(Ang nakaraan: Nakumbinsi na rin ni Reymark si Irish na bigyan ito ng anak. Ayon kay Reymark, ito ang kanyang “ultimate gift” para sa kaarawan ng nobya niya. Alamin ang magiging bunga ng kanilang pagmamahalan.
Pumunta si Krisha sa bahay ni Daryl upang sabihin ang kanyang nararamdaman tungkol sa pagbubuntis ni Andrea sa nobyo nito. Ganoon rin ang pakay ni Andrea nang puntahan rin ito ang boyfriend niyang si Miko. Nais niyang sabihin kay Miko ang tungkol sa pagdadalan-tao nito. Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng kanilang usapan? Alamin sa kabanata na ito…)
——–
“How in the world could you do this, Daryl?” galit na wika ni Krisha habang tumingala ang ulo ni Daryl at nakaupo sa upuan.
“We always have an understanding… Open sex, swinging, things like that,” patuloy ni Krisha.”But why do you need to impregnate Andrea? Bakit ba sa lahat ng mga babaing bubuntisin mo, ang bestfriend ko pa?”
“I’m very sorry, Krisha,” mahinang tugon ni Daryl.
“Now you’re truly sorry!” sagot ni Krisha. “Pinag-iisipan mo ba ito ng maigi habang kinakantot mo siya?! Alam mo naman na fertile siya. Alam mo naman na kapag tuloy-tuloy ang ginagawa mo sa kanya, there’s a big possibility na mabuntis mo siya!”
“No! I didn’t think of that, alright!” sigaw ni Daryl na mataas ang boses. “Tinamaan kami ng malubhang libog! Hindi lang naman ako, Krisha; si Andrea rin. We had lost our sanity that time!”
Hindi kumibo si Krisha at umupo sa upuan sa harap ni Daryl.
“Krisha…” patuloy ni Daryl. “Alam kong masama ang sitwasyon na ito. I know that. Pero hindi pa rin nagbabago ang paningin ko sa’yo. I still love you.”
Umiling si Krisha.
“Daryl, kung talagang mahal mo ako, sana nama’y nag-ingat ka. Kung talagang mahal mo ako, sana ako ang palaging iniisip mo.”
“Daryl,” puna ni Krisha, “boyfriend ng kaibigan mo si Andrea. How do you think Miko will react if nalaman niya na hindi sa kanya ang anak na dinadala ngayon ni Andrea?”
“It always runs on my mind,” sagot ni Daryl. “Every. Single. Day. It never fades in my mind,”
“Ngayon,” usisa ni Krisha. “Ano ang balak mo sa magiging anak niyo ni Andrea?”
Nakatungo lang si Daryl; tahimik. Muling umiling si Krisha. Sa isip niya ngayon, nagkamali siya sa lalaking ginusto niya. Ang akala niya noon, isang lalaking may sariling desisyon si Daryl at may determinasyon. Ngunit lumalabas naman na mas masahol pa pala sa bata ang ugali nito. Hindi marunong gumawa ng tamang desisyon.
“I thought so,” sabi ni Krisha at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. Akmang lalabas na siya ng dorm para umalis nang magsalita si Daryl.
“I’ll tell Miko about this,” sagot nito.
Namangha si Krisha sa sinabi ni Daryl. Tumingala si Daryl kay Krisha at nakatingin ito sa kanya. “Yes, I’ll tell everything.”
“So that’s your plan?”
“You think there’s a better plan than that?” ani Daryl. “Miko needs to know about it. After all, kung hindi naman niya tayo niyaya sa motel, hindi ko sana matitikman si Andrea.”
“So now, isusumbong mo kay Miko ang ginawa niyo ni Andrea?”
“No, it’s not like that,” sagot ni Daryl. “Don’t think of it bilang isang pagsusumbong. Kailangang malaman ni Miko ang katotohanan dahil bestfriend ko siya at boyfriend siya ng bestfriend mo. He needs to know that it’s never my plan to steal Andrea from him. Nauwi lang sa matinding libog ang nangyari sa amin kaya namin nagawa yun. Kailangan niyang malaman dahil siya naman ang nag-suggest ng idea sa atin.”
“…but what if he doesn’t take it lightly?” usisa ni Krisha.
“Nakahanda ako sa posibleng mangyari,” wika ni Daryl. “Nakahanda din akong panagutan ang anak namin ni Andrea. Should Miko will split up with her or not.”
Napatulala naman si Krisha sa tinuran ni Daryl. Kung hihiwalayan ni Miko si Andrea, mawawala sa kanya si Daryl. Naramdaman ni Krisha na tila may dalang sako ng bigas ang dibdib niya sa realisasyon na mapupunta kay Andrea si Daryl. Ngunit ano ang magiging karapatan niya kay Daryl? Mas magkakaroon ng karapatan ngayon si Andrea dahil pinagbubuntis nito ang anak ng kalaguyo. Hindi napansin ni Krisha na tumulo ang luha sa mga mata niya.
“Krisha?” tanong ni Daryl nang biglang tumahimik ang dalaga. Inilayo ni Krisha ang mga mata niya kay Daryl.
“I have to go,” sagot nito sa nanginginig na tinig at matuling lumisan ng dorm.
“Krisha?” sambit ni Daryl na may halong pagtataka.
——-
“What? Tama ba ang naririnig ko?”
Tumango si Andrea. “Yes. I’m pregnant.”
Ngumiti si Miko. “That’s a great news!”
Dagliang tumingin si Andrea kay Miko; nanginginig ang tinig nito. “No, it isn’t…”
Natigilan si Miko. “Huh? What do you mean?”
“Miko, pinagbubuntis ko ang anak ko… Hindi sa iyo…”
“What?” nagtatakang tanong ni Miko.
“Hindi ikaw ang ama ng dinadala ko, Miko,” usisa ni Andrea. “The child is not yours.”
Napatahimik si Miko at nakatingin lang kay Andrea. Ilang sandali pa’y nagsalita rin si Miko.
“Kilala ko ba ang ama ng dindala mo ngayon?”
Tumingin ulit si Andrea kay Miko. Nakaunot ang noo ni Miko na parang pinipigilan niya ang nararamdaman niyang pangangalaiti. Inulit ni Miko ang tanong.
“Kilala ko ba ang ama ng dinadala mo ngayon?”
Tumango si Andrea. “Si Daryl.”
Umiiling-iling si Miko. “Now I know… Kaya pala…”
Maya-maya’y tahimik na tumayo ito. Hinawakan ni Andrea ang kamay ni Miko pero parang humawak siya sa kamay ng mannequin. Tahimik na lumabas ng kuwarto si Miko. Maya-maya’y narinig ni Andrea ang pagsara ng pinto ng bahay.
Lumisan ng bahay si Miko.
——
Bumukas ang pintuan ng apartment ni Krisha. Agad na pumasok ang dalaga at dito niya ibinuhos ang sama ng loob niya.
Mahal pa rin niya pala si Daryl.
Nang kausap ni Krisha si Andrea, nasa isip na niya na makikipaghiwalay na siya kay Daryl. Mabigat ang ginawang kasalanan ng binata sa kanya kaya’t hindi na niya pagtatagalin ang relasyon nila. Ngunit hindi niya akalain na masasaktan siya ng todo sa sinabi ng binata. Hindi niya akalain na masasaktan siya dahil maaaring mawala si Daryl sa buhay niya.
“Bakit ba ganito?” sabi ni Krisha sa sarili. “Bakit ba ako pa ang nasasaktan?”
Umupo si Krisha sa sofa. Umaagos pa rin ang luha sa kanyang mga mata. Paano nga kung talagang mawawala sa kanya si Daryl? Kaya ba niyang mawala ang kasintahan sa buhay niya?
“Daryl…” sambit niya sa sarili. “Why does it need to happen…”
——
Nasa labas ngayon si Ryan at galing siya sa supermarket. Bitbit nito ang kanyang pinamili na groceries. Dahil gabi na at malayo ang subdivision ay sumakay ito ng tricycle. Ilang minuto pa ang nakalipas ay bumaba na si Ryan at nagbayad ng pamasahe sa driver.
Dahil nasa kabilang kalye ang subdivision na tinitirhan ni Ryan, kailangan nitong tumawid. Tumingin si Ryan sa kaliwa at kanan habang tumawid. Sinigurado niya na walang dumadaan na sasakyan habang siya’y tumatawid.
Maya-maya pa’y nakarinig siya ng mabilis na takbo ng sasakyan! Bumusina ang sasakyan na iyon, ngunit biglang nadaganan si Ryan. Sa sobrang lakas ng impact ng pagkabangga niya ay tumilapon siya ng ilang metro. Tumilapon din ang kanyang groceries na dala niya. Nang bumagsak si Ryan sa lupa ay duguan ang ulo nito. Tumigil ang sasakyan at bumaba ang driver at tinignan ang nabangga nito. Nakarinig si Ryan ng mga sigawan at tili ng mga babae. Nagsimulang sumikip ang pakiramdam niya at hindi makahinga. Nang tingnan niya ang mga kamay niya’y nakita niyang may scratches ito at umagos ang dugo nito.
Nakahiga si Ryan sa kalsada at nagsimulang lumabo ang mga paningin niya. Hindi din niya napansin ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang ulo. Sa harap niya ay ang sasakyang nakabangga kay Ryan. Hindi na niya nagawang makilala ang driver na nakabangga sa kanya dahil nakaalis na ito nang mabilis. Sumara ang mga mata ni Ryan at tuluyang nawalan ng malay. Pinagpiyestahan ng mga tao ang eksena at di nagtagal ay may dumating na ambulansya at hinatid ito sa ospital.
——
Masaya ngayon si Irish nang malaman niyang positive ang naging eva test nito. Three months pregnant na si Irish at ayon sa pagsusuri ng ultrasound na ginawa niya kamakailan, babae ang kasarian ng anak niya. Nalaman din ito ni Reymark at labis naman ang kasiyahan nito.
Kasalukuyang nanood ng teleserye si Irish at di nagtagal ay nag-commercial break ang palabas. Ilang sandali pa’y naantala ang palabas dahil sa isang breaking news.
“Natagpuang patay ang isang lalaki na hinihinalang biktima ng hit and run sa Miracle Subdivision sa lungsod ng Makati. Nakilala ang biktima na si Ryan Pembelton at residente ng nasabing lugar…”
Habang nanood si Irish ay hindi ito makapaniwala sa balita. Nakita niyang nakahandusay ang katawan ng walang malay na Ryan na duguan at parang nabubulok na sibuyas ang itsura. Tumulo ang luha ni Irish nang malaman niyang dineklara siyang dead on arrival. Malungkot na malungkot si Irish sa narinig. Bumalik sa mga alaala niya ang mga panahong kasama nila ito sa pagrereview sa Quiz Bowl ng MidOne palaro. Nasaktan ang dalaga at nagdadamhati ito sa biglang pagkamatay ng adviser nila.
Misteryoso pa rin ang driver ng sasakyan na nakabangga kay Ryan.
—-ITUTULOY—-