ni Fiction-Factory
(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)
I’ve been in so many different relationship but I never been this happy.
No commitment. No attachment. No feelings. No emotions. No love. And most of all, no pain.
Ilalahad ko ang kwento ko sa pangalang Jennilyn. 29 years old ako ngayon. Single pa rin sa kabila ng kagandahan ko.
Oo, maganda ako, at dahil do’n kaya nagkandaletse-letse ang buhay ko.
Sixteen ako nung unang magkaboyfriend, at sya rin ang naka-una sa’kin. Ibinigay ko ang virginity ko sa kanya, ang unang pagkakamaling nagawa ko sa buhay dalaga ko.
Minahal ko sya pero iniwan nya lang ako’t pinagpalit sa iba. Masamang-masama ang loob ko nung mag-breakup kami, at do’n pumasok ang ikalawang lalaki sa buhay ko. Sa konting malasakit na pinakita nya, sinagot ko agad sya at ilang buwan lang isinuko ko narin ang pagkababae ko sa kanya.
Tama! Iniwan lang din nya ako. Katawan ko lang ang habol nya. Hindi ako nadala, pumasok sa buhay ko ang ikatlong lalaki. Tulad nung dalawang nauna, matapos nyang makuha ang buong pagkababae ko, iniwan lang din nya ako.
At hindi pa do’n nagtatapos ang kagagahan ko. Every quarter of the year, iba-iba ang nagiging boyfriend ko, at lahat sila pinagbigyan ko. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko nagmahal lang ako.
At lahat ng lalaking minahal ko, naikama ako.
Hanggang sa mauntog ang ulo ko at natauhan. Dumating sa puntong nagsawa ako at nagmanhid ang puso ko dahil sa patong-patong na sakit na dulot ng pag-ibig. Ang walang kwentang pag-ibig.
Sa ngayon, hindi na ako naniniwala sa pag-ibig. Para lang yan sa mga mapanghangad na nakikipaglokohan sa kapwa mapanghangad. Nakikipagplastikan para lang hindi masaktan! Mga pangakong napapako! Ginagawa ang lahat para mapasaya ang isa’t-isa pero sa bandang huli putcha magkakasakitan lang!
Nagpapakamanhid.
Nagpapakamartyr.
Pero kapag nakatalikod halos ilabas na ay dugo sa mata.
Away-bati, oo, away-bati, at oo, sa huli away nalang wala ng bati!
Takot na ako sa mga lalaki. Ayoko ng magka-boyfriend. Punong-puno na ako ng pangamba. Para sa’kin, ang mga lalaki pare-pareho na lang. Mambobola, manloloko. Liligawan ka para matali sayo, pero kapag nakuha ka na, aawayin ka para makalas ang taling sila rin ang pumulupot. Iiwan kang sugatan at wala na silang pakialam sayo. Fuck!
Lalong tumindi ang paniniwala ko sa bagay na ito buhat nung hiwalayan ni Papa si Mama. Imagine, malalaki na kaming mga anak nya pero nagawa parin nya kaming iwan at makipaghiwalay kay Mama, at ano? Ayun, sumama sa ibang babae.
Mula no’n pinangako ko na sa sarili ko na ‘di na ‘ko muling iibig pa. Hindi na ako magmamahal para hindi na ako masaktan pa. Naging bato ang puso ko. Ayoko na!
Hindi porke walang lovelife, wala na ring sexlife. Meron pa! In fact, sa aming mga babae madaling humila ng lalaki pero hindi ako basta-basta nakikipag-sex sa kung sino man, dahil sa tawag-ng-laman may isang lalaking pumupuno ng lahat ng pangangailangan ng aking katawan, ang bestfriend ko, si Patrick.
Sa twing maghahanap ang katawan ko ng katawan ng lalaki, si Patrick ang nagpapaligaya sa akin.
Matagal na kaming magkakilala ni Patrick. Sya ang tinuturin kong bestfriend since high school. Kung may isang tao na nakasubaybay ng talambuhay ko, at kilala ako ng buong-buo, si Patrick na ‘yon.
Nung una nga hindi ako naniniwala sa opposite sex friendship eh! Alam ko kase ‘pag gano’n siguradong magkaka-ibigan din, matutukso sa isa’t-isa o pwede ring one sided love, pero ako mismo hindi makapaniwalang tatagal ang pagkakaibigan namin ng walang ‘talo-talo’.
Siguro dahil hindi ko sya type. Pa’no ba naman, kung manamit sya ang baduy, samahan pa ng flock-of-seagull nyang hairstyle, makaluma, tapos balbasarado pa sya, at yung nakakadistract talaga eh yung bilog nyang salamin, mala-harry potter, feeling genius ba.
Sa dirty looks nya, imposibleng magka-interes talaga ako sa kanya.
Ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi rin sya nagkakagusto sa’kin, samantalang napakaganda ko, mula mukha hanggang katawan. Mala-Bridget Suarez looks, pero parang walang dating sa kanya. Iniisip ko na baka nirerespeto lang talaga nya ako bilang kaibigan.
Lahat ng mga lalaking nagdaan sa buhay ko alam ni Patrick, pati na ang katotohanang nagpagalaw ako sa bawat ex-bf ko. Wala akong iniliham sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kapanatag ang loob ko sa kanya na pati pribado kong buhay ipinapaalam ko sa kanya. Ito ba yung tinatawag nilang ‘tiwala’?
Marahil yun din ang dahilan ni Patrick kung bakit hindi nya ako nililigawan. Kahit pa super duper close kami, kahit pa open na open sya sa pamilya ko. Malamang mababang uri ng babae ang tingin nya sa’kin kaya ganun.
Aaminin ko na isa akong liberated person. Ginusto ko ring magpahalay sa mga expired boyfriend ko. Putcha naman! Makatikim lang ako ng alak mag-iinit na agad katawan ko. Yun ang naging problema ko at talagang pinagsisisihan ko.
Kaya siguro walang nagmahal sa’kin, kaya siguro katawan ko lang ang habol nila dahil na rin sa pagiging liberated ko at sa mga kinikilos ko, dahil sa kung ano ang nakikita nila sa akin!
Tunghayan natin ang mala-life-changing-story ko. Kung paano nag-iba ang ikot ng mundo ko. Kung paano binago ng tadhana ang kapalaran ko. Nag-iba ang tingin ko sa buhay, nag-iba ang pananaw ko sa pag-ibig. At ang lahat ng ito ay nangyari na parang isang kisapmata lang.
(This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this story to an actual living or non-living is definitely coincidental. Please do not continue reading if you are below 18 years of age.)
Alas-tres y medya na ng hapon nang magising ako. Putcha, talaga atang kain-tulog na lang ang papel ko sa bahay na ‘to! Lahat na ata ng kamalasan sa mundo sinalo ko na!
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Umupo ako saglit, huminga ng malalim. Woohh…
Nakakalungkot… Bumabalik na naman sa akin ang lumipas! Kailan ba ako tatantanan ng nagdaan? Mga kabiguan sa lalaki! Sana pala pinagbutihan ko na lang pag-aaral ko! Kainis!
“O, mukhang malalim yang iniisip mo ha? ‘wag mo gaanong dibdibin, makakahanap ka rin ng trabaho…”
Biglang naputol ang pagmumuni-muni ko nang dumating si Patrick. Napatindig pa ako sa kinauupuan kong monoblock chair.
“Ah. Ikaw talaga! Lagi ka nalang nanggugulat! Hindi naman ‘yon iniisip ko eh!”
tugon ko.
“Uy pizza!”
at biglang sumigla ang aura ko nang ilatag nya sa ibabaw ng mesa sa tapat ko ang dalawang box ng pizza.
“At ano naman iniisip mo aber?”
sabay hugot sa bakanteng upuan at tumabi sya sa’kin.
“Huwag mong sabihing hindi ka pa naka-get over dun sa huli mong syota?”
patuloy nya.
“Hindi noh!”
pero ang totoo tama sya.
“Eh kung ako nalang sana minahal mo. Hindi ka sana nasasaktan ng ganyan!”
hindi ko alam kung ito nga ba ang eksaktong narinig kong binubulong nya.
“Ano kamo?”
pagkumpirma ko.
“Ah. Wala wala! Ansabi ko kainin na lang na’tin ‘tong pizza!”
kunwari pa sya! Kainis! Ba’t kase ‘di ko narinig ng malinaw eh!
“Teka! Wala ka atang pasok ngayon?”
naitanong ko nalang.
“Wala eh. Nag-leave ako. Samahan mo ‘ko mamaya, ililibre kita.”
“Ah talaga? Sa’n naman, at bakit ka nag-leave?”
“Nakalimutan mo na ba Jen?”
Napahinto ako sa pagkagat ng pizza,
“Ang alin?”
“Diba birthday mo ngayon? Inom tayo sa labas mamaya! Ililibre kita, alam ko kase na wala kang panlibre sa akin.”
Oo nga pala birthday ko ngayon. Twenty-eight na ako. Tumatanda na talaga ako. Infairness naalala nya ha!
“Huh! Ang yabang! Porke government employee ka na ngayon! ‘wag kang mag-alala ‘pag nakahanap na ako ng trabaho ibabalik ko sayo lahat ng tulong mo!”
sambit ko.
“Sira! Hindi naman ako humihingi ng kapalit ah! ‘di ka na mabiro! Kaya nga ba mahal na mahal kita eh!”
ito, sigurado, narinig ko ng malinaw.
“Ha ha Ano kamo? Mahal mo ‘ko?! Diba walang talo-talo?”
“O, ba’t ganyan ka makatingin? Ha ha mahal kita kase bestfriends tayo! Sunga!”
Woah! Muntik na akong mag-collapse,
“Buti naman kung gano’n, kase masasaktan ka lang sa ‘kin. Alam mo naman na ako, si Jennilyn, hinding-hindi na iibig kailanman!”
“Weeh! If I know makakita ka lang ng pogi, kekerengkeng kana naman! He he”
“Sira ka talaga Patrick!”
Kinagabihan, nagpunta kami sa plaza. Pumunta kami sa dating lugar kung saan palagi kaming umiinom. Kina Aling Bebang. Ang sarap kasing uminom dito, ang mga tables nya na may kanya-kanyang payong nasa tabi ng kalsada.
Dito ako dinadala ni Patrick sa twing brokenhearted ako. Sa dami ng naging boylet ko, andami na ring luhang nailabas sa lugar na ‘to, at sa mga oras na ‘yon, ang bff kong si Patrick ang naging karamay ko.
Magkatapat kami sa isang round table at nang makaupo na kami umorder agad sya ng anim na boteng SanMig Light,
“Ano ‘to? Diba sabi ko Tanduay Ice?”
reklamo ko.
“Ha ha Adik! Birthday mo ngayon, kaya dapat SanMig, para medyo malakas ang tama.”
Tumaas ang isa kong kilay, napa-crosshand at nagpukol ako ng masamang tingin sa kanya.
“O, bakit?!”
pagtataka nya.
Binulungan ko sya,
“Baka naman may binabalak kang gawin sa’kin kaya gusto mo ‘kong lasingin?”
pagdududa ko.
“Ha ha ha!”
Bigla syang tumawa ng malakas, pinagtitinginan pa kami nung ibang taong katabing mesa namin.
“At ano naman ang gagawin ko sayo aber? Ha ha ha”
halos mamatay sya sa kakatawa.
“Aba malay ko ba noh! Ano bang ginagawa ng lalaki sa babaeng lasing?!”
Bigla syang tumigil sa pagtawa dahil sa sinabi ko at naging siryoso ang kanyang mukha.
“Hum. Ihahatid pauwi sa bahay nya? Pupunasan ng basang bimpo ang noo, mukha, mga kamay at paa? Ano pa nga ba? Hmm…”
Ha ha Ang cute naman nya. Adik na ‘to, may pagka-caring palang tinatago. Hindi ko naisip ‘yon ah! Ang nasa utak ko kase hahalayin agad! He he
“Talaga? Wala kang ibang gagawin?”
pagpapatuloy ko sa usapan.
“Wala noh!”
“Kahit pa si Michelle ang malasing hindi mo sya chachansingan?”
pang-aasar ko.
Si Michelle kasi, katrabaho nya na alam kong nililigawan nya. Pero atras-abante sya, hindi ko alam kung torpe sya o kung ano, basta ang alam ko, ayaw nyang pinag-uusapan si Michelle.
“O, ba’t naman napasok sya sa usapan?”
sabi na nga ba eh! He he
“Ayyiih… Ba’t kasi hindi mo pa sya tuluyan ha? Maganda naman sya, sexy pa! Baka magsisi ka pag nakuha pa sya ng iba! Sige ka!”
Ang sumunod nyang sinabi hindi ko na naman narinig ng maayos,
“Baka ikaw magsisi pag ako nakuha ng iba.”
bulong nya, at ganyan ko naintindihan.
“Ano?! Ayusin mo nga pananalita mo!”
reklamo ko.
Natatakot na ako. Baka napapamahal na ako sa kanya, baka nagpapahiwatig na sya. Ohw my…
“Uminom na nga lang tayo!”
pag-iiba ko nalang sa usapan.
Hindi ako sigurado sa narinig ko pero kung tama ang hinala ko, sa tingin ko kailangan ko nang dumistansya sa kanya.
Dahil sa oras na magtapat sya sa’kin, katapusan na ng pagkakaibigan namin. Ang friendship na matagal naming iningatan.
Mabilis na dumaan ang oras, dahil na rin sa kwelang kwentuhan, sa aming walang humpay na tawanan kahit pa kaming dalawa lang.
Ayoko sa lasa ng iniinom namin kaya alalay lang ako, pero sya talagang may balak atang sagarin ang sarili, ni hindi naglustay kahit isang patak ng serbesa.
“Teka! Baka ‘pag nalasing ‘to biglang mawala sa sarili at aminin ang hindi dapat aminin.”
bigla kong naisip.
Magyayaya na sana akong umuwi pero bigla nalang bumagsak ang ulo nya sa ibabaw ng mesa.
Blag!
Nataranta ako, nag-alala para sa kanya. Tumayo ako at linapitan sya.
“Patrick, ano bang nangyayari sayo ha? Lasing ka na ba?”
Kinabig ko ang magkabilang balikat nya, iniaangat ko para maiupo sya ng tuwid. Nakapikit sya, parang tulog! Putcha tulog nga ata!
“Hoy Patrick! Tulog ka ba ha? Nasaktan ka ba? Ba’t mo kasi binagsak ulo mo sa mesa–”
Hindi pa ‘ko natatapos magsalita bigla nalang syang sumabat,
“Oo, nasaktan ako…”
Nataranta tuloy ako,
“Saan?”
habang hinihimasmasan ko ang ulo nya.
Kinuha nya ang kamay ko at itinapat ang palad ko sa kanyang dibdib.
“Dito…”
Natigilan ako.
Dama ko ang lamig ng ihip ng hangin.
Heto na ata yung kinatatakutan ko. Ang sabi nya sakin walang talo-talo, tapos sinabi pa nya na imposible daw ma-inlove sya sa’kin, pero bakit ngayon parang iba kinikilos nya.
“Bakit mo ko pinapahirapan ng ganito? Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko, ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. Pero tang-ina! Bakit ba hindi kita pwedeng mahalin ha?! Ano bang drama yan ha?!”
at talagang lasing na nga sya, lumalabas na ang mga saloobin nya.
“Hoy Patrick! Ano bang pinagsasasabi mo ha?! Magtigil ka nga! Tara, ihahatid na kita!”
Ini-akbay ko ang kamay nya sa balikat ko, tapos kinabig ko ang bewang nya para maitayo sya sa kinauupuan nya.
Shit! Ang bigat nya!
Humarang ako ng tricycle sa daan, tapos nagpatulong ako kay Manong driver na isakay sa loob ang langong si Patrick.
“Letche! Lagot ka sa’kin bukas Patrick!”
sabi ko sakanya nang makasakay na kami pareho sa loob ng tricycle.
Nagulat ko ata sya at bigla syang napamulat. Parang huminto ang oras nang magkatinginan kami.
“Sorry, Michelle–”
sambit nya sa mukha ko, kasabay ng pagdukmo nya sa ibabaw ng balikat ko.
Tuluyang huminto ang oras…
Gulat na gulat ako sa narinig ko, parang may kung ano’ng kumirot sa puso ko. Biglang tumulo ang namuong luha sa magkabilang gilid ng mata ko.
So si Michelle pala ang tinutukoy nya mula kanina…ang buong akala ko, ako na.
Hindi ko alam kung mapapangiti ako o maiirita, pero feeling ko parang may sampung Patrick na sumasaksak ngayon sa puso ko.
Inalog-alog ko ang ulo ko,
“Haay! Hindi ka pwedeng magkaganyan Jennilyn!”
sabi ko sa sarili ko.
Muntik nang mahulog ang ulo ni Patrick mula sa balikat ko. Sinalo ko at inayos. Muli kong ibinalik sa balikat ko.
Napatingin ako sa mukha nya. Nagkalat ang bigote at balbas sa mukha nya, ang gulo pa ng buhok nya, pero ang salamin nya ‘di man lang natatanggal, nakadikit ata eh!
Hum.
Napangiti ako.
Napansin ko na gwapo din pala si Patrick. Ngayon ko lang kasi sya napagmasdan ng ganito eh!
O baka naman dahil tipsy lang ako.
Hum.
Napangiti pa rin ako.
“Manong, sa tabi lang po.”
Nagpatulong ako kay Manong driver na ibaba si Patrick at ihatid kahit man lang sa tapat ng gate ng apartment ni Patrick. At matapos kong magbayad ng fare, parusa ang sumunod na nangyari.
Putcha! Ang bigat talaga nya! Hindi naman sya mataba, siguro puro malalaking muscles ang laman sa loob ng black t-shirt nya.
Parusa talaga dahil kailangan ko pa syang iakyat sa hagdan. Ba’t kasi sa taas pa ang unit nya eh! Hmp!
Tulog nga ba sya? Lango lang siguro dahil nakakahakbang pa sya. Shit naman! Pinagpapawisan na ang kili-kili ko!
Hay sa wakas nakaabot din kami sa tapat ng pinto nya. Hinanap ko ang susi sa mga bulsa nya. Isinandal ko sya sa pader at sinimulan ko nang halungkatin ang mga bulsa nya.
Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa nya sa harapan.
Fuck! Napalunok nalang ako nang may makapa akong iba! Letche! Ang likot kasi nya eh!
Dinahan-dahan ko ang pagkapa sa susi, hindi matanggal sa isip ko yung nakabukol na nakapa ko. Sira talaga ang mokong na ‘to! Buti nalang nakuha ko na din ang susi.
Pinasok ko sya, hirap na hirap ako sa pagbuhat sa kanya. Diniretso ko sya sa kanyang kwarto at buong pwersa ko syang hinagis sa kanyang kama.
“Ano ba yan! Nagtutulog-tulugan ka lang ata eh!”
sinigawan ko pa sya.
Malapad yung kama nya pero nagawa nyang sakupin. Aalis na sana ako at iiwan na sya pero bigla syang nagsalita.
“Mahal kita…. Mahal kita….”
paulit-ulit nyang sinasabi pero pikit na pikit sya.
Parang syang nagdedeliryo. Ano naman kaya ang naging problema nila ni Michelle? Kunwari pa sya, mahal din nya pala ang babaeng ‘yon!
Teka! Sa pagkakaalam ko ako ang unang taong pinakaboto kay Michelle para sa kanya, pero bakit parang naiinis ako ngayon?
Haaay!! Ang hirap namang intindihin ng sarili ko! Hindi kaya….
Hindi kaya ako ang may pagtingin kay Patrick? Imposible…
Inayos ko ang pagkakahiga ni Patrick sa kama. Tinanggal ko ang sapatos nya pati medyas. Nakakatuwa dahil ito ang sinagot nya kanina sa tanong ko na kung ano bang ginagawa sa lasing na babae.
Heto, hindi ko maunawaan kung bakit ginagawa ko ngayon, pero gusto ko syang alagaan. Gusto kong siguraduhin na bukas pag-gising nya, maayos na maayos na sya.
Kumuha ako ng basang bimpo sa isang maliit na palangganang may tubig. Piniga ko ito at ipinatong ko sa noo nya.
Hinubad ko rin ang suot nyang damit, pati na pantalon. Nung una naiilang pa ako nang malantad ang suot nyang brief, pero patay-malisya nalang ako at inisip ko nalang na para sa kanya din ito.
Muli kong kinuha yung bimpo sa noo nya. Inilublob ko sa tubig at muling piniga. Tapos, pinunasan ko ang mukha nya, ang mga kamay at paa pati na ang katawan nya para mahimasmasan sya at humupa ang kalasingan nya.
Medyo nagtagal lang ako sa parteng dibdib nya. Hindi ko maiwasang ‘di mapangiti habang pinupunasan ko ang dibdib nya hanggang sa mga abs nya.
“Ang sexy pala ni Patrick…”
ang naglaro sa utak ko.
Ewan ko nga ba.
Dati rati, sa ganitong sitwasyon, makatikim lang ako ng konting alak nag-iinit na ang katawan ko. Pero ngayon kay Patrick, para bang walang halong malisya. Ewan ko.
Kung boyfriend ko lang ‘to siguradong hubad na ako ngayon.
Siguro may nararamdaman na nga talaga ako para sa kanya. Diba gano’n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao? Hindi mo sya kayang pagnasaan kahit pa gaano sya kaganda, kagwapo at kasexy.
Hindi libog eh, hindi kapilyahan, hindi rin kamunduhan, kundi senswalidad, tunay na romantic desires. Hindi sex, kundi lovemaking.
Pero hindi! Kailangan ko itong pigilan. Kailangan kong burahin sa puso ko bago pa ito umusbong. May pangako ako sa sarili ko na kahit kailan hindi na ako muling iibig pa. Hindi na ako magpapatalo sa damdamin ko, siguradong masasaktan na naman ako sa bandang huli.
Kinumutan ko na sya para ‘di sya ginawin. Makapal naman yung kumot kaya okay lang kahit ‘di ko na sya bihisan.
Nagmamadali ako. Ayoko nang magtagal pa sa kwarto nya. Nang matapos ko na syang asikasuhin, lumabas na ako ng kwarto, pinatay ko ang lahat na bukas na ilaw at dumiretso na ako palabas ng apartment nya.
Pagsara ko sa pinto bigla akong natigilan. Nag-aalala ako sa kalagayan nya. Sa tinagal-tagal na panahon naming magkasama, ngayon ko lang na-realized kung gaano kalungkot ang buhay nya.
Paano nga ba nya nagagawang mamuhay mag-isa? Since high school pa sya umuupa sa apartment na ‘to, at hanggang ngayong nagtatrabaho na sya nandito pa rin sya? Hmm…
Ano bang hindi nya maiwan sa lugar na ‘to? Pwede naman syang magtrabaho dun sa probinsya nila, o ‘di kaya’y mag-abroad nalang sya tutal parang pareho din naman magiging sitwasyon nya, kikita pa sya ng malaki.
Teka!
Hindi naman kaya ako?
Malabo…
Hindi naman kaya dahil kay Michelle?
Pwede rin…
Nag-aalala talaga ako para kay Patrick. Mag-isa lang sya tapos lasing pa, sino na mag-aasikaso sa kanya? Gusto ko syang samahan kahit ngayong gabi lang, kaso nagdadal’wang isip ako.
“Hum. Nai-lock ko ba yung pinto?”
sa isip ko. Hindi ko kase matiyak kung na-ilock ko nga ba sa loob yung doorknob nung pinto bago lumabas.
Alam ko na, hihingi ako ng sign,
“Kapag hindi ito naka-lock dito ako matutulog, pero ‘pag naka-lock syempre uuwi na lang ako.”
sambit ko sa sarili ko.
Pagpihit ko sa doorknob, hindi ko naipaikot, so naka-lock, so uuwi na ako. Bumagsak ang mukha ko, nawalan ng kulay. Kapalaran na nagsasabi na ‘di dapat ako matulog sa apartment ni Patrick, pero sa loob-loob ko gusto ko talaga syang samahan.
Paghakbang ko sa unang baitang ng hagdan pababa, nasilaw na lang ako sa liwanag na nagmumula sa isang paso na nakadisplay sa pasamano.
Na-curious ako kaya tinignan ko. Nasilaw pala ako sa liwanag ng buwan na nag-reflect lang sa isang metal na bagay. Isang susi.
Napangiti na lang ako nang subukan ko ito sa doorknob ng apartment ni Patrick. Aba’y akalain nyong bumukas!
ha ha ha Yes!
Naka-lock na yung pinto, pinatay ko na rin ang lahat ng ilaw bago ako muling pumasok sa kwarto ni Patrick.
Nadatnan ko sya na yakap-yakap ang kumot nya, nakabaluktot sya na parang sanggol sa tiyan. Tapos nanginginig ang buo nyang katawan.
Parang syang nagdederilyo.
Nataranta ako. Kumuha ulit ako ng mainit na basang bimpo at pinahiran ko ang katawan nya. Kinuha ko na rin sya ng damit sa may cabinet at binihisan ko na sya at muling kinumutan.
Pero kahit balot na balot na sya sa kumot parang giniginaw pa rin sya. Ang ginawa ko, humiga ako sa tabi nya at pagkatapos niyakap ko sya ng mahigpit, mahigpit na mahigpit, para maramdaman nya ang init ng katawan ko, yung body heat ba. Ganito yung napapanood ko sa telenobela eh!
So ganito ang ayos namin, magkatabi kaming nakahiga sa kama nya, magkaharapan kami, nakayakap ang bisig ko sa kanya pati paa ko nakagapos sa kanya. At sa ganitong posisyon, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Tatlong oras ang lumipas nang mapalingat ako. Pa’no ba naman, nakaramdam ako ng pamamasa kahit wala namang tubig. Ooh basang-basa!
Nagising ako dahil nakahawak si Patrick sa pagkababae ko, at sa pagmulat ko nakita ko agad si Patrick na nakatitig sa akin. Face to face.
“Ahm…”
nagulat ako kaya hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Gusto kong tanggalin yung kamay nyang mapangahas na nakahawak pa rin sa eba ko. Ang likot pa talaga.
“Shh…”
natakot ako sa paghuni nya.
“Ah Jen, pwede bang talo-talo muna tayo ngayon?”
tanong nya.
Nasa estado pa rin ako ng pagkagulat. Ngayon ko lang nakita ang mga mata nya na ganon kapupungay. Ibang-iba ang aura nya, parang nagliliyab sa apoy ang shakra nya.
“Si-sigurado ka ba?”
bigla akong ninerbyos.
“Bakit, ayaw mo ba?”
randam ko rin ang kaba nya.
Alam kong parehong kumakabog ang mga dibdib namin sa mga oras na ‘yon. Pero sa puntong ‘yon nag-iinit na rin ako.
“Gu-gusto….”
Sa maikling tugon ko, nagsimula na syang kumilos. Marahan nyang inangat ang ulo nya, at alam kong ang mga labi ko ang unang puntirya nya, kaya naman binuka ko na agad ang mga labi ko para salubungin ang halik nya.
Umusad ang init pababa sa aking perlas, habang ang shell nito minamasahe parin ng palad ni Patrick.
Tumitindi na rin ang aming halikan, pasidhi ng pasidhi.
Pumaikot kami sa kama.
Gumulong ang mga katawan namin.
Pumaibabaw ako kay Patrick.
Parang akong nakasakay sa big motobike sa pwesto ko.
Minaneho ko sya kasabay ng paghubad ko ng damit ko. Gigil na gigil ako. Lumabas ang lengua ko mula sa bibig ko. Nilakbay nito ang leeg ni Patrick, kasabay ng pagpunit ko sa suot nyang damit.
“Mmmm….”
Antagal ko nang walang sex.
Napapapikit at napapatingala si Patrick sa kakaromansa ko sa dibdib nya.
Bumaba pa ako, pinasadahan ang mga abs nya at dumiretso ako sa pagkalalaki nya.
Ibinaba ko ang shorts at brief nya, at nang bumulgar sa mukha ko ang adan nya lalo akong nag-init. Isinubo ko ito ng buong puso. Dumulas ito gawa ng likido ng lengua ko.
Ineskabetche ko ang hito nya. Maitim, madulas at tunay na masarap.
“Uhmmm…”
Slurp…slurp…gulp…gulp…
Bumibilis ang tibok ng puso ko.
Napakalinamnam ng hito nya.
Binabatirol ko habang patuloy na ineeskabetche.
Biglang nagtagpo ang mga mata namin ni Patrick. Kumislot ang perlas ko na parang lalabas na sa shell ko nang bigla nya akong kindatan.
“Ahihikhi…”
malandi kong ngiti.
Pagkatapos no’n ako naman ang pinaligaya nya. Ako naman ang pinahiga nya sa kama at sya naman ang nagtrabaho.
Relax na relax ako sa kama nang simulan na nyang paghiwalayin ang magkabila kong hita. Binukaka nya. Nagtatampisaw sa lawa ng kaligayahan ang tilapia ko sa sobrang pananabik. Namumula na parang tocino at naglalaway na sa hima.
“Aaahhhhh… Aaahhhh…”
hindi ko mapigil dahil sa sobrang kiliti.
Shit! Ang sarap!
Sinarsyado nya ang tilapia ko. Gigil na gigil ako sa twing dadampi ang lengua nya sa perlas ko. Bukang-buka ang shell ko.
“Aaahhhhh….mmmn….”
Halos mamilipit na ang katawan ko sa sobrang panggigigil, halos maipit na ang ulo ni Patrick sa mga hita ko.
“Ooohhhhwwww…..”
Parang may sinat ako pero walang lagnat, natutuyo pero walang dryer, nababasa pero walang tubig.
Feeling ko andaming likidong dumadaloy sa buong katawan ko.
Napapakagat labi ako, pikit na pikit.
Ang sarap nyang sumarsyado ng tilapia. Kakaibang luto ang natitikman ko. Lumulutang ang isip ko sa ere.
Slippery when wet na talaga ako!
Fuck!
Ilang saglit lang pumatong na sya sa akin. Handa na nyang igarahe ang sasakyan nya.
“Hhaaahh…”
Napalanghap ako ng hangin nang daganan na nya ako.
Ang init ng simoy ng katawan nya.
“Ahh… Ahh ahh”
Pumasok na ang ahas sa lungga!
Atras-abante pagka’t hindi magarahe ng maayos!
At nang swabe na ang pagpasok nito, sinabayan nya ng halik.
Nag-iisang dibdib sina Adan at Eba.
Ang likot ng batuta nya parang oil drilling device. At sa bawat pagbagsak ng katawan nya sa’kin, nang-iiwan ng mainit na kalibugan na gumagapang sa buong kaluluwa ko.
“Aaahhh Aaaahhh Aaahhh”
Kahit hirap na hirap kami at pawis na pawis, hindi pa rin namin alintana ang pagod. Tuloy-tuloy lang ang pagpapaligaya namin sa isa’t-isa.
Hanggang sa magluwa na ng gata ang biyak na niyog!
Pikit-matang ninanamnam ang pagdaloy ng katas sa aking pagkababae.
Hanggang sa maramdaman kong dinidiligan na nya ang bulaklak ko.
Parang tocino sa sobrang pamumula gawa ng longganisa nya.
Pampanga’s best talaga!
At ito ang unang pagsisiping namin ng bestfried ko. Dito nagsimula ang mas malalim naming ugnayan.
No commitment, no feelings attached, no love, no drama, just friends with sexual benefits.
Kinabukasan paggising ko, wala si Patrick sa tabi ko. Pagkatapos kong magbihis lumabas ako ng kwarto para hanapin sya.
Nakita ko sya sa kusina. Abala sya sa paghahanda ng pagkain.
“O, gising ka na pala?”
bati nya nang makita ako. Pinoy talaga, nakita na nga itatanong pa.
“Pinaghanda kita ng almusal. Tara, kumain na tayo, baka ma-late pa ako eh.”
patuloy nya.
Nakadamit pang-opisina na sya. Ang inaalala baka nag-aasume na ‘to eh.
Bangag pa rin ako dahil napuyat ata ako kagabi, pero sya andami nyang nainom pero parang ‘di man lang na-hangover.
Umupo ako sa tabi nya, kaharap ang isang platter ng sinangag, jumbo hotdogs at dalawang piraso ng sunny side up egg.
“Marunong ka pala magluto?”
para lang may masabi ako.
“Ano ka ba, prito lang naman yan eh! Pero espesyal yan, kase…”
nag-pause pa sya,
“…kase para yan sa girlfriend ko.”
Boom! Ayun na! Sumabog na ang bomba ng puso nya.
Napatigil ako sa pagkuha ng kanin at napalingon ako sakanya.
Nagkatitigan kami, napaka-pleasant ng hitsura nya habang ako gulat na gulat.
“Teka! Girlfriend? Ha ha ha Nagpapatawa ka ba Patrick?”
“Pero diba–”
Tinapalan ko agad sya,
“Yung nangyari sa’tin kagabi, wala lang ‘yon. Sex lang naman ‘yun eh!”
Bigla syang nalungkot,
“Ganun ba… Pero pa’no kung mabuntis ka?”
Umiling-iling ako,
“Hindi. Alam ko ang gagawin, kaya don’t worry, safe tayo…”
tinapik-tapik ko pa pisngi nya at may kasamang matamis na ngiti.
Malungkot pa rin sya at parang nawalan pa ng ganang kumain. Siguro nga mahal ako ng bestfriend ko pero hindi bilang kaibigan kundi ka-ibigan.
“Umayos ka nga! Gugulpihin na kita dyan eh! Sabi mo walang talo-talo pero ano ‘tong pinagsasasabi mo ngayon?”
umiiwas pa rin ako.
“Ano bang problema Jen? Andaming dumaan na lalaki sa buhay mo, at lahat sila minahal mo, pero ako!”
napalakas ang tono ng boses nya,
“Ako, matagal mo na akong kilala, matagal na tayong magkasama, pero bakit hindi mo ‘ko kayang mahalin?”
patuloy nya.
“Dahil ayokong mawala ka!!”
hindi ko na rin napigil ang sarili ko.
Nagulat sya sa sinabi ko at tila nagtataka.
“Ayaw mo akong mawala? Kung gano’n magpakasal na tayo Jen!”
“Nahihibang ka na ba?”
bigla akong nanlambot sa sinabi nya.
“Oo! Marahil nahihibang na ako! Jen, gusto kitang makasama habang buhay. Gusto ko ikaw ang maging Ina ng mga magiging anak ko…”
Ano ba yan! Ayoko ng ganito! Ayoko ng iyakan! Nawawala na ako sa sarili ko.
“Hindi Patrick… Kuntento na ako sa ganito. Yung magkaibigan lang tayo. Yung walang sakitan, walang iyakan. Gusto ko lagi lang tayong masaya. Naiintindihan mo ba ako? Ayoko ng Break-ups! Gusto ko habang buhay tayong magkasama kaya kung ano man yang nararamdaman mo, please lang, itago mo nalang…”
Inilahad ko na ang tunay kong nararamdaman. Alam kong sa mga oras na ‘yon hindi ako nag-iisip ng maayos. At ako mismo, sa sarili ko, hindi ko maamin na nahuhulog na rin ang loob ko kay Patrick.
Hinaharangan ako ng takot ko. Takot na baka balang araw kung sakali mang maging kami, sasaktan lang nya ako at iiwan. Ayoko syang maisama sa mga lalaking isinumpa ko.
Siguro nga mahal ko na sya noon pa. Kase lagi ko syang iniisip, gusto ko lagi ko syang kasama, at kapag hindi ko sya nakikita namimiss ko sya.
Nagulat ako nang bigla akong halikan sa labi ni Patrick, kasabay ng paggapos ng mga kamay nya sa katawan ko. Matapos nya akong halikan niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit.
“Sorry Jen… Siguro nga tama ka… I’d rather be your bestfriend, than loosing you at all…”
bulong nya sa akin.
Alam kong umiyak sya nung araw na ‘yon. Alam kong nasaktan ko ang damdamin nya. Pero kailangan ko pa ng panahon at oras na makapag-isa. Hindi pa ako handang pumasok sa panibagong relasyon. At wala na talaga akong balak magsiryoso pa, kung makikipag-boyfriend man ako, wala na akong balak ibigay ang puso ko. Wala na akong balak magpawasak pa.
Pero bakit gano’n? Wala naman kaming relasyon ni Patrick pero wasak na wasak parin ako…
Lumipas ang ilang buwan, muling nasundan ang pagsisiping namin ni Patrick. Hindi man ganun kadalas pero paminsan-minsan dinadalaw ko sya sa apartment nya.
Pansin ko na malamig na ang pakikitungo sa’kin ni Patrick. Kahit parang normal lang ang buhay na ginagalawan namin, hindi parin nya maitatago sa akin ang tunay na kinikilos nya.
At tuluyan nang nagkaroon ng gap sa pagitan namin ni Patrick nang magkaroon na ako ng trabaho.
Twing weekends nalang kami nagkikita, minsan ‘di ko pa sya mahagilap dahil may inaasikaso daw sya. Lagi syang wala sa apartment. Malimit na rin kung dumalaw sya sa bahay.
Madalang nalang kaming nagkakausap, at kahit sa cellphone agad syang nagha-hang, parang iniiwasan nya ako.
Ano ba?! Sana lang hindi ko sya namimiss ng husto. Naluluha na lang ako sa isang sulok, thinking that i’m loosing my very bestfriend.
Sya lang ang taong nakakaintindi sa ‘kin. Sya lang ang taong nakakapagpasaya sa’kin. At ngayon sya din ang lalaking nagpapaiyak sa akin.
May narealize ako. Ako lang ang tunay na nananakit sa sarili ko. Walang kasalanan ang pag-ibig. Walang kasalanan ang kalsadang nilalakaran ko dahil ako ang pumipili ng landas na tinatahak ko.
Hindi ko namalayang isang taon na pala ang lumilipas. ‘di ko akalaing matitiyangyang ako ng isang buong taon na walang boyfriend. Takot na nga yata akong magmahal.
Wala na naman si Patrick sa apartment nya. Birthday na birthday ko mukhang ako lang mag-isa ngayong taon.
Tinext ko si Patrick;
“Moks, sa’n ka? Andito ako kina aling Bebang.”
Tingin ako ng tingin sa cellphone ko sa kahihintay ng reply nya. Palingon-lingon sa paligid. Nagugusot na ang mukha sa namumuong inis. Gusto ko nang itapon ‘tong hawak kong cellphone, gusto ko nang itaob ang lamesa!
Fuck! Ba’t mo ba ako pinaghihintay ng ganito?
Pero bigla naman akong sumigla nang mag-beep na ang message tone ko, at ang inis ko napalitan ng ngiti.
“Oh! Ano’ng ginagawa mo d’yan? Broken hearted ka na naman ba?”
reply nya.
Letche! Hindi man lang ba nya naalala na birthday ko ngayon? Antagal kong hinintay reply nya ah!
Oo! Brokenhearted ako ngayon!
And this time, it’s because of you! Damn you!
Nagtype ako para magreply;
“Siguro nga hindi na ako importante sayo… Sa buong buhay ko na kasama ka, ngayon mo lang nalimutan birthday ko… :’-c”
Isi-send ko na sana pero bigla na lang nagdilim ang paningin ko. Bigla kasing may magkabilang kamay na tumakip sa mga mata ko.
“Ahh! Ano ba?! Sino ‘to?!”
pagkagulat ko.
“Hulaan mo… Ha ha”
Napangiti na lang ako nang makilala ko ang tinig nya.
Si Patrick!
“Akala mo nakalimutan ko na noh?!”
pang-aasar pa nya.
Lokong mokong ‘to! Pa-emote-emote pa ako! Ginu-good time lang pala ako!
Akala ko pa naman nakalimutan na talaga nya birthday ko.
Pilit kong tinatanggal ang mga kamay nyang nakatakip sa mga mata ko pero ayaw nyang bumitaw.
“O teka teka… May surprise ako sayo…”
magalak nyang bigkas.
Umabot na hanggang tenga ang ngiti ko. Aminado akong kinilig ako.
“Aba! Himala may surpresa ka! Ano ba yan? Ipakita mo na!”
pananabik ko.
“O sige heto na. 1… 2… 3!”
sabay kalas sa mga kamay nya.
Sabay kurot sa aking puso…
Ang sakit… Ang sakit-sakit…
Bumulgar sa aking paningin si Michelle. Nakatayo sya sa harapan ko. At ewan ko kung bakit bigla akong nasaktan. Parang pana ni kupido, isang-daang palaso nga lang.
“Ta-da! Girlfriend ko na si Michelle!”
tuwang-tuwa nyang banggit.
Natameme ako at hindi agad nakasagot.
Hmp! Ito yung lagi kong sinasabi kay Patrick noon, ang ligawan at pasagutin si Michelle pero bakit parang tutol na tutol ako ngayon?
Kumikirot na naman ang puso ko.
“Ah. Ganun ba?”
pinilit kong ngumiti.
Isang huwad na ngiti para itago ang tunay kong nararamdaman.
Hindi ko na talaga maunawan ang mga nararamdaman ko. Ano ba ‘tong nangyayari sa sarili ko?
Noon, sa mga nakarelasyon ko hindi ko ‘to naramdaman.
Mahal ko na nga ata si Patrick, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin ito kayang aminin sa sarili ko. at naiinis talaga ako. at naiiyak, gusto ko nang maiyak.
“Happy birthday Jen.”
bati sa’kin ni Michelle.
Hindi ko pa sya agad narinig, buti nalang mabilis akong bumalik sa ‘king gunita.
“Ohw. Thanks! Upo kayo.”
sagot ko.
Akala ko tatabi sa akin si Patrick pero syempre umupo sya sa tabi ni Michelle, at talagang magkadikit pa sila sa sa’t-isa.
“O Jen, since may trabaho ka na, sagot mo ngayon ha?”
si Patrick.
“Sure!”
“Alright!”
Dahil matao ngayon at puro abala ang mga serbidora ni aling Bebang, tumayo si Patrick at sya na mismo ang umorder dun sa counter.
Naiwan kaming dalawa ni Michelle na magkaharap na nakaupo. At makalipas ang ilang miinuto, binasag nya ang katahimikan.
“Madalas kang ikwento sa’kin ni Patrick…”
aniya.
“Ah talaga, ganun talaga yun! Madaldal! Ha ha”
Pansin ko ang pag-ikot ng mga mata nya. Yung mga matang maarte kung tumingin. Tapos, sa huli naging matalim na ang tingin nya sa akin.
“Huwag ka nang magpanggap Jen. Pareho lang tayong babae, at alam ko, sa nakikita ko sayo, may gusto ka sa kanya.”
“Ha?! Kanino?!”
patay-malisya pa ako, pero alam kong si Patrick ang tinutukoy nya.
“Look Jennilyn.”
nabaling ang buong atensyon ko sa kanya nang itaas nya ana kaliwang kamay nya para ipakita sa akin ang suot nyang sing-sing.
“Engage na kami ni Patrick!”
patuloy nya.
Nagulat ako…
pero ayokong maniwala sa sinasabi nya. Alam kong nagsisinungaling lang sya, at ‘yon ang gusto kong ipasok sa kukote ko. Nahihibang na ba sya? baka hindi nya alam na ang bawat desisyon ni Patrick dumadaan muna sa akin.
“Hindi totoo yan! Wala naman syang binanggit sa akin na magpapakasal na sya!”
bwelta ko.
“Bakit, binanggit ba nya sayo na two months na kaming may relasyon?”
nakakainsulto ang ngiti nya.
Ganunpaman natigilan ako. Totoo ba ang mga pinagsasasabi ng babaeng ito? two months na sila tapos engage na?
Fuck! kung totoo man, bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit hindi na nagsasabi sa ‘kin si Patrick?
Hindi na ako nakasagot dahil dumating na si Patrick. Tumahik na lang ako, pero ang puso’t-isipan ko hindi na matahimik.
Itong 29th birthday ko ang masasabi kong pinakamalungkot na selebrasyon sa buong buhay ko. Hindi ko inakalang initchepwera ni Patrick ang pagkakaibigan namin.
Ang masakit pa nito, kung kailan mahal ko na sya at handa ko na syang ipaglaban.
Nalasing ako nung gabing ‘yon. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Basta nagising nalang ako kinabukasan na hubo’t hubad na mag-isang nakahiga sa kama ni Patrick.
Pagbangon ko biglang pumasok si Patrick.
“O, gising ka na pala.”
sambit nya.
Hinatak ko pa yung kumot para saplotan ang hubad kong katawan.
“Ano’ng nangyari kagabi? bakit ako hubad?”
nangangalit kong tanong.
“Ah yun ba, eh lasing na lasing ka kagabi eh, kaya dito kita dinala.”
“Ba’t hubad ako?”
“Ha ha Eh blooming ka kasi kagabi eh, lalo kang gumanda at sumeksi, kaya ayun naaroused ako. he he”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya,
“Ano kamo?! Pinagsamantalahan mo ako nang ‘di ko alam?!”
“O, ano’ng problema dun eh sex lang naman yun at lagi naman natin yun ginagawa ah? Atsaka wala ka ba talagang maalala? nagmo-moan ka pa nga kagabi eh! Hum-oh”
Mukhang nakialam na ang kapalaran sa buhay ko, at ngayon sinisingil na ako.
Ang alam ko pinangako ko sa sarili ko na kung makikipagrelasyon ako dapat, no strings attached, no love commitment, no emotional feelings involve, and most of all no tears and pain.
Pero ngayon, no relationshp but full of break-ups. lots of love, lots of pain. I’m falling in love with a guy that I never had have, and now i’m loosing that guy which all I have.
Ngayon lubos ko nang nauunawaan kung bakit ako iniwan nung mga lalaki sa kahapon ko na nakarelasyon ko.
Hindi pala ang “pag-big” ang may kasalanan kung bakit tayo nasasaktan.
Hindi rin ang taong “umiibig”, kundi ang mga bagay na humihila sa sarili natin.
Pwedeng fears, pride, hezitations, griefs. Sa madaling salita, ang sarili ko ang may sala. Because the final decision was mine, and i’ve “chosen” discouragement.
Puro ako reklamo sa sakit na dinanas ko, feelings ko lang ang inintindi ko pero yung feelings nila hindi ko nakita. Siguradong tulad ko nasaktan din sila. Lalo na si Patrick. Sana lang hindi pa huli ang lahat para magsisi.
“May nakahain dun sa kusina. Kumain ka muna bago ka umalis.”
pag-iiba nya sa usapan.
“Kumain ka na? Hindi mo na ako hinintay?”
pagtataka ko. Dati naman hinihintay nya ako at lagi kaming magkasabay kumain.
“Ah. Sorry, baka kasi ma-late ako eh!”
sagot nya, pero ang atensyon nya nasa salamin habang inaayos ang kurbata nya.
Ako naman, tapos nang magbihis at ngayon nakaupo sa gilid ng kama. Parang wala ako sa sarili ko. Ramdam ko ang problema, at talagang nahihirapan ako.
“Sya nga pala…”
lumingon sya sa’kin kasabay ng paglapit nya. Umupo sya sa tabi ko at kinausap ako ng masinsinan,
“Walang alam si Michelle sa namamagitan sa atin, kaya sana ilihim na lang natin ang sikretong ito–”
Nadudurog ang puso ko sa mga sinasabi nya, kaya di ko na pinakinggan ang mga sumunod pa nyang sinabi. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit. dumaloy ang luha sa mga mata ko nang di ko namamalayan. At nang hindi ko na makayanan, nagtapat ako bigla sa kanya.
“Mahal kita Patrick!”
sigaw ko sa kanya kasabay na masakit na pag-iyak ko.
Napahinto sya at nagulat sa sinabi ko,
“Ano?!”
pagtataka nya.
“Ansabi ko mahal kita! Mahal na kita noon pa man, pero hindi mo ako hinintay!”
nahihirapan na akong magsalita dahil sa nasisinok kong boses, pero nagpatuloy parin ako,
“Sabi ko na eh! katulad ka lang din ng ibang lalaki! Sabi mo mahal mo ako? pero sa sandaling panahon lang pinagalit mo na ako.”
Natigilan sya na para bang nag-iisip ng malalim.
“Kung pipiliin ba kita mamahalin mo na ako? Handa ka nang makipagrelasyon sa akin?”
nagulat ako sa naitanong nya.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Basta sagutin mo nalang tanong ko!”
Napaisip ako. Hindi kaya balak nyang i-cancel ang engagement nila ni Michelle para sa akin?
“Ahm… Oo!”
“Ha ha ha”
Bigla na lang syang tumawa ng malakas.
“Ano’ng nakakatawa sa sinabi ko?”
“Ha ha Bibigay ka rin kasi, andami mo pang pakipot!”
Nagsalubong ang magkabila kong kilay. Napakasiryoso ko tapos tatawanan lang nya ako! Napatulo tuloy ang luha ko.
“Nakuha mo pang magbiro! Nasasaktan na nga ako eh!”
natapik ko tuloy ang balikat nya.
Naging siryoso ang mukha nya atsaka nya ako hinarap. Pinunasan ng mga daliri nya ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
“Miss Jennilyn… Alam mo namang sa simula pa lang ikaw na ang totoong mahal ko. At hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko. At hanggang sa wakas, ikaw at ikaw pa rin ang tanging mamahalin ko.”
buong puso nyang sabi.
“Ano bang pinagsasasabi mo? Paano na si Michelle?”
Gusto ko ang narinig ko, pero kung pinaglalaruan lang nya ako, ‘wag nalang.
“Huwag kang magalala, palabas lang namin ni Michelle yon!”
“Ano?!”
“Nagpanggap lang kaming engaged para pagselosan ka…”
patuloy nya.
Nanlak ang mga mata ko sa sinabi nya,
“Ha? Ibig mong sabihin hindi totoong may relasyon kayo?”
Tumango lang sya.
“Pero bakit mo ginawa ‘yon?”
kunwari galit ako pero ang totoo napakasaya ko sa nalaman ko.
Ang lahat na yon para sakin, paano ako magagalit nyan?
“Para magtapat ka na ng tunay mong damdamin. O diba effective? At ngayong umamin ka na, please lang, wala nang bawian!”
Paano ko pa babawiin sa tamis ng ‘yong ngiti?
Hindi ko magawang magalit
Tuluyan na akong bumigay sa kanyang mga bisig na gumapos sa aking katawan.
Ngunit ang labis kong galak, biglang napalitan ng labis na lungkot.
Ang akala ko ito na ang simula ng magandang lovestory namin ni Patrick. Ito na pala ang wakas.
Tuwang-tuwa naming hinihintay ni Patrick si Michelle para sabihing tigilan na nya ang pagpapanggap dahil kami na ni Patrick.
Pagdating nya sinabi agad ito ni Patrick.
“Michelle, tagumpay ang plano natin! Kami na ni Jen!”
Ang buong akala namin masosorpresa si Michelle, pero putcha! kami ang nasorpresa sa naisagot nya.
“Hindi pwedeng maging kayo Patrick! Dahil buntis ako! At kapag hindi mo ko pinanagutan, I swear to gad, magpapakamatay ako!”
Nabalot ng kilabot ang buong katawan ko, hindi dahil sa pagbabanta nyang magpapakamatay sya, kundi dahil sa nalaman kong buntis si Michelle.
Fuck! Ibig palang sabihin may nangyari na sa kanila ni Michelle.
Nabuo ang isang palaisipan sa isipan ko. Ano nga ba’ng gustong ipabatid ng tadhana?
Noon, gusto akong iwan ng mga ex ko pero ayoko.
Ngayon, ayaw akong iwan ni Patrick pero kailangan!
Wala ng sasakit pa kapag nawala ang taong alam mong iyo na. At kung kailan wala na sya, dun mo lang malalaman ang halaga nya.
Nung nasayo pa sya, kahit magkaharap kayo hindi mo sya nakikita, nung nawala sya dun mo sya nakikita, kung kailan nawala na sya sa harapan mo.
Kapag iniwan ka ng taong mahal mo, huwag mo syang hanapan ng dahilan. Itanong mo sa sarili mo,
“Saan ba ako nagkulang?”
Dahil ang isang bagay na nawala sayo, ikaw din ang may sala.
Hindi pag-ibig, hindi third party, kundi ikaw mismo ang nagpabaya. Ang masakit pa no’n, kung ‘di pa sya nawala, hindi mo a malalamang importante pala sya.
Desidido na talagang maikasal si Michelle kay Patrick, at walang nagawa si Patrick kundi pakasalan siya.
At sa gabi ng honeymoon nila, pinuntahan ako ni Patrick at nagsiping kami.
Nanatili kaming Best of friends with sexual benefits.
Ito ang naging simula ng isang lihim at bawal na relasyon, na alam kong balang-araw ito rin ang magiging wakas ng pagmamahalan namin ni Patrick.
The beginning of the end.
***WAKAS***