata niya nung tumingin siya sa akin “mahal na mahal kita..” sabi ko sa kanya na naghalikan uli kaming dalawa at bigla nalang kaming umahon sa tubig at lumutang kami papunta sa gilid ng batis at hiniga niya ako at humiga din siya sa tabi ko. Tiningnan niya ako habang pinadagan niya ang kanang kamay niya sa katawan ko mula leeg ko pababa sa dibdib ko na hinimas pa niya ang kanang suso ko sabay baba ng kamay niya papunta sa tyan ko hanggang sa tumigil ito sa pagitan ng mga hita ko.

“Isabellaahhh…” tawag niya sa akin na hinila ko ang ulo niya pababa at naghalikan uli kami at doon ko naramdaman ang pagpasok ng isang daliri niya sa hiwa ko pero di ako nagpahuli dahil inabot ko din ang alaga niyang ngayon ay nabubuhay narin. Marahan kong sinalsal ang titi niya habang marahan lang din ang paglabas pasok ng gitnang daliri niya sa pekpek ko “oohh…” “aahhhh…” pareho kaming napaungol sa ginagawa namin sa isa’t-isa. Hinalikan niya ako sa leeg pababa sa dibdib ko at sinipsip niya ang kaliwang utong ko na napapaliyad ako sa sarap “oohhh…. Juliaaann…” ungol ko. Lumipat ang labi niya sa kanang suso ko at sinipsip at kinagat-kagat nito ang utong ko na napayakap ako sa leeg niya dahilan kaya na dilaan ko ito “aahh..” napaungol siya sa ginawa ko.

Lalo pang siyang bumaba hanggang sa naramdaman ko ang dila niya sa belly botton ko hanggang sa pinaghiwalay niya ang mga hita ko kaya tinukod ko ang mga siko ko sa lupa at nakita kong nilabas niya ang dila niya at sinimulang dilaan ang hiwa ko. “Ooohhh… ” napatingala ako nung nagsimulang kalikutin ng dila ni Julian ang hiwa ko “oohhh.. oohhh.. mahal… maahhaaaahhhllllll… ” nabigkas ko nung pumasok na yung dila niya sa lagusan ko. “Isabellaahhh…” tawag ni Julian sa akin na inabot ko ang buhok niya at sinabunotan ko siya bago ko ito hinila kaya napagapang siya sa ibabaw ko at niyakap siya ng mahigpit. “Mahal..” sabi ko na naghalikan kaming dalawa at naramdaman ko ang ulo ng titi niyang gusto ng pumasok sa lagusan ko kaya inabot ko ito at pinigilan ito.

Tinulak ko paalis sa ibabaw ko si Julian kaya napahiga ito sa tabi ko na agad akong bumangon at pumatong sa kanya, kinagat ko ang ibabang labi ko na pinakita ko sa kanya ang pananabik ko na ngumiti lang siya sa akin. “Mahal…” sabi niya na agad kong hinalikan siya sa leeg at inabot ang titi niya sabay salsal ko nito habang tumatakbo ang dila ko pababa sa dibdib niya at nakarating ako sa kaliwang utong niya at dinidilaan ko ito. “Aaahhh…. Isabellaahhh…” tawag niya habang marahan ko lang sinasalsal ang titi niya habang binaba ko na ang pagdila ko sa kanya hanggang sa nakarating na ako sa puson niya at gaya ng ginawa niya sa akin pinaghiwalay ko din ang mga hita niya at nilagay ko ang buhok ko sa me tenga ko at tiningnan siya.

Tinukod ni Julian ang mga siko niya sa lupa nung makita niya ako napangiti siya at doon ko lang binuka ang bibig ko sabay labas ng dila ko at dinilaan ko ang butas ng titi niya na napanganga ito at “aaahhh….” umungol siya. Sinubo ko na ito pataas baba ang bibig ko sa kahabaan ng titi niya na nakita kong napapikit si Julian at dinilaan niya ang labi niyang alam kong natutuyoan na ito, sinubo ko ang ulo ng titi niya habang sinalsal ko ang katawan ng titi niya habang tuloy lang sa pagdaloy ng laway ko sa katawan nito “hmmm….” ginanahan ako lalo nung marinig ko ang ungol niya pati narin ang expression ng mukha niya. Taas baba ang bibig ko sa titi niya na sinapo ng isang kamay ko ang bayag niya at hinimas-himas ko ito na pansin kong dahan-dahan narin itong lumiit kaya tinigil ko agad baka kasi lalabasan na siya ayaw ko munag labasan siya dahil gusto ko sabay kami.

Tumingin siya sa akin nung tinigil ko ang pagchupa sa titi niya at gumapang ako papatong sa ibabaw niya na naipit pa sa pagitan namin ang titi niya at naghalikan kaming dalawa. “Hmmmm…” pareho naming narinig sa sarili namin habang ginagalaw ko ang katawan ko para mahagod ko ang titi niya sa puson ko na bigla nalang niya akong hinawakan sa bewang at binuhat niya ako kaya naalis sa pagkakakulong ang titi niya sa pagitan namin at bigla nalang itong tumayo. “Juliaannn..” tawag ko sa kanya na tumingin siya sa akin “mahal… mahal.. ipasok mo na akoohhh… ” sabi niya sa akin na humihingal na ako sa sobrang libog kaya di na ako nag-aksaya ng oras at inabot ko ang titi niya at tinutok ko ito sa hiwa ko ” mahal… ibaba mo na akoohh… “sabi ko sa kanya na pagkababa niya sa akin pareho kaming napanganga nung bumaon ng dahan-dahan ang titi niya sa hiwa ko at nung binitawan niya ang bewang ko bigla nalang bumaon ang buong kahabaan niya sa loob ko kaya napadilat nalang ako.

“AAHHHH.. ” napaungol ako ng malakas sa ginawa niya na humawak siya sa pwet ko at nilamas niya ang mga pisngi nito at nung tinaas niya ito naramdaman ko ang paghagod ng katawan ng titi niya sa kaselanan ko. “AAHHHHH… ” napaungol uli ako “ooohh.. mahal.. mahal kong Isabellaahhh…” sabi niya sa akin na napapikit ako sa sarap at napayakap ako sa leeg niya “Jul…iaaannnn…” napaungol ako sa sarap at nung gumulong kaming dalawa agad niyang tinukod ang dalawang kamay niya sa lupa at mabilis nitong binayo at kinantot ang pekpek ko na sumasama ang laman nito sa tuwing hinuhugot niya ang titi niya. Nakanganga lang ako habang mabilis akong kinantot ni Julian na pareho kaming dalawa dahil sa sobrang sarap ng nararamdaman namin sa mga oras nayun.

Pinatong ni Julian ang isang paa ko sa balikat niya sabay dapa niya sa ibabaw ko at mabilis at pailalim ang pagbaon ng titi niya sa lagusan ko na napanganga nalang ako at napapikit sa sobrang sarap ng ginawa niya. “Ooohhh… ohhhh..oooohhhh… ” ungol lang ako ng ungol sa ginawa niya sa akin na nilamas pa niya ang isang suso ko at nakipaghalikan pa ito sa akin na lalong nagpalibog sa akin “Isabellaahhh.. Isabellaahhh… ” tawag ng tawag siya sa pangalan ko habang kinakantot niya ako hanggang sa nakaramdam ako ng kiliti sa kalmnan ko hudyat na malapit na ako labasan “Juliann.. Juliaann.. wag.. wag mong itigil.. sige pahhh. sige paahh.. sige paaahhhh….oohhhh…. ” sabi ko sa kanya dahil malapit na ako labasan.

“Isabellaahh.. Isabellaahhh… malapit na akoohh..” sabi niya sa akin na napayakap ako sa leeg niya at ginalaw ko narin ang balakang ko para salubongin ang pagbayo niya sa akin na nagkatinginan kami at makalipas ang ilang labas pasok ng titi niya sa lagusan ko bigla nalang akong napapkit at napaungol ng malakas. “OOOOHHHHHHHH….. ” habang tuloy lang sa paglabas pasok ng titi ni Julian sa lagusan ko tuloy-tuloy lang din ang orgasmo ko “haaahhh…haaahh..HAAAAHHHH… Isabellaaaahhhh….” ungol ni Julian na bumigay siya ng dalawang malakas na bayo at nung huli binaon niya ng pailalim ang titi niya sa lagusan ko at doon ko naramdaman ang pagtalsik ng katas niya sa sinapupunan ko at para din na ata tumigil sa pagpintig ng kalamnan ko sa sobrang sarap ng orgasmong binigay sa akin ni Julian.

Yakap-yakap ko siya habang tuloy lang din sa pagtalsik ng katas niya sa lagusan ko habang dahan-dahan naring humihina sa pagpintig ng kalmnan ko at makalipas ang ilang segundo nakahinga na ako ng maayos na halos mawalan ako ng malay sa sobrang orgasmong natamo ko kay Julian. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan niya ako sa leeg sabay gulong naming dalawa para mapaibabaw niya ako “hmm….” nalang ako habang tuloy lang siya sa pagdila at paghalik sa leeg ko habang nakabaon parin ang titi niya sa pekpek ko. Ginalaw ko ang balakan ko na parang nangilo parin ako dahil sa di pa humupa ang orgasmo ko “mahal..” tawag sa akin ni Julian “oo, mahal?” “na miss talaga kita” sabi ni Julian sa akin “talaga? teka, nasaan ka ba ngayon?” tanong ko sa kanya “wag kang mag-alala, nasa ligtas akong lugar” sagot niya.

“Bakit ka naluluha?” tanong niya sa akin na pinahiran niya ang luha ko “huhu.. na miss talaga kita at sa sitwasyon ngayon.. gusto kong.. gusto kong kasama kita” sabi ko sa kanya “patawarin mo ako kung hindi ako nagpaalam sa’yo nung umalis ako” sabi niya sa akin. “Kampante kasi ako kung nandito ka sa tabi ko” sabi ko sa kanya “patawarin mo ako mahal, malapit na tayong magsasama, tatapusin ko lang ang ginagawa ko dito” sagot niya sa akin. “Saan ba ang dito?” tanong ko na hinalikan niya ako sa labi “nasa Isla ako ng Kuro, sa lugar ng mga Bailan” sabi niya “bakit di mo ako sinama? ang daya mo?!” inis na sabi ko sa kanya.

“Patawad, pero hindi ka pwedeng sumama sa akin dahil Bailan lang ang pwedeng pumunta dito” sagot niya na hinalikan niya ako sa labi “mag-ingat ka mahal ko” sabi ni Julian sa akin “teka… aalis kana?” tanong ko sa kanya. “Patawad Isabella, sandali lang ang oras natin ngayon” sagot niya sa akin “to.. totoo ba ito?” tanong ko sa kanya “ang alen?” tanong niya “ito… itong.. lugar na ito.. itong.. nangyayari sa atin?” tanong ko sa kanya. “Oo, ang dalawang kaluluwang nagmamahalan, kahit gaano pa sila kalayo sa isa’t-isa magtatagpo parin ito..” paliwanag niya “ano ang lugar na ito?” tanong ko sa kanya “ito ang lugar ng tagpuan natin.. ang atin Kuro..” sagot niya na napangiti ako. Hinalikan ko si Julian sa labi at gumanti naman ito, pagkatapos bumangon na kaming dalawa at naglakad pabalik sa gitna ng paraiso namin.

“Darating ako Isabella, hintayin mo lang ako” sabi niya sa akin “wag kang magtagal, hindi ako Bailan” sabi ko sa kanya na napangiti ito “hindi pa sa ngayon..” sabi niya na nagulat nalang ako “ano ang…” tatanongin ko sana siya sa sasabihin niya ng bigla siyang bumitaw sa akin at dahan-dahan na siyang nawawala. “Te… teka.. Julian… Juliann… JULIAAANNN!” sigaw ko na bigla nalang akong nagising at lumubog sa ilalim ng tubig sa bathtub. Mabilis akong umahon at napatingin sa paligid na nagtaka ako dahil nasa banyo parin pala ako “ano… ano kaya yun?” takang tanong ko sa sarili ko, nakita ko sa tubig na me naiibang kulay ang lumutang nito kaya nung sinuri ko ito ng maayos “shit..” napamura nalang ako dahil tamod ko pala ito. “Totoo kaya yun o… imahinasyon ko lang?” takang tanong ko sa sarili ko.

Umahon ako sa tubig at nagbihis na ako, matapos makapagbihis bumaba ako at nakita ko silang nagtitipon sa sala ng palasyo “ah, gising kana pala Isabella” sabi sa akin ni Haring Narra “kumusta ang pagpapahinga mo?” tanong sa akin ni manang. “Ma.. maayos lang po” sagot ko sa kanila “me… problema ba ate?” tanong ng kapatid ko sa akin “ah.. wa.. wala.. walang problema” sagot ko sa kanya at umupo ako sa tabi niya. “Kung ganun, sisimulan na natin ang pagplano sa gagawin nating pag-atake” sabi ni Ingkong Romolo at nakita ko sa labas madilim na pala “ilang oras ba ako nakatulog?” tanong ko sa kapatid ko “hindi ko alam” sagot niya.

“Limang oras, Isabella” sagot ni manang sa akin “maghahapon na kasi nung umakyat ka” sabi ni Jasmine sa akin “ah.. ano pag-uusapan ba natin ang plano natin o gusto niyo ng kape at pag-usapan muna natin ang pagtulog ni Isabella?” sarkastikong tanong ni Haring Helius. “Helius” sabi ni Haring Narra sa kanya “eh sa gusto nilang pag-usapan ang oras ng pagtulog ni Isabella” sabi ni Haring Helius na pansin kong naiinis na ito. “Pasensya na po” sabi ko sa kanya na ngumiti ito sa akin “walang anuman yun” sagot niya “ngayon, kung wala ng iba pang pag-uusapan balik tayo sa plano na…” naputol nalang siya nung pumasok si Kap. Hernan “patawad kamahalan” sabi nito “ano yun, Hernan?” tanong ni Haring Helius “me masamang balita kaming nasagap mula sa kapuloan” balita nito.

“Manang” tawag ko sa kanya na agad niyang nilabas ang bola niya at nilagay niya ito sa mesa “dyos ko!” nasabi ko nalang nung makita naming kumalat na pala sa buong Quezon City ang itim na ulap. “Masamang pangitain ito” sabi ni Haring Narra “nasaan ba si Romolo?” tanong ni Haring Helius “nasa gubat sila nagroronda” sagot ni Kap. Hernan na napansin kong tumingin ito ng sandali sa kapatid ko. “Teka, kilala ko siya” sabi ko dun sa taong ininterview “kilala mo siya?” tanong ni manang “oo, kasamahan ko siya sa presinto si Sgt. Alan Romero yan” sabi ko sa kanila “ilang araw na pala ang itim na ulap na yan” sabi ni Haring Helius na ngayon ay tutok-na-tutok sa imahing lumabas mula sa bolang crystal ni manang Zoraida.

“Ilang araw nalang ba bago ang eklipse?” tanong ni Haring Narra “apat nalang” sagot ni Jasmine na tumingin siya kay Haring Helius “alam ko ang iniisip mo Narra, pero sobrang maaga kung bukas tayo sasalakay” sabi niya. “Alam ko pero sa sitwasyong ito, tingin ko aksaya ang isang araw kung sa pangalawa pa tayo sasalakay” sabi ni Haring Narra “sang ayun ako kay Helius, Narra” dinig naming sabi ni Ingkong Romolo. Niyuko namin ang ulo namin sa kanya maliban sa dalawang Hari “paano kung me mangyari bukas at huli na tayo?” tanong ni Haring Narra “kalma lang kaibigan, hangga’t hindi pa dumating ang eklipse wala silang magagawa kundi maghintay, kagaya natin maghihintay tayo ng tamang oras” sabi ni Ingkong Romolo.

Tumayo ako na napatingin sila sa akin “kung ganun, kung papayagan niyo ako, gusto ko pong turoan ang mga tauhan niyo kung paano gumamit ng mga armas namin” sabi ko sa kanila na nagkatinginan silang tatlo. “Sapat na siguro ang mga armas namin Isabella” sabi ni Haring Helius “bukas ako sa ano mang pwedeng magamit natin, papayag ako sa inaalok mo, Isabella” sabi sa akin ni Ingkong Romolo. “Papayag din ako” sabi ni Haring Narra “Helius?” tanong ni manang Zoraida sa kanya “makapangyarihan kaming mga Engkanto, hindi namin kailangan pang matotong gumamit ng mga armas niyo” sabi niya. “Kamahalan, ipagpatawad niyo po pero.. gu.. gusto ko pong matotong gumamit ng armas nila” sabi ni Kap. Hernan sa kanya.

“Kap. Hernan, isa ka sa magiting at magaling na sundalo sa kaharian ko hindi mo na kailangan pang matotong gumamit ng armas nila, wala ka bang tiwala sa kakayahan mong gumamit ng espada?” tanong ni Haring Helius sa kanya. “Me tiwala po ako, pero gaya po ng sinabi ni Haring Romolo bukas din po ako sa ano mang pwede nating gamitin laban sa mga aswang” paliwanag ni Kap. Hernan “ikaw ang bahala Hernan” inis na sagot ni Haring Helius na bigla nalng itong umalis at iniwan kami. “Ako ang matutuo sayo, Kap. Hernan” sabi ng kapatid ko na kita kong natuwa si Kap Hernan sa sinabi ng kapatid ko “maraming salamat, binibining Elizabeth” sagot niya na kita kong nagblush bigla ang kapatid ko kaya kinurot ko siya sa tagiliran na natawa lang ito ng mahina.

“Sige Isabella pwede mong simulan bukas ang paturo sa mga tauhan namin kung paano gumamit sa armas niyo” sabi ni Haring Narra sa akin “maraming salamat po” sabi ko sa kanila na nginitian lang nila ako. “Me.. itatanong lang po ako sa inyo, Haring Narra” sabi ko sa kanya “ano yun, Isabella?” “me.. espesyal ho bang kapangyarihan ang tubig niyo?” tanong ko sa kanya na kita kong nagtaka ito “ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya. “Ah baka tungkol dun sa tubig na pinaligo sa amin nakakawala kasi ang stress at sugat” sabi ng kapatid ko na natawa si Haring Narra “hahaha.. oo espesyal ang tubig na yun, nagpapagaling yun ng sugat at nakakatanggal ng pagod sa katawan” sabi ni Haring Narra. “Me.. iba pa ho bang kapangyarihan ito?” tanong ko sa kanya “hindi ko naintindihan, ano ba ang gusto mong itanong sa akin, Isabella?” diretsong tanong sa akin ni Haring Narra.

Nahiya akong sabihin sa kanila ang nangyari kanina kaya “ka.. kanina po kasi habang nakalubog ako sa tubig nakatulog po ako” pasimula ko na nakinig lang sila sa akin “sa pagtulog ko po, nakita ko si Julian at nakasama ko siya sa isang lugar na parang paraiso ito” patuloy ko. “Maganda po ang lugar at doon kami nag-usap at kinwento niya sa akin kung nasaan siya ngayon at kung ano ang ginagawa niya” kwento ko sa kanila. “Alam mo kung nasaan si Julian ngayon?!” gulat na tanong ni manang sa akin “oo, nasa isang Isla daw siya ngayon ng mga Bailan.. Isla ng Kuro” sabi ko sa kanila na nakita kong nagulat si Haring Narra at si Ingkong Romolo nung binaggit ko ang pangalan ng Isla.

“I.. Isla ng Kuro?” takang tanong ni Haring Narra “oo, yun ang sinabi niya sa akin” sagot ko na nagkatinginan ang dalawang pinuno “iha, kung tama ang sinasabi mo.. ibig sabihin nito..” sabi ni Haring Narra. “Nasa tamang lugar si Julian” dugtong ni Ingkong Romolo “bakit, ano ho ba ang Isal ng Kuro?” tanong ng kapatid ko “parte ito ng lupang tiniatayoan ng kaharian ni Reyna Lucia, nakita niyo yung pangpang malapit sa palasyo?” tanong ni manang sa amin “opo” sagot namin. “Me malaking lupa pa yun noon na hinati ng tatlong magkakaptid para lang ipaglayo si Lucille at ang isang Mortal na naging kasintahan nito” paliwanag sa amin ni manang Zoraida. “Hindi niyo ba alam kung sino ang kasintahan niya?” tanong ng kapatid ko “hindi binanggti sa aklat ng kasaysayan namin ang pangalan ng Mortal na ito” sabi ni Haring Narra.

“Una!” sabi bigla ni Ingkong Romolo “Una?” tanong ko “oo, yun ang pangalan ng Mortal na naging kasintahan ng Dyosa ng mga Bampira” paliwanag ni Ingkong Romolo sa amin “teka.. yung taong tumulong sa atin.. ” sabi ko. “Romolo sigurado ka bang Una ang pangalan ng Mortal na yun?’ tanong ni manang Zoraida “oo, naka ukit ito sa aklat ng kasaysayan ng mga Lobo, bakit?” tanong niya na nagkatinginan kaming tatlo ni manang Zoraida at Haring Narra “siya yung tumulong sa amin nung sumalakay dito ang mga Bailan” kwento ni manang sa kanya. “Imposible, sampung melinyo ng patay ang taong yun” sagot ni Ingkong Romolo “sobrang tagal na pala” sabi ng kapatid ko. “Kung ganun, sino pala ang taong tumulong sa amin na nagpakilalang Una?” tanong ni Haring Narra sa kanya “hindi ko alam, ang alam ko siya at si Lucille ang nagkulong kay Hilda sa ibang deminsyon” paliwanag ni Ingkong sa amin.

“Sabi nung binata siya si Una..” sabi ni manang, samantala sa Isla nakatayo si Una malapit sa dalamapasigan habang nakatingin ito sa direksyon ng kaharian ni Haring Narra “naghilom na ang mga sugat niya” sabi ng matanda sa kanya. “Hmm.. magaling… tama lang na ginawa ko yun” sabi ni Una “kailangan pa bang gawin yun? Medjo naiilang ako sa napanood ko kanina” sabi ng matanda na natawa lang si Una. “Hindi ka nag-iisa kaibigan, pero sa ganung paraan lang magkakaroon ng lakas ang kaluluwa niya.. makapiling ang taong mahal niya” sabi ni Una sa kanya na sabay silang naglakad papunta sa kubo. Nakita nilang wala na si Julian doon kaya napangiti lang si Una “ang batang yun, si Isabella lang pala ang lakas niya” sabi ng matanda na nasa loob na muli ng kweba si Julian at nagsisimula na ulit itong mag-ensayo dala ang alaalang nakasama niya si Isabella kanina sa paraiso nilang dalawa.

Scroll to Top