Chapter XXVIII: REASONS!
Naghanda na ang tatlong Hari para umatake “ako sa kanan” sabi ni Ingkong Romolo “ako sa kaliwa” sabi ni Haring Helius “hmm.. alam ko na kung saan ako” sabi ni Haring Narra na nag-ipon silang tatlo ng enerhiya “TAYO NA!” sigaw nilang tatlo at bigla silang nawala. Naging alerto naman si Hilda at napalingon siya sa kaliwa, sa kanan at sa harap niya nung sumulpot ang tatlo malapit sa kanya na napangiti lang ang Dyosa ng Dilim. “AMIN KA NGAYON!” sabay nilang sigaw ng biglang tumalon si Hilda at nakailag ito sa atake nila sabay ikot nito sa ere at tinamaan ang mga mukha nila nung nag-round kick ito at napatapon silang tatlo.
Hindi pa man nakaapak sa lupa ang paa ni Hilda biglang sumulpot sa kanan niya si Ingkong Romolo dala ang sandata niya at hinampas niya si Hilda na sinalo lang ng kamay nito ang sandata niya at binalibag si Ingkong Romolo sa lupa. Lumabas naman sa portal si Haring Helius at me puting bola ng enerhiya ang kanang kamay niya na ihahampas na sana niya ito sa mukha ni Hilda ng biglang umikot ito kaya nailagan niya ang atake ni Haring Helius. Nahawakan siya nito sa balikat at ang kamay niyang me hawak na puting enerhiya at sa lakas ni Hilda nahila niya ito at tumama ang puting enerhiya sa mukha ni Haring Helius at pumutok ito dahilan kaya napatalsik ang dalawang Hari palayo kay Hilda.
Lumabas mula sa lupa sa likod ni Hilda si Haring Narra at tutuhogin niya sana si Hilda ng biglang me lumabas na itim na metal mula sa lupa at dinepensahan siya nito, umatras palayo si Haring Narra at pinagdikit agad niya ang dalawang kamay niya. Lumabas ang maraming puno sa paligid ni Hilda at naglabasan ang maraming matutulis na kahoy mula sa puno at pumunta ito kay Hilda na umikot lang ang Dyosa ng DIlim na nagdulot ito ng malakas na hangin at napalipad niya hindi lang ang puno pati narin ang matutulis na kahoy na tinira ni Haring Narra sa kanya na agad nagtago sa ilalim ng lupa ang Hari para makaiwas sa mga binato ni Hilda sa kanya.
Lumabas mula sa ilalim ng lupa si Haring Narra sa pagitan nina Haring Helius at Ingkong Romolo “mabilis si Hilda, hindi ko mahabol ang galaw niya” sabi ni Ingkong Romolo “ang lakas niya.. haahhh..” sabi ni Haring Helius. “Mapanganib si Hilda, hindi basta-basta siya natatamaan ng atake natin, magaling ang depensa niya” sabi ni Haring Narra na sumang-ayon sa kanya ang dalawa, nakita nilang nakalutang lang si Hilda at nakatingin ito sa kanila. “Tapos na kayo?” tanong ni Hilda sa kanila na nagkatinginan silang tatlo “bukas ako sa ano mang suhistyon niyo” sabi ni Haring Narra sa dalawa “hmmm.. ” lang si Haring Helius.
“Ako meron” sabi ni Ingkong Romolo na napatingin sa kanya ang dalawa “pero delikado ang planong ito” dagdag niya na nagkatinginan si Haring Narra at Helius at tumingin muli sila kay Ingkong Romolo “nakikinig kami” sabi ni Haring Narra sa kanya na napangiti si Ingkong. Pagkatapos niyang sabihin sa dalawa ang plano niya agad naghanda ang dalawa “sigurado ka bang epektibo ito, Romolo?” tanong ni Haring Helius “oo, pulido ito” sagot niya na tumango si Haring Narra at bigla silang nawala sa tabi ni Ingkong Romolo. Na alerto si Hilda na napatingin siya sa kanan at sa kaliwa niya kaya bigla siyang tumalon na nahawakan ni Haring Narra ang paa niya nung lumabas ito sa ilalim ng lupa.
Lumabas naman mula sa portal si Haring Helius sa kaliwa niya at nahawakan nito ang kaliwang paa ni Hilda at hinila nila ito pababa na pilit silang pinapatid ng Dyosa ng Dilim. Pareho silang naglabas ng puting enerhiya sa mga kamay nila at binato nila ito kay Hilda na nagtabon naman nito para depensahan ang sarili niya na agad kumilos si Ingkong Romolo at naging higanting Lobo siya. “HETO NA AKO!!!” sigaw niya habang abala si Hilda sa atake ng dalawa kaya nung nasa ibabaw na niya si Ingkong Romolo at kakagatin na siya nito “HINDI!” sigaw ni Hilda sabay kagat ni Ingkong Romolo sa kanya. “TAGUMPAY BA?!” sigaw na tanong ni Haring Narra kay Haring Helius “HAHAHAHA….AH!” tumawa ng malakas si Haring Helius pero natahimik nalang ito bigla.
“Ah.. ano…ano ang nangyari?” takang tanong ni Ingkong Romolo dahil hindi laman ang nararamdaman niya sa ipin niya kundi “NABABALUTAN NG ITIM NA METAL SI HILDA!” sigaw ni Haring Helius “ROMOLO LUMAYO KA, IKAW DIN HELIUS!” sigaw ni Haring Narra sabay bitaw niya sa paa ni Hilda. Agad itong ginawa ni Haring Helius at pumasok muli siya sa portal niya pero hindi si Ingkong Romolo dahil pinilit niyang isara ang bibig niya na nagbabakasakali siyang makagat niya si Hilda “HAHAHAHAHA” natawa lang si Hilda at nakaramdaman ng matutulis na bagay si Ingkong sa bibig niya kaya agad siyang tumalon palayo kay Hilda at bumagsak nalang siya sa lupa nung tinamaan siya sa gilid sa lumipad na itim na bakal na binato ni Hilda sa kanya.
“ROMOLO!” sigaw ni Haring Narra na sinalo niya si Ingkong nung bumalik na ito sa anyo niya kanina at nung dumapo na sila sa lupa agad sumulpot si Hilda sa harapan nila at sabay silang napalipad nito nung sinuntok sila pareho. Lumabas sa portal si Haring Helius dala ang sandata niya at inatake niya si Hilda na dinepensahan naman ito ng itim na metal kaya hindi makapasok ang ataki ng Hari sa kanya. Tumalon paatras si Haring Helius palayo kay Hilda na hinabol siya ng mga itim na metal kaya nag-ipon siya ng enerhiya at tinira niya ito sa mga nag-aabanteng itim na metal at nawasak ito “HELIUS SA LIKOD MO!” sigaw ni Ingkong na huli na siya dahil natusok ang kanang balikat niya.
“NARRA!” tawag ni Ingkong ng umabante silang dalawa para tulongan si Haring Helius ng biglang me lumabas na malalaking itim na metal sa lupa at bumalot ito sa kanila “AAHH!” napasigaw sila sa sakit nung humigpit ito sa katawan nila. “Hahahahaha..” natawa si Hilda sa nangayari sa tatlo na me lumabas na itim na metal sa kinatatayuan ni Haring Helius at bumalot din ito sa katawan niya at humigpit pa ito kaya napasigaw din siya sa sakit. Narinig ni Hilda si Olivia na gumagapang ito palayo “tsk tsk tsk hindi pa ako tapos sa’yo Olivia” sabi ni Hilda na lumutang ito papunta sa kanya at inapakan niya ito sa likuran para hindi ito makatakas.
“KAMAHALAN!” sigaw ni Hen Romualdo na nakasuspende parin ito sa ere at hindi ito makagalaw “tumahimik ka aso! Huwag kang mag-alala magsasama kayo ng Hari mo sa hukay” sabi ni Hilda sa kanya na tiningnan niya si Olivia. “Ma..maawa ka sa akin…” pagmamakaawa ni Olivia kay Hilda na ngumiti lang ito at tinuon ang kaliwang palad niya at lumabas ang itim na metal mula sa palad niya at nasaksak ito kay Olivia. “AH!…. ma.. maawa ka sa akin.. ma…mahal na Dyosa.. ta..tapat naman ako sa’yo” pagmamakawa ni Olivia sa kanya “hiram ang buhay mo Olivia, pinahiram ko sa inyo ang buhay niyo para matupad ko ang mga plano ko” sabi ni Hilda sa kanya na tinaas din niya ang kanang palad niya at lumabas mula sa lupa ang itim na metal na tumusok ito sa palad niya.
Biglang nakaramdaman ang tatlong hari na hinihigop ang kapangyarihan nila kaya nagpupumiglas sila para makawala sa pagkakagapos ng itim na metal sa katawan nila “HAHAHAHA SABAY-SABAY KONG HIHIGOPIN ANG MGA KAPANGYARIHAN NIYO! HAHAHAHAHA” natatawang sabi ni Hilda. “KAMAHALAN!!!” sigaw ni Hen Romualdo na biglang me lumabas na itim na metal mula sa lupa at tinuhog siya nito sa leeg “ROMUALDO!!!” sigaw ni Ingkong nung nakita niya ito. “Ma.. maawa kaa….” sabi ni Olivia na nawala na ang kulay ng balat niya at natuyo na ito at ang dating itim niyang buhok naging puti ito at nalagas. “Hi… hindi.. ” sabi ni Olivia na tiningnan siya ni Hilda “ano ang sabi mo?” tanong niya “hindi ito.. ang katapusan ko…. ” sabi ni Olivia “tama ka, ilang sandali lang tapos kana” sabi ni Hilda sa kanya.
“Tingin.. mo.. magtatagumpay ka?” tanong ni Olivia sa kanya “bakti hindi? Tingnan mo nga ang nangyayari sa inyo ngayon” sabi ni Hilda “habang… habang nabubuhay ang… liwanag.. hindi.. hindi magtatagumpay ang dilim..” sabi ni Olivia. “Mali ka Olivia, mamamatay ang liwanag at maghahari ang dilim sa mundo” sabi ni Hilda “heh!.. ” lang si Olivia “bakit?” tanong ni Hilda na lumingon si Olivia sa tatlong Hari at lumingon siya sa kanan. “Binibitawan ko na kayo…. binibitawan ko na kayo….” mahinang sabi ni Olivia na bumagsak na sa lupa ang mukha niya “….Bailan….” huling sinabi ni Olivia bago siya naging abo at nawasak ang buong katawan niya. “Hmmm… ” lang si Hilda nung marinig niya ito at tumingin siya sa direksyon na tiningnan ni Olivia “Bailan…” sabi niya.
“I.. inay.. yung… marka sa dibdib niyo” sabi ni Julian kay Lala na napatingin si Lorenzo sa dibdib niya “oonga, nawala na yung marka ni Olivia” sabi ni Lorenzo “ano ang ibig sabihin nito?” tanong ko sa kanila. “Iisa lang ang ibig sabihin nito, wala na si Olivia” sabi ni Lala na hiniga siya ni Julian sa lupa at agad tumayo si Lorenzo at lumapit sa kanila, nagulat si Julian sa paglapit ni Lorenzo na pinigilan siya ni Lala “huwag anak… tama na… wala na ang marka ni Olivia sa amin” paliwanag ni Lala sa kanya. Lumuhod sa kanan ni Lala si Lorenzo habang nasa kaliwa naman si Julian “malaya na kaming makakagalaw, patawarin mo kami anak” sabi ni Lorenzo kay Julian.
Lumapit ako at umupo ako sa tabi ni Julian “inay.” tawag ni Julian na hinawakan niya ang kamay ni Lala “matagal..matagal ko ng gustong mahawakan ka anak.. mahal na mahal kita..” sabi ni Lala sa kanya. “Dadalhin ko po kayo sa pagamutan, me tinayong pagamutan si Haring Narra dito, pwede ka nilang gamutin” sabi ni Julian na hinawakan siya ni Lorenzo sa balikat “anak” sabi nito “hindi pwede” sabi ni Lorenzo sa kanya. “Bakit? Pwede ka nilang gamutin dun nay” sabi ni Julian “hindi pwede anak” sabi ni Lala “bakit nga hindi pwede?!” galit niyang tanong sa kanila “dahil matagal na kaming patay” sabi ni Lorenzo sa kanya na pareho kaming nagulat ni Julian.
Tama nga si Lorenzo matagal na nga silang patay at binuhay lang muli sila ni Olivia para gawin ang pinaplano niya “hindi na buhay ang katawan namin anak, patay na ito” sabi ni Lorenzo sa kanya na naluha lang si Julian dahil wala na siyang magawa para sa nanay niya. “Hahayaan lang ba nating mamatay si Inay?” tanong ni Julian na napayuko lang ang ulo ni Lorenzo “mahal… kong anak.. hayaan mo na akong manahimik” sabi ni Lala kay Julian na naiyak na ito “nay… nanay…” sabi ni Julian na niyakap niya si Lala at umiyak siya sa dibdib nito. “Lorenzo…” tawag ni Lala sa kanya “mahal?” “pinapaubaya ko na sa’yo.. ang lahat” sabi ni Lala sa kanya “hintayin mo ako sa kabilang mundo, mahal ko” sabi ni Lorenzo sa kanya na niyakap ni Lala ng mahigpit si Julian.
“Ohh. anak ko.. mahal kong anak… huwag kang mag-alala.. habang natutulog ka noon.. nakabantay lang ang nanay at tatay mo…” sabi ni Lala na kita kong naluha na si Lorenzo pati narin ako naiyak sa kanila. “Huhuhu..” umiiyak na si Julian “sa pagbalik ko sa kabilang mundo.. hindi na ako malulungkot.. dahil sa wakas.. nayakap na kita.. at alam kong hindi na ako mag-aalala sa’yo dahil.. alam kong.. kasama mo siya.. ” tumingin sa akin si Lala “at alam kong.. hinding-hindi ka niya pabababayaan… hindi ba.. Lucia” sabi ni Lala na napangiti si Reya Lucia sa loob ni Julian. Hinawakan ni Lorenzo ng mahigpit ang kamay ni Lala “hintayin mo ako Lala, sabay tayong uuwi sa Isla ng Kuro” sabi ni Lorenzo sa kanya na ngumiti na si Lala at pumikit na ang mata nito “paalam, anak” sabi niya nung hinalikan niya si Julian at namatay na siya.
Hinayaan lang muna ni Lorenzo si Julian at tumayo siya at kinuha ang espada niya, tumingin siya sa direksyon ng pintuan ng dilim “Isabella” tawag niya sa akin na nagpapahid ako ng luha “po?” tanong ko. “Me ipapakiusap sana ako sa’yo” sabi niya “ano po yun?” tanong ko “hanapin mo ang Aklat ng Dilim” sabi niya sa akin na bumangon na si Julian at inayos niya ang kamay ng nanay niya sa dibdib nito. “Ako po ang bahala dun” sagot ko na kinuha ni Lorenzo ang pana at espada ni Lala sa lupa at nilagay niya tio sa dibdib niya “Julian.. alam kong masakit para sa’yo ang… ” “wala na po yun ama, naiintindihan ko po” pagputol ni Julian sa kanya.
“Nay, maraming salamat sa pagmamahal niyo sa akin” sabi ni Julian at tumayo narin siya at nagkaharap sila ni Lorenzo, pinatong ni Lorenzo ang kanang kamay niya sa balikat ni Julian at pumikit ito. Natahimik silang dalawa ng sandali at nung binuka na niya ang mata niya “salamat sa pag-intindi, Lucia” na biglang naghilom ang lahat ng sugat ni Julian at nagulat ako nung nagsalita siya “walang anuman Lorenzo”. Tumingin si Lorenzo sa pintuan ng dilim pati narin si Julian kaya tumayo narin ako at tumingin doon “Isabella, mag-ingat ka” sabi ni Julian sa akin na humakbang si Lorenzo papunta sa pintuan ng dilim at sabing “tayo na Julian, kailangan nila ang tulong natin” “opo, ama!” sagot ni Julian na niyakap ko siya at siniil ko siya ng halik “mag-ingat din kayo” sabi ko sa kanya nung binitawan ko siya “dalhin mo narin ito” binigay ko sa kanya ang espada ko at sumunod na siya kay Lorenzo.
Tiningnan ko muna si Lala at nag-alay ako ng dasal sa kanya at pagkatapos umalis narin ako “alam ko kung saan hanapin ang Aklat ng Dilim” sabi ko “mag-ingat ka Julian” sabi ko habang nakatingin sa kanila ni Lorenzo na papalayo na sa akin. “Anak…” tawag ni Lorenzo sa kanya “po?” tanong ni Julian “me dapat kang malaman tungkol sa makakalaban natin” sabi ni Lorenzo. “Alam ko na po ama” sabi ni Julian “alam mo na? Paano?” tanong ni Lorenzo “simula nung dumating ako naaamoy ko na siya” sabi ni Julian “hmp, anak nga talaga kita” nakangiting sabi ni Lorenzo “alam kong binalik ni Olivia si Isabella” sabi ni Julian na tiningnan lang siya ni Lorenzo.
“Kasalanan ko ito anak kung bakit nakuha ni Olivia ang katawan ni Isabella” kumpisal ni Lorenzo “bakit mo nasabi yan, ama?” tanong ni Julian habang tumatakbo sila “alam ko yung lugar kung saan ka natulog” saogt niya. Nagulat si Julian nung marinig niya ito “a-alam niyo?” tanong niya “oo” sagot ni Lorenzo na napangiti siya “yun ang palagi naming pinupuntahan ni Lucia kung gusto naming mapag-isa… uhm… alam… hehehe” natawa lang si Lorenzo nung sinabi niya ito. Tiningnan tuloy siya ni Julian “ah hahahaha yun ang lugar kung saan kami mag ano ni…” “HUWAG NIYO NG SABIHIN AMA, SOBRANG NAKAKAILANG YAN!” sigaw ni Julian sa kanya na natawa si Lorenzo
“Pero seryoso ako anak, kami ng nanay mo ang nagpunta para kunin ang katawan ni Isabella” seryosong sabi ni Lorenzo na natahimik lang si Julian “sampung taon na ang nakalipas simula nung nawala ka kaya nung hindi ka mahanap ni Olivia binalik niya kami” kwento ni Lorenzo. “Alam niyang wala na sa palasyo ni Lucia ang Aklat ng Dilim at alam din niyang nasa sa’yo o kay Zoraida ito kaya ka niya pinahanap” kwento niya. “Nagtatago narin si Zoraida dahil hindi lang Aswang ang naghahanap sa kanya kundi mga sundalong Kastila din kaya naging desperado si Olivia” tumingin si Lorenzo kay Julian “kaya niya kami binalik dahil konektado kami sa’yo” dagdag niya.
“Kayo pala ni inay ang sinabi nilang me nangyayaring ritwal sa gubat ng mga Aswang” sabi ni Julian “oo, dalawang daang taon narin kaming nabubuhay kaya alam namin ang lahat ng nangyayari sa paligid mo” kwento ni Lorenzo. “Bakit hindi niyo ako ginising? Bakit hindi niyo kayo gumawa ng hakbang para magkita at magkausap tayo?” tanong ni Julian sa kanya “patawad anak, nakipagkasundo kami ni Olivia noon na huwag ka niyang galawin kapalit ng katawan na hinahanap niya” kwento ni Lorenzo. “Bakit si Isabella? Bakit siya ang pinili ni Olivia?” tanong ni Julian “dahil sa dinadala niya” sagot ni Lorenzo na nagulat si Julian “dahil sa batang nasa sinapupunan ni Isabella” dagdag ni Lorenzo na biglang huminto si Julian.
“A..ano ang kinalaman ng anak namin ni Isabella sa plano niya?” tanong ni Julian kay Lorenzo na huminto narin ito “me dugong Bailan ang batang yun anak at ang batang yun ang sinakripisyo niya para mabuhay muli si Isabella” kwento ni Lorenzo na napakamao ni Julian ang mga kamay niya. “Sinakripisyo ni Olivia ang anak namin ni Isabella?” galit na sabi ni Julian na napalingon siya sa pintuan ng dilim kaya nilapitan siya ni Lorenzo at hinawakan siya sa balikat. “Patawarin mo ako anak” sabi ni Lorenzo na niyuko ni Julian ang ulo niya sa lupa “…. wala na ang anak namin, kasama siya nung namatay si Isabella.. kaya wala na kayong dapat ihingi pa ng tawad sa akin ama” sabi ni Julian sa kanya.
Napangiti si Lorenzo sa kanya “tayo na, marami pa tayong gagawin bago natin harapin si Hilda” sabi ni Lorenzo sa kanya na napatingin si Julian “ano ang gagawin natin?” tanong niya “hindi sapat ang kaalaman natin tungkol sa espada ng alamat, alam ko kung saan tayo makakakuha ng kaalaman tungkol nito” sabi ni Lorenzo. “Yung espada ko pala” sabi bigla ni Julian “tawagin mo anak” sabi ni Lorenzo sa kanya na tinaas niya ang kamay niya at pumikit siya at ilang sandali lang ay lumipad papunta sa kamay niya ang espadang binigay ni Makisig sa kanya. Lumiwanag ang dalawang espada nung magkalapit na ito “tara na, puntahan muna natin ang mga Bailan na binuhay ni Olivia” sabi ni Lorenzo “bakit?” tanong ni Julian.
Unang tumakbo si Lorenzo na sumunod sa kanya si Julian “nangako ako sa kanila na dadalhin ko sila sa Isla ng Kuro” sagot ni Lorenzo “tama, narinig kita kanina nung sinabi mo yan kay nanay” sabi ni Julian. “Lahat ng Bailan na pumanaw anak napupunta sa Isla ng Kuro at ang pinuno nila ang inatasang magdala sa kanila doon” paliwanag ni Lorenzo “sa position nila si Marawi ang dapat magdala sa kanila pero matagal naring patay si Marawi, ang buhay lang na pinuno ng Kuro ang pwedeng magdala sa kanila” dagdag niya. “Paano mo sila dadalhin doon, hindi ba pati ikaw patay narin? Tsaka wala na ang Kuro kaya wala ng pinunong magdadala sa kanila doon” tanong ni Julian sa kanya na tumingin sa kanya si Lorenzo “me paraan anak” sagot niya.
Tumakbo na ako papunta sa pintuan ng dilim sa ibang daanan na tinatahakan nila ni Julian, ngayon ko lang nararamdaman ang sakit at hapdi ng mga sugat ko hindi pa nakatulong ang pagod sa katawan ko. “Shit, umaga na ata ako makakarating dun” sabi ko na napasandal ako sa pader dahil sa pagod at hapdi ng mga sugat ko ng biglang me narinig akong ingay ng sasakyan sa malayo kaya napatayo ako at napatingin sa direksyon na yun. “Shit! Hindi maganda ito, sa sitwasyon ngayon ng syudad at sa kondisyon ko paano ko maipapaliwanag sa kanila ito” sabi ko na magtatago na sana ako para hindi nila ako makita ng biglang “TENYENTE!” narinig kong sigaw mula sa sasakyan.
“Huh?!” nagulat ako “TENYENTE!” narinig ko muli ito at ngayon na bobosesan ko na ang tumatawag sa akin “TENYENTE! NANDITO NA KAMI!” sigaw ni Romero sa akin na nabuhayan ako ng loob nung makita ko ang matabang niyang mukha. “ROMERO!” sigaw ko na paika akong naglakad para salubongin sila, nakita ko ang dalawang sasakyan sa kabilang kanto at huminto ito nung nasa harapan ko na sila. “Tenyente pasensya kung nahuli kami” sabi ni Alan sa akin “wala yun, ang importante nandito na kayo” sabi ko sa kanya “hey there beauti.. uh ano ang nangyari sa’yo?” tanong ni Andres sa akin. “Andres, hindi ako makapaniwalang sasabihin ko sa’yo ito pero natutuwa akong makita ka” nakangiti kong sabi sa kanya na napasimangot siya.
“Bakit?” takang tanong ko sa kanya na inalis nito ang signature shades niya kahit sobrang dilim ngayon ng syudad “ano ka ba, bakit yan parin ang tawag mo sa akin? Hindi ba nag-usap na tayo tungkol dyan?” inis na sabi niya sa akin. “Oonga naman Tenyente” sabi ni Alan sa akin “oo na, ano dala niyo ba ang hinihingi ko, Andre5K?” tanong ko sa kanya na napangiti ito “of course, para sa maganda at seksing Tenyente” sabi nito na tinaas lang ang isang kamay at bumaba ang tauhan niya bitbit ang mahabang maleta. “Libre hindi ba?” sabi ko na napasimangot muli si Andres “haayyy alam mo Issa nakailang libre kana sa akin” sabi niya “Romero sa likod ka, ako dyan” sabi ko na agad lumipat sa likod si Alan at umupo ako sa passenger side.
“Nasaan na ang sila, Tenyente?” tanong ni Alan sa akin “marami ang nawala Alan, yung iba hindi ko na alam kung nasaan” sagot ko “ano ba ang nangyari dito at parang warzone ang buong Quezon City” tanong ni Andres. “Mga Aswang at maligno, Andres” sagot ko na tiningnan niya ako ng masama “Andre5K” sabi ko na napangiti ito “sinabi ko na sa kanila ang tungkol nito Tenyente” sabi ni Alan “teka, nasaan na pala ang dalawang Engkantong kasama niyo?” tanong ko sa kanya. “Nasa kabilang sasakyan, kanina pa sana kami nakarating kung hindi lang hinimatay ang dalawa” sabi ni Alan “sila din pala” sabi ko “bakit? Ano ba ang nangyari sa kanila, Tenyente?” tanong ni Alan.
“Nakikita niyo yang malaking pintuan?” tanong ko sa kanila “oo” sagot ni Andres “hinihigop ng pintuan na yan ang kapangyarihan nila kaya sila ngayon nanghihina” paliwanag ko sa kanila “kaya pala bigla nalang bumagsak yung dalawa nung malapit na kami dito” sabi ni Alan. “Tapos dyan tayo pupunta?” tanong ni Andres “oo, kailangan nating mahanap ang Aklat ng Dilim, ito lang ang paraan para bumalik ang liwanag sa buong syudad” paliwanag ko sa kanila “kung ganun” sabini Andres na kinuha niya ang walkie-talkie niya “boys! Party time!” sabi niya sa linya na narinig naming naghiyawan ang mga tauhan niya. Tumayo si Alan sa likod at inalis ang telang nakatabon sa 50 caliber machine gun na nakalagay sa ibabaw ng humvee.
“Hindi na ako magtatanong kung saan mo nakuha yan” sabi ko kay Andres “hehehe well, you know me Issa magaling ang mga connections ko” nakangiting sabi niya sa akin “ang ganda nito, ngayon lang ako makakagamit nito” sabi ni Alan na kita kong natuwa pa siya. Sa totoo lang matagal ko ng kilala si Andres, partner ng papa ko noon ang papa niya sa gun smuggling business kaya hindi na ako magtataka kung me ganitong gamit si Andres. Noong naghiwalay na ang papa ko sa papa niya nag solo na ang papa niyang humawak sa lahat ng shipments at clients nila noon kaya kung me makita akong mga bagong armas sa kalye o sa mga taong mahuli namin alam ko na agad kung sino at kanino galing ito.
Kababata ko si Andres kaya matagal ang pinagsamahan namin, aaminin ko naging maruming pulis ako pero isang beses lang nung pinatakas ko ang lokong ito noong ni raid namin ang warehouse niya. “Dahan-dahan lang sa paggamit niyan, Issa” paalala niya sa akin sa armas na binigay niya “bakit?” tanong ko “hindi ko pa na test yan kaya hindi ko alam kung ano ang resulta niyan” sabi niya “hmp! Kilala mo ako Andres” sabi ko sa kanya na “ANDRE5K!” sigaw niya na tinapik ko siya sa pisngi at natawa ako “TENYENTE!” sigaw ni Alan “ayan na sila” sabi ko kay Andres “shit! Lahat ng klasing tao nakita ko na pero ibang level ito, Issa” sabi niya sa akin na umayos ako ng upo at tinutok ang semi-automatic na armas na binigay niya “ngayon nakita mo na lahat!” sabi ko sa kanya.
“FIRE!” sigaw ko na kinalabit ni Alan ang gatilyo ng 50 caliber machine gun at nag-iingay na ito pati narin sa kabilang humvee “sa kanan mo Issa” sabi ni Andres kaya binaril ko ang mga malignong papalapit sa amin. Habang si Alan naman at ang tauhan ni Andres ang tumitira sa mga Aswang na nasa harapan namin at pati mga manananggal na lumilipad papunta sa amin “sa likod!” sabi ng isang tauhan ni Andres na binaril din nila ang mga tumatakbong maligno sa likuran namin. “WOOOOOOOOO!!!!” sumigaw si Alan habang natutuwa siyang pinagbabaril ang mga Aswang sa daan “Alan MAG RELOAD KA!” sigaw ni Andres na agad nag reload si Alan at nag-iingay na muli ang armas niya.
Dinaanan nina Lorenzo at Julian anga mga Bailan na binuhay ni Olivia at isa-isang sinaksak ni Lorenzo ang mga puso nila na nabuhay ito sandali lang para magpasalamat kay Lorenzo bago pumasok ang kaluluwa nila sa espada niya. “Bakit mo ginagawa ito, ama?” tanong ni Julian “responsibilidad ko bilang pinuno ang madala ang kaluluwa nila sa Isla, ang huling distinasyon ng mga Bailan” paliwanag ni Lorenzo. “Kaya pala sinabi mo kay nanay kanina na hintayin mo siya” sabi ni Julian “oo, dahil sabay kaming lahat na pupunta doon” sabi ni Lorenzo na lumingon siya sa direksyon ni Marawi “tara anak isa nalang” sabi ni Lorenzo na nagsimula na ulit silang tumakbo.
“Paano niyo napanatiling sekreto ang museleyong tinulogan ko?” tanong ni Julian sa kanya “ang nanay mo, siya ang nagbabantay sa’yo habang ako ang gumagawa sa mga inuutos ni Olivia sa amin” sagot ni Lorenzo. “Mabuting bantay ang nanay mo anak” nakangiting sabi ni Lorenzo “bakit?” tanong niya “walang Aswang ang nakakalapit sa islang yun dahil malayo pa ito patagong pinapana ito ng nanay mo, lalo na yung sumusunod sa amin” kwento ni Lorenzo. “Buti hindi nalaman ni Olivia ito” sabi ni Julian “nung una hindi pero kalaunan nalaman din niya dahil kay Enrico na patago din palang sumusunod sa amin, sumisipsip kasi siya kay Olivia para makakuha ng mga ginto” kwento ni Lorenzo.
“Pero hindi sila makakalapit dahil sa nanay mo, hindi ko naging asawa si Lala dahil sa kagandahan niya anak” sabi ni Lorenzo “alam ko yun ama, pinakita ng espada niyo ang nangyari sa inyo noon” sabi ni Julian. Na tumigil sila sa tabi ni Marawi “pinakita ng espada ko ang nangyari noon?” gulat na tanong ni Lorenzo sa kanya “oo, pati narin ang ritwal kung saan kinasal kayo ni nanay at yung paligsahan sa pagpili ng maging asawa niyo at nung gabing…” pagputol ni Julian. “…. pagsunog ni Lucia sa akin” dugtong ni Lorenzo na tumango si Julian “hmmm” lang si Lorenzo at niluhod niya ang kanang tuhod niya sa lupa at sinaksak niya sa puso si Marawi na agad itong nagising.
“HA! HAH.. oh.. ikaw pala” sabi nito na napatingin din ito kay Julian “Marawi, iuuwi na kita sa isla” sabi ni Lorenzo sa kanya “hehehe.. pasensya na Lorenzo kung nahati ang katawan ko” sabi ni Marawi. “Wala yun, hindi naman importante kung buo ka o hindi” sabi ni Lorenzo na lumuhod din si Julian sa tabi niya “oi! Itong anak mo, magaling bang lumaban?” tanong ni Marawi na tumingin si Lorenzo kay Julian “intindihin mo na hindi siya lumaki sa Kuro” sabi ni Lorenzo “HAH! Hindi magaling, buti nalang hindi ako ang humarap sa’yo kung hindi matagal ka ng patay” sabi ni Marawi kay Julian na napasimangot ito.
“Sinabi ko kay Romolo, Lorenzo” sabi ni Marawi sa kanya “mabuti, ngayong alam na nila” sabi ni Lorenzo “hindi ko alam kung maniniwala siya sa akin” sabi ni Marawi “tama na siguro yun, nandito naman si Julian” sabi ni Lorenzo. “Hah! Ang batang Bailan na hindi lumaki sa Kuro, hoy! Alam mo ba kung paano gamitin ang espadang yan?” tanong ni Marawi kay Julian na tiningnan siya nito “yun nga ang itatanong namin sa’yo Marawi” sabi ni Lorenzo “hmp! Sabi ko na nga ba! Sinabi ko dun sa babae na ibigay sa akin ang espada pero hindi siya nakinig” dismayadong sabi ni Marawi “paano ba mabuo ang espada ng alamat?” tanong ni Lorenzo.
“Pinuno!” sabi ni Marawi “ano?” tanong ni Julian “isang pinuno ng Kuro lang ang pwedeng magbuo nito” sabi ni Marawi “kung ganun pwede mo palang buohin ang espada ng alamat, ama?” tanong ni Julian. “Hahahaha hindi pwede!” natawang sabi ni Marawi “bakit? Pwede ka din hindi ba dahil dati ka ding pinuno ng Kuro” sabi ni Julian “hahahaha” natawa lang si Marawi “haayy tama nga si Makisig nung sinabing makulit ka” sabi ni Julian na natahimik si Marawi. “Paano mo nalaman ang pangalang yan?” tanong agad ni Marawi sa kanya na nagtaka si Julian “kasama ko siya sa Isla nung nag-ensayo ako, bakit?” tanong niya.
“Seryoso ba ang anak mo, Lorenzo?” tanong ni Marawi “saang Isla ka nagpunta anak?” tanong ni Lorenzo “hindi niyo alam? Yung Isla kung saan nakaipon ang lahat ng mga espada ng mga dating pinuno ng Kuro, nandun nga si Makisig na taga bantay doon” kwento ni Julian. “Anak.. na.. nakapunta kana sa Islang yun?” gulat na tanong ni Lorenzo “oo” sagot ni Julian na nagkatinginan si Lorenzo at si Marawi. “Bakit? Paliwanag sa akin ni Makisig na yun ang Isla ng Kuro na lumubog noon” kwento ni Julian na napahiga ang ulo ni Marawi sa lupa habang napaupo naman si Lorenzo “bakit? Ano ba ang Islang yun? Hindi ba yun ang Isla ng Kuro?” tanong ni Julian sa kanila.
“Marawi” sabi ni Lorenzo na tumingin sa kanya si Marawi at tumingin siya kay Julian “hmmm hindi lang iisa ang Isla natin kundi dalawa ito, ang Islang tinitirhan ng mga Bailan at ang pangalawa ay ang Isla ng mga espada” kwento ni Marawi. “Ayun sa kwento noong nasa Isla pa ako ang Isla kung saan nakalagay ang lahat ng espada ng mga dating pinuno ay ang Isla kung saan nakalibing si Una” kwento ni Marawi. “Isa lang ang alam kong nakapunta doon yun ang dati kong guro na si Makisig, kung nakilala mo si Makisig at napuntahan mo ang Islang ito ibig sabihin nito” sabi ni Marawi na tumingin siya ni Lorenzo na tumingin ito kay Julian “tama ang propesiya anak na ikaw nga ang reenkarnasyon ni Una” sabi ni Lorenzo sa kanya.
“Hahaha..” natawa si Marawi “bakit ka natawa?” tanong ni Julian sa kanya “hahaha natatawa lang ako dahil imbes na magalit ako kay Olivia dahil sa ginawa niyang pagbuhay sa amin at binaba niya ang kakayahan ng mga tauhan ko, magpapasalamat pa ako sa kanya dahil sa ginawa niya dahil nakilala at nakakasalimuha ko ngayon ang pangawalang Una” sabi niya kay Julian. “Marawi” sabi ni Lorenzo “alam ko, alam ko… nakahanda narin ako” tumigin siya kay Julian “tandaan mo bata, magiging buo ang espadang yan kung matatanggap mo na kung sino ka” sabi ni Marawi sa kanya “alam kong hindi mo parin matanggap na isa kang Bailan.. pero.. BAILAN KA!” sabi ni Marawi sa kanya.
“Marawi!” sabi ni Lorenzo “haayyy alam ko, tandaan mo kailangan ng buhay na pinuno para mabuo ang espadang yan” sabi ni Marawi na ngumiti ito kay Julian at pinikit ang mga mata niya “uuwi na ako sa wakas” sabi niya at hinigop na ng espada ni Lorenzo ang kaluluwa niya at namatay na muli siya. “Saan ako hahanap ng buhay na pinuno ng mga Bailan kung ako nalang ang natitirang Bailan sa mundong ito?” tanong ni Julian kay Lorenzo na nakatingin lang ito kay Marawi. “Tayo na anak” sabi ni Lorenzo “ama, hindi mo ba pwedeng buohin ang espadang ito?” tanong ni Julian sa kanya “anak, dalawang daang taon na akong patay… mag-iisip ako ng paraan para mabuo natin ang espada ng alamat pero sa ngayon harapin muna natin ang dilim na dala ni Hilda” sabi ni Lorenzo kay Julian na nauna itong tumakbo at sumunod sa kanya si Julian.
Malapit na kami sa pintuan ng dilim ng biglang sumulpot mula sa ilalim ng lupa ang malaking Aswang na humarang ito sa amin “ANDRES!’ sigaw ko sa kanya na agad niyang niliko pakanan ang humvee kaya nakailag kami. Muntik pa kaming mabangga sa pader mabuti nalang naapakan agad ni Andres ang brake “ok lang ba kayo?” tanong niya sa amin “ok lang ako, Alan?” “ok lang ako Tenyente” sagot niya at naririnig namin ang 50 caliber sa kabilang humvee at ang sigaw ng higating Aswang. Inatras ni Andres ang humvee at dumaan kami sa kabilang kalye para maikutan namin ito at nung nasa likod na kami ng Aswang “Issa me gamit ako sa likod” sabi niya.
Samantala tumulong si Zoraida sa paggamot sa mga nasugatan habang binabantayan niya si Jasmine na ngayon ay nakahiga sa katabing kama dahil nanghihina din ito “Zoraida, kami na ang bahala dito” sabi ni Rosas sa kanya. “Hindi, kailangan ko ding tumulong” sabi niya “hindi, kailangan mo ay magpahinga maraming sugat ang tinamo mo at marami ka naring enerhiyang nawala kaya kailangan mo ng magpahinga” sabi ni Gumamela. “Hindi, ok lang ako kaya ko pa ito” sagot ni Zoraida na ginamot niya ang isang sundalo ng Lobo “Zoraida” sabi ni Rosas na pinigilan siya nito “kung hindi mo ipahinga ang katawan mo madadagdagan lang ang pasyente namin dito” sabi niya na napatigil si Zoraida.
“Samahan mo nalang si Jasmine, mas kailanganin ka niya ngayon kesa dito” sabi ni Gumamela sa kanya “Jasmine” sabi ni Zoraida “halika na Zoraida” yaya ni Sampaguita sa kanya na tumigil sa paggagamot si Zoraida at dinala siya ni Sampaguita sa tabi ni Jasmine. “Magpahinga ka dito” sabi niya na pinaupo siya sa tabi ni Jasmine “TULONG! KAILANGAN NAMIN NG TULONG!” narinig nlang sigaw sa labas “dyan kalang kami na ang bahala dito” sabi ni Sampaguita sa kanya na lumabas ang ibang manggamot na Taong Puno at nagulat nalang si Zoraida nung makita niya kung sino. “So-Solomon!” sabi niya nung pinasok nila sa loob ng tent si Solomon at hiniga tatlong kama lang mula kay Jasmine.
“Me balita ba kayo kay Isabella o kay Julian?” tanong ni Zoraida kay Ramir “pasensya Zoraida wala kaming balita” sagot nito “ano na kaya ang nangyayari sa kanila?” tanong ni Zoraida “sigurado akong ligtas sila, Zoraida” sabi ni Ramir sa kanya. “Sana nga, sana nga” sabi niya “nay..” nagising na si Jasmine “anak, ano na ang pakiramdam mo?” tanong ni Zoraida sa kanya “nahihilo pa ako pero hindi na kagaya kanina, nasaan ang lolo ko?” tanong ni Jasmine “lumabas, tutulongan niya si Narra at Romolo anak” sagot ni Zoraida “sana ok lang ang lolo ko” sabi ni Jasmine “anak huwag kang mag-alala kung magkasama ang tatlong yun tiyak akong ligtas siya” nakangiting sabi ni Zoraida kay Jasmine na napapikit ito at ngumiti.
Balik sa tatlo, nararamdaman na nilang nanghihina na sila dahil hinigop ni Hilda ang kapangyarihan nila “AAAHHH KAILANGAN… AAHHHH. KAILANGAN NATING MAKAWALA!” sigaw ni Haring Helius sa dalawa. “MAG.. MAG-IPON KAYO NG ENERHIYA AT HAAAAA…” napasigaw si Haring Narra nung tumusok sa gilid niya ang itim ne metal at sinipsip nito ang lakas niya “NARRA!” sigaw ni Ingkong Romolo na dahan-dahan naring bumabalik ang dati nilang anyo. “HAHAHAHA hindi kayo makakatakas sa kapangyarihan ko” sabi ni Hilda sa kanila “kailangan nating makawala kundi baka matulad tayo kay Olivia” sabi ni Haring Narra na biglang lumiwanag ang maliit na puno sa likuran niya at natulak niya ng konte ang itim na metal na nakabalot sa kanya.
Ganun din ang ginawa ng dalawa “hahahaha kahit ano pa ang gagawin niyo hindi kayo makawala, tanggapin niyo nalang ang kapalaran niyo at maging parte ng kapangyarihan ko” sabi ni Hilda sa kanila. “Helius…. magbukas ka ng portal” sabi ni Haring Narra sa kanya “sinubukan ko na pero ayaw gumana ng kapangyarihan ko” sagot niya kay Haring Narra “Romolo…” tawag ni Haring Narra “AWOOOOOOO!!” umalolong si Ingkong na lumiwanag ang katawan niya at biglang lumaki ito at dahan-dahan siyang naging higanting Lobo “hmmm…” tinaas ni Hilda ang kanang kamay niya at lumabas ang maraming matutulis na itim na metal sa lupa “ROMOLO!” sigaw ng dalawang Hari dahil kita nilang tutuhogin nito si Ingkong Romolo.
Walang nagawa ang Hari ng Lobo kundi tingnan lang ang mga naglalapitang matutulis na itim na metal na papunta sa kanya “ROMOLO!!!” sigaw ng dalawang Hari nung ilang talampakan nalang ang lapit nito kay Ingkong Romolo. “PAALAM ASO!!!” sigaw ni Hilda ng naputol nalang bigla ang mga itim na metal na papunta kay Ingkong Romolo at biglang nawasak ang mga itim na metal na bumabalot sa tatlong Hari. “Hah! Ano’ng?” gulat na sabi ni Hilda na bigla siyang tumalon paatras palayo sa kanila at nakiramdam sa paligid kung sino ang gumawa nito, tumingin si Hilda sa kanan, sa kaliwa pati narin sa likod niya pero wala siyang makita.
“Nasaan..” sabi ni Hilda nung napatigil siya nung nakita niya ang dalawang maruruming talampakan malapit sa mukha niya at napaatras siya palayo nung tinamaan siya nito na agad siyang tumayo at inalis ang dumi sa mukha niya. Nung natapos na siya nakita niya ang dalawang taong nakatayo malayo sa kanya at namumukhaan niya agad ang isa “i… ikaw..” sabi ni Hilda na nagulat pa siya nung makita niya si Julian. “Ta..tama ba itong nakikita ko, Narra, Romolo?” tanong ni Haring Helius “oh… oo tama ka Helius” sagot ni Haring Narra na nakita nilang nakatayo si Julian at si Lorenzo, lumingon si Lorenzo sa tatlong Hari “patawad kung nahuli kami, patawad narin Narra sa muntik kong pagpatay sa’yo” sabi ni Lorenzo sa kanya.
Nakatitig lang si Julian kay Hilda na nagulat ang Dyosa dahil kusang gumalaw ang kanang kamay niya na parang inaabot si Julian “Isabella…” tawag ni Julian na nagpahid bigla ng luha si Hilda sa pisngi niya. “Tama, ang katawang ito ang dating mo kasintahan” sabi ni Hilda na binaba niya ang kanang kamay niya na tinaas ni Julian ang espada niya at tinutok ito kay Hilda “ang… espada ng alamat.. hindi.. katulad ng espada noon ni Una.” sabi ni Hilda. “Tama ka, ito ang espada na ginamit noon ng kapatid mo at ni Una” sabi ni Julian “grrrr… tingin niyo matatalo mo ako sa espadang yan?” sabi ni Hilda na kinuha ni Julian ang isa pang espada sa likod niya at tinutok niya ito pareho kay Hilda “tingnan natin” sabi niya.
Hinawakan siya ni Lorenzo sa balikat “teka muna anak” sabi niya na napatingin sa kanya si Julian “bakit ama?” tanong niya na nginitian siya ni Lorenzo at lumingon ito sa tatlong Hari “makakagalaw pa ba kayo?” tanong niya sa tatlo. Tumayo na sila “Lorenzo” sabi ni Haring Narra “mga kaibigan, magphinga na kayong tatlo kami na ang bahala dito” sabi ni Lorenzo sa kanila na hinugot niya ang espada niya. “Hilda! Magbabayad ka sa ginawa mong paggamit sa katawan ni Isabella” sabi ni Julian sa kanya “ito ba?” tanong ni Hilda na hinimas niya ang tyan pataas sa suso at sa leeg ng katawan ni Isabella at malandi pa itong tumingin sa kanya “ito ba, hahahahaha” natawa pa ito.
“Ama” tawag ni Julian “alam ko anak, kumalma ka huwag mong hayaang mapasok niya ang isipan mo” sabi ni Lorenzo sa kanya “opo” sagot ni Julian “tandaan mo anak, huwag kang atake lang ng atake nakikita ko kanina na kulang ka talaga sa ensayo” sabi ni Lorenzo sa kanya napasimangot si Julian. “Hmp! Ngayon tuturoan kita kung paano talaga lumaban ang isang Bailan” sabi ni Lorenzo “ikaw sa kaliwa ako sa kanan” dagdga niya “sige ama” sagot ni Julian. “Hehehehe” natawa si Hilda na lumabas ang maraming itim na aura sa buong katawan niya na naghahanda narin ito sa pag-atake nilang dalawa. “Unang hakbang anak” sabi ni Lorenzo nung naglakad na sila papunta kay Hilda “ano po?” tanong ni Julian “alamin mo muna kung gaano ka lakas ang kalaban mo” nakangiting sabi ni Lorenzo sabay takbo nilang dalawa papunta kay Hilda.
Chapter XXIX: RAGE!
Hindi sila hinintay ni Hilda dahil lumipad ito papunta sa kanila sabay tutok ng dalawang palad sa mag-ama at lumabas mula nito ang itim na enerhiya papunta sa dalawa na agad naman nilang iniligan. Sabay humugot ng maliliit na patalim ang dalawa at binato nila si Hilda na dinepensahan naman siya ng itim na metal mula sa lupa, napansin ito ni Lorenzo kaya tinawag niya si Julian “anak” “alam ko ama” sagot ni Julian. Pareho silang pumurma at sabay silang bumuga ng apoy papunta kay Hilda na napahinto ito at mabilis na lumabas ang makapal na itim na metal mula sa lupa “HAHAHAHAHA” tumawa lang ito pero bigla itong natahimik nung sumulpot sa magkabilang gilid niya ang mag-ama.
“Incendiu uimitoare (blazing fire)” sabay sigaw ng dalawa na nanlaki nalang ang mga mata ni Hilda at napatabon sa sarili nya nung bumalot sa kanya ang mainit na apoy mula sa dalawa, tumigil sa pagbuga ang dalawa at pareho silang umatras palayo kay Hilda. “HAAAAA!!!” sumigaw si Hilda at hinampas niya ang dalawang kamay niya na agad nawala ang apoy na nakabalot sa kanya at tinuon niya ang mga palad niya sa dalawa. Nakita nilang me namuong itim na bola ng enerhiya sa mga palad nito kaya sinaksak nila pareho ang mga espada nila sa lupa at tinuon din nila ang mga palad nila kay Hilda na napalingon ang huli sa kanila at nagtaka ito.
“ITO ANG SA INYO!!!” sigaw ni Hilda sabay tira niya ng kasing laki ng dump truck na itim na enerhiya sa mag-ama na lalo lang siyang nagtaka dahil imbes umilag nakatayo lang ang dalawa at hinintay ang tinira niya sa kanila. “NGAYON NA ANAK!” sigaw ni Lorenzo na sabay silang nawala sa kinatatayuan nila at dumaan lang ang itim na bolang tinira ni Hilda at sumulpot ang dalawa sa mismong tabi ng Dyosa ng Dilim at sabay nila itong sinaksak. “AGH..” nalang si Hilda nung naramdaman niya ang tatlong espadang bumaon sa katawan niya “amin ka ngayon, Hilda” sabi ni Lorenzo sa kanya na nilingon siya ni Hilda.
“A.. akala ko me gagawin kayo kanina..” sabi ni Hilda sa kanya “dibersyon lang yun, taktika namin” sabi ni Lorenzo na binaon pa niya ang espada niya sa gilid ng tyan ni Hilda “ama, kailangan natin siyang ipasok muli sa loob ng pintuan” sabi ni Julian. “Ibabalik niyo ako sa loob?” tanong ni Hilda sa kanila na nakatingin ang dalawa sa kanya “HAHAHAHAHAHAHA” tumawa ito sabay hawak sa mga espada nila “HUH!” nagulat sila pareho sa ginawa ni Hilda. “Hndii niyo ba naisip na taktika ko din ito!” sabi ni Hilda sa kanila na pilit nilang hinugot ang espada nila pero hindi nila ito mahugot “Julian lumayo ka na!” sabi ni Lorenzo sa kanya “hindi ama!” sagot ni Julian.
“Ako naman!” sabi ni Hilda na nakita nila parehong sumulpot ang malaking bola ng enerhiya sa likuran nila at nung pinagdikit ni HIlda ang dalawang palad niya tumama ito sa mag-ama dahilan kaya nabitawan nila ang espada nila. “HAAAAAAA!!!” pareho silang napasigaw at tinaas pa ni Hilda ang mga kamay niya na umangat ang itim na bola at nung binaba ni Hilda ang kamay niya sabay ding bumagsak ng malakas ang itim na bola kung saan nasa loob ang mag-ama. Nag stretch lang si Hilda at nahugot ang espada na nakasaksak sa katawan niya “ang espada ng alamat” sabi ni Hilda nung nahawakan na niya ito habang hinayaan lang niya mahulog sa lupa ang espada ni Lorenzo.
Nakita niyang nakahiga sa lupa ang mag-ama at namimilipit ito sa sakit, lumutang si Hilda papunta kay Julian at tinuon nito ang dulo ng espada sa binata “alam mo bang si Una ang may-ari ng espadang ito” sabi ni Hilda. “HAAAA….” napasigaw si Julian dahil sa kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya epekto sa tinirang itim na bola ng enerhiya ni Hilda “HAHAHAHAHA akala ko ba lalaban kayo bilang Bailan? HAHAHAHA” natatawang sabi ni Hilda na bigla nalang siyang umilag nung dumaan sa gilid ng mukha niya ang dalawang maliit na patalim. “Iba ka.. Lorenzo” sabi ni Hilda nung nilingon niya si Lorenzo at nakita niyang nakatayo na ito at tinuon ang kamay nito sa espada niya na bigla itong lumipad papunta sa kanya. “Oo, totoo ang sinabi ko Hilda” sabi ni Lorenzo na biglang umatras si Hilda dahil sa tatlong patalim na binato ni Julian sa kanya.
“HEH! Pati rin pala ikaw” sabi niya na bigla nalang naalis sa kamay niya ang espada ng alamat nung tinawag ito ni Julian “walang silbi ang espadang yan kung hindi mo yan mabuo” sabi ni Hilda sa kanya. Umatras si Julian palayo kay Hilda pareho ng distansya ni Lorenzo at pumorma siya “hmm.. tingnan natin kung hanggang saan ang lakas niyo” sabi ni Hilda na yumuko ito at nilagay ang kanang palad sa lupa. Narinig ni Lorenzo ang sinabi ni Hilda at doon nakapag-isip siya sa dapat niyang gawin, tumingin siya kay Julian at sa sitwasyon nilang dalawa kaya nakapagdesisyon na siya sa dapat niyang gawin.
“NARRA!” tawag niya sa kaibigan niya “LORENZO?” sigaw nito “me hihingin akong pabor sa inyo” sabi niya na tumayo si Haring Narra “kahit ano!” sagot nito “bigyan mo kami ng oras ni Julian” sabi ni Lorenzo. “Handa na ba kayo?” tanong ni Haring Narra sa dalawa na tumango si Haring Helius at tumayo narin si Ingkong Romolo “ano ang gusto mong gawin namin?” tanong ni Ingkong Romolo kay Lorenzo na nagulat nalang bigla si Lorenzo sa nakita niya sa likod ni Hilda. “JULIAN!” tawag niya sa anak niya “PO AMA?” tanong ni Julian “LUMAYO KA!” sigaw niya na napatingin sa kanya si Julian na nakita niya ang mukha ng ama niya kaya napatingin siya sa tinitingnan nito “HAH! NAIINTINDIHAN KO!” sigaw ni Julian kaya umatras siya palayo kay Hilda.
“Narra! Sasabihin ko sa inyo kung kelan!” sabi ni Lorenzo na naghanda ang tatlo at nag-ipon sila ng lakas para mamaya “Julian!” tawag ni Lorenzo “opo ama!” sagot niya sabay abante nilang dalawa at nakita nilang me lumabas na mga itim na nilalang sa paligid ni Hilda. “Tingnan natin kung matalo niyo ang dilim ko” nakangiting sabi ni Hilda sabay taas ng mag-ama ng espada nila at inatake sila ng mga itim na nilalang. Nahiwa at napatay nilang dalawa ang mga nilalang na nilabas ni Hilda mula sa lupa kaya umatras ito palayo sa kanila na binato nila ito ng maliliit na patalim at lumabas mula sa lupa ang itim ne metal para depensahan siya.
“Nakita mo ba yun?” tanong ni Lorenzo kay Julian nung magkatabi na silang nakatayo malayo lang kay Hilda “oo ama, nakikita ko ang tinutukoy mo” sabi ni Julian “anak, naalala mo ba ang ginawa namin kanina ng nanay mo?” tanong ni Lorenzo na napaisip sandali si Julian “oo” sagot niya. “Nasa likod mo lang ako” sabi ni Lorenzo na umatake silang dalawa at unang tumakbo si Julian papunta kay Hilda at nasa likod si Lorenzo “HAHAHAHA” tumawa si Hilda sabay tutok ng dalawang palad niya sa kanila at tumira siya ng mga maliliit na itim na enerhiya na inilagan ito ni Julian sabay talon naman ni Lorenzo pataas at binato niya ang espada niya papunta kay Hilda at dahil sa sobrang lapit na nila hindi agad lumabas ang itim na metal para dumepensa kay Hilda kaya umilag siya.
Tinuon ni Hilda ang palad niya kay Lorenzo at tinamaan niya ito kaya napalipad niya ito pero nasalo siya ni Julian “ama!” sabi ni Julian “maayos lang ako anak” sagot ni Lorenzo na nakita nilang nakangiti si Hilda habang nakatingin sa kanila. “Sigurado ka bang ako ang pinuntirya mo sa espada mong yun, Lorenzo?” nakangiting tanong ni Hilda na tinayo ni Julian si Lorenzo “maayos lang ako anak, kaya ko na” sabi ni Lorenzo. “Hindi!” sagot ni Lorenzo kay Hilda na nagtaka ito sa sagot niya, kumuha ng maliit na patalim si Lorenzo at binato niya ito kay Hilda na ngumiti lang ito at HINdi man lang ito gumalaw nung papunta na sa kanya ang binato ni Lorenzo.
“Gaya ng sinabi ko sa’yo Lorenzo hindi yan tatam…..” natahimik nalang si Hilda nung nadaplisan ng maliit na patalim ang kanang pisngi niya at dumugo ito “hah!” nagulat siya nung hinawakan niya ang pisngi niya at pagtingin niya sa daliri niya. “Du… dugo?” gulat na sabi nito na mabilis gumalaw ang mag-ama at sabay nilang binato ng maraming maliliit na patalim si Hilda na tumama ito sa katawan niya pero hindi ito natinag at nakatayo parin ito. “Pa… paano…” sabi ni Hilda “alam ko na ang sekreto mo Hilda” sabi ni Lorenzo na tinuro ni Julian ang espada ng ama niya kaya napatingin si Hilda doon “siya ang tumutulong sa’yo” sabi ni Lorenzo.
“Siya ang totoong nagmamay-ari sa itim na metal na dumedepensa sa’yo” sabi ni Lorenzo sa aninong natuhog ng espada niya “GRRRR kaya pala sinadya mong ibinato ang espada mo doon” galit na sabi ni Hilda na agad itong kumilos para hugotin ang espada. “NARRA!” sigaw ni Lorenzo na agad pinagdikit ni Haring Narra ang mga palad niya at lumabas mula sa lupa ang naglalakihang mga puno at pinalibutan nito ang Aninong tumutulong kay Hilda. “HELIUS!” tawag ni Haring Narra “areglado” sagot ni Haring Helius na nagbukas ito ng portal at pinasok nito ang puting enerhiya sa loob at nakita nalang nilang lumiwanag sa loob ng mga puno “GRAAAAAAAAAHHHHHH!!!” narinig nilang sumigaw ang Aninong nakakulong sa loob.
“Kami na ang bahala dito, Lorenzo” sabi ni Ingkong Romolo nung tumayo ito sa tabi nila ni Julian “ama?” nagulohan si Julian “anak, hindi sapat ang kapangyarihan natin para matalo natin si Hilda me naisip akong paraan para mabuo natin ang espada ng alamat” paliwanag ni Lorenzo. “Sige, kumilos na kayong dalawa kami na ang bahala dito” sabi ni Ingkong Romolo “magmadali kayo!” sabi ni Haring Helius “maraming salamat sa inyo!” sabi ni Lorenzo “tara na Julian” tawag ni Lorenzo sa kanya “si.. sige po ama” sagot ni Julian at sumunod siya kay Lorenzo. “GRAAAAAAHHHHHHH!!!” sumigaw si Hilda na napatigil silang lahat nung naramdaman nilang yumanig ang lupa at nakita nilang biglang lumaki si Hilda.
“MAGMADALI KAYO!” sigaw ni Haring Narra na tumango si Lorenzo at tumakbo na sila ni Julian palayo sa kanila “saan tayo pupunta ama?” tanong ni Julian sa kanya “lalayo lang tayo ng konti anak” sagot niya. Naging higanti si Hilda kaya naging higanting Lobo din si Ingkong Romolo at naglaban silang dalawa habang pinipiiglan naman ni Haring Narra at Haring Helius ang Anino na nakakulong sa loob ng maraming puno. Nung nakalayo na sina Lorenzo at Julian “tama na ito” sabi ni Lorenzo kaya tumigil siya pati narin si Julian “ama ano ang gagawin natin dito?” tanong ni Julian sa kanya na ngumiti si Lorenzo at hinugot niya ang isa pa niyang espada.
“Anak, oras na para ibigay ko sa’yo ang huling karapatan mo bilang Bailan” sabi ni Lorenzo na nagulat si Julian sa sinabi niya “a.. ano’ng huling karapatan?” takang tanong ni Julian na sinaksak ni Lorenzo ang espada niya sa Lupa at hinawakan niya sa balikat ni Julian. “Anak, napapanahon na para ipasa ko sa’yo ang position ko bilang pinuno ng Kuro” sabi ni Lorenzo “a.. ako.. maging pinuno?” gulat niyang tanong at napatingin siya sa lupa. “Bago ka pa man isinilang noon binasbasan na kita bilang susunod na pinuno ng Kuro” kwento ni Lorenzo “sumang ayun sa akin ang buong Bailan kaya nung ika walong buwan mo sa tiyan ng nanay mo me ginawa kaming lahat na hindi naaayun sa tradisyon nating mga Bailan” kwento pa niya.
Naramdaman ng Anino na me peligrong darating sa kanya kaya nilabas niya ang lahat ng lakas niya at natanggal niya ang espada ni Lorenzo na nagpipigil sa kanya at agad siyang lumusot sa ilalim ng lupa para makatakas sa atake ng dalawang Hari. “Narra!” tawag ni Haring Helius “alam ko, hindi ka makakatakas sa akin!” sabi ni Haring Narra na agad niyang tinuon ang atensyon niya sa lupang dinaanan ng Anino pero mabilis itong kumilos at nakailag sa mga ugat na ibabalot sana niya sa kanya. “GRAAAAAAAAAA!!!” narinig nilang sumigaw si Hilda at ang pagbagsak ni Ingkong Romolo sa kaliwa nila “ROMOLO!” sigaw nilang dalawa “aahh.. lumalakas si Hilda!’ sabi ni Ingkong Romolo na me sugat ito sa kanang balikat niya.
“Narra, yung Anino?” tanong ni Haring Helius “na… nawala na siya” sabi ni Haring Narra na bigla silang inatake ni Hilda kaya mabilis silang umilag at tuloy-tuloy ang pag-atake ni Hilda sa kanila “LORENZO!!!” tawag ni Haring Narra habang iniilagan niya ang mga atake ni Hilda. “NARRA!” sigaw ni Haring Helius nung tinamaan siya ng bolang itim na enerhiya ni Hilda at napalipad siya papunta sa isang gusali. “Helius! Ituon mo ang atensyon mo kay Hilda alam kong maayos lang yun si Narra” sabi ni Ingkong Romolo na ngayon ay nakahawak na sa sugat niya sa balikat at pinipigilan nito ang paglabas ng maraming dugo.
Samanatala, napatay namin ang higanting aswang at ngayon ay bumabyahe na muli kami papunta sa pintuan ng dilim “Tenyente” tawag sa akin ni Alan sabay turo nito sa bandang kaliwa namin kung saan me mga pagsabog at pagyanig ang nangyayari. “Julian” sabi ko sa sarili ko “Issa, malapit na tayo” balita ni Andres sa akin kaya nag reload ako ng bagong magazine pati narin si Alan at naghanda kami sa mga aswang na aataki sa amin. Pinarada ni Andres ang humvee dalawang kanto lang ang layo sa pintuan ng dilim at bumaba na kami “kayo!” tawag ko sa mga sakay sa pangalawang humvee “doon kayo sa kabila at mag-ingat kayo” sabi ko sa kanila na tumango lang sila at umalis.
“Dito tayo” sabi ko kina Andres at Alan at tumakbo na kami papunta sa pintuan ng dilim “Tenyente!” tawag ni Alan sa akin sabay turo ng nguso niya sa direksyon na tinatahakan namin “sino yan?” takang tanong ko kaya napahinto kami. “Tao ba yan?” tanong ni Andres sa akin “SINO KA?!” tanong ko dun sa taong nakatayo malapit lang sa pintuan ng dilim “SINO KA SABI EH?!” tanong ko ulit sabay tutok namin ng mga armas namin sa kanya. “Huwag! Huwag!” sigaw nito sabay yuko niya sa lupa kaya nagkatinginan kaming tatlo at nilapitan namin siya “huwag po! Huwag po! Maawa po kayo sa akin” sabi nito sa amin.
“Sino ka ba?” tanong ko sa kanya “ah.. ako si Raadu” pakilala niya sa amin “ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Alan sa kanya “hi.. hindi ko nga po alam kung bakit ako nandito… nagising nalang ako na ganito na ang lugar” paliwanag niya. “Issa, hindi aswang yan” sabi ni Andres sa akin na tinuro niya ang kwentas nito sa leeg “lumayo ka dito, hindi ligtas ang lugar na ito” sabi ko sa kanya “ma.. maraming salamat po..” sabi niya at yumuko pa ito habang papalayo ito sa amin. “Siguardo ka bang hindi aswang yun?” tanong ni Alan kay Andres “me aswang bang nagkukwentas ng cross?” tanong ni Andres kay Alan “tama ka nga” sagot ni Alan “tayo na! Nag-aaksaya lang tayo ng oras” sabi ko sa kanila “yes, Tenyente!” sabay sagot nilang dalawa at tumuloy na kami.
“Ano ang ginawa niyo sa akin?” tanong ni Julian sa ama niya “nag bahagi kami ng mga..” hindi na natuloy ni Lorenzo ang sasabihin niya nung naramdaman niyang me namumuong peligro sa kinatatayoun niya kaya tinulak niya palayo si Julian. Nagulat si Julian sa ginawa ni Lorenzo pero lalo siyang nagulat sa sinapit nito dahil natusok ng maraming itim na metal ang magkabilang braso at magkabilang tuhod ni Lorenzo. “AAAAHHHHH!!!” napasigaw sa sakit si Lorenzo “AMA!!!” sigaw ni Julian na agad siyang tumayo at lalapit sana siya “HUWAG ANAK! LUMAYO KA!” sigaw ni Lorenzo sa kanya kaya napatigil si Julian at doon nakita niyang lumabas sa likod ni Lorenzo ang Anino.
“Matinik ka talaga Lorenzo, napakatalas ng pakiramdam mo” sabi ng Anino sa kanya na nilingon siya ni Lorenzo at nilapit naman ng Anino ang mukha niya sa kanya at ngumiti ito “kumusta kana bata?” nakangiting tanong nito sa kanya. “I.. ikaw yung naramdaman ko noon nung inatake ng mga aswang ang Kuro” sabi ni Lorenzo sa kanya “hehehe.. gaya ng sinasabi ko kanina, matalas talaga ang pakiramdam mo” sabi ng Anino sa kanya. “SINO KA?!” tanong ni Julian sa kanya “hmm… ako lang naman ang kahapon na pilit hinahabol ang ngayon” sagot ng Anino “ah!.. Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Julian.
Lumakad ito at tumayo sa tabi ni Lorenzo na ngayon ay nakasuspende sa ere dahil sa mga itim na metal na nakatusok sa kanya “ako ang kahapon na puputol sa bukas niyong mga Bailan” sabi ng Anino sa kanya. Hinugot ni Julian ang dalawang espada niya “ang mga espada! Alam mo bang hindi sa inyo yan?” sabi ng Anino sa kanya “ano’ng hindi sa amin? sS Una ang nag mamay-ari nito” sabi ni Julian. “Isa lang ang kay Ruuna, sa mahal na Hari ang isa.. yang nasa kaliwa mo” sabi ng Anino kay Julian na tiningnan niya ang espadang hawak niya sa kaliwa “kay Lucille ito” sabi ni Julian “Lucille? Ah tama! Ang Diwata ng mga Bampira… ang Diwatang ibinigay ang kalahati ng kapangyarihan niya kay Ruuna” sabi ng Anino.
“Ruuna?” tanong ni Lorenzo na nilingon siya ng Anino “hindi ba niya sinabi sa inyo ang totoong pagkatao niya? Ruuna ang totoong pangalan niya at koreksyon sa inyo, hindi siya Bailan kundi isa siyang Atlantean” sabi ng Anino sa kanila na pareho silang nagulat sa sinabi niya. “Bakit mo alam ito?” tanong ni Lorenzo sa kanya “hmm? Bakit?” tanong ng Anino na nilapit nito ang mukha niya kay Lorenzo at sabing “dahil nandun ako nung nangyari ang lahat!” sabay ngiti nito at inataki niya si Julian. Buti nalang nakahanda si Julian nung naging matulis ang kamay ng Anino at nasalo ito ng espada ni Julian “ANAK!” sigaw ni Lorenzo na pilit niyang inalis ang sarili niya sa pagkakatusok.
Umaatras si Julian sa mga ataki ng Anino sa kanya “hindi ka makakatakas sa akin bata!” sabi ng Anino sa kanya na pilit umabante si Julian para maka counter-attack siya pero hindi siya nito binigyan ng pagkakataon. “JULIAN!” tawag ni Lorenzo na iniligan ni Julian ang ataki ng Anino at mabilis siyang tumakbo papunta kay Lorenzo na lumubog sa ilalim ng lupa ang Anino at lumabas ito sa harapan ni Julian kaya napaatras siya para umilag sa mga ataki nito. Nung lumayo siya humabol sa kanya ang Anino kaya binugahan niya ito ng apoy na nagmamadali itong lumusot sa ilalim ng lupa kaya nakakuha ng pagkakataong tumakbo si Julian papunta kay Lorenzo.
“ANAK SA LIKOD MO!” sigaw ni Lorenzo na nilagay ni Julian ang isang espada sa likod niya at nasalo nito ang metal na kamay ng Anino sabay ikot ni Julian at hinampas niya ito gamit ang isa pa niyang espada na hininto ito ni Julian nung dumaan ito sa gilid ng Anino at hinawakan niya ng mahigpit ang hawakan nito at lumiwanag ang espada. “HAAAAAA!!!” napasigaw ang Anino kaya nagmamadali itong lumayo sa kanya at nakita niyang nahiwa niya ang kaliwang bahagi ng tiyan ng Anino. Agad tumalikod si Julian para tulongan ang ama niya ng biglang napatigil nalang siya nung nakita niya ang itim na metal na lumabas mula sa lupa at tumagos ito sa dibdib ni Lorenzo.
“Ah..ho….Jul..i..an…” nauutal na tawag ni Lorenzo sa kanya na nanlaki ang mga mata ni Julian at biglang nanginig ang katawan niya “a… ama…. ama…ko….” sabi ni Julian “HAHAHAHAHA” tumawa ang Anino sa ginawa niya kay Lorenzo. “Alam kong matinik ka Lorenzo pero hahahahahaha” natatawang sabi nito “ikaw ang isusunod ko” sabi pa ng Anino na natutuwa ito sa ginawa niya “LORENZZZOOOOOOO!!!” sigaw ni Reyna Lucia sa loob ni Julian nung makita niya ang nangyari sa kanya “mahal na Reyna, huminahon po kayo!” pinakalma siya ni Hen. Guillermo pero hindi ito nakinig sa kanya. “LORENZOOOOOO!!!!!” “AMAAAAAAAA!!!!” sigaw nina Julian at Reyna Lucia “HAAAAAAAAA!!!” sumigaw si Reyna Lucia sa galit at biglang lumabas ang maraming itim na aura mula sa katawan niya.
Nung nangyari ito nagmanifesto ito sa katawan ni Julian “HAAAAAAAAAA!!!!!!” sumigaw si Julian at lumabas ang maraming itim na aura sa katawan niya na napaatras sa gulat ang Anino nung makita niya ito. “HAAAAAAAAAAAA!!!……GRAAAAAAAAAAAHHHH!!!!” biglang nagbago ang boses ni Julian at bumalot sa kanya ang bolang itim na aura ni Reyna Lucia na napamangha ang Anino sa nasaksihan niya “GAAAA!!!” napasigaw ito nung tinamaan siya sa itim na aura ni Julian na agad siyang lumayo at naghanda sa susunod na mangyayari. “IKAW! IKAW ANG DAHILAN NG ITO!” sigaw ni Julian sa kanya na parang sinapian si Julian dahil maririnig ang magkahalong boses nila ni Reyna Lucia nung nagsalita siya.
“Ibang kapangyarihan ito!” sabi ng Anino na nagmamadali itong tumakas palayo sa kanya pero nahabol ito ni Julian at nahawakan niya ang balikat nito “GYAAA!!!” sumigaw ang Anino sa sakit dahil parang napaso ito sa itim na apoy na mula sa kamay ni Julian. “HINDI KA MAKAKATAKAS SA AKIN!” sigaw ni Julian sa kanya na napatingin ang Anino kay Hilda na ngayon ay nakikipaglaban sa tatlong Hari. “HILDA!” tawag ng Anino sa kanya na binugahan ni Hilda ng asido si Julian nung hinabol niya ang Anino pero dumaan lang ito sa katawan ni Julian nung naging anino siya “JULIAN!” gulat na sigaw ni Haring Narra nung makita niya ito.
“Si Julian ba yun?” tanong ni Haring Helius dahil nagbago ang anyo ni Julian dahil sa magkahalong galit nila ni Reyna Lucia “Ju..Julian… hu..huminahon ka..” sabi ni Lorenzo na pilit niyang binaba ang mga paa niya sa lupa. “AAHHH!!!” napasigaw sa sakit si Lorenzo “LORENZO!” tawag ni Haring Narra sa kanya na agad niyang pinutol ang mga itim na metal na nakatusok sa kanya at sinalo niya ito nung pabagsak ito sa lupa. “Narra…. itayo mo ako..” sabi ni Lorenzo na nagulat si Haring Narra dahil sa dami ng sugat ni Lorenzo lalong-lalo na ang sugat nito sa dibdib buhay parin ito “he..hehehe.. alam ko ang iniisip mo..” natatawa pang sabi ni Lorenzo sa kanya.
Lumapit sa kanila sina Haring Helius at Ingkong Romolo “Lorenzo, si Julian ba yun?” tanong ni Haring Helius sa kanya “oo, AH!… kailangan.. kailangan kong makalapit sa kanya” sabi ni Lorenzo “kailangan mo ng manggagamot” sabi ni Ingkong Romolo. “WALA NA TAYONG PANAHON PA!’ sigaw ni Lorenzo “kailangan kong… kailangan kong gawin ang huling ritwal sa kanya” paliwanag ni Lorenzo sa kanila. “Hilda!” tawag ng Anino kay Hilda na umatras ito palayo kay Julian “kailangan nating maging isa” sabi ng Anino sa kanya na hinayaan ni Hilda’ng pumasok ang Anino sa katawan niya at nung mangyari na ito biglang nagbitaw ng malakas na shockwave si Hilda na napatumba silang lahat nung tinamaan sila nito.
Napatumba si Julian sa lupa na agad naman siyang binato ng itim na metal ni HIilda at nasaksak siya nito sa dibdib “Ak! AAAHHHH!” napasigaw si Julian sa sakit at dahan-dahang nawala ang itim na aura sa katawan niya. “Mahal na Reyna!” tawag ni Hen Guillermo sa kanya na biglang napatigil si Reyna Lucia nung nawala ang connection niya kay Julian “JULIAN!!!” sigaw ng Reyna pero hindi na siya narinig ni Julian. “HAHAHAHA yan ang dapat sa inyo!” sabi ni Hilda na biglang lumakas pa ito lalo nung pumasok sa katawan niya ang Anino “Hilda, kailangan na natin silang tapusin” sabi ng Anino sa loob niya “mm.. masusunod!” sabi ni Hilda na tinaas niya ang dalawang kamay niya at nag-ipon siya ng itim na bolang enerhiya sa ibabaw niya.
“Si Julian!” sabi ni Ingkong Romolo na agad silang kumilos papunta kay Julian dala si Lorenzo “kami ang bahala kay Hilda” sabi ni Haring Helius na agad siyang nagbukas ng portal papunta kay Julian. Pagkalabas nila pinaupo ni Haring Narra si Lorenzo sa tabi ni Julian na ngayon ay nakatulala nalang sa langit at hindi na gumagalaw “ikaw na ang bahala dito, Lorenzo” sabi ni Haring Narra na tumango si Lorenzo. Tumayo ang tatlong Hari sa harapan ni Hilda at naglabas din sila ng enerhiya para pang counter sa ibabato ni Hilda sa kanila “alam kong hindi ito maging sapat para mapigilan natin si Hilda” sabi ni Haring Narra.
“HAAA! Wala akong pakialam” sabi ni Ingkong Romolo na tinuon niya ang dalawang palad niya kay Hilda “HMP! Ako din!” sabi ni Haring Helius na ginaya din niya si Ingkong Romolo “hehehe..” tumawa lang si Haring Narra at ganun din ang ginawa niya. “Isasakripisyo niyo ang buhay niyo?” tanong ni Hilda sa kanila “para sa liwanag!” sagot nilang tatlo “kahit ikamamatay pa namin!” sabi ni Haring Narra “para sa kinabukasan!” sabi ni Ingkong Romolo “para sa mga mahal namin!” sabi ni Haring Helius. “HAHAHA ibigay mo sa kanila ang hinihiling nila Hilda” sabi ng Anino sa loob niya “hehehe MASUSUNOD!” sigaw ni Hilda sabay bato niya sa itim na bola ng enerhiya sa kanila at sinalo ito ng tatlo at pilit nila itong itinulak palayo sa mag-ama.
Tinulak din ito ni Hilda papunta sa kanila kaya nagtulakan sila “HUWAG KAYONG TUMIGIL!” sigaw ni Haring Helius “ALAM NAMIN!” parehong sagot ni Haring Narra at Ingkong Romolo “ITULAK MO HILDA!!!” sigaw ng Anino na tumulong din ito sa pagtulak sa itim na bola ng enerhiya. Samantala, hinugot ni Lorenzo ang itim na metal na nakasaksak sa puso ni Julian at nakita niyang parang namumutla na si Julian at tila wala na itong buhay. “Hindi anak… hindi ka mamamatay…” sabi ni Lorenzo na nilagay niya ang kanang kamay niya sa dibdib ni Julian “alam kong naririnig mo ako Julian… anak.. lumaban ka… tandaan mo… kelan man hinding-hindi ka nag-iisa..” sabi niya.
Pinikit ni Lorenzo ang mga mata niya at huminga siya ng malalim at pagdilat niya nasa loob na siya ni Julian kasama ang mga Bampira “HENERAL!” sigaw nilang lahat nung sumulpot si Lorenzo sa harapan nila. “Mga kasama, mahal na Reyna!” sabi niya “Lorenzo.. ano ang nangyayari kay Julian?” tanong ni Reyna Lucia “nasa peligro ang buhay niya pero me paraan para maligtas natin siya” sabi ni Lorenzo sa kanila. “Kahit ano Heneral!” sagot ng mga Bampira “kailangan ko ang lakas niyo” sabi ni Lorenzo sa kanila na lumapit silang lahat sa kanya “Heneral” tawag ni Kap Morietta sabay ipinatong niya ang kanang kamay niya sa balikat ni Lorenzo at lumipat sa kanya ang enerhiya niya. “Salamat, Morietta” sabi ni Lorenzo at sunod-sunod na ang mga Bampira sa pagbigay ng mga enerhiya nila kay Lorenzo.
Sa labas, lumiwanag ang katawan ni Lorenzo na kumonekta ito kay Julian na agad naghilom ang sugat ng binata “naghilom na ang sugat niya” balita ni Lorenzo sa kanila na natuwa silang lahat sa ginawa nila. “Me isa pa akong hihilingin sa inyo” sabi ni Lorenzo “Lucia” tawag niya na niyuko ni Reyna Lucia ang ulo niya at sabing “naiintindihan ko, Lorenzo” “maraming salamat sa inyo sa pagtulong niyo sa anak ko” pasalamat ni Lorenzo sa kanila. Lumapit sa kanya si Reyna Lucia at niyakap siya nito “natutuwa akong makita ka muli, mahal ko” bulong ni Reyna Lucia sa kanya “ako din” sabi ni Lorenzo na umatras si Reyna Lucia sa kanya.
“Heneral! Yung pangako mo sa akin” sabi ni Kap. Morietta sa kanya “hahahaha pasensya kana Mori, siya ang dapat magpasya niyan hindi ako” sagot ni Lorenzo sa kanya na napasimangot nalang si Kap. Morietta at natawa ang ibang Bampira. “Heneral!” tawag ni Hen. Guillermo sa kanya “Guille… hindi, Hen Guillermo” sabi ni Lorenzo “Hen. Enzo maraming salamat!” sabi ni Hen. Guille sa kanya “hindi Guille. ako ang dapat magpasalamat sa’yo sa pag-alaga mo kay Julian” sabi ni Lorenzo sa kanya na niluhod ni Lorenzo ang isang tuhod niya sa kanila at niyuko ang ulo niya. “Tanda ng pasasalamat at pagbibigay pugay ko sa inyo sa lahat ng nagawa niyo sa anak ko” sabi ni Lorenzo habang nakaluhod siya sa harapan nila.
“Hindi na kailangan yan, Heneral” sabi ni Hen. Guillermo sa kanya “mahal namin si Julian kahit ano gagawin namin ang lahat para sa kanya” sabi ni Kap. Morietta sa kanya “oo Heneral” sagot nilang lahat na napaluha si Lorenzo sa pinakita nila ang pagmamahal sa anak niya. “Maraming salamat sa inyo!” sabi ni Lorenzo na niyuko niya muli ang ulo niya tanda ng respeto niya sa kanila na napangiti ang mga Bampira at napatingin silang lahat sa taas. Lumapit si Reyna Lucia kay Lorenzo at nilagay niya ang kanang kamay niya sa ulo nito “Hen Enzo” tawag niya na tinaas ni Lorenzo ang ulo niya, nginitian siya ni Reyna Lucia “regalo ko sa’yo ang immortal mong katawan, regalo ko din kay Julian ang buhay ko” “kami din mahal na Reyna!” sagot ng mga Bampira na napangiti ang Reyna.
“Maraming salamat, Reyna Lucia!” sabi ni Lorenzo na yumuko si Reyna Lucia at nagkaharap na ang mukha nila “mahal na mahal kita Lorenzo, kahit hindi tayo ang tinadhana ikaw parin ang tinitibok ng puso ko” sabi ni Reyna Lucia sa kanya. “Lucia…” tawag ni Lorenzo na nilagay ni Reyna Lucia ang kanang palad niya sa sahig at parang tubig itong gumalaw “nandito lang kami… mananatili kami sa loob niya…” sabi ni Reyna Lucia na nakita ni Lorenzo na dahan-dahan ng bumaba sa sahig ang mga Bampira. “Heneral!” isa-isang tawag nila kay Lorenzo “maraming salamat!” sabi ng iba sa kanya na nakita niyang nawala na yung iba “Heneral Enzo! Hanggang sa muli nating pagkikita!” sabi ni Hen Guillermo na dahan-dahan naring bumaba ang ulo niya sa ilalim ng sahig.
“Heneral! Maraming salamat sa pagkupkop mo sa akin noon! (tumingin sa taas si Kap. Morietta) HOY KAYO! BIGYAN MO SILA NG MAGANDANG LABAN!” sabi ni Kap. Morietta at bumaba narin siya sa sahig. “Lucia..” tawag ni Lorenzo na hinalikan siya sa labi ni Reyna Lucia at ngumiti ito sa kanya “paalam… mahal ko..” sabi ni Reyna Lucia sa kanya nung lumubog narin siya sa ilalim at nakita niya silang lahat na nasa ilalim niya at parang anino silang nawala sa paningin niya. “Maraming salamat sa inyo!” sabi ni Lorenzo na nakaluhod parin siya sa sahig at maya-maya lang ay me narinig siyang mga yapak ng maraming paa at nung tumingala siya nakita niya ang mga pamilyar na mukha na matagal na niyang hindi nakita.
Tumayo si Lorenzo at tinaas niya ang mga kamay niya na biglang sumulpot si Julian sa kinaroroonan niya at nagulat pa ito nung makita siya “AMA!” sabi ni Julian na nginitian niya ito “anak” sabi ni Lorenzo na nakita niyang nagulohan si Julian. “Nasaan na po sina Reyan Lucia?” tanong ni Julian “natutulog na sila anak sa loob mo” paliwanag ni Lorenzo “natutulog?” takang tanong ni Julian “oo, me sasabihin ako sa’yo anak, noong walong buwan ka palang sa tiyan ng nanay mo me ginawa kaming ritwal na nakuha namin sa aklat ng dilim” sabi ni Lorenzo na naging seryoso ang mukha ni Julian.
“Ano po yun ama?” tanong niya “kapareho din ito sa ritwal na ginawa ni Lucia sa’yo noon pero ang pagkakaiba lang nito hindi magiging bato ang mga taong magbigay ng kaluluwa nila” paliwanag ni Lorenzo. “……” hindi nagsalita si Julian “anak, nagbigay ng konting tulong ang mga Bailan sa’yo hindi ka pa ipinapanganak” kwento ni Lorenzo sa kanya “huh?!” nagulat si Julian “hindi mo lang siguro sila nararamdaman dahil hindi ka nga lumaki sa Kuro pero kung itutuon mo ang atensyon mo sa paligid mo ngayon sigurado akong mararamdaman mo sila… hindi… makikita mo sila” sabi ni Lorenzo na nakita niyang pinikit ni Julian ang mga mata niya.
Samantala, malapit ng maubosan ng lakas si Inkong Romolo dahil sa sugat niya sa tiyan at sa balikat “BAKA HINDI NA AKO TATAGAL DITO!” babala ni Ingkong sa dalawa “HINDI PA BA TAPOS ANG MAG-AMA?” tanong ni Haring Helius. “HINDI KO ALAM, BIGYAN PA NATIN SILA NG ORAS!” sabi ni Haring Narra na pinagdikit pa niya ang mga palad niya at lumabas ang malalaking puno sa lupa at naging pader ito sa pagitan nila ni Hilda. “GAWIN MO NA HILDA!” sigaw ng Anino sa loob niya na tinutok ni Hilda ang mga palad niya sa tatlo at lumabas mula nito ang itim na enerhiya at nawasak ang mga malalaking puno ni Haring Narra nung natamaan ito at nagulat ang tatlo sa lakas ng kapangyarihan ni Hilda.
“MAGHANDA KAYO!” sigaw ni Haring Narra na tinaas nilang tatlo ang mga kamay nila at sinalo nila ang itim na enerhiyang tinira ni Hilda sa kanila na napatulak pa sila ng konte “HAAAAAAAAAA!!!” sigaw nilang tatlo sabay tulak nila. “HUWAG KAYONG SUMUKO!” sabi ni Haring Narra sa kanila na tumutulo na ang dugo ni Ingkong Romolo mula sa sugat niya sa tiyan “AAHHH!” napasigaw siya sa sakit at hapdi ng sugat niya. “ROMOLO” napasigaw ang dalawang Hari sa nakita nila “HINDI PWEDE ITO!” sigaw ni Haring Helius na pinikit niya ang mga mata niya at nung dumilat siya biglang lumiwanag ang buong katawan niya at napahakbang siya paabante na nagulat si Haring Narra at Ingkong Romolo sa ginawa niya.
“Helius!” tawag ni Haring Narra na nagkatinginan silang dalawa ni Ingkong Romolo kaya ginaya nila si Haring Helius at nag concentrate din silang dalawa at nung lumiwanag ang mga katawan nila sumunod sila ni Haring Helius at tinulak ang itim na enerhiya ni Hilda. “HAHAHAHA WALA SILANG LABAN SA ATIN HILDA!” natatawang sabi ng Anino sa loob niya na biglang tinigil ni Hilda ang pagtira niya ng itim na enerhiya sa tatlo sabay bilis nitong lipad papunta sa kanila na hindi sila nakareact agad kaya nung hinampas sila ni Hilda gamit ang itim na espada niya napatalsik silang tatlo. Tumama sa pader ng gusali si Haring Narra, napasubsob naman sa lupa si Haring Helius habang tumama naman sa isang nakataob na bus si Ingkong Romolo at naiwan sa harapan ni Hilda ang mag-ama na ngayon ay wala ng dumedepensa sa kanila.
“Aaahh… na… naloko tayo..” sabi ni Haring Narra nung pilit siyang bumangon “NARRA! ROMOLO!” sigaw ni Haring Helius na nakabangon na ito at pumasok sa isang portal para atakihin si Hilda pero na suntok siya nito nung lumabas siya sa portal na ginamit niya at napasubsob muli siya sa lupa. Tumayo si Haring Narra at mabilis siyang bumaba sa ilalim ng lupa pero hindi siya nakalapit dahil sa mga itim na metal na sumalubong sa kanya kaya agad siyang lumabas at dinepensahan ang sarili niya sa mga itim na matutulis na metal na umaatake sa kanya. “Wala ng sagabal” sabi ni Hilda na dahan-dahan siyang lumutang papunta sa mag-ama pero napatigil nalang siya at nung tumingala siya nakita niya ang harapan ng bus na pabagsak sa kanya “HAAAAAAAA!!!” sigaw ni Ingkong Romolo at binagsak niya ang bus kay Hilda.
Tumalon palayo at tumayo siya sa harapan nina Lorenzo para bantayan sila, sumulpot din ang dalawang Hari sa tabi niya at nakita nilang gumalaw ang bus at bigla nalang itong nahati sa dalawa at nung natumba ito nakatayo lang si Hilda at nakangiti itong nakatingin sa kanila. “Simula nung pumasok sa kanya ang Anino’ng yun naging malakas na siya, Romolo, Narra” sabi ni Haring Helius “haahh..haahh… hindi tayo susuko…” sabi ni Haring Narra na ngayon ay napapagod na at nakapikit na ang isang mata niya. Dumura ng dugo si Ingkong Romolo at ngumiti ito “hehehe… haahh… maganda ito…” sabi niya.
“Ano?” tanong ni Haring Helius “isipin niyo… ilang taon na tayong nabubuhay… ano pa ba ang mas magandang katapusan sa paghahari natin?” tanong ni Ingkong Romolo na napangiti din si Haring Helius. “Nakukuha ko ang punto mo Romolo… kung matalo natin siya dito… hindi lang tayo magiging bayani.. magiging alamat na din tayo.. kagaya ng dalawa” nakangiting sabi ni Haring Helius “kung matatalo natin siya…” sabi ni Haring Narra na hindi na sila makatayo ng maayos dahil sa sobrang pagod at sa limitado na nilang lakas. “HMP! Tingin niyo matatalo niyo ako? HAHAHAHA hindi na siguro gumagana ang mga utak niyo” natatawang sabi ni Hilda sa kanila. “Tapusin mo na sila Hilda, gamitin mo ang kapangyarihang binigay sa’yo ng mahal na Hari” sabi ng Anino sa kanya.
“Nararamdaman mo ba sila?” tanong ni Lorenzo sa kanya na tumango si Julian “ngayon, lumuhod ka” utos ni Lorenzo sa kanya na lumuhod si Julian at niyuko niya ang ulo niya “ako si Lorenzo… ang ika isang libo’t siyam naraan at siyamnaput siyam na pinuno ng Kuro… ipinapasa ko ang tungkolin kong ito sa aking anak… na si Julian” panimula ni Lorenzo na me narinig na yapak ng mga paa si Julian sa likuran niya. “Pinapangalanan kita Julian bilang bagong pinuno ng Kuro at ang ika dalawang libong pinuno ng mga Bailan” patuloy ni Lorenzo na narinig ni Julian ang pagluhod ng maraming tao sa likuran niya.
“Tumayo ka!” utos ni Lorenzo na tumayo si Julian “binabati kita… Pinunong Julian…” sabi ni Lorenzo sabay sigaw ng maraming tao sa likod niya “HAH!” nagulat si Julian nung lumingon siya at nakita niya sa harapan ang lahat ng mga Bailan na nakatira noon sa Kuro. Tumayo ang isa sa kanila at niyuko niya ang ulo niya “binabati kita mahal na Pinuno!” bati ni Hen. Amistad sa kanya at nakita din niya na tumayo ang isa pa “hindi magiging buo ang ritwal kung hindi kita bigyan ng armas, mahal kong Pinuno” sabi ni Resisyo sa kanya. Isa-isa na silang tumayo lahat “anak, nagbigay sila ng konting parte ng kaluluwa nila sa’yo noon nung nasa tiyan ka palang ng nanay mo” kwento ni Lorenzo sa kanya.
“Bakit po?” tanong ni Julian na hindi siya makapaniwala sa pangyayari “alam namin na magiging totoo ang propesiya ni Naring dahil lahat ng sinabi niya noon ay nangyayari na” paliwanag ni Hen. Amistad. “Kaya agad kaming pumayag noong sinabi sa amin ni Lorenzo ang plano niya” sabi ni Mandu isa sa matandang Bailan ng Kuro noon “anak, hindi na ako magtatagal” sabi ni Lorenzo sa kanya “bakit po?” tanong ni Julian “hindi ako nagbigay ng kaluluwa ko sa’yo noon, nangyaring nandito ako dahil ito kay Lucia” paliwanag ni Lorenzo sa kanya. Nalungkot si Julian sa narinig niya “me parte noon na hindi ipinakita sa’yo ng espada ko, yung parteng kinausap ko si Lucia sa isip niya tungkol sa plano ko” kwento ni Lorenzo.
Nagulat si Julian sa narinig niya “ano’ng.. plano?” takang tanong ni Juliann “kalahati sa kaluluwa ko ay nasa loob ni Lucia habang yung kalahati naman ay… kasama ng nanay mo” paliwanag niya “at noong ginawa niya ang ritwal para ilagay ang lahat ng kaluluwa ng mga Bampira sa loob mo hindi niya ako isinama” kwento ni Lorenzo. “Bakit? Sinama kana niya sana para nagkita o nagkakilala na tayo noon pa” sabi ni Julian “magiging komplikado ang plano ko kung ginawa niya yun anak, kaya nung hiniwalay ako ni Lucia naramdaman ako ni Olivia kaya nakuha niya ang kaluluwa ko at yun ang dahilan kaya naibalik niya ako dito sa lupa” kwento ni Lorenzo.
“Ginawang immortal ni Lucia ang katawan ko noon pa man nung naging Heneral ako ng mga sundalo niya at yung apoy lang niya ang makakatanggal sa immortalidad kong yun” kwento ni Lorenzo. “Kita mo kahit ilang beses na ako nasugatan at kahit saksakin pa ang puso ko hindi ako namamatay… dahil yun kay Lucia” paliwanag ni Lorenzo “kung ganun bakit ka mawawala kung immortal ka pala?” tanong ni Julian sa kanya. “Hindi na ako nararapat sa mundong ito anak, dapat nasa kabilang mundo na ako kasama ng mga dating Bailan” sagot ni Lorenzo “Pinuno, maraming salamat sa ginawa mo para sa amin noon” sabi ni Hen. Amistad sa kanya pati narin ang iba nagsalita din at nagpasalamat sa kanya.
“Hindi! Ako dapat ang magpasalamat sa sakripisyong ginawa niyo para sa anak ko, nanatili kayo sa loob niya at naghintay ng matagal” sabi ni Lorenzo sa kanila “wala yun, wala nga lang alak pero wala yun” sabi ni Resisyo na sinuntok siya ng matanda sa balikat. “Para sa Kuro gagawin namin ang lahat, mahal na Pinuno” sabi ni Zenisa ang nag-iisang babaeng Kapitan sa hukbong ng mga Bailan “kung ganun, huling kahilingan ko sa inyo” sabi ni Lorenzo na tumikas ang lahat ng mga Bailan “kahit ano!” sabi ni Hen. Amistad “ipapaubaya ko ang lahat sa anak ko ang bago niyong Pinuno, sundin niyo siya!” sabi ni Lorenzo “HAH!” sagot nilang lahat.
“Ama, hindi ho ba talaga kayo pwedeng manatili dito?” tanong ni Julian sa kanya “pasensya kana anak, tinatawag na ako sa kabilang mundo” sagot ni Lorenzo na nalungkot si Julian “Julian” tawag ni Lorenzo na tumingin ito sa kanya. “Hindi ang mabuhay ng matagal ang mahalaga anak, kundi ang maiiwan mong marka sa mga taong nasa paligid mo na dadalhin nila habang buhay” payo ni Lorenzo sa kanya na napangiti si Julian at humawak siya sa balikat ng ama niya. “Paalam anak, ipapaubaya ko na sa’yo ang buong hukbong ng Bailan” sabi ni Lorenzo na dahan-dahan narin siyang nawawala “salamat ama… kahit.. matagal na kayong… huhu.. hindi parin niyo ako pinabayaan” naluluhang sabi ni Julian na niyakap siya ni Lorenzo at niyakap din niya ito ng mahigpit.
Lumuhod ang lahat ng Bailan nung dahan-dahan ng nawawala si Lorenzo “natutuwa akong nakasama kita kahit sandali lang anak..” sabi ni Lorenzo na nakasubsob ang mukha ni Julian sa balikat niya “natutuwa din ang nanay mo.. dadalhin ko ang pagmamahal mo sa amin pagdating ko doon sa Isla kung saan naghihintay na ngayon ang nanay mo..” sabi ni Lorenzo na yumakap pa ng mahigpit si Julian sa kanya. “Salamat..ama..” sabi ni Julian at doon nawala na ang kaluluwa ni Lorenzo at bumagsak ang katawan niya sa lupa “paalam..” sabi ni Julian na naluluha itong nakatayo sa harap ng mga Bailan. Nagpahid ng luha si Julian at inayos niya ang sarili niya bago siya humarap sa kanila at siya naman ang pagtaas ng mga ulo nila at tumingin sa kanya “maghanda kayo, ipapakita natin sa kanila ang totoong kapangyarihan ng hukbong ng Bailan!” sabi ni Julian sa kanya “HAH!” sigaw nilang lahat.
Chapter XXX: Last Farewell!
Narating na namin ang pintuan ng dilim at nakita namin ang maraming aswang na nakabantay nito “TENYENTE!” sigaw ni Alan na agad naming pinagbabaril ang mga aswang at yung iba lumipad palayo sa pintuan. “ALAN KAYO NA ANG BAHALA SA KANILA HABANG HAHANAPIN KO ANG AKLAT!” utos ko sa kanya “SIGE!” sagot niya na dumating narin ang ibang kasamahan namin at pinalibutan nila ang pintuan ng dilim at pinagbabaril nila ang mga aswang na umaatake sa amin. Napatigil ako ng sandali at napamangha sa nakita ko “TENYENTE!” sigaw sa akin ni Alan kaya agad akong kumilos at hinanap ang aklat ng dilim.
“Ayun!” nakita ko itong nakalutang sa ilalim lang ng pintuan ng dilim at nung nilapitan ko na ito bigla akong nakuryente kaya napaatras ako “TENYENTE HINDI MO PA BA NAKITA?” tanong ni Alan sa akin “NAKITA KO NA PERO HINDI AKO MAKALAPIT!” sagot ko sa kanya. Nakita kong nagbibigay ito ng itim na aura sa pinto kaya ito siguro ang dahilan kaya nandito ang pintuan ng dilim, kung isasara ko ang aklat sigurado akong masasara ko narin ang pintuan ng dilim. Sinubokan kong barilin ang aklat pero parang me nakapalibot itong pader dahil hindi ko ito matamaan kahit sampung talampakan lang ang layo ko mula sa aklat.
“Shit! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko” sabi ko sa sarili “sana nandito si manang Zoraida baka me paraan siya para masara ito” sabi ko sa sarili ko na napatingin ako sa paligid baka kasi me bagay na pwede kong magamit. “TENYENTE!” tawag muli ni Alan “TUMAHIMIK KA! NAG-IISIP AKO NG PARAAN!” sigaw ko sa kanya ng biglang me nakapasok na aswang sa depensa nila at umabante ito sa akin. Tinuon ko ang armas ko sa kanya pero nasampal niya ito sa kamay ko at nabitawan ko “GRAAAAAAAA!!!” sinigawan ako nito kaya hinugot ko ang reserba kong baril sa holster ko at pinagbabaril ko siya na sinalo lang ng kamay niya ang mga bala ko.
Kinapa ko ang espada ko sa likuran ko pero naalala ko binigay ko pala ito kay Julian kanina kaya napaatras ako habang tuloy lang ako sa pagbaril sa kanya “ALAN! ANDRES!” tawag ko sa kanila na kita kong abala din sila sa pagdepensa sa sarili nila. “SHIT!” napamura nalang ako at kita kong malapit na sa akin ang aswang kaya mabilis akong nagreload at tinutok ko ang baril ko sa aswang na nakangiti lang itong lumalapit sa akin. “Hindi mo ako kayang patayin, Isabella” sabi nito sa akin na nagulat ako dahil kilala niya ako “sino ka? Bakit mo ako kilala?” tanong ko sa kanya na ngumiti ito at sabing “ako ang sekretarya ng kapatid mo” pakilala niya sa akin.
“Cynthia? Ikaw yan?” gulat kpmg tanong sa kanya na umabante siya kaya umilag ako sa kanya at inubos ko ang isang magazine sa katawan niya na hindi man lang ito natumba nung tinamaan ko siya “hahahahaha!” narinig kong tumawa lang siya at humarap sa akin. “Sabi ko sa’yo Isabella, hindi mo ako mapapatay” sabi ni Cynthia sa akin na umabante siya at sinuntok niya ako sa dibdib kaya napatumba ako at napahiga sa lupa. Nabitawan ko ang baril ko kaya nakatihaya akong umaatras palayo sa kanya ng biglang me nakapa akong pamilyar sa kamay ko kaya naghintay akong umatake siya. “AKIN KA NGAYON ISABELLA!” sigaw ni Cynthia sabay talon niya sa akin kaya hinawakan ko agad ang bagay na nakapa ko at tinaas ko ito dahilan kaya natuhog ko si Cynthia sa dibdib.
Isang tubo ang nakapa ko at ito ang ginamit ko panlaban sa kanya na nakita kong napanganga siya at napatingin sa akin “Ah…haaaaa…” bumagsak siya sa tabi ko at tinulak ko siya palayo sa akin sabay tayo ko at hinanap ang baril ko. “TENYENTE!” tawag muli sa akin ni Alan kaya nakaisip ako ng paraan para makuha ko ang aklat ng dilim, hinila ko si Cynthia palapit sa aklat at tinayo ko siya “patawarin mo ako” sabi ko sa kanya bago ko siya tinulak papunta sa aklat at nakita kong nakuryente siya kaya napatabon ako sa mukha ko at maya-maya lang ay biglang sumabog ang katawan niya. “AH!” napasigaw ako dahil tumalsik sa akin ang ibang laman niya at tumalsik ang tubo papunta sa aklat “FUCK!” napamura nalang ako dahil wala itong epekto sa aklat.
Na frustrate ako kasi ilang talampakan lang ang layo ko sa aklat at tanaw ko na ito hindi ko ito malapitan o mahawakan “SHIT!” napamura muli ako at nilapitan ako ni Andres “Issa, kailangan nating gumawa ng paraan kundi mauubos tayo dito” sabi niya sa akin. Nakita ko ang tinutukoy niya dahil marami na ang aswang na nakapaligid sa amin “kailangan natin ng tulong” sabi ko sa kanya “sino ang tutulong sa atin? Tayo lang ang nandito” sabi niya sa akin. “Maririnig nila tayo, kailangan nating maghintay” sabi ko sa kanya “sino?” tanong niya “DANTE! DANTE! KAILANGAN NAMIN NG TULONG NIYO!” sigaw ko na tiningnan ako ni Andres na parang nababaliw na ako.
“Maghintay tayo huwag niyong hayaang makalapit ang mga aswang dito” utos ko sa kanila na sumali na ako sa kanila sa pagbaril sa mga aswang “Tenyente, malapit na akong maubosan ng bala” babala ni Alan sa akin. “Kami din” sagot ng mga tauhan ni Andres na napatingin ako sa aklat ng dilim “wala tayong magagawa, wala akong alam tungkol sa aklat ng dilim o paano ito mapigilan” sabi ko sa kanila. Tinuon ni Andres ang armas niya sa aklat at binaril niya ito na tumama lang sa lupa ang mga bala niya “ginawa ko na yan kanina, LOKO!” sabi ko sa kanya “huwag kang mag-aksaya ng bala” sabi ko sa kanya na nagpalit ito ng magazine.
“Maghintay lang tayo alam kong darating sila para tulongan tayo” sabi ko sa kanila na nakita nanaman namin ang mga aswang na nagsulpotan at umabante ito sa amin “FIRE!’ sigaw ko at nag-iingay ang mga baril namin. Mabilis ang galaw ng ibang mga aswang kaya hindi agad namin sila natamaan habang yung iba naman ay nagbagsakan sa lupa at nangisay ito at namatay, umatras kaming lahat dahil sa dami ng mga aswang na sumalakay sa amin at kita kong wala paring sinyalis na darating ang mga Lobo kaya parang kinakabahan na ako baka ito na ang katapusan namin. Napatingin ako sa mga kasamahan ko at kita ko sa mukha nila ang takot kaya natakot narin ako sa sarili ko.
“Wala na akong bala!” sabi ni Alan sa amin na napaatras na kaming lahat malapit na kami sa aklat ng dilim at tingin ko kung hindi ako maghanap ng paraan ngayon siguro mauubos kaming lahat dito. Kinapa ko ang gilid ko at isang magazine nalang ang natira “shit!” napamura ako at napatingin ako kay Andres na huling magazine narin ang ipinasok niya sa armas niya at napatingin din siya sa akin at ngumiti siya. “KUSA! HANGGANG SA HULI, ISSA!” sigaw niya na ewan ko ba napangiti narin ako sa sinabi niya kaya binigay na namin ang huling mga bala namin sa mga aswang at nung naubosan na kami napatayo nalang kaming lahat habang dahan-dahan ng lumalapit sa amin ang mga aswang.
“Ito na ata ang katapusan natin Tenyente” sabi ni Alan sa akin “Issa, mahal na mahal kita tandaan mo yan!” sabi ni Andres sa akin na napangiti ako “loko ka talaga hanggang sa huli!” sabi ko sa kanya na ngumiti ito. “Julian…” sabi ko sa sarili ko at napaluha ako dahil alam kong hindi na kami magkikita, nakita naming tumakbo na ang mga aswang papunta sa amin kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay ang kamatayan na papalapit sa amin. “Tenyenteeee…” narinig ko galing kay Alan na hinawakan niya ako sa kamay at naramdaman kong nanlamig ito at nanginig sa takot “GRAAAAAAAA…” sigaw ng mga aswang ng biglang “AAAAHHHHHH..” napalitan ito ng sigaw ng pagkatakot at nung dinilat ko ang mga mata ko nakita ko ang isang hugis ng taong umatake sa kanila.
Isa-isa silang pinagtataga nito gamit ang parang sandata ni Kamatayn at nakita kong tumakbo palayo ang ibang aswang habang yung iba naman ay bumagsak sa lupa nung natamaan ito ng sandata niya. Pinaikot ng taong ito ang sandata niya sa ibabaw niya bago niya pinagtataga ang mga aswang at hindi na nakalaban ang iba nung nahati niya ito sa dalawa “si… sino yan?” gulat na tanong ni Alan dahil hindi namin makita ang mukha niya. Nagtakbuhan ang mga aswang palayo sa amin at nung napatay na niya ang huling aswang sa harapan niya bigla nalang itong tumalikod at naglakad palayo sa amin “TEKA!” tawag ko sa kanya na huminto ito at lumingon sa amin “sino ka ba?” tanong ko sa kanya na hindi ito sumagot at bigla nalang itong nawala sa paningin namin.
Bumangon na si Julian at nakita niyang nakahiga sa lupa si Lorenzo “ama” binuhat niya ito at nawala siya bigla at sumulpot siya sa tabi ni Lala at tinabi niya si Lorenzo sa kanya “dito lang muna kayo, babalikan ko kayo pagkatapos ko” sabi ni Julian sa kanila. Nawala muli siya at bumalik siya sa kinaroroonan niya kanina at dinampot niya ang dalawang espada ng alamat, tiningnan niya ang mga ito at pinikit niya ang mga mata niya. “Nakahanda na kami, mahal na Pinuno” sabi ni Hen. Amistad sa kanya “HAH!” sigaw ng mga Bailan sa likuran niya na tumango si Julian at nung binuka niya ang mga mata niya pinagdikit niya ang dalawang espada at doon lumiwanag ito.
Sa malayo napatapon ang tatlo nung inatake sila ni Hilda gamit ang itim na bola ng enehirya na tinira niya sa kanila “HAHAHAHA” tumatawa lang si Hilda habang tuloy lang siya sa pag-atake sa tatlo. Binuhat ni Ingkong Romolo ang isang kotse malapit lang sa kanya at binato niya ito kay Hilda na parang papel lang itong sinampal niya at bumagsak ito sa gilid niya. Kumuha muli ng isa pang kotse si Ingkong Romolo nung binuhat niya ito para ibato kay Hilda bigla nalang siyang napatigil nung makita niya ang paparating na kotse na binato niya kanina kay Hilda “ROMOLO!” sumigaw si Haring Narra na agad nagbukas ng portal si Haring Helius at pumasok ang kotse binato ni Hilda sa harapan ni Ingkong Romolo.
Ibabato na sana ni Ingkong ang kotseng nabuhat niya pero tumalon si Hilda at dumapo ito sa ibabaw at siyang paglubog ni Ingkong sa ilalim ng lupa, sumulpot agad si Haring Narra sa kaliwa niya at si Haring Helius sa kanan para atakihin siya pero mabilis niyang tinuon ang mga palad niya sa kanila at napatalsik sila nung lumabas ang itim na enerhiya mula nito. Tumatalbog-talbog ang dalawa palayo kay Hilda na nag “hmmm..” lang ito nung tumalon ito at tinirahan ng itim na enerhiya ang kotseng kinatatayuan niya kanina at sumabog ito. Nakita niyang me mabilis na lumabas sa gilid nito kaya sinundan ito ng palad niya at tinirahan niya ng maraming itim na bola ng enerhiya at doon napalipad si Ingkong Romolo at tumama siya sa pader bago bumagsak sa lupa.
Nanganganib na silang tatlo na mapatay ni Hilda dahil sa sobrang baba na ng mga enerhiya nila at halos hindi na sila makatayo sa sobrang pagod at sa dami narin ng mga sugat nila “hindi na sila magtatagal, tapusin mo na sila Hilda para wala ng sagabal sa atin” sabi ng Anino sa kanya. Tumango si Hilda sabay taas ng dalawang kamay niya at nag-ipon siya ng enerhiya sa pagitan nito para ibato sa tatlo ng biglang me sumabog na liwanag kaya nawala ang bolang inipon niya at napatabon siya sa mukha niya. “AAAAHHHHHHHH” napasigaw si Hilda sa sakit dahil parang sinag ito ng araw na tumama sa kanya.
Napabangon ang ulo ni Haring Narra nung nasinagan siya sa liwanag na ito at akala niya umaga na dahil kasing init ng umagang araw ang tumama sa kanya “ah… ” napatingin siya sa direksyon kung saan ito nanggaling at napangiti siya “Ju… Julian… Lorenzo…” sabi niya at hiniga nalang niya ang ulo niya sa lupa. Ganun din ang dalawang Hari napabangon din ang mga ulo nila “Lorenzo…” sabi ni Haring Helius “Julian…” sabi ni Ingkong Romolo na nakita nilang tinaas ni Haring Narra ang kanang kamay niya na parang kumukuha siya ng lakas na nagmula sa liwanag ni Julian. Ginaya nilang dalawa ito at naramdaman nila ang enerhiyang dumadaloy sa katawan nila “ang init… parang.. sinag ng araw…” sabi ni Haring Helius na nakangiti lang si Ingkong Romolo.
Nasa loob ng liwanag si Julian at naramdaman niya ang enerhiyang nagmumula sa espada “…. parang.. naghilom ang mga sugat ko at nawala ang sakit sa katawan ko…” sabi ni Julian nung maramdaman niyang dumaloy ang enerhiya ng espada sa katawan niya. Nakita niyang dahan-dahang nagiging isa ang dalawang espada at nagulat pa siya nung humaba ito at nagbago ang hawakan nito pati narin ang kulay ng espada na kanina magkahalong silver at ginto ang dalawang espada pero nung naging isa ito naging kulay puti na ito. “Ito pala ang totoong kulay ng espada ng alamat…” sabi niya na nagulat nalang siya nung me narinig siyang tinig sa paligid niya.
“Kami ang bahala dito… tumakas kana…” sabi ng tinig “HINDI! HINDI KO KAYO IIWAN!” sabi ng tinig na nagmumula lang sa kinatatayoan niya kaya napalingon siya sa paligid niya at doon nakita niya sa bandang kanan niya ang isang lalaking me hawak ng espada katulad sa espada ng alamat. “TUMAKAS KANA!” sigaw ng isang tinig na nasa harapan niya “ah..a..ano ito? Sa… saan ito?” gulat na tanong ni Julian sa sarili niya. “RUUNA! HINDI MO KAILANGAN ISAKRIPISYO ANG BUHAY MO DITO!” sabi ng isang tinig na nasa likuran niya kaya nung nilingon niya ito nagulat nalang siya dahil galing ito sa isang kulay asul na Dragon na nakatayo sa likuran niya.
“AAAHHH!!!” napasigaw sa gulat si Julian “MANANATILI AKO DITO HANGGANG SA HULI, SASAMAHAN KO KAYO!” sigaw nung lalaki “IKAW ANG PAG-ASA NAMING MABUHAY MULI RUUNA! HAYAAN MO NA KAMING MAMATAY PARA SA’YO!” sabi nung pulang Dragon na nasa tabi ng lalakeng nakita niya. “Ruuna? Yun.. yun yung… hindi.. kahapon ito ni Ru… Una…” sabi ni Julian na nakita niya ang maraming itim na sundalong paparating sa kinatatayuan nila at sa ibabaw nila ang isang malaking itim na Dragon na me sakay itong tao. “Ang kahapon ni Una… nakikita ko ang kahapon ni Una..” sabi ni Julian.
“RUUNA! NAPAG-USAPAN NA NATIN ITO HINDI BA?” sabi nung kulay puting Dragon “alam ko pero.. ” sagot ni Ruuna “hayaan mo na kaming gawin ang tungkolin namin Ruuna, ibinigay na namin sa’yo ang elemento namin at itakas mo narin ang Aklat ng Dilim” sabi nung kulay buhangin na Dragon. “Binigay namin sa’yo ang elemento namin para mabuhay mo kami muli kahit sa anong anyo, Ruuna kaya gawin mo na ang sinasabi namin sa’yo” sabi nung pulang Dragon “maraming salamat sa inyo, makakaasa kayo na ibabalik ko kayo sa mundo” sabi ni Ruuna sa kanila at kinuha niya ang Aklat ng Dilim at tinaas niya ang espada ng alamat “paalam sa inyo… at maraming salamat..” sabi niya sa apat na Dragon at bigla nalang lumiwanag ang katawan niya at bigla siyang lumipad sa ere.
Nakita ni Julian na naging isa ang apat na Dragon at lumiwanag ito at huling nakita niya ang sumabog na liwanag na nagmula sa kanila at doon bumalik siya sa kasalukoyan “… ang kahapon… ipinakita ng espada ang nangyari kahapon..” sabi ni Julian. Tinaas niya ang espada at sa harap niya nananalamin sa kanya ang pagkatao ni Una nung tinaas din niya ang espada bago siya lumipad palayo sa Isla. Samantala, natakot ang Anino sa nakita niya kaya lumabas siya sa katawan ni Hilda at bumaba siya sa lupa at nagtago “GRRRRRAAAAAAHHHH!!!” sumigaw sa galit si Hilda at lumipad ito papunta kay Julian at iniwan niya ang tatlong Haring nakahiga sa lupa.
Tinatabunan ni Hilda ang mukha niya habang lumilipad siya papunta kay Julian at huminto siya nung malapit na siya kay Julian at pinagbabato niya ito ng itim na enerhiya na tumatalbog lang ito sa tuwing tumatama ito sa liwanag na dulot ng espada. Nakita ni Julian si Hilda na ngayon ay galit na galit itong nakatingin sa kanya at tuloy lang ito sa pagbato ng mga itim na bola ng enerhiya sa kanya “hindi mo ako matatamaan niyan Hilda” sabi niya. “GRAAAAHHH!!!” nagsisigaw itong bumabato ng itim na enerhiya sa kanya at nung nakita niyang hindi pumapasok ang mga bolang binato niya sa liwanag na nakabalot kay Julian nilabas niya ang itim niyang espada at sumugod siya.
Habang lumilipad si Hilda papunta kay Julian lumabas sa ilalim ng lupa ang Anino at pumasok ito sa kanya at nagbigay ito ng kapangyarihan niya kay Hilda na biglang lumaki ang espada ng huli “pinuno!” sabi ni Hen. Amistad “nakita ko” sabi ni Julian. “GRAAAAAHH!!!!!” sumigaw si Hilda nung hinampas niya ang espada niya kay Julian pero sinalo lang ng binata ang espada niya gamit ang espada ng Alamat at pilit tinulak ni Hilda ang espada niya kay Julian pero hindi niya ito maibaba. Tinulak siya ni Julian kaya napaatras siya na agad siyang sumugod muli pero biglang nawala sa harapan niya si Julian nung hinampas niya ito at sumulpot ang binata sa likuran niya.
Napalingon si Hilda at nung hinampas siya ni Julian agad nilabas ng Anino ang itim na metal mula sa lupa para protektahan si Hilda at doon nakalayo si Hilda bago nawasak ang itim na metal. “HILDA KONTROLIN MO ANG GALIT MO!” sabi ng Anino sa kanya dahil nakikita niyang nawawala na sa sarili si Hilda. Lumalakas na kasi ang paghinga ni Hilda at parang hindi na ito makapapigil sa sarili niya “KUMALMA KA, KITA MO HINDI PUMAPASOK ANG MGA TINIRA MO SA KANYA DAHIL NAWAWALA KANA SA SARILI MO!” sabi ng Anino sa kanya kaya huminga ng malalim si Hilda at dahan-dahang kumalma siya. “Tandaan mo, alam na natin ang totoong kapangyarihan ng espadang yan at kung ano ang kayang gawin niyan sa atin pero tandaan mo hindi siya si Una” sabi ng Anino sa kanya.
“Tama ka Ishmael… hindi siya si Una” sabi ni Hilda sa kanya na tumayo ng maayos si Hilda at pinikit ang mga mata niya at huminga ulit siya ng malalim at lumabas ang maraming itim na aura sa katawan niya. “Ganyan.. kalmahin mo ang sarili mo..” sabi ni Ishmael sa kanya nung lumabas ito sa katawan ni Hilda at nagiging taong anyo na ito at nakita ni Julian ang suot niya “kapareho ng suot ni Una” sabi niya nung nakita niya ang suot ni Una kanina. “Ako ang Aninong nagtatago sa likod ni Una… hindi.. ni Ruuna..” sabi ni Ishmael na nakasuot ito ng mahabang damit na parang pang pari at me ginto ito sa gilid. Me kulay asul na nakabalot sa ulo niya at ang espada niya kapareho doon sa espadang nakita niya sa itim na mga sundalo “sino ka ba talaga?” tanong ni Julian sa kanya.
“Ako si Ishmael.. ang dating kanang kamay ni Ruuna at ang alagad ng mahal na Haring si..” bigla nalang siyang naputol nung sumulpot bigla si Julian sa harapan niya kaya tinulak siya ni Hilda para hindi siya matamaan sa espadang papalapit na sa kanya. “HAH!” nagulat si Ishmael at nakita niyang nagtulakan si Hilda at si Julian gamit ang mga espada nila na agad siyang bumangon para atakihin si Julian pero nakailag ito at umatras ang binata palayo sa kanila. “NILINLANG MO AKO!” galit na sabi ni Ishmael sa kanya na agad niyang tinutok ang kaliwang palad niya kay Julian at lumabas mula nito ang maraming itim na metal na pinaghahampas lang ni Julian.
Habang nangyayari ito umatake naman si Hilda kaya umatras si Julian habang tuloy parin siya sa paghahampas sa mga itim na metal na tinira ni Ishmael sa kanya at napasandal siya sa isang pader sa kakaatras niya. Nakita niyang tumayo sa tabi ni Ishmael si Hilda at sabay silang bumuga ng itim na enerhiya sa kanya na tinaas ni Julian ang espada niya para protektahan ang sarili niya “GRRRRRR” lang si Julian dahil lalo pa siyang napasandal sa pader dahil sa ginawa ng dalawa sa kanya “JULIAN!” tawag ni Hen. Amistad sa kanya dahil nakita nilang nahihirapan si Julian na itulak ang enerhiyang binuga ng dalawa sa kanya.
“Maayos lang ako Heneral” sabi ni Julian sa kanya na biglang humakbang si Julian at nagulat ang dalawa nung naitulak ni Julian ang enerhiyang tinira nila sa kanya “IBIGAY MO LAHAT HILDA!” sabi ni Ishmael sa kanya kaya lumaki ang itim na enerhiyang tinira nila ni Julian na napaatras muli ang binata at napasandal muli siya sa pader. Humakbang muli si Julian na napaatras ang dalawa dahil naitulak sila nito “ISHMAEL!” tawag ni Hilda sa kanya na humawak sa kamay si Ishmael kay Hilda at pinagsama nila ang kapangyarihan nilang dalawa na lalo pang lumaki ang itim na enerhiyang tinira nila ni Julian kaya napaatras muli ang binata at ngayon nawasak na ang pader nung sumandal siya at lumagpas siya nito nung nasira ito.
“HAHAHAHAHA” natawa silang dalawa sa nakita nila pero natahimik narin sila nung biglang napahinto si Julian sa pag-atras at humakbang muli ito papunta sa kanila at sila na ngayon ang naitulak niya “ISHMAEL!” tawag muli ni Hilda sa kanya. “MAGHIWALAY TAYO!” sabi ni Ishmael sa kanya na tumakbo sa kaliwa si Ishmael si Hilda naman sa kanan nung tinigil nila ng pagtira ng itim ng enerhiya kay Julian at pinagitnaan nila ito at tinira muli nila si Julian na tumalon siya paitaas at mabilis itong nagbato ng tigtatatlong maliit na patalim sa dalawa na mabilis silang umilag. Sakto lang para maatake ni Julian si Ishmael at nung tinamaan ito sa espada niya napaatras ito at napahawak sa tiyan niya nung nasugatan niya ito.
“ISHMAEL!!!” sigaw ni Hilda na mabilis itong lumipad papunta sa kanila kaya siya naman ang hinarap ni Julian at nasugatan niya ito sa balikat dahilan kaya bumagsak sa lupa si Hilda at napasigaw ito sa sakit. Nakatayo lang si Julian habang nakatingin sa kanila “haahhh..haahhh…. punyeta!” sabi ni Ishmael na hinihilom niya ang sugat niya sa tiyan habang dahan-dahan namang bumangon si Hilda at napahawak ito sa balikat niya. Tinaas ni Julian ang espada ng alamat at lalo itong lumiwanag na napatabon sa mukha si Hilda habang bumalot naman ang itim na metal kay Ishmael at nung hinampas ni Julian ang espada sa direksyon ni Hilda napalipad ito nung tinamaan siya ng puting enerhiya na nanggagaling sa espada ng alamat.
Tumakbo si Julian papunta kay Ishmael at hinampas ang itim na metal na nakabalot sa kanya at nung nawasak niya ito nagulat nalang siya dahil wala na ito sa loob “SA LIKOD MO!” sabi ni Zenisa kaya tumalon at gumulong sa kanan si Julian na tumama ang espada ni Ishmael sa lupa. Samantalang bumangon na muli si Hilda at nakita nitong namimiligro silang dalawa dahil ganito din ang nangyari noon nung nakalaban nila si Una at si Lucille kaya wala siyang ibang naisip kundi ang aklat ng dilim. Lumipad si Hilda papunta sa pintuan ng dilim kung nasaan nasa ilalim lang nito ang aklat “kailangan kong marating ito” sabi niya sa sarili niya na iniwan niyang nakipaglaban si Ishmael kay Julian.
Samantala, hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina pati sila hindi makapaniwala sa ginawa nung taong tumulong sa amin “kilala niyo ba yun?” tanong ni Andres sa akin “Tenyente, kaninong tauhan yun?’ tanong ni Alan sa akin. “Hindi ko alam, wala naman akong nakitang ganung klasing tao o sandata sa mga tauhan ng tatlong Hari” sagot ko sa kanila “tatlong Hari?” tanong ng isa sa tauhan ni Andres “AH! mamaya na yan, unahin muna natin kung paano natin makuha ang aklat ng dilim” sabi ko sa kanila na napatingin kaming lahat sa aklat na hindi namin malapitan dahil sa kuryenteng nakabalot sa paligid nito.
“Ano kung sasagasaan natin ng humvee?” suhistyon ni Alan “ano ka! Ang mahal ng sasakyan na yan tapos ibabangga mo lang?” inis na sabi ni Andres sa kanya “mabuti nga nagbigay ako ng suggestion kesa naman nakatunganga lang” sabi ni Alan sa kanya. “Ano kakasa ka taba?” galit na sabi ni Andres “MAGSITIGIL KAYO!” sigaw ko sa kanila na hindi kumibo ang mga tauhan ni Andres “shit! Ano ang gagawin natin?’ tanong ko sa kanila na napatingin silang lahat sa akin. “Ah.. kung me binabalak kayo gawin niyo na” sabi ng isa sa tauhan ni Andres “bakit?” tanong ni Andres sa kanya “me demonyong papalapit sa atin” sabi nito na napatingin kami sa direksyon na tinitingnan niya at lahat kami nagulat.
“SI HILDA!” sigaw ko sabay takbo ng mga tauhan ni Andres palayo sa amin habang naiwan kaming tatlo ni Alan sa ilalim ng pintuan ng dilim “ANO PANG TINATANGATANGA NIYO DYAN! TUMAKBO NA KAYO!” sigaw ng tauhan ni Andres nung papalayo na sila. “SA HUMVEE!” sigaw ni Andres kaya tumakbo kaming tatlo papunta sa sasakyan niya at mabilis na pinaandar ni Andres ang humvee habang kumukuha ako ng mga bala sa likuran nito. “PUTCHA ISSA SUMAKAY KANA!” sigaw niya sa akin “HINDI KO IIWAN ANG AKLAT NG DILIM DEDEPENSAHAN KO ITO KAHIT ANO ANG MANGYARI!” sigaw ko sa kanya sabay takbo ko pabalik sa pintuan ng dilim.
“SHIT NAMAN!” narinig kong sigaw ni Andres at binagsak ko ang isang bag ng bala sa tabi ko at nilodan ko ng bagong magazine ang M16 na me grenade launcher at dalawang 45 at hinintay ang pagdating ni Hilda. Tinuon ko sa kaliwa ko ang armas ko nung me narinig akong yapak na papalapit sa akin at nakita kong si Alan pala ito “HUWAG! HUWAG! AKO ITO TENYENTE!” pakilala niya “punyeta ka Alan tinakot mo ako” sabi ko sa kanya na tumayo ito sa tabi ko at kita kong nanginginig ito habang hawak niya ang M16 niya. “Partner!” sabi ko sa kanya na lumingon ito sa akin at lumunok ng laway “pa..partner!” sagot niya sabay ngiti nito.
“NARIYAN NA SIYA!” sigaw ni Alan sabay kalabit namin ng gatilyo at pinagbabaril namin si Hilda na tumatalbog lang sa mukha at katawan niya ang mga bala namin pero hindi parin kami tumigil at mabilis kaming nagpalit ng magazine at tuloy sa pagbaril sa kanya. “GRAAAAAAHHHH!!!” sumigaw ito nung malapit na ito sa amin at nakita naming tinutok niya ang kanang kamay niya sa amin “ALAN UMILAG KA!” sabi ko sa kanya “HAAAAAA!!!” nagsisigaw si Alan habang tuloy parin ito sa pagbaril kay Hilda. Sa laki ni Alan alam kong hindi ko siya maitulak kaya ginawa ko binangga ko nalang siya nung lumipad papunta sa amin ang itim na bola ng enerbiya at nailagan namin ito nung pareho kaming bumagsak sa lupa.
Agad akong bumangon at tinuloy ko ang pagbaril kay Hilda na kahit alam kong hindi ito tumatalab sa kanya pero si Alan nakadapa parin sa lupa at nahirapan pa itong bumangon dahil sa bigat ng katawan niya. “ALAN!!” sigaw ko sa kanya na gumulong ito at pilit tinayo ang sarili “ALAN PUTANG INA KA TABA BUMANGON KA AT TULONGAN MO AKO!” sigaw ko sa kanya na napaluhod nalang ito at doon narinig kong pumutok ang M16 niya. “HAAAAA!!!” sumigaw muli si Alan habang nagpapalit ako ng bagong magazine sa armas ko at kinalabit ko ang gatilyo ng grenade launcher at lumipad ito papunta kay Hilda pero nung sumabog ito nakita kong parang wala ding epekto ito sa kanya.
Huminto si Hilda malapit sa amin at tinaas nito ang dalawang kamay at doon natakot ako lalo nung nakita ko ang inipon niyang itim an enerhiya sa pagitan ng mga kamay niya “ALAN TUMAKBO KANA!” sabi ko sa kanya “HINDI!” sagot ni Alan na tuloy lang ito sa pagbaril kay Hilda. “PUTANG INA HINDI NA NATIN PWEDENG ILAGAN YAN!” sabi ko sa kanya “WALA AKONG PAKIALAM!” sagot ni Alan sa akin na tinigil ko ang pagbaril kay Hilda at humawak ako sa balikat ni Alan na napatigil narin siya at tumingin sa akin. “Shit! Ito na?” kabadong tanong ni Alan sa akin na tumango ako “salamat Alan” sabi ko sa kanya na kita kong ngumiti siya “sana maging maayos ang pamilya ko” sabi niya na humawak ito sa kamay kong nasa balikat niya.
“ITO ANG SA INYO!” sigaw ni Hilda sa amin ng biglang napatigil nalang siya nung me sumulpot na ilaw ng kotse sa gilid niya “YEEEEHAAAAAAA!!!” narinig naming sumigaw si Andres sabay talon nito bago tumama ang humvee kay Hilda at nadala siya nito nung bumagsak ito sa lupa. Tumakbo kami kay Andres para tulongan siya at nakita naming me hawak itong maliit na bagay sa kamay niya “BOOM!” sabi nito sabay sumabog yung humvee nung pinindot niya ito. Napaatras kami ni Alan dahil sa gulat at natawa lang sa amin si Andres “ano Issa? Galeng ano?” nakangiting sabi niya sa akin “loko ka talaga Andres!” sabi ko sa kanya “hey!” sabi niya “Andre5K!” sabay naming sabi ni Alan na nagthumbs up pa ito sa amin.
Natuwa kami sa ginawa ni Andres ng biglang lumipad ang natitirang humvee papunta sa amin “ISSA!” sigaw ni Andres sabay tulak niya sa amin ni Alan at tumama sa kanya ang likurang parte ng humvee at tumalsik sa katawan namin ni Alan ang dugo niya. “ANDRES!!!” sigaw ko nung makita kong nakatabon sa kanya ang likurang parte ng humvee at napatingin kami sa kanan namin at nakita namin si Hilda na nakalutang ito at nagpapahid ng dumi sa mukha niya. “Isusunod ko kayo!” sabi niya sa amin na agad kong tinutok ang armas ko sa kanya at binaril ko siya hanggang sa maubos ang bala sa magazine ko at nagpalit ako.
“Te.. Tenyente… pa.. patay na tayo nito.. huhu..” narinig kong naiyak na si Alan sa tabi ko habang tuloy lang ako sa pagbaril kay Hilda habang lumulutang lang ito papalapit sa amin at nakita kong tinaas nito ang kanang kamay niya at tinutok niya ito sa amin. “Patay na tayo.. patay na tayo..” paulit-ulit na sabi ni Alan na tinadyakan ko siya sa mukha at natumba ito sa lupa at kinuha ko yung armas niya at sabay ko itong pinutok kay Hilda na napaatras ako nung ginawa ko ito. “HAAAAAAA!!!! HAAAAA!!!!” nagsisigaw ako habang tuloy ako sa pagkalabit sa gatilyo hanggang sa naubos na ang bala at napaluhod ako sa lupa.
Sa malayo naramdaman ni Julian ang peligrong kinakaharap ni Isabella kaya nung umabante sa kanya si Ishmael mabilis siyang gumalaw at natadyakan niya ito sa dibdib dahilan kaya natumba ito sa lupa. Agad siyang tumakbo para puntahan si Isabella pero sa kakamadali niya hindi niya napansin ang itim na metal na lumabas mula sa lupa at bumalot ito sa kanang paa niya kaya natumba siya sa lupa, lumingon siya sa likuran niya at nakita niyang nakatayo na si Ishmael. Tinaas nito ang isang kamay niya at bumalot sa katawan ni Julian ang itim na metal at nung tinaas niya ang espada ng alamat para putolin ito mabilis na lumabas mula sa lupa ang isa pang itim na metal at bumalot ito sa kamay niya na nakahawak sa espada kaya nabitawan niya ito ng hinila ang kamay niya para dumikit sa lupa.
“ISABELLA!!!” sumigaw si Julian dahil nararamdaman niyan ang itim na enerhiyang iniipon ni Hilda pati narin ang nararamdaman ni Isabella sa mga oras na ito “ISABELLA!!!” sumigaw muli si Julian na lumapit na sa kanya si Ishmael. “Hehehe huwag kang mag-alala Julian, magsasama din kayong dalawa sa kabilang mundo pagkatapos ko sa’yo” sabi ni Ishmael sa kanya “JULIAN!” sigaw ni Hen. Amistad dahil nakita nilang nakagapos ngayon sa lupa si Julian. “Heneral kailangan nating gumawa ng paraan!” sabi ng tauhan niya kaya hinugot ni Hen. Amistad ang espada niya at humawak siya kay Julian na nasa harapan nila.
“Ako na muna ang gagamit sa katawan mo, Pinuno” paalam ni Hen. Amistad kay Julian na pati siya hindi makagalaw dahil sa itim na metal na nakabalot sa kanya “Heneral!” takot na tawag ng isa pa niyang tauhan. Nagulat si Heneral Amistad dahil nakatayo na sa ibabaw nila si Ishmael at nakita nilang me hawak itong sibat at nakangiti itong nakatingin kay Julian “katapusan mo na ito, Julian” sabi ni Ishmael sa kanya. “Huwag kang mag-alala, mauuna kana doon” sabi ni Ishmael sa kanya na bumukas ang itim na metal sa me dibdib ni Julian sabay baba ni Ishmael sa sibat niya pero nagulat nalang siya dahil me malaking kamay na bigla nalang sumulpot at sinalo ang sibat niya.
Pilit tinulak ni Ishmael ang sibat niya pababa sa dibdib ni Julian pero hindi niya ito maitulak “si…sino ka?” gulat na tanong ni Ishmael pati si Julian nagulat din sa malaking kamay na nanggagaling sa dibdib niya. Sa loob ni Julian “Heneral, ikaw ba ang gumawa nito?” takang tanong ng tauhan niya “hi.. hindi…” sagot ni Hen. Amistad na napatingin sila sa likuran nila at nakita nilang nakatayo na ang lahat ng kaluluwa ng mga Bampira kasama si Reyna Lucia. “Ako!” sagot ni Hen. Guillermo na nakataas ang dalawang kamay niya at tila humaba ito “mahal na Reyna!” tawag ni Hen. Amistad na niyuko nilang lahat ang ulo nila sa kanya.
“Maraming salamat sa inyo” sabi ni Reyna Lucia sa kanila “kami na ang bahala sa puntong ito” sabi ni Kap. Morietta “ano’ng kayo na ang bahala?” tanong ni Resisyo sa kanila “mga kawal!” tawag ni Kap. Morietta sa kanila “OPO KAPITAN!” sagot nilang lahat sabay hugot ng mga espada nila. “Balak sana naming manirahan dito sa loob ni Julian, pero kung mangyaring mapatay siya ni Ishmael lahat tayo mawawala” sabi ni Reyna Lucia sa mga Bailan. “Ano ang binabalak niyo?” tanong ng matandang Bailan na ngumiti si Reyna Lucia at doon isa-isang lumipad ang mga Bampira pataas at lumiwanag ang dibdib ni Julian na kinagulat ni Ishmael kaya binitawan niya ang sibat para lumayo pero hinawakan siya ni Hen. Guillermo kaya napigilan siya nitong lumayo.
“SUGOD!!!” sigaw ni Hen. Guillermo sa mga tauhan nila at doon lumabas ang kaluluwa ng mga Bampira at isa-isa silang lumusot sa katawan ni Ishmael na nakatutuok ang mga espada nila sa kanya “HAAAAAAA!!! HAAAAAAA!!! HAAAAAA!!!” napasigaw sa sakit si Ishmael nung lumabas sa likuran niya ang mga Bampira. Isang daang Bampira ang tumagos sa katawan niya “Morietta” tawag ni Hen. Guillermo sa knaya “HMP! Bailan!” sigaw ni Kap. Morietta na tinaas ng mga Bailan ang mga sandata nila “HAH!” sabay sigaw nila at lumipad na si Kap. Morietta. Sa labas, biglang me lumabas na itim na kidlat mula sa dibdib ni Julian at tumama ito sa dibdib ni Ishmael at tumagos ito sa likuran niya kasunod nito si Kap. Morietta at ang espada niya.
“GRAAAAAHHHHHH!!!” napasigaw si Ishmael sa sakit nung lumusot ang kaluluwa ni Kap. Morietta sa katawan niya, “mahal na Reyna” tawag ni Hen. Guillermo sa kanya “mauna kana Guille” sabi ni Reyna Lucia sa kanya na tumango siya. “GUILLERMO!” tawag ni Hen Amistad sa kanya na nilingon niya ito “ipaghahanda kita ng alak at arena para sa labanan natin” sabi ni Hen. Amistad sa kanya “aasahan ko yan, Heneral Amistad” sabi ni Hen Guillermo sabay labas ng dalawang malalaking espada niya at lumipad ito paitaas. “HAAAAAA!!! TAMA NA!! TAMA NA!!!” pagsisigaw ni Ishmael at lumabas na si Hen. Guillermo na nanlaki ang mata ni Ishmael nung makita niya ang naka ekis na malaking espada ni Hen. Guillermo na papalapit sa kanya.
Nasasak siya ni Hen. Guillermo at naramdaman niyang parang binuka ang dibdib niya kaya napasuka siya ng dugo nung lumusot na si Hen. Guillermo sa kanya, “paalam sa inyo!” sabi ni Reyna Lucia sa kanila. “Salamat, mahal na Reyna” sabi nilang lahat sabay luhod nila at niyuko ang ulo “Amistad” tawag ni Reyna Lucia “kamahalan?” “pakisabi kay Lorenzo, tandaan niya ang araw na yun” sabi ni Reyna Lucia sa kanya na napangiti si Hen. Amistad “makakarating po, kamahalan!” sagot ni Hen. Amistad. “Salamat!” sabi ni Reyna Lucia sabay lipad niya pataas at doon lumabas ang malaking apoy na nagmula sa dibdib ni Julian at sinunog nito si Ishmael.
Lumabas ang kalahating katawan ni Reyna Lucia sa dibdib ni Julian at humarap ito sa kanya “patawad Julian” sabi ng Reyna sa kanya na naluha si Julian nung makita siya. Humawak si Reyna Lucia sa dibdib ni Julian at me nilagay siyang maliit na marka sa dibdib niya “regalo ko sa’yo, mahal kong anak” sabi ni Reyna Lucia sa kanya na tumulo ang luha ni Julian nung marinig niya ito. Tumalikod na sa kanya si Reyna Lucia at tuloyan na itong lumabas sa dibdib niya at tumayo sa likuran niya ang lahat ng mga Bampira at lahat sila humawak sa balikat sa mga Bampirang nasa harap nila kagaya ng ginawa nila nung nasa loob sila ni Julian.
Napaatras si Ishmael nung binitawan na siya ni Hen. Guillermo at nagsusuka ito ng dugo habang niyayakap ang dibdib niya “ah… ghaaa… ahh…” nalang ito na parang nawawala na ito sa balanse nung umatras ito palayo. “Ito na ang katapusan mo, demonyo!” sabi ni Reyna Lucia sa kanya sabay higop niya ng maraming hangin at sabay nilang sabi “Dracu infernul incendiu (hell fire inferno)” bumugaw ng magkahalong itim at pulang apoy si Reyna Lucia “HAAAAAAA!!!” napasigaw si Ishmael nung makita niya itong papalapit sa kanya at bumalot ito sa buong katawan niya na hindi na siya nakatakas dahil sa bilis ntiong lumipad papunta sa kanya.
Nakita ni Julian ang ginawa ng mga Bampira kay Ishmael at wala man lang isang minuto at nawala na sa loob ng apoy si Ishmael sa sobrang init nito, naramdaman ni Julian na lumuluwang na yung itim na metal na nakablot sa kanya at bigla nalang itong nawasak at nawala. Nakagalaw na muli si Julian at agad siyang bumangon at kita niyang nakapalibot na sa kanya ang lahat ng mga kaluluwa ng mga Bampira. “Ma.. mahal na Reyna” tawag ni Julian sa kanya na humarap sa kanya ang Reyna at nginitian siya nito “Julian…” sabi ni Reyna Lucia na lumutang sa harapan ni Julian ang espada ng alamat at biglang lumiwanag ito.
Napatabon sa mukha si Julian at nung nawala na ang liwanag nakita niyang nagbago ang kulay ng mga suot ng mga Bampira na kanina ay kulay itim ngayon ay puti na. Nakita niyang tinitingnan ng mga Bampira ang mga damit nila at natuwa sila sa nakita nila “Julian.. mahal na Reyna” natutuwang sabi nila. “Naalala mo pa ba ang sinabi ko sa’yo noon, Julian? Pag nagmahal ang isang Bampira?” tanong ni Reyna Lucia sa kanya na tumango si Julian “haharapin nila ang liwanag..” sabi ni Julian na tumingin si Reyna Lucia sa puting damit niya at tumingin siya kay Julian “mahal ka namin Julian at ikaw ang nagdala sa amin sa liwanag” sabi ni Reyna Lucia sa kanya.
“Salamat Julian..” isa-isang sabi ng mga Bampira sa kanya at isa-isa narin silang lumipad “malaya na tayo!” narinig niya sa ibang Bampira na natutuwa silang umangat papunta sa taas “Julian” tawag ni Hen. Guillermo sa kanya. “Heneral!” naluluhang sabi ni Julian “tsk! Ano ba ang sabi ko?” tanong ni Hen. Guillermo sa kanya “huwag… huwag umiyak” sagot ni Julian “hehehe.. natural lang yan” sabi ni Hen. Guillermo sa kanya sabay yakap sa kanya. “Alagaan mo ang sarili mo ha!” paalala ng Heneral sa kanya “opo!’ sagot niya at nung bumitaw sa kanya si Hen. Guillermo umangat narin ito “paalam Julian, maraming salamat sa pagmamahal mo!” sabi ni Hen. Guillermo at nawala na ito sa ibabaw.
Sinuntok siya ni Kap. Morietta sa balikat sabay yakap sa kanya “mahal na mahal kita, Julian… huwag na huwag mong kalimutan yan” sabi ni Kap. Morietta sa kanya sabay halik nito sa labi niya “paalam.” sabi ng Kapitan sa kanya “Kapitan..” sabi ni Julian nung umangat na sa itaas si Kap. Morietta at nawala narin ito. Nakatingin sa kanya si Reyna Lucia “kamahalan..” sabi ni Julian na lumutang palapit sa kanya ang Reyna at humawak ito sa dibdib niya “ngayong wala na kami sa loob mo, hahabol na sa’yo ang panahon Julian” sabi ng Reyna sa kanya na nagulat si Julian nung marinig niya ito. “Pero.. huwag kang mag-alala, ang markang ito ang magpipigil sa pagbilis ng takbo ng panahon sa katawan mo” paliwanang ng Reyna sa kanya.
“Iniwanan din kita ng konting kapangyarihan ko pero babala anak, gagamitin mo lang ito kung kinakailangan dahil kung gagamitin mo ito palagi, mawawala ang bisa ng markang ito at pagnangyari yun” paliwanag ng Reyna sa kanya. “Ano po?” tanong ni Julian “magiging mabilis ang takbo ng panahon sa katawan mo at tatanda ka ng mabilis” paliwanag ni Reyna Lucia sa kanya, yumakap si Julian sa kanya “mahal na Reyna” naluluhang sabi ni Julian na niyakap siya ng mahigpit ng Reyna. “Gusto kong mabuhay ka ng maayos na hindi mo naranasan noon nung kasama mo pa kami sa palasyo” sabi ni Reyna Lucia sa kanya “hindi naman naaksya ang buhay ko noon nung kasama ko pa kayo” sabi ni Julian sa kanya.
“Alam mo na ang ibig kong sabihin Julian” nakangiting sabi ng Reyna sa kanya “Isabella…” sabi ni Julian na binitawan na siya ni Reyna Lucia at nagpahid ng luha si Julian “nasa loob mo ang kapangyarihan mo, Julian” sabi ni Reyna Lucia sa kanya. “Ang puso mo ang kapangyarihang tatapos sa dilim na ito” sabi ni Reyna Lucia sa kanya na dahan-dahan narin siyang umangat “MAHAL NA REYNA!” sumigaw si Julian “tapusin mo na ang dilim na ito, para masimulan mo narin ang buhay mo, Julian!” sabi ni Reyna Lucia sa kanya “opo, kamahalan!” sabi ni Julian na niluhod niya ang isang tuhod niya at niyuko niya ang ulo niya huling pagbigay pugay sa Reyna ng mga Bampira.
Biglang nanghina ng konte si Julian nung tumayo siya “maayos ka lang ba, Julian?” tanong ni Hen. Amistad sa kanya “maayos lang ako” sagot niya at nagsimula na siyang maglakad papunta sa pintuan ng dilim. “Heneral, nararamdaman mo ba yun?” tanong ni Zenisa sa kanya “oo, nanghihina na siya dahil wala na sa loob niya ang mga Bampira” sagot ni Hen. Amistad “ano ang gagawin natin?” tanong ni Resisyo. Tumingin si Hen. Amistad sa lahat ng Bailan at nakita nila ang pag-aalala sa mukha niya “alam ko ang dapat nating gawin” sabi ng isang matandang Bailan na napalingon silang lahat sa kanya.
“Alam natin ano ang rason kung bakit tayo nandito” patuloy ng matanda na napatingin silang lahat sa isa’t-isa at kay Hen. Amistad, huminga ng malalim ang Heneral bago ito nagsalita “alam kong wala tayong kapangyarihan katulad ng mga Bampira, hindi natin siya mabibigyan ng ano mang lakas katulad ng binigay nila” pasimula ni Hen. Amistad. “Isa lang ang pwede nating ibigay kay Julian, ang bago nating Pinuno” patuloy ni Hen. Amistad na sumang-ayon silang lahat sa sinabi niya. Tumingin siya sa itaas at sabing “naririto tayo, para dugtongan ang buhay niya kahit sandali lang” sabi niya “HAH!” sigaw ng pagsang-ayun ng mga Bailan.
Nakita kong ito na ang katapusan namin ni Alan dahil sa laki ng enerhiyang binuo ni Hilda “Alan… kahit ano ang mangyari.. tandaan mo..” sabi ko sa kanya na tumingin ako sa kanya “I am proud and happy to been your partner” sabi ko sa kanya na ngumiti siya “ako din, Tenyente!” sagot niya sabay hawak namin ng kamay. Binato na ni Hilda ang bola ng enerhiya sa amin at doon pinkit ko ang mata ko at hinanda ang sarili ko sa mangyayari ng biglang me umihip na hangin at me narinig kaming dalawang bombang sumabog sa likuran namin ni Alan “HAAAAAA!!!” narinig kong sumigaw si Alan sa takot at nung dinilat ko ang mga mata ko nagulat ako dahil nakita kong nakatayo na sa harapan namin si Julian.
Lumingon ito at pansin kong hinihingal siya “ma… maayos lang ba kayo?” tanong niya sa amin “Julian! Oo, maayos lang kami” sagot ko sa kanya na umatras ito para lumapit sa amin habang kita kong napatingin sa paligid si Hilda na tila me hinahanap siya. “Wala na siya” sabi ni Julian sa kanya na napatingin sa kanya si Hilda “ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya “wala na si Ishmael” sagot ni Julian sa kanya “sino si Ishmael?” tanong ko kay Julian na tumingin lang siya sa akin at tumingin muli kay Hilda. “Imposible ang sinasabi mo! Hindi ganun kadali patayin si Ishmael!” sabi ni Hilda “oo, tama ka haahh..” sabi ni Julian na nakita kong napayuko siya “binigay ng mga Bampira ang natitirang buhay nila para tulongan ako” dagdag ni Julian na nagulat ako sa sinabi niya.
“Wala na ang mga Bampira sa loob mo?!” gulat kong tanong na tumango si Julian at kita kong naluha siya “Reyna Lucia..” sabi ko na biglang tinaas ni Hilda ang mga kamay niya at nagbuo siya ng itim na enerhiya. “HINDI! HINDI NILA NAPATAY SI ISHMAEL!” sigaw niya sabay bato niya nito sa amin na agad namang hinampas ni Julian at nahiwa ito sa dalawa at sumabog ang dalawang nahating enerhiya sa likuran namin. “AAAAHHHHHH!!! TENYENTE!” natakot si Alan “KUMALMA KA ALAN!” sabi ko sa kanya na yumuko ito sa likod ko dahil sa takot “Julian! Ano ang gagawin natin?” tanong ko sa kanya na tinaas niya ang espada niya na doon ko lang ito napansin “yan ba ang?” tanong ko “oo, ito na ang totoong anyo ng espada ng alamat” sagot niya sa akin.
“Teka, kung wala na ang mga Bampira? Ok ka lang ba?” tanong ko agad sa kanya dahil kita kong hinihingal na siya at kita kong hindi na naghihilom ang mga sugat niya kahit hawak pa niya ang espada ng alamat. “Nasa loob ko ang mga Bailan, maayos pa ako habang kasama ko sila sa loob” sabi niya sa akin “huh? Ano’ng Bailan?” tanong ko sa kanya “mamaya ko na ipapaliwanag sa’yo asikasuhin muna natin siya” sabi ni Julian dahil kita naming nagwawala na si Hilda sa galit. “Ano ang plano?” tanong ko sa kanya “mabuhay.. manatiling mabuhay” sagot niya sa akin kaya napahawak ako ng mahigpit sa armas ko at napatinigin ako kay Alan na ngayon ay parang bata ng umiiyak sa takot.
“GRAAAAAHHHH!!!” biglang sumigaw si Hilda at nakita naming kumuha ito ng kapangyarihan mula sa pintuan ng dilim at lumalaki siya “hindi maganda ito” sabi ko kay Julian “magtiwala ka lang Isabella” sabi niya sabay lingon sa akin “hangga’t nandito ako kasama mo walang dilim ang pipigil sa pagsinag ng liwanag natin” sabi niya sa akin. Hinawakan ng kaliwang kamay ni Julian ang talim ng espada ng alamat at yung kanan naman ay nasa hawakan nito at tinaas niya ito para maghanda sa posibilidad na ibato sa amin ni Hilda. “GAAAAAHHHHH!!!” lalo pa itong sumigaw na nabingi na kami sa lakas nito at huling nakita namin nagkaroon na siya ng pakpak habang tuloy lang sa paglabas ng itim na aura ang pintuan ng dilim papunta sa katawan niya.
“Julian, kailangan nating isara ang pintuan ng dilim para matigil na ang pagkuha niya ng kapangyarihan!” sabi ko sa kanya “hindi pwede!” sagot niya “bakit?” tanong ko “kung maisara ang pintuan ng dilim mahihirapan na tayong buksan ito” sagot niya. “Bakit? Hindi ba, nagawa ni Olivia ito bakit hindi natin gawin din ang ginawa niya?” tanong ko sa kanya “dahil kailangan ng sakripisyo bago mabuksan ang pinto, kapalit ng pagbukas ng pinto ang kaluluwa ng isang tao” paliwanag niya sa akin. “Dyos ko! Kaninong kaluluwa ang sinakripisyo nila nung binuksan nila ang pinto?” tanong ko sa kanya “ang anak namin ni Isabella na nasa sinapupunan niya ang ibinigay nila” sagot niya sa akin na napatingin ako sa kanya at hindi makapaniwala sa narinig ko.
“Maghanda ka Isabella” sabi niya sa akin na tinaas pa niya ang espada ng alamat at sinalo niya ang itim na enerhiyang tinira ni Hilda sa amin, napaatras si Julian kaya pinigilan ko siya para hindi matumba at tinulak ko na din siya ng konte. “ALAN! ALAN!” sigaw ko sa kanya na nakabola na ito sa lupa habang umiiyak “PUNYETA ALAN TULONGAN MO KAMI!” sigaw ko sa kanya “ISABELLA!” tawag sa akin ni Julian “IHANDA MO ANG SARILI MO!” sabi niya sa akin “BAKIT?” tanong ko na tumingin lang siya sa akin at nugmiti ito “HINDI! HINDI MO GAGAWIN ANG INIISIP MO JULIAN!” galit kong sabi sa kanya dahil kita kong isasakripisyo niya ang buhay niya para sa amin.
“Hindi ko gagawin yan!” sabi niya sa akin “binigay ng mga Bampira ang buhay nila para sa akin kaya hindi ko gagawin ang iniisip mo” dagdag niya na napatingin ako sa kanya. “Ano ang gagawin natin?” tanong ko sa kanya na kita kong nahihirapan na siya sa pagpigil sa itim an enerhiyang tinira ni Hilda sa amin “me paraan, pero…” sabi niya na hindi niya tinuloy ang sinabi niya. “Pero ano? Julian, ano?” tanong ko sa kanya na tinulak ko na siya para hindi siya mapaatras “JULIAN SABIHIN MO NA!” sigaw ko sa kanya “BIBILIS ANG PAGTANDA KO!” sagot niya na nagulat ako sa sinabi niya.
“Me paraan kami, Pinuno” sabi bigla ni Hen. Amistad na napatingin si Julian sa kanya at sa mga Bailan “ano… ano ang paraan?” tanong ni Julian sa kanya na ngumiti sa kanya si Hen. Amistad at lumingon ito sa mga tauhan niya. Ngumiti sila at tumango kay Julian “teka… gagawin niyo din ba ang ginawa ng mga Bampira?” tanong ni Julian sa kanila “hindi!” tinig mula sa isang matandang babaeng Bailan na nakatayo malapit lang sa likod ni Hen. Amistad at humakbang ito palapit sa kanya. “Iba ang mga Bampira at iba din kami” sabi ng matanda kay Julian “ano ang binabalak niyo, manang?” tanong niya na tumingin kay Hen. Amistad ang matanda.
“Ang totoong dahilan kaya kami nandito ay magbigay ng lakas sa’yo” panimula ni Hen. Amistad “hindi lang kami kaluluwa Julian, buhay na enerhiya kami” sabi ng matanda sa kanya na nagulat siya sa narinig niya. “Bu.. buhay na enerhiya?” takang tanong ni Julian “oo, ayun sa nakasulat sa malaking bato noon ng mga Bailan, mangyaring nagamit ni Una ang totoong kapangyarihan ng espada ng alamat dahil sa buhay na enerhiyang dumadaloy sa katawan niya” kwento ng matanda. “Yun ang dahilan kaya kami nandito dahil sa taglay naming enerhiyang yun pwede mong ilabas ang totoong kapangyarihan ng espada ng alamat” paliwanag ni Hen. Amistad.
“Akala ko ito na ang totoong kapangyarihan ng espada nung nabuo ko ito” sabi ni Julian “hehehe nagkakamali ka bata” sabi ng isa pang matandang babae “ang totoo niyan unang antas lang ito” paliwanag niya. Hindi nakapagsalita si Julian kaya lumapit sa kanya si Hen. Amistad at nilagay niya ang kanang kamay niya sa balikat ni Julian “hanggang dito nalang kami Julian, salamat sa panahon na pinatira mo kami dito at ipinakita mo sa amin ang panibagong mundo” sabi ni Hen. Amistad sa kanya. “Maraming salamat Julian” sabi ng mga Bailan sa kanya “teka, bakit kayo nagpapaalam sa akin? Akala ko ba mananatili kayo sa loob ko?” tanong ni Julian sa kanila.
“Hindi” sagot ni Hen. Amistad “binigay namin ang konting tulong para sa’yo dahil alam ni Lorenzo na kailanganin mo ito” paliwanag niya “nabasa ito ni Lorenzo sa aklat ng dilim noong nasa palasyo pa siya ni Reyna Lucia” sabi ni Kap. Zenisa. “Kaya nung minungkahi niya ito sa amin at pinaliwanag niya ng mabuti sa amin ang plano niya hindi kami nag atubiiling ibigay ang konting enerhiya namin sa’yo” paliwanag ng matandang Bailan sa kanya. “Kung ganun…” sabi ni Julian na nakita niyang lumiwanag ang ibang mga Bailan at naging puting bolang enerhiya sila “si Una lang ang nagbubukod tanging makakalabas sa totoong kapangyarihan ng espada ng alamat” sabi ni Hen. Amistad.
“Pero.. ” putol niya “pero?” tanong ni Julian “me paraan para maabot mo ang antas niya” patuloy ni Hen. Amistad na nakita niyang kalahati na sa mga Bailan ang naging puting bola ng enerhiya at lumutang ito sa ibabaw niya. “Tayong mga Bailan ay nanggaling sa kanya, nilikha niya tayo gamit ang mismong enerhiya niya at sa konklusyon ni Lorenzo kung isang enerhiya lang hindi ito sapat pero kung maraming enerhiya ni Una ang papasok sa iisang Bailan” paliwanag ni Hen. Amistad. Naging alerto bigla si Julian at napatingin sa maraming puting bolang enerhiya sa ibabaw niya at nanlaki ang mga mata niya “….Una…” sabi ni Julian.
“Tama!” sagot ni Hen. Amistad na lahat sila naging puting bola ng enerhiya na at lumutang sa ibabaw ni Julian “kami ang enerhiyang magbibigay sa’yo ng kapangyarihan Julian, kami ang tinutukoy ni Makisig.. ang totoong kapangyarihan na tutulong sa’yo” paliwanag ni Hen. Amistad. Naalala ni Julian ang sinabi ni Makisig nung nasa Isla pa siya “ang kapangyarihan na sinasabi ko ay taglay nito ang lakas ng unang pinuno, pero bago mo ito makuha kailangan mo munang maging purong Bailan” ang sinabi ni Makisig sa kanya noon. “Kaya pala sinabi niyang itakwil ko ang mga Bampira para makamit ko ito..” sabi ni Julian nung naalala niya ang sinabi ni Makisig.
“Salamat sa inyo.. salamat sa tiwalang ibinigay niyo sa akin kahit.. kahit hindi niyo ako nakasama noon sa Kuro.. ” sabi ni Julian na umikot na sa ibabaw niya ang mga puting bolang enerhiya at nung bumitaw pa ng malakas na itim na enerhiya si Hilda doon na pumasok sa kaluluwa ni Julian ang lahat ng enerhiya ng Bailan. Samantala sa labas, “Julian? JULIAN!” tawag pansin ko sa kanya dahil nakatitig lang ito sa espada na parang tulala ito at hindi na sumasagot “Julia….” napatigil nalang ako nung biglang lumiwanag ang espada ng alamat at suminag ito kay Julian at napaatras nalang ako ng konte nung maramdaman kong uminit bigla ang katawan ni Julian.
Umusok ang katawan niya na parang nasusunog ito at biglang napatumba ako sa lupa nung biglang me kung anong liwanag ang lumabas sa katawan niya at napatakip ako sa mukha ko pati na si Alan dahil sa parang sinag ng araw ang nanggagaling kay Julian. Sumilip ako ng konte at nakita kong me parang bumalot sa katawan niya at nung pakonte-konte ng nawawala ang liwanag niya doon namin nakita ni Alan kung ano ang nangyayari sa kanya. “Te…. Issa… ” utal na sabi ni Alan dahil sa gulat nung makita namin ang puting armor na suot ni Julian at nakita naming parang sinaunang mandirigmang sundalo na siya “…Julian?…” tawag ko sa kanya na lumingon siya at kita kong parang me nagbago sa mukha niya “…Una….” sagot niya.