Harapin Ang Liwanag! Chapter XXV to XXVII

Chapter XXV: Father and Son II

Nagulat sina Lorenzo at Haring Narra nung sumulpot si Julian sa pagitan nilang dalawa kaya inatras ni Lorenzo ang espada niya at tumalon siya palayo sa dalawa “pa.. paano..” gulat na tanong ni Lorenzo dahil hindi niya naramdaman si Julian. Tumayo si Julian at humarap siya sa ama niya “ok lang ho ba kayo, Haring Narra?” tanong ni Julian sa kanya na dahan-dahan itong tumayo at dinampot ang espada niya. “Ah!” nagulat ang Hari nung tiningnan niya si Julian “parang.. me nagbago sa batang ito” sabi ni Haring Narra sa sarili niya “maayos lang ako, Julian” sagot niya “sila na ang bahala sa inyo, kamahalan” sabi ni Julian.

“Sila?” takang tanong ni Haring Narra na bigla nalang me umangat na mga tao mula sa lupa “ma… mga Bampira…” gulat na sabi ni Haring Narra “mahal na Hari” sabi nung isang Bampira na binigay niya ang kamay niya kay Haring Narra. “Ma..maayos lang ako hindi ko na kailangan ang tulong niyo” sabi ni Haring Narra sa kanila “hindi kamahalan, importante kayo sa labanang ito iniisip ko lang ang kaligtasan niyo” sabi ni Julian sa kanya habang kaharap niya si Lorenzo. “…A…anak… natutuwa akong nagkita na tayo ngayon sa wakas..” nakangiting sabi ni Lorenzo sa kanya na nginitian din siya ni Julian “Heneral!” tawag ng isang Bampira kay Lorenzo na natuwa siya dahil naalala pa pala nila siya.

“Kumusta na kayo? Maayos lang ba ang buhay niyo?” tanong ni Lorenzo sa kanila “maayos lang po, Heneral” sagot ng Bampira “Benel, alam niyo na ang gagawin niyo” sabi ni Julian sa kanila “masusunod, Julian” sagot ni Benel sa kanya. “Tara na po Haring Narra” sabi niya sa Hari “hindi, lalaban pa ako” sabi ng Hari “hayaan na natin po silang magkaharap, karapatan ni Julian ang harapin ang ama niya” sabi ni Benel sa kanya. “Kapitan, narating na po ng mga tauhan natin ang ibang lokasyon” balita ng isa sa tauhan niya “magaling, tayo na po mahal na Hari” sabi ni Benel kay Haring Narra. “Sige… Julian..” tawag niya “wag kayong mag-alala Haring Narra, nasa likod ko ang liwanag” sabi ni Julian sa kanya sabay lingon niya sa Hari ang nginitian niya ito.

Umalis na sila Haring Narra kasama ang mga Bampira at ngayong wala ng sagabal sa kanilang dalawa “paano mo naitago ang presensya mo, anak?” tanong ni Lorenzo sa kanya na lumingon si Julian sa espada na nasa likod niya. “Katulad yan ng espadang naramdaman ko kanina” sabi ni Lorenzo na tumango si Julian at kinuha niya ito sa likuran niya “ang espadang ito ay ang espada ng ating ninuno, si Una” kwento ni Julian. “Kalahati lang ito sa espada ng alamat, ang espadang ginamit ni Una at ni Lucille para talonin si Hilda” paliwanag ni Julian “magaling” sabi ni Lorenzo na tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Julian at natuwa siya.

Pinikit ni Lorenzo ang mga mata niya “nararamdaman kong lumalakas ang aura mo anak, pati narin ang espirtwal mong kapangyarihan” sabi ni Lorenzo sa kanya at binuka niya ang mga mata niya at seryoso itong tumingin kay Julian. “Ang tanong, kaya mo bang talonin ang kapangyarihan ko?” tanong ni Lorenzo sa kanya na bigla nalang nabalutan ng pulang aura ang buong katawan niya at yumanig ang lupang kinatatayoan nilang dalawa. “Hmp! Tingnan natin” sagot ni Julian na bigla me bumalot na asul na aura sa katawan niya at pareho silang naghanda para sa laban nilang dalawa. “Matagal ko ng pinangarap ito, anak” sabi ni Lorenzo na hinugot niya ang pangalawang espada sa likuran niya “ako din” sagot ni Julian na dalawang espada narin ang hawak niya.

“Humanda ka, JULIAN!” sigaw ni Lorenzo “ikaw din… LORENZO!” sigaw din ni Julian na sabay silang umabante at nung nag-abot sila sa gitna bigla nalang sumabog ang paligid nila nung nagtama ang mga espada nila. Naramdaman ito ni Marawi kaya natawa ito “hahaha… tingnan mo nga nagkita na pala ang mag-ama” sabi niya na pilit niyang gumalaw para makawala sa espada ni Benzon. “Hindi ka makakaalis sa espada ko, Bailan” sabi ni Benzon sa kanya “hahaha.. hindi mo ata ako kilala, iho!’ sabi ni Marawi sa kanya “kilala kita, Marawi ng Kuro, isa sa pinuno at magaling lumaban ng mga Bailan” sabi ni Benzon.

“Pero hindi mo din ata kami kilala kung sino kami sa mga sundalo ni Reyna Lucia” sabi ni Benzon na naging dragon ang apat niyang kasamahan at bumuga ito ng apoy sa ere. Nagulat ako sa nakita ko “manang, sino ho ba sila?” tanong ko kay manang Zoraida “sila ang magiting na mandirigma ni Reyna Lucia, ang limang dragon ng palasyo” paliwanag sa akin ni manang. “HAHAHAHAHAHA” tumawa lang si Marawi na parang natuwa pa ito sa sinabi ni manang “magaling ito.. saktong-sakto” sabi ni Marawi “bakit mo nasabi yan?” tanong ko sa kanya na bigla nalang me bumalot na pulang aura kay Marawi kaya napaatras si Benzon.

Bigla nalang umangat si Marawi at natanggal ang espada ni Benzon sa likuran niya at nakita naming nakatayo na ito at pinapapag niya ang mga dumi sa damit niya. “Hindi niyo naitatanong mga kaibigan ko” sabi ni Marawi sa amin “hindi ako ginawang pinuno ng Kuro dahil sa pagiging pogi ko” nakangiting sabi ni Marawi “ano?!” gulat na tanong ni Benzon sa kanya “hahahaha… ako ang pinakamagaling na mamamatay ng halimaw… alam niyo ba ano ang tawag nila sa akin?” tanong ni Marawi sa amin na nagkatinginan lang kami ni manang. “Ako ang taga sugpo ng mga dragon…” sabi ni Marawi na nakangiti itong hinugot ang pangalawang espada niya “OH SHIT…” napamura nalang ako “Isabella!” tawag sa akin ni manang.

“Tama ka iha” sabi ni Marawi sa akin na bigla nalang nagbago ang isa sa espada niya at naging latigo ito “BENZON! DRAGON SLAYER SIYA!” sigaw ko kay Benzon para ipaalam sa kanila pero huli na dahil bigla nalang nawala si Marawi at siya naman ang pagbagsak ng isa sa tauhan ni Benzon. Nakita naming bigla nalang sumulpot si Marawi sa ulo ng isa sa dragon na pilit nitong inalis ang Bailan pero di niya ito maalis dahil binalot ni Marawi ang latigo niya sa leeg nito at nakangiti pa itong hinampas ang leeg kaya naputol ito at siya ang pagbagsak nito sa lupa. “HAHAHAHAHAHA” natatawa lang si Marawi nung tumalon ito at dumapo malapit sa kinatatayoan ni Benzon.

Napapaligoan na ng dugo si Marawi na dinilaan pa niya ang espada niya at biglang naging itim ang aura niya at naging pula ang kulay ng mata niya “masarap ito, matagal na akong hindi nakapatay ng dragon, salamat kaibigan” sabi ni Marawi kay Benzon. Aabante sana kami ni manang para tumulong pero napaatras nalang kami nung naging dragon si Benzon at hinarang niya ang buntot niya para di kami makaabante. “Kami ang bahala sa kanya, Isabella, kailangan ni Julian ang espada mo, magmadali ka!” sabi ni Benzon sa akin “si Julian!” sabi ko “tutulongan na kita Benzon” sabi ni manang sa kanya.

“Hindi Zoraida, kami ang bahala sa kanya, dalhin mo si Isabella kay Julian, hindi sapat ang kapangyarihan niya para matalo si Lorenzo, kailangan niya ang espadang dala ni Isabella” paliwanag ni Benson. “Paano kayo?” tanong ni manang sa kanya “matagal na kaming handang mamatay noon pa sa pangalan ni Reyna Lucia, nakalimutan namin ito noon pero salamat sa kanya at pinaalala niya ito sa amin” nakangiting sabi ni Benson sa amin. “Magmadali kayo!” sabi niya na hinila ko paalis si manang na kita kong di ito kampanteng iwan sila Benson sa kamay ni Marawi na ngayon ay naghahanda naring umatake.

Samantalang nakarating narin sina Ingkong Romolo sa paanan ng gusali at nakita niya si Haring Helius na nakikipaglaban sa mga Bailan “HELIUS!” tawag ni Ingkong Romolo kasama ang Heneral niyang si Romualdo tinulongan nila si Haring Helius. “Kailangan nating mapasok ang gusali para mapigilan si Olivia” sabi ni Ingkong Romolo “mga kamahalan, kami na ang bahala dito” sabi ni Hen. Romualdo na dumating na din si Haring Narra kasama ang mga Bampirang tumulong sa kanya. “Narra!” tawag ni Ingkong Romolo sa kanya “nandito na si Julian” balita niya sa dalawa “nasaan siya?” tanong ni Haring Helius “kaharap niya ngayon si Lorenzo” sagot ni Haring Narra “kung ganun, wala na tayong ibang gagawin kundi pasokin ang gusali” sabi ni Ingkong Romolo sa kanila.

“Mga kamahalan, gaya ng sinabi ko kami na ang bahala dito sa labas, kayo na po ang bahala sa loob” sabi ni Hen. Romualdo sa kanila “tama po, kami na ang bahala dito” sabi naman ng Heneral ni Haring Helius na si Manibes. “Sasamahan namin kayo sa loob” sabi ng lider ng mga Bampira na me sumulpot na maraming Anino at lumabas sa Anino ang mga Bampira “nakahanap na kami ng daan para makapasok tayo sa loob” balita nito. “Kung ganun, kayo na ang bahala dito, Helius, Romolo tayo na!” sabi ni Haring Narra sa kanila na agad silang kumilos kasama ang mga Bampira at pumasok na sila sa loob ng gusali.

“Hernan!” tawag ni Elizabeth sa kanya “sige, tara na!” sagot ng Kapitan na sumunod sila sa tatlong Hari at pumasok din sila sa gusali “maging alerto kayo, di natin alam kung ano ang meron sa gusaling ito” babala ni Haring Narra sa kanila. “Kamahalan!” tawag ni Kap. Hernan sa Hari niya “Hernan, magbantay kayo ng mabuti” sabi ng Hari “opo, kamahalan!” sagot ni Kap. Hernan na tinutok nila ni Elizabeth ang mga armas nila sa taas habang naglakad sila papunta sa basement ng gusali at nung malapit na sila sa elevator bigla itong bumukas at lumabas mula nito ang grupo ni Don Enrico. “Pa… papa!” nagulat si Elizabeth nung makita siya “hmp! kasama niyo pala ang traydor kong anak” sabi ni Don Enrico sa kanila.

“Sabihin mo sa akin Elizabeth, nasaan ang traydor at suwail mong kapatid?” tanong ni Don Enrico sa kanya na lumabas sa likuran ng Don ang limang tao at naging malalaking aswang ito. “Elizabeth” sabi ni Haring Narra na napangiti ang dalaga “naiintindihan ko, kamahalan” sabi ni Elizabeth “kung ganun, tayo na!” sabi ni Ingkong Romolo na umabante sila at nakipaglaban sila sa mga aswang at hinayaan lang nila si Elizabeth na harapan ang ama niya. “Kap. Hernan, hayaan mo silang harapin ang problema nila, sumunod kana!” sabi ni Haring Helius sa kanya na nagdadalawang isip itong sumunod sa Hari niya.

“Hernan, ok lang ako dito” sabi ni Elizabeth sa kanya na hinawakan siya nito sa kamay at pinsil ito ni Kap. Hernan “sumunod ka!” sabi niya na nginitian siya ni Elizabeth at umalis na si Kap. Hernan. Agad natalo ng tatlong Hari ang mga aswang na di sila pinigilan ni Don Enrico dahil nakatuon ang atensyon nito kay Elizabeth, nung sumara na ang pinto ng elevator humarap agad si Don Enrico kay Elizabeth. “Traydor ka! Binigay ko sa’yo ang lahat, kayamanan, kotse, yung condong tinutulogan mo at ginawa mong pugad para sa pagpuputa mo!” sabi ni Don Enrico sa kanya. “Hindi na ako ang dating Elizabeth na nagpuputa para sa’yo, ama ko!” sagot ni Elizabeth sa kanya.

“Nabawi ko na ang buhay ko sa tulong ni Julian at ni ate Isabella” sabi ni Elizabeth sa kanya “nabawi? HAHAHAHA nagpapatawa ka anak” sabi ni Don Enrico na naglakad silang paikot sa isa’t-isa “tingin mo ba nababawi mo na ang buhay mo?” tanong ng Don sa kanya. “OO!” sagot ni Elizabeth “dahil nasa puder ka nila? dahil nawala ang dilim sa kaluluwa mo? nabawi mo na? HAHAHAHAHA” natatawang sabi ng Don sa kanya. Tiningnan ng masama ni Elizabeth ang ama niya at agad niyang tinutok ang armas niya “ipapakita ko sa’yo ang totoong kapangyarihan na binigay sa akin ng mahal na Reyna” sabi ng Don na bigla itong nagbago ng anyo.

Ang dating maputi nitong kutis naging itim ito at dumami ang balahibo sa katawan niya, napunit ang damit niya at tumangkad siya “ito.. ito…. HAHAHAHAHA…” natatawang sabi ng Don na nung tumigil na ito sa pagbabago ng anyo nakita ni Elizabeth ang totoong anyo ng ama niya. “Kaya pala” nakangiting sabi ni Elizabeth “kaya pala, ano?” tanong ng Don “kaya pala ganyan ka kung umasal dahil napakaitim ng budhi niyo!” sabi ni Elizabeth na sinigawan siya ng Don. “AAAAHHHHHH!” sabay abante nito at lumabas ang malalaking kuko niya na agad kinalabit ni Elizabeth ang gatilyo ng M16 niya at kahit tinamaan ang Don sa maraming balang lumabas sa armas niya di parin ito natinag at umabante parin ito kaya agad umilag si Elizabeth.

Gumulong siya sa sahig at kinalabit ang gatilyo ng grenade launcher niya na sinalo lang ng Don ang bala at binato ito pabalik sa kanya dahilan kaya napatalsik siya at tumama siya sa pader nung sumabog ito. Napahinto ako sa pagtakbo nung nakaramdam ako ng parang me kakaibang nangyayari sa loob ng gusali namin “bakit Isabella?” tanong sa akin ni manang “ang kapatid ko!” sabi ko na agad akong tumakbo papunta sa gusali namin “ISABELLA! ISABELLA! BUMALIK KA!” sigaw sa akin ni manang na di ko siya pinansin at binilisan ko ang pagtakbo ko papunta sa gusali namin. “Isabella!” tinawag ako ni Hen. Romualdo na di ko siya pinanasin at pumasok ako sa loob at napahinto nalang ako nung nakita ko si Elizabeth na dugoan ang katawan at mukha nito habang nakahawak sa leeg niya ang kamay ng isang aswang.

“A…a….te…” narinig ko galing kay Elizabeth na lumingon sa akin ang aswang at kita kong parang kakainin na niya ang kapatid ko “BITAWAN MO SIYA!!!” sigaw ko sa aswang na kita kong ngumiti ito. “Sa wakas, nagkita narin tayong tatlo” sabi nung aswang na doon ko lang napansin na papa ko pala ito “pa… papa?” sabi ko na inikot niya sa kamay niya si Elizabeth para mapaharap ko ito at kita kong natutuwa pa siya sa ginawa niya. “Tingnan mo Isabella, ang bangis ng kapangyarihan ko ang kapangyarihan na dapat sana ay sa’yo” sabi ni papa sa akin “walang… walang katumbas na kapangyarihan… kung… kung… ma… mawawala ang kapatid ko!” sabi ko sa kanya na tinaas ko ang espada ko at pumorma ako para atakihin siya.

“Oh? Aatakihin mo ako? Nakakalimutan mo na ata Isabella kung sino ako?” sabi niya sa akin “hinding-hindi ko po makakalimutan kung sino kayo sa akin” naluluha kong sabi sa kanya. Nakita kong bumuka ang mata ni Elizabeth at nakita kong gumalaw ang kamay niya at tinuro nito ang dibdib niya, dahan-dahang gumalaw uli ang kamay niya at tinuro ang dibdib ko at nugmiti siya. “Elli!” tawag ko sa kanya at tinaas na niya ang isa pa niyang kamay at pinagdikit niya ang mga palad niya, naalala ko tuloy nung maliit pa kami “tandaan mo ito ate, ako (turo niya sa dibdib niya) at ikaw (turo niya sa dibdib ko) ay iisa (sabay dikit niya ng mga palad niya)”.

“Ano ang ginagawa mo Elizabeth?” tanong ng papa namin na hinarap niya si Elizabeth sa kanya at nakita niyang magkadikit ang dalawang kamay ni Elizabeth “ano yan?” tanong ng Don na pinaghiwalay ng kapatid ko ang mga kamay niya at nanlaki nalang ang mata ng papa namin nung makita niya ang dalawang granadang hawak niya. “ATE!!!” sigaw ni Elizabeth sabay bitaw niya at nahulog ito sa sahig ang dalawang granada na wala na itong pin “PUT….” di natuloy ng ama namin ang sasabihin niya dahil sumabog ang dalawang granada sa paanan niya at sa isang saglit parang me nakita akong mga kamay na humila sa kapatid ko nung tumalon ako sa pader para di matamaan sa pagsabog ng granada.

Tumayo agad ako para tingnan kung ano na ang nangyari at nakita ko ang maraming laman ng isang tao sa buong paligid “ELIZABETH!!!” sigaw ko dahil hindi ko na sila nakita ni papa “a…te…” “ha?” nagulat nalang ako nung marinig ko ang boses niya. Mas lalo akong nagulat nung sumulpot silang dalawa ni Kap. Hernan sa likuran ko “sabi ko sa’yong sumunod ka ang tigas ng ulo mo, kaya sinundo kita dahil alam kong baliw ka” inis na sabi ni Kap. Hernan sa kanya. “He.. he..he… me… resulta.. naman… di ba?” natatawang sabi ng kapatid ko na agad ko silang nilapitan at nagulat nalang ako nung makita kong wala na siyang paa.

“Si.. sis… huhuhu….” naiyak ako sa sinapit ng kapatid ko, agad na nilapatan ng gamot ni Kap. Hernan ang dalawang naputol na paa ng kapatid ko para tumigil ito sa pagdugo “dadalhin ko siya sa labas para magamot siya kaagad” sabi ni Kap. Hernan sa akin. “Sige, huhu… sis” sabi ko “dap…lis.. lang ito.. a..te..” nanghihina niyang sabi na agad tumayo si Kap. Hernan at nagbukas siya ng portal at pumasok na sila. Nakita kong dahan-dahan naring bumuo ang katawan ng ama namin na tila di sapat ang granadang sumabog kanina “hindi kita hahayaang mabuhay, halimaw!” galit ko sabi sa kanya na agad akong tumakbo sa namumuo na niyang katawan at sinaksak ko ito gamit ang espada ko na bigla nalang naging tao si papa at bumalik ito sa anyo niya.

“Ah…I…sa…be…llaaahh..” sabi niya nung tumagos ang espada sa likuran niya at bigla itong lumiwanag na parang nilinis ng espada ang kaluluwa ni papa kaya naging totoong tao na siya “ah…pa… ah…” nauutal niyang sabi. “Ang espadang ito ay may kakaibang kapangyarihan” paliwanag ko sa kanya “nililinis ng espadang ito ang kaluluwang naligaw sa dilim” dagdag ko na biglang me lumabas na dugo sa gilid ng bibig ng papa ko. “Ah..ga… ganun ba?” tanong niya na ngumiti ito at nung hinugot ko ang espada bigla siyang napaluhod at nung tumingala siya sa akin “pa… patawarin.. niyo.. ako…” sabi niya. “Oo, pinatawad kita papa… pero… hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa kapatid ko” sabi ko sa kanya sabay hampas ko ng pakanan ang espada ko at napugot ang ulo niya at gumulong ito sa paanan ng hagdanan.

Bumagsak ang katawan niya sa sahig at nakita ko itong dahan-dahang naging abo “matatahimik na ang pamilya namin” sabi ko na bigla nalang yumanig ang gusali at nakita ko nalang na bumukas ang isang portal sa harapan ng elevator at lumabas ang tatlong Hari. “TUMAKBO KA ISABELLA!” isgaw ni Haring Narra sa akin na ninguso ako ni Ingkong Romolo nung naging Lobo ito at napasakay ako sa likuran niya at lumabas kaming apat at doon bumagsak ang gusali namin. Napatigil sa paglaban ang lahat at nagmamadali silang umalis para di matamaan ng mga malalaking sementong bumagsak mula sa pader ng gusali namin. “LUMAYO KAYO!” sigaw ni Haring Helius sa lahat kaya agad silang tumakbo palayo pero yung iba nadaganan ng mga semento mula sa gusali namin “TULONGAN NIYO SILA!” sigaw ni manang Zoraida.

“MGA ENGKANTO TULONGAN NATIN SILA!” sigaw ni Haring Helius na tinaas nila ang mga kamay nila at bumukas ang maraming portal malapit sa mga kasamahan namin at agad silang pumasok dito at nakaligtas sila sa mga nagbagsakang semento. “MGA ASWANG!” sigaw ko dahil nakita kong parating ang mga aswang para atakihin ang mga engkanto “AKO ANG BAHALA SA KANILA” sabi ni Haring Narra na pinagdikit niya ang mga palad niya at yumanig bigla ang lupa. “AYAN NA SILA!” sabi ni manang Zoraida ng biglang me lumabas na malalaking halaman mula sa lupa at nakita nalang namin na kinain ng mga ito ang mga umaataking aswang.

“A…ano yan?” gulat kong tanong “venus fly trap!” sabi ni manang “ano?” tanong ko “cannibal yan Isabella kaya lumayo ka baka ka makain niyan” sabi niya “wag kayong mag-alala hindi nila kayo gagalawin” sabi ni Haring Narra sa amin “salamat, Narra” sabi ni Haring Helius “walang anuman yun, Helius” sagot ni Haring Narra. Samantala, napaatras si Julian nung tinulak siya ni Lorenzo na agad naman umabante ang ama niya para atakihin siya, gumuong si Julian sa kaliwa kaya nailagan niya ang ataki nito. “Magaling!” sabi ni Lorenzo sa kanya na agad bumangon si Julian at pumurma siya “sino ba ang nagturo sa’yo?” tanong ni Lorenzo sa kanya.

“Si Hen. Guillermo” sagot ni Julian “hahahaha…” natawa si Lorenzo “bakit?” tanong ni Julian “hmm.. si Guille pala nagturo sa’yo” sagot ni Lorenzo “alam mo ba na ako ang nagturo sa kanya mula pagkabata niya, pati narin si Morietta?” sabi ni Lorenzo. “:Lahat nang alam ni Guillermo sa pakikipaglaban pati narin ang stratehiya niya pagdating sa digmaan sa akin niya lahat nanggaling yun” kwento ni Lorenzo sa kanya. Umatras si Julian nung nakita niyang humarap sa kanya si Lorenzo “natatakot ka ba sa akin, anak?” tanong niya “hindi!” sagot ni Julian “kung ganun, umabante ka!” utos niya sa anak niya na biglang tumakbo si Julian palayo sa kanya “haayy.. JULIAN! HINDI KA MAKAKATAKAS SA AKIN!” sigaw ni Lorenzo at hinabol niya ito.

Huminto si Julian “tama ito” sabi niya at hinintay niyang dumating si Lorenzo, dumating ang ama niya at napangiti itong nakatingin sa kanya “sabi ko sa’yo hindi ka makakatakas sa akin” sabi nito sa kanya. “Magaling sa labanan si Lorenzo, mabilis itong kumilos, kung malawak ang lugar na paglalabanan niyo tiyak malalagay ka talaga sa alanganin” sabi sa kanya ni Makisig “ano po ang gagawin ko?” tanong ni Julian “dalhin mo siya sa lugar kung saan limitado ang galaw niya, doon mo siya kalabnin” payo sa kanya ni Makisig at heto ngayon silang dalawa nasa maliit na eskinita. “MAGHANDA KA!” sigaw ni Lorenzo at umabante siya papunta kay Julian na agad namang umabante si Julian at nagbato siya ng dalawang patalim na mabilis itong hinampas ni Lorenzo.

Nag-abot silang dalawa sa gitna at nag-espadahan sila, yumuko si Julian nung hinampas pakaliwa ni Lorenzo ang espada niya kaya nailagan niya ito at mabilis ding tumalon si Lorenzo nung hinampas siya ni Julian. Gumulong si Julian palayo sa ama niya at mabilis niyang hinugot ang tatlong maliit na patalim at binato niya ito kay Lorenzo na tumama ang ama niya sa pader nung pilit nitong ilagan ang mga binato niya. Nakakuha ng tyempo si Julian kaya sumugod siya at nasaksak niya si Lorenzo sa dibdib “AH..” napanganga si Lorenzo at napahawak siya sa balikat ni Julian “hah..hah..hah…” hinihingal si Julian at tinulak pa niya ang espada niya pabaon sa dibdib ng ama niya.

“He..heh..hehehe…” natawa lang si Lorenzo “bakit?” tanong ni Julian “….na…natutuwa akong… na..nakita kitang lumaki ng ganito..a…anak…” sabi ni Lorenzo sa kanya “……” hindi nakapagsalita si Julian sa sinabi ng ama niya. “Pe… pero…” sabi ni Lorenzo na nagulat nalang si Julian nung biglang lumabas ang itim na aura mula sa katawan ng ama niya “HINDI PA ITO ANG KATAPUSAN!” sigaw ni Lorenzo na bigla nalang napalipad si Julian nung lumabas ang maraming itim na aura sa katawan ng ama niya at nawasak ang eskinitang kinatatayoan nilang dalawa. Napatabon sa mukha si Julian dahil sa maraming alikabok at batong tumatama sa kanya at nung tiningnan niya ang ama niya nakita niyang nawala na ang eskinita at nakita din niyang hinugot ni Lorenzo ang espadang nakasaksak sa dibdib niya.

Napalingon si Marawi sa direksyon ni Lorenzo pinikit niya ang mata niya at napangiti ito “aahh.. Lorenzo… sa wakas….” sabi niya at tumingin siya kay Benson at nginitian niya ito. “Haaa..haaa…” lang si Julian at tumayo agad siya at naghanda sa mangyayari, nakita niya si Lorenzo na nababalutan na ito ng itim na aura pati ang espada nito. “Maghanda ka Julian!” sabi ni Lorenzo na bigla itong nawala sa paningin ni Julian “HA!” nagulat si Julian at agad siyang umatras palayo pero di paman siya nakalayo biglang sumulpot si Lorenzo sa likuran niya na agad siyang humarap at saktong nasalo ng isa pa niyang espada ang espada ni Lorenzo dahilan napatapon siya nung nagtama ang espada nilang dalawa sa lakas ng ama niya.

Mabilis na nawala uli si Lorenzo at sumulpot ito sa harap ni Julian na agad tinaas ng huli ang espada niya para dumepensa pero huli na siya dahil natadyakan na siya ni Lorenzo at lumipad siya sa lakas nito. Lumusot sa pader si Julian at sumuka siya ng dugo nung tumama ang likod niya sa kabilang pader “..haa…haa….” napaluhod siya at tinaas niya ang ulo niya na nakita niyang lumusot sa butas ng pader si Lorenzo at kita niyang papalapit na sa kanya ito. “Tumayo ka!” sabi ni Lorenzo sa kanya “tumayo ka, Julian!” sabi ni Lorenzo sa kanya na pilit niyang tumayo at nung nakatayo na siya bigla nalang sumulpot si Lorenzo sa harapan niya at tinadyakan uli siya na napalusot siya sa pader at gumulong sa daan.

“Hanggang dito nalang ba ang lakas mo, Julian?” tanong ni Lorenzo sa kanya na naglakad ito papunta sa kanya, tumayo si Julian at muling sumulpot si Lorenzo sa harapan niya pero nahawakan ni Julian ang paa niya nung tumadyak siya. “HA!” nagulat si Lorenzo at nakita niyang ngumiti si Julian na binuhat siya nito pataas at binagsak siya sa lupa na napanganga si Lorenzo nung bumagsak ito “hindi pa ako tapos, ama!” sabi ni Julian na hinila niya si Lorenzo at hinampas niya ito sa pader na nasira ito at binalibag ni Julian si Lorenzo papunta sa isang pader. “AHK!” napasigaw nalang si Lorenzo nung tumama siya sa pader na agad sumulpot sa harapan niya si Julian at tinadyakan siya nito sa dibdib dahilan kaya nasira ang pader sa likod niya at napasok siya sa loob.

“Incendiu explozie uimitoare (amazing fire explosion)” narinig ito ni Julian kaya agad siyang lumayo dahil me lumabas na malaking apoy mula sa butas na nilusotan ni Lorenzo kanina. Lumabas si Lorenzo at nakita niya si Julian kaya binugahan niya ito ng apoy na mabilis umilag ang binata pero di niya napansin ang pagsulpot ni Lorenzo sa kaliwa niya kaya nasuntok siya nito sa mukha at napabagsak siya sa lupa. Nakatayo sa gilid niya si Lorenzo na naghahanda narin itong bumuga ng apoy kaya tinadyakan ni Julian ang paa ng ama niya na nawala ito sa balanse at patumba ito sa ibabaw niya na agad niyang tinadyakan ang tiyan kaya napalipad paitaas si Lorenzo.

Bago paman nakalayo si Lorenzo bumuga na ito ng apoy pero nailagan ito ni Julian nung gumulong siya pakaliwa at agad siyang lumuhod at nagbato ng tatlong maliit na patalim papunta sa ama niya. Biglang nawala si Lorenzo kaya naghanda si Julian dahil hindi na niya ito maramdaman kung nasaan ito, lumingon siya sa kaliwa, sa kanan pero hindi niya ito mahanap “LORENZO!” tawag ni Julian na bigla nalang me liwanag mula sa kaliwa niya. “HAAA!!” napasigaw siya at umilag sa malaking apoy na dumaan sa kanya at doon sumulpot si Lorenzo at sinuntok siya nito sa mukha na akala ng ama niya natamaan niya ito pero nakita niyang nasalo ni Julian ang kamao niya.

Siya tuloy ang nasuntok ni Julian pero di niya binitawan ang kamao ni Lorenzo at tuloy lang siya sa pagsuntok sa ama niya na umiilag ito sa bawat suntok niya. Nabitawan lang ni Julian ang kamao ni Lorenzo nung napansin niya ang bibig nito na alam niya ang lalabas nito at lumayo siya at doon sumunod sa kanya ang apoy na binuga ni Lorenzo. “DI MO AKO MATATAMAAN!” sabi ni Julian na umiilag siya sa mga apoy na binubuga ni Lorenzo sa kanya. “ITO BA ANG KAYA MONG GAWIN, AMA?!” tanong ni Julian sa kanya “ANG BUMUBUGA LANG NG APOY PARA DI KA TAMAAN NG KALABAN MO?” tanong ni Julian sa kanya na parang hinahamon niya ito.

“MALI PALA ANG MGA KINUKWENTO NI HEN. GUILLERMO TUNGKOL SA’YO! ISA KA DAW MAGALING NA MANDIRIGMA PERO SA NAKIKITA KO” sabi ni Julian na umiilag ito sa mga apoy ni Lorenzo. “DUWAG KA PALA!” sabi ni Julian na bigla nalang sumulpot sa harapan niya si Lorenzo at nahawakan siya nito sa balikat at binato siya sa lupa “AAAHHH..” napasigaw si Julian at bumagsak siya na mabilis siyang bumangon pero bago paman siya nakatayo sumulpot sa harapan niya si Lorenzo at binugahan siya ng apoy nito. “AAAHHHHH.” napasigaw si Julian sa init at tinadyakan pa siya ni Lorenzo kaya napagulong siya at napahiga sa lupa.

“Mali ka anak, tama ang kinukwento ni Guillermo sa’yo” sabi ni Lorenzo na tinaas niya ang kamay niya at lumipad sa kamay niya ang espada niya “naging mabuti ako sa’yo dahil anak kita” sabi ni Lorenzo na naglakad ito palapit sa kanya. “Pero kung gusto mo talagang makita kung paano ako lumaban….” sabi ni Lorenzo na nanlaki nalang ang mata ni Julian nung makita niya ang pagbabago ni Lorenzo. Agad siyang bumangon at lumayo sa ama niya dahil nakita niyang mas lalong tumindi ang itim na aura nito “MAGHANDA KA, JULIAN!” sigaw ni Lorenzo sa kanya na mabilis itong umabante kaya tinaas ni Julian ang kamay niya at lumipad sa kamay niya ang espada niya at saktong nasalo nito ang espada ni Lorenzo.

Tinulak siya ng ama niya pero napigilan niya ito kaya nagtulakan silang dalawa at kita niyang bumalot sa kamay niya ang itim na aurang lumabas sa katawan ni Lorenzo na para bang hinihigop nito ang lakas niya. “AHH!” napasigaw si Julian kaya naitulak siya palayo ni Lorenzo na agad namang tinaas nito ang isa pa niyang kamay at lumipad papunta nito ang isa pang espada at sabay niyang hinampas ang espada niya na nagdulot ito ng malakas ng enerhiya papunta kay Julian. “AAAHHHH’ napasigaw si Julian nung tinamaan siya nito at nakita niyang nag crack ang espadang hawak niya “ang apoy ni Lucia ang binuga ko sa’yo kanina” sabi ni Lorenzo na ngayon ay halos itim na ang buong katawan niya na bigla siyang bumuga ng itim na apoy na mabilis inilagan ni Julian.

Hinampas ni Lorenzo ang espadang nasa kaliwa niya na naglabas ito ng enerhiya papunta kay Julian at nung tinamaan siya nito napalipad siya papunta sa kabilang gusali at lumusot siya nito. Naglakad lang si Lorenzo papunta kay Julian na hinampas nito ang espada niya at nahati nito ang tatlong palapag na gusali at nung nahiwa ito nakita niyang nakahiga sa loob si Julian at pilit nitong bumangon. Tumalon papaunta kay Julian si Lorenzo na mabilis gumulong ang binata para di siya nito maapakan at bumangon siya at inatake ang ama niya na nasalo nito ang espada niya at kita niyang nakangiti lang ito. “Mahina!” sabi ni Lorenzo na tinulak siya nito at napaatras siya at aktong hahampasin na sana niya ang ama niya bigla nalang itong nawala sa harapan niya at siya ang natamaan nito nung sumulpot ito sa likuran niya.

Tumakbo si Julian palayo sa ama niya at napaluhod siya dahil sa sakit ng hiwa niya sa likod, lumingon siya sa likuran niya at nakita niyang naglalakad lang si Lorenzo papunta sa kanya. “Hindi mo ako matatakasan Julian” sabi ni Lorenzo sa kanya na alam niyang malapit ng maubos ang lakas niya “tama nga sila… iba ka nga ama” sabi ni Julian sa sarili niya na naluluha na siyang nakaluhod. “Pa… patawarin niyo ako… sobrang lakas niya..” sabi niya sa sarili niya na naramdaman na niyang nasa tabi na niya si Lorenzo. “Hindi sapat ang esnsayo mo anak” sabi ni Lorenzo sa kanya na tinaas ang ulo ni Julian gamit ang espada nito at pinatingin niya ito sa kanya. “Nasaan ang liwang mo?” tanong ni Lorenzo sa kanya na nakatingin lang si Julian sa kanya habang nakaluhod siya sa lupa “nasaan ang liwang mo…. Lucia….” sabi ni Lorenzo na nagulat si Julian sa sinabi ng ama niya.

Tinaas ni Lorenzo ang espada niya nung niyuko ni Julian ang ulo niya “patawad anak” sabi ni Lorenzo at malakas niya itong hinampas para putolin ang ulo ni Julian ng biglang sinalo ito ng kamay ng binata kaya nagulat si Lorenzo. “Nu atat de repede general! (Not so fast General)” narinig ni Lorenzo galing kay Julian at bigla nalang bumalot ang malaking apoy sa katawan ni Julian kaya mabilis umatras si Lorenzo at nakita niyang lumutang si Julian at tumayo ito. Natunaw ng apoy ang espada ni Lorenzo at tumingin si Julian sa kanya na kita niyang nakangiti itong nakatingin sa kanya “si… sino ka?” tanong ni Lorenzo sa kanya. “Ai uitat cine sint eu, generale? (Nakalimutan mo na ba ako, Heneral?)” tanong nito kay Lorenzo na nabosesan niya ito “Gi..Guillermo?” gulat na tanong ni Lorenzo.

“Akala ko nakalimutan mo na ako, Hen. Enzo” sabi nito kay Lorenzo “heh, ikaw pala Guille” sagot ni Lorenzo “hehehe.. oh.. ah…” nagulat nalang si Lorenzo dahil parang nangisay si Julian at umayos uli ito. “HENERAL!” sigaw nito na nagbago ang boses nito “huh?” takang tanong ni Lorenzo “BAKIT MO SASAKTAN ANG MAHAL KO HA!?” sigaw nito kay Lorenzo “Mo… Morietta?” gulat na tanong ni Lorenzo “KAHIT IKAW PA SI HEN. ENZO KUNG GAGAWIN MO YUN KAY JULIAN MAKAKATIKIM KA SA AKIN” sigaw nito kay Lorenzo na bigla nalang itong gumalaw paabante sa kanya. “Fulger negru (black lightning)” umatake si Morietta gamit ang katawan ni Julian na mabilis namang umilag si Lorenzo “di pa ako tapos!” sabi ni Morietta na sinuntok ang kamay nito sa lupa at me mga itim na kuryenteng lumabas sa kinatatayoan ni Lorenzo at tinamaan siya nito.

“Tornado suflati (tornado blast)” sabi ng isang tinig galing kay Julian na me lumabas na malakas na hangin mula sa kanang palad ni Julian at napalipad nito si Lorenzo nung tinamaan siya. “Salim, wag kang makialam!” sabi ng tinig ni Morietta “pasensya na Kapitan, nakakuha kasi ako ng tyempo para umatake” sabi din ng tinig mula kay Julian. “Mag si tigil kayo!” sigaw ni Hen. Guillermo na natahimik ang dalawa at umayos si Julian na ngayon ay si Hen. Guillermo na ang umuukopa sa katawan niya. Nakita nilang tumayo na si Lorenzo at napatingin ito sa kanila, sa loob ni Julian nakapalibot sa kanya ang ngayon gising nang mga kaluluwa ng Bampira.

“Ma… mga kasama…” sabi ni Julian “kumusta kana, Julian?” tanong ni Hen. Guillermo sa kanya “He…. Heneral..” naluhang sabi ni Julian dahil sa tuwa “nandito kami Julian para tulongan ka” sabi ng isang Bampira sa likod ni Hen. Guillermo. Biglang niyakap ni Morietta si Julian na halos mabali ang likod niya sa sobrang higpit nito “MORIETTA!” nasigawan tuloy siya ni Hen. Guillermo “hehehe patawad, na ngungulila lang kasi ako sa’yo Julian” sabi ni Kap. Morietta. “Mamaya na yan” narinig nila mula sa likod ni Julian na napahinto nalang si Julian at dahan-dahan siyang lumingon sa likod niya at tumulo nalang ang luha niya nung makita ang nakangiting Reyna na nakatingin sa kanya. “Ka…kamahalan…” sabi ni Julian na agad siyang tumakbo at niyakap si Reyna Lucia.

“Hmmm…. patawarin mo ako Julian..” sabi ni Reyna Lucia sa kanya “huhu.. hindi po… wala po kayong dapat ihingi ng tawad.. ” sabi ni Julian sa kanya “kamahalan, Julian, mamaya na tayo mag-usap” sabi ni Hen. Guillermo sa kanila. “Alam ko Guillermo” sagot ni Reyna Lucia na tiningnan niya si Julian “naiintinidihan ko po, mahal na Reyna” sabi ni Julian sa kanya “nagbago na si Lorenzo, hindi na siya ang dating Lorenzo’ng kilala natin” sabi ni Reyna Lucia sa kanila. “Opo kamahalan, nararamdaman din namin ito” sabi ni Hen. Guillermo. Tumingin silang lahat sa taas at nakita nilang naglakad na palapit kay Julian si Lorenzo at kita nilang nakangiti ito.

“Alam mo na ang gagawin niyo” sabi ni Reyna Lucia sa kanila “Julian” tawag ni Hen. Guillermo “po?” “tutulongan ka namin” sabi nito na naghanda ang lahat ng mga Bampira sa likod nito. Sinuntok ni Kap. Morietta ang palad niya at sabing “matagal naring di ko nakalaban si Hen. Enzo, ipakita natin sa kanya ang bagong kapangyarihang nakamit natin” sabi nito “HAH!” sigaw nilang lahat. “Paano po natin ito magagawa?” tanong ni Julian “hehehe.. nagawa na natin kanina pa Julian” sabi ni Reyna Lucia. Humawak sa kanang balikat ni Julian si Hen. Guillermo at naramdaman niya ang kapangyarihan nito at humawak din sa kaliwang balikat niya si Ambrosio na naramdaman din niya ang kapangyarihan nito “sa ganitong paraan ka namin matutulongan Julian” sabi ni Ambrosio sa kanya.

“Tila… nagising ko ata ang mga taong natutulog sa loob mo, anak” sabi ni Lorenzo kay Julian na biglang nawala ang apoy na bumalot sa katawan ni Julian at tiningnan niya ang mga palad niya. “Ngayon kung handa kana…” sabi ni Lorenzo na bigla itong nawala at sumulpot ito sa kanan niya at sumuntok ito na sinalo ito ni Julian at tiningnan niya si Lorenzo at nginitian niya “Guillermo” sabi ni Julian sabay hila niya kay Lorenzo at binagsak niya ito sa lupa at sinuntok niya ito sa mukha na bumaon pa ito sa lupa nung tinamaan niya ito. Biglang nawala uli si Lorenzo at nakita niya itong nagpapahid ng dugo sa mukha habang hinihingal itong nakatingin sa kanya.

“Hah..hah..hah… hehehe… nakalimutan kong malakas ka pala, Guillermo” sabi ni Lorenzo “hehehe tama, Heneral” sabi ni Guillermo na ngayon ay gumamit sa katawan ni Julian “tingnan natin kung maiilagan mo ba ito” sabi ni Lorenzo sabay abante nito. “Abante, Heneral” hamon ni Hen. Guillermo at umabante din siya at nung nagkaharap na sila sa gitna nagsuntokan silang dalawa, mabilis umilag si Lorenzo sa mga suntok ni Hen. Guillermo at akala niya advantage na niya ito. “Mahina ka parin Guille hanggang ngayon” sabi ni Lorenzo nung sinuntok niya si Hen. Guillermo sa tyan at napayuko ito at balak niya sanang hampasin ng magkasamang kamao niya ng biglang nakailag ito nung binaba niya ang mga kamao niya at nasuntok siya ni Hen. Guillermo na napalipad siya sa malayo.

Nakita nilang lumusot sa isang pader si Lorenzo “hindi pa tayo tapos” sabi ni Hen. Guillermo “ama..” sabi ni Julian na nanonood sa loob “patawarin mo kami, Julian” sabi ni Reyna Lucia sa kanya. “Gaya ng sinabi ko mahal na Reyna, wala kayong dapat ikahingi ng tawad” sabi ni Julian sa kanya na napangiti sa kanya ang Reyna “maghanda kayo” sabi ni Hen. Guillermo dahil lumabas sa butas si Lorenzo. “HAHAHAHA ITO ANG GUSTO KO SA INYO!” sigaw ni Lorenzo “AKALA KO NAKALIMUTAN NIYO NA ANG TINURO KO SA INYO, MAGALING AT PINAGSAMA NIYO ANG LAKAS NIYO GUILLERMO, AMBROSIO” sabi ni Lorenzo. Tumayo ng maayos si Lorenzo at tinaas nito ang isang kamay niya “mahal na Reyna!” sabi ni Mauricio isa sa Kapitan ni Lorenzo noon.

“MAGHANDA KAYO!” sigaw ni Reyna Lucia sa lahat “pati na ikaw Julian” dagdag niya “bakit po kamahalan? ano po ang gagawin ng ama ko?” tanong ni Julian sa kanya “hindi maganda ito, kung gagamitin niya ang armas na yun ibig sabihin nito… ” sabi ni Hen. Guillermo. “Hindi magiging madali ang labanang ito” dugtong ni Kap. Morietta “ano ba ang pinagsasabi niyo?” tanong ni Julian sa kanya “Julian, bawat pinuno ng mga Bailan ay may sariling sandata” paliwanag ni Reyna Lucia “at ang sandatang yun ay simbolo ng kanilang kapangyarihan” dagdag niya. “Espada ng Liwanag?” tanong ni Julian “pero paano niya makukuha ito? nasa Isla na ng Kuro ang espada niya ako pa mismo ang nagdala nito dun” sabi ni Julian.

“Ang espadang yun at si Lorenzo, Julian ay iisa” sabi ni Hen. Guillermo na nakita ni Julian na nakapila na sa likod nina Hen. Guillermo at Kap. Morietta ang lahat ng mga Bampira. “Ibig sabihin nito…. ” sabi ni Julian sabay tingin niya sa ama niya. “PUMARITO KA!” sigaw ni Lorenzo “LAM-AAAAANNNGGGG” sigaw niya na napatayo si Makisig nung marinig niya ito at nanlaki ang mata niya nung gumalaw ang espada ni Lorenzo. “HINDI! PINAG-UUTOS KONG MANATILI KA DITO SA ISLA… LAM-ANG!” sigaw ni Makisig sa espada ni Lorenzo habang tumatakbo siya para pigilan ito pero huli na siya nung lumipad ito at nawala ito sa dilim ng gabi. Napaluhod nalang si Makisig sa lupa at nanlumo sa pangyayari “UNAAAAAAAAA!!!!!!” sigaw niya.

Biglang kumulog at kumidlat ang kalangitan, bumuka ang itim na ulap at doon dumaan na parang bulalakaw ang espada ni Lorenzo “LAM-AAAAAAANNNGGGGGG!” sigaw niya nung dumapo ito sa kamay niya at biglang nabalutan ng kidlat si Lorenzo. Napatigil si Marawi sa kakasuntok niya kay Benson at napalingon sa direksyon ni Lorenzo “walang hiya… hindi maganda ito” sabi niya na binitawan niya si Benson at bugbog sarado ang mukha nitong bumagsak sa lupa. “hmmm…. dumating ka pala sa puntong…” sabi ni Marawi na tinignan niya si Benson at napailing lang siya “mahina ang mga taong umaaligid sa’yo noon, kaibigan” sabi ni Marawi at nakita niya ang pagbagsak ng gusali at ang tatlong Hari sa malayo. Napangiti siya “kung ayaw mong harapin ko ang anak mo pwes sila ang haharapin ko” sabay takbo ni Marawi papunta sa kanila.

Nakita nilang lumalakas muli si Lorenzo at biglang naghilom ang lahat ng sugat na binigay nila sa kanya “Lam-ang…” sabi ni Lorenzo habang tinitingnan niya ang espada niya “AMA!” sigaw ni Julian na tumingin sa kanya si Lorenzo. “Ipapakita ko sa’yo anak ang totoo kong kapangyarihan” sabi ni Lorenzo na bigla itong tumakbo papunta sa kanya “Julian” sabi ni Reyna Lucia “po, kamahalan?” tanong niya “hayaan mo kaming humarap sa kanya” sabi ni Reyna Lucia. “Pero, ama ko siya” sabi ni Julian “alam ko, pero sa sitwasyong ito kalaban natin siya” paliwanag ng Reyna, humawak sa kanang balikat ni Julian si Hen. Guillermo at nakita niyang nakapatong narin ang mga kamay ng mga Bampira sa balikat na nasa likod niya. Sa kaliwa naman si Kap. Morietta at ganun din ang ginawa ng mga Bampira’ng nasa likuran niya habang tumayo naman sa harapan niya si Reyna Lucia.

“Pagsasamahin namin ang lahat ng kapangyarihan namin Julian” paliwanag ni Reyna Lucia “hayaan mo kaming tulongan ka sa laban mong ito, bata” sabi ni Hen. Guillermo “pagkatapos nito, labas tayo ha?” nakangiting sabi ni Kap. Morietta na natawa ang lahat sa kanya. Napatingin si Julian sa kanilang lahat at napangiti siya “salamat sa inyo…” sabi ni Julian at nginitian siya ng lahat “ngayon, ipakita natin ang bagsik ng lakas natin” sabi ni Julian sa kanila “HAH!” sigaw ng lahat. Sa labas, tumayo ng maayos si Julian at pinikit niya ang mga mata niya “humanda kayo” sabi niya na lumiwanag ang buong kaluluwa ng mga Bampira sa loob niya at pati narin ang katawan niya sa labas lumiwanag narin. Napahinto sa pag-abante si Lorenzo at nakita niyang lumiwanag ang katawan ni Julian “…….” di siya nakapagsalita.

Binuka ni Julian ang mata niya at nagbitaw siya ng malakas na enerhiya na napatabon sa mukha si Lorenzo nung dumaan ang malakas na hangin sa kanya “aah..haaaa….” lang si Lorenzo at nung nawala na nakita niya ang pagbabago ni Julian. Nawala na ang mga sugat sa katawan niya at lumabas ang puting aura sa katawan niya “anak, natutuwa ako sa nakamit mo ngayon” sabi ni Lorenzo sa kanya “nakuha mo ang respeto at tiwala nila” dagdag niya. “Salamat ama, kung hindi dahil sa’yo hindi ko ito makuha” sagot ni Julian na sampung talampakan nalang ang layo nila sa isa’t-isa “kung nandito palang sana ang nanay mo tiyak kong matutuwa din yun, pero..” sabi ni Lorenzo “pero?” tanong ni Julian na ngumiti si Lorenzo at bigla nalang me naramdaman si Julian sa likuran niya kaya umilag siya at dumaan sa gilid niya ang bala ng pana at tumama ito malapit sa paanan ni Lorenzo.

Nagulat si Julian at nanlaki ang mata niya nung me dumapo sa tabi ng ama niya na nakamaskara ito at nakahood “si… sino siya?” tanong ni Julian sa ama niya na nilingon ito ni Lorenzo at pinatong ng bagong panauhin ang kanang kamay niya sa balikat ni Lorenzo. “Siya lang naman ang kapuwang ko sa mundo” sabi ni Lorenzo na napaatras sa gulat si Julian at nanlaki ang mata niya nung inalis nito ang hood sa ulo niya at tinanggal ang maskara.

“I..imposible… sa.. sabi mo… ” nauutal na sabi ni Julian na napatingiin sa kanya si Lorenzo at ngumiti ito “nung binuhay muli ako ni Olivia alam niyang me kulang sa akin, hindi ang espadang ito” tumingin si Lorenzo sa espada niya “kundi ang kalahati ng lakas ko bilang pinuno ng Kuro” patuloy niya “ako ang kalahating yun, anak… ma.. matagal ko ng gustong… lapitan ka…” sabi nung nasa tabi ni Lorenzo “…. patawarin mo kami… kami ng ama mo… Julian..” sabi ni Lala “inay…” naluluhang sabi ni Julian.

Chapter XXVI: DUO!

Di makapaniwala si Julian na nasa harapan niya ang nanay niya “… anak….” tawag ni Lala sa kanya na pinigilan siya ni Lorenzo nung humakbang ito para lapitan si Julian “tandaan mo ang sitwasyon natin, Lala” paalala ni Lorenzo sa kanya. “Pero Lorenzo si Julian ito… anak natin siya…” naluluhang sabi ni Lala “alam ko, iba na ang sitwasyon natin ngayon kesa noon” sabi ni Lorenzo sa kanya na tinaas ni Lorenzo ang espada niya at tinutok niya ito kay Julian. “Kalaban na natin siya ngayon…” sabi ni Lorenzo na nilingon niya si Lala “mahal… patawad..” sabi ni Lorenzo at biglang nawala sa tabi ni Lala si Lorenzo “LORENZO!” tawag ni Lala sa kanya nung nakita niya itong sumulpot malapit lang kay Julian at naglaban ang mag ama.

Napaluhod si Lala sa lupa at humagulgol ito ng iyak “HAAAAA” sumigaw si Lorenzo nung umatake siya kay Julian bagay na sinalubong din ng sigaw ni Julian kasama ang espada niya “isa lang ang dapat mong tandaan kay Hen. Enzo, Julian” sabi ni Hen. Guillermo. “Ano yun Heneral?” tanong ni Julian habang dinedepensahan niya ang sarili niya “mabilis si Hen. Enzo lalo na sa ganitong malawak na lugar, kung mapigilan mo ang galaw niya tiyak kong matatalo mo siya” payo ni Hen. Guillermo kay Julian. “Wag mong isantabi ang lakas at kapangyarihan niya, Julian” paalala ni Reyna Lucia sa kanya “opo, kamahalan” sagot ni Julian na umatras siya palayo kay Lorenzo at binaba niya ang palad niya sa lupa .

Alam agad ni Lorenzo kung ano ang gagawin ni Julian kaya tumalon siya at lumabas mula sa lupa ang maraming putik na bumalot sa paa ni Lorenzo “LALA!” tawag ni Lorenzo sa asawa niya na narinig nalang ni Julian ang nagliparang bala ng pana na papunta sa kanya. Agad na tinaas ni Julian ang kanang kamay niya at lumabas ang maraming bato na humarang sa mga bala ng panang tinara ni Lala sa kanya. “Alineo, Lazaro” sabi ni Lorenzo na hinampas niya ang putik na bumalot sa mga paa niya at nakawala siya nito at dumapo siya sa tabi ni Lala na ngayon ay nakaluhod na sa lupa at naghanda na para panain si Julian.

“Lala, paalala ko sa’yo ang sitwasyon natin..” “alam ko, wag mo akong pagsabihan!” inis na sabi ni Lala sa kanya na tumayo si Lala at naghanda ito “… mahal kong anak…” sabi ni Lala na pinahiran ni Lorenzo ang luha niya. “Tahan na mahal” sabi ni Lorenzo na lumingon sa kanya si Lala “…handa na ako, mahal ko…” sabi ni Lala na biglang nagulat si Kap. Morietta nung nakita niya ang pagbabago sa kulay ng mata ni Lala. “JULIAN MAGHANDA KA!” sigaw ni Kap. Morietta “HA?! bakit?” tanong agad ni Julian “nagbago ang kulay ng mata ni Ginang Lala… ” sabi ni Kap. Morietta “ano ngayon kung nag bago?” tanong ni Hen. Guillermo “gusto kong malaman mo Julian.. ang nanay mo… dalubhasa siya sa pagpana…” kwento ni Kap. Morietta.

“Tapos?” tanong ni Julian “hindi lang yun.. kilala siya sa pagiging magaling na mangangaso sa gubat.. at wala siyang iniiwang buhay na kalaban pagdating sa digmaan” kwento ni Kap. Morietta “magaling ang nanay ko kung ganun?” tanong ni Julian. “Oo, pero hindi lang yun” sabi ni Kap. Moretta na nagulat nalang si Julian nung nakita niyang humakbang ang nanay niya sa kanan at biglang nawala ito sa paningin niya. “Ta… tama ba ang nakikita ko?” gulat na tanong ni Julian “yun na yun.. ilusyon ang kapangyarihan niya Julian” sabi ni Kap. Morietta sa kanya “walang ni isa sa kalaban niya ang makakatalo sa kanya dahil sa ilusyon niya” sabi ni Kap. Morietta na bigla nalang me lumipad na bala ng pana papunta kay Julian na agad na humarang ang malaking bato sa likod niya. “Nasa likod siya!” sabi ni Hen. Guillermo “Julian, umalis ka sa kinatatayoan mo.. DALI!” sigaw ni Kap. Morietta sa kanya na agad kumilos si Julian.

Tumakbo si Julian sa kanan na sinalubong naman siya ni Lorenzo at nag-abot ang mga espada nila at nagtulakan silang dalawa “nakikita mo ba ang nanay mo, anak?” tanong ni Lorenzo sa kanya na pilit siya nitong tinutulak. “Sa kanan mo!” sigaw ng isang Bampira na nasa likod ni Hen. Guillermo na agad umilag si Julian at dumaan sa pagitan nila ni Lorenzo ang bala ng pana “lumayo ka Julian” sabi ni Hen. Guillermo na binigay niya ang lakas niya kay Julian kaya naitulak niya si Lorenzo at agad siyang tumalon palayo sa ama niya na sinundan siya ng maraming bala ng pana na agad niyang pinaghahampas gamit ang espada niya.

“Sa likod mo!” babala ni Kap. Morietta dahil nasa likuran na niya si Lorenzo at bumuga ito ng malaking apoy na tinamaan si Julian at bumagsak siya sa lupa. Nakita ng mag-asawa na nababalutan ng apoy ang katawan ni Julian at akala ni Lala mamamatay na ang anak nila kaya tumakbo siya para tulongan ito pero pinigilan siya ni Lorenzo. “ANAK NATIN SIYA!” sigaw ni Lala sa kanya “ALAM KO LALA, TINGNAN MO NG MABUTI!” sabi ni Lorenzo sa kanya na napatigil nalang si Lala sa pagpupumiglas nung makita niya na bigla nalang nawala yung apoy. “Ano..” gulat na tanong ni Lala at nakita nilang nababalutan ng tubig ang buong katawan ni Julian na parang taong tubig itong nakatayo malayo sa kanila “hehehe… sabi ko na nga ba, hindi ka umilag sa apoy ko alam kong gagawin mo yun, Lusendo” sabi ni Lorenzo “maraming salamat at naalala mo pa pala ang teknik ko, Heneral” sabi ni Lusendo isa sa Bampira sa loob ni Julian.

“Pa… paano nangyari ito?” takang tanong ni Lala “nasa loob ni Julian ang natitirang sundalo ni Lucia, Lala” sabi ni Lorenzo sa kanya “akala ko.. kwento lang ito ni Olivia” sabi ni Lala “totoo yun mahal, nasa loob ng anak natin ang mga kaluluwa ng mga sundalo ko noon, pati narin si….” sabi ni Lorenzo na si Lala na ang dumugtong “Lucia!”. Nawala na ang tubig na bumalot sa katawan ni Julian at pumalit ang apoy na kulay asul ni Lucia at sa ibabaw ni Julian lumabas ang imahe ni Lucia na nakatingin ito sa kanila. “Ikaw..” sabi ni Lala “alam kong hindi ito ang tamang panahon” pasimula ni Lucia “patawarin niyo ako sa ginawa ko sa anak niyo, ginawa ko lang ito para sa kaligtasan niya” dagdag ni Lucia na humigpit ang hawak ni Lala sa pana niya.

“Lala… wag kang magalit sa akin alam kong di katanggap-tanggap ang ginawa ko kay…” di na natuloy ni Lucia ang sasabihin niya dahil dumaan sa dibdib niya ang bala ng pana ni Lala at kita din niyang umabante ito. Agad tumalon palayo si Julian na nawala na ang apoy na bumalot sa katawan niya “Serendo!” tawag ni Hen. Guillermo “masusunod Heneral” sagot niya na binalutan niya ng buhangin ang katawan ni Julian at nung tumigas na ito naging armor na niya ito. “LUCIAAAA!!!!” sigaw ni Lala na sunod-sunod na ang pagtira nito kay Julian pati narin si Lorenzo kinuha narin niya itong pagkakataon para atakihin si Julian na agad dumepensa si Julian laban sa mga magulang niya.

Samantala, nawala na ang gusali namin nung bumagsak ito at mabuti nalang at nailigtas ng mga Engkanto ang ibang kasamahan namin na malapit sa gumuhong gusali “salamat naman” pagod na sabi ni Haring Narra. “Kamahalan, yung mga aswang nag si takbohan na sila” balita ng isang Lobo “hahahaha alam kasi nilang di sila mananalo sa atin” natatawang sabi ni Ingkong Romolo “wag… hah… wag….. hah… wag kang.. pa…papasigurooooo…” sabi ni Haring Helius na bigla nalang itong bumagsak sa lupa. “HELIUS!” tawag ng dalawang hari sa kanya na agad namin siyang nilapitan at kita naming nanghihina siya “ano ang nangyari sa’yo Helius?” tanong ni Ingkong Romolo sa kanya “e… ewan ko ba.. pa… parang bigla.. bigla nalang akong… aaahhh…” parang hihimatayin si Haring Helius nung inakay siya ng dalawang Hari.

“AAHHHH KAMAHALAN!” sigaw ng isang Taong Puno kaya napalingon kami sa kanya at nagulat kaming lahat nung makita namin ang nagbagsakang mga Engkanto “ano… ano ang nangyayari dito?” gulat na tanong ni Haring Narra na nakita naming nakahiga na sa lupa ang mga ito. “HELIUS! ANO BA ANG NANGYAYAYRI SA INYO?” gulat na tanong ni Ingkong Romolo sa kanya na pati kami di alam kung ano ang nangyayari sa buong hukbong ng mga Engkanto. Di pa nakatulong nung napansin kong me mabilis na taong tumakbo papalapit sa amin “MANANG!” tawag ko sa kanya na tumingin siya sa direksyon sa taong papalapit sa amin. “Me masamang kutob ako, Isabella. NARRA! ROMOLO! MAGHANDA KAYO!” babala ni manang Zoraida sa kanila na bigla nalang tumalon ang taong nakita namin.

Tiningnan namin siya na dumaan sa ibabaw namin hanggang sa pagdapo niya malayo lang sa kinatatayoan namin, napatabon kami sa mga mukha namin nung dumaan ang maraming alikabok na nagmula sa lupang dinapoan niya. “Alam ko ang nangyayari sa kanila” sabi nito sa amin na lumabas ito sa alikabok at nakita namin si “MARAWI!” sigaw ni manang Zoraida “hello!” bati nito sa amin na nginitian pa kami. “Na… nasaan si Benson? Ano ang ginawa mo sa kanila?” tanong agad ni manang sa kanya na nagkibit balikat lang ito at tumingin sa paligid “tila, marami ata kayong ginawa sa lugar na ito” sabi nito sa amin. “Sabi mo, alam mo ang nangyayari sa kanila, ano yun?” tanong ko sa kanya, umayos si Marawi at niyapos nito ang dibdib niya at tumingin ito sa likuran niya “dahil dyan!” sabi niya na biglang nawala ang alikabok sa paligid at nanlaki ang mga mata namin nung makita namin ang malaking pintoan na itim sa kinatatayoan dati ng gusali namin.

Napaluhod si Haring Narra sa lupa nung makita niya ito at di makapaniwala sa pangyayaring ito “nawawala ang lakas ng mga Engkanto dahil sa pintoang yan” kwento ni Marawi sa amin na parang wala lang itong nakatingin sa amin. “Pa.. paano mo nalaman ito?” takang tanong ni manang sa kanya “hmp! ang pintoang yan ang humihigop sa kapangyarihan nila, habang nandyan ang pintoan ng dilim mawawala ang kapangyarihan nila at ang malala pa nito.. ikamamatay nila” kwento ni Marawi sa amin. “Dyos ko, JASMINE!” sigaw ni manang Zoraida na nag-aalala siya kay Jasmine na nasa grupo ng mga Taong Puno at Engkanto na nanggagamot ngayon sa mga sugatan.

“Narra, kailangan nating mapigilan si Olivia” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya “alam ko Romolo, pero paano?” tanong ni Haring Narra “ako dapat ang magtanong sa’yo nyan Narra, hindi ikaw” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya. “Teka, teka, teka… alam kong gipit na kayo ngayon sa oras, pero wag niyong kakalimutan… nandito ako..” sabi ni Marawi “dapat isa sa inyo ang magbigay sa akin ng tamang laban… yung labanan na ikatutuwa ko” sabi ni Marawi sa amin. Natahimik kaming lahat ng sandali ng biglang nagsalita si Ingkong Romolo “Narra, wala akong ibang alam kundi ang lumaban, alam kong bihasa ka sa ganitong bagay kaya inaatasan kitang pigilan mo si Olivia sa binabalak niya” sabi niya.

“Paano ikaw?” tanong ni Haring Narra “ako ang bahala sa Bailan na ito” sabi niya na nakita naming napangiti si Marawi “Romolo…. teka… ikaw yung batang paslit na nakita ko noon na umaaligid kay Damian, ikaw ba yun?” tanong ni Marawi sa kanya. “Zoraida” tawag ni Ingkong Romolo na lumingon si manang sa kanya “ikaw na ang bahala kay Helius, alam kong me kapangyarihan kang gumamot” sabi niya “…. si.. sige” sabi ni manang Zoraida “para madalaw ko din si Jasmine” dagdag niya na binigay ni Ingkong Romolo si Haring Helius kay manang Zoraida. “Romolo, kailangan mo ang tulong ko” sabi ni Haring Narra “mas nakakatanda ako sa’yo Narra, isa pa hindi ako ginawang pinuno ng ama ko ng ganun-ganun lang” nakangiting sabi ni Ingkong Romolo sa kanya.

“Romualdo, Dante” tawag niya sa dalawa “kamahalan?” “Ingkong?” sagot nila “gusto ko ituon niya ang suporta niyo kay Narra, wag niyong hahayaang mabuksan ni Olivia ang pintoan na yan!” utos niya sa dalawa. “Ingkong, gusto kong manatili sa..” “DANTE! SUMUNOD KA SA INUUTOS KO!” sigaw niya kay Dante na napayuko nalang ang ulo ni Dante “hehehe.. magaling..” sabi ni Marawi. “Isabella!” tawag sa akin in Ingkong Romolo “ano po yun?” tanong ko “di ba dapat nasa tabi ka ni Julian ngayon?” tanong niya sa akin na nginitian niya ako “SI JULIAN!” sigaw ko at napatingin ako sa direksyon niya.

“Maganda ito, ang anak ni Damian ang makakalaban ko” sabi ni Marawi na tumabi pa ito para bigyan daan ang grupo ni Haring Narra “kumilos na kayo!” sabi ni Ingkong Romolo “Romolo” sabi ni Haring Narra. “Alam ko Narra” sagot niya sabay hawak nito sa dibdib niya na tumango si Haring Narra at tumakbo na siya papunta sa pintoang itim at nagdadalawang isip pa sina Dante at Romualdo na sumunod kay Haring Narra “magkikita pa tayo, pangako ko sa inyo yan” sabi ni Ingkong Romolo sa kanila. “Ingkong” sabi ni Dante “tara na, Dante!” tawag ni Romualdo sa kanya na agad siyang sumunod kasama ang ibang tauhan niya at ang mga Bampira.

Dinala na mga taong Lobo at Puno ang mga Engkanto para ilayo sila sa pintoan ng dilim habang nakatingin si Ingkong Romolo sa papalayo na ngayong grupo ni Haring Narra “matapang, matikas at me paninindigan” sabi ni Marawi na nilingon siya ni Ingkong Romolo. “Yan ang katangiang nagustohan ko sa ama mong si Damian” dagdag ni Marawi “wag mong bastusin ang pagkatao ng ama ko” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya “hindi ko binabastos ang ama mo, Romolo” sabi ni Marawi “sa katunayan nga, siya lang ang tanging nilalang na matatawag kong kaibigan at kaaway” dagdag ni Marawi na ngayon ay hinuhubad na ang pang-itaas niyang damit dahil napunit na ito.

“Naalala kita noon, marami kang napatay na kalahi ko” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya “inatake niyo kami, wala kaming magawa kundi rumesponde sa ginawa niyo” sagot ni Marawi na hinubad narin ni Ingkong Romolo ang pang-itaas niyang damit. “Marami ng napatay si Marawi, wala narin akong lakas para lumaban ng matagal sa kanya” sabi ni Ingkong Romolo sa isipan niya dahil nakikita niyang nasa kondisyon parin si Marawi. “Wala na akong ibang paraan kundi..” sabi niya sa isipan niya at hinawakan niya ang pangil na binigay ni Dyosang Luna sa kanya “me problema ba?” tanong ni Marawi sa kanya “wala” sagot ni Ingkong Romolo na nginitian niya si Marawi “yan.. yan ang gusto kong makita” sabi ni Marawi sa kanya na pumorma na ito.

“Kung handa kana!” sabi ni Marawi na umabante na ito at umatake kay Ingkong Romolo na mabilis gumalaw ang Hari ng mga Lobo at dumepensa agad siya, umikot sa likod niya si Marawi at balak sana siyang hampasin nito ng tumalon si Ingkong Romolo kaya nakaiwas siya. “Magaling!” sabi ni Marawi na pareho silang napangiti sa abilidad nila “tingnan natin kung makakaiwas ka paba nito” sabi ni Marawi na bigla itong nawala kaya inamoy siya ni Ingkong Romolo na agad niyang hinampas ang espada niya sa kaliwa at biglang sinalo ito ng espada ni Marawi at nagtulakan silang dalawa. “Hahaha…” natawa si Ingkong Romolo “bakit?” tanong ni Marawi “nakakalimutan mo na ata na Lobo ang kalaban mo at hindi normal na tao” sabi ni Ingkong sa kanya na tinulak niya ito at napaatras palayo sa kanya si Marawi.

“Hindi mo maloloko ang ilong ko, Marawi” sabi ni Ingkong sa kanya na natawa lang din si Marawi “tama ka nga, muntik ko ng makalimutan” sabi ni Marawi na pareho silang natawa “bueno” sabi ni Marawi na bigla itong humugot ng tatlong maliit na patalim at binato ito kay Ingkong Romolo. Hinampas niya ang tatlong maliit na patalim ni Marawi at agad siyang umabante na biglang nawala sa harapan niya si Marawi at naamoy nalang niyang nasa ibabaw na niya ito kaya tinaas niya ang espada niya at nawala uli ito. Naamoy niya ito sa kaliwa niya kaya hinampas niya ang espada niya sa direksyon na yun pero walang Marawi ang sumulpot, nanlaki nalang ang mata niya nung naramdaman niya ang espada ni Marawi na malapit na sa leeg niya at buti nalang mabilis siyang nakailag kung hindi napugotan na siya nito.

“Haa..haahh..haahhh…” hinihingal si Ingkong Romolo nung nakalayo siya kay Marawi na sumulpot nalang bigla sa kanan niya na akala niya nasa kaliwa niya “hehehehe.. magaling, yan ang hinahanap ko sa kalaban ko” sabi ni Marawi na nakapatong ang espada niya sa balikat. “Pa… paano mo..” gulat na tanong ni Ingkong Romolo “paano ko naloko ang ilong mo? hahahaha simpleng teknik lang kaibigan” sabi ni Marawi sa kanya na tinuro nito ang damit niya sa lupa na nagulat nalang si Ingkong nung makita niya ito sa kaliwa niya “kaya pala” sabi niya. “Kailangan kong bilisan ang galaw ko para di mo mahabol ang amoy ko” sabi ni Marawi sa kanya na tumingin ito sa direksyon nina Lorenzo at Julian.

“Ako ang kalaban mo!” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya nung umatake ito pero nasalo ni Marawi ang espada niya na di man lang siya nito tiningnan “alam ko” sabi ni Marawi na napaatras niya si Ingkong nung tinulak siya. Nawawalan na ng lakas si Ingkong Romolo at halatang pagod na pagod na siya, dahil sa edad niya at sa tindi ng labanan na dinaanan niya kanina kaya nanghihina na siya ngayon. “Wa..wala na akong ibang paraan…” sabi niya sa sarili niya na hinawakan na niya ang pangil na tiningnan siya ni Marawi at nanlaki ang mata nito nung sinaksak ni Ingkong Romolo ang pangil sa puso niya “AAAAHHHHHHH!” napasigaw si Ingkong Romolo at biglang bumalot sa kanya ang asul na aura na nagmula sa pangil na sinaksak niya.

Napatabon sa mukha si Marawi nung bumitaw ng malakas na enerhiya ang katawan ni Ingkong Romolo at napatalon siya palayo sa kanya “aahh..haaa…. a.. ano ito?” tanong ni Marawi. Nung tiningnan niya si Ingkong Romolo nanlaki uli ang mata niya dahil tumambad sa harapan niya ang higanting Lobo na halos kasing laki ito ng tatlong palapag na gusali. “GRAAAAHHHHHHH!” sumigaw ito na napaatras si Marawi dahil sa shockwave na dulot ng sigaw nito, sinaksak ni Marawi ang espada niya sa lupa at kumapit siya nito para di siya mapalipad nito. “GRAAAAHHHHHH!!!” sumigaw uli ito pero nakailag si Marawi at napatingin siya sa kaliwa niya at nakita niya ang malaking paa nitong sumalubong sa kanya.

Napalipad si Marawi nung tinamaan siya nito at bumagsak siya limampung talampakan mula sa kinatatayoan niya kanina, tumakbo ang higanting Lobo papalapit sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tumakbo din kaya hinabol siya nito. “GRAAAAAAAAAHHHHHHHHH!” sumigaw uli ito na napasubsob si Marawi sa lupa nung tinamaan siya sa shockwave nito “AAAAAHHHHHHHH!’ sumigaw si Marawi dahil di siya tinigilan nito na kahit bumaon na siya sa lupa di parin tumigil ang shockwave sa pagtama sa kanya. Hinampas ng higating Lobo ang butas ng lupa kung saan nakabaon si Marawi at bumaon pa lalo sa ilalim si Marawi nung tinamaan siya nito.

“GRAAAAAHHHHHHH!” sumigaw sa ere si Ingkong Romolo na ngayon ay naging higanting Lobo dahil sa pangil na binigay ni Dyosang Luna sa kanya, napahinto sina Haring Narra at mga kasamahan nito nung nakita nila ang higanting Lobo sa malayo. “INGKONG!” sigaw ni Dante “Romolo… ” sabi ni Haring Narra “magmadali tayo, kailangan nating sugpoin si Olivia” sabi ni Haring Narra na nauna siyang tumakbo kasunod ang mga kaalyado niya “Ingkong” sabi ni Dante. “Redante, alam kong ligtas si Haring Romolo, halika na” yaya ni Hen. Romualdo sa kanya na napangiti si Dante “malakas si Ingkong Romolo, naniniwala ako sa kanya” sabi ni Dante na ngumiti si Hen. Romualdo sa kanya at sumunod na sila kay Haring Narra.

Napaatras ang higanting Lobo nung maramdaman niyang yumanig ang lupa at biglang lumiwanag ang hukay, agad siyang tumalon nung nagbitaw ng malakas na enerhiya si Marawi na nawasak nito ang lupang pinagbaonan niya. “AAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!” sumigaw si Marawi na ngayon ay puno na ng dugo ang katawan niya at agad itong tumalon para makaalis sa hukay niya at nung dumapo ito malayo kay Ingkong Romolo nakangiti itong naliligo sa sarili niyang dugo. “HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” tumawa ito ng malakas na tiningnan lang siya ng higanting Lobo “GRAAAAAAAAAAHHHHHHHHH” tumira uli ng shockwave si Ingkong Romolo na hindi ito inilagan ni Marawi bagkus sinalubong pa niya ito na parang di na siya nasaktan sa ataking ito “HAHAHAHAHAHAHA” tumatawa lang siya nung umabante siya.

Hinampas siya ng kanang paa ni Ingkong Romolo at parang bola si Marawi na tumatalbog sa lupa hanggang sa tumama ito sa pader at nawasak ito at napasok siya sa loob ng gusali. Sinigawan ni Ingkong Romolo ang gusali at nawasak ang ibabaw nito at nakita niyang nakadapa sa loob si Marawi, dahan-dahan itong tumayo at napatumba pa ito nung nadulas ang kamay niya sa dugo niya. “He… he…he…” natawa parin ito na pilit nitong bumangon na tiningnan lang siya ni Ingkong Romolo. Naawa ata siya kay Marawi dahil nakadapa nalang ito at di na gumalaw kaya hinayaan nalang niya ito at tumalikod siya para puntahan ang grupo ni Haring Narra para tulongan niya. Nagsisimula na siyang lumayo sa kinarorounan ni Marawi ng biglang napahinto nalang siya nung maramdaman niyang me kakaibang nangyayari sa likuran niya.

Napalingon si Ingkong Romolo at nanlaki ang mata niya nung makita niyang nakatayo na si Marawi at kahit dugoan na ito nakuha pa niyang ngumiti at dahan-dahang tinaas ang kanang kamay niya sa ere. “He..he..he…” narinig pa niya itong tumawa at sabing “gu…gusto ko.. ito….” sabi ni Marawi na tumingala ito sa langit “AAAAHHHHHHHHHHH…” sumigaw ito bigla na agad humarap sa kanya si Ingkong Romolo na ngayon ay naging higanting Lobo at binuka niya ang bibig niya para titirahin niya ito gamit ang shockwave niya ng biglang “PUMARITO KAAAAA! MANABEEEEEEE!!!!” narinig niyang sigaw ni Marawi na agad niya itong sinigawan “GRAAAAAAAAAAAHHHHHHH” nagbitaw ng malakas na shockwave si Ingkong Romolo.

Sa Isla “HINDIIIIII!” sigaw ni Makisig nung lumipad ang espada ni Marawi at nawala ito sa dilim ng gabi “MARAWWWIIIIIIIIII!” sigaw niya dahil wala na siyang magawa nung nawala na ang espada sa paningin niya. Papunta na ang shockwave ni Ingkong Romolo kay Marawi ng biglang sumulpot ang espada ni Marawi at pinigilan nito ang shockwave ng higanting Lobo “AAAAHHHHHHHHHH” sumigaw si Marawi nung nahawakan na niya ang espada niya at binalik niya ang shockwave na tinira ni Ingkong Romolo sa kanya. Tumalon ang higanting Lobo at tumama sa maliit na gusali ang shockwave niya at bumagsak ito, nanlaki ang mata ni Ingkong Romolo dahil nakita niyang nababalutan ng kuryente ang buong katawan ni Marawi at biglang naghilom ang mga sugat niya.

“Hahahahha” natawa si Marawi nung nasa kamay na niya ang espada niya “maligayang pagbabalik kaibigan” bati niya sa espada niya na bigla itong lumiwanag “alam ko, alam ko” sabi ni Marawi na parang kinakausap niya ang espada niya. Tumingin si Marawi sa higanting Lobo at tumalon siya sa pinakamataas na tuktok ng gusali para ma level silang dalawa “ngayon na hawak ko na ang totoo kong espada” sabi ni Marawi “ipakita mo sa akin ang totoo mong kapangyarihan, HARI NG LOBO!” sigaw ni Marawi na biglang tumingala ang higanting Lobo at umalolong ito “AWWWWOOOOOOOOO!” malakas na alolong at dahan-dahan na itong lumiit hanggang sa naging hugis tao na ito at lumabas na ang totoong anyo sa ikalawang ebulosyon ng mga Taong Lobo.

“Sa wakas!” sabi ni Marawi na ngayon ay bumalik na ang lakas niya nung nahawakan na niya ang espada niya, sa kabilang gusali nakita niya ang hugis ni Ingkong Romolo at me hawak na itong mahabang sandata na me dalawang matatalas sa dulo nito. “Hiningi mo, ibibigay ko” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya “hehehehe, gusto kong kalabanin kita sa buo mong kapangyarihan hindi pakonte-konte lang” sabi ni Marawi sa kanya. Tumalon si Ingkong Romolo at dumapo siya sa lupa na nagdulot pa ito ng konting hukay, tumalon din si Marawi sa lupa at kagaya ni Ingkong Romolo nagdulot din ng hukay nung dumapo siya. “Matagal ko ng gustong makalaban ang pinakamakapangyarihan Lobo sa kasaysayan, ngayon matutupad na ang pangarap ko” nakangiting sabi ni Marawi sa kanya.

Tinaas ni Ingkong Romolo ang sandata niya at pinaikot-ikot niya ito na nagdulot pa ito ng hangin sa ibabaw niya “hehehehe.. hanging habagat” sabi ni Marawi na natutuwa pa itong makita. Hinampas niya ang espada niya sa kanan at nahiwa ang lupa nung tinamaan ito hanggang sa dulo ng gusali na tinayoan niya kanina at nahati pa ito. “Handa kana ba?” tanong ni Ingkong Romolo sa kanya na ngayon ay malaki na ang pinagbago niya mula nung ginamit niya ang pangil ni Dyosang Luna. Inikot-ikot ni Marawi ang ulo at braso niya at ngumiti ito “oo, handa na ako” sabi ni Marawi na naramdaman niya ang kapangyarihan ni Ingkong Romolo.

“Tama ito” sabi ni Marawi “ano’ng tama?” tanong ni Ingkong Romolo “makapangyarihan kapa kesa sa akin, alam mong hindi patas sa aming mga Bailan kung hindi kami ang dehado?” nakangiting sabi ni Marawi. Naalala ni Ingkong Romolo ang narinig niya noon kay Lam-ang “hindi patas sa ating mga Bailan kung hindi tayo ang dehado” sabi noon ni Lam-ang kay Lorenzo nung nakaharap nila si Haring Voltaire. “Pare-pareho nga kayo” sabi ni Ingkong sa kanya “ha?” tanong ni Marawi “narinig ko din noon yan kay Lam-ang ang ama ni Lorenzo” sabi ni Ingkong sa kanya “hahahaha Bailan kami, kaibigan, mas lalakas kami kung malakas ang makakalaban namin” sabi ni Marawi sa kanya. “Handa ka na ba?” tanong ni Marawi sa kanya “oo” sagot ni Ingkong Romolo na pareho na silang pumorma “HAAAA!” sabay nilang sigaw nung umabante sila.

Tumakbo na ako papunta sa direksyon ni Julian at nararamdaman ko ang malalaking kapangyarihan sa deriksyo na tinatahak ko ng biglang me nakita akong ilaw sa kaliwa ko at buti nalang nakailag ako kung hindi masasagasaan ako nito. Nakita ko ang SUV na muntik ng mabangga nung umilag ito sa akin at nung huminto ito lumabas ang matabang mama at galit na galit itong sinugod ako “PUTANG INA KA SINO KA BA HA!? PAHARANG-HARANG KA SA KALYE!” galit itong tinuturo ako “hoy! bingi ka ba? kinakausap ki…” napatigil nalang ito nung makita ang suot ko at mga dugo sa mukha at katawan ko. “Putcha ano ang nangyari sayo?’ tanong agad niya sa akin “bakit ka nakapasok dito?” tanong ko sa kanya “anong nakapasok? daanan kaya ito ng kotse” pilosopong sagot niya sa akin.

Doon ko lang naalala ang tungkol sa nangyari sa mga Engkanto “tama, kung wala ang kapangyarihan ng Engkanto nawawala narin ang barrier na nilagay nila sa buong syudad” sabi ko sa sarili ko na tiningnan ako ng masama ng matabang mama. “Miss ok ka lang ba?” tanong niya sa akin “lumayo kana dito, mapanganib ang lugar na ito lalong-lalo na sa buong syudad” babala ko sa kanya “lumayo kana dito!” sabi ko sa kanya. “Miss hindi mo ba ako kilala? konsehal ako ng syudad na ito bobo to” sabi niya sa akin na bigla nalang itong napahinto nung me nakita siyang aswang na papalapit sa ami. “LUMAYO KANA!” sabay tulak ko sa kanya at hugot sa espada ko na hinampas ko ang aswang nung umatake ito sa amin at naging abo ito nung naputol ko ang ulo “PUTCHA..A..A ASWAAAANGG” sigaw niya sabay takbo sa kotse niya at mabilis itong lumayo.

Napansin ko ang kalyeng tinayoan ko “malapit lang ito sa presinto” sabi ko na agad akong tumakbo papunta doon at nakita kong walang tao sa loob kaya kinuha ko yung susi ng mobile namin at sumakay agad ako. “Shit! kailangan kong ipaalam sa kanila ang kaganapang ito” sabi ko na binuksan ko ang speakerphone ng mobile dahil alam kong maririnig ito ng mga Taong Lobo kahit malayo sila sa akin. “MGA KASAMA SI ISABELLA ITO, NAWALA NA ANG BARRIER NA NILAGAY NG MGA ENGKANTO SA BUONG SYUDAD! UULITIN KO NAWAWALA NA ANG BARRIER NA NILAGAY NG MGA ENGKANTO SA BUONG SYUDAD!” sabi ko sa speakerphone sabay harorot ko ng takbo ng mobilen patungo sa direksyon nina Julian.

Napahinto ang mga Taong Lobo na sumusunod kay Haring Narra “bakit?” tanong ng Hari sa kanila “kamahalan, binalita ni Isabella na nawawala na ang barrier na nilagay ng mga Engkanto sa buong syudad” balita ni Hen. Romualdo sa kanya. “Dyosang Gaia, hatiin ang hukbong at ipagbigay alam sa iba na bantayan ng mabuti ang bawat dulo ng syudad at siguradohin niyong walang mortal lalong-lalo na ang tinatawag nilang reporter na makakapasok sa loob” utos ni Haring Narra. “Masusunod kamahalan” sagot nila at humiwalay ang ibang sundalong kasama ni Haring Narra “kayo, sumunod kayo sa akin!” utos ni Haring Narra at tinuloy nila ang pagtakbo papunta sa pintoan ng dilim na ngayon ay nakalutang lang sa pwesto ng gusali noon nina Isabella.

Umatras palayo si Julian sa mga magulang niya nung sabay siyang inatake nito at nasira ang putik na binalot ni Serendo sa katawan niya kaya lumayo siya sa kanila para makapag-isip ng stratehiya. “Lala” tawag ni Lorenzo na tumingin sa kanya ang asawa niya “yung pangalawang porma natin” sabi ni Lorenzo sa kanya na napatingin nalang si Julian sa dalawa at biglang umatake si Lala sa kanya na ngayon ay hinugot na niya ang espada niya at si Lorenzo naman ang biglang nawala sa paningin niya. “HINDI!” sabi ni Kap. Morietta “bakit?’ tanong ni Julian “pangalawang porma, ito yung..” di na natuloy ni Kap. Morietta ang sasabihin niya dahil si Reyna Lucia na ang gumalaw para sa kanila.

Mabilis na ngayong kumilos si Julian na si Reyna Lucia na ang nakahawak sa katawan niya at napapantayan na niya ang galaw ni Lala, naramdaman ni Reyna Lucia ang mainit na apoy ni Lorenzo sa likuran niya kaya tumalon siya pataas. Umilag si Lala sa apoy ni Lorenzo na binugahan din ni Reyna Lucia si Lorenzo “Incendiu uimitoare (blazing fire)” sigaw niya na mabilis umilag si Lorenzo at napatingin ito kay Julian. “Lucia!” narinig niya galing kay Lorenzo na bigla nalang sumulpot si Lala sa likuran niya na agad umikot si Julian at sinalo ng espada niya ang espada ni Lala at naglaban sila hanggang sa dumapo sila sa lupa. Umatake sa likod ni Julian si Lorenzo na biglang lumabas ang isa pang espada sa kanang palad niya at ito ang ginamit niyang pandepensa laban kay Lorenzo.

Kaliwa’t kanan ang depensa ni Julian laban sa mga magulang niya “LALA!” tawag ni Lorenzo na agad lumayo ito at binugahan ni Lorenzo ng apoy si Julian na agad din siyang nagbuga ng apoy para i-counter ang ataki ng ama niya. “JULIAN!” tawag ni Kap. Morietta na hinarap ni Julian ang kanang palad niya sa nanay niya at napigilan niya ang mga bala ng panang tinira sa kanya “wag kang tumigil, Julian” sabi ni Hen. Guillermo habang tuloy lang siya sa pagbuga ng apoy. Lumayo si Lorenzo nung naubosan na siya ng hangin kaya hinabol siya ngayon ng apoy na binuga ni Julian at sumulpot naman sa likuran niya si Lala para atakihin siya na humarap agad siya. Bubugahan na sana niya ng apoy na bigla nalang me dinura si Lala na pumasok ito sa bibig niya kaya nabilaukan siya at napaatras kay Lala.

“Ano ang nangyari sa’yo Julian?” tanong ni Hen. Guillermo sa kanya “lason!” sabi ni Kap. Morietta “ano’ng lason?” tanong ni Reyna Lucia “lason yung dinura ni Gng. Lala na nalunok ni Julian kanina” paliwanag ni Kap. Morietta. Biglang nahilo si Julian at pasuray-suray siya nung umatras siya palayo sa nanay niya na tiningnan lang siya ni Lala at sinundan siya nito, naramdaman niya ang ama niya malapit lang sa likuran niya kaya umikot siya at hinampas ang espada niya na di niya natamaan si Lorenzo. “Ilan ang binigay mo sa kanya?” tanong ni Lorenzo kay Lala “sakto lang para maparalisa ko ang ibang parte ng katawan niya” sagot ni Lala.

“Ahh.. ano ang…” sabi ni Julian na parang nawawala ang lakas ng mga braso niya kaya nabitawan niya ang espada niya at sumunod ay ang biglang pangangatog ng mga tuhod niya na parang nawawalan narin ang lakas nito. “Mahal na Reyna ano ang gagawin natin?” tanong ng isang Bampira sa likod ni Hen. Guillermo “Morietta, ikaw ang mas nakakaalam kay Lala ano ang dapat gawin kung tinamaan ka sa lason na ito?” tanong ni Reyna Lucia sa kanya, “Bilisan mo Morietta” sabi ni Hen. Guillermo sa kanila dahil nawawala narin si Julian sa harapan nila dahil dahan-dahan naring nawawala ang connection nila sa kanya.

“Eh. ah.. wa.. walang tinuro sa akin ang Ginang kundi paano lang gumamit ng espada” sabi ni Kap. Morietta “MORIETTA!” sigaw ni Hen. Guillermo “JULIAN!” sigaw niya dahil pumipikit narin ang mata ni Julian na kasama nila sa loob. “Morietta, kung hindi natin mapigilan ang lasong ito mawawala ang connection natin ni Julian kung tuloyan na siyang mawawalan ng malay” paliwanag ni Reyna Lucia sa kanya. “Me… me alam ako pero hindi ko alam kung tatalab ito” sabi ni Kap. Morietta “kahit ano, basta makaligtas lang si Julian!” sabi nung isang Bampira sa likod niya “Lusendo!” tawag ni Kap. Morietta sa kanya “ah! alam ko na ang binabalak mo Kapitan!” sabi nito.

“Lorenzo” tawag ni Lala “alam ko Lala” sagot niya na napatingin sila sa direksyon ni Marawi “tinawag din pala niya ang espada niya” sabi ni Lorenzo “makapangyarihan ang kalaban niya” sabi ni Lala. “Hmm… kilala ko si Marawi” sabi ni Lorenzo na nakatingin kay Julian na ngayon ay nakaluhod sa lupa habang nanghihina na ito at nawawala-wala ang liwanag ng katawan niya. “Hindi madaling matalo si Marawi lalong-lalo na kung hawak niya ang espada niya, alam mo yun” sabi ni Lorenzo kay Lala “ano ang gagawin natin kay Julian?” tanong ni Lala “susundin natin ang inuutos ni Olivia” sagot ni Lorenzo.

Lalapitan na sana nila si Julian ng biglang sumuka ito at lumabas ang maraming tubig mula sa bibig niya “hindi!” sabi ni Lorenzo na nagkatinginan sila ni Lala, agad silang tumakbo para pigilan si Julian “ako ang bahala sa kanila, ituloy mo lang ang ginagawa mo Lusendo” utos ni Reyna Lucia sa kanya. “Opo, kamahalan!” sagot niya na pinikit ni Reyna Lucia ang mga mata niya at biglang lumabas ang maraming apoy sa katawan ni Julian at naging hugis bilog ito para protektahan si Julian para di siya malapitan ng dalawa. Napaatras ang dalawa at biglang binagsak ni Lala ang kamay niya sa lupa na biglang pumutok ang lupang kinaroroonan ni Julian at lumabas ang maraming buhangin sa ilalim niya.

“Hindi niya mapatay ang apoy ko, Lusendo bilisan mo!” sabi ni Reyna Lucia sa kanya “opo, kamahalan!” sagot nito at tuloy lang siya sa pagpuno ng tubig sa tiyan ni Julian para mailabas nito ang lasong nalunok niya kanina. “Hanapin mo ang lason sa ugat niya para bumalik na sa normal si Julian” utos ni Hen. Guillermo sa kanya “ginagawa ko na Heneral” sabi ni Lusendo “Renelo, Matias” tawag ni Hen. Guillermo “masusunod Heneral” sagot ng dalawa. Bumalot sa apoy ang buhanging nilabas ni Lala mula sa lupa para mapatay nito ang apoy na nilabas ni Reyna Lucia “Lorenzo!” tawag ni Lala “alam ko!” sagot niya sabay talon niya sa ibabaw at tinaas ang espada niya.

Kumidlat ang kalangitan na tumama ang tatlong kidlat sa dulo ng espada niya at binagsak niya ito papunta kay Julian, lumayo si Lala para di siya matamaan nito at sumabog ang buhangin na binalot niya kay Julian nung tumama ang kidlat sa ibabaw nito. Dumapo si Lorenzo sa tabi ni Lala at naghintay sila sa resulat sa ginawa nila “para makasiguro tayo” sabi ni Lorenzo na pareho nilang nilagay ang kanang palad nila sa lupa at pinikit nila ang mga mata nila. Yumanig ang lupang kinaroroonan ni Julian “ano ang nangyayari?” tanong ni Hen. Guillermo dahil naramdaman nila ito at napatingin silang lahat sa itaas.

“Mahal na Reyna” tawag ng mga Bampira sa kanya “balak nilang ikulong si Julian” sagot niya “GAWIN NIYO NA!” sigaw ni Hen. Guillermo “opo Heneral!” sagot ng dalawa at lumiwanag bigla ang mga katawan nila. Maraming buhangin ang nilabas ni Lala mula sa lupa at binugahan ito ni Lorenzo ng apoy para tumigas ito at lumipas ang ilang minuto nakita ng dalawa na naging salamin na ang buhangin na binalot ni Lala sa anak nila. “Tapos na!” sabi ni Lala na nakikita nila sa loob si Julian na nakaluhod ito at di na gumagalaw “dadalhin natin siya sa harap ng pinto..” naputol nalang si Lorenzo nung nakita nilang gumalaw ang salamin na binalot nila kay Julian.

Nung nakita ito ni Lorenzo agad siyang kumilos at niyakap niya sa bewang si Lala at lumayo silang dalawa “BAKIT?!” takang tanong ni Lala sa kanya “kilala ko sila Lala” sabi ni Lorenzo “at yung dalawang ito ang pinakadelikado kung pinagsama sila” paliwanag niya habang lumalayo sila kay Julian. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” tanong ni Lala na bigla nalang huminto si Lorenzo nung nakalayo na sila at nakita nilang biglang lumiwanag sa loob si Julian. Maya-maya ay sumabog ito at nasira ang salaming ginawa nila kanina “nahanap ko na ang lason” sabi ni Lusendo kaya pinuno niya ng tubig ang katawan ni Julian at sinuka niya ito kasabay ang itim na likidong lason na nalunok niya kanina.

Matapos isuka ni Julian ang lason dahan-dahan ng bumalik ang liwanag sa katawan niya “haahh..haahh..haahh…” hiningal siya sa nangyari sa kanya kanina at dahan-dahan narin siyang tumayo “salamat sa inyo” sabi niya sa lahat. “Julian!” tawag ni Reyna Lucia sa kanya “po?” “ipakita mo sa kanila ang lakas mo” sabi ng Reyna sa kanya “masusunod… kamahalan!” sagot ni Julian na biglang lumakas ang liwanag ng katawan niya at lumipad papunta sa kamay niya ang espada niya. “Humanda ka Lala” sabi ni Lorenzo sa kanya na humakbang pakanan si Lala at bigla itong nawala habang hinawakan ng dalawang kamay ni Lorenzo ang espada niya at tinutok niya ito kay Julian.

“LAM-ANG!” sigaw ni Lorenzo at biglang lumiwanag ang espada niya at bigla nalang itong naging dalawa “ang totoong anyo ng espada niya” sabi ni Hen. Guillermo “Julian, magiging seryoso na ang labanan sa puntong ito kung inilabas na ni Lorenzo ang totoong anyo ng espada niya” paliwanag ni Reyna Lucia sa kanya. “Walang problema sa akin, kamahalan” sagot ni Julian “nakahanda narin po ako” dagdag niya na agad siyang umatras nung marinig niyang paparating ang bala ng pana ng nanay niya at doon sumugod si Lorenzo na binato nito ang espadang nasa kaliwang kamay niya. Umilag si Julian at umabante na din siya para salubongin ang ama niya ng mapansin niyang gumalaw ang kaliwang balikat nito kaya nilagay niya agad ang espada niya sa likod at doon tumama sa espada niya ang espada ni Lorenzo.

“Magaling!” narinig niya galing kay Lorenzo dahil nakita niya ang manipis na lubid na nakatali sa babang hawakan ng espada niya nung hinila ito ni Lorenzo, sunod-sunod din ang pagtira ni Lala ng pana kay Julian habang nakikipaglaban siya sa ama niya. Lumayo si Julian na hinabol siya ng espada ni Lorenzo at sa tuwing lalapit siya yung espada naman na nasa kanang kamay ng ama niya ang sasalubong sa kanya. “Pang malayo at malapitan ang depensa at opensa ni Lorenzo, Julian” sabi ni Hen. Guillermo sa kanya “kami ang bahala sa depensa mo Julian ikaw na sa opensa” sabi ng ibang Bampira sa kanya. “salamat!” sabi niya sa kanila.

Agad binalutan ng tubig ni Lusendo si Julian nung binugahan siya ng apoy ni Lorenzo at agad nagkaroo ng itim na usok ang paligid ni Julian nung biglang sumulpot si Lala sa likuran niya na di siya natamaan ng espada ng nanay niya. Combo ang ginawa ng mga Bampira at ni Julian laban sa magulang niya, naabotan ni Julian si Lorenzo sa gitna ng kalye at hahampasin na sana niya ito ng biglang sumulpot nalang ang espada ni Lala sa likuran niya kaya napatalon siya pataas. “Lala!” sigaw ni Lorenzo na bumuga ng lason si Lala papunta kay Julian na agad namang niyang sinalubong ng apoy nung binugahan niya ito at napatigil nalang si Julian dahil sumulpot sa ibabaw niya si Lorenzo at nakataas ang espada nito.

“AKIN KA!” sigaw ni Hen. Guillermo na lumaki bigla ang kaliwang kamay ni Julian at sinalo ang espada ni Lorenzo nung binaba niya ito hinagis niya ito papunta kay Lala na ngayon ay tumigil na sa pagbuga ng lason. “ITONG SA INYO!” sigaw ni Julian nung hinagis niya si Lorenzo at tumama siya kay Lala na pareho silang napatumba sa lupa kaya tinaas agad ni Julian ang espada niya “Fulger negru incendiu avalansa (black lightning fire avalanche)” sigaw ni Julian. Tinira niya ang magkahalong kapangyarihan ni Reyna Lucia at Kap. Morietta na lumabas ito mula sa dulo ng espada niya at tumama ito sa mga magulang niya.

“SAPOL!!!” sigaw ni Kap. Morietta nung nakita nilang tumama ang pinagsamang kapangyarihan nila ni Reyna Lucia kina Lorenzo at Lala at nung dumapo si Julian nakita niyang nakadapa sa lupa ang mga magulang niya at di ito gumagalaw. “JULIAN SA KALIWA MO!” sigaw ng isang Bampira sa likod ni Hen. Guillermo dahil biglang sumulpot sa kaliwa niya ang espada ni Lorenzo na agad siyang umatras kaya nailagan niya ito. “SA LIKOD MO JULIAN!” sigaw din nung isang Bampira sa likod ni Kap. Morietta dahil sumulpot din ang espada ni Lala kaya tumalon siya paitaas at nailagan niya ito “JUL…” di na natuloy nung isa dahil tumama yung kanang kamao ni Lorenzo sa mukha ni Julian dahilan kaya bumagsak siya sa lupa.

Agad bumangon si Julian at nakita niya ang mga magulang niyang nakatayo malayo lang sa kanya kaya nagtaka siya dahil nakita niya ito kaninang nakadapa sa lupa at wala na itong malay. “Pa.. paano nangyari ito?” takang tanong ni Julian “ilusyon yung nakita mo kanina, Julian” paliwanag ni Lala sa kanya “Lala wag muna..” “tumahimik ka!” pagputol ni Lala sa kanya na biglang natahimik nalang si Lorenzo. Napalunok ng laway si Julian dahil kita niyang mas matapang pa pala ang nanay niya kesa sa tatay niya “nung binato mo si Lorenzo papunta sa akin gumawa na ako ng ilusyon para linlangin ka, alam kong gagamitin mo ang kapangyarihan ng mga Bampira” paliwanag ni Lala sa kanya.

“Nung tumama ang binato mo sa amin kanina nakapasok na kami sa dimensyon at ito ang ginamit naming pagkakataon para atakihin ka” paliwanag ni Lala sa kanya na nginitian pa siya nito. “Anak.. kung… kung nabubuhay pala sana kami noon.. ma.. marami sana akong ituturo sa’yo” sabi ni Lala sa kanya. Tumayo si Julian at inayos ang sarili niya “ituturo ko sana sa’yo ang lahat ng nalalaman ko” sabi ni Lala sa kanya na bigla nalang me kamay na humawak sa batok niya kaya napatalikod si Julian at nakita niyang nakatayo na sa likod niya si Lala. “Ilusyon ito anak, ito ang kapangyarihang taglay ko” naluluhang sabi ni Lala sa kanya. “Ito naman ang sa akin!” sabi ni Lorenzo na sumulpot nalang sa likuran niya kaya tumalon si Julian palayo sa kanilang dalawa.

Napapaatras si Julian na parang nawawalan na siya ng lakas para kalabanin ang mga magulang niya matapos niyang makita ang kakayahan nilang dalawa “haahh..haahh..” biglang hiningal si Julian at lumakas ang tibok ng puso niya. “Julian! Ano ang nangyayari sa’yo?” tanong ni Reyna Lucia sa kanya “JULIAN! ANO ANG NANGYAYARI SA’YO BAKIT BIGLA KANG KINABAHAN?” tanong ni Kap. Morietta sa kanya. “Ma… malakas sila… hin.. .hindi ko ata sila kayang… kayang talunin!” sabi ni Julian sa kanila “JULIAN! MAGTIWALA KA LANG SA AMIN NANDITO KAMI PARA TULONGAN KA!” pasisiguro ni Hen.Guillermo sa kanya. “Hindi.. hindi niyo sinabi sa akin na ganito pala kalas at kabangis ang mga magulang ko!” sabi ni Julian sa kanila na natahimik nalang silang lahat sa loob niya.

“Anak!” tawag ni Lala sa kanya na nung humakbang si Lala biglang umatras lalo si Julian “natatakot siya” sabi ni Lorenzo na nakikita nilang parang nanginginig ang kamay niya “kung… kung ganito pala kayo kalas.. bakit?…” sabi ni Julian “bakit ano?” tanong ni Lala. “Ba.. bakit kayo nagpatalo sa mga Aswang noon?” tanong ni Julian sa kanila na nagkatinginan sina Lorenzo at Lala at pareho silang tumingin kay Julian. “Lorenzo…” tawag ni Lala sa kanya na hinawakan ni Lala ang kamay niya kaya napatingin si Lorenzo sa kanya at nginitian siya ni Lala “…. kailangan anak…” sagot ni Lorenzo “a..ano.. ano’ng kailangan?” tanong ni Julian.

“Kailangan naming mamatay ng gabing yun!” sabi ni Lorenzo “bakit? para kAnino? para sa akin?! hindi niyo kailangang mamatay para sa akin! bakit ako? bakit niyo ako tinira? bakit niya ako pinatakas nung gabing yun? kung ganito ka pala kalas kung hawak mo ang espada mo at kasama mo si nanay, bakit mo pinadala sa akin ang espada mo?!” sunod-sunod na tanong ni Julian sa kanya. Na natahimik ang dalawa sa mga tanong ni Julian “…..dahil sa propeseya ni Naring…” sagot ni Lorenzo “……..” hindi nagsalita si Julian na humigpit ang paghawak ng kamay ni Lala sa kamay ni Lorenzo “dahil kailangang me isang Bailan ang mabuhay para sa pagdating ng pagtutuos sa pagitan ng dilim at liwanag” sabi ni Lorenzo “ano?” tanong ni Julian. “Itinakda kaming magsilang at mamatay para mabuhay ang batang ito na magbibigay liwanag sa darating na dilim… ikaw yun anak… ikaw ang liwanag sa dilim” sabi ni Lorenzo sa kanya.

Chapter XXVII: RETURN!

“Anong ako ang liwanag sa dilim?” takang tanong ni Julian sa kanila “patawad anak pero wala na tayong oras” sabi ni Lorenzo “Lala” tawag ni Lorenzo na hinawakan ni Lala sa balikat si Lorenzo at dahan-dahan na silang nawawala. “Julian! Makinig ka sa akin!” sabi ni Reyna Lucia sa kanya “…… ” hindi nagsalita si Julian na nakatayo lang siya at hindi siya kumilos “me dahilan kaya ka nila binuhay, me dahilan din ako kung bakit kita binuhay!” sabi ni Reyna Lucia sa kanya na biglang natauhan si Julian sa sinabi niya. “Me.. dahilan ka?” tanong ni Julian sa kanya “PUNYETA!” sigaw ni Hen. Guillermo na siya na ang humawak sa katawan ni Julian at umilag sa mga atake nina Lorenzo at Lala.

Samantala tuloy pa din sa paglaban sina Ingkong Romolo at si Marawi, biglang bumilis ang galaw ni Marawi na nahahabol na niya ang galaw ni Ingkong Romolo “HAHAHAHA” tawa lang ng tawa si Marawi sa tuwing umaatake siya. Biglang nawala si Ingkong Romolo nung hinampas siya ni Marawi at tumama ang paa niya sa kaliwang mukha ni Marawi na agad naman itong nakabalanse at nakonekta nito ang kaliwang paa niya sa mukha ni Ingkong Romolo. Napaatras ang Hari ng mga Lobo palayo kay Marawi at pareho nilang hinimas ang mga mukha nila “hehehehe” napatawa si Marawi na napangiti lang sa kanya si Ingkong Romolo.

“Totoo ngang makapangyarihan ang katulad mo, Romolo” sabi ni Marawi sa kanya “salamat, ikaw din Marawi” sabi ni Ingkong Romolo “mas makapangyarihan ka pa sa ama mong si Damian” sabi ni Marawi na hinanda niya ang sarili niya. “Hindi, mas makapangyarihan ang ama ko kesa sa akin” sagot ni Ingkong “dahil ito sa pangil ng Dyosa naming si Luna kaya ako umabot sa ganitong antas” paliwanag ni Ingkong. “Ganun ba? Yung pangil na sinaksak mo sa dibdib mo kanina?” tanong ni Marawi na tumango si Ingkong ng biglang nawala nalang si Marawi sa harapan niya kaya naghanda ang Hari ng Lobo at inamoy niya ito sa hangin.

Lumingon siya sa kaliwa pero hinampas niya sa kanan ang sandata niya na biglang sumulpot si Marawi sa kanan niya at sinalo ng espada niya ang sandata ni Ingkong Romolo “tingin mo makaka-isa ka?” nakangiting tanong ni Ingkong sa kanya. “Hehehe matalas nga ang pangamoy mo, Romolo” sabi ni Marawi sa kanya na bigla itong lumayo habang hindi niya inaaalis ang tingin kay Ingkong Romolo “pero…” sabi ni Marawi nung huminto na siya. Humarap sa kanya si Ingkong Romolo “.. me alam akong teknik na alam kong hindi mo mapapantayan” sabi ni Marawi sa kanya na bigla nalang nawala si Marawi sa paningin niya.

“Hindi ka parin makakatago sa ilo…” bigla nalang naputol si Ingkong Romolo nung naramdaman niya ang espada ni Marawi sa likod niya “ano nga uli ang sabi mo?” nakangiting tanong ni Marawi sa kanya na tinulak nito ang espada niya at lumusot ito sa tyan ni Ingkong Romolo. Napasuka ng dugo si Ingkong sa ginawa ni Marawi at niyakap pa siya nito sa leeg na parang sinakal siya at lalo pang tinulak ni Marawi ang espada niya. “Oohhh… Hari ng mga Lobo.. ano ngayon ang masasabi mo sa teknik kong yun?” tanong ni Marawi sa kanya na napatingala sa langit si Ingkong Romolo at nabitawan niya ang sandata niya. “Ahh..ah…haaaa….” nalang si Ingkong nung maramdaman niya ang bakal sa ibabaw ng hawakan ng espada ni Marawi sa likuran niya.

Lumingon si Ingkong sa kanya at ngumiti ito “he..hehe…hehe.. na…naloko mo ako dun ah!’ sabi niya na napangiti si Marawi “sa totoo lang kaibigan, hindi sa akin ang teknik na yun” kumpisal ni Marawi. “Ah..ha..ha..haha..” natawa lang si Ingkong “ang totoo niyan, kay Lala ko natutunan yun” nakangiting sabi ni Marawi sabay hugot niya sa espada niya at tinulak niya palayo si Ingkong na napaluhod ito sa lupa at tumulo ang maraming dugo niya. Dinilaan ni Marawi ang dugo ni Ingkong Romolo sa espada niya at dahan-dahan itong lumapit at tumayo sa kaliwa niya “sayang, napakalakas mo pa naman, Romolo” sabi ni Marawi sa kanya.

Tumingin si Ingkong sa kanya at nakita niyang nakatingin si Marawi sa pintuan ng dilim sa malayo “alam ko ang mangyayari pagnabuksan na ni Olivia ang pintuang yan” sabi ni Marawi sabay tingin niya kay Ingkong Romolo. “Hindi ang multo ng kahapon niyo ang dapat niyong katakutan” sabi ni Marawi sa kanya “… ang multo ng mga Bailan… ang kahapon ni Una ang dapat niyong katakutan” sabi ni Marawi “kaya magpasalamat ka sa akin” dagdag ni Marawi. “Bakit?” tanong ni Ingkong sa kanya “dahil hindi mo na maaabutan ang dilim na yun…” sabi ni Marawi na tinaas niya ang espada niya para pugutan ng ulo si Ingkong ng biglang me naramdaman siyang presensya sa likod niya kaya mabilis siyang umilag at lumagpas sa kanya si Benson.

“Pa.. pasensya na Ingkong… kung… na..haahhh.huli ako…” nauutal na sabi ni Benson sa kanya na kita niyang maraming sugat ito sa mukha at sa katawan “Be…Benson!” tawag ni Ingkong sa kanya. Humarap sa kanila si Marawi nung nakalayo ito “buhay ka pa pala” sabi ni Marawi sa kanya “he..hehe…hehehe… hanggang.. me hininga.. pa.. ako….” sabi ni Benson “areglado” sabi ni Marawi na bigla itong nawala sa paningin nila. “Ingkong… me… plano ako…” sabi ni Benson “kailangan… ko… ang lakas mo…” sabi ni Benson “…. sige….” sagot ng Hari ng mga Lobo na biglang naging anino si Benson at umabante siya.

Nakita ni Ingkong na lumabas si Marawi mula sa pinagtataguan niya at umaatras lang ito sa mga atake ni Benson na para bang pinaglalaruan lang niya ito “aaahhh.. ka…kailangan kong… aaahhhh..” nararamdaman ni Ingkong ang sakit ng sugat niya. Hinawakan niya ang sugat niya at pinisil niya ito na pinagdikit niya ang balat niya para tumigil ang paglabas ng dugo. Nung nagawa na niya ito naghintay nalang siya sa pagkakataon niya para umatake, nakita niyang tinadyakan ni Marawi si Benson at natumba ito sa lupa at hindi na ito gumalaw. “Isturbo!” inis na sabi ni Marawi na naglakad na ito papunta kay Ingkong Romolo “nasaan na nga…” naputol nalang siya at napatigil nung humawak sa paa niya si Benson.

“Hi… hindi.. pa ako… tapos…” sabi ni Benson “hindi, tapos kana!” sagot ni Marawi sabay saksak nito sa espada niya sa likod ni Benson na napanganga nalang ang Bampira at sumuka ito ng dugo nung binaon pa ni Marawi ang espada niya sa likod niya. “Yan! Tapos kana!’ sabi ni Marawi sa kanya “he… hehehe.. hehehe…” natawa lang si Benson “hmm… bakit?” tanong ni Marawi “… salamat…” sabi ni Benson na nanlaki nalang ang mata ni Marawi at nilingon niya si Ingkong Romolo na nawala na ito sa kinaroroonan niya. Napalingon nalang siya sa lupa at nakita niya ang malaking anino na nakapalibot sa kanya “oh!” nalang ang nasabi ni Marawi dahil pagtingiin niya sa taas nakita nalang niya ang maraming pangil na kakagat sa kanya.

“Ikaw.. ang.. tapos!” sabi ni Benson sabay kagat ni Ingkong Romolo na ngayon ay naging higanting Lobo at kinagat ang kalahating katawan ni Marawi at nakita nalang ni Benson ang pagbagsak ng kaliwang kamay niya sa lupa habang yung kanan ay nakahawak pa sa espada niya. “GRAAAAAHHHHHHHHHH!!!!” sumigaw si Ingkong Romolo pagkatapos niyang kagatin si Marawi at dinura niya ang itaas na parte ng katawan niya sa lupa at dahan-dahan na siyang bumalik sa pagiging tao. Napaliguan ng dugo ni Marawi si Benson na kinatuwa naman nitong hinugop, agad tuimakbo si Ingknog Romolo sa tabi ni Benson na ngayon ay nakahawak parin sa paa ni Marawi.

“BENSON!” tawag niya na binitawan na nito ang paa ni Marawi at kusa nalang itong bumagsak sa lupa, tinanggal niya ang espada ni Marawi at inangat siya ni Ingkong at pinatihaya siya na kita nitong nakangiti si Benson “he..hehehe..hehehe..” natawa pa ito. “Benson, dadalhin kita sa pagamutan” sabi ni Ingkong sa kanya “hindi na… hahh..hahhh…katapusan ko narin” sabi nito na tinaas niya ang kamay niya na agad namang hinawakan ni Ingkong Romolo. “Ki… kina..gagalak kong.. makasama.. kang lumaban.. ka…kamahalan..” sabi ni Benson sa kanya “karangalan kong nakasama kita sa labanang ito” sabi ni Ingkong sa kanya. “Si.. Julian… ” sabi ni Benson “kami na ang bahala sa kanya” sagot ng Hari “hehe… maraming.. salamat….” ang huling sinabi ni Benson bago ito namatay at nakangiti pa ito nung dahan-dahan na itong nasunog at naging abo.

Narinig niya sa malayo ang boses ni Marawi na tila buhay pa ito kaya agad niya itong pinuntahan at nakita niyang pilit pa itong bumangon at hinanap ang espada niya. Ipinatong ni Ingkong ang kanang paa niya sa dibdib ni Marawi at tinutok niya ang dulo ng sandata niya sa leeg nito. “Hahaha.. na… naloko niyo ako.. hahahaha..” natawa pa ito “oo, si Benson ang nagplano nun” sabi ni Ingkong sa kanya “sana… sana tinudas ko na siya kanina…” sabi ni Marawi sa kanya. “Kasalanan mo yun kung bakti hindi mo yun ginawa” sabi ni Ingkong sa kanya na hiniga na ni Marawi ang ulo niya sa lupa at tumingin ito sa langit.

“Yung sinabi mo sa akin kanina” sabi ni Ingkong na tumingin sa kanya si Marawi “ano ang ibig mong sabihin nun?” tanong niya na seryosong tumingin sa kanya si Marawi at lumingon ito sa pintuan ng dilim. “Si… Una… ang ninuno namin…me… nakaraan siya… na.. humahabol sa kanya hanggang… ngayon..” kwento ni Marawi “maging alerto kayo… dahil ang dilim na ito… ay… mas.. mas mabangis pa kay Hilda…” dagdag ni Marawi. Niluhod ni Ingkong ang isang tuhod niya para mapalapit siya kay Marawi “i…isa lang.. ang dapat niyong gawin.. ma…mabuhay si.. Julian.. hanggang sa… araw ng.. pagtutuos..” kwento ni Marawi. “Bakit? Ano ang kinalaman ni Julian sa sinasabi mong dilim?” tanong ni Ingkong sa kanya na ngumiti si Marawi at sabing “siya ang pisikal na re-enkarnasyon ni Unaaahhh….” at namatay na ito.

Narinig nalang ni Ingkong na gumalaw ang espada ni Marawi nung namatay na ito at biglang lumutang ito sa ere at kagaya ng pagdating nito kanina ganun nalang din ito nawala, samantala sa Isla napatingin si Makisig sa paparating na espada ni Marawi at bumalik ito sa kinalalagyan niya. “Marawi.. ” lang ang nasabi ni Makisig at pinikit niya ang mga mata niya at nag-alay siya ng dasal sa dating niyang disipolo noon. Tumayo si Ingkong Romolo nung namatay na si Marawi at napatingin siya sa pintuan ng dilim at dahan-dahan narin siyang naglakad papunta dun pero habang naglalakad siya dahan-dahan narin niyang nararamdaman ang sakit ng sugat niya. “Ah! Hindi na ata ako aabot” sabi niya dahil dahan-dahan naring nawawala ang kapangyarihan ng pangil sa katawan niya.

Nanghihina na si Ingkong Romolo nang hindi na siya makahakbang sa sobrang pagod at sa tinamo niyang mga sugat bigla nalang siyang napatumba at naramdaman nalang niyang napasandal siya sa likod ng isang tao. Nagulat siya nung nakita niya ang mukha “Da…Dante!” sabi niya “Ingkong, ako na ang bahala sa’yo” sabi nito sa kanya “ba.. bakit ka nandito? Akala ko ba kasama mo sina Narra?” tanong niya. “Pinadala ako ni Haring Narra para bantayan ang buong syudad, narinig niyo naman ang sinabi ni Isabella kanina, hindi po ba?” sabi niya “ah.. oo” sagot niya “ako na ang bahala sa inyo Ingkong, idadaan ko kayo sa pagamutan” sabi ni Dante na naging Lobo ito at sinakay niya sa likod ang pinuno niya.

Nasa daan na sila nung binuka ni Ingkong ang mata niya at nagulat nalang siya nung nakita niya ang tatlong anak ni Solomon na tumatakbo narin kasama ni Dante “nadaanan ko sila kanina Ingkong nung papunta ako sa’yo” paliwanag ni Dante. “Si Solomon ba yan?” gulat na tanong niya “oo, nahanap nila sa loob ng gusali bago ito gumuho at sa tulong narin ng Engkanto kaya sila nakalabas” kwento ni Dante. “Kamahalan!” sabi ni Ramir sa kanya na ngayon ay isa ng Lobo at nakasakay sa likod niya si Solomon “mabuti! At natutuwa ako na ligtas kayong lahat” sabi niya sa kanila na nakita niyang nakasakay sa likod ni Raul ang Engkantong tumulong sa kanila “natutuwa akong ligtas kayo…” sabi niya bago ito nawalan ng malay.

“JULIAN!” sigaw ni Hen. Guillermo sa kanya na natauhan na si Julian “patawad sa inyo!” sabi niya na hinayaan na siyang gumalaw ni Hen. Guillermo nung nakalayo na siya sa mga magulang niya. “Kailangan na nating tapusin ito, Lala” sabi ni Lorenzo sa kanya na biglang nalungkot si Lala pero sumang-ayon ito sa kanya “ikukulong natin siya para hindi tayo mapilitang patayin siya” sabi ni Lala sa kanya “ikaw ang masusunod” sagot ni Lorenzo. Humihingal na si Julian sa pagod pati narin ang mga Bampira sa loob niya na halos maubosan na sila ng enerhiya sa pakikipaglaban sa kanila “Julian, kailangan nating matapos ito dahil nararamdaman kong nagiging peligro na ang sitwasyon natin habang tumatagal” sabi ni Reyna Lucia sa kanya “alam ko mahal na Reyna, pero…” sabi ni Julian na napatingin siya sa mga magulang niya.

“Patawad, mahal na Reyna, Heneral” sabi ng ilang Bampira na bigla silang napabitaw at napaluhod sa pagod “naiintindihan ko” sagot ni Reyna Lucia sa kanila na isa-isa din sa kanila ang napabitaw dahil narin sa malapit ng maubos ang lakas nila. “Julian, kailangan naming magpahinga” sabi ni Kap. Morietta na nanghihina narin “naiintindihan ko po, ako na muna ang bahala dito” sabi ni Julian sa kanila na bumitaw si Kap. Morietta at napaupo ang mga Bampirang nasa likod niya. “Nandito pa kami” sabi ni Hen. Guillermo “salamat Heneral, mga kasama” sabi ni Julian sa kanila na biglang humihina ang liwanag sa katawan ni Julian.

“Nanghihina na sila, oras na Lala” sabi ni Lorenzo “oo” sagot ni Lala na naglakad na sila palapit kay Julian habang umaatras naman ang huli para makalayo sa kanila “patawad anak” sabi ni Lala sa kanya. “Julian, tatagan mo ang loob mo” sabi ni Reyna Lucia sa kanya “nandito pa ako, kahit ano’ng mangyari hindi kita bibitawan” dagdag niya “salamat po, mahal na Reyna” sabi ni Julian na tinaas niya ang espada niya at hinanda ang sarili sa mangyayari. Hinanda narin ni Lorenzo ang dalawang espada niya “hindi ko na kailangan pang gamitin ang ilusyon ko, Lorenzo” sabi ni Lala sa kanya dahil nakita nilang wala ng maibubuga si Julian.

“Isabella… sana ligtas ka…” sabi ni Julian sa sarili niya ng biglang “….bakit, mahal na Reyna?’ tanong ni Hen. Guillermo sa kanya “JULIAN! YUMUKO KA!” sigaw ni Reyna Lucia sa kanya na biglang yumuko si Julian at nakita niyang napatigil ang mga magulang niya at napatingin ito sa ibabaw. “JULIAAAAAAANNNNNNN!!!” sigaw ko nung ginawa kong rampa ang gumuhong pader at lumipad ang mobile car na sinasakyan ko papunta sa kalaban ni Julian. Agad kong kinuha ang espada sa tabi ko at tumalon ako palabas ng mobile namin at tumalbog ako sa lupa bago gumulong nung dumapo ako, agad kong tiningnan ang dalawa na tumama sa kanila ang mobile car na sinasakyan ko “BULLS EYE!” sigaw ko. “ISABELLA!” narinig kong sigaw ni Julian na agad akong bumangon at pumunta sa kanya.

“Julian! Ok ka lang ba ha?” tanong ko sa kanya na kita kong pagod na ito sa condition niya ngayon kaya inakay ko siya dahil nakayuko na ito “nandito na ako” sabi ko sa kanya “hahh..haahhh… ang tagal mo..hahh..hahhh..” sabi niya sa akin. “I’m sorry, na traffic kasi ako eh” nakangiti kong sabi sa kanya na napangiti narin siya “ang importante ay nandito na ako” sabi ko sa kanya. “Kumusta na sa kabila?’ tanong niya sa akin “maayos lang” sabi ko sa kanya “nagsisinungaling ka” sabi niya sa akin na napangiti ako “alam ko” dahil nakita niya ang condition ko at alam niyang hindi maganda ang nangyayrai sa kabilang labanan. “Maghanda ka” sabi niya “teka, nasaan ang espada mo?” tanong ko sa kanya “ito” sabi niya “hindi, yung katulad nito” pinakita ko sa kanya ang espadang dala ko na napatingin siya sa likod niya “nabitawan ko kanina” sagot niya.

“Kailangan nating hanapin yun para mabuo natin ang espada ng alamat” sabi ko sa kanya “hindi na muna ngayon” sabi niya sa akin “bakit?” tanong ko na nakita kong tumingin siya sa kotseng sinakyan ko kanina at nagulat nalang ako nung nakita kong nahati ito sa dalawa. Lumabas si Lorenzo at nakita kong me kasunod itong babae “sino naman siya?” tanong ko na nakita kong napatigil yung babae nung makita ako “i..ikaw” narinig kong sabi nito. “Isabella, ipinakilala ko sa’yo ang nanay ko.. si Lala” pakilala ni Julian “siya ang nanay mo?” gulat kong tanong sa kanya “oo” sagot niya “bakti ka nandito?” tanong ni Lala sa akin “ano’ng bakit?” takang tanong ko sa kanya “ibang Isabella yan, Lala” sabi ni Lorenzo sa kanya “oh, ang kasalukoyang Isabella pala ito” sabi ni Lala.

“Julian kaya mo pa bang lumaban?” tanong ko sa kanya dahil kita kong marami na siyang sugat at tila nanghihina na siya “oo, kaya ko pa” sagot niya na hinawakan ko ang kamay niya “ako ang bahala sa nanay mo, hahayaan kitang kalabanin si Lorenzo” sabi ko sa kanya. “Lala” tawag ni Lorenzo sa kanya “ako ang bahala sa Isabella’ng ito” sagot ni Lala “mag-ingat ka” sabi ni Julian sa akin “nakahanda na ako, mahal” sabi ko sa kanya na napalingon siya sa akin at nginitian ako. “SIGE!” sigaw niya na naghiwalay kami, siya sa kanan habang ako naman sa kaliwa na ganun din ang ginawa ng dalawa at hinabol ako ni Lala habang narinig ko nalang ang ingay ng espada nina Julian at Lorenzo sa malayo.

Tumakbo ako sa gumuhong gusali at narinig kong tumatama ang bala ng mga pana sa pader nito kaya napayuko ako at nagtago “hindi ka makakatakas sa akin” sabi ni Lala na narinig ko nalang ang yapak nito sa gilid ko kaya hinampas ko ang espada ko at sinalo ito ng espada niya. “Magaling!” sabi ni Lala na tinulak niya ako palayo na agad akong umabante nung nakabalanse ako at inatake ko siya na parang wala lang sa kanya ang mga atake ko dahil naiilagan niya ito o sinasalo ito ng espada niya. “Shit dehado ako nito” sabi ko sa sarili ko na lumabas ako sa gusali para makalayo sa kanya na pinapana niya ako “shit!” napamura ako at napatago muli sa isang gumuhong gusali na hindi ako makahanap ng timing sa pag-atake sa kanya.

Samantala, binato ni Lorenzo ang isa sa espada niya na hinampas ito ni Julian kaya nasaksak ito sa lupa kaya agad siyang umabante na nag-espadahan silang dalawa at nung nakita niyang me hinila si Lorenzo agad siyang tumalon sa kaliwa niya kaya nailagan niya ang espada ng ama niya. Bago paman mahawakan ni Lorenzo ang isang espada niya bigla siyang binugahan ni Julian ng apoy na wala siyang nagawa kundi tumalon pataas kaya hindi niya nakuha ang isa niyang espada. Nagulat nalang si Lorenzo nung nasa ere na siya dahil bigla nalang siyang hinila ni Julian na nahawakan pala niya ang lubid ng espada niya kaya napaabante siya papunta kay Julian sabay hampas niya ng espada niya na sinalo ito ng isa pang espada ni Lorenzo.

Nagtutulakan silang dalawa habang naghihilahan din sila sa lubid ng espada ni Lorenzo “magaling!” sabi niya sa anak niya na biglang binuka ni Julian ang bibig niya at lumabas ang maraming tubig na tumama ito sa mukha ni Lorenzo. Napaatras si Lorenzo at pilit inaalis nito ang tubig sa mukha niya na agad hinila ni Julian ang lubid na hawak niya at napaabante si Lorenzo papunta sa kanya at nasaksak niya ang ama niya sa kaliwang dibdib nito. “AAKKK!” napasigaw si Lorenzo dahilan kaya napatigil si Lala sa pag-atake kay Isabella at lumingon ito sa direksyon ng mag-ama niya, sumilip ako sa labas at nakita kong parang abala si Lala sa mag-ama niya kaya dumaan ako sa hagdanan papunta sa second floor at nung nakakuha ako ng tyempo tumalon ako para atakihin siya.

Natumba kaming dalawa sa lupa at nabitawan ko ang espada ko at nabitawan din niya ang pana niya na sabay pa kaming bumangon na kita kong malapit lang sa kanya ang pana niya kaya wala akong choice kundi umabante. Nakita niya akong umabante kaya hindi na niya kinuha ang pana niya dahil alam niyang maaabutan ko siya bago pa niya makuha ito kaya hinarap nalang niya ako at nauna akong sumuntok sa kanya na umilag siya at sumuntok din siya na agad ko ding inalagan. Sa Police Academy mandatory kasi ang self-defense class, number two defense mo ito pagwala kang baril sa panahon na makaharap mo ang ganitong hostile na kaaway.

Magaling si Lala sa hand-to-hand combat, aaminin ko ito dahil kita ko sa galaw at sa porma niya na talagang dalubhasa ito sa pakikipaglaban, pinatid ko siya sa kaliwa niya na sinalo ito ng kamay niya at gumanti siya na kumonek ang kanang paa niya sa gilid ko kaya napatumba ako sa lupa. Tumalon siya sabay suntok sa akin na agad akong gumulong at bumangon na binigyan ko siya ng round-house kick na kumonek ito sa dibdib niya kaya siya na ngayon ang natumba sa lupa. Nakita kong hindi sinadyang nahawakan niya ang espada ko kaya kinuha niya ito at bumangon siya at tinutok niya ito sa akin pero nagulat nalang ako nung tumigil nalang siya bigla sa pag-abante nung nakita niya ng maayos ang espadang hawak niya.

Napaatras ako at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba “bakit?” naglakas loob akong nagtanong sa kanya dahil kita kong titig-na-titig ito sa espadang hawak niya “saan mo ito nakuha?” tanong niya sa akin. “……Bakit?” tanong ko sa kanya “sabihin mo sa akin saan mo ito nakuha?” tanong niya muli sa akin “sa dating tinitirhan niyo noon, sa isang kweba” sagot ko sa kanya na binagsak niya ang espada sa lupa at tumingin siya sa akin. “Isa lang ang ibig sabihin nito” sabi niya sa akin sabay tingin niya sa pintuan ng dilim “ano?” tanong ko sa kanya na bigla nalang siyang lumuhod at binagsak ang isang palad niya sa lupa na nagulat nalang ako na me bumalot na buhangin sa katawan ko hanggang sa leeg ko.

“AAHHHH” napasigaw ako at pilit kong gumalaw pero sobrang higpit itong nakabalot sa katawan ko nakita kong hinugot niya ang espada at lumapit ito sa akin “paano mo ito nagawa?” tanong ko sa kanya “ang alen?” tanong niya sa akin na lumagpas ito sa akin. Pilit kong lumingon sa likuran ko pero hindi ako makagalaw “ito.. itong ginawa mo sa akin” sabi ko sa kanya na nakita kong tumayo ito sa tabi ko na kinuha pala niya ang pana niya. “Iba kaming mga Bailan” sabi niya na tumayo ito sa harap ko at tinutok sa leeg ko ang espada ko “pwede kitang patayin ngayon dito” sabi niya “pero hindi mo gagawin yun” sabi ko sa kanya.

Nagpupumiglas akong makawala sa buhanging binalot niya sa akin pero hindi ako makagalaw “hindi ka makakawala sa buhangin na yan” sabi ni Lala sa akin na kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya dahil nakatingin ito sa direksyon nila ni Julian. “Hindi ko maintindihan” sabi ko sa kanya na lumingon siya sa akin “kung ganito pala kayo ka lakas bakit kayo naubos nung gabing yun?” tanong ko sa kanya na binaba niya ang espadang tinutok niya sa leeg ko at pinakita niya ito sa akin. “Alam mo ba kung ano ang espadang ito?” tanong niya sa akin “oo, isa yan sa espada ng alamat” sagot ko sa kanya “tama ka, pero alam mo ba kung ano ang espada ng alamat?” tanong niya “hindi!” sagot ko na tumingin ito sa espada.

“Ang espada ng alamat sa kwento-kwento ng mga matatandang Bailan ay ang espadang ginamit noon ni Una…. ” “nung tinalo nila ni Lucille si Hilda” pagputol ko sa kanya na tumingin siya sa akin. “Tama ka, pero bago si Hilda nagamit na rin niya ito noon” kwento niya “bago kay Hilda?” takang tanong ko sa kanya. “Ang kahapon ni Una ang pinangangambahan namin noon, akala namin tapos na ito nung nilubog niya ang Isla” kwento niya na bigla nalang siyang napatigil at tinaas ang espada sa ulo ko. “Sa paglabas ng espadang ito isa lang ang ibig sabihin nito” sabi ni Lala sa akin “ano?” tanong ko “.. ang pagbabalik ng anino niya” sabay hampas ng espada na akala ko tatama ito sa ulo ko pero lumagpas lang ito nung maramdaman ko itong dumaan sa kaliwa ko.

Nung binuka ko ang mga mata ko nakita kong nakatingin lang siya sa akin “akala ko ba papatayin mo ako?” tanong ko sa kanya “…I..Isabella…” tawag niya na nakita kong nagbago ang expression sa mukha niya. “Hihilingin ko ang tulong mo” sabi nito bigla sa akin “a… ano?” gulat kong tanong sa kanya “hindi kilala ni Julian.. ang anak ko ang mga Bailan” sabi nito sa akin “ano ang gusto mong gawin ko?” tanong ko sa kanya “gusto kong iparating mo ito sa kanya” sabi niya na bigla niyang nilagay ang kanang kamay niya sa ulo ko. “Iparating mo sa kanya ang totoong pagkatao ng mga Bailan” sabi niya na bigla nalang lumiwanag ang katawan ni Lala at napapikit nalang ako sa sobrang sinag nito.

Napaatras si Julian nung tinulak siya palayo ni Lorenzo na agad namang sumunod ang ama niya para atakihin siya “Julian.. patawad..” sabi ni Reyna Lucia sa kanya na siya nalang mag-isa ang nakakonekta sa kanya. “Haahh..haahh..haahhh.. wa.. walang anuman ito kamahalan” pagod na si Julian dahil sa maraming enerhiyang nilabas niya kanina pati narin ang Reyna ng mga Bampira na si Lucia. Napaluhod ang isang tuhod ni Julian nung sinalo ng espada niya ang dalawang espada ni Lorenzo at natulak siya nito pababa “wala ka na bang lakas, anak?” tanong ni Lorenzo sa kanya na napapikit na ang isang mata ni Julian. “Hahh..hahh…” hinihingal na siya at nararamdaman na ito ni Lorenzo dahil hindi na gaano kalakas ang pagtulak ni Julian sa espada niya.

“Hindi ito maganda para sa’yo anak” sabi ni Lorenzo na napatingin sa kanya si Julian na agad umikot ang ama niya at binigyan siya ng round-house kick na tumama ito sa dibdib niya at napatumba siya sa lupa. “Bumangon ka Julian!” sabi ni Reyna Lucia habang walang magawa ang mga tauhan niya dahil nanghihina narin sila “BUMANGON KA JULIAN!” sigaw ni Reyna Lucia sa kanya kaya gumalaw si Julian at dahan-dahan siyang bumangon. “Hindi ngayon, anak” sabi ni Lorenzo na binato siya ng maliliit na patalim at tumama ito sa magkabilang balikat niya kaya napatumba muli siya sa lupa. “AAAHHHH!!!” napasigaw si Julian sa sakit at nung pilit niyang abutin ang mga patalim kumikirot ang sugat niya kaya napahiga nalang siya at wala siyang magawa dahil dito.

Naglakad na palapit sa kanya si Lorenzo at tumayo ito sa kaliwang side niya at tiningnan siyang nakahiga sa lupa “kung… ” putol ni Lorenzo na tiningnan lang siya ni Julian “kung nabubuhay pa sana kami noon… sigurado akong nalalampasan mo na ang abilidad ko” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Pero.. pinili niyong mamatay..” sagot ni Julian na parang nalungkot bigla ang mukha ni Lorenzo, humogot siya ng dalawa pang maliit na patalim at binato niya ito sa magkabilang hita ni Julian na napasigaw ang binata sa sakit. Sinaksak ni Lorenzo ang espada niya sa gilid niya at lumuhod siya “gaya ng sinabi ko kanina, kailangan naming mamatay ng gabing yun” sabi ni Lorenzo “BAKIT?! BAKIT NIYO AKO INIWAN?!” sigaw ni Julian sa kanya na napalingon si Lorenzo sa direksyon ni Lala.

“Dahil nahanap na kami ng anino ni Una” sagot ni Lorenzo na natahimik nalang si Julian at nagulat sa sinabi ng ama niya “..a…anino..ni.. Una?” gulat na tanong ni Julian “oo, hindi kami naubos nung gabing yun dahil sa pinagsamang lakas ng mga Aswang at sundalong kastila” kwento ni Lorenzo. “Naubos kami dahil kasama nila ang aninong matagal na naghahanap kay Una” kwento ni Lorenzo na hiniga ni Julian ang ulo niya sa lupa at tumingin siya sa langit “…. ano ba ang meron sa aninong ito? Bakit niyo ito pilit iniiwasan?” tanong ni Julian. “Hindi ko alam ang boung kwento nila ni Una.. pero ang pagkakaalam ko na naikwento lang din sa akin sa lolo kong si Balin, siya at si Una ay iisa” kwento ni Lorenzo na napatingin sa kanya si Julian.

“Iisa silang dalawa?” tanong ni Julian “oo, hinahanap ng aninong ito si Una para mabawi nito ang itinakas ni Una noon… hindi namin alam kung ano pero ayun sa mga nakakatanda hindi lang espada ng alamat ang dala ni Una” kwento ni Lorenzo. “Ano?” tanong ni Julian na tumayo na si Lorenzo at hinugot niya ang espada niya at tinaas niya ito sa ibabaw ng dibdib ni Julian “ang Aklat ng Dilim” sagot ni Lorenzo. “Patawad anak!” sabi ni Lorenzo na naging isang espada na muli ang espada niya at dalawang kamay na niya ang nakahawak sa hawakan nito “alam kong ikaw ang tinadhanang magdadala sa amin sa liwanag.. pero..” sabi ni Lorenzo na nakita ni Julian ang luha nitong dumaloy sa pisngi niya “patawarin mo ako… amang Una..” sabi ni Lorenzo sabay baba niya ng espada niya at dumaloy ang maraming dugo sa katawan ni Julian nung tumama ito.

Narating na nina Haring Narra at Hen. Romualdo ang pintuan ng dilim na agad pinapwesto ng Hari ang mga tauhan niyang mga Taong Puno para gawin ang pagpigil sa pagbukas ng pinto “ituon niyo ang kapangyarihan niyo sa pinto!” utos ni Haring Narra sa kanila “OPO KAMAHALAN!” sigaw nila. “HAAA MGA ASWANG!” sigaw ng isang Lobo “kamahalan kami ang bahala sa kanila kayo na po ang bahala sa pintuan” sabi ni Hen Romualdo sa kanya. “Sige…” sagot ng Hari na pinagdikit agad nila ang mga palad nila at lumabas ang maraming ugat mula sa lupa na bumalot ito sa pintoan habang umabante naman ang mga Taong Lobo para pigilan ang umaabanteng mga aswang sa pisisyon nila.

Naglaban ang mga Aswang at mga Taong Lobo habang binabalutan ng maraming ugat ng mga Taong Puno ang pintuan ng dilim “HUWAG KAYONG SUMUKO!” sigaw ni Haring Narra sa mga tauhan niya. “Kamahalan!” tawag sa kanya ng isang tauhan niya. “Bakit?” tanong ng Hari “me tao sa ilalim ng pinto!” sagot nito na napatingin ang Hari sa ilalim ng pinto at tama nga siya me taong nakatayo na nakahood sa ilalim ng pinto. “Kalaban ba siya o kaalyado?” tanong ng Hari “kami na po ang bahala kamahalan!” sabi ng isang Lobo at sinugod nila ito para tingnan kung kaalyado ba nila ito o hindi, habang naglalaban ang iba yung tatlo naman ang pumunta sa taong nakatayo sa ilalim ng pinto.

Tumigil sila sampung talampakan lang ang layo sa taong nakahood at tinawag nila ito na hindi sila nito pinansin, nagkatinginan ang tatlong Taong Lobo kaya lumapit ang isa para alamin ito ng biglang sumuntok ang taong nakahood at napatumba sa lupa ang lumapit na Taong Lobo. “Ano ang nangyari?!” gulat na tanong nung isa niyang kasama dahil hindi nila nakitang tumama ang kamao nung taong nakahood sa kasama nila nung natumba ito. “KALABAN ITO!” sabi nung isa kaya umabante silang dalawa ng biglang sumuntok muli ang taong nakahood na napalipad silang dalawa nung tinamaan sila na parang me shockwave mula sa kamao nito at napatumba sila sa tabi nung unang kasamahan nila.

“KAMAHALAN KALABA…” hindi na natuloy nung Taong Lobo ang sinabi niya dahil bigla nalang sumulpot sa ibabaw nila ang taong ito at sumuntok ito dahilan kaya nawasak ang mga katawan nila sa lakas ng shockwave ng suntok niya. “AAAHHHHHHH!” sumigaw ang isang Lobo at umatake ito pagkatapos makita ang sinapit ng mga kasamahan nila “PATAYIN ANG TAONG YAN!” sigaw ng isang Lobo kaya sinugod nila ito ng biglang tumalon paatras ang taong nakahood at sumuntok ito na tinamaan silang dalawa at nawasak ang mga katawan nila sa pressure ng shockwave na pumasok sa katawan nila. Naubos na ng mga Taong Lobo ang mga Aswang kaya inutos ni Hen. Romualdo ang pag-atake sa taong nakahood at sumugod ang mga Taong Lobo papunta sa kanya na tumakbo naman ito papunta sa kanila.

“MAG-INGAT KAYO SA SUNTOK NIYA!” babala ni Hen. Romualdo sa kanila na tumatalon at umiilag sila sa tuwing sumusuntok ang kalaban nila at nung nalapitan ito ng isang Lobo kakagatin na sana niya ng biglang me lumabas na itim na bakal sa lupa na tumuhog ito sa leeg niya. Napatigil silang lahat sa pag-atake nung nakita nila ito “Heneral, tao nga ba siya?” tanong ng tauhan niya na nakita nilang nangisay ang katawan nung kasamahan nilang natuhog ng itim na metal “demonyo!” sabi ni Hen Romualdo. Narinig nilang tumunog ang pintuan ng dilim kaya napatingin silang lahat dito at nakita nilang dahan-dahan itong bumukas “HENERAL!” sigaw ng isa sa tauhan niya “KAMAHALAN!” sigaw ni Hen. Romualdo kay Haring Narra na kita nilang nahihirapan silang isara ang pintuan ng dilim.

“Huwag niyong hayaan bumukas ang pintuang yan!” utos ni Hen. Romualdo sa mga tauhan niya na agad silang kumilos ng biglang tumalon ang taong nakahood at tinas ang kamay nito. Nagulat nalang silang lahat nung lumabas ang malaking itim na metal mula sa lupa at pinutol nito ang mga ugat na tinali ng mga Taong Puno sa pintuan ng dilim. Napaatras silang lahat nung makita nilang nagbagsakan ang mga ugat sa lupa at doon bumukas ang pintuan “KAMAHALAN!” sigaw ng isang Taong Puno “HUWAG NIYONG HAYAANG BUMUKAS ANG PINTO, TULONGAN NIYO AKO!” sigaw ni Haring Narra na pinagdikitm uli nila ang mga kamay nila at lumabas ang maraming malalaking ugat mula sa lupa at binalot nila ito sa pintuan ng dilim.

Tumalon at tumayo ang taong nakahood sa mga ugat at tinaas nito ang dalawang kamay niya at nung binaba niya ito bigla nalang nahati ang mga ugat na binalot ng mga Taong Puno at doon dahan-dahan ng bumukas ang pintuan ng dilim. “MAHAL NA DYOSANG GAIA, TULONGAN MO KAMI!” sigaw ng isang Taong Puno habang tumakbo palayo sa pinto ang mga Taong Lobo at tumayo sila sa grupo ng mga Taong Puno. “Kamahalan, ano ang gagawin natin?” tanong ni Hen. Romualdo kay Haring Narra “maghanda kayo, si Hilda na ang makakalaban natin sa puntong ito” sabi ni Haring Narra na nilabas nila ang mga sandata nila para paghandaan ang paglabas ni Hilda.

Nagulat sila nung makita nila ang malaking itim na kamay sa gilid ng pinto at tinulak nito ang pinto para tuloyan na itong mabukas, nakita nilang lumutang sa harap ng pinto ang taong nakalaban nila at sa likod niya lumabas ang anino ng isang hugis babae mula sa pinto. “HAHAHAHAHAHAHA.. MALIGAYANG PAGBABALIK DYOSA NG DILIM!” narinig nilang sigaw ni Reyna Olivia na nakatayo na ito sa gilid ng pintuan ng dilim. Lumingon kay Olivia ang aninong lumabas sa pinto at sa taong nakalutang sa harapan niya “hmmmm…” lang ang narinig nila galing nito at tumingala ito sa langit at hinigop niya ang itim na ulap.

“Kamahalan!” tawag ni Hen. Romualdo na napatakip sila sa mukha nila dahil umihip mula sa pinto ang malakas na hangin at nung nawala na ito nakita nilang lumutang sa ibabaw ng pintuan ng dilim ang kaluluwa ni Hilda at pumasok ito sa katawan ng taong nakahood. “HUWAAGGG!” sigaw ni Haring Narra dahil ngayon lang niya napansin na ang tao pala yun ay ang katawang hinanda ni Olivia para kay HIlda. “ATAKIHIN ANG TAONG YAN!” sigaw ni Haring Narra sabay abante niya at sumunod sa kanya ang mga tauhan niya pero huli na sila dahil nasa loob na ang kaluluwa ni Hilda na agad itong pinagdikit ang dalawang kamay niya at lumabas ang malalaking itim na metal mula sa lupa at humarang ito sa kanila.

Sinuntok ito ni Haring Narra na nawasak ito kaya nakaabante silang lahat “MAHAL NA DYOSA! SILA ANG GUSTONG PUMIGIL SAYO!” sabi ni Olivia sa kanya na bigla nalang nawala si Hilda at sumulpot ito sa umaabanteng Hari. “HAH!” nagulat si Haring Narra na hindi niya nadepensahan ang sarili niya nung sinuntok siya nito kaya napalipad siya nung tinamaan siya “DEMONYO!” sigaw ni Hen. Romualdo na tumalon ito at hahatawin na sana niya si Hilda gamit ang espada niya ng biglang nawala ito at sumulpot ito sa likuran niya. “HENERAL!” sigaw ng isa sa tauhan niya pero hindi na nakadepensa si Hen. Romualdo nung sinuntok siya ni Hilda at bumaon siya sa lupa.

Umatake ang mga tauhan nina Haring Narra at Hen. Romualdo na pinalibutan nila si Hilda pero bigla nalang silang napatigil nung tinaas nito ang kamay niya at lumabas mula sa lupa ang maraming itim na metal at natuhog silang lahat nito. Lumabas sa hukay si Hen. Romualdo at inatake niya si Hilda na tiningnan lang siya ng itim na Dyosa at bigla siyang napatigil sa ere na hindi niya maigalaw ang katawan niya. “HAH!” nagulat siya sa nangyayari sa kanya na biglang sumulpot si Olivia sa likod ni Hilda at lumuhod pa ito “mahal na Dyosa, natutuwa po ako sa pagbabalik niyo dito sa lupa” sabi ni Olivia sa kanya. “HMP! Ito na pala ang panibagong mundo” sabi ni Hilda na nakita na Hen. Romualdo ang mukha nito na nagulat siya dahil kamukha ito ni Isabella.

Tiningnan ni Hilda ang kamay ni Isabella at kinapa niya ang katawan nito at mukha “gusto ko ang katawang hinanda mo sa akin, Olivia” sabi niya “maraming salamat at nagustohan mo ito, mahal na Dyosa” sabi ni Olivia. “Especial ko talagang pinahanap ang katawan na yan para lang sa iyo, kamahalan” sabi ni Olivia na lumingon si Hilda sa direksyon nina Lorenzo at Julian at lumingon siya sa kaliwa sa direksyon nina Haring Helius at Romolo. Biglang nagulat si Hilda nung tumingin siya sa kanan niya “bakit nandito ang sandatang yan?’ tanong niya kay Olivia “ano pong sandata, mahal na Dyosa?” tanong ni Olivia “hmm.. wala..” sabi ni Hilda na naglakad ito at nilampasan lang niya si Hen. Romualdo na nakasuspende sa ere at tumingin siya kay Haring Narra na ngayon ay nakatayo na sa malayo.

“Ano ang pangalan mo, Puno?” tanong ni Hilda sa kanya “I.. Isabella?” gulat na tanong ni Haring Narra “hmmm.. Isabella pala ang pangalan ng katawang ito… ang tinatanong ko ay sa’yo” sabi ni Hilda sa kanya. “Hahh.. ako si Narra ang Hari ng mga Puno” pakilala niya na nakita niyang tumingin sa paligid si Hilda “parang me kulang ata, nasaan na yung tatlong Hari o Reyna na inatasang mamuno ng mga kapatid ko?” tanong ni Hilda. “Parating na sila, huwag kang mag-alala” sabi ni Haring Narra sa kanya, lumapit si Olivia kay Hilda at lumuhod muli siya “mahal na Dyosa, yung dalawang Hari na si Helius ng Engkanto at Romolo ng Lobo ay naghihingalo na ngayon, siya nalang ang natitira sa kanilang hukbong” balita ni Olivia sa kanya.

“Hmm.. ganun ba? Magaling ang ginawa mo Olivia, maganda sana kung tinira mo sa akin ang dalawa para ako na mismo ang papatay sa kanila” sabi ni Hilda “mahal na Dyosa… yung.. pinangako niyo po sa akin?” tanong ni Olivia. “Hmm.. lumapit ka dito, Olivia at hawakan mo ang kamay ko” sabi ni Hilda sa kanya na natuwa ang Reyna ng mga Aswang na agad itong tumayo at lumapit kay Hilda. “Hawakan mo ang kamay ko para maibigay ko sa’yo ang kapangyarihang hinihiling mo sa akin” sabi ni Hilda sa kanya na agad lumuhod si Olivia at humawak sa kanang kamay ni Hilda. Ngumiti si Hilda sa kanya na kita niyang napangiti din si Olivia nung maramdaman niya ang kapangyarihang pumasok sa katawan niya.

“Haha..hahahahaha nararamdaman ko na ang kapangyarihan mahal na Dyosa” natutuwang sabi ni Olivia na napaluhod si Haring Narra sa sobrang pagod at nanghihina narin ang katawan niya habang nakatingin siya sa dalawa. “HAHAHAHAHA MAKIKITA MO NGAYON NARRA ANG BAGONG KAPA….” bigla nalang napatigil si Olivia nung naramdaman niyang hinigop ni Hilda ang kapangyarihan niya imbes na bigyan siya nito. “Do…Dyosa.. ano….” sabi ni Olivia na hinigpitan ni Hilda ang paghawak sa kamay niya at biglang lumabas mula sa katawan ni Olivia ang itim na aura at pumasok ito sa katawan ni Hilda. “Tingin mo ibibigay ko sa’yo ang kapangyarihan ko? HAHAHAHAHAHA” natatawang sabi ni Hilda sa kanya na pilit inaalis ni Olivia ang kamay niya kay Hilda.

“Maawa ka… AAAAAHHHHHHHH…” napasigaw si Olivia nung maramdaman niyang nanghihina na siya “hindi ba gusto mong maging makapangyarihan Aswang? Sumapi ka sa akin at maging parte sa kapangyarihan ko, Olivia!” sabi ni Hilda sa kanya. “HUWAAGGG.. HUWAAAAGGGGG!” sigaw ni Olivia na nabitawan siya ni Hilda nung sumulpot sa harapan nito si Haring Narra at hinampas siya nito ng espada niya na agad natumba sa lupa si Olivia at gumapang ito palayo. “Istorbo ka, Puno!” sabi ni Hilda na agad lumayo si Haring Narra nung lumabas ang maraming itim na metal mula sa lupa at iniilagan pa niya ang mga ito nung papalayo siya.

Pinagdikit ni Haring Narra ang mga palad niya at lumabas ang maraming kahoy sa lupa malapit lang kay Hilda na agad namang naputol ang mga ito nung lumabas din mula sa lupa ang matatalas na itim na metal ni Hilda. “Helius… Romolo… hahhh… kailangan ko ang tulong niyo..” bulong ni Haring Narra sa sarili niya na umaasa siyang marinig ito ng mga kapwa niya Hari na narinig ata siya ng dalawa dahil biglang nagising si Haring Helius sa hinihigaan niya. “Haring Helius!” gulat na sabi nung Taong Punong gumagamot sa kanya, bumangon si Haring Helius na nanghihina pa ito “kamahalan, huwag po kayong kumilos magpahinga lang po kayo” sabi nung gumamot sa kanya. “Tinatawag.. tinatawag ako ni Narra” sabi niya na pilit niyang tumayo pero natumba siya kaya sinalo siya ng mga gumamot sa kanya.

“Kamahalan, magpahinga lang po kayo hindi niyo na po kailangan pang..” “HINDI!” sigaw ni Haring Helius na tinulak niya ang dalawa palayo sa kanya “kailangan ako ni Narra” sabi ni Haring Helius na agad itong pinasok ang kamay niya sa bulsa niya at nung nahawakan na niya ito bigla nalang siyang nawala. Samantala nagising si Ingkong Romolo at pinatigil niya si Dante “kamahalan?” tanong ni Mariz sa kanya dahil huminto narin sila “kailangan ako ni Narra” sabi niya “Ingkong, kailangan niyo pong magamot” sabi ni Dante sa kanya “hindi… kaya ko na ito” sabi ni Ingkong Romolo na bumaba siya kay Dante at parang nahirapan pa siyang tumayo sa sarili niya.

“Ingkong kailangan niyo pong pumunta sa pagamutan” sabi ni Ramir sa kanya “hindi, unahin niyo si Solomon at Dante.. asikasuhin mo ang syudad na ito” utos niya sa kanila “Ingkong.. hindi ko gusto ang sinasabi niyo” sabi ni Dante sa kanya. “Huwag kang mag-alala Dante, nandito naman ako” sabi bigla ni Haring Helius na lumabas ito mula sa portal “Ha.. Haring Helius” gulat nilang sabi “paano po kayo nakagalaw?” tanong ni Dante sa kanya “sa tulong ng Dyosa namin” sagot niya. “Dalhin niyo na si Solomon para magamot na siya pati narin si Welyen” sabi ni Haring Helius sa tauhan niyang nasa likod ni Raul. “Pero..” “huwag matigas ang ulo Dante!” sabi ni Ingkong sa kanya na natahimik nalang ito “ma.. masusunod po, kamahalan” sagot ni Dante na nagdadalawang isip pa itong umalis.

“Sige na Dante, para magamot na si Solomon at si Welyen” sabi ni Haring Helius na niyuko nila ang mga ulo nila sa dalawa at umalis narin sila “mukhang binugbog ka ng husto ni Marawi, Romolo” sabi ni Haring Helius sa kanya. “Hahaha.. wala ito” natatawang sagot ng Hari ng mga Lobo “narinig mo din ba ang tawag niya?” tanong ni Haring Helius sa kanya na tinulongan niyang tumayo si Ingkong Romolo. “Oo, kaya nga ako nagising” sabi ni Ingkong “ako din, sarap na sana ang tulog ko” sabi ni Haring Helius na napangiti silang dalawa at maya-maya ay naging seryoso narin sila “handa ka na ba?” tanong ni Haring Helius sa kanya “oo” sagot ni Ingkong na humawak na ito sa pangil na binigay ng Dyosa nilang si Luna “tayo na” sabi ni Haring Helius na pumasok sila sa portal at nawala sila.

Napaatras si Haring Narra nung sumuntok si Hilda at tinamaan siya sa shockwave nito, tumalon ang Hari para ilagan ang mga itim na metal na lumalabas sa lupa. “Marami ka papalang enerhiyang maibubuga, Puno” sabi ni Hilda sa kanya “hahh..haahhhh hindi pa ito ang katapusan ko, demonyo!” sagot ni Haring Narra na biglang nagalit si Hilda sa sinabi niya na bigla nalang itong nawala at sumulpot sa harapan niya na agad nagtabon si Haring Narra para depensahan ang sarili niya. Tinamaan siya sa sunod-sunod na suntok ni Hilda at nung nahawakan siya nito binato siya sa lupa at pinagtatadyakan siya na wala siyang nagawa kundi depensahan lang ang sarili niya.

Tumigil si Hilda sa pagtatadyak kay Haring Narra at tinaas nito ang kanang kamay niya na me lumabas na itim na bola ng enerhiya “katapusan mo na, Puno” sabi ni Hilda na bigla nalang nawala si Haring Narra sa kinahihigaan niya kaya binalik nalang ni Hilda ang itim na enerhiyang ibabato sana niya sa kanya. “Ikaw pala si Hilda” dinig niyang boses mula sa malayo na paglingon niya nakita niya si Haring Helius na hawak-hawak na niya si Haring Narra. “Hmp! Ang dalawang Hari na akala ko hindi ko na mapapatay” nakangiting sabi ni Hilda “ang lakas ng loob mong sabihin sa amin yan, demonyo” sabi ni Ingkong sa kanya. “Bakit ang tagal niyong dalawa?” tanong ni Haring Narra sa kanila “patawad Narra ang importante nandito na kami” sabi ni Haring Helius “hmp!” lang si Ingkong Romolo.

“Me kulang parin” sabi ni Hilda “Puno, Engkanto at Lobo.. wala ang Bampirang nilikha ng mabait kong kapatid na si Lucille” sabi ni Hilda “ah.. oonga pala.. hahahaha wala na pala sila” natatawang sabi ni Hilda. “Huwag kang mag-alala Hilda, sapat na kami para sa’yo” sabi ni Haring Helius “hmm… tingin ko isang tulak nalang matutumba na kayo” sabi ni Hilda na nakangiti itong nakatingin sa kanila “hahahaha huwag mong intindihin ang kondisyon namin, demonyo” sabi ni Ingkong Romolo na umayos ng tayo si Haring Narra at tumingin siya sa dalawa.

“Handa na ba kayo?” tanong niya sa dalawa “oo” sabay sagot ng dalawa “kung ganun” sabi ni Haring Narra na kinuha niya ang butong binigay ni Dyosang Gaia pati narin ang dalawa at nilagay nila ito sa dibdib nila “hmm… tingin niyo makakatulong ang mga yan sa inyo?” sabi ni Hilda na nagbago ang mga anyo ng tatlo at naging higanting Lobo muli si Ingkong Romolo, naging higanting Taong Puno si Haring Narra at lumiwanag ang katawan ni Haring Helius na parang totoong enerhiya ang katawan niya. “HAHAHAHAHAHA” natawa lang si Hilda sa nakikita niya nung nagbago ang mga ito sa pagiging higanti naging tao muli sila pero nakikita ni Hilda ang pagbabago sa kanila.

“Ang mga anyo niyo ay mga anyo ng mga unang nilalang na ginawa ng mga kapatid ko” sabi ni Hilda sa kanila na nakatayo na ang tatlo hawak ang mga bagong sandata nila “nararamdaman kong lumalakas ang enerhiya sa katawan ko” sabi ni Haring Helius na ngayon ay pumuti lalo at me mahabang bakal na sandata sa kanang kamay niya. “Ako din” sabi ni Haring Narra na me makapal na armor sa katawan at me tumubong mallit na puno sa likod niya at nung nilingon niya ito nararamdaman niya ang enerhiyang dumadaloy nito papunta sa katawan niya “ahhh.. gusto ko ang nararamdaman kong ito” sabi ni Ingkong Romolo na natawa ang dalawa sa kanya dahil nababalutan siya ng buhok maliban lang sa mukha niya at naging aso ang tenga niya at me buntot pa siya “Hmp! Mas mabuti na ito kesa sa inyong dalawa” sabi ni Ingkong sa kanila.

Nagising nalang ako at naramdaman kong nakahiga na ako sa lupa “hah? ano..” nagulat ako at agad akong bumangon at tumingin sa paligid na nawala na si Lala. Napahawak ako sa ulo ko at parang nagflashback pa sa isipan ko ang pinakita sa akin ni Lala kanina “hah.. ano kaya yun!” gulat kong sabi na agad akong lumingon sa paligid at nakita kong nakasasak sa lupa ang espada ko. “Julian!” sabi ko na agad kong kinuha ang espada at tumkabo papunta sa kanya na nararamdaman kong nanghihina na ang enerhiya niya. “JULIAN!” sigaw ko na napahinto nalang ako nung nakita ko si Lorenzo na nakatayo malapit sa kanya at lalo akong nagulat sa nakita ko “hi.. hindi!” hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

“…I…Inay…” gulat na sabi ni Julian nung nakita niya ang nanay niyang sumulpot nalang bigla sa ibabaw niya at nakita niyang lumusot sa tiyan nito ang espada ng ama niya “La.. Lala..” tawag ni Lorenzo. Ngumiti si Lala kay Julian “..a…anak… ma…maayos ka lang ba?” tanong ni Lala sa kanya na dumaloy ang maraming dugo ni Lala sa tiyan niya “nay… bakit?” tanong ni Julian sa kanya “na.. nangako ako sa’yo noon.. nung nasa tiyan pa kita… na… a..aalagaan kita at.. poprotektahan..” sabi ni Lala na dahan-dahan hinugot ni Lorenzo ang espada niya sa likod ni Lala at napaatras siya sa kanila. “Ang..ang pangako ng.. isang Bailan…ay..hi…hindi… hindi niya.. dapat… biguin..” sabi ni Lala na hinawakan niya sa mukha si Julian “lalong.. lalo na.. ang … pangako ng.. isang…ina…” dagdag niya.

Scroll to Top