ni BigBadBoy
Bago ko ipagpatuloy ang kwento ni Ninong, meron muna kong ishashare sa mga taong nandito at nagbabasa ng mga storya/ blog ko. Matagal ko ng naisulat to nung uso pa ang blogosperya. Inedit ko lang ng konti para mas updated sya for 2015. So trobak muna ulit tayo ‘di bat Huwebes ngayon baka me bago ng palabas… Ahihihihi!
Diskleymer: Ang mga mababasa nyo sa sulating ito ay bunga ng sariling opinion at pananaw ng me akda. Ang lahat ng paglalarawan at impormasyon ay walang basehan at karamihan sa mababasa nyo ay puro imbento lamang ng nagsulat. Kung ano man ang pagkakahawig sa pangalan ng tao, lugar, bagay, hayop sa tunay na buhay ay pawang pagkakataon lamang at hindi sinasadya. Kung naging opensibo man ang pagkakasulat ng kuro-kuro ay humihingi na ako ng paumanhin ngayon pa lamang.
Pag napag-uusapan ang kabit, mistress, kalaguyo, at kung ano ano pang katawagan para sa #2 or yung dehins orig o kaya ay hindi legit na partner eh Natatawa lang talaga ako. Marami pa rin kasi ang hindi marunong maghandle ng illicit relationship to the point na nagkakasakitan na ng damdamin ang bawat isa at nangdadamay pa ng ibang tao sa mga kalokohan ng magkarelasyon. Ang mas nakakatawa pa dun pag yung lalake ang talaga namang kapit na kapit sa mga babes nila. Hindi ko sinasabing wag kang pumuso (well para sa akin i-gauge mo dapat ang sarili mo bago mo pasukin ang sitwasyon). Kadalasan sa sitwasyong ganito talo ang babae, kasi kadalasan mas umiiral sa kanila ang emosyon kesa sa mga lalake na logic ang pinagagana. Sorry for lack of better term, pero mas tanga ang babae pag kabitan ang pinaguusapan.
Meron akong sinulat na dalawangput walong panuntunan ng pagiging kabit, guidelines para sa mga kulasisi. At para naman sa mga lalakeng naghahanap ng kalaguyo kailangan iset nyo ang expectations nila at idiscuss nyo tong maigi bago pasukin ang (pepe) ang relasyon.
Hindi ako baguhan sa mundo ng kaliwaan, nagkaroon na rin ako ng fair share ng excitement at adventures ng pagiging kabit. Nung binata ako, pangarap kong maging kabit ng babaeng asawa ng isang politician or business tycoon tas makikiusap yung original sa akin na layuan ko ang asawa nya. Naghanda na rin ako ng dialogue kung sakaling mangyayari ito.
“Wag ako ang pakiusapan mo, kausapin mo ang babaeng pinakasalan mo pero hindi mo binigyan ng sapat na importansya, atensyon at pagmamahal. Brod, hindi lang pera ang kailangan ng babae, kailangan nila ng taong magmamahal ng tapat sa kanila at hinding hindi sila sasaktan at paiiyakin. Wala akong kasalanan sa nangyari, kung meron man eh yun eh ang pakitunguhan ng tama ang asawa mo”
Tas tutugtog yung kanta ni Zsa-zsa Padilla yung ‘Di ba… ako’y tao lang na nadadarang at natutukso rin… Maiaalis mo ba sa kin na matutunan kang mahalin… Sa bawat sandaling…. Hiram natin’ (Oh di ba!? Napakanta ka pa sa isip mo?!)
Panuntunan ng Pagiging Kabit
1. Hindi ka jowa at lalong hindi ka asawa, kabit ka, know your role and play it accordingly. – Kuya/Ate wag kang assumera bago pa man mangyari ang lahat alam mo na hindi magiging tama ang pinasok mo.
2. Kahit sabihin nya sayong mas mahal ka nya kumpara ke #1, wag na wag kang maniniwala, you’re #2 for a reason. – Ang sabi nga sa nabasa ko, women would fake cumming in exchange of love, men can fake love in exchange of cumming.
3. Walang holiday ang pagiging kabit, meaning, kalimutan mo na ang balentayms, Pasko, Bagong Taon, Undas, Byernes Santo, birthday nya, etc…
4. Makipagkaibigan ka sa sekretarya ng kalaguyo dahil alam nya lahat ng pangyayari at schedule sa buhay ng amo nya. Wag na wag kang makikipagkaibigan sa driver. Ang loyalty ng driver ay nasa nagpapasweldo sa kanya at nagpapakain sa pamilya nya, meaning he owe his allegiance to #1.
5. Wag na wag kang pupunta sa tambayan ni original lalo nasa sa pari kung saan sya nagkukumpisal. Tempting… but no!
6. Wag na wag kang tatawag or magtetext, hayaan mo syang tumawag syo…. Kahit ano man ang mangyari. Wag na wag mo rin syang iaadd sa totoong social media account mo, magcreate ka ng dummy account at dun mo sya iadd.
7. Ang makita kayong dalawa sa pampublikong lugar kahit isang beses lang eh napaka risky, lalo na sa pangalawang beses, wag mo ng intayin ang pangatlo. Sabi nga dun sa nabasa ko, ‘Love is lovelier when it’s forbidden. Because it’s forbidden, it’s supposed to be hidden’.
8. Wag na wag kang magsasalita ng anumang negatib, or panglalait ke #1. Kahit na sya mismo nagkukwento ng mga mali nya at mga pagkukulang. Makinig ka lang wag kang magkokomento
9. Ang kabit kadalasan eh para sa mga mayayamang lalake/babae, pero ang kabit na me sariling pera at independent ay mas palum-palo. (Translation: Wag kang manghihingi ng pera sa kalaguyo mo!)
10. Be discreet (Make sure na sya yung tao na hindi nagsasalita or nagbabanggit ng pangalan ng kung sino man pag natutulog lalo na pag lasing)
11. Kung aalis kayo, wag kayong aalis ng sabay. (Mangyayari ang aksidente and you can never tell).
12. Pag sumira sya sa usapan, charge it to experience. Lalo na pag lalake yan, makakalimot yan tumawag, mag last minute change of plan, and they will even ditch you. Pero wag kang iiyak at maglulupasay pag nangyari yun, chill ka lang. Tandaan ang kabit dapat mas nakakaintindi kumpara ke #1.
13. Ang asawa ni kalaguyo or si #1, me mga chismosang tropa yan at mga espiyang kaibigan , dapat meron ka rin para sa ikabubuti mo. Napakaimportante ng me kakampi ka at napagsasabihan ng nangyayari syo.
14. Wag na wag kang magrereklamo at wag kang masyadong mabunganga, gawain ni #1 yan, wag ka ng dumagdag pa.
15. Sa pagiging #2, triple dapat ang effort sa lahat ng bagay. Hindi pwede dito ang ‘I did my best, but I guess my best wasn’t good enough…” (Ayan napakanta ka nanaman)
16. Ang kabit dapat ang nagtatakda ng oras, Trabaho ni #2 na pauwiin ang kalaguyo pag masyado ng matagal magkasama. (Wag na kayong magextend ng oras sa motel/hotel)
17. Praktikal ang magkaroon ng ibang boylet/ girlet ang kabit. Mas orayt pag kaibigan ni Kalaguyo ahihihihi.
18. Pag ang kalaguyo eh kilala sa publiko at gusto mong gumawa ng drama, yung tipo na kunwari nagkasalubong lang kayo… Wag! Napakaraming pwedeng mangyari sa insidenteng ito.
19. Wag na wag kang magsasalita at makikipagaway sa anak ng kalaguyo mo.
20. I-remind si kalaguyo na bayaran lahat ng gastusin ng cash, wag na wag pagagamitin ang credit/debit card anuman ang transaksyon
21. Wag na wag mong gagamitin ang luha at pagiyak para lang maibigay ang gusto mo. Gawain yan ni #1, wag mong gayahin.
22. Hanggat maaari wag mong sasabihin ang lahat ng tungkol sayo, lalong lalo na ang mga sikreto sa pamilya. Pwedeng magamit ito para iblackmail ka.
23. Wag kang hopia na someday ikaw ang magiging #1.Alisin mo to sa utak mo.
24. Ang lalakeng kasal na at me kabit ayaw na ayaw ng surprises. Tandaan ito.
25. Gumawa ng sarili mong career na makakatulong sayo na makapag ‘move on’ sakaling wala na kayong dalawa
26. Wag na wag kang magbibigay ng maraming regalo, tandaan mo considered na ebidensya ang binibigay mo.
27. When in doubt, dont pray… Disappear!
28. When all else fails, leave!