Maingat na lumabas ng banyo si Jim, saka nagtimpla ng agahan niyang kape.
Umakyat siya sa itaas dala dala ang kape. Naupo sa paborito niyang puwesto sa balkonahe. Saka nagmuni muni. Napapadalas na yata ang pagiisip niya nang malalim.
Sariwa pa sa kanyang alaala ang nangyari sa kanila ni Monique. Heto at may panibago na namang pangyayari na hindi niya inaasahan. Sino ba naman siya para umayaw sa mga ganitong pagkakataon? Masasabi niyang napakaswerte niya ngayon.
Dalawang dalaga. Magaganda, sexy at sariwa.
Wala siyang itulak kabigin sa dalawa. Parehong malilibog, parehong marunong maglandi sa kanya.
Pero tila may mali. Sa tiyempo ng mga pangyayari, maling mali.
===============================================================
“Huwag na po kayong magalit o magtampo…. Please…? Ampangit naman po kasi na ganito ang simula ng 18th year ko…”
Umalingawngaw sa loob ng isipan ni Jim ang mga salitang narinig mula kay Yelan.
Nilingon ni Jim ang dalaga. Nakipagtitigan siya ito, mata sa mata.
“Nami-miss ko na po ang dating kayo tito Jim….”
Tumatagos sa kaluluwa ang pagtitig ni Yelan. Tapat at walang pagkukunwari.
Dama ni Jim ang lungkot sa katauhan ng dalaga. Parang kinurot ang kanyang damdamin.
“Maghanda ka. Swimming tayo. Pasyal tayo pagkatapos.”
“Talaga po???” sabik na tanong ng dalaga.
Ngiti at tango ang isinagot ni Jim.
Sumilay sa mga labi ni Yelan ang isang napakatamis na ngiti. Ang lungkot sa mga mata nito ay napalitan ng saya. Yumakap agad ito sa lalake.
Hinaplos haplos naman ni Jim ang ulo ng dalaga. Saka humalik sa noo nito.
“Mukhang pinaalis niyo po talaga muna sina Moon at Vette bago niyo po ako kinausap ah…”
“Hindi naman sa ganun… ngayon lang kasi tayo nagkaganito na dalawa. Magkakasama kasi kayong dumating eh. Wala tayong panahon para makapag one on one.”
“Natatakot po kasi ako na umuwi dito na magisa. Kaya hiniling ko doon sa dalawa na samahan ako.”
Talagang maaasahan ang mga kaibigan ng dalaga, naisip ni Jim.
“Maghanda ka na… Jelly.”
“Opo.” Mabilis na sagot ni Yelan.
Mabilis ding tumayo sa kinauupuan niya si Yelan. Humarap sa lalake, at dumukwang.
“Youre wearing the necklace…” napansin agad ni Jim ang kuwintas.
“Of course tito Jim. Palagi ko pong suot yan. Bigay mo po eh. Yun pong earrings, hinuhubad ko po pag natutulog ako.” Hinawakan ni Yelan ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi ni Jim, saka ito hinalikan sa labi.
Imbes na magtaka gaya ng dating nangyari nung una siyang mahalikan ni Yelan, iba ang naging reaksyon ng katawan ni Jim. Gumanti siya ng halik dito.
Ilang segundong naglapat ang mga labi nilang dalawa. Ngunit tila napakatagal ng ilang segundong yun.
Nang kumalas si Yelan sa halikan ay nakangiti ito na kagat kagat ang kaliwang bahagi ng pangibabang labi. Nagniningning na ang mga mata nito. Wala nang anumang bakas ng lungkot na kanina lamang ay kapansin pansin.
Agad na dumiretso si Yelan sa kanyang silid. Naiwan si Jim na tila nagiisip.
Kinuha ni Jim ang tasa ng kape saka nilagok ang natitira pa nitong laman. Matapos ubusin ang kape ay tumayo na rin ito at pumasok sa kanyang silid upang maghanda.
——–
Nanumbalik ang sigla kay Yelan. Nakahawak siya sa braso ni Jim habang naglalakad patungo sa sakayan ng jeep. Ang ibang nakakasalubong at nakakasabay nila ay napapatingin sa kanilang dalawa.
Medyo asiwa si Jim dahil sa higpit ng pagkakapulupot ng bisig ni Yelan sa kanyang braso, lalo pa at nadidikit ang dibdib nito. Ngunit pinabayaan na lamang niya ang dalaga dahil sa alam niyang naglalambing lamang ito sa kanya. Para bang bumabawi ito sa ilang araw na hindi maayos nilang pagpapansinan.
“Tito Jim…” idinikit ni Yelan ang kanyang pisngi sa punong braso ng lalake.
“Yes Jelly…?”
“Can you buy me something…? I mean… ok lang po ba kung may ipapabili ako sa inyo…?” tanong ng dalaga.
“Oo naman… pero baka naman masyadong mahal yan… di ko kayanin…”
“Ay hindi naman po… kaya niyo po ito…”
“Sige ba… kelan ba? At ano ba yan?”
“Ngayon po sana. Puntahan po muna natin bago tayo magswimming. Hindi ko na lang po sasabihin. Surprise po kung ano yun.”
“Hahaha… may pa-surprise surprise ka pa ha… sige. Guide me. Ikaw ang nakakaalam eh.”
.
Habang nasa biyahe ay nagiisip si Jim. Bihirang magpabili ng kung anuman si Yelan sa kanya, ni hindi na nga niya matandaan kung kelan ito huling may pinabili sa kanya o kung ano ang pinabili nito. Kaya nung nagsabi ito ay hindi na siya nagatubiling pagbigyan ang dalaga. ang totoo, kahit mahal ang ipabibili nito ay hindi siya magrereklamo. Kung hindi kakayanin ng dala niyang pera ay babalikan nila ito.
“Para… sa tabi lang po…” si Yelan.
Pamilyar kay Jim ang lugar na pinagbabaan nila. Habang naglalakad sila ay mas lalo siyang nagtaka. Pumasok sila sa isang optical at eyewear store.
Kilala ni Jim ang may ari nito.
Naunang pumasok si Yelan. Sumunod naman si Jim.
Pagpasok ng dalawa ay agad silang binati ng nagbabantay dito. Nakita naman ni Jim ang mayari ng shop. Nagkakumustahan, nagkakuwentuhan. Si Yelan naman ay naging abala sa pagsukat ng eyeglasses.
.
Paglabas nina Jim sa tindahan ay nakasuot na ng eyeglasses si Yelan. Matagal na tinitigan ni Jim ang dalaga habang nagaabang sila ng masasakyan.
Napansin naman ito ni Yelan. Nginitian niya si Jim.
“Sensya na po tito ha… napagastos ko po kayo nang wala sa oras…” pinulupot ni Yelan ang mga bisig sa braso ni Jim.
“Ok lang yun. Bakit hindi mo naman kasi agad sinabi sa akin na kailangan mo pala ng eyeglasses. Sana nabilhan na kita nuon pa.”
“Nahihiya po kasi ako humingi sa inyo. Saka nahihiya po akong magsuot ng eyeglasses, baka po hindi bumagay sa hitsura ko…”
“Bagay naman ah. Mabuti at pumayag sila na babalikan at babayaran mo na lang ang eyeglasses pag nagkapera ka na…”
“Kilala po kasi ninyo yung may-ari. Tsaka kilala din po niya ako. Sabi nga po niya, kunin ko lang daw kahit wala pa akong pambayad. Ayoko naman po. Ayoko po ng may utang ako.”
“Nagsabi ka nga kasi sana kaagad.”
“Akala ko po kasi kaya ko pa po ng walang eyeglasses. Napilitan na lang po ako nung one time na gabi at hindi ko na maklaro yung signboard ng jeep. Iba po yung nasakyan ko. Hahahaha…”
“Hahaha… nangyari na rin sa akin yan. Bayad na lang. Tapos baba sa unahan.”
“Ganun din po yung sa akin. Nalaman ko na lang po na mali ang nasakyan ko nung may nagabot ng pamasahe tapos sinabi kung saan siya bababa… act cool lang po ako. Bayad. Tapos baba sa unahan. Para di nakakahiya. Hahahaha.” Kuwento ni Yelan.
“Hirap din naman kasi pag gabi na. Yung ibang driver pa, nakahigh pa ang headlights. Diretso sa mata. Di mo makita yung signboard.”
“Ay totoo po yan… tamad po kasi siguro yung iba na mag low light… sapul sa mata… wala na. Zero visibility na kaagad.”
Nanatiling nakatitig si Jim kay Yelan habang naguusap sila.
“Tito Jim, you keep on looking at me… kanina pa po yan… is there something wrong po ba? The eyeglasses doesn’t fit me po ba? Di po ba bagay sa akin?”
“Ah nooo… naninibago lang ako. Youre still very pretty. Pero nagkaroon ka ng bagong character…” sagot ni Jim.
“The same me with a new something… parang ganun po ba yun?” tanong ni Yelan.
“Well… I cant think of a better explanation than with a food…”
“Sige po. Explain niyo po.”
“Its like a cheesecake. Basic cheesecake. Very nice to look. Very yummy. When you put on a topping, say strawberry, it becomes strawberry cheesecake. Still very nice to look. Still very yummy. But with a different flavor. A different character.”
“Oooohhh… that makes sense.” Napangiti si Yelan. “And the comparison… cheesecake… from Jelly, ngayon naman cheesecake… hihihi…”
“Hahahaha… wala kasi akong ibang maisip agad eh. Yun lang ang pumasok sa isip ko.”
“I like it naman po tito. Specially when you mention yummy. Hihihi…” napangiti si Yelan.
“Well, totoo namang yummy ang cheesecake…”
“I know tito Jim…” pagsang ayon ni Yelan. “Nasimulan mo na rin lang po tito, matanong na lang po kita.” Humarap si Yelan sa lalake. “Ano po ba sa tingin niyo tito Jim…. Yummy ba ako o hindi?” nagpalabas ng isang napakatamis na ngiti ang dalaga.
“Ha?” nagtatakang tanong ni Jim.
“Am I yummy or not?” muling tanong ni Yelan.
Una, si Monique. Pangalawa si Evette. Same line. Same question. Same follow up question. Nagulo ang isipan ni Jim. Hindi niya alam kung sinadya o nagkataon lang. O sadya bang magkapareho lang ang takbo ng mga utak ng tatlo?
“Sagot na po tito. Yun pong honest ha.” Nanatili ang matamis na ngiti sa mga labi ni Yelan.
“Yes. I think so.” Sagot ni Jim na nakatitig ng diretso sa dalaga.
“Thanks for answering tito….”
Matagal na nagtitigan ang dalawa.
“Now im a yummy cheesecake. Flavor? Let me guess.” Napatingin si Yelan kay Jim na tila nagiisip. “Strawberry. 100% sure.”
“Hahaha.” Napatawa si Jim. “How did you know?”
“Strawberry jam, strawberry milk, strawberry flavored drinks, strawberry tea…. I know you like strawberries. And I know you like me, the way you like strawberries.” Sagot ni Yelan na isinabay ang isa pang napakatamis na ngiti. “Or… maybe more than strawberries. You love me tito Jim. I just know that.” Sambit ng dalaga sabay para ng paparating na jeep.
“Tito Jim…” lumapit si Yelan sa lalake. “Cheesecake means sexy and scantily clothed women. Hihihi…” Bulong ng dalaga.
Pagtalikod ni Yelan ay nalanghap ni Jim ang halimuyak ng dalaga. Ngayon lang niya napansin, amoy strawberry ang pabango ng dalaga. Bigla din niyang naalala, amoy strawberry ang buong silid ni Yelan.
Umakyat na sa jeep si Yelan. Nasa likuran siya. Napatutok siya sa puwet ng dalaga. Sumagi sa isipan niya.
Strawberry CHEESECAKE seems very fitting.