ni shobe.sheen
KABANATA 11 – Ang Hiyas ng Buhay
“Jaaaaakkkkeeee!” umiiyak na sigaw ni Nicole.
Yakap yakap niya si Jake na ngayo’y nakahiga sa sahig. Walang malay. Agad naman silang dianluhan nina Mik at Salka.
“P-prinsipe Yveros…” nanginginig na wika ng kanyang tagapagbantay habang hinahawakan ang kamay ni Jake.
“Salka, ano’ng nangyayari?” aniya. Nanlulumong hinigpitan ang pagkakayakap kay Jake.
Wala siyang kaalam alam sa mga pangyayari. Isa lang ang sigurado siya. Sa lahat ng mga mahiwagang nangyayari at ng lahat ng mga katanungan gumugulo sa kanyang isipan ay tila laging may nakahandang sagot si Salka. Dahil sa dinami rami ng mga magugulong pangyayari ay hindi niya na natanong si Salka kung sino ba talaga ito at kung anu ano ang mga kakayahan nito bilang shamana.
Inilapit ni Salka ang tainga nito sa mukha ni Jake. Kapagkuwa’y bumaba iyon sa dibdib nito.
“Ilipat natin siya sa kama,” ani Salka.
Napaitingin ito sa kanya at nagsalita, “Gahibla nalang ang kanyang natitirang lakas, mahal na prinsesa.”
Tila pinipiga ang kanyang dibdib sa narinig. Hinaplos niya ang mukha ni Jake.
“A-anong gagawin natin?” Tanong niya.
Napadako ang tingin niya sa mga galos at sugat ni Jake sa mukha at buong katawan.
“Hindi ko kayang gamutin ang kanyang mga pisikal na sugat, mahal na prinsesa.” Wika ni Salka habang sinusuri ang mga sugat ni Jake.
“Sa palagay ko ay ang mga sugat ng prinsipe ay sanhi ng mahikang nanggagaling lamang sa isang engkatong may dugong bughaw.” Dagdag pa nito.
Malakas na napasinghap si Mik kaya sabay na napalingon sila ni Salka rito.
“Mik?”
“Baka pwede mo siyang gamutin, Prinsesa Yelena. Matagumpay mo akong binuhay. Bakay kaya mo na ring gamutin si Prinsipe Yveros lalo pa’t ikaw ay isa ring encantadang may dugong bughaw.
Nanlumo siya. Heto na naman sila, patuloy na nangagapa sa dilim. Hindi alam kung ano ang gagawin at kung papaano gagamitin ang kanyang taglay na kapangyarihan.
Napalingon siya kay Salka nang pumikit ito ng mariin at sinapo ang gilid ng ulo. Naging mabilis ang paghinga nito.
“Shamana!” Sigaw ni Mik ngunit nakapikit pa rin si Salka. Niyugyog ni Mik ang balikat nito. Nang hindi pa rin iminulat ni Salka ang mga mata ay malakas na sinampal ito ni Mik sa kaliwang pisngi.
“Mik!” napahumindig siya sa ginawa ni Mik. Unti unting iminulat ni Salka ang mga mata.
“Nagpapadalus-dalos ka, Shamana! Hindi mo pa kayang maglakbay sa inyong aklatan gamit ang iyong isip! Paano kung hindi mo kayanin?! Paano kung maligaw ka o mamatay?! Alalahanin mo, ikaw ang huling shamana sa ating mundo. Sino ang magiging kanang kamay ng prinsesa kung mamamatay ka? Ikaw nalang ang natitirang shamana. Ikaw ang huling shamana! Hindi ka ba nag iisip?!” Galit na litanya ni Mik. Kapagkuwa’y natutop nito ang bibig na tila ba nagsisisi dahil sa mga bagay na mamutawi sa bibig nito.
“Paumanhin…” sagot ni Salka.
Kumalma naman si Mik at sinabing, “Paumanhin rin sa mga nasabi ko, shamana.”
Napatango lang si Salka.
“Kanang kamay? Magiging kanang kamay ko si Salka? Anong ibig mong sabihin, Mik?” Tanong niya.
“May tamang panahon para talakayin ang bagay na yan, mahal na prinsesa. Sa ngayon ay kailangan nating malaman kung paano gagaling ang prinsipe.” Sagot ni Mik saka lumingon kay Salka.
“Anong nakita o nabasa mo sa inyong aklatan?”
Malungkot na yumuko si Salka.
“A-ang… ang hirap…” dagdag pa nito.
“Shamana!”
“H-hindi makakayang gamutin ng mahal na prinsesa si Prinsipe Yveros kung hindi niya hawak ang hiyas ng buhay…”
Natutop ni Mik ang noo.
“Sigurado ka?” Tanong ni Mik kay Salka. Napatango naman ito bilang tugon.
Tila ba hindi na siya pinapansin ng mga ito kaya naman nag salita na siya.
“Hiyas ng buhay? San ba makikita ‘yan? Kukunin ko nang sa gayo’y magagamot ko na si Jake.”
Nagkatinginan ang dalawa ngunit walang tugon mula sa mga ito.
“Saan ko kukunin ang hiyas ng buhay?”
Nanatiling tikom ang bibig ng mga ito.
“Inuutusan ko kayo bilang inyong prinsesa, sagutin niyo ang tanong ko!” sigaw niya. Palagi siyang tinatawag ng mga ito bilang ‘Prinsesa Yelena’ o ‘di kaya’y ‘Mahal na Prinsesa’ kaya naman naisipan niyang gamitin iyon kina Mik at Salka.
Sabay namang napaangat ang tingin ng dalawa. Tila takot na takot sa kanyang tinuran.
“M-mahal na prinsesa, ang h-hiyas ng buhay…” wika ni Salka.
“… hindi mo basta bastang makukuha ang hiyas ng buhay, mahal na prinsesa. Nasa… nasa..”
“Saan?!” sigaw niya.
“N-nasa gitna ng ipinagkanulong gubat… sa itim na lawa…” singit ni Mik.
“Saan yan?”
“Mapanganib, mahal na prinsesa,” ani Salka.
“Hindi gagana ang kapangyarihan ng isang dugong bughaw sa ipinagkanulong gubat, Prinsesa Yelena. Tanging mahika lamang ng mga mababang engkanto ang maaaring gumana roon. Gaya ng aking mahika…” saad ni Mik sabay tayo. Lumingon ito kay Salka.
“Marahil ay nararamdaman mong hindi ako bilib sa kakayahan mo, shamana. Oo, aaminin ko, nagdadalawang isip ako sa kakayahan mo. Napakabata mo pa para maging shamana. Pero wala na akong iba pang pagpipilian sapagkat ikaw nalang ang natitirang shamana.” Puno ng emosyong pagsasalaysay ni Mik. Lumapit it okay Salka at lumuhod.
“Simulan mo na ang pagbigkas sa orasyong panangga…” Wika ni Mik.
Nagsimulang magsalita si Salka sa isang kakaibang lenggwahe. Hindi iyon kagaya sa lenggwaheng inusal niya upang pakalmahin ang panahon at buhayin si Mik.
Pero kahit na iba ang lenggwaheng inuusal ni Salka ay nakakapagtakang isa isa niyang naiintindihan ang bawat kataga. Sa sapantaha niya ay tila ba umuusal ng orasyon si Salka upang maprotektahan si Mik sa mga masasamang egkanto at iba’t ibang uri ng maligno sa ipinagkanulong gubat at itim na lawa.
Pagkatapos ng naturang orasyon ay pinagpag ni Salka ang buong katawan ni Mik.
“May lagusan sa kabilang burol, maaari mo iyong gamitin, Reemo.” Wika ni Salka.
Tumango lang si Mik at nagpasalamat. Tumayo na ito at tumitig sa kanya.
“Paalam, mahal na prinsesa. Hanggang sa huli nating pagkikita…” anito at naglakad palabas ng kubo.
“T-teka! Anong ibig mong sabihin? Mik!” sigaw niya.
“Kailangan kong kunin ang hiyas ng buhay para magamot mo na ang mahal na prinsipe, Prinsesa Yelena.” Anito nang lumingon ito sa kanya.
“Ikaw lang mag-isa ang pupunta doon?” wika niya.
Tumango si Mik.
“Hindi! Hindi maaari! Sasamahan kita.”
Nagsalita si Slka.
“Pero, mahal na prinsesa, mapanganib ang ipinagkanulong lawa. Gaya ng sabi ni Reemo, hindi gagana ang kapangyarihan mo roon. Ang mahika lamang ng mga mababang engkanto ang gagana roon.”
“Isa pa… ang mga engkantong nakatira sa gubat na iyon ay galit sa mga dugong bughaw na kagaya mo.” Dagdag pa ni salka.
“Sasamahan ko pa rin si Mik…” aniya.
Ngunit paglingon niya sa pintuan ay wala na ang kanyang tagapagbantay.
KABANATA 12 – Ang Ipinagkanulong Gubat
Napatakbo si Nicole sa pintuan. Pagsilip niya sa labas ng kubo ay wala si Mik.
“Paanong…?” Takang tanong niya sa sarili. Ang bilis naman yatang makapaglakad ni Mik?
Huli na nang mapagtanto niyang binuhay niya pala itong muli at marahil ay bumalik na ang mahika nito na nawala magmula nang pumasok sila sa lagusan sa kanyang kwarto. Napakagat labi siya. Paano niya masasamahan si Mik?
“Salka, please, kailangan kong samahan si Mik. Paano kung may mangyaring masama sa kanya?”
“Pero, mahal na prinsesa, walang silbi ang iyong kapangyarihan kapag naroon ka na sa ipinagkanulong gubat.”
“Wala akong pakialam! Kailangan kong samahan si Mik!”
Nanlulumong napasabunot si Salka.
“Kayang kaya mo namang sundan si Reemo, mahal na prinsesa. Sa palagay ko ay hinahanap niya pa ang lagusan sa kabilang burol.”
“P-paano?”
“Isipin mo lang siya mahal na prinsesa at mararating mo ang kanyang kinaroroonan.”
Napahugot siya ng malalim na hininga.
Lumapit siya rito at niyakap ito ng mahigpit.
“Maraming salamat, Salka. Napakabait mo sa amin. Sana dumating na ang araw na makapagkwentuhan tayo tungkol sa mga mahihiwagang bagay na nangyayari ngayon…” aniya habang kumakalas sa pagkakayakap dito.
“Darating din ang araw na iyon, Prinsesa Yelena.” Nakangiting sagot ni Salka.
Tumango siya at nilapitan si Jake. Tumutulo ang luhang hinalikan niya ito sa noo.
Tumayo na siya at sa huling pagkakataon ay lumingon kay Salka at pilit na ngumiti.
“Mag-ingat ka, mahal na prinsesa.”
Pumikit na siya at binuo ang imahe ni Mik sa kanyang isipan. Napapitlag siya nang tila ba tinangay siya ng hangin at natagpuan niya ang kanyang sarili sa tabi ng kanyang tagapagbantay.
“Ay, baklang cafir!” gulat na bulalas ni Mik.
Natawa siya. Naisip niya tuloy si Yago nang mabanggit ni Mik ang salitang cafir. Parang hindi niya lubos maisip na ang isang napakalaking kapre na may mababang boses ay magiging bakla. Ngunit ang kanyang pagtawa ay nauwi sa pagtangis. Naalala niya ang busilak na kalooban ni Yago. Ang isang napakaamong kapre na nagbuwis ng buhay para mailigtas sila.
“M-mahal na prinsesa?!” bulalas ni Mik. Tumingkayad ito upang punasan ang kanyang mga luha. Halos hindi nga nito maabot ang kanyang panga. Natatawang pinahid niya ang kanyang luha at lumuhod upang magkapantay na ang kanilang mga mata ng kanyang tagapagbantay.
“Bakit mo ako iniwan?!” nagtatampong usal niya.
Lumungkot ang mukha ni Mik.
“Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa’yo sa ipinagkanulong gubat, mahal na prinsesa. Kailangang nasa isang ligtas na lugar ka. Nasa malubhang kalagayan ang isa kong alaga. Si Prinsipe Dravos naman ay hindi ko mahagilap kahit pa nararamdaman kong lumalakas na ang aking mahika. Sisisihin ko ang aking sarili kung hindi ako naging matagumpay sa pagbabantay sa inyong tatlo.”
Inayos nito ang pagkakasukbit ng sisidlang tela sa balikat nito. Kapagkuwa’y muling humarap sa kanya.
“Pakiusap, bumalik ka na sa kubo ng shamana, mahal na prinsesa.”
Mariin siyang umiling.
“Hindi kita iiwan, Mik.”
“Pero, Prinsesa Yelena—”
“Halika na!”
Wala nang nagawa ang kanyang tagapagbantay nang halos kaladkarin niya na ito patungo sa isang malaking puno.
“Ito na ba ang lagusan?” tanong niya.
Umiling si Mik. Pagkatapos ay dumako ang tingin nito sa isang di kalakihang bato.
“I-iyan? ‘Yan ang lagusan?”
“Oo, mahal na prinsesa.”
Lumapit siya sa naturang bato at hinawakan iyon. Ngunit walang nangyari. Walang namuong liwanag mula roon.
Napapalatak si Mik.
“‘Di ba nga sabi ko sa’yo na hindi gumagana ang kapanyarihan ng mga engkantong may dugong bughaw pagdating sa ipinagkanulong gubat?”
Hindi siya umimik. Nakita niyang lumuhod si Mik sa tapat ng batong lagusan at umusal ng tila ba orasyon. Ngunit hindi niya iyon maintindihan. Ilang sandali pa ay umusok ang bato. Nanatili ito sa pagkakaluhod at nagsalita
“… oh, ipinagkanulong gubat,
ako’y nagpapasalamat,
sa biyayang ipinamahagi,
sa aming mabababang uri…
Huminto ito sa pagsasalita at tumingala sa kalangitan.
“… ang pangalan ko ay Reemo,
mababang uri ng engkanto,
ako ang iyong lingkod,
at ako ay naninikluhod…”
Niyakap ni Mik ang bato at hinalikan iyon.
“… oh, ipinagkanulong gubat,
tahanan ng mga engkantong salat,
dinggin ang panalangin,
duwende ay papasukin…”
Nagliwanag ang bato at may namuong lagusan sa gitna niyon. Hinawakan siya ni Mik at kumumpas ito sa ere.
Tila tinatangay sila ng hangin ngunit parang ihinehele rin siya ng tubig, Hinahaplos ng apoy ngunit binabalot rin ng lamig. Iba’t ibang sensasyon ang kanyang naramdaman habang naglalakbay sila sa lagusan. Ibang iba sa mga lagusang napasukan niya na.
Nang maramdaman niyang nakatapak na sila sa lupa tila ba nahihilo siya.
“M-mahal na prinsesa!” dinaluhan siya ni Mik.
“Mahal na prinsesa, ipagpaumanhin niyo po, ngunit kailangan ko po kayong tawagin sa ibang pangalan. Huwag niyo ho sanang isiping ako’y isang lapastangan. Kailangan ko lang kayong protektahan…”
Tumango siya at naglakad na sila.
“Saan ba makikita ang hiyas ng buhay, Mik?”
“Ssshhhhh! ‘Wag kang maingay!”
“Reemo!”
Napalingon sila sa pinanggalingan ng boses na tumawag kay Mik. Ngunit wala silang nakita. Walang tao o anumang uri ng nilalang sa dakong iyon ng gubat. Makalipas ang ilang sandal ay may narinig silang iyak ng sanggol. Hinanap niya ang pinagmumulang ng naturang pag-iyak hanggang sa natagpuan niya ang napakagandang sanggol na nakahiga sa damuhan.
Luluhod n asana siya upang damputin ang naturang sanggol nang bigla siyang hilahin ni Mik.
Nahintakutan naman siya nang biglang humagikhik ang bata at nag iba ang anyo nito. Isang halimaw!
Dahan dahan itong tumayo at niyakap si Mik.
“Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito, isinumpang duwende?” Humahagikhik pa ring tanong ng batang halimaw. Ngayon niya lang napagtanto na marahil ay isa itong tiyanak.
“At sino itong kasama mo?” nagdududang tanong nito.
“Kaibigan, ipinapakilala ko sa’yo si Riva. Isa siyang… a-aswang,” ani Mik.
“Hmmm, ano’ng pakay niyo rito?”
“Tinutulungan ko si Riva na maibalik ang kanyang nawawalang lakas at mahika. Naiwan kasi siya ng kanyang mga kasamahan at may nakaengkwentro siyang isang shamana sa araw ng pangangalap. Walang nagawa si Riva nang kunin ng shamana ang kanyang lakas at mahika…” pagpapaliwanag ni Reemo. Namangha siya sa pagtahi-tahi nito ng kasinungalingan.
Tumingin sa kanya ang tiyanak at nagsalita.
“Bakit mo hinayaang talunin ka ng isang hamak na shamana? Ang mga shamana ay kaalyado at tapat na naninilbihan sa mga dugong bughaw. Sana ay pinatay mo na kaagad!”
Napapikit siya sa ideyang papatayin ng mga ganitong uri ng engkanto si Salka.
Biglang sumingit si Mik at ito na ang sumagot para sa kanya.
“Ah, eh, isang batang aswang si Riva. Wala pa siyang kakayahang talunin ang lapastangang shamana…”
Tumango tango ang tiyanak.
“O, siya. Ikaw na’ng bahala, Reemo. Ako’y maglilibot libot muna at baka napasok na tayo ng mga encantado’t encantada.”
“Sige, kaibigan.”
Nang makaalis ang tiyanak ay napakapit siya kay Mik. Unti unti nang tumatatak sa kanyang isipan na mapanganib nga ang lugar na ito para sa isang encantada o engkantong may dugong bughaw.
Nagpatangay siya ng hilahin siya ni Mik. Halos mabuwal siya sapagkat kasabay ng pagkumpas ng kamay nito ay ang pagbabago ng kapaligiran. Nasa tapat na sila ng isang lawa. Ngunit kakaiba ang lawang iyon dahil iba ang kulay. Kulay itim.
Nagpalinga linga siya sapagkat may naririnig siyang nakabibighaning boses. May kumakanta at sadyang napakaganda ng boses na iyon. Kaaya aya sa pandinig.
“Reemo, nandito ka pala…”
Napalingon sila sa gilid ng lawa. May isang napakagandang sirenang nakasandal sa malaking bato.
KABANATA 13 – Ang Itim na Lawa
“Reemo, nandito ka pala…”
Napalingon sila sa gilid ng lawa. May isang napakagandang sirenang nakasandal sa malaking bato.
“Amara…” Bulalas ni Mik.
Ngumiti ng pagkatamis tamis ang sirena, saka nagsalita.
“Kasama mo ba si—” napahinto ito sa pagsasalita nang dumako ang tingin sa kanya. Kapagkuwa’y tuminging muli kay Mik.
“Sino itong kasama mo, Reemo?”
“Ah, siya ang kaibigan kong si Riva. Riva, si Amara. Ang diyosa ng itim na lawa.
“M-magandang gabi sa’yo, Amara…” aniya.
Tinanguan lang siya ni Amara.
“Amara, ako’y nandito dahil—”
“Kasama mo ba si Yveros?” Putol nito sa pagsasalita ni Mik. Kapansin pansing naging malamyos ang boses nito nang mabanggit ang pangalang ‘Yveros’.
Yveros? Kilala ng sirenang ito si Jake?
Tumikhim si Mik bago nagsalita.
“Oo, kasama ko siya. Subalit nasa bukana pa siya ng gubat. Marahil ay nakikipaghuntahan pa sa mga tikbalang.”
“Ako ay nangungulila na kay Yveros, Reemo.” Wika ng sirena sa malungot na tinig.
“Teka at tatawagin ko muna siya…” ani Mik na biglang naglaho na parang bula.
Naiwan siyang nakatayo sa gilid ng lawa. Nakakabingi ang katahimikan. Naaasiwa siya sa ginagawang pagtitig sa kanya ng sirenang si Amara.
“Hindi ko mabasa ang iyong tunay na pagkatao,” untag ni Amara.
“H-ha?” bigla siyang nilukob ng takot. Paano kung malaman nito na isa siyang encantada?
“Anong uri ng engkanto ka? Hindi ko mahagilap sa aking isipan kung ano ka. Malakas na mahika ang bumabalot sa katauhan mo.”
Napakunot noo siya. Hindi niya naman ginamit ang kanyang kapangyarihan dahil sabi nga ni Mik ay hindi iyon gumagana sa gubat na ito. Nakapagtataka ang sinasabi ng sirena.
“H-hindi ko alam… Isa akong a-aswang. Ngunit nawala ang aking lakas at mahika nang makasagupa ko ang isang shamana,” sagot niya. Inulit niya lang ang kasinungalingang sinabi ni Mik kanina sa kanilang nakasalamuhang tiyanak.
“Isang lapastangang shamana!” galit na wika ni Amara.
“Mabuti at nakaligtas ka? Sa pagkakaalam ko ay isa nalang ang natitirang shamana. Isang dalagitang walang kamuwang muwang sa ating mundo. Sana’y nilapa mo siya nang wala na’ng matirang shamana na kaalyado ng mga dugong bughaw!” Dagdag pa nito. Bakas ang poot laban sa mga shamana.
“Hindi ko siya napatay sapagkat may inusal siyang orasyon. At… at masakit mang aminin ngunit hindi ako isang magaling na aswang.” aniya na napapakagat labi. Humamaba na yata ag hinahabi niyang kasinungalingan. Ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sapagkat nilamon na siya ng kyuryosidad.
“Sabagay, ang bata bata mo pa. Maiintindihan ko kung bakit natalo ka ng shamana.” Anito ngunit nagsalita ring muli, “Subalit sa pagkakaalam ko ay bata rin ang huling shamana. Marahil ay kaedad mo lang…”
“Siguro ay mas magaling lang siya,” sagot niya. Ngunit dahil ay inatake na naman ng kyuryosidad ay nagtanong siya sa sirena.
“Bakit ba kalaban natin ang mga shamana?”
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Amara ngunit sinagot rin naman nito ang tanong niya.
“Hindi engkanto ang mga shamana ngunit hindi rin naman sila mortal. Ipinanganak silang may taglay na natatanging utak. Ang lahat ng mga nababasa at natututunan nila ay tumatatak sa kanilang isipan at hindi nabubura. At kapag nasa bingit ng kamatayan ang isang shamana ay maaari niyang isalin ang lahat ng kanyang kaalaman sa kanyang anak o apo. Kaya lalong nadadagdagan ang kaalaman ng bagong sibol na shamana. Kung tutuusin, wala silang mahika. Ang tanging kapangyarihan nilang maituturing ay ang katalinuhan nilang taglay.”
Namangha siya.
“Pero, bakit itinuturing natin silang kalaban?”
“Mga ipokrito ang mga shamana! Palagi silang pumapanig sa mga dugong bughaw. Itinuturing nilang salot ang mga mababang uri ng engkanto tulad natin. Ang takbo ng kanilang pag-iisip ay kagaya rin ng sa mga dugong bughaw. Tayo ay salot sa paningin nila, na walang karapatang mamuhay kasama nila, na tayo ay alipin lamang.”
Napahumindig siya sa mga sinabi ng sirena. Ganito nga ba ang kalakaran sa mundo ng mga engkanto?
“Pero teka, bakit wala kang kaalam alam tungkol sa mga bagay na ito? Aswang ka ba talaga? Sino ang iyong mga magulang? Bakit ako ang nagtuturo sa iyo ng mga kaalaman ukol sa mga shamana?”
Bakas ang pagdududa sa tinig nito kaya naman natakot siya na baka mahalata na nitong hindi siya tunay na aswang. Nag i-isip pa siya ang isasagot nang makarinig siya ng mga yabag sa damuhan. Paglingon niya ay nakita niya si Jake at kasunod nito si Mik.
Namilog ang kanyang mga mata.
Paanong…?
“Mahal ko!” Matinis ang boses na sigaw ni Amara.
Nilapitan ito ni Jake at dumukwang upang halikan sa mga labi. Maalab ang halik na kanyang nasaksihan. Puno ng pagnanasa.
Parang may pinong kurot sa kanyang dibdib. Nagseselos yata siya.
Pero teka… bakit nandito si Jake? At bakit…?
“Ako’y labis na nangungulila sa’yo, mahal kong Yveros,” malamyos na wika ni Amara habang niyayakap si Jake.
“Ako’y nangungulila rin sa’yo, mahal kong Amara…” sagot ni Jake saka hinalikang muli si Amara.
Tumikhim si Mik sa tabi niya. Doon niya unti unting napagtanto na ang Jake na nakikita niya ngayon at si Mik ay iisa. May kakayahan nga pala si Mik na kopyahin ang kaanyuan ng sinuman at kaya rin nitong bumuo ng ilan mang replika ng sarili nito. Tila malakas nga yata ang mahika ni Mik dito sa ipinagkanulong gubat.
Naglaho ang selos sa kanyang dibdib dahil sa realisasyong iyon. Si Jake ay nasa kubo pa rin ni Salka at wala rito sa gubat kung saan nakikipaglampungan sa diyosa ng itim na lawa.
“Yveros, ang pakay natin kay Amara…” untag ni Mik. Tila wala na kasi sa katinuan si Jake na nasa bingit nan g pakikipagtalik kay Amara.
Tumikhim si Jake. O mas tamang sabihing, tumukhim si Mik na nagpapanggap bilang si Jake.
“Mahal kong Amara, may kahilingan sana ako sa’yo, kung iyong mamarapatin,”
“Ano iyon, mahal ko? Kailangan mo ba ng sagradong tubig? Teka’t maglalagay ako sa sisidlan.”
“Hindi, mahal ko, higit pa roon ang kailangan ko.”
“A-anong kailangan mo?”
“Ang… ang hiyas ng buhay, mahal ko.”
Napamulagat ang sirena.
“Ano?!”
“Hihiramin ko sana, mahal kong Amara… May kaibigan ako, nasa bingit ng kamatayan. Kailangan niya ang hiyas ng buhay.”
“Hiyas ng buhay? Pero para lamang iyon sa mga sugatang encantado. May kaibigan ka palang dugong bughaw?”
“Wala, hindi dugong bughaw ang aking kaibigan, mahal ko. Ngunit may nakasagupa siyang isa sa mga kawal ng isang encantado at ginamitan siya mahika. Kaya ngayo’y nasa bingit siya ng kamatayan at tanging ang hiyas ng buhay lamang ang makapagpapagaling sa kanya.”
Yumuko ang sirena. Tila ba naniniwala na sa pinagsasabi ng nagbabalat-kayong si Mik.
“Pero alam mong hindi ko pwedeng basta basta nalang kunin ang hiyas ng buhay, mahal ko.” Wika nito.
“Ikaw ang diyosa ng itim na lawa, mahal kong Amara. Nasa iyo ang lahat ng kapangyarihan.”
“I-ipangako mo… ipangako mong ibabalik mo ito at magtatagal ka upang ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan, mahal kong Yveros.”
“Pangako, mahal kong Amara.”
Kulang nalang ay mapatutop sa kanyang bibig si Nicole. Nakakarindi ang paglalambingan ng dalawa. Napatutok siya sa lawa nang maglaho ang sirena. Ilang sandali pa ay lumitaw ang ulo nito mula sa tubig. May kwintas na nakasabit sa leeg nito. Hinubad nito iyon at ibinigay sa lalaki.
“Huwaag mong kalilimutan ang iyong pangako, mahal ko.”
Tumango ang lalaki at muling dumukwang upang gawaran ng maalab na halik ang sirena.
“Babalik ako, pangako iyon, mahal ko.”
Ngumiti si Amara.
Nagsalita si Mik.
“Kami’y aalis na, Amara. Maraming salamat.”
Napapagitnaan nila si Mik at magkahawak kamay na naglaho sila. Nakaramdam na naman siya ng kakatwang sensasyon. Para siyang tinatangay ng hangin ngunit parang ihinehele rin ng tubig. Hinahaplos ng apoy ngunit binabalot rin ng lamig.
Nang maramdaman niyang lumapag na sa lupa ang kanyang mga paa ay napasigaw siya.
“What the fu ck, Mik! What was that for?! You could have given me a heads up that you’ll disguise yourself as Jake!”
Hindi niya napigilan ang pag-i-ingles. Ganito siya kapag naiinis o nagagalit. Nitong mga nakaraang araw ay iniiwasan niyang mag ingles kapag nakikipag usap kina Salka at Mik sapagkat nangangamba siyang baka hindi siya maintindihan ng mga ito. Napansin niya kasing malalim kung mag-Tagalog ang dalawa.
“Hindi ko na sinabi sa iyo ang balak kong pagbabalat-kayo bilang si Prinsipe Yveros sapagkat alam kong matalino ka naman at mapapagtanto mo rin na ako iyon, mahal na prinsesa.”
Kumalma siya. Alam niyang binobola lang siya ni Mik pero sige nalang, ang mabuti ay nakuha nila ang hiyas ng buhay.
Sneaky little bastard. Sa isip niya.
Nakaramdam siya na parang may kung anong pwersa sa katawan niya na animo’y lumalakas.
Bumaling sa kanya si Mik at sinabing, “Bumabalik na sa iyong katawan ang iyong kapangyarihan, mahal na prinsesa.”
Hinawakan niya ang kamay ni Mik at binuo niya na sa kanyang isipan ang kubo ni Salka. Kakatwang isipin na nawiwili na siya sa paglabas pasok sa mga lagusan. Lalo na sa mga lagusang bnubuo niya lamang sa kanyang isipan.
I’m actually getting used to this. And I think I’m starting to like it.
Ilang saglit pa ay narating na nila ang loob ng kubo ni Salka. Ngunit nagulat sila nang mabutan itong nakasalampak sa sahig. Magulo ang buhok nito. Maitim ang ilalim ng mga mata. May maga nagkalat ring aklat sa sahig, pati na rin mga kandila at sanga ng kahoy.
“Salka, ano’ng nangyari?”
“Ano’ng ginawa mo, shamana?!”
Magkapanabay pa nilang wika ni Mik.
Umiyak si Salka. Kapagkuwa’y lumingon ito sa kama kung saan nakahiga si Jake.
Tila tinakasan siya ng kulay sa nakita. Iba na ang anyo ni Jake. Putlang putla ito at tila ba nadagdagan ng ilang taon ang edad. Nang lapitan niya ito ay napansin niyang nag iba na ang hugis ng tainga nito, naging patulis sa dulo na kagaya ng hugis ng dahon.
“J-Jake…” nanlulumong sambit niya habang hinahaplos ang mukha nito.
KABANATA 14 – Si Ramius, Ang Pinuno ng Pulutong Ng Mga Asong Lobo
Nanlulumong napaupo si Nicole sa gilid ng kama. Pinagmamasdan niya ang naiibang kaanyuan ni Jake. Tumanda ito. Subalit sa kabila ng kulubot na balat ay hindi pa rin maikakaila ang taglay nitong kakisigan.
Lumapit sa kanya si Mik at hinawakan siya sa kanyang balikat. Doon siya napahagulhol.
“Jake, please… Please come back to us…” mahinang bulong niya.
“Hindi tayo iniwan ng mahal na prinsipe, Prinsesa Yelena. Naririto pa rin siya. Kaya nag-iba ang kanyang kaanyuan ay dahil sa unti-unting pagkaubos ng kanyang lakas. Kung tutuusin ay mabuti nga na ganito ang nangyari dahil ang ibig sabihin ay lumalaban siya.” Wika ni Mik.
Lumingon ito kay Salka.
“Anong nangyari, shamana?”
Napatungo si Salka. Kapagkuwa’y nagsalita.
“P-pag alis niyo papunta sa ipanagkanulong gubat ay ginamot ko ang mga pisikal na sugat ni Prinsipe Yveros. Nang mahawakan ko siya ay kusang naglakbay ang aking isipan sa kanyang mga alaala. Nakita kong may itinanim siyang punla sa hardin ng Lumeros noong bata pa siya. Kapag tumubo ang punlang iyon ay magsisilbi iyong lagusan patungo sa paraiso ng diwata ng buhay…” ani Salka.
Napakunot noo silang dalawa ni Mik. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Salka.
“Sinubukan kong maglakbay sa Lumeros gamit ang aking isipan. Gumamit ako ng iba’t ibang orasyon. Nakita ko na sumibol ang naturang punla. Kaya naisipan kong magpadala ng sagradong mensahe sa diwata ng buhay. Baka sakaling dinggin niya ang kahilingang pagalingin ang mahal na prinsipe. Pero walang nangyari. Nagbago ang anyo ni Prinsipe Yveros. Hindi na ako gumamit pa ng mga orasyon sapagkat hindi na ito saklaw ng aking kaalaman.”
“Kung hindi pa sapat ang kaalaman mo ay huwag mong idamay ang mahal na prinsipe. Hindi siya mababang uri ng engkanto na maaari mong pag-eksperimentuhan!” Sigaw ni Mik.
Napahawak siya sa kanyang tagapagbantay. Sa palagay niya ay hindi naman yata makatwirang sisihin nito si Salka. Isa itong batang shamana at hindi pa ganoon ka-eksperto sa sariling larangan.
“Mik, it’s okay. Salka was just trying to help.”
“Patawad, mahal na prinsesa. Pero maingat ho ako sa pag usal ng mga orasyon. Wala akong ginawang bagay na ikapapahamak ng mahal na prinsipe.” Mahinang usal ni Salka habang umiiyak.
Nilapitan niya ito at inalo.
“Okay lang, Salka. ‘Wag mong sisisihin ang sarili mo. Naniniwala pa rin akong gagaling si Jake.”
Akmang yayakapin niya na sana ito nang makarinig sila ng sunod sunod na alulong ng aso. Ngunit tila ba hindi iyon ordinaryong alulong.
“Asong lobo!” Sigaw ni Mik at agad na sumilip sa bintana.
“A-asong lobo? As in, werewolf?” Nahihintakutang bulalas niya.
Sumenyas si Mik na tumahimik siya. Huminto ang pag-alulong at pag-angil ng mga lobo. Kasunod niyon ang nakakabinging katahimikan.
Ngunit napasigaw siya nang biglang mawasak ang pinto ng kubo ni Salka at lumitaw ang isang hubad na lalaking may matipunong pangangatawan.
Natulala silang lahat. Si Mik ang unang nagsalita.
“Lapastangan! Wala kang karapatang humarap sa mahal na prinsesa na walang saplot!” Ani Mik sabay kumpas ng kamay nito at sa isang iglap ay may suot nang damit ng estranghero.
Umangil ang lalaki. Kapagkuwa’y inilibot ang paningin sa kabuuan ng kubo. Dumako ang paningin nito kay Salka na kasalukuyan pa ring nakasalampak sa sahig at napapalibutan ng mga libro, kandila at kung anu ano pa.
“Are you the stupid witch who sent the sacred message? Do you f ucking know how much inconvenience you’ve caused to my pack?” Galit na sigaw ng estrangherong nakatayo sa nawasak na pintuan.
Nanginginig na napayuko si Salka.
“Answer me, d ammit!”
“Ang sabi niya, ikaw daw ba ‘yong bobong mambabarang na nagpadala ng sagradong mensahe? At alam mo raw ba kung gaano kalaking perwisyo ang idinulot mo sa kanyang pulutong ng mga asong lobo?” Singit ni Mik.
Dahan dahang nag angat ng mukha si Salka. Bakas sa mukha nito ang takot ngunit nang bumaling ito kay Mik ay malamig itong nagsalita.
“Baka nakakalimutan mong isa akong shamana, Reemo. Nakakaintindi ako ng wikang Ingles, Latin, at Griyego.”
Napipilan si Mik. Ngunit nagkibit balikat lang ito na para bang binalewala ang pagsupalpal rito ni Salka.
Napaatras siya nang lumapit ito sa kanila. Ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Salka. Nakayuko pa rin ito.
Lumuhod ang lalaki. Pagkatapos ay hinawakan nito ang baba ni Salka at iniangat iyon hanggang sa magtama ang mga mata ng dalawa.
“Speak to me, witch.” Anito habang matamang titititigan ang batang shamana.
“I… I’m so sorry. The sacred message I’ve sent in the sky wasn’t meant for the wolves. It was intended for a fairy. I guess there was some sort of a mix up with my spells and incantations. P-patawad… Humihingi talaga ako ng paumanhin…” wika ni Salka. Hindi ito makatingin ng diretso sa asong lobo.
“So, you’re telling me that you screwed up?” Nakatiim-bagang na tanong nito. Bakas ang iritasyon sa boses nito subalit nakahawak pa rin ito sa mukha ni Salka.
“I said I’m sorry. I lack experience.I’m just seventeen years old. I’m not as old as you.” Mataray na sagot ni Salka.
“And just how old do you think I am, witch?”
Nag iwas ng tingin si Salka. Ngunit ilang saglit pa’y nagsalita rin ito.
“Five hundred sixty seven years, ten months, twenty three days…”
Sarkastikong tumawa ang lalaki.
“See? You even calculated my age by looking into the wolf within my eyes. Only witches can do that. Sinasabi mong ikaw ay isang shamana, but you’re acting like a f ucking witch.”
“I told you, I’m not a witch.”
“Whatever you say, witch.”
“F uck off, werewolf!”
Namimilog ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang pagbabangayan ng dalawa. Ngayon niya lang rin nakita si Salka na nagtataray. Bago pa man tuluyang mag away ang dalawa ay nagsalita na siya.
“Just cut her some slack…?” aniya. Noon niya napagtantong hindi pa pala niya alam ang pangalan ng lalaki.
“Ramius. My name is Ramius.”
“Ah, just cut Salka some slack, Ramius. We’re barely the same age. I just woke up one day experiencing all this crazy stuff. Wala akong kaalam alam. Buti nga si Salka, she’s somehow accustomed to all these strange things. Tapos ngayon, si Jake…” nanlulumong napaupo siya sa gilid ng kama. Hinahawakan ng kamay ng prinsipe.
“Ano’ng nangyari?” Tanong ni Ramius.
“Lapastangan! Wala kang karapatang kausapin ng pabalang ang mahal na prinsesa! Tawagin mo siyang ‘Prinsesa Yelena’!” Sigaw ng kanyang tagapagbantay na si Mik.
“You f ucking little creature. You don’t have the right to talk to me that way. You’re just a dwarf. And as an alpha, I could easily instruct my pack to devour the shi t out of you.”
Sa pangalawang pagkakataon ay nasupalpal na naman si Mik. Ngunit gaya ng reaksyon nito kanina sa pagtataray ni Salka ay nagkibit balikat uli ito at tila balewalang gumilid sa kinaroroonan ni Jake.
“Yveros, my friend…” Malungkot na wika ni Ramius.
“You know him?” Tanong niya.
Tumango si Ramius.
“Magkasabay kaming isinilang. We were born during the eve of the crescent blood moon. My first howl in our wolf pack was simultaneous to his cry in their kingdom. As we grew older, binibisita ko siya sa kanilang kaharian. Nawala lang ang aming komunikasyon nang may nangyaring kaguluhan sa kabilang mundo at ako’y hinirang naman bilang pinuno ng pulutong.”
Hinawakan ni Ramius ang mukha ni Jake.
“Look at his wrinkles…” malungkot itong tumawa at saka muling nagsalita. “We’re of the same age. Malakas siguro talaga ang puwersang tumalo sa kanya kaya siya nagkaganito.”
Lumingon ito kay Jake.
“But you’re strong, buddy. You’ll get through this. And when you’ve regained your strength, nandito lang ako. My pack will be at your disposal.” Anito sa nagtatagis na mga ngipin. Ramdam niya ang poot sa mga katagang binitiwan ni Ramius. Hindi maikakaila ang galit sa nangyari kay Jake.
“Ang hiyas ng buhay!” bulalas ni Mik habang dinudukot mula sa telang sisidlan ang hiyas.
Nawala sa isipan niya ang naturang hiyas. Agad niyang kinuha iyon kay Mik at saka tumingin kay Salka. Tinanguan siya nito na para bang sinasabi na kaya niya na at alam niya na ang gagawin.
Ikinuyom niya ang kanyang palad at kasabay niyon ay pag pag-ilaw ng hiyas. Nabuo sa kanyang isipan ang imahe nilang dalawa ni Jake na nakaupo sa malaking bato sa gilid ng lawa sa Lumeros. Nakahilig ang kanyang ulo sa balikat nito.
“Yveros…” Kusang namutawi ang katagang iyon sa bibig niya. Tila ba wala siyang kontrol sa mga ginagawa at sinasabi niya.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
“Regis filius…amica mea…
… tui gratia lovis,
gratia sit cures…”
Ihinilig niya ang kanyang ulo sa dibdib ng walang malay na si Jake.
“Amica mea… Amica mea…” Halos pabulong na bulalas niya habang masuyong dinadampian ng halik ang noo nito.
Nakakabingi ang katahimikan. Ngunit nabasag iyon nang marinig niya ang pagsinghap ni Mik.
“M-mahal na prinsesa…”
“Prinsesa Yelena…”
Magkapanabay pang usal nina Mik at Salka. Bakas ang pagkamangha sa mukha ng mga ito. Maging si Ramius ay tila napako ang paningin sa kanya.
“A-anong nangyari?” naguguluhang tanong niya.
Parang walang may planong sagutin ang kanyang katanungan. Si Mik ay nag iwas ng tingin. Si Salka naman ay yumuko. Si Ramius ay dumungaw sa bintana.
Napapitlag siya nang maramdamang may humawak sa kanyang kaliwang kamay. Paglingon niya ay nakita niyang unti unti nang bumabalik sa dating anyo si Jake.
“Amica mea…” Bulalas nito habang hinahalikan ang kanyang kamay.
Sabay sabay na napasinghap sina Salka, Mik, at Ramius. Na siya namang ipinagtaka niya.
Napakunot noo siya nang lumuhod sina Mik at Salka sa kanyang harapan at humalik sa kanyang paanan.
“Ako si Rusalka…
… ang huling shamana,
ako ang iyong lingkod,
at ako’y naninikluhod…”
Tumingala ito sa kanya at ilang sandali pa ay pumikit.
“Oh, mahal na reyna…
… alay ko ay alaala,
pati na rin kaalaman,
ng nakaraa’t kasalukuyan…”
Nag ibang anyo si Ramius at naging asong lobo. Umalulong ito at nasundan ng pag alulong ng iba pang mga asong lobo sa labas ng kubo.
Tumingala sa kanya si Salka at nagsalitang muli.
“Mahal na reyna, ako si Rusalka, nagmula sa angkan ng mga natatanging shaman at shamana. Isinusumpa ko, sa araw na ito, na ako’y magiging tapat na alagad ng iyong kaharian.”
“H-ha? Anong…?” Hindi niya na natapos ang sasabihin sapagkat sumingit si Mik.
“Hindi ko na kailangan pang sumumpa sapagkat ang buhay ko ang siyang alay ko sa inyo, kamahalan.” Ani Mik na nanatili sa pagkakaluhod.
Mahal na reyna?
Kamahalan?
Sakto namang tumayo si Jake at nagmuwestra na tumayo sina Mik at Salka.
“Inaasahan ko ang inyong tapat na paglilingkod sa kaharian…” Wika ni Jake.
“Makakaasa kayo, mahal na hari.” Sabay na wika ni Mik at Salka.
“What the heck is happening?!” Dumagundong ang kanyang boses sa loob ng kubo. At tila umalingawngaw pa iyon sa mga kalapit burol.
Masuyong hinalikan ni Jake ang kanyang kamay.
“You didn’t just save me, you bound yourself to me, my love.” Wika nito.
Litong lito siya sa mga pangyayari.
“Hindi mo lang pinagaling ang mahal na hari, kamahalan. Sa gitna ng orasyon ay itinali mo rin ang iyong sarili sa kanya. Magkabuklod na ang inyong pagkatao… habang buhay.” Singit ni Mik.
“At sa ginawa mong iyon ay kayo na ang bagong hari at reyna ng kabilang mundo.” Wika naman ni Salka.
Napaawang ang kanyang bibig.
“Pero hindi ko naman—”
“It’s okay, my queen. We’ll get through this together.” Ani Jake.
Yayakapin niya na sana ito nang bigla siyang tinangay ng kung anong pwersa. Sa isang iglap ay natagpuan niya nalang ang kanyang sarili na nakatayo sa pintuan ng kubo. Nakakaramdam din siya ng ibayong sakit sa kanyang mga palapulsuhan.
“Yelenaaaaaaa!” Sigaw ni Jake.
Nag anyong tao muli si Ramius at galit na umangil.
“Alesso!” Sigaw ni Ramius.
“Hello there, my dear old friend.” Anang malamig na boses ng lalaki sa kanyang tabi. Pinanindigan siya ng balahibo nang mamataan ang isang matangkad at maputlang lalaki na siya ring humahawak sa kanyang magkabilang kamay.
“You, f ucking blood sucker! Hurt the queen and I swear, my pack will ravage every single vampire under your rule.” Nagtatagis ang mga ngiping wika ni Ramius.
Tumawa ang lalaki at hinigpitan pang lalo ang pagkakahawak sa kanya. Naramdaman niya ang malamig na hininga nito sa kanyang leeg.
“Oh, don’t worry, Ramius. As much as I would love to bite the queen’s sexy little neck, I can’t and I won’t. I’m under strict orders to deliver her unharmed before midnight.”
“Alesso, you’re making a huge mistake. Leave the queen alone and I will triple the amount of gold and silver promised to you by whomever you made a deal with.” Mahinahong wika ni Jake.
“I’m sorry, my king. I may be a bloodsucking vampire but I’m still true to my word and I honor my transactions.” Sagot ng bampira.
Kinabig siya nito. Ngumisi at sinabing, “Adios!”
“Yelenaaaaaaaaaa!!!” umalingawngaw ang boses ni Jake.
Ngunit huli na ang lahat sapagkat tinangay na siya ni Alesso.
ITUTULOY…