Harapin Ang Liwanag! Chapter XXII to XXIV

Chapter XXII: Prelude to War!

“Teka, hindi ba napatay si Hilda?” tanong ko kay Ingkong Romolo “oo, napatay nila ni Una at ni Lucille ang katawang lupa ni Hilda pero yung kaluluwa niya ay kinulong nila sa dimensyon ng dilim” paliwang ni Ingkong. “Una, yun yung pangalan na binigay sa amin nung binata” sabi ni Haring Narra “hmp! Imposible ngang si Una yun dahil sampung melinyo ng patay ang taong yun, isa pa hindi na siya makakatapak sa lupang ito” sabi ni Ingkong sa amin. “Bakit?” tanong ni manang Zoraida “dahil sinumpa siya kaya kung babalik siya dito sa lupang ito me masamang mangyayari sa kanya o kay Lucille” kwento ni Ingkong sa amin.

“Ang mga Bailan at Bampira” sabi ko na napatakip ng bibig si manang “hindi ko naman masasabing sumpa nga ang nangyari sa kanila pero yun ang naka saad sa aklat ng kasaysayan namin” sabi ni Ingkong Romolo. “Me nakasulat din ba dun kung paano nila natalo si Hilda?” tanong ni manang “hindi buo ang aklat namin, sa tagal na ng panahon me mga pahina na itong nawawala” sagot ni Ingkong “at least alam na natin kung sino sila” sabi ko sa kanila na napatango si Haring Narra at si manang Zoraida. “Lalabas muna ako at aasikasuhin ko muna ang mga tauhan ko” paalam ni Ingkong Romolo sa amin “Ingkong, yung inalok ko sa inyo kanina” paalala ko sa kanya “oo, walang problema sa akin, sasabihin ko sa mga tauhan ko yan” sabi niya at umalis na ito.

“Matagal na palang me ugnayan ang mga Bailan at mga Bampira” sabi ko “sa sinabi ni Romolo parang ganun na nga” sabi ni Haring Narra “kaya pala sobrang malapit ang mga Bailan at mga Bampira” sabi ni manang Zoraida. “Noon, nung maliit pa tayo akala ko magiging magkaaway si Lorenzo at si Lucia dahil pinakita nila sa atin na di sila magkasundo” kwento ni Haring Narra “yun pala, sa likod nito lihim palang nagkikita ang dalawa” napangiti si manang. “Bakit hindi po sila nagkatuloyan?” tanong ko sa kanila “Bailan si Lorenzo, me batas silang sinusunod at isa pa naka linya siya sa position na magiging pinuno ng Kuro” kwento ni Haring Narra.

“Alam na ni Reyna Lucia noon ang tungkol sa tradisyon at ritwal ng mga Bailan dahil bago palang sila ni Lorenzo pinaalam na niya kay Lucia ang tungkol nito” kwento ni manang “pero…hindi nagbago ang pagmamahal ni Lucia kay Lorenzo kahit alam niyang sa bandang huli hindi sila magkakatuloyan” sabi ni Haring Narra. “Grabe pala ang love story nila” sabi ko “hehehe.. mahal nila ang isa’t-isa at naniniwala akong totoo sila sa nararamdaman nila” sabi ni Haring Narra na tumingin ito kay manang Zoraida. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Lorenzo sa kanila kaya napangiti nalang ako “bakit Isabella?” tanong sa akin ni manang na umiling lang ako dahil di pala niya napansin na nakatingin sa kanya si Haring Narra.

“Ah lalabas lang muna ako para simulan ko naring turoan ang mga tauhan niyo po Haring Narra paano gumamit ng baril” paalam ko sa kanila “sige Isabella tuloy ka lang” sabi ni Haring Narra sa akin na pansin kong di tumitingin si manang Zoraida kay Haring Narra. Lihim akong natawa sa dalawa dahil pansin kong naging awkward na sila sa isa’t-isa, pagkalabas ko ng palasyo sinalubong agad ako ng kapatid ko na ngayon ay naka suot na sa armor niya at me dala na itong M16. “Ano ate, go na tayo?” tanong niya sa akin na kita kong nasa likod niya si Kap. Hernan at me dala din itong M16 “sige, umpisahan na natin ang training” sabi ko sa kanila at sabay na kaming pumunta sa training ground na sinet-up ni Haring Narra para sa amin.

Nung una mahirap turoan ang mga Lobo pati narin ang mga Taong Puno dahil di sila sanay sa ganitong mga armas kaya nakikita kong naiirita na si Elizabeth na kilala sa pagiging mainitin ang ulo paghindi agad makukuha ang instructions niya. “Sis, relax lang” paalala ko sa kanya na huminga ito ng malalim at humarap uli ito sa kanila “once again!” sabi niya na siya yung nagpaliwanag kung paano hawakan at gamitin at paano magpalit ng magazine habang ako naman ang taga demostrate nito. Kita naming nakuha na nila ito kaya binigyan namin sila ng tig-iisang M16 at ibang klaseng mahahabang armas pero di muna namin ito nilagyan ng magazine para hindi masayang ang mga bala at isa pa para safety narin baka kasi mabaril nila ang mga kasamahan nila.

Dumating ang hapon na nakuha na nila kung paano hawakan, itutok at magpalit ng magazine kaya binigyan na namin sila ng live mags at nagsisimula na silang mag target practice na natutuwa naman si Haring Narra at Ingkong Romolo sa pinakita ng mga tauhan nila nung dumalaw sila. “Magaling!” sabi ni Ingkong Romolo “hmm.. tila bihasa na silang gumamit ng mga armas ng Mortal, maganda ito” sabi ni Haring Narra. Dumating si manang Zoraida na pansin kong di niya ata kasama si Jasmine “nasa lolo niya, tinuturoan kung paano gamitin ang kapangyarihan niya ng maayos” sabi niya nung tinanong ko siya tungkol kay Jasmine.

“Isabella, me iba ka pa bang imporamsyon na maidagdag tungkol sa nangyayari ngayon sa lugar niyo?” tanong ni Ingkong Romolo sa akin “yun lang pong nakita naming balita sa tv at sa bolang crystal ni manang” sagtot ko. “Maganda sana kung me iba pa tayong makunan ng impormasyon tungkol sa nangyayari ngayon sa Quezon City” sabi ni Haring Narra na napaisip ako ng sandali at naalala ko si Alan. “Meron ho!” sabi ko agad sa kanila “saan?” tanong ni Ingkong Romolo “hindi saan, kundi sino” sabi ko “sino?” tanong ni manang “yungn kasamahan ko sa presinto, si Alan” sabi ko sa kanila “mapagkakatiwalaan ba natin siya?” tanong ni Haring Narra sa akin “oo” sagot ko sa kanya.

“Kung ganun, kailangan natin siyang makausap” sabi ni Ingkong Romolo “paano?” tanong ko na lumapit sa amin si Kap. Hernan “paumanhin na sa inyo mga panginoon” sabi nito “ano yung Kap. Hernan?” tanong ni Haring Narra. “Kung tungkol sa kasamahan ni Isabella, pwede ho akong makatulong sa inyo” sabi nito na napangiti nalang si Ingkong Romolo “matalino ang batang ito” sabi niya na napangiti si Kap. Hernan. “Kung ganun, papayagan niyo ho ba siyang makapunta dito?” tanong ko sa kanila “kung makakatulong siya sa atin bakit hindi” sabi ni Haring Narra “teka Narra, pag-isipan mo muna ito ng maayos” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya.

“Alam ko ang batas na nagbabawal sa Mortal na tumungtong dito pero andito na tayo kaya lubos-lubosin na natin ito at isa pa, kita namang kaibigan natin sila” nakangiting nakatingin sa akin ni Haring Narra. “Salamat po, Haring Narra” sabi ko sa kanya “haayy.. tama ka, sige papayag narin ako” sabi ni Ingkong Romolo na umatras kami kay Kap. Hernan para bigyan siya ng space para magbukas siya ng portal. “Ano ang gagawin niyo?” tanong bigla ni Haring Helius na bigla nalang itong sumulpot sa likuran namin kasama nito si Jasmine “tumahimik ka Helius” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya “Romolo, tauhan ko ang yan…” “tama na Helius, hayaan mo na” bara ni Haring Narra na di na siya nagsalita at kita kong nainis pa ito. “Heto na!” sabi ni Kap, Hernan at nagbukas ito ng maliit ng portal “kung handa kana Isabella” sabi niya sa akin.

“Hon! hoy Hon! kanina ka pa dyan!” sabi ng asawa ni Sgt Romero “kakapasok ko lang!” sabi ni Alan na nakaupo ito sa kubeta dala ang Ipad niya “sus, magmadali ka dyan baka ma late ka!” paalala ng asawa niya. “Alam ko” sagot ni Alan “alam ko.. ihahatid ko lang ang mga bata, dapat pagbalik ko tapos kana dyan!” sabi ng asawa niya “oona, sige mag-ingat kayo” sabi niya na umalis na ang asawa niya para ihatid ang mga anak nila. Habang nakaupo sa kubeta tumintingin si Alan sa mga litratong nakuha ng mga tao at pati narin niya tungkol sa itim na ulap sa gusali nina Isabella “ano kaya ito” tanong niya sa sarili niya. “Alan!” nagulat siya nung me narinig siyang tinig na tumatawag sa pangalan niya, inignore niya lang ito baka kasi guni-guni lang niya.

“ALAN!” tawag uli sa kanya na ngayon ay kinakabahan na siya kaya naglinis na siya sa sarili niya at sinuot ang brief at pantalon niya sabay labas nito sa banyo “sino yan? Mirasol, ikaw ba yan?” tanong niya na walang sumagot sa kanya. “Sino kaya..” “Alan naririnig mo ba ako?” biglang me narinig siya na kinagulat niya kaya napatakbo siya sa sala nila at tumingin sa labas baka kasi me nagbibiro lang sa kanya. “Sino yan?! Di niyo ba alam na pulis ako!” sabi ni Alan na kinapa niya ang gilid niya na akala niya nasa holster niya ang baril niya “GAGO!” sigaw ni Isabella na napatigil nalang si Alan “Te.. Tenyente? Ikaw ba yan?” takot na tanong ni Alan “oo, ako ito!” sabi ni Isabella “siya ba?” me narinig na isa pang boses si Alan “tsk ano pa ang hinihintay niyo” me isa pa siyang narinig na tinig na bigla nalang me humawak sa likuran ng polo niya at hinila siya.

“AAAAHHHHH!!” napasigaw si Alan at nakita niyang biglang dumilim ang paligid niya nung patumba siya pero bigla nalang itong lumiwanag nung tumama ang pwet niya sa sahig at nagulat nalang siya dahil wala na siya sa bahay nila. “AAAHHHHHH AAAHHHH” nagsisigaw si Alan kaya nilapitan ko agad siya at sinampal sa mukha kaya natahimik ito “Te. Tenyente?” gulat na sabi niya “gago! tumahimik ka nga!” sabi ko sa kanya na tumingin ito sa paligid. “Shaaaakkk.. ano ang amoy na yun!” sabi bigla ni Ingkong Romolo na napatakip siya sa ilong niya pati narin ang mga Taong Lobo na nasa paligid namin. “Alan, ano ba ang ginawa mo kanina?” tanong ko sa kanya na tumitingin-tingin ito sa paligid “ALAN!” tawag ko sa kanya na tumingin siya sa akin.

“Nag.. ah.. ano ah…” nauutal nitong sabi na napatawa nalang ako “pasensya na kayo” sabi ko sa kanila na tumayo ako “Alan, tumayo ka” sabi ko sa kanya na agad itong tumayo at umatras ito palayo sa amin. “Kumalma ka.. ALAN!” tawag ko sa kanya dahil nagpanic na ito dahil narin sa nakita niyang mga malalaking aso sa paligid niya “Te.. Tenyente.. na.. nasaan ako? Nasaan ako?” tanong nito sa akin “ligtas ka, nasa gubat ka ng mga Taong Puno” sabi ko sa kanya “Ta… Taong Puno.. se..seryoso ka ba?!” gulat na tanong niya sa akin “graaahhh… matatagalan tayo nito” inis na sabi ni Haring Helius na hinarap niya ang kanang palad niya kay Alan at bigla nalang itong napatigil at parang estatuwa itong nakatayo sa harapan namin. “HELIUS!” sigaw ni Haring Narra sa kanya “wala na tayong oras pa, Narra” sabi ni Haring Helius.

“Tenyente.. ano ang nangyari sa akin..” bibig nalang ang gumagalaw kay Alan kahit naawa ako di ko parin maiwasang matawa sa kanya “kumalma ka lang Alan” sabi ko sa kanya habang naglakad ako palapit sa kanya. Tumayo ako sa me kanan niya “ligtas ka dito at sila ang tumulong at tutulong sa atin” dagdag ko “ano.. anong tulong?” tanong niya “alam kong me nakikita kang peligro sa itim na ulap na sumulpot sa gusali namin, hindi ba?” tanong ko sa kanya na nakuha ko ang atensyon niya. “Kaya ka nandito dahil alam kong me alam ka tungkol sa pangyayaring ito dahil kilala kita Alan” sabi ko sa kanya na ginalaw lang nito ang mata niya tumingin sa akin “alam kong iniimbistgahan mo ito” sabi ko sa kanya.

“Kakausapin ko si Haring Helius na bitawan ka basta kumalma ka, ok?” sabi ko sa kanya “o…oo..” sagot niya “Helius” sabi ni Ingkong Romolo kaya binitawan na niya si Alan at bigla nalang umatras si Alan dahil sa takot. Tinaas uli ni Haring Helius ang kamay niya na biglang lumuhod si Alan “wag.. wag.. maawa ka..” sabi nito na humarang ako sa harapan niya “hindi ka nila gagalawin Alan, mababait sila” sabi ko sa kanya. Na kita kong nanginginig parin ito sa takot “Alan, tungkol sa itim na ulap sa gusali namin” sabi ko sa kanya na tumingin ito sa akin “ha… ah.. ano.. ah…” nauutal nitong sabi na di ito makapagsalita. Kaya lumingon ako sa kanila “naiintindihan namin, Isabella” sabi ni Haring Narra na lumayo silang lahat sa amin.

“Ngayon Alan, sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo” sabi ko sa kanya na kita kong bumabalik narin ang kulay sa mukha niya at di na ito namutla “ah.. saan ba ang lugar ito?” tanong niya sa akin. “Lugar ito ng mga Taong Puno, kita mo yun (turo ko sa palasyo) yan ang palasyo ni Haring Narra at itong lugar na ito ang kaharian niya” paliwanag ko sa kanya “….. ” blanko lang ang nakikita ko sa mukha ni Alan at bigla nalang itong bumagsak sa lupa at hinimatay. Napansin kong me dumungaw sa me balikat ko at nagulat nalang ako dahil mukha ng malaking aso ang nakikita ko “pwede ko ba siyang… kainin?” tanong nito “Dante!” sabi ko na natawa lang ito at naging tao siya “nagbibiro lang ako Isabella” sabi niya sa akin kaya pala hinimatay si Alan dahil nakita siya.

Itinali nalang namin si Alan sa isang puno habang tinitingnan namin ang mga litratong nakaupload sa iPad niya, nakikita namin na puro litrato ng gusali namin ang nakaupload dito. Merong malinaw at malabong kuha na mga litrato at me video pa ito “panoorin natin” sabi ni Dante kaya pinindot ko ito at pinanood namin ang video. “Nung una maliit lang pala ang ulap tapos ngayon kumalat na sa buong syudad” sabi ni manang Zoraida “aahh..” narinig naming nagigising na si Alan “teka lang” sabi ko sa kanila at nilapitan ko si Alan. “Alan… naririnig mo ba ako?” tanong ko sa kanya na bigla nalang itong napadilat at takot itong nakatingin sa akin “HOY GAGO! AKO ITO!” sigaw ko sa kanya na parang natauhan ito.

“Pa.. pasensya na.. Te.. Tenyente” nauutal niyang sabi “ok lang yun, ok ka na ba?” tanong ko sa kanya na tumingin ito sa ugat na nakabalot sa katawan niya “don’t worry ligtas ka, magtiwala ka lang sa akin” sabi ko sa kanya. “A… akala ko.. ku…kwento.. kwento lang ng lolo ko noon nung.. ma.. maliit pa ako…” nauutal niyang sabi “ano ang kwento ng lolo mo?” tanong ko sa kanya na lumapit sa likod ko si Dante at si manang Zoraida. “Tu.. tungkol sa kanila..” turo ng nguso ni Alan sa dalawa “na ano?” tanong ko “mga.. mga maligno..” sabi niya “hindi kami maligno” sabi ni manang Zoraida sa kanya “lalo na ako, hmp!” sabi ni Dante.

“So.. sorry hindi ko naman sinabing.. ” sabi ni Alan “wag kana matakot sa amin, Ginoo” sabi ni Haring Narra sa kanya na kinaway lang nito ang kamay niya at natanggal na ang mga ugat na nakabalot sa katawan ni Alan. “Ako si Narra at ito ang gubat ko” pakilala niya sa sarili “ako naman si Romolo, ang Hari ng mga Taong Lobo” pakilala ni Ingkong Romolo “pero ayaw kong tinatawag akong Hari, hindi bagay sa akin” dagdag niya na napailing at napangiti lang si Dante. “Ako naman si Zoraida, isang mangkukulam pero wag kang matakot sa akin hindi ako masamang tao” pakilala ni manang “ako naman si Dante, Heneral ng mga Taong Lobo at ipagpaumahin mo na kanina kung tinakot kita” sabi ni Dante sa kanya na binigay niya ang kamay niya kay Alan.

Nung inabot ito ni Alan agad siyang hinila ni Dante at napatayo na siya “kaibigan, dapat pala hinintay ka muna naming maligo” natatawang sabi ni Dante “Dante!” tawag ni Ingkong sa kanya “patawad, nagbibiro lang ako” nakangiting sagot ni Dante. “Ano Alan, natatakot ka parin ba?” tanong ko sa kanya “hi.. hindi… kanina oo, pero namangha lang ako” sabi niya “bakit?” tanong ni manang sa kanya “gaya ng sinabi ko kanina akala ko kwento-kwento lang ito ng lolo ko noon tungkol sa mga taong katulad niyo para matulog ako ng maaga” kwento niya. “Sasabihin ko sa’yo na totoo kami” sabi ni Ingkong Romolo na tumingin lang siya kay Dante at ngumiti siya.

BIglang nanlaki ang mata ni Alan nung nakita niyang naging malaking aso si Dante at bumalik na din ito sa pagiging tao “ano, naniniwala kana?” tanong ni Dante sa kanya na biglang napahawak sa akin si Alan na parang matutumba ito. “Ligtas ka dito, walang sino mang mananakit sa’yo” pasisiguro ko sa kanya na kita kong napangiti ito at di na takot ang nakikita ko sa mukha niya kundi tuwa “ha..haha.. totoo nga kayo” sabi ni Alan sa amin “teka, bago yan Alan, ano yung mga litratong nakaupload sa iPad mo?” tanong ko sa kanya. “Ah.. oo.. mga litrato yun doon sa gusali niyo Tenyente” sabi niya habang tumitingin siya sa paligid “mga Taong Lobo din ba sila?” tanong niya sa mga kalalakihang nakatayo malapit lang sa amin “yung iba oo, yung mapuputi mga Engkanto yan” sabi ko na napatingin siya sa akin at kita kong nagulat ito.

“Ma.. mga E.. Engkanto?” gulat na tanong niya “ALAN! YUNG PICTURES!” sigaw ko sa kanya na natauhan ito “o.. oo..” sagot niya na naupo kaming lahat at hinintay namin siyang sabihin sa amin ang nalalaman niya. “Pasensya na kung nangangamoy ako hehehe ilang araw na din kasi akong hindi naliligo” paliwanag niya na napailing nalang ako at kita kong pinapahid ang palad niya sa pantalon niya halatang ninerbyos na ito. “Relax ka lang Alan” sabi ko sa kanya na ngumiti lang ito at tumingin sa amin “ok.. ah.. ganito kasi yan naalala mo yung kumpare kong si Ronnie, Tenyente?” tanong niya sa kain “oo, yung pulis Marikina” sagot ko “oo, sa kanya ko unang narinig ito nung nagkita kami nung nakaraang linggo” sabi niya.

“Ano ang sabi niya?” tanong ko “kwento ito ng bayaw niya na nagtatrabaho sa tapat lang ng gusali niyo sa tenth floor ang opisina nila, ang kwento bago daw sumulpot yung itim na ulap me nakita silang babaeng nakatayo sa itaas ng gusali niya” kwento niya. “Me.. babae?” takang tanong ni Ingkong Romolo “oo, saktong alas sais y medya daw itong nakatayo sa ibabaw ng hellipad na parang me tinitinginan ito sa malayo” kwento niya. “Ilang araw nila nakikita ang babae dun?” tanong ko “mga isang linggo din daw kwento ng bayaw niya pero nung lunes hindi na nila nakita yung babae at yung itim na ulap nalang daw ang nakikita nila” kwento niya.

“Me litrato nga ako dito sa iPad ko” sabi niya na pinakita niya sa amin ang litratong nakuha nung bayaw ng kumpare niya pero malabo dahil hindi malinaw ang mukha ng babae “naka itim siya” sabi ni Dante. “Oo, akala nga nila magpapakamatay ito dahil nasa pinakadulo daw ito ng hellipad nakatayo” kwento ni Alan na tiningnan ko ng mabuti ang mukha ng babae pero malabo talaga “teka, Elli!” tawag ko sa kapatid ko na nagpaalam ito sa mga tinuturoan niya at lumapit ito sa amin. “Bakit sis?” tanong niya “sis tingnan mo ito” inabot ko sa kanya ang iPad ni Alan at tiningnan niya ito “sino ito sis?” tanong niya sa akin.

“Hindi mo ba kilala yan?’ tanong ko sa kanya “hindi” sagot niya “sigurado ka ba, Elizabeth?” tanong ni manang sa kanya na tiningnan siya ni Elli “me ibig sabihin ka ba manang?” tanong ng kapatid ko na lumapit agad si Haring Narra sa kanila. “Wala, tinatanong lang kita” sagot ni manang Zoraida “Elli tama na!” sabi ko sa kanya “hindi ate eh” sabi niya “alam ko, pagpasensyahan mo na” sabi ko sa kanya “alam kong kilala na ni Alan yan” sabi ko na tumingin ako kay Alan. “Oo” sagot niya “kilala ko itong si Alan hindi mapakali yan paghindi niya malalaman ang totoo” sabi ko sa kanila na natahimik nalang sina manang at kapatid ko. “Sige Alan, tuloy mo” sabi ko sa kanya na ngumiti siya at kinuha ang iPad niya sa kapatid ko.

“Ang totoo niyan, ni research ko talaga ang babaeng ito” kwento niya “ano ang nalaman mo?” tanong ni Ingkong sa kanya “mysteryosa ang babaeng ito, wala akong nakuhang pangalan pero me ideya ako kung sino siya” kwento ni Alan sa amin. Me tiningnan siya sa iPad niya at nung nahanap na niya ito hinarap niya sa amin ang screen at nakita namin ang front page ng isang website tungkol sa mga mysteryoso at nakakakilabot na mga kwento. “Ano yan?” tanong ng kapatid ko “website ito tungkol sa mga mysteryosong tao o lugar dito sa pilipinas” paliwanag niya “bakit mo naman naisipan yan?” tanong ni manang sa kanya.

“Well hehehe.. mysteryoso kasi ang babae kaya napunta ako dito sa site na ito at isa pa po me nakuha akong impormasyon tungkol sa kanya” kwento niya na napatingin kaming lahat sa kanya. “Sabihin mo sa amin” sabi ni Haring Narra “ganito kasi po, me isang blog tungkol sa isang ritwal na ginagawa noon. noon pa” panimula niya “ang ritwal na ito ay ginawaga sa kapanahonang nangyayari ang eklipse” patuloy niya. “Ang eklipse!” sabi ko “ano ang ritwal na ito?” tanong ni manang sa kanya “sabi-sabi o kwento daw ng mga matatanda itong ritwal na ito ay nagbabalik sa kaluluwang matagal ng patay, pero me isang problema” kwento niya.

“Ano?” tanong ko “kailangan ng katawang lupa ang kaluluwang ito at hindi madali ito, dahil ang katawang papasukan ng kaluluwang ito ay dadaan din sa isang ritwal para maging suitable sa kaluluwang papasok sa kanya” kwento ni Alan. “Teka.. parang narinig ko na ito ah?” sabi ni manang sa amin “ano ang ritwal na ito, Zoraida?” tanong ni Haring Helius sa kanya “sa amin ang ritwal na ito” sabi ni manang na nagulat kaming lahat. “Kinwento ito sa akin ng lola kong si Arisa isa sa limang matatandang mangkukulam noon” kwento niya “kung totoo ang sinasabi mo Alan ibig sabihin nito me kaluluwa silang gustong pabalikin dito sa mundo” sabi ni manang.

“Ang kaluluwa ni Hilda” sabi ni Ingkong Romolo “tama, ang parating na eklipse ang pagkakataon nilang maibalik ang kaluluwa ni Hilda dito sa mundo” sabi ni Haring Helius “pero kung walang katawang lupa ang tatanggap sa kaluluwa niya wala din itong silbi, hindi ba?” tanong ng kapatid ko. “Oo, pero sa sinasabi ni Alan sa atin parang meron na silang babaeng nahanap” sabi ni manang sa amin “pero paano yun mangyayari?” tanong ni Alan “bakit, Alan?” tanong ko “kasi ayun sa blog, yung katawang lupa daw ay dapat dumaan sa isang ritwal” kwento niya “so, ano ang problema dun?” tanong ng kapatid ko “dalawang daang taon ang itatagal bago maging handa ang katawan ng tatanggap sa kaluluwang yun” sabi ni manang na sumang-ayon si Alan.

“At ika dalawnag daang taon na sa parating na eklipse?” tanong ng kapatid ko “parang ganun na nga” sagot ni Alan “Narra, Romolo kailangan na nating kumilos” sabi ni Haring Helius “kung balak nilang ibalik si Hilda sa mundong ito kailangan nating masugpo o mapatay ang katawang papasokan niya” dagdag niya. “Alam ko, Helius” sabi ni Haring Narra “kung ganun alam na natin kung saan nila tinatago ang babaeng ito” sabi ni Ingkong Romolo “sa basement ng building namin” sabi ni Elizabeth. “Ah Tenyente, me sasabihin din pala ako sa inyo” sabi ni Alan “ano yun?” tanong ko “simula nung lumabas ang itim na ulap sa itaas ng gusali niyo nagkakaroon ng mahinang lindol ang buong syudad” kwento sa akin ni Alan.

“Ganun ba? Bakit hindi ito ibinalita sa tv?” tanong ko sa kanya “binalita ito nung una pero ang sabi ng Phivolcs wala lang daw ito dahil natural occurance lang daw ito” sagot niya “hindi ba sila nagtataka kung bakit nangyayari ito?” tanong ni manang “hindi” sagot ni Alan. “Meron ka pa bang ibang impormasyon Alan?” tanong ko sa kanya “yan lang nakuha ko dahil pinatigil ni Hepe ang pagimbistiga ko” sabi niya “bakit?” tanong ni Ingkong Romolo “pasensya na pero hindi ko alam, pero… nagtataka ako I mean kilala mo si Hepe di ba Tenyente pagdating sa ganitong pangyayari gusto agad nitong magpa interview” sabi ni Alan. “Bakit ngayon?” tanong ko “baliwala na ito sa kanya na para bang… wala siya sa sarili niya at ito pa” sabi niya.

“Ano?” tanong ko “hindi na siya masyado pumapasok sa presinto na alam nating palagi siyang nakatambay lang sa opisina niya naghihintay ng oras o tawag sa superiors niya” kwento ni Alan “hmm.. kung nagbago bigla ang pamamalakad niya sa pang-araw-araw niyang kilos, ibig sabihi nito” sabi ni Haring Narra. “Sinapian na siya ng aswang” dugtong ko kay Haring Narra na tumango ito “..ibig sabihin nito aswang na si Hepe?” tanong ni Alan “hindi, hawak na ng mga aswang ang katawan niya” sagot ni manang na biglang nagbago ang expression sa mukha ni Alan. “Kailangan nating kumilos!” sabi ni Haring Helius “hmm.. sang-ayun ako kay Helius, Narra” sabi ni Ingkong Romolo “kung nakahanda na ang lahat para sa plano nila, hindi na natin ito paaboting mangyari ang eklipse” dagdag niya.

“Kung ganun, sang-ayun tayong tatlo sa pagsalakay sa lugar ng mga aswang, Helius, Romolo?” tanong ni Haring Narra sa kanila na tumango ang dalawa kaya nakuha namin ang consensus ng tatlong Hari na tumigil ang mga tauhan nila sa pag-eensayo at humarap sa kanila. “Kung ganun, IPINAPARATING KO SA BUONG HUKBONG SA PAGLUBOG NG ARAW BUKAS SASALAKAY TAYO SA LUGAR NG MGA ASWANG!” anunsyo ni Haring Narra na tinaas nilang lahat ang mga sandata nila at sabay silang sumigaw “HAH!”. “Isabella, ipakita mo sa amin ang buong lugar na tinatayoan ng gusali niya para malaman natin kung paano natin ito sasalakayin” sabi ni Ingkong Romolo sa akin.

Hiniram ko ang iPad ni Alan at pinakita ko sa kanila ang area kung saan nakatayo ang gusali namin “apat na hukbong ang dapat nating buohin” sabi ni Haring Narra “sino naman ang hahawak sa pang-apat na hukbong?” tanong ni Haring Helius. “Ako” sagot ni manang Zoraida “ikaw? sigurado ka ba, Zoraida?” tanong ni Ingkong Romolo “hindi ba ako karapat-dapat? tumatayo ako para kay Reyna Lucia” sabi ni manang sa kanya. “Hahaha, wag kang mag-alala Ingkong kasama ako ni Zoraida” sabi ni Dante “kami din” sabi ng kapatid ko “panginoon ko, paumanhin po…” “haayy wag kana magsalita pa Kap. Hernan, pumapayag ako” sabi ni Haring Helius na natuwa naman ang Kapitan niya.

“Sino ang pumapangalawa ko kung hindi kita kasama Dante?” tanong ni Ingkong “ako! panginoon ko” sagot ng isang taong kakarating lang kasama ang maraming tauhan niya “ROMUALDO!” sigaw ni Dante. “Redante, matagal-tagal naring hindi tayo nagkita” sabi nung Romulado sa kanya na ang kamayan sila ni Dante “buti at nakarating na kayo, Romualdo” sabi ni Inkong sa kanya “pag ikaw ang tumawag darating agad kami, Kamahalan” sabi ni Romualdo sabay yuko ng ulo nilang lahat. “Mabuti naman manong at nakarating na kayo” sabi ni Dante sa kanya “nasaan si Solomon? bakit wala siya dito?” tanong niya “mamaya ipapaliwanag ko sa’yo Romualdo ang importante nakarating na kayo” sabi Ingkong Romolo sa kanya.

“Sino ho ba sila manang?” tanong ko kay manang Zoraida “sila ang mga magigiting na mandirigma ng mga Taong Lobo” sagot niya “sila ang tinatawag ni Romolo pagme ganitong sitwasyon kinahaharap ang kaharian niya” kwento ni manang. “Kung ganun magagaling pala sila” sabi ko “oo, ang mga abilidad nila ay kapareho ng mga Bailan” sabi ni manang “kapareho?” tanong ng kapatid ko “oo, ang grupo ni Romualdo ang dahilan kaya natalo nila si Olivia noon” kwento niya “kung ganun me panlaban na pala tayo sa mga Bailan” sabi ng kapatid ko. “Iba parin ang mga Bailan Elizabeth, hindi man nagbabago ang anyo nila pero katumbas ay hangin ang abilidad nila, di mo makita pero mararamdaman mo nalang na inatake kana nila” kwento ni manang.

“Me pang apat na tayong hukbong, gusto kong si Romualdo ang manguna sa ikaapat na hukbong natin” sabi ni Ingkong Romolo “hindi!” sagot ni Haring Helius “ano? anong hindi?” tanong ni Ingkong sa kanya. “Mas maganda kung si Zoraida ang mamuna para siya ang tumayo sa bandila ni Lucia, ako sa Engkanto, si Narra sa Puno at ikaw sa Lobo di ba nararapat lang na ganun, Narra?” sabi ni Haring Helius “hmm. sumasang-ayon ako nito” sagot naman ni Haring Narra. “Pero mas bihasa sa pakikipagdigma si Romualdo…” “panginoon, kung ito ang pasya ng ibang mga pinuno mas maganda po na susunod nalang po tayo” suhistyon ni Romualdo kay Ingkong Romolo.

“HMP!” lang si Ingkong Romolo “wag kayong mag-alala Ingkong, Heneral Romualdo andito naman ako para tumulong sa kanila” sabi ni Dante sa kanila “ako din po, nandito din po ako para tumulong” sabi naman ni Kap. Hernan. “Kung ganun hahatiin na natin ang mga sundalo natin para mabuo na ang apat na hukbong” sabi ni Haring Narra “maglalagay din ako ng mga manggagamot para makatulong sa mga me sugat” sabi ni Haring Helius. “Kung ganun, ihanda na ang lahat sa pagsalakay natin bukas ng gabi” sabi ni Haring Narra “hmp! sana magiging maayos ang lahat bukas” sabi ni Ingkong Romolo “wag kang mag-alala kamahalan, gagawin namin ang lahat para masugpo natin ang mga kalaban, isa pa di na ako makapaghintay na makaharap ang mga Bailan” sabi ni Romualdo.

“Mag-ingat ka sa sinasabi mo, bata!” sabi bigla ng tinig na nagmula sa isang puno “sino yan?!” tawag pansin ni Haring Helius sa taong nagtatago sa likod ng puno “baka kako kasi pagsisihan niya ang sinasabi niya” sabi ng matanda nung lumabas ito sa likod ng puno. “Sino ka? Paano ka nakapunta dito?” tanong ni Ingkong Romolo sa kanya “paano mo nalusotan ang mga tauhan kong nagbabantay sa kaharian ko?” tanong ni Haring Narra sa kanya. “Paano? Sino? hehehe.. hindi na importante yun” natatawang sabi ng matanda “ang importante ay ang sasabihin ko sa inyo” sabi ng matanda sa amin na naupo ito sa maliit na kahoy sa harap lang ng puno at nakangiti itong nakatingin sa amin.

“Kamahalan, kilala niyo ba ang taong ito?” tanong ni Romualdo kay Haring Narra “hindi, ngayon ko lang siya nakita” sagot ni Haring Narra “mawalang galang na po, manong” sabi ng kapatid ko “sino ho ba kayo?” tanong niya. “Haayy.. gaya ng sinabi ko hindi na importante kung sino ako, ang importante ang sasabihin ko” sabi ng matanda sa amin “ano ang sasabihin mo sa amin?” tanong ni manang sa kanya na napangiti sa amin ang matanda. “Romualdo ang pangalan mo?” tanong nung matanda na tumango si Romualdo “me maganda at masamang balita ako sa inyo” panimula ng matanda “ang magandang balita, limangpu lang ang Bailan ang makakaharap niyo maliban kay Lorenzo” sabi ng matanda.

“Ano naman ang masama?” tanong ni Dante na seryosong tumingin sa amin ang matanda “ang limangpung Bailan ay ang mga orihinal na Bailan na dumating dito sa gubat mo, Narra” sagot ng matanda na nagulat silang tatlo ni Haring Helius at Ingkong Romolo. “Ibig sabihin nito ang mga matatandang Bailan pala ang makakalaban natin? HAHAHAHAHA wala pala tayong dapat ikatakot” natatawang sabi ni Romualdo. “Tumahimik ka, Romualdo!” sabi ni Haring Helius “pagpasensyahan mo na si Romualdo Helius, hindi niya alam ang pinagsasabi niya” sabi ni Ingkong “bakit, ano ho ba sila?” tanong ng kapatid ko. “Ang limangpung Bailan na yun ang nakaharap ng mga Taong Lobo noon, nakalaban ng ama ko ang mga Bailan na yun na halos maubos ang sundalong dala niya” kwento ni Ingkong Romolo sa amin.

“Kung hindi humakbang ang ama ko para pigilan ito nauubos na siguro ang… ” tumingin si Haring Narra kay Ingkong Romolo at di nalang niya tinuloy ang sinasabi niya “me dapat din kayong malaman” sabi ng matanda. “Ano yun?” tanong ni Haring Helius “isa sa kanila ay ang dating pinuno ng Isla ng Kuro” balita ng matanda “ano naman kung dating pinuno siya?” tanong ni Romualdo “ang bawat pinuno ng Bailan ay binibigyan ito ng espada” pasimula ng matanda “ang espadang ito ang magiging sandata niya” kwento ng matanda. “Alam ko na ang ibig mong sabihin, tanda” sabi ni Dante “naalala ko ang espada ni Lorenzo kaya alam ko ang tinutukoy mo” dagdag niya.

“Isipin niyo, dalawang pinunong Bailan magsasama sa iisang hukbong, tingin niyo magiging mabuti ito sa sitwasyon niyo?” tanong ng matanda sa kanila “hindi!” sagot ko na nginitian ako ng matanda at tumayo ito. “Ano ang gusto mong iparating? Wag nalang naming ituloy ang plano namin, ganun ba?” tanong ni Haring Helius sa matanda “hindi! sa akin lang, kung sasalakay kayo bukas dapat handa kayo” sabi ng matanda sa amin. “Ano ang dapat naming gawin sa puntong ito?” tanong ni Haring Narra sa kanya at tumingin ang matanda sa direksyon ng dating Kuro “me kweba sa ilalim ng dating tinirhan nina Lorenzo doon niyo mahahanap ang kasagutan niyo” sabi ng matanda sa amin.

Nakita naming tumalikod ito at dahan-dahan na itong naglakad palayo sa amin “teka, bakit alam mo ang tungkol doon sa isang pinuno?” tanong ni Dante sa kanya “Marawi” sagot ng matanda “ano?” tanong ni Romualdo. “Yun ang pangalan niya (lumingon sa amin ang matanda at sabing) at ako ang nagbasbas sa kanya na maging bagong pinuno bago sila tumakas sa Isla” sabi ng matanda sa amin na dahan-dahan narin itong nawawala. “Manong, teka lang po! Sino ho ba kayo?” tawag ko sa kanya “tawagin niyo nalang akong… kaibigaaann…” at biglang nawala na ito sa paningin namin at iniwan kaming lahat na me tanong sa presensya at sa pagkatao ng matandang nakausap namin kanina.

Nagulohan kaming lahat at tila walang nagsalita dahil siguro nag-iisip kaming lahat sa sinabi ng matanda “kung me paraan para matalo sila, bakit di niyo puntahan yung tinutukoy ng matanda” sabi ni Alan sa amin. “Ako ang pupunta dun” sabi ko sa kanila “sasamahan na kita ate” sabi ng kapatid ko “sige, puntahan niyo at mag-ingat kayo baka kasabwat ng mga aswang o Bailan ang matandang yun” paalala namin ni Haring Helius. “Sasamahan ko narin sila” sabi ni manang sa amin “hindi! kailangan ka namin dito dahil isa ka sa pinuno ng hukbong natin” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya. “Sasamahan kayo ng mga tauhan ko Isabella” sabi ni Haring Narra “salamat kamahalan” sagot ko sa kanya.

Kasama ko si Elizabeth si Alan at mga tauhan ni Haring Narra nung pumunta kami sa dating Kuro at sinimulang hanapin ang kwebang sinabi ng matanda “paano natin malaman kung nasaan ang dating kubo nina Lorenzo?” tanong ng kapatid ko. “Kami na po ang bahala dyan” sabi sa amin nung isang tauhan ni Haring Narra na pinikit ang mga mata nila at sabat dinikit nila ang mga palad nila at nagconentrate sila. “Ate” “sshhhh” sabi ko sa kapatid ko at biglang yumanig nalang ang lupang kinatatayoan namin at bumukas ang lupa sa pagitan ng dalawang malalaking puno at nakita namin ang isang hagdanan. “Dito po” sabi nung isang tauhan ni Haring Narra at sumunod kami sa kanya pababa sa hagdanan, nagsindi sila ng ilaw at lumiwanag ang buong paligid nung dumating na kami sa baba.

Mainit ang paligid, me masangsang na amoy dahil sa tagal na ng panahon “ang baho!” sabi ng kapatid ko na tumitingin-tingin kami sa paligid “ano ba ang hinahanap natin dito?” tanong ni Alan “yung makakatulong sa atin” sabi ko sa kanila. “Kumalat kayo at tumingin kayo sa paligid” utos ko sa kanila at nagsimula na silang maghukay sa mga gamit na nakalagay dito at humakbang ako paabante sa dulo ng kweba ng me namataan akong bagay sa pinakadulo nito. “Bagon!” tawag ko sa isa sa tauhan ni Haring Narra “ano po yun, Isabella?” tanong niya “samahan mo ako doon” sabi ko sa kanya na sumunod siya sa akin bitbit ang apoy na nag-iilaw sa amin. Maliit lang ang daanan na kasya ang isang tao “ako ang mauna” sabi niya kaya pinauna ko siya at nung dumating na kami sa pinakadulo nito at nakita naming me extra room pala dito.

“Maliit ito kesa dun sa isa” sabi ni Bagon “oo” sagot ko na nakita naming me mga tela na nakalagay sa paligid at sa dulo me isang bagay na nakatayo sa isang mesa “dito” yaya ko sa kanya kaya sumunod siya sa akin. “Bakal?” tanong ni Bagon “hindi, espada ito!” sabi ko sa kanya na nilapitan namin ito at kita namin nilumaan na ito ng panahon dahil me kalawang ito at napunit yung telang nilagay sa hawakan nito. “KAninong espada kaya ito?” tanong ni Bagon “hindi ko alam” sagot ko na kinuha ko ito at sobrang bigat nito “bakit?” tanong ni Bagon “ang bigat” sabi ko sa kanya na binigay niya sa akin ang ilaw at siya na ang bumuhat sa espada na kita kong nahirapan din siyang buhatin ito.

“Teka!” sabi ko sa kanya “bakit?” tanong niya na inalis ko yung telang nakatabon sa isang pader at nakita namin an me nakasulat sa pader at me drawing ng dalawang tao na nakahawak sila pareho sa espada. “Babae at lalaki yan ah?” sabi ni Bagon “oo, pero..” sinubokan kong basahin ang nakasulat sa pader pero di ko maintindihan “naiintindihan mo ba ang nakasulat sa pader?” tanong ko kay Bagon “pasensya na Isabella limampung taon palang ako, sa tingin ko kapanahonan ito nina Haring Narra” sagot niya sa akin “ALAN! ALAN!” tawag ko sa kanya na nahirapa pa itong pumasok sa kinaroroonan namin “bakit Tenyente?” tanong niya “pahiram ng iPad mo” sabi ko sa kanya na inabot niya ito sa akin kaya kinunan ko ng litrato ang pader.

“ATE!” tawag ng kapatid ko “parating na kami” sabi ko sa kanya kaya bumalik na kami sa dinaanan namin kanina ng mapahinto ako dahil me nakita ako sa ilalim ng tela “mauna na kayo at dalhin niyo yan sa taas” utos ko sa kanila na niyuko lang ang ulo ni Bagon at umalis na sila. Inangat ko yung tela at nakita ko ang isang set ng maliliit na patalim at naalala ko yung binato sa akin ni Lorenzo noon kaya binalot ko ito ng tela at dinala ko ito palabas ng kweba. “Ano ang nahanap niyo?” tanong sa akin ng kapatid ko “ito lang” sabi ni Bagon at pinakita niya ang espada “makakatulong ba sa atin yan?” tanong ni Alan sa amin. “Hindi ko alam, pero yung nakasulat siguro sa pader” sagot ko sa kanya “paumanhin sa inyo, kailangan na nating bumalik sa palasyo” sabi ni Bagon sa amin “sige, pwede isara niyo uli yung kweba?” tanong ko “kami ang bahala” sagot nila at nauna na kaming bumalik sa palasyo.

Bumalik na yung matanda sa Isla at nakita nitong nakaupo na malapit sa apoy si Julian at kumakain ito “saan ka ba galing?” tanong sa kanya ni Julian nung nakita siya nito “ah.. naglakad-lakad lang” sagot ng matanda. Nakita niyang me mga sugat at pasa si Julian sa braso at mukha nito “gamotin natin yan pagkatapos mong kumain” sabi ng matanda sa kanya na tiningnan ni Julian ang mga pasa at sugat niya “wala ito” sagot niya. “Hmm.. kumusta ang pag-ensayo mo?” tanong ng matanda “malapit ko ng matapos” natutuwang sagot ni Julian “magaling, dahil nalalapit narin ang pagbabalik ng dilim” sabi niya kay Julian.

Napatigil sa pagkain si Julian at tumingin sa malayo “alam kong buhay ang ama ko” sabi ni Julian na tumingin lang sa kanya ang matanda “nararamdaman mo din pala siya” sabi ng matanda “oo, at me isa din akong napapansin na kasing lakas din ng ama ko” sabi ni Julian. “Siya si Mawari, isa sa pinuno ng Kuro” sagot ng matanda “nararamdaman kong kapareho ang antas nila ng ama ko” sabi ni Julian na tumingin sa malayo ang matanda “wag kang mag-alala, mabuting tao si Mawari me pagkapilyo lang ito” kwento ng matanda “pilyo?” tanong ni Julian “hahaha… mahilig itong magbiro pero pagdating sa labanan (naging seryoso ang mukha ng matanda) mag-ingat ka” sabi niya.

“Isa lang ang dapat mong malaman kay Marawi, mahilig siya sa hamon, kung me kapareho niyang pinuno sa paligid di ito mag-aatubiling hamunin ito” kwento ng matanda “ibig sabihin…” sabi ni Julian “me ideya kana kung paano mo siya matatalo” dugtong ng matanda. “Si ama, ako at si Marawi… kakayanin ko ba ang dalawang dating pinuno ng mga Bailan?” tanong ni Julian sa matanda “wag kang mag-alala, magtiwala ka sa lakas at tibay mo, hindi ka nag-iisa tandaan mo yan” sabi ng matanda sabay turo sa dibdib ni Julian na tumingin uli si Julian sa malayo. “Sana, nahanap nila ang tinutukoy ko dahil kung hindi, babalik sa dilim ang bansang yun at kahit siguro si Una hindi na niya ito mapipigilan” sabi ng matanda sa sarili niya habang nakatingin din siya sa malayo katulad ni Julian.

Nakabalik na kami sa palasyo ni Haring Narra at binalita agad namin sa kanila ang nahanap namin “lumang espada? yun lang?” tanong ni Haring Helius “oo, pero me nakuha akong mga litrato sa loob ng kweba” sabi ko sa kanila at pinakita ko yung mga nakuha kong litrato. “Haring Narra, binanggit sa akin ni Bagon na baka alam niyo daw ang nakasulat sa pader” sabi ko sa kanya na tiningnan niya ito ng maayos at kita kong pati siya wala ding maintindihan. “Pasensya na Isabella pero.. hindi ko ito kapanahonan” sabi ni Haring Narra na binigay niya kay Ingkong Romolo pati siya wala ding maintindithan pati narin si Haring Helius at si manang Zoraida.

“Paano ito?” tanong ko sa kanila “teka, me kakilala akong professor sa UP na pwedeng makatulong sa atin” sabi ni Alan sa akin “talaga!?” tanong ko sa kanya “oo” sagot niya “kung ganun, magmadali ka at ipabasa mo ito sa kanya” sabi ni Haring Helius sa kanya. “Sasamahan ka ng mga tauhan ko para makarating ka ng mabilis doon” dagdag niya “mabuti ito!” sabi ni manang “nakahanda na po ba ang lahat?” tanong ko sa kanila. “Oo, nahati na namin ang mga tauhan namin at nakabuo na kami ng apat na hukbong” sabi sa akin ni Haring Narra “kung ganun ang pag-alis nalang natin bukas ng gabi ang gagawin natin” sabi ko sa kanila.

Nakahanda naring umalis sina Alan kasama ang dalawang tauhan ni Haring Helius “Tenyente aalis na kami” sabi niya sa akin “teka muna Alan” sabi ko sa kanya “ano yun?” tanong niya, tumingin ako sa mga tauhan ng tatlong Hari at kay Alan. “Naalala mo yung grupo ng mga gago na tinulongan natin noong nakaraang buwan?” tanong ko sa kanya na nag-isip muna siya ng sandali at nung naalala niya ito “oo, bakit?” tanong niya “kausapin mo sila at hingan mo sila ng pabor” sabi ko. “Tenyente naman, muntik pa nga tayong patayin ng mga yun tapos hihingan mo pa ng pabor?” tanong niya “gawin mo nalang ang sinasabi ko at sabihin mo na si Isabella ang humihingi ng pabor sa kanila” sabi ko sa kanya.

Nagkamot ng ulo si Alan bago ito pumayag “kailangan natin ng tulong, malaking tulong Alan dahil kung hindi natin mapigilan ang pagbalik ni Hilda lahat tayo magiging Aswang” sabi ko sa kanya “shit! ayaw ko nun” sabi niya. “Paalam, Isabella” sabi nung isang Engkanto “sige, mag-ingat kayo” sabi ko sa kanila na nagbukas na sila ng portal at nauna na yung isa habang nagdadalawang isip pang humakbang papasok sa portal si Alan. “Oh for God sake!’ sabi ko sabay tulak ko kay Alan na napasigaw pa itong pumasok sa loob ng portal na natawa lang sila sa ginawa ko “paalam sa inyo” sabi nung Engkanto bago siya pumasok sa loob ng portal at sumara na ito. “Sana magbunga ang lakad nila” sabi ni manang sa akin “oonga po” sabi ko sa kanya.

Sa gusali ni Don Enrico, sa rooftop nito nakatayo sa dulo ng hellipad si Lorenzo habang nakatingin siya sa malayo, lumapit sa kanya ang isa sa tauhan niya “tingin mo ba darating siya?” tanong nito “darating siya, alam ko yun” sagot ni Lorenzo. “Hah! Titingnan ko kung karapat-dapat ba siyang tawaging Bailan” sabi ni Marawi na tumayo ito sa tabi ni Lorenzo “lilinawin ko ito sa’yo Marawi, anak ko ang tinutukoy mo..” “alam ko yun, Lorenzo” pagputol ni Marawi na hinugot nito ang espada niya at tinaas niya ito sa ere “susubokan ko lang naman kung talagang karapat-dapat na siya antas natin” sabi ni Marawi. Lumingon sa likod si Lorenzo at tumingin siya sa isang Bailan na nakatayo malapit sa aircondition vent na tumingin din ito sa kanya “patawarin mo ako sa gagawin ko…” sabi ni Lorenzo na yumuko ang ulo nito at naluha ito sa narinig niya.

Chapter XXIII: Four Sisters!

Nung gabing yun, nagtipon kaming lahat sa labas ng palasyo ni Haring Narra at naghanda siya para sa aming lahat “gulay nanaman?” tanong ng kapatid ko na natawa lang ako sa kanya “sama ka sa amin Elizabeth” yaya ni Dante sa kanya. Umupo siya sa grupo nila kasama si Kap. Hernan at kita kong natuwa ang kapatid ko sa hinanda ng mga Lobo “ito ang tamang pagkain” sabi ng kapatid ko na natawa lang si Haring Narra at Ingkong Romolo “pasensya na po kayo sa kapatid ko talagang mahilig lang talaga yan sa karne kahit nung bata pa kami” sabi ko sa kanila. “Wala yun Isabella, natutuwa kami’t nasiyahan siya sa hinanda namin” sabi ni Haring Narra.

Nagkasiyahan, nagkatuwaan, nag-tatalo at sumasayaw sila sa harap ng malaking apoy na para bang wala ng katapusan ang gabing ito kaya sinulit nila ang sinag ng buwan na ngayon ang bilog itong nakasinag sa buong kagubatan. Nakita kong tumingin si Ingkong Romolo sa buwan at pinikit nito ang mga mata niya “sana biyayaan tayo ng lakas ng mahal na Dyosang si Luna sa pagsalakay natin bukas” sabi niya. “Anak ka niya, nanggaling kayong lahat sa kanya Romolo, sigurado akong biyayaan niya kayo ng lakas kagaya sa pagbigay biyaya ng mahal na Dyosa naming si Gaia” sabi ni Haring Narra na humawak ito sa lupa at me sumibol na maliit na bulaklak.

“Pffftt.. wag kayong magdrama lalo na sa gabing ito” sabi ni Haring Helius na uminom ito ng alak at tumingin ito sa mga tauhan niya “ipakita niyo sa kanila na matatag kayo, dahil sa atin sila kumukuha ng lakas, kung ipakita niyo sa kanila na me pangamba kayo sa pagsalakay natin baka mawala ang lakas ng loob nilang sumabak bukas” paliwanag ni Haring Helius. “Hindi mangyayari yun, Helius! Kilala ang mga Taong Lobo sa tapang at lakas nila (sabay tayo ni Ingkong Romolo at tinaas ang baso niya) HINDI BA!” sigaw niya “HAH!” nagsigawan ang mga Taong Lobo. “Hahahaha pagdating sa basagan ng bungo maaasahan talaga kayo, Romolo” natatawang sabi ni Haring Narra.

“Haayy.. wag muna intindihin ang mga yan Isabella, nakainom na kasi” sabi ni manang sa akin na natawa lang ako at nakita kong nag-eenjoy yung kapatid ko kasama sina Dante at nakita ko ding parang naiilang si Kap. Hernan sa kanila. “Ganito kami noon nung nabubuhay pa ang mga Bampira” sabi ni manang sa akin “ganun po ba?” tanong ko “oo, noon si Lorenzo ang nagpasimuno sa ganitong okasyon noong nagsisimula pa siyang maging Heneral ng hukbong ni Reyna Lucia” kwento ni manang. “Ah si Lorenzo, masyadong makulit din ang taong yun, naalala ko noon nung maliliit pa kami kahit nasa gitna siya ng pag-eensayo nila ni Hen. Amistad nakuha pa niyang tumakas para maglaro kami dito sa gubat” kwento ni Haring Narra na kita kong napangiti ito.

“Matalik talaga kayong magkaibigani ni Lorenzo noon, Haring Narra” sabi ko sa kanya “oo, kahit na nung umupo na siyang maging pinuno ng Kuro di parin nawawala ang kakulitan niya” napangiti ang Hari. “Naalala ko noon pinapauna niya si Aristas sa gubat para linlangin akong nandun na siya pero pagdating ko doon sa malaking batong tinatambayan namin noon wala pala ito” natatawang sabi ni Haring Narra “yun pala, nasa likuran ko na pala ito para gulatin ako” natatawa lang kami. “Hindi ko din makalimutan ang ginawa niya sa akin noon nung nilagyan niya ng pulang tinta ang buntot ko” sabi ni Ingkong Romolo “tuloy nahihiya akong maging Lobo baka kasi pagtawanan ako ng mga tauhan ko” dagdag ni Ingkong sa amin na malakas nang tumawa si Haring Helius.

“Hhmmm… naalala ko noon, ewan ko ba kung paano siya nakapasok sa kaharian ko” sabi ni Haring Helius “me puno kasi kaming sa palasyo ko lang ito tumutubo at ang prutas nito ay walang kapantay sa kahit anong prutas dito sa mundo” kwento ni Haring Helius. “Namataan ko lang isang araw na sinusungkit ni Lorenzo ang dalawang bunga nito at mabilis itong nawala, nalaman ko nalang na binigay pala niya kay Lucia ang prutas na ito regalo niya sa ika dalawang taon nila” napangiti si Haring Helius. “Pilyo, makulit, manunugkit at manggugulat, nagpapasimuno minsan sa gulo ng grupo at mapagmahal na tao, yun ang Lorenzo’ng nakilala namin noon” sabi ni manang sa akin.

“Yun Lorenzo ngayon?” tanong ko na natahimik lang silang apat “ganun pa din siya kahit bangkay na siyang gumagalaw ngayon” sabi bigla ni Romualdo “me karanasan ako sa abilidad niya, kung hindi niyo naitatanong siya ang nagbigay ng sugat na ito sa kanang pisngi ko” kwento niya sa amin. “HMP! Magaling na mandirigma ang mga Bailan, kaalyado natin sila noon… pero…” putol ni Ingkong Romolo “… kalaban na natin sila bukas” dugtong niya na tinaas nito ang baso niya. “Para sa ating lahat! Para sa kinabukasan ng sanglibutan, para sa mga mahal natin at pati narin sa mga Mortal!” sabi ni Ingkong Romolo na tinaas namin ang mga baso namin “naway, biyayaan tayo ni Dyosang Luna, Gaia at ni Liwayway sa pagsubok na haharapin natin bukas!” “HAH!” sigaw naming lahat at uminom kami.

Pawis na pawis at nagkaroon ng maraming sugat ang katawan si Julian habang nag eensayo siya sa loob ng kweba, sinusunod niya ang nakasulat sa pader ng kweba “kailangan kong matotonan lahat ito para sa kaligtasan ng lahat pati narin kay Isabella” sabi niya sa sarili niya. Akala niya kasi siya lang mag-isa ang mag-eensayo sa loob ng kweba ang hindi niya alam me nakatira pala sa loob nito, mga Anino ng mga sinaunang Bailan na nagtatago sa loob ng kweba na hindi nakalabas nung sumapit ang trahedya sa buong Isla ng Kuro. Sila ang nakakalaban ni Julian sa loob ng kweba at sila din ang nagbigay ng mga sugat niya ngayon sa katawan.

Nakaupo sa harap ng apoy ang matanda habang inaayos nito ang kahoy para hindi ito mamatay “tingin mo ba makakaya niyang labanan ang dalawa?” tanong ng matanda na bigla nalang sumulpot si Una at umupo ito sa harapan niya. Nginitian siya nito “tandaan mo, kahit kelan hindi nag-iisa ang batang yan” sabi ni Una sa kanya “pero…. hindi basta-basta ang makakalaban niya bukas” sabi ng matanda. “Alam ko, ang ama niyang prodohiya at ang matalinong si Marawi” sagot ni Una “isa lang ang stratehiya ang nakikita ko” dagdag ni Una na tumingin sa kanya ang matanda “hiwalayin silang dalawa?” tanong ng matanda “oo” sagot ni Una.

“Paano niya ito magagawa, yung hukbong na yun hindi sapat para kalabanin ang mga Bailan at ang mga Aswang sino pa ba ang tutulong sa kanya para magawa niya yan?” tanong ng matanda ngumiti si Una na kinainis ng matanda. “Sabihin mo na!” inis na sabi ng matanda na tumayo si Una at tumalikod ito sa kanya at lumutang ito papunta sa tabing dagat “Una?” tawag ng matanda na sinundan niya ito at tumayo sa tabi niya. Nakita niyang tiningnan ni Una ang palad niya at nilagay niya ito sa dibdib “alam mo na kung sino” sagot ni Una sa kanya na napatingin nalang ang matanda sa malayo “tingin mo ba, makukumbinsi niya sila?” tanong ng matanda. “Tumitingin parin sila sa pinaggalingan nila, kung lalapitan niya sila sigurado akong ang espiritu ni Lucille na mismo ang kakausap sa kanila” sagot ni Una.

Samantala sa loob ng kweba, nakakalaban ni Julian ang mga dating mga Bailan at sa huling gabing ito nakukuha na niya ang mga galaw at taktika ng mga espiritung nakakalaban niya. “Alam kong magagawa ni Julian ang lahat” sabi ni Una na nakikita niyang nakikipaglaban si Julian sa loob ng kweba. “Paano kung hindi sila papayag?” tanong ng matanda kay Una “hindi mangyayari yun, tandaan mo nasa loob ni Julian ang Reyna nila” sagot ni Una. “Yun na nga mahal na Pinuno, wala na sa pisikal na mundo ang Reyna nila bakit pa sila susunod sa kanya?” pagdadalawang isip ng matanda na nilagay ni Una ang kanang kamay niya sa balikat ng matanda at nginitian niya ito.

“Noon pa man, kinukwestyon mo na ang kahalagahan ng pamilya kaya ka itinakwil ng pamilya mo dahl dyan” sabi ni Una sa kanya na napayuko nalang ang ulo ng matanda “hindi ka dapat magdadalawang isip lapitan ang pamilya mo dahil sila ang makakatulong sa’yo sa oras ng kagipitan” payo ni Una sa kanya. “Wala na sila” sabi ng matanda na hinarap siya ni Una at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa balikat nito “Makisig, magtiwala ka sa kakayahan ng pamilya mo” sabi ni Una sa kanya na tumingin sa kanya si Makisig “patawad, mahal na Pinuno” sabi niya “si Julian ang natitirang Bailan sa angkan mo, dapat magtiwala ka sa kanya kagaya ng tiwalang iniwan ni Lorenzo at Lala sa kanya” sabi ni Una sa kanya na ngumiti si Makisig at tumingin sa direksyon ng kweba.

“Patawad mahal na Pinuno kung nagkakaroon ako ng…. ” pinutol siya ni Una “naiintindihan kita, nakita natin ang kasaysayan ng mga Bailan” sabi ni Una sa kanya “siya ang magbabago nito at magbibigay ng tamang daan para sa ating mga Bailan” dagdag ni Una. Tinaas ni Makisig ang kamay niya at pinikit niya ang mata niya “nararamdaman kong nahanap na niya ang tinutukoy ko” sabi nito na bigla nalang gumalaw ang lumang espada sa ibabaw ng mesa sa loob ng palasyo ni Haring Narra. “Huh?!” nagulat nalang ako nung narinig ko ito “bakit Isabella? Me problema ba?” tanong ni manang Zoraida sa akin “ah.. wala po manang, teka lang po babanyo lang ako” paalam ko sa kanya at nag excuse din ako sa tatlong hari at nagmamadaling pumasok sa loob ng palasyo.

Pagpasok ko sa loob ng silid kung saan nakalagay ang espada nagulat nalang ako dahil nakalutang itong nakatayo sa ibabaw ng mesa “ano!?” gulat kong sabi na napatingin ako sa paligid at sa labas ng silid. Dahan-dahan ko itong nilapitan at hinugot ko narin ang baril ko baka kasi me kung anong malignong nasa paligid ko, nung malapit na ako bigla nalang itong lumutang palapit sa akin kaya napaatras ako at tinutok ang baril ko sa espada. “SHIT!” napamura nalang ako dahil lumapit na talaga sa akin ang espada kaya sa napaatras pa ako lalo hanggang sa napasandal na ako sa pader at babarilin ko na sana ito ng biglang huminto ito sa limang talampakan mula sa akin.

“Si..sino ka?” tanong ko sa espada “ano ang kailangan mo?” sunod kong tanong na umiikot lang ito ng mahina “sumagot ka!” sabi ko na bigla itong tumigil at dahan-dahan itong lumutang palapit sa akin. “Sino ka sabi?!” sabi ko na tinutok ko uli ang baril ko at kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng bigla itong lumipad papunta sa akin at nahiwa nito ang baril ko na agad kong nabitawan at lalo akong napasandal sa pader sa takot. Tumigil ang espada at nakalutang lang ito sa harapan ko na abot kamay ko na ito “ahh..ano ang kailangan mo bakit mo ako tinatawag?” tanong ko na ewan ko ba kung bakit hindi ako humingi ng tulong sa mga tauhan ni Haring Narra.

Lalong lumapit sa akin ang espada at isang talampakan na itong nakalutang sa harapan ko “teka… gu..gusto mo bang?” takang tanong ko dahil nakaharap sa akin ang hawakan nito kaya dahan-dahan ko itong inabot at nagdadalawang isip pa akong hawakan ito. Dahan-dahan kong inabot ang espada at nung ilang inches nalang ang kamay ko sa hawakan nito bigla nalang itong lumapit dahilan kaya nawahakan ko ito at nakaramdam ako ng panghihila sa katawan ko at sisigaw na sana ako ng biglang hinigop ako papasok sa loob ng espada. “AAAAAAHHHHHHHHH!!!” napasigaw ako habang hawak ko ang espada, madilim ang paligid kaya natakot ako at nagsisigaw, maya-maya lang ay nakadapa ako sa lupa at biglang lumiwanag ang paligid.

“Aray…” sabi ko nung naramdaman kong sumakit ang tyan ko sa lakas ng pagbagsak ko sa lupa pero napatigil nalang ako nung me nakita akong paa sa harapan ko “…..” di ako nakapagsalita dahil sa takot. Dahan-dahan kong tinaas ang ulo ko na nakita kong nakasuot ito ng puting damit at nung nakita ko ang mukha nito biglang nawala ang takot ko dahil sa ma ganda at maamong mukha nito lalo pa nung ngumiti siya. Agad akong bumangon habang hawakan ko parin ang espada, tumingin ako sa kanya at sa paligid “wag kang mag-alala ligtas ka dito” sabi niya sa akin “na… nasaan ako?” tanong ko sa kanya na tumingin ako sa kanya at nagulat nalang ako nung nagsalita ito. “Nandito ka sa paraiso ko” sabi niya na di gumalaw ang bibig nito at boses lang ang narinig ko sa kanya.

“Hihihi..” narinig kong tumawa ito pero di gumalaw ang bibig niya “nagtataka ka kung bakit di gumalaw ang bibig ko?” tanong niya sa akin na kinagulat ko “ba… bakit mo alam?” takang tanong ko sa kanya. “Nababasa ko ang isipan mo” sabi niya sa akin kaya napaatras ako “wag kang matakot Isabella, gaya ng sabi ko kanina walang mangyayari sayo dito” sabi niya sa akin na direkta pala niyang sinasabi sa isipan ko. Tumingin siya sa espadang hawak ko kaya inangat ko ito para makita niya ito ng maayos at kita kong ngumiti siya at tumalikod ito sa akin “sumunod ka sa akin, Isabella” sabi niya kaya sumunod ako sa kanya.

“Sino ho ba kayo? Bakit mo ako dinala dito?” tanong ko sa kanya “hindi ako ang nagdala sa’yo dito” sabi niya sa akin kaya napakamot ako sa ulo ko “kung hindi ikaw, sino?” tanong ko sa kanya na huminto siya sa tapat ng malaking puno. “Siya!” turo niya sa malaking puno at nakita ko ang mukha nito “nagagalak akong makita kang muli, Isabella” sabi nung mukha ng babaeng nasa puno “mu. muli?” takang tanong ko sa kanya. “Maliit ka palang kasi noon nung una tayong nagkita at hindi ito ang anyo ko noon” sabi niya sa akin na bigla nalang lumiwanag ang puno at biglang naging tao ito katulad sa ginawa ni Haring Narra.

“Maliit ka palang noon nung nakita kitang naglalaro sa gubat” sabi niya sa akin “ako yung babaeng tumulong sayo nung nagkaroon ka ng sugat sa tuhod” sabi niya sa akin na biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari noon. “I..ikaw yung magandang babae na gumamot sa tuhod ko?” gulat na tanong ko sa kanya na nginitian niya ako at tumango ito “oo ako yun, Isabella” sabi niya sa akin “naalala ko noon, me nakita akong malalaking aso kaya ko tumakbo dahil natakot ako sa kanila” kwento ko. “Pasensya kana kung tinakot ka ng mga alaga ko, Isabella” sabi bigla ng isang babae na bigla nalang itong sumulpot sa likuran ko.

“Hindi kasi pangkaraniwang pumapasok ang isang Mortal sa gubat namin” dagdag niya “kaya kita tinulongan noon dahil nakita kong kasalanan ito ng kapatid kong si Luna” sabi nung babaeng puno. “Teka.. Luna…wag niyong sabihin…” napatakip nalang ako sa bibig ko at tumayo sa tabi nung babaeng puno yung bagong dating na babae “oo, tama ka Isabella, ako si Gaia ang Dyosa ng mga Puno” pakilala niya. “Ako si Luna ang Dyosa ng Buwan at nga mga Hayop sa gubat” pakilala niya sa akin na biglang me lumabas na malaking aso sa likuran niya “at ito naman si Misaro ang unang Lobong” pakilala niya “patawarin mo ako hindi ko sinadyang takotin ka, Isabella” sabi nung Lobo sa akin.

Me biglang lumiwanag sa bandang kanan ko at me lumabas na magandang babae “siya naman si Liwayway, ang Dyosa ng mga Engkanto” pakilala ni Gaia “at ang nag-iisang Dyosang palaging huli sa pagpupulong” sabi ni Luna. “Tumahimik ka Luna” sabi ni Liwayway sa kanya “patawarin mo kami kung ganito kami kung umasal, Isabella” paumanhin ni Gaia sa akin “ah.. wa.. wala po yun..” sabi ko sa kanya. Lumapit sa akin si Liwayway at sa tangkad nito nakatingala ako sa kanya “ito ba yung batang tinulongan mo noon, Gaia?” tanong ni Liwayway sa kanya “oo, siya yung iyaking bata na nakita natin sa gubat” sagot ni Luna habang hinihimas nito ang ulo ng alaga niya.

“Hmp! Maganda ang kinahinatnan ng batang ito” sabi ni Liwayway sa akin “bata?” takang tanong ko “pagpaumanhin muna si Liwayway, Isabella” sabi ni Gaia sa akin na nakita kong tumayo si Liwayway sa kaliwa niya habang nasa kanan naman niya si Luna. “Luna, pwede pakisabi sa alaga mong maligo naman siya naaamoy ko ang baho niya kahit sa kabilang dimensyon” sabi ni Liwayway sa kanya “baka sarili mong amoy ang naaamoy mo, Liway” sagot ni Luna na hinarap siya ni Liwayway at tinuro siya nito “kung makapagsalita ka akala mo sino kang mabango!” galit na sabi ni Liwayway sa kanya. “Tumahimik kayong dalawa” sabi ni Gaia “si Luna ang nauna hindi ako..” “SABING TUMAHIMIK KAYO! nasa harap natin si Isabella” ngumiti si Gaia sa akin.

“HMP! Kung nakinig sana kayo sa akin hindi sana nangyari ang gulong ito!” sabi ni Liwayway sa kanila na nakita ko ang katauhan ni Haring Helius sa kanya “nangyari na ang nangyari Liway, wala na tayong magagawa kundi ayusin ito” sagot ni Luna. “Tumahimik kayo!” sabi ni Gaia sa kanila na natahimik nalang ang dalawa “paumanhin po sa inyo, pero ano po ang kinalaman ko sa inyong tatlo?” tanong ko sa kanila. “HAAA?! Seryoso ba ang batang ito?” takang tanong ni Liwayway “hay naku Liway, kung makapagsalita ka parang kahapon lang ang ginawa nating pakikipag-usap sa kanya noon” sabi ni Luna sa kanya. Nakita kong napailing nalang si Gaia at tumingin siya sa akin sabay taas ng dalawang kamay niya at me lumabas na malaking kahoy sa paanan ko at sa kanya at pareho kaming napaangat at iniwan namin sa baba ang dalawang kapatid niya.

“Mabuti dito at makakapag-usap tayo ng maayos” sabi ni Gaia sa akin “HOY! GAIA!” tawag nung dalawa sa kanya nung tiningnan ko sila nakita ko ang babaeng naggiya sa akin kanina at nasa tabi lang ito ng isang puno habang tumitingin ito sa amin. “Sino ho ba siya?” tanong ko kay Dyosang Gaia “siya ang bunso naming kapatid, si Lucille” pakilala niya “SIYA SI LUCILLE?!” napasigaw kong sabi na napangiti sa akin si Dyosang Gaia. Tinaas niya ang isang kamay niya at biglang me kahoy na lumabas sa kinatatayoan ni Lucille at umangat din siya papunta sa amin “HOY! GAIA PAANO KAMI?!” sigaw ni Liwayway “dyan muna kayo” sabi ni Dyosang Gaia sa kanila “HMP! IKAW KASI LUNA ANG TIGAS NG ULO MO!” sabi ni Dyosang Liwayway sa kanya “ANONG AKO?! IKAW YUNG SOBRANG MAKULIT AT KONTRABIDA DITO!” sagot ni Dyosang Luna.

“Haayyy…” nalang si Dyosang Gaia at tinaas pa nito ang mga kahoy na tinayoan namin at di na namin narinig ang dalawa, nakita kong tahimik lang si Lucille at tila mahiyain ito “pasensya kana kung mahiyain ako, Isabella” sabi niya bigla sa akin. Naririnig pala niya ang isipan ko “oo, naririnig ko” sabi niya sa akin “Lucille, nag-usap na tayo tungkol nito hindi ba?” sabi ni Dyosang Gaia sa kanya. “Patawad Panganay, patawad din sa’yo Isabella” sabi niya na ngayon ay narinig ko na ang boses niya “ah..wa… walang anuman yun, Dyosang Lucille” sabi ko sa kanya na kita kong ngumiti ito. Bigla nalang umangat ang dalawa pa nilang kapatid at napalibutan na nila ako, ang tatangkad nilang apat tantya ko nasa sampung talampakan ang taas nila “hmp!” narinig ko galing kay Dyosang Liwayway.

“Tapos na kayong dalawa?” tanong ni Dyosang Gaia sa kanila “hahahaha pasensya kana Isabella kung ganito kami” natatawang sabi ni Dyosang Luna “bilog kasi ang buwan kaya ganyan umasal ang kapatid ko” sabi ni Dyosang Liwayway na tinaas ni Dyosang Luna ang kamay niya “LUNA!” sigaw ni Dyosang Gaia sa kanya “siya kasi!” sabi ni Dyosang Luna “tumigil kayong dalawa!” sabi ni Dyosang Gaia sa kanila. “Alam niyong hindi ako ang nauna kundi siya” sabi ni Dyosang Liwayway na tinaas uli ni Dyosang Luna ang kamay niy ng biglang me malaking apoy ang dumaan sa kanilang dalawa kaya nagulat sila at natahimik bigla.

“LUCILLE!” sigaw nilang dalawa “hindi nababagay sa inyong dalawa ang umasal ng ganyan” sabi ni Dyosang Lucille sa kanila “wala kang karapatang gawin yun Bunso!” sabi ni Dyosang Liwayway “TUMAHIMIK KAYO!” galit na sigaw ni Dyosang Gaia sa dalawa. Ipinaglayo ni Dyosang Gaia ang dalawa at pareho silang tumalikod sa isa’t-isa “haayyy.. pasensya kana Isabella” sabi ni Dyosang Gaia sa akin na di tuloy ako makapagsalita. Parang hindi sila ang mga Dyosang binanggit o kinwento sa amin ng tatlong Hari, napansin kong nakatiingin lang sa akin si Dyosang Lucille at ngumiti ito “mataas lang kasi ang respeto nila sa amin kaya ganun nalang ang sinabi nila sa’yo” sabi niya sa akin. “Mawalang galang na po sa inyong apat” pasimula ko “nahaharap po kasi kami ngayon sa isang kalamidad na ikakabura naming lahat kung hindi namin ito mapipigilan” patuloy ko.

“Noon pa man sinabi ko na sa inyo ito pero di kayo nakinig sa akin” sabi bigla ni Dyosang Liwayway “noon yun, iba na ngayon Liway” sabi ni Dyosang Luna “pwede ho bang malaman kung ano yun, Dyosang Liwayway?” tanong ko sa kanya. “HMP! Sinabi ko sa kanila noon pa na itakwil ang Mortal na yun pero hindi sila nakinig sa akin” kwento niya “wala namang ginawa sayo si Una bakit mo siya itatakwil?” bulalas ni Dyosang Lucille. “Tandaan mo Lucy, dahil sa’yo at sa Mortal na yun nawala sa atin si Hilda!” galit na sabi ni Dyosang Liwayway sa kanya “malapit kasi si Liway at si Hilda kaya ganyan siya kung ipagtanggol ito” sabi ni Dyosang Luna sa akin.

Natahimik sila bigla na parang naalala nila si Hilda “tama na yan!” sabi ni Dyosang Gaia “nangyari na ang nangyari, ang importante ang ngayon hindi noon” dagdag niya “Isabella” tawag sa akin ni Dyosang Lucille na lumutang ito palapit sa akin. Tinaas niya ang kamay niya na biglang lumutang ang espadang hawak ko at lumapit ito sa kanya “ang espadang ito ay binigay sa akin ni Una” kwento ni Dyosang Lucille. “Siya mismo ang gumawa nito nung nasa kalagitnaan kami ng labanan” kwento niya “paano niya ito ginawa?” tanong ko sa kanya “binunot niya ang dalawang buto niya sa dibdib at binugahan niya ito ng apoy kaya naging hugis espada ito at ito ang kinalabasan nun” kwento niya sa akin.

Nakita kong hinawakan niya ang hawakan nito at hinampas niya ito sa kaliwa na biglang tumalsik ang mga kalawang nito, hinampas niya ito sa kanan at biglang nagbago ang anyo ng espada at luminis ito. Tinaas niya ito sa ere at biglang lumiwanag ito na para bang nasa harapan kami ng araw sa sobrang sinag nito “ito ang kalahati sa espada ng alamat, Isabella” sabi ni Dyosang Lucille sa akin na napatakip ako sa mata ko sa sobrang sinag nito. Binaba ito ni Dyosang Lucille at nawala na ang sinag nito at nakita kong parang bagong gawa ito at nawala na yung kalawang nito, nilagay niya ang espada sa mga palad niya at pinresenta ito sa akin.

“Ang espadang ito ang makakatulong sa inyo sa pagsugpo sa dilim ni Hilda” sabi ni Dyosang Lucille sa akin “HMP!” narinig namin galing kay Dyosang Liwayway “bakit pa natin sila tutulongan? Hindi na natin laban ito” sabi ni Dyosang Liwayway. “Sa atin nag-umpisa ang lahat Liway, kaya responsibilidad nating tulongan sila” paliwanag ni Dyosang Gaia “responsibilidad natin? kung hindi dahil sa Aklat na yun hindi magiging ganito ang sitwasyon nating lahat!” galit na sabi niya kay Dyosang Gaia. “Teka.. anong Aklat ho ba?” tanong ko sa kanila “ang tinatawag niyang Aklat ng Dilim!” sabi ni Dyosang Liwayway na kinagulat ko nung marinig ko ito.

“A… Aklat ng Dilim?” gulat kong sabi “oo, ang Aklat ng Dilim ang nagbigay ng katawang Mortal sa kapatid namin si Hilda” sabi ni Dyosang Luna “sinabi ko na sa inyo noon na hindi maganda ang pagdating ng Mortal na yun sa gubat natin dahil nararamdaman kong me madilim na nakaraan ang taong yun!” galit na sabi ni Dyosang Liwayway sa kanila. “Alam namin Liwayway!” sagot ni Dyosang Luna sa kanya “teka lang po, ang kwento nila kasi galing sa mga Aswang ang Aklat ng Dilim kaya nila ito binabawi?” takang tanong ko sa kanila. “Hindi galing sa kanila ang aklat na yun, Isabella” sabi ni Dyosang Gaia na tumingin silang tatlo kay Dyosang Lucille na niyuko nito ang ulo at tumingin ito sa akin.

“Ang totoo niyan kay Una talaga ang Aklat na yun, sa umpisa binaliwala ko ito dahil alam kong mabuti siyang tao pero hindi ko maiwasan ang dilim na sumusunod sa kanya” kwento niya “ano po ang ibig niyong sabihing dilim?” tanong ko. “Parang me bumubuntot sa kanyang Anino” sabi ni Dyosang Luna “nararamdaman ko din ito, kaya sinabihan ko si Lucille na iwasan na niya ang taong yun” sabi ni Dyosang Liwayway. “Anino? Baka siguro Anino lang talaga niya yun katulad sa akin na me Anino dahil sa sikat ng araw o sa liwanag ng…” “hindi ganyan ang Anino ang tinutukoy ko, Isabella” putol sa akin ni Dyosang Liwayway.

“Ang Aninong tinutukoy ng kapatid ko Isabella ay parang masamang espiritung sumusunod sa kanya” sabi ni Dyosang Lucille sa akin “wala ni isa sa amin ang alam ng buong pagkatao ni Una, pero nararamdaman namin na parangnanggaling siya sa isang madilim na parte ng mundo” kwento ni Dyosang Gaia. “Isang mundong puno ng digmaan” sabi ni Dyosang Luna “kaya nung ibinigay ko sa kanya ang kalahati ng kapangyarihan ko wala akong nakitang pagpigil o ano mang pagtutol ng katawan niya dahil kusa niya itong tinanggap na para bang sanay na ito sa kapangyarihan” kwento ni Dyosang Lucille.

“Nakakapagtataka nga ang pangyayaring yun dahil alam naming walang Mortal ang maaaring makakahawak sa kapangyarihan namin” sabi ni Dyosang Luna “parang natural lang kay Una ang kapangyarihan ko” sabi ni Dyosang Lucille. “Sa kinukwento niyo po, parang sinasabi niyong kapareho niyo si Una at hindi siya Mortal” sabi ko sa kanila na nagkatinginan silang apat “parang ganun na nga, Isabella” sagot ni Dyosang Gaia. “Hindi katulad namin si Una!” bulalas ni Dyosang Liwayway “paano niyo po nasabi yan, Dyosang Liwayway?” tanong ko sa kanya “dahil sa Aninong nasa likuran niya” sagot nito sa akin “Anino, baka ordinaryong Anino lang ito” sabi ko “hindi Isabella” sabi ni Dyosang Gaia.

“Nung binawi ko ang kapangyarihan ni Lucille sa kanya me nararamdaman akong parang me humihila sa kapangyarihan na binawi ko sa kanya” kwento niya sa akin “totoo yun Isabella, nung ibinigay ko kay Una ang kapangyarihan ko me parang ibang nilalang ang tumanggap nito” kwento ni Dyosang Lucille. “Yung Anino ho ba ang tinutukoy niyo?” tanong ko “oo, isa pa hindi dapat maging ganun ang anyo ni Una” sabi niya “anong anyo?” tanong ko “ang maging isang Bampira!” sagot niya na kinagulat ko. “Ano ho ba dapat ang maging anyo niya?” tanong ko sa kanya na tinaas niya ang kamay niya at biglang me usok na lumabas sa harapan ko at me taong lumabas mula nito “ganito dapat!” sabi ni Dyosang Lucille at nakita ko ang taong tinutukoy niya.

“Ba…Bailan?” gulat kong sabi na nakita kong napakunot ang noo ni Dyosang Lucille “Bailan yan ah?” sabi ko na biglang lumapit sa akin si Dyosang Lucille at nilapit ang mukha nito sa mukha ko “hindi Bailan ang tawag sa kanya!” inis na sabi nito sa akin. “Lucille, pagpasensyahan mo na si Isabella, hindi niya alam ang tungkol sa salitang yan” pagpigil sa kanya ni Dyosang Gaia “pa..patawad ho kung me nasabi akong masama” paumanhin ko sa kanya na narinig kong tumawa sino Dyosang Luna at Liwayway. “Isabella, ang ibig sahini ng salitang yan ay isinumpang nilalang, sa amin nanggaling ang salitang yan” paliwanag sa akin ni Dyosang Luna.

“Si Hilda ang nagtawag kay Una na Bailan, isinumpa siya ni Hilda dahil sa pagtanggi nitong maging kabiyak niya” kwento sa akin ni Dyosang Liwayway “patawad Dyosang Lucille, hindi ko po kasi alam na yun pala ang ibig sabihin sa salitang yun” paumanhin ko sa kanya na tumayo ito at ngumiti sa akin. “Wala yun Isabella, pasensya narin sa inasal ko” sabi niya sa akin at tumingin ako sa espadang nasa palad niya “ito ang espadang ginamit niyo nung tinalo niyo si Hilda?” tanong ko sa kanya na inabot niya ito sa akin at tinanggap ko ito. “Kalahati lang yan sa kapangyarihan na kakailanganin niyo, Isabella” sabi ni Dyosang Lucille sa akin.

“Nasaan ang kalahati nito?” tanong ko sa kanya “na kay Una!” sagot ni Dyosang Liwayway “na kay Una? kung nasa kanya paano ko ito makukuha kung matagal na siyang wala dito sa mundo?” tanong ko sa kanila. “Ang huling supling ni Una ang magdadala nito, Isabella” sabi ni Dyosang Lucille “pag-isahin niyo ang dalawang espada para mabuo ang espada ng alamat” dagdag niya “mga kapatid ko, nararapat narin na ibigay natin ang tulong na kailanganin ng mga tauhan natin” sabi ni Dyosang Gaia. “HMP!” lang ang narinig namin galing kay Dyosang Liwayway “Isabella, ito ang buto ng aking puno, ibigay mo ito kay Narra” sabi ni Dyosang Gaia at lumutang ito at dumapo ito sa palad ko “ang butong yan ay makakapagbigay ng kakaibang kapangyarihan niya” dagdag niya.

“Ibigay mo ang pangil na ito kay Romolo, makakapagbigay lakas ito sa kanya” sabi ni Dyosang Luna “hindi na niya kailangan ang sinag ng Buwan para maging Lobo” dagdag niya. “HMP! Ito naman ang bolang cyrstal” sabi ni Dyosang Liwayway na lumutang ito sa palad ko at naramdaman ko ang lamig nito “kailanganin yan ni Helius kung lalabas ang pinto ng dilim, manghihina ang isang Engkanto pagnasa harapan nila ang pintoang dilim” paliwanag niya “makakapagbigay lakas yan sa kanya, ang sinag ng cyrstal na yan ay ang sinag din ng puso ko” dagdag niya. “Isabella” sabi ni Dyosang Lucille na lumapit siya sa akin at ipinatong ang kanang hinlalaki niya sa noo ko.

“Tanggapin mo ang lakas ko, ito ang kapangyarihang ibinigay ko noon kay Una na ngayon ay ibibigay ko sa’yo” sabi niya na bigla nalang akong nakaramdaman ng lakas at parang gumaan ang katawan ko. “Pansamantala kong ipapagamit sa’yo ito at para narin magamit mo ng buo ang kapangyarihan ng espada ko” dagdag niya “maraming, maraming salamat sa tulong na binigay niyo sa amin” sabi ko sa kanila. “Hindi, kami dapat ang magpasalamat sa’yo Isabella” sabi ni Dyosang Gaia sa akin “paalam Isabella, magtagumpay ako sa laban niyo bukas” sabi ni Dyosang Luna sa akin na dahan-dahan na itong nawala. “HMP! Sana magtagumpay kayo bukas” sabi ni Dyosang Liwayway sa akin na nawawala narin ito “salamat, Isabella” sabi ni Dyosang Gaia na pati ito nawawala narin.

Makalipas ang sandali nawala na ang tatlo at naiwan kaming dalawa ni Dyosang Lucille, hinawakan ko ang espada na nagtaka ako dahil gumaan ito bigla “nasa sa’yo ang lakas at kapangyarihan ko, Isabella” sabi ni Dyosang Lucille sa akin na ngayon ay di na uli gumalaw ang bibig niya. “Maraming salamat po sa inyo, Dyosang Lucille” sabi ko sa kanya “me… babala lang ako sa’yo Isabella” sabi niya “ano po yun?” tanong ko “yung Aninong tinutukoy ko” sabi niya “bakit po?” tanong ko “nasa paligid niyo lang siya” sabi niya sa akin “ano ho ba ang pakay niya?” tanong ko sa kanya “hindi ko alam, pero ang kutob ko siya ang totoong may-ari sa Aklat ng Dilim” sabi niya sa akin.

“Wag po kayong mag-alala kung susulpot man siya kami na po ni Julian ang bahala sa kanya” pasisiguro ko sa kanya na kita kong ngumiti ito “maraming salamat, Isabella” sabi niya sa akin na bigla na din siyang nawawala sa paningin ko. “Tandaan mo, pag-isahin niyo ang dalawang espada para mabuo ang kapangyarihang pipigil kay Hilda” sabi niya sa akin “opo, tatandaan ko yan” sabi ko sa kanya na bigla nalang ding dumilim ang paligid ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa sahig ng silid sa loob ng kaharian ni Haring Narra. Tumingin ako sa paligid at nakabalik na pala ako dito kaya agad akong tumayo at bitbit ang espada luambas ako ng palasyo para hanapin ang tatlong hari.

Huling gabi na ni Julian sa kweba at pagkatapos niyang mag-ensayo bumukas na ito at lumabas siyang maraming sugat sa katawan at gutay-gutay ang damit nito “kumusta na, bata?” tanong ng matanda sa kanya. Tinaas ni Julian ang espadang ginamit niya at nung hinampas niya ito biglang nahiwa ang isang puno sampung talampakan ang layo sa kanila “ano po?” nakangiting tanong ni Julian sa kanya “hahahahaha, magaling!” sabi ng matanda sa kanya. “Ang bilis mong matoto tatlong gabi ka palang sa kwebang yun” sabi ng matanda sa kanya “oonga po eh” sabi ni Julian sa kanya na bigla nalang siyang napaluhod at nakaramdaman na siya ng pagod.

Tinulongan siya ng matanda at dinala siya nito sa isang batis kung saan pinalubog niya si Julian “manatili ka muna dyan, bata” sabi ng matanda sa kanya “ano ho ba meron sa tubig na ito?’ tanong niya. “Hmm.. ah makakatulong yan sa mga sugat mo” sabi ng matanda “ang sarap sa katawan parang.. gumaan ang katawan ko” sabi ni Julian “hehehe me espesyal na kapangyarihan ang tubig na yan bata, nakakahilom yan ng kahit anong karamdaman, lalo na pagme sugat ka” paliwanag ng matanda sa kanya. “Dyan ka muna at me kukunin lang ako” sabi ng matanda sa kanya na di na siya sumagot kaya hinayaan nalang siya ng matanda at umalis ito.

“Nakita mo ba ang ginawa niya kanina?” sabi ng matanda kay Una “oo, natotonan niya ang teknik kong yun” sabi ni Una “bukas susugod na sila” sabi ng matanda kay Una “alam ko Makisig” sagot ni Una. “Ano ang binabalak mo, Una?” tanong ni Makisig sa kanya na tumingin si Una sa kinakalawang na espada na nakatayo sa pinakataas na tuktok ng Isla “binigay na ni Lucille ang kalahati ng espada kay Isabella, kaya napapanahon narin para ibigay ko kay Julian ang kalahati nito” sabi ni Una. “Hmm.. hindi ko lubos maisip na mabubuo uli ang espadang yun” sabi ni Makisig “akala ko hindi na natin kailangan ang espada ng alamat” dagdag niya.

“Kung pwede lang sana pero sa sitwasyong ito mas higit nilang kailanganin ang kapangyarihan ng espadang yun” sabi ni Una “tingin mo, darating siya?” tanong ni Makisig kay Una na tumingin ito sa kanya. “Sana hindi, sana.. katulad ko nananahimik na siya” sabi ni Una “pero.. hangga’t hindi pa niya nababawi ang Aklat ng Dilim na tinakas mo noon alam kong hinding-hindi siya mananahimik” sabi ni Makisig sa kanya. “Hmm…” nalang si Una at tumingin ito sa malayo “kung darating man siya at maghahasik siya ng lagim alam kong (sabay tingin niya kay Julian) pipigilan niya siya lalong-lalo na kung kasama niya ang taong mahal niya” sabi ni Una “me isa pa tayong problema ang dalawang pinuno ng Kuro” sabi ni Makisig.

“Me paraan ang lahat, kaibigan” sabi ni Una “ano naman yun?’ tanong ni Makisig “me natitirang kaalyado si Lucia, paglalapitan niya ito alam kong hinding-hindi sila aayaw sa kanya” sabi ni Una. “Pero nangako na silang hindi sila sasali sa gyerang ito?” tanong ni Makisig “oo, gaya ng sinabi ko pagsiya ang lumapit sa kanila hinding-hindi sila aayaw sa kanya” sabi uli ni Una na napailing lang si Makisig. “Sana nga, sige. ihahanda ko ang paglakbay niya bukas” sabi ni Makisig “mas kilala mo si Marawi, Makisig” sabi ni Una na tumingin sa kanya ang matanda “hmp! alam ko, ako na ang bahala sa parteng yan” sabi ni Makisig at umalis na ito. “Lucille, alam kong mahirap paniwalaan pero.. sana sa pagbuo ng espada ng alamat, mabubuo narin ang koneksyon nating dalawa” sabi ni Una sa isipan niya na parang narinig siya ni Lucille dahil lumingon ito sa direksyon niya “Una…” sabi ni Lucille.

Pagkalabas ko ng palasyo nakita ko ang tatlong na nasa mesa parin nila at masaya silang nag-iinuman kaya nilapitan ko sila “paumanhin po sa inyo” sabi ko sa kanila na tumingin sila sa akin. “Ano yun Isabella?” tanong ni Haring Narra sa akin “pwede ho bang makausap ko kayong tatlo?” tanong ko na nagtinginan silang tatlo at tumingin sila sa akin “tungkol sa ano ito, Isabella?” tanong ni Ingkong Romolo. “Sa loob nalang po tayo ng palasyo mag-usap, importanteng-importante po ito” sabi ko sa kanila na una akong umalis kaya agad silang tumayo at sumunod sa akin papasok sa palasyo.

Nung nasa loob na kami ng silid kung saan binalik ng espada ipinaliwanag ko sa kanila ang nangyari sa akin kanina, nakita ko sa mukha nila ang taka at gulat pati narin ang hindi makapaniwalang expression nila. “Teka… paano mo naman nakausap ang mga Dyosa?” tanong ni Haring Helius sa akin “sa pamamagitan ng espadang ito” pinakita ko sa kanila ang dating lumang espada na ngayon ay parang bago na. “Ito ba ang espadang nakuha niyo sa lugar ng mga Bailan?” tanong ni Ingkong Romolo sa akin “opo, ito po yun” sagot ko sa kanya “hindi pala ito espada ng Bailan, ang totoo espada ito ni Dyosang Lucille” kwento ko sa kanila na di sila makapaniwala sa sinabi ko.

“Di ka ba lasing, Isabella?” tanong sa akin ni Haring Helius na natawa naman si Ingkong Romolo “hindi po! sa katunayan me binigay nga sila sa akin para sa inyong tatlo” sabi ko sa kanila at pinakita ko sa kanila ang binigay ng magkakapatid sa akin. Natahimik silang tatlo at napanganga sila nung makita ito “Haring Narra, ito po ang buto sa puno ni Dyosang Gaia” sabi ko sa kanya at binigay ko sa kanya ang butong yun. “Ingkong Romolo, pangil po ito ni Dyosang Luna makakatulong ito sa’yo sa oras na mawala ang sinag ng buwan” paliwanag ko sa kanya at binigay ko tio sa kanya “Haring Helius, ito naman ang bolang cyrstal” sabay abot ko ito sa kanya na napanganga lang siya. “Makakatulong po sa’yo ito sa paglabas po ng pintoan ng dilim” paliwanag ko.

“Pa… paano mo nalaman ang tungkol sa pintoang dilim?” takang tanong niya sa akin “si Dyosang Liwayway po ang nagsabi niyan sa akin” sabi ko sa kanya. Napaupo sa silya si Haring Narra habang tinitingnan niya ang butong binigay ko sa kanya “imposible ito…alam mo ba kung ano ito Isabella?” tanong niya sa akin “ano po, Haring Narra?” tanong ko “buto ito ng pagkabuhay, isa ito sa mga butong itinanim niya noon para mabuo ang gubat na ito” paliwanag niya sa akin. “Ang pangil ni Dyosang Luna hahaha” natawa nalang si Ingkong Romolo “sino ang mag-aakala na matatanggap ko ito mula sa Dyosa ng mga Lobo” dagdag niya.

“Bakit tahimik ka dyan, Helius?” tanong ni Haring Narra “wa.. wala, hindi ko lang lubos maisip na…” di niya tinuloy “na ano?” tanong ni Ingkong Romolo “… wala sa ugali ng Dyosa namin ang magbahagi ng kapangyarihan niya, noon siguro nung nagsisimula pa ang lahat pero… hindi.. hindi ito galing kay Dyosang Liwayway” magdududang sabi ni Haring Helius. “Hindi ako nagsisinungaling sa’yo Haring Helius, ang crystal na yan ay galing talaga kay Dyosang Liway..” “HINDI!” sigaw ni Haring Helius sa akin “HELIUS! ano ang problema mo?” sigaw ni Ingkong Romolo. “Hindi ako naniniwala sa babaeng ito! Mataas ang tingin niya sa aming mga Engkanto at alam niyang mas makapangyarihan kami sa lahat” sabi ni Haring Helius.

“Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang binigay ito ni Dyosang Liwayway dahil me tiwala siya sa kapangyarihan ko at sa aming mga Engkanto!” dagdag ni Haring Helius “hindi dahil binigyan ka ng bagong kapangyarihan ng Dyosa niyo Helius minamaliit na niya kayo” sabi ni Haring Narra. “Nababaliw kana ba Helius?” asar na tanong ni Ingkong Romolo na tinaas ni Haring Helius ang kamay niya pati narin si Ingkong Romolo “MAGSITIGIL KAYONG DALAWA!!!” yumanig ang boses ni Haring Narra sa buong silid at napatigil sila. Naalala ko tuloy ang tatlong Dyosa na di talaga nalalayo ang personalidad nilang tatlo sa tatlong Haring nasa harapan ko.

Nagpaalam nalang ako sa kanila habang nagtatalo parin si Ingkong Romolo at si Haring Helius habang nakahawak nalang sa noo niya si Haring Narra dahil sa inasal ng dalawa. Nakita ko sa labas si manang Zoraida na nakaupo parin ito sa upoan niya at umiinom ito ng alak, nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya “manang, parang nakarami na ata kayo” sabi ko sa kanya. “Ah hehehe.. maayos lang ako isabella ang totoo niyan hindi ako tinatablan ng ano mang alak” sabi niya sa akin. Kinuha ko yung bote at nagsalin ako ng alak sa baso at ininom ko ito “totoo ba ang narinig ko?” tanong ni manang sa akin “ang alen po?” tanong ko “nagpakita sayo ang apat na Dyosa ng gubat?” tanong niya na tumango ako at kita kong uminom ito ng alak.

“Binigay ko na sa tatlong Hari ang binigay nila sa akin” sabi ko kay manang Zoraida “handa na pala ang lahat para bukas” sabi niya “opo, pati din ako binigyan ni Dyosang Lucille ng kapangyarihan” kwento ko kay manang na napatigil ito sa pag-inom. “Yung espada ba?” tanong niya “oo” sagot ko na nagsalin pa ito ng alak sa baso niya at tinungga niya ito at binagsak pa niya sa mesa ang baso niya at tumayo ito. “Sumama ka sa akin Isabella” sabi niya sa akin na nauna itong umalis kaya inubos ko ang alak sa baso ko at sumunod ako sa kanya “saan tayo pupunta manang?” tanong ko sa kanya na bigla itong nagbukas ng portal at lumingon ito sa akin “sa palasyo ni Reyna Lucia” sabi niya sabay pasok nito sa loob ng portal na agad ko naman siyang sinundan.

Lumabas kami sa harap ng isang pintoan sa loob ng palasyo ni Reyna Lucia “ano ang ginagawa natin dito, manang?” tanong ko sa kanya “sumunod ka lang sa akin” sabi niya. Binuksan niya ang pintoan at pumasok kaming dalawa, madilim ang palagid at narinig kong sinara ni manang Zoraida ang pinto at biglang sumindi ang mga kandila sa loob ng silid. Nakita ko ang lawak ng kwarto at tila matagal na itong di ginagamit dahil sa daming alikabok at nakakalat ang mga bahay ng mga gagamba. Lumakad si manang sa gitna ng silid at tumayo ito “ang silid na ito ay ginagamit ni Reyna Lucia para mag meditate” sabi ni manang sa akin.

“Bakit po tayo nandito?” tanong ko sa kanya na humarap siya at tumingin sa akin “gusto kong pag-aralan mo ng mabuti kung paano gamitin ang kapangyarihang binigay sayo ni Dyosang Lucille” seryosong sabi niya sa akin. “Paano po?” tanong ko sa kanya na umatras siya palayo sa akin at biglang umihip ang malakas na hangin sa paligid niya at biglang nagbago ang damit niya at nakita kong nagkaroon na siya ng armor. “Tuturoan kita kung paano” sabi niya sa akin na hinugot niya ang espada niya sa lalagyan nito at hinarap niya ito sa akin “maghanda ka Isabella” sabi niya sa akin na tinaas ko din ang espadang binigay ni Dyosang Lucille sa akin at hinarap ko ito sa kanya “ano mang oras manang” sabi ko sa kanya na ngumiti siya at umabante sa akin.

Samantala, naghahanda narin ang mga aswang para sa gagawin nilang ritwal “naitayo na po namin ang altar mahal na Reyna” balita ng isa sa tauhan niya “magaling, yung Mortal?” tanong ni Reyna Olivia. “Nasa taas po ng gusali kasama ang mga Bailan” balita nito “hmp! parang kampante na siyang kasama sila” sabi ni Reyna Olivia “gusto niyo ho bang sundoin ko siya?” tanong ng tauhan niya “hindi na, ako na ang bahala sa kanya” sabi ni Reyna Olivia na umalis ito papunta sa elevator. “Nararamdaman mo ba yun, Lorenzo?” tanong ni Marawi sa kanya “me biglang sumulpot na kakaibang kapangyarihan” sabi ng isa sa mga Bailan.

“Ito ba yung sinasabi mong anak mo, Lorenzo?” tanong ng isang Bailan “hindi, iba ito nararamdaman kong mas matanda pa ang kapangyarihang ito” sagot ni Lorenzo “hmp! kung totoong me ganitong kapangyarihan ang anak mo Lorenzo hinding-hindi na ako makakapaghintay na makaharap siya” natutuwang sabi ni Marawi. “Wag na wag mong kakalimutan ang pinag-usapan natin Marawi” sabi ni Lorenzo sa kanya “hahahaha.. wag kang mag-alala sinasabi ko lang ang nararamdaman ko, Lorenzo” sabi ni Marawi sa kanya na tumingin si Lorenzo sa taong nakatayo sa gitna ng rooftop. Biglang bumukas ang pinto ng rooftop at lumabas si Reyna Olivia na lumutang ito palapit sa kanila.

“Parang kampante ka nang kasama sila, Mortal” sabi ni Reyna Olivia sa taong nakahood “nandito ka nanaman Aswang” sabi nung isang Bailan na tinaas ni Reyna Olivia ang kamay niya at parang nasakal ito. “OLIVIA!” sigaw ni Lorenzo na binitawan niya ito “tandaan mo kung bakit kami nandito” paalala ni Lorenzo sa kanya “hmp! tandaan niyo din kung sino ang nagbalik sa inyo dito” paalala din ni Reyna Olivia sa kanila. “Tama na yan!” sabi ni Marawi na ngumiti lang si Reyna Olivia at biglang lumabas ang buwan mula sa pagkakatago nito sa ulap “tara na sa baba, hindi magandang umaaligid ka sa mga bantay” sabi ni Reyna Olivia sa taong nakahood.

Tumingin ito kay Lorenzo “sumama kana sa kanya” sabi niya dun sa nakahood “tara na, marami pa akong gagawin para sa darating na ritwal” sabi ni Reyna Olivia na lumutang ito papunta sa pinto. “Iha” tawag ni Marawi na lumingon ito sa kanya “alam mo ang mangyayari sa’yo pagkatapos ng ritwal, di ba?” tanong ni Marawi sa kanya na tumango lang ito at tumingin uli ito kay Lorenzo “kung kami lang, ilalayo ka namin dito pero alam mong wala kaming kakayahang gawin ito dahil pati kami hawak din ni Olivia” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Tama na yan! hali kana…..” tawag ni Reyna Olivia sa kanya na biglang umihip ang hangin at naalis ang pagkakatakip ng hood sa ulo niya at nakita ng buong sundalong Bailan ang mukha niya “…. Isabella!” tawag ni Reyna Olivia sa kanya.

Chapter XXIV: War!

Maliwanag na nung bumalik kami ni manang sa palasyo ni Haring Narra at nakita namin ang buong hukbong na naghahanda na para sa pagmarcha namin mamauang gabi sa gusali namin. Nakita ko ang kapatid ko na kausap si Kap. Hernan habang naghahanda narin silang dalawa sa mga gamit nila “maupo ka muna dyan Isabella, ikukuha kita ng gamot para sa mga sugat at pasa mo” sabi sa akin ni manang “sige po” sagot k sa kanya. “Saan ba kayo naggaling at bakit gutay-gutay ang damit mo, Isabella?” tanong sa akin ni Dante na kita kong naka suot narin ito ng pandigma “nag ensayo kami ni manang” sagot ko sa kanya. “Sa nakita ko sa sitwasyon mo parang matindi ata at buong magdamag kayong nag ensayo” sabi sa akin ni Romualdo.

“Me tinuro lang sa akin si manang kaya ganito ako ngayon” nakangiti kong sabi sa kanya “heto Isabella, inumin mo ito” sabi sa akin ni manang nung bumalik na siya “Zoraida, saan ba kayo naggaling ni Isabella?” tanong ni Ingkong Romolo sa kanya. “Sa palasyo ni Reyna Lucia” sagot ni manang “bakit kayo nagpunta dun? di ba delikado?” tanong ni Dante “walang nakakaalam na pumunta kami doon” sagot ni manang sa kanya. “Ate!” tawag sa akin ni Elizabeth na kita ko ang pag-aalala sa mukha niya “maayos lang ako sis, don’t worry” sabi ko agad sa kanya nung lumapit ito sa akin kasunod niya si Kap. Hernan.

“Sis, baka ano na yan ha” sabi ko sa kanya “ano ka ba?!” sabi niya sa akin na pareho kaming napatingin kay Kap. Hernan at kita naming nahiya ito “bueno, maghanda na kayo at pagdating ng takip silim lalakad na tayo” sabi ni Ingkong Romolo sa amin. “Dalhin natin siya sa loob, tulongan mo ako Elizabeth” sabi ni manang sa kanya kaya tinulongan nilang ako at pinasok nila ako sa loob at inakyat sa silid. Inihiga nila ako sa bathtub na me tubig at hinayaan nila akong magpahinga dun “salamat” sabi ko sa kanila na wala pang ilang segundo nakatulog na ako “hayaan muna natin siya dito, mamaya pagkagising niya ipapasuot ko sa kanya ang armor ni Lala” sabi ni Zoraida.

“Julian…” nabigkas ko nung nakatulog na ako na tila lumulutang ang katawan ko sa tubig, ang gaan ng pakiramdam ko na para bang lumulutang ako sa kalawakan “Julian….” narinig ko ang pangalan ni Julian. “Echo ba yun?” tanong ko sa sarili ko “Julian….” narinig ko uli ang tinig na tumatawag kay Julian kaya binuka ko ang mata ko at nakita kong nasa loob ako ng isang kubo “Julian…” narinig ko uli ang tinig na yun kaya tumingin ako sa paligid at parang pamilyar sa akin ang kubong ito. Lumabas ako at suminag sa mukha ko ang sikat ng araw kaya napatabon ako sa mukha “Julian…” narinig ko uli ang boses ng babaeng tumatawag kay Julian.

Me nakita akong babae sa malayo na nakapatong ito sa isang puntod at nakatalikod ito sa akin kaya pinuntahan ko ito at habang papalapit ako sa kanya naririnig ko galing sa kanya ang pangalan ni Julian. “Miss.. ” tawag ko sa kanya na kita kong nakaputing damit ito at hanggang pwet ang buhok niya, di ata niya ako napansin kaya tinawag ko uli siya “miss.. ok lang ho ba kayo?” tanong ko sa kanya na di parin niya ako pinansin. “Julian….” tawag uli niya kaya naglakad ako papunta sa harapan niya para makita ko ang mukha niya ng biglang nagdilim ang langit at kumidlat ito. Napatingin ako sa paligid dahil lumalakas narin ang hangin “miss… ” tawag ko sa babae na nakatayo parin ito sa ibabaw ng puntod at tila hindi niya ata napapansin ang pagbago ng panahon sa paligid namin.

“MISS!” sigaw ko sa kanya na lumingon ito sa akin at nagulat nalang ako nung makita ko ang mukha niya “……hi…hindi…” nasabi ko nalang dahil kamukha ko ang babaeng nasa ibabaw ng puntod at kita kong umiiyak ito. Naluluha siya at biglang tinawag niya ang pangalan ni Julian na bigla nalang sumikip ang dibdib ko kaya napaluhod ako sa lupa at napakapit sa dibdib ko “Julian….” narinig kong tawag niya. “Ah.. a.. ano..ang… nangyayari sa akin..?” tanong ko sa sarili ko na kita kong bumaba sa puntod ang babae at lumapit ito sa akin, habang papalapit siya bigla ding tumigil ang ibang parte ng katawan ko kagaya ng di ko maigalaw ang mga paa ko.

Nakatayo na sa harapan ko ang babae at tumingin ito sa akin “si… sino… ka…?” tanong ko sa kanya na binuksan niya ang harapan ng damit niya at pinakita sa akin ang dugoang tiyan niya “…..I…Isa….bella….?” nauutal kong tanong. Nakita kong nakatingin lang siya sa akin at maya-maya lang ay biglang lumutang ito at biglang me bumalot na dilim sa buong katawan niya, pinilit kong gumalaw pero dahil sa paninikip ng dibdib at nagnumb ang mga paa ko di ako magalaw palayo sa kanya. Tiningnan ko siya sa ibabaw ko at nakita kong nabalutan na talaga siya ng dilim at biglang nagbago nalang ang anyo niya at tumingin siya sa akin na sobrang pula ng mata niya.

“IKAW!” sigaw niya sa akin “a.. ako…?” tanong ko “IKAW!” sigaw niya uli na bigla itong lumapit sa akin at hinawakan niya ako sa leeg “AKIN LANG SI JULIAN.. HINDING-HINDI SIYA MAPAPASAYO!” sabi niya sa akin. Sinakal niya ako gamit ang kanang kamay niya kaya napakapit ako sa kanya at pilit inalis ang kamay niya sa leeg ko “MAMAMATAY KAYONG LAHAT!” sabi niya sa akin “hi… hindi…..” sabi ko na parang mawawalan na ako ng malay dahil sa sobrang higpit ng pagkakasal niya sa leeg ko “hin…di…” sabi ko uli “hin….di…. hin..di… hin..di…hindi….HINDIII!” sigaw ko sa kanya na bigla nalang lumiwanag ang katawan ko kaya nabitawan niya ako.

Imbes na mahulog sa lupa lumutang na ako sa harapan niya “si…sino ka?!” tanong niya sa akin “… ako ang liwanag nagmagbibigay ilaw sa dilim..” sagot ko sa kanya “LUCILLEEEEE!” sigaw nung kamukha ko. “Lucille?” nabigkas ko nung narinig ko ang pangalan ng Dyosang si Lucille sa kanya “HINDI!” sigaw niya na bigla nalang umihip ang malakas na hangin kaya napatakip ako sa mukha ko at maya-maya lang ay biglang nawala ang hangin at pagtingin ko nawala na din siya sa harapan ko. Napatingin ako sa paligid at bumalik na sa dati ang panahon at nawala narin ang itim na ulap kanina “sino kaya yun?” tanong ko sa sarili ko “siya si Hilda, Isabella” sabi bigla ng tinig sa likuran ko kaya nilingon ko agad ito at nakita ko si Dyosang Lucille.

“Mag-ingat ka, yung nakaharap mo kanina ay ang katawang lupa na gagamitin niya para makabalik sa mundong ito” sabi niya sa akin “teka.. yung babaeng yun, kamukha ko” sabi ko sa kanya “oo, siya si Isabella ang dating Isabella na namatay noon, ang kasintahan dati ni..” di nalang niya tinuloy. “Alam ko, ni Julian” sabi ko sa kanya na niyuko nalang niya ang ulo niya “gagawin ng kapatid ko ang lahat para lang makabalik dito at ang paghihiganting matagal na niyang gustong makamit” sabi ni Dyosang Lucille sa akin. “Ibig sabihin nito ang katawang lupa na gagamitin ni Hilda ay ang dating nobya ni Julian noon? Paano nila ito nagawa kung kasama ni Julian si Isabella sa museleyo?” takang tanong ko.

“Ang Aklat ng Dilim ay me kakayahang gumawa ng kahit ano, Isabella” sabi niya sa akin “kinwento sa akin ni Una ito, kaya siya nakarating sa gubat namin dahil sa Aklat na yun” dagdag niya. “Marami palang kayang gawin ang Aklat ng Dilim, me iba pa ho ba kayong impormasyon tungkol sa librong ito?” tanong ko sa kanya “hindi masyado kinukwento ni Una ang aklat na yun pero isa lang ang babala niya” sabi niya “ano po yun?” tanong ko “me Aninong nagmamasid sa paligid at naghihintay ng pagkakataong mabawi ito” sabi niya “Anino?” tanong ko. “Oo, isang Anino na matagal ng sumusunod sa kanya kahit saan man siya magpunta” kwento niya “ibig sabihin nasa paligid lang namin ang Aninong ito?” tanong ko “oo, mag-ingat kayo Isabella, hindi lang si Hilda at ang mga Aswang niya ang makakalaban niyo, pati narin ang dilim ng Aklat na hawak nila” babala ni Dyosang Lucille sa akin na dahan-dahan narin itong nawala.

Binuka ko ang mga mata ko at nakita ko ang kisame ng banyo, naramdaman kong gumaling na ang katawan ko at nung umahon ako nakita kong nawala na ang pasa at sugat sa katawan ko. Lumabas ako ng banyo at nakita ko sa kama ang armor ni Lala at sa tabi nito ang espada ni Dyosang Lucille “salamat mahal na Dyosa at wag kayong mag-aalala, habang nasa loob ko ang liwanag niyo hinding-hindi ko hahayaan mananalo ang dilim” pangako ko sa kanya at nagbihis na ako. Lumabas ako ng palasyo at kita kong malapit na palang lumubog ang araw “ate!” tawag sa akin ni Elizabeth na nakahanda na itong bumyahe pabalik ng Quezon City.

“Ok ka na ba?” tanong niya sa akin “oo, ok na ako sis, nasaan sila?” tanong ko sa kanya “nandun nakapila na ang lahat, handa na para sa mangyayari mamaya” sabi niya kaya naglakad kami papunta dun at sinalubong kami ng mga kasamahan namin. “Kumusta ang lagay mo, Isabella?” tanong sa akin ni Haring Narra “maayos na po ako, kamahalan” sagot ko sa kanya sabay yuko ko sa harapan niya “mabuti! kakailanganin namin ang lakas mo” sabi ni Ingkong Romolo sa akin. “Makakaasa po kayo, Ingkong Romolo, Haring Narra, Haring Helius at manang Zoraida” sabi ko sa kanila na napangiti sila sa akin maliban kay Haring Helius na inisnaban lang ako.

Tumingin kaming lahat sa lumubog na araw at nung dumilim na ang paligid siya naman ang pagliwanag ng mga Engkanto at naglabasan na din ang mga tutubi na siyang nag-ilaw sa amin. “NAPAPANAHON NA PARA TAPUSIN NATIN ANG GYERANG ITO” sigaw ni Haring Narra “ALAM KONG NATATAKOT KAYO, AAMININ KO PATI DIN AKO NAKARAMDAM NG TAKOT HINDI DAHIL SA KALABAN KUNDI SA SIGURIDAD NG ATING MUNDO!” dagdag niya. “KAHIT ANO MAN ANG MANGYARI MAKAKAASA KAYO NA HINDI KAYO NAG-IISA, DILIM, LIWANAG MAGKAKASAMA TAYO HANGGANG SA HULI!” sabi niya sa lahat ng hukbong.

Tinaas ni Ingkong Romolo ang espada niya “TANDAAN NIYONG LAHAT, IBIBIGAY KO ANG BUHAY KO PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT! WAG KAYONG MAG-ALALA BAWAT LOBO SA TABI NIYO AY NAKAHANDANG MAMATAY PARA SA INYO!” sabi ni Ingkong Romolo sa kanila “HAH! HAH! HAH!” sigaw ng lahat ng mga Lobo. Humakbang sa harap si Haring Helius at tinaas niya ang dalawang kamay niya na nagdulot ito ng liwanag sa ibabaw ng hukbong. “DILIM ANG HAHARAPIN NATIN PERO, WAG KAYONG MAG-AALALA KAMI ANG MAGGAGABAY SA INYO SA DILIM NA YUN!” sabi ni Haring Helius na tinaas ng lahat ng sundalong Engkanto ang mga kamay nila at lumiwanag pa lalo ang paligid.

“Haring Narra, Haring Helius, Ingkong Romolo at Heneral Zoraida, nakahanda na po ang lahat” balita ni Hen. Dante sa kanila “kung ganun, pagpalain sana tayo ng mga Dyosa ng gubat” sabi ni Haring Narra. “Helius!” sabi ni Haring Narra na tumango ito “porta oberta (gate open)” sabi ni Haring Helius at me bumukas na apat na portal sa harapan ng apat na hukbong na pumwesto na ang apat na lider sa kani-kanilang grupo. “Pagpalain kayo ng buong may kapal!” sabi nila sa isa’t-isa bago nila binigay ang utos para pumasok sa loob ang mga sundalo nila “ate!” tawag sa akin ng kapatid ko “mag-ingat ka sis, Kap. Hernan ingatan mo ang kapatid ko” bilin ko sa kanya “wag kang mag-aalala Isabella” sabi niya sa akin at pumasok na sila kasama sila sa hukbong ni Ingkong Romolo.

Nagpadala ng tauhan ang tatlong Hari sa Quezon City para maghanda sa pagdating ng mga sundalo, apat na matatanda at dalubhasang Engkanto sa paggamit ng kapangyarihan nila at walong bantay na Lobo. “Sige simulan na natin” sabi nung lider ng grupo kaya pumwesto na yung apat na Engkanto sa apat na sulok ng syudad at tinaas nila ang mga kamay nila na biglang nagkaroon ng di makitang pader ang buong syudad at tinakpan ito. Biglang dumating ang apat na babaeng Engkantada at ginamit nila ang kapangyarihan nila para tawagin ang buong populasyon ng syudad, sa loob ng mga gusali biglang tumigil sa pagtatrabaho ang mga tao at bigla silang tumayo at parang zombie silang naglakad pababa ng gusali.

Sa daan biglang huminto ang mga sasakyan, mga pedestrian bigla nalang tumigil at naglakad palabas ng syudad, mga tao sa mall sunod-sunod silang lumabas sa exit at parang nagmamarcha silang lahat palabas ng Quezon City. Ang mga Lobo naman ang sumusurbe sa lugar para masigurong wala ng Mortal o taong natitira sa lugar, umalolong ang mga inutusang Lobo at nung narinig ito ng lider nila. “Ibalita mo sa kanila na handa na ang lahat dito!” sabi niya sa isang Engkanto na biglang umilaw ang mata niya at biglang me umliaw sa apat na sulok ng syudad at doon lumabas ang apat na hukbong.

Nung dumating na ang lahat agad nagreport ang lider ng grupo kay Haring Narra “kamahalan, nakahanda na po ang lahat” balita niya “magaling, pumwesto kana sa grupo mo” utos ni Haring Narra. “Massusunod kamahalan” sagot niya at bigla itong nawala, tinaas ni Haring Narra ang kamay niya “SUGOD!” sigaw ng Heneral niyang si Acaccia at sabay nagsigawan ang mga tauhan niya at tumakbo sila papunta sa gusali. “HMP! Inunahan ako ni Narra” sabi ni Haring Helius na tinaas din niya ang espada niya at agad sumugod ang mga tauhan niya pati din si Ingkong Romolo at mga tauhan niya. “Isabella” tawag ni manang sa akin na sumakay na kami sa ibabaw ni Dante “SUGOD!” sigaw ko sa lahat kaya umabante kami papunta sa gusali namin.

Sa ibabaw ng gusali, “hehehehe.. paparating na sila” natutuwang sabi ni Marawi “alam niyo na ang gagawin niyo” sabi ni Lorenzo sa lahat ng Bailan na nakaluhod lang sa likuran nila ni Marawi. “Wala pa ang anak mo, Lorenzo” sabi ni Marawi sa kanya “hmmm…” lang si Lorenzo “akin nalang ang isang ito” sabi ni Marawi sa kanya na lumingon sa kanya si Lorenzo “ikaw ang bahala” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Maraming salamat, Pinuno!” nakangiting sabi ni Marawi na bigla itong tumalon paalis sa gusali at sumunod sa kanya ang kalahati ng tauhan nila, naglakad si Lorenzo sa kabilang side ng gusali at lumingon ito sa mga tauhan niya na nagsitayoan narin sila “TARA NA!” sigaw ni Lorenzo sabay talon niya pababa ng gusali at sumunod sa kanya ang natitirang sundalong Bailan para harapin ang mga kalaban.

“Kamahalan!” tawag ng isang taong Puno kay Haring Narra na nakita nila ang nagliliparang mga manananggal sa ibabaw ng gusali at bigla itong bumaba para atakihin sila, yumanig din ang daan na dinaanan nila dahil sa magkahalong maligno, aswang, kapre at tikbalang na papalapit sa kanila. “MAGHANDA KAYO!” sigaw ni Haring Narra na sininyasan niya ang isa sa Engkanto at tumira ito ng puting ilaw sa ibabaw para ipaalam sa lahat na makakalaban na nila ang mga aswang. “Kay Haring Narra galing yun!” sabi ni manang Zoraida “MAGHANDA NA KAYO!” sigaw ko sa kanila na hinanda na nila ang mga armas nila at doon nakita namin ang maraming aswang na sasalubong sa amin. “WAG KAYONG MATAKOT! PARA SA LIWANAG!” sigaw ni manang Zoraida at nakasagupa na namin ang mga aswang.

“Si Narra at ngayon si Zoraida, nasaan na ang kalaban!” sabi ni Ingkong Romolo na bigla nalang nabasag ang mga salamin ng gusali at doon naglalabasan ang mga aswang at mga ibang maligno para atakihin sila. “HAHAHAHA ITO NA SALAMAT AT NAGSILABASAN NA KAYO!” natutuwang sigaw ni Ingkong Romolo na naging Lobo siya at umalolong siya para ipagbigay alam sa lahat na magsisimula na ang labanan. “HAH!” sigaw ng lahat at umabante silang lahat at naglaban, samantala sa grupo ni Haring Helius huminto muna sila sa isang lugar habang naghihintay “kamahalan, naglaban na po ang tatlong grupo laban sa mga aswang” balita ng tauhan niya “alam ko” sagot ng Hari na tinaas niya ang kamay niya at nagbukas siya ng portal “maghanda kayo, magiging madugo ang labanang ito” sabi ni Haring Helius at pumasok sila sa loob ng portal.

Pinana ng mga Engkanto ang mga manananggal habang hinihiwa naman ng mga Lobo gamit ang kuko nila ang mga maligno at ibang aswang sa lupa “WAG KAYONG TUMIGIL, ABANTE!” sigaw ni Dante na binabaril ko ang mga manananggal at ibang aswang na lalapit sa amin. Bigla nalang yumanig ang lupang kinatatayoan namin at nakita namin sa kabilang kanto ang tatlong malalaking aswang at mabilis itong tumakbo papunta sa amin. “AKIN SILA!” sigaw ni Hen. Dante kasama nito ang mga tauhan niyang Lobo at sila ang humarap sa tatlong higanting aswang “Isabella!” tawag sa akin ni manang habang nagpapalit ako ng magazine at lumapit ako sa kanya “gamitin mo na ang espada mo, wag ang baril mo” sabi niya sa akin “kampante ako dito manang” sabi ko sa kanya na umiling lang siya at hiniwa niya sa kalahati ang isang aswang “GAMITIN MO NA YAN!” sigaw niya sabay abante niya.

Pinagdikit ng mga taong Puno ang mga palad nila at lumabas ang malalaking puno sa lupa at napigsa nila ang mga aswang na umabante sa amin nung tinamaan ito, ganun din ang ginawa ni Haring Narra at mga tauhan nila. “AAAWWWWWOOOOOOOOOOOO!!!!” umalolong ang isang Lobo na parang me babala ito sa mga kasamahan niya “Dante?” takang sabi ko dahil bigla nalang siyang tumigil sa kakatakbo pati narin ang buong lahi ng Lobo. “AAHHH!! Isa…. AAHHHH….” napasigaw nalang si Dante at nakita kong bigla nalang bumagsak ang mga Lobo at naging tao uli sila “DANTE ANO ANG NANGYARI SA INYO?” tanong ko sa kanya dahil tinatakpan nilang lahat ang mga tenga nila at tila sumasakit ang tenga nila.

“I…INGAY… ITIGIL NIYO NA ANG INGAY NA ITOOOO!!!” sigaw ni Dante na kita kong nangingiyak sa sakit ang mga taong Lobo “ano ang nangyari sa kanila, Isabella?” tanong sa akin ni manang Zoraida. “Hindi ko po alam manang” sagot ko sa kanya dahil pati ako nagugulohan sa pangyayaring ito “ingay.. sobrang sakit…” sabi nung isang Lobo na napa-isip ako bigla “manang..” tawag ko sa kanya “alam ko na, Isabella” sabi niya sa akin na napatingin kami sa gusali at nakita namin ang maraming aswang na lumabas mula nito. “MGA KAWAL, DEPENSAHAN NIYO ANG MGA LOBO” utos ni manang sa mga tauhan niya. “Isabella, ikaw na ang bahala sa sitwasyon ng mga Lobo” utos niya sa akin “masusunod manang!” sagot ko at sinamahan ako ng dalawang Engkanto at tumakbo kami papunta sa gusali.

Habang papalapit na kami sa gusali namin nakita namin si Kap. Hernan at kapatid kong nakikipaglaban sa mga aswang “ELLI!” tawag ko sa kanya nung napatay niya ang kalaban niya “ATE!” sagot niya. “Alam niyo ba ang nangyayari ngayon sa mga Lobo?” tanong ko sa kanya habang magkasama na kaming papunta sa gusali namin “oo ate, alam ko kung paano ito pipigilan” sagot niya “papunta na kami doon sa gusali niyo, Isabella” sabi sa akin ni Kap. Hernan. “Kung ganun, kayo na ang bahala” sabi ko sa kanila na agad nagbukas ng portal si Kap. Hernan at pumasok silang dalawa ng kapatid ko at tumigil kami at nagmasid sa paligid.

“Isabella” tawag sa akin ng isang Engkanto “oh shit!” napamura nalang ako dahil nakita ko ang apat na Bailan na papalapit sa amin “lumayo kana Isabella, kami na ang bahala sa kanila” sabi nung isa pang Engkanto. “HINDI! sabay-sabay natin silang harapin” sabi ko sa kanilang dalawa na nilagay ko sa likod ang M16 ko at hinugot ang espada ko “maghanda kayo!” sabi ko sa kanila “OO” sagot nila pareho. Mabilis tumakbo ang mga Bailan na nakita namin malapit na sila sa amin ng biglang napatalsik sila nung me mga malalaking punong lumabas sa tinatahakan nila kaya napalingon kami sa likuran namin at nakita namin ang anim na Taong Punong gumawa nito “nandito kami!” sabi nung isa “maraming salamat!” natutuwang sabi nung isang Engkanto na kita kong pinapawisan na ito dahil siguro sa takot.

Samantala sa Isla, sinusuot na ni Julian ang binigay sa kanya ng matanda “kasyang-kasya sa akin to ah?” sabi ni Julian “ginawa talaga yan para sa’yo” sabi ng matanda sa kanya “maraming salamat po” sabi niya. “Makisig” sabi ng matanda “ano po?” tanong ni Julian “Makisig ang pangalan ko” sabi ng matanda “ok ang pangalan niyo ah?” nakangiting sabi ni Julian “tandaan mo, dalawang pinuno ng Kuro ang haharapin mo” sabi ni Makisig. Naging seryoso ang mukha ni Julian “alam ko po” sagot niya “sa ngayon ang alam ko si Lorenzo ang namuno sa kanila” balita ni Makisig “siya ang dapat kong talonin para makuha ko ang mga Bailan?” tanong niya.

“Oo, pero kailangan mo munang ilayo si Marawi sa kanya” sabi ni Makisig “paano ko sila paghihiwalayin para ma solo ko ang ama ko?” tanong ni Julian “kailangan mo ang tulong nila, yun ang payo sa akin ni Una” sabi ni makisig. “Sila?” tanong niya sabay turo ni Makisig sa dibdib ni Julian “ang natitirang tauhan niya ang makakatulong sa’yo” sabi ni Makisig “paano ko sila makukumbinsi?” tanong ni Julian. Tumayo si Makisig at naglakad ito papunta sa puntod at kinuha ang lumang espada at bumalik ito kay Julian “ito” pinresenta ni Makisig ang lumang espada kay Julian “ano ang gagawin ko sa lumang espadang ito?” tanong ni Julian.

“Kalahati yan sa kapangyarihan na kailanganin niyo para matalo niyo si Hilda” kwento ni Makisig “kalahati? bakit, nasaan ang kalahati nito?” tanong ni Julian “na kay Isabella” sabi ni Makisig na nagulat si Julian. “Na.. nakay Isabella?” gulat na tanong niya “oo, magmadali ka dahil ngayon nasa gitna na sila ng labanan ngayon” sabi ni Makisig kay Julian “bakti hindi niyo sinabi sa akin kanina?” inis na sabi ni Julian. Nagmamadali siyang sinuot ang kapa niya at ibang mga gamit niyang pandigma “aalis na po ako” sabi ni Julian kay Makisig “wag mong kalimutan ito” sabi ni Makisig sa kanya “lumang espada?” tanong ni Julian na hinampas ito ni Makisig at nagbago ito. “Whoa!” sabi nalang ni Julian “ano ngayon?” nakangiting sabi ni Makisig kaya inabot ito ni Julian at nilagay niya ito sa likuran niya.

Nagbukas ng portal si Makisig at nagtaka si Julian “hindi naman ito ang tamang lugar” sabi ni Julian sa kanya “kausapin mo sila, bago ka pumunta sa gyera” sabi ni Makisig sa kanya. “Ito ba ang sabi ni Una?” tanong ni Julian “oo” sagot ni Makisig kaya nagpaalam na si Julian at naglakad na ito papasok sa portal. “Tandaan mo ang sinabi ko, bata” paalala ni Makisig sa kanya “opo, Makisig” sagot ni Julian na pumasok na siya sa portal. Nakita ni Julian ang nakahelerang mga bahay at gumalaw ang espadang nasa likod niya “naiintindihan ko, pinunong Una” sabi ni Julian na agad niyang tinungo ang bahay na sinasabi sa kanya ng espada.

“MAGING ALERTO KAYO!” sigaw ko sa kanila dahil paparating na uli ang panibagong pangkat ng mga aswang habang nakakalaban ng mga Taong Puno ang mga Bailan “Isabella!” tawag sa akin ng isang Engkanto. Napatingin ako sa itaas at nakita kong me naglalaban sa kabilang gusali malapit lang sa amin “sina Elizabeth at Kap. Hernan yan!” sabi ko sa mga sundalo namin na hawak ko na ngayon ang espada ko at umabante kami para salubongin ang mga aswang. Nakipag espadahan si Kap. Hernan sa mga aswang habang gamit naman ni Elizabeth ang M16 niya na me grenade launcher ito at pinagbabaril niya ang mga manananggal. “Hernan, bigyan mo ako ng opening!” sabi ni Elizabeth sa kanya “masusunod!” sagot ni Kap. Hernan na umabante siya at sumunod sa kanya si Elizabeth.

Nung nakakuha na ng opening si Elizabeth agad niyang kinuha ang bazoka sa likuran niya at tinuon niya ito sa tore ng communication tower na nasa rooftop ng gusali nila at nung kinalabit na niya ito lumipad ang missile papunta dun. Pero di ito nagtagumpay dahil sinakripisyo ng isang manananggal ang buhay niya para di ito matamaan “SHIT!” napamura si Elizabeth dahil wala na siyang reserbang bala para sa bazoka niya. “Wala ng ibang paraan” sabi ni Elizabeth sa sarili niya na nakita siya ni Kap. Hernan na dumaan sa likuran niya at tumakbo ito papunta sa dulo ng rooftop at tumalon ito. “ELIZABETH!!!” sigaw ni Kap. Hernan sa takot na agad niyang sinundan si Elizabeth na ngayon ay nasa kalahati na ng layo sa gusali nila at agad niyang kinalabit ang gatily ng grenade launcher niya at tumama ito sa haligi ng communication tower at sumabog ito.

“YES!!!” sigaw ni Elizabeth at doon lang niya naalala na wala pala siyang pakpak para lumipad kaya napasigaw siya sa takot “AAAHHHHH!!!” ELIZABETH!” tawag sa kanya ni Kap. Hernan na nagbukas ito ng portal at sinalo si Elizabeth nung malipat na ito sa fifth floor. “ANDITO AKO!” sabi sa kanya ni Kap. Hernan “TANGA! BABAGSAK TAYO!” sigaw ni Elizabeth sa kanya na nagbukas ng isa pang portal si Kap. Hernan at pumasok silang dalawa. Nagulat nalang ako nung biglang sumulpot ang dalawa sa likuran ko at gumulong pa ito “ELLI! KAP. HERNAN!” tawag ko sa kanilang dalawa “MISSION ACCOMPLISHED SIS!” sigaw ni Elizabeth na nakita naming bumagsak ang communication tower namin “Isabella, mabuti-buti na ang kalagayan ng mga Taong Lobo” balita sa akin ng isang Engkanto.

Narinig naming umalolong ang mga Taong Lobo kaya napangiti ako “GOOD WORK YOU TWO!” sabi ko sa dalawa na ngayon ay nakapatong sa ibabaw ang kapatid ko kay Kap. Hernan “COME ON! LETS MOVE!” sigaw ko sa dalawa na agad tumayo ang kapatid ko at si Kap. Hernan at umabante kaming lahat. “ISABELLA!” sigaw ni manang sa akin na nakasakay na siya ngayon sa isang Lobo “MANANG!” tawag ko sa kanya “ISABELLA ANGKAS NA!” sigaw ni Dante sa akin kaya sumakay ako sa kanya “maraming salamat, Isabella!” sabi niya sa akin “hindi ako Hen. Dante, ang kapatid ko at si Kap. Hernan ang gumawa nito” sabi ko sa kanya. “Maraming salamat sa inyong dalawa” sabi nung Lobong sinakyan nilang dalawa “walang anuman yun, magkakampi tayo” sabi ng kapatid ko at umabante na kami.

Nakaabnte narin sila Haring Narra at bumalik narin sa pagiging Lobo ang mga ibang tauhan niya “magaling!” sabi ni Haring Narra na napatigil ang mga tauhan niyang nasa unahan “BAKIT?!” sigaw niya. “Kamahalan, Bailan!” sagot ng isang Lobo “maghanda kayo” sabi ni Haring Narra na nakita niyang pinagtataga ang mga tauhan niya na kahit marami silang umatake sa kanila napapatay parin sila at nalalagasan ang mga tauhan niya. Pinagdikit ni Haring Narra ang mga palad niya pati narin ang mga tauhan niyang Taong Puno at lumabas mula sa lupa ang maraming punong kahoy at pinapalibutan nito ang mga Bailan.

Biglang sumabog ang mga punong pinalibot nila sa mga Bailan at nakita nilang lumaki ang mga katawan nito “SUGOD!” sigaw nung isang Bailan at umabante sila, gumamit ng mga portal ang mga Engkanto at sumulpot sila sa likod ng mga Bailan at inatake nila ito. Pero bigo silang patayin ang mga Bailan dahil mabilis silang nakailag sa mga atake nila at sila pa tuloy ang napatay ng mga Bailan “LUMAYO KAYO SA KANILA!” sigaw ni Haring Narra sa mga tauhan nila. “UMABANTE KAYO!” sigaw ng isang Bailan kaya umabante sila “ano ang gagawin natin, Haring Narra?” tanong ng isang Engkanto sa kanya “lakas niyo ang loob niyo” lang ang nasabi ng Hari at siya na mismo ang umabante para harapin ang mga Bailan “SUGOD!” sigaw ng isang Taong Puno kaya sumunod sila kay Haring Narra.

Samantala lumabas sa portal si Haring Helius kasama ang mga tauhan niya malapit sa hagdanan ng gusali “mabuti ito’t walang kalaban” sabi niya ng bigla nalang bumukas ang pinto at naglabasan ang maraming aswang. “AAAHHHH!” sumigaw siya sa galit at hinugot ng mga tauhan niya ang mga armas nila at sumugod silang lahat, nagkasalubong sila at agad silang naglaban na marami silang napatay na aswang pero di rin nagpatalo ang mga ito at nalagasan din ang mga tauhan ni Haring Helius. Dumami ang mga napatay nilang aswang ng biglang nagbago ang takbo ng sitwasyon nung sumulpot ang limang Bailan at mabilis itong gumalaw at napatay ang ibang mga tauhan ni Haring Helius.

“MGA PESTI KAYO!” sigaw ng Hari na sinugod niya ang isang Bailan at naglaban sila, nung nakita ito ng kasamahan niya sumali ito sa kanila ni Haring Helius at dalawang Bailan na ngayon ang kalaban niya. “MAHAL NA HARI!” sigaw ng isang Engkanto na agad silang tumakbo para tulongan ang Hari nila habang ang mga Taong Lobo at Puno ay abala sa mga aswang at Bailan na kalaban nila. Bumalik na sa sarili niya si Ingkong Romolo at umabante narin sila papunta sa gusali “WAG NIYONG IHINTO ANG LABAN! ABANTE!” sigaw niya sa mga tauhan niya na maraming bangkay ng aswang at mga maligno silang iniwan sa daan.

Nakalaban ni Haring Narra ang isa sa mga Bailan na umatake sa kanila at natalo niya ito nung napugotan niya ito ng ulo kaya nagalit sa kanya ang mga Bailan at sinugod siya nito “WAG!” bigla silang huminto nung marinig nila ito. Dumapo sa likuran nila si Lorenzo na agad nilang binigyan daan para makaharap si Haring Narra “kumusta kana, kaibigan?” tanong ni Lorenzo sa kanya na tinaas ni Haring Narra ang espada niya “wag na nating paabotin pa ito sa patayan, Lorenzo” sabi ng Hari. “Patwad kaibigan, kagaya ng sinabi ko sa’yo hindi namin kontrolado ang katawan namin” sabi ni Lorenzo sa kanya na hinugot niya ang espada niya.

Naghanda narain ang mga Bailan sa likuran niya pati narin ang mga tauhang nasa likod ni Haring Narra naghanda narin sila “wala na bang ibang paraan para maiwasan natin ito? magkaisa tayong labanan ang dilim?” tanong ni Haring Narra. Tinaas ni Lorenzo ang espada niya at dumapo sa likuran nila ang maraming aswang at naghanda din itong lumaban “wala ng ibang paraan pa, Narra” sabi ni Lorenzo “kung ganun……. SUGOD!” sigaw ni Haring Narra “ABANTE!” sigaw din ni Lorenzo at pareho silang umabante at naglaban sila. “AKO ANG BAHALA KAY LORENZO!” sabi ni Haring Narra sa mga tauhan niya “HAH!” sigaw nila “AKIN SI NARRA!” sigaw ni Lorenzo sa mga tauhan niya “HAH!” ganun din ang mga tauhan niya at nag-abot sila ni Haring Narra at naglaban sila na lumagpas lang sa kanila ang mga tauhan nila at naglaban din ito.

Hiniwa ko sa katawan ang isang aswang at napatay ko ito “BAILAN!” sumigaw ang isa sa mga kasama ko at nakita ko ang anim na Bailan na umabante sa lokasyon namin “MANANG!” tawag ko sa kanya. “Kami na ang bahala sa kanila Isabella” sabi ni Dante sa amin na umabante ang maraming mga Lobo at mga Engkanto para kalabanin sila pero nanatili ang ibang mga Taong Puno para sa proteksyon namin. Tuloy lang kami sa labanan ng biglang me bumagsak na isang tao mula sa itaas dahilan kaya napatapon ang mga kasamahan namin, yung iba nahiwa ng espada niya “sino?” gulat kong tanong at doon lang namin nakita kung sino nung nawala na yung alikabok sa paligid niya.

Nakangiti itong nakatingin sa akin “kumusta kana, binibini?” tanong niya sa akin “sino ka?” tanong ko “ako lang naman ang isa sa pinuno ng Kuro, ako si Marawi” pakilala niya sabay yuko ng ulo “Marawi?” nagulat ako dahil malakas ang taong ito. Tinaas ko ang espada ko na tumabi sa akin si manang Zoraida at naghanda din ito “ano man ang mangyari Isabella, gusto kong tumakas ka kung malalagay na tayo sa peligro” bilin niya sa akin. “HIndi manang, lalaban tayo!” sabi ko sa kanya na dahan-dahan ng lumapit sa amin si Marawi at nakangiti pa itong nakatingin sa amin ni manang Zoraida. “Wag matigas ang ulo Isabella” sabi niya sa akin na me lumabas na itim na kadena sa mga palad niya “hindi manang, binigay sa akin ito karangalan kong itaya ang buhay ko sa labang ito” sabi ko sa kanya.

“Wag na kayong magtalo dahil pareho ko kayong papatayin” sabi ni Marawi sa amin na bigla itong umabante kaya naghanda kami ni manang na kahit kabado ako at namamawis di parin ako umalis sa pwesto ko. “HAHAHAHA!” malakas ang tawa ni Marawi nung umabante ito at nung malapit na siya sa amin “PUMNUL DRAGONULUI NEGRU (Black Dragon Fist)” sigaw ng isang tinig at nakita nalang naming me taong sumulpot sa ibabaw ni Marawi at tinamaan siya ng suntok nito dahilan kaya bumaon ang katawan niya sa lupa. “HA!” pareho kaming nagulat ni manang Zoraida at nakita namin ang ulo nalang ni Marawi ang nasa ibabaw habang ang katawan nito ay nakabaon sa lupa, nilingon niya ang taong nakapatong sa ibabaw niya at natawa pa ito “ha ha ha..mabuti at.. lumabas na.. kayo” sabi niya.

“I.. ikaw?” gulat na tanong ni manang “patawad Zoraida, kung huli kaming dumating” sabi nito “kami?” takang tanong ko na tumingin siya sa paligid at nakita namin ang maraming Aninong dumaan sa amin papunta sa iba’t-ibang lokasyon ng labanan. “Be.. Benzon…” tawag ni manang sa kanya “akala ko hindi kayo sasali sa gyerang ito?” tanong ni manang sa kanya “me nagkumbinsi sa amin para sumali sa gyerang ito” sagot niya. “Sino?” tanong ni manang na napangiti lang si Benzon habang naglaban ang mga tauhan ni Haring Narra at ni Lorenzo natulak naman niya si Haring Narra sa isang pader at inatake niya ito at buti nalang nakailag ang Hari sa atake ni Lorenzo.

Umabante uli si Lorenzo na sa kakaatras ni Haring Narra natulisod ang kanang paa niya dahilan kaya nawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa lupa “HARING NARRA!” sigaw ng mga tauhan niya na aktong tutulong sana sila hinarangan sila ng mga tauhan ni Lorenzo. “Lorenzo!” tawag ni Haring Narra sa kanya “patawad kaibigan” sabi ni Lorenzo sa kanya na dahan-dahan na itong lumapit sa kanya. Tinaas ni Haring Narra ang espada niya na binato siya ng patalim ni Lorenzo kaya nabitawan niya ang espada niya nung tumama ito sa balikat niya “LORENZO ITO BA ANG GUSTO MONG MANGYARI?!” sigaw ni Haring Narra sa kanya.

“ALAM MONG HINDI KO GUSTO ITO, NARRA!” sagot ni Lorenzo na tinaas na niya ang espada niya para hampasin ang Hari at nung hahatawin na sana niya si Haring Narra bigla nalang me sumalo sa espada niya. “HAH!” nagulat si Lorenzo sa bagong panauhing dumating pati narin si Haring Narra “sino ang nagkumbinsi sa inyo Benzon para sumali sa labang ito?” tanong ni manang Zoraida sa kanya. “Hehehe ang anak ng Heneral” sabi ni Benzon na tumingin siya kay Marawi at sinaksak niya ito ng espada na napasuka ng dugo si Marawi at sabing “si… ” “Julian….” sabay sabi nila ni Haring Narra at ni Lorenzo. “Kumusta kana, ama?” tanong ni Julian sa kanya habang pinipigilan ng espada niya ang espada ni Lorenzo.

Scroll to Top