Hot Escapades – Chelsea (chapter 13-15 katapusan) by stalkereyes___

Dumaan ang ilang buwan. Hinihintay ni Chelsea ang pagtawag ni Rod ngunit hindi ito kumikibo. Masama kaya ang loob ni Rod kung kaya’t hindi niya sinagot ang tawag nito? Ito ang nilalaman ng isip ni Chelsea na lalong nakaramdam ng guilt sa kanyang nagawa. Nagkaroon silang dalawa ng special relationship. Parang mutual understanding ang nangyari sa kanila. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil nakilala din niya itong si Dave na bukod sa cute, mestisuhin at attractive ay sobrang articulate kaya’t matuling naangkin nito ang kanyang damdamin at ang kanyang pagkababae.

Ang isa pang problemang kinakaharap ni Chelsea ay nagkakaroon na siya ng morning sickness. Paminsan-minsan ay sumasakiy ang katawan niya’t naging frequent ang pagduwal niya sa kasilyas. Dalawang tao lang ang nakaalam ng kaganapan sa kanilang dalawa ni Dave. Sina Princess at Jessa na nagsisimula na ding magduwal.

Ramdam na ramdam ni Princess ang pagkainggit sa premise na buntis ang kaibigan. Dahil kinakabahan at natatakot bumili si Chelsea ng EVA test upang malaman kung buntis nga talaga siya, si Princess na ang kusang-loob na pumunta ng parmasya kasama ang bagong live-in partner nitong si Michael.

Nagkatotoo nga ang mga ispekulasyon ni Chelsea. Buntis nga siya. Dahil dito’y hindi nakapasok si Chelsea sa trabaho. Nanginginig ang katawan niya na tila nilalamigan sa kaba nang malaman niyang kaya hindi ma-kontak itong si Dave ay dahil na-terminate ito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ayon kay Princess na siyang pumunta sa opisina ni Dave at nakasaksi sa nangyari.

“Ano bang gagawin ko?” sabi ni Chelsea sa sarili. “What’s going on with my life?”

“Friend naman; huwag ka ngang ganyan,” wika ni Princess. “Eh ako nga, pangarap ko na nga ang mabuntis, pero hindi naman ako basta-bastang nabubuntis. If you only knew kung ilang lalaki na ang nilabasan sa loob ng biyak ko para lang ako’y mabuntis. As for you, naka-one take lang, buntis agad. Ang suwerte ‘nun, ano?”

“You shouldn’t have joked like that.”

“Look, my friend,” usisa nito, “you have a stable job. Monthly ang kota mo, at ang laki ng nakuha mong commission. You have the guts na buhayin ang magiging anak mo. You don’t need a man right now.”

“Ang problema nga lang, eh hindi naman ako katulad mo,” naluluhang sabi ni Chelsea. “Hindi naman namin basta-bastang ginawa ito ni Dave. May feelings naman ako for him ano?”

“Same as what you feel towards Rod?”

“Yun na nga ang lalong nagpapahirap!” ani Chelsea. “To be honest, mas mahal ko na si Dave kaysa kay Rod. But I really can’t help feeling guilty.”

“Yeah. I know, I know; you feel that you compromised his trust. I’ve heard of it many times na.”

“I think parang ganoon naman kasi ang nangyari, eh.”

“Hay naku naman, friend; huwag ka ngang ganyan!” saway ni Princess. “Tiyak na makukunan ka niyan! Think of your unborn child. Gusto mo ba siyang mawala sa’yo?”

“As of right now, wala akong alam,” wika ni Chelsea.

“Chelsea,” bigkas ni Princess sa mahinang tinig, “ikaw ang nanay niya. You should avoid thinking that way.”

“I’m sorry,” wika ni Chelsea. “Sadyang magulo lang ang isip ko ngayon.”

“It’s okay, my friend. O siya, I have to go.” Tumayo si Princess sa kinaupuan niya at isinukbit ang shoulder bag. “Always remember, nasa bagong kabanata ka na ng buhay mo. Isa ka nang ina.”

Ngumiti si Chelsea kay Princess at matapos nito ay lumabas na ng townhouse si Princess papunta sa kanyang sasakyan. Pagpasok nito sa loob ay i-dinayal nito ang number ni Michael sa phone.

“Hello, my sweet? It’s me, Princess. I’m needing, urgently longing, and desperately wanting you and your sexy body. Puwede mo ba akong bigyan ng anak tonight?”

——

“You acted it well like an internationally acclaimed porn star.”

Lumingon si Kyla sa pinagmulan ng tinig. Nang humarap siya ay napangiti ito.

“Watch your words, Giovani. Baka ikaw na ang susunod.”

“How the hell could you do this, Kyla? You, I, and Dave are very close since day one. Bakit mo ba kasi nagawa ito?”

“Why?” tanong ni Kyla. “I’ll tell you why, because he dumped me. You already knew what happened, Giovani. You knew how I did my best to gain his affirmation, his love. And I would’ve won, if he didn’t met that slut.”

“Kyla, you can’t force someone to love you. If he doesn’t like you, then bakit mo pa kailangang pagsisiksikan ang sarili mo? Just move on for crying out loud. I bet he doesn’t like you at all.”

“My lovely Gio, there’s more to this,” wika ni Kyla na napataas ang kilay. “It’s also part of a strategy. It’s the only option to rise up. Through corporate ladder, Gio. We all need to rise up.”

“…and because of that you sacrificed Dave? Our long-lasting friendship?”

“It would’ve been tough,” ani Kyla, “yet he made it easier for me. ‘Hell hath no fury against a woman scorned’! It’ll be good for you boys to remember that famous Shakespherean line!”

“Grabe!” usisa ni Giovani. “Ibang klase kang pokpok ka!”

“I would be careful with my words if I were you, Giovani,” sabi ni Kyla. “Do you remember that I was just promoted as assistant secretary? You’re now in my team, Giovani. In other words, your ASS and your DICK are both mine!”

“I don’t fucking care, Kyla,” pangungutya ni Giovani. “I don’t have any plans to stay very long in this company anyway.”

“Yeah sure. Your damn problem is you’re stuck in the days when we were having fun at Krispy Kreme. Grow up, Giovani. We all have to undergo metamorphosis.”

“And that’s my point that I have to tell you. Watch out for metamorphosis, Kyla. Because you’ll behold a very grandiose metamorphosis, real soon.” Ilang saglit pa’y lumisan na ito ng opisina.

——

Nag-ring ang doorbell sa labas ng bahay ni Kobe. Lumabas si Kobe at ibinuksan ang gate kung sino ang nasa labas.

Si Marvin.

“Oh Marvin? Napadalaw ka?” bati ni Kobe.

Malumanay naman ang sagot ni Marvin. “Pareng Kobe, I have a very special news para kay Cindy.”

“Sige, pasok ka,” yaya ni Kobe at pumasok si Marvin ng bahay. Pagdating ng dalawa sa living room ay nandoon si Cindy na nagbabasa ng magasin.

“O sige, maiwan ko muna kayong dalawa, ha?” wika ni Kobe. “Ipaghahanda ko muna kayo ng meryenda.” Pagkatapos ay nagtungo na si Kobe sa kusina. Nang naiwan sina Cindy at Marvin sa sala ay nagsalita ang lalaki.

“Cindy,” sabi ni Marvin, “meron lang sana akong ibalita sa’yo.”

“Siyanga? Ano yun?” tanong ni Cindy.

“Remember what happened during Kobe’s birthday? About Darius?”

Nagulat si Cindy nang marinig ang pangalan ng naging katalik niya nung gabing yun. “Oo. I remember it. Ano na ang nangyari sa kanya? Ilang araw na nga akong tawag ng tawag sa kanya, pero hindi niya sinasagot.”

“I know the reason why. Nakakulong si Darius ngayon.”

“Ano?!” sabi ni Cindy na nanlamig ang katawan sa gulat. “Bakit naman?”

“Eh kasi, may nagsampa kasi ng kaso laban sa kanya. May 10 counts siya ng rape at 5 counts siya ng murder. Nagulat nga ako, kasi hindi ko alam na kriminal pala ang kaibigan ko. Nakipag-sex pala siya sa mga babaeng may mga jowa at asawa, at pinapatay naman niya ang mga kinakasama ng mga biktima. At ang masaklap pa, gahaman din siya sa pera.”

Naluha si Cindy sa naging rebelasyon ni Marvin. “Most probably habambuhay siyang mananatili sa selda, Cindy,” dagdag ni Marvin.

“Bakit?… Binuntis pa naman niya ako…”

“Ha?” pagtataka ni Marvin. “Paano na ang anak mo niyan?”

Nang dumating si Kobe dala ang meryenda nila ay nakita niyang luhaan ang pinsan niya. “Oh Cindy? What’s wrong? Tell me,” sabi nito.

“Minahal ko kasi si Darius, Kuya!…” hikbi ni Cindy.

“Ahh… So siya pala ang nakabuntis sa’yo,” sabi ni Kobe. “Alam mo, Cindy; sasabihin ko ito sa’yo: masakit ang mawalan ng minamahal. Oo, naramdaman ko na yun dati. Pero in time, makaka-move on ka din doon. Alam kong minahal ka ni Darius at ibinuntis ka pa, pero ang hindi mo lang alam, na-deceive ka lang noon. Kasi kriminal yun eh. Pero huwag kang mag-alala, Cindy. You can rise up again from the tragic events that happened in your life. Nawala man si Darius sa buhay mo, pero in exchange, binibiyayaan ka ng anak. Nandito din ako para suportahan ka. Alam kong kayang-kaya mong labanan ang mga pagsubok ng buhay, Cindy; dahil hindi ka na nag-iisa. Kasama mo na ang anak mo.”

“Cindy,” patuloy nito, “nandito lang ako palagi sa tabi mo. At hinding-hindi kita iiwan.” Pagkatapos ay niyakap ni Kobe si Cindy na kanina pang luhaan.

Ilang sandali pa’y nagsalita si Marvin na tila may hinahanap. “Pareng Kobe, nasaan si Ashley?” tanong nito.

“Nandoon sa kuwarto niya,” sagot ni Kobe.

“O sige, Pare. Salamat!” At nagtungo na si Marvin sa second floor para bisitahin si Ashley.

Nang naiwan sila Kobe at Cindy ay muling nagyakap ito sa pinsan.

“Cindy, I’ll always be here for you. I love you.”

——

Sa second floor ng bahay ay kumatok si Marvin sa pintuan ng kuwarto ni Ashley. Maya-maya’y nagbukas ito at nakasalubong ni Marvin si Ashley na naka-black na bikini.

“Hi, Marvin! Napadalaw ka?” bati ni Ashley.

“Kaya ako nandito, kasi nami-miss na kita,” sagot ni Marvin.

“That’s sweet of you…” sabi ni Ashley at ngumiti nang matamis. “So… do you want to make out with me? Because I really want you today. I want you to give me a baby.”

“It’ll be my pleasure,” nakangiting bigkas ni Marvin. Pagkatapos ay naglapat ang mga labi nila at isinara na ni Marvin ang pintuan. Ilang saglit pa’y nagsimula na ang lampungan ng dalawa.

——

Nag-iisa si Chelsea sa kuwarto nang biglang tumunog ang phone niya. May tumatawag dito.

Si Rod!

Dagling kinuha ni Chelsea ang phone. Ngunit bago niya ma-swipe ang accept button ay natigilan siya saglit. Ano ang sasabihin niya kay Rod? Ano ang sasabihin nito sa kanya kung malalaman nito ang kalagayan niya ngayon? Bagaman nahihiya ma’y kailangan nilang mag-usap na sila ni Rod. Kailangan rin niyang tapusin na ang relasyon nila.

“Hello.”

“Hi,” sagot ni Rod sa kabilang linya. “My sincerest apologies if it took me so long before I called you again. How’s my lovely sweetheart?”

“I’m fine,” sambit ni Chelsea.

“You don’t look fine to me,” sagot ng kabilang linya. “Parang may dinadala kang problema?”

“Dinadala?” sagot ni Chelsea na dagling natatawa. “Of course, may dinadala talaga ako ngayon.”

“Chelsea, may problema ba?”

Nagsimula nang humikbi si Chelsea. “Rod, I have no idea how to say this thing to you. But you have to let go of me.”

“Huh? But why? Chelsea, what’s going on?”

“You wouldn’t understand, Rod. Affix it to say that I had a blast conversing with you. I’m only emotional that we weren’t able to upgrade our relationship to the next tier.”

“I’m confused, Chelsea.”

“I’m so sorry, Rod,” wika ni Chelsea habang tumutulo ang luha sa mukha.

“Chelsea, could you at best say what’s the problem? Please?”

“I’m PREGNANT!”

Naghari ang katahimikan sa kabila.

Patuloy ni Chelsea, “I met someone, Rod. I… I’m hopelessly in love with him. That’s why you weren’t able to call me. I’ve been denying to answer your calls lately—“

“Do you love him?”

“What?”

“Do you love him, Chelsea?”

Dagling tumahimik si Chelsea at ilang saglit pa’y nagsalita ito. “Yes, Rod; I love him. I loved him well enough to carry his child. Muling tumahimik si Chelsea. Pagkatapos ay bumulong ito. “Yes, I absolutely love him.”

“If that’s what happened, there’s nothing I can do about it. But grant me one final request.”

“What is it, Rod?”

“Can we meet? I really want to see you, Chelsea.”

“But Rod…”

“Chelsea please… For one last time?”

Nag-isip sandali si Chelsea. Ilang sandali pa’y sumagot din ito.

“Yes, Rod. I’ll be glad to meet you.”

13th floor. Pamintuan Engineering Corporation Office. 3pm.

Nag-sanib puwersa ang mga officers ng kumpanya para sa monthly Management-Officer Committee Assembly meeting. Isinagawa nila ito every end of the month upang masiguro na lahat ng mga managers at department heads ay nakakasunod sa mga deliverables at receivables nila. Lahat ng mga kumpanya, maliit man o malaki, ay laging nagkakaroon ng monthly meeting to keep the company as viable as possible in the competitive business scene.

Ngunit iba ang ManOffComm Assembly nila ngayon. Dahil for the first time in seven years ay aatend si Mr. Pamintuan, ang Chairman at CEO ng kumpanya, major stakeholder at founder ng Pamintuan Group of Companies. Kinakabahan ang ibang mga officers dahil alam nila kung gaano kastrikto itong si Mr. Pamintuan. All smiles at confident naman itong si Markus Maglasang na balita ng iba’y ipo-promote for the position of President since nag-retiro na ang dating Pangulo ng kumpanya. Isasabay din ni Mark ang pag-announce ng promotion ni Kyla as assistant secretary.

Dumating si Mr. Pamintuan at umupo sa unahan ng malawak na auditorium na nagsilbing conference room ng kumpanya. Nagsimula na ang assembly. Marami-raming mga projects ang idini-disclose ng mga officers. Kasama na dito ang mga bagong projects na gagawin sa ibayong dagat na halos lahat ay dumadaan kay Dave. Todo ang pagmamalaki na pinakamahusay ni Mark ang kanyang team na kung saan 60% ng mga projects ay nagawa nilang i-finalize at gawan ng proposals.

Nang matapos ni Mark ang kanyang presentation ay umupo na ito’t hinihintay ang mga puna ni Mr. Pamintuan. Sinusuri ni Mr. Pamintuan ang mga contracts na isinumite sa kanya. Ilang sandali pa ang nakalipas ay biglang kumunot ang noo nito at tiningnan si Mark.

“Mark, how come we didn’t finalize the rest of the contracts?”

“We ran out of time, sir; my groupmates are alrady overwhelmed with work. We’re lucky to finalize more than 50% of the contracts because of my people’s determination and dedication.”

“Mhmm,” wika ni Mr. Pamintuan na hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya. “Then how do you explain… this?”

Itinuro ni Mr. Pamintuan ang petsa ng mga kontrata na kung saan natapos on time ang finalization ng mga drafts nito ngunit hindi nagawang mai-process for closing dahil walang pirma ni Mark.

“Oh, those,” ani Mark na nanginginig na sa kaba. “They must have slipped beyond me, sir. Well you see, we’re very busy in finalizing the other drafts for closing.”

“Your secrretary received the documents for closing weeks before the scheduled finalization,” usisa ni Mr. Pamintuan. “And you didn’t acted on it?”

Pinagpawisan ng malamig si Mark. Alam niya kung paano magalit si Mr. Pamintuan lalo na kapag nahuhuli nito sa akto ang mga empleyado niyang pumapalpak at naging inconsistent sa trabaho.

“I expect an answer, Mark,” sabi ni Mr. Pamintuan na may halo nang pagkabigat ang boses nito.

“I apologize, sir. I have no excuse,” wika ni Mark at tinungo ang ulo nito. Naghari ang katahimikan ng mga officers at management committee, lalo na si Kyla na umattend ng ManOffComm for the first time.

Matagal na tinitigan ni Mr. Pamintuan si Mark. Ilang saglit pa’y sumenyas na sa next presenter.

“Let’s proceed,” hudyat nito na tila matalim na ang tingin nito kay Mark. Lima pang presenters ang nag-report bago tuluyang na-adjourn ang assembly ngunit bago mag-tapos ay mayroong special announcement si Mr. Pamintuan.

“We all know that our President Mr. Aldrige Nguyen just retired two months ago. So I am currently selecting a possible replacement from my officers.”

“On the contrary,” patuloy nito, “I need somebody who has the fiery passion and dedication to push the company’s limits to the next tier. We have many business rivals and the only way to survive this competition is to be one step further ahead of the battle for greatness. In other words, all contracts and due dates must be set and signed on time. No excuses!”

“And because of all that, I’m going to introduce to you the next President of Pamintuan Engineers Corporation.” Ilang saglit pa’y tumingin si Mr. Pamintuan sa bumukas na pintuan ng auditorium.

Napanganga ang lahat sa loob ng auditorium nang pumasok ang bagong Pangulo ng kumpanya.

“Dave?” sambit ni Kyla na sobrang nagulat. “But Dave you’re—“

“My son, if that’s what you mean?” sabad ni Mr. Pamintuan.

“YOUR son?!” bigkas ni Mark.

“Didn’t saw that one coming, eh Mark?”

Hindi makapagsalita si Mark. Ganoon din si Kyla na hindi niya maipakailang si Dave na siyang nag-orchestrate ng pagkakatanggal sa opisina ng anak ng Chairman at CEO ng kumpanya at ngayo’y bago nilang President.

“I’m grateful to you, dad,” wika ni Dave sa ama. “I can take it from here.”

“Make your daddy proud,” sabi ni Mr. Pamintuan sa anak at kinamayan ito. Matapos nito’y lumabas na ng auditorium ang matanda at naiwan si Dave, mga officers niya at ang management committee niya sa loob.

Natapos na ang assembly at nasa loob ng Office of the President si Dave at sinusuri ang mga bagong proposals nang nag-buzzer ang secretary niya.

“Sir Dave, Mr. Maglasang is here.”

“Send him in,” senyas ni Dave.

Pumasok si Mark sa opisina ni Dave. Nakababa ang ulo nito na hindi tulad nung huling beses silang mag-usap na nagyayabang ito. Pinagmasdang mabuti ni Dave si Mark.

“Sit down.”

Umupo si Mark na nakababa pa rin ang ulo at naghihintay sa sasabihin ni Dave. Tumahimik lang si Dave at nakatingin lang kay Mark.

Hindi nakayanan ni Mark ang katahimikan sa loob ng opisina kaya ito na ang unang nagsalita. “Dave, I’ve done a very big mistake, and I regretted it. But if you don’t want my presence in this company, I can and will resign anytime.”

“I don’t want your job, Markus. I want your commitment and passion,” wika ni Dave. “You’re a good engineer. My father told me that you were once very competitive, very passionate. But when you were promoted as Vice President, everything had changed dramatically. I want a champion in my team, Mark; and I’m giving each and every one of you a chance to prove it. Should you wish to stay in the team, you must show me what you’re really worth for first.”

Tahimik si Mark habang nagsasalita si Dave. Nang matapos na ang sasabihin ni Dave ay tinanong niya ito.

“Can I expect you to give it your best. Your very best shot to the company?”

“Absolutely, boss,” wika ni Mark. “I’ll definitely prove it to you.”

“That’s what I wanted to hear from you,” wakas ni Dave at iniabot nito ang kamay niya at nagkamayan silang dalawa.

——

Sa loob ng selda, nakatunganga lang si Darius at tila may iniisip. Biglang naputol ang mga ito nang may tumawag sa kanyang pulis sa labas.

“Mr. Delos Santos, may bisita ka,” sabi ng pulis at binuksan ang selda. Pinosasan nito si Darius at inalalayan ito sa visiting area ng pulisya.

Sa visiting area naman ay naroon sina Cindy at Ashley kasama ang boyfriend ng huli na si Marvin. Inaantay nila ang pagdating ni Darius. Ngunit napagpasyahan nina Ashley at Marvin na mauna na.

“Mauuna na kami, Cindy,” sabi ni Ashley sa kaibigan. “May pupuntahan pa kaming dalawa.” Tumingin si Ashley kay Marvin at ngumiti nang matamis dito. “Right, honey?”

“Yes, of course,” sagot ni Marvin at iniwan na nila si Cindy na lumulobo na ang tiyan. Kasabay ng pag-alis ng dalawa ay dumating si Darius kasama ang isang pulis.

“Cindy,” bati ni Darius sa dating kalaguyo. Napansin nito na lumulobo na ang tiyan ni Cindy, “Anong nangyari sa’yo?”

Ngunit sinampal lang ni Cindy si Darius. “Anong nangyari sa akin? Ito ang nangyari sa akin! Binuntis mo ako! Di ba pangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan? Na aakuin mo ang suporta sa magiging anak natin?”

“Nabalitaan ko ang nangyari, Darius,” patuloy ni Cindy na humihikbi na. “Ginamit mo lang pala ako! Binaboy mo ang buhay ko! Napakahayop mong lalaki ka!” At sinapak nito si Darius ng shoulder bag na bitbit niya. Umiilag naman itong si Darius upang hindi siya masaktan.

“Ano ba, Cindy! Tama na!” pigil ni Darius na nagsimula nang maging emosyonal. “Hindi kita ginamit, Cindy. Ikaw lang talaga ang mahal ko. Oo, ikaw lang. Inosente ako, Cindy. Malinis ang diwa ko. Hindi ako kailanman gumagamit ng mga babae para lang sa kasiyahan ko. Ang totoo kasi, hindi pa akong nagkaka-girlfriend. Ngunit nung nakilala kita sa party ni Kobe, minahal na kita, Cindy.”

Hindi makapagsalita si Cindy sa inasal ni Darius. “Tandaan mo ito, Cindy. Sa pagpasok ko ng selda, nag-aalala ako para sa’yo. Sa magiging anak natin. Hindi ko kailanman ipinapako ang mga pangako ko. Mahal pa rin kita, Cindy. Mahal na mahal kita.”

Dito na nagsimulang maging emosyonal si Cindy. “Darius… I’m sorry… Sorry kung naging ganito ako…”

“No, Cindy; hindi ikaw ang may kasalanan dito. Ako dapat ang hihingi sa’yo ng paumanhin,” wika ni Darius na tumatabingi na ang luha sa pisngi nito. “Sorry kung bigla akong nawala dahil sa pagkakulong ko. Ilang beses na akong nag-iinsist na inosente ako, na wala akong kasalanang ginawa. Ngunit hindi sila naniniwala sa akin. Ipapangako ko lang sa’yo. Makakalabas din ako ng selda at malinis ko ang pangalan ko. At sa paglabas ko, magiging responsable akong ama sa magiging anak natin. I love you, Cindy. I love you.”

“I love you too, Darius.” sabi ni Cindy. Pagkatapos ay nagyakapan ang dalawa na parehong luhaan.

“Dito na lang ako, Princess. I can take it from here,” sabi ni Chelsea pagkababa sa sasakyan ni Princess.

“Sure ka na bang ito talaga ang pupuntahan mo?” tanong ni Princess. “I can take you everywhere you want to go. Gusto ko rin malaman kung sino ang Rod na ito.”

“No need. I’ve got this,” sagot ni Chelsea. “Madali naman makita ang meeting place.”

“Yeah, I know. But don’t you want me by your side? Just in case that guy’s a foolish disgrace?”

“There’s no need to worry about me. At remember, your guy Michael is waiting for you.”

“You’re right,” ani Princess. “Libog na libog na nga sa akin yun. And one more thing, my friend; sobra pa sa sobra ang pagka-fertile ko ngayon. Kapag hindi ako mabuntis ng hinayupak na yun, ay nako, ewan ko na lang.”

“Sige na. Go on. I’ll tell you all about it the next day.”

“You better!” natatawang wika ni Princess at pinaandar na ang sasakyan niya.

Habang nagda-drive itong si Princess ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Si Ashley ang tumatawag.

“Hello?”

“Hi, Princess. It’s me, Ashley. I have a very, very good news for you,” sabi ni Ashley sa kabilang linya.

“Oh! Seems that you’re very happy today. Ano nga ba ang balita?” tanong ni Princess.

“Finally, I’m pregnant!” sagot sa kabilang linya.

“Wow! After all these years, Ashley! Nagdadalan-tao ka na rin at last! I’m so happy for you.” Hindi makapaniwala si Princess sa naging rebelasyon ni Ashley. Ngunit masaya naman ito para sa kaibigan.

“Sino ang tatay?”

“It’s Marvin. He’s my new boyfriend and live-in partner.”

“Whoa! I want to see you both talaga,” tili ni Princess.

“Ikaw talaga, Princess, oo. Puwede ka namang bumisita sa amin kung may free time ka.”

“Salamat sa offer, Ashley! I’m going there na.” At tinapakan ni Princess ang gas ng sasakyan at nagtungo na sa bahay ni Ashley.

Samantala, lumakad si Chelsea papunta sa meeting place nila. Isang park ito na kabubukas lang na kung saan may mini-zoo, carnival at palarong pambata. Maraming mga bata na naghahabulan. Yung iba naman, naglalaro ng mga larong kadalasang nakikita sa kalye tulad ng piko, patintero, luksong-tinik at iba pa. Tila may masquerade party na nagaganap dahil naka-maskara ang mga bata at ang ibang mga tao dito sa park. Ang sabi ni Rod ay magkikita sila kung saan nakatayo ang isang fir tree.

Ngunit nalilibutan ang parke ng sandamakmak na mga fir trees! Lumapit siya sa isang puno at hinawakan ang bark nito; artipisyal ito. Pumunta naman siya sa isa pang puno. Artipisyal pa rin. Saan kaya yung sinasabi ni Rod na fir tree?

At sa punto namang ito’y nakita niya ang mataas na fir tree sa gitna ng parke. “Doon yata,” wika ni Chelsea sa sarili at nilakbayan ang daan patungo dito. At totoo nga, may isang lalaki na nakatalikod sa lilim ng fir tree. Lumakad papalapit si Chelsea at nang palapit na siya nang palapit sa punong yun ay tinawag ang pangalan ng lalaki.

“Rod?”

Humarap ang lalaki. Naka-mask ito katulad ng maskarang suot ni Rod. Ngumiti ang lalaki kay Chelsea.

“You’re so pretty.”

“Rod?”

Natigilan si Chelsea. Parang pamilyar kasi sa kanya ang tinig nito. Ilang saglit pa’y tinanggal ni Rod ang maskara niya at lumantad sa harap ni Chelsea ang tunay na mukha sa likod ng maskara ni Rod.

Si Dave.

“Dave?” pagtataka ni Chelsea na may halong gulat. “You are Rod? You were Rod all along?”

“Yes,” sagot ni Dave. “My full name is Rodney Dave Perez Erasmo. My friends used to call me Rod in my elementary and high school days. But since I went to college, most of my colleagues simply call me by my second name, Dave.”

“Did you know all this time?” tanong ni Chelsea. “All this time, you know who I really am?”

“At first, no,” sagot ni Dave. “But you didn’t changed your name at all so I added two and two and… Well, that’s how the story begins.”

Natahimik si Chelsea na medyo nalilituhan pa rin sa rebelasyong ito. Lumapit si Dave at hinagkan ang balikat ng dalaga.

“I knew that you expected Rod and not me,” ani Dave. “I can see it in your glistening blue eyes. You’re expecting someone better than I am. How I wish to the lucky stars that I could be that someone—“

“No, not at all,” wika ni Chelsea. “That’s not what I’m thinking right now.”

“It’s you,” patuloy ni Chelsea at nagsimulang gumilid ang luha sa mga mata niya. “I was really hoping that you’re him.”

Ngumiti si Dave at mahigpit na niyakap si Chelsea. Wala siyang kaalam-alam na nanggigilid na rin ang luha niya nang maglapat ang mga labi nila sa isa’t isa. Tila ayaw na nilang bumitaw pa na parang isang dekada na silang hindi nagkita.

“I love you. I love you so, so much,” ani Dave.

“I love you too, Dave,” bulong ni Chelsea kay Dave. “I really, really love you. To the moon and back.”

Hindi nila namamalayan na mayroong mga bata na nanonood sa kanila at ang iba pa dito’y umupo sa tapat ng dalawa. Nang mapansin nina Chelsea at Dave ito ay nagtawanan ang mga ito.

“Parang Kadenang Ginto,” anang isang bata. “Siya si Seth Fedelin, siya naman si Andrea Brillantes.”

“Hindi kaya!” sabad ng isa pang bata. “Parang Ang Probinsyano nga eh. Siya si Cardo Dalisay, siya naman si Alyanna!”

“Teka teka teka teka!” wika naman ng pangatlong bata. “Ang cheap naman niyan! Siya kasi si Enrique Gil, siya naman si Liza Soberano!”

“Seth!”

“Cardo!”

“Enrique!”

Natawa na lang sina Dave at Chelsea habang walang pakundang na nagtatalo ang mga bata. Nang muling makapag-isa ay may binulong si Dave kay Chelsea.

“Gift? May regalo ka for me?” sambit ni Chelsea.

“No, not for you,” sagot ni Dave at matapos nito’y ipinakita nito ang regalo. Dalawang maliliit na mga damit, isang kulay asul at isang kulay rosas.

“Hindi ko kasi alam kung anong magiging gender ng anak natin,” wika ni Dave.

“So that’s why naninigurado ka?”

“It’s the same as I’m about to do now. Chelsea, will you marry me?”

Kunyaring nag-iisip si Chelsea at tumango ito pagkatapos ng ilang segundo.

“Is that a yes?”

“Not just one YES, but a zillion YESes,” sabi ni Chelsea at muling hinalikan si Dave sa labi. “Let’s eat na. I feel so gutom na.”

“You say so? Bakit mo naman hindi sinabi sakin yun. For my wife that’s two months pregnant, we’ll go to the place na talagang mabubusog ka at hahanap-hanapin mo. Wendy’s!”

“Wow… I really couldn’t wait. Sa akin yung Baconator ha?” wika ni Chelsea at kapwa na silang lumakad patungo sa kainan.

——

————-EPILOGUE—————-

Ikinasal sa simbahan sina Dave at Chelsea na kung saan star-studded ang naging kasal nila. Few months later, nanganak ng isang malusog na baby boy si Chelsea na kung saan kuhang-kuha ang facial features ni Dave. Dahil maganda ang teamwork ng management committee team ni Dave ay nagsimulang magkaroon ng extension branches ang kumpanya nila sa ibang bansa na kung saan almost weekly ay lumilipad si Dave palabas ng Pilipinas. Three years after, nabuntis for the second time si Chelsea at babae naman ang naging anak nila.

Three months bago ikasal sina Dave at Chelsea ay nagpakasal itong sina Jessa at Ivan. Nine months later, nagsilang si Jessa ng isang healthy baby girl. Labis ang tuwa ni Jessa dahil for the first time in more than a decade ay nakaranas na rin niya ulit ang maging magulang. Si Ivan naman ay na-promote sa trabaho mula chef-in-training bilang soux chef ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.

Hindi nagkatuluyan sina Princess at Michael na sa bandang huli ay naging magkaibigan na lang. Makalipas ng isang taon, nakilala ni Princess ang isang Asian-American na may-ari ng isang bansag na information technology company sa Estados Unidos. Ikinasal si Princess sa naturang foreigner at sila’y namumuhay sa ibang bansa. Ang hindi nila alam ay mayroon palang problema ang ovary ni Princess sa estrogen production kaya hindi ito nabubuntis. Nagtungo sila ng artificial insemination na kung saan matagumpay ang operasyong ito at nagbuntis si Princess ng isang baby girl.

Lalong naglalagablab ang pag-iibigan nina Ashley at Marvin kaya’t nagpakasal din sila a year later. Di nagtagal ay nakapag-silang si Ashley ng isang bouncing baby boy na ipinangalanan nilang Marvin Jr, dahil hindi lang mukha ang pagkapareha ng bata sa tatay nito; pati na rin ang pagkamestizo nito. Umasenso na ang kanilang buhay at may kani-kanila na silang trabaho: si Ashley ay naging assistant manager ng isang kilalang kumpanya sa Pilipinas habang si Marvin nama’y isa nang world-class doctor.

Napatunayang inosente at walang sala ng hukuman si Darius at nakalabas na ito ng kulungan. Kaya nakasama na niya ulit ang kalaguyo nitong si Cindy. Ikinasal silang dalawa pansamantala sa piskal ang dalawa at matapos ma-dismiss na ang lahat ng rape charges laban kay Darius ng kataas-taasang hukuman three months later, ay sa simbahan naman silang ikinasal. Ilang buwan pa ang nakalipas ay nagsilang si Cindy ng isang baby girl na kuhang-kuha ang complexion ni Cindy at mga mata ni Darius. Di nagtagal ay nakapag-trabaho na rin si Darius bilang isang law professor. Two years later, umasenso ang buhay nilang dalawa at muling nagsilang si Cindy ng isa pang batang babae.

Nagdusa pa rin si Joshua sa loob ng kulungan dahil sa nagawa niyang pangha-harass kay Princess noon. Ilang taon din siyang nagdusa sa loob ng selda niya, at dahil sa malnutrisyon at heart failure ay pumanaw din ito. Binigyan naman si Joshua ng proper burial ng kanyang pamilya ngunit hindi na nagawang bisitahin ni Princess ang puntod ng ex-boyfriend niya dahil may sarili na itong buhay.

Hindi nagtagal si Kyla sa kumpanya at lumipat din siya sa iba 90 days after ikasal sina Dave at Chelsea. Dahil hindi maganda ang ugali nito ay hindi na ito nakapag-asawa. Ngunit on the flip side, nakapag-ipon ito ng malaking halaga ng pera upang maging co-franchisee ng isang outlet ng Kenny Rogers’ Roasters. Tumigil na sa pagtatrabaho si Kyla at sa halip ay naging investor na lang siya sa Philippine Stock Exchange na kung saan natutunan niyang palaguin ang kanyang pera at net worth.

And for those of you who are wondering kung bakit magkaiba ang surname ni Dave sa ama nito na si Mr. Pamintuan, ito’y dahil womanizer ang ama ni Dave noong araw. Nabuntis nito ang ina ni Dave na Erasmo ang apelyido at 15 years nang itinatago si Dave sa kanyang tatay. Nang maka-graduate ng college si Dave ay nagpakilala ito kay Mr. Pamintuan at binigyan siya ng trabaho na researcher muna bago siya naging management committee leader. Tuluyan nang nag-retiro si Mr. Pamintuan na ang tanging kasiyahan sa buhay ngayo’y ang alagaan ang mga apo at apo sa tuhod niya sa tuwing bumibisita ang mga ito sa kanya.

—-WAKAS—-

Scroll to Top