Chapter XVI: The Grand Ritual!
Nakarating na kami sa kaharian ni Haring Narra at agad namin siyang sinabihan tungkol sa kalabang humahabol sa amin “uutosan ko ang mga kawal ko na magbantay sa paligid at magpadala narin ako ng mga tauhan sa kubo” sabi ni Haring Narra. “Salamat kaibigan” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya “walang anuman yun kaibigan, teka nasaan nga pala si Julian?” tanong ni Haring Narra “naiwan siya kasama si Dante” sabi ko. “KAMAHALAN, KAMAHALAN!” sigaw ng isang tauhan niya “ano yun?” tanong ni Haring Narra “namataan ng mga tauhan natin na nasa labas lang ng kaharian natin sina Julian at si Dante na me kaaway sila” balita ng tauhan niya.
“Magpadala ka ng tauhan natin dun para tulongan sila” utos ni Haring Narra “nagpadala na ako ng hukbong kamahalan” sabi nung tauhan niya “kailanganin ako ni Dante, tutulong din ako” sabi ni Ingkong Romolo. “Pati narin ako” sabi ko na pinigilan ako ni manang Zoraida “hindi ito ang panahon mo, Isabella manatili ka lang dito” sabi niya sa akin “pero..” “Tenyente, hayaan niyo na sila” sabi ni Jasmine sa akin na kita kong nanginginig parin siya “Ituro mo sa akin kung nasaan sila” sabi ni Ingkong Romolo sa tauhan ni Haring Narra na sumunod siya nito pagkatapos silang magpaalam “makikita natin sila sa tore, tayo na” yaya sa amin ni Haring Narra kaya sumunod kami sa kanya paakyat sa taas ng palasyo niya.
Nagulat si Julian nung sinabi ni Dante sa kanya na kapareho ng galaw at abilidad ng tatay niyang si Lorenzo ang kalaban niya ngayon “SIGURADO KA BA, DANTE?” tanong niya “ILANG BESES KO NAKASAMA SI LORENZO SA LABANAN KAYA ALAM KO!” sagot ni Dante. “KUNG GANUN ISA DIN SIYANG BAILAN” sigaw ni Julian “BAILAN!!!” biglang sigaw ng kalaban nila at umabante ito na sa sobrang bilis ng galaw nito hindi nadepensahan ni Julian ang espada nitong tumama sa balikat niya. “AAARRGGGGHHHHHH” napasigaw si Julian sa sakit at tinulak pa ito pababa ng kalaban niya kaya lalo lang siyang napasigaw sa sakit. “JULIAAANNN!” sigaw ni Dante na umabante siya para tulongan si Julian pero humogot ng patalim ang kalaban nila at binato ito kay Dante at buti nalang dumating si Ingkong Romolo kundi tumama na ito sa dibdib niya.
“LUMAYO KA SA KANYA!” sigaw ni Ingkong Romolo sa kanya na hindi siya nito pinansin at tuloy lang ito sa pagbaba ng espada niya sa balikat ni Julian “SABI KONG LUMAYO KA SA KANYA!” sigaw muli niya na umatake siya na umikot ang kalaban niya at si Julian at biglang bumuga ito ng asido na agad naman dumepensa si Ingkong Romolo. Umatras ang kalaban nila dala si Julian at lumayo ito sa kanila “AARGGHHHH!!” sigaw ni Julian na hinila ang mukha niya palapit sa mukha ng kalaban niya “Bai….lan…” sabi ng kalaban niya na nakita niya ang itim ng mga mata nito sa butas ng maskara niya. “Si..sino ka ba?” tanong ni Julian sa kanya na tiningnan siya sa mata nito at sabing “Jul….ian…..” na kinagulat ni Julian kaya napahawak siya sa balikat nito at hinila ni Julian ang damit niya kaya napunit ito at nakita niya ang marka sa balikat niya.
“Hi…hi….hindi… im… impo… impo…. huhu…impo…huhu.. hi…hindi… ” naiiyak na sabi ni Julian “HINDI!!!” sumigaw si Julian at nagbitaw siya ng malakas na enerhiya kaya napatapon ang kalaban niya at biglang lumabas ang itim na aura sa katawan niya. “HINDI…. HINDI…” sabi ni Julian na biglang naghilom ang sugat niya sa balikat at lumabas ang malaking espada sa palad niya at nagbago ang boses niya “IMPOSIBLENG IKAW YAN….. HENERAL GUILLERMO!” sabi bigla ni Julian na kinagulat nilang lahat. Tumayo ang kalaban niya at inalis nito ang maskara niya at lalo silang nagulat nung nakita ang mukha niya. “SINO KA MANG TARANTADO KA, BUBURAHIN KITA SA MUNDONG ITO!” galit na sabi ni Julian sa kanya na bigla nalang nawala sa kinatatayuan niya si Julian at nasa harap na siya ng kalaban niya.
Nagulat ito kaya mabilis itong umatras pero bago paman siya nakalayo nasa likuran na niya si Julian at sinaksak na siya nito sa likod “AAARGGGHHHHHH!” napasigaw ito nung lumabas ang espada ni Julian sa dibdib niya. “SINO KA!? SINO KAAAAA?!” tanong ni Julian sa kanya na bigla nalang nagbago ang mukha nito at lumabas ang totoong hitsura niya at tumawa ito “HAHAHAHAHA” kaya sa galit ni Julian inikot niya ang espada niya na napatigil ito at napasigaw sa sakit. “SINO KA AT ANO ANG KAILANGAN MO SA AMIN?!” tanong ni Julian sa kanya “ha.. hahaha…hahaha.. matatawag akong mensahero… ” sagot nito.
“Kung ganun, ano ang mensaheng dala mo?” tanong ni Ingkong Romolo sa kanya “SAGUTIN MO SIYA!” sabi ni Julian na tinaas niya ang espada niya kaya nangiwi ang mukha ng kalaban niya “iiihhhh… hehehe… KAMATAYAN!” sigaw ng kalaban nila at nagsisimula na itong masunog kaya hinugot ni Julian ang espada niya at lumayo siya. “Hindi ito.. ang katapusan… me paparating na dilim.. sa buong kapuloan… hahaha… magbabalik… magbabalik ang Reyna…. ” sabi ng kalaban nila at bago pa ito tuloyang masunog lumingon ito kay Julian at sabing “… siya… ang tatapos sayo….” at naging abo na ito. Lumapit si Ingkong Romolo at Dante kay Julian “hindi siya si Guillermo… nagkukunwari lang ang aswang na iyon” sabi ni Julian sa kanila.
“Ingkong” sabi ni Dante “alam ko Dante, me malagim na mangyayari sa ating lahat kung hindi natin mapigilan ang pagbalik ng Reyna ng Aswang” sabi ni Ingkong Romolo “naniniwala kayo sa Aswang na yun?” tanong ni Julian. “Hindi biro ang dinaanan namin para mapatay namin si Olivia, Julian” sabi ni Dante “dapat noon pa namin napatay si Olivia kung hindi lang sa mga mortal na kaalyado niya noon” sabi ni Julian. “Hindi na importante yan, ang importante ngayon ay mahanap natin kung saan naglulungga ang mga aswang” sabi ni Ingkong Romolo “Ingkong Romolo, Hen. Dante” tawag ng mga tauhan ni Haring Narra “maayos lang kami” sabi ni Dante sa kanila.
“Doon na tayo mag-usap sa kaharian ni Narra nararamdaman kong me nagmamasid sa atin dito” sabi ni Ingkong Romolo kaya naglakad na sila papunta sa kaharian ni Haring Narra kasama ang mga sundalong taong puno. “JULIAN!” tawag ni manang Zoraida na niyakap niya ito “maayos lang ako manang Zora” sabi niya sa matanda habang natutuwa naman akong makita siya “maayos ka lang ba, Isabella?” tanong niya sa akin na tumango ako at nginitian siya. “Me masamang balita ang dala ng aswang na yun, Haring Narra” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya “hindi madali ang ginawa natin noon para mapatay ang Reyna ng mga aswang” sabi ni Haring Narra.
“Bakit, ano ho ba ang nangyari noon?” tanong ko sa kanila “napagpasyahan noon ng Konseho na hatulan ng kamatayan si Olivia ang Reyna ng mga aswang dahil sa ginawa niyang pag-atake sa kaharian ni Reyna Lucia” kwento ni Haring Narra. “Kailangan nating kumilos para mapigilan natin ang pagbalik ni Olivia” sabi ni Ingkong Romolo “pero saan tayo magsisimula? Hindi nga natin alam kung saan nagtatago ang mga aswang” sabi ni Dante. “Me mga taong umatake sa amin nung dumalaw kami sa palasyo ni Reyna Lucia” sabi ni manang Zoraida na napatingin silang lahat sa kanya “tama, naalala ko na, nay yung tela” sabi ni Jasmine na me kinuha sa bulsa niya si manang Zoraida at pinakita ito sa akin.
“Isabella, alam mo ba kung ano ito?” tanong niya sabay abot ng tela sa akin “saan niyo nakuha ito?” tanong ko sa kanya “nakuha namin yan doon sa nakalaban ni Julian” sagot niya. “Alam ko logo yan ng gusaling pinag-aari niyo, hindi ba Tenyente?” tanong sa akin ni Jasmine na tiningnan ko ito ng maayos “hindi, nagkakamali kayo” sagot ko sa kanila “bakit nasabi mong mali ito?” tanong ni manang Zoraida sa akin. “Hindi ito ang logo ng kompanya namin” sabi ko sa kanila “walang espada ang logo namin at isa pa hindi naman itim ang kulay ng logo namin kundi asul” dagdag ko “yun ang nakita ko sa gusali niyo, Tenyente” sabi sa akin ni Jasmine.
Tumayo ako at naglakad-lakad “ano ang nasa isip mo, Isabella?” tanong sa akin ni Julian na tiningnan ko siya at yung tela “me naalala ako dati sa lumang bahay namin dito sa Pangasinan” sabi ko sa kanya. “Yung presinto ngayon sa Alaminos?” tanong niya “oo, alam ko nakita ko na ito noon pa pero hindi ko maalala kung saan” sabi ko “hmmm tandaan mo ng mabuti Isabella” sabi ni Ingkong Romolo sa akin. “Yung kapatid ko ang makakatulong sa atin” sabi ko sa kanila “nasaan siya ngayon?” tanong ni Dante “nasa Maynila, shit!” sabi ko bigla “Isabella!” tawag sa akin ni manang Zoraida dahil nagmura ako.
“Ah hehehe pasensya na po, naalala ko lang kasi nung gabing nagkita kami ni Julian sa opisina yun ng kapatid ko” sabi ko na alam kong nagkakagulo na siguro sila ngayon sa Maynila dahil dun. “Bakit ano ang nangyari?” tanong ni Haring Narra “inatake kami ng kaparehong tao nung nasa opisina kami ng kapatid niya” kwento ni Julian “kung ganun, alam na natin kung saan tayo mag-uumpisa” sabi ni Ingkong Romolo. “Kailangan muna natin itong pagplanohan, Romolo” sabi ni Haring Narra “wala na tayong panahon, sa pinakitang lakas ng kalaban natin kanina alam kong malapit na nilang maibalik ang Reyna ng mga aswang” sabi ni Ingkong Romolo.
“Paano nila maibabalik si Olivia kung wala sa kanila ang Aklat ng Dilim?” tanong ni manang Zoraida “tandaan mo Zoraida, hindi nila kailangan ang Aklat dahil alam nila mismo kung paano bumuhay ng patay” sabi ni Ingkong Romolo. Napansin kong parang me pumasok sa isipan ni Julian nung marinig niya ito “kailangan nating alamin kung yung kompanya niyo Isabella ay me kaugnayan sa kanila” sabi ni Ingkong Romolo sa akin. “Tutulong ako sa inyo” sabi ko sa kanya “pero hindi natin pwedeng isali ang kapatid ko nito” dagdag ko “eh paano natin malalaman ang tungkol sa logong yan?” tanong ni manang Zoraida sa akin “me kilala ako at alam ko kung nasaan siya ngayon” sabi ko.
“Sino?” tanong ni Jasmine “dati siyang nagtatrabaho bilang security ng kompanya namin at siya yung namamahala sa seguridad ng building namin paggabi, si Boyet” sabi ko. “Alam mo kung nasaan siya?” tanong ni Dante “oo, nasa kulongan namin siya ngayon sa QCPD” sagot ko “bakit siya nakulong?” tanong niya “ang loko sumali sa bank robbery kaya nakakulong siya ngayon” sagot ko sa kanya. “Sige ito ang dapat nating gawin, ikaw Isabella at Julian puntahan niyo si Boyet at tanungin niyo siya tungkol sa logong yan” sabi ni Ingkong Romolo “habang kami naman ni Dante ay babalik sa tribu namin para manawagan sa ibang tribu ng mga taong lobo sa buong kapuloan” dagdag niya.
“Pupunta ako kay amang Ugat para hihingi ng tulong sa kanila” sabi ni Haring Narra “manatili muna kayo dito sa kaharian ni Narra, Zoraida, Jasmine” sabi ni Ingkong Romolo “hindi ako sasama kay Isabella” sabi bigla ni Julian. “Bakit?” tanong agad ni manang Zoraida “me kailangan akong gagawin” sagot niya “mas importante pa ba sa sitwasyon natin ngayon?” tanong ni Dante sa kanya “oo” sagot ni Julian. “Julian, ano man ang iniisip mo itabi mo muna yan, kailanganin ka namin sa sitwasyong ito” sabi ni Haring Narra sa kanya “pasensya na kayo, pero kailangan ko itong gawin” sabi ni Julian sa amin.
“Ako na ang sasama kay Isabella Ingkong, isasama ko narin si Crispin at si Berting” sabi ni Dante “sasama narin kami sayo Isabella” sabi ni manang Zoraida “delikado ang gagawin nila Zoraida” sabi ni Haring Narra. “Hindi kami mapapalagay kung manatili kami dito” sabi ni manang Zoraida sa kanya “kung ganun ang pasya niyo, naway pagpalain kayo ng buong maykapal” sabi ni Ingkong Romolo sa amin. “Dante, bantayan mo sila ng mabuti at tiyakin mong walang mangyayari sa kanila” bilin ni Ingkong Romolo sa kanya “makakaasa po kayo, kamahalan” sagot ni Dante sa kanya. “Julian” tawag ko sa kanya “maayos lang ako Isabella” sagot niya “saan ka pupunta? Ano ang gagawin mo?” tanong ko sa kanya “me kakausapin lang ako” sagot niya na naging anino siya at mabilis itong umalis.
“Hayaan mo muna siya Isabella, alam kong darating siya sa oras na kailanganin natin siya” sabi ni manang Zoraida sa akin “sana nga po” sagot ko. Pagkatapos magpaalam binuksan na ni manang Zoraida ang portal at pumasok na kaming anim at bago ito sumara nakita namin si Haring Narra at Ingkong Romolo sa dulo ng portal. Lumabas na kami at nakita naming nasa bahay na ulit kami nina manang Zoraida at kita naming nasira ang pader at bubong nila “amoy ng ligaw ng lobo ang pumasok dito” sabi ni Dante sa amin. “Heneral!” tawag ni Crispin sa kanya “magtago kayo” sabi ni Dante sa amin kaya nagtago kami sa likod ng pinto at dahan-dahan silang lumabas.
“Dante” mahinang tawag ni manang Zoraida “dyan lang kayo, me naaamoy kaming lobo sa paligid” balita niya sa amin “kung ganun tumakas nalang tayo dito” suhistyon ni manang sa kanya “manang me alam akong lugar” sabi ko sa kanya. Hinawakan ako sa noo ni manang Zoraida at parang nakita niya ata ang lugar na tinutukoy ko kaya nagbukas siya ng portal at agad kaming pumasok sa loob at sinara agad ito ni Jasmine nung lumabas na si Dante sa portal. “Anong lugar ito?” tanong ni Crispin at kita kong inaamoy ito ni Berting at bigla nalang itong napatabon sa ilong niya “huwag niyong amuyin!” babala niya sa dalawa. “Bakit?” inamoy ito ni Dante at pati siya napatakip sa ilong niya “ano ba ang naaamoy niyo?” tanong ni Jasmine sa kanila.
“Hehehe pasensya na kayo” sabi ko sa kanila dahil alam ko kung ano ang naaamoy nila na agad kong sinara ang pinto ng kwarto ni Elizabeth kaya nakahinga silang tatlo ng maayos “salamat” sabi ni Berting sa akin. “Ano ba kasi ang naaamoy niyo?” tanong muli ni Jasmine “perfume ng kapatid ko” sabi ko sa kanya “bahay niyo ba ito?” tanong ni Dante sa akin “hindi, condo unit ito ng kapatid ko pero hindi niya ito masyado ginagamit” sabi ko. “Bakit niya ito binili kung hindi pala niya ito ginagamit?” tanong ni manang sa akin “pumupunta lang siya dito pag me hidwaan sila ni papa, ito yung takbuhan niya kung ayaw niyang umuwi ng mansion” sagot ko. “Mansion? Ibig sabihin ang yaman niyo pala Tenyente?” tanong sa akin ni Jasmine “papa ko hindi ako, Jasmine” sagot ko sa kanya.
“Magpahinga na muna kayo at kami na ang bahalang magbantay” sabi ni Dante sa amin “ok lang, hindi naman ako pagod” sagot ko sa kanya ganun din sina manang at Jasmine. “Crispin, Berting magbantay kayo” utos niya sa mga tauhan niya na tumango ito at pumwesto sila malapit sa pintuan habang nasa sala namin kaming apat. “Malapit lang ba tayo sa presinto niyo?” tanong ni Dante sa akin “limang kanto mula dito, pinili ng kapatid ko ito para narin matirhan ko” sabi ko sa kanila “ang bait pala ng kapatid mo, Tenyente” sabi ni Jasmine “Issa nalang itawag mo sa akin” sagot ko sa kanya. “Nagugutom ba kayo?” tanong ko sa kanila “ipagluluto ko kayo” sabi ko sa kanila “tutulongan na kita, Isabella” sabi sa akin ni manang Zoraida “sige dahil nagugutom na rin kami” sabi ni Crispin na umiling lang si Dante.
Samantala tumunog ang pribadong celfon ni Don Enrico “sino yan Enrico?” tanong ng asawa niyang si Beatrice “hmm…” lang ang sinagot niya at nag excuse ito na sasagutin niya. Tumingin lang sa kanya si Elizabeth at tinuloy nalang nila ang haponan nila, pagdating ni Don Enciro sa study room niya sinagot niya agad ito “hello” “kailangan kita dito” sabi nung tao sa linya “hmm… darating na ako” sagot niya at binaba na nung caller ang linya. Bumalik siya sa dinning room nila “aalis muna ako Beatrice” paalam niya sa asawa niya “saan ka naman pupunta?” tanong nito “sandali lang ako” sagot lang niya sa asawa niya at kinuha nito ang susi ng sasakyan niya at umalis na siya. “Saan pupunta ang papa mo?” tanong ni Doña Beatrice kay Elizabeth na nagkibit balikat lang ito at tinuloy ang pagkain niya.
Habang nagmamaneho siya pabalik sa opisina biglang me sumulpot sa likuran ng kotse niya “ano ang balita?” tanong niya “pumalpak ang lakad namin, napatay ni Julian ang kapareho ni Guillermo” balita ng tauhan niya. Agad pinarada ni Don Enrico ang kotse niya sa tabi at sinuntok niya ang manobela at galit na galit itong nagsisigaw sa pangalan ni Julian “huminahon ka Don Enrico” sabi ng tauhan niya. “Paano ako hihinahon kung hindi niyo mapatay-patay ang demonyong yun!” galit na sabi ni Don Enrico sa kanya “yung nangyari sa palasyo hindi lang pala yun ang kapangyarihan niya” balita ng tauhan niya. “Nasaan na sila ngayon?” tanong niya “ang huling balita namin nasa kaharian parin sila ni Haring Narra” sagot ng tauhan niya.
Tumunog muli ang phone niya at agad niya itong sinagot “parating na ako” sagot niya sa linya “magmadali ka” sabi nung tao sa linya “oo” sagot ni Don Enrico na tiningnan niya ang tauhan niya sa likod sabay baba niya sa celfon niya. “Patawarin mo kami Don Enrico, sa susunod hindi na kami papalpak” sabi nung tauhan niya “haaayy.. si Isabella?” tanong niya “wala sa kubo nung umatake kami, siguro nakatakas na sila” sagot nung tauhan niya. “Hmp!” lang siya “bakit parang alala ka sa kanya? Akala ko ba wala lang siya sayo?” tanong nung tauhan niya “magdahan-dahan ka sa pananalita mo kung ayaw mong masaktan” banta ni Don Enrico sa kanya na biglang namula ang mata niya na kinatakot ng tauhan niya “pa.. patawad Don Enciro” sabi ng tauhan niya na tumango lang ang Don at umalis na ito.
Dinaanan ni Julian ang espada ni Lorenzo sa kubo at tinalian niya ito ng lubid sa hawakan at kinarga niya ito papunta sa dating Kuro at sinaksak niya ito sa lupa kung saan sinunog noon si Lorenzo. Lumuhod si Julian at nilagay niya ang kamay niya sa itim na lupa at pinikit niya ang mga mata niya at biglang gumalaw ang espada ni Lorenzo at lumiwanag ito “ito na” sabi ni Julian na bigla nalang lumipad ang espada ni Lorenzo kaya hinabol niya ito. Tumawid sa dagat pasipiko ang espada ni Lorenzo kabuntot nito si Julian at ilang sandali lang ay bigla itong tumigil at nakatayo itong bumagsak sa buhangin sa isang isla na ngayon lang niya nakita.
Dahan-dahang bumaba si Julian pero bago paman siya nakatapak sa buhangin biglang nakuryente siya at parang me kung anong misteryosong kamay na pumasok sa dibdib niya kaya napasigaw siya. “AAARRRGGGHHHHHH!!!” para kasing pinunit ang dibdib niya at biglang lumiwanag ang dibdib niya at me nakita siyang mga mukha na lumabas nito at hinimatay siya pagkatapos at bumagsak siya sa buhangin sa tabi mismo ng espada ni Lorenzo. Makalipas ang ilang sandali me kung anong tumutusok sa noo niya na pilit niya itong inaalis pero paulit-ulit lang itong tinutusok ang ulo niya kaya agad niyang binuka ang mga mata niya at nakita niya ang isang matanda na nakatingin sa kanya.
“Hmmm… mabuti at buhay kapa pala” sabi nung matanda sa kanya na agad bumangon si Julian at humarap siya sa matanda “si.. sino ka?” tanong ni Julian sa kanya “nasaan ako?” sunod niyang tanong. “Hmmm.. kakaiba ang suot mo, ano ito?” tanong nung matanda sa kanya na kita niya ang suot ng matanda na parang katutubo ito dahil sa suot niyang parang panahon noon ni Lapu-Lapu. “Ito na ang sinusuot ng kasalukoyang panahon” sabi ni Julian sa suot niyang itim na pantalon at itim na kamiseta :”kasalukoyang panahon? hmm…. hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo bata” sabi nung matanda sa kanya na lumakad ito at umupo malapit sa apoy at tinusok-tusok niya ito na inaayos niya ang kahoy para mabalanse ang pagkasunog nito.
Tumayo si Julian at tumingin siya sa paligid at nagulat siya dahil maliban sa espada ni Lorenzo marami pang mga espada ang nasa paligid “ano ang pangalan ng islang ito?” tanong niya sa matanda na tiningnan siya nito at tinuro ng matanda ang upoan sa harapan niya. Umupo si Julian at tumitingin-tingin siya sa paligid at tila parang sementeryo ito ng mga espada sa daming mga espadang nasa paligid nila. Tahimik lang ang matanda at nakatingin lang ito sa apoy na sumasayaw sa gitna nila “tanda, tinatanong kita” sabi ni Julian sa kanya na hindi siya nito tiningnan “mga kabataan ngayon hindi na talaga marunong rumespeto sa mga nakakatanda nila” sabi ng matanda sa kanya na tumingin ito sa kanya at tinuro ang espada ni Lorenzo.
“Bakit?” tanong niya “mas mabuti pa siya, pagkakita niya sa akin agad itong lumuhod at binigyan agad ako ng respeto” sabi ng matanda kay Julian na napatingin siya sa espada ni Lorenzo “ang ama ko? Pumunta dito ang ama ko?” tanong niya. “Lahat ng Bailan na nakatanggap ng bakal mula sa bulalakaw ay dumadaan dito” nakangiting sabi ng matanda sa kanya na umayos ito ng upo at tinuro ang isang espada. “Parang kang siya” sabi ng matanda na tiningnan nila ang lumang espada na nakatayo sa pinaka itaas na tuktok ng isla “bakit sino ba siya?” tanong ni Julian “hehehe.. siya lang naman ang unang Bailan” sagot ng matanda sa kanya na kinagulat niya. “Ba… Bailan?” gulat na tanong niya.
“Hmmm… mahina ka ba?” tanong ng matanda sa kanya “ano ang ibig niyong sabihin?” tanong ni Julian na tumayo ang matanda at umikot ito “ang mga espadang nasa paligid mo, ang islang ito, hindi mo parin ba nakuha?” tanong ng matanda sa kanya. Napatayo si Julian at tumingin siya sa paligid “im.. imposible.. akala ko ba lumubog na ang isla noon?” gulat na tanong ni Julian sa matanda na ngumiti lang ito at nagsimula itong maglakad sa dalampasigan kaya sinundan niya ito. “Teka, kung ito ang Kuro bakit hindi bumalik ang mga Bailan dito? Bakit hindi sila umuwi sa islang ito?” tanong niya sa matanda “bakit, bakit ikaw lang ang natirang tumira dito?” sunod niyang tanong.
“Hmm… bakit.. bakit.. bakit…” sabi ng matanda na ngumiti lang ito “ah.. pa-pasensya na po” sabi ni Julian “walang anuman yun bata” sabi ng matanda sa kanya na huminto sila sa isang malaking bato at nung tiningnan ito ni Julian me nakasulat sa pader nito. “Ito ang sagradong bato ng Kuro, ito ang batas at relihiyon ng mga Bailan” kwento ng matanda sa kanya “dito nagsimula ang lahat, bata” dagdag ng matanda. Nakita ni Julian sa pinakaitaas ng pader ang isang taong nakatayo sa isang puntod na tinaas nito ang espada niya sa ilalim ng araw “siya ang unang pinuno ng Kuro, ang espadang hawak niya ay ang kauna-unahang espadang ginawa galing sa bakal ng bulalakaw” kwneto ng matanda kay Julian.
“Nandito ho ba yan sa islang ito?” tanong niya sa matanda na tumingin ito sa paligid kaya napatingin din si Julian “hmm…. wala” sabi bigla ng matanda na napabugnot nalang si Julian “alam niyo palang wala bakit ang tagal niyong sumagot” sabi ni Julian sa kanya. “Bwahahahaha kalma lang bata” sabi ng matanda sa kanya na tinapik siya nito sa balikat at bumalik na sila sa kampo nila “wala ka bang napapansin?” tanong ng matanda sa kanya nung papalapit na sila sa kampo nila “ano ho ang dapat kong mapansin?” tanong ni Julian. “Isla ito ng Kuro, sagradong lugar ng mga Bailan, walang sino mang makakatapak sa lupang ito kundi ang purong Bailan lang” sabi ng matanda sa kanya na biglang napaisip si Julian ng sandali.
“Haayyy… mahina ka talaga, hindi ka katulad sa nauna sayo” sabi ng matanda sa kanya na nauna itong umupo sa upoan niya at umupo narin si Julian at doon lang niya napansin kung ano ang sinasabi ng matanda sa kanya. Sa liwanag ng apoy sa harapan niya nakita niya ang kulay ng balat niya “ka.. kayumanggi?” gulat na sabi niya na napatingin siya sa matanda at magkasing kulay na sila ng balat. “Sagrado” sabi ng matanda sa kanya sabay turo nito sa itaas at nung tumingala siya nanlaki nalang ang mga mata niya nung nakita niya ang mga kaluluwa ng mga Bampirang nakalutang lang sa ere. Napanganga si Julian sa gulat kaya ginamit ng matanda ang kahoy niya at sinara ang bibig ni Julian “hindi mabuti sa isang tao ang nakabukas ang bibig, lalong-lalo na kung nakaharap ka sa apoy” sabi ng matanda sa kanya.
“Pa-paano nangyari ito?” takang tanong ni Julian na napatayo siya at tumingin sa isang daan at tatlong kaluluwa ng mga Bampira na nakalutang lang sa ibabaw ng Isla. “Isa lang ang ibig sabihin niyan, bata” sabi ng matanda na tumingin sa kanya si Julian “espesyal ka sa lugar na ito” dagdag niya. “Ano po ang ibig niyong sabihin?” tanong niya “nararapat ka sa islang ito” sagot ng matanda na tumingin si Julian sa itaas at nakita niya ang kaluluwa ni Reyna Lucia, Hen. Guiilermo at ni Morietta na naghihintay lang sa kanya. “Mahal na Reyna” mahinang sabi ni Julian na napatingin sa taas ang matanda “ah.. ang apoy na pumatay sa huling pinuno” sabi ng matanda na tumingin sa kanya si Julian.
“Alam niyo ang nangyari sa ama ko?” tanong ni Julian na ngumiti sa kanya ang matanda at tinuro ang espada ni Lorenzo “kinwento niya sa akin” sabi ng matanda sa kanya “kinwento ng espada ni Lorenzo ang nangyari sa kanya?” tanong ni Julian. “Hindi mo ba sila naririnig?” takang tanong ng matanda sa kanya “ano ba ang pinagsasabi mo, tanda?” inis na tanong ni Julian sa kanya na umiling ang matanda at umayos ito ng upo. “Ang lahat ng espadang ito ay me pangalan, sa oras na ginawa sila nagsisimula na silang mabuhay at doon lang sila magkakaroon ng boses kung mapatakan na sila ng dugo ng taong magmamay-ari sa kanila” kwento ng matanda kay Julian.
“Kilala mo ba ang pangalan ng espada ni Lorenzo?” tanong ng matanda sa kanya na umiling si Julian “hmm… Lam-ang!” sabi ng matanda na biglang lumipad ang espada ni Lorenzo at lumutang ito sa ibabaw ng apoy. “Lam-ang?” tanong ni Julian na nakita niyang umikot ang espada na parang me tenga ito at lumingon sa kanya “pinapangalanan ng mga bagong pinuno ang espada nila sa mga pinunong sinundan nila” kwento ng matanda. “Isa itong ritwal na ginagawa ng bagong pinuno ng mga Bailan ang pangalanan ng espada niya sa sinundan niyang pinuno para maipagpatuloy niya ang koneksyon ng dati sa panibagong panahon” kwento ng matanda kay Julian.
“Ibig sabihin nito ang lahat ng espadang nasa paligid natin ay mga dating pinuno ng Kuro?” tanong ni Julian “tama!” sagot ng matanda sa kanya “pero, nakakalungkot sabihin dahil dito na naputol ang koneksyon ng mga dating Bailan na namuno noon” sabi ng matanda. “Kung gagawa ako ng espada pwede kong ipangalan ito sa ama ko?” tanong niya “hindi!” sagot ng matanda “bakit hindi?” tanong niya. “Dahil si Lorenzo ang tinakdang maging huling pinuno ng mga Bailan, wala na ang Kuro kaya wala ng dahilan para sundan pa ang koneksyon na yun” sabi ng matanda sa kanya. “Hindi pwede ito! Paano ang legasiya ng ama ko?” tanong ni Julian sa kanya.
“Hmmm… akala ko ba hindi ka interesado sa angkan mo?” tanong ng matanda sa kanya na natahimik nalang si Julian “hehehe.” tumawa lang ang matanda na parang nahiya si Julian sa inasal niya kanina. “Kung gusto mong malaman ang lahat, nandyan ang espada niya, hawakan mo lang at dadalhin ka niyan sa panahon na gusto mo” sabi ng matanda sa kanya na naupo si Julian sa upoan niya at tumingin siya sa apoy “lahat ng gusto kong malaman?” tanong niya “hmm… ” sagot ng matanda sa kanya na tumingin si Julian sa espada ng ama niya “paano ko malaman ang nangyari nung gabing pinatay ni Reyna Lucia si Lorenzo kung kasama ko ang espadang ito nung pinatakas ako ng ama ko?” tanong ni Julian.
Tumingin sa kanya ang matanda at sabing “tandaan mo, ang espadang yan at si Lorenzo ay iisa, lahat ng nakikita ni Lorenzo nakikita din ng espadang yan” sabi ng matanda sa kanya. “Kung ganun” sabi ni Julian na bigla nalang bumagsak sa harapan niya ang espada ni Lorenzo “hawakan mo lang ang espadang yan” sabi ng matanda sa kanya na tumingin muna siya sa matanda na nginitian siya nito “nandito lang ako” sabi ng matanda sa kanya. Nagdadalawang isip si Julian na abutin ang espada ni Lorenzo kaya huminga siya ng malalim bago niya inabot ang hawakan nito at nung nahawakan na niya ito bigla nalang lumiwanag ang espada at nasilawan siya nito kaya napatakip siya sa mata niya.
“Tandaan mo bata, ano man ang makikita mo, yun ang katutuhanan” paalala ng matanda sa kanya na bigla nalang itong nawala sa liwanag ng espada at sumunod na nangyari ay nakita nalang niyang nakatayo siya sa isang gubat. :”Kilala ko ang lugar na ito” sabi niya sa sarili niya na napalingon siya at narinig niya ang ingay ng kabayo na papalapit sa kanya na agad siyang nagtago sa likod ng puno at nung sumilip siya nakita niya ang tatlong taong sakay ng tatlong kabayo. Nagmasid lang siya at nakinig lang siya sa tatlo nung dumaan ito sa harapan niya “Kapitan, natutuwa kaming uuwi kana sa Kuro” sabi nung isa sa taong nasa gitna nila “natutuwa din akong makita muli ang Kuro” sabi nung nasa gitna.
“Matutuwa nito sa pinunong Lam-ang, Kapitan” sabi nung nasa kaliwa niya na lumabas ako sa likod ng puno at parang hindi nila ako nakita kahit ilang talampakan lang ang layo nila sa akin “hindi ka nila makikita, bata” sabi bigla ng matanda kay Julian. “TANDA!” gulat na sabi ni Julian na natawa lang ito “hindi ka nila makikita kaya huwag kana magtago” sabi ng matanda sa kanya “paanong hindi nila tayo makita?” tanong niya “memorya nalang ito ng espada ni Lorenzo” sagot ng matanda na biglang nagbago ang paligid at nasa harap na sila ng gate ng Kuro. “Ah.. ang tahanan natin” sabi ng matanda nung nakita niya ito “MABUHAY KA KAPITAN LORENZO, NATUTUWA KAMI SA PAGBALIK MO!” sigawan ng mga Bailan na nakita ni Julian ang tuwa at saya ng mga Bailan nung pumasok na sa Kuro si Lorenzo.
“Tingnan mo kung paano siya tanggapin ng Kuro” sabi ng matanda kay Julian na nakatyao silang dalawa sa itaas ng tore “parang pyesta ah” sabi ni Julian “alam mo ba na bago maupo ang bagong pinuno sa Kuro ay kailangan niya munang dumaan sa isang ritwal bago maipasa ng dating pinuno ang tungkolin niya?” sabi ng matanda sa kanya. “Anong ritwal?” tanong ni Julian “panoorin mo” sabi ng matanda sa kanya na nakita ni Julian ang mataas na tore na tinayo sa gitna mismo ng Kuro. “Ano yan?” tanong ni Julian “hahaha ako ang nagpasimuno niyan noon kasi basta-basta nalang pipili ang bagong uupong pinuno na hindi angkop sa ating mga Bailan” sabi ng matanda sa kanya.
“Ano ang gagawin nila dyan? Para saan ba yan?” tanong ni Julian “panoorin mo para malaman mo” nakangiting sabi ng matanda sa kanya na tumayo si Lorenzo sa harap ng magulang niya at natahimik na ang lahat. “NGAYON, UMUWI NA ANG ANAK KONG SI LORENZO” pasimula ni Lam-ang “PANAHON NARIN PARA BUMABA AKO SA TUNGKOLIN KO BILANG PINUNO NIYO” patuloy niya “NAKAHANDA NA ANG LAHAT PARA SA RITWAL, NGAYON SIMULAN NA ANG PALIGSAHAN!” sabi ni Lam-ang na naghiyawan ang buong Bailan at agad nilang pinresenta ang anim na lalahok sa paligsahan sa pag-akayat sa ikalimang palapag ng tore.
“Teka, maglalaban sila?” tanong ni Julian “hehehe oo, noon nahuhulog kasi sa politika ang lahat kung ang bagong pinuno ang mismong pipili na magiging kabiyak niya kaya sa ganitong paraan magiging patas ang lahat” paliwanag ng matanda sa kanya. “SIMULAN NA ANG PALIGSAHAN!” sigaw ni Hen. Amistad na nagsimula naring mag-ingay ang mga tambol sa gilid ng tore at lumapit na ang anim na kababaihan sa gilid ng tore dala ang sandatang arnis nila. “ALAM NIYO NA ANG PATAKARAN NG RITWAL NA ITO, SINO MAN SA INYONG ANIM ANG MAKAKAAKAYAT SA IKA LIMANG PALAPAG NG TORENG ITO AY ANG MAGIGING KABIYAK NI LORENZO!” paliwanag ni Lam-ang sa kanila.
“NGAYON, KUNG HANDA NA KAYO” sigaw ni Lam-ang na tumigil na sa pagtambol “ABANTE!” sigaw ni Nala na agad kumilos ang anim at pumasok sila sa ilaim ng tore papunta sa hagdanan na naglaban pa sila. Naka maskara ang mga kakabaihan at pareho ang mga suot nila kaya hindi mo alam kung sino-sino ang sumali sa palahok na ito “pinuno, tila magagaling ata ang mga kababaihan na sumali ngayon” sabi ni Hen. Amistad kay Lam-ang. “Hahaha tama ka Heneral at alam kong magiging magaling na mandirigma ang magiging esposa mo, Lorenzo” sabi ni Lam-ang na napabugnot nalang si Lorenzo.
“Ang gagaling nilang lumaban” sabi ni Julian dahil wala sa anim ang napatumba dahil magaling silang dumepensa “kailangan mapaalis sa loob o taas ng tore ang kalaban nila kung gusto nilang manalo” paliwanag ng matanda kay Julian. Nakita nilang nasa pangalawang palapag na ang anim at tila magaling nga silang lahat dahil wala pa sa kanila ang naalis sa tore “ayan na!” sabi ni Hen. Amistad nung natadyakan ng isang babae ang kalaban niya at muntik na itong mahulog sa pangalawang palapag pero nakakapit ito kaya nakabalik ito sa loob. “WOOO!” sigawan ng lahat nung nakita nila yun at nakita ni Julian na natutuwa ang matanda sa pinapanood nila.
Nagsigawan ang lahat nung naalis sa tore ang isang babae at nagsimula naring umakyat sa pangatlong palapag ang tatlo habang naglaban parin sa pangalawang palapag ang dalawang babae. “YAAAHHHHH!” sigaw bigla ng matanda na kinagulat ni Julian na tumawa lang ang matanda sa reaction niya “ayun na!” sabi ng matanda dahil me isa nanamang babae ang naalis sa tore kaya apat nalang ang natira. “Ayan, dalawa laban sa dalawa” sabi ng matanda na natutuwa itong nakatingin sa tore, napamangha si Julian sa galing ng mga babaeng ito lalo na sa paggamit ng arnis. “Ayan na!” sabi nung matanda nung nahulog na yung isa pang babae at tatlo nalang sila at nakaakyat na sila sa pang-apat na palapag.
“TATLO NALANG ANG NATIRA!” sigaw ni Hen. Amistad na nagkaharapan na ang tatlo sa pang-apat na palapag at naglaban silang tatlo, nung una dalawa laban sa isa at nung nahulog na yung pangatlo, dalawa nalang ang natira. “Heto na Lorenzo” sabi ni Hen. Amistad sa kanya na napabugnot nalang muli si Lorenzo at tumingin sa itaas ng tore, Umatake ang isang babae at natamaan niya sa balikat, sa gilid ng katawan at sa paa ang kalaban niya na napatumaba ito. “Huwag kanang tumayo, akin na si Lorenzo” sabi nung unang babae na bumangon ang pangalawa at pumorma ito “gusto mo talagang masaktan no?” sabi nung unang babae na hindi siya sinagot nung pangalawa “katawan mo yan” sabi nung una na umatake ulit siya.
“AKIN NA SI LORENZO!” sigaw nung unang babae na bigla nalang yumuko ang pangalawang babae at sinaksak niya sa tiyan ang una gamit ang arnis niya na napaatras ito kaya kinuha niya itong pagkakataon para atakihin siya. Tinamaan niya ang unang babae sa mukha, sa leeg, sa balikat sa gilid ng tyan sa hita niya pababa sa tuhod na napaatras ang unang babae sa dulo ng pang-apat na palapag. Napatingin ang una sa pangalawa na gulat na gulat ito sa pinakitang galing niya “akin si Lorenzo, hindi sayo!” sabi nung pangalawa na binigyan niya ng isang malakas na tadyak ang unang babae na napaatras ito paalis ng platform ng pang-apat na palapag at sinalo ito ng maraming Bailan na naghihintay sa baba.
Nagsigawan ang lahat nung nakita nila ang natirang babae na umakyat na ito sa ika limang palapag at kinuha ang isang tela na isusuot ni Lorenzo sa koronasyon niya. Sumunod ay humarap ang nanalo sa paligsahan kina Lam-ang, Nala at Lorenzo at pinresenta niya ang tela kay Lorenzo na tinanggap naman niya ito. “Lorenzo” tawag ni Lam-ang sa kanya na nilapitan ni Lorenzo ang babae at siya na ang nag-alis sa maskara niya. “YAAAHHHHH!” nagsigawan ang lahat nung nakita nilang si Lala ang nanalo na kinagulat naman ni Lorenzo dahil alam niyang me gusto sa kanya ang babae “akin kana ngayon, Lorenzo” mahinang sabi ni Lala sa kanya na tinaas ni Lam-ang ang kamay nilang dalawa “IPAPAALAM KO SA LAHAT ANG PAG-IISANG DIBDIB NG BAGONG PINUNO NG KURO NA SI LORENZO AT ANG BAGO NIYANG KABIYAK NA SI LALA!” pag anunsyo ni Lam-ang na naghiyawan sila at maya-maya lang ay lumuhod sila.
“Inay” sabi ni Julian na tinapik siya ng matanda at biglang bumalik sila sa isla “kinasal ang ama at ina ko sa araw ng pagbalik niya sa Kuro?” tanong ni Julian sa matanda “oo, malubha na ang karamdaman ni Lam-ang kaya bago pa man siya pumanaw kailangan niyang maipasa ang titolo niya kay Lorenzo” paliwanag ng matanda. “Mahal na mahal ni Lala ang ama mo, kahit alam niyang pangalawa lang siya sa puso ni Lorenzo hindi ito naging hadlang para gawin niya ang tungkolin niya” kwento ng matanda. Tahimik lang si Julian na nakatingin ito sa apoy “kung iniisip mo na kaya ka ipinanganak dahil sinunod ni Lorenzo ang responsibilidad niya bilang pinuno, nagkakamali ka bata” sabi ng matanda na napatingin sa kanya si Julian.
“Bago ka pa man nabuo sa sinapuponan ng nanay mo sinimulan ng mahalin ni Lorenzo si Lala, ang ritwal nilang mag-asawa ang maglaban, hahaha kung gaano kagaling si Lorenzo ganun din kagaling ang nanay mo” kwento ng matanda sa kanya. “Nakita mo kung paano lumaban ang nanay mo, hindi ba?” tanong ng matanda sa kanya “oo…. teka..” sabi bigla ni Julian “bakit?” tanong ng matanda na tumayo si Julian at ginaya niya ang purma ni Lala kanina “ano ang ginagawa mo?” tanong ng matanda sa kanya. “Hah!” sabi nalang ni Julian at bigla siyang umupo sa kahoy “hmmm… ” nagtaka sa kanya ang matanda.
“Yung tayo niya at purma niya.. parang nakita ko na noon yan… hindi ko lang mata…” naputol nalang siya at tumingin siya sa taas at nakita niya ang taong iniisip niya na pati ang matanda napatingala din sa mga kaluluwang nakalutang sa ibabaw ng Isla. “Siya ba?” tanong ng matanda na nakatingin silang dalawa kay Morietta “imposible.. ” sabi ni Julian “walang imposible bata, kung alam mo ang totoo” sabi ng matanda sa kanya. “Akala ko si ama ang nagturo sa kanyang lumaban pero ang pustora at purma ng pag-atake niya katulad sa nanay ko” sabi ni Julian “hmmm… ang hina mo talaga bata” sabi ng matanda sa kanya.
“Dahil tinuroan siya ni Lala” sabi ng matanda sa kanya na hinawakan muli ni Julian ang espada ni Lorenzo at napunta siya sa kubo ng magulang niya na ngayon ay nakita niyang buntis na ang nanay niya. Nagulat siya dahil nakita niya si Morietta sa loob na nag-eensayo ito habang binibigyan ng utos ni Lala kung paano ito gumalaw at paano ito dumepensa “hindi pa ba kayo tapos?” tanong ni Lorenzo na ngayon ay kakapasok lang sa kubo. “Heneral” tawag ni Morietta sa kanya “hindi ka pa ba babalik sa palasyo, Morietta?” tanong ni Lorenzo “hindi pa” sagot ni Morietta “Mori, yung pustora mo” sabi ni Lala sa kanya “opo, mahal na Ginang” sabi ni Morietta na umayos siya.
“Papagalitan ka ni Reyna Lucia niyan” sabi ni Lorenzo “hindi naman magagalit ang Reyna kung dumadalaw ako dito, si Heneral Guillermo lang” sabi niya na nagpapahid siya ng pawis at nakatingin sa tiyan ni Lala. “Malapit ng lalabas ang anak namin, Mori” sabi ni Lala sa kanya “Heneral, pwede bang paglaki niya… ” sabi ni Morietta “ano?” tanong ni Lorenzo “siya ang maging.. kabiyak ko?” sabi ni Morietta na nagkatinginan ang mag-asawa at natawa sila. “Hindi pa nga lumabas ang anak namin aangkinin mo na agad” sabi ni Lala sa kanya “eh gusto ko kasing maging parte ng pamilya niyo” nakangiting sabi ni Morietta na napailing lang si Julian.
“Kailangan mo munang dumaan sa isang ritwal Morietta bago mo maangkin si Julian” sabi ni Lala sa kanya “kahit sino kakalabanin ko” sabi ni Morietta na natawa lang si Lorenzo “pero alam mong mga babaeng Bailan lang ang pwedeng sumali dun, Morietta” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Hmp!” lang si Morietta na humawak siya sa tiyan ni Lala at ngumiti siya “Julian, paglabas mo aalagaan kita at babantayan kita” sabi ni Morietta na napangiti si Julian “at paglaki mo, magiging akin ka!” dagdag niya na natawa ang mag-asawa pati narin ang matanda sa likod ni Julian “si Kapitan talaga” sabi ni Julian.
“Paumanhin po, Pinuno!” sabi ng isang tauhan niya sa labas “ano yun?” tanong ni Lorenzo “nakahanda na po ang mga tauhan natin, ikaw nalang po ang hinihintay namin” balita nito “sige, susunod na ako” sagot ni Lorenzo. “Mahal, aalis ka ba talaga ngayon?” tanong ni Lala sa kanya “oo, nagpatawag ng pagpupulong si Haring Romolo” sabi niya “Morietta, wala na ang araw, dapat ka naring bumalik sa palasyo” sabi niya kay Morietta. “Sige po, paalam Ginang Lala, Heneral” paalam niya sa dalawa “mag-iingat ka Morietta at ano mang oras dalawin mo ako dito para ipagpatuloy natin ang pag-eensayo mo” sabi ni Lala sa kanya “masusunod po, mahal na Ginang” sabi ni Morietta na hinatid silang dalawa ni Lala sa labas ng kubo.
“Paalam sa inyo!” sabi Morietta na nagkaroon ito ng pakpak at lumipad na ito pabalik sa palasyo “nagdadalaga na talaga si Morietta” sabi ni Lala “tumitigas narin ang ulo” sabi ni Lorenzo. “Mahal, mag-iingat kayo” sabi ni Lala sa kanya “babalik agad ako pagkatapos” sabi ni Lorenzo sa kanya na biglang napangiwi ang mukha ni Lala “bakit?” tanong agad ni Lorenzo. “Tumadyak si Julian” sabi ni Lala sabay ngiti niya “hehehe, anak huwag mo masyadong bigyan ng sakit ng ulo ang nanay mo ha?” sabi ni Lorenzo kay Julian “Pinuno” tawag ng tauhan niya “aalis na kami” paalam ni Lorenzo “mag-ingat kayo, mag-ingat ka!” sabi ni Lala sa kanya “oo” sagot niya at humalik siya kay Lala at sa tiyan niya bago sumakay ng kabayo si Lorenzo at umalis na sila.
Habang malayo na sina Lorenzo sa Kuro nagsisimula naring sumakit ang tiyan ni Lala kaya agad siyang pinasok sa kubo nila at pinatawag ng nanay niya ang manghihilot at mag-aanak ng Kuro. Nagtatawanan at nagsasaya sila Lorenzo habang nasa byahe sila papunta sa lugar ng mga Lobo na lingid sa kaalaman niya nanganganak na pala si Lala. Habang nangyayari ang lahat ng ito nakatayo sa ibabaw ng pader ng Kuro sina Hen. Amistad at Resisyo bitbit ang mga espada nila at isang bote ng alak “kaibigan” sabi ni Hen. Amistad na inabot ang bote galing kay Resisyo at uminom ito “huwag mong ubosin yan Amistad” sabi ni Resisyo na hinanda na niya ang espada niya. “Alam ko” sabi ni Hen. Amistad na tumingala ito sa langit.
“Hoy Amistad! mangako ka” sabi ni Resisyo sa kanya “ano?” tanong niya “kung sino man sa atin ang mauuna, dapat maghanda ito ng alak” nakangiting sabi ni Resisyo na napangiti din si Amistad “papayag ako dyan” sagot niya na binato niya ang bote sa lupa at nabasag ito. Lumingon si Hen. Amistad sa likuran niya at nakalinya na ang mga sundalong Bailan “bakit ngayon pa kung kelan wala ang pinuno natin” sabi ni Resisyo “huwag kana magreklamo Resisyo, parang hindi ka Bailan” sabi ni Amistad sa kanya “Heneral, nakapwesto na po ang mga tauhan natin at me nagbabantay narin sa mahal na Ginang” balita ng tauhan niya. “Mabuti!” sagot ni Hen. Amistad habang nakatingin siya sa maraming sundalong Kastila na papalapit sa Kuro.
Chapter XVII: Death!
“Issa, ano ang plano mo?” tanong ni manang Zoraida sa akin “hihintayin muna natin maghating gabi para konte nalang ang tao sa presinto” sabi ko sa kanya “paano kung marami pang tao dun?” tanong ni Dante. “Alam ko ang takbo ng presintong yun, Dante kaya nakakasiguro akong konte nalang ang tao mamaya” pasisiguro ko sa kanya “ang sarap ng niluto mo Issa” sabi ni Jasmine sa akin na tinulongan na niya akong magligpit ng plato. “Ako na ang maghuhugas niyan” sabi ni manang Zoraida sa akin “hindi manang me dishwasher kaya hindi mo na kailangan pang hugasan yan” sabi ko sa kanya na binuksan ko ito at pinasok ko ang mga ginamit namin sa loob at naglagay ako ng dishwasher soap at sinara ko ito at pinaandar.
Nakaupo kaming lahat sa sala at nag-uusap sa susunod naming hakbang “nasa pangatlong selda si Boyet, solo siya dun” sabi ko sa kanila na ginuhit ko pa ang buong layout ng presinto para malaman nila kung nasaan si Boyet. “Nasa pinakadulo niyo pala siya nilagay?” tanong ni Dante “oo, nilagay ko siya sa seldang yun dahil naka set na kasi ang schedule ng arraignment niya” paliwanag ko sa kanila. Narinig kong tumigil na sa pag-andar ang dishwasher kaya nagpaalam muna ako sa kanila para asikasuhin ito “sino ang sasama sa kanya para makuha si Boyet?” tanong ni Dante kay Zoraida “huwag mo akong tingnan Dante, pagdating sa ganyan wala akong alam dyan” sabi ni Zoraida sa kanya.
“Pwede tayo Heneral, pwede tayong magkunwaring pulis” sabi ni Crispin “ano ka ba, hindi ganun kadali yun” sabi ni Berting “tama si Berting mahirap na magkunwari tayong pulis dahil hindi tayo kilala ng mga tao dun” sabi ni Dante. “Hindi talaga kayo pwedeng magkunwaring pulis, lalong-lalo na sa QCPD” sabi ko sa kanila na napalingon silang lahat sa akin “bakit naman?” tanong ni Crispin. “Two things, una, kilala namin ang lahat ng mga pulis sa presinto day or night shift man ito, pangalawa, walang makakapasok na kahit na sino kahit pulis pa kayo na walang pahintulot sa Hepe namin o sa Hepe ng mga pulis na dumadalaw dun” sabi ko sa kanila. “Ay, hindi nga talaga pwede” sabi ni Crispin “yun nga lang ang problema, hindi ko pwedeng ilabas mag-isa si Boyet” sabi ko sa kanila.
“Hindi ba me partner ka naman?” tanong ni Dante sa akin “oo, pero hindi ko basta lang hihingin ang tulong ni Alan na hindi magsususpetsa ang ibang kasamahan namin” sagot ko sa kanya. “Ang hirap pala” sabi ni Berting “nay, paano kung idaan natin si Boyet sa portal?” tanong ni Jasmine kay manang Zoraida na nabuhayan kaming lahat nung sinabi niya ito “ano ka ba Jasmine, pinagbabawal sa Konseho na gamitin ang kapangyarihan natin sa labas..” “Zoraida, alam na namin na matagal mo ng ginagamit ang kapangyarihan mo sa labas ng sinasakupan ng Konseho” pagputol ni Dante sa kanya na natahimik nalang siya. “Ano manang Zoraida, pwede ba?” tanong ko sa kanya na tiningnan niya kami isa-isa at sabing “pwede, pero kailangan kong makita ang lugar bago ko buksan ang portal” sabi niya sa akin.
“SAKTO!” sigaw ni Berting na napatigil nalang si Crispin at Dante “bakit?” tanong ko sa kanila “nakabukas ba ang kwarto ng kapatid mo?” tanong ni Dante sa akin “hindi, bakit?” takang tanong ko. “Delikado ito” sabi niya na agad silang tumayo “ano ang nangyari sa inyo, Dante?” tanong ni manang Zoraida sa kanila “paparating ang kapatid mo sa condo niya” sabi ni Crispin. “Imposible, nasa mansion ngayon si..” natahimik nalang ako nung narinig namin ang lock ng pinto sa condo na napalingon ako sa tatlong lobo at nagulat nalang ako dahil bigla nalang silang nawala sa likuran ko at nakita kong nakabukas ang sliding door papunta sa terrace. “Issa!” tawag sa akin ni manang Zoraida na agad tumayo si Jasmine at sabing “desapareixer (disappear)”.
Bumukas ang pinto ng condo at pumasok sa loob ang kapatid ko at napahinto ito at tumingin sa amin “Elizabeth.. magpapaliwanag ako sayo” sabi ko sa kanya na napabugnot nalang ito at nilapitan ako “magpapaliwanag ako sis” sabi ko. Malapit na siya sa akin ng biglang lumusot lang ito sa katawan ko na parang wala ako sa harapan niya at sinara ang sliding door ng terrace at nilagay ang mga pinamili niya sa sofa. “Oo, nandito na ako sa condo, maghahanda ako para sayo my love, hihihi.. sige.. see you later.. love you too, mwah!” sabi niya na kita kong naka bluetooth ito at nilagay niya ito sa mesa at pumunta sa kusina. Hindi ako nakagalaw ni hindi man lang ako makapaniwala sa nangyari kanina “ma… manang.. ” tawag ko kay manang Zoraida.
“Jasmine, pabigla-bigla ka naman” sabi ni manang Zoraida sa kanya “nagpanic kasi ako kaya nagbigkas nalang ako para hindi niya tayo makita at marinig” sagot ni Jasmine sa nanay niya. “A.. ano ang ginawa mo?” gulat kong tanong sa kanya “desapareixer ang tawag nito na ibig sabihin nawawala tayo sa limang senses niya” paliwanag niya sa akin “ibig sabihin nito…” sabi ko “oo, hindi niya tayo marinig, makita, maramdaman, maamoy at lalong hindi niya tayo hehehehe..” natawa nalang siya “Jasmine!” tawag ni manang Zoraida sa kanya na nakuha ko ang huling sinabi niya. Pumunta ako ng kusina at kita kong naghihiwa ng gulay ang kapatid ko at tila naghahanda ito ng dinner “sino kaya ang kausap niya kanina?” tanong ko “baka boyfriend niya” sabi ni Jasmine.
“Pulis ako, tingin mo hindi ko alam kung sino ang mga umaaligid sa kanya?” sabi ko kay Jasmine “baka bagong prospect, Issa” sabi niya “patay sa akin ang babaeng ito kung isa dun sa mga nanloko sa kanya noon ang pupunta dito” banta ko. “Bakit nandito ang kapatid mo?” tanong sa akin ni manang Zoraida “hindi ko alam, dapat nasa mansion siya ngayon kasama ang magulang ko” sagot ko na narinig kong bigla nalang humatching ang kapatid ko at nagmamdali itong tumkabo papunta sa kwarto niya. “Ano ang nangyari dun?” tanong ni Jasmine “patay tayo, allergic sa aso ang kapatid ko” sabi ko sa kanila na natawa nalang si Jasmine kaya nabatukan siya ni manang Zoraida.
Panay hatching ng kapatid ko sa kwarto niya na nagpapahid na ito ng tissue sa ilong “ano ba yan! Parang haa.haa..hatchiii!” sabi niya na nagmamadali itong pumasok muli sa kwarto “tumambay pa naman sina Dante dito kanina” sabi ko na nag-alala tuloy ako kay Elizabeth. “Me panlunas ako dyan” sabi ni manang Zoraida na tinaas nito ang kamay niya na kita kong gumalaw ang bibig nito na tila me binibigkas ito at maya-maya lang ay tumigil na sa kakahatchi si Elizabeth “whew.. that was weird!” sabi ng kapatid ko na bumalik ito sa kusina at tinuloy ang pagluluto niya. “Buti nalang hindi lobo si kuya Julian kung magkataon sa labas palagi siya matutulog” natatawang sabi ni Jasmine “hay naku!” nalang ako at tiningnan ang kapatid ko.
Samantala sa Isla habang nakahawak si Julian sa espada ni Lorenzo nakalutang siya sa ibabaw ng dating Kuro at ngayon ay pilit pinapasok ng maraming sundalong Kasitla habang denedepesahan ito ng mga tauhan ni Hen. Amistad. “Huwag niyo silang hayaang makapasok sa Kuro!” utos ni Hen. Amistad sa mga sundalo niya “OPO HENERAL!” sigaw nila “Amistad kailangan nating humanda sa opensa nila” sabi Resisyo sa kanya dahil nakita nila ang tatlong kanyon na dala ng mga Kastila. “Hindi nga ito maganda para sa atin” sabi niya kay Resisyo na nilingon niya ang buong Kuro at nakita niyang nagkakagulo narin ito dahil sa pag-atake ng mga Kastila.
“Heneral, nagpadala na kami ng agila para kay pinunong Lorenzo” balita ng isang tauhan niya “mabuti, ihanda ang mga magpapana” utos niya “masusunod Heneral!” sagot ng sundalo niya at umalis na ito. “Pana laban sa kanyon?” tanong ni Resisyo sa kanya “hehehe tingnan natin kung ano ang mas epektibo” natatawang sabi ni Hen. Amistad sa kanya “HENERAL! HENERAL!” tawag ng isang sundalo niya. “Bakit?” tanong niya “nailuwal na po ng mahal na Ginang ang anak niya” balita nito “MAGALING!” sabi ni Hen. Amistad na humakbang ito at sabing “MGA KAWAL! IPINANGANAK NA ANG SANGGOL NI LORENZO! IAALAY NATIN ANG TAGUMPAY NATIN DITO SA BATANG SI JULIAN!” balita niya sa lahat na nagsigawan at hiyawan ang mga sundalo nila at lalo lang silang ginanahang lumaban.
“Ano ang gagawin natin ngayon?” tanong ni Resisyo sa kanya “pigilan ang mga bastardong ito na hindi makapasok sa Kuro sapat para makarating si Lorenzo sa Kuro” sabi ni Hen. Amistad sa kanya na niyuko nila ang ulo nila ni Hen. Amistad at bumalik sila sa pwesto nila. “Lorenzo, magmadali ka, kailanganin ka ng pamilya mo” sabi ni Hen. Amistad sa sarili niya habang nakatingin sa tatlong kanyon na hinahanda na ngayon ng mga Kastila. “Mahal na Ginang kailangan na po nating ihanda ang pagtakas niyo” sabi ng tauhan niya “hindi, hindi ako aalis ng Kuro” sagot ni Lala “paano ang anak niyo? Kung maging totoo man ang hula kay pinunong Lorenzo pati siya..” “hinding-hindi mangyayari yun” sabi ni Lala sa kanila na pumasok ang isang sundalo niya at binalitang malapit ng masira ang gate ng Kuro.
“Mahal na Ginang pakinggan mo kami, tumakas na po kayo!” pagmamakaawa ng tauhan niya “hindi, lalaban ako” sabi ni Lala na tumayo siya kahit kakapanganak lang niya “Emeryo, sabihin mo kay Hen. Amistad na palakasin ang depensa natin, bigyan niyo ng oras na makabalik si Lorenzo dito” utos niya sa sundalo niya “masusunod, mahal na Ginang” sagot nito. Kinuha ni Lala ang gamit niya sa aparador at sinuot ang pandigma niya at ang espadang ginawa ni Resisyo sa kanya “ina, ikaw na ang bahala kay Julian” utos niya sa nanay niya. “Anak, pwedeng pakinggan mo naman ako” naluluhang sabi ng nanay niya “patawad inay, katungkolan kong unahin ang Kuro habang wala si Lorenzo” sabi ni Lala sa kanya.
Naghubad narin ang mga tumulong sa panganganak niya na suot nila at ngayon nakapandigma na silang lahat “nakahanda narin kami, mahal na Ginang” sagot ng mga kababaihan sa kubo niya. Narinig nila ang ingay ng tatlong kanyon sa labas kaya umiyak si Julian dahil sa gulat “huwag kana umiyak anak” sabi ni Lala nung binuhat niya ito at dinikit niya si Julian sa dibdib niya “pakinggan mo ang tibok ng puso ni nanay, anak” sabi niya na kumalma ito. Naghubad narin ang nanay ni Lala at nakapandigma narin ito “kung ganun, lalaban narin ako” sabi ng nanay niya na napangiti si Lala “ano ang iuutos niyo sa amin, mahal na Ginang?” tanong ng isa.
“Alam kung dinedepensahan ng mga kalalakihan ang pader natin, tayo naman ang magiging opensa nila” sabi ni Lala sa kanila “alam na namin ang gagawin, mahal na Ginang” sagot nila. “Ina, manatili ka na muna dito kasama si Julian” utos niya sa nanay niya “kung yun ang gusto mo, mahal na Ginang” sagot ng nanay niya. Niyakap niya muna si Julian at hinalikan niya ito sa pisngi “dito ka lang anak ha, lalabas lang muna si nanay” naluluhang sabi ni Lala sa kanya. Nakatingin lang si Julian sa gilid habang nangyayari ito at nakaramdam siya ng kirot sa puso niya “iiwan muna kita sa lola mo habang wala pa ang tatay Lorenzo mo si nanay muna ang mamuno sa labas, mahal na mahal kita anak” naluluhang sabi ni Lala kay Julian at binigay na niya ito sa nanay niya.
Sinundan ni Julian si Lala palabas ng kubo at nakita niyang nakalinya na ang mga kababaihang Bailan sa harapan ng kubo at me dala silang mga pana “ALAM NIYO NA ANG POSISYON NIYO!” sabi ni Lala sa kanila. “OPO!” sagot nilang lahat kaya nagsimula na silang mag marcha papunta sa gate ng Kuro na napalingon si Hen. Amistad nung mapansin niya ito “salamat naman at parating na sila” sabi niya “MAGHANDA KAYO, MAGSISIMULA NA ANG OPENSA NATIN!” sigaw niya sa mga sundalo niya “OPO HENERAL!” sagot nila. Pumwesto na ang mga kababaihan sa harap ng gate ng Kuro at hinanda narin nila ang mga sandata nila “mahal na Ginang kayo nalang po ang hinihintay namin” sabi ng isang tauhan niya.
“Hintayin niyo ang utos ko” sabi niya na niyuko lang ng sundalo niya ang ulo nila at umakyat si Lala sa itaas ng pader kung nasaan sina Hen. Amistad at Resisyo “mahal na Ginang” niyuko nila ang mga ulo nila. Nakita ni Lala ang mga sundalong kastila na pilit binubuksan ang gate ng Kuro kaya tinaas niya ang kamay niya at nung binaba niya ito binitawan ng mga kababaihang Bailan ang pana nila at biglang nagdilim ang kalangitan sa dami ng bala ng pana na lumipad sa ere papunta sa mga kalaban nila. “HAHAHAHA” tumawa lang si Hen .Amistad nung nakita nilang nagsitakbuhan ang mga kasitla para makahanap ng masisilungan. “Mahal na Ginang, natutuwa akong naririto kana” sabi ni Resisyo sa kanya “bakit Resisyo? Natatakot ka ba?” tanong ni Lala sa kanya na tumawa lang si Hen. Amistad.
Samantala, malapit ng makarating sina Lorenzo at mga tauhan niya sa lugar ng pagpupulong ng biglang napatigil ang isang tauhan niya “bakit Renaryo?” tanong ni Lorenzo na nakita niyang nanlaki ang mga mata nito. Napalingon sila sa tinitingnan niya at pati sila nagulat din dahil nakita nila ang isang agila na papalapit sa kanila. “Pinuno!” sabi ni Renaryo “ANG KURO!” sigaw ni Lorenzo na agad silang bumalik at sumalubong sa kanila ang agila na agad itong dumapo sa balikat ni Balwig “PINUNO, ANG KURO!” sigaw niya “ALAM KO!” sagot ni Lorenzo na mabilis nilang pinatakbo ang kabayo nila. “BAKIT ANO BA ANG NANGYARI?” tanong nung binatang kasama nila “ITIM ANG NAKA BALOT SA PAA NG AGILA” sabi ni Balwig “ano ngayon kung itim?” tanong nung binata “ME UMAATAKE SA KURO!” sagot ni Renaryo “Lala, sana ligtas kayo” sabi ni Lorenzo sa sarili niya.
Marami ang namatay sa mga kastila na umatras sila palayo sa gate ng Kuro dahil pinaulanan muli sila ng mga bala ng pana kaya natigil narin ang pagputok ng mga kanyon nila. “Mahal na Ginang tila naduduwag ata ang mga sundalo nila” sabi ni Resisyo “huwag kang maging kampante Resisyo, hindi pa tapos ang gyerang ito” sabi ni Lala sa kanya na nagbigay siya ng signal gamit ang kamay niya na agad kumilos ang mga kababaihang Bailan. “Ano ang susunod nating hakbang?” tanong ni Hen. Amistad sa kanya “alam kong nangangati kana at ang mga tauhan natin, Hen. Amistad” sabi ni Lala sa kanya na napangiti ito “salamat mahal na Ginang” sabi ni Hen. Amistad sa kanya na humakbang ito sa harapan nila “MGA KAWAL, IHANDA ANG ESPADA NIYO!” sigaw niya na lumingon siya kay Lala na tumango siya “UBOSIN ANG KALABAN!” sigaw niya “OPO HENERAL!” sagot ng mga sundalo niya.
Bumukas ang gate ng Kuro at nagsitakbuhan palabas ang mga sundalong Bailan papunta sa mga sundalong kastila na ngayon ay naghahanda narin sa pagsalakay nila “UBOSIN ANG MGA YAN!” sigaw ni Emeryo na nangunguna sa grupo. “Mahal na Ginang” sabi ni Hen. Amistad “sige Heneral” sagot ni Lala na tumalon ito pababa sa pader ng Kuro sa naghihintay niyang kabayo at agad itong umalis patungo sa mga sundalong kastila. “PARA SA KURO!” sigaw ni Hen. Amistad “BAILAAAANNNN!” sigaw ng mga tauhan niya na agad nilang pinagtataga ang mga sundalong kastila na hindi man lang ito nakadepensa sa mga atake nila.
Isa-isang napatay ng mga Bailan ang mga sundalong Kasitla at napatay din nila ang mga sundalong nag oopera sa mga kanyon na inikot pa nila ito at ginamit nila ito para pasabugin ang mga sundalong kastilang tumakbo palayo sa kanila. “Mahal na Ginang, tagumpay po tayo” sabi ni Resisyo sa kanya na hindi man lang natuwa si Lala sa nakikita niya “bakit po, mahal na Ginang?” tanong ng isang tauhan niya “hindi pa tayo tapos” sagot ni Lala na tinuro niya ang espada niya sa langit. “Bathalang araw, tulongan niyo kami” nabigkas nalang ng matandang Bailan nung makita nila ang dilim na paparating sa Kuro. “IPAGBIGAY ALAM KAY HENERAL AMISTAD NA BUMALIK SILANG LAHAT SA KURO!” utos ni Lala sa tauhan niya na sinunod agad ito “ano ang gagawin natin, mahal na Ginang?” tanong ng tauhan niya “pipigilan natin sila hanggang makabalik sa Kuro si Lorenzo” sagot niya.
Bumalik na silang lahat sa Kuro at agad nilang nilagyan ng maraming kahoy ang gate para hindi ito madaling mabuksan ng mga kalaban, nagbago narin sila ng taktika na pinaghalo na ni Lala ang mga lalaking mamamana at mga kababaihan. “Ano ang estratahiya natin?” tanong ni Hen. Amistad kay Lala “isa lang Heneral” sagot niya “pigilan silang hindi makapasok sa Kuro, utosan ang mga tauhan natin na maghanda ng pana, alam kong lilipad sila patawid sa pader natin” sabi ni Lala sa kanya “masusunod!” sagot niya. “Resisyo, bigyan ng mga espada ang mga tauhan natin, kailanganin natin ang lakas nila” utos ni Lala sa kanya “masusunod, mahal na Ginang” sagot niya.
Nakita ni Julian ang nanay niya sa ibabaw ng pader ng Kuro “inay” tawag niya na bigla itong napalingon sa kanya at kita niyang tiningnan siya na parang nakikita siya nito “Julian, kung ito man ang huling gabi ko dito sa mundo, sana anak mabuhay ka para sa amin ng tatay mo” sabi ni Lala na ikinagulat ni Julian. “Inay…” sabi niya na agad lumingon si Lala sa mga tauhan niya sa baba “PAPARATING NA SILA, IHANDA NIYO NA ANG MGA SANDATA NIYO!” sigaw niya na hinugot narin niya ang espada niya at humarap sa dilim na paparating sa Kuro. Maya-maya lang ay may biglang bumangga sa gate ng Kuro na muntik na itong masira “AYAN NA SILA!” sigaw ni Heneral Amistad na tumalon mula sa ibabaw ng pader si Lala at tumayo siya katabi si Hen. Amistad at naghanda sila.
“BITAWAN NIYO NA!” sigaw ni Lala na agad binitawan ng mga mamamana nila nung dumaan sa ibabaw ng pader ng Kuro ang mga nagliliparang manananggal at biglang nawasak ang gate ng Kuro “ABANTE!!!” sigaw ni Lala na agad silang umabante at sinalubong ang maraming aswang na pumasok sa gate ng Kuro. Doon nakita ni Julian kung paano lumaban ang mga Bailan lalong-lalo na ang nanay niya na ngayon ay naliligo na sa dugo ng mga aswang “HUWAG NIYO SILANG PALAPITIN SA MGA KUBO!” sigaw ni Lala na pumorma silang lahat sa pader na nagdedepensa sa kumyunidad ng Kuro “HUWAG NIYO SILANG HAYAANG MAKADAAN SA INYO!” sigaw niya na pinagtataga nila ang mga aswang na lumalapit sa kanila.
Kung me lilipad sa ibabaw nila agad itong pinapana ng mga mamamana nila at naghanda narin sila ng apoy para pansunog nila sa mga bumagsak na manananggal. Hinugot pa ni Lala ang pangalawang espada niya at mabilis niyang pinaghahampas ang mga aswang na lumalapit sa kanya, tumakbo siya paabante sa mga nakalinyang aswang na yumuko at umikot siya sa pagitan nila at nahiwa niya ang mga ito. “GRAAAHHHHHH..” napasigaw ang ibang mga aswang dahil sa espadang tumatama sa kanila na nakita nilang umatras ang mga ito kaya naghiyawan silang lahat dahil sa tagumpay nila “HUWAG KAYONG MAGING KAMPANTE!” sigaw ni Lala “HINDI PA ITO TAPOS!” dagdag niya “OPO!” sagot nilang lahat.
Samantala malapit na sina Lorenzo sa Kuro at nakikita na nila ang dilim na bumabalot sa buong kumyunidad nila “MAGHANDA KAYO” sigaw ni Lorenzo na agad nilang hinugot ang espada nila at hinugot narin ni Lorenzo ang sa kanya ng biglang me sumulpot na higanting aswang sa harapan nila kaya natapon sila paalis sa kabayo nila. “PINUNO!” sigaw ni Renaryo “MABUTI LANG AKO, MAGHANDA KAYO!” sabi ni Lorenzo sa kanila na umatake yung higanting aswang sa kanila na agad itong nahiwa ni Lorenzo ang ulo na kinagulat nilang lahat. “MAGMADALI KAYO!” sigaw ni Lorenzo sa kanila na sumakay na ito kay Aristas at umalis na ito “PINUNO HINTAYIN MO KAMI!” sigaw ng mga tauhan niya na sumakay narin sa mga kabayo nila at sumunod kay Lorenzo.
Nakita ni Lorenzo na nawasak ang gate ng Kuro at maraming aswang ang pumapasok sa loob kaya wala siyang sinayang na oras at hinugot niya ang espada niya at tinaas niya ito sa ere. “LALAAAA!” sigaw niya na biglang lumiwanag ang espada niya dahilan kaya napalingon sa kanya ang mga aswang at nagtakip ito sa mukha nila “LORENZO!” sagot ni Lala nung makita ang liwanag ng espada ni Lorenzo. Pinaghahampas nina Lorenzo at mga kasamahan niya ang mga aswang na nadadaanan nila dahil hindi ito makatingin sa kanila dahil sa sinag ng espada niya “ABANTE!!!” sigaw ni Lala na agad umabante ang mga sundalo nila para salubongin si Lorenzo.
Bumaba sa kabayo si Lorenzo at agad niyang niyakap si Lala “mabuti lang ba kayo?” agad niyang tanong sa esposa niya “oo, napipigilan namin sila” sagot ni Lala habang naglaban ang mga tauhan nila sa paligid. “Nanganak kana?” gulat na tanong ni Lorenzo sa kanya dahil lumiit ang tiyan niya “oo, ipinanganak ko na si Julian” sagot ni Lala “Pinuno, mahal na Ginang hindi ito ang oras para maglampungan” sabi ni Hen. Amistad sa kanila na natawa lang si Resisyo. “Tara sa kubo, ipapakilala ko sayo si Julian” sabi ni Lala “kami na ang bahala dito” sabi ni Hen. Amistad sa kanila na agad silang tumungo sa kubo kung nasaan si Julian at napaluhod si Lorenzo nung makita niya ang anak nila ni Lala.
“Julian” sabi ni Lorenzo nung binuhat niya ito at naluha siya nung makita niyang kamukha niya ito habang nagpapahid ng dugo si Lala bigla silang nakarinig ng malakas na pagsabog sa labas at yumanig ang lupa. “Lorenzo” sabi ni Lala “patawarin mo ako Lala, pero.. kailangan niyong tumakas ni Julian” sabi ni Lorenzo sa kanya “ano ang sinasabi mo? Hindi mo ba nakitang napigilan namin sila?” tanong ni Lala. “Makinig ka sa akin Lala, me malaking peligro ang darating sa Kuro kaya kailangan niyo ng umalis dito” sabi ni Lorenzo sa kanya “hindi ako aalis, sasamahan kita” sabi niya “paano ang anak natin? Paano si Julian?” tanong ni Lorenzo “ang nanay, siya nalang ang patakasin natin at ibang mga batang Bailan” sabi ni Lala sa kanya.
“Hindi, gusto ko kasama ka niya para maturoan mo siya sa paraan nating mga Bailan” sabi ni Lorenzo sa kanya “mahal.. hinintay ko ang pagkakataong makasama ka lalong-lalo na sa oras nato, huwag mo akong itakwil palayo sayo” sabi ni Lala sa kanya. Me narinig ulit silang pagsabog sa labas at yumanig muli ang lupa kaya binigay ni Lorenzo si Julian kay Lala at lumabas siya at nakita niya ang dahilan ng pagyanig “dyos araw!” sabi nalang niya nung makita niya ang naglalakihang aswang na umaatake sa mga tauhan niya. Lumabas narin sa kubo sina Lala at nanay niya kasama si Julian at pati sila napatigil narin sa nakita nila “kailangan niyo ng tumakas dito” sabi ni Lorenzo sa kanila “hindi!” pagmamatigas ni Lala.
“MAMAMATAY TAYONG LAHAT KUNG HINDI KAYO TATAKAS NGAYON!” sigaw niya kay Lala na binigay niya si Julian sa nanay niya at hinugot ang dalawang espada niya “LALABAN TAYO!” sagot niya. Walang ibang nakitang paraan si Lorenzo dahil sa katigasan ng ulo ni Lala kaya tinawag niya si Aristas na mabilis itong lumapit sa kanya “inay, kayo na po ang tumakas kasama si Julian” sabi ni Lorenzo sa kanya “paano kayo?” tanong nito “wala ng oras nay para magtalo” sabi ni Lala sa kanya. “Dumaan kayo sa likuran at pumunta kayo sa kaharian ni Haring Narra at doon kayo mamalagi” sabi ni Lorenzo sa kanya “natatakot ako” sabi ng nanay ni Lala “huwag kayong matakot” sabi ni Lorenzo na binigay niya ang espada ng liwanag sa kanya.
“A.. ano ang gagawin ko nito?” tanong ng nanay ni Lala “ipapamana mo yan kay Julian paglaki niya” sabi ni Lorenzo sa kanya, lumapit si Lala sa kanya at niyakap siya nito at humalik siya kay Julian “patawarin mo ang nanay at tatay anak ha?” naluluhang sabi ni Lala kay Julian. “Anak, maging matibay ka, maging malakas ang loob mo at maging mabuti kang tao” sabi ni Lorenzo sa kanya. Pagkatapos halikan si Julian sa noo pinasakay na nila ang nanay ni Lala kay Aristas at me binulong si Lorenzo sa kabayo niya na parang naiintindihan siya nito “magmadali ka Aristas!” sabi ni Lorenzo sa kanya na sinampal niya ito sa pwet at agad itong tumakbo patungo sa labasan sa likod ng Kuro. “Lorenzo… ang anak natin” naluluhang sabi ni Lala “alam ko, handa ka na ba?” tanong niya “oo” sagot ni Lala na hinugot narin ni Lorenzo ang isang espada niya.
Umatake sa kanila ang maraming aswang na napatay nila ito at doon nakita ni Julian kung paano lumaban ang mga magulang niya, kapareho ang kilos nilang dalawa na parang sync sila sa isat’-isa. “Yan ang totoong nagmamahalan” sabi ng matanda sa kanya na napalingon siya sa likod niya “nag..mamahalan?” tanong ni Jualin “oo, iisa ang puso nila kaya iisa ang galaw nila” sabi ng matanda kay Julian. Nakita niya kung paano gumalaw at gumamit ng espada ang mga magulang niya na halos walang makakalapit na aswang sa kanilang dalawa. “Ah mabuti at nandito na kayo pinuno!” sabi ni Hen. Amistad nung nagkita na silang tatlo. “Ano ang masasabi mo sa araw na ito, Hen. Amistad?” tanong ni Lorenzo sa kanya “masasabi kong.. magandang araw ito para mamatay” sagot ng Heneral dahil sa dami narin ng saksak sa katawan niya.
Napahinto sila nung umatras ang mga aswang at binigyan daan nila ang isang higanting aswang na dumudura ito ng asido sa lupa “amin siya!” sabi ni Lorenzo na agad tumakbo ang mag-asawa palapit sa higanting aswang. “Ang daya niyo!” sigaw ni Hen. Amistad na hinampas ni Lorenzo ang paa ng aswang at nahiwa ito na mabilis naman siyang yumuko at ginawa siyang platform ni Lala na tumapak ito sa likod niya at hinampas niya ang leeg ng higanting aswang at naputol ito. “YAAAHHHH!!!” sigaw ng mga Bailan nung nakita nila ito dahilan kaya umatras at lumayo ang mga aswang sa kanila “ABANTE!” sigaw ni Lorenzo sa mga sundalo nila na sabay pa silang mag-asawang umabante at nasa likod nila ang mga tauhan nila.
“MAHAL TAGUMPAY TAYO!” sigaw ni Lala “HINDI PA!” sagot ni Lorenzo na huminto siya kaya napahinto din silang lahat at nakita nila sa malayo ang nagtatayuang mga kanyon ng mga sundalong kastila. “PINUNO!” sigaw ni Hen. Amistad na agad silang nagsibalikan dahil pumutok na ang mga kanyon ng mga kastila at tinamaan ang ibang mga Bailan “BUMALIK TAYO SA KURO!” sigaw ni Lorenzo na sunod-sunod ang putok ng mga kanyon ng mga kastila at napapatapon ang mga Bailan na natamaan nito. Nakabalik sina Lorenzo at Lala sa loob ng bakod ng Kuro pati narin ang mga sundalo nila “mahal ang mga tauhan natin” sabi ni Lala na nakita ni Lorenzo ang mga patay na Bailan sa labas ng Kuro.
“Wala tayong laban sa mga kanyon nila” sabi ni Lorenzo sa kanya na nakita nila sa labas si Resisyo bitbit ang dugoan at wala ng malay na si Hen. Amistad “pa… patawad… Lo.. renzo..” ang huling sinabi ni Resisyo bago ito bumagsak sa lupa. Nakita nilang mag-asawa ang mga tauhan nilang nagbabagsakan sa lupa, konte nalang silang natitira sa loob ng Kuro na pilit hinarang ni Lorenzo at mga kasamahan niya ang isang malaking kahoy para hindi makapasok ang mga kalaban nila. “Magmadali kayo!” sabi ni Lorenzo sa natitirang sundalo niya “tumakas na kayo sa likod” utos niya na hindi nila sinunod. “Mamamatay kayo dito kung hindi kayo aalis” sabi ni Lala sa kanila “mga Bailan kami, pinuno, mahal na Ginang, handa kaming mamatay para sa inyo!” sabi ng isang sundalo nila.
“Hindi ito tama, dapat tumakas kayo para lumaban sa susunod na mga araw” sabi ni Lorenzo sa kanila “hindi! Mananatili kami dito kasama kayo” sabi ni Emeryo “hahh.. ha.. mahal” tawag ni Lala kay Lorenzo na hinihingal na ito. Nakita niya ang maraming sugat sa katawan at mga kamay ni Lala “mahal, humiga ka muna” sabi ni Lorenzo sa kanya “hindi, mabuti lang ako” sagot ni Lala na tumulo na ang dugo nito sa lupa pati narin ang mga natitirang Bailan. Tumigil na sa pagputok ang mga kanyon sa labas at nararamdaman nila ang pagyanig ng lupa kaya sumilip sa labas si Lorenzo at nakita niya muli ang maraming aswang na papalapit sa Kuro kasama nito ang maraming sundalong Kastila.
Bilang nalang silang natitira sa Kuro, me mga bata na naghahanda narin sa mga sandata nila at nakita rin niya ang mga patay sa paligid nila at sa mga kubo “hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko” pasimula niya. “Tila, nagkakatotoo nga ang hula tungkol sa akin at humihingi ako ng tawad sa inyo” dagdag niya na lumuhod siya sa mga tauhan niya “pinunong Lorenzo” sabi nung matanda sa kanya “alam namin ang tungkol sa hula ni Naring, pero hindi ikaw ang dahilan sa kaganapang ito” dagdag nung matandang Bailan. “Wari may nangyari ang lahat ng ito dahil narin siguro sa pagiging magaling nating mandirigma” sabi ng isang binata “pero hindi namin kayo sinisisi Pinunong Lorenzo kaya tumayo po kayo” dagdag nito.
“Mahal, hindi ito ang oras para sa usaping yan” sabi ni Lala sa kanya na tumayo siya at nginitian ang mga tauhan niya “kailangan kong tulongan ang mga magulang ko” sabi ni Julian na binatukan siya ng matanda. “Bakit?” taonng niya “ang hina mo talaga bata” sabi ng matanda sa kanya “isa itong alaalala ng kahapon wala ka ng magagawa dahil nangyari na ito noon” paliwanag ng matanda sa kanya. Nakita nilang umayos si Lorenzo at tumingin sa natitirang Bailan “tingin ko katapusan na natin ito” panimula niya “pero.. hindi tayo mamamatay ng walang laban” sabi niya na tinaas ng mga tauhan niya ang mga armas nila. “BAILAN HANGGANG SA KATAPUSAN!” sigaw ni Lala “BAILAN!” sigaw ng mga tauhan nila na nakapila silang lahat na nakatayo sa gitna ng Kuro at hinintay ang mga kalaban nila.
Hinawakan ni Lorenzo ang kamay ni Lala na napatingin sa kanya ito “patawarin mo ako kung sandali mo lang akong nakasama” sabi ni Lorenzo sa kanya “hindi mahal, ang importante magkasama tayo” nakangiting sabi ni Lala sa kanya. “Ang anak natin si Julian” sabi niya “alam kong ligtas si Julian kasama si inay” sabi ni Lala “oo, salamat sa pagmamahal mo Lala” pagpaalam ni Lorenzo sa mahal niyang asawa. “Salamat at minahal mo ako, Lorenzo at binigyan mo ako ng buhay sa katauhan ng anak natin” sabi ni Lala sa kanya. “Lorenzo, Lala, nandito na sila” sabi nung matanda dahil nakita na nilang pumasok na sa loob ng Kuro ang mga kalaban nila. “TANDAAN NIYO, HINDI KAYO NAG-IISANG TATAWID SA KABILANG MUNDO, KASAMA NIYO KAMI!” sabi ni Lorenzo sa kanila.
Nakita ni Julain kung paano lumaban ang natitirang sundalo ng mga Bailan kasama ang mga magulang niya, nung tumagal na nakita nalang niyang mga magulang nalang niya ang natirang nakatayo na pinalibutan sila ng mga aswang. “Hahhh.haahhh.. ma..hal ko…” sabi ni Lala kay Lorenzo na nakasandal ngayon sa likuran niya “Lala.. pagtibayin mo ang loob mo” sabi ni Lorenzo sa kanya na kitang hinihingal narin si Lorenzo sa pagod at sa dami narin ng sugat sa katawan niya. “Lo… renzo… pa… patawad mahal ko… ” sabi ni Lala sa kanya na inabot niya ito sa likuran niya at hinawakan niya ito sa tyan at pilit pinapatayo. “Mahal.. huwag muna..” sabi ni Lorenzo sa kanya na bumagsak na ang espada ni Lala sa lupa kaya napaluha nalang si Lorenzo “patawad.. mahal ko.. pa.. tawad… Ju.. lian…” sabi ni Lala na naluha narin si Julian sa nakikita niya.
Nanlambot na si Lala at dahan-dahan narin itong bumaba kaya umabante si Lorenzo para maihiga niya ng maayos si Lala, nahiga ang ulo ni Lala sa pagitan ng mga paa ni Lorenzo at nakita niya ang dugoang mukha ng asawa niya. “Haahh.. La.. la… haah..” hinihingal na siya at nararamdaman na niya ang hapdi ng mga sugat sa katawan niya. “Patawarin mo ako.. mahal ko… huwag… huwag kang mag-alala… susunod ako…” sabi ni Lorenzo na naramdaman niyang lumapit na yung mga aswang sa kanya kaya tinaas niya ang espada niya para ipaalam sa kanila na lalaban pa siya. “Handa… handa akong mamatay… ” sabi ni Lorenzo sa kanila na nagpipigil ang mga ito na umabante sa kanya ng biglang “MAGSITIGIL KAYO!” sigaw ng isang tinig mula sa likuran ng mga aswang na agad silang tumigil.
Binigyan nila ito ng daan “bilib ako sa galing niyong mga Bailan” sabi nung taong naglalakad sa gitna ng mga aswang at kasunod nito ang dalawang sundalong kastila “si… sino kayo?” tanong ni Lorenzo sa kanya. “Hindi mo ba ako natatandaan?” tanong nung lalaki sa kanya na tiningnan ito ni Lorenzo pero hindi niya talaga ito matandaan “ako yung binata na kasama noon sa bangkang dumaong sa dalampasigan” sabi nito “si Enrico” dagdag niya. Nakita niyang gutay-gutay na ang damit ni Lorenzo at tumutulo narin ang dugo nito sa lupa “kalma lang, wala ng aatake sayo” sabi ni Enrico na dahan-dahan lumuhod si Lorenzo at tiningnan niya si Lala. “Nakita ko kung paano kayo lumaban, napakagaling niyo, kung hindi lang sa mga kanyon siguro naubos niyo na ang mga sundalo ko” sabi niya kay Lorenzo.
“Lala…” sabi ni Lorenzo na inalis niya ang buhok na nakatabon sa mukha ng asawa niya “gusto kita, aalukin kitang sumama sa akin bilang maging sundalo ko, sa galing mong lumaban pwede mong turoan ang mga sundalo kong lumaban katulad mo” alok ni Enrico sa kanya. “Mahal ko.. huwag kang mag-alala.. malapit na akong susunod sayo” sabi ni Lorenzo kay Lala na hindi niya pinakinggan si Enrico sa alok niya. “Kapitan, tila ayaw ka atang pansinin ng lalaking ito” sabi ng sundalo niya na nilapitan niya si Lorenzo na hiniwa siya nito sa tiyan at bumagsak ito sa lupa “HUWAG!” sigaw ni Kap. Enrico sa mga aswang dahil aabante sana sila para atakihin si Lorenzo.
“Hahaha… kahit ganyan na ang kondisyon mo delikado ka parin…” natatawang sabi ni Kap. Enrico “Kapitan, hinalugad na namin ang buong lugar wala kaming nakitang kayamanan” balita ng tauhan niya. “Nasaan ang kayamanan niyo?” tanong niya kay Lorenzo na hindi niya ito pinansin “yung suot mo noong dyamante, nasaan na?” tanong niya na hindi parin siya pinansin ni Lorenzo “wala kang makukuhang sagot niyan, Kapitan Enrico” sabi ng isang aswang sa kanya. “Hayaan mo na kaming patayin siya” sabi ng isa pang aswang “HINDI!” sigaw bigla ng isang tao “ako ang papatay sa kanya” sabi nito na tiningnan ni Lorenzo kung sino at nagulat nalang siya nung namukhaan niya ito. “I.. ikaw?” sabi ni Lorenzo na tumayo ito sa harapan niya..
“Mabuti at naalala mo pa ako” sabi nito na ngumiti si Lorenzo at sabing “kumusta na ang kamay mo?” tanong niya na ikinagalit ng taong nasa harapan niya “huwag!” pagpigil ng Kapitan sa kanya. “Pangako mong ako ang papatay sa kanya” sabi ni Gilas kay Kap. Enrico “alam ko ang pinangako ko sayo Gilas pero huwag mong kakalimutan ang pakay ko dito” paalala ng Kapitan sa kanya. “Kayamanan? Kayamanan ang …hanap niyo dito? Hahaha… kaya.. niyo kami inatake… dahil sa kayamanan? Hahahah” natatawang sabi ni Lorenzo sa kanila “wala kayong… makikitang kayamanan dito” dagdag niya na tiningnan niya si Lala “walang kayamanan ang Kuro” sabi ni Lorenzo.
“Kapitan, wala kaming nakikitang kayamanan dito” bumalik yung tauhan niya “punyeta!” sabi ni Kap. Enrico na galit itong nakatingin kay Lorenzo “nangako ka sa akin Enrico” sabi ni Gilas sa kanya “bueno, ikaw na ang bahala sa kanya” sabi ni Kap. Enrico na natuwa si Gilas. “Umalis na kayo!” sabi ni Gilas sa mga aswang na nagsi-alisan narin ito at yung iba lumipad pa “hindi ba sabi ko sayo hindi yun ang huling pagkikita natin” sabi ni Gilas kay Lorenzo na ngayon ay nakaluhod sa tabi ni Lala. “Mahal.. patawarin mo ako kung maisturbo ko ang pagtulog mo” sabi ni Lorenzo kay Lala na lumapit na sa kanya si Gilas bitbit ang espada niya na tiningnan lang siya ni Lorenzo.
“Makakapaghiganti narin ako sa ginawa mong pagputol sa kamay ko” sabi ni Gilas na tinadyakan niya ang espada ni Lorenzo palayo sa kanya sabay taas niya sa espada niya para hampasin si Lorenzo sa leeg. “Huwag kang mag-alala, mabilis lang ito” sabi ni Gilas sa kanya na binaba na nito ang espada niya na nakailag si Lorenzo at kinuha niya ang espada ni Lala at sinaksak niya sa tiyan si Gilas na napatigil ito at tumingin sa kanya. “Hindi magbubunga ang binabalak mo… Gilas..” sabi ni Lorenzo sa kanya na napaluhod si Gilas at hinugot ni Lorenzo ang espada ni Lala sa kanya “ah.. pa.. papatayin kita..” sabi ni Gilas sa kanya na agad itong hinampas ni Lorenzo at naputol ang ulo ni Gilas at gumulong pa ito patungo sa kinatatayuan ni Kap. Enrico.
Biglang umabante ang mga aswang na agad silang pinigilan ni Kap. Enrico “hindi mo kami tauhan Enrico!” galit na sabi nung isang aswang “pero ako ang binigyan ng kapangyarihan ng Reyna niyo para mamuno dito” sabi niya. “Magsialisan na kayo!” utos niya na walang nagawa ang mga aswang at umalis na ang mga ito “magaling, akala ko hindi na tatahimik ang asong ito” sabi ni Kap. Enrico na tinadyakan ang ulo ni Gilas. “Magaling ka ngang mandirigma, tama nga ang sinabi ni Reyna Claudia tungkol sayo Lorenzo” sabi ni Kap. Enrico sa kanya “napapansin mo bang hindi ako lumapit sayo, dahil yun ang babala sa akin ni Reyna Claudia” dagdag niya na bumagsak na sa lupa ang espadang hawak ni Lorenzo at humihingal na ito.
“Ibibigay ko sayo ang huling karapatan para narin respeto ko sa magiting mong pagkatao” sabi ni Kap Enrico sa kanya na sumuka ng dugo si Lorenzo at napatumba siya sa ibabaw ni Lala. “Huwag kang mag-alala, wala ng gagalaw sayo dito, hahayaan na kitang mamatay kasama ang esposa mo” sabi ni Kap. Enrico na tumalikod na ito at naglakad na ito palayo sa kanya. Gumapang ng konte si Lorenzo at kinuha ang espada ni Lala na pinatong niya ito sa dibdib ng asawa niya at umupo siya sa tabi “ma..mahal.. ko…. pa… patawad…patawad..” sabi ni Lorenzo kay Lala habang hinihimas niya ang mukha nito. Naluluha si Julian sa nakikita niya at tila naging wala siyang silbi dahil hindi man lang niya natulongan ang mga magulang niya “mahal… su… susunod ako sayo… ” sabi ni Lorenzo na hiniga niya ang ulo niya sa dibdib ni Lala.
Nakaalis na ang mga sundalong kastila at mga aswang sa Kuro at naiwan nalang si Lorenzo’ng naghihingalo sa tabi ni Lala habang nasusunog ang lahat ng kubo ng Kuro “ma.. mahal ko…” sabi ni Lorenzo na hinahalikan niya si Lala sa labi. Maya-maya lang ay me narinig siyang ingay ng pakpak na papalapit sa kanya at nung tiningnan niya ito nakita niya si Lucia na dumapo ilang talampakan sa kanya. “LORENZO” agad siyang tinawag nito at lumapit sa kanya “Lu… cia…” sabi ni Lorenzo na lumuhod si Lucia sa tabi niya at tiningnan siya mula ulo hanggang sa katawan niya “ano ang nangyari dito?” tanong ni Lucia sa kanya “mga… sundalong.. kastila.. at….asw…ang..” sabi ni Lorenzo na nauutal na ito dahil sa dami ng dugong nawala niya.
“Dadalhin kita sa palasyo para magamot ka” sabi ni Lucia sa kanya “hindi… hindi na…” sabi ni Lorenzo na naluha si Lucia nung makita ang kondisyon niya “maawa ka sa sarili mo Lorenzo, bubuhatin na kita at dadalhin kita sa palasyo para magamot ka ni Zoraida” sabi ni Lucia sa kanya na pingilan siya nito. “Hndii.. dito ang lugar ko… ka… kasama siya… sila…” sabi ni Lorenzo na napatingin si Lucia kay Lala “ganun.. ganun mo siya kamahal?” tanong ni Lucia sa kanya “… hahh…hah..o..oo….” sagot ni Lorenzo sa kanya na napaiwas ng tingin si Lucia kay Lala at tumingin kay Lorenzo “pata… ptawarin mo ako…. kung… nasaktan kita…” sabi ni Lorenzo na naluha si Lucia sa sinabi niya.
“Ang… anak namin…si… Julian..” sabi ni Lorenzo “na.. kina Narra… kasama ang.. nanay.. ni.. Lala…” dagdag niya na nakita niyang nagulat si Lucia “bakit?” tanong niya “…nakita ko si Pietra.. naghihingalo sa daan.. kaya agad akong pumunta dito” sabi ni Lucia na nagulat si Lorenzo sa sinabi niya. “Ang anak namin…” sabi ni Lorenzo “pinatakas niya sakay sa kabayo mo” balita ni Lucia sa kanya na natuwa si Lorenzo nung narinig niya ito. “Kung.. ganun… ligtas na siya ngayon.. sa kaharian ni Narra..” sabi ni Lorenzo na pilit niyang bumangon kaya tinulongan siya ni Lucia para maluhod niya ang kanang tuhod niya sa lupa.
“Lucia… naalala.. naalala mo pa ba ang pangako mo?” tanong ni Lorenzo sa kanya na hindi nagsalita si Lucia “..naalala mo pa ba?…” tanong muli ni Lorenzo na tumango lang si Lucia at umiyak na ito “hini…hinihingi kong.. tuparin muna ito..” sabi ni Lorenzo sa kanya na umiling siya at niyakap si Lorenzo. “Hinding-hindi ko yun magagawa, mahal ko!” sabi ni Lucia na tinulak siya ng konte ni Lorenzo para maharap niya ito “… alam mo kung ano ang… sinabi ko noon hindi ba?”…” tanong ni Lorenzo sa kanya na tumulo na ang luha ni Lucia sa mga pisngi niya na pinahiran ito ni Lorenzo at nginitian niya “yun.. ang huling.. hiling ko sayo…” sabi niya na humagolgol ng iyak si Lucia sa narinig niya galing sa taong pinakamamahal niya ng buong buhay.
“Hndi.. hindi ko maibibigay sayo ang kamatayan mo… Lorenzo… mahal na mahal kita…” sabi ni Lucia sa kanya “ang… apoy.. mo lang ang.. makakapagpalaya sa katawan kong ito…” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Alam mo?” tanong ni Lucia na tumango si Lorenzo “alam ko.. ang ginawa mo.. sa katawan ko noon…” sabi ni Lorenzo dahil matagal na pala niyang alam na binigyan ng kapangyarihan ni Lucia ang katawan ni Lorenzo na hindi ito mamamatay. “Alisin… mo na ang.. imortalidad sa katawan ko… Lucia…” sabi ni Lorenzo sa kanya na tiningnan niya ito sa mata at hinila siya ni Lorenzo palapit sa kanya at naghalikan silang dalawa.
Tumayo na si Lucia at umatras siya palayo kay Lorenzo “tayo ang tinadhana.. kaya hindi ko kayang gawin ito sayo..” sabi ni Lucia sa kanya “… nangako tayo.. sa.. isa’t-isa.. Lucia” sabi ni Lorenzo sa kanya na pinikit ni Lucia ang mga mata niya at humagolgol siya ng iyak. “Naka.. handa na ako… Lucia…” sabi ni Lorenzo sa kanya na binuka niya ang mga mata niya at nakita niyang nakaluhod sa harapan niya si Lorenzo at nakayuko ang ulo nito na parang nagbibigay pugay ito sa kanya. “… Mahal… mahal na mahal kita Lorenzo…” sabi ni Lucia na huminga siya ng malalim at pinikit niya ang mga mata niya “salamat…. Lucia…” sabi ni Lorenzo sabay buga ni Lucia ng apoy kay Lorenzo na napasigaw ang huli nung tumama sa kanya ang mainit na apoy ni Lucia.
“AAARRRGGGGGHHHHHHH!” naririnig niyang sumigaw si Lorenzo habang tuloy lang din siya sa pagbuga ng apoy at maya-maya lang ay tumigil na siya sabayy talikod niya. “Huhuhu.. Lorenzo… Lorenzo…” naiiyak niyang sabi na nakita niyang unang dumapo si Morietta at nagsisigaw ito nung makitang nasusunog si Lorenzo. “HENERAL! HENERAL!” mabilis na tumakbo palapit sa kanila si Morietta na agad niya itong niyakap para pigilan sa paglapit kay Lorenzo habang dumapo narin si Hen. Guillermo at napaluhod nalang ito sa lupa nung makita ang guro niyang nasusunog. “BITAWAN MO AKO… HENERAAAAAALLLLLLL!!!” sigaw ni Morietta habang naluluha narin si Guillermo at tinawag si Lorenzo “GURROOOO!!! HENERALL!!!!” sigaw ni Hen. Guillermo.
“BITAWAN MO AKO! BAKIT MO SIYA SINUNOG?! BAKIT MO SIYA PINATAY?!” pagsisigaw ni Morietta kay Reyna Lucia na tahimik lang itong umiiyak “HENERAL!” “HENERAL ENZO!” tawag ng mga tauhan ni Lucia na ngayon ay napaluhod narin sa lupa at hindi makapaniwala sa sinapit ng dating Heneral nila. “Guillermo” tawag ni Lucia sa Heneral niya na hindi ito nakinig “GUILLERMO!” sumigaw siya “o.. opo kamahalan?” tanong niya habang nagpapahid siya ng luha. “Pumunta ka sa kaharian ni Narra at siguardohin mong nakarating ng maayos ang anak nina Lorenzo” utos niya “pero mahal na Reyna.. si..si.. Heneral..” naiiyak nitong sabi “SUNDIN MO ANG INUUTOS KO GUILLERMO!” sigaw ni Lucia sa kanya.
“OPO!” sigaw ni Guillermo at umalis na ito kasama ang ibang tauhan niya habang tinulak naman ni Lucia si Morietta na napaupo ito sa lupa sabay turo niya nito “TUMAHIMIK KA MORIETTA!” sabi niya. “Bakit… bakit mo ginawa ito sa kanya?” naluluhang tanong ni Morietta “hindi mo naiintindihan….” naiiyak na sabi ni Lucia na napansin na ito ni Morietta kaya tumayo siya at nilapitan ang Reyna “mahal na Reyna..” sabi ni Morietta at doon bumigay si Lucia sa harap ng mga tauhan niya na agad siyang niyakap ni Morietta at napaupo sila sa lupa at nag-iyakan silang dalawa. Napatingin si Morietta sa nasusunog na ngayong si Lorenzo at Lala at napaisip siya nung tiningnan niya si Lucia “oh.. kamahal” sabi nalang ni Morietta at niyakap niya ng mahigpit si Reyna Lucia na ngayon ay humahagolgol na ng iyak sa dibdib niya.
Samantala sa kaharian ni Narra napansin ng Hari ang kabayo ni Lorenzo nung naglakad-lakad ito sa gubat niya “hmm… si Aristas” sabi ni Haring Narra nung nakita niya itong nakatayo lang ito malapit sa malaking bato. “Hehehe gugulatin nanaman siguro ako nito” natatawang sabi ni Haring Narra na tumitingin-tingin siya sa paligid at dahan-dahan niyang nilapitan si Aristas na hindi parin ito gumalaw sa kinatatayuan niya. “Kung nasaan ka man Lorenzo hehehe nakahanda na ako sayo” sabi niya sa sarili niya ng bigla nalang siyang nakarinig ng iyak ng bata na nagmula sa gilid ni Aristas “huh?” lang si Haring Narra at napatingin ito sa paligid. Nilapitan niya si Aristas at nagulat nalang siya nung makita niya ang bata na me dugo ito sa pisngi at ang espada ni Lorenzo sa kabilang tela. “Inang kalikasan…” nalang ang nabigkas ni Haring Narra “Lorenzo….” naluluhang sabi niya.
Tinapik sa balikat ng matanda si Julian “ito ang parte na hindi ko na tiningnan” sabi ng matanda sa kanya na dahan-dahan ng dumilim ang palgid at tila nawawala na sila sa lugar na iyon at ang sumunod na eksena ay nakatingin nalang si Julian sa espada ng tatay niya. “Patawarin mo ako bata, alam kong hindi mo gusto ang nakikita mo kanina” sabi ng matanda sa kanya na nagpapahid ng luha si Julian at tumingala siya at nakita niyang naluluha din si Lucia. “Ang koneksyon mo sa kanila ang nagdulot ng luha niya, bata” sabi ng matanda kay Julian na binitawan na niya ang espada ni Lorenzo at tumalikod siya at umiyak. Hinayaan lang siya ng matanda na magluksa sa nangyari sa mga magulang niya at nung tumigil na sa pag-iyak si Julian nilapitan siya ng matanda at umupo ito sa tabi niya.
“Ipinadala ni Lorenzo ang espada niya dahil ito lang ang paraan para makauwi ito dito” sabi ng matanda sa kanya na nagpapahid ng luha si Julian “akala ko ba… ipinamana sa akin ito ng ama ko?” tanong niya. “Hindi, akala niya pwede mo itong gamitin pero mali siya” sabi ng matanda sa kanya “ano ang gagawin ko?” tanong ni Julian sa kanya “si Lorenzo ang katapusan.. ibig sabihin nito ikaw ang simula” sabi ng matanda sa kanya. Tumayo ang matanda at naglakad ito “teka.. anong ako ang simula?” takang tanong ni Julian na umakyat sila sa isang puntod at tumayo sila malapit sa isang luma at kinakalawang na espada.
“Ito ang unang espada na ginamit noon ng unang pinuno ng Kuro” kwento ng matanda “teka.. akala ko ba wala ang espada dito? Tapos sasabihin mo ito ang unang espada?” sabi ni Julian “bwahahaha” tumawa lang ang matanda na napabugnot si Julian. “Ang gulo niyo pong kausap” sabi ni Julian sa kanya “hahaha pasensya kana bata” sabi ng matanda na hinawakan niya sa balikat si Julian “ang espadang ito ay ginamit ni… ni…. hmm….” parang nakalimutan nito ang pangalan ng unang pinuno. “Teka.. teka alam ko ang pangalan niya.. hmm…” sabi ng matanda na napailing lang si Julian at bumalik nalang siya sa kampo ng matanda at naupo sa harap ng apoy. “MALAPIT KO NG MATANDAAN ANG PANGALAN NIYA!” sigaw ng matanda sa ibabaw ng puntod.
Nakaupo lang kami sa sofa habang nag-iisip sa susunod naming gagawin “pwede nating gawin ang sinabi mo kanina ate Issa” sabi ni Jasmine sa akin “paano natin magagawa yun kung nandito sa condo ang kapatid ko” sabi ko sa kanya. “Wala na ba kayong ibang lugar na mapuntahan natin?” tanong ni manang Zoraida sa akin “me safe house kami pero ginagamit ito ngayon” sabi ko sa kanila na nag-iisip ako ng biglang tumakbo palabas mula sa kusina ang kapatid ko papunta sa pintuan. “Saan pupunta yun?” takang tanong ko na sinundan ko ito at nakita kong nakatayo ito sa harap ng elevator. “Baka dumating na yung kausap niya kanina” sabi ni Jasmine sa akin “malalaman na natin kung sino” sabi ni manang.
Tumunog ang elevator at bumukas na ang pinto na agad niyakap ng kapatid ko ang lalaking kausap niya kanina “hindi ko makita” sabi ko dahil naka baseball cap ito at nakatago ang mukha ng lalaki. “Kung yung manloloko ang taong ito matutuwa akong ipapatikim sa kanya ang kamao ko” galit kong sabi na naglakad na sina Elizabeth pabalik sa condo kaya agad kaming pumasok sa loob at sumunod na sila at sinara ng kapatid ko ang pinto at hindi sila nag aksaya ng oras at naghalikan agad sila. “Hmmm.. na miss kita” sabi ng kapatid ko dun sa lalaki niya “ako din” sagot nung lalaki na pamilyar sa akin ang boses nito. “Issa?” tawag sa akin ni manang na hindi ko ito pinansin nung nilapitan ko sina Elizabeth na napaatras nalang ako nung makita ko ang mukha nung lalake “Be… Benjamin?” gulat na sabi ko.
Chapter XVIII: Secrets!
Nagulat ako nung nakita ko si Ben ang kayakap ngayon ni Elizabeth “why calling me all of the sudden Benny?” tanong ng kapatid ko sa kanya “I just missed you that’s all” sagot ni Ben “hmmm.. dahil wala ang sis ko no?” tanong ni sis. “No, not really you are always in my mind, Lizzy” sagot ni Ben na Lizzy pa ang tawag niya sa kapatid ko “kumalma ka Isabella” sabi ni manang Zoraida sa akin dahil napansin na niyang nakakamao na ako. “Teka yung niluluto ko sa kusina” sabi ni sis sa kanya “patayin mo muna, I want you now Lizzy” sabi ni Ben sa kanya na kita kong nanggigigil si Elizabeth sa kanya at natuwa pa ito. “Sige patayin ko na muna yung stove at mauna ka na dun sa kwarto… get yourself comfortable” sabi ng kapatid ko sa kanya na napangiti si Ben.
Nakita kong masayang pumasok sa kusina si Elizabeth kaya sumunod ako kay Ben na ngayon ay hinuhubad narin ang damit niya habang naglalakad ito papasok sa kwarto ng kapatid ko “mag-eenjoy ako ngayon” sabi ni Ben na tinanggal na niya ang belt niya. Umupo siya sa kama at inaalis ang sintas ng sapatos niya at nung nahubad na niya ito nagmamadali siyang hubarin ang pantalon niya at tumalon ito sa kama na naka underwear nalang. “Shit! Ito pala ang ginagawa nila sa likuran ko” sabi ko na hinawakan ako ni manang Zoraida sa balikat na hindi ko ito napansin na sumunod din pala ito sa amin.
“Huminahon ka Isabella, hindi ito ang lugar at huwag ngayon” sabi ni manang sa akin “alam ko, pero sa nakikita ko walang oras o panahon akong palalampasin” galit kong sabi na gusto ko ng patayin si Ben sa oras na yun. “Me mas importante pa tayong aasikasuhin kesa sa sitwasyong ito” sabi ni manang sa akin na alam kong tama siya pero sa puntong ito, ito ang mas importante para sa akin ang maharap ko silang dalawa sa pagtataksil nila sa akin. “Are you ready?” narinig namin ang kapatid ko na ngayon ay naka bra at panty narin itong nakatayo sa pintuan habang nakangiti itong nakatingin kay Ben.
“Wow, ang ganda mo talaga Lizzy” sabi ni Ben sa kanya na dahan-dahan itong naglakad palapit sa kama at tumayo ang kapatid ko sa paanan at tumalikod siya kay Ben at tumuwad siya. “Do you like it?” pilyang tanong ni Sis kay Ben na bumangon ang loko at gumapang ito palapit sa kanya at konte nalang at dumampi na ang ilong ni Ben sa pisngi ng kaliwang pwet ni Sis nung inamoy niya ito “hmmm… ang bango” sabi ni Ben na gumigigil si Sis sa sinabi niya. Umupo si Ben sa dulo ng kama na umatras si sis at tumayo na siya sa pagitan ng mga hita ni Ben “ano ang gagawin mo?” tanong ni Sis sa kanya “hmm..” lang si Ben sabay halik nito sa magkabilang pisngi ng pwet ni Elizabeth.
“Yun ang gagawin ko” sabi ni Ben sa kanya na natawa lang ng mahina si Sis “ano pa?” tanong niya “ito” sabi ni Ben na hinawi nito ang panty ng kapatid ko at siniil ng halik ang butas ng pwet niya na pareho kaming napatalikod ni manang Zoraida. “Dyos ko, ano ba yang ginagawa nila!” sabi nalang bigla ni manang na pareho kaming hindi nakagalaw sa nasaksihan namin “nay, pwede na po… bang… maka…. ” putol-putol ang salita ni Jasmine na nakita naming nanlaki ang mga mata nito sa nakita niyang ginagawa ng dalawa kaya napalingon kami ni manang at nanlaki ang mga mata namin dahil nakatuwad na si Elizabeth at wala na itong panty habang nagtaas baba ang mukha ni Ben sa bilis ng pagdila niya sa kepyas niya.
Hinila kami ni manang Zoraida palabas ng kwarto na kung nakikita nila kami siguro matataranta sila pero wala kaming napansin sa kanila nung lumabas kami ng kwarto “Dyos ko, ano ba yun! ngayon lang ako nakakita na ginaganun ng lalake ang ano ng babae” sabi ni manang sa amin. Ngayon lang pumasok sa isipan ko na lumang era nga pala si manang na walang ganitong ritwal sa sex ang panahon nila na napaisip tuloy ako kung saan nakuha ni Julian ang teknik na yun kung wala sa era nila ang ganung pagkain ng lalake sa pekpek ng babae. “Huwag na kayong pumasok dun, nakakahindig balahibo ang ginagawa nila” sabi ni manang na natawa lang si Jasmine.
“Ano ang nakaktawa ha? HOY! ikaw Jasmine pag ako me nalaman na ginagawa mo yan tamaan ka talaga sa akin!” banta ni manang sa kanya “nanay naman, natural lang na ganunin ng lalake ang ano ng babae dahil parte na ito ng ritwal sa sex” paliwanag ni Jasmine sa kanya. “Ganun ba yun? Nung kapanahunan ko noon wala namang ganyang ritwal, halikan lang at pasok na agad” sabi ni manang. “Nay..nay… huwag niyo nang imention ang nakaraan niyo sus naman” sabi ni Jasmine na natawa lang ako sa dalawa pero ang isip ko nasa loob ng kwarto kina Ben at Elizabeth. “Kalimutan mo muna yan Isabella” sabi ni manang Zoraida sa akin.
“Haayyy… sige po, so payag kayo sa.. ” naputol nalang ako nung lumabas ang dalawa at hubo’t-hubad silang naghahabulan papunta sa sofa na dumapa ang kapatid ko at pumatong sa kanya si Ben at hinalikan siya nito sa batok. “Oh Ben…” narinig naming sabi ni Elizabeth na binaba ni Ben ang kamay niya sa pagitan nilang dalawa at alam na namin kung ano ang ginagawa niya kaya napatakbo kaming tatlo sa kusina at narinig nalang namin ang ingay ng sofa at mga ungol nila. “Dyos ko aatakihin ata ako sa kanila” sabi ni manang Zoraida na natawa lang si Jasmine habang ako ay sumisilip sa kanila “Isabella, huwag mo silang tingnan” sabi ni manang sa akin na hindi na ako nakinig.
Nakita ko kung paano bayuin ni Ben ang kapatid ko na napanganga ito at nakapikit ang mata na tila nasasarapan ito sa ginagawa sa kanya ni Ben “Beenn..Beeenn… aahhhh..” ungol ng kapatid ko. “Gusto ko makita ang pekpek mo” sabi ni Ben sa kanya na umikot ang kapatid ko at tumihaya ito sa sofa at tinaas ang mga paa “shit.. ang kintab na ng pekpek mo” sabi ni Ben sa kanya na inabot ng kapatid ko ang titi niya at sinalsal ito. “Ooohhh… ” ungol ni Ben na tuloy lang sa pagsalsal ng kapatid ko sa titi niya “sige na.. ipasok mo na Lizzy” utos ni Ben sa kanya na tinutok ito ng kapatid ko sa hiwa niya at bumitaw agad ito nung naipasok na niya ang ulo at si Ben na ang nagtulak papasok sa loob niya “aaahhh….” napaungol si sis nung sinimulan na muli siyang kantutin ni Ben.
“ISABELLA!” sigaw sa akin ni manang na nagulat ako kaya napalingon ako sa kanila na kita kong natatawa si Jasmine habang nakapam bewang si manang at galing na galit itong nakatingin sa akin. “Me importante tayong aasikasuhin at yan ang inuuna mo? Ano ka ba?” galit niyang sabi sa akin na napakamot nalang ako sa ulo ko at lumapit sa kanila “pasensya na po” sabi ko at umupo ako sa upoan pati narin sila. “So ano ang plano natin, Issa?” tanong ni Jasmine sa akin na pilit kong inaalis ang atensyon ko sa dalawa na nasa sala at hindi nakatulong ang ingay nila lalo na ang mga ungol nila. “Isabella?” tawag sa akin ni manang “ah oo, yung plano” sabi ko na napailing nalang si manang sa inasal ko.
Samantala sa Isla “malapit ko ng maalala ang pangalan ng unang pinuno ng Kuro” sabi ng matanda kay Julian na umupo na ito sa upoan niya “wala na sa akin yun, tanda ang iniisip ko kung ano ang gagamitin ko panlaban sa kampon ng dilim” sabi ni Julian. Napa-isip ang matanda at tumingin ito sa mga espada na nasa paligid nila “wala akong maibibigay sayo dito” sabi ng matanda sa kanya na tumayo si Julian at tumingin sa mga kaluluwang nasa ibabaw nila. “Alam mong hindi mo matatalo ang dilim kung dilim din ang gagamitin mo” sabi ng matanda sa kanya “ano ang magagawa ko?” sabi ni Julian na lumingon siya sa matanda “ang kapangyarihan lang nila ang pwede kong gamitin” sabi ni Julian na napayuko ang matanda at tumingin sa apoy.
“…..Me.. alam akong paraan para makakuha ka na panibagong kapangyarihan..” sabi ng matanda sa kanya “ano yun?” tanong agad ni Julian na tumingin sa kanya ang matanda “..bitawan mo sila.. ” sabi ng matanda sa kanya. “Bi..bitawan ko sila?” gulat na tanong ni Julian “oo, sa ganitong paraan mo lang makakamit ang kapangyarihan na yun” sabi ng matanda na tiningnan siya ni Julian at tumingin siya sa mga kaluluwa ng mga bampira. “Paano kung hindi ko makuha ang sinasabi mong kapangyarihan? Mamamatay lang ako!” sabi ni Julian sa kanya “haayyyy…wala ka bang tiwala sa akin?” tanong ng matanda “wala!” diretsong sagot ni Julian na napailing ang matanda at tumayo ito.
“Ang kapangyarihan na sinasabi ko ay taglay nito ang lakas ng unang pinuno, pero bago mo ito makuha kailangan mo munang maging purong Bailan” paliwanag ng matanda sa kanya. “Hindi na ako puro at lalong hindi ako Bailan” sabi ni Julian sa kanya “hmm….” lang ang matanda at naglakad ito malapit sa dagat at tumingin ito sa malayo “… nakakalungkot isipin na umasa si Lorenzo na ikaw ang magpapatuloy sa ligasiya niya.. ng mga Bailan…” “huwag niyo akong bigyan ng leksyon, hindi kita ama” sabi ni Julian sa kanya. “Alam ko” sagot ng matanda sa kanya “bilang huling Bailan ikaw lang ang inaasahan na magpatuloy sa lahi natin” sabi ng matanda sa kanya na hindi umimik si Julian.
“Hindi ako interesado sa Bailan, ang sa akin lang ay maipaghiganti ko ang mahal na Reyna at ang mga kasamahan kong bampira” sabi ni Julian “kung ganun, patawarin ako ni Una dahil dito na magtatapos ang lahi ng mga Bailan” sabi ng matanda na bumalik ito sa upoan niya at tumingin sa apoy. Naglakad na si Julian papunta sa dagat “tandaan mo bata, isa kang Bailan, darating ang oras na kailanganin mo ang kapangyarihan na yun” sabi ng matanda na tumingin sa kanya si Julian “kahit itinakwil mo siya, hinding-hindi ka niya bibigoin kung nasa bingit kana ng kamatayan” sabi ng matanda sa kanya na biglang nagbago ang kulay ng balat ni Julian at umangat siya pataas papunta sa maraming kaluluwang naghihintay sa kanya.
Nakaramdan si Julian na parang me dumaan sa katawan niya at nakita niyang umikot ang mga kaluluwa sa ibabaw at nung lumabas na siya sa parang proteksyon ng Isla mabilis na lumipad ang mga kaluluwa pabalik sa katawan niya. “AAARRRGGGHHHHHH!!!!” napasigaw si Julian nung isa-isang pumasok na sa katawan niya ang mga kaluluwa ng bampira at bigla nalang siyang lumiwanag at maya-maya ay bumalik na sa kanya ang mga kapangyarihan nila. Tumingin siya sa matanda na ngayon ay nakatingin sa kanya “heto na ako ngayon, tanda” sabi niya “isang abominasyon na naghahangad ng katarungan!” dagdag niya. “..naiintindihan ko….” sagot ng matanda sa kanya “tandaan mo ang sinabi ko, itinakwil mo man siya pero.. hinding-hindi ka niya pababayaan… ” dagdag nito at lumipad na si Julian pabalik sa pilipinas. “… Una… sana, liwanagan mo siya… para malaman niya kung sino talaga siya…” sabi ng matanda na dahan-dahan naring nawawala ang Isla.
Habang nasa ere si Julian bumabalik sa isipan niya ang sinabi sa kanya ng matanda “bibitawan ko sila? Paano ko bibitawan ang mga kaluluwang sinakripisyo ang buhay nila para ma buhay ako?” sabi niya. “Sila ang pamilyang kinagisnan ko bakit ko sila itatakwil?” tanong niya sa sarili niya na me napansin siyang ilaw sa dalawang bangka na lumalawig sa dagat at tila pareho ang distinasyon ng tinatahak nila. “Mga mangingisda siguro” sabi niya na binilisan nalang niya ang paglipad niya pabalik ng pilipinas at para narin makasama ang taong mahal niya, makalipas ang ilang sandali nakarating na ng gubat si Julian at pumunta siya sa lugar ng mga Bailan.
Tumayo si Julian sa lugar kung saan sinunog ang mga magulang niya, lumuhod siya at hinawakan ang lupa “ama, ina, alam ko na po ang nangyari sa inyo” pinikit niya ang mga mata niya ng biglang me narinig siyang yapak sa malayo. “Sino ka?” tanong niya na biglang lumapit sa kanya ang taong nagtatago sa likod ng puno “kumusta kana?” tanong nung tao sa kanya na tumayo si Julian at binato niya ito ng patalim na mabilis itong nakailag. “Hahaha… Bailan ka nga kung ma ituturing” sabi nito sa kanya na hinarap niya ito at nginitian siya “ano ang kailangan mo sa akin, aswang?” tanong ni Julian sa kanya. “Me gustong kumausap sayo” sabi ng aswang “hindi ako interesado” sagot niya “oohh? Alam kong magugustohan mo ang alok niya” sabi ng aswang.
“Kamatayan lang ng lahi niyo ang gusto ko, maliban dyan wala na” sabi ni Julian na lumutang na siya sa ere para atakihin ang aswang nang biglang lumuhod ito at yumuko sa harapan niya kaya napahinto nalang siya. “Buhay.. buhay ang kapalit sa alok na ito” sabi ng aswang sa kanya “ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya “Isabella.. ” sabi bigla ng aswang “Isa… bella?” takang tanong ni Julian “yun ang sinabi ng kamahalan.. buhay niya ang kapalit” sabi ng aswang na umatras ito palayo sa kanya. “Niloloko mo ba ako?!” galit na tanong ni Julian sa kanya “hindi.. yun mismo ang sinabi ng kamahalan.. me kapangyarihan ang kamahalan na bumuhay ng patay” sabi ng aswang.
“Huwag mo akong insultohin at huwag na huwag mo akong gaguhin!” galit na sabi ni Julian na bigla nalang siyang naging anino na ikinagulat ng aswang na aalis na sana siya ng biglang sumulpot si Julian sa likod niya at sinakal siya nito. “Huwag.. huwag.. i..inutosan lang ako…” sabi ng aswang “sino ang nag-utos sayo? At sino tong kamahalan na sinasabi mo?” tanong ni Julian sa kanya “si… ” sabi ng aswang “SINO?!” sigaw ni Julian. “Si… Olivia!…” sagot ng aswang na nagulat si Julian sa narinig niya kaya hinigpitan niya ang pagsakal sa leeg ng aswang “imposible! Patay na si Olviia!” sabi ni Julian “akala niyo lang yun” sagot ng aswang.
Tinutok ni Julian ang patalim niya sa leeg ng aswang “nagsisinungaling ka!” sabi ni Julian na lumingon sa kanya ang aswang at sabing “tingin mo ba pupunta ako dito kung nagsisinungaling ako? Alam nating malakas ka kesa sa akin”. Napaisip ng sandali si Julian at tumingin sa aswang “kung totoo man ang sinasabi mo, ano ang kailangan niya sa akin?” tanong niya “ang Aklat ng Dilim” sagot ng aswang na tinulak ni Julian pabaon ang patalim niya sa leeg ng aswang na nagpanic ito at napahawak sa braso niya. “Nasisiraan na ba siya ng bait?” inis na sabi ni Julian “kahit kelan hinding-hindi ko ibibigay sa kanya ang aklat” sabi ni Julian sa aswang “kahit na kapalit nito ang buhay ng pinakamamahal mo?” tanong ng aswang sa kanya na bigla nalang naisip ni Julian si Isabella.
Napalingon siya sa direksyon kung nasaan si Isabella at bigla siyang lumipad at mabilis tinungo ang kinaroroonan ni Isabella “hinding-hindi niya makukuha si Isabella sa akin!” galit na sabi ni Julian at parang bala itong lumipad papunta kay Isabella. Samantala, hinawakan ng aswang ang sugat niya sa leeg at tiningnan niya ang daliri niyang me dugo at dinilaan ito “nagawa ko na po ang inuutos niya, kamahalan” sabi niya na lumabas sa puno ang isang anino “magaling!” sagot nito. “Ano po ang susunod niyong iuutos sa akin?” tanong nung aswang na niyuko niya ang ulo niya “wala sa muna ngayon, me tauhan na akong nakaabang sa kanila” sabi nung anino “masusunod kamahalan” sagot nung aswang.
“So, pwede nating hugotin si Boyet mula sa kulongan niya gamit ang portal mo manang?” tanong ko habang inaalis sa isipan ko ang ingay at ungol ng dalawa sa sala “oo, pero kailangan ko munang magpahinga” sabi niya. “Bakit?” tanong ko “kumakain kasi ng lakas at kapangyarihan sa tuwing magbubukas kami ng portal” paliwanag ni Jasmine “kaya nga hindi naman palaging ginagamit ang portal pagbumabyahe kami dahil nauubos nito ang lakas namin” paliwanag ni manang Zoraida. “Kaya binabawalan ko si Jasmine gamitin ito dahil hindi pa siya masyado bihasa sa kapangyarihan niya, maliban lang kung kinakailangan” sabi ni manang sa akin.
“Kaya pala nung lumabas tayo sa gubat ni Haring Narra parang nanghina kayo?” tanong ko “oo, lalo na kung matagal nakabukas ang portal lalo lang kaming manghihina” paliwanag ni manang. “Narinig niyo ba yun?” tanong ni Jasmine “ang alen?” tanong ko na napansin ko din ang napapansin niya “natahimik na sila” sabi ni manang. Tumayo kami para tingnan sila at nagulat kami dahil wala na sila sa sala “mabuti naman” sabi ni manang at narinig namin ang ingay ng shower sa banyo. “Naligo na sila” sabi ni Jasmine kaya bumalik kami sa kusina “gawin na natin ito habang nasa shower pa sila” sabi ko kay manang na tumango ito “inay, ako nalang” sabi ni Jasmine “hindi, ako na anak” sabi ni manang,
Narinig naming me kumatok sa sliding door kaya kinawayan ko sila para pumasok “gagawin na natin ang plano ko” sabi ko kay Dante “mabuti, dahil hindi ko gusto ang simoy ng hangin sa labas” sabi ni Dante sa amin. “Maupo kana Isabella at ipikit mo ang mata mo” sabi ni manang sa akin kaya sinunod ko siya “Crispin, Berting bantayan niyo ang dalawa” utos ni Dante sa kanila “opo, Heneral!” sagot ng dalawa na tumayo sila sa labas ng kusina. “Tumayo ka sa kaliwa ko Dante dahil bubuksan ko ang portal malapit sa’yo para ikaw na ang humablot kay Boyet” utos ni manang na pumwesto si Dante “anak, sa kanan kita” utos niya at pumwesto narin siya.
Tahimik lang akong nakaupo sa silya at hinawakan na ni manang ang noo ko “ipikit mo ang mata mo Isabella at magrelax ka, hayaan mo lang ako” sabi niya sa akin na ginawa ko ang inuutos niya. Maya-maya lang ay pakiramdam kong lumilipad ako at nakita ko nalang ang sarili ko sa presinto “tara, ituro mo sa akin kung nasaan” sabi bigla ni manang na nakatayo ito sa kanan ko. “O..opo” sagot ko at sumunod siya sa akin “bakit parang iba ata ito dun sa ginawa mo dun sa bahay niyo?” tanong ko sa kanya “nagmamadali kasi tayo kaya ganun, iba ito dahil gusto ko makita ang lugar bago ko buksan ang portal” paliwanag niya.
“Dito manang” sabi ko na pumasok kami sa isang pinto at nakita namin ang tatlong selda sa loob nito “doon sa dulo naka kulong si Boyet” sabi ko sa kanya kaya tinungo namin ito at nakita naming nakaupo sa kama si Boyet. “Siya ba si Boyet?” tanong niya “oo, siya ang kailangan natin” sabi ko sa kanya “sige” sabi niya na parang nagdilim ang paligid at nung binuka ko ang mata ko nakita ko silang tatlo sa harapan ko. “Maghanda ka Dante” sabi ni manang sa kanya na tinaas ni manang ang dalawang kamay niya at bumukas ang portal sa harapan niya “sige na Dante” utos ni manang nung nakita namin si Boyet sa kabila na agad niya itong hinila papasok sa portal at lumusot ito sa kusina ng Condo.
Sa gulat ni Boyet hindi ito nakapagsalita at tila tulala lang itong nakatingin sa amin pero siniguro ni Jasmine na hindi ito mag-iingay kaya gamit ang kapangyarihan niya tinakpan niya ang bibig ni Boyet at tinali na din niya ito. Pagkatapos isara ni manang ang portal agad itong natumba at napaupo sa upoan “nay!” tawag ni Jasmine na agad niya itong nilapitan “maayos lang ako” sagot ni manang na agad akong kumuha ng tubig at pinainom siya. “Magpahinga ka lang dyan Zoraida, kami na ang bahala dito” sabi ni Dante sa kanya na tumayo kami sa harapan ni Boyet na takot itong nakatingin sa amin “Isabella” tawag sa akin ni Dante “ako ang bahala” sabi ko sa kanya at yumuko ako sa tabi ni Boyet.
“Boyet, makinig ka” pasimula ko na tumingin ito sa akin at tumingin kay Dante “Boyet!” tawag ko sa kanya na tumingin ito sa akin “me itatanong ako sa’yo” sabi ko na umiling ito at nagsalita ito na di namin maintindihan. “Jasmine” tawag ko na tinaas lang niya ang isang daliri niya at nawala na yung takip sa bibig ni Boyet “Te… Tenyente…” tawag nito sa akin “relax lang Boyet, walang mangyayari sa’yo” pasiguro ko sa kanya. “Me itatanong ako sa’yo na dapat mong sagutin” sabi ko sa kanya “kung hindi” sabi ni Dante na sinuntok nito ang palad niya na kinatakot ni Boyet “Dante!” tawag ko sa kanya na ngumiti lang ito at pinakita pa ang pangil niya kay Boyet.
“A.. ano.. ano ang kailangan niyo sa akin?” takot na tanong ni Boyet sa amin “tungkol sa building namin, hindi ba naging security ka doon?” tanong ko sa kanya na nakatingin parin ito kay Dante “BOYET! Yung tanong ko sa’yo” sabi ko sa kanya. “Lo… Lobo ka no?” tanong ni Boyet kay Dante na nagkatinginan kami ni Dante “bakit mo alam na Lobo si Dante?” tanong ko sa kanya “kasi.. yun.. yun ang nakita ko sa basement ng building, ng building niyo Tenyente” sabi ni Boyet sa akin. “Anong Lobo ang sinasabi mo?” tanong ni Dante sa kanya na hinawakan siya nito sa balikat at inangat siya nito at pinaupo sa upoan.
“Magkwento ka Boyet” sabi ko sa kanya na tumingin ito sa amin at tumingin kina Crispin at Berting sa me pintuan ng kusina “Boyet!” tawag ko sa kanya na tumingin ito sa akin “maraming katulad niya ang nakita ko sa basement ng building” kwento niya. “Ano pa ang nakita mo?” tanong ko sa kanya “nakakatakot, pero sinigurado niya na hindi nila ako sasaktan basta lang bantayan ko lang ang pintuan para walang ibang makapasok” kwento niya. “Sino?” tanong ko sa kanya “ang papa mo” sagot niya na napatingin silang lahat sa akin “si papa?” gulat na tanong ko sa kanya “oo, yung papa mo si Don Enrico ang nag-utos sa akin na bantayan ang pintuan na yun” sabi ni Boyet.
“Bakit umalis ka sa trabahong yun?” tanong ni Jasmine “hindi naman ako umalis” sagot niya “so nag sideline ka lang maging holdaper?” tanong ko sa kanya “hindi! Parte yun ng utos ng papa mo” sabi niya sa akin. “ANO?! Paano naging parte?” gulat kong tanong sa kanya “ang papa mo ang nag-utos sa amin na holdapin ang bankong yun” kwento niya sa akin “nagsisinungaling ka lang Boyet” sabi ko sa kanya. “Hindi ako nagsisinungaling Tenyente, yung kasamahan kong napatay nung araw na yun na si Nelson parte din siya sa planong yun” kwento niya sa akin kaya kinwelyuhan ko siya “HINDI GANYAN ANG PAPA KO!” sigaw ko sa kanya “Isabella, kumalma ka!” sabi ni manang sa akin na pinigilan ako ni Dante.
“Hindi ako nagsisinungaling, totoo ang sinasabi ko” sabi ni Boyet sa akin “kahit tanungin mo pa ang kapatid mo!” sabi niya na napatigil kaming lahat “si..Elizabeth?” gulat kong tanong sa kanya “oo, nandun siya nung inutosan kami ng papa mo” sabi niya. “Nagsisinungaling ka lang!” sabi ko sa kanya na hinawakan na ako ni Dante at nilayo kay Boyet “hindi ako nagsisinungaling, lahat ng galaw namin naaayun yun sa plano ng papa mo pati ang pagtago namin sa Pangasinan” kwento niya. “Nagsisinungaling ka!” galit kong sabi sa kanya “paano ako nagsisinungalin kung parte ka din sa planong yun!” sabi ni Boyet sa akin na napatigil kami nung marinig namin ang sinabi niya.
“Ano ang sinasabi mo?” tanong ni manang sa kanya “limang taon ng pinaplano ng papa mo ang bagay na ito, hindi lang niya alam kung paano ito isakatuparan” pasimula niya “ang sinabi niya lang sa amin ay holdapin ang banko na yun tapos tumakas kami papuntang Pangasinan at manatili doon habang maghihintay sa susunod na iuutos niya” kwento niya. “Ginawa namin yun, naalala mo yung umambush sa atin? Sila yung mga kasamahan ko sa Pangasinan kaya nga nagtaka ako kung bakit nila ako pinapapatay” kwento niya. “Bakit ito ginawa ng papa? Hindi naman kami naghihirap lalong-lalo na hindi niya kailangan ng pera dahil bilyones ang pera namin sa banko” sabi ko kay Boyet.
“Alam kong hindi pera ang pakay niya dahil wala siyang pakialam sa perang nanakaw namin sa banko at isa pa yung bankong hinoldap namin kakabukas lang yun at walang masyadong pera” kwento niya. Hinugot ni Dante ang patalim niya at tinutok ito sa leeg ni Boyet “ano ang ibig sabihin nito? Ano ang pakay ng amo mo?” tanong niya na bigla nalang lumipad papasok ng kusina sina Crispin at Berting na tumama sila sa ref at gulat kaming napatingin sa kanila. “He.. neral…” sabi ni Crispin at hinimatay silang dalawa “anong?” gulat kong sabi na napatigil si Dante nung napatingin ito sa sala at nanlaki ang mata ko nung nakita ko ang mga mapupulang mata na nakatingin sa amin.
“SINO KAYO!” sigaw ko “Zoraida, Jasmine!” sigaw ni Dante na agad pinatayo ni Jasmine si manang Zoaraida papunta sa likod ni Dante “paano nakapasok ang mga aswang na ito?” takang tanong ni Dante. “Dyos ko, kalagan niyo ako, KALAGAYAN NIYO AKO!” sigaw ni Boyet kaya umabante si Dante para harangan sila “Zoraida kaya mo pa bang magbukas ng portal?” tanong ni Dante sa kanya “pasensya na pero wala na akong lakas para gawin ito” sagot niya. “Ako na ang bahala inay” sabi ni Jasmine na biglang natumba si manang kaya agad namin siyang sinalo ni Jasmine “DANTE!” sigaw ko “CRISPIN, BERTING BUMANGON KAYO!” sigaw niya na dahan-dahan ng gumalaw ang mga tauhan niya.
“Itakas niyo sila, ako na ang bahala sa kalaban natin” sabi ni Dante sa mga tauhan niya “patawad Heneral” sabi ni Crispin na kumilos agad sila at kahit sugatan binuhat ni Crispin si manang Zoraida at pinasan niya ito sa likod niya. “Heneral” tawag ni Berting “UMALIS NA KAYO!” sigaw niya dahil umabante na ang dalawang aswang palapit sa amin “mag-ingat ka Heneral” sabi ni Berting nung nakaangkas na sa likod niya si Jasmine. “PAANO AKO?!” sigaw ni Boyet na nakaupo parin sa silya kaya pinatayo ko siya at sumunod kami sa kanila ni Berting at Crispin papunta sa terrace habang nakalaban ni Dante ang dalawang aswang sa sala.
“Nasaan si Elizabeth at si Ben?” tanong ko na lumingon sa akin si Boyet at sabing “hindi mo ba alam? Sila yan!” sabi niya sa akin na nanlaki nalang ang mata ko at napatingin sa mga aswang “Eli.. zabeth?” takang tanong ko. “HENERAL!” sigaw ng tauhan niya na nakita namin ni Boyet na naging Lobo sila at mabilis na tumakbo sa gilid ng building habang naitulak naman ni Dante ang mga kalaban niya at mabilis siyang tumalikod at tumakbo palapit sa amin at niyakap kami ni Boyet sa beywang at napasigaw kaming dalawa nung tumalon si Dante sa terrace kasama kami. “DYOOOSSS KOOOOOO!!!!!” sigaw ni Boyet habang pababa kami “HUMANDA KAYO!” sigaw ni Dante.
“BAKIT?” tanong ko nang bigla niya kaming binato sa ere “AAAHHHHHHH!” napasigaw kaming dalawa ni Boyet at naging Lobo si Dante at sinalo niya kami na napaupo kami sa likuran niya at mabilis siyang tumakbo kagaya nung dalawa sa gilid ng building. Naka sunod din pala sa amin ang mga aswang kaya binilisan pa nila lalo ang pagtakbo nila “KAILANGAN NATING MAKALAYO SA KANILA!” sigaw ko habang nasa daan na kami at umiilag kami sa maraming kotseng sumalubong sa amin. Lumingon ako at nakita kong nakasunod sa amin ang dalawang aswang at mabilis itong lumipad palapit sa amin “BILISAN MO PA DANTE, BILISAN NIYO PA!” sigaw ko “ALAM KO ISABELLA!” sagot ni Dante.
“Dyos ko, Dyos ko, Dyos ko” paulit-ulit na sabi ni Boyet dahil sa takot niya “kumalma ka Boyet, ligtas tayo” sabi ko sa kanya “HENERAL SAAN TAYO?” tanong ni Crispin sa kanya “MAMAYA NA YAN UNAHIN MUNA NATIN ANG MGA ASWANG” sagot ni Dante. “SUMUNOD KAYO SA AKIN” sabi ni Dante na sumunod sa kanya ang mga tauhan niya at pumunta kami sa isang eskinita malayo sa maraming tao at minamadali niya kaming binaba sa likuran niya at hinarap ang mga aswang. Ganun din sina Crispin at Berting “lumayo kayo, kami na ang bahala sa kanila” sabi ni Berting sa amin kaya lumapit kami kina manang na hindi parin naka recover sa ginawa niya kanina.
“Manang!” tawag ko sa kanya “pasensya na kayo” sabi niya sa amin “wala yun manang” sabi ko sa kanya na kinapa ko ang holster ko at naalala ko “shit! Wala pala akong kargada” sabi ko na nakita kong naglaban na sina Dante at mga aswang. Napayuko kami nung lumipad sa ibabaw namin si Crispin “sabi ko sa inyo delikado ito, Dyos ko, Dyos ko” sabi ni Boyet na nakayuko ito sa likuran ko at umiiyak sa takot. “Boyet! Akala ko ba lalaki ka?” tanong ko sa kanya “hindi mo kasi alam kung ano ang kaya nila!” sabi niya sa akin na napatingin ako sa mga aswang at naisip ko si Elizabeth. Naalala ko nung nagsuntokan kami sa office niya at tila wala lang sa kanya nung ilang beses ko siya natamaan sa mukha at dinilaan lang nito ang dugong dumaloy sa bibig niya.
Napaatras si Dante at si Berting nung sinuntok sila ng mga aswang at kita kong hinihingal na sila sa pagod samantalang parang hindi man lang napagod ang dalawang aswang sa harapan nila. “Kung totoong si Elizabeth at si Benjamin sila” sabi ko sa sarili ko kaya tumakbo ako sa pagitan nila at tumayo ako “ELIZABETH!” tawag ko sa kanya na napatigil ito at nagkatinginan silang dalawa “NAKIKILALA MO BA AKO?” tanong ko sa kanya “ISABELLA, LUMAYO KA!” sigaw sa akin ni Dante “ALAM KO ANG GINAGAWA KO DANTE” sagot ko sa kanya. “Eli! Ako ito si Issa” sabi ko sa kanya na tumingin ito sa akin at maya-maya lang ay nagbago ang anyo nito at naging tao na siya.
“I..ssa?” tanong niya na nakita kong naging kapatid ko na ito at hubo’t-hubad siyang nakatayo sa tabi ni Ben “oo, ako ito, naaalala mo pa ba ako?” tanong ko sa kanya na dahan-dahan akong lumapit sa kanya. “ISABELLA!” tawag sa akin ni Dante dahil naghahanda ng umatake ang kasamahan ng kapatid ko “relax lang Dante” sabi ko sa kanya na ngumiti ako at tinaas ko ang kamay ko para ipaabot kay Elizabeth. “Sis, ako ito.. natatandaan mo pa ba ako hindi ba?” tanong ko sa kanya na tumingin ito sa kamay ko at sa akin “Isabella..” tawag niya sa akin “oo, ako ito.” sabi ko sa kanya na nasa harapan na niya ako. “Sis” sabi ni Elizabeth na ngumiti ito sa akin kaya inabot ko ang kamay niya at pinsil ko ito “oo, ako ito” sabi ko sa kanya.
Tumingin si Elizabeth kay Ben at tumingin ito sa akin “Sis, ano ang nangyari sa’yo?” tanong ko sa kanya “bakit ka naging…” “aswang?” dugtong niya na bigla niya akong sinuntok sa dibdib kaya napatapon ako at buti nalang nasalo ako ni Dante. “Ok ka lang ba?” tanong niya sa akin “yung.. dibdib ko..” sabi ko sa kanya “Heneral, delikado ito sobrang lakas nila” sabi ni Bertnig sa kanya “wala tayong laban sa kanila” sabi ni Dante habang dahan-dahan na silang umaatras. “Hehehe.. akala mo nakakalimutan kita, Isabella?” sabi ni Elizabeth na lumapit sa kanya si Ben at hinimas nito ang mukha niya. “Do you like what I did to your boyfriend?” tanong niya sa akin na lumabas ang mahabang pangil ni Ben at tumutulo ang laway nito.
“Ben…” tawag ko “wala na si Ben Isabella, tauhan ko na siya ngayon” sabi ni Elizabeth sa akin “ano ang ginawa mo sa kanya?” tanong ko “well, improvement! You don’t like what I did? Mas matagal na siya sa kama and we needed someone like him” sabi ni Elizabeth. “Anong someone like him?” tanong ko “prosecutor, BOYET!” tawag ni Elizabeth sa kanya “ilalabas kana sana namin pero since nilabas kana nila, then hindi na namin kailangan pang mag-aksaya ng panahon” sabi ni Elizabeth. “Huwag mong sabihin sa akin si papa..” sabi ko “HAHAHAHA! If you only knew sis, he is the worst!” sabi niya sa akin “enough talking, baby” tawag niya kay Ben na ngayon ay galit na galit na nakatingin sa amin “take care of them for me, but leave my sister alone!” utos niya na mabilis gumalaw si Ben papunta sa amin.
“HUMANDA KAYO!” sigaw ni Dante dahil malapit na si Ben at tumalon ito sa ere para atakihin kami ng biglang bumagsak nalang ito sa lupa at sa lakas ng pagbagsak niya nagkaroon ito ng hukay. Nagulat kaming lahat sa bilis ng pangyayari at nung humupa na ang alikabok nakita namin sa ibabaw ni Ben si Julian na nakatayo ito at nakaharap kay Elizabeth “mabuti lang ba kayo?” tanong niya sa amin. “Ju.. Julian!” tawag ko “hindi ka ba nasaktan, Isabella?” tanong niya sa akin na binaba na ako ni Dante “ok lang ako, medjo masakit ang dibdib ko” sabi ko sa kanya “Julian, salamat naman at nakarating ka” sabi ni Dante sa kanya.
Umatras si Elizabeth nung makita niya si Julian at biglang me itim na telang bumalot sa katawan niya at mabilis itong tumalon sa ere at nagkaroon siya ng pakpak at lumipad ito palayo sa amin. “Ako na ang bahala sa kanya” sabi ni Julian sa amin na narinig naming gumalaw si Ben kaya yumuko si Julian at nung lumipad ito tumalsik sa pader ang maraming dugo ni Ben at hinabol niya si Elizabeth. Pinuntahan namin si manang Zoraida na nakahiga na ngayon sa lupa “kailangan ko lang magpahinga” sabi niya sa amin “pew.. ano yung mapanghi!” sabi ni Berting “putris umihi si Boyet” sabi ni Crispin na nakaupo sa tabi ni manang.
“Ano ang gagawin natin sa kanya, Heneral?” tanong ni Berting kay Dante tungkol kay Benjamin na ngayon ay dahan-dahan naring bumalik sa pagkatao “napatay na siya ni Julian, hayaan nalang natin ang mga pulis ang umasikaso sa kanya” sabi ni Dante. “Hindi pwede” sabi ko sa kanila “kailangan nating dalhin siya sa tamang lugar” sabi ko na sumang-ayon naman si manang Zoraida sa akin “salamat, dalhin natin siya sa ospital kung maaari” sabi ko na bigla nalang me bumagsak sa tabi ni Ben at nagulat kami at nakita namin si Julian na dumapo sa tabi nito “huwag kang mag-alala, hindi ko siya pinatay” sabi ni Julian sa akin na kinarga niya si Elizabeth at lumapit siya sa amin.
Tumingin siya sa silangan “kailangan nating umalis dito” sabi niya sa amin na inamoy ni Dante ang hangin “tama si Julian, naaamoy ko ang masangsang na amoy ng mga aswang” sabi niya. “Saan tayo pupunta?” tanong ni Crispin na tinulongan na siyang tumayo ni Berting habang si Jasmine naman ang tumulong kay manang “si Solomon” sabi ni Dante “kina Solomon tayo” sabi niya “magbubukas ako ng portal papunta dun” sabi ni Jasmine. “Anak” sabi ni manang “inay, hayaan niyo na po ako” sabi ni Jasmine sa kanya “sige Jasmine” sabi ni Julian sa kanya “para hindi nila masundan ang amoy natin” sabi ni Julian. Nagbukas ng portal si Jasmine at pumasok na sila “paano si Ben?” tanong ko “wala na tayong magagawa sa kanya, Isabella” sabi ni Julian sa akin.
“Gusto kong dalhin siya sa..” “hindi na! Wala narin silang magagawa sa kanya” sabi ni Julian sa akin na kita kong me galit sa mata niya nung tiningnan niya si Ben, nagseselos ata si Julian kaya hinayaan ko nalang. Pumasok na kami sa portal at nakatayo kaming lahat sa harap ng isang maliit na bahay na bago paman kami nakalapit sa pinto bigla nalang itong bumukas at lumabas ang isang ale na me bitbit itong espada. “Kayo pala, Heneral” bati niya kay Dante na niyuko nito ang ulo niya “pasensya kana kung biglaan ang pagpunta namin dito, Melinda” sabi ni Dante sa kanya “walang anuman yun, Heneral sige pumasok kayo” yaya niya sa amin kaya pumasok kaming lahat at agad niyang sinara ang pinto nung nasa loob na kami.
Tinali nila si Elizabeth gamit ang kapangyarihan ni Jasmine at hiniga namin si manang Zoraida sa sofa habang ginamot naman ni Melinda sina Berting at Crispin “ano ba ang nangyari, Heneral Dante?” tanong niya. “Inatake kami habang kinukuha namin itong taong ito” sagot niya “bakit? Ano ang meron sa taong ito?” tanong ni Julian “siya yung dating security na nagtatrabaho sa kompanya namin” paliwanang ko. “Teka, ito yung taong kinuha niyo sa Alaminos” sabi ni Julian sa akin “oo, naalala mo pa pala siya” sabi ko “hindi ko makakalimutan ang amoy niya” sabi ni Julian na nilapitan niya si Boyet at bigla nalang itong naihi sa pantalon niya “naman, ang panghi mo Boyet!” sabi bigla nina Berting at Crispin na nagtakip din ng ilong si Dante.
“Ano ang balita sayo, Julian? Saan ka ba nagpunta?” tanong ni Dante sa kanya “me, dinalaw lang ako” sagot ni Julian “pumunta kaba sa palasyo?” tanong ni manang Zoraida sa kanya “hindi, hindi sa palasyo” sagot ni Julian. “Teka” sabi ni Dante na tumingin ito sa gilid ni Julian “hindi ba nasa sa’yo ang espada ni Lorenzo?” tanong niya na napatingin kaming lahat sa kanya “wala na ang espada ni Lorenzo” sagot niya na tumayo ito sa gilid ng bintana. “Nasaan pala si Solomon?” tanong niya na parang ayaw niya atang pag-usapan ang tungkol sa espada ng tatay niya “kasama niya ang mga anak namin, me namataan silang aswang na umaaligid sa unibersidad malapit dito” kwento ni Melinda.
“Hmmm, tila parami na ng parami ang aktibidad nila sa lugar na ito” sabi ni Dante “oo, nung isang araw me napatay silang aswang malapit lang dito sa subdivision namin” kwento ni Melinda. “Ano ba itong nangyayari, Heneral?” tanong niya “me nakuha kaming masamang balita mula sa isang aswang, Melinda” kwento ni Dante “magbabalik na daw ang Reyna ng mga Aswang” dagdag niya. “Imposible naman ata yan! Hindi ba napatay niyo na noon si Olvia?” takang tanong niya. “Oo, at hindi madali ang nangyari noon dahil marami sa ating mga Lobo ang napatay” sabi ni Dante “me nakausap akong aswang sa lugar ng mga Bailan” biglang sabi ni Julian.
“Ano? Ano ang sabi niya?” tanong ko “parang totoo nga ang balita at Dante, sabi ng aswang na yun hindi niyo daw napatay si Olvia” sabi ni Julian na kinagulat nina Dante at mga tauhan niya. “Imposible ito Julian, kami mismo ni Ingkong Romolo at ibang mga kasamahan namin ang nakapatay sa kanya” sabi ni Dante. “Kung ganun, nilinlang lang kayo ni Olvia” sabi ni Julian “dahil yung aswang na nakausap ko, determinado itong sinabi sa akin na buhay pa si Olvia” sabi ni Julian na napaupo si Dante at napatingin sa tauhan niya. “Ibig sabihin nito, yung ginawa natin noon Heneral wala lang din pala” sabi ni Crispin “delikado tayong lahat kung talagang buhay pa si Olvia” sabi ni Berting “alam ko” sabi ni Dante.
“Kailangan nating ipagbigay alam ito ni Ingkong Romolo” sabi ni Dante “kami na po ang babyahe Heneral” alok ni Crispin “kailangan din namin kumuha ng gamot sa Tribu natin” sabi ni Berting. “Mabuti pa kasi kukulangin tayo ng gamot dito” sabi ni Melinda “Jasmine, maaari mo ba kaming matulongan?” tanong ni Dante sa kanya “kahit ano po, Heneral Dante” sagot ni Jasmine “anak, baka manghina ka?” sabi ni manang sa kanya. “Inay, mas malakas ako kesa sayo, hindi ba?” sabi ni Jasmine sa kanya na natahimik nalang si manang at ngumiti ito “bubuksan ko ang portal pabalik sa tribu niyo” sabi ni Jasmine kay Dante.
“Ano ang mensahe mong ipaparating namin kay Ingkong, Heneral?” tanong ni Crispin “sabihin mo sa kanya ang kaganapan dito at tungkol kay Oliva, at iparating mo din sa kanya na kailanganin natin ang tulong ng ibang Tribu ng mga Lobo” bilin niya. “Masusunod Heneral” sagot nilang dalawa at binuksan na ni Jasmine ang portal at umalis na sila sabay sara niya “sa ganyang paraan pala kayo nakakabyahe ng malayo?” tanong ni Melinda “oo” sagot ni Jasmine na umupo siya sa tabi ni manang Zoraida at niyakap niya ito. “Ngayon, ano ang gagawin natin sa kanila?” tanong ni Dante sa amin tungkol kay Boyet at kay Elizabeth.
“Makakakuha tayo ng maraming inpormasyon kay Elizabeth kesa kay Boyet” sabi ko “pero huwag niyo siyang saktan, kapatid ko parin siya” sabi ko sa kanila. Lumutang si Julian palapit kay Elizabeth at tinaas ang kamay niya “gagamitin ko ang kapangyarihan ni Santino, pwede kong makita at maibahagi sa inyo ang laman ng isipan ni Elizabeth” sabi ni Julian “Julian, huwag mo siyang sasaktan” sabi ko “hindi masasaktan si Elizabeth, sa paraang ito lang natin makikita kung ano ang tinatago niya, kesa kakausapin natin siya” paliwanag ni Julian. Pinatong niya ang kanang kamay niya sa ulo ng kapatid ko “humawak kayo sa balikat ko” sabi niya sa amin kaya lumapit kami ni Dante sa kanya at humawak kami sa magkabilang balikat niya “Ipikit niyo lang ang mga mata niyo at huwag kayong maingay” sabi ni Julian na ginawa namin ito.
Nung pinikit na namin ang mga mata namin bigla nalang kaming napunta sa opisina ni Elizabeth at nakita naming nakaupo ito sa likod ng desk niya at me kausap sa telepono. “Talaga? Gusto mong pumunta sa condo mamaya? Hahaha sure, sure.. maghahanda ako para sayo” sabi nito. “Alright Benny, I will see you later” sabi ng kapatid ko na biglang me narinig kaming ingay sa loob ng drawer niya na agad niya itong kinuha. “Hello, ngayon na? Sige” sagot niya na parang nagbago ang reaction sa mukha niya pagkatapos niyang kusapin ang taong tumawag sa kanya at tumayo ito at lumabas ng office niya. “Cynthia, I’ll be gone for the rest of the day kaya take a message and tell them I will be right with them as soon as possible” bilin niya sa secretary niya “opo ma’am” sagot nito at pumunta na si Elizabeth sa elevator.
Nakasunod lang kami sa kanya at me ginamit siyang susi at sumara na ang elevator “iba ito ah?” sabi ko dahil ngayon ko lang nakita ito “ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Dante. “Matagal na akong pumupunta sa building na ito pero ngayon ko lang nakitang gumagamit sila ng susi sa elevator na ito” paliwanag ko sa kanya. Bumaba na ang elevator at lalo lang akong nagulat nung lumagpas ito ng lobby at dumiretso ito pababa “teka, me basement ang buidling na ito?” takang tanong ko “hindi ba sabi ni Boyet me binabantayan siyang pintuan?” tanong ni Dante “huwag kayong maingay” sabi sa amin ni Julian na natahimik nalang kami ni Dante.
Makalipas ang ilang minutos bumukas na yung elevator sa isang madilim na corridor at sumunod kami sa kapatid ko papunta sa isang pintuan at nung bumukas ito konti lang ang ilaw ang nakasindi dito. “Mabuti at nandito kana” narinig naming sabi ng isang tao sa loob “pasensya na, me ginagawa pa kasi ako sa taas” sagot ng kapatid ko “ano ang maipaglilingkod ko sa inyo, kamahalan?” tanong ng kapatid ko. “Kamahalan?” takang tanong ni Dante “me balita kana ba sa kapatid mo?” tanong nito sa kanya “wala pa kamahalan, lahat ng kaibigan at kasamahan niya sa presinto tinawagan ko na pero wala parin silang alam sa kinaroroonan niya” sagot ni Elizabeth.
“Hmm.. hindi na bale, me ipapagawa ako sa’yo” sabi nung tao sa dilim “ano po yun, kamahalan?” tanong ng kapatid ko “yung kasintahan ng kapatid mo” sabi nito “si Benjamin?” tanong ng kapatid ko. “Oo, hindi ba nagtatrabaho siya sa Department of Jusitce?” tanong niya “opo, ano ang gusto niyong gawin ko?” tanong ng kapatid ko “gawin mo siyang aswang at gusto ko siya ang pumatay kay Boyet” utos nung tao sa kanya. “Pero kamahalan, labas si Benjamin sa plano natin” sabi ng kapatid ko “hindi mo ba ako susundin, Elizabeth?” tanong nung tao sa kanya “ah.. su.. susundin po kamahalan, sa akin lang po.” “hindi ko kailangan ang opinyon mo, gawin mo ang inuutos ko sa’yo” sabi nung tao sa kanya.
“Masusunod po, kamahalan” sagot ng kapatid ko at biglang bumukas ang pinto sa likuran niya at pumasok ang papa ko “Enrico” tawag nung tao sa kanya “opo” sagot ni papa na yumuko din siya. “Yung pinapagawa ko sa’yo?” tanong nung tao sa kanya “nakahanda na ang lahat, ang huling utos niyo nalang ang hinihintay namin” sagot ni papa “ano ang pinaplano nila?” tanong ni Dante. “Hindi ko alam” sagot ko na pati ako napakamot ulo kung ano ang binabalak nila “sige, umalis na kayo at gawin niyo na ang inuutos ko sa inyo” sabi nung taong nasa dilim na kahit pilit namin tingnan hindi namin ito maaninag ang mukha niya. “Julian” tawag ko sa kanya “mahiwaga ang taong ito” sabi niya na lumutang nalang kami nung umalis na si Elizabeth kasama si papa.
Nasa elevator na muli kami “ano ang ipinapagawa niya sa’yo?” tanong ni papa sa kapatid ko “gawin kong aswang si Ben, pa, ayaw ko na” sabi ni Elizabeth sa kanya na kita ko sa mukha ng kapatid ko ang lungkot. “Wala tayong magagawa, nabubuhay tayo ng marangya dahil sa kanya” sabi ni papa “mas gusto ko pang mabuhay sa lansangan kesa maging alipin niya” sabi ng kapatid ko “tumahimik ka, Elizabeth!” sabi ni papa sa kanya. “Kaya naiinggit ako kay Isabella, dahil nakuha niyang umalis sa puder niyo” sabi ni Elizabeth na hinawakan siya ni papa sa leeg at inangat siya nito “huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng putang yun sa harapan ko!” sabi ni papa sa kanya na naging pula ang mga mata nito sa galit.
“Pa.. papa…” sabi ni Elizabeth na bigla kong sinuntok sa mukha si papa pero tumagos lang ang kamay ko sa mukha niya “ano ang ginagawa mo?” tanong ni Julian sa akin na napatunganga lang ako sa ginawa ko. Nilapit siya ni papa sa mukha niya “susundin mo ang inuutos niya at wala kang karapatan mag reklamo dahil lahat binibigay ko sa’yo” sabi ni papa sa kanya sabay tulak nito at napasandal sa pader ng elevator si Elizabeth. Lumabas ang pangil ng kapatid ko at tila namula ang mga mata niya “ganyan, ilabas mo ang galit mo Elizabeth, dahil pagdating ng oras ikaw ang gusto kong pumatay sa kapatid mo” sabi ni papa sa kanya na kumalma ang kapatid ko at bumalik siya sa normal.
“Kahit saktan mo ako o ano man ang gagawin mo sa akin ito lang ang tatandaan mo, Enrico!” sabi ng kapatid ko na tumingin sa kanya si papa “sa oras na gagalawin mo si Isabella, ako mismo ang papatay sayo!” galit niyang sabi na ngumiti lang si papa. Nakita naming malapit na sila sa lobby “mag-ayos ka” sabi ng papa sa kanya na inayos ng kapatid ko ang damit niya at nung bumukas na ang pinto “gawin mo ang inuutos niya” sabi ni papa sa kanya at lumabas na ito. Pagsara ng pinto ng elevator pinindot ng kapatid ko ang 10th floor at umakyat na ito “huhuhu…” biglang umiyak ang kapatid ko kaya naawa ako sa kanya. “Pasensya kana, Isabella” sabi ni Dante sa akin “wala yun, naiintindihan ko” sagot ko sa kanya.
Bumitaw na ata si Julian sa kapatid ko dahil dahan-dahan na kaming nawala sa elevator at nakita nalang naming nakatayo sa gitna ng sala nila Solomon “ano ang nakita niyo?” tanong ni Melinda sa amin. “Me isang tao silang tinatawag na kamahalan” balita ni Dante “pero meron silang malaking pinaplano” dagdag niya na naupo ako sa gilid ni Elizabeth at niyakap ko siya “sis, patawarin mo ako” sabi ko sa kanya na kita kong tulala lang itong nakatingin sa pader. “Patawarin mo ako kung iniwan kita…huhuhu.. Elizabeth patawarin mo ako” naiiyak kong sabi sa kanya na niyakap ko siya ng mahigpit. “Tama na yan, Isabella. hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya” sabi ni Julian sa akin “hindi, me kasalanan ako dahil noon gusto niyang sumama sa akin pero hindi ko siya isinama” sagot ko.
“Tadhana ang nagtulak sa inyo para maghiwalay, Isabella” sabi ni manang sa akin “hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya, me karapatan siyang umayaw sa inuutos ng papa mo kagaya mo pero hindi niya ito ginawa” dagdag niya. “Inalisan ako ng mana ni papa nung umalis ako sa puder niya, lahat ng pera, gamit at kotse inalis niya sa akin” sabi ko “ang kapatid ko ang tumulong sa akin para makatawid ako sa hirap, pero hindi ko alam na ganito na pala ang sitwasyon niya” sabi ko. Parang naawa ata sa akin si Julian dahil nilapitan niya si Elizabeth at hinawakan niya ito sa ulo “mahal kita Isabella” sabi niya sa akin at biglang lumiwanag ang katawan ng kapatid ko.
Napatayo ako at nagulat sa ginawa ni Julian “ano.. ano ang ginagawa mo sa kanya?” tanong ko dahil bigla nalang nangisay si Elizabeth na parang nagka seizure ito “ANO ANG GINAGAWA MO SA KANYA?!” sigaw ko kay Julian na pinigilan ako ni manang Zoraida. “Hayaan mo siya, Isabella” sabi ni manang sa akin “pero ang kapatid ko” sabi ko “tingnan mo nalang” sabi niya sa akin na pagkatapos gawin ni Julian yun bumalik na sa dati si Elizabeth na hubo’t-hubad na itong nakaupo sa silya “Jasmine” tawag ni manang sa kanya na agad nitong binalutan ng kumot ang kapatid ko. Napaatras si Julian na parang nawalan ito ng lakas at nakita naming biglang me bumalot na dilim sa katawan niya.
“Aaarrrggghhhhh…” narinig namin galing kay Julian “Julian..” tawag ko na tinaas nito ang kamay niya “LUMAYO KAYO SA AKIN!” sabi niya na bigla siyang naging anino at lumutang sa ere “JULIAN, ILABAS MO YAN!” sigaw ni manang sa kanya. “Ano ba ang nangyayari sa kanya?” tanong ni Dante dahil bigla nalang tumingala si Julian at niyakap niya ang sarili niya na lumiwanag bigla ang dibdib niya at maya-maya lang ay bumaba na ito at napaluhod sa sahig. “Luthero” sabi ni manag Zoraida “sino?” tanong namin sa kanya “kapangyarihan yan ni Luthero, ang exorcist ng kaharian ni Reyna Lucia” sabi ni manang sa amin. Hindi namin napansin na lumabas na pala ang araw at biglang natamaan si Julian sa sinag nito at bigla siyang umusok “JULIAN!” sigaw namin na agad sinara ni Melinda ang bintana.
“JULIAN” tawag namin sa kanya na tinaas niya ang kamay niya “haahhh…haahhh… maayos.. lang ako…” sabi ni Julian sa amin na natatakpan siya ng kapa niya at tumigil na sa pag-usok ang katawan niya. “Hindi ka ba nasaktan?” tanong ko sa kanya nung nilapitan ko siya “maayos lang ako, Isabella” sagot niya na natatakpan parin siya ng kapa niya na bago paman ako nakalapit sa kanya tumayo na siya. “Julian, salamat sa ginawa mo….” napatigil nalang ako nung tumayo na siya at humarap sa amin “Dyos ko…” nalang ang nasabi ko nung makita ko siya “…. impo… sible….” dinig kong sabi ni manang Zoraida “Julian… i.. ikaw ba talaga yan?” tanong ni Dante sa kanya na pati si Melinda at si Jasmine nagulat sa kanya dahil nung inalis na ni Julian ang kapa niya nakita naming nakatayo siya sa sinag ng araw na nanggagaling sa itaas ng bintana ng bahay at isa na siyang mortal.