Chapter XXXI: Legacy!
“…Una…” yun ang narinig ko galing sa kanya “dito ka lang” sabi niya sabay hampas niya ng espada niya at nahati nito ang itim na enerhiyang tinira ni Hilda sa amin at nakita kong umilag si Hilda nung papalapit na sa kanya ang puting enerhiyang tinira ni Julian. Nakita ni Hilda ang pagbabago ni Julian at tila pamilyar sa kanya ito dahil sa nakikita kong expression sa mukha niya, humakbang si Julian ng isang beses at sinaksak niya ang espada niya sa lupa at me kinuha siya sa likod ng beywang niya. Isang bakal na kasing haba ng ruler at nung hinawakan ito ng dalawang kamay niya bigla itong humaba at naging sibat.
Pumorma siya at binato niya ito kay Hilda na umilag naman ang Dyosa at nag-ipon ito ng itim na enerhiya sa kanang kamay niya ng biglang umaktong me hinila si Julian at nagulat nalang ako nung makita kong parang umabante ng konti si Hilda at tumagos sa tyan niya ang sibat na binato ni Julian kanina. Tumakbo si Julian papunta sa kanya habang nakataas ang kamay niya at doon lumipad ang espada ng alamat papunta sa kanya sabay talon niya papunta kay Hilda. “GAAAAAAA!!!” sumigaw si Hilda nung pilit niyang alisin ang sibat na nakasasak sa kanya pero nung nahawakan na ni Julian ang espada niya agad niya itong sinaksak kay Hilda at doon napatigil ang Dyosa at napakapit ito sa balikat ni Julian nung binaon pa niya ang espada niya sa katawan ni Hilda.
Nanginig si Hilda at tumingin ito kay Julian na parang nagulat ito nung makita niya ng malapitan “….U….Una….” dinig kong sabi ni Hilda “Hilda, bakit mo ginagawa ito?” tanong ni Julian sa kanya “hindi ka ba natoto noon?” tanong niya. Nakita kong nilagay ni Hilda ang kanang kamay niya sa mukha ni Julian at ngumiti siya “…sa lahat.. ikaw ang totoong nakakalam kung.. bakit ko ito ginawa..” sabi ni Hilda sa kanya. “Bakit… (naluha si Hilda) bakit hindi ako ang minahal mo?… Bakit siya pa?…” tanong ni Hilda kay Julian na napaluhod ako sa lupa dahil tingin ko tapos na ang lahat “bakit hindi ako ang pinili mo… Una?” naluluhang tanong ni Hilda kay Julian.
“Noon pa man Hilda, sinabi ko na sa’yo ang totoong nararamdaman ko… pero hindi mo ito nirespeto…nagalit ka sa puntong umabot na tayo sa ganitong sitwasyon noon at ngayon inulit mo nanaman ito” sabi ni Julian sa kanya na tingin ko hindi na siya si Julian. “Dahil sa pagmamahal ko sa’yo… naging.. agresibo ako…” sabi ni Hilda sa kanya na dahan-dahan ng nawawala ang dilim sa katawan niya at nagsisimula ng bumalik ang dating kulay ng katawan niya. “Patawarin mo ako Hilda pero ayaw kong linlangin ka kaya sinabi ko sa’yo noon ang totoo” sabi ni Julian sa kanya na niyakap siya bigla ni Hilda “….patawarin mo ako… Ruuna…” sabi ni Hilda at biglang lumiwanag ang katawan niya.
Nakita namin ni Alan ang paglabas ng kaluluwa ni Hilda sa katawan ni Isabella at agad sinalo ni Julian ang dalaga nung tuloyan ng naalis ang kaluluwa ni Hilda na lumutang na ito malapit lang sa pinto. May parang kamay na lumabas mula sa pintuan ng dilim at hinawakan nito si Hilda at hinila siya nito papasok sa loob, nakatingin lang si Julian sa kanya habang hawak niya ang katawan ni Isabella “patawad… yan lang ang masasabi ko… ” sabi ni Hilda na tumingin ito sa direksyon ng tatlong Hari “patawad sa inyo!” sabi ni Hilda “maging maayos sana ang paglalakbay mo, Hilda” sabi ni Haring Narra sa kanya na ngayon ay nakatayo na pala malapit lang sa amin.
Hinila na papasok sa loob si Hilda at tumingin siya kay Julian “paalam… Ruuna….” huling sinabi niya “Hilda..” sabi ni Julian sabay tinaas niya ang espada ng alamat at nung lumiwanag ito doon na sumara ang pintuan ng dilim. Pagkasara nito agad na itong nawala at doon sumara narin ang aklat ng dilim at bumagsak ito sa lupa. Hinugot ni Julian ang sibat sa likod ni Isabella pati narin ang espada niya na pareho niya itong sinaksak sa lupa at binuhat ang dalaga. Humarap siya sa amin at kita kong bumalik na ang anyo ng mukha niya kanina at naluha ito habang nakatingin sa nobya niya noon “Tenyente” tawag sa akin ni Alan dahil napansin din pala niya na kamukha ko yung babaeng hawak ni Julian.
“Julian..” sabi ni Isabella sabay hawak nito sa pisngi niya “makakapagpahinga kana ng maayos..” sabi ni Julian sa kanya na ngumiti ito at tumingin sa akin “… alagaan mo siya…” sabi niya sa akin na ngumiti lang ako sa kanya. “Paalam… mahal ko…” sabi ni Isabella sa kanya na tinaas siya ni Julian para mahalikan siya sa labi “paalam..” sabi ni Julian at doon dahan-dahan ng naging abo si Isabella at nawala na ito sa kamay ni Julian. Sinundan ng tingin ni Julian ang abong inihip ng hangin at nakita ko nalang na dahan-dahan naring nawawala ang suot niyang armor at ang liwanag nito “tapos na ba Tenyente?” tanong ni Alan sa akin “oo, tapos na” sagot ko sa kanya na humiga ito sa lupa at natawa ito sa tuwa.
Lumapit sa akin si Julian at tinulongan niya akong tumayo “salamat at ligtas ka” sabi niya sa akin “ikaw din” sagot ko na tuloyan ng nawala ang armor at liwanag sa katawan niya, nginitian niya ako at bigla nalang siyang natumba buti nalang nasalo ko siya kundi bumagsak siya sa lupa. “JULIAN!” sigaw ko na agad ding bumangon si Alan para tulongan ako “Isabella, ihiga mo si Julian sa lupa” sabi sa akin ni Haring Narra kaya hiniga namin siya ni Alan at kita kong tulog ito “ano ba ang nangyari?” tanong ni Ingkong Romolo na ngayon ay inaakay ni Haring Helius. “Hinimatay nalang siya bigla” sagot ko na napatingin kaming lahat sa espada ng alamat nung lumiwanag ito at maya-maya lang ay naging dalawa na muli ito.
“Nahati muli sa dalawa ang espada?” takang tanong ni Haring Helius “parang ganun na nga” sabi ni Haring Narra “ano ba ang nangyari dito?” tanong ni Ingkong sa amin ni Alan “me binanggit si Julian tungkol sa mga Bampira at sa mga Bailan sa loob niya” kwento ko. “Nawala na sa loob niya ang mga Bampira at mga Bailan kaya heto na siya ngayon” patuloy ko na yumuko sa tabi ni Julian si Haring Narra at tiningnan niya ang nasa dibdib niya. “Marka ni Lucia…” sabi niya “ano po?” takang tanong ko “ito ang marka ni Lucia, ang marka ng immortalidad katulad kay Lorenzo” paliwanag ni Haring Narra.
“Hindi” sabi ni Ingkong Romolo “iba ang marka ng immortalidad Nara” dagdag niya na binaba siya ni Haring Helius para mapaupo sila sa lupa “iba ang markang ito” sabi niya. Maya-maya lang ay nakarinig kami ng ingay sa paligid namin kaya napalingon kaming lahat at naging alerto kami “kumalma kayo” sabi ni Haring Helius ng biglang me sumulpot na portal malapit lang sa kinaroroonan namin. “KAMAHALAN!” sumigaw agad ang Engkato nung makita kami “Elewen! Kumusta ang kaharian?” tanong ni Haring Helius “maayos lang po kamahalan, patawad kong huli kaming dumating dito, hindi namin kasi magamit ang portal simula pa kanina” paliwanag niya.
“Dahil yun sa pintuan ng dilim, ngayong wala na ito pwede na muli tayong makakagamit ng portal” sabi ni Haring Helius na bumukas ang maraming portal sa paligid namin at naglabasan ang mga Engkanto, Taong Puno at mga Taong Lobo na agad silang lumapit sa amin. “Mag madali kayo, kailangan ng tulong ang mga Hari natin!” tawag ni Elewen sa kanila na agad silang lumapit dala ang mga kagamitan nila sa panggagamot. “Unahin niyo si Romolo, siya ang mas matinding sugat sa amin” sabi ni Haring Helius “masusunod kamahalan” sagot nila “pero kamahalan, kailangan niyo ding magamot” sabi ni Elewen sa kanya “maayos lang ako” sagot niya.
“Haring Narra!’ tawag ng isang Taong Puno sa kanya na agad siya nitong nilapitan at tiningnan ang mga sugat niya “wala ito, unahin niyo si Julian” utos niya sa tauhan niya “Dyos ko, salamat naman at tapos na ang lahat” sabi ni Alan na ngayon ay nakaupo sa lupa. “Hindi pa tapos ang lahat” sabi ni Ingkong Romolo na napatingin kami sa kanya “Helius, kailangan nating makaalis dito” sabi niya na sumang-ayon sa kanya ang Hari ng mga Engkanto. “Tama ka, Elewen iutos mo sa mga matatandang Engkanto na dalhin tayong lahat pabalik sa gubat ni Narra” utos niya “ngayon din po, kamahalan” sagot niya na nagbukas siya ng portal at pumasok siya nito.
Nakita namin sa malayo na lumabas na ang araw “aaaahhh.. ang amang araw” sabi ni Haring Narra na pinikit niya ang mga mata niya nung nasinagan siya nito “hehehe… iba ka talaga Narra” natatawang sabi ni Ingkong Romolo. “Araw ang nagbibigay lakas sa aming mga Puno, kaya pasensya na kung nagiging emosyonal ako” sabi ni Haring Narra na natawa narin si Haring Helius, bumalik na si Elewen “kamahalan, maghanda po kayo sa paglalakbay natin” balita niya “magaling” sagot ni Haring Helius. “Tumayo kana dyan Alan, aalis na tayo” sabi ko sa kanya “hindi na kailangan pang kumilos, Isabella” sabi ni Elewen sa akin.
“Ha? Paano kami makakapasok sa portal kung hindi kami tatayo?” takang tanong ko sa kanya na ngumiti lang si Elewen “maghintay ka lang, Isabella” sabi ni Haring Helius na akala namin sinag ng araw ang nakikita namin sa malayo kapangyarihan pala ito ng mga matatandang Engkanto. Mabilis itong dumaan sa buong syudad at nung nadaanan kami ng liwanag bigla kaming nawala sa syudad at nakita nalang namin na nasa gubat na kami ni Haring Narra. “Yan ang totoong sinag ng araw” sabi ni Haring Helius nung natamaan kami ng sinag nito “yung kanina?” takang tanong ni Haring Narra “hahahaha hindi araw yun, Narra” natatawang sabi ni Haring Helius.
Naalala ko bigla ang aklat ng dilim “paumanhin po sa inyo” paalam ko sa kanila at tumayo ako para kunin ang aklat ng biglang me sumulpot na tao malapit lang sa aklat ng dilim at kinuha ito, agad naging alerto ang lahat at binunot nila ang mga sandata nila. “SINO KA!?” sigaw ni Elewen sa kanya na pinalibutan siya ng mga sundalo ng tatlong Hari. “Teka… siya yung tumulong sa amin kanina” sabi ko “oo, tama ka Tenyente” sabi ni Alan na ngayon lang namin nakita ito ng maayos “ibigay mo sa amin ang aklat ng dilim at magpakilala ka sa amin” sabi ni Haring Helius sa kanya. Kita kong hinawakan niya ng mahigpit ang aklat ng dilim at tumingin ito sa amin “hindi sa inyo ang aklat na ito” sabi niya sa amin.
“At hindi rin yan sa’yo kaya ibigay mo na yan sa amin” sabi ni Haring Helius sa kanya na ipinasok nito ang aklat ng dilim sa loob ng kapa niya na ulo lang niya ngayon ang nakikita namin dahil natatakpan ng kapa niya ang buong katawan niya. “Huwag kayong lumapit kung ayaw niyong masaktan” banta niya sa amin “mali ka iha, ibalik mo sa amin ang aklat kung ayaw mong masaktan” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya na umabante ang isang Taong Lobo palapit sa kanya ng biglang bumuka ang kapa niya at lumabas ang sandata niyang katulad sa sandata ni kamatayan na huminto ang dulo ng talim nito sa leeg ng Lobong lumapit sa kanya.
“Kayo ang nagkakamali, hindi ako ordinaryong tao kaya kung ayaw niyong masaktan hahayaan niyo akong umalis kasama ang aklat ng dilim” sabi niya sa amin “napapalibutan ka namin, akin ang gubat na ito iha, kaya huwag mong isipin na makakatakas ka dito kasama ang aklat na yan” sabi ni Haring Narra sa kanya. Ngumiti lang ito at binalik ang sandata niya sa ilalim ng kapa niya na hindi ko alam kung paano niya ito nagawa at binato papunta kay Ingkong Romolo ang aklat ng dilim at sabing “makukuha ko din yan, makikita niyo” “sino ka ba?” tanong ni Haring Helius sa kanya na umikot siya ng dahan-dahan para tingnan kaming lahat “ako si Dahlia, ang Heneral ng hukbong sandatahan ng Hari ng Atlantis!” pakilala niya sa amin.
“Atlantis?” mahinang sabi ni Julian na ngayon ay pilit ng bumangon “JULIAN!” tawag ko sa kanya at tinulongan ko siyang tumayo “teka.. a.. ano nga ulit ang sabi mo?” mahinang tanong ni Julian sa kanya. “Hindi sa ngayon, Julian ng Bailan” sabi nito sa kanya sabay talon nito at bigla itong nawala “ha! Asan na siya?” sabi ng mga tauhan ng mga Hari na hinanap pa nila ito “hanapin niyo sa paligid, baka nagtatago lang yan” utos ni Haring Helius sa kanila na kumalat silang lahat para hanapin ito. “Bakit parang nagulat ka nung binanggit niya ang salitang Atlantis, Julian?” tanong ni Haring Narra sa kanya “dahil kay Una.. nabanggit ito ni Ishmael sa amin ni ama” sagot ni Julian.
“Hmm.. mahiwaga ang nakaraan ng taong yun” sabi ni Ingkong Romolo na bigla nalang bumigat si Julian at kita naming hinimatay na muli siya kaya binuhat siya ng mga tauhan ni Haring Narra at pinasok siya sa loob. Sumunod ako sa kanila bitbit ang dalawang espada ng alamat at binantayan ko siya habang nakalutang siya sa tubig sa loob ng bathtub “Isabella!” tawag sa akin ni manang Zoraida “manang!” sinalubong ko siya at niyakap “maayos lang ba kayo?” tanong niya agad sa akin “oo, maayos lang ako pero si Julian” sabi ko “ano ang nangyari sa kanya?” tanong niya “hindi naman po malubha sobrang pagod lang siguro sa labanan” paliwanag ko.
Nakita kong bitbit na niya ang aklat ng dilim napansin niya sigurong nakatingin ako sa aklat “binigay ito ni Romolo sa akin, ako daw ang dapat humawak nito” paliwanag niya “tama ho siya manang” sabi ko. Umupo kami at tiningnan lang namin si Julian na nakalutang sa loob ng bathtub “alam mo niyo po manang” panimula ko na tumingin siya sa akin “kung hindi ko po nahanap ang espada ni Lorenzo noon, hindi siguro ako napunta sa lugar na ito” sabi ko sa kanya. “Me dahilan ang lahat ng mga galaw natin Isabella, lahat ng ito ay me patutungohan maganda man o hindi” paliwanag niya sa akin. “Parang.. para pala kayong Ina ni Julian ano manang, dahil simula pagkabata niya kasama niyo na siya” sabi ko sa kanya “hindi lang ako Isabella, pati narin ang mga Bampira lalong-lalo na si Reyna Lucia” sabi niya sa akin.
“Manang, wala na po sila” sabi ko sa kanya “alam ko, matagal na silang nawala dito sa mundo” sabi niya “hindi manang, wala na po sila sa loob ni Julian” paliwanag ko sa kanya na biglang nanginig ito at namula ang mata. “Wa.. wala na.. wala na sila sa loob niya?” naluluhang tanong niya sa akin kaya niyakap ko siya at pinakalma siya “i’m sorry manang Zoraida” sabi ko sa kanya na yumakap siya sa akin at umiyak ito. Nung bumitaw siya tiningnan niya ng mabuti si Julian at napatakip nalang siya sa bibig niya nung makita ang markang iniwan ni Reyna Lucia sa dibdib niya “mahal na Reyna.. ma.. maraming.. maraming salamat” naiiyak na sabi ni manang Zoraida.
“Bakit po manang?” tanong ko sa kanya “ang markang yan” turo niya sa dibdib ni Julian “sabi ni Haring Narra marka daw yan ng immortalidad” sabi ko sa kanya “hindi.. hindi immortalidad yan” sabi ni manang sa akin. “Ano po yan?” tanong ko na tumayo siya at lumapit kay Julian at umupo ito sa gilid ng tub “ang markang ito ang nagpapahina ng oras ni Julian dito sa mundo” paliwanag ni manang “ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ko. “Ang kaluluwa ng mga Bampira na nasa loob niya noon ang nagbibigay immortalidad sa kanya ngayon na wala na sila dapat naging abo narin si Julian dahil hahabulin ng panahon ang dalawang daang taon na pananatili niya dito sa mundo” paliwanag niya sa akin.
“Ah ibig niyong sabihin ang markang yan ang nagpipigil sa panahon para hindi agad mawala dito sa mundo si Julian?” tanong ko sa kanya “oo, Ouroboros ang tawag nito at ito ang dahilan kaya nandito pa si Julian” paliwanag sa akin ni manang. Nakita naming gumalaw ng konte si Julian kaya napatayo agad si manang baka kasi na istorbo niya ito “parang nananaginip siya” sabi ko “ang tubig na ito ang maghihilom sa mga sugat niya, hayaan muna natin siyang magpahinga Isabella” sabi ni manang sa akin. “Tama po kayo” sabi ko “tara sa labas” yaya niya sa akin “sige po manang at pupuntahan ko narin po ang kapatid ko” sabi ko sa kanya “nasa maayos na kalagayan na siya Isabella pero…” putol niya “alam ko po, nakita ko po siya bago siya pinasok dito sa palasyo” sabi ko sa kanya, lumabas na kami ni manang at iniwan namin si Julian.
Bumaba kami at pumunta sa infermary ng palasyo at nakita naming ginagamot ang mga me sugat kasama na ang kapatid ko “sis” tawag ko sa kanya na ngayon ay nakabalot ng bandahe ang dalawang tuhod niya. “A.. ate..” “nandito ako sis, sorry kung hindi agad ako nakarating para tulongan ka.. kasalanan ko ito..” sabi ko sa kanya “hindi.. desisyon ko yun ate… hindi ka dapat magsalita ng ganyan..” sabi niya sa akin na hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya at nag-iyakan kaming dalawa. “Puntahan ko lang sina Narra, Isabella” paalam sa akin ni manang Zoraida “sige manang, dito lang muna ako” sabi ko sa kanya at umalis na ito.
Nasa ibang silid ang tatlong Hari habang inaasikaso sila ng mga manggamot nila “kumusta na kayo?” tanong ni Zoraida sa kanila “mabuti lang ako, Zora” sabi ni Haring Narra habang nakabalot naman ng bandahe ang buong katawan ni Ingkong Romolo. “Wala ito, hihilom din ito pagnasilawan ako ng buwan” sabi ni Ingkong Romolo “hindi malubha ang mga sugat ko siguro bukas magiging maayos narin ako” sabi ni Haring Helius. “Pero..” sabi ni Ingkong Romolo na napatingin sila sa kanya “ano, Romolo?” tanong ni Haring Narra “me masamang kutob ako na hindi pa ito tapos” sabi niya “ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Haring Helius.
Pumasok ako sa loob ng silid at napatingin silang lahat sa akin “magandang araw sa inyo” bati ko sa kanila na nginitian nila ako “Romolo?” tawag ni Haring Helius “me binanggit sa akin si Marawi bago ito namatay tungkol sa ninuno nilang si Una” sabi ni Romolo. Umupo ako sa tabi ni manang Zoraida at nakinig lang ako sa kanila “ano ang kahapon na yun?” tanong ni Haring Narra “me dilim daw na sumusunod sa kanya at malapit na itong makahabol” kwento ni Ingkong Romolo. “Baka si Hilda ang sinasabi niya, kita mong me ugnayan silang dalawa noon hindi ba?” tanong ni Haring Helius “mali ka!” sabi ni Ingkong Romolo.
“Yung aninong nakalaban natin, yun siguro ang tinutukoy ni Marawi” sabi ni Ingkong Romolo “Ishmael” sabi ko na napatingin silang lahat sa akin “Ishmael ang pangalan na binanggit ni Julian noong nakaharap na namin si Hilda” sabi ko sa kanila. “Hindi ba napatay siya ng mga Bampira? Ibig sabihin nito katapusan na ng kwentong ito?” tanong ni Haring Helius sa amin “hindi parin, me kutob akong hindi pa ito ang katapusan” sabi ni Ingkong Romolo. “Tama si Romolo” sabi ni Haring Narra “yung taong sumulpot kanina at balak kunin ang aklat ng dilim” dagdag ni Haring Narra “baka kampon lang yun ng mga Aswang at nagkukunwari lang” sabi ni Haring Helius.
“Mali ka Helius, kilala ko ang mga sandata ng mga Aswang ni isa sa kanila o sa kasaysayan nila ang me hawak na ganung armas” sabi ni manang Zoraida sa kanya “armas ni kamatayan” mahinang sabi ni Ingkong Romolo. “Kung ano man yun, paghahandaan natin ito” sabi ni Haring Narra “pero sa ngayon, aasikasuhin muna natin ang kondisyon ng mga tauhan natin at ng ating hukbong” dagdag ni Haring Narra. “Kumusta na nga pala si Julian?” tanong ni Haring Narra sa amin ni manang “nagpapagaling pa siya ngayon at hindi pa siya nagising simula nung hinimatay siya kanina” balita ko sa kanila.
“Ma walang galang na sa inyo” pasimula ko na tumingin sila sa akin “ano yun, Isabella?” tanong ni Haring Narra “sasang-ayun po ako kay Ingkong Romolo na hindi pa ito ang katapusan” sabi ko “bakit mo nasabi yan?” tanong ni Haring Helius. “Noong nakaharap na namin si Hilda nagbago po ang anyo ni Julian at nagkaroon po siya ng kakaibang kapangyarihan” kwento ko “hindi ko alam kung paano pero kapareho ang suot ni Julian nung nagbago siya at yung suot ng babaeng nakaharap natin kanina” kwento ko sa kanila. “Atlantis” mahinang sabi ni manang Zoraida “kalokohan!” sabi ni Haring Helius “bakit?” tanong ni Haring Narra “naniniwala kayo sa babaeng yun? Sa tinagal-tagal na nating nabubuhay sa mundong ito naniniwala kayong galing sila sa Islang Atlantis?” sabi ni Haring Helius.
“Bakit po? Ano ho ba ang islang ito?” tanong ko sa kanila “pinaniniwalaang isang alamat ang islang ito, Isabella” sabi ni Haring Narra “ang mga taong nakatira sa islang ito ay tinuring na pinakamagaling na mandirigma sa buong mundo, hindi lang yun ang teknolohiyang taglay nila ang pinakauna at kakaiba sa buong sangkatauhan” dagdag niya. “Ano ho ba ang nangyari sa islang ito?” tanong ko sa kanya “pinaniniwalaang lumubog ang isla nung sinalanta ito ng malakas na unos at hanggang ngayon hinahanap ito nga mga taong nasa seyensya” kwento ni Haring Narra. “Kaya nga kalokohan ang sinabi nung babaeng yun na galing siya sa islang Atlantis dahil matagal na itong lumubog at nawala sa mapa” sabi ni Haring Helius.
“Hindi natin alam, Helius” sabi ni Ingkong Romolo “ano ang hindi natin alam? Hindi totoong galing siya sa Atlantis dahil isa itong kalokohan” pagmamatigas ni Haring Helius “kalokohan?” sabi ni Ingkong Romolo “hindi ba tayo ay sinasabing kalokohan din ng mga mortal?” dagdag niya na natahimik nalang si Haring Helius. “Sabihin mo sa amin Isabella, naniniwala ka ba sa katulad namin bago mo kami nakilala?” tanong ni Haring Narra sa akin na napatingin ako sa kanila “ah.. hindi po” sagot ko sa kanya “yun nga ang punto ko Helius” sabi ni Ingkong Romolo “lahat ng posibilidad ay maaring mangyari dahil tayo ang halimbawa na sinasabi ng mga taong hindi nabubuhay at kwento-kwento lang” sabi ni Ingkong Romolo sa kanya.
“Ano ang balak natin ngayon kung totoo ngang taga Atlantis siya?” tanong ni manang Zoraida sa kanila “sa ngayon gaya ng sinabi ko bibigyan muna natin pansin ang mga tauhan natin bago natin bigyan ng pansin ang sitwasyon na yan” sabi ni Haring Narra. “Babalik kami sa kaharian namin bukas ng umaga” sabi ni Haring Helius “kung totoo mang me parating na gyera maghahanda ako sa ano mang mangyari” sabi ni Haring Helius. “Ganun na din ang gagawin ko” sabi ni Ingkong Romolo na pilit itong umupo sa kama niya “kamahalan, huwag po!” sabi ng tauhan niya na nainis lang si Ingkong.
“Dadalhin namin si Julian sa palasyo ni Reyna Lucia at doon na namin siya gagamutin pagkatapos namin dito” sabi ni manang Zoraida “bakit doon pa?” tanong ni Haring Narra “nararapat lang na doon namin dadalhin si Julian dahil doon talaga ang tahanan niya” paliwanag ni manang. “Mas mabibigyan siya namin ng pansin kung dito siya mamalagi sa palasyo ko” sabi ni Haring Narra “hindi mo naiintindihan Narra, kailangan si Julian sa palasyo dahil sa markang iniwan ni Reyna Lucia sa kanya” sabi ni manang. “Yung markang nasa dibdib niya?” tanong ni Ingkong Romolo “oo, mas magiging mabilis ang paghilom ng mga sugat niya kung nasa puder namin siya at dahil narin sa nakabalot na enerhiya ng palasyo” paliwanag ni manang Zoraida.
Pumasok sa loob si Gumamela at niyuko nito ang ulo niya “paumahin po sa inyo kamahalan” sabi niya “ano yun, Gumamela?’ tanong ni Haring Narra “ibabalita lang ko po sa inyo na inahon na namin si Julian” balita niya. “Gising na si Julian?!” tanong ko sa kanya “patawad po pero.. hindi pa po siya nagigising” balita niya sa amin na agad akong tumayo at tumakbo palabas ng silid “ano ang ibig mong sabihin hindi pa siya nagising?” tanong ni Ingkong Romolo sa kanya. “Buhay po siya at naghilom na po ang mga sugat niya pero kahit anong pilit naming gisingin siya hindi po siya nagigising” balita ni Gumamela “Julian!” sabi ni Zoraida na agad siya tumayo at sumunod kay Isabella.
Pagdating ko sa silid kung saan nakahiga sa kama si Julian “JULIAN! JULIAN! GUMISING KA! JULIAN!” pilit ko siyang ginising pero hindi siya nagising “Isabella! Tama na yan!” sabi ni Rosas sa akin na hinila nila ako ni Sampaguita palayo kay Julian. “Ginawa na namin ang lahat pero..” sabi ni Sampaguita “ano ang nangyayari sa kanya?” tanong ni manang Zoraida sa kanila nung pumasok na siya sa kwarto “manang si Julian!” sabi ko sa kanya dahil parang na coma ito at nilapitan siya ni manang Zoraida “kailangan na nating siyang dalhin sa palasyo” sabi ni manang “bakit manang?” tanong ko sa kanya “yung marka sa dibdib niya” sabay turo ni manang at nakita kong lumiliwanag ito.
“Ano ang nangyayari sa kanya manang?” tanong ko “hindi ko alam pero alam kong me mahanap tayong sagot sa library ng palasyo” sabi ni manang sa akin “ihanda si Julian dadalhin namin siya sa palasyo ni Reyna Lucia” sabi ni manang kina Rosas at Sampaguita. “Teka po manang Zoraida, kailangan po nating magpaalam kay Haring Narra” sabi ni Sampaguita “pumapayag ako, Sampaguita” sabi bigla ni Haring Narra na nasa likod na pala namin siya. “Kamahalan!” gulat na sabi ng dalawa “sige, sundin niyo ang inuutos ni Zoraida para mailipat si Julian sa palasyo ni Lucia” utos ni Haring Narra sa dalawa na agad silang kumilos.
Inilabas na nila si Julian sa kwarto at nagbukas ng portal si Haring Helius para sa amin “isasama ko narin po ang kapatid ko” paalam ko kay Haring Narra na inayos narin nila si Elizabeth at pinahiga nila ito sa stretcher katulad kay Julian. “Pagpalain sana kayo” sabi ni Haring Narra sa amin “maraming salamat po, kamahalan!” sabi ko sa kanya at kay Haring Helius “walang anuman yun Isabella, salamat din sa malaking tulong mo sa amin” sabi ni Haring Helius sa akin. “Kamahalan” sabi ni Kap. Hernan na huminga ng malalim ang Hari at sabing “binibigyan na kita ng permiso Kapitan Hernan” napabugnot ang mukha ni Haring Helius na kinatuwa naman ng kapitan niya “maraming salamat po, Kamahalan!” natutuwang sabi niya.
“Zoraida, tawagan mo lang kami kung me kailanganin kayo” sabi ni Haring Narra sa kanya “maraming salamat, Narra” sabi ni manang Zoraida at pumasok na kami sa portal habang naiwan naman si Jasmine sa tabi ni Haring Helius. Pagdating namin sa palasyo inakyat ng mga Taong Puno sa silid niya si Julian at hiniga nila ito sa kama “maraming salamat sa inyo” sabi ko sa kanila “paalam, Isabella” sabi nila at lumabas na sila sa silid at iniwan kami ni Julian. “Julian..” hinawakan ko ang noo niya at kita kong natutuwa ito nung hinakawan ko siya, inangat ko ang kumot para tignan ang marka sa dibdib niya at kita kong hindi na ito lumiliwanag.
“Kumusta na Isabella?” tanong ni manang sa akin “hindi na lumiliwanag ang marka niya, manang” balita ko sa kanya “kasi nasa palasyo na siya kaya kumalma na ang marka” sabi niya “bakit ho lumiwanag ito bigla?” tanong ko sa kanya na kita kong me dala siyang libro. “Ayun sa nabasa ko, liliwanag ang marka sa tuwing lalabas sa puder ng palasyo si Julian katulad nung nasa palasyo tayo ni Narra” paliwanag niya. “Ibig sabihin nito hindi pwedeng lumabas ng palasyo si Julian o sa puder nito?” tanong ko sa kanya “pwede naman pero sandali lang dahil..” sabi niya at pinakita niya sa akin ang pahina ng librong nabasa niya.
Nagulat ako nung nabasa ko ito “ta…tatanda siya?” gulat kong tanong kay manang na umupo ito sa tabi ko “oo, kung gagamitin niya ang kapangyarihan na iniwan ni Reyna Lucia sa kanya” paliwanag ni manang sa akin. “Me iniwan si Reyna Lucia sa kanya?” tanong ko “oo, ang markang yan hindi lang nagpapabata sa kanya magbibigay din sa kanya yan ng kapangyarihan pero kung gagamitin niya ito palagi bibilis ang oras niya at hindi lang siya tatanda.. me posibilidad din itong..” hindi na tinuloy ni manang ang sasabihin niya at tumingin lang ito kay Julian. “Huwag kang mag-alala manang paggising niya sasabihin natin sa kanya ito at kung hindi siya makinig” sabay taas ko sa kamao ko “susuntokin ko siya” sabi ko na natawa ng mahina si manang.
Ginamot nina manang at Kap. Hernan si Elizabeth pero hindi na nila maibalik ang mga paang nawala sa kanya “ok na ito ate sa masamang nagawa ko noon” sabi ni Elizabeth sa akin “sis” sabi ko na niyakap ko siya. “Huwag kang mag-alala ate, me modernong teknolohiya naman ngayon na pwede kong magamit, makakalakad din muli ako” nakangiting sabi ng kapatid ko na tila nagbago na ang pananaw niya sa buhay. “At nandito din ako para alalayan ka kung hindi mo pa makamit yun, Elizabeth” sabi ni Kap Hernan sa kanya na kita kong namula ang pisngi ng kapatid ko “how romantic naman” biro ko sa kanila na nagtawanan kami ni Elizabeth at biglang nahiya si Kap. Hernan at maya-maya ay tumawa narin ito.
Lumipas ang ilang linggo at hindi parin nagising si Julian habang kasam ko parin sina Elizabeth at Kap. Hernan sa palasyo ni Reyna Lucia, nakauwi na ng Quezon City si Alan at balita nito sobrang busy daw sila ngayon dahil sa nangyari at pinapabalik na ako ng presinto. “Isang linggo nalang Alan at babalik na ako dyan” sabi ko sa kanya sa telepono “Tenyente marami tayong ipapaliwanag dahil sa nangyari nung nakaraang buwan” sabi niya sa akin “tumahimik ka huwag mong sabihin ang totoo” sabi ko sa kanya. “Eh ano naman ang sasabihin ko? Inatake tayo ng mga Aswang at isang malaking halimaw kaya naging ganito ang syudad?” sabi niya sa akin “hahaha tama!” sagot ko sa kanya.
Lumipas nalang ang isang linggo hindi parin nagising si Julian at tila hindi na ata ito magigising sa susunod pang linggo kaya nagpasya na akong bumalik ng Maynila kasama ang kapatid ko dahil nag-aalala narin ang mama sa amin. “Manang, paki update lang ako kay Julian ha?” bilin ko sa kanya “araw-araw Isabella” sabi niya sa akin “Jasmine” sabi ko “ate Issa, itetext kita palagi” sabi niya sa akin at sakto ding dumating sina Dante at Solomon. “Kami na ang bahala sa kanya, Isabella” sabi ni Dante “nagbabantay ang mga tauhan namin sa paligid kaya wala kang dapat ipag-alala” sabi niya “maraming salamat, Dante” sabi ko sa kanya.
“Kaibigan ko si Julian, itataya ko ang buhay ko para sa kanya” sabi ni Solomon “dahan-dahan lang Solomon” sabi ni Dante sa kanya “ligtas ang lugar na ito dahil nung nakaraang linggo nilagyan ko ito ng ritwal na walang sino mang makakapasok sa puder ng palasyo na walang pahintulot namin” sabi ni manang Zoraida. Niyakap ko si manang Zoraida at si Jasmine at nakipagkamayan ako kay Dante at kay Solomon “Hernan!” tawag ni Dante sa kanya “Heneral?” tanong niya “ikaw ang koneksyon namin sa kanila kaya balitaan mo kami kung me mangyayari sa lugar nila” bilin ni Dante sa kanya “walang problema Heneral” sagot ni Kap. Hernan sa kanya.
Pumasok na kami sa loob ng portal at lumabas kami sa sala ng bahay namin sa Quezon City at doon sinalubong kami ni mama at nangingiyak itong niyakap kaming dalawa ni Elizabeth “Dyos ko, Dyos ko! Salamat at ligtas kayong dalawa” naiiyak niyang sabi sa amin. “Ma, patawarin mo kami sa nangyari kay..” sabi ko pero pinatahan ako ni mama at humingi din ito ng sorry dahil hindi siya kumilos noong nabubuhay pa si papa. Magkayakap kaming tatlo habang nag-iiyakan kami at nung tumahan na si mama doon pinakilala ni Elizabeth si Kep Hernan na nobyo niya nung una hindi makapaniwala si mama na Engkanto si Kap. Hernan pero sa mga nalaman niya tungkol sa pagkatao ni papa hindi na siya nagtaka.
Dinala namin sa ospital si Elizabeth sa pag-insisti ni mama para narin matingnan ang sugat niya, napadaan kami sa syudad at kita namin ang malaking pinsalang nagawa ng gyera noon at nagpapasalamat narin ako dahil walang mortal ang nadamay sa gyerang yun. Nag leave ako ng isang linggo kahit halos dalawang buwan na akong hindi pumapasok sa presinto pero naiintinidhan ito ni Hepe dahil sa nangyari sa papa ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa ako sa mayor namin dahil hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang nangyari sa buong syudad at nagpapasalamat narin ako dahil walang sino mang reporter ang nakapasok sa loob ng syudad habang nangyayari ang gyerang yun.
Lumipas pa ang isang buwan at balita sa akin ni Jasmine hindi parin nila makitaan ng sinyalis na magigising si Julian kaya nalungkot ako dahil marami sana akong ikukwento sa kanya tungkol sa mga Bailan. Marami din akong gustong itanong sa kanya doon sa nangyaring pagbabago niya noong natalo niya si Hilda pero alam kong balang araw paggising niya maikukwento ko din sa kanya ito at masasagot din niya ang mga tanong ko pero sa ngayon itutuloy ko parin ang buhay ko. Makalipas ang isang linggo bumalik na ako sa trabaho at pinagbaon pa ako ni Kap. Hernan ng tanghalian na natawa si Elizabeth dahil para akong batang pinagbalot niya ng orange juice at sandwich.
“Wow, nagbalik na ang supercop ng QCPD!” sabi agad ng tauhan ko nung pumasok ako sa presinto “sa tuwing papasok ako dito yan ba palagi ang ibabati niyo sa akin?” tanong ko sa kanila na natawa lang sila. “Hoy Santos, ipark mo ng maayos ang mobile sa labas, Rodriguez! ayusin mo yang yuniporme mo! Nasaan si?” tanong ko na biglang lumabas mula sa kusina si Alan at me bitbit siyang pandesal. “My God! Sgt. Romero hanggang ngayon parin ba?” inis na tanong ko sa kana na huminga ito ng malalim at biglang umikli ang tiyan niya na natawa ang mga tauhan namin sa presinto pati narin ang mga nakakulong sa selda.
“Rosales! Romero!” tawag ni Hepe sa amin “kakabalik ko lang opisina agad!” inis na sabi ko “hehehe na miss kalang ni Cheif Tenyente” sabi ni Sgt. Santos sa akin “hmp! uutosan nanaman kami niyan” sabi ko na natawa lang sila. Pumasok na kami ni Romero sa loob at naupo sa silya “me bagong kaso tayo, gusto ko lakarin niyo agad ito” sabi ni Hepe sa amin at binigay sa amin ang isang folder. “Sige po sir!” sabi namin sa kanya at lumabas na kami at sumakay sa sasakyan namin “Tenyente, kumusta na si Julian?” tanong ni Romero sa akin nung palabas na kami ng garahe “hindi parin nagising hanggang ngayon” balita ko sa kanya. “Ganun ba? Sana magising na siya” sabi niya “sana nga, tara para matapos narin ang araw na ito” sabi ko sa kanya at lumabas na kami ng garahe at pumunta sa address na nasa folder.
Epilogue:
Dumaan ang ilang buwan hindi parin nagising si Julian at tila na comatose nga talaga ito, dinadalaw ko parin siya pagmakakuha ako ng oras, naging malapit sina Elizabeth at Hernan lalo na ngayon na nagsisimula na ang therapy ng kapatid ko. Suggestion din ni mama na tumigil muna ako sa pagpupulis at tulongan sila sa pagtayo muli sa gusaling nasira noon pero hindi ako pumayag dahil nasa puso ko na talaga ang pagpupulis kahit na ilang beses na nila akong inaway tungkol nito hindi parin ako natinag. Lalo akong naging malapit kina manang Zoraida at Jasmine pati narin ang dalawang bantay niya na nagtuturo narin sa kanya paano umasal bilang prinsesa sa kaharian ng lolo niya.
Naging maayos narin ang buong syudad at unti-unti narin itong nakabangon salamat narin sa mama ko na tumulong sa pagpapatayo sa ibang gusaling nasira noon, para sa kanya bayad ito sa kasalanan ng papa namin sa buong syudad. Hindii lang niya sinabi na kami ang nagbibigay pundo sa construction dinaan lang namin ito sa NGO at anonymous ang pangalan ng financial donor, pagdating sa ganitong charitable event magaling si mama magtago ng pangalan ng donor dahil ganito ang ginagawa niya noon nung nabubuhay pa si papa. Ayaw kasi ng papa ko na magbigay ng pera ang mama ko kaya patago niya itong ginagawa at tinuloy narin niya ang ganitong pamaraan para hindi siya lapitan ng mga kung anong gahaman sa gobyerno.
Anim na buwan na ang nakakalipas hindi parin nagising si Julian at lalo lang akong nalungkot dahil kahit nasa tabi ko na siya at nakayakap sa kanya hindi ko maramdaman ang presensya niya. Kahit na hinahalikan ko na siya at kinakapa ko na ang alaga niya hindi parin siya nagising kaya tuloy binabantayan na ako ni manang dahl one time nahuli niya akong isusubo ko na sana ang titi ni Julian kaya napagalitan ako at na ban ng isang linggo sa palasyo. Pero inalis narin niya ito dahil naiintindihan din naman niya ang kalagayan ko, pero binabantayan na niya ako pagdumadalaw ako kay Julian yun na nga lang. Nasa isang glass case ang dalawang espada ng alamat sa silid ni Julian pati narin ang mga gamit niya na alam kong balang araw magagamit din niya ito pero sa ngayon dito lang muna ito.
“Sana, magising kana Julian para makapiling na kita at makasama” bulong ko sa kanya pero hindi ito gumalaw “maghihintay ako sa pagising mo, mahal na mahal kita” sabi ko sa kanya sabay halik ko sa labi niya. Iniwan ko na siya at tumingin ako sa kanya bago ko sinara ang pinto ng kwarto niya at bumaba ako sa kusina “Isabella” tawag sa akin ni Ramir anak ni Solomon “hi, nandito pala kayo” sabi ko sa kanya “oo, kami ang naatasang magbantay sa palasyo” sabi niya. “Maraming salamat!” sabi ko sa kanya na ngumiti lang sila “manang, nakahanda na po ako” sabi ko sa kanya na lumapit ito sa akin at niyakap ako “mag-iingat ka” sabi niya “opo manang” sabi ko sabay bukas niya ng portal “paalam muna sa inyo” sabi ko na tumayo silang lahat at niyuko ang mga ulo at napangiti ako sa gesture nila at pumasok na ako sa portal pabalik ng Maynila.
The Day After the War:
Sa malayong lugar malapit sa tabing dagat me dalawang bangkang dumaong at agad bumaba ang mga sakay nito at agad tumakbo at sinalubong ang isang taong naglalakad papalapit sa kanila at agad nilang niluhod ang isang tuhod nila sa buhangin at niyuko ang mga ulo. “Maligayang pagbabalik sa mundong ito, kamahalan!” bati ng nakatatanda sa grupo na napatingin sa paligid ang taong niluhoran nila. “Ito na ba ang panibagong mundo?” tanong nito “opo, kamahalan” sagot nung matanda at maya-maya lang ay me narinig silang sigawan sa paligid at bigla narin itong nawala “hmm.. gusto kong malaman kung ano ang pagbabago sa mundong ito” sabi niya “ikatutuwa po naming ipakita sa inyo ang bagong mundo, kamahalan” sabi nung matanda sa kanya na dumaan ito sa gitna papunta sa bangka nila.
Sumunod sa kanya ang mga nakasakay sa bangka kanina at huminto sila nung huminto ang taong sinundan nila na agad silang lumuhod nung humarap ito sa kanila “ang Isla ko?” tanong nito “kamahalan, hindi pa po namin alam kung nasaan ang Isla niyo pero me alam kami kung paano namin ito mahanap” sagot ng matanda. “Hmm.. sana hindi niyo ako bibiguin dahil alam niyo ang kaya kong gawin” sabi niya sa kanila na niyuko nilang lahat ang ulo nila “hindi po kamahalan” sagot ng matanda. Biglang me dumapo sa kaliwang likod ng Hari at niyuko nito ang ulo niya “ano?” tanong ng Hari sa kanya “hindi pa ako kuntento, hinayaan mo nalang sana akong sumali sa..” “TUMAHIMIK KA!” sigaw ng Hari sa tauhan niya na natahimik ito “patawad, kamahalan” sabi nito.
Napalingon sa kanang likod ang Hari at nakita niyang sumulpot ang babaeng nakaharap ng tatlong Hari kanina at niyuko nito ang ulo niya “Dahlia” sabi ng Hari sa kanya “patawad kamahalan, bigo akong makuha ang aklat ng dilim” balita niya sa Hari. “Hmm.. walang anuman yun makukuha din natin ang aklat, sa ngayon alamin muna natin ang bagong mundong ito” sabi ng Hari sa kanila at tumalikod na ito at naglakad papunta sa dalawang bangka. “Kamahalan nakaharap ko ang batang tinutukoy niyo” balita ni Dahlia sa kanya “malakas ba siya?” tanong ng mala higanting taong si Bagram “hindi ko alam, hindi ko pa nakita ang kakayahan niya” balita ni Dahlia. “Makikita din natin yan, me panahon ang lahat at dahan-dahanin natin ito ngayon at magiging atin na ang mundong ito” sabi ng Hari sa kanila “opo, Kamahalan!” sagot ng dalawa sa kanila “tayo na!” sigaw ng Hari na agad tumayo ang matanda at sabing “opo, Haring Raadu!”
The End!