Jeepney part 11

ni El Nunal

It’s been 3 months, na kahit hi or hello mula kay Jamaica ay wala akong natatangap, kahit email wala. It’s been 3 months na din since huli kaming magkita ni Janette, she never shows up what happened sa amin. I had no idea kung ano nang balita kay Jamaica. I always make stupid attempts to call her number kahit alam na di ko siya matatawagan. Sa work, that time, Amanda rarely show na din as well. I was feeling down lost and desperate, but I don’t let this things affect my work, I always smile with my co – workers at hindi nila alam na meron akong problemang dinadala, magaling kasi akong magtago nang problema. Nakikipaglokohan pa nga ako at nakikipaginuman and never ko inoopen to sa kahit kanino maliban na lamang sa mga kaibigan ko talaga, especially my bestfriend. Naginom kami noon sa tambayan namin and he asked me

“So sa tingin mo ano nang status nyo?”

“tong nina nga pre di ko alam, nangako siya akin tatawag siya, magtetext, pero wala akong idea kung nasaan siya, kung ok pa ba siya o buhay pa ba siya”

“Allam mo, wag naman sana, pero sa tingin ko, meron na siyang iba doon sa Japan, pre look at the fact between age difference, maybe she meet some guy same as her age at nagkapalagayan nang loob, wag mong masamain ang sinabi ko ha, but reality bites”

“tong nina pre, di ko alam, yan ang least reason na iniisip ko, pero tong nina talaga…”

that night, umuwi ako sa bahay na lasing, my sister was there and she was angry kasi for the past 3 months, lagi akong nakainom kung umuwi, but that time, wala akong pake sa ate ko noon, I was feeling down and broken. Then sumapit na ang new year, 2009, its almost a year na, still, wala pa din ako natatangap na kahit anong mensahe kay Jamaica. I feel like a dirt that day, January 15,2009, habang naglalakad lakad ako sa mall, nagulat ako dahil may biglang kumalabit sa likod ko, paglingon ko natuwa ako, it’s Janette, and she had a new hair cut, maikli na ang buhok niya pero bagay sa kanya.

“Kumusta ka na?!”

“Eto… ok naman… ikaw?”

“Eto… ok din naman… anong balita sayo… bakit di ka manlang makadalaw sa bahay?”

“Di ka naman nagrereply sa mga text ko eh…”

“Ay uu nga pala, I lost my phone eh, then nagpalit ako nang sim card at nang subsriber teka here’s my number”

kumuha siya nang papel at balpen sa bag niya at sinulat ang number niya. Then she hugged me

“Namiss kita…”

then ang reason kung bakit ako natuwa talaga eh dahil matatanong ko na sa kanya kung ano na ang balita kay Jamaica pero bago ko pa siya tanungin she suddenly asks me if I had a moment to talk so inaya ko siyang kumain muna sa food court at umorder kami nang pagkain at dun niya sinabi

“El Nunal… remember the guy that ate Jamaica’s lving in with?”

“Si PJ, teka… paano naman napasok sa usapan yung lalake na yun…”

she then gets an envelope on her bag, and she gave it to me

“Lagi ko yang dala… kasi nga nagbabakasakali ako na makita kita somewhere here since alam ko na gala ka dito”

then binuksan ko ang sulat, it was dated last Novermber pa
(this was the same shit na nakalagy sa sulat, I still keep at as a memory of my foolishness hahaha)

“Dear Janette,

Kumusta naman kayo dyan sa Pinas, right now, masaya naman ako, nagagawa ko na ang lahat nang gusto ko and the best part is I found my father here, and we are reunited, meron na siyang ibang pamilya, Filipina din and she welcomed me with whole heart, the treat as one of them, ang saya saya ko, my father owns a fishery and plant agriculture here. Ang saya saya ko dito ngaun, nabuo na kaming pamilya, kahit wala na si Mama, alam ko na masaya siya para sa akin. Janette, nagulat din ako at nakita ko dito si PJ sa Japan, working as a waiter and ang laki nang pinagbago niya, he was trully a changed man, at niligawan niya ulet ako, siguro dahil sa sobrang pagkamiss ko kay El Nunal sa Pilipinas, sinubukan ko lang na makipagrelasyon ulit kay PJ, alam kong napakatanga ko para gawin ito, pero di ko alam na meron pa din pala akong nararamdaman sa kanya at nagkahulugan ulit kami nang loob. I feel guilty at that moment pero, alam kong maiintidihan niya din ako kung bakit ako nagkaganito, minhal ko siya nang sobra, pero, sa tingin ko ay mas mahal ko padin ang kababata ko. He really was changed, ngaun nga ako pa ang nanakit sa kanya pag wala ako sa mood, my father and my mother already meet him, at kinuha siya ni papa na kanang kamay sa mga business niya and inexchange, we are married. The reason kung bakit di na ako nagparamdam pa kay El Nunal ay dahil ayaw ko na siyang masaktan pa, wala na din akong mukhang maihaharap sa kanya matapos ang nangyari. I am asking you a favor to let him know na I am very thankful on what he did for me, na kami ang magkasama, he helped me a alot and I am really thankful to him. I really don’t have the guts to say this to him so if ever na makita mo siya, kindly gave him the letter na kasama nito, di ko na inaddress sa kanila, mas ok na ikaw na mismo ang magbigay sa kanya nang personal, by the way papadalhan kita nang pera after ko sumahod, madami kasi akong parokyano ngaun at lahat sila ay naaliw sa pagkanta ko, pakiabot na lang sa kanya ang sulat,break to him gently, I know that I guy like him doesn’t deserver this kind of treatment pero wala ako magagawa, talagang mahal ko pa din si PJ at ngaung kasal na kami, wala na akong magagawa pa kundi putulin na ang namuong relasyon namin. Sana masabi mo to sa kanya

Jam”

at habang binabasa ko ito, di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, then lumapit sa akin si Janette and she hugged me, at di ko napigilan na lumuha sa kanya nang mga oras na iyon at hinahaplos niya ang aking ulo noon at umiyak ako sa kanya, kahit nakakahiya man noon, at pinagtitinginan ako nang mga tao, wala akong pakielam noon, ang sulat na sinasabi ni Jamaica ay minabuti ko nang di kunin kay Janette noong mga panahon na yun, she also cried with me, siguro naawa siya sa akin dahil niya kung gaano ko kamahal ang pinsan niya. That day, was one of the shitiest baddest saddest day of my freakin life. Nang medyo nahimasmasan ako sa pagiyak, Janette then asked me if I wanted to go somewhere but I refused and umuwi na lamang ako at paguwi ko sa bahay, sinermonan ako nang ate ko kasi akala niya ako eh lasing na, walang sabi sabi habang pinapagalitan niya ako ay niyakap ko siya at sa ate ko ako mismo umiyak, I cried like a girl that day, mali, para palang baka (hahahaha nahihiya ako noon kasi para talaga akong umaatungal na baka) at niyakap ako nang ate ko at pumasok ako nang kwarto noon at itinulog na lamang ang lahat. Then I texted Janette and thanked her a lot atleast alam ko na ngayon pala dapat ko nang tigilan ang paghihintay sa kanya..

Everyone here I guess know the song “Jeepney” by Spongecola, and this song means a lot to me, that’s why I entitle this story Jeepney…

Papasok ako nang trabaho that time, and I meet manong driver along the way, at ang Jeep niya na madalas naming sakyan

“Aba boss, magisa ka na ata…”

Ngumiti na lamang ako at mukhang nakuha naman ni manong ang aking gustong sabihin, malamang kitang kita sa akin na malungkot ako noong mga oras na yun, and he offered me a free ride on his jeepney.

.At umupo ako sa front seat kung saan kami madalas magkatabi… I touched the empty seat beside me, remembering the past… all the gimiks and the gig na pinuntahan namin, mga araw na lagi siyang dumadantay sa aking balikat… mga araw na nagbibiruan kami at pinagtritripan ang mga nakikita namin habang bumibiyahe. Bumaba ako sa jeepney at nagapasalamat kay manong and then he shouts

“Boss kaya mo yan…”

at umandar na ito, then dumaan din ako sa may food court at umupo sa pwesto na madalas naming upuan. The seat was vacant that time so umupo muna ako doon, bumabalik ang mga alala na kaming dalawa ay nagsusubuan at nagaagawan nang pagkain pag nandoon kami. I look to the couples who we’re eating happy so medyo naingit ako kaya naman umalis na ako doon, at umakyat sa may 4th floor at nadaanan ko ang dating pinagtratrabahuhan ni Jamaica that time. I stand on the same spot kung saan natatandaan ko na mas pinili niya ako over PJ nung time na sinusuyo siya nang lalake. Then, My phone rang, when I checked it, it’s Janette

“Hello?”

“El Nunal, nasaan ka ngayon?”

“Eto… nasa Megamall, nagpapalipas oras, sinusubakan maging masaya… bakit?”

“Gusto mo ba samahan kita, wala kasi ako pasok ngayon… If you want we can go somewhere… gusto mo ba?”

“Wag na lang muna siguro ngayon…”

“Please don’t push me away… I just want to help”

“You already done so much for me… I appreciate the offer but right now I rather be alone, hope you understand”

then binaba ko yung phone though naririnig ko pa siya na may sinasabi. Then, I watched a movie sa sinehan, “Dawn of the Dead”, I just bought a ticket and a bottle of C2 and watch. Di ko alam kung ilang oras ako sa loob nang sine, basta ang alam ko, paglabas ko, nang mall, madilim na, and then I checked my phone and nagulat ako kasi I already got 18 messages lahat galing kay Janette. Karamihan nang text ay tinatanong ako kung nasaan ako, kumusta na ako, ano ginagawa ko. Then nabasa ko yung last 3 messages and as far as I remember it says

“I’ll be waiting here at Green Fields sa likod nang Edsa Central”

“Still here waiting with my friends ”

and the lates message I recieved

“Still here staring at the sky looking sa mga stars, saan ka na ba?”

medyo napaisip ako, nandun pa din kaya siya, so sinubukan kong dumaan, pero wala akong naabutang Janette, just random people chatting, sitting and gazing on the sky. I looked up and saw a lot of stars, mukhang maganda ang panahon. Then I sat in the grass and stare at the stars, while I’m thinking things over and looking up in the sky, someone sat besides me and my surprise, it was Janette, she was wearing a college uniform (I forgot the university but sa naalala ko eh green na palda ang suot niya or more likely a skirt) and she smiled at me. I just looked at her and then looked again up in the sky. She then started talking

“Ang ganda nang langit no? Wala manlang kaulap ulap, kitang kita mga bituin”

then I asked her

“How long are waiting here, I just checked my CP kanina lang”

“Di ko alam eh, 3 hours or 4 hours maybe…”

napatingin ako sa kanya and she was looking at me while smiling

“Seryoso ka? Ganun ka katagal naghintay?Bakit ka naman nagpakatunganga dito nang apat na oras?”

“Hinihintay kita… I did not lose hope na baka dumaan ka dito at di nga ako nagkamali”

“Anong ginawa mo nang apat na oras dito?”

“Wala, just waiting, nadaanan lang ako nang mga klasmate ko so medyo sinamahan nila ako sandali tapos nung sinasama na nila ako sabi ko meron lang akong hinihintay”

then I saw someone drinking Starbucks so I asked her

“Gusto mong uminom nang kape? Starbucks tayo… my treat.”

she stood up and hinila ako patayo

“Tara! dali dali! Kanina pa nga ako kapeng kape eh!”

then she was dragging me all the way sa Starbucks, and it brings back some memories as well (I remembered Bianca hahaha) and we sat down outside. She then started telling stories about what’s happening to her, kung ano ang ginagawa niya and then I asked her

“Ano nga pala course?”

“BS Education, I’m planning on appling as a teacher abroad after magkaroon ako nang experience dito sa Pinas”

“I see, nagtratrabaho ka din ba as well?”

“Nope, di na ako nagwowork, meron na naman kasi nagpapadala sa akin eh”

then nanahimik ako, she then realized na naisip ko eh si Jamaica ang nagpapadala sa kanya so she smiled and holds my hands

“Si Papa ang nagpapadala sa akin, I never accepted anything from Ate Jam right now, sinabihan ko kasi siya na magipon na lang”

then dumating na yung inorder naming kape and she then asked me

“Pwede mo ba akong samahan sa mga kaklase ko after this?”

“I don’t know, I’m not in the mood for….”

but before I could continue what I am saying, she shuts my mouth by putting her hands to cover it and she smiled

“Wag ka nang umangal pa… don’t worry akong bahala sayo, nagpadala kanina si Papa, since sobra sobra naman yung pera na pinadala nya, libre na lang kita ok ba yun?”

so di na kao nagsalita pa at tahimik na lamang na sumama sa kanya. Di ko alam pero parang malayo na din ang loob ko noon kay Janette unlike before pero pagnaglalakad siya at nakatalikod, I am seeing an image of Jamaica in her, and infact, she is now as fair as Jamaica. Then she looked at me at hinila ako sa tabi niya

“Ano ka ba, wag ka naman sa likod ko hahahaha sabayan mo nga akong maglakad hahaha”

Sabay kaming naglalakad, tahimik lang kami noon at di sadyang nagkakabanggaan ang aming mga kamay, then, di ko alam kung bakit pero naisipan ko nalang hawakan ang kamay niya, di naman niya ito inalis at hinigpitan pa ang hawak niya dito. Then nakarating kami sa may Mcdonalds and I saw a couple of students same as her uniform and she said

“Ayun, nandun sila… tara..”

then she intoduced me to her classmates, not as a boyfriend that time but just friend, then one of her classmates gave her a box of chocolate and a teddy bear as well.

“Wooo! Ayan Janette! Binigay na sayo yung hinihiling mong gift!”

then napatingin ako sa kanya and she smiled at me, then I asked her

“Birthday mo ba ngaun?”

“Yup!” then she held her hands

“Gift ko?” then she smiled, and then inapiran ko yung kamay nya

“Ayan ang gift ko”

“Ang daya mo pa nga”

then we sat with her classmates and then she still asks me for her gift, so I told her to close her eyes and when she did, I kissed her on her lips at lahat nang classmates niya ay nagsigawan sa kilig

“Aiii!!!! Ang sweet!!! Grabe!!!”

she was surprised on what I did, para sa akin that time, it was just a mere plain kiss, hinde ko nga alam kung bakit ko ginawa yun, I guess I just need someone to kiss back then, and she blushed at hinataw ako

“Di naman yung gift na gusto ko eh! Grabeh ka!”

then inaasar siya nang mga klasmate niya

“Wooo! Ayaw pa?! Gusto naman! Pavirgin ka pa!!!”

at nagtawanan sila. She then looked at me and she was like upset or something. Then after nung kainan, naghiwahiwalay sila at kami na lang ni Janette ang magkasama that time, and then she asked me

“Ano yung ginawa mo kanina?”

“Alin?”

“Anong alin? Bakit mo ko hinalikan?”

di ako nakasagot sa kanya, she was looking at me and she was, I guess, is waiting for a good answer. Di ko alam kung anong sasabihin ko so I just smiled at her and she was not happy with my answer. She then told me

“Kung hinalikan mo ko dahil mahal mo ko, matatangap ko pa yun, pero kung ginawa mo yun dahil naalala mo si Ate Jamaica… forget it… I don’t want to be used, gawing panakip butas, wag mo naman sanang abusuhin porket alam mo na meron din akong pagtingin sayo”

then I guess what she was saying was true… I’m just looking for someone na maaring gawing panakip butas that time. I hugged her and apologize

“I’m sorry… I really do… ayaw kong masira kung ano man ang meron tayo ngaun, kung mahihintay mo ko… at nakalimutan ko na si Ate Jamaica mo… babalikan kita…”

she then hugged me back, and that was the last day I seen her. She never shows up to me again, and I guess she changed number as well kasi when I am calling her, it is always unavailable pero mas maganda na din siguro ang nangyari kasi as time goes by, mas nafocus ako noon sa work, and I finally realized that Jamaica is not the only girl in the world that I can be with. When my contract end sa Titio ni Amanda, di na ako nagrenew and nagapply na for what I really want to be that time, a call center agent, and I applied in different company lucky I got hired and this is when I already forgotten what I feel about Jamaica. Nakakatuwa lang talaga kasi kung kelan di mo na hinahanap at tska naman nagpapakita, I bumped with one of the agents on my training days and with my surprise, it’s Amanda.

Scroll to Top