His Mistress Versus Me

ni Fiction-Factory

“May mga bagay na may kanya-kanyang dapat kalagyan. Kung sakaling hindi mo alam kung saan ka lulugar, mas mabuti pang magpatangay ka na lang sa hangin sa himpapawid, kaysa salubungin ang agos ng tubig sa ilog. Sa paglubog ng buwan, matatanaw mo ang bukang-liwayway na nananahan sa gitna ng dalampasigan.”

(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)

Once there was a Witch who fell deeply in love with a Soldier, but the Soldier doesn’t love her in return because he was in love with a Princess.

The Witch had been doing everything since then, just to make the Soldier love her. And with all her hope and spell, she made it, and a miracle came which made the Soldier chose the Witch over the Princess.

It was a starlight when the Soldier finally learned to love her with all his heart, and the Witch was living a happy life after she got married.

*** *** *** *** ***

Nagpasabog sya ng isang malaking bomba, at talagang tinamaan ako noong makita ko ito. Napaka-deadly ng ginamit nyang sandata at aminado akong walang panama pati secret weapon ko.

Pagbukas ko ng pinto, gulat na gulat talaga ako sa nasaksihan ko. Magkasiping sila, talagang nagsisiping sila! Sa sarili pa naming pamamahay! Though, romansahan pa lang nadatnan ko pero natitiyak kong sa sex din ang uwi nito!

Tangna parang napuruhan na ako sa espada ng babaeng ito na tumagos sa puso ko! Nasaktan ako! Sino’ng hindi masasaktan kung mahuli mo ang taong pinakamamahal mo na nakakulong sa kwarto kasama ang kalaguyo nya?

“A-ano’ng ibig sabihin nito?!” I really don’t understand kung bakit nakukuha ko pang magtanong.

Nataranta ang magaling na lalaki at hindi malaman kung paano ibubutones ulit ang polo nyang kamuntik ng mahubad ng bruhang parang ayaw pang tumayo sa kama kahit nakita na nya ako!

“Denisa, let me explain!”

“No!” bigla akong napasigaw, “How could you do this?”

Umatras muna ako sa laban. Gagamutin ko muna ang sugat ko. Paghahandaan kong mabuti ang bruhang ito sa susunod naming pagkikita. Sa ngayon hinila ko muna ulit ang pinto atsaka na ako tumakbo ng mabilis palayo.

This is where the war begins.

(This is a work of fiction. Any resemblance of any material used in this story to an actual living or non-living is definitely coincidental. Please do not continue reading if you are below 18 years of age.)

Mistress.
I hate the word.
I hate the woman behind the word.
And I hate the man beyond the word.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko dito. Parang tangang nakaupo dito sa isang pangit na resto somewhere in San Fernando. Hinihintay ko yung manager na lumabas. Sana tama yung info na nakuha ko na dito nagtratrabaho yung Mistress na yun!

Since last night na mahuli ko sila sa akto hindi na sya matanggal sa isip ko. And now, i’m here, like a fool, trying my luck to talk to her na lumayo na sya at huwag ng magpakita pa sa amin forever. Hangga’t nakokontrol ko pa anger ko!

I put my Gucci shades on, nung matanaw ko na syang lumabas doon sa pinto ng counter. Her beauty made her the most disgusting whore i’ve ever seen. If I only have the rights na ilampaso sya sa sahig, sisirain ko talaga ang pagmumukha nya.

“What are you doing here?” ask nya nung makalapit sya sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit nakilala agad nya ako. Kagabi lang kami nagkita, in the most horrible way pa, pero tinandaan na agad nya ako.

“What do you guess? Did you bring your brain para isiping kakain ako sa bulok na restong ito?” pagsusungit ko, “Nandito ako para tingnan kung anong klaseng putahe ba ang pinapakain mo sa kanya at parang nabaliw sya sa iyo.”

O diba ang angas ko, parang scene lang sa movie.

Umupo sya sa tapat ko, “Denisa, ayokong makipag-argue sayo, please open up your mind and consider that i’m just a woman who fell in love.” aba hindi ko inasahang pati name ko alam nya.

“Mukha neto! Pwe!” I sigh, “Ang kapal naman talaga ng mukha mo eh noh! Hindi yan love! Libog lang yan walanghiya ka!”

“Denisa, please, huwag ka naman sanang masyadong harsh sa akin!”

Ang arte ng malditang ‘to! Tinanggal ko shades ko at nakipagtitigan ako sa kanya, “Ayoko ng pahabain pa ang usapang ito, I wanna go straight to the point, layuan mo na kami please lang, huwag mong sirain ang pamilya namin!” nanggigigil na talaga ako.

Gigil na gigil na talaga ako. Bakit nga ba ako nandito at nagagawang makiusap sa babaeng ito? Napupuno na ng inis ang utak ko, at napupuno na rin ng galit ang palad ko.

“Denisa, wala akong balak sirain ang pamilya–”

PAK!

Hindi pa nya nagagawang matapos magsalita sinampal ko na agad sya. Kating-kati na talaga ang kamay ko na masampal sya. Hindi na talaga ako nakapagpigil pa.

Ang buong akala ko gaganti sya, pero hinawakan lang nya pisngi nya at biglang tumulo ang luha nya. Then pinigil pa nya yung guard na lalapit sana sa akin.

“Are you happy now?” sabi nya sa akin, mata sa mata, tagos sa kaluluwa.

Parang naawa ako nung punas-punasan nya ang luha sa pisngi nya gamit ang daliri nya. Nakatingin lang sya sa akin. Sinaktan ko sya pero sa nakikita ko parang wala syang balak na saktan ako pabalik.

Hmpf! Malamang parte lang ito ng bait-baitan na palabas nya, at ako pa ang palalabasin nyang masama!

Naging matigas ako. Sinuot ko ulit ang shades ko, “Well, that’s a mild relief I guess! Kapag hindi mo pa sya tinantanan, mas malala pa d’yan ang aabutin mo sa akin!”

Pagkasabi ko tumayo na agad ako at hindi ko na hinayaang makasagot pa sya. Ang cool ko lang maglakad at sinusupladahan ko ang bawat empleyadong madaanan ko.

Hindi naman talaga ako masamang tao. Actually that was my first time to slap somebody’s face. Minsan kahit gaano ka pa kabait may mga tao talagang nakakaya kang gawing masama, kahit ayaw mo hindi mo pa rin mapipigilang mangyari iyon, kasi nasasaktan ka eh.

Siguro naman may karapatan akong maging animal sa babaeng iyon. Siguro naman makatarungan lang na pagsalitaan ko sya ng masama at saktan, kase sinaktan nya ako eh. Mas nanaisin ko pa ngang masampal sa mukha eh, kesa masampal sa puso.

Jelousy.
Iyan ang puno’t dulo kung bakit nagkakaganito ako. Ayokong may kahati sa oras nya. Kung papatol sya sa babaeng iyon siguradong mapang-iiwanan ako. Katawan ang puhunan nya, wala akong ganon, hindi ko sya malalabanan sa ganoong paraan. Ang maari ko lang ibigay ay contentment, pero ang bruhang iyon, hawak nya ang satisfaction.

Pagdating ko sa bahay nararamdaman ko pa rin ang nerbyos. Kapag nagsumbong ang babaeng iyon, siguradong masasabol na naman ako.

Dumiretso ako sa kusina para sana uminom ng tubig. Nagulat na lang ako nung may datnan akong nagkakape sa dining habang nagbabasa ng dyaryo sa tablet nya. Ano kayang ginagawa nya dito?

“Why are you here?” tanong ko, alam ko kase nasa office sya sa ganitong oras.

Nilingon nya ako at binitawan nya hawak nyang kape, “O, Denisa, can we talk?”

“So nagsumbong na sya sayo? Ang bilis ah!” sabi ko, sa pagaakalang tungkol dun ang pag-uusapan namin. Baka kako tinawagan na sya ni bruha kaninang pag-alis ko sa resto kaya napauwi sya sa bahay ng ganito.

“Ano’ng nagsumbong? Sino?”

“Sus! Sino pa ba? Ede yung magaling mong kabet!”

Biglang nanlisik mga mata nya, “Will you stop calling her kabet! At ano ba dapat ang isumbong nya? Nagkita ba kayo? May ginawa ka bang masama?”

OMg hindi pala nya alam, means, hindi pala nagsumbong ang bruha.

“Sino ba kasi ang babaeng yon?!” pag-iiba ko sa usapan.

Pinaupo nya ako sa tapat nya. Mukhang napakahalaga ng sasabihin nya kaya naupo na lang ako at nakinig sa kanya.

“She’s Matilda,” tangna infairness bagay nya name nya ah! Maldita! “And I will marry her as soon as possible.”

“WHAT?!” napatayo ako sa sobrang gulat ko at napahampas sa ibabaw ng mesa, “Just what did you say? Are you out of your mind?!”

“Denisa, calm yourself down.”

“But how can I calm down? Ni hindi ko kilala ang babaeng yon, ni hindi mo nga sya pinapakilala ng pormal sa akin diba? And now you’re telling me na pakakasalan mo sya?” muling nabuhay ang galit ko, “Ganoon mo na ba talaga ako binabalewala, Dad?”

“Denisa, look, please listen to me. About what you saw last night, i’m sorry. Hindi ko rin gusto na sa ganoong tagpo mo makita si Matilda. Ipapakilala ko naman talaga sya sayo, naghahanap lang ako ng magandang pagkakataon, but then, ayun, you saw us. Kaya naman nag-set ako ng dinner sa labas mamaya, para makilala mo sya ng maayos at pormal.”

“No! Ayoko Dad! Ayoko sa babaeng yon! Malandi sya!”

“Denisa, please, respetuhin mo naman sya, o kaya, irespeto mo naman ako bilang daddy mo.” naku napasobra ata yung sinabi ko. Sabagay sino ba naman yung babaeng iyon para reapetuhin ko?!

“You know how much I respect you Dad, but i’m sorry, hindi ko matatanggap ang babaeng yon!”

Sa usapan naming ito ni Daddy, si Mommy ang nasa isip ko. Paano naman ang respeto nya kay Mommy? At sa pangako nya sa akin na hindi na sya mag-aasawa ulit dahil ako na lang ang aasikasuhin nya?

Let me continue my story with my full name Denisa Fuentes. I’m 19 years old student. Ang kwento ko ay hindi nalalayo sa kwento ng iba. Namatay si Mommy five years ago dahil sa sakit na cancer, at sa pagkawala nya, nangako sa akin si Daddy na hindi na daw sya mag-aasawa pang muli.

Noong una hindi ko pinapansin ang pangakong iyon, masyado pa kasing masakit sa akin ang nangyari. Para sa akin kasi, ang pangako ay parang pagsasalita ng tapos ng isang taong hindi naman alam kung ano ang susunod na mangyayari, hindi iniisip na baka maaring mag-iba ang lahat pagdating ng panahon.

At hindi nga ako nagkamali. Limang taon pa lang ang lumipas pero parang nakalimutan na ni Daddy ang pangako nya. Hindi ko alam kung ano ang nakita nya sa babaeng iyon, isa lang ang alam ko, ayaw ko sa kanya!

Ayaw ko sa kanya kasi ayokong isipin na papalitan nya si Mommy sa puso ni Daddy, ayoko ring makasama sya sa bahay at gampanan nya ang papel ni Mommy. Parang horror movie sa akin ang dating nun.

Pero kilala ko si Daddy, kung may isang bagay sya na gustong gawin, gagawin talaga nya yon, pero gagawin ko rin ang lahat para pigilang mangyari iyon.

Pumunta ako sa sinasabing dinner ni Daddy. Pumunta ako hindi dahil gusto ko, pumunta ako dahil may naisip akong magandang counter attack. Parang chess game lang iyan eh, kung hindi mo alam kung paano maglaro ang kalaban, ede gayahin mo yung tirada nya! Kaya gagayagin ko na lang yung bait-baitan moves nya.

“Denisa,” sinalubong ako ng besobeso ni Daddy, “I’m glad you made it.”

“Of course Dad.”

Pag-upo ko nginitian agad ako ni Matilda na nakaupo sa tabi ni Daddy. Ang plastik ha! Kung umasta parang walang nangyaring sampalan sa amin kaninang umaga, as if hindi sya nagalit sa lakas ng sampal ko sa kanya.

“Denisa, I’d like you to meet Matilda,” then hinarap nya si bruha, “She’s my daughter.” may kasama pa talagang ngiti.

Ngingitian ko lang sana sya kunyari, pero ang best actress natin, na pang-Oscar Award ang acting, kinamayan pa talaga ako.

“I’m glad to finally meet you, Denisa.”

Aba gusto ata nyang masampal ulit? Ang galing nyang magdrama eh! Nagtataka lang ako bakit hindi nya binabanggit yung nangyari kaninang umaga.

“About what happened earlier, i’m so sorr–” ako na sana magsasabi pero,

“Shhuhh. It’s okay. Just let it pass.” nakangiting sabi nya.

Nalilito na ako, naguguluhan, ano bang gusto nyang palabasin? Ano ba talagang plano nya at nagbabait-baitan sya ng ganito?

“Ano ba yon?” usisa ni Daddy.

“Ah wala,” si Matilda sumagot, “Huwag mo ng alamin.”

Dalawang bagay ang naiisip ko kung bakit nya ginagawa ito. Baka ayaw nya akong isumbong kay Daddy dahil ayaw nyang mapagalitan ako nito at maging dahilan para mag-away kaming mag-ama, o kaya naman, baka gusto nyang ilihim iyon kay Daddy at gawin itong alas sa akin na pang-blackmail nya. Pero hindi mangyayari iyon dahil hindi naman ako natatakot na malaman ni Daddy ang pananampal ko sa kanya.

Tahimik lang ako habang kumakain kami. Tahimik lang din sila, pero napapansin ko na maya’t maya nagsusulyapan sila. Parang nagpapakirandaman kaming tatlo sa gitna ng kainan namin sa mesang ito. Ayoko namang magkwento, o magtanong tungkol sa buhay ng babaeng ito.

“Sana sinama mo si Julius para sana nakilala din sya ni Denisa.” pagbasag ni Daddy sa katahimikan.

“Ah, wala sya eh, kasama nya lola nya, alam mo naman kapag weekend nasa kanila sya.”

“Ah. Next time isama mo sya sa bahay para makabonding ni Denisa.”

Muntik na akong mabulunan sa narinig ko. Kahit hindi ko kilala kung sino yung Julius na pinag-uusapan nila parang may ideya na ako ayon na rin sa tema ng pananalita nila. Malamang anak sya ni Matilda. Kainis si Daddy, bakit pa nya pinapapunta sila sa bahay?

“What do you think Denisa?”

“Ha?” nanlaki mata ko, “Okay lang Dad, whatever you want.” sabi ko na lang, pero wala naman akong balak maka-bonding yung Julius na yon.

After naming kumain nagyaya na agad akong umuwi. Ayoko ng magtagal pa dito para lang makinig sa kwentuhan ng dalawa, at lalong ayokong makita pa ang paghaharutan nila sa pamamagitan ng malagkit na tinginan.

Ngayon sigurado na ako na malapit ng magbago ang takbo ng buhay ko, unti-unti ko na itong nararamdaman. Pag-uwi kasi namin ni Daddy sa bahay yung cellphone nya ang agad nyang inasikaso. Ano pa nga ba? I’m sure na katext nya si Matilda. Grabe naman, kahihiwalay lang nila kanina ah!

Nanonood kami ng TV sa sala. Isa ito sa bonding namin ni Daddy. Pareho kasi naming nakahiligang manood ng basketball game. Sabay pa kaming nagchi-cheer sa paborito naming Barangay Ginebra.

Kaso parang iba ata ngayong gabi. Katabi ko si Daddy sa sofa pero parang nasa ibang dimensyon ang utak nya, hindi na kasi nya tinigilan ang cellphone nya. Ang malala pa hindi ko na sya makausap ng maayos. Puro ‘Ah’, ‘Okay’, ‘Oo naman’, ‘hindi eh’ ang tinutugon lang nya sa akin sa twing may sasabihin ako.

Ang nakakainis pa, tawa sya ng tawa sa tapat ng cellphone nya, hindi ko alam kung ano ang usapan nila ng babae nya pero naaasiwa na ako sa kanya, parang syang teenager na kinikilig.

Sa inis ko pinatay ko na lang ang TV at padabog akong umalis papuntang room ko. Akala ko napansin nya ang pagka-irita ko nung ibagsak ko yung remote ng TV, pero iba yung narinig ko sa kanya.

“O, matutulog ka na?” yan lang sinabi nya.

Sinadya kong hindi sumagot, para sana mahalata nya na hindi ako okay. Pero bigo ako, ni hindi man lang sya nagtataka na iba ang kinikilos ko ngayong gabi. Patuloy lang sya sa kilig nya sa babaeng kalandian nya sa cellphone.

Noong gabing iyon umiyak ako…

Mom, sana nandito ka, sobrang miss na miss na kita…

Sa paglipas ng mga araw naging malungkutin ako. Palagi akong umiiyak mag-isa sa loob ng kwarto ko. Sobrang affected ako sa sitwasyong alam kong hinding-hindi ko mapipigilan. May malaking tampo ako kay Daddy pero ni minsan hindi nya ito nahalata.

Akala siguro nya okay lang ako, at ayokong isiping hindi na nya pinapansin ang kaisa-isang anak nya. May mga oras din na naiisip ko na baka hindi na ako mahal ni Daddy at tuluyan na syang nalulong sa bisyo nya sa babae nya.

Sa edad kong ito, nauunawaan ko na may pangangailangan si Daddy bilang isang lalake, kaya hindi ko sya masisi kung mambabae sya. Okay lang sana kung sex lang ang habol nya sa babaeng iyon, na ginagamit lang nya pamparaos, pero sa nakikita ko kay Daddy mukhang seryoso sya sa babae nya, and it seems to me that he already have strong feelings for her.

Paano ba naman tinotoo nya yung sinabi nyang pakakasalan nya si Matilda. Dalawang buwan lang ang lumipas at iniharap na nya sa Altar ang hanggang ngayong kino-consider kong Mistress nya. Itinuloy pa rin ni Daddy ang kasal na iyon, sa kabila ng malaking pagtutol ko. Hindi na nya naisip kung ano ang mararamdaman ko, wala syang pake kahit nakikita na nya akong nasasaktan.

Hindi sana ako dadalo sa kasal nila, pero may sinabi sa akin yung classmate ko na medyo nakatulong sa akin to change my mind. At sya si, Roji, yung classmate ko at the same time, crush ko.

Nasa school corridor ako non. Nagbabasa ako ng pocketbook. Iyon talaga ang pampalipas oras ko, lalo na’t isa akong lonewolf sa school. Walang kaibigan, laging nag-iisa. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na sumasama sa mga grupo grupo, hindi ako palabarkada pero wala naman akong nakaaway.

Pero sa buhay estudyante ko may mga lalaking pumoporma din sa akin. Ako kasi ang muse sa school, at kapag sinabing muse, syempre alam na. But those guys didn’t catch my attention. Mas nahihiwagaan kasi ako sa lalaking hindi pumapansin sa akin. Alam mo yun, yung parang may gayuma ka at nahuhumaling lahat ng guys sayo, pero may isang guy na hindi tinatablan ng gayuma mo. At ang kaisa-isang guy na iyon ay walang iba kundi si Roji.

Simpleng araw lang iyon. Habang hinihintay namin yung Professor namin tumatambay muna kami sa corridor. Yung iba nagkukwentuhan, may naghaharutan at ako ang bukod tanging nagbabasa…ng pocketbook. Alam ko nasa paligid lang si Roji, pero hindi ko inaasahan at hindi ko lubos akalain na noong araw na iyon kakausapin nya ako.

“Ah, Denisa,” nagulat ako nung kinalabit nya ako sa braso, tapos paglingon ko may inaabot syang panyo sa akin, “Sayo ata ‘to.” sabi nya.

Nung mapatingin ako sa kanya parang may fireworks sa loob ng mga mata nya, “Ah, hindi naman akin yan.” sagot ko sa kanya nung marecognized kong hindi ko pagmamay-ari ang panyo.

“Hirap noh?” sunod nyang sabi.

“Ha?” nagtaka ako kung ano tinutukoy nyang mahirap.

“Hirap kapag kailangan mo ang isang bagay pero hindi mo pagmamay-ari…”

Wow naman, parang may nahugot ako don ah, at ang unang pumasok sa utak ko syempre si Daddy. Kailangan ko sya pero hindi ko sya pagmamay-ari.

“Hindi akin yan, pero paano mo nasabing kailangan ko yan?” sunod kong tanong sa kanya.

“Alam mo kasi, may lahi kami na fortune teller.”

“Ano?”

“Fortune teller, manghuhula.”

“Ah talaga?” napangiti ako, “Sige nga, ano’ng nababasa mo sa akin?” tumindig ako at hinarap ko sya.

“Hmm. Nakikita kong umiiyak ang puso mo, at kailangan na kailangan nya itong panyong dala ko.”

Napatitig ako sa kanya, at noong mga sandaling iyon parang gusto ko syang yakapin at magpa-comfort sa kanya. Hindi ko pinapahalata ang pinagdadaanan ko kahit kanino pero sya, nakita nya iyon. Hindi ko alam kung ano’ng magic spell ang gamit nya, pero napasaya talaga nya ako at nagawa kong ikwento sa kanya ang problema ko kay Daddy.

Pati yung tungkol sa kasal na hindi ko sana dadaluhan sinabi ko. Sabi ko wala na si Mommy, at ngayon magpapakasal si Daddy sa ibang babae, at ayaw ko iyon.

“Ayaw mo bang sumaya Daddy mo?” sabi nya.

“Bakit, hindi ba sya masaya sa akin?”

“Bakit, napapaligaya mo ba sya?”

Nagulat ako sa sinabi nya kaya bigla ko syang nasapak!

BHAG!

Sapul lang naman sya sa mukha.

“Bastos ka ah!” sex kasi ang unang pumasok sa isip ko sa tanong nya.

“Aray ku!” napaatras pa sya, “Bakit mo ako sinuntok?!” grabe ang cute pa rin nya.

“Eh ikaw eh! Bastos ka! Ano bang pinagsasasabi mo dyan!”

“Grabe, bayolente ka! Bakit, may masama ba sa tanong ko? Siguro nga napapasaya mo sya, pero hindi buo ang ligayang nararamdaman nya, natural lang iyon sa isang tao noh!”

“Ah basta! Walang kwenta iyang sinasabi mo!” sabi ko sa kanya, pero ang totoo hindi ko lang matanggap na tama sya.

“Ewan ko sayo! Tigas pala ng ulo mo, hindi ka naman pala mapagsabihan eh! Hindi ka marunong makinig, ang sarili mo lang ang pinapakinggan mo!”

Aba galit na ba sya?

“Bakit, sino ka ba sa akala mo para pagsabihan ako? Wala kang pake sa buhay ko noh!”

Teka, ba’t bigla kaming nag-away?

Pero sa kabila ng sinabi kong wala syang pake sa buhay ko ay nagsalita parin sya,

“Pumunta ka sa kasal kung talagang mahal mo Daddy mo at mahalaga sya sayo, dahil ikaw lang ang kukumpleto sa kasiyahan nya sa araw na yon.” atsaka na nya ako iniwan.

Iyon ang dahilan kung bakit kahit ayaw ko, pumunta pa rin ako sa kasal, para sa kasiyahan ni Daddy. Akala tuloy nya okay na sa akin ang lahat, akala nya tanggap ko na ang kabet nya, thinking na si Mommy ang orihinal na asawa, ang hindi nya alam nagsisimula pa lang mag-init ang tunay na laban between his mistress versus me.

A week after the wedding nagsimula na ang miserable kong pamumuhay kasama ang kabet ni Daddy at ang nag-iisang anak nito. Nagulat pa ako nung una kong nakita ang anak nya.

Palabas ako ng kwarto ko nun, sunday ng umaga. Kagigising ko lang, pagbukas ko sa pinto ng kwarto ko nakita ko sya na nakaupo doon sa may sala at sarap-buhay na nanonood ng TV.

“Teka, sino ka?” tanong ko sa kanya nung hindi ko pa sya kilala.

Hindi nya ako sinagot, tumayo muna sya at lumapit sa akin, “Ikaw siguro si Denisa…” sabi nya at may balak syang kamayan ako, “I’m Julius.”

Pero wala akong balak kamayan sya, kaya iniba ko agad ang usapan, “Ang aga mo naman atang nanonood?” kunyari dinungaw ko ang TV.

“Ah,” nakahalata ata kaya binawi na nya kamay nya, “Naiinip ako eh,” then bumalik na sya sa sofa, “Walang magawa dito eh!” at muling umupo ng sarap-buhay.

Anak nga sya ni Matilda, pareho silang makapal ang mukha eh. Pero akala ko bata pa sya, sa lola pala nya sya every weekend, eh ang tanda na neto, magsing-edad lang ata kami.

“Ako nga pala ang anak ng napangasawa ng tatay mo.” sunod nyang sabi.

“Wala akong pake!” sinungitan ko sya at tinalikuran. Pumunta na ako sa kusina dahil ayoko ng makipag-usap pa sa kanya.

“Hahaha Nice to meet you Denisa.” pang-aasar pa nya.

Pagdating ko sa kusina mas naasar ako sa nakita ko. Nadatnan ko si Matilda na suot yung apron ni Mommy habang naghihiwa ng onion sa tabi ng induction cooker, habang si Daddy nagkakape sa dining table.

Aba feelingera ang bruha! Bakit nya ginagamit apron ni Mommy? Bakit hindi nya dinala yung kanya?

“O, Denisa, gusto mo ba ng coffee? Gagawan kita, wait lang.” nakangiting sabi sa akin ni Matilda.

“Ayoko!” pasutil kong sabi.

Tinignan ako ng masama ni Daddy, “Denisa, ayoko yang ganyang attitude ha? Pakitunguhan mo ng maayos si tita Matilda mo dahil mula ngayon dito na sila titira ni Julius.”

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Daddy. Expected ko na ito noon pa. Nalulungkot lang ako kase may ibang taong gumagamit na ng kusina ni Mommy. At may ibang tao ng pagala-gala dito sa bahay. Nakakapanibago na, wala pa man pero sa pinapakita ni Daddy parang ako ang sampid sa bahay na ito. Parang may bago na syang pamilya at ako ang nakikitira.

Ang saya kasi nilang tignan habang nag-aalmusal sila. Niyaya nila ako pero tumanggi ako, mas gusto ko pang mag-isa at nakakulong sa kwarto ko. Hindi ko na gusto ang atmosphere dito, hindi ko na gusto ang vibes, parang gusto kong maglayas na lang.

Sunday ngayon, family day, but I suddenly felt that I’m not belong to this family, and i’m not at home in my own home.

Kinagabihan manonood sana ako ng basketball game pero nadatnan ko silang tatlo na nanonood ng teleserye. Nakiupo ako sa kanila, hindi nila ako napansin kase nakatutok silang tatlo sa TV. Si Daddy, as if nasubaybayan ang kwento ng teleseryeng ito, kung makanood tutok na tutok talaga.

“Dad, championship ng Ginebra ngayon diba? Ilipat mo muna, silipin natin yung game.”

“Mamaya na lang anak, kita mong may pinapanood ang tita mo eh.”

Okay. Nagwagi na naman si bruha. Kahit silip lang sa game ayaw talaga ni Daddy, samantalang patalastas naman. Dati hindi nya mapalampas yung game, pero ngayon pinagpalit nya ang championship sa walang kwentang teleserye!

Buti na lang may TV ang cellphone ko. Sa kwarto ko na lang ako nanood. Pinagtyagaan kong manood sa maliit na screen habang nanlalabo ang mga mata ko sa luha…

Nagseselos ako kina Daddy…sobra…

Mom, sana nandito ka…sobrang miss na miss na talaga kita…

Kahit wala akong ganang pumasok sa school pinilit ko pa ring bumangon, maligo at mag-uniform kinabukasan. Hindi ko alam kung pano ako nakatulog kagabi, sa pagkakatanda ko nanonood ako sa cellphone ko, pero nung magising ako, nasa drawer na yung phone ko tapos may nakabalot ng kumot sa katawan ko.

Nung ready na ako for school lumabas na ako ng kwarto. As expected, nakita ko silang tatlo na sama-samang nag-aalmusal sa dining.

“Kumain ka muna Denisa bago ka umalis.” sabi sa akin ni Daddy nung makita nya ako.

Deadmakels…

“Denisa, I said take your breakfast before you leave!”

“Hayaan mo na,” sabat naman ni Matilda, then hinarap nya ako, “Kung gusto mo, baunin mo na lang, teka, ipaghahanda kita.”

“No!” bigla kong nasabi, napatingin sa akin si Julius, “I mean, no need, dito na lang ako kakain.” mas gusto ko na ito, kesa ipag-baon pa nya ako, si Mommy lang gumagawa nun.

Umupo ako sa tabi ni Daddy, nasa harapan naman namin yung mag-ina. Sa palagay ko hinihintay talaga nila ako, kase may nakataob ng pinggan sa tapat ko. Ang daming nakahain, may cheese omelette pa na paborito ko, ngayon lang ulit ako makakakain ng ganito dito sa bahay since nawala si Mommy. Hindi kasi namin alam ni Daddy lutuin ito, na-try namin pero massacre.

Habang kumakain ako, infairness masarap, biglang, “Mauna na po ako.” nagpaalam na si Julius.

“O, ba’t ‘di ka na lang sumabay sa amin?” sabi naman ni Daddy, “Diba dun ka rin sa school ni Denisa nag-aaral?”

“Hindi na po. Aagahan ko po pasok ngayon kase mangangapa pa ako sa school, first day ko po kasi ngayon as transferee.”

“Hindi. Sabay ka na sa amin.”

Epal itong si Julius! Ang aga pa eh nagmamadali. Pinagmadali tuloy ni Daddy ang pagkain ko. Nyeta naman talaga!

Pagkahatid sa amin ni Daddy sa school humiwalay na agad ako kay Julius. Ayokong may ibang estudyante na makakita sa aming magkasama. Dumiretso na sya papasok sa school, ako naman, kumaliwa sa may canteen.

Ito talaga daily routine ko, maaga akong pumapasok para silipin yung crush ko sa school, mas lalong napaaga ngayon dahil kay Julius. Lagi ko kasi syang nakikitang tumatambay mag-isa dito. Walang ibang estudyante ang may alam na tumutugtog sya ng gitara dito kada umaga.

Pagdating ko sa canteen, dumungaw lang ako sa bintana para silipin sya. Hindi naman talaga ako nagpapakita sa kanya. Hindi nya alam na may fan sya na pinapanood ang bawat pagkumpas nya sa gitara.

Nandun nga sya, nakaupo sa isa sa mga monoblock chairs. Hawak ang gitara habang kumakanta. Kahit hindi ko alam kung anong pamagat nung tinutugtog nyang kanta aliw na aliw pa rin ako sa panonood ko sa kanya. May talent sya, magaling syang kumanta at mahusay mang-gitara.

Ito ang dahilan kung bakit crush ko sya, hindi sya kagwapuhan, average lang ang looks nya pero parang ibang tao sya kapag tumutugtog, malakas yung dating nya, malakas ang aura.

Nagulat ako nung bigla syang napahinto sa pag-strumming. Nung tingnan ko face nya nakatingin pala sya sa akin. Omg, nahuli nya ako!

“Ano’ng ginagawa mo d’yan? Ba’t ‘di ka pumasok?”

“Ah, eh…”

Tutal nakita na lang din nya ako, pumasok na ako. Tumabi ako ng upo sa kanya, mahiya-hiya and for sure nagba-blush ako.

“Marunong ka palang mag-gitara?” tanong ko kuno pero noon pa man alam ko na.

“Ah, oo. Pastime ko, pero nag-eensayo palang ako.”

Nag-strum ulit sya ng isang pyesang hindi ko alam. Wala naman kasi akong hilig sa mga acoustic songs, lalo na sa mga new songs. Lovesong lang usually pinapakinggan ko at mellows.

“Sorry nga pala nung isang araw…” sabi ko habang tumutugtog sya.

“Sorry saan? Nung sinuntok mo ako?”

“Uhm. Oo eh.”

“Okay na yun. I understand na may dinadala ka kaya bayolente ka.”

Bigla nyang pinalitan tinutugtog nya;

I can tell by your eyes that you’ve prob’bly been cryin’ forever,
And the stars in the sky don’t mean nothin’ to you,
they’re a mirror.

If I stand all alone,
will the shadow hide the color of my heart;
Blue for the tears, black for the night’s fears.

Wow! Tumugtog sya ng lovesong!

“Kumusta na nga pala kayo ng Daddy mo? Okay na ba kayo? Pumunta ka ba sa kasal?” sunod nyang sabi.

“Oo pumunta ako.” nginitian ko sya, “Salamat Roji ha? Kasi kung hindi dahil dun sa sinabi mo sa akin, baka hindi ako pumunta.”

“Syempre naman noh! Tatanggalan mo ba ng Maid of Honor ang kasal ng Daddy mo?”

“Haha Oo nga.”

Tumigil sya sa pagtugtog at ibinaba nya sa tabi nya ang gitara nya, “Ede okay ka na n’yan?”

Napabugtong-hininga ako nung maalala ko si Matilda sa tanong nya. Letseng babaeng yon! Pati ba naman moment sa lovelife ko panira pa rin sya?

“Okay pa naman ako. Naninibago lang ako kasi hindi ako sanay na may ibang tao sa bahay. Dun na kasi sila nakatira sa amin ngayon.”

“Ah, normal lang iyon, asawa na sya ng Dad mo kaya dapat lang na doon na sya tumira kasama nyo. Dapat pakitunguan mo na sya ng maayos n’yan, kase parte na sya ng pamilya nyo.”

“No!” bigla kong naisigaw, “Hindi sya parte ng pamilya namin! Kabit lang sya!”

Bigla syang napatindig sa gulat, “Ninerbyos naman ako sayo! Ayaw mo talaga sa kanya noh? Bakit, hindi ka ba nya tinatrato ng maayos?”

Hmm. Wala pa naman akong matandaan na binastos ako ni Matilda o pinagmaltratuhan ng masama. Sabagay parte nga pala iyon ng bait-baitan moves nya eh.

“Sus! Ang plastik ng taong yon! Alam ko namang nagbabait-baitan lang yun eh!”

“Haha” napatawa sya, “Ano ka ba! Pakisama ang tawag dun! Kaya dapat pakisamahan mo rin sya para walang problema, atsaka step-mom mo sya, hindi sya kabet.”

Biglang uminit na naman dugo ko kay Roji. Nakakainis sya, parang kinakampihan pa nya yung Mistress na yon! Kabit nga sya eh! Kasi si Mommy ang orihinal na asawa!

“Ewan ko sayo Roji, wala ka talagang kwentang kausap! D’yan ka na nga!” atsaka ko na sya iniwan.

Minsan ba dumating na sayo yung punto na feeling mo walang taong nakakaunawa sayo? Yung walang umiintindi sayo? Hindi ko kailangan ng advices o words of wisdom, ang kailangan ko ay yung taong makikinig sa akin. I need someone who will listen to my heart. Si Mommy lang talaga yung someone na yon. Sana nandito sya…

Feeling ko nag-iisa lang ako sa mundong ibabaw. Walang makasama, walang mapuntahan. Minsan mag-pray ako, hiniling ko na sana ibalik Nya si Mommy sa akin. Alam kong imposible iyon, pero iyon ang palagi kong ipinapanalangin.

At sana ibalik na Nya sa akin si Daddy mula sa babaeng iyon. Araw-araw kong nakikita si Daddy sa bahay at nakakausap, pero feeling ko hindi ko sya kasama. Nangyari tuloy namimiss ko na rin sya, namimiss ko na yung dating Daddy ko.

Noon, kahit kaming dalawa lang sa bahay masaya pa rin kami. Kahit ako lahat ang gumagawa ng mga gawaing bahay ayos lang sa akin, pero ngayon, may iba ng nagsisilbi sa kanya at napakasakit damhing mas gusto nya ang pagsisilbi ng kabet nya ngayon kesa sa pagsisilbing ginagawa ko sa kanya noon.

May isang umaga na nagising ako na nagwala ako sa bahay. Parang sumabog na yung bombang itinanim ni Matilda sa loob ng puso ko. Iniba kasi nya ang ayos ng mga gamit sa loob ng bahay. Iniba nya ng pwesto yung mga sofa, pati yung TV. Pinalitan nya yung mga flower vases na binili ni Mommy.

Lahat ng naka-display sa kusina ginalaw nya, lahat ng figurines, furnitures, at pati mga photo frame namin nina Mommy winala nya sa pwesto. Sa madaling salita, nag-iba na ang hitsura ng pamamahay namin sa isang iglap lang.

Galit na galit ako, masamang-masama ang loob ko sa ginawang ito ni Matilda, “Ano’ng nangyari sa bahay, bakit nagkaganito?” sigaw ko.

Hinila ko ang mga kurtina hanggang matanggal at masira. Hinampas ko yung mga vases hanggang mahulog at mabasag. Narinig ata nila ang pagwawala ko kaya nagsilabasan sila sa lungga nila.

“Denisa, ano’ng ginagawa mo?” paglabas ni Matilda sa kwarto ni Daddy.

“What’s happening?” nagulat din si Daddy na sunod na lumabas.

“Daddy naman eh! Bakit hinayaan mong pakialaman ng babaeng iyan ang mga gamit dito sa bahay?”

Sumabat si Matilda gayung hindi naman sya ang kausap ko, “Ah, eh, naisipan ko lang ibahin para sana umaliwalas.”

“Paepal ka talaga! Hindi mo ba alam na si Mommy ang nag-ayos sa bahay na ito? Ang kapal mo rin eh noh!”

Bigla akong sinigawan ni Daddy, “Denisa, stop it!” then hinawakan nya ako at pinagsabihan ako sa mukha ko, “Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang tita Matilda mo!”

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, “Dad, i’m sorry,” natakot talaga ako sa kanya, kase sa buong buhay ko ngayon ko lang sya nakitang galit, at ngayon lang din nya nagawa sa akin ang hawakan ako sa braso at kaladkarin papasok sa kwarto ko.

Nasasakdal na ako sa pag-iyak, nasasaktan na rin ako sa higpit ng pagkakahawak ni Daddy sa braso ko pero hindi pa rin nya ako binitawan hanggat hindi kami nakarating sa loob ng kwarto ko. Tinulak pa nya ako na parang tinapon ako sa kama ko.

“Ano bang nangyayari sayo?!”

“D-dad, so-sorry po.”

“Bakit ka ba nagkakaganyan ha?”

“Hindi mo ba talaga alam Dad?”

Bigla syang natigilan nung simulan ko ng magsalita.

“Anak mo ako diba Dad? Diba dapat ako po yung kinakampihan mo? Ang gusto ko lang naman Dad ipagtanggol mo rin ako minsan. Tama naman po ako diba? Wala syang karapatan na pakialaman ang mg gamit dito sa bahay.”

“No Denisa, you don’t understand–”

“Dad, this time, you’re the one who don’t understand!” pinunasan ko muna luha ko bago nagpatuloy, “Buti ka pa masaya ka, napansin mo ba yung lungkot ko? Ikaw lang may gusto nito, nagdesisyon kang mag-isa, binalewala mo ako! Kahit alam mong ayaw ko sa babaeng iyon pinakasalan mo parin sya diba?”

“Denisa, I understand na bata ka pa kaya hindi mo pa alam ang lumalabas sa bibig mo.”

Nilapitan nya ako, at sa unang pagkakataon sa loob ng ilang taon, niyakap nya ako ng mahigpit. Lalo akong naiyak. Alam kong hindi showy si Daddy sa love, alam kong ang tipo ng lalakeng tulad nya hindi sanay sa ganitong klaseng drama.

“Anak, darating ang araw na mauunawaan mo rin ako. Sa ngayon gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita.”

Ang dami ko pa sanang gustong sabihin kay Daddy pero hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nahihiya. Ang dami kong hinanakit sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko ilalabas. Kahit kailan talaga hindi ko pa nakausap ng matino si Daddy.

After nito, si Matilda naman ang kumausap sa akin. Sinadya nyang makaalis muna ng bahay sina Daddy at Julius. Hindi kasi ako nakapasok sa school, ayoko talaga munang pumasok kahit anong pilit sa akin ni Daddy.

Ayaw ko pa syang pagbuksan ng pinto nung una, pero dahil naaalibadbaran na ako sa kakakatok nya, pinagbigyan ko na. Hindi ko mabasa ang hitsura nya nung magkaharap kami, parang naiirita sya na nalulungkot at may hinagpis.

“Ano bang kailangan mo?!” inis kong tanong.

“Gusto ko lang sanang humingi ng sorry kung hindi mo nagustuhan ang ayos ko sa bahay–”

“Ano pa nga ba?! Andyan na yan! Masaya ka na?”

“Denisa, look, alam kong hindi mo ako gusto but I’m trying my best to be nice to you.”

“Nice ka dyan! Mukha mo! Sige na! Gusto kong mapag-isa!”

Isasarado ko na sana ang pinto pero hinarangan nya, “Bakit ba ganyan ka sa akin ha?!”

“Hoy! Wala kang karapatang sigawan ako! Umalis ka na nga!”

“Pwes! Wala ka ring karapatang bastusin ako!”

Nagkatinginan kami, mata sa mata, puno ako ng galit, sya naman puno ng kaba at gigil.

“Aba, lumalabas na ata ang totoong kulay mo?!” sabi ko.

“Denisa, asawa pa rin ako ng Daddy mo, irespeto mo naman ako!”

“O sya, sya! Whatever! Umalis ka na lang pwede ba? At kung pwede dumiretso ka na sa bahay ninyo at huwag ka ng babalik pa dito!”

“My gad! Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo?! Kung ayaw mo akong respetuhin bilang asawa ng Daddy mo, irespeto mo naman ako bilang nakakatanda sayo!”

Biglang kumulo ang dugo sa narinig ko. Parang gusto ko syang sabunutan! Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kainit ang dugo ko kay Matilda, pero talagang nakakainis ang pagmumukha nya!

“Huwag na huwag mong isasali sa usapan si Mommy! Hindi mo sya kilala, wala kang alam! At huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan!”

Binagsak ko na ang pinto, wala na akong pake kung tinamaan man sya. Ayoko ng ituloy ang walang kwenta naming usapan! Ang kapal naman talaga ng mukha nya para sabihan ako ng ganon! Sino ba sya sa akala nya?

Mga ilang sandali lang tumahimik na sa buong bahay. Buti naman hindi na nya ako kinulit pa! Lumabas na ako sa kwarto para maligo. Salamat naman at nagkulong sya sa kabilang room.

After ko naligo papasok na sana ulit ako sa kwarto ko upang magbihis, pero napahinto ako nung may marinig akong parang umiiyak na babae. Naririnig kong umiiyak si Matilda sa loob ng kwarto nila ni Daddy. Drama-dramahan ang best actress natin. Mukha nya! Hindi ko sya pinansin!

Lumalim ang pagnanasa ko na mapaalis ang mistress sa bahay. Nakaisip ako ng delikado pero magandang paraan para mangyari na ang pinakaaasam kong pagpapalayas.

Gagamitin ko ang anak nya laban sa kanya. Gagamitin ko ang kahinaan ni Julius bilang isang lalake. Naging mabait ako sa kanya sa pagdaan pa ng mga araw, pero hindi ko pinapahalata kay Matilda. Madali naman kaming nagkasundo, siguro dahil pareho kaming only child.

Lagi ko syang hinaharot sa bahay, lalo na kapag kaming dalawa lang. Dinadaganan ko sya kapag nakita kong nakahiga sya sa sofa at nanonood. Lagi naman nya akong kinikiliti sa tiyan. Minsan sinasadya kong magsuot ng maikling skirt para kapag nagharutan na kami masilip nya ang panty ko.

Madalas din akong sumama sa kanya sa labas. May mga oras na kumakain kami sa resto. May mga times din na dumidikit ako sa kanya at sinasadya kong idikit boobs ko sa kanya.

Noong una naiilang pa sya sa akin, pero kalaunan nakakasanayan na nya ako at magaan na ang loob nya sa akin. Infairness naman sa kanya masaya syang kasama, at hindi nya ako pinapabayaan kapag nasa labas kami.

Pati sa school madalas din kaming magkasama. Akala tuloy ni Roji nanliligaw sa akin si Julius sa twing makikita nya kaming magkasama. Iyon ang punto na sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko ng madaliin ang plano ko, baka kasi lumayo ang loob sa akin ni Roji kapag patuloy nya kaming nakikitang naghaharutan ni Julius.

Lunchbreak sa school nung lapitan ako ni Roji. Tumabi sya sa akin at naki-share sa table ko. Pinatong nya yung dala nyang lunchbox sa tabi ng plate ko.

“Nagbabaon ka pala?” tanong ko sa kanya.

“Ah, oo, pinagbabaon ako ni nanay eh.”

Nagkausap kami habang kumakain. Humingi na naman ako ng despensa about dun sa inasal ko noong huli kaming magkita. Ang cute namin, ayaw-bati lang. At ngayon bati na naman kami, sana tuluy-tuloy na ito.

Sinusulyapan ko sya ng palihim, natahimik kasi sya pero napapansin ko sa kanya na parang hindi sya mapakali.

“Ahm, Denisa, pwedeng magtanong?”

Hala! Itatanong na ba nya kung pwede ko syang maging boyfriend?

“Oo naman… Ano yun?”

“Boyfriend mo ba si Julius?”

(-_-‘)

“Si Julius?” nagulat ako, aba alam nya name ni Julius ah, “Hindi noh!”

“Ah, okay.”

Nagseseles be sye? Siguro natanong nya yun kase palagi nya kaming nakikitang magkasama. Ayaw ko sanang sabihin sa kanya yung tungkol sa plano ko, lalo na kung paano ko iyon gagawin pero baka iwasan nya ako kapag patuloy nyang iniisip na may something sa amin ni Julius. Sa tingin ko kasi parang hindi sya convince sa sinabi kong hindi nanliligaw sa akin si Julius.

“Ang totoo anak sya ni Matilda.”

“Matilda?!”

“Oo, si Matilda the Maldita. Sya yung kinukwento ko sa iyong kabit ni Daddy.”

“Maka-kabit ka naman!”

“Ayan ka na naman eh! Huwag ka ng kumontra! Yung sa amin ni Julius, parte lang yun ng palabas ko.”

“Palabas?” tangna neto, hina pumick up!

“Oo, palabas. May plano kasi ako sa mag-inang yun! Sa gagawin kong ito, tignan ko lang kung hindi pa sila mapalayas!”

Desidido na talaga ako sa plano ko. And this time, si Daddy na mismo ang magpapalayas sa kanila, at sa ayaw at sa gusto nila, aalis sila. Bwahaha

Araw ng linggo nung maisipan kong isagawa ang plano ko. Iyon lang kasi ang magandang pagkakataon na nakita ko. Sa tinagal-tagal ko ng binabalak ito sa wakas maisasakatuparan ko na rin.

Gabi nung makita ko si Julius na abala sa kusina. Hindi ko sigurado kung ano ang ginagawa nya pero parang nagtitimpla sya ng juice.

Lumabas ako ng kwarto ko na nakatapis lang ng towel. Hindi ko ito nakaugalian, ang maglakad ng hubad at tanging towel lang ang nakabalabal sa katawan ko, kaya nung makita ako ni Julius talagang nagulat sya.

“O,” sabay lunok ng mabilis sa iniinom nya, “Ano’ng gagawin mo?” tanong nya sa akin nung madaanan ko sya.

“Maliligo!” nginitian ko sya, “Bakit, gusto mong sumama?” flirt ko.

“Sira!” ang tanging narinig ko sakanya.

Binilisan ko lang ang paliligo, kase wala naman talaga akong balak maligo ulit dahil naligo na ako kanina. Quick shower lang.

Wala sina Daddy sa bahay, nag-date ata sila nung babae nya. Kaming dalawa lang ni Julius sa bahay ngayon. Pero bago kayo mag-isip ng kung ano, uunahan ko na kayo, wala akong balak gawin ang bagay na nasa isip nyo ngayon.

Hindi pala, balak ko rin pala, kaso nga lang hindi ko ibibigay ng buong-buo ang katawan ko kay Julius, ipapatikim ko lang.

After ko sa banyo dumiretso ako sa kwarto ko. Napansin ko na sinulyapan ako ni Julius na ngayon nakaupo doon sa sofa sa sala habang nanonood ng TV. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong iniisip nya nung makita nya akong basa ang buhok at nakatapis lang ng towel.

Pagpasok ko sa kwarto sinuot ko agad ang panty ko na kulay pink na katerno ng bra ko, then sinuot ko naman yung dress ko na hanggang hita lang. Ito yung dress ko na hindi ko maabot ang zipper sa likod ko, at ito talaga ang balal ko, ang ipa-zipper ito kunyari kay Julius.

“Bro, tulong naman,” sabi ko agad paglabas ko ng kwarto, “Paki-zipper naman sa likod, hindi ko abot eh.” patuloy ko nang makalapit na ako sa kanya.

Tumindig lang sya pero hindi na sya nag-abalang tumayo. Ako naman tumalikod sa kanya para itapat ang zipper sa likod ng dress ko.

Alam kong bulgar na bulgar ngayon sa kanya ang makinis kong likod, pero parang wala naman itong epekto sa kanya. Hindi man lang sya nahiya o nagulat nung makita nya ang likod ko. Sabi lang nya, “Okay.”

Nung hawakan na nya ang zipper na nasa parteng ibaba, nadama ko ang pagdampi ng mga daliri nya sa pwet ko. Hindi pa nya maitaas-taas ang zipper, ang iniisip ko baka sinasadya nya ito upang masalat nya ang parteng ibabaw ng pwet ko. Dumidiin kasi mga daliri nya eh.

“Ano ba yan! Ang hirap naman!” reklamo pa nya.

“Asus! Kunyari ka pa d’yan! Gusto mo lang ata akong matsansingan eh. Haha”

“Ah ganon! Ede ikaw na lang!” nagmaktol sya.

“Ikaw naman hindi ka na mabiro! Bilisan mo na kase!”

Pilit nyang hinahatak pataas ang zipper pero hindi talaga nya ito masara. Mukhang sumasang-ayon sa akin ang pagkakataon, okay lang sa akin kahit masira ang zipper ng suot ko, iyon naman talaga ang gusto ko.

Pinwersa ata nya dahil nung muli nyang tangkaing hatakin pataas biglang nabunot ang zipper na ngayon ay hawak nya at pinapakita nya sa akin, “Naku, sorry, nasira.” sabi nya.

Kunyari nagulat ako at nagalit, “Hala ka sinira mo dress ko!” Pinaghahampas ko sya sa balikat nya.

“Aray! Sorry!”

“Kainis ka kasi eh! Sinira mo damit ko!”

Bigla kong pinunit ang damit ko sa parteng dibdib, “Ayoko na nito, buti pa sirain ko na ng tuluyan!” madali kong napunit kasi manipis lang naman ang tela.

Nanlaki mga mata nya habang nakatitig sa dibdib ko. Pinagmamasdan nya boobs ko na nakahulma sa pink na bra. Hindi man ganoon kalaki boobs ko pero sure lang na titigasan sya, kase malamang ngayon lang sya nakakita ng ganito sa personal.

“Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?! Magbihis ka nga don!” umiwas sya ng tingin.

“Bakit, natatakot ka ba?” pero ang totoo parang ako itong kinakabahan, “Bading ka ata Julius eh!”

Napatingin sya sa akin, “Hindi ako bading noh! Nahihiya lang ako!”

“Weh! Sabihin mo bading ka lang!”

Lalo ko pang tinututok sa kanya ang boobs ko, at tuluyan ko ng hinubad ang dress ko, “Nye nye, bading, bading!” inaasar ko sya, at the same time tinutukso.

Naka-panty at bra lang akong nakatayo sa harapan ni Julius. Sya naman, namimilipit na sa pagkakaupo sa sofa sa kakaiwas sa akin.

“Bading, bading!”

“Hindi nga ako bading! Magtigil ka na!”

Sorry ka, wala akong balak tumigil, hanggat hindi ka nahuhulog sa bitag ko.

“Talaga? Sige nga, kung talagang hindi ka bading, halikan mo nga ako?”

“Mukha mo! Ba’t kita hahalikan dyan?”

“Hahaha So, bading ka nga?”

Nainis ko ata sya at bigla na lang nya akong hinila. Nawalan tuloy ako ng balanse at napaupo ako sa sofa, then nagulat ako nung bigla nya akong halikan sa labi.

Natigilan ako sa halik na iyon. Hindi ko naman first time, nakahalikan ko na yung ex ko nung high-school pero parang first time ko ulit. Siguro dahil matagal na panahon na rin iyon.

Tumagal din ang paghalik ni Julius sa akin ng mga ilang segundo. Aaminin kong gusto ko ang lasa ng mga labi nya, malambot at mabango ang hininga nya. Kaya nung bigla syang bumitaw sa halikan, kinabig ko agad pabalik ang batok nya bago pa makalayo ang mga labi nya sa lips ko at muli akong nakipag-halikan sa stepbrother ko.

“Ummmpppfff.” pero ngayon parang ayaw na nya.

Nagpumiglas sya, “Ano ka ba Denisa?”

“Bakit, ayaw mo ba sa akin?” naitanong ko sabay halik ulit sa kanya.

Tinulak nya magkabila kong balikat, “Stop it okay? Hindi ito tama, napaka-inappropriate nito!”

“Ang arte mo naman eh!”

“Hindi ako maarte! Kapag pinagpatuloy pa natin ito, parang tinakwil na rin natin mga magulang natin!”

“Tse! Hindi naman tayo tunay na magkapatid noh!”

“Kahit na!”

Ginawa ko, tinanggal ko ang nakatakop na bra sa boobs ko. Tingnan ko lang kung makatanggi pa sya kapag nakita nya ang hubad kong katawan.

“Ano bang nangyayari sayo?” hinawakan nya ang bra ko at muling itinatakip sa boobs ko, “Ibalik mo na yan! Magbihis ka na!”

Pero mapilit ako. Nangyari tuloy nag-aagawan kami sa bra ko na gusto kong hubarin, at gusto naman nyang itakip ulit sa boobs ko.

“Ano ba! Bitawan mo na!” sabi ko.

Nagulat na lang kami pareho ni Julius nang marinig namin ang malaking boses lalaki, “What’s going on?”

Napatingin kami pareho ni Julius sa may front door, at pareho kaming nanlaki ang mga mata nung makita namin si Daddy na kapapasok lang kasama si Matilda. Lalo na, pareho kaming nakahawak ni Julius sa bra ko.

“Ddaaaaadddddyyyyyy!” bigla akong sumigaw at humagulgol sa iyak. Hinablot ko ang bra ko na nabitawan ni Julius, then tinakip ko sa dibdib ko saka tumayo at tumakbo palapit kay Daddy.

Nagdrama-dramahan ako, “Dad, natatakot na ako…”

Gulat na gulat si Daddy, at mas lalong nagulat si Julius at napatameme sa pagkakaupo nya doon sa sofa.

“Tangna ano’ng ginawa mo sa anak ko?” galit na galit na tanong ni Daddy.

Mabilis nyang nilapitan si Julius at kinwelyuhan nya ito. Itinayo nya at akmang susuntukin na nya ito kaso biglang pumagitna sa kanila si Matilda, “Wait! Maghunos-dili ka! Ley him explain!” awat nya kay Daddy.

“Ano pa bang dapat nyang i-explain? Hindi mo ba nakikita? Pinagsasamantalahan nya ang anak ko!”

“Hindi po totoo yan! Wala po akong ginagawang masama kay Denisa!” depensa naman ni Julius.

“Dad, umalis na tayo dito! Ayoko na dito! Natatakot na ako kay Julius! Tinangka nya akong gahasain!” atake ko, kunyari na-trauma pa ako.

Galit ang nakikita ko sa mga mata ni Daddy. Gusto talaga nyang saktan si Julius pero hindi nya magawa kase nakaharang si Matilda.

“Denisa, ano to? Ano bang nagawa kong kasalanan sayo at ginaganito mo ako?” naiiyak na si Julius.

Pero mas matindi ang huwad na iyak ko, “Huwag ka ng mag-maang-mangan pa Julius! Walang-hiya ka! Ako na nga itong pinagsamantalahan mo ikaw pa itong ganyan!”

“Rod, bitawan mo ang anak ko!” utos ni Matilda kay Daddy.

Biglang kumalma si Daddy. Binitawan nya ang kwelyo ni Julius habang nakatingin sa punit na dress ko.

“Umalis ka na Julius, bago pa magdilim ang paningin ko.” sabi ni Daddy.

“Pero tito, wala po akong ginagawang masama sa anak nyo!”

“Sabi ko umalis ka na!” sumigaw na si Daddy.

“Rod, naniniwala ako sa anak ko,” sabat ni Matilda, “Alam kong hindi nya magagawa ang bagay na ito. Kilala ko sya, at kilala ko rin ang anak mo–”

“Matilda, please…”

“No Rod! Alam kong ayaw sa akin ng anak mo, pero hindi ko inasahan na umabot na sa ganito ang pagka-ayaw nya sa akin.” then hinarap ako ni Matilda, “Denisa, kung ginagawa mo ito para mapaalis kami, sige nagwagi ka na! Ngayon din aalis na kami, pero sinasabi ko sa inyo na hindi magagawa ng anak ko ang ganito kababaw na bagay!”

Pagkasabi ni Matilda umalis na agad sila. Wala akong narinig kay Daddy, tahimik lang sya. Hinayaan lang nya na makaalis ang mag-ina. Pero bago sila lumabas ng pinto, may sinigaw pa si Julius.

“Ang kapal ng mukha mo Denisa, ayaw mo sa Mama ko, bakit, perpekto ba Daddy mo?”

Nagulat na lang ako nung biglang sampalin ni Matilda ang sarili nyang anak.

Pagkatapos ng mga nangyari doon ko na-realized na isang malaking pagkakamali ang nagawa ko. Oo, nagtagumpay nga ako sa hangarin ko na mapalayas sa bahay yung mag-ina, pero yung presence nila nanatili parin sa anyo ng pagmumukmok ni Daddy.

Sa pagdaan kasi ng araw naging malungkutin si Daddy, naging bugnutin pa sya at nag-iba ang pag-uugali. Mas lalo ko syang hindi makausap ng maayos, konting bagay lang pinapalaki nya, maliit na bagay lang nagagalit na agad sya sa akin. Lagi nya akong pinapagalitan, at sa nakikita ko sa kanya parang napapabayaan na nya sarili nya.

Nangangayayat na sya. Pano mukhang ayaw nya sa hinahapag kong pag-kain sa kanya. Hindi rin nya ako gaanong pinapansin, ni hindi na nya kinukumusta ang schooling ko. Lagi na rin syang umiinom ng alak, at madalas din syang umuwi ng lasing.

Sinubukan kong kausapin si Daddy. Aamin na sana ako sa tunay na nangyari sa amin ni Julius at hihingi ng tawad pero hindi nya ako binigyan ng pagkakataon, “Denisa, please, I don’t want to talk about it.” ang tanging narinig ko sa kanya.

Sobrang affected talaga sya sa pagkawala ni Matilda, at nakakakonsensyang isiping, ako ang dahilan ng heartaches ni Daddy.

Noong isang beses na puntahan ko si Roji sa canteen, hindi ko alam kung bakit kusang tumulo ang luha ko sa narinig kong tinutugtog nya sa gitara.

I don’t want to talk about it,

how you broke my heart.

If I stay here just a little bit longer,

If I stay here,

won’t you listen to my heart?

Para sa amin ata ni Daddy ang kanta, because i’ve been breaking my father’s heart all this time. With my own acts, with my own griefs, unti-unti kong nauunawaan ang pinagdaanan ni Daddy.

Nagpunta ako sa resto ni Matilda. Hindi lang pala sya manager doon kundi sya pala mismo ang may-ari ng resto. At ngayon alam ko na ang pakay ko dito. Hihingi ako ng tawad kay Matilda, pati na kay Julius sa kasalanang nagawa ko, at hihikayatin ko sila na bumalik na sa bahay.

Ganito pala ang sinasabi nilang sacrifices para sa taong mahal mo. Para kay Daddy gagawin ko ito. At naisip ko rin na walang masama kung mag-asawa o magmahal muli si Daddy ng ibang babae, hindi ibig sabihin nun na pinalitan na nya si Mommy.

Ibingay ni Daddy ang buong puso nya kay Mommy noong mga panahong nabubuhay pa ito. Nailaan nya ng buong-buo ang oras nya sa amin, at hindi nya kami pinabayaan. Pinaligaya nya si Mommy sa bawat araw sa buhay nya. Hindi sya nagkulang sa amin. Naging responsable din sya.

Sa palagay ko pinangunahan lang ako ng emosyon ko noong pakasalan nya si Matilda, pero kung pakaka-iisiping mabuti, dapat nag-isip muna talaga ako.

Nabanggit ko na rin kay Roji ang lahat, actually sya ang nag-motivate sa akin na puntahan si Matilda at isaayos ang lahat, at natutuwa ako na sinamahan ako ni Roji sa resto. Susuportahan daw nya ako sakaling ma-misinterpret ni Matilda ang pagsadya ko.

Ang problema hindi ko nadatnan si Matilda. Kaaalis lang daw nya sabi nung nakausap kong waiter. Wala rin si Julius. Gusto ko sanang itanong sa waiter kung saan ang address nila pero minabuti ko na lang na hintayin si Matilda sa resto.

Habang naghihintay kami ni Roji umorder muna kami ng makakain. Kinantyaw kasi nya ako na dapat daw ilibre ko sya kase sinamahan nya ako. May balak naman talaga akong ilibre sya, feeling ko nga parang nagde-date lang kami ngayon.

Nagkaroon tuloy ng pagkakataon na makilala ko pa ng mas malalim si Roji. At hindi ako makapaniwala sa ibinahagi nyang kwento sa akin. Kung ako, ayaw ko na mag-asawang muli si Daddy, sya naman marami na daw syang inirereto sa Mama nya pero tinatanggihan daw sya.

Buhat daw kasi nung iwan sila ng Papa nya naging malungkutin na daw Mama nya. Masyado daw itong naapektuhan sa hiwalayan nila. Doon daw naisip ni Roji na magreto ng ibang lalaking makakatulong sa Mama nya na makapag-move on.

Nahihiwagaan ako kasi hindi ko maipaliwanag kung bakit lubos ko syang nauunawaan. Magkaiba man ang aming sitwasyon, magkatulad naman ang aming pinagdadaanan.

Masayang-masaya ako kasi nakahanap ako ng sandigan sa katauhan ni Roji. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-fall sa kanya, bukod sa gwapo na, mabait pa. Tingin ko parang mahal ko na sya, hindi ko nga lang alam kung ganoon din ang pagtingin nya sa akin.

After naming kumain marami pa kaming napagkwentuhan ni Roji. Hindi namin napansin ang mabilis na pag-ikot ng oras. Aba halos dalawang oras na pala kaming naghihintay kay Matilda. Saan naman kaya sya nagpunta?

Kinuha ko phone ko sa bag ko para sana mag-selfie kami ni Roji, pero nung tingnan ko, deadbatt. Good thing I always bring my power bank with me. Chinarge ko sa loob ng bag ko, then after several minutes, pinower-on ko na.

Nakita ko andaming missed calls, may unknown number at yung iba galing na kay Julius. Tumatawag siguro sya kanina bago ako nalowbatt, pero bakit naman kaya?

Ginawa ko, ako na ang tumawag kay Julius. Unang ring pa lang sumagot na agad sya, mukhang nakatutok talaga sya sa cellphone nya.

“Hello!” with his worried voice.

“O, ba’t ka tumatawag kanina?”

“Nasa’n ka ba?! Ba’t ‘di mo sinasagot phone mo?” pinagalitan pa talaga ako.

“Nalowbatt kasi ako.”

“Anyway pumunta ka ngayon din sa Community Hospital–” hindi pa sya tapos magsalita biglang naputol na ang line. Pagtingin ko cellphone ko deadbatt na uli, hindi kinaya ang voice call.

Kinabahan ako kay Julius kaya niyaya ko na agad si Roji na pumunta sa nasabing ospital. Buti na lang kabisado iyon ni Roji at buti na lang dala nya ang motor nya.

Gulong-gulong ang isip ko habang bumibyahe kami. Putol-putol na ang dalangin ko na sana walang masamang nangyari kay Matilda.

Matulin din ang takbo ni Roji, na kanina pa tanong ng tanong sa akin kung ano ba ang nangyayari. Wala naman akong maisagot sa kanya kase wala din akong alam.

Pagdating namin sa Ospital nakita namin si Julius na nakatayo sa may harapan, sinadya nya sigurong salubungin ako.

Bumaba agad ako sa motorsiklo ni Roji, hindi ko na inalam kung saan sya nag-park, basta nilapitan ko na agad si Julius.

“Ano bang nangyari, bakit mo ako pinapunta dito?” tanong ko agad.

“Sorry kung nabigla kita, kase–”

“Ano nga?!”

“Paano ko ba sasabihin, ano eh–”

“What?! Ano’ng nangyari sa Mama mo?”

Alalang-alala ako kase alalang-alala sya.

“Hindi si Mama, yung Daddy mo.”

OmG!!!

“Ano’ng nangyari kay Daddy?!”

“Ang sabi high blood daw, nag-collapse.”

Patakbo akong pumasok sa loob ng ospital. Kasabay ko si Julius na syang nagturo sa akin sa room ni Daddy. Pagdating namin doon nadatnan ko si Matilda na nakaupo sa tabi ni Daddy.

“What happened?” tanong ko nung makita ko si Daddy na nakahiga at nakapikit ang mga mata at may nakatusok na karayom sa wrist.

“Don’t you worry, okay na Daddy mo, nagpapahinga lang sya.

Linapitan ko si Daddy at hinawakan ko kamay nya. Naiiyak ako kase wala man lang ako sa tabi nya nung isinugod sya dito.

“Tinatawagan ka daw nung officemate nya kanina pero hindi ka nila ma-contact, kaya ako tinawagan nila.” pagpapaliwanag ni Matilda, akala siguro nya galit ako dahil nandito sya.

“Since you’re here, aalis na ako. Ako na bahala sa hospital bills, basta bantayan mo na lang Daddy mo at alagaan.”

“Bakit po aalis na kayo agad?” bigla kong natanong.

“Ayaw kong makita nya ako paggising nya. Dahil sa mga nangyari, sinabihan nya ako na huwag na daw akong magpakita sa inyo, kaya sana huwag mo na lang sabihin sa kanya na naparito ako.”

Pag-alis ni Matilda bigla akong naawa sa kanya. Hindi ko alam kung gaano nya kamahal si Daddy, pero sa nangyari ngayon napatunayan ko na mahal nga nya si Dad. Pumunta sya sa oras ng pangangailangan kahit nasaktan na sya ni Daddy.

Mga ilang saglit pa dumating na rin si Roji. Nagkasabay pa sila ni Lola sa pintuan, at mukhang nagkakilala na sila sa labas. Si Lola ang Mama ni Daddy, very supportive din sya sa mga panahong ganito.

“I heard what happened. Kumusta na si Rod?” si Lola.

“Okay na po sya Lola. Natutulog lang po.” sinalubong ko sya ng mano.

Naupo sya sa tabi ko, sa tabi din ni Daddy. Si Roji naman papaupuin ko rin sana pero bigla syang nagpaalam na bibili lang daw sya ng makakain namin. Ambait talaga nya.

Si Lola mga 60+ na pero malakas pa rin. Si Lolo naman wala na, pati grandparents ko sa side ni Mommy wala na rin, kaya kay Lola talaga ako mas close, madalang ko na nga lang syang madalaw sa bahay nila gawa ng abala ako sa school.

“Sya nga pala, nasaan si Matilda?” tanong sa akin ni Lola.

Hindi ko sya masagot, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Syempre magtataka sya dahil wala nga naman ang bagong asawa ni Daddy, na dapat sana nandito din.

Sa tanong nya, yung hiwalayan nila ni Daddy at Matilda ang unang pumasok sa isip ko, at yung mas kinakabagabag ko ay yung naging dahilan sa likod ng hiwalayang iyon.

“Ah, kaaalis lang po nya La, sayang hindi kayo nag-abot.”

“Ganoon ba hija? Saan naman sya pumunta?”

“E-ewan po. Baka may urgent lang po sa resto nya.”

Sa usapan namin mukhang hindi pa nakakarating kay Lola ang balitang hiwalayan. At sa palagay ko hindi dapat ako ang unang magsabi sa kanya about sa bagay na iyon.

Mabuti na lang at iniba ni Lola ang usapan, “Kumusta ka naman Denisa?” tanong nya, hinawakan pa nya kamay ko.

“Okay lang naman po. Kayo po? Sina Tito po kumusta din?” yung bunsong kapatid ni Daddy ang tinutukoy ko na kasama sa bahay nina Lola.

“Okay naman kami.” then nakipagtinginan sa akin si Lola, “Eh kumusta naman kayo ni Matilda? Pinapakisamahan ka ba nya ng maayos?”

Medyo kinabahan ako sa sunod nyang tanong. Noong araw ng kasal ni Daddy at Matilda, isa si Lola sa mga taong nakita kong natuwa at masaya. Medyo nainis pa nga ako noon dahil sa nakikita ko kay Lola na boto sya kay Matilda para kay Daddy, kaya hindi siguro makakabuti kung ikukwento ko pa kay Lola ang mga pinagdaanan namin ni Matilda sa bahay.

“Opo. Mabait naman po sya sa akin.” sagot ko nalang.

Napangiti sya, “Talagang mabait iyang si Matilda, noon pa man magaan na talaga ang loob ko sa kanya.”

Sa ngayon hindi pa ako sang-ayon sa sinabi ni Lola. Oo gusto kong magkabalikan sila ni Daddy, oo nakonsensya ako sa ginawa ko sa kanila ni Julius, pero hindi pa rin iyon sapat na dahilan para magustuhan ko ng lubusan si Matilda.

“Alam mo ba hija,” muling nagsalita si Lola, “Na ang Mommy mo at si Matilda ay mag-bestfriend?”

Nanlaki mga mata ko sa narinig ko, “Huh?! Ano po La?”

“Hindi mo alam yun? Hindi ba naikwento sa iyo ng Daddy mo?”

“H-hindi po, wala po akong alam sa bagay na iyan.”

Nagulat na lang ako nung biglang ikwento sa akin ni Lola ang isang fairytale story na palaging ikinukwento sa akin ni Mommy bago ako matulog noong bata pa ako.

“Once there was a Witch who fell deeply in love with a Soldier, but the Soldier doesn’t love her in return because he was in love with a Princess.

The Witch had been doing everything since then, just to make the Soldier love her. And with all her hope and spell, she made it, and a miracle came which made the Soldier chose the Witch over the Princess.

It was a starlight when the Soldier finally learned to love her with all his heart, and the Witch was living a happy life after she got married.”

“Lola, bakit nyo po alam ang kwentong iyan? Iyan po ang madalas ikwento sa akin ni Mommy nung bata pa po ako.”

Nginitian ako ni Lola, “Hija, iyan ang lovestory ng Mommy at Daddy mo.”

Naguguluhan na ako sa usapan namin ni Lola. Sa kwentong iyon, yung Soldier at yung Witch ang nagkatuluyan, kung si Daddy ang Soldier, ibig sabihin si Mommy yung Witch?

“Lola, ibig nyo pong sabihin si Mommy ang Witch sa kwentong iyon?” siryoso kong tanong.

“Ipagpalagay na nating sya nga, at ikaw yung miracle.”

“Ako yung miracle?”

“Hahaha” napahalakhak sya, “Ganito kasi iyan.”

Pareho kaming napatingin ni Lola sa natutulog kong ama, si Lola nakangiti, at ako naman nagtataka pa rin. Pero masarap ang pagkakaupo namin at may mahiwagang damdaming pumasaakin upang pakinggan ng masinsinan ang kwento ni Lola, tungkol kay Daddy.

“Estudyante pa lang ang Daddy mo Denisa, noong ipakilala nya sa akin ang isang babaeng una nyang naging nobya. At sya ay si Matilda.”

Gulat na gulat ako, “Si Matilda po-este si Tita Matilda po, unang kasintahan ni Daddy?”

“Oo. Unang naging sila ni Matilda, bago pa naging sila ng Mommy mo. Ang buong akala ko nga, si Matilda na ang makakatuluyan ni Rod, pero nagulat na lang kami ng Lolo mo, nung ang bestfriend ni Matilda ang nakatuluyan nya.”

“At iyon nga po si Mommy?” hindi ko kayang tanggapin na sa kwento ni Lola, lumalabas na si Mommy ang kontrabida.

Habang nagkukweto si Lola, nakukuha ko na ang ending. Malinaw sa akin, and at the same time masakit, na si Mommy, pinikot lang nya si Dad gawa ng nabuntis sya nito.

Ako yung miracle, malamang dahil lang sa akin kaya minahal ni Daddy si Mommy.

“Hija, okay ka lang?” tanong sa akin ni Lola nung mapansin nya ang pamamasa ng mga mata ko sa luha. Naawa kasi ako bigla kay Mommy.

“Noong malaman naming buntis ang Mommy mo, after nung graduation nila sa kolehiyo, nagalit kami kay Rod, sa Daddy mo, pero kalaunan natanggap din namin, lalo na nung isilang ka na apo.” patuloy ni Lola.

“So pinanagutan ni Daddy si Mommy?” mangiyak-iyak kong tanong.

“Oo.”

“Dahil pinilit nyo lang po sya?”

“Hindi.” pailing-iling si Lola, “Hinding-hindi apo, sariling desisyon iyon ng Daddy mo. Pinakasalan nya ang Mommy mo, siguro noong una dahil sa pananagutan nya, pero kalaunan, nakita ko na unti-unting minamahal ng Daddy mo ang Mommy mo.”

“Eh ano na pong nangyari kay Tita Matilda buhat non?”

“Si Matilda, hindi na namin nakita, bigla syang naglaho ng parang bula.”

Natuluyan na ang pag-iyak ko kaya niyakap ako ni Lola. May parte sa akin na masama ang loob ko.

“Hija, hindi ko balak saktan ka sa kwento ko. Gusto ko lang iparating sa iyo na may mga bagay na na may kanya-kanyang dapat kalagyan, tulad nung nangyari kay Rod at Matilda, sino’ng mag-aakala na sa loob ng mahabang panahon, kahit may sarili na silang buhay, sa huli sila pa rin pala ang mgkakatuluyan.”

“L-lola, ayaw nyo po ba kay Mommy?” Ewan ko kung bakit ko ito natanong bigla, ito kasi ang unang pumasok sa akin sa tema ng pananalita ni Lola.

Lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Lola, “Hindi hija, huwag mo sanang isipin yan. Kung alam mo lang, ako ang unang nasaktan noong malaman kong may cancer sya, umiiyak ako gabi-gabi at pinapanalangin na sana gumaling sya.”

Naalala ko nga ang mga panahong iyon na nalaman naming may cancer si Mommy. Laging nasa tabi ni Mommy si Lola, lagi syang nandoon para tumulong at sumuporta, at si Lola ang madalas na bantay ni Mommy sa ospital.

“Alam mo ba, noong sabihin ng doktor na may taning na ang buhay ng Mommy mo,” biglang naiyak si Lola, “Pinahanap nya si Matilda, at nandoon ako nung lumuhod ang Mommy mo sa harap ni Matilda upang humingi ng tawad. Saksi ako sa lahat ng iyon, parang nakahinga ng maluwag ang Mommy mo pagkatapos ng lahat ng iyon.”

Everyone has their own great love story, but I don’t think if my mom’s story is one of those. Marami pala syang heartaces noon, pero sa kwento ng buhay nila, sa tingin ko mas maraming heartaces sina Daddy at lalo na si Matilda.

Hindi talaga natin maipaliwanag ang eksaktong kahulugan ng salitang tadhana. Siguro nakatadhana si Daddy para kay Mommy, at noong namatay na sya doon na natapos ang lahat, na ngayon, ibinigay na kay Daddy kung sino talaga ang babaeng itinadhana para sa kanya, at iyon si Matilda. Sila ang tunay na nakatadhana para sa isa’t-isa hanggang wakas.

Sa kwento ni Lola sa akin unti-unting nag-iiba ang pagtingin ko kay Matilda. Marahil ito na nga ang pagkakataong matagal na panahon nyang hinintay upang makapiling ang taong mahal nya.

Sa pagdaan pa ng mga araw, nakita ko ang pagmamalasakit ni Matilda para kay Daddy. Inaalagaan nya ito sa ospital, tinawagan kasi sya ni Lola at sinermon dahil bakit wala daw sya sa tabi ng asawa nya, hindi pa rin kasi alam ni Lola ang nangyari sa kanilang dalawa, at iyon ang isa sa hinangaan ko rin kay Matilda, hindi nya kasi iyon binanggit kay Lola, hindi nya ako siniraan, basta nandoon lang sya at ginagampanan ang tungkulin ng isang mabuting asawa.

Hanggang sa iuwi na sa bahay si Daddy kasama namin si Matilda. Noong magising kasi si Daddy sa ospital hindi pa namin sya nakausap ng maayos, nakatulala lang sya at hindi nagsasalita. Hindi ko maalala kung ano yung sinabi ng doktor na karamdaman ni Daddy, pero mabuti naman daw ang kalagayan nya at ilang araw lang makaka-recover na sya at babalik na sa dati.

Walang sawa ang alagang inilaan ni Matilda para kay Daddy. Ang mga araw na iyon na may sakit si Daddy ang tumulong sa akin upang makita ang tunay na ugali ni Matilda. Pasensyosa sya sa minsang pagkakalat ni Daddy sa pagkain, matyaga sya sa pagpapaligo at pagpapa-pupu at wala syang kaarte-arte sa bagay na iyon.

Pinagluluto nya kami, ni hindi nya na naaasikaso ang resto nya pati na si Julius. Hindi kasi sa bahay naninirahan si Julius, nahihiya daw kasi sya sa akin, pero ang iniisip ko baka ayaw na nya dahil sa mga bagay na nagawa ko sa kanya.

Inalamin ko na may mga oras na parang namimiss ko rin si Julius. Kaisa-isang anak ako, at dahil kay Julius nagkaroon ako ng Kuya. Naalala ko noong isang araw na ipagtanggol nya ako sa mga nambu-bully sa akin sa school. Sabay kaming umuwi at pumasok.

At yung isang araw na ininterrogate nya si Roji at pilit na pinapaamin kung nnliligaw daw ba sya sa akin. Kapag niloko daw nya ko makakatikim daw sya ng bugbog at gulpi, dapat daw alagaan nya ako at ipagtanggol kung sakaling maging kami.

Basta maraming mga bagay na ginawa si Julius na tanging ang nakatatandang kapatid lang ang nakakagawa.

One day, nagising ako na may umaapaw na kaligayahan sa puso ko. Ginising kasi ako ni Daddy, syempre nagulat ako dahil magaling na talaga sya. Pero hindi lang iyon ang nagpasaya sa akin, pati nung pumasok din si Matilda sa kwarto ko at binati ako ng matamis na happy birthday.

“Happy birthday anak.” iyan ang eksaktong sinabi nya.

“Sana man lang nagdala kayo ng cake para na-surprise ako.” reklamo ko pa.

Nagkatawanan lang sila ni Daddy.

Pero paglabas namin sa kwarto ko, muntik na akong humagulgol sa iyak nung makita ko si Julius na nakatayo sa likod ng maraming pagkain at may hawak na cake, “Hoy sungit! Happy birthday!” sabi lang nya. Tapos nilapitan nya ako at niyakap ako.

Hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Biglang may kumatok sa pintuan at nung buksan ni Julius, nakita ko lang naman si Roji na may hawak na boquet ng bulaklak.

Siguro hindi magaganap ang kaligayahang natatamasa ko ngayon kung hindi nangyari ang hindi matatawarang bagay na ginawa ko kagabi.

Kagabi kasi lumuhod ako sa tapat ni Matilda at Julius, humingi ako ng tawad at sinabing, “Dito ka na lang tumira Kuya Julius,” Then hinarap ko si Matilda, “At sana po huwag na kayong umalis pa… Mama.”

Simple lang ang kwento ko, at maaaring kwento din ito ng iba, at posible ding maging kwento mo ito pagdating ng araw, hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap pero ito lang ang masasabi ko. Sa kwento ko nalaman ang tunay na kahulugan ng blessing in disguise, and I realized how blessed I am every now and then.

Once there was a Witch who fell deeply in love with a Soldier, but the Soldier doesn’t love her in return because he was in love with a Princess.

The Witch had been doing everything since then, just to make the Soldier love her. And with all her hope and spell, she made it, and a miracle came which made the Soldier chose the Witch over the Princess.

It was a starlight when the Soldier finally learned to love her with all his heart, and the Witch was living a happy life after she got married.

But somewhere within her heart, she heard the voice of the Princess’ cry, and all her days were curse with the fact that she was only being loved because of the miracle.

That was the time when she realized, it was a story of stolen love, and she knew that it will never ever end with happily ever after.

*** TAPOS ***

Scroll to Top