Hiwaga at Pagnanasa (Kabanata 9-10)

ni shobe.sheen

KABANATA 9 – Salka, Ang Huling Shamana

“…tanging ikaw lang ang makakabuhay sa duwendeng tagapagbantay.”

Umalingawngaw sa isipan ni Nicole ang sinabi ng estrangherang si Salka. Kung totoo nga ang sinabi nito, handa siyang gawin lang lahat upang buhayin si Mik.

Tumayo siya at tumgingala sa kalangitan.

My God, my life has turned upside-down. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito. Miss na miss ko na sina mommy’t daddy.

Nangilid ang kanyang luha.

“Mahal na prinsesa… Alam kong gulung gulo na ang iyong isipan. Pero kailangan na ho nating umalis dito. Mapanganib pa rin ang kagubatan. Naitaboy mo ang mga aswang pero marahil ay pinapapalakas lamang nila ang kanilang pwersa ngayon para sa susunod na pag atake sa’yo,” untag sa kanya ni Salka.

“S-Salka… Pakiusap, tulungan mo akong buhayin si Mik. Alam kong hindi ako dapat basta bastang nagtitiwala, pero nararamdaman ko sa puso ko na isa kang mabuting tao. Sana’y hindi ka magalit sa itatanong kong ‘to, pero anong klaseng nilalang ka ba?” Aniya habang dahan dahang yumuyukod upang kargahin si Mik. Hindi naman siya mahihirapan sapagkat magaan lang ito.

“Isa akong shamana, mahal na prinsesa.”

“Shamana?”

“Oo, isa akong shamana. Nagmula ako sa angkan ng mga mananambal o manggagamot. Itinuturingkaming albularyo ng mga mortal pero bata pa lang ako ay palagi nang ikinukwento sa aking ng aking mga magulang na nagmumula sa mabubuting engkanto ang kakayahan naming manggamot. Ikukwento ko sa’yo ang lahat, mahal na prinsesa, pero sa ngayon, kailangan na nating umalis.”

“S-saan tayo pupunta? Wala akong alam na lugar,” puno ng pag-aalalang wika niya.

“Sa aming kubo, mahal na prinsesa. Maaari mong buhayin doon ang tagapagbantay. Pwede ko ring gamutin ang kanyang pisikal na mga sugat. Gamitin natin ang lagusan.” Anito sabay tingin sa puno ng balete.

“Pero, Salka, hindi ko alam kung saan patungo ang lagusang iyan. Sabi rin ni Mik, hindi niya matukoy kung lagusan nga ba iyan sa kabilang mundo.”

“Ang punong iyan ay nagsisilbing pangunahing lagusan patungo sa iba’t ibang mundo, mahal na prinsesa. At dahil ikaw ang prinsesang itinakda, may kakayahan kang gamitin ang lagusang iyan kahit saan mo man gustong pumunta. Kailangan mo lang gamitin ang iyong kapangyarihan.”

“Pero, hindi ko alam, Salka.” Naiiyak na sambit niya.

Nanlumo siya. Hindi niya pa gamay ang paggamit sa kanyang bagong tuklas na kapangyarihan. Ni hindi niya nga alam kung paano niya nagawang pakalmahin ang lagay ng panahon. At ang kakaibang lenggwaheng binigkas niya kanina ay kusang namutawi lamang sa kanyang bibig.

“Huwag kang mag alala, Prinsesa Yelena. Hindi naman tayo pupunta sa kabilang mundo. Ang kubo namin ay nasa mundo pa rin ng mga tao. Subalit malayo pa iyon dito. Kaya kailangan nating gumamit ng lagusan para hindi tayo matunton ng mga aswang. Halika na,” udyok nito.

Naglakad na sila patungo sa puno ng balete. Karga karga niya ang walang buhay na si Mik.

“Mahal na prinsesa, ako na munang hahawak sa tagapagbantay, kailangan ipunin mo ang iyong lakas upang mabuksan ang lagusan.”

Dahan dahan niyang ibinigay rito si Mik. Napahugot siya ng malalim na hininga.

How the hell am I gonna open this portal?

Itinaas niya ang kanyang kamay at inilapat iyon sa puno ng balete. Napapitlag siya sapagkat tila may sumanib na kung anong pwersa sa kanya. Kasabay niyon ay ang pag ilaw ng puno.

“Nagawa mo, mahal na prinsesa!” Namamanghang turan ni Salka. Inilahad nito ang kanang kamay sa kanya.

“Basahin mo ang aking isipan, Prinsesa Yelena. Sa pamamagitan niyon ay mararating natin ang aming kubo sa kabilang bayan.”

Ginawa niya naman ang sinabi nito. Nang mahawakan niya ang kamay ni Salka ay napapikit siya. Lumitaw sa kanyang isipan ang isang maliit na kubo na nasa tuktok ng isang burol. Unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at nasa kubo na sila ni Salka.

“Likas sa iyo ang taglay mong kapangyarihan, mahal na prinsesa. Lumaki ka sa mundo ng mga tao at hindi ka nagkaroon ng pagkakataong hubugin ang iyong kapangyarihan. Ngunit heto ka ngayon, mabilis na natututo.”

Pinamulahan naman siya ng pisngi. Lumapit siya rito upang tulungan itong ilapag sa kama si Mik.

“Ano na’ng gagawin natin ngayon?” Tanong niya rito.

Binalot ng pag-aalala ang mukha ni Salka.

“Mahal na prinsesa, p-pinagsisisihan kong naibahagi ko sa iyo kanina na pwede mong buhayin ang t-tagapagbantay. Hindi ko naisip na mapanganib nga pala ang naturang proseso. Maaring maubos ang iyong lakas…”

“Wala akong pakialam kung maubos man ang lakas ko, Salka.”

“P-pero, mahal na prinsesa, maaaring maubos ang iyong lakas at maaari ring maging sanhi ito ng iyong… p-pagkamatay…”

Napahawak siya sa kanyang sentido. Kailangan niyang buhayin si Mik. Ito ang kanyang tagapagbantay. Ito ang may alam sa kanyang tunay na pagkatao.

Bahala na.

“Bubuhayin ko si Mik,” aniya.

“Ano pa bang pwedeng mangyari sa akin maliban sa kamatayan o pagkaubos ng aking lakas?”

“Maaari namang magtagumpay ka sa pagbuhay sa tagabantay, mahal na prinsesa. Pero pwede ring habang ginagawa mo ang orasyon ay kasabay na maglakbay ang iyong diwa at maligaw ka.”

“Maligaw?”

“Oo, mahal na prinsesa. Maaari kang maligaw sa ibang dimensyon. Hindi ko tinutukoy ang kabilang mundo. Ang ibang dimensyon ay isang uri ng lugar kung saan lahat ng taong kilala mo ay namumuhay ng payapa at normal. Mapanganib ang maligaw sa ganoong dimensyon, mahal na prinsesa, sapagkat maaaring hindi ka na makabalik sa totoo mong mundo.”

Parang sumakit ang ulo niya sa narinig.

“Kung maliligaw man ako doon, paano ako makakabalik dito?”

“Hindi ko kabisado ang mga orasyon tungkol sa ibang dimensyon, mahal na prinsesa. Pero may nabasa ako sa lumang aklat ng aking ina. Ang sabi doon ay kapag naligaw ka sa ibang dimensyon, pumikit ka lang at pakinggan mo ang pintig ng iyong puso. Kasabay niyon ay may maririnig kang boses. Boses ng taong tunay na nagmamahal sa iyo. Ang boses na iyon ang gagabay sa iyo pabalik sa mundo natin.”

Tila lalong naging komplikado ang lahat sa tinuran ni Salka.

Why can’t I just bring Mik back to life without suffering from any consequences?

Napatingin siya kay Mik. Nangilid na naman ang luha sa kanyang mga mata. Buo na ang kanyang pasya.

“Handa na ako, Salka.”

“Pero, mahal na prinsesa, sigurado po ba kayo?”

Tumango siya.

“Hawakan niyo ang kanyang kamay, mahal na prinsesa…”

Nilapitan niya si Mik at hinawakan ang kanang kamay nito.

“Sa palagay ko ay kusang mamumutawi sa bibig mo ang orasyon, Prinsesa Yelena. Isipin mo lang kung ano ang nais mong mangyari. Ikaw ang prinsesang itinakda, lahat ay kaya mong gawin.”

Napapikit siya. Kung alam niya lang na isa pala siyang engkanto, at prinsesa pa talaga, eh sana pinag aralan niya na lahat ng bagay tungkol sa kanyang kapangyarihan para naman hindi siya nangangapa sa dilim tulad ngayon.

Sinunod niya ang sinabi ni Salka. Hinawakan niya ang kamay ni Mik habang nakapikit siyang bumubuo ng imahe sa kanyang isipan. Imahe ng isang malusog at bibong Mik na nakabuntot sa kanya. Kasabay ng kanyang pagngiti ay ang pagsasalita niya sa ibang lenggwahe.

“”Tui gratia Iovis gratia sit cures.”

Naramdaman niyang gumalaw ang kamay ni Mik. Subalit hindi niya magawang idilat ang kanyang mga mata. Parang hinihigop siya ng isang kaaya-ayang pwersa at idinuduyan siya sa hangin na para bang humehele sa kanya.

KABANATA 10 – Mapanlinlang na Dimensyon

“Dad, I told you, it’s just a sleepover at Allie’s place. Besides, Salka will be there. Mag-a-unwind lang kami pagkatapos ng finals,” natatawang sambit ni Nicole. Ang kulit kasi ng kanyang ama. Ang daming tanong tungkol sa kanilang sleepover sa bahay ng kanilang kabigang si Alena.

Napagpasyahan kasi nila pati na rin isa pa nilang kaibigan na si Salka na doon na sa bahay nina Alena matulog pagkatapos ng kanilang final exams.

“Okay, pero mag iingat kayo ha? And behave. No boys. `Pag nalaman kong may mga kasama kayong lalaki, ipapasundo aagad kita,” banta pa ng kanyang ama.

Tinawanan niya lang ito saka niyakap.

Nag-empake na siya. Kaunti lang naman ang dadalhin niyang damit. Nang masigurong okay na ang lahat ay nagpaalam na siya sa kanyang mga magulang.

Pagkarating niya sa bahay nina Alena ay sinalubong siya ng Kuya nitong si Jake.

“Hindi mo talaga ako hinitay sa bahay ninyo. Sabi ko susunduin kita eh,” wika nito.

“Kung sinundo mo `ko eh for sure di ako papayagan ni daddy na pumunta dito. No boys allowed daw dapat ang sleepover,” sagot niya.

Inakbayan naman siya nito at sabay na silang pumasok ng bahay.

“Si Alena?” untag niya.

“`Di pa umuuwi eh, hindi ba siya nagtext sayo?”

Umiling siya.

Noon niya lang napagtanto na nakaupo pala sa sofa ang kanyang ex-boyfriend na si Anthony. Medyo awkward kasi current boyfriend niya ang matalik na kaibigan nitong si Jake.

Pinukol siya ni Anthony ng isang makahulugang tingin habang naglalakad sila ni Jake papasok sa kwarto nito.

Nang makapasok na sila sa kwarto ay agad naman siyang kinabig at kinayumos ng halik ni Jake.

Pilya sing ngumiti. Na-miss niya ang nobyo. Kaya naman agad na bumaba ang kamay niya sa zipper ng pantalon nito. Mapang akit siyang tumitig kay Jake habang hinuhubad ang suot nitong pantalon. Hinimas niya ang pagkalalaki nito. Nang maibaba niya na ang brief ni Jake ay napakagat labi siya. Sabik na dinilaan ang kabuuan niyon.

Rinig niya ang impit na pag ungol nito. pinaghusayan niya pa ang pagdila at pag sipsip nang biglang bumukas ang pinto at sumilip si Anthony.

“Whoa! You lucky bastard! Wala ka yatang planong i-share sa akin si Nicole?” nakangising turan ni Anthony.

Tumawa lang si Jake at hinaplos ang kanyang buhok. Nagmuwestra na ipagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.

Naging balisa siya. May plano yata ang dalawa na mag-threesome sila?

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod ngunit pinigilan siya ni Jake. Si Anthony naman ay nagsimula nang maghubad ng damit.

Kapagkuwa’y pinangko siya ni Jake at inilapag sa kama, pinaliguan siya ng halik sa kanyang mukha, sa leeg… pababa sa kanyang dibdib.

“A-Anthony…” mahinang anas niya nang halikan siya nito habang hinuhubaran siya ni Jake. Napatingin siya sa kanyang nobyo. Nakangisi ito na tila ba nagugustuhan ang ginagawa sa kanya ng kaibigan.

Napaungol siya nang maramdaman ang mainit na dila ni Jake sa kanyang hita. Bumaba naman ang mga halik ni Anthony patungo sa kanyang leeg at pababa pa sa kanyang dibdib.

Naguguluhan siya sa kanyang sarili. Tila nasasarapan na siya sa sensasyong dulot ng pagromansa sa kanyang ng dalawang lalaki. Nakapikit niyang nilalasap ang bawat hagod ng dila at haplos ng mga kamay nina Jake at Anthony sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Ngunit nagtaka siya nang biglang huminto si Jake sa ginagawa nito at umupo lamang sa couch sa tapat ng kama. Matamang pinagmamasdan bawat haplos at halik sa kanya ni Anthony.

“B-babe…” tawag niya kay Jake.

“Go on, babe.” Anito. Tila nalilibugan sa ideyang makikipagtalik siya kay Anthony sa harap nito.

Nang bumaba ang labi ni Anthony sa kanyang puson ay napaungol siya, napapakapit sa headboard ng kama. Ibayong pagnanasa ang lumukob sa kanya nag dumako ang bibig nito sa kanyang pagkababae.

Pero parang hindi pa sapat iyon. Parang may kulang. Kailangan niya si Jake. Pero kailangan niya rin si Anthony.

“Jake…” anas niya.

“I’m here, babe.”

“Fuck me. Uhhh, please…” tila nababaliw siya sa sensasyong dala ng mainit na dila ni Anthony sa kanyang hiwa.

“Uh, Jake… Anthony… Please fuck me…” Nababaliw na yata siya.

Lumapit naman sa kanila si Jake. Hinalikan siya nito habang si Anthony ay abala pa rin sa pagdila at pagsipsip.

“Uhmmm.. Babe!”

“You want me and Anthony to fuck you at the same time, huh, babe?”

Nakapikit na tumango siya.

NANGHIHINA SI Nicole matapos ang nangyari sa kanila nina Jake at Anthony. Hindi niya maipaliwanag ang sarap na naramdaman.

Mahimbing na natutulog ang dalawa sa tabi niya. Napapagitnaan siya ng mga ito. Napakatahimik ng paligid. Naririnig niya lamang ang mabinig paghina ng dalawa. Malakas ang tibok ng kanyang puso. Napangiti siya. Marahil ay napagod nga talaga siya sa ginawa nila kaya tumatahip ang dibdib niya.

Akmang pipikit na siya ulit nang marinig niyang nagsalita si Jake.

“Nicole, please bumalik ka na.”

Napakunot noo siya sapagkat nang lingunin niya si Jake ay mahimbing pa rin itong natutulog sa tabi niya.

“Nicole, halika na. `Wag mong hayaang mahulog ka sa bitag ng mapanlinlang na mundo.”

“J-Jake… Anong sinasabi mo…” hinila na siya ng antok.

“MAHAL NA Prinsesa…!” Umalingawngaw sa kanyang isipan ang sigaw nina Mik at Salka.

Luminga linga siya ngunit wala siyang makita kundi kadiliman lamang.

“Mik? Salka? Nasaan kayo?” sigaw niya.

Parang tinatambol ang kanyag dibdib sa kaba.

May naaamoy siyang usok. Ngunit hindi niya alam kung saan iyon nanggaling. Nahintakutan siya nang makarinig ng malakas na tunog.

“Mik!” bulalas niya nang matunghayan ang kanyang tagapagbantay. Unti unti na ring naglaho ang kadiliman sa paligid at nang inilibot niya ang paningin ay nasa loob pala siya ng kubo ni Salka.

“A-anong nangyari?” Tanong niya sa dalawa. Saka pa niya napagtanto na buhay si Mik. Agad niya itong niyakap.

“Oh my God, Mik, I’m sorry!”

Gumanti naman ito ng yakap.

“Maraming salamat at binuhay mo akong muli, mahal na prinsesa,” umiiyak na sambit nito.

Umiyak na rin siya.

“P-pero, anong nangyari sa akin?” aniya.

“Hindi naubos ang iyong lakas, mahal na prinsesa. Sa palagay ko ay naligaw ka sa mapanlinlang na dimensyon. H-huwag sana kayong magagalit, mahal na prinsesa, pero ano po ang nakita ninyo roon? At kaninong boses po ang narinig niyo na nagpabalik sa`yo dito sa ating mundo?”

Nag-iwas siya nang tingin. Malinaw pa sa kanyang isipan ang pakikipagtalik niya kay Jake at Anthony. Kinilabutan siya. Napayap siya sa kanyang mga tuhod. Naalala niya ang sinabi ni Salka bago pa niya napagpasyahang buhayin si Mik. Sabi nito, kung maliligaw man siya sa mapanlinlang na dimensyon ay kailangan niya lang pakinggan ang pintig ng kanyang puso at kasabay niyon ay maririnig niya ang boses ng taong tunay na nagmamahal sa kanya.

Si Jake ang tumatawag sa kanya nung nasa mapanlinlang na dimensyon pa siya. Ibig sabihin…?

Sabay sabay silang napalingon sa bintana ng kubo nang may marinig silang ingay. Agad namang tinungo ni Mik ang bintana.

“Prinsipe Yveros!” Sigaw ni Mik.

Jake! SIgaw ng isip niya. Dali dali siyang bumaba sa kama. Tumambad sa kanya ang duguang mukha at katawan ni Jake. Iika-ika rin ito.

“Jake, anong nangyari?” aniya.

“Si D-Dravos…” mahinang usal ni Jake at tuluyan nang nawalan ng malay.

ITUTULOY…

Scroll to Top